SEC. ROQUE: [AIRING STARTS] na nasa ilalim ng GCQ ay ang Iloilo City, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City; municipalities of Minglanilla and Consolacion in Cebu, Talisay City – lahat po iyan ay nasa probinsya ng Cebu sa Visayas.
Ang iba’t ibang lugar po ng Pilipinas ay mapapasailalim po sa Modified General Community Quarantine or MGCQ. Iyong mga ilang probinsya po, mga highly urbanized cities at independent component cities ay kinakailangang siguraduhin ang strict enforcement ng local action.
Ang National Task Force po at ang Department of Interior and Local Government ay inatasan na siguraduhin na iyong mga areas kung saan kinakailangan ng local action ay magpapatupad po ng istriktong localized or granular lockdowns sang-ayon po sa zoning containment strategy, minimum health standards, pagsusuot po ng mask, paghuhugas ng kamay, pagso-social distancing at pagsusuot po ng face shields sa trabaho at sa mga pampublikong sasakyan. At kinakailangan po magkaroon po ng pinaigting, pinalakas na isolation, 1 is to 15 ang minimum po and quarantine of close contacts and isolation of confirmed cases.
Meanwhile, ang quarantine classification po ng National Capital Region; probinsya ng Bulacan, probinsya ng Cavite, Laguna at Rizal ay iaanunsiyo po ng ating Presidente galing po sa Davao sa darating po na Lunes.
Ang classification po para sa NCR, Cavite, Laguna at Bulacan ay mananatiling Modified ECQ hanggang disi-otso po ng buwan na ito. Abangan po natin kung anong magiging classification nila pagdating po ng Lunes.
Okay, iyon lang po ang ating anunsiyo dahil nga po sa pagpupulong ng IATF kahapon at dahil po iyong rekomendasyon ay naaprubahan kagabi ng ating Pangulo.
Simulan na po natin ngayon ang ating open forum, kasama po natin si Usec. Rocky. Usec. Rocky…
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Roque. Secretary Roque, kung iko-consider daw po ng IATF na manatili sa MECQ ang National Capital Region at iba pang nearby provinces since nakapagtala po kahapon ng second highest ng kaso ng COVID-19 ang Department of Health?
SEC. ROQUE: Lilinawin ko po ‘no, maski sa mga lugar na nasa ilalim na ng GCQ at pati nga iyong mga nasa ilalim ng MGCQ, magkakaroon pa rin po tayo ng localized ECQ. So wala po talagang katapusan ang ECQ dahil ang ating ECQ ngayon, localized or granular. So pagdating po sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal kahit ano pa pong CQ iyan, patuloy pa rin po ang ating localized at granular lockdowns. Ang diperensiya, lalo po nating hihigpitan.
At ngayon nga po ang hinahabol natin iyong mga clusters ng sakit ‘no. Iyong mga clusters ng COVID kung nasasaan sila, iyan po talaga ang ila-lockdown, hindi nga lang po iyong buong siyudad, hindi nga lang po iyong buong probinsya kung hindi iyong lugar kung nasaan naroroon po ang mga clusters.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Genalyn Kabiling. Ito po rin iyong mga tanong na nakuha natin noong mga nakaraan ninyo pong press briefing. Ang tanong po niya: What’s the likelihood that Metro Manila and four nearby areas will return to GCQ? Is the government willing to tighten the lockdown if the medical community appeals for another timeout?
SEC. ROQUE: Nasa kamay na po iyan ni Presidente, siya po ang mag-aanunsiyo sa Lunes galing po sa Davao ‘no at mayroon na pong rekomendasyon na binigay ang IATF pero hindi po natin pupuwede pangunahan ang ating Presidente.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod po niyang tanong: Secretary Roque, will the President consider NEDA Chief Karl Chua as next PhilHealth Head? Do you think he will be an asset to PhilHealth or is more qualified as one of the government’s economic managers?
SEC. ROQUE: Alam ninyo pagdating po sa appointment, talagang tanging Presidente lang po ang makakasagot niyan. Maski ako po’y tagapagsalita, wala po akong kapangyarihang sumagot diyan dahil appointment is exclusively the prerogative of the President.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, mayroon lang din pong ilang tanong pa rin dito noong mga nakaraan ninyong press briefing. Tanong po ni Mikhail Flores ng AFP: President Duterte offered himself up to the first Filipino to receive Russian vaccine. Why is he backing off from his claim and will only receive the vaccine after clinical trials have concluded?
SEC. ROQUE: Hindi po siya nag-back out kung hindi sinabi lang po ng DOST na ang kauna-unahang pagkakataon na pupuwede siyang magpaturok ay May 1 ‘no pagkatapos po ng third stage o third phase ng clinical trial na gagawin po dito sa Maynila at sa Moscow.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ito pong tanong na ito dapat po sana kay DepEd Secretary Briones from Celerina Monte kasi mayroon daw pong public—some public schools in the provinces are asking donation daw po for the printout of modules and other materials. Kung okay lang po bang manghingi ng donasyon o may budget po ba ang DepEd para dito? Magkano po ang budget sa blended learning for school year 2020-2021? Mula po kay Celerina Monte ng Manila Shimbun.
SEC. ROQUE: Well naniniwala po ako na mayroong budget po para sa mga modules at kaya siguro humingi ng donasyon kasi medyo papalapit na iyong orihinal na pagbubukas ng pasok na beinte kuwatro sana ng Agosto. Pero ngayong na-move na po sa Oktubre, siguro mayroon namang sapat na panahon para ipaikot ng DepEd iyong budget para sa modular learning.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, iyan lang po iyong ating mga nakalap na tanong mula sa ating mga kasamahan sa MPC. Pero kunin ko na rin po iyong reaction ninyo doon sa naging desisyon po ng Korte Suprema, with finality na po iyong kay Mary Jane Veloso na makuha iyong kaniyang—makapag-submit ng kaniyang testimonya.
SEC. ROQUE: Well, nagagalak po kami diyan ‘no dahil at least makikita natin na si Ms. Veloso po ay naging biktima ‘no kung tatanggapin iyong kaniyang testimonya.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Secretary. Iyan po iyong ating mga nakuhang tanong sa ating mga kasama sa media.
Pasensya na po Secretary, may pahabol po si Leila Salaverria. Ito po iyong tanong niya: What are the government’s plans/goals between August and the opening of classes in October aside from ensuring the printing of all modules for students? What new programs will be carried out if any to ensure preparedness for blended learning?
SEC. ROQUE: Well, lahat naman po ng preparasyon ay ginagawa ng DepEd. Dahil na-postpone po ang pagbubukas ng pasok sa Oktubre, ibig sabihin mas maraming panahon pa ang pupuwedeng magugol ng ating DepEd ‘no para masiguro na seamless ang pagbubukas po ng ating klase.
Pagdating naman po dito sa coronavirus, magkakaroon po tayo ng panibago na namang programa. It will be announced po in due course.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Secretary Roque. Good morning po.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat po. Sa ngalan po ng ating Presidente, Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na nagsasabing hanggang sa Lunes. Pilipinas, please keep safe. Magandang umaga po sa inyong lahat.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)