Press Briefing

Press Briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque


Event Press Briefing

SEC. ROQUE: Magandang tanghali pong muli. Pasensiya na po, nagkaroon lang ng technical glitch.

Pero kagabi po ay nagbigay ng kaniyang regular na Talk to the People Address ang ating Presidente, Presidente Rodrigo Roa Duterte, at ito po ang ilang mga highlights:

Nagpaalala po ang Pangulo na kinakailangan na mahigpit nating sundin ang COVID-19 vaccination priority list ayon sa patakaran ng World Health Organization at ng COVAX Facility. Mayroon tayong apatnapu’t apat na milyong doses from COVAX Facility na pupuwedeng madiskaril kung mauulit ang mga insidenteng may nauuna sa pila.

Narinig din natin kagabi ang pahayag ng dalawang miyembro ng ating economic team, si NEDA Acting Director General Karl Chua, DTI Secretary Ramon Lopez na nagsabing ang pagbubukas ng ating ekonomiya noong isang taon ay hindi naman po nagresulta sa pagtaas ng mga aktibong kaso ng COVID-19.

Bago rito, naging guest na po natin si Secretary Chua kung saan ipinaliwanag niya ang cost-benefit analysis ng quarantines at ang pangangailangan na i-manage ang risk. Ang goal is to achieve total health. Dahil bukas na ang ating ekonomiya, patuloy ang pamumuhunan or investments bagaman tayo ay nasa gitna pa po ng pandemya. Ang ating total investment po ay tumaas ng 137 billion, ito po ay mas mataas ng 64.65% kung ikukumpara doon sa nakalipas na tao. Ang ating employment naman po, iyong mga nagkaroon ng bagong trabaho ay tumaas din po, nagkaroon po tayo ng 12,013 ang nagkaroon ng trabaho at ito po ay tumaas nang [garbled] kung ikukumpara sa parehas buwan noong nakalipas na taon.

Samantala, mayroon po tayong 916,163 business names na nairehistro noong 2020 – mas mataas ng 44% noong nagdaang taon. Habang umabot naman po sa 88,574 na e-commerce business registration bago matapos ang 2020 kumpara sa 1,700 noong kakasimula lang ng 2020. Talaga naman pong nag-boom ang online selling at delivery ngayong may pandemya. Isa itong halimbawa na mayroon pa rin pong opportunities pati sa gitna ng krisis.

Tuluy-tuloy rin po ang ating livelihood programs. Ito po iyong kasagutan natin kay kasamang Melo, iyong tinanong niya tungkol doon sa mga pondong naipautang na ng SB Corp., ng Landbank at ng DBP. Mula Enero noong nakaraang taon hanggang Marso ngayong taon, mayroon tayong na-assist na 56,281 medium and small-scale enterprises; nakapag-conduct ng 15,653 negosyo clinics; nabigyan ng 377,406 na mga indibidwal ng impormasyon na may kinalaman sa iba’t ibang livelihood opportunities. Na-cover natin ang nasa 5,886 na mga barangay.

Kaugnay nito, ito po ang iilan na mga naitulong or assistance ng ating government finance institutions para sa ating mga micro, small and medium enterprises or MSMEs mula noong nagkaroon po ng pandemya. May nai-release na po tayong mahigit limang bilyong piso or 5.28 billion na pautang ang Landbank sa ilalim ng kanilang I-RESCUE or Interim Rehabilitation Support to Cushion Unfavorably Affected Enterprises by COVID-19 lending program kung saan may 208 borrowers ang nakinabang sa kinabibilangan ng 167 MSMEs, tatlumpu’t apat na kooperatiba, apat na micro-finance institutions, at tatlong malalaking korporasyon.

Samantala, ang Development Bank of the Philippines ay nag-rollout din ng isang special lending program para makabangon ang MSMEs, ito ang DBP Response – MSMEs Recovery kung saan nasa mahigit labindalawang bilyong piso or 12.5 billion ang na-disburse sa [garbled] beneficiaries.

Tumaas naman po ang loans guaranteed ng Philippine Guarantee Corporation sa ilalim ng MSME Credit Guarantee Corporation or MCGP ng 360%; mula 207 million noong December ng 2020 ito po ay naging 925.5 billion nitong nakaraang buwan. As of February 2021, umabot na po sa 8,839 MSME beneficiaries.

Habang iniingatan natin ang hanapbuhay, huwag po tayong magkakumpiyansa, narito pa rin po si COVID-19 at ang kaniyang mga variants. Ang COVID spike na nararanasan natin ngayon ay dahil nga po sa kombinasyon ng [unclear] optimism, iyong vaccine optimism, kumpiyansang mayroon ang bakuna kaya marami sa atin ang naging lax sa pagsunod sa minimum health standards at saka po siyempre iyong mga bagong variants. Kailangan pa rin: Mask, hugas, iwas at kung pupuwede na, bakuna.

Isang bagay na sinususugan ng Philippine National Police kagabi kung saan sinabi po ni PNP Chief Police General Debold Sinas na ang hindi pagsusuot ng mask ang top violation ng minimum health standards. Makikita po ito sa slide ‘no. At pumapangalawa naman po ang hindi pagsunod sa social distancing. Samantalang pangatlo ang hindi pagsuot ng face shields. Walong buwan ang coverage ng report na ito, mula August 20 hanggang March 23, 2021.

Usaping bakuna po tayo: As of March 23, 2021, mahigit kalahating milyon na po or 508,332 ang nabakunahan, katumbas po ito ng 41.7 ng lahat ng ating mga frontliners. At dahil may dumating na karagdagang 400,000 na bakuna kahapon lamang, tuluy-tuloy lang po ang pagtaas ng bilang ng mga mababakunahan.

COVID-19 updates naman po tayo: Mayroong nai-report kahapon na 6,666 na mga bagong kaso ayon sa March 24 case bulletin ng DOH. At nananatiling napakataas ng bilang mga gumagaling, nasa 579,518. Samantalang ang mga namatay na po ay umabot na ng 15,039 pero 1.91% pa rin po ang ating case fatality rate. Nakikiramay po tayo doon sa mga namatayan.

Tingnan naman po natin ang confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset Philippines as of March 24: Nakita po natin na talagang nalampasan na natin iyong pinakamataas na numero ng COVID na nakamit natin noong nakalipas na Agosto noong nakalipas na taon. At karamihan nga po ng mga kaso ay nanggagaling po sa NCR at Region IV-A.

Okay, tingnan naman po natin ang regional healthcare utilization rate: Makikita po natin na mayroon na pong isa ang CAR na lumampas po ng moderate risk pagdating sa regional healthcare utilization rate. Pumapangalawa na po ang Region III at sumusunod po ang NCR, pagkatapos po ay sumusunod ang Region IV-A.

Ito naman po ang ating status ng ating temporary treatment and monitoring facilities as of March 24: Makikita po natin na ang Metro Manila po ay nasa 69% na o nasa high occupancy na tayo. Nasa high occupancy na po tayo pagdating sa TTMF. Bagama’t sa nasyonal po, pang-nasyonal ay mababa pa rin po ang total TTMF utilization. Ito po iyong dahilan kung bakit tinanong natin kung kailan mabubuksan muli iyong mga mega TTMFs facilities natin kagaya ng Ninoy Aquino Stadium, iyong Rizal Memorial Stadium at saka iyong Philippine Arena dahil ito pala po ay sinara noong bumaba ang mga numero ‘no. Pero ang sabi po ni Secretary Duque, bukas na po ang dalawa – iyong Ninoy Aquino at saka iyong ating Rizal Memorial Stadium. Iyong Philippine Arena, papalitan na po natin ng mga … iyong dating Manila Times campus diyan po sa Subic Bay Authority ‘no.

Okay, now mayroon po tayong kasama ngayong mga bisita. Unahin na po natin si Chairman Benhur Abalos. At ang tanong, Chairman Benhur Abalos, is ano ba ho ang tantiya ng ating mga mayor sa Metro Manila? Sapat ba ho itong mga hakbang na ginawa natin para mapababa ang mga numero ng COVID-19? The floor is yours.

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Magandang tanghali po, Spokesperson Harry Roque, sa mga kasama po natin sa media, mga kasama ko po ngayon sa panel ‘no.

I’ll just give you a brief, very brief presentation lang po ‘no, iyong binigay ko po kagabi. So this is now the situationer in Metro Manila COVID response: Ito po iyong pinapadala po sa amin mismo ng mga city administrators po ng mga lungsod at munisipiyo ng Kalakhang Maynila. So ito po ay very crucial sa amin ‘no, February 22 was the date that when we had the lowest case in Metro Manila. At that time, we only had 3,767 cases ‘no. In fact, ang gusto pa nga ng mga alkalde ay i-lower ang ano … from GCQ to MGCQ, but we were vetoed by the President. But then, after just a period of three weeks, almost 3.5% tumaas ng 12,000. Talagang kabigla-bigla po itong pagtaas na ito. Dahil dito ay nagkaroon ng MMC resolution na itong March 15, na kung saan ay may curfew, of course, before that bawal ang mga cinemas, etc. And not only that, naglagay rin ng tinatawag na iyong edad, tinaasan ng 17 pababa ang bawal lumabas sa Metro Manila.

So as early as March 15, talagang ang mga mayors ay humingi na ng advice sa DOH, sa mga health experts, and they came out with this. At during those times, itong apat ang talagang ginawa – aggressive contact tracing, aggressive community testing, isolation and granular lockdowns.

So, MMDA have allocated for this period 300 contact tracers to the 17 LGUs, while the PNP, through General Danao, General Debold Sinas and Usec. Florece have allocated 362 virtual contact tracers and this is now on top of the LGU contact tracers. So, madami na po, kasi dapat talagang mahanap kaagad dahil alam naman ninyo ang asymptomatic, umiikot po iyan, nakakahawa eh.

So, dahil po rito ay tinawagan ko po si Sec. Vince, our Testing Czar at humingi po kami ng 25,000 testing kits with the Red Cross and this we distributed dito po sa mga Mayors ‘no. So more or less if you are going to look at this, it’s just a period of six days talagang intensive po ito. NCR has one of the highest swabbing tests in whole country. And of course, this is on top of the LGU testing, kung titingnan po ninyo it’s an average of almost 3,933 testing every day or a total of 23,595.

So, ang importante at ma-isolate kaagad ng mga asymptomatic, dahil nakakahawa po sila. At ito natutuwa po ako hindi lang po itong mga hotels, right now, it’s 91% occupancy, pero nakakuha po kami ng sulat kay [Sec.] Dr. Briones ng DepEd. Sumulat po kami sa kanya requesting for the schools of each LGUs baka puwedeng magamit for isolation or temporary facilities. At sumulat po siya na pupuwede raw, pupuwedeng gamitin and she has provided three conditions. Number one the school buildings can be used as a last resort and there are no other facilities available.

Number two, such building should meet the requirements of the IATF and DOH for vaccinations centers and number three other COVID related activities should not be conducted in schools where vaccination centers are located.

Napakalaking bagay po nito sapagkat makakatipid na po tayo sa mga hotels at the same time, hindi na po lalayo iyong mga tao, mas magkakaroon po kami ng maraming isolation facilities.

And of course, we have got this temporary treatment and monitoring facilities. Ito naman po iyong mga facilities sa LGUs na kung saan mino-monitor din iyong mga may sakit na mga positive, mild at asymptomatic para huwag na po silang humalo pa sa hospital. Kasi kung hahalo pa sila sa hospital, makakarami lang sa ospital na hindi naman kailangang dalhin sa hospital. So ang amin pong ang occupancy rate dito is about 71.48%.

Of course, pagkatapos pong ginawa iyong masusing iyon, iyong apat na iyon, ito po ang pinakamatinding ginawa, and this is the granular lockdowns. Instead of having this total lockdown of the whole of Metro Manila, binigay namin sa mga mayors for them to determine on their particular cities, kung may clustering of this COVID cases. So kung titingnan po natin dito, isa sa pinakamalaki ang Quezon City. Talagang nag-lockdown si Mayor Joy, si Mayor Isko ng Manila, so granular po ito. I am talking of streets, I am talking of clusters of houses or even one barangay for that matter, even Navotas at that.

So, kung nakikita po ninyo rito, it’s a total of 169 granular lockdown as far as our records are concerned. Hindi ko lang nakita po rito ang Pasay, pero I am very sure, ang Pasay ay maraming lockdowns din na ginawa.

So, sa lahat na pong ito, I made representations with Secretary Vince, with USec. Florece na ang sabi ko po baka naman pupuwede na isama na sa same region na rin ang area ng Rizal, ng Bulacan, ng Laguna and Cavite. Why? Kasi po labas-pasok lang sa Metro Manila, para lang kaming nagpi-ping-pong; gamot kami nang gamot. At mahirap namang i-lockdown ang buong Metro Manila as a whole, iyong borders po. We have had that sad experience before na kung saan ang haba ng pila sa Rizal, sa Bulacan, etc. So might as well siguro ang gawin natin isang region na lang para sabay-sabay nang uniform po ang mangyayari dito at mas maganda ang pag-ano ng mga action dito.

So nagkaroon tayo ng regular bubble at NCR plus, ito pong IATF, pinasa po nila. But for the meantime ang ginawa rin ng mga mayors, kasi po alam ninyo itong isyu ng gym, ng spa, ng internet café, hindi po pupuwedeng bukas sa isang lugar, sarado sa isa. So ang ginawa nila uniform and this is what I could assure the media right now, as what really kept us going in Metro Manila. Alam kong ito pong nangyayari ngayon ay, for me ha personally, tingin ko it’s because of the variant, talagang kakaiba. Mga siyentipiko siguro nakikita nila, maaaring maraming causes, but for me the major release of the variant dahil talagang biglang nag-spike eh. But one thing about this, this is what I can tell you, sa Metro Manila for major policies, one voice po kami rito. Walang malaki, walang maliit na lungsod, and that is the secret. Last year napababa po and that is what we are doing right now. Talagang tulungan lang ng bawat isa at masaya kami, kasama na namin ngayon ang Rizal, ang Bulacan, ang Laguna at Cavite.

One thing pala, last. If you are going to look at the cases, let’s look at Pasay for example. Ang Pasay po ay nag-spike siya before ng 220. Talagang nag-spike siya ng 220, I think that was March 9 to 12. So, dahil po sa spike na ito kung titingnan po natin, nakakagulat dahil ang increase niya ay 220, nag-increase siya ng 80, pero lately ang increase niya hindi na po ganoon kataas. Hindi na siya nag-i-increase ng more than 50, kasi ito on a period of three days, so you are talking of about 75 cases a day.

Hopefully, I am just crossing my fingers, tumataas pa rin ang Pasay, pero hindi na kamukha dati. Nauna lang po sa amin ang Pasay ng 10 days. Sana po iyong ginagawang efforts na ito ay for the next coming days ay magbunga naman po ng maganda. Salamat po.

SEC. ROQUE: Bago po tayo magpatuloy, mayroon lang po akong mali yatang nabasa kanina. Iyong mga loans na ginarantiyahan po ng Philippine Guarantee Corporations sa ilalim ng MSME Credit Guarantee Program or MCGP ay tumaas ng 360% mula 207 million noong December 2020, ito ay naging 952.5 million nitong nakaraang buwan.

Okay, punta naman po tayo kay Undersecretary Paola Alvarez. Ma’am, sabi noong Makabayan bloc, utang daw tayo nang utang at hindi naman daw natin ini-explain sa taumbayan kung saan natin nagastos iyong mga salaping inutang natin. Ma’am, can you explain to the nation and to the Makabayan bloc kung magkano talaga iyong ating nautang because of COVID at kung saan po napunta itong mga pinangutang natin. The floor is yours, Undersecretary Alvarez.

USEC. ALVAREZ: Maraming salamat po, Secretary Roque. At puwede po nating i-request na iyong ating presentation i-share lang p0 sa screen. So kagabi po klinarify ni Secretary Dominguez na ang ating total loan para po sa ating vaccine procurement ay nasa 82.5 billion pa rin po. Out of this 82.5, iyong 70 billion po ay manggagaling sa un-programmed funds na nakukuha po natin kapag mayroon tayong additional financing support or additional revenues na nakolekta po ng ating BIR at Customs.

Klinarify po niya na iyong ating US$1.2 billion na loan or around 58.5 billion for COVID vaccine procurement ay nanggagaling po iyan US$500 million galing po sa World Bank, ang 400 million po ay galing sa ADB at ang 300 million ay galing po sa AIIB. So ang nakikita po ninyo ngayon, iyong converted rate na po.

So iyong sinasabi po natin na ating ika-clarify ay sumulat na rin po tayo sa ating Senate President at sa atin miyembro ng Senado at ini-explain po natin na iyong na iyong 1.7 billion out of the total 2.4 billion na ating pinag-uusapan na hindi po klaro kung saan napunta iyong proceeds – ang 1.7 billion po ay ginamit natin para bumili ng additional medical, laboratory equipment, reagents, PPEs, ambulance at other essentials for medical frontliners. So kailangang po natin itong i-distinguish.

Maliban po diyan iyong natira po na sinasabi nila ay ginamit rin po natin para sa budget support.

So maliban po doon sa actual vaccine procurement at saka doon sa kinakailangan ng ating mga frontliner, mayroon din po tayong overhead siyempre para po iyong ating iba’t ibang departamento sa gobyerno ay nag-function pa rin po kahit na po mayroong pandemya, so budget support po iyon.

Pero ang gusto po nating ipaalam ay iyong total po para sa vaccine procurement. So iyon lang pong sa bakuna ay nasa 82.5 billion. So brinake down naman po natin iyan at kung gusto po nilang makita iyong kopya ng ating mga loan agreements, naka-upload din po ito sa ating Facebook at saka sa DOF website.

So back to you po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Assistant Secretary Paolo Alvarez.

We now go to Dr. Teddy Herbosa. Dr. Herbosa, I know you are a consultant of the National Task Force on COVID-19. But I also know that in the private sector, your specialty is the field of emergency medicine. Mayroon po kasing mga senador na nagmungkahi na buwagin na raw ang IATF sa gitna ng pandemya. Ano ba ho ang professional opinion ninyo sa mga panawagan na iyan? The floor is yours, Dr. Herbosa.

DR. HERBOSA: Thank you, Secretary Roque, for the opportunity. The COVID-19 pandemic is really a challenging problem and because it’s a new pandemic and it’s a new virus. And the pandemic itself is also evolving. Other countries are already experiencing their third and even their fourth wave.

As the virus changes, so will our strategy change. And the changes that we have to do, we have to make several adjustments over the year and we are going through some problems along the way but the virus is also evolving in front of us.

Now, the abolition proposal of the IATF goes against principles of disaster and emergency medicine; this is my subject matter at the Philippine General Hospital of which I teach many of the doctors. And the fundamental principles in a pandemic response are the three ‘Cs.’ Namely command, coordination and communication. These are key in any disaster of pandemic response, wherein iyong match society’s needs, iyong mga pangangailangan po, with the major resources, iyong ating resources. It is a mix of science-based knowledge and at the same time operational strategic implementation that involves reliable logistics and human recourse management. It is where the uniformed services have been a great help because they have all the resources and assets on the ground in terms of implementation or operations, enforcement together with the PNP and the Coast Guard. They make it faster because of all their assets.

There is also the social needs that we need to provide for and you make sure that the social needs specially of the indigent and the under privileged are delivered for the public.

So, the IATF-EID was established actually as part of our national pandemic plan way back in 2009 and was actually published by the WHO in 2012 and this was to fight the pandemic influenza, which is what we are planning for at the time. And it specifies all of these systematic approaches using science, good operations and good implementation and this social intervention.

Now, abolishing the IATF means replacing it with another with another inter-agency body because the approach to a pandemic must be whole of a government, a change in the systems of response in the middle of a response like this, nasa kalagitnaan po tayo ng second wave will detrimental to everyone. We are here already, so we move to better and stronger approach, we know now what works and what doesn’t work unlike a year ago.

So why are we experiencing the surge? I concur with Chairman Abalos, ang sabi niya, ‘The current trend of the pandemic is not because the IATF did or didn’t do anything but it is actually because of what the virus did.’ Ang kalaban po natin dito ang virus, hindi po ang IATF.

So, mayroon tayong nagkaroon ng variants iyong B1.1.7, iyong South African at iyong P.3 na ang tawag nila ay Philippine variant and they are all very transmissible, talagang sumipa po iyong mga hawaan. And data also shows that there are some people na hindi naman talaga sumusunod sa ating minimum public health standards.

So itong dalawa nag-contribute ito kasama ng pag-increase mobility siyempre gusto na nating ibalik ang ekonomiya. So these are all the contributors that is why we are experiencing a current surge now and we are expected this actually hintay tayo ng hintay dito sa second wave na ito di ba, akala natin December tapos akala natin January, February, but we were all flat and when the variant came in, iyan pumasok iyong ating accelerated, naipit, napuno ang ating mga hospital. And these are the contributors that we are experiencing and we hope that we can battle this.

I will now share my screen and show you the organization chart of the IATF.

So dito po nakikita natin na the whole of government approach iyong IATF, ito po ang National Action Plan phase 3. Nasa pangatlong National Action Plan na po tayo at diyan po sa taas nakikita ninyo iyong Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. Nasa plano po iyan, iyan ang National Command Authority o iyan ang strategic command, sa aming principle ang tawag namin diyan gold command. Kasama po diyan ang Senate, ang Congress ang ating katulong na mga private sector, iyong T3 at iyong mga people na nagko-cooperate.

Sa pangalawang level po, nandidiyan po ang National Task Force, dito po ako nagtatrabaho ngayon kasama sa opisina ni Secretary Galvez na siyang Chief Implementer ng National Action Plan at mayroon po kaming National Incident Command and Emergency Command Center na nandudoon po sa National Disaster Risk Reduction and Management Office na nandudoon sa Camp Aguinaldo.

At may tatlo pong clusters sa operations ito iyong nag-o-operate. Mayroon kaming tinatawag na health response cluster at ito po ay pinangungunahan ng ating Usec, si USec. Bong Vega kasama niya ang iba’t ibang ahensiya para tumulong sa prevention, para tumulong sa surveillance, para tumulong sa contact tracing, para tumulong sa testing at diyan sa baba kasama natin iyong mga regional task forces against COVID.

Sa over on the far right nandidiyan po iyong ating cluster ng NEDA na tumutulong sa economic recovery cluster at tinitingnan kasama ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan na tutulong sa pagtuloy ng ekonomiya.

At nandoon sa gitna iyong pinakabagong cluster po iyong COVID-19 vaccine cluster at ito nga po ay pinangungunahan ng ating Vaccine Czar na si Secretary Galvez, at tinutulungan siya sa execution ni Usec. Myrna Cabotaje, at kami ang nagsisigurado na ma-deploy lahat ng bakuna na dumadating. May dumating na naman na 400,000 doses.

So ito po ang overall, in fact the IATF is the whole of government. So mahirap po yata talagang ma-abolish iyan. Thank you po, Secretary Roque!

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Dr. Herbosa. Ituloy nan atin ang ating open forum, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Ang una pong tanong mula kay Kris Jose of Remate/Remate Online for Secretary Roque: Reaksiyon daw po sa apela ni Senator Bong Go kay Pangulong Duterte at sa ilang miyembro ng Gabinete na magbigay ng karagdagang ayuda sa mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng expanded SAP, alinsunod din ito ayon sa Senador sa reimposition nang mas mahigpit na quarantine restriction sa Metro Manila at sa apat na kalapit-lalawigan. May pondo po ba ang gobyerno para pagbigyan ang apela ni Senator Bong Go? At ano pong tulong ang maaaring ibigay ng pamahalaan sa mga mahihirap na mamamayang Pilipino, hindi lamang po sa NCR kung hindi sa buong bansa?

SEC. ROQUE: Sumasang-ayon po kami kay Senator Bong Go. Pero ang kinakailangan po munang gawin ay, unang-una, siguraduhin na iyong mga pondo na nilaan para sa subsidies sa ilalim ng Bayanihan II ay ma-distribute na sa kanilang mga beneficiaries. Bukod pa rito, mayroon tayong mga 287 billion worth of subsidies sa 2021 budget. So iyon na muna po ang ating ilabas para ibigay bilang tulong doon sa mga mamamayan natin ngayong mayroon na naman tayong bagong pagsubok sa COVID-19.

Now, kung hindi po sapat ang iyong nasa Bayanihan II at saka nasa 2021 budget, puwede naman pong pag-usapan ang Bayanihan III, pero ubusin po muna natin itong mga salapi na nakalaan dito sa Bayanihan II at sa 2021 budget.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question ni Kris Jose: Reaksiyon po sa naging paliwanag ng City Health Officer ng Parañaque City na kasama sa Quick Substitution List ang aktor na si Mark Anthony Fernandez kaya naturukan ng COVID-19 vaccine. Kasama po ba sa COVID-19 vaccine rollout ang Quick Substitution List? Bukod po sa priority list, dapat po ba na may Quick Substitution List ang mga LGU?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam talaga kung ano ang nangyari sa Parañaque, pero kinukumpirma ko po na mayroon tayong Quick Substitution List. Ito po kasi iyong mga listahan ng mga tao na pupuwedeng mabigyan ng bakuna kapag ang health worker po ay hindi dumating or talagang ayaw tumanggap ng bakuna. Kasi hindi naman pupuwedeng masayang iyong mga vials na nabuksan na ‘no at kinakailangan magamit na kaagad iyon.

So I confirm po iyong sinasabi ni Parañaque Mayor Olivarez na mayroon pong Quick Substitution List, at kasama po sa listahan ng Parañaque [garbled] iyong mga taong mayroong comorbidities. Ang alam ko po, iyong tinutukoy na artista, ang comorbidity po niya ay hypertension ‘no. So iyon po, kinu-confirm ko na mayroong Quick Substitution List, pero hindi ko lang po alam kung sino dapat iyong nasa Quick Substitution List. Pero kung iyon po ang nakasaad sa listahan ng Parañaque, so be it po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod na magtatanong ay si Mela Lesmoras ng People’s Television Network.

SEC. ROQUE: Go ahead, please, Mela.

MELA LESMORAS/PTV: Hi! Good afternoon, Secretary Roque at sa ating mga guests. Unang question lang po: Follow up doon sa statement nga ni Pangulong Duterte kahapon, ano po kaya, sir, iyong posibleng parusa ng mga matutukoy na nag-skip talaga ng line sa vaccination priority list? Maaari po ba silang matanggal sa puwesto particularly, sir, iyong mga mayors po?

SEC. ROQUE: Well, dalawa po iyan ‘no. Kung ang mga nag-skip ng line ay taong gobyerno, mayroon po tayong tinatawag na Salonga Law, iyong Code of Ethics for All Public Officers. At sa akin, may mga probisyon doon na pupuwedeng malabag. Hindi naman po siguro pagtatanggal kaagad pero mayroon pong corresponding parusa iyong ating Salonga Law although it is a Code of Ethics ‘no.

Pero para sa ibang tao, kinakailangan talaga nating pumasa ng batas, magpasa ng batas kasi mayroon tayong prinsipiyo na ‘nullum crimen, nulla poena sine lege’ ‘no – kinakailangan ng batas na nagsasabi na ang isang bagay ay kriminal bago ka puwedeng magpataw ng parusa.

So kinakailangan pong pag-aralan na magkaroon na tayo… at ito naman po’y tatlong beses ko nang sasabihin, kinakailangan talaga natin ng national quarantine law ‘no na magpapataw ng mga parusa among others dito sa mga taong hindi susunod sa Vaccination Deployment Plan.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. And, Spox, for [garbled] question, nakita po kasi namin iyan sa inyong Facebook post na nagsabi na kayo na tapos na iyong inyong quarantine. Nag-negative na rin po ba kayo, sir, sa swab test? And moving forward, Spox, ano po iyong mga plano ninyong gawin para hindi na kayo tamaan ng COVID-19? Are you eyeing to limit your public activities po?

SEC. ROQUE: Well, mayroon na po akong certificate of quarantine, issued po ng mga napakagaling na mga doctors and staff members diyan po sa [garbled]. Nagpapasalamat po ako sa kanila, mamaya po ay ipapakita ko ang aming larawan. At bago ka po mabigyan ng certificate of quarantine ay dapat mayroon ka na ring negative PCR result. So nag-negative na po ako sa PCR result.

In terms of future plans, alam ninyo po ang duda ko, iyong pag-iikot ko sa ospital, iyon po iyong bagong mga galaw ko na hindi naman kasama sa aking mga dating mga public appearances. So ngayon po kung talagang hindi kinakailangang pumunta sa ospital, hindi na po ako tatapak sa ospital ‘no. Dahil noong ako po ay nag-test ng positive, binilang ko, mga pitong ospital ang aking pinuntahan all within a period of two weeks.

MELA LESMORAS/PTV: Okay. For my last question po, Secretary Roque: Sa March 28, birthday po ni Pangulong Duterte, ano po iyong kaniyang planong gawin; at ano po kaya iyong wish niya this second time na, sir, na quarantine?

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po noong binati ko siya ng happy birthday, advance happy birthday, ang sabi niya, “Ang birthday ko Enero pa.” Siyempre alam na alam namin kung kailan ang birthday niya ‘no. Well, I’m sure the President wishes an end to this pandemic at nais po niyang lahat tayo ay makabalik po sa buhay nating mga normal. Ibig sabihin, babalik tayo doon sa napakataas na ating growth rate taun-taon because ang kaniyang pangako ay mas komportableng buhay sa lahat.

Despite COVID, I’m sure ang kaniyang birthday wish ay matupad pa rin iyong mas komportableng buhay, iyong makabangon ang lahat mula dito sa pandemyang ito.

MELA LESMORAS/PTV: Opo. Thank you po, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mela. Back to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Roque, unahin ko na po iyong tanong para po kay Chairperson Abalos kasi ang pagkakaalam ko po, siya po ay may meeting. Mula po kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Metro Manila mayors have agreed to enforce unified curfew for two weeks starting from March 15. Now that the two-week period is almost up, are there any plans to extend the period considering the worsening situation in Metro Manila?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Ano na po ito ano, na supplant na po ito ng IATF which we started. So ang masusunod na po rito ay itong bago na po. So titingnan na lang po natin itong bagong IATF regulation na iyong NCR Plus. So iyon na po iyong susundin po natin. This is where we count the two weeks now.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may we ask other reporters kung mayroon po daw silang katanungan muna kay MMDA Chairperson Benhur Abalos dahil may meeting daw po siya, Secretary?

SEC. ROQUE: Go ahead iyong mga may question po kay Chairman Abalos, he can answer your questions now.

USEC. IGNACIO: Opo. Can we have Melo Acuña kung may tanong po kayo kay Chairperson or Mela or Joseph Morong?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yeah. Good afternoon, Chair Abalos. This is Melo Acuña. I’m just as interested as anybody else: Ano po iyong nakikita ninyong sitwasyon sa Metro Manila after we’ve implemented our efforts to tighten the movement of people within Metro Manila and the immediate bubble? Ano pong projection ninyo?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, actually ‘no, before we did this, sir, nagkonsulta po kami sa DOH, sa OCTA, sa lahat ‘no. Sa totoo lang may mga harsh na sanctions na gusto nila, iyong iba gusto talaga lockdown, etc. But, you know, we have to really calibrate the economy with health eh. So ito po iyong sinabi ko kanina, ang ginawa na lang po is really massive testing, massive tracing, and most importantly, these granular lockdowns.

Iyon nga po, it’s almost two weeks now ‘no pero we should always look at the case of Pasay because Pasay came in earlier. If you look at Pasay, talagang may tremendous spike siya. Tama po, tama po ang sinabi ni Dr. Herbosa kanina, iyon talaga ang hunch ko talaga dahil the mayors have been doing the same thing ever since. I’m talking of tracing, etc., such that halos—before you could just imagine, sir, lima lang ang nasa hotels namin, lima; overnight biglang nag-280 ‘no. So sabi ko, may nangyari rito. And true enough, it could have been the UK variant ‘no because of its high infection.

So ang point ko lang po rito is that, dahil sa nangyaring ganito, siguro sa ginawang steps ng mga mayors ‘no, makikita natin iyan in a few more days to come-, but the Pasay case is something different. Talagang tremendous ang spike niya, ngayon mataas pa rin siya. Tumataas pa rin pero hindi na siya ganoon kataas kamuhka noong araw. So we could really study that for one, sir.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Chair, concerned lang ako, dati akong resident ng Mandaluyong, alam ko kung gaano ka-crowded iyong Addition Hills sa F. Martinez. Pero kung gagamitin natin ang public schools, papaano ang pagpapakain sa maka-quarantine?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Sagot po ng local government unit, Mr. Acuña ‘no, Melo. Kaya nga I will give it to the mayors here dahil hindi po biro ang magpa-granular lockdown. Iyong mga isolation mo bibigyan mo ng pagkain at the same time. Iyon na lang nila-lockdown mo on a per street basis, iyong iba per barangay bases, binibigyan po ng mga LGU iyan umaga, tanghali at gabi kaya hindi po birong gastos ito. Kaya nga iyon na nga, alam ninyo kaya dapat lang na hindi lang Metro [Manila], tama ang ginawa na NCR bubble, otherwise gagalaw tayo sa Metro [Manila] biglang nandiyan na ang mga infection galing sa labas, di ba labas-pasok, it’s useless! So tamang-tama na kasama na ang Rizal, ang Bulacan, ang Cavite and Laguna.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Maraming salamat po. All the best, Mr. Chairman.

USEC. IGNACIO: Secretary, ang tanong po mula kay Leila Salaverria ng PDI: The Supreme Court has issued a strong statement against threat to the judiciary and assault on members of the law profession. Does Executive Branch see the need for stronger or definitive courses of action to protect the judiciary? What does it plan to do given this statement?

SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo ang Pangulo at ang inyong abang lingkod ay parehong abogado rin. We are both officers of the court serving in the Executive Branch of government. So, of course, we fully support iyong deklarasyon po ng ating hukuman at dahil tayo po ay nasa Ehekutibo, ang pangako naman po ng ating Presidente ay ipatupad ang ating mga batas at nagkaroon na nga po ng deklarasyon ang DOJ na talagang tututukan nila sa kanilang bagong binuong interagency ang mga pagpapatay din laban sa mga abogado. So, gagampanan po natin, ng ating Ehekutibo ang katungkulan ng estado pagdating sa pagpatay ng lahat ng kaniyang mga mamamayan. Ito po ay madaliang imbestigasyon at bigyan ng remedyo sa ating batas ang mga naging biktima.

USEC. IGNACIO: Is this not an indication daw po that the law enforcers or the executives have failed to adequately address the threats that the judiciary faces?

SEC. ROQUE: Alam po ninyo, sa larangan ng karapatang pantao, wala naman pong guarantee na hindi magkakaroon ng paglabag sa karapatang mabuhay. Ang talagang obligasyon po ay bigyan ng remedyo at bigyan ng imbestigasyon at parusahan ang mga pumapatay.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, may tanong po si Joseph Morong pa rin kay Chairman Abalos.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Chairman Abalos, good afternoon. Sir, nice to see again from last night. Sir, would you agree, sir, that the strategy to contain includes contact tracing of those people who are positive so that we can contain them and they could not spread the virus anymore?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Yes, Joseph, it’s a very important ingredient to all of these things that we are doing right now; its contact tracing, its massive testing, its isolation and granular lockdowns.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, you mentioned kanina po sa presentation ninyo that there are at least iyong mga may pinakamataas na granular lockdowns – Manila, Navotas, Pasig ang Quezon City. So you have these barangays under lockdown and I am assuming that you guys are testing those who are positive in those areas, is that correct?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Yes, Joseph. In fact, for the last six days, it’s really massive tracing and testing because Secretary Vince and the Red Cross gave us 25,000 kits.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, iyong figure po ninyo na 23,595, in terms of percentage, sir, how many percent is that of the total population that you need to swab test?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: I’m sorry, I don’t have the figures right now. But I was checking with my staff yesterday and they told me, in the regions, it’s one of the biggest, is really one of the biggest.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, just one last question. Do you think that we are running after, now that we are under the NCR bubble, we are running after those who are closed contacts and we are containing them? Just the assurances.

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, I hope so, Joseph, because if you are going to look even sa buong mundo – you have seen Germany, you have seen France, you have seen other countries on the second, third – tama si Dr. Ted Herbosa eh. Talagang for me personally, the mayors have been doing what they have been doing before. Pero mababa na noong sometime February, nag-open na nga tayo eh. Pero why the sudden surge? Hindi naman lahat ng tao nagtanggalan ng mask, hindi naman ganoon eh, pero the spike is something different. There must be this character of this new variant that really, talaga iyong madali ka mahawa eh. But rest assured what they have tried before, we doing it again, although on a bigger bubble. Dahil nga may bubble na tayo ngayon at saka mas talagang intensive ang gagawin.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, iyong OCTA Research po, as of March 24 doon sa data analysis na lang ng DOH data, it showed that iyon pong reproduction rate, iyong speed ng spread is down to … it has slowed down to 1.91 this early. Your comment, sir?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Is that in Metro Manila, Joseph, in NCR?

JOSEPH MORONG/GMA 7: Metro Manila, sir.

MMDA CHAIRMAN ABALOS: You see? All that it takes really is massive testing and most importantly, tulungan ng bawat isa. It’s just self-discipline of all the people, iyon lang eh, kasi all that it takes is one person na iikot eh, magkakalat eh. So iyon lang, at least talagang tulungan ito. Government cannot do it alone; IATF cannot. It needs the help of everyone. That’s the message here. And there is hope, as what was shown by OCTA. Iyon ang maganda, may magandang nangyayari.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Thank you for your time, sir.

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Salamat, Spox, can I excuse myself, sir?

SEC. ROQUE: Yes, oo. Kung wala na tayong tanong para kay Chairman Abalos, thank you very much Chairman Abalos for joining us. Magandang umaga po sa inyo. Okay, Usec. Rocky next question please?

USEC. IGNACIO: Opo. Itutuloy ko lang po iyong tanong ni Leila Salaverria: What has the President said, if any, about the numerous attacks on lawyers and judges?

SEC. ROQUE: Well, hindi naman po kinakailangang magsalita, nagbigay na po siya ng order na kinakailangan ang ating mga kapulisan, ang ating NBI ay magkaroon ng mabilisan at thorough na imbestigasyon sa mga patayan na nangyayari. Dating piskal po ang Presidente at siya rin po ay nababahala na ang mga kapwa niyang mga abogado nga po ay nagiging biktima rin. Siyempre kapag inatake ang abogado, it is also an attack on the rule of law.

USEC. IGNACIO: Ang susunod pong tanong ni Leila Salaverria: How seriously will Malacañang take the CHR report that the PNP used excess and unreasonable force and had intent to kill suspects in drug related operations?

SEC. ROQUE: Ganito po iyan, unang-una, napakahirap po na gumalaw, magsampa ng kaso on the basis of a very general conclusion. Ang kinakailangan pong gawin ng CHR, sang-ayon din sa kaniyang mandato ay kumalap ng ebidensiya kada biktima ng sa tingin nila na illegal use of force sa panig ng mga state agents at i-assemble iyan at ibigay sa ating piskalya o sa ating NBI para sila po ay makapag-file ng kaso. Kung hindi po gagawin talaga ito ng CHR, wala pong mangyayari, kung dakdak lang sila nang dakdak. Kinakailangan po gumawa ng case file kada kaso if it’s a case of illegal killing and at least ibigay ito sa police or sa NBI at magkaroon ng complaint man lang.

Wala pong hadlang kung ang CHR ay tatayong complainant. Ang hadlang po para CHR na tumayong prosecutor. Pero hindi ko po sinasabi na magiging prosecutor ang CHR dahil wala nga pong prosecutorial powers ang CHR. Pero sa aking pananaw, walang hadlang para maging complainant ang CHR para lang po ma-trigger at magsimula ang criminal justice system.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod niyang tanong: How does it respond to concerns that the government has been slow to institute reforms in how the PNP carries out the drug war despite numerous expressions of concerns on report showing irregularities in its operations?

SEC. ROQUE: Well, ang huling reporma nga po na ipatutupad na ng kapulisan, at sana po itong Abril nga po mapatupad na, eh iyong pagsusuot ng body camera para maging ebidensiya kung ano talaga ang nangyari. Kasi iyong mga physical evidence kagaya ng body camera, hindi po iyan magsisinungaling. Pero I will agree ns kinakailangan ng reporma hindi lang sa parte ng ehekutibo kung hindi na rin sa parte po ng lahat ng pillars ng criminal justice system kasama na po diyan ang hukuman, ang prosecution, ang investigation at ang ating mga nagkukulong o iyong penology at siyempre po sa panig din po ng mga mamamayan or iyong civil society.

USEC. IGNACIO: Thank you, Spox. Ang susunod pong magtatanong si Joseph Morong ng GMA News.

SEC. ROQUE: Go ahead, Joseph.

JOSEPH MORONG/GMA7: Hello again, sir! Sir, sa inyo po muna. Sir, iyon pong kagabi na sa jumping the line ‘no, the President was—tama ba iyong … it is fair to call it non-committal whether iyon pong nagdya-jump ng line especially iyong mga public officials. Question, sir: Is it wrong or not to jump the line?

SEC. ROQUE: It is wrong! Iyan po talaga ang sinabi ni Presidente, ‘It is wrong.’ At baka nga mawala iyong 44 million nating libre na dosages na manggagaling sa COVAX Facility kung hindi masusunod iyong priority. Pero naging mayor din po ang Presidente, naiintindihan niya na… kaya sabi niya grey area ‘no, kasi nga po, for instance, iyong nangyari kay Alfred Romualdez, Mayor Romualdez. Si Mayor Romualdez po ay hindi naman iyan nagpabakuna nang unang araw, kasi gaya ko po, mayroon iyang comorbidities. Pareho po kaming mayroong stent, na-angioplasty na ‘no, so ang advice ng doktor niya, mag-antay ng five to six months. Pero ang nangyari po, noong day one noong vaccination eh parang 160 iyon mga empleyado niya sa city hospital, 16 lang ang nagsabi na gusto nila ng Sinovac. Pagdating noong March 22, kung hindi ako nagkakamali, 1,600 iyong kanilang dosages, 350 pa lang ang nagpapaturok. Kaya hinimok siya ng city health officer na, ‘Magpaturok ka na,’ para nga iyong tao naman ay mahimok na rin kasi pinababalik na nga raw ni Secretary Duque iyong excess ‘no, so nagpaturok siya. At noong matapos siya magpaturok, iyong 350 ay lumobo sa 800.

So iyon iyong sinasabi ni Presidente na grey area kasi talagang on the ground ay—may problema nga po iyong vaccine [garbled].

Pero uulitin ko po ‘no: Mga mayor, tama na po iyan ha. Kapag iyan ay nagpatuloy, 44 million ang dosages ng COVAX Facility vaccines ang pupuwedeng mawala sa atin ‘no. So please, we ask for your indulgence. At para po walang magsasabi na nagkaroon sila ng maling akala, sinabi na po namin na naitaas ang priority ng mga mayor to A4 – kasama na po sila ng mga economic frontliners, ng mga sundalo ‘no. Pero sa ngayon po, A1 pa lang po ang pinababakunahan natin at huwag po kayong mag-jump ng line. Nasa A1 pa lang po tayo, wala pa tayo sa A4. So baka maging depensa na, ‘Akala ko puwede na kami,’ hindi po. Sa A4 po kayo, A1 pa lang po tayo.

JOSEPH MORONG/GMA7: At least klaro iyon, sir, ha, wala na tayong makikita po na mga mayors na magpapabakuna na may excuse na—

SEC. ROQUE: Hay naku, please. Oo, oo. Naku, delikado po iyan, mga mayors, 44 million pong bakuna ang nakasalalay diyan.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong sa—okay, sa OCTA, sir, mayroon silang study ngayon. As of March 24, nag-slowdown naman kahit papaano iyong reproduction rate sa Metro Manila to 1.91. Your comment po.

SEC. ROQUE: Alam ninyo, walang kaduda-duda sa akin na nagku-cooperate ang mga Pilipino kasi sila mismo, nais nilang pangalagaan ang kanilang mga sarili para nga sila po’y makapaghanapbuhay. Tuluy-tuloy lang po sana tayo mag-mask, hugas, iwas at magpabakuna kung pupuwede na.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, iyong Sinovac, hindi po iyan kasama doon sa WHO na emergency use listing so therefore, we cannot use iyong loan from World Bank and ADB and the other bank ‘no. So ano po ang gagamitin nating pera for Sinovac?

SEC. ROQUE: Sa ngayon po, iyong one million, pera po natin ang gagamitin natin diyan sa budget po ng DOH. Pero ang binayaran pa lang po natin ay 15% ‘no kasi after delivery at saka tayo magbabayad.

Oo nga pala po ‘no, so iyan din po iyong isa sa mga mayors ‘no… well, iyong sabi kasi ni Mayor Romualdez, Sinovac po iyong tinurok sa kaniya, hindi po AstraZeneca. So hindi po COVAX Facility. Kaya raw siya nagpaturok na rin after na hinimok siya ng city health officer na ayaw ngang magpabakuna ng mga taga-city hospital.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sa China, okay, medyo may mga strong statements po si SFA. But on Malacañang’s part, how do we see po the presence of the Chinese armada in the Juan Felipe area po natin? And how do you view this in light of the arbitral ruling?

SEC. ROQUE: Naging malinaw naman po ang mensahe ni Presidente noong siya po ay nagsalita sa UN. Unang-una, puprotektahan po natin ang ating teritoryo. At kinukonsidera pa rin natin na bahagi ng ating teritoryo iyang Juan Felipe ‘no.

Pangalawa po, tayo po ay naninindigan sa arbitral award. At pangatlo po, tayo po ay naninindigan na ang hidwaan dito sa West Philippine Sea ay dapat maresolba sa pamamagitan po ng UN Convention on the Law of the Sea. Hindi po nagbabago ang posisyon ng ating Presidente.

JOSEPH MORONG/GMA7: If they don’t leave?

SEC. ROQUE: Well, diyan po papasok naman iyong isyu na anong epekto ng malapit na pagkakaibigan ng Pilipinas at ng Tsina ngayon. Naniniwala po tayo sa panig ng mga magkakaibigan ay mariresolba naman po ito.

Ang sabi ng Tsina, nandoon lang iyong kanilang mangingisda dahil daw po they were seeking refuge from bad weather. So sana po lumipas na iyong bad weather, at in the spirit of friendship ay inaasahan po natin na hindi mananatili doon iyong mga barkong iyon.

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, may bad weather ba sa atin?

SEC. ROQUE: Alam mo it’s not bad weather pero mayroon talagang specific areas in the West Philippine Sea na talagang matataas ang alon. Dito nga sa Pilipinas ay mayroon iyan eh. When you are crossing …going from Manila to the Visayas, may portion talaga diyan ‘no, somewhere in Romblon na kahit walang bagyo parang stormy ang conditions diyan ‘no. I’ve passed that portion talaga siguro three times already. So nandoon po iyong mga barko in between iyong area na notorious for high tide and—

JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, out of curiosity: Iyong bang mga activities, sir – ito iyong sa protocol – iyong mga basketball sa mga bara-barangay, bawal pa iyan, sir ‘no, iyong pa-liga?

SEC. ROQUE: Ang alam ko po, bawal pa nga po talaga ang basketball ‘di ba po.

JOSEPH MORONG/GMA7: Okay. Sige, sir. Thank you for your time.

SEC. ROQUE: Thank you po. Thank you, Joseph. Yes, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, ang tanong po mula kay Llanesca Panti ng GMA News: DOH Secretary Duque has said that the surge of COVID-19 cases is also due to opening the economy, while economic managers say otherwise. Why are their contradictory statement allowed to stand po? And who should the public believe?

SEC. ROQUE: Wala pong contradictory statement. Pareho pong sinabi ng kahit sinong nagsasalita sa gobyerno na ang new variants at saka iyong increased mobility ay ang dahilan po ng pagtaas ng mga kaso. Hindi po sila nagku-contradict.

USEC. IGNACIO: Susunod niyang tanong: Will local executives be allowed to get a COVID-19 vaccine going forward even if the vaccination of medical frontliners is not yet done? Why or why not?

SEC. ROQUE: Eh hindi lalo naman pong masasayang iyong bakuna kung hindi. Pero I cannot answer this issue ‘no. Hayaan po nating magdesisyon ang NITAG diyan at saka ang IATF. Pero sa akin po, iyon nga po eh, tinitipid kasi natin iyong mga bakuna dahil hindi pa sapat para sa ating mga medical frontliners. Harinawa po, ayan na nga po, dumating na iyong 400,000 extra Sinovac, darating pa po iyong isang milyon at mayroon pang halos isang milyon din na AstraZeneca na darating sa buwan na ito. Mai-ease naman po iyong ating supply.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Rose Novenario of Hataw: Sinabi po ni Usec. Densing ng DILG na dapat kasuhan si Mayor Olivarez dahil sa umano’y command responsibility sa pagbakuna kay Mark Anthony Fernandez. Ibig sabihin po ba ay puwede ring kasuhan eventually si Pangulong Duterte sa umano’y illegal vaccination ng PSG?

SEC. ROQUE: Thank you for that question po. Ang command responsibility po, applicable lang po kapag mayroong labanan. It is a principle made in the Philippines recognized by International Humanitarian Law. Wala pong application ang command responsibility kung wala po tayong digmaan, iyan po ay umiiral lang, iyong konsepto ng command responsibility kapag mayroong digmaan dahil mayroon po tayong batas na umiiral bagama’t mayroong digmaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong magtatanong ay si Melo Acuña ng Asia Pacific Daily.

SEC. ROQUE: Go ahead, Melo.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary. Good afternoon. I wish [garbled]. First and foremost, [garbled] the latest on the Catholic churches in Metro Manila [garbled] for Holy Week?

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam sa kanila. Hindi ko po alam ang kasagutan. What I know is that there was a release by the CBCP saying that the declarations of Bishop Pabillo are his personal opinion and not the opinion of the Catholic Church. So we leave it at that. Hindi po pinasusuway ng CBCP, ng Simbahang Katolika ang mga ginawang resolutions ng IATF. Ang mga nabanggit na salita ni Bishop Pabillo ay mga personal na mga paninindigan ni Bishop Pabillo. So wala pa—

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yeah, and that will apply to the Archdiocese of Manila. Okay, ano na pong nangyari—Nagkausap na po ba si Pangulong Duterte at si Ambassador Huang Xilian ng China tungkol sa nagaganap sa South China Sea or West Philippine Sea?

SEC. ROQUE: Nagkausap po sila, pero hindi po iyan lang ang pinag-usapan nila. Bago pa po nangyari itong insidente ng mga bapor ay mayroon na pong appointment na ginawa si Ambassador para batiin ang Presidente sa kaniyang darating na kaarawan. So, kaya nga po noong sinabi ko na ibi-bring up in ni Presidente, it was because mayroon na ngang personal visit si Ambassador na naka-schedule. So, it was a personal visit between two very close friends. And on the side, siyempre po sinabi ni Presidente iyong mga sinabi niya sa UN na naninindigan tayo at poprotektahan ang ating teritoryo; naniniwala tayo na kinakailangan maresolba ito sa pamamagitan ng UN Convention of the Law of the Sea at pinaninindigan natin iyong panalo natin sa Arbitral Tribunal.

MELO ACUÑA/ASIA PASIFIC DAILY: Will we be privy to the reaction or the statement of the good ambassador from China?

SEC. ROQUE: Ang sinabi naman po niya ay nandoon na sa kaniyang press release din na iyong mangingisda naman nila ay naroroon dahil nga po they were seeking refuge from bad weather.

MELO ACUÑA/ASIA PASIFIC DAILY: May I ask Dr. Ted Herbosa, please?

SEC. ROQUE: Yes, please. Dr. Ted Herbosa?

MELO ACUÑA/ASIA PASIFIC DAILY: Dr. Herbosa, good afternoon. I just want to find out, will the vaccine be safe for pregnant women?

DR. HERBOSA: Okay, that is a very good question ‘no. During the study period sa phase 3 trials, wala pa namang binigyan na pregnant. But globally, there are already some clinicians who have given it safely to pregnancies in their third trimester. Ibig sabihin noong halos kabuwanan na, buo na iyong fetus. Iyon kasing epekto ng mga bagong bakuna ay ang epekto niyan during the gestation ng fetus. Kaya kapag binigay mo iyan sa umpisa pa lang, hindi pa natin alam ang epekto nito, kasi mga bagong bakuna ito.

MELO ACUÑA/ASIA PASIFIC DAILY: Opo, gaano po katagal ang kakailanganing panahon para malaman kung ano ang katotohanan, ano ang paninindigan ng siyensiya?

DR. HERBOSA: Dekada po iyan, dekada po iyan. Kasi babantayan ang paggamit ng bakuna, dahil ginagamit na natin ngayon sa publiko, eventually kapag natapos iyong phase 3 trial, pupunta tayo sa market surveillance na ibibigay at ibebenta na iyan sa publiko at lahat ng adverse events ire-report at may mga clinicians. Dahil malalaman iyan na safe na iyan, uumpisahan nang irekomenda iyan sa mga buntis na wala namang risk. And once they report any adverse reaction puwedeng ma-pullout iyan o madagdagan ng advisory na hindi dapat ibigay sa buntis. So, matagal po iyan. Right now, kung may buntis na gustong magpabakuna, ang payo ko po sa kanila, makipag-usap sa kanilang obstetrician, so they will need to discuss and weigh iyong tinatawag na risk versus the benefit of the new vaccines.

MELO ACUÑA/ASIA PASIFIC DAILY: Secretary Harry, magandang hapon po muli. Pahabol ko lang, nabanggit sa akin noong mayor ko sa Legazpi City, si Mayor Noel Ebriega Rosal na kaya siya nagpabakuna eh dahilan sa ginawa siyang champion ng Department of Health sa bakuna advocacy; and he said he will comply, he will reply to the show cause order by the DILG. So, could it be possible that the DOH identify people who are being identified as champion sa bakuna?

SEC. ROQUE: Well, ang tingin ko po ang naging problema ay iyong mga city health officers ang nagri-request na maging champions na magpabakuna ang mga mayor, kasi nga po ang kanilang karanasan karamihan ayaw magpabakuna sa Sinovac, iyan po ang katotohanan. Pero uulitin ko po nagkaroon ng ganoong proposal, hindi po iyan naaprubahan ng IATF. Wala po tayong inaprubahan na influencers kung hindi tatlo – si Secretary Galvez, Secretary Vince Dizon and Chairman Abalos, dahil nga po kulang na kulang ang ating bakuna. I am sure the good faith can be used as a defense, pero ang panawagan po ng Presidente, sinabi nga po niya gray area iyan, pero sana po huwag ng maulit dahil malalagay po sa aberya iyong 44 million nating COVAX Facility.

MELO ACUÑA/ASIA PASIFIC DAILY: Salamat po, Secretary. Thank you.

SEC. ROQUE: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, tanong mula kay Llanesca Panti of GMA News Online: Naka-receive daw po siya ng report na the family of a COVID-19 patient confined in ICU of hospital has been asked by the patient’s infectious disease doctor na bumili ng tocilizumab, one vial, sa labas dahil nagkakaubusan po sa ospital. Have you received such reports po sa NCR hospitals na nagkakaubusan ng gamot? And how would you address them? Also, saan po ba makakabili nitong vial na ito outside of the hospital?

SEC. ROQUE: Well, first time ko po narinig ito ‘no. Pero sa karanasan ko po na napakadami pong naalagaan sa ospital, dahil suki po kami doon sa ospital, talagang nagri-request kami na kami na ang bibili ng gamot kasi napakamahal kung sa hospital ka bibili. Pero kung talagang nagkakaroon po ng shortage, kontakin lang po natin either ang One Hospital Command Center o iyong pinakamalapit na office ng DOH baka mayroon po silang stockpile dahil nag-i-stockpile naman po tayo ng usual na mga gamot na kinakailangan sa COVID-19.

Oo nga pala po, kung wala nang supply sa isang private hospital pupuwede po siya sa akin na, sa akin kayo pumunta, sa aking tanggapan at kukuha tayo kung mayroon sa isang pampublikong hospital.

USEC. IGNACIO: Tanong naman ni Kylie Atienza of Business World: Will the government allow politicians who jump the vaccine queue to take the second dose? Hindi po ba sila iba-block? What’s next after the investigation?

SEC. ROQUE: It’s not for me to decide. As I said, bahala na iyong IATF diyan. Pero kung ang rationale, kung bakit ayaw natin na mayroong mga sumisingit ay dahil hindi pa sapat sa mga medical frontliners, ayaw ko rin sanang makitang masayang iyong nabakuna na kung hindi mabibigyan ng second. Pero hayaan po nating mag-decide ang IATF.

USEC. IGNACIO: Ang susunod po niyang tanong: When will the President sign the draft proclamation seeking to declare a climate emergency due to ASF? May update na po ba sa pondong ilalaan dito?

SEC. ROQUE: Ang alam ko, hindi siya pipirma ng climate emergency. He will sign a state of emergency or state of calamity, iyong parang public health emergency na nadeklara rin natin para sa COVID-19 para naman po sa ASF. Pero hindi po iyon climate change kasi iyong climate change po because of global warning iyon, so dalawang bagay po iyon. Well, nakarating na po ang rekomendasyon, hindi ko po masabi kung kailan, pero I will announce kung napirmahan na po ni Presidente and this is considered as very urgent.

USEC. IGNACIO: Tanong naman ni Sam Medenilla ng Business Mirror: May action na po kaya si President Duterte regarding sa proposal po ng DA for MAV and tariff adjustment for pork?

SEC. ROQUE: Well, ngayon pong Congress is in session, when he signs it, Congress must concur. So whether or not the President signs now, it’s still subject to approval of Congress. Pero pinakikinggan naman po ng ating Presidente, lalung-lalo na iyong napakalakas na objection ng ating Senado na pupuwedeng mag-angkat pero hindi sa pamamagitan ng MAV. So pabayaan po nating pag-aralan pa ng Presidente iyong isyung na ito.

USEC. IGNACIO: Tanong po ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN: India announced that it will put a temporary hold on all major exports of AstraZeneca manufactured by the Serum Institute of India to meet domestic demand. How will this impact the arrival of vaccines in the Philippines under the COVAX facility?

SEC. ROQUE: Wala pong impact yata sa atin iyan. Kasi iyong bibilhin natin sa India ay Novovax at saka nagni-negotiate pa po tayo para doon sa Covovax na ginagawa po ng Bharat. So sa pagkakaalam ko po, nakumpirma ni Secretary Galvez iyong ating, kung hindi ako nagkakamali, 40 million na Novovax at saka nagni-negotiate pa for the Bharat vaccine.

USEC. IGNACIO: Ang susunod po niyang tanong: How will this affect the scheduled second dose vaccination for our frontliners ngayong ipinag-utos ng Pangulo na gamitin lahat ng on hand AstraZeneca vaccines for the first dose?

SEC. ROQUE: Wala po, kasi ang pagkakaalam ko rin iyong ating mga AstraZeneca ay galing po sa Belgium; doon po nanggaling iyong ating first tranche. At kung hindi po ako nagkakamali ay hindi naman po manggagaling sa India iyong ilan sa mga COVAX Facility na AstraZeneca na matatanggap natin.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Pia Gutierrez, regarding po sa meeting ng Pangulo and Chinese Ambassador. Kailan daw po nangyari iyong meeting ni Presidente and Chinese Ambassador? How would you describe the meeting and what other issues were discussed?

SEC. ROQUE: Nasa isolation ako, Pia. I… [technical difficulties]

USEC. IGNACIO: Secretary?

SEC. ROQUE: … sa ating Pangulo sa kaniyang kaarawan. So it was more of a social birthday meeting.

USEC. IGNACIO: Opo. May follow up naman po si Ace Romero tungkol pa rin po diyan: Kung ang pag-uusap po ba ng dalawa ay by phone or personal po na nagkita?

SEC. ROQUE: Personal po silang nagkita dahil nga po bumati ng Happy Birthday si Ambassador.

USEC. IGNACIO: Sinabi po ba raw ng Pangulo iyong demand ng Pilipinas na paalisin iyong Chinese ships sa Julian Felipe Reef? Tanong pa rin po ni Ace Romero.

SEC. ROQUE: Well, nagkaintindihan naman po ang Presidente. Sinabi po ng Pangulo na medyo… well, concerned po talaga tayo ‘no dahil kahit sino namang bansa ay maku-concern kung ganiyan kadaming mga barko. Ang sabi naman po ng Chinese ambassador, sila po ay mga mangingisda na, iyon nga po, nandoon sila dahil they are seeking shelter also.

Sa tingin ko, wala po talagang kontrobersiya dahil hindi naman nila pinaglalaban na talagang mananatili sila roon.

USEC. IGNACIO: Tanong po ni Prince Golez ng Politiko Abante: In an interview with Diretsahan you said that you abhor some members of the Duterte Cabinet. Sinu-sino po sila at bakit po ayaw ninyo sa kanila?

SEC. ROQUE: Pang-That’s Entertainment iyan, hindi iyan pang-presidential press briefing.

USEC. IGNACIO: May tanong po si Mikael Flores(?). Bale ang tanong po niya ay nasagot ninyo na rin po about doon sa meeting ni Presidente at ni Chinese Ambassador. Ang sinabi po niya rito: Did the meeting of President Duterte and the Chinese Ambassador push through?

Ang susunod pong magtatanong ay si—

SEC. ROQUE: You know, although normally I would say asked and answered, uulitin ko po ha: Iyong meeting na ito ay matagal nang nai-schedule. It was a social call dahil nga po birthday ni Presidente. Nilabas na lang ni Presidente doon sa pagpupulong na iyon. At naging malinaw naman ang ating Presidente na talagang siya ay Presidente at puprotektahan ang teritoryo ng Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Tanong po ni Kris Jose of Remate/Remate Online: Comment ng Malacañang sa sinabi ng CPP na lehitimo sa ilalim ng International Rules of War iyong Camarines Norte attack na ikinamatay ng limang pulis?

SEC. ROQUE: Well, depende po iyan ‘no. Hindi ko po alam iyong circumstance ng sinasabi nila ‘no. Pero ang kinukuwestiyon po ng marami, eh bakit hanggang ngayon iyong mga CPP-NPA ay patuloy ngang pumapatay ng kapwa Pilipino ‘no. Bakit hindi pa nila ibaba ang kanilang mga armas dahil marami na naman silang mga kasama na napakagaling sa larangan ng parliamentary struggle? Eh pupuwede namang gawin sa mapayapang pamamaraan. Ang sinasabi lang ni Presidente, bakit kinakailangan pang makipagpatayan?

USEC. IGNACIO: Ang tanong po ni Celerina Monte ng Manila Shimbun ay nasagot ninyo na rin po tungkol doon sa meeting ni Presidente and Chinese Ambassador, at tinanong po niya kung napag-usapan iyong incursion sa West Philippine Sea.

Ang tanong naman po ni Tuesday Niu: Umapela raw po ang mga retired policemen kay Pangulong Duterte na bigyan-pansin ang hinaing nilang ibigay na sa kanila ang differential pay. Ano po ang lagay ng differential pay since 2018 ng mga retired policemen?

SEC. ROQUE: I have no idea po sa sagot [tanong] ninyo. Kaya uulitin ko po, kung mayroong factual question po, please submit it ahead of time.

Again, ito’y isang tanong na sasagutin ko in a later press briefing now that it has been raised to my attention. Aalamin po natin kung ano iyan.

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, nagri-request po si Ace Romero, iyon daw pong sagot ninyo ay choppy doon sa kailan nagkita si President Duterte at si Chinese Ambassador.

SEC. ROQUE: During the time I’m in isolation.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon din ang sagot nila, naputol daw po iyong sagot ninyo sa … sagot ninyo dito about the meeting with the President at ni Chinese Ambassador. Puwede daw pong malaman ulit ang exact date ng meeting? Ang tanong po ay galing kay Leila Salaverria ng Inquirer.

SEC. ROQUE: Well, as I said po, it was during the time when I was in isolation.

USEC. IGNACIO: Nagtanong po si Joseph Morong, wala daw po bang petsa?

SEC. ROQUE: Well, titingnan ko po ulit iyong transcript. But I don’t have the transcript now. I read the transcript pero wala po sa akin ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Tinatanong lang po ni Tuesday Niu: Kailan po ba talaga raw ang birthday ni President Duterte?

SEC. ROQUE: Ay, talagang ang aking amo, this Sunday po talaga ang birthday niya. Pero sasabihin niya, sa Enero po ang kaniyang birthday.

So since wala na tayong press briefing for this week, before Sunday: Happy Birthday po kay Presidente Rodrigo Roa Duterte.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po. Happy Birthday din po kay President Duterte. Thank you, Secretary Roque at sa ating mga bisita po.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. At Happy Birthday rin pala kay Batangas Governor Dodo Mandanas who is celebrating his birthday today.

So kung wala na po tayong mga tanong, sa ngalan po ng ating—unang-una, maraming salamat po sa ating mga naging bisita – si Chairman Abalos, si Assistant Secretary Alvarez, si Dr. Ted Herbosa. At maraming salamat, Usec. Rocky.

At dahil wala na nga po tayong mga katanungan, sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque na magbabasa ng isang Bible verse galing po sa Libro ng Mateo 6:6: ‘Datapuwa’t ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.’

Mga kababayan, sa ngalan ng inyong Presidente Rodrigo Roa Duterte, magkaroon po sana tayo lahat ng mapayapang Semana Santa at Kwaresma. Magandang hapon po sa inyong lahat.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center