SEC. ROQUE: Maski tayo po ay nagsasaya para sa Pasko, kinakailangan naka-mask, nakahugas at nakaiwas. Hindi po kami nagkulang sa pagpapaalala dahil baka mamaya kung hindi Pasko eh ang Bagong Taon ninyo ay naka-hospital kayo – huwag naman po! Para maging merry, kinakailangan mag-ingat.
Mabuting balita po ha: Gumanda ang consumer outlook ng ating mga kababayan sa huling quarter ng taon. Mula negative 54.5% ay naging negative 47.9% na lamang po sa fourth quarter ang overall consumer index. Eh kung sinasabi ninyong maliit, maliit po talaga pero maya-maya po makikita ninyo sa susunod na taon ay tumaas naman po ang consumer index natin. Ang improved outlook na ito ay dahil sa expectations ng ating mga kababayan na magkakaroon nang mas maraming trabaho, dagdag na kita, epektibong polisiya at programa tulad ng Social Amelioration Program, ang Plant Plant Plant Program at ang mas maluwag na restriction at muling pagbubukas ng mga negosyo.
Ito po iyong better good news: Para naman po sa first quarter ng susunod na taon, ang consumer index ay bumalik na sa positive territory at 4.3% — talaga nga namang Manigong Bagong Taon ang inaasahan ng ating mga kababayan. Ang positibong pagtingin sa unang bahagi ng taon ay dala ng inaasahan na mas maraming trabaho, mas mataas na kita, ang pagwawakas ng pandemya at pagkakaroon ng bakuna laban sa coronavirus, at muling pagbubukas ng mga negosyo. At mananatiling positibo ang pagtingin sa susunod na labindalawang buwan ng taon at 23.6% — Happy New Year talaga tayo ng 2021.
Samantala, tumaas din po ang kumpiyansa ng mga negosyante sa ating ekonomiya. Mula 5.3% sa third quarter ngayong taon ay naging—negative po iyan ha. Mula negative 5.3% sa third quarter ngayong taon ay naging positive 10.6% sa fourth quarter ng taong 2020. Tama po iyong sinasabi natin dati pa na we have hit rock bottom, the only way to go is up.
Ang pagtaas na ito ay dahil po sa ganitong mga kadahilanan: Una, muling nagbukas ang mga negosyo at nag-adapt sa tinatawag na new normal; pangalawa, ang pagluluwag ng community quarantine sa buong bansa; pangatlo, ang seasonal factors na tinatawag tulad nang mas dumarami ang demand ngayong holiday season; at panghuli, pagtaas sa volume ng mga benta at mga order. Oo nga pala po ‘no.
At ang pagganda ng sentimiyento ng mga negosyante ay nagpapatuloy hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon. Tataas ito sa 37.4% sa first quarter ng 2021 at magiging maganda ang business outlook sa susunod na labindalawang buwan at 57.7% — Happy New Year sa lahat!
Oo nga pala po, magsha-shout out lang ako ‘no. Sabi po nung reporter ng New York Times sa Pilipinas, i-shout out ko daw iyong mga health workers ng Bacoor, napakaganda po at napakagaling daw ng kanilang pag-alaga doon sa kaniyang dalawang anak na nagka-COVID. So congratulations po sa mga health workers ng Bacoor, Cavite!
At shout out na rin po, napakadisiplinado po ng mga taga-Baguio. Iyong night market po, lahat po ng tao ngayon ay nagso-social distancing. At salamat din po sa napakadaming police na nagsisigurado na magkakaroon ng social distancing diyan po sa night market sa Baguio.
So pupuwede po na bumalik sa mga dati nating gawain gaya ng night market sa Baguio basta mag-social distancing, mag-facemask at mag-face shield.
COVID-19 update na naman po tayo. Ito po ang global update ayon sa Johns Hopkins: Higit 72 million or 72,168,829 na po ang tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo. Nasa 1,611,401 katao naman po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus.
Nangunguna pa rin po ang Estados Unidos na mayroon ng 16.2 million na mga kaso at 299,093 deaths; pangalawa po ang India; sumusunod po ang Brazil, Russia at France.
Dito naman po sa atin, mayroon po tayong 21,980 na mga aktibong kaso as of December 13 ayon po iyan sa DOH. Sa mga aktibong mga kaso, 90.2% ay mild at asymptomatic; 6.3% ay kritikal; 3.2% ay severe.
Ito naman po ang mga bilang ng mga gumaling: Magkakalahating milyon na po or 418,687 ang gumagaling or 93.2% recovery rate. Samantalang nasa 1.94% ang case fatality rate or 8,733 ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 – nakikiramay po kami.
Pumunta naman po tayo sa confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset as of December 13. Mga kaibigan, pababa pa rin po pero mayroong dalawang araw na halos magkapareho ang numero, for the first time ‘no. At mayroong isang araw na medyo dumami; pero overall, pababa pa rin po. Ito iyong wina-warning natin na baka tayo ay magkaroon ng surge ‘no dahil nga sa Christmas season. So hindi pa naman p lumalabas ng mayroon ng tayong surge pero kinakailangan po na patuloy tayong mag-ingat.
Makikita po natin na—ito naman po iyong confirmed COVID-19 cases by adjusted date of onset ‘no. So by adjusted date of onset nga po, iyan pababa pero may dalawang araw po iyon – hindi ko lang mabasa – na mayroong tumaas at may dalawang araw din na halos magkapareho lang.
Iyong kulay asul, ang Metro Manila; berde naman po ang Southern Tagalog; samantalang violet ang Central Luzon. In fairness po sa Central Luzon, talagang napakalaki na po nang binaba ng mga kaso sa Central Luzon, sana po patuloy.
Puno ba ho ang ating mga ospital? Ayon po sa DOH, 60% available pa po ang ating ICU beds; 64% available ang isolation beds; 71% available ang ward beds; at 80% available ang ventilators.
Ngayon po, bagama’t inuulit-ulit natin itong mask, hugas at iwas, ngayon pong nagdidiwang tayo at bukas ang mga negosyo, siguro mag-ingat din po tayo ‘no. Bagama’t puwede na tayong lumabas sa mga restaurants na hanggang 70%, bawasan po natin iyong pagsasalita habang kumakain dahil diyan po talaga nakakahawa ‘no kapag tinanggal ang facemask at ang face shield para kumain, eh diyan po iyong hawahan na nangyayari. So kung pupuwede po eh tsaka na kayong magtsismisan kapag nakakain na. Puwede naman kayong magtsismisan kapag naglalakad sa mall or habang wala pa iyong pagkain. Pero kapag nandiyan na ang pagkain quiet muna, dahil baka mamaya nagdidiwang, magkasakit naman po.
Okay, tapos na po ang ating presentasyon pero ngayon po dalawa po ang kasama natin –usaping bakuna. Dahil ang usaping bakuna ang pinakamaganda at pinakahihintay na regalo ng buong Pilipinas, kung hindi man dumating sa 25 ng Disyembre, darating sa first quarter ng 2021.
Unahin po muna natin si Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez. Sir, ang tanong po ng marami—naku, nakikita na po iyong pagbabakuna ng Pfizer sa Inglatera at nabalita na rin po ang Pfizer na-approve na rin on the basis of emergency use authorization sa America. Tayo po sa Pilipinas, mayroon ba ho tayong pagbabago doon sa ating mga target dates? Ano hong aasahan ng ating kababayan sa inaasahan nating Happy New Year ng 2021. Sir, the floor is yours.
SEC. GALVEZ: Magandang tanghali po sa inyo, Secretary Roque at sa ating mga nakikinig at sa ating mga media friends.
Sa ngayon po ay patuloy po ang ating intensive na negotiations sa siyam na kumpanya kasama na po dito ang Pfizer at AstraZeneca. So sa ngayon po ay mayroon na po tayong at least advance na … nag-aano na po tayo, tinatawag na advance negotiation sa apat po na malaking kumpanya. At patuloy po ang exploratory talks sa other five companies.
At nakikita po natin na talagang sa ngayon po ay may mga challenges po tayo, unang-una, nakita po natin na talagang iyong mga vaccines ay 80% po ay nakuha na po ng mga mayayamang countries. But we are very hopeful na iyong clarion call ng ating mahal na Pangulo na magkaroon ng tinatawag ng equitable access ay ginagawa po natin.
Sa ngayon po most probably baka magkaroon po tayo ng vaccine ng first quarter, most probably March. And then also, ang second tranches po ng ano natin is second quarter, third quarter at saka fourth quarter. But we are expecting na iyong volumes ng ating mga vaccine will be coming at the early third quarter.
SEC. ROQUE: Sir, tanong ko lang po at marami pong nagpapatanong sa akin nito: Mayroon na ba ho tayong pirmadong kasunduan na magsisiguro na pagdating ng Marso ay mayroon na po tayong bakuna? At kung wala pa po, kailan po natin pipirmahan iyan dahil baka maraming mabigo na umaasa nang Marso ay mayroon ng bakuna na pauna, eh baka hindi po natin magawa iyan?
SEC. GALVEZ: Nakita po natin iyong ano iyong pinaka-advance na nakita natin iyong Pfizer na mayroong apat na po na EUAs sa mga tinatawag nating stringent regulatory authority – sa US, sa Canada and also dito sa UK.
So, sa ngayon po talagang puspusan po iyong negotiation natin sa Pfizer and also we are waiting iyong EUA na sa UK ng AstraZeneca. Kapag lumabas po iyon ay malaki po ang makukuha natin sa AstraZeneca.
And sa Sinovac po, nag-uusap po kami ni Madam Helen Yang, iyong parang pinaka-lead sa Asia Pacific itong Hong Kong and very positive naman po iyong negotiation po natin.
And also, ang J&J po tomorrow we might be meeting them and hopefully magkaroon na po kami ng kaunting initial agreements sa mga head of terms at saka supply agreement po.
SEC. ROQUE: So, sa ngayon po wala pa tayong napipirmahang kasunduan pero ongoing ang mga negotiations. Would you say po that by within the month of December ay mayroon na tayong mapipirmahan or will this be on January?
SEC. GALVEZ: Ang ano po natin, kapag lumabas po iyong EUA, iyong tinatawag nating Emergency Use Authorization ng originating country, iyon po ang pinaka-cue po natin dahil kasi with the regulatory requirement ng ating multi-lateral arrangement with Asian Development Bank at saka iyong World Bank, kasi po lahat ng procurement po natin will be through multi-lateral arrangement with the Asian Development Bank and also with World Bank and they require iyong tinatawag nating stringent regulatory compliance.
So, iyon po ang nakikita po natin na karamihan po sa ating pirmahan is pinipilit po naming magkaroon kami ng initial success this December and mostly mga January po. Dahil kasi po iyong ating mga kinukontrata po na mga vaccine ay magkakaroon po ng tinatawag na EUA this coming January pa.
SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Secretary Galvez. Please join us in the open forum dahil sigurado po ako maraming tanong po ang ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.
With us also is Ambassador Chito Sta. Romana. Ambassador, are you in the house already?
AMBASSADOR STA. ROMANA: Yes, Secretary Harry. Hi!
SEC. ROQUE: Ambassador, alam ninyo po, kagaya ng sinabi po ni Secretary Galvez, iyong mga western brands ng bakuna eh halos 80% po ay nabili na ng mga mayayamang bansa at kakaunti na lang iyong mga para sa bansa na kagaya ng Pilipinas. So, dito po pumapasok iyong kasunduan ng ating Presidente with President Xi na nangako po si President Xi na sisiguraduhin niya na mabibigyan tayo ng vaccine na galing sa Tsina. Doon po sa mga gusto ng western brands, eh talaga pong mas mauuna ang Chinese brand kaysa sa western brand.
Pero Ambassador, ngayong mga panahon na nag-uunahan sa bakuna, gaano po natin dapat asahan iyong pangako ni President Xi na mabibigyan tayo ng prayoridad pagdating po sa supply ng mga bakuna na galing po sa Tsina. The floor is yours, Ambassador Sta. Romana.
AMBASSADOR STA. ROMANA: Well, the offer stands from the Chinese leadership. Si President Xi reiterated this to the President during their phone conversation several months ago but this was reiterated by Foreign Minister Wang Yi to the Foreign Secretary just last October and also during our recent meetings with Chinese officials, this has also been reiterated.
Ang importante ngayon, I think the Chinese, there are actually three or four companies that are in the advance stage ng clinical trial. In China actually, iyong Emergency Use Authorization have been granted to three companies since July. So, as of now, nearly at least a million Chinese have already been administered iyong vaccination, the COVID vaccine.
And what they are waiting for now is iyong authorization for general use which the applications have been submitted to the Chinese government and the health authorities. I think they are expected to issue an announcement shortly or hopefully, before the end of the year.
Now, in so far as iyong priority ng Philippines, the priority stands. The question is, during the discussion between Sinovac and the Philippines side, ang question is what are the procedures sa Philippines for procurement? They’re ready to supply pero importante magkaroon ng continuing talks which is what General Galvez said, the talks are going on, ang so we hope that the talks can advance so that the procurement and deployment can happen.
The Chinese authorities have announced that they are ramping up production. Of course, they have to meet their own domestic demand pero they want to ramp up to roughly 500 million doses not all within this year but within the next 12 months. So, considering our needs, there have been initial discussions on this, pero kailangan i-finalize, you know, we are not the only priority country. Of course other ASEAN countries are involved and there are other countries in the Middle East, in Africa, in Latin America, kaya hinihintay iyong ating request exactly what our needs are so that the procurement and deployment can happen.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Ambassador. Siguro ako na magtatanong ng first question kay Sec Charlie. Sec. Charlie, kailan ba ho iyong huling usapan natin with Sinovac at kailan po iyong susunod na usapan natin para magkaroon lang po ng peace of mind ang ating mga kababayan na magkakaroon talaga ng kasunduan para hindi naman po tayo mahuli at least para sa Sinovac na tina-target natin na mapabakuna sa ating mga kababayan by the first quarter of 2021? Sir?
SEC. GALVEZ: Iyong last meeting po namin ni Madam Helen Yang at saka iyong Sinovac team from Hong Kong was last Friday and it was very substantial. Iyong sinabi nga po ni Ambassador Chito Sta. Romana na we have already conveyed to them our needs. Ang needs natin sabi namin is 25 million for 2021 for Sinovac only.
And we are exploring also on other brand like Sinopharm vaccine. But right now considering that Sinovac is one of the biggest company and they have a huge volume to be distributed in ASEAN, we confirm that we will be needing 25 million and the meeting was very conclusive. And also the Ambassador of China here, Ambassador Huang Xilian is also coordinating with them and they also emphasized we are in dire need of vaccine for the first quarter, specially first quarter.
SEC. ROQUE: Last question ko na lang po sa inyo, Secretary Galvez: Kailan po iyong susunod na pagpupulong with Sinovac?
SEC. GALVEZ: Most likely, this week. We want to finalize it this week, our final negotiation so that we can firm up the head of terms and also we are looking at the exact time of the distribution. But they said they are very confident that they will have the resources on April, but we are negotiating that March will be our target.
SEC. ROQUE: Salamat, Secretary Galvez. Iyang sinabi ninyo po na you’re hoping to finalize by next week with Sinovac, that’s a very good Christmas gift po para sa ating mga kababayan.
Buksan na po natin ang ating open forum with the members of the Malacañang Press Corps. Usec. Rocky, please.
SEC. ROQUE: Buksan na po natin ang ating open forum with the members of the Malacañang Press Corps. Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon, Secretary Roque at sa mga bisita po. Tanong mula kay Rose Novenario ng Hataw: Sang-ayon po ba ang Palasyo na ilagay ng Department of Health sa kanilang website ang exact COVID-19 PCR test ng 191 licensed public and private laboratories sa buong bansa upang magkaroon ng pagpipilian ang mamamayan?
SEC. ROQUE: 100% supportive po at sana ilagay din doon sa listahan kung mayroong extra charge iyong certification para alam nila kung magkano iyong kabuuang babayaran for PCR test and the certification.
USEC. IGNACIO: Ang second question po ni Rose Novenario ng Hataw: Pabor ba ang Malacañang sa panawagan ni Surigao Del Sur Representative para sa absolute pricing transparency sa COVID-19 PCR attest dahil ang kawalan nito ay nagriresulta sa paglobo ng presyo?
SEC. ROQUE: 100% po kaming supportive diyan. At sa susunod na press briefing ay ipapalabas na naman po namin iyong mga laboratoryo na nagsisingil lamang ng 1,700 hanggang 2,000 pesos nationwide, para nga po mayroong freedom of choice ang ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: Nakatanggap si Representative Pimentel ng ilang private hospital ang ipinadadala sa public laboratories ang nakuhang specimen sa kanilang pasyente para sa COVID-19 testing pero napakataas ng singil sa pasyente gayong mababa lang ang presyong ibinabayad sa public laboratory. Ano na daw ang ginagawa ni Testing Czar Vince Dizon sa mga ganitong problema?
SEC. ROQUE: Well, ang sabi po ni Testing Czar, he welcomes po iyong absolute transparency at kung i-report po ninyo sa amin kung ano iyong mga private labs na mataas ang singil na gumagamit din naman ng mga public labs, ipagbigay alam po ninyo sa amin iyan, dahil parang hindi naman dapat na napakataas ang singil nila.
In any case mayroon na po tayong price cap, di ba po. So nagkaroon na tayo ng executive order, so hindi na po sila pupuwedeng sumingil nang mas mataas. Pero kung pupuwedeng mas mababa bakit naman po siguro hindi, dapat siguro admin charge na lang ang singilin nila kung public laboratories din naman po ang gagamitin nila.
MELO ACUNA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Secretary. My first question is for you. Nabanggit po sa Tapatan sa Aristocrat kanina ng PCCI at ng ICC na kailangang magkaroon ng policy ang pamahalaan ng isahang policy na lamang tungkol sa health protocols upang mabuhay ang turismo at ang airline industry. Mayroon kasing ibang kalakaran iyong LGUs baka raw mas magandang isa na lang, Secretary?
SEC. ROQUE: Well, matagal na po iyang kinukonsidera ng inyong IATF at pinag-uusapan ano. Sa ngayon po kasi ay talagang mayroon po tayong batas na nabibigay ng local autonomy sa ating mga LGUs at hindi natin sila pupuwedeng panghimasukan. Pero tingin ko po iyong ginagawa ng mga Metro Manila mayors can be a model, kung magkakaroon sana po ng consensus ang lahat ng mga mayor, mga gobernador para sa isang common policy iyan po ay makakatulong talaga sa pagbukas ng ekonomiya at pagsigla ng ating sektor ng turismo.
So we are in favor, pero we are working with the existing legal framework.
MELO ACUNA/ASIA PACIFIC DAILY: Opo, salamat po. Para po kay Secretary Galvez: Binalita po ng Asian Development Bank na mayroong $9 bilyon na inilalaan para sa mga developing member countries upang matustusan ang pangangailangan sa bakuna. Gagamit po ba ang Pilipinas mula rito sa facility mula sa Asian Development Bank; saan po galing ang salaping gagastusin natin? Salamat po.
SEC. GALVEZ: Ngayon po mayroon na pong ibinigay sa atin na puwede po tayong gumamit ng hanggang 300 to 500 million. Aside from the ADB mayroon po tayong 300 to 500 million dollars na puwede rin pong utangin sa World Bank; so more or less ang ano po ng Department of Finance is 1 billion dollar from this multilateral arrangement.
MELO ACUNA/ASIA PACIFIC DAILY: I see. Mayroon pong nagsasabi sa iba’t ibang news agencies na inaasahang tataas ang bilang ng mga may COVID-19 matapos ang Pasko at Bagong Taon. Do you share the same opinion, Secretary Galvez?
SEC. GALVEZ: Yes. Actually sa ano, nakita rin po natin na iyong sa Manila umaangat na po iyong tinatawag natin na kanilang active cases. Sa ngayon nga po baka ma-breach nga po natin iyong 3,000, kasi noong dati 2,500 na lang. And nakita po namin noong nag-report po ang OCTA Research dito po sa IATF na tumataas na rin po iyong R Naught. So iyon po ang nakikita natin na… sinasabihan nga po natin na gagawa nga po ang IATF ng recommendation to our President na magkaroon po ng tinatawag na announcement to be extra cautious this coming holidays.
MELO ACUNA/ASIA PACIFIC DAILY: Pahabol ko lamang po kay Ambassador Chito Sta. Romana. Magandang tanghali po, Ambassador. Nice seeing you. Let me just ask you, are you familiar, nailabas na po ba ng Tsina iyong kanilang phase 3 ng scientific data sa kanilang mga bakuna na nagkaroon ng trials, Ambassador?
AMB. STA ROMANA: Ganito, iyong phase 1 and phase 2 the results have been published in Lancet ano po and iyong phase 3, noong inumpisahan nag phase 3, the Chinese basically already controlled, were already able to control the virus kaya that is why they needed to go in at least 15 countries abroad where the phase 3 trial… the clinical trials were held.
The results have been announced in Bahrain, UAE, tapos iyong Brazil is going on. The application for general use including the data for phase 3 have been submitted to the Chinese government and that is what we are waiting for right now. I think the data is being evaluated by the Chinese authorities and this will be the basis for iyong kanilang authorization for general use na! Kasi iyong emergency use, since July pa ginawa sa China. And that is why as I said at least a million Chinese have already been administered and from that… from the emergency use, although anecdotal iyong ibinigay nilang data, what they have announced is that walang adverse incident and basically there were some minor side effects – iyong a pain in the place where the vaccination was done, a soreness, pero walang adverse incident that they reported. So, what we are looking forward is that they will also release iyong the results when they (communication cut)
SEC. ROQUE: Babalikan po natin si Ambassador if we can have a connection again. Ambassador Chito Sta. Romana of course is live from Beijing, China. Okay. Balik tayo kay Usec. Ignacio, please.
USEC. IGNACIO: Secretary, may tanong dito from Jayson Torres of New York Times pero para kay Ambassador Sta. Romana. Mamaya-maya na lang po kapag nakabalik na siya.
From Kris Jose of Remate/Remate Online: Reaksiyon po Secretary sa panukala ni Senator Leila De Lima na isulong ang libreng pagpapabakuna sa mga Filipino laban sa COVID-19 at makapagtatag ng ligtas at efficient na sistema para sa distribution at delivery ng bakuna. Kailangan daw na magarantiya ang libreng bakuna para sa lahat ng mga Pilipino na may karapatan sa kalusugan. Tulad daw ng vaccine efficacy ay mahalaga rin daw ang vaccine coverage.
SEC. ROQUE: Well, salamat po kay Senadora kasi inulit lang niya po ang sinabi na ng Presidente.
USEC. IGNACIO: Question from Edith Caduwaya of News Line@Ph Davao Media: Nag-ask ang family ni Dr. Casey Gutierrez, iyon pong PNP Doctor na namatay while on duty sa COVID facility. Hindi pa daw po nabibigyan ng financial support, pinapaasa lang ng DOH.
SEC. ROQUE: Perhaps we can contact either Secretary Duque—no, he’s presiding over an IATF meeting. Siguro si Usec. Vergeire, para siya na ang sumagot ngayon dito, para diretso na niyang sagutin.
Pero alam ko po nagbigay na ng tulong diyan si Senator Bong Go kung hindi ako nagkakamali. But kung totoo pong hindi pa nabibigay, I’m a bit surprised kasi kaya nga po nagbigay ng paunang tulong si Senator Bong Go eh dahil nga po nadi-delay yata iyong ayuda galing sa DOH. But can we contact Usec. Vergeire now please para may solusyon kaagad.
Nandiyan na ba si Ambassador Chito Sta. Romana?
Okay, next please Trish Terada of CNN Philippines, please?
SEC. ROQUE: Trish Terada? Joseph Morong?
JOSEPH MORONG/GMA7: Hi, sir! Sir, iyong R0 natin, from government perspective, ano iyong figure natin?
SEC. ROQUE: Ang huling tingin ko po diyan—let me see. Mayroon ba sa slides natin ngayon? Sandali ha because we have the updated figures as of December 13. Wala bang R0? Pero I have, doon sa last nating slides, iyong last—hindi. Kailan ba iyong Talk to the People? Last Thursday, oo, iyong last Thursday natin ha.
I believe it is still under one. And of course, the goal is to become under one which we have achieved.
JOSEPH MORONG/GMA7: The reason, sir, I asked is that right now, iyong OCTA has a figure of 1.06 as of maybe probably this December 13; it’s coming from 0.99. So, obviously, nagdya-jump ‘no.
First question ko is: Ibig bang sabihin niyan, sir, ay hindi na gumagana iyong mga health protocols natin, in a sense na hindi nasusunod iyong mga health protocols natin? And given that, mayroon ba tayong gagawing paghihigpit because obviously at this point parang hindi gumagana iyong mga health protocols natin? But moving into the holidays, we can expect tataas pa iyan. So any mga paghihigpit, talagang paghihigpit na gagawin ng government to stem the rise of number cases, at least in the NCR kasi iyon iyong medyo epicenter?
SEC. ROQUE: Well, Joseph, kung totoo iyong figures ng OCTA, and I’d like to remind the public, wala namang sariling figures po ang OCTA; kinukuha lang nila sa Department of Health. So wala po silang sariling figures. It is still government that gets the figures. Pero kung totoo po na naging .98 ba iyon o .96?
JOSEPH MORONG/GMA7: One point zero six (1.06).
SEC. ROQUE: From .98?
JOSEPH MORONG/GMA7: Ninety-nine.
SEC. ROQUE: From .99 to 1.06, eh hindi naman po malaking pagtaas iyan. Pero at the same time, it is telling us na kinakailangan na mag-ingat po tayo, dahil mayroon nang bahagyang pagtaas, at ito po ay bago pa umabot doon sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Pasko.
So, ang atin po ay patuloy na paalala para po mag-Merry Christmas, para mag-Happy New Year, ipagpatuloy po natin ang pagsunod sa minimum health standards – mask, hugas, iwas. At additionally, maging conscious po tayo na maski tayo ay nasa restaurants na at tayo ay kumakain na walang mask eh wala na muna siguro pong salitaan na marami dahil iyan po ay nagiging dahilan din ng pagkalat ng coronavirus (COVID-19).
So ang sa atin naman po, hindi na po siguro kinakailangang panandalian ang paghihigpit bagama’t may isang lugar po akong alam ngayon sa norte ng Luzon na humingi na maitaas sana ang classification nila to MECQ, pero ang naging desisyon naman po ay GCQ ‘no. But I will have to wait until the resolution is approved before I can announce kung anong probinsiya po iyan ‘no.
Pero sa ngayon po, paalala lang po, para naman tayo po ay hindi nasa ospital pagdating ng Bagong Taon, ng Pasko, mag-ingat pa rin po tayo; sumunod sa minimum health standards. Ang pagkalat po ng COVID-19 ngayong Kapaskuhan ay nakasalalay po sa kamay ng mga kababayan natin.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, but from an enforcement point of view, because obviously even if you remind them, we still have an increasing R0. So for example, iyong mga LGU, at what point can they trigger a return to an MECQ?
SEC. ROQUE: Ang tinitingnan po natin talaga diyan ay iyong critical care capacity, kapag nauubos na po iyong mga ICU beds, iyong ating mga ward beds at iba pang mga facilities ‘no. At sa ngayon po, maluwag naman po tayo pero hindi po iyan dahilan para nga magpabaya. So iyan naman po iyong mga triggers natin for escalation, iyong increase sa daily attack rate, sa increase ng two-week average daily attack rate, iyong epekto sa ekonomiya at saka siyempre po iyong critical care capacity na napakaimportante.
JOSEPH MORONG/GMA7: And of course, the LGU even during, halimbawa, from today until maybe January 7, they can on their own, lockdown specific areas. That is within their power. And you will hope that they can do that if mataas talaga iyong cases ‘no?
SEC. ROQUE: That is our policy po ngayon na nakapaloob sa IATF resolution. Ang ating istratehiya, magri-resort po tayo sa localized and granular lockdown. Pero paulit-ulit po ako: Ultimately, ang taumbayan po ang magdidesisyon kung dadami o kukonti ang COVID-19 sa Kapaskuhan.
Pero mga kaibigan, siyam na buwan na tayong naka-lockdown – konting hintay na lang. Kaya nga nandito si Ambassador Sta. Romana at babalik po tayo sa kaniya kasi mayroon siyang sinabi na hindi natin narinig at mayroong isang tanong so Jason. Jason, nag-shout out na ako ha sa Bacoor health workers. Shinawt out ko na sila na congratulations for a job well done.
Ambassador Sta. Romana, we did not hear the last part of your answer po kanina and we have one question from Jason of New York Times. Go ahead, Ambassador.
AMBASSADOR STA. ROMANA: I think, where I was cut off was when I saying na what we are awaiting now is the announcement from the Chinese authorities on the authorization for general use of the vaccine. And part of this, of course, is iyong data that the Sinovac, Sinopharm and others have submitted for in their application which is actually the phase 3 trial ‘no, iyong clinical data that Melo was talking about. Kasi what we have is really what’s in the media and what’s been reported because the Chinese conducted most, if not all, of their phase 3 clinical trials abroad. Kasi when they started it, under control na dito iyong virus so they needed to test it and also to test it with other nationalities – non-Chinese. Kaya that’s why they went to like 15 countries around the world ‘no, from Turkey, from Brazil, Indonesia. It’s too bad na hindi kasama ang Philippines diyan although may application na ang Sinovac for phase 3 clinical trial sa Philippines din.
So, that’s what I wanted to say na that’s what we are waiting for right now.
SEC. ROQUE: Ambassador, may tanong po si Jason Torres of the New York Times: Ambassador, please give us an update on Sinopharm vaccine trials after the debacle in Peru which has suspended trials there after detecting neurological problems in some test subjects?
AMBASSADOR STA. ROMANA: Well, okay. I saw the news report ‘no. What has happened is that the authorities reported iyong one adverse event, itong nagkaroon nga ng, I think, it affected the arm, the movement of the arm of the volunteer. So they suspended it pending iyong examination whether it’s related to the vaccine or whether it’s related or not. And it doesn’t mean it’s been cancelled. It may be a temporary suspension.
So we have to view it seriously and we have to look at what happened, and then we’ll see kung ano iyong evaluation nila. There was a similar incident also. I mean, other companies that have conducted clinical trial, have experienced ‘no. One was in, of course, in UK earlier and there was also in Brazil. Pero the one in Brazil was not related to the vaccine.
So the key question is, is it related to the vaccine or not? And I think at this point, that is still has to be determined. So, I view it as a suspension not a cancellation, and we have to await the conclusion of their inquiry.
SEC. ROQUE: Okay. Thank you, Ambassador. Let’s go back to Joseph Morong dahil mayroon pa siyang isang tanong.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sa iyo muna and also kay Secretary Galvez. I think, there’s going to be an emerging need to change some of the protocols because some Filipinos abroad ‘no, for example the UK or the United States, will be able to get vaccines ‘no or maba-vaccinate sila and they will return to the Philippines ‘no.
Papaano iyong magiging protocol natin for those Filipinos who are returning pero nabakunahan na, will they still be subject to quarantine protocols, testing protocols, once they get here pero nabakunahan na sila abroad, papaano po sir iyong magiging ano natin doon?
And then also, ano ba sir, iyong basis noong 10 na gatherings, iyong 10 individuals per gatherings? I was trying to look for an IATF Resolution to support iyong 10 na figure. All I see is the GCQ 30% for mass gatherings.
So, those two, sir – iyon pong mga Pilipinong nabakunahan na babalik sa Pilipinas and the Christmas?
SEC. ROQUE: Secretary Galvez?
SEC. GALVEZ: The protocol natin cannot change and we already talked with Usec. Ochie Tuazon sa possibility na talagang we have to change it. And we will look on the IATF Resolution in the future. So, we will make some changes on the recommendation.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, iyong Christmas na 10 na figure individuals, anong IATF Resolution ang basis noon? Iyong 10 iyong allowed per Christmas gatherings?
SEC. GALVEZ: Nakikita natin iyong previous announcement natin for MECQ, MGCQ protocols na as much as possible iyong gatherings nili-limit lang natin sa 10 and 20 and even 30% of the… tinatawag nating capacity of the building.
So, sa ngayon nag usap-usap kami noong mga Mayors ng NCR and also with Secretary Año, ang nakita namin talaga in order to have some sort of caution, maximum is possibly 20 and also it should be at the open area.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Open area. Why are we so confident with Chinese vaccines when they have not finished iyong Phase 3 trial? This question is for you and Ambassador Chito Sta. Romana.
AMBASSADOR STA. ROMANA: You’re asking me right, Joseph?
JOSEPH MORONG/GMA 7: Yes, sir! Both of you, sir—But how are you doing, sir?
Sir, iyon pong question ko is why are we confident, why are we relying on the Chinese vaccines when they have not finished iyong Phase 3 clinical trials nila?
AMBASSADOR STA. ROMANA: No. As a matter of fact they have finished in some countries, others are still proceeding. Ang Sinopharm actually tapos na sa Phase 3.
Sinovac has finished iyong Phase 1, Phase 2 and have published the results also. Now, iyong Phase 3 nila, they have an application sa Philippines, mayroon ding something happening now in Brazil, Peru, Turkey, Indonesia.
So, they have results that are happening and then sa China you’re basically going with nearly one million Chinese who have undertaken the vaccine and then they have actually also vaccinated their army. So, I understand we need a more systematic data and I think this has to be approved by our own FDA.
So, the basis of confidence is based on the Chinese experience, the experience in other countries but these have to be validated by our own health authorities.
Based on my experience here in China, I’ve traveled to four provinces in the past three/four months. In the beginning, I was very skeptical but I’ve seen with my own eyes, of course, they still wear face mask and they still maintain social discipline but they have been able to hold trade fairs that I had to represent the Philippines and my experience is they have the situation under control from my own personal experience.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Secretary Galvez?
SEC. GALVEZ: On my part, we have continuous briefing with the Vaccine Expert Panel and I believe the Sinovac has been cleared by the VEP considering that Sinovac came from classical and traditional inactivated virus. So, sa kanila iyong parang ito iyong parang tinatawag na traditional, for almost 300 years ginagamit natin iyong platform na iyon and most of the platform of the vaccine is inactivated.
So, sa kanila parang confident sila na iyong adverse effect is controllable and nakita natin na talagang the Chinese Ambassador is very confident na talagang iyong Chinese vaccine will be effective considering that also, some of the recipients of the trials are also Filipinos abroad. And also, na-ano natin sa media magro-rollout na ang Indonesia this coming first quarter most likely.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Thank you for your time, sirs.
SEC. ROQUE: Okay ka na, Joseph? You’re fine, ‘no? May pahabol lang ako, Sec. Galvez. Kanina po sinabi ninyo we’re looking at importing Sinovac, Sinopharm and a third company ‘no, pero this is the first time po na narinig namin from you na we are considering also Sinopharm. So, ito na ba ho ang position talaga natin that we will consider not just Sinovac but also Sinopharm and a third Chinese vaccine.
SEC. GALVEZ: Yes. Actually, iyong ano… iyong CanSino kasama sa ano natin iyan dahil kasi magkakaroon din sila ng clinical trial. Ang ano lang natin is iyong ano, iyong pinaka-advance kasi na nag-submit ng kanilang mga clinical trials iyong Sinovac and I think iyong Sinopharm we need to require them to submit iyong mga requirements.
Sa ngayon kasi ang pinaka-advance na na-clear na ng VEP at saka iyong [unclear] is Sinovac. So kapag once na sinabihan na kami ng VEP na we are cleared to negotiate, iyon po ang inaano po namin.
So, priority po namin ang Sinovac – one, is medyo three times lower siya sa Sinopharm at saka iyong kaniyang production line is capable silang mag-produce para sa atin ng more or less kung magkaroon po ng magandang negotiation is 20 million.
So, iyon po ang inano po natin kasi the directive of the President is to make the vaccine accessible to the public and ang inaano po natin doon iyong safety, efficacy, at saka iyong affordability po titingnan po natin.
SEC. ROQUE: Ambassador, since nandito naman po kayo. You mentioned that Sinopharm already concluded its clinical trial pero sabi ni Secretary Galvez, hindi naman sila nagsa-submit ng data sa panel of experts natin. Can the Embassy make representations po kaya with Sinopharm to comply with the requirements of the expert panel group?
AMBASSADOR STA. ROMANA: Yes. The Embassy is in touch with Sinopharm. We’ve been having contacts with them and our work really is to facilitate iyong contact between Sinopharm and IATF as well as the Health authorities and we will certainly do this, we’ll tell them what the requirements are and we’ll urge them to submit them as soon as possible.
Actually, Sinopharm told us that they’re no longer in a position to hold a Phase 3 Clinical Trial sa Philippines, so for them to be able to—for us to be able to procure from them ang importante nga is kung ano ang requirements natin and then they’ll submit the data that they have to satisfy our requirements.
SEC. ROQUE: Okay. Thank you very much, Ambassador. Thank you, Secretary Galvez. Thank you, Joseph. We go back to USec. Rocky, please?
USEC. IGNACIO: Question from MJ Blancaflor of Daily Tribune for Secretary Roque: How will you respond to criticisms on the 72.5-billion for COVID-19 vaccines in the 2021 spending plan? Senator Drilon is saying that only 2.5-billion lang po dito ang funded and iyong remaining funds daw po ay wala pang definite revenue source. Sinabi naman po ng camp ni Vice President Robredo na wala pong sense of urgency ang Admin in terms of budget for COVID-19 vaccine. Ano po ang masasabi ninyo dito?
SEC. ROQUE: Senator Drilon, Vice President, malayo pa po ang eleksiyon, tigilan ang pulitika. Paulit-ulit na po sinabi natin iyan ‘no na tayo po ay makakautang na sa multi-lateral sources, sa bilateral sources para po sa 72.5-billion na kakailanganin.
Kaya po inilalagay sa budget iyan, maski utangin hindi po pupuwedeng gastusin and I’m sure Senator Drilon knows about this already having been a veteran lawmaker, the same thing goes for the Vice President. They should know how the budget works. Kinakailangan nasa budget otherwise hindi magagastos maski ang panggagalingan ay uutangin.
SEC. GALVEZ: Secretary, puwede po akong makasagot kasi mas alam po namin iyong sa ano.
Iyong puwede po naming sabihin sa kanila, mayroon po tayong apat na ano na tinatawag nating means on how to access iyong funds. At ang ano po talaga natin na pag-agree-han po namin para maging transparent at talagang sure tayo na walang corruption at saka talagang very diligent ang gagawin natin, ang ating magiging fund manager at saka fund procurement agent will be ADB.
So, lahat ng vaccine ay doon po sa multi-lateral which is basically lahat ng mga countries ginamit po nila ang multi-lateral system.
Hindi po natin puwede pong magamit iyong 2021 budget kasi kailangan po ngayon pong December at saka January magsara po iyong ating advance market commitment. Kung 2021 po iyon gagamitin po natin na budget na inilaan po na 72-billion, we will be on the tailing end of the supply chain.
So, ang gagamitin po natin sa ating procurement ng vaccine para malaman po ng publiko ay iyon $1-billion na ino-allocate po ni Secretary Dominguez na noon pang July pa po siya binigyan ng instruction ng ating mahal na Presidente to produce the money for the vaccine.
So iyong pera po na iyon ay nanggaling po sa ADB, iyong 1 billion dollars at saka po, manghihiram din po tayo sa Development Bank of the Philippines at saka po sa ating Landbank at saka iyong GOCC. So iyong procurement po ay si DoF po ang nag-ano ng pera. At iyong atin pong na GAA, gagamitin po natin iyon pambili ng mga consumables, iyong mga syringes at saka mobilization po. Dahil kasi po, iyon po magagamit po natin, mga March pa po siguro. Makita po natin iyong ating budget cycle, iyong ating GAA, magagamit po natin iyan, March eh.
SEC. ROQUE: Actually, Secretary Galvez, natutunan ko iyan kay Senator Drilon na kinakailangan ilagay sa budget, maski uutangin, sa North Rail case. Kasi isa iyan sa basehan na pareho kami ni Senator Drilon ay tumutol doon sa legality ng North Rail Project. So kaya po nasa budget iyan, maski wala pang revenue source, eh mayroon naman po kasing plano talaga na pagkunan. At ito nga po iyong mga ADB lending facility. Yes, next question, please?
USEC. IGNACIO: Question po ni MJ Blancaflor pa rin, para po kay Secretary Galvez: Based on the report of Duke Global Health Innovation Center in the US, majority of promising COVID-19 vaccines are either bought or reserved for developed countries. Some rich countries like Canada have also bought enough vaccine doses to immunize their populations three times over. Mayroon po tayong COVAX pero a portion lang din po ng kabuuang vaccines ang mari-reserve ng COVAX. Do you agree po na lip service lang ng developed countries itong promise of solidarity on equitable and universal access on COVID vaccines? Do you find this alarming for developing countries like the Philippines?
SEC. GALVEZ: Nakita po natin na ang ating mahal na Pangulo ay talagang, he is heading iyong tinatawag na global planning forum for equitable access, kasi nga po nakita rin niya na talagang 18% na lang po ang natira po sa atin. Kaya po may mga countries na nag-respond that they are willing to help us, especially Australia and also China and also Russia at iyong ibang mga countries nakita natin na may matibay na diplomatic relationship sa atin, they also responded. And I believe iyong mga countries na nag-reserve po na iyon, iyon po ang ire-reserve nila sa other countries na gusto po nila.
SEC. ROQUE: Well, kung puwede akong magdagdag. Kaya po importante iyong naging pagkakaibigan natin sa bansang Tsina, Russia at even India, dahil bagama’t hindi sila mayayamang mga bansa, eh sila ay nagpo-produce din ng mga bakuna at sila naman ay nagsasabi sa kapuwa nilang mga hindi masyadong mayaman na mga bansa kagaya ng Pilipinas na bibigyan din tayo ng bakuna.
Okay, Trish Terada. I think she’s here now.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: I think you have answered most of my questions. Isang tip lang, iyong cabinet meeting po ba will push through mamaya po?
SEC. ROQUE: Yes, 5:00 o’clock this afternoon.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: All right, Secretary, thank you. Sir, may I please go to Secretary Galvez please? Hi! Good afternoon, Sec. Charlie. Sir, you mentioned that iyon nga po, rich countries already have 80% of the vaccines supplies. Sir, ang question ko, is this because they are rich or were they more prepared and forward looking or could we have been more ready or as ready as them?
SEC. GALVEZ: Ang nakikita po kasi natin iyong mga bansang ito ay sila ang nag-finance ng tinatawag nating vaccine production. Kaya normally, talaga pong sila po ang tinatawag na mayroong inherent rights na sila muna ang mabakunahan. But, I believe iyong nakikita rin natin, tingnan din natin iyong production line na talagang maraming challenges sa production line. Kahit na mayroon silang attached market commitment ay kailangan din ng mga raw materials iyong mga vaccine producers. And the shortfall that some of the experts have said, will be more or less 2 to 3 billion population ang hindi mabakunahan this coming 2021. But we believed that mid-2022, with the applications of many vaccine makers were being approved ay lalaki po iyong supply market.
So ngayon po, kasi medyo tingnan din po natin, hindi lang po iyong 80% na nakuha natin. Tingnan din po natin, na sa ngayon, out of 200 vaccine makers, iisa pa lang ang naaprubahan, which is Pfizer and it affects the production capacity ng mga vaccine makers, kasi hindi sila makapagbuwelo kung wala pang iyong approval.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Sir, iyong AstraZeneca po, di po ba nag-withdraw sila ng application for clinical trials. Will this in anyway affect their credibility at least at saka iyong procurement din natin sir?
SEC. GALVEZ: Ang nakita ko hindi naman sila nag-withdraw, hinihintay lang ang approval. Either ang gagamitin iyong single step/initial, iyong tinatawag na half doon sa full dose, kasi tapos na po sila ng full dose requirement. So, malaki na po ang nagawa po nila. So most likely naghihintay lang po sila ng cue from their headquarters kung ang clinical trial po na gagawin po sa atin is half dose or full dose na regimen. Kasi hindi sila talaga parang nag-withdraw, ang ano lang po nila, iyong kanilang submission for the regulatory evaluation. But they are already been complete on the full dose, so iyon po ang hihintay nila iyong guidance kung what will be the regimen that they will be using dito sa atin.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Pero sir, kahit po mabigyan po sila ng EUA sa atin dito, ibig sabihin, tuloy pa naman po iyong clinical trials with them dito po sa bansa natin?
SEC. GALVEZ: I’ll ask Ma’am [unclear] Parang iyon ang ano nila, I think there is a misconception of withdrawal, ang ano po natin ay nakita po natin na sila pa nga iyong pinakamabilis na na-process for clinical trial and I believed, it doesn’t affect iyong negotiation natin, because they have already committed a certain amount of volume that they can be given to us. Ang inaantay na lang po natin is iyong EUA ng UK na parang maging signal natin for them to be qualified doon sa stringent regulatory arrangement with ADB and World Bank.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Salamat po Secretary Galvez. Thank you, Spox.
SEC. ROQUE: Trish, siguro lilinawin ko na rin. Ang clinical trial ay required kapag wala pang bansa na nagbibigay ng kahit anong permission to use a new vaccine. So ngayon mayroon nang mga bansa na nag-iisyu ng Emergency Use Authorization. That vaccine can be used kung mag-a-apply din ng Emergency Use Authorization sa Pilipinas at ito nga iyong importansiya noong executive order na pinirmahan ng Presidente authorizing the FDA to issue Emergency Use Authorization.
Now a clinical trial is always preferred kapag wala pang kahit anong regulatory approval, kasi malalaman iyong epekto sa Pilipino talaga, kasi baka naman mayroong pagkakaiba dahil sa lahi. Pero it is not required dahil may mga bakuna na mabibigyan na ng General Use Authorization na puwede ring mag-apply sa Pilipinas, basta i-submit iyong General Use Authorization o iyong Emergency Use Authorization nila na subject naman to review ng FDA. Kaya nga po mapapabilis iyong proseso from 6 months to 21 days kasi re-rebyuhin lang nila iyong mga datos na sinumite doon sa foreign jurisdiction na nag-isyu ng either General Use Authorization or ng Emergency Use Authorization, okay? Let’s go back to Usec. Rocky please?
USEC. IGNACIO: Question from Cresilyn Catarong ng SMNI: Muli daw pong ipinatutupad ng MMDA simula ngayong araw ang truck ban sa major thoroughfare sa Metro Manila. Ang grupo ng mga truckers, sinabi nilang hindi raw po sila nakonsulta hinggil dito, aapela po sila na huwag magkaroon ng truck ban, posible po kayang pagbigyan ang kanilang panawagan?
SEC. ROQUE: Naku, pakitanong na lang po iyan sa MMDA! Because allegedly, it’s an MMDA decision at hindi naman po nagma-micro manage ang ating Presidente. Pakitanong na lang po sa MMDA.
USEC. IGNACIO: Second question po niya, inanunsiyo po kamakailan ng DILG na nasa 1,546 LGUs nationwide ang nagdeklara sa CPP-NPA-NDF bilang ‘persona non grata’ sa kanilang mga lokalidad. Alegasyon naman ng Communist Party of the Philippine, pinipilit umano ng DILG ang LGUs na ideklara ang CPP-NPA-NDF bilang ‘persona non grata’ na agad naman pong pinasinungalingan ng DILG. Ano daw po ang komento ninyo dito?
SEC. ROQUE: Eh talaga pong walang basehan iyong ganiyang paratang laban sa DILG. Unang-una, hindi naman po DILG at mga LGUs ang nagdideklara sa kanila ng ‘persona non grata’. Ang una US state department ang tawag nga nila sa CPP-NPA – terorista! Kung terorista, iwi-welcome mo pa ba sila? Huwag silang magalit sa mga LGU na nagparatang na sila ay ‘persona non grata’ dahil in this civilized world, wala po talagang humahanga sa mga terorista. Kaya kayo ibaba na ninyo ang inyong armas, magtutok na lang kayo sa parliamentary struggle nahahalal naman kayo sa Kongreso, damihan ninyo ang hanay ninyo roon, nang sa ganoon magkaroon ng pagbabago, itigil na po iyang patayan lalung-lalo na kung ang papatayin naman ninyo ay kapuwa ninyong mahirap na Pilipino rin.
USEC. IGNACIO: Opo. Question from Aileen Taliping of Abante Tonite para po kay Secretary Galvez: Kumusta na po ang testing ng gobyerno, tuluy-tuloy pa rin po ba ito? Hindi na kasi visible lately si Testing Czar Vince Dizon. May initial assessment na po ba ang task force sa possible COVID spike sa pangangalahati ng holiday season?
SEC. GALVEZ: Sa ngayon po ay tuluy-tuloy po ang ating pagti-testing. Nag-a-average po tayo ng from 20,000 to 30,000 a day at nakakaano na po tayo ng more than five million na po ang nati-test natin. Continuing pa rin po ang testing natin kasi ang ginagawa po natin ngayon ay iyong ating strategy na PDITR [Prevent-Detect-Isolate-Treatment-Reintegration] ay continue pa rin po.
So sa mga areas na tumataas ngayon at nakita po natin iyong bandang north area ng Cordillera at itong Isabela ay medyo umaangat pero nandoon na po si Secretary Vince Dizon. Nandiyan po si Secretary Vince Dizon at siya po ang tumatakbo at nagri-response para po sa mga areas na nagkakaroon po ng spike.
Very visible po si Secretary Vince Dizon in terms of iyong responding. Noong isang linggo nga po, pumunta po siya sa Ilocos para tulungan po natin iyong mga nangangailangan po doon, at lastly po, iyong sa Laoag po. So siya po iyong umiikot sa mga different areas na nagkakaroon po ng transmission na mataas po.
SEC. ROQUE: And in my capacity as co-chair of the Vince Dizon fans club eh in fairness po, talagang hindi lang siya makarating dito sa ating mga press briefing whether be it live or online kasi nga po sunud-sunod iyong mga lugar na binibisita niya para magbigay ng tulong po. Ito po iyong mga lugar na nagkakaroon ng bahagyang pagtaas po ng mga kaso. Ganoon pa man ay sabi nga po ni Sec. Galvez, halos anim na milyon na po ang ating testing – one of the highest na po tayo in the whole world on a per capita basis.
Pia Rañada, please.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Hi, sirs! Good afternoon. First question is for all the officials if possible. There is a paper, sir, that came out from Singapore, it’s a Singapore-based institute called Yusof Ishak Institute. And the paper is saying that China’s vaccine diplomacy is not unconditional and in fact, China could be using its vaccines to put pressure on developing countries when it comes to certain sensitive geopolitical issues. So my question is: How do we avoid the scenario in which China uses its COVID-19 vaccines to pressure countries like us, the Philippines, on our stance in the South China Sea?
SEC. ROQUE: I will respond and then turn over the floor to Ambassador Chito Sta. Romana.
Eh anong pressure ho ang ia-apply ng Tsina sa atin? Ang ating polisiya po ay pagkakaibigan sa lahat at wala tayong kalaban, independiyenteng panlabas na polisiya, independent foreign policy. And the President in fact shares many values with the leadership of China including personal friendship with President Xi.
So I think, the possibility of using the vaccine as pressure as far as the Philippines is concerned is almost nil.
But nonetheless, mas alam po ito ni Ambassador Sta. Romana. Sir, would you care to comment?
Incidentally, hindi ko alam kung ano iyang think-tank na iyan sa Singapore ha, never heard.
AMBASSADOR STA. ROMANA: I know there is this concern particularly among certain sectors ‘no. Pero in reality, I think the Chinese have offered this, you know, it’s part of their campaign to improve China’s standing in the world and to win the hearts and minds of people. As you know, iyong rating ng China, for example in the Philippines, when it comes to trustworthiness is quite low. And so the point of this vaccine diplomacy is on the one hand, iyong pledge nila to make it a global public good, to make it available particularly to their close friends, countries that are friendly to them, neighboring countries.
But whether they’ll make it as a condition sa geopolitics, that has not come up in any discussion. And I think the Chinese are very clear that when it comes sa Philippines, we put it on separate tracks. Where we have differences, we discuss it. But if you’re going to us one to press on the other, that will certainly not work under this current administration.
So there has been no attempt to the Chinese to link the two together.
What is happening is, they may be trying to do this to increase their standing in the public; to win the hearts and minds of the public that they are a friendly country, that they mean well and that they want to be seen as a benign regional power and not as an aggressive or maligned power.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. Thank you, sir. Sir, can I go to my second question? This is for Secretary Galvez naman po. Sir, there’s an urgent need to secure a supply of vaccine, sir, as you already explained so many times.
But, sir, back in September, when the President rejected the payment of reservation fees because bawal daw sa procurement laws natin. I’m just wondering, did that lead you to hold back from giving vaccine firms a commitment on paying for a supply?
SEC. GALVEZ: Nakita namin kung ano eh, ang urgency na dapat hindi tayo nasa tail-end. His guidance is to look for ways na nandoon tayo sa ano, nauuna tayo sa pag-roll out. And we saw that there is a way. Talagang napakahirap ng ano natin kasi iyong RA 9184 does not allow us to iyong tinatawag na advance commitment and only with approval of the President.
So ang ginawa namin, we made a research and we saw that the ADB, the Asian Development Bank, offers iyong tinatawag na loan for advance market commitment. And it does not limit iyong ano natin, kapag nagkaroon tayo ng contract with the vaccine company, puwede nating i-elevate sa international negotiation ang ano natin.
So with that, noong nakita namin na puwedeng gamitin iyong ADB as a financing strategy, we made a presentation to him early November, and he approved it immediately. So iyon, iyon ang nakita namin na kung mag-i-stall tayo iyong sa ating procurement law na talagang napakahirap, it’s very hard to [unclear] accomplish because we are only allowed to have iyong advance market, only advance payment for 15% which is iyong advance market commitment require us to have at least 50% advance market commitment.
So iyon lang po ang ano po namin na talagang at least the President saw the nature of the procurement process and nakita niya na talagang magiging maganda if we will use iyong multilateral system which the other countries use through the ADB and also through multilateral arrangement.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, you were saying na in November na iyan, sir, iyong last month lang iyong na-find out ninyo na way to use the multilateral agencies as a funding source. I’m just wondering, sir, could we not have found that solution earlier? Kasi, sir, like Indonesia, they were already in talks with China. Like they were going to China to look at the vaccine preparations in August pa lang. So, sir, parang medyo behind tayo – the way I see it ha – in terms of finding a way to secure the supply. Can you just explain how [unclear] iyong sinasabi ni President noong September with the timeline of our securing a supply, yeah.
SEC. GALVEZ: I believe hindi na natin magagamit iyong ADB kasi the ADB will unlock it sa December 15 pa. So iyong unlocking of the budget is December 15. Even alam natin na puwede nating gamitin iyon, if the fund is not available for ADB, hindi natin talaga magagamit pa rin iyon.
So that’s why iyong when the ADB announced that there is a 9 billion, kailan lang sila nag-announce eh na there is a nine billion for their clients to avail it, iyon ang ginawa natin. And then that’s why noong malaman namin na available ang ADB, we applied for it and then we were able to unlock it most likely baka ngayon that’s why we are negotiating… at least ano, maano namin, ma-consummate na namin iyong contract within the year.
So iyon ano, hindi siya late kasi ang ano natin is nakikita natin na talagang hindi naman din iyong [unclear]. Iyong tinatawag nating delivery of the vaccine is not only dependent on the procurement process. It is dependent on the global supply chain.
PIA RAÑADA/RAPPLER: Okay. So, sir, last question. Iyong inisyu ni President na allowing advance payments, the condition there is we can only allow advance payments if the funding source is a multilateral agency? Tama po ba? Hindi puwedeng from GAA or any other source?
SEC. GALVEZ: Yes, kasi sa GAA, very limited, very ano talaga, we already talked with the COA at saka talagang napakahirap ang ano natin. So we are the only country that has that difficulty. Other countries, they have a liberal law on procurement. But we are very limited with [RA] 9184.
PIA RAÑADA/RAPPLER: All right. Thank you, sir.
SEC. ROQUE: And let me put it in context, Pia. Iyong konteksto ng sinabi ni Presidente, ayaw niya iyong western kasi nga humihingi nga ng advance. Kaya he is looking forward to the Chinese and the Russian na walang advance. Lahat naman ng sinabi ni Presidente ay tama ‘no. At hindi lang naman para sa Pilipinas iyan, for all other countries who are not wealthy, iyan po ang naging polisiya ng mga mayayaman, siyempre sila-sila muna ‘no.
Okay. Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Question from Leila Salaverria: Does the Palace see the need to intervene on the issues concerning the cashless toll system? What does he think of the Toll Regulatory Board’s handling of the problem?
SEC. ROQUE: Hinahayaan po natin iyan sa TRB at ang DILG naman po ay pumasok na rin po sa eksena at hinikayat ang mga lokal na pamahalaan at ang operator ng expressway na ayusin na itong gusot na ito.
USEC. IGNACIO: Question from Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Update on the budget, natanggap na po ba ng Malacañang?
SEC. ROQUE: As of twelve noon before the press briefing, wala pa po.
USEC. IGNACIO: Reaksiyon daw po sa sinabi ni Senator Lacson that Malacañang should start its review of the 2021 Budget with the supposed dubious items in the budget of DPWH. He said that in the BiCam report, 83.87-Billion of DPWH infra projects migrated to new areas while appropriations worth 55.52-Billion disappeared. As if it wasn’t enough to satisfy their greed, they cut the budgets of other departments by 28.35-Billion.
SEC. ROQUE: Well, unang-una po bago mag-review, dapat i-submit. Pangalawa po, mayroon na pong proven track record ang Presidente na hindi naman siya sasang-ayon sa mga kababalaghan na pupuwedeng gawin sa budget dahil noong minsan eh vineto na niya lahat mga questionable na mga items sa budget. So, I think Senator Lacson can be confident na hindi lulusot iyan sa ating Presidente.
USEC. IGNACIO: From Rosalie Coz of UNTV: May we get your reaction to Dr. Tony Leachon’s recent statement, “Isn’t it disturbing that the government is still prioritizing the vaccines for which there is not enough safety and efficacy data. Perhaps we need to know the matrix or guidelines on their priority list. Transparency is key, safety is paramount.” Priority po ba natin ang Chinese vaccine dahil wala tayong choice? How do we address concerns na walang enough safety data kaugnay ng bakuna?
SEC. ROQUE: Alam mo, tatapatin ko na si Dr. Leachon. Na-edit lang po sa mga Talk to the People pero ang daming beses na po kayong namura ng Presidente. Kasi ang sabi niya kung anu-ano ang sinasabi mo iyon pala nagnanais ka lang ng posisyon sa gobyerno. Next time po murahin kayo ni Presidente I would insist it would be shown to the people. Baka akalain ninyo eh natutuwa ang Presidente sa inyo, hindi po! All the other Cabinet members who have been in the attendance in the recording of the Talk to the People can attest to this. So, wala na po akong masasabi. Sasabihin ko na lang next time kapag nagmura ang Presidente laban sa kaniya, ipakita sa buong taumbayan na.
SEC. GALVEZ: Spox, puwede akong magdagdag? Kasi si Leachon dati naming NTF ano iyan eh, aming—
SEC. ROQUE: Pero you vouched for it po ‘no, Secretary Galvez, baka akalain kasi ni Dr. Leachon eh natutuwa ang Presidente. Sinabi ko lang ang katotohanan.
SEC. GALVEZ: Opo, tama po iyong sinabi po ni Secretary Roque na talagang very questionable iyong mga question ni ano eh at saka sa NTF nagsama po kami. Mahirap pong kasama, may sariling mundo.
SEC. ROQUE: Mas maganda iyong linya mo, Secretary Galvez. Thank you. Okay, next question please.
USEC. IGNACIO: Question from Ace Romero para po kay Secretary Galvez: May balak po ba ang gobyerno na i-hold muna o pansamantalang itigil ang negotiations with Sinovac given na may bribery allegations po? Mananatili pa rin bang Sinovac ang unang bakuna na gagamitin kahit may mga ganitong issue ang Sinovac?
SEC. GALVEZ: Iyan po ay tinanong na din namin po sa ating mga regulatory board and they will examine those allegations. And we found out that that allegations was during the year 2017 and we are talking also with Sinovac. We feel that, in fairness to them, they have given us a lot of after sales freebies na talagang nakita namin maganda iyong magiging serbisyo ng Sinovac including iyong tinatawag nating apps for after the inoculation.
So, ini-evaluate namin lahat iyong mga head of terms at saka iyong supply agreements ng mga different companies and we saw that the Sinovac will be having a rollout sa Indonesia and other countries, in Brazil, so we saw iyong tinatawag na pre-ordered na galing din ng sa mga magagaling ding mga countries. And we saw that the ongoing negotiation that we have is very clean and very open.
USEC. IGNACIO: Opo. Question po mula kay Vanz Fernandez para po kay Secretary Galvez: Is the Philippines po starting a training program for vaccinations? Who will administer the new COVID-19 vaccines when they arrive?
SEC. GALVEZ: Sa ngayon may po may malawakan po tayong vaccine logistics summit. It will be undertaken this coming December 16. Ang lahat po ng mga stakeholders including iyong mga medical professionals and also academe, including iyong mga stakeholders natin na we will have a massive logistics summit. Matitingnan po lahat po ito kasama po iyong lahat ng mga pangangailangan po natin in terms of mobilization at saka ilang vaccinator ang kailangan natin and how we will deploy them and train them.
So, iyon po para ano po iyan and then we will have iyong master list o iyong tinatawag nating war room questions na dapat po nating malaman. So, sa ano po natin, we can say that I believe after the logistics summit workshop, makikita po natin ilan po ang kailangan po natin na mga vaccinators at saka ilan po ang cold chain na mga pangangailangan natin and all the administering mga facilities including public and private hospitals kasama po iyon. We are very confident that we can be prepared before the vaccines arrive.
USEC. IGNACIO: Question from Sam Medenilla po for Secretary Roque: Kailan po kaya expected mapirmahan ni President Rodrigo Duterte ang 2021 National Budget? Confident po kaya ang Palace na mapapasa po ito in time para maka-comply sa 15-day publication rule?
SEC. ROQUE: Eh, iyon na nga po ang kaba ko, mukhang wala kaming Pasko dahil hindi pa nga namin nari-receive ang budget. Busisiin pa iyan, eh baka habang lahat ay nagdidiwang kami dito sa Palasyo eh nagbubusisi ng National Budget. Pero kinakailangan po mapirmahan iyan with or without veto at magkaroon po ng sapat na panahon para ma-publish iyan dahil we cannot afford nga po a reenacted budget. So, I would say it has to be soon pero uulitin ko po, it has to be received first dahil kinakailangan rebyuhin po.
USEC. IGNACIO: Second question po niya: Ano po kaya ang magiging topic ng expected Cabinet meeting later?
SEC. ROQUE: Hindi ko pa ho nakukuha ang agenda. But anyway I will be giving updates in the course of the Cabinet meeting and tomorrow in our regular press briefing.
USEC. IGNACIO: Question from Prince Golez of Abante/Politico: May Talk to the Nation po ba si President Duterte mamayang gabi?
SEC. ROQUE: Dahil po sa Cabinet meeting, wala. But it was rescheduled for Wednesday. Okay na, narinig ninyo?
USEC. IGNACIO: Secretary, pakiulit po medyo nag-choppy po kayo.
SEC. ROQUE: Okay. It was cancelled for today because of the Cabinet meeting but it was rescheduled for Wednesday.
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary. Tanong naman po ni Pia Gutierrez, additional question niya: May desisyon na ba ang IATF on the use of firecrackers this New Year?
SEC. ROQUE: Wala pa po dahil ang sabi ni Presidente kino-contemplate na po na niya na ipagbawal sa 2021, meaning next year. Pero wala pong resolution ang IATF dahil Presidential action po ang mangyayari diyan.
USEC. IGNACIO: So far, Secretary, iyon po ang ating mga tanong.
SEC. ROQUE: Hay naku! Maraming salamat po ano at napakamalaman ng ating naging discussion. Nagpapasalamat po tayo sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps, kay Usec. Rocky at siyempre po sa ating suki, Secretary Galvez and our suki also, Ambassador Sta. Romana.
Maraming, maraming salamat po. Napakadami pong impormasyon na nakalap ang ating mga taumbayan sa importanteng usapin tungkol sa bakuna. So, dahil wala na po tayong oras at ang tingin ko sa inyong lahat ay pagkain, sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox na nagsasabi na ang Pamaskong handog po ay iyong pag-asa na mayroon nang solusyon sa pandemya at ito nga po ang bakuna.
Pero sana abutan nating lahat ang pag-asang iyan. Samantala po, Mask, Hugas, Iwas.
Merry Christmas! Happy New Year po sa inyong lahat.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)