ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Welcome po sa ating Press Briefing with Indigenous People Leaders. And to introduce our guests, let us have PCOO Undersecretary Lorraine Badoy. Good morning, ma’am.
USEC. BADOY: Hi, good morning Malacañang Press Corps. Good morning to all our guests. First of all, thank you so much for all the members of the Malacañang Press Corps who did come here… heartfelt thanks talaga. I appreciate it.
Anyway, very short word. Early last year, the President found out that 60 to 90 percent—fully 60 to 90 percent of NPAs were IPs and this is alarming because what this meant was that they had this vulnerable sector had become the recruitment ground of the terrorist group, the CPP-NPA.
And indeed ‘no, the stories that have come out about how this sector was being exploited and manipulated is nothing short of diabolic; where not even the IP children were spared and were trained in Salugpungan schools to be child warriors and to be killing machines even at a very tender age of 8 years old. And we have one of them here who can tell that story ‘no.
Tribal leaders who refuse to obey the CPP-NPA-NDF were murdered and then systematically replaced with non-IP leaders. It was in this context that our honored guests today decided to go on a speaking tour in the US to break their silence and unmask the lies being spread about them by the terrorist CPP-NPA-NDF and their legal fronts for the express reason of raising funds for their terrorist activities in this country—in our country.
Ladies and gentlemen, without further ado… mga kababayan ko, it is an honor, personal honor for me to introduce to you my personal heroes and my heroines, our indigenous brothers and sisters: Bae Christine Banugan of the Mandaya Tribe of Caraga, Davao Oriental; Datu Nestor Apas of the Langilan Manobo Tribe of Davao Del Norte; Datu Ramon Bayaan of the Obo Manobo Tribe of North Cotabato; Datu Awing Apuga of the Ata Manobo Tribe in Talaingod, Davao Del Norte; Bae Magdalena Ilagan of the Mamanwa Manobo Tribe of Agusan Del Sur; Bae Chiary Balinan of the Ata Tribe in Davao City; Datu Jake Lanes of the Mandaya Manobo Tribe in Monkayo, Compostela Valley; and Datu Joel Dahusay of the Matig Talomo Manobo Tribe of Talaingod, Davao Del Norte. Datu Jake…
DATU JAKE: Magandang umaga po at marami pong salamat sa lahat. Nandito po kami upang ipahayag po sa inyo ang katatapos lang po na ginawa namin na US tour, tinawag po namin itong “Breaking the Silence and Telling the Truth.” Ito po ay narrative ng aming assertions as indigenous people at ang aming pagiging biktima o tinatawag naming ‘deception’ at saka ang aming continuing assertion ‘no sa ngayon.
Gusto lang po naming i-clarify ‘no ‘yung mga issues ‘no na sinasabi na ang mga—the government is attacking the communities and the schools of the indigenous people.
Una po, gusto naming i-clarify na mayroon na pong batas ang ating bansa recognizing the 4 bundle of rights ng mga indigenous people – ito ‘yung Indigenous Peoples Rights Act or RA 8371. Pinasa po itong batas noong 1997, ten years siya advance ‘no sa promulgation ng United Nations doon sa United Nations Declaration of the Rights of Indigenous People.
Gumawa po kami ng biyahe dahil gusto namin i-clarify—in 2015 po nagkaroon po ng tour ang mga aktibista na hawak ng Communist Party na Lakbay Lumad USA in 2015. Gusto po namin itong i-clarify – una, ‘yung term po na ‘Lumad’. Una, iyong Lumad po ay hindi po siya tribu, hindi po kami mga Lumad. Ang Lumad can also be connote na Cebuano ka na taga-Cebu, ‘di Lumad ka na taga-Cebu. It can also be used by Boholanons, na Lumad sila for Bohol.
Actually, gusto nilang bitbitin namin iyong pangalan na ‘Lumad’ dahil po mayroong dalawang underground organization under sa Communist Party of the Philippines affecting the IP sector. Ito ‘yung Cordillera People’s Democratic Front sa Northern Luzon at Rebolusyonaryong Organisadong Lumad o ROL sa Mindanao.
Ayaw po naming tawagin kami na Lumad at ayaw naming mapasama sa tinatawag nila na Rebolusyonaryong Organisadong Lumad. Dahil po ang mga katutubo po ng Pilipinas, lalo na sa Mindanao, mayroon na pong batas ‘no na pinaglalaban namin. Hindi lang ito basta-basta binigay ng gobyerno, ipinaglalaban po namin ito.
At sabi nga ng isang lider namin during sa debate sa Senado, ‘however imperfect iyong batas, kung ikumpara siya sa damit, kahit marami siyang butas susuutin ng lider at tatahiin na lang namin.’ Ibig sabihin, wala namang perfect na batas pero at least mayroon nang matatawag na peace covenant ang IP communities with the government para i-resolve iyong historical injustice, na matagal na panahon na ang mga dating administrasyon na pamahalaan ng gobyerno ng Pilipinas ay hindi kinikilala ang karapatan ng mga indigenous people.
Noong 1997 po nagkaroon na ng pagkilala. Ano ‘yung 4 bundles of right? Kinilala po ng pamahalaan ang aming karapatan sa ancestral domain o aming mga teritoryo; pangalawa, self-governance and empowerment; pangatlo, cultural integrity; pang-apat, social justice and human rights.
Kaya po sinasabi namin, mali po ang paratang na ang gobyerno ay aatakihin ang mga pamayanan ng katutubo ‘no; walang rason ang gobyerno para gawin iyon.
In fact, kami po ay nagsasaad – hindi ito popular na narrative at ngayon lang ‘ata ninyo narinig dahil halos taun-taon mayroong Manilakbayan na ginagawa iyong mga organisadong Lumad galing sa Mindanao na binibitbit dito sa Manila lalo na sa UP. Ang sinasabi nila, the government is attacking the IP communities and IP schools. Gusto namin iyon klaruhin, una, tingnan po natin para malaman natin ang katotohanan: Sino ‘yung may motibo ‘no?
Ano ang motibo ng gobyerno para atakihin kami, samantalang nagre-recognize na siya ng aming mga karapatan; samantalang iyong Communist Party of the Philippines kino-convert nila ang teritoryo namin into guerilla bases.
Ito ‘yung ginagawa nilang guerilla bases at ang—kaya nga sinabi ni Ma’am kanina na almost 60 to 70 percent ng mga miyembro ng NPA ay galing sa tribu dahil nire-recruit nila ang aming mga kabataan sa… ‘yung sinasabi nilang ‘child warrior’, maging child warrior ng New People’s Army.
Ang biyahe din namin sa US ay tinatawag naming ‘Narrative of Deception’. Tama po, nagkamali ‘yung mga elders namin noon; akala nila kasama nila at tutulong sa pakikipaglaban iyong sinasabing mga New People’s Army ‘no sa mga pamayanan ng katutubo na depensahan iyong tinatawag naming ‘Yutang Kabilin’ o ancestral domains. Ngayon lang namin na-realize na una, sinu-supplant nila, dahan-dahan nilang pinapalitan ang aming mga traditional leaders. At iyong mga nag-oppose, pinapatay po nila.
Two years ago, nag-submit na po kami ng listahan sa Commission on Human Rights, sa National Commission on Indigenous People at sa Office of the President – listahan ng mga leader at mga miyembro ng iba’t ibang pamayanang katutubo na pinatay ng NPA: kasama na dito ang naging mayor ng mga katutubo, Mayor Leonida Manpatilan ng Esperanza na pinatay sa simbahan sa Butuan; Mayor ng Talaingod, Mayor Jose Libayao na pinatay during consultation sa isang ADB project doon sa Talaingod; Mayor Dario Otaza na kanilang kinuha sa bahay doon sa Butuan at pinatay kasama ang anak – ito po ‘yung mga karanasan, totoong karanasan ng mga katutubo.
Ang sinasabi namin, ito ‘yung may motibo para atakihin ang aming mga pamayanan.
Tungkol naman po sa pag-atake, itong sinasabi nilang mga paaralan. Ang paaralan po na ginagamit nila doon sa Mindanao, mayroong limang Regional Party Committee under sa Mindanao Commission, ito ‘yung organization ng New People’s Army. Sa bawat region po, mayroon silang ino-organize na paaralan. Salugpongan po sa Region XI; sa Region XII CLAN [Center for Lumad Advocacy, Networking and Services Inc.]; TRIPS at ALCADEV sa Region XIII; MISFI [Mindanao Interfaith Services Foundation, Inc.] sa Region X. Ito ‘yung mga regional na mga schools na ino-organize nila na ang magpapatunay po, nandito ngayon si Bae Magdalena, estudyante po siya ng TRIPS pero at the same time ni-recruit ng NPA sa edad na 12 years old. Nandito po si Awing Apuga; si Awing Apuga po ang papa niya ang Chairman ng Salugpongan Ta’ Tanu Igkanogon; ito po ay organization.
Una, ang Salugpongan po ay traditional practice ng tribu to defend… unity to defend the ancestral domain, kinonvert po nilang organization under sa Bayan; ginawa nila itong IP organization, pinapasali sa mga rally-rally; at ang pangatlo po, kinonvert nila into school. Pero mayroon pong separate Board of Trustees na kontrolado ng mga legal organizations ‘no. Nagkaroon po ng 72 applications sa mga paaralan sa buong Region XI at 55 po nito ang sinuspinde ngayon ng DepEd; samantalang lima po nito ay pinasara mismo ng community.
Bakit po? Dahil po magpapatunay sila Awing na sila ‘yung nagtuturo, dumaan siya as teacher at estudyante ng Salugpongan. At hindi po sila compliant sa requirement ng DepEd, wala din pong pre and prior inform consent na dapat sila pumasok at magtayo ng paaralan sa mga pamayanan ng katutubo as provided sa batas ng IPRA ‘no. Marami silang violation, pero ang pinaka-violation po nila ay ang mga laman ng curriculum ‘no ng kanilang tinuturo, na nagtuturo para gawing radical o i-brainwash ang mga pag-iisip ng mga kabataang katutubo.
Ito po ang laman ng aming “Breaking the Silence and Telling the Truth” ‘no – pagsasabi nang totoong narrative, ano ‘yung naranasan talaga ng mga pamayanang katutubo lalo na sa Mindanao. Kami po ay umaasa na mabigyan din kami ninyo ng tulong para maisulat at maisiwalat ang katotohanan sa pamamagitan po ng inyong mga pamahayagan. Maraming salamat po.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Sir, doon sa naging pagtungo ninyo sa US, ano ba ‘yung naging purpose natin doon at saka na-meet po ba natin iyong misyon natin doon sa Estados Unidos?
DATU JAKE: Ang primary po na layunin ng pagpunta doon, two years before po nag-submit na kami noong 17 major atrocities committed by the Communist terrorist group against the indigenous people. Sinubmit po natin dito sa Commission on Human Rights, sinubmit natin sa NCIP, sinubmit natin sa Office of the President at sa iba pa pong ahensiya. The same document po sinubmit natin sa UN Permanent Forum on Indigenous Issues at sa UN Commission on Human Rights.
The same document din po naibigay natin sa representative ng Congress—actually tatlo ‘yung personal na nabigyan namin noong file ‘no, noong 17 atrocities – si Representative Cox, Representative Scott at Chiabot ‘no ng House of Representatives, Unites States; pati si Representative Spears ‘no ng California. So nabigyan po namin sila, nai-report namin pati doon sa representative ng State Department. Na ‘yung sitwasyon din po, naikot namin sa limang estado, mga Fil-Am communities para po ipaalam sa kanila iyong sitwasyon dahil po nanggagaling po sa kanila ang maraming donation.
DANIEL MANALASTAS/PTV-4: Can you further discuss po iyong sinabi n’yo po kanina, iyong about sa NPA na parang ano po ba iyon, nagpakita sila na tutulungan daw kayo kunwari, puwede n’yo po bang i-discuss iyon?
DATU RAMON: Salamat po. Una ang NPA, 1980’s nagpasok sa mga komunidad namin. Sabi nila na ‘kami ang tutulong sa inyo, kami ang totoong sundalo ng mga bayan’ sabi nila. At kami ang tutulong para makatindig kayo sa sarili ninyo. So, ang mga tribu namin na siyempre dahil sa magandang pagsasalita, napasok iyong mga tribu. Unti-unti pala ino-organize iyong komunidad at unti-unting nagkaroon ng mga chairman, nagkaroon ng iyong sectoral, ang mga kabataan namin imbitahin sa meeting sa LFS. Ang mga asawa namin, imbitahin sa meeting sa Gabriela at iyong mga lalaki imbitahin ng meeting ng KMP. So, doon nagkaroon na ng medyo problema doon sa pamilya.
Then, pagkatapos noon, may mga komite na: may komite sa kabataan, komite sa kababaihan, komite sa mga mag-uuma. Pagkatapos noon, iyong mga traditional na leader, unti-unting pinapalitan. Kasi kaming traditional na leader, dito sa amin iyong kultura, paano i-transfer ang kultura sa susunod na generation. Pinapatay nila dahil gusto nila iyong leader na revolutionary leader doon sa hanay ng IP – iyon ang nangyari. Kaya iyong mag-oppose na mga traditional leader pinapatay nila dahil gusto nila iyong komunidad na control nila, sila na ang magpapasya. So, iyon ang nangyari doon, sir.
Kaya ako nabiktima ako, three years ako doon sa armado. Then sabi nila labas ka doon sa armado, magpunta ka sa legal, mag-organize ka sa mga organization; sa buong Mindanao, nakapag-organized ako ng 25 IP organization’ no. So, itong mga organization na ito, walang ibang layunin dito kung hindi kontrahin ang gobyerno. Kahit na iyong gobyerno magbigay pa ng isa-isang kalabaw doon sa mga farmers, hindi sapat iyon, kokontrahin pa rin ang gobyerno, dahil ang nakita namin ang gusto nila, sila ang mag-gobyerno: Agawin nila ang kapangyarihan para sila ang mag-gobyerno. So iyon ang sagot ko doon, sir. Salamat po.
ALVIN BALTAZAR/RP: Sir may Viber question po tayo from Hannah Jane Sancho of Sonshine Radio. Ano na po iyong update sa mga Salugpungan schools, naipasara na po ba ang lahat o meron pa pong nag-o-operate?
DATU JAKE: Ang pagkakaalam po namin dahil kararating lang po namin. Meron pong dalawa iyong ano: Merong galaw ang gobyerno, meron ding galaw ang mga pamayanan. Sa hanay po ng pamayanan, lalo na sa lugar nila Datu Guibang, ang mga mamamayan na mismo ang nagsasara noong mga paaralan. Although ang DepEd naman meron din siyang corresponding na ginagawa, ito iyong i-suspend iyong 55 ata na application ng Salugpungan, 55 schools in Region 11.
USEC. BADOY: Maybe si Datu Awing can talk about iyong Salugpungan, kasi ano siya eh—just to further answer it, para magbigay ng—to give a fuller picture of what the Salugpungan schools are and what they really do, it’s Datu Awing is and Datu Bae Magdalena as well. Okay.
DATU AWING: Kung tanungin ninyo ako kung bakit narito ako. Narito ako, kasi gusto ko lang pong ikuwento kung ano ang Salugpungan School at bakit pinasara namin at gusto ko lang po maisabi na ang katotohanan na may mga balita doon na gobyerno daw, sundalo daw ang nagpasara. Sa katotohanan, kami ang nagpapasara, dahil po doon sa ginagawa nila na ilang years na, 30 years na po ang pagpapasya nila sa Salugpungan organization na hindi hawak ng gobyerno, hindi hawak ng tribu, kung hindi sila—sila na mismo ang magpapasya.
So, ang culture namin ay nawawala na, naiwan na sa mga kabataan at mas malala pa doon sa ginagawa nila na ang mga estudyante ay ginagamit na po nila na mga raliyista – mga NPA. Na dati po ay ito—ang Tatay ko ay si Datu Guibang, itong mga libro na ito ay galing po doon sa kanilang mga paaralan, kinuha ko ito. Kung anu-ano ang tinuturo nila sa mga kabataan.
Ito po ang tatay ko na Chairman sa Salupungan Ta’Tanu Igkanogon,si Datu Guibang na ang adhikain niya ay makapag-aral ang mga kabataan ng maayos. So, ito ang mga kabataan masaya din. Noon kami masaya kami na hindi pa namin natuklasan na ito pala ang mangyari pag sa katagalan. Masaya kami, noong mga kabataan, tulad ko masaya ako nakapag-aral, dahil doon ako nakabasa, makasulat.
Pero ang hindi lang mabuti, iyong mga bata na 13 years old or 15 years old na maghawak ng baril, turuan ka ng maghawak ng baril. Walang tinuturo nila na para sa pangkapayapaan, naghanap ng pangkapayaan, kung hindi ang nakalagay nitong mga libro ay para anti-government lahat.
So, ano kaya ang mangyari sa ating bayan, kung ito na lahat ang matutunan ng mga kabataan. So, gusto ko lang po ipahayag sa iba lalo na sa tribu namin na laging—nagpapagamit pa sila hanggang ngayon nagpapagamit pa sa mga kabilang grupo. Kung tanungin kami bakit namin pinasara ang Salugpungan, ito ang dahilan – libro, kinuha ko ito. Matagal ko itong tinatago, punit-punit na ang iba dahil sa tagal na. Ito po ang saktong basehan kung ano ang tinuturo sa Salugpungan school. Ito po ang basehan kung bakit namin pinasara at ang tatay ko na mismo ang nagpapasira na siya ang leader ng Salugpungan.
At ako na rin ang nagsasabi, na ako isa akong member ng komite sa education Salugpungan. Ako na ang nagsasabi na isara. So bakit ko naman ipasira, doon sa hindi—dinala nila ang kabataan doon sa hindi mabuti. So, iyon lang po ang masabi ko sa Salugpungan school.
ALVIN BALTAZAR/RP: Follow up lang, sir. Nakakakuha kasi daw ng financial support iyong mga Salugpungan schools mula sa ibang bansa hanggang ngayon ba nakakatanggap pa rin sila ng support mula sa abroad?
DATU JAKE: Noong umikot po kami sa United States, isa sa gusto naming puntahan talaga iyong opisina, meron pong opisina ang Salugpungan International sa San Francisco, United States. Kahit sa online ma-browse natin, Salugpungan International meron silang campaign, adopt a student , adopt a teacher, adopt a school, adopt a community, na humihingi sila ng donor at iyon ang inaangal ng papa nila Awing, dahil hindi nila alam na meron na palang opisina doon sa united States at nangangalap pala ng pera na hindi naman napupunta sa kanilang pamayanan.
DATU JOEL DAHUSAY: Sir, may kadugtong lang po ako sa sinasabi ni Datu Awing. Kasi ako po ay nagturo at noong nagturo ako, ako po ay volunteer teacher ako doon sa amin pamayanan, sa lugar ng Talaingod. Hindi rin ako lumapit doon sa barangay at sa munisipyo dahil alam ko na galit sila sa akin kapag lumapit ako sa gobyerno. Pero hindi ko napigilan iyong sarili ko na nagpunta ako doon sa barangay namin sa Talaingod at sa munisipyo upang ipaalam sa kanila na gusto ko talaga ng paaralan galing sa gobyerno.
Noong nalaman nila, dinakip nila ako dahil ayaw na raw nila na mapasukan ng development galing sa gobyerno iyong aming lugar kasi napapaloob na iyon sa kanilang teritoryo kung saan kumikilos at gumagalaw iyong CPP-NPA-NDF. Kasi iyong pamayanan namin, iyong kabundukan namin ay ginagawa nila guerilla base kung saan tinuturuan iyong mga tao kung paano makipagdigma at makipaglaban sa gobyerno.
Ang nangyari po sa Salugpungan, ang Salugpungan ay isa po siyang parang eskuwelahan kung saan nanggagaling iyong mga kabataan na dinudoktrinahan ng kaliwa sa kanilang plano upang ipabagsak ang gobyerno. Dahil sa libro na ito, doon ako nag-react, dahil ang libro na ito ay hindi siya nakaangkop doon sa sinasabi nating curriculum sa DepEd. At iyong Salugpungan, kung mayroon mang permit to operate pero bago lang iyon. Dati nagpapasalamat iyong whole community na magkaroon ng eskuwelahan dahil gusto nilang makapag-aral ang kanilang mga anak, iyon pala ay nagdudulot ng kahirapan ng mga tao.
Ang mga estudyante ay hindi nakapag-transfer doon sa eskuwelahan, sa DepEd, dahil iyong eskuwelahan nila ay walang sinasabing LRN – iyong Learner Registry Number. Kapag may mag-transfer doon, hindi tatanggapin ng DepEd kasi walang pagbabasehan iyong titser sa public kung saan nakapag-aral, walang card. Kung mayroon mang nakapagtapos ng elementary, may diploma pero hindi siya recognized sa DepEd kasi wala pang number talaga iyon. Iyon pala, doon kinukuha iyong mga estudyante na magpunta sa Davao, sa Kidapawan, sa Caraga Region, sa Manilakbayan, dito sa Manila, upang mag-rally at isigaw nila na hindi raw patas ang pagbigay ng gobyerno sa mga proyekto.
Pero ganito ang nangyari: Hindi natin masisisi ang gobyerno dahil ang tribo namin kapag nanawagan na magkaroon ng development galing sa ahensiya ng gobyerno ay hahadlangan talaga ng kaliwang grupo. Tulad sa amin, nag-request kami ng farm to market road. Habang patungo pa lang iyong equipment ng gobyerno doon sa amin, pinuntahan ng mga commander ng NPA na itigil ang paggawa ng daan kasi susunugin namin – so walang nagawa ang community. Kasi iyong mga tribal elder doon sa amin, kapag gusto nilang puntahan talaga ng development galing sa gobyerno, iyong maiipit, iyong kawawa ay iyong mga leader kasi papatayin talaga.
Kasi iyong tiyuhin ko, dalawa – si Donato Salangane at saka Bonsi Siola Salangane ay pinatay ng NPA dahil hindi lang siya nakapag-attend ng meeting nang dalawang beses. Binaril siya at pinuntahan doon sa bahay.
Pagkatapos, hindi nila nirespeto ang aming batas, iyong sinabing Indigenous People’s Rights Act 8371. Sa tingin ko, sila iyong nagsisigaw ng IPRA, na magkaroon ng karapatan ang tribo. Pero kapag kami ang sisigaw para sa aming karapatan, hindi nila pinapalabas doon na may karapatan kami. Okay lang kung sa kanila. Kung gusto naming ipalabas na ganito ang karapatan namin, talagang matakot kami kasi pinababantaan kami na papatayin.
At kung makapagputol naman kami ng kahoy doon sa komunidad, mismo iyong mga kumander ng NPA ang magpunta. Hindi kami puwedeng magpunta, ‘Puwede lang kayong magputol ng kahoy kung may pahintulot sa aming grupo.’ So nagtataka kami, sir, kasi bakit kami iyong nagpapaalam na taga-rito kami at kami ang may-ari doon sa loob ng ancestral domain. Kaya ito po ang masasabi ko.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Maraming salamat po. Ma’am?
MAGDALINA ILAGAN: Ako naman po ay iano ko iyong kasinatian (karanasan) ko bilang estudyante ng TRIFPSS. Ako po ay nag-aral sa TRIFPSS – Tribal Filipino Program of Surigao del Sur. Ako po iyong secretary sa loob ng school namin na tinatawag na SKM – Samahang Kabataang Makabayan. Iyon na grupo ay NPA ang nag-develop. Iyong tinawag kami, sabi nila magawa tayo ng isang grupo sa kabataan.
So iyon na grupo, iyong palaging nag-rally, nagpunta sa Manila, kahit saan na lugar ay pupunta kami, doon sa iba’t ibang lugar. Iyon na eskuwelahan, iba-iba iyong mga kabataan na nag-aral doon kasi may dinala sila na mga kabataan, hindi ko alam kung saan iyon nanggaling, doon nila paaralin. Pagkatapos mag-aral doon, pag-graduate ng elementary, magiging child warrior na. Mga 13, 14, mag-full time na ng NPA.
Tulad ko, 12 pa lang ako, naging full time na ako na NPA. So iyon na eskuwelahan pala, akala namin noon ay makakatulong sa amin. So akala ng mga tatay namin na iyong eskuwelahan ay totoo na, na gobyerno raw kasi sabi nila. Iyon daw gobyerno, hindi raw makatulong sa mga tribo kasi sila iyong mga gumawa ng school. Pero iyon pala na school, so doon sila kukuha ng i-full time nila na mga kabataan, ipa-NPA nila doon sa bundok. Minsan, kinukuha nila iba-iba at dalhin dito sa Manila, mag-rally.
So, naging NPA ako; marami kami. Iyong nag-aral doon na mga kabataan, naging NPA lahat. So doon sa loob, ginawa akong medic. So sabi ko, walang dahilan na hindi ipasara iyong eskuwelahan kasi kung patuloy iyon na eskuwelahan, milyun-milyon pang kabataan ng mga tribo ang magiging NPA.
Papayag ba tayong lahat na ang Pilipinas ay maging komunista? Kung hindi tayo magtulungan, kung hindi kayo tutulong sa amin, so ang Pilipinas si Joma Sison na ang mag-control. So iyon lang ang masasabi ko: Maging aware tayong lahat; magtulungan tayo kasi kami ang witness, ang magpatunay sa mga ginagawa ng NPA.
At saka iyong una naming school sa Bayugan, Agusan del Sur na tinatawag na TRIFPSS, sinara ng mga datu namin; iyong mga elders namin, pinapatay ng NPA. So naglipat na sila sa Surigao, iba-iba na ang pangalan pero iyong ano nila, NPA din – tulad ng Salugpungan, at TRIFPSS, Alcadev. So nag-iisa lang iyan, NPA nandoon, underground sila. So iyon lang, maging aware tayong lahat. Bilang Pilipino, makiisa tayo.
DATU AWING: Sir, puwede bang i-clarify ko lang iyong nasabi ko na bakit alam ko ang tinuturo ng Salugpungan. Ang Salugpungan po – ako din, isa akong estudyante, 5 years old – ang tinuturo sa akin noon, 5 years old pa ako, tinuturuan ako magbasa, magsulat at maghawak ng baril, mag-dismantle. Kahit ngayon, kahit nakatakip ang mata ko, mag-dismantle ako ng M-16 kahit .45, kaya kong ibalik dahil sa ten years kong pinag-aralan iyan.
Sa 10 years old ako, naging teacher ako ng dalawang years sa terrorist group. Nagturo ako sa mga sitio, volunteer teacher. Ang tinuturo ko sa mga estudyante ko, kung anu-ano ang tinuturo sa akin. Ang tinuturo sa akin ay magbasa at magsulat at maghawak ng baril, at mag anti-government; iyon din ang tinuturo ko sa mga kabataan.
So ang nangyari doon, ang mga estudyante ko, mga kabataan na nakatira sa eskuwelahan, paglaki nila ay naghawak ng baril, nagpu-full time na NPA. Ang mga kababaihan ay nagra-raliyista na. Nagpunta rito sa Manilakbayan ng 2015. 2015, noong Manilakbayan, kasama pa ako doon. Ako iyong isang organizer doon.
So akala ko talaga itong pinaglaban namin ay totoo. Hindi ko pa nalaman na ito ay isang panlilinlang sa tao. So dito ko na nalaman sa librong ito ang lahat, kung anu-ano ang tinuturo nila. Iyon lang po, sir.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Maraming salamat po. Kay Datu Jake siguro, one last question na lang po. Bukod sa United Nations at saka sa Congress, nag-submit po ba kayo ng report sa CHR ng report na ito, sa Commission on Human Rights?
DATU JAKE LANES: Dito po sa Pilipinas?
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Oo.
DATU JAKE LANES: Actually po, nauna pa siya. Two years ago ay nag-submit po kami sa Commission on Human Rights. At nasabi rin namin ito, humingi kami ng advice kay Ambassador Maisto, iyong isa sa dating ambassador ng Pilipinas na na-meet namin sa United States. Dahil pag-submit namin sa Commission on Human Rights, sinabi nila na hindi nila mandato na tingnan iyong violation dahil ito ay hindi gawa ng mga state agents, or third party ang gumagawa – hindi raw ito mandato ng Commission on Human Rights.
Sabi nga ni Ambassador Maisto, ang paniniwala sa buong sanlibutan, ang human rights whether kung sino perpetrator is still a violation of human rights. Hindi siya limited lang for state agents. Kaya iyon iyong ano namin din, disappointment, na nag-submit tayo sa Commission natin dito pero hindi nila maaksiyunan dahil nga sabi nila, hindi state agent ang perpetrators.
Ito iyong panawagan namin kaya dumudulog din kami sa publiko at sa iba pang ano … dahil kawawa kami. Paano namin isusumbong, hindi nga sundalo ang pumapatay sa amin – NPA, saan kami magsusumbong? Nagsusumbong kami sa pulis, nagsusumbong kami sa Armed Forces. Ang problema, kapag magsumbong kami sa pulis, ang tawag sa amin ay intelligence; ang tawag sa amin, paramilitary. So naging Alamara kami, as if it is a grave crime for the indigenous people to engage government. Saan pala kami pupunta?
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Thank you po, Datu Jake. May question po si Daniel.
DANIEL: Datu, si President Duterte po ‘no, alam naman po natin na hinihikayat niya iyong mga dating members ng NPA na sumuko na. So ano po iyong siguro advice natin na mabibigay po sa kanila, doon sa mga nagbabalak po na sumuko?
DATU JAKE LANES: Iyon iyong panawagan namin. Kami sa mga leader ng tribo sa buong Mindanao, nananawagan kami sa mga kapwa naming tribo na mayroon na tayong batas ‘no, nandoon na iyong IPRA na nag-recognize ng ating karapatan. Huwag na tayong magpalinlang, dahil sa totoo lang, iyong sinasabi nila na tinutulungan tayong depensahan ang ating ancestral domain pero sa history naman ng sanlibutan, lahat ng sosyalistang bansa ay kinukuha ng estado ang pagmamay-ari ng lupa.
So ibig sabihin, sinasabi nila na tutulong sila sa pagdepensa ng ancestral domain, pero kapag nanalo ang mga sosyalista o ang komunistang NPA, sila rin ang kukuha ng mga ancestral domain ng tribo. So ito iyong klaro sa mga leader. Kaya kami po, nagsasabi kami, hinihikayat namin ngayon … mabuti ngayon ay marami na ang mga naglalakas-loob na magsalita dahil nga ang Presidente po ay sinasabi niya na suportado niya iyong aksyon ng tribo.
Kaya kailangan din naming pumunta ng United States dahil iyong problema po dito ay hindi puwedeng mahinto lang dito dahil nga ang mga pondo at pinansiyal ay nanggagaling sa labas ng bansa. So kailangan naming masabihan sila na sana mahinto at para naman kami mismo dito sa mga pamayanan ng katutubo ay mare-resolve namin iyong mga problemang hinaharap ng aming mga pamayanan sa tulong ng pamahalaan.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Kahit sino po ay puwedeng sumagot. Mayroon pong mga moves ngayon sa Kongreso, particularly doon sa Makabayan bloc, to investigate iyong ginawa pong pagpapasara ng DepEd doon sa 55 na Lumad schools. Kayo po ba ay handa kayong humarap doon sa investigation, ipakita kung ano iyong tinuturo sa Lumad schools?
DATU AWING APUGA: Kahit ako, ma’am, gustong-gusto ko talagang harapin sila dahil po ma’am, hindi DepEd ang nagpapasara, hindi gobyerno ang nagpapasara – Tribo namin. Kami ang nagpapasara sa eskuwelahan na iyan dahil nakita namin doon na hindi makabigay mabuting pagpasya at pagtira sa bayan. So doon namin … nakapagdesisyon kaming mga tribo kung saan galing ito laging gulo, laging nagkawatak-watak ang tribo. Hindi pala namin alam na itong paaralan, dito lang pala sa bayan namin nanggaling ang mga issues na mga kasinungalingan, ang mga issues na ginagawa-gawa lang nila.
Nakakapagtataka talaga na isipin kasi ang tribo ay hindi naghahanap ng gulo; ang tribo ay naghahanap ng kapayapaan. So kami, parang hindi kami binibigyan ng karapatan na magsabi ng totoo – ganoon ang iniisip nila. Kahit ngayon, nandito ako, nagpapatunay at nagsasabi na kami ang nagpapasara. So ang text ng asawa ko sa bahay, ‘Huwag ka nang uuwi dito sa atin kasi papatayin ka ng NPA dahil sinabi mo ang katotohanan.’ So may ano na … so iyon lang po ang masasabi ko. Handang-handa ako magharap sa kanila.
DATU JAKE LANES: Dagdag lang po. Tungkol po doon sa isyu na iyon, last year pa po mayroon nang congressional hearing na nangyari at nag participate rin po kami. Mga representatives namin ay pumunta rin doon para magbigay ng mga paglilinaw tungkol doon sa Salugpungan school. Under pa kay Congressman Catamco noon, iyong the past na Congress. At isa po sa mga sinabi doon na ang pinakaproblema talaga, una iyong mga school na ito nay walang pre and prior inform consent. Nakasaad kasi sa IPRA Law, RA 8371, na any projects, private man o public programs, na ipapasok sa ancestral domain ay dapat may pre and prior informed consent ang mga community ng indigenous people:
Una, violator po sila niyan, wala silang pre and prior informed consent; Pangalawa, iyong sinasabi ng …labas sa mga issues na sinasabi namin at sa mga sarili naming mga action ‘no bilang mga lider ng mga pamayanan, ng katutubo, ang gobyerno rin ay hinihingian namin ng tulong paano ito mapasara. Pero siyempre ang gobyerno ay hindi naman siya puwede arbitrarily na magpapasara. So nagbigay sila ng mga kadahilanan na ito iyong sinasabing non-compliant sa mga requirements ng DepEd, iyon iyong reason ng ano … Kung mayroon pa pong darating na mga imbestigasyon, tiyak po magpa-participate ang mga lider ng tribo para magbibigay din ng mga pagpapahayag.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Sir, may nabanggit po kayo kanina na kayo mismo po ay inaakusahan na intel, members ng paramilitary groups – ano pong masasabi ninyo dito, sir?
DATU JAKE LANES: Parang sinasabi nila kasing …dalawang bagay iyan, sinasabi nila, Red tagging – sila raw ay nire-red tag. Tapos sila naman nagsasabi na kaming mga leader na lumalaban sa NPA, ang tawag nila sa amin ay paramilitaries. So ang sinasabi namin, una, wala namang term na paramilitary. Totoo na may mga tribo na nagka-CAFGU. Pero mayroon ding hindi tribo, nagka-CAFGU rin. Wala namang isyu doon, hindi po ba? – dahil programa po ito ng gobyerno.
So kung mayroong kaming mga miyembro ng katutubo na gustong mag-CAFGU o kaya’y gustong magsundalo, karapatan po nila iyon. Lalo na kami, sinasabi nga namin eh kung ang may negosyo ‘no, iyong isang puwesto ng isang pawnshop lalagyan mo nga ng guwardiya, 100 square meters lang iyong area. Eh kami, ang teritoryo namin eh libu-libong ektarya; tapos kailangan namin iyon bantayan ‘no.
Ito ‘yung ano namin ‘no, ito ‘yung generational na responsibility ‘no ng mga tribu ‘no, na bantayan iyong aming ancestral domain. Sa pagbabantay po noong ancestral domain, hindi naman po puwede na walang police power ang mga—o hindi ma-enforce iyong aming customary law. Pero bawal po sa amin na gumamit ng mga armas. Puwede lang kaming gumamit kung pumasok ka sa military o ‘yung tinatawag na territorial defense system, iyong CAFGU. So legal po ‘yun ‘no.
Iyong sinasabi naman nila na nire-red tag namin po sila, ito lang po ‘yung katotohanan – ang Communist Party of the Philippines po, dineklara na ng US government na foreign terrorist organization, 2002; Secretary Colin Powell ang Secretary of State ng United States. Dineklara din siya ng ibang bansa na nasa Europe. Ibig sabihin po, mayroon nang imbestigasyon silang ginawa bago sila nag-declare na terorista ang mga ito.
Klaro po sa amin, simple lang ang logic ng mga lider, huwag lang kami masyadong paikutin. Kung ang Chairman ng Communist Party of the Philippines, si Jose Maria Sison, nagtatag po siya ng organization ngayon, International League of People’s Struggle, siya din po ang Chairman. Nasa online po ‘yan, maba-browse natin. Iyong mga organization po tingnan natin, 6th Assembly bago pa lang sa Hong Kong – lahat ng mga organization, Gabriela, iyong mga organization… Cordillera People’s Alliance, Kalumaran, Sandugo, lahat po ‘yun member ng International League of People’s Struggle.
So we are not red tagging them. Sinabi namin ito dahil katotohanan siya sa karanasan namin sa mga pamayanan at katotohanan siya kahit tingnan po ninyo ‘no. Hindi kami nagre-red tag sa kanila pero ‘yung association nila, sila mismo ‘no. Because kahit na magpalit ng pangalan ang organisasyon ni Jose Maria Sison, it does not mean he is not a terrorist anymore.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Last na lang po na question. Katatapos ninyo lang po nag-US tour, mayroon pa po ba kayong plano na umikot sa Pilipinas at sa ibang bansa din po?
DATU JAKE: Ah… sigurado po ma’am sa mga pamayanan ‘no, tuluy-tuloy po ‘yung mobilization ng mga leader ‘no sa—ng iba’t ibang tribu ‘no. Mayroon kaming organization sa Mindanao at hopefully matutulungan kami ng pamahalaan na tuluy-tuloy iyong pag-oorganisa ng tribu upang palayain ang mga pamayanan namin ‘no sa kamay at kontrol ng mga komunistang grupo.
Sa mga area po namin, sa totoo lang sabi nga nila, activism is not terrorism. Madaling sabihin para sa kanila dahil iyong mga aktibista at the end of the day uuwi sa bahay nila, okay lang. Eh kami po, ‘pag sinasabi mo ‘yung NPA nandoon sa bundok ‘no, buong buhay namin nandoon sila. So ‘yung takot, iyong threat ‘no… for the last 30 years na napasok nila ang mga ancestral domain, kontrolado na po nila kami. So ‘yun iyong pagsisikap, iyong sinasabi naming narrative of continuing assertion of the rights of the IPs ‘no.
Mayroon nang—nag-recognize na ang government… Mayroon po akong i-clarify. For example, ‘yung sinasabi nila na national minority. Ang gobyerno po natin, mayroon nang batas, Indigenous Peoples Rights Act; ang United Nations, mayroon nang United Declaration of the Rights of Indigenous People. Kung totoong mahal nila kami at ipaglalaban nila ang karapatan namin, bakit doon sa CASER [Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms] proposal ang nakalagay doon sa amin national minority.
Sino ang kikilala sa amin? Wala namang batas na nagkikilala sa national minority. Sa bansa natin, Indigenous Peoples Rights Act; sa United Nations, United Nations Declaration of the Rights of Indigenous People. Kami po, kinikilala ng gobyerno na indigenous people, so ang gobyerno ang rumirespeto sa amin. Sila, ang tawag nila sa amin national minority pa rin. Wala na po ito, matagal na itong pinaglalaban ng mga kaapu-apuhan namin, iyong pagtawag sa amin na national minority na kailangan kaming i-integrate at i-mainstream.
Dahil po ang policy ng gobyerno ngayon at ng United Nations, ibang mga pamahalaan sa buong mundo ay i-recognize iyong diversity ng ating mga pamayanan, diversity ng ating culture ‘no. So ‘yun lang po.
DATU ARMAN: Gusto ko lang ihabol doon sa… ang sabi ng Pangulo na magbaba iyong mga armado. Ano ‘yung mga initiative namin sa mga community? Bago sinabi ng Pangulo iyon, umikot na kami doon sa pamayanan namin, doon sa mga community, para himukin iyong mga kapatid namin na doon sa loob, doon pa sa armado at iyong mga kapatid namin na nagsali sa mga progresibong organization – katulad ng pagsali sa mga rally, pagsali sa mga picket, hinihimok namin iyon na hindi na sila magsali doon.
At katunayan, may iilan na barangay… may mga barangay na doon sa bayan namin ang nag-alsa batok doon sa NPA. So nagdeklara sila na persona non grata sa CPP-NPA-NDF. So iyon lang ang maihabol ko doon sa tanong kanina.
DATU JAKE: May dagdag, puwede pa? Tungkol lang po ito sa 1,900 na concerned masyado ang mga tao na mga Lumad children na sinasabing galing sa Salugpungan na maaring hindi makapag-aral.
Ang totoo po niyan, mayroong mga paaralan ng DepEd na malapit lang po sa mga Salugpongan schools. Mayroon ding malayo, iyon na lang po ang pagtutuunan natin ng paano matulungan ‘no. Bakit? Mas mabuti na po na itong problema na 1,900 ay i-address natin through DepEd school system kaysa po mag-produce tayo ng 1,900 na child warriors.
USEC. BADOY: Thank you very much to the Malacañang Press Corps. These crimes and atrocities were committed in the dark, in the shadows ‘no. It was perpetrated because malayo sila and all sorts, and nobody knew about it. But now that they’ve come out, that’s their strength. And we deeply appreciate the courage of our brothers and sisters who were indigenous people and we would like to be equal to that courage as well because this will move our country forward. And we would like to partner with media and every Filipino to fight this scourge and to protect and give them their fiercest defense. Okay, thank you very much.
ALVIN BALTAZAR/RADYO PILIPINAS: Maraming salamat po sa mga naging panauhin natin at tagapagsalita; kay Undersecretary Lorraine Badoy.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)