SEC. ANDANAR: Isang mapagpalang araw sa mga minamahal kong kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo, gayundin sa lahat ng mga nakasubaybay ngayon sa kani-kanilang mga telebisyon, radyo at sa ating online streaming. Muli nating sisikapin na sagutin ang mga katanungan at agam-agam ng ating mga kababayan kaugnay sa sama-sama nating paglaban kontra COVID-19.
Sa ngalan po ng People’s Television Network, Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service, kasama ang Radyo Pilipinas network nationwide, ang crisis communications platform ng Laging Handa ng PCOO, Radio-Television Malacañang; at sa pangunguna ng PCOO, ito po si Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: At mula rin sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio, kasama ninyong makikialam at makikiusisa sa mga pinakahuling balita tungkol pa rin po sa COVID-19. Dito po ay magkakaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na ilahad ang kanilang mga saloobin pagdating po sa health crisis na kasalukuyan nating nararanasan hindi lamang po sa bansa kung hindi sa buong mundo.
SEC. ANDANAR: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Kaya mga kababayan, halina’t samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
USEC. IGNACIO: Samantala, alamin na natin ang pinakahuling bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa naging Virtual Presser ng Kagawaran ng Kalusugan kahapon, March 31st 2020, inulat na umabot na po sa higit dalawang libong kumpirmadong kaso ang naitala sa Pilipinas, kabilang po si dating Senador Bongbong Marcos. Sa kabuuang bilang na ito, 49 patients naman po ang naka-recover, habang walumpu’t walo naman po ang pumanaw.
Sa buong ASEAN region, pangalawa naman po ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 kung saan nangunguna pa rin po ang Malaysia na may 2,766 confirmed cases. Ayon naman po sa World Meter as of 12 midnight ng April 1st 2020, mayroon ng 857,299 COVID-19 cases sa buong mundo, kung saan 177,141 na po ang naka-recover, habang 42,140 naman po ang nasawi. Nangunguna pa rin po ang USA sa mga bansang may pinakamaraming kaso na sinusundan ng Italy, Spain, China at Germany.
SEC. ANDANAR: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya 02-894-26843. Para naman sa PLDT, SMART, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Maaari ninyo rin pong tawagan ang hotline numbers ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na makikita ninyo sa inyong TV screens.
Patuloy pa rin po kayong makibalita sa pinagkakatiwalaan na sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari ninyo pong bisitahin ang www.covid19.gov.ph. Alas onse y singko na po ng umaga.
Samantala, kasama nating kakalap ng mga pinakahuling balita mula sa iba’t ibang panig bansa sina John Mogol mula sa Philippine Broadcasting Service; Jorton Campana mula sa PTV Cordillera; Regine Lanuza mula sa PTV Davao; at si John Aroa mula sa PTV Cebu.
USEC. IGNACIO: Makakasama naman natin maya-maya sa ating Public Briefing sina Secretary Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry, Secretary William Dar ng Department of Agriculture at si Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission. At maya-maya rin po ay makakausap din natin via phone patch si Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V.
Samantala, dahil po sa patuloy pa rin na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay hindi po maiiwasang marami sa ating mga kababayan ang magkaroon na po ng stress at anxiety. Kaya naman po para alamin kung paano maiiwasan iyan ay makakausap po natin via VMIX si Dr. Marie Pearl Lei Reyes, isa pong psychiatrist.
Magandang umaga po, Doc. Ano po iyong usual cause po ng stress at anxiety, iyong mga katulad din natin na parang normal ba ito na nararanasan ng isang tao? Hindi ninyo ako naririnig, Doc?
DR. REYES: Hindi po. Wala po akong naririnig.
USEC. IGNACIO: Okay, sige. Balikan na lang natin, Secretary, mamaya si Doc dahil po sa medyo hindi po niya naririnig ang ating mga katanungan. Secretary?
SEC. ANDANAR: Yes, Rocky. Ang oras natin ay alas onse y siete ng umaga. Okay, so hindi pa handa si Dr. Pearl, Rocky. May problema.
USEC. IGNACIO: Opo. Marami tayong mga tanong na tinatanggap din sa ating mga kasamahan. Secretary, kasama pa rin ba hanggang dito iyong ano, iyong kung magagamit pa rin daw iyong ID? Mula doon sa ating mga kasamahan sa probinsiya. Paki-ulit lang po para kung nagmu-monitor sila.
SEC. ANDANAR: Yes, para sa ating mga kasamahang media sa entire Luzon, labas po ng NCR, you can still use your IDs until further notice habang kinukumpleto po ng ating Philippine Information Agency ang inyong mga detalye at para maipadala po sa inyo ang inyong kopya ng ID. But while hindi pa ho dumarating iyan, you can still use your ID right now, your current office ID.
Rocky, ready na si Ambassador Laurel mula sa bansang Japan. Magandang umaga po sa inyo, Ambassador Laurel.
AMBASSADOR LAUREL: Magandang umaga po, Mr. Secretary.
SEC. ANDANAR: Kasama ko rin po si Usec. Rocky Ignacio. Ambassador, kumusta na po ang general welfare ng Filipino community diyan sa Japan?
AMBASSADOR LAUREL: Mahusay ho naman. You see, ang mga Hapon, ang kultura nila ay ibang klase – hindi humahalik at kuma-kamay; yumuyuko kapag bumabati. Kapag may sipon o may ubo, naglalagay po ng mask maski hindi may coronavirus. So the transmission is very limited. However, there are transmissions. And also the fact they do not greet you with a kiss or a handshake; tumutungo, hindi kumakamay; they bow.
So there are only two Filipinos who have suspected coronavirus in the entire Filipino community of about roughly, right now about 325,000. So it’s not really that alarming. It’s more alarming for the Japanese community because they’re very big. We are only the third biggest community in Japan; first is China, the second is Korea.
SEC. ANDANAR: Okay. So for now, walang problema. How about iyong mga medical kits? How about iyong mga gustong mag-donate? I understand, mayroong gustong mag-donate na mga Japanese dito po sa bansa natin. Ito ba ay naaasikaso ng ating embassy, Ambassador?
AMBASSADOR LAUREL: Yes, there are people who have donated a million masks and that is done through the DTI o Department of Trade and Industry and coursed through Philippine Airlines who have graciously accepted and send it. And I have addressed it to the Office of the President to avoid problems of import taxation.
SEC. ANDANAR: Isa rin sa mga huling report na mino-monitor po ngayon, ang Mt. Fuji for possible eruption. Do we have measures na po to protect the Filipino Community in case the explosion happens?
AMBASSADOR LAUREL: Well, ang Hapon ho eh handa ho diyan sa disaster management. Pinauubaya na namin sa Japanese government and the local institutions like sa DLG nila to attend to this and they are very, very good at it. So as of now, I haven’t heard any endangerment of the Mt. Fuji being erupting at this point in time.
SEC. ANDANAR: Okay. Ambassador, please stay on the line dahil makakausap din po natin si Ma’am Vicky Ozawa, isang Pilipinong naninirahan sa Japan, na kasalukuyang naninirahan po diyan. Yes, Ma’am Vicky, are you on the line?
MS. VICKY: Yes, sir. Good morning po.
SEC. ANDANAR: Good morning po mula sa Pilipinas. Kumusta na po ang kalagayan ninyo diyan sa Japan?
MS. VICKY: So far medyo nagpa-panic buying na rin po iyong iba dahil nga po sa nangyayari na nangangapa pa rin kami kung magla-lockdown o hindi. Dahil minsan po, nagiging problema is iyong lengguwahe. So may mga news po na lumalabas, may mga salitang Hapon kaya hindi namin mabasa although tina-translate namin paminsan para sa kababayan natin pero kulang pa po na maintindihan nila kung anong meaning talaga ng ginagawang tulong ng gobyerno ng Japan.
SEC. ANDANAR: Saan po kayo sa Japan, Vicky?
MS. VICKY: Dito po ako sa Saitama, Kawaguchi, sir.
SEC. ANDANAR: Okay. Nasa kabilang linya si Ambassador Laurel, baka gusto ninyo pong kausapin.
MS. VICKY: Yes, sir. Magandang umaga po, Ambassador.
AMBASSADOR LAUREL: Ano hong magagawa namin para sa inyo?
MS. VICKY: [Choppy] at nagsimula ang boluntaryo namin mula noong 2004. So far po, lumalaki na rin ang ating grupo po na ang daming nangangailangan ng tulong ng tungkol sa lengguwahe. Dahil po iyong mga balitang lumalabas sa Japan, kapares po ng financial problem ng mga nanay na nandito sa Japan, na [choppy] at kailangan nilang mag-stay [choppy] iniisip po nila kung talagang totoo po iyong mabibigyan ng allowance?
AMBASSADOR LAUREL: Ano ho ang tanong ninyo? Yes, what do you need? What is your question?
SEC. ANDANAR: Pagkakaintindi ko, Ambassador, kung mabibigyan din ho ba ng allowance iyong mga Pilipino nating OFW. Alam mo, Vicky, nabibigyan ng allowance iyong nawawalan ng trabaho na OFW at binibigyan din ng libreng repatriation ng DOLE, if that is what you mean, then… Ambassador, iyon kasing mga nawawalan ng trabaho na OFW, binibigyan ng 200 dollars allowance ng DOLE at mayroong libreng repatriation. Mayroon na ho bang nailapit sa inyo para i-bridge ninyo po sa DOLE itong mga ganitong klaseng kaso ng ating OFW?
AMBASSADOR LAUREL: I am quite aware that there is a fund on the ATN, that is Assistance To Nationals, for repatriation and for medical, and the 200 is new. However, kailangan i-apply iyan – hindi naman lahat ng darating ibibigay mo. You have to apply and we will ask you certain questions. If you qualify, then binibigay ho iyan and we have been doing that ever since I came here for the last three years. [unclear] for the Filipino seamen who were in the Diamond Princess, in the cruise ship or some of the—there were two guests tourists in the Diamond Princess.
So kaya ang tanong ko eh, ano hong kailangan ninyo. Kung may kailangan ho kayo, kayo ay pumunta ho sa Nagoya. Dahil nasa Saitama kayo, ang Consulate natin na nag-aasikaso ng Saitama ay Nagoya. And they can entertain you there and find out what they can do for you.
SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador Laurel at kay Ma’am Vicky Ozawa diyan po sa Japan – Mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: May tanong sana tayo kay Ambassador, Secretary. Ambassador, nandiyan pa po ba kayo?
AMBASSADOR LAUREL: Nandito ako. Hindi ako umaalis sa…
USEC. IGNACIO: Ambassador may tanong po si Arianne ng ABS-CBN online. Nabanggit ninyo na rin naman iyong Diamond Princess kanina, kumusta daw po iyong status ng mga Filipino crew natin doon; iyong tested positive for the disease at nanatili po sa health facilities sa Japan, at ilan po sila?
AMBASSADOR LAUREL: Okay naman lahat. Iyong negative nakauwi na. Iyong positive, isa pa ang nasa ospital dahil sinisigurong pagka discharge niya ay hindi makakaimpekta o makakahawa ng ibang Hapon o kasama. Other than that, dalawa lang hong Pilipino ang tested positive na ang isa ay nasa Osaka, ang isa ay nasa Nagoya, sa Aichi Prefecture. So everybody that is a Filipino is okay. However we should also try to avoid going to socials or getting out.
Stay home, kasi matindi itong virus na ito. Alam ninyo hindi biro, marami ho akong mga kaibigan namatay kahapon, tatlo – dalawang kaklase, isang kababata at isang dating sekretarya ni Vice President Doy eh namatay dahil dito. They were very careful also.
USEC. IGNACIO: Opo, you mean si dating Vice President Doy Laurel po?
AMBASSADOR LAUREL: Oo, oo… Iyong kaniyang dating personal secretary at secretary rin ni Cesar Virata eh… ni prime minister Virata eh namatay. Iyong prime minister eh naimpekto rin, nasa ospital ngayon. He’s also struggling for his life.
USEC. IGNACIO: Ambassador, may isa pa ho, last question na lang po, kay Arianne pa rin po ng ABS-CBN online. May mga Filipino nurses ba daw po and caregivers na licensed and candidates deployed in Japan under the JPEPA program who are being utilized in dealing with COVID cases there. How many po at kumusta na po daw sila?
AMBASSADOR LAUREL: Most of the nurses are—the data is with the Labor attaché. They are care givers and homemakers. But there is no report that is quite alarming because they are really, really very careful. And the pandemic has not really reached that level in Japan dahil iyon nga ang sabi ko, kahit kayo nandito sa Japan at may kasama, eh pagka naghihinto kayo eh hindi naman kumakamay eh, tumutungo eh – they bow. At saka they really keep the distance. Lahat ng Hapon ho maski walang coronavirus eh nakamaskara kapag may sipon o ubo.
Kaya medyo… very restricted ang Japan, kaya ang Japan hindi pa nagla-lockout pero mag-iingat kayo. In other words, lockdown has not been given in Japan. It has been given in the United States, it has been given in the Philippines… it’s given again in Hong Kong but in Japan, they are trying to cushion it because they have the discipline, mayroong disiplina ang Hapon. Alam ninyo ho iyan, nandito ho kayo.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po ulit, Ambassador Jose Laurel V. Mag-ingat po tayo.
AMB. LAUREL: Okay, thank you.
USEC. IGNACIO: Samantala, balikan na po natin si Dr. Marie Pearl Lei Reyes, isang psychiatrist tungkol pa rin sa stress and anxiety na dulot ng COVID-19.
SEC. ANDANAR: Good morning, Dr. Pearl. Ano po ba iyong usual cause ng stress at anxiety during a crisis?
DR. PEARL REYES: Okay, ang usual cause po ng stress and anxiety during a crisis is our feelings of loss of control and of course the uncertainty. Siyempre po we don’t know kung ano po ang mangyayari bukas ‘di ba or hindi natin alam at nakikita ang ating kaaway. So doon po nagsisimula ang mga takot.
Usually po kasi we like to be in control of our lives, of what is going on. So kapag nawawala po iyon, medyo mas magkakaroon po tayo ng takot. And of course higit po sa lahat po, iyon pong mga … siyempre naririnig nating mga news na siyempre posibleng may mga mangyari po sa ating masama, so ikinakatakot po iyon ng mga tao. At dahil po doon, ina-advise po namin na hanggang maaari, you arm yourself with facts. Iyong mga totoo lamang po ang papanoorin, like iyong talagang nasa media lamang na alam po nating napag-aralan, hindi po iyong mga nasa social media kasi nakakapagdulot lang po iyon ng dagdag na takot.
USEC. IGNACIO: So sa tingin ninyo, Doctor, talagang may epekto pa rin iyong matagal na pananatili sa loob ng bahay sa mental health po ng isang tao. So ano po iyong maipapayo ninyo katulad po mayroon tayong stay at home, ano po ang maipapayo ninyo sa mga katulad namin na para hindi naman po maramdaman itong mga ganitong klase ng stress and anxiety?
DR. PEARL REYES: Ang unang-una ko pong mapapayo: Arm yourself with facts. Alamin po natin kung ano ang sakit, ano ang sintomas nito, papaano ito nata-transfer at paano po natin mapoprotektahan ang sarili natin. Pagkatapos po noon, tama na po muna ang pagtingin-tingin sa social media kasi po minsan nakaka-overwhelm lalo na po kung ang makikita nating mga news ay mga fake news. Pagkatapos po noon, I suggest after you stop paying attention to all these negative things, you shift naman po your perspective. Ano bang puwedeng mayroon, ano ba ang puwedeng blessings na naidulot. Kasi di po ba ang lagi nating naiisip ay iyong pangit na puwedeng idulot. So ngayon isi-shift po natin iyong ating attention or iyong ating perspective: Ano ba ang puwedeng magandang mangyari ngayon? Oo, hindi tayo nakakalabas; oo, hindi tayo nakakapagtrabaho, pero ito rin naman po ay puwede namang gift din sa atin para tayo ay makasama natin ang ating pamilya, para magawa po natin ang ating gustong gawin dati.
Ang ina-advise ko nga po kung ano po iyong mga dati ninyong wish na gawin dati, nung lagi po ninyong sinasabi “Naku, kung wala akong trabaho ito iyong gagawin ko, kung hindi ako busy ito iyong gagawin ko,” I suggest po isipin po ninyo lahat iyon, isulat po ninyo, tapos pumili po kayo ng napaka-feasible na puwedeng gawin na low cost din. Tapos gawan po ninyo ng schedule iyong sarili ninyo and really respect that schedule. Para po sa umaga, mayroon kayong gigisingan; sa gabi, may feeling po of accomplishment.
Tapos ano pa ang puwedeng gawin? Ako, I suggest, you also maintain your previous routine. Make sure you take a shower, you will feel better, kasi minsan nakakalimutan na rin natin iyong mga basics na ganoon. You know, just taking shower will do a lot for your body and for your mental health. When you feel good, physically, it also helps your mental state.
The other one, ang isa ko pong isa-suggest, dito lang po, dito lang po tayo mabuhay ngayon – where we are at, in the here and now. Ang ibig ko pong sabihin, ngayon po for example, it’s April 1, kumbaga, oo nga po naiintindihan ko may mga taong natatakot mawalan ng trabaho, magkasakit, magkaroon ng problema sa mga bills pero today isipin po natin kung anong mayroon tayo. ‘Di ba today, tayo ay healthy; tayo ay mayroon pa naman pong kinakain; mayroon na pong roof over our head; and we have our family safe and healthy. So let’s maintain it, iyon lang po muna ang isipin natin. Huwag po natin munang—try lang po nating huwag isipin iyong bukas. I am not saying na hindi tayo magpe-prepare para sa kinabukasan natin. All I am saying is ita-try po natin na iyong ating thoughts, we try to maintain it and keep it there. That today, I have my family intact; today, I have food to eat; and today, I have a roof over my head. When we are able to practice that po, we’re not going to be as scared.
So iyon nga po ang aking advise: First, arm yourself with facts para alam po ninyo kung ano talaga iyong dapat gawin para mag-prepare. Second, shift na po your attention, stop na from all the negativities. Stop counting all negativities also and start counting what you have as of the moment while preparing for the future. And third, try to accomplish things that you always wanted to accomplish before. Let’s try to do something that is worthwhile so that we have something to wake up to and we will have something to be thankful for at the end of the day.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Dr. Marie Pearl Lei Reyes. Napakalaking tulong po niyan, lalo na sa ating mga nanunood na nakakaramdam na rin po ng anxiety and stress. Maraming salamat po sa inyo.
DR. PEARL REYES: You’re welcome po.
SEC. ANDANAR: Okay, silipin naman natin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng COVID-19 crisis sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Samantala, simulan na rin natin, Secretary, na makibalita sa iba’t ibang panig ng bansa. Unahin natin ang Baguio kasama si Jorton Campana
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Aroa mula sa PTV Cebu. Oras po natin, 11:38 na ng umaga. Kayo pa rin po ay nanonood ng Public Briefing, ito po ang #LagingHandaPH na programa ng PTV. Live din po tayo sa Radyo Pilipinas at PBS at tayo po ay nakikipagtulungan din sa ating mga kasamahan sa Philippine Information Agency nationwide. Rocky?
USEC. IGNACIO: Secretary, kinukumusta ka ng ating mga kaibigan sa MPC, – para daw huwag ma-stress at magkaroon ng anxiety, mag-zumba daw muna tayo para pawisan bago tayo mag-Laging Handa. Maraming salamat sa MPC. Nami-miss ka na rin nila, Secretary.
SEC. ANDANAR: Oh, well… ganoon talaga, lahat tayo ay work from home. Tayo ay broadcasting from home – broadcast distancing, wika nga. Pero iyon ang new normal sa mga panahong ito and let’s just hope and pray na after a week or two ay tapos na itong ating hinagpis.
USEC. IGNACIO: Secretary, marami ring nagtatanong sa atin kung ano daw ba ang magiging desisyon? Kasi I understand, may meeting na naman ang Inter-Agency kung mai-extend o maili-lift na daw po iyong ating Enhanced Community Quarantine?
SEC. ANDANAR: Kung ano po iyong announcement na original – kailan ba ito, Rocky, April 12 ba, 13 or 14 – iyong last date nito?
USEC. IGNACIO: Parang April 14, Secretary, ang pagkakaalam ko.
SEC. ANDANAR: April 14. Okay. So, by April 14, for now, hanggang doon po unless mag-anunsyo po si Presidente Duterte. But for now, doon pa tayo, stick po tayo doon sa unang deklarasyon.
USEC. IGNACIO: Sabi nga ni Dr. Marie—
SEC. ANDANAR: Pero ang mahalaga dito, Rocky, ay iyong ma-assure natin ang ating publiko na yes, mayroon tayong sapat na pagkain; yes, ang ating Department of Health ay naku-kumpleto na iyong mga medical equipment, iyong mga PPEs, iyong mga face mask na kailangan at parating na sa ating mga public hospitals; and of course, ang ating mga LGUs ay nakikipagtulungan naman sa ating national government. Sila ay sumusunod sa ating panuntunan at kung sila ay hindi sumunod ay magkakaproblema po sila sa Department of Interior and Local Government. Okay?
USEC. IGNACIO: Opo, si Jamie Quinto naka-hook-up din sa atin ang istasyon.
SEC. ANDANAR: Si Jamie?
USEC. IGNACIO: Opo, Jamie Quinto and si Jill Resontoc.
SEC. ANDANAR: DZME. Oo, sa DZME. All right! Simulan na natin ang ating public briefing kasama ang ating mga panauhin: Secretary Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry; makakasama rin po natin si Secretary William Dar ng Department of Agriculture and of course, si Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission.
Sec. Mon, unahin natin ang tanong para sa DTI. Kahapon po ay naiulat ang fifteen billion pesos worth of overpriced medical supplies na nahuli ng DTI sa magkakaibang operasyon. Paano po ito na-trace ng DTI at ano po ang gagawin ng DTI?
SEC. LOPEZ: Salamat! Good morning, Secretary Martin, Usec. Rocky, sa ating mga nakikinig at nanonood. Actually po, naging mahigpit po ang kampanya natin, sa utos po ng ating Pangulong Duterte, dito sa mga profiteering, nagtataas ng presyo, nagsasamantala, nagho-hoard – iyong nag-iimbak ng maraming imbentaryo – sa panahon ngayon na kailangang-kailangan ng mga gamit na ito.
So, mula ho noong iniutos iyan ng Presidente two weeks ago, siguro mga over sixty na ang ating mga nahuli at naaresto at talagang – nationwide ho ito – talagang pinupuntahan ho pati mga warehouse ng mga nananamantala, nagbu-buy bust operation din parang illegal drugs dahil ang kasama ho natin at nagpapasalamat tayo sa mga kasamahan sa ating kampanya mula sa kapulisan – composite team po ito ng DTI, PNP-CIDG, tapos ang NBI rin kasama rin ho ang DA at Department of Health dito po sa kampanya, paghahanap po ng mga nag-iimbak o nag-o-overprice ng mga alcohol, face mask pati ho sa pagkain din.
So, ano ho ito… lahat ho ito ay hinuhuli, kakasuhan at in fact, may proseso na rin tayo. Pag-uusapan din iyong pagkumpiska nito para magamit na rin doon sa mga nangangailangan lalo na kapag ito po ay napatunayan talaga na—I mean, iyong sa kaso natin ay malakas naman ang kaso natin kaya talagang puwede nang i-confiscate itong mga bagay na ito.
SEC. ANDANAR: Mayroon po tayong tanong, Sec. Mon, mula sa Philippine Star, kay Tina Mendez: What is the IATF’s stand on the request of the business community to lift the ECQ by April 15 and instead shift to modified community quarantine?
SEC. LOPEZ: Ah, oho… Actually, I’m talking to the business community. Actually, sila rin ho ang nagsasabi na mag-ingat din sa total lifting. Tama ho iyon siguro iyong term na iyon, ‘modified’ or phase, ano ito… gradual lifting, in other words, mayroon ho tayong iyong tinatawag na nating new norm na sa pagte-test, pag-scan ng mga workers, siguraduhing walang sakit. Mayroon tayong new norm in terms of social distancing, kaya kahit po magbalikan sa trabaho ay mayroon tayong mga ganitong new culture, new norm.
So, tama ho iyong phase lifting na iyan or gradual lifting dahil sa palagay ko, even ang mga kababayan na rin natin takot din silang mag-total lifting in the sense na iyong mga crowded places kailangang hindi pa rin i-encourage iyon. Iyong may mga mass gathering tulad ng mga konsyerto, mga big events, theaters, hindi pa rin ho siguro dapat natin asahan na maibabalik ang mga iyon kung hindi gradual muna. Importante, babalik iyong mga negosyo na kailangan nang magtuloy, para ho may hanapbuhay ang ating mga kababayan, again, following the new norm – iyong mga social distancing.
SEC. ANDANAR: Okay. Rocky, mayroon ka bang tanong?
USEC. IGNACIO: Secretary, may tanong mula kay Henry Uri ito. Na-monitor ko rin na papayagan ba daw po ng DTI or irerekomenda na pahabain po iyong oras ng groceries. Iyong oras puwedeng hanggang hatinggabi para daw hindi nagsisiksikan sa groceries, Secretary?
SEC. LOPEZ: Ay, opo! In fact, iyon ho ang ating recommendation dahil kapag iniklian ang store hours umiiksi—nagkukumpol ang mga tao. Kasi din mas kaunti na lang iyong window hours nila para mamili. Kaya ho importante na ibalik doon sa kahit hindi noong tulad ng dati pero mas mahabang oras lang sa pamimili para hindi ho maipon ang tao.
USEC. IGNACIO: Last na lang po mula kay—Secretary, may isa pa pong tanong, concern citizen. Galing naman ito kay Tina Mendez, ang pangalan daw po niya ay si Ms. Mica: Why are private hospitals daw po also asking for donations of PPEs ang other items? Dapat daw po sa supplier sila magtanong and with actual stocks instead because patients are still paying for their stays and they need to provide their staff with proper equipment po, Secretary Lopez.
SEC. LOPEZ: Oho, dapat ho talaga ma-provide sila ng mga ospital mismo nila. Alam naman ho natin, global shortage din talaga itong mga gamit na ito kaya ho iyong mga ospital ay nagkakaniya-kaniyang sourcing. Ang recommendation nga ho namin, in fact nag-communicate na iyong isang federation ng mga iba’t ibang ospital at mga iba-ibang grupo, sumulat ho sila sa amin sa DTI at saka sa Department of Health, kaya ho ang ating Philippine International Trading Corporation nakipag-ugnayan na sa kanila at si PITC ang nagse-serve as their parang purchaser sa ngayon. So, si PITC, at mula noong Lunes noong natanggap namin iyong sulat ay naghahanap ng mga iba’t ibang sources abroad at saka locally para matulungan nga sa pag-supply nitong mga PPEs.
This is on top of what DOH has been trying to buy already, may announcement naman po na mas maraming bulto ang parating ngayong lingo na ito, itong week na ito at saka next week para ho masuplayan na lahat ng mga pangangailangan ng mga ospital, public or private.
USEC. IGNACIO: Secretary, may last question po si—
SEC. ANDANAR: All right. Sec. Mon, we basically have—how many more days left? I think we have thirteen more days left. May pahabol na tanong si Joseph Morong?
USEC. IGNACIO: Yes, Secretary. May habol na tanong siya: Kung okay daw po ang DTI sa phase lifting? Iyan po ba daw ang magiging recommendation ninyo sa IATF on behalf of—sa mga businessmen.
SEC. LOPEZ: Opo, iyon ho iyong kinuwento natin kanina, na iyong phase lifting, again focusing on the more essential, more basic businesses at iyong supply chain nito. Ibig sabihin, pati iyong gumagawa ng mga inputs para sa let’s say sa food, sa mga essential products, hygienic products, medical products, iyon hong mga supply chain, iyong mga supplier din nila ng mga packaging, mga inputs and raw materials, kasama na rin ho iyong agriculture sector. Siyempre connect-connect po iyan, supply chain, kaya lahat po iyan ay bubuksan na ho, pati iyong mga iba ring essential items na, sabihin na natin, next important would be iyong mga hardware and other services ‘no. Ang importante nga ho iyong wala lang mga mass gathering events, iyong mga hindi business—business as usual pa rin tulad dati kung hindi ano pa ito, gradual muna.
SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat sa inyong panahon, Secretary Mon Lopez ng DTI. Mabuhay po kayo.
SEC. LOPEZ: Sa inyo rin po, mabuhay po.
USEC. IGNACIO: Secretary, sabi ni Aileen Taliping, naka-hook up din daw po ang Abante Radyo at Abante online.
SEC. ANDANAR: At nangungumusta rin si Weng Dela Peña ng DZBB, live din tayo sa DZBB at GMA News TV.
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat, Secretary. Samantala, sa pagkakataong ito, makakasama naman po natin via VMIX si Agriculture Secretary William Dar. Magandang umaga po, Secretary.
SEC. DAR: Good morning po. Good morning po, Rocky and Secretary Martin.
USEC. IGNACIO: Opo. Kamakailan po ay inilunsad na rin ang Kadiwa on Wheels ng Department of Agriculture. Saan-saan pong mga lugar ito at aasahan at papaano po masu-sustain iyong operasyon na ito, Secretary?
SEC. DAR: Tama po, noong starting ten days ago ay mayroon na tayong mga Kadiwa areas. Tapos late last week, nag-umpisa lang ho itong mga Kadiwa on Wheels at mas lalo na kung may mag-order na mga local government units or mga barangay or DSWD at consuming public, iyon po ay dini-deliver po kung saan iyong address nila.
At itong Kadiwa, mayroon ding component na arrangement natin sa mga big trading centers kagaya po sa (unlear) sa La Trinidad, Benguet at sa (unclear) Banban, Nueva Vizcaya and Sentrong Pamilihan ng Sariyaya, Quezon na nakatoka doon, na nakaantabay iyong mga regional field offices natin, team na nanggaling sa regional field offices. At tumutulong sila doon para kung may mga hindi puwedeng mabenta na mga produkto, mga vegetables and fruits ay dadalhin na namin dito sa Kadiwa areas dito sa Metro Manila.
Mayroon tayong mga drop off points kagaya ng dito sa FTI at saka dito po sa mga iba’t ibang opisina ng mga bureaus at attached agencies ng Department of Agriculture dito po sa Quezon City. Ongoing pa rin iyong Kadiwa natin every now and then with a number of local government units in Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Secretary, may tanong po tayo mula kay Triciah Terada ng CNN Phils: How many metric tons of rice imports has the Philippines programmed for this year? And how does this compare last year?
SEC. DAR: Ganito po, para mas maunawaan ng lahat ng publiko, Usec. Rocky at Sec. Martin. Ang na-order na sa iba’t ibang bansa, tatlong bansa ito, ay 1.3 million metric tons, inorder ng mga private sector na importer. And to mention also na ang nakarating na na imported rice na ang pribadong sektor ang nag-import ay almost 500,ooo. So mayroon tayong expected arrival nga, iyong sinabi ko kanina, 1.3 million metric tons. At ito iyong binabantayan natin with Vietnam, Thailand and Myanmar na irespeto ho nila, i-observe nila iyong kontrata na, iyong na-isyu na na import clearances para kapag dumating itong 1.8 million metric tons dito sa Pilipinas ay more or less mayroon tayong pampuno during the lean months.
Now, mayroon tayo dito sa regular program ngayon sa rice production ng Pilipinas, ito ay inuumpisahan na naman natin mag-implement dito sa wet season ay mayroon naka-cover na 1.35 million hectares na suportado ng RCEP at saka iyong hybrid rice production. Now, to mention also, we have 2.7 million hectares na puwedeng tamnan ng bigas ngayon sa Pilipinas—I mean, that is being planted normally. Pero iyong 1.3 million hectares ay walang suporta na galing gobyerno. So ito ngayon iyong pupunuan din natin through a rice resiliency project.
Now, let me also mention, Sec. Mart and Usec. Rocky, na iyong regular program and with the interventions nga iyong ating mga magsasaka doon sa 1.35 million metric tons na wala tayong ayuda in terms of inputs ay this will bring us to the level of 87% of rice sufficiency. So itong expanded rice production program that will now cover the rest of 1.35 million hectares ay ang tawag natin na proyekto nito ay Rice Resiliency Project para mapunuan iyan ng six percent increase of rice sufficiency level, at pupunta na from 87% to 93%. So six percent po ang dagdag nito kapag may ayuda, dagdag galing gobyerno na 8.5 billion pesos.
So iyong 300,000 naman na inaprubahan na ng IATF na G-to-G, government-to-government arrangement, na ang PITC po ay siya ang mag-import ay contingency measure iyon. Contingency iyon na pampuno doon sa 1.8 million metric tons na imported na. Pero gusto ko ring banggitin na open pa rin iyong gustong mag-apply under the Rice Tariffication Law, mag-apply ng SPS import clearance ay open pa po iyon sa BPI (Bureau of Plant Industry). Iyon po.
USEC. IGNACIO: Secretary Martin, may katanungan po kayo?
SEC. ANDANAR: Thank you, Rocky. So in other words, Secretary Dar, hindi po tayo kukulangin, hindi po tayo kakapusin ng bigas, ng pagkain while we are at this crisis right now?
SEC. DAR: Hindi po tayo kukulangin, hindi tayo kakapusin. Ang national rice inventory natin as of March 2020 ay nasa good for 75 days. At kapag ito, next three months, by the end of June 2020, mayroon tayong rice inventory, national rice inventory na 67 days. So sapat na sapat po.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po. Mabuhay po kayo, Secretary.
SEC. DAR: Maraming salamat po, Sec. Martin, Usec. Rocky.
SEC. ANDANAR: All right. We have with us via VMIX si Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission. Magandang umaga po sa inyo, Commissioner. Ano po ba kontribusyon ngayon ng PACC sa ginagawang hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19?
COMMISSIONER BELGICA: Good afternoon, Sec. Mart at saka Usec. Rocky, at saka lahat po ng nakikinig sa atin. Of course ang pinaka-concern po natin ay iyong mai-deliver iyong mga ipinangako po ng Pangulo sa kaniya pong pag-address sa bansa noong nakaraang araw po na ito po ay kapag sinabi niyang 5,000, 8,000; kapag sinabi niyang limang kilong bigas or anuman po iyan ay makarating po talaga sa taong nangangailangan at mga gutom na gutom.
Kaya po ang PACC has activated and issued a resolution na sa lahat po ng mga tauhan namin at sa lahat po ng deputized agents po namin ay mag-monitor ng patakbo ng mga departamento at mag-report po sa amin kung mayroong mga anomalya. At the same time, we have been organizing po, ang mga private sectors.
We are on the Messenger almost 24 hours a day and Viber for mga reports na manggagaling direkta mismo sa tao na naapektuhan ng implementation. The purposes of the IATF and the President is very clear, however, mayroong mga implementation problems na atin pong… tumutulong in the background po, [unclear] IATF and ako po, I’ve been helping Senator Bong sa policy recommendations para po maayos ang implementation, especially ngayon na mayroong P200 billion funds na ilalabas ang ating pamahalaan.
Ang concern po dito ay makarating ng buong-buo ang mga packages po na ito. And if this doesn’t reach them and we will have a report, we will make our recommendations to the President. Kaya po kami ay nakikiusap sa lahat po ng kawani ng gobyerno, lalung-lalo na pagdating po diyan sa distribution na mismo sa tao, na ibigay ninyo ang tama sa tao. Huwag ninyong patagalin, huwag ninyong pahirapan, huwag ninyong bawasan! Dahil kapag ginawa po ninyo iyan, pinapangako po namin sa inyo, ipapahuli po namin kayo, kakasuhan po namin kayo, pagkat kawawa po ang mga tao, nagugutom. So you can contact us through Messenger, sa text, you can reach us anywhere. At tutulong po kami and we are also reporting directly to the government agency’s head concern, kapag naka-caught po kami ng mga problema sa implementations po.
SEC. ANDANAR: All right, Greco, dapat tutukan natin o ng inyong opisina. Tama ka iyong P200 billion na social amelioration fund, ito ay ipamamahagi sa ating mahihirap na kababayan particular, Greco, sa formal and informal sector ng ating labor industry.
Kanina may napuntahan akong barangay dito sa Las Piñas. At hindi pa naibaba iyong order ng DOLE na puwedeng bigyan ng 500 pesos or minimum wage iyong mga informal workers na nawalan ng hanapbuhay for the next 10 days. Mayroon silang minimum wage na matatanggap for 10 days at bibigyan sila ng trabaho ng DOLE. You know, considering that we only have 13 more days, Greco, siguro puwede ring tutukan itong aspeto na ito.
COMM. BELGICA: Yes, sir, we will do that. Iyon nga po ang nagiging problema, iyong implementation ng orders, afterwards doon po nagkakaproblema. So yes, we are doing the best that we can and kapag nakakuha po kami ng—yesterday, we addressed that, iyong mga informal workers, iyong mga artists, pati iyong mga religious groups, mga missionaries, iyong mga walang employers, puwede po kayong pumunta sa DOLE; puwede po kayong pumunta sa barangay para magpalista. Then, kayo po ay i-employ ng DOLE for this emergency situation, kaya po, iyon po.
Tapos, iyong atin pong mga barangay officials at mga LGUs, this is not the time for politicking. Sabi nga ng Pangulo, ang dami po naming report na nakukuha, parang awa na po ninyo, itigil na po ninyo iyan, bigyan na lang, basta Pilipino. You know, dahil there will be a day of reckoning. So magtulung-tulungan na lang po tayo ngayon at… tulong lang po tayo. Salamat po.
SEC. ANDANAR: Salamat, Greco. Ang aming tanggapan ay bukas po sa inyo kung mayroon po kayong mga announcement, kung mayroon po kayong mga gustong ipahatid sa ating publiko na napakahalagang activities ng inyong tanggapan. Salamat po. Mabuhay po kayo, Greco!
Samantala, alamin po natin ang nakalap na balita ng Philippine Broadcasting Service, kasama si John Mogol – John go ahead.
(NEWS REPORTS)
USEC. IGNACIO: Okay. Thank you John Mogol mula sa PBS. Salamat din po sa CNN Philippines, sila po ay naka-hookup din Secretary sa Laging Handa Public Briefing.
Sa puntong ito ay alamin naman natin ang pakikipag-ugnayan ng ilang homeowners sa bansa, sa kani-kanila pong respective LGUs. Makakausap po natin live via VMIX si Mr. Lope Santos III mula po sa Villa De Calamba Homeowners Association. Magandang tanghali po, sir.
MR. SANTOS: Magandang tanghali Usec. Ignacio at Secretary Andanar. Dito naman po sa aming subdivision ay nararamdaman naman po namin ang kalinga ng ating barangay sa pamumuno ng aming Kapitan Ed Silva at ng ating Mayor Timmy Chipeco. So tuluy-tuloy po ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine bukod sa pagpapatupad ng mga patakaran ay tuluy-tuloy po iyong kanilang pamamahagi ng food assistance sa halos anim na libong households dito po sa aming barangay at kalahati niyan ay dito po sa aming subdivision.
So dito po ay nagtutulungan din ang maraming mamamayan kasama na rin po namin dito sa pakikipagtulungan ang aming parish priest ng San Pedro Calungsod Parish. At kami naman po sa mga homeowners’ association ay nananawagan po sa aming mga homeowners na makipagtulungan sa ating barangay at sa ating pamahalaan para sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.
USEC. IGNACIO: Bukod po daw sa curfew, magkakaroon [choppy] lugar ng business establishment regulation? Ano pong ibig sabihin nito, Mr. Lope?
MR. SANTOS: Pinipilit po nating mabawasan ang paglabas ng mga tao at nilagyan po natin ng regulasyon ang pagbubukas ng mga business establishments dito lamang po sa loob ng aming subdivision. At nakikiisa naman po ang aming mga homeowners na negosyante at sumusunod po sila doon sa aming usapan na hanggang alas dose ng tanghali po sila bukas para sa hapon ang mga tao po ay manatili na sa loob ng kanilang tahanan. Pero sa panahon po na kailangan ng pagbili ng gamot [choppy] ang aming barangay na payagan ang ating mga mamamayan dito sa [choppy].
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po at mag-ingat po kayo Mr. Lope.
SEC. ANDANAR: May tanong ako kay Mr. Lope Santos. Sir, can you hear me?
MR. SANTOS: Opo. Go ahead po, sir.
SEC. ANDANAR: Yes, sir. Kayo po ay Presidente ng homeowners’ association po, sir, tama po ba?
MR. SANTOS: Opo, Secretary.
SEC. ANDANAR: Okay. Hindi na ho siguro bago sa inyo iyong balita na mayroon hong nag-viral na video ng isang Ginoong Marcos na nagrereklamo siya dahil iyong isang subdivision nila kung saan siya nakatira ay ipinagbawal iyong kaniyang mga ayuda; iyong kaniyang bigas na pinadala mula Nueva Ecija, hindi pinapasok sa subdivision at ito naman ho ay for humanitarian purposes at tutulong. Ano po ang inyong polisiya pagdating po sa mga ganiyan, mayroon po kayong mga kapit-bahay na gustong tumulong at mayroon pong papasok na, halimbawa, kargamento, bigas, pagkain? Ano po iyong inyong polisiya diyan sa inyong subdivision?
MR. SANTOS: Ang amin pong joint resolution ng barangay kapag po food delivery, ito po ay bukas at papapasukin po namin sa aming subdivision. ‘Pag delivery po ng mga pagkain at delivery ng gamot, iyan po ay hindi po namin pipigilin dahil alam namin na iyan ay kailangang-kailangan po ng ating mga mamamayan.
SEC. ANDANAR: Magandang polisiya po iyon, Sir Lope Santos, kasi alam po naman natin na iyong panawagan po ng ating national government pagdating po sa pagkain, pagdating po sa mga humanitarian goods na ibibigay po sa ating mga kababayang mahihirap ay dapat palusutin. Ito din po ang panawagan ng ating Department of Agriculture na hindi po harangin ng mga pulis iyong kanilang bigas, iyong kanilang pagkain na dini-deliver sa merkado, kung saan man idi-deliver ito basta’t makatulong sa ating sambayanan. So maganda po iyong inyong polisiya na kayo po’y sumusunod sa national government. mabuhay po kayo sir, thank you po.
MR. SANTOS: Welcome na welcome po ang lahat ng suporta dito sa aming subdivision. But naghihintay din ang aming mga homeowners’ ng ina-announce ng ating pamahalaan na second wave at third wave dahil nauunawaan po namin ang kalagayan ng ating mga barangay ngayon na sa sobrang dami ng tinutulungang mamamayan ay nauubos na rin iyong kanilang resources. Marami po salamat po.
SEC. ANDANAR: Saan pong muli ang inyong barangay? Saan po kayo, Mr. Lope?
MR. SANTOS: Ito po ay—ang aming Barangay (choppy) sa pangunguna po ng aming Kapitan Eduardo Silva dito po sa Lungsod ng Calamba.
SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo diyan sa Calamba. Thank you, sir.
MR. SANTOS: Maraming salamat po, Secretary and Undersecretary.
SEC. ANDANAR: Araw-araw po ay walang sawa kaming magbibigay-pugay sa mga bayaning patuloy na lumalaban kontra sa COVID-19 para sa bayan. Panoorin po natin ito.
[VIDEO PRESENTATION]
USEC. IGNACIO: Muli po ang aming pagpupugay sa ating mga bayaning frontliners. Nais rin po nating pasalamatan ang mga naging panauhin natin kanina – Commissioner Greco Belgica ng PACC; Secretary Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry; si Secretary William Dar ng Department of Agriculture; at Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V maraming salamat po sa inyo.
SEC. ANDANAR: Nais din po nating pasalamatan ang mga partner agencies – ang Philippine Information Agency; Philippine Broadcasting Service; PTV Cordillera; PTV Davao; PTV Cebu; at ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Dapat basahin mo lahat Rocky dahil maraming magtatampo na nag-i-stream sa atin at naka-hookup.
USEC. IGNACIO: Opo…
SEC. ANDANAR: At diyan po nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Manatiling nakatutok po sa pinakahuling balita tungkol sa COVID-19 sa bansa, gayun din ang walang tigil na pag-aksiyon ng inyong pamahalaan upang masugpo ang krisis na ito. Ako pong muli ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.
USEC. IGNACIO: Ugaliing magtanong at makialam sa ating mga talakayan tungkol pa rin sa COVID-19 at tandaan po, atin pong iwasan ang paniniwala at pagkakalat po ng fake news. Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Hanggang bukas pong muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)