SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas at pagpupugay sa mga minamahal kong kababayan na nasa iba’t ibang panig ng mundo, ganundin sa lahat ng nakasubaybay ngayon sa kani-kanilang telebisyon, radyo at sa ating online streaming.
Ngayong araw ay muli nating sasagutin at sisikaping bigyang linaw ang mga katanungan ng ating mga kababayan hinggil sa COVID-19 sa tulong ng ating mga panauhin na nagmula pa sa mga pinagpipitagang ahensiya ng ating gobyerno at iba pang sektor ng ating lipunan.
Sa ngalan po ng People’s Television Network, Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service at ang Radyo Pilipinas Nationwide Network … communications platform ng PCOO, Radio Television-Malacañang sa pangunguna ng Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio. Dito po ay magkakaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na ilahad ang kanilang mga saloobin pagdating sa health crisis na kasalukuyan po nating nararanasan hindi lamang sa bansa kung hindi sa buong mundo.
SEC. ANDANAR: Basta’t sama-sama at laging handa, makakaya natin ito. Kaya naman bayan, halina at samahan ninyo ang aming Public Briefing #Laging Handa Ph.
USEC. IGNACIO: Samantala, alamin natin ang pinakahuling bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. As of 4:00 PM ng March 29, 2020, base sa tala ng Department of Health ay mayroon na pong 1,418 cases na nagpositibo sa COVID-19 sa bansa; 42 sa kanila ang naka-recover mula sa sakit at 71 naman po ang pumanaw. Ayon naman po sa world meter ay mayroon ng 721,412 COVID cases sa buong mundo, kung saan po 151,004 na ang naka-recover, habang 33,956 naman po ang nasawi na.
Nangunguna ang Estados Unidos sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong mundo, pangalawa po ang bansang Italy, pangatlo po ang China, pang-apat ang Spain at panglima ang Germany. Nasa ika-33 puwesto naman ang Pilipinas sa may highest confirmed cases ng COVID-19 sa ASEAN Region.
Sa ASEAN Region naman po ay tinatayang nasa 7,846 ang kabuuang kaso ng COVID-19 kung saan po 231 ang namatay mula po sa sakit at 883 ang naka-recover dito.
Kung noong nakaraang linggo po ay nasa ikalimang puwesto ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa ASEAN, as of March 30, 2020, pangalawa na po tayo sa may pinakamataas na bilang; at nangunguna pa rin sa listahan ang bansang Malaysia na may 2,470 confirmed cases.
SEC. ANDANAR: Hinggil po naman sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19 ay tumawag lang po kayo sa 02-89426843; para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, mangyaring i-dial lang po ang 1555. Maaari rin ninyong tawagan ang hotline numbers ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita po ninyo sa inyong TV screen. At upang maging updated sa mga hakbangin ng ating pamahalaan kontra COVID-19 ay magtungo sa aming COVID-19 portal, bisitahin lamang po ang www.covid19.gov.ph at ang iba’t ibang social media pages tungkol sa COVID-29 partikular ang Laging Handa Ph.
USEC. IGNACIO: Ngayon naman po ay puntahan natin ang iba pa nating kasama na magbibigay po ng balita mula sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa, sina Dennis Principe mula po sa Philippine Broadcasting Service, Rachel Garcia mula sa PTV Cordillera, Jay Lagang mula sa PTV Davao at John Aroa mula sa PTV Cebu, live po iyan.
SEC. ANDANAR: Ngayong araw din, Usec. Rocky, ay makakasama natin sina Representative LRay Villafuerte, Deputy Speaker ng House of Representative; Assistant Commissioner Vincent Maronilla ng Bureau of Customs; nandiyan din po ang presidente at CEO ng Social Security System na si Baby Ignacio; at kasama rin po natin si Ambassador Chito Sta. Romana, ang Ambassador po natin sa People’s Republic of China; at ang walang kapagud-pagod na tagapagsalita ng DOH, si Undersecretary Rosario Vergeire.
USEC. IGNACIO: At para po sa mga karagdagang balita dumating na po sa bansa nitong Biyernes ang 48 karton ng Personal Protective Equipment para sa ating mga frontliners gaya po ng medical supplies at protective gears mula po sa Xiamen Gozon Biotech na dadalhin sa Chinese General Hospital. Sinigurado po ng Bureau of Customs magtutuloy ang kanilang operasyon para sa mga PPE shipment na kakailanganin ng ating mga hospital.
SEC. ANDANAR: Samantala, sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, hinihimok ni Senador Richard Gordon na magkaisa ang lahat upang sugpuin ang krisis sa kalusugan na ating nararanasan. Giit niya na tigilan na ang pag-aaway at pagsisisihan bagkus ay mag-focus muna sa mas makabuluhang aksyon. Tinawagan din niya ng pansin ang mga ahensiya tulad ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na magbigay ng libreng online learning program sa publiko habang ipinatutupad ang home quarantine o sumali sa mga free online seminars or workshop na sakto sa kanilang propesyon. Sa panahong ito nakikita ni Senador Gordon na mas magiging produktibo ang mga Pilipino habang sila ay nanatili sa kanilang mga tahanan.
Para kumustahin po ang kalagayan ng mga kababayan diyan sa bansang Tsina ay makakapanayam po natin via phone patch si Ambassador Chito Sta. Romana sa atin pong embahada diyan sa Beijing, China. Magandang umaga po sa inyo, Ambassador.
AMBASSADOR STA. ROMANA: Magandang umaga rin, Sec. Martin.
SEC. ANDANAR: Yes, sir, kumusta na po ang sitwasyon ng mga Pilipino diyan sa China?
AMBASSADOR STA. ROMANA: Maganda rito ‘no. Una, ang sitwastyon dito sa China ay humuhusay na ang kabuuan. Kahapon ang nireport na kaso dito sa China ay 31 cases, tapos ang karamihan dito ay galing sa abroad, isa lang ang domestic case. So makikita mo dito pahusay na.
Ang magandang balita dito sa mga Pilipino dito, sa mainland ‘no – hindi kasali ang Hong Kong at Macau – walang Pilipino na na-infect ng COVID-19 hanggang ngayon. So kabuuan mahusay naman ang kalagayan ng mga Filipino.
Ang problema dito ay trabaho, kasi karamihan sa mga kababayan natin ay mga teacher o kaya mga musician or hotel workers, at marami din ang mga household workers. Walang klase ngayon ‘no kaya karamihan sa kanilang… batay sa kanilang kontrata ay ‘no work, no pay.’ At nagtatanong nga sila kung makakaasa sila sa DOLE ‘no, iyong financial assistance or kung anumang tulong ng gobyerno. Nakiusap din ang embahada sa … tutulungan sila na makiusap sa kanilang mga employer nila na tulungan sila sa panahong ito ‘no. Kasi ang nangyayari ay underpaid sila; binabayaran lang sila ng parang living allowance ‘no, hindi iyong kanilang regular salary kasi walang klase. Ganoon din iyong sa hotel workers (unclear), at either underpaid sila or walang bayad ngayon. Kaya iyon ang problema.
Madami rin tayo dito, mayroong undocumented na household workers na nawalan ng trabaho at gustong umuwi ‘no pero …mayroon kasing prosesong dadaanan na nakasaad dito iyong kapag you turn yourself in to the Chinese police ‘no. Pero ang Chinese police ngayon, public security unit, they don’t accept new surrenderees ‘no or those who are undocumented, you need an exit visa to be able to leave. So iyon ang katayuan ng mga Pilipino dito – on the one hand, health-wise, okay; pero mayroon mga economic problems, economic difficulties ang ilan nating mga kababayan dahil sa walang trabaho or nahinto ang trabaho habang naghihintay ngayon na ma-normalize completely ang situation.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, po si Triciah ng CNN Philippines. Ano daw po sa tingin ninyo iyong naging magandang strategy ng China kung bakit po na-contain or napababa ang bilang ng mga apektado ng COVID? At saka may usapan po ba na may mga Chinese doctors na pupunta dito para tumulong sa COVID-19 sa Pilipinas? Tapos kung willing daw po ang Chinese government na i-share iyong kanilang strategies and maybe treatment plan para labanan po ang COVID-19 sa Pilipinas?
AMBASSADOR STA. ROMANA: Okay, magandang tanong iyan. Ang nangyari sa Tsina ay isang leksyon para sa buong mundo. Mahirap ang dinaanan nila dito, lalung-lalo sa Wuhan ‘no, iyong sa epicenter. Halos dalawang buwan na lockdown iyon. Ngayon lang sila nag-uumpisa na i-revive iyong public transportation, at sa April 8 pa lang ihihinto iyong lockdown sa Wuhan. Pero nahinto na ang transmission of the virus within the city; mayroon pa ring nasa ospital na nagpapagaling. Pero ang key strategy dito, iyon din ang nararanasan sa Pilipinas ngayon ‘no at sa iba’t ibang bansa.
Nagpunta dito ang World Health Organization at gumawa sila ng isang ulat ‘no. One, ang importante iyong early detection, tapos kasali diyan iyong tinatawag na early isolation; ihihiwalay kaagad talaga dapat. Kasali doon sa early detection of course iyong testing ‘no. Tapos doon sa isolation, ihihiwalay iyong mga fever, iyong mayroong mga mild symptoms sa mga severe symptoms ‘no. At dumaan din sila sa nararanasan natin diyan. Sa katunayan iyong kanila ding frontliners, halos nalagas kaya nagpadala iyong kanilang People’s Liberation Army, iyong military, ng libu-libong doktor para mag-man ng temporary hospitals na tinayo. Napuno din iyong mga hospitals nila kaagad, na-overwhelm kaya nagtayo sila ng mga temporary hospitals. They were able to build two big ones in ten days for severe cases ‘no. Tapos ginamit din nila iyong mga gymnasium, mga stadium, mga malalaking lugar para tinatawag nilang temporary quarantine zones ‘no. So hiniwalay nila iyong quarantine sa ospital, iyong pinakaseryosong kaso, tapos iyong mga may fever pero under monitoring or under investigation pa hiniwalay din nila sa pamilya nila at nilagay na doon sa mga temporary zones. So mayroong segmentation ng mga pasyente para hindi magkahawaan.
And of course, kumuha sila ng mga volunteer doctors sa iba’t ibang probinsiya ng Tsina na nagpuntahan sa Wuhan at sa Hubei province, sa paligid na … ng karatig probinsiya nito … itong Wuhan is the capital of Hubei ‘no. So kumbaga sa ano nag-concentrate ng puwersa doon, medical resources. Of course nag-lockdown ng dalawang buwan, walang galawan—
USEC. IGNACIO: Pero, Ambassador, mayroon pong pag-uusap ang pagdadala ng doktor dito sa Pilipinas para po tumulong at ibahagi ang kanilang strategies at iyong treatment plan? Mayroon pong ganoon?
AMBASSADOR STA. ROMANA: Actually, sa ngayon ay kasali na iyan sa plano. Nabanggit na rin ito ni Secretary Locsin ‘no, na mayroong medical team na inihahanda na pupunta diyan para tumulong sa atin. Bukod dito, I think that will be done soon ‘no, kasi pinag-uusapan na iyong details – kung kailan makakapunta, sinu-sino. So sa lalong madaling panahon.
Of course, nagpadala na sila ng donation nila aboard a Chinese plane. Dito mayroon din tayong mga Philippine Air Force plane lumipad papuntang southern China, sa Fujian to pick up medical supplies. Pangalawa na iyong pumunta noong Sabado. Itong pangatlo na hinahanda sa linggong ito. Itong mga medical supplies na ito naman ay hindi ito government to government, kung hindi mga private… Tsinoy ‘no, Filipino-Chinese who donated … they bought the supplies here in China at inimbak nila doon sa isang airport at doon pinik-up ng mga eroplano.
Mayroon ding mga ilang initiatives ‘no, balita ko si Mr. Carlos (unclear) ng Oishi at saka may kumpaniya sa Shanghai, mayroon din silang hinahanda na airlift of medical supplies from Shanghai. So the medical team, we’re preparing to (unclear) underway to have them go to the Philippines shortly. And there’s a continuous airlift of medical supplies from China.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon Ambassador Chito Sta. Romana mula po sa Beijing, China. Mabuhay po kayo, sir.
SEC. ANDANAR: Ngayon ay simulan po natin ang ating Public Briefing kasama si Congressman LRay Villafuerte, Deputy Speaker of the House of Representatives. Kasama rin po natin si Assistant Commissioner Vincent Maronilla ng Bureau of Customs at si Baby Ignacio, ang Pangulo at CEO ng Social Security System; at si Undersecretary Rosario Vergeire ng Department of Health.
Magandang umaga po sa inyo, Congressman LRay. Congressman LRay, are you there? All right, habang hinihintay natin si Cong. LRay at atin pong pinapasalamatan ang atin pong mga KBP partners for today. Nandiyan po ang ating mga kasamahan dito po sa DZMM, Radyo Bandera, RMN, Bombo Radyo, DZRH, Radyo Nation, ANC, DZMM Teleradyo, DZBB, Sonshine Radio, UNTV Radio, Radyo Agila, Radyo Pilipino, Brigada News FM at DZME. And of course, we are live broadcasting sa ating Philippine Broadcasting Service ang Radyo Pilipinas Uno nationwide.
At bago po ang lahat, kumustahin po natin ang ating kasamahan. Ready na ba si Cong. LRay? Congressman, are you there?
REP. VILLAFUERTE: Yes, I can hear you, Martin. Thank you.
SEC. ANDANAR: Yes. Pasensiya na kayo, sir, dahil you know, itong ginagawa natin ay broadcast distancing. I understand that you are somewhere in your home. I’m not so sure if you’re in Manila or in Camarines, but just the same, kumusta na po ang inyong bayan sa Camarines, sir?
REP. VILLAFUERTE: Well, I’m in Manila now; naka-self-quarantine ‘no. But iyong Camarines Sur, okay naman, adjusting dito sa enhanced quarantine. Ang tao talaga ay pinipilit natin na huwag lumabas sa bahay dahil iyan talaga ang pinakamagandang solusyon laban sa COVID. Unfortunately, nagkaroon kami ng kaso yesterday confirmed by DOH. Isa pa lang naman at maganda naman iyong isang kaso na iyan ay nag-self-quarantine na iyong tao as of two weeks ago. So nagko-contact tracing na po kami ngayon at ini-encourage pa rin iyong mga tao nearby na talagang just to stay at home.
SEC. ANDANAR: Nagpapasalamat po ang buong bayan dahil sa inyong ipinasa na Bayanihan Act. Pero ang tanong po dito, Congressman, is that iyong budget na puwedeng i-realign na 275 billion, I understand na iyong P5,000 to P8,000 na mapupunta sa mahigit 18 million informal workers is for one month. Ang tanong po ay: Papaano kung sumobra po ng isang buwan ang ating Enhanced Community Quarantine?
REP. VILLAFUERTE: Actually, iyong 275 billion off budget iyon, wala po sa budget. Iyon ‘yung mga savings ng GOCC at ang computation po ay for 18 million households, for two months, Martin, hindi one month. So ang binadyet po natin is for two months dahil talagang alam namin na kulang po iyong one month.
SEC. ANDANAR: All right. Rocky…
USEC. IGNACIO: Opo. Cong. LRay, may tanong po si Rosalie Coz ng UNTV: “Sa Bayanihan to Heal as One Act, President must submit a report to Congress every Monday tungkol po sa mga hakbang ng gobyerno para sugpuin ang COVID-19. Nag-submit na po ba ng report ang Pangulo at ano po ang nilalaman nito?”
REP. VILLAFUERTE: So far wala pa, we’re waiting for it. I’m sure they will submit today, Monday, but we’re waiting for it. As soon as we get the copy po, Congress of course will review and I’m sure the media will get a copy.
SEC. ANDANAR: All right, Congressman LRay, babalikan ka namin. Dumako naman tayo kay SSS President and CEO Baby Ignacio. Ma’am, are you ready?
USEC. IGNACIO: Sir, nandito na po yata si SSS narinig ko na. Si Ms. Aurora Ignacio, good morning, ma’am.
SSS PRES. IGNACIO: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga, Secretary Andanar.
USEC. IGNACIO: Marami pong kababayan natin ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. Anu-ano po iyong mga benepisyo na maaaring kunin ng mga miyembro? So far gaano na po, nakita ninyo ba kung gaano po karami na ang apektado ngayon, ma’am?
SSS PRES. IGNACIO: So far, wala pa ho kaming mga record ngayon simula ng March 16 hanggang ngayon, kasalukuyan and pinipilit naming makuha ang datos nito. Pero simula noong January to March, mayroon kaming mga na-record na unemployment na nagkakahalaga ng mga 114 million. Pero dito sa COVID, hindi pa kami nakakakuha ng mga data, unang-una, dahil karamihan ng branches natin ay kung hindi man makapasok, nasa skeletal siya.
Ang amin pong unemployment benefit ngayon ay ginagawan ng paraan para maging online filing. As of now ho kasi dahil bago iyong benepisyo na ito, hindi ho siya nagiging online filing kung hindi over the counter. Isa ho siya sa mga project na ginagawa ng ating IT group, naabutan lang po nitong sitwasyon na ito kaya minamadali ho namin na sana matapos ito hanggang ngayong buwan ng April na maging online filing siya, na maging available sa mga empleyado na nawalan ng trabaho dahil dito sa COVID.
SEC. ANDANAR: Sa mga nais mag-avail ng benefits at loans ng SSS, papaano po ito, ma’am, puro online po ang application?
SSS PRES. IGNACIO: Ang atin pong mga [choppy] member loans ay naka-online application ho ngayon. Sa totoo lang po, nagbigay ho tayo ng moratorium doon sa kanilang deadline. Mayroon ho tayong extension for the salary loan, calamity loan, emergency loan na na-avail nila previous to this month or kahit na hanggang ngayong nakaraang February. Puwede ho nila itong bayaran hanggang sa May, hindi ho sila kailangang magbayad ngayong May. Pati ho ang educational loan kung sila ay mayroon, kung due man ito ngayong March/April, puwede ho nila itong bayaran ng May.
At kung sakali ho man ma-extend ang ating quarantine period, magdadagdag ho tayo ng panibagong month na puwede nilang i-extend. Kukuha ho tayo ng approval para ma-extend pa rin ho ang moratorium na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, may katanungan lang dito. Mayroon po ba daw separate patakaran o guidelines ang SSS doon naman daw po sa mga miyembro ninyo na naging pasyente ng COVID-19? At saka, may mga guidelines din po ba na nakapaloob? Ano pa iyong guidelines na nakapaloob sa calamity loan natin o calamity assistance program?
SSS PRES. IGNACIO: Ang calamity loan/program po natin ngayon ay payable in two years at ang ating interest po ay 10%. Ito po ay available over the counter. Pero dahil wala ho tayong masyadong nakakapag-apply, puwede ho silang mag-avail ng—kapag nag-online na ho tayo sometime in April, ang puwede ho nilang i-avail ay kung magkano ho iyong pinaka-monthly salary credit nila.
So far wala ho tayong mga hinihinging dokumento as of now dahil buong bansa po ang naka-calamity. So this is the first time na magkakaroon tayo ng ganitong klaseng availment na buong bansa ang puwede as long as they are unemployed and they are members of SSS. So kung magkano po iyong contributions nila, halos katapat din po doon kung gaano karami na ang naibayad nila dito sa ating SSS fund.
SSS PRESIDENT IGNACIO: Sorry, hindi ko po kayo narinig.
USEC. ROCKY: Okay…
SSS PRESIDENT IGNACIO: Yes… yes, opo, naririnig na ngayon.
SEC. ANDANAR: Kasi may nagpapatanong, paki-ulit lang daw po ma’am. Ma’am, paki-ulit lang daw po, ma’am, iyong proseso ng pagkuha ng pension. At number two, papaano po iyong mga volunteer na nagbabayad ng kanilang SSS? Ano po ba ang Sistema, halimbawa, kung hindi po nila nabayaran iyong kanilang pang-Marso or pang-Abril? Wala ho bang penalty?
SSS PRESIDENT IGNACIO: Nagbigay ho tayo ng extension, ng deadline ng payment ng contribution. So kung kayo po ay nagbabayad ng kontribusyon ng January to March, iyon pong buwan na iyon, na-extend natin ito for hanggang June dahil wala naman hong nakakapunta sa kanilang mga bangko or kung saan mang bayaran na … in-extend ho natin ito hanggang June. Wala hong penalty kung kayo ay magbibigay kontribusyon through bank or kung anumang paraan or through SSS branches, ini-extend ho natin ito. Kung magbabayad kayo hanggang June, wala ho itong penalty. Kung ma-extend ho uli ang quarantine, uurong ho uli tayo ng contribution later.
SEC. ANDANAR: Okay. Kung ma-e-extend po ang quarantine, uurong po kayo ng schedule. Maraming salamat po sa inyong panahon President Baby Ignacio ng SSS. Mabuhay po kayo, ma’am.
Binabati din natin ang politics.com.ph at newsco.com.ph at ang ilang mga kasamahan po nila particular si Prince Golez. Magandang umaga po, salamat sa streaming. Nasa linya na po ng ating telepono si Assistant Commissioner Atty. Vincent Maronilla ng Bureau of Customs. Magandang umaga po sa inyo, Jet.
Attorney, are you there? Okay… wala pa si attorney, babalikan natin si attorney. Yes, go ahead, Rocky.
USEC. ROCKY: Secretary Martin, may tanong po from kaibigan natin sa DZAS, si Jo. Tinatanong niya—gusto niyang i-verify, iyong company ID daw po is enough to be considered as APOR outside Metro Manila especially in Legazpi area?
SEC. ANDANAR: Ang ipinapatanong niya ay tungkol sa ID?
USEC. ROCKY: Opo, kung puwede magamit ang company ID niya.
SEC. ANDANAR: Yes. Noong Sabado ay nag-usap tayo, Rocky, together with Undersecretary Jonathan Malaya and General Eleazar who is now the chief of the Joint Task Force COVID Shield at ang napag-usapan doon ay para doon sa mga media sa labas po ng National Capital Region ay puwede po nilang magamit ang kanilang ID, ang kanilang company ID habang wala pang official ID na naibibigay sa kanila ang International Press Center.
But later on, magkakaroon ng IATF at idi-discuss natin ulit doon kung ano ang magiging bagong direskyon ng IATF, Rocky.
USEC. ROCKY: Okay. Salamat, Secretary Martin. Samantala, balikan na natin si Assistant Commissioner Atty. Maronilla ng Bureau of Customs. Attorney?
COMM. MARONILLA: Good morning, Sec. Martin. At good morning po, USec. Rocky.
SEC. ANDANAR: Good morning. Good morning, Atty. Jet. First of all, maraming salamat at maraming nagpaparating ng pasasalamat sa Bureau of Customs dahil sa mabilis nga na pag-apruba ng mga donations na pumapasok po sa ating bansa, iyong mga ini-import po.
Ngayon po, kumusta na po iyong pagre-release muli ng iba pang mga medical supplies na kailangan po ng Department of Health, bukod po ito sa mga donations?
COMM. MARONILLA: As of March 29, 2020, mayroon na po kaming 2,865 na na-process po na shipment ng mga personal protective equipment, pati po mga emergency medical supplies and equipments po. So iyon na po ang total na na-release namin. Patuloy po iyong pagre-release namin ng mga shipment ng PPEs, other emergency shipments po pati po pagpa-prioritize din namin sa mga essential goods po tulad po ng pagkain, medisina at kung anuman po ang kailangan pa ng ating gobyerno para labanan itong epidemiya na ito.
SEC. ANDANAR: Noong mga nakaraang linggo, specifically last week, marami ang nakiusap mula sa Chamber of Commerce dito po sa ating bansa partikular sa Metro Manila, nakikiusap na kung puwedeng bilisan iyong pag-release ng mga cargos ng pagkain at iba pang non-food items. Kumusta po, ano na po ang nangyari doon sa request nila?
COMM. MARONILLA: Sir, sa part po ng Bureau of Customs, wala naman pong naging problema. In fact, we’re always in coordination with the Chamber of Commerce, mayroon ho kaming Viber group that we created with all the president and officers of the Chamber of Commerce where we coordinate. Medyo nagkakaroon lang ho ng isyu siguro doon sa ikot ng shipments kasi ho tulad nang na-report ng Philippine Ports Authority, iyong iba ho nating mga kasamang importers, hindi po nila napu-pullout iyong ibang reefer containers po.
So iyon po iyong tinututukan namin ngayon, nakikipagtulungan po kami although uulitin ko po, tapos na ho ang proseso nito sa Bureau of Customs. Sa tingin ho namin kung may kailangan pa para itulong namin dito, tutulong pa rin naman ho kami together with the Department of Trade and Industry, the PPA and the Department of Agriculture. So kung anuman po ang coordination, ipaalam sa mga … ating stakeholders na dapat kinukuha na nila itong mga kagamitan na ito dito sa pantalan kasi ho tapos na naman iyong processing nito.
Pinapabilis ho namin iyong processing nito pero iyong ibang aspeto po kasi ng paglilipat niya iyon ho ngayon ang tinututukan ngayon ng ahensya katulong pa rin po ang Bureau of Customs.
SEC. ANDANAR: Alright. Partikular, ano pong mga ahensiya at ano pong sektor ang responsable dito para mapabilis iyong pag-transport ng goods, iyong pagkuha po ng mga items mula sa port? Sinu-sino po ito, Atty. Jet?
COMM. MARONILLA: Ang katulong po namin ngayon dito ay ang Department of Trade and Industry, sir, kasi sila iyong kinakailangang mag-inform sa mga industries at sa mga sectors na kung maaari ho ay puwede na nilang kunin at matanggal na ho sa ating mga pantalan itong mga tinatawag nating naproseso na namin na mga shipments at nandiyan para hindi naman po tayo magkaroon ng port congestion at para po mai-deliver na rin iyong mga kagamitan nito.
Mayroon din ho kaming coordination with the Philippine Ports Authority para po siguro para mapadali iyong proseso ng pag-alis nito on the side of the arrastre operators naman po, which is a private company under the regulation of the PPA. At the same time iyong mga parating pa po na ibang mga shipments, we’re coordinating now with the Department of Agriculture and the FDA para po mas mapabilis pa namin ang proseso na ito para ho hindi tayo magkaroon ng kung anumang aberya at mapabilis iyong pag-deliver natin ng mga basic goods.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa paglilinaw, Atty. Jet. Mayroon ho tayong phone-in question para kay Jet: May overtime po ba ang mga enforcement and security dito po sa Customs?
COMM. MARONILLA: Yes, sir, dahil ho ang amin pong enforcement groups at aming intelligence groups ngayon ay 24/7 ang kanilang duty. Iyong iba hong nasa skeleton force na iyan at nagre-report po ay lahat po sila ay pino-provide-an ngayon ng overtime pay. Iyong usual hong suweldo nila at iyong usual na benefits na nakukuha nila noong sila ay nagre-report pa noong wala hong ECQ, iyon pa rin naman po ang ibinibigay namin sa kanila ngayon.
USEC. ROCKY: Okay. Attorney, may tanong po si Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Will the government donate the overpriced or smuggled PPEs and other medical supplies seized by law enforcement agencies to government and private hospitals?
COMM. MARONILLA: Ma’am, we’re already coordinating with the Department of Justice and the National Bureau of Investigation, in fact, we were talking with USec. Mark Perete of the Department of Justice already in the past week and we’re finalizing some plans to be able for the Bureau of Customs to assist itong mga na-raid po ng NBI at pati na rin ho iyong na-raid namin last week na mga overpriced alcohol, mapabilis po agad ang forfeiture nito para ho mai-donate na natin doon sa mga frontliners nating nangangailangan.
USEC. ROCKY: Okay. Maraming salamat po. Secretary Martin?
SEC. ANDANAR: Okay. Mayroon po bang sapat na PPE or iyong Personal Protective Equipment ang ating mga kasamahan diyan sa Customs na mga frontliner?
COMM. MARONILLA: Yes, sir. Iyan po ang top priority ni Commissioner Guerrero. In fact, before po this whole ECQ started, noong pagputok pa lang po ng COVID, coronavirus issue noong late January po, sinigurado na po ng ating pamunuan na protektado po ang aming mga frontliners kasi alam po namin na they deal not just with cargos but also sometimes they deal with people as well. So sinigurado po namin na mayroon po kaming sapat na PPEs at other protective equipment po para protektado po ang aming mga frontliners.
SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat, Atty. Maronilla.
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman po natin si DOH Undersecretary Vergeire sa linya ng telepono. Good morning, ma’am.
USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Good morning, Secretary.
USEC. IGNACIO: Opo, may katanungan dito ang ating kasama, si Victoria Tulad ng GMA7. Magkakaroon daw po ba ng massive testing using anti-malaria na hydroxychloroquine at pati daw po iyong antibiotic na azithromycin? Would the DOH recommends using these to fight COVID-19? Ano daw po iyong magiging payo ninyo sa public?
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am, ito pong mga gamit ng off label drugs—off label po ang tawag natin dahil ito pong mga gamot na ito ay prinoduce for another purpose katulad po ng mga chloroquine, iyan po ay ginagamit para sa malaria, panggamot natin. So ito po ay pinayagan na ng ating gobyerno na magamit itong mga off label drugs, kasama na po diyan ang chloroquine, iyong iba pa pong mga gamot na lumalabas ngayon.
Ang ating payo po sa ating mga … hindi po ito ginagamit for prophylaxis. Hindi po natin ito gagamitin para ma-prevent na magkaroon tayo ng COVID-19. Ginagamit po itong mga gamot na ito sa loob ng hospital, guided po ng ating mga clinicians o mga doctor natin. So hindi po siya bibilhin sa botika tapos iinumin natin sa bahay. Ito po ay ginagamit sa loob ng hospital.
SEC. ANDANAR: All right, ma’am. Ang tanong ko po ay tungkol sa mga testing kits ulit. Pasensiya na po kayo at iyon po talaga ang tinatanong ng mga kababayan natin. Mayroon po bang sapat na testing kits ang ating pamahalaan? Dumating na po ba, bukod doon sa 100,000 testing kits na galing China, mayroon pa bang iba? Mayroong mga balitang lumalabas sa social media na mayroong mga machines na nagdadatingan na. At kung mayroon po, kalian po ito made-deliver itong mga testing kits partikular sa mga siyudad tulad ng Cagayan De Oro, Iloilo, etc?
USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Ang ating mga donasyon po ay nagsisidatingan na and ang mga donasyon po includes testing kits, includes also iyong atin pong equipments na sinasabi. When it comes to equipments, basically po ang binibigay sa atin at ang tanging hinihingi lang naman kapag sakaling tayo ay nakakapag-request ay mga ventilators. So gusto po natin na dumami pa po iyong ating mga ventilators or respirator sa iba’t ibang parte ng ating bansa to prepare for that eventuality kung kakailanganin po natin at tumaas ang mga kaso ng mga kiritikal na kaso dito sa ating bansa.
Second, iyong mga testing kits po, may mga nagsidatingan na po. Katulad noong sinabi natin, iyong 100,000 ay dumating na noong isang linggo. Mayroon pa pong iba na parating galing po sa iba’t ibang mga donations or mga donors natin. Mayroon po tayo from Singapore and then we also have… iyon pong iba galing sa ibang foundations from other countries. So parating na po silang lahat within the week. Hopefully, we will have sufficient stocks para po sa lahat ng kailangang ma-test dito sa atin.
SEC ANDANAR: Para po sa ating mga kababayan, para sila po ay kahit papaano ay mapanatag ang kanilang loob, kasi dumarating na, nagdatingan na iyong mga testing kits, iyong ating mga mga PPEs at sinasabi nila kaya pala tumataas itong bilang ng mga positibo sa coronavirus.
Ma’am, ito po ba ay inaasahan natin na talagang tataas ito? Ito ba ay tataas pa ba doon sa isanlibo up to the point that we will be alarmed o ito po ay natural lang na tataas dahil nga nagdatingan na iyong mga testing kits?
USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Thank you for that question. Kailangan nating klaruhin sa ating mga kababayan ang pagtaas ng ating mga kaso. Unang-una, dumami na o iyong ating resources, ang testing kits po ay sufficient enough now. Nag-extend po tayo ng kapasidad ng laboratory. So marami na pong laboratories na gumagawa ng test and because of that tumataas po ang ating mga kaso. But it doesn’t mean na hindi na po tayo magiging prepared at hindi na po tayo magiging ready or doing the measures that are supposed to be done. Kasi sa pagtaas po ng kaso na ito, sa pagkakaroon natin nang mas maayos na testing capacity, nagkakaroon na tayo ng chance ngayon to detect those that are really have to be detected. Ibig sabihin iyong mga positibo po, iyong mga kaso na dati pa dapat na nade-detect natin ay nakikita na natin sa ngayon because of our expanded capacity sa laboratory.
So tumataas po siya at ine-expect po natin na patuloy pang tataas sa mga darating na araw. Kailangan lang po tayo maghanda at kailangan magpatupad nang mas maaayos na mga stringent o mas maayos na mga quarantine measures para po matuldukan natin itong ating sitwasyon ngayon.
USEC. IGNACIO: Usec. Vergeire, may tanong pa rin pa si Victoria Tulad ng GMA7: May clinical trials bang ginagawa dito sa Pilipinas to find a cure or are we going to participate in any pagsasagawa po ng trial? At may tanong pa po: Ilan daw po iyong mga laboratories para doon sa mga testings kits?
USEC. VERGEIRE: Okay. Unahin ko na po iyong laboratoryo. Iyong laboratory ho, nagbukas na tayo ng ating sub-national laboratories noong isang linggo pa po. Ito po ay apat; ito po ay sa Davao, sa Cebu, sa Northern Luzon, tapos mayroon pa po tayong isa pa aside from RITM dito sa Metro Manila. Bukas po magbubukas na ang Lung Center of the Philippines ng ating last na sub-national laboratory diyan. At pagkatapos po ang UP-NIH ay nagbukas na rin po last week.
We are expecting na within the week ay makapagbukas po tayo ng private laboratories naman na na-assess na natin at nakita na natin na capable na po sila. We are just waiting for the proficiency testing of St. Luke’s Quezon City and BGC, and then there are still 30 laboratories who have already provided us with their letters intent to be assessed to become a sub-national laboratory. So hopefully po in the coming days and weeks madadagdagan pa iyong mga currently na mayroon tayo ngayon na anim po aside from RITM na nagpapatakbo ng ating mga testing kits.
Iyong second po, kung gumagawa tayo ng trials dito sa Pilipinas? Mayroon po tayong sasalihan, ng Pilipinas, iyong Solidarity Trial for these drugs that we use now for COVID-19. So ito po ay pinag-aaaralan. Ito ay inaalok sa atin ng World Health Organization at ating pinag-aaralan kung sasali ang gobyerno ng Pilipinas o hindi para po dito sa pagta-trial nga po ng mga bagong gamot na sinusubukan na maaaring makapagbigay tugon dito po sa ating COVID-19.
USEC. IGNACIO: Okay. Last na lang po, Usec Vergeire. Tanong po mula kay Ace Romero ng Philippine Star: May panawagan po ang DFA na papasukin po ang mga doctors from China. May concern daw po ba ang DOH sa pagpapasok sa kanila?
USEC. VERGEIRE: Wala po, ma’am. Kaya nga gusto natin iyang linawin kasi po kami nga po ang sumulat pa na we have this official document where we have officially communicated to our embassy, dito po sa embassy natin dito na sinasabi po natin, tinatanong natin kung puwede kaming makahingi o makapag-request ng mga eksperto galing po sa kanilang bansa dahil gusto po nating matuto at gusto nating mabigyan nila tayo ng payo dito sa pinapatupad natin ngayon na mga measures against COVID-29. Gusto nating mai-share nila sa atin iyong kanilang expertise because nakita po natin na ang bansa nila ay nagkaroon po ng pagpigil ng matataas na kaso, pagpigil ng matataas na pagkakamatay. So gusto lang natin matuto galing po sa kanilang bansa.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Usec. Vergeire, sa inyong partisipasyon ngayong umaga. Salamat po.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Salamat, John. Samantala balikan naman po natin si Cong. LRay Villafuerte. Ano daw po iyong mga challenge na tinututukan ng 2nd District kaugnay pa rin po dito sa COVID-19 diyan sa Camarines Sur?
REP. VILLAFUERTE: Well ang challenge hindi lang po sa 2nd District, sa buong Pilipinas na nagpasa na iyong batas, magbibigay ng 18 million emergency cash subsidy sa mga informal sector. Ang kailangan siguro, magkaisa iyong national government, local government na mapabilis po ang distribution ng cash assistance dahil ito po ang hinihintay ng mga tao. Nawalan sila ng trabaho, maraming nagugutom, maraming walang pambili ng gamot, so iyan po ang inaasikaso namin in coordination with local government units.
Sa Kongreso naman, iyong oversight powers namin, dapat mag-submit po ang IATF ng report every Monday. Hinihintay po namin iyong report today para naman kami makabigay rin ng tulong/suggestion para ma-implement po iyong batas na Bayanihan to Heal as One Act sa lalong madaling panahon.
USEC. IGNACIO: Opo. Congressman, may mga tanong din po dito. Papaano daw po maiiwasan siyempre—ang tanong ng marami dito, mapapangalagaan ninyo po ba talaga iyong kapakanan ng maraming tao, paglalabas ng pondo, mase-secure po ba ito? Talaga bang makakarating sa kanila iyong tulong? Ano po iyong measures na—o iyong mga pagtitiyak ang gusto ninyong ipaabot sa ating mga mamamayan?
REP. VILLAFUERTE: Well unang-una, napakalaking amount ng pera so sa Congress po sinisigurado namin na ma-simplify, ma-streamline iyong release ng pera, napakalaking amount; mapabilis, ma-streamline, mapadali. But at the same time, mapo-protect naman ang gobyerno na accountable to the last peso, to the last centavo.
So iyon po ang challenge, but ang pinaka-challenge talaga ngayon ma-distribute, makarating sa lalong madaling panahon. May budget for two months, malapit nang matapos iyong one month na Enhanced Community Quarantine so dapat this week/next week matapos na iyan sa buong Pilipinas. Again ang challenge nga is paano madi-distribute sa 18 million households, so kailangan talaga i-tap ang mga local government units, barangay, munisipyo, city, province at makikipagtulungan po diyan ang House of Representatives na masigurado na makarating po iyan.
So iyan talaga ang mga challenge. Then iyong pagbigay ng pera, siyempre dapat may social distancing, i-practice iyong mga protocols na hindi magkahawa-hawa ang tao, iyan po ang mga inaayos. Palagay ko ayos naman na iyan dahil regular po ang coordination at komunikasyon namin with DSWD. Maganda naman po ang coordination para mapabilis po ang pag-distribute niyan.
SEC. ANDANAR: All right. Rocky, may tanong ako kay Congressman. Congressman LRay, kayo po ay matagal na ring Gobernador dito po sa Camarines Sur. Ano po ang inyong payo para doon sa mga chief executives na iba, kasi very crucial ho ngayon iyong LGU. Dahil nabanggit ninyo na nga, 18 million na informal workers ang bibigyan nitong P5,000 to P8,000 and very crucial ang LGU sa pag-identify doon sa informal workers. So ano po—bilang dating Gobernador, ano po ang pinakamainam na gawin para mas mabilis ho iyong pag-identify sa mga ito?
REP. VILLAFUERTE: Well, unahin natin iyong mga 4Ps, iyong mga beneficiary ng 4Ps, iyan ang mga poorest of the poor; then pangalawa, iyong mga hindi nasama diyan na mahirap. Alam naman po ng kapitan/mayor iyan, ng gobernador iyan dahil mayroon naman kaming national—mayroon namang tinatawag na National Household Targeting System, alam naman talaga kung sino iyong mga farmer/fisher na nawalan ng trabaho, construction worker, alam nila iyan.
Dapat lang talaga advice: Huwag ipulitika. Sa panahon krisis po ay dapat isantabi po iyong mga pulitika. So iyon po ang ini-instruct namin sa kapitan. Alam mo iyong mga kapitan minsan eh kung hindi bumoto sa kanila, kahit mahirap eh hindi nila—galit sila. So iyan po ang nililinaw namin, eh panahon ng krisis, magkaisa, magtulungan.
So far naman sa Camarines Sur, nag-umpisa na po kami doon sa pag-identify sa tulong po ng mga mayors at barangay captain. So as we speak po inuusisa na po, inaayos na po iyong lista. Palagay ko naman maaayos po iyang lista na iyan.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Congressman Villafuerte. Mayroon po kayong mensahe para sa inyong mga nasasakupan diyan?
REP. VILLAFUERTE: Well, unang-una talaga, lahat sinasabi ang cure dito ay dapat we should stay at home, social distancing. Maraming nawalan ng trabaho, may parating na po na tulong ang national government… national, local, kami sa Kongreso ay nagtutulungan para makarating po iyang tulong sa lalong madaling panahon. Napasa na po namin ang batas in one day, so ngayon nasa Executive na po ang challenge para ma-distribute na iyan.
Again, stay healthy at keep safe po tayong lahat. God bless.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Congressman LRay Villafuerte. Samantala balikan po natin si SSS President Ms. Aurora Ignacio. Ma’am?
SSS PRES. IGNACIO: Nandito po ako, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Mayroon pong nagpapatanong: Papaano daw po iyong mga private individual na miyembro pa rin ng SSS, papaano kung hindi po sila makabayad dahil nga may quarantine, may community quarantine? Mayroon po ba kayong programa or extension na ibibigay sa kanila?
SSS PRES. IGNACIO: Nagbigay po tayo ng extension (AUDIO CUT) puwede po nila itong bayaran hanggang June. Ito po iyong extension para dito sa first quarter of the year na contribution.
USEC. IGNACIO: Ma’am, ulitin natin, medyo naputol po kayo sa simula. So binibigyan ninyo po ng extension hanggang June iyon pong mga private individual member po ng SSS?
SSS PRES. IGNACIO: Hanggang June, tama po. Hanggang June ho ay puwede silang magbayad; wala hong penalty.
USEC. IGNACIO: Ma’am, mayroon po bang reminders na ibibigay sa mga SSS members na kailangan nilang i-comply or gawin?
SSS PRES. IGNACIO: Sa ngayon po ay nagluwag ho kami ng karamihan ng requirements para doon sa mga benefit claims. In fact, ang sickness benefit po namin ay in-extend po namin ng hanggang June, 60 days extension ng filing. Dahil dati po ay kung March to April kayo, puwede ho kayong mag-file hanggang June ng sickness benefit.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Ma’am Ignacio—
SSS PRES. IGNACIO: Mayroon lang po ako, Usec. Rocky, gusto ko lang pong ipaalam sa lahat kung puwede po …
USEC. IGNACIO: Go ahead, ma’am.
SSS PRES. IGNACIO: Na ang atin pong April pension ay binigay na ho natin at unti-unti na ho itong naki-credit sa kanilang accounts simula pa ho noong March 23. So lahat po ng nag-i-expect ng April pension ay nagsimula nang magbigay simula noong March 23. Kung ang kanilang contingency date, birthday nila ay nasa end of April pa ho, ngayon pa lang ho ay puwede na ho nilang matanggap actually, depende ho sa bangko na nagki-credit sa kanila. Kung na-accommodate lahat ho ng bangko na ma-credit, malamang po ay first week of April ay na-credit na ho lahat ng pension ng April.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat, Ms. Aurora Ignacio, President CEO ng SSS.
SEC. ANDANAR: Tuluy-tuloy po ang ating broadcast, 12:09 ng tanghali. Kami po ay nagbu-broadcast mula po dito sa Visayas Avenue pero broadcast distancing kaming dalawa ni Rocky ngayon at aming mga kasamahan sa studio sa PTV. At tayo po ay naka-livestream din po at naka-broadcast din simulcast sa iba’t ibang KBP member stations, kasama po dito ang DWWW.
Samantala, mga biktima ng sunog sa Bacoor at Las Piñas ay makakatanggap ng ayuda kay Senator Bong Go. Ayon kay Senator Go, sa panahon ng krisis ay hindi pupuwedeng ipagpaliban ang tulong sa kapwa Pilipino at tuluy-tuloy po ang ating pagseserbisyo para sa ating mga kababayan.
Samantala, Bankers Association of the Philippines, ginarantiya sa kanilang mga miyembro na patuloy silang magbibigay ng serbisyo sa kanilang mga miyembro at pananatilihin ang risonable na lending rates. Ang mga good news na iyan ay galing kay Senator Bong Go.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa ating mga nakasama kanina, ang Philippine Broadcasting Service, PTV Cordillera, PTV Davao, PTV Cebu, nakasama po natin sila kanina.
Kasama pa rin siyempre ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, sina Congressman LRay Villafuerte, SSS CEO Ms. Aurora Ignacio. Kasama na rin po si Philippine Ambassador to China, Ambassador Chito Sta. Romana.
SEC. ANDANAR: At sa loob ng ilang araw na patuloy na pakikibaka ng ating bansa laban sa bantang panganib na dulot ng COVID-19, sa loob ng ilang araw na tayo ay napilitang manatili sa loob ng ating mga tahanan para sa ating sariling kaligtasan, at sa loob po ng ilang araw na nananatili tayong nakatutok sa telebisyon, radio at mga babasahin online, ito po ang mga araw na binubuwis nila ang sarili nilang mga buhay para mapanatili ang kaayusan sa ating mga kalsada; para maihatid ang tama at tunay na impormasyon tungkol sa hindi nakikitang kalaban; para tulungang sugpuin ang sakit na nagpapahirap sa ating mga kababayan; para gamutin ang karamdamang maging sila ay mismo maaaring mahawaan. Ito rin po ang mga araw na pinili nilang pansamantalang mapalayo sa kanilang pamilya para paglingkuran ang ating bayan. Alam nating lahat na hindi madali at hindi magiging mabilis ang giyerang kasalukuyang hinaharap ng buong mundo. Kaya para sa inyong mga nagsakripisyo ang inyong katapangan at kabayanihan, taos-puso po ang aming pasasalamat para sa mga tinatawag nating frontliners – mga doktor, nurse at iba pang health workers, mga kasundaluhan, kapulisan at enforcers, sa ating mga kapatid sa media at sa iba pa na tuluy-tuloy ang pagseserbisyo sa gitna ng krisis nating pinagdaraanan – kami po ay nagpupugay at sumasaludo sa inyong marubdob na pagmamahal at malasakit para sa bayan.
At diyan po nagtatapos ang ating programa ngayong araw. Ugaliing maging updated sa mga balita hinggil sa COVID-19, sa banta gayundin sa mga hakbang ng ating pamahalaan upang masugpo ito. Patuloy po lamang na tumangkilik, sumubaybay at makinig sa mga lehitimong news sites. Ako po muli ang inyo pong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.
USEC. IGNACIO: Okay. Nagpapasalamat din po tayo sa PTV General Manager Julieta Lacsa. At Siyempre higit sa lahat, huwag po tayong basta-basta maniniwala sa ilang mga nababasa online. Maging maalam at maingat po tayo sa pagharap sa suliraning ito. Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Laging tandaan, basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)