Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Audrey Gorriceta


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

AUDREY GORRICETA: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan saan mang panig ng mundo. Sa ngalan po ni PCOO Undersecretary Rocky Ignacio, ako po si Audrey Gorriceta.

Ngayong araw ng Miyerkules, patuloy nating minu-monitor ang hakbang ng pamahalaan para ibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis sa ating mga kababayan, gayun din ang pinakahuling balita tungkol sa posibleng second booster shot para sa vulnerable sector. Iyan po ang tatalakayin natin ngayong umaga dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Kahapon idinaos ang completion ceremony ng isinagawang rehabilitation efforts ng Duterte Administration para sa mga istasyon at tren ng MRT-3. Personal itong dinaluhan ni Pangulong Duterte kasama sina Senador Bong Go at DOTr Secretary Arthur Tugade. Ang detalye, sa report na ito:

[VTR]

AUDREY GORRICETA: Samantala, mula sa unang proposal na 200 pesos per month na ayuda, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na dagdagan ito at gawing limandaang piso (P500.00) kada buwan para sa mga mahihirap na pamilya. Sinang-ayunan naman iyan ng Department of Finance pero ang tanong: Saan nga ba posibleng manggaling ang budget? Kaugnay niyan ay makakausap po natin si Department of Budget and Management Acting Secretary Tina Rose Canda. Good morning, Secretary.

DBM ACTING SEC. CANDA: Good morning, Sir Audrey.

AUDREY GORRICETA: Yes, ma’am. Pinataasan na ni Pangulong Duterte ang dagdag ayuda sa mga mahihirap na pamilya mula sa dating 200 pesos, ngayon po ay limandaang piso na. Pero ayon po kay Finance Secretary Carlos Dominguez, posible raw tayong magkaproblema sa budget in six months. Ano pong masasabi ninyo rito?

DBM ACTING SEC. CANDA: Totoo naman iyan kasi si Secretary Dominguez ang in-charge sa pagkalap ano ng pananalapi para dito sa ating programa. So—kaya iyang 500 pesos a month na iyan, ang kaya pa lang at this point is probably mga tatlong buwan ‘no, siguro sa mga excess revenues na makukolekta ng DOF. Ang excess revenues naman na ito ay manggagaling either sa dividends ng mga government corporations or doon sa excess VAT collections as a result noong pagtaas natin ng value ng petrolyo. So sa halip na pakinabangan iyan ng gobyerno, kumbaga ibabalik sa taumbayan – iyong pinakamahirap nating taumbayan iyong ayuda na ito.

AUDREY GORRICETA: Uhum. Secretary, sinabi ninyo po iyong excess VAT. Feasible at sustainable po ba ang plano ni Secretary Dominguez na pigain pa iyong dibidendo mula sa mga GOCC para pandagdag pondo raw sa additional cash subsidy na ito para sa buong taon?

DBM ACTING SEC. CANDA: Wala naman tayong option kasi ng panggagalingan ng excess revenue kung hindi ito lang ano at this point. Kasi kung matatandaan, mayroon din na pronouncement na dudoblehin ang 2.5 billion fuel subsidy para sa ating mga drivers ‘no. So iyong 2.5 billion na iyon, itong Abril ‘no iri-release ‘yan kasama noong additional 600 million pa para sa agriculture sector na fuel discount naman para hindi maging masyadong mataas ang bilihin natin ano sa pagkain.

AUDREY GORRICETA: Uhum. Secretary, sabi mo wala tayong choice bukod sa VAT at sa dibidendo ng mga GOCC. May puwede pa po bang pagkuhanan ng budget itong utos na dagdag-ayuda ni Pangulong Duterte?

DBM ACTING SEC. CANDA: Excess revenues lang ang inaasahan natin dito, sir. Kasi iyong mga regular nating mga collection ay para din sa mga ongoing na proyekto, mga existing na programa ng gobyerno. So talagang excess revenues lang ang puwedeng pagkuhanan nito at ang excess revenues makukuha lang either sa, ito nga, excess VAT collections at saka iyong dividends ng government corporations. At this point, iyon pa lang ang naa-identify natin.

AUDREY GORRICETA: Okay. Secretary, ang susunod po nating katanungan ay mula sa ating kasamahan dito sa PTV na si Mela Lesmoras: Kailan daw po kaya maida-download sa DSWD ang budget para sa ayuda na ito? Ilan ang inaasahan nating magiging benepisyaryo?

DBM ACTING SEC. CANDA: Ang estimated beneficiaries natin is mga 13 million beneficiaries ano. Iyong pag-download nito, as soon as mabigyan tayo ng certification ng Treasury na mayroon nang available excess collection, mari-release natin ito sa DSWD at iri-release naman ito ng DSWD doon sa mga recipients ng Unconditional Cash Transfer.

AUDREY GORRICETA: Okay po, Secretary. Tanong naman po mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: For ilang months daw po ba ang ibibigay ng gobyerno na 500 pesos na ayuda? Magkano daw po ang total budgetary requirements para dito?

DBM ACTING SEC. CANDA: Para doon sa three months, ini-estimate namin na mga 20 billion pesos ang requirement ‘no para sa tatlong buwan ‘no – tatlong buwan 20 billion pesos at 500 per person ‘no at 13 million beneficiaries.

AUDREY GORRICETA: Okay. Ito po ay on top pa sa fuel subsidy at discount na ibinibigay ng pamahalaan para sa mga PUV drivers. Kung hirap na hirap na po sa pondo, kailan kaya malalaman kung may excess revenue na puwede pang ilaan para sa second tranche ng fuel subsidy para sa Abril?

DBM ACTING SEC. CANDA: Usually kasi, sir, ang certification ng Treasury after the first quarter. So tinataya o ina-assume namin na puwedeng mabigay ito ng either April ‘no, next month kasi magkakaroon na ng certification at month-end eh.

AUDREY GORRICETA: Uhum. Okay. Secretary, noong Lunes kung maaalala po may naging pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinabi niya sa Kongreso na huwag munang galawin iyong mga unused funds mula sa Bayanihan 2 na nasa 4.99 billion pesos pa. Puwede po ba talaga sa ilalim ng batas ang suhestiyon ng Pangulo na i-hold muna ang budget na ito para ilaan sakaling magkaroon ng panibagong COVID-19 surge sa ating bansa?

DBM ACTING SEC. CANDA: Siguro ito iyong mga 2021 releases for Bayanihan na hindi pa nasa ano, varying stages ng pag-bid out. So kaya siguro sinabi ito ni Pangulo, ayaw niya munang ma-revert ito kasi ongoing na iyong mga proyekto na ito. So maaaring hindi lang nag-deliver or hindi lang nababayaran pa ang mga suppliers o kaya contractors kaya sinasabi ni Presidente na huwag ninyong galawin ito, hindi pa iyan reverted kung tutuusin. So I would assume iyon iyong ibig niyang sabihin. Kasi iyong 2020, nag-revert na iyon ng 2021.

AUDREY GORRICETA: Secretary, para po sa kaalaman ng ating mga tagapanood, ano po iyong prosesong pagdadaanan bago magamit o ma-divert itong unused funds para sa ibang bagay, proyekto o programa na kailangan ng pondo? Dapat po bang dumaan muna ito sa Kongreso?

DBM ACTING SEC. CANDA: Opo, dapat talagang dumaan ito. Kaya nga hindi agad-agad ginagawa ni Presidente ito dahil dapat bigyan siya ng kapangyarihan ng Kongreso na, kumbaga, i-pool ano, pagsama-samahin iyong mga unutilized na mga allotments. So talagang tama kayo, kailangan talaga ng act of Congress iyan.

AUDREY GORRICETA: Secretary, nasaan po ba ang 4.99 billion pesos na unused budget na ito?

DBM ACTING SEC. CANDA: Ngayon, nasa mga ahensiya pa iyan ‘no. So ano pa iyan, ginagamit or naka-hold pa iyan sa mga ahensiya. Maaaring hindi na nila magamit, maaaring excess na iyan doon sa kanilang paggagamitan. So puwede naman nang sabihin by the President upon approval of his authority from Congress na hindi ninyo na magagamit iyan at gagamitin na natin iyan sa mas importanteng mga subsidiya or kung anumang programa ng gobyerno.

AUDREY GORRICETA: Okay. Sabi ninyo po, Secretary, hindi nagamit, pabor po ba ang DBM na magkaroon ng congressional investigation kung bakit hindi nagamit o na-utilize ang mga pondong ito na nakalaan sana sa mga MSMEs?

DBM ACTING SEC. CANDA: Ano po, hindi ko narinig kasi nagkakaroon ng sound. [Garbled]

AUDREY GORRICETA: Okay. Pabor po ba ang DBM na magkaroon ng congressional investigation kung bakit hindi nagamit o na-utilize ang pondong ito na nakalaan po sana para sa mga MSMEs?

Secretary? Secretary, naririnig ninyo na po ba ako? Okay, mukhang naputol po iyong ating linya ng komunikasyon para kay Secretary. Atin pong nakapanayam ang Department of Budget and Management Acting Secretary Tina Rose Canda.

Nananatiling mababa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong panahon ng kampaniya. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pa rin silang naitatalang pagtaas ng COVID-19 cases kahit kabi-kabila ang campaign rallies. Ganoon man, sinabi ng opisyal na mababawasan ang agam-agam na muling sumipa ang mga kaso kung ang lahat ng dadalo ay bakunado na kontra COVID-19. Paliwanag pa ni Vergeire, mas maliit ang tiyansang makapag-transmit ng virus ang mga vaccinated individuals kumpara sa mga wala pang bakuna. Nanawagan din ang DOH na huwag tanggalin ang face mask sa mga ganitong aktibidad.

[VTR]

AUDREY GORRICETA: Samantala, dahil sa mga bagong variants na na-detect sa ibang bansa kagaya ng Stealth Omicron at Deltacron na pinangangambahang umabot dito sa Pilipinas, pinag-uusapan na rin ang pagtuturok ng second booster shot para sa mga nasa vulnerable sector. Alamin natin ang iba pang detalye niyan mula kay Dr. Nina Gloriani, ang chairperson ng Vaccine Experts Panel. Dok, magandang umaga po sa iyo. Dok, good morning.

Okay, mukhang nagkakaroon po tayo ng problema sa linya ng komunikasyon. Diyan lamang po kayo, magbabalik pa po ang ating programa.

[COMMERCIAL BREAK]

AUDREY GORRICETA: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Balikan na po natin si DBM Secretary Tina Rose Canda. Ulitin lamang po natin ang tanong kay Secretary: Ma’am, pabor po ba ang DBM na magkaroon ng congressional investigation kung bakit hindi nagamit o na-utilize ang mga pondong ito na nakalaan sana para sa mga MSMEs?

DBM SEC. CANDA: Prerogative naman po iyan ng Kongreso ‘no, na kasama ho iyan sa inherent powers niya na imbestigahan iyan. So siguro po, maghahanda ang mga ahensiya para i-explain nila kung ano ang nangyari, kasi marami talagang mga limitasyon eh itong pandemic na ito. So iyong mga dating magagawa ng mga ahensiya na face-to-face kasi, ginagawa via another platform. So medyo mahirap iyon, so baka kaya nagkaroon ng delay. Pero tama naman na talagang tanungin nila kung ano ang nangyari.

AUDREY GORRICETA: Okay. Secretary, pahabol po na katanungan mula kay Margot Gonzales ng SMNI News: Bakit daw po hanggang 500 pesos lamang iyong maaaring maibigay na ayuda?

DBM SEC. CANDA: Kasi limitado rin naman ang ating revenue collection, ano. Kung tutuusin kasi, iyong lahat ng mga revenue collections natin, mayroon nang pagtutuunan na gastos. So itong ayuda na ito, hindi ito inaasahan; sa labas ito ng ating mga usual na programa at proyekto ng gobyerno.

So, kaya 500 lang iyan. Ikalawa, iyong 500 para sa 1,000 people maliit lang iyon ano. In this case kasi, ang mga magbibenepisyo umaabot na sa 13 million beneficiaries. So, kung halimbawa i-compute mo iyong 500 times 13, tapos times three months, napakalaki na iyon. Sa isang hindi inaasahang programa o proyekyo, malaki ang dapat itapat mong pondo para diyan. So, gustuhin man naming magbigay sana nang mas malaki, hindi magawa.

AUDREY GORRICETA: Okay, Secretary tanong pa po mula kay Mela Lesmoras ng PTV. Last 100 days na lamang po ng panunungkulan ng Duterte Administration. Sa panig po ng DBM, anu-ano ang mga nakikita ninyong programa na kaya pang pondohan at tapusin ng administrasyon sa nalalabing panahon sa termino?

DBM ACTING SEC. CANDA: Siguro po iyong mga ongoing programs ng DPWH at saka DOTr na ginagawa at minamadali ngayon, baka mayroong mga proyekto pang matapos ano po. Doon sa iba, kamukha noong sa DSWD at saka DOH, iyong pagbibigay nila ng mga tulong, kamukha sa DOH, iyong kanilang medical assistance for individuals, tapos iyong DSWD na assistance for (unclear) in crisis situation. Iyan, tuluy-tuloy siguro ang gagawin nila at matatapos iyon. Pero dito sa last 100 days, I would assume, hindi na matatapos iyong uumpisahan na malaki ang gestation period ano. Ang matatapos lang talaga iyong mga ongoing programs na lang.

Doon naman po sa mga ibang ahensiya, kamukha ng DepEd, pinaghahandaan namin iyon, kasi kahit beyond this administration, mayroon tayong mga face-to-face classes na mangangailangan ng pondo. So, iyon po nasa programa naman po iyon ng ating budget, so puwedeng mapunuan o mapondohan iyon.

AUDREY GORRICETA: Secretary, bilang panghuli, marami po tayong mga kababayan ang nahihirapan ngayon, dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin at ng pandemya. Ano pong assurance ang puwede ninyong ibigay sa mga kababayan nating apektado ng pandemya, oil price hike at pagtaas ng mga bilihin tungkol sa monthly ayuda, iyong fuel subsidy at iba pang tulong-pinansiyal mula po sa National Government?

DBM ACTING SEC. CANDA: Ginagawa naman po natin lahat ng paraan para maibsan ang kahirapan na nararamdaman ng ating mamamayan. Lahat tayo apektado dito, lalo na itong from middle class and down, doon sa lower strata. Kaya nga po ang mga programang ito ng pagbibigay ng ayuda ay nakatuon at nakalaan para doon sa ating tinatawag na lowest 50% of our population. Now, doon po sa mga middle class, kasi maraming nagsasabi, eh bakit naman kami, middle class kami, naapektuhan din kami. Ito po ang dahilan, kung bakit ang sector ng agrikultura, ang binibigyan din natin ng tuon o ng pansin, dahil iyang pagbibigay ng mga fuel discount para sa agricultural sector, eh para magarantiyahan na hindi tataas ang bilihin. So, ito hong administrasyon na ito eh, kumbaga from the very start ay hindi naging bingi sa hinaing ng taumbayan. In fact, it was the President himself na naliitan doon sa economic managers, sa suggestion na P200. Sabi niya maliit iyan, so dinoble niya iyong halaga, dahil alam niya at naririnig niya ang hinaing ng ating mamamayan.

So, iyon lang po ang garantiya namin, iyon lang talaga na at this point talaga, ang pananalapi natin or iyong estado ng pananalapi ay medyo mahirap, dahil nga dito sa tumataas na bilihin, bukod pa dito sa mga dagdag gastos as a result ng pandemyang ito.

AUDREY GORRICETA: Okay, Secretary maraming salamat po sa lahat ng impormasyon na ibinahagi ninyo sa amin ngayong umaga.

DBM ACTING SEC. CANDA: Maraming salamat, Sir Audrey. Thank you.

AUDREY GORRICETA: Okay, atin pong nakapanayam si DBM Secretary Tina Rose Canda mula sa DBM.

Samantala kaugnay nga po ng usapin ng fourth dose o second booster shot. Makakausap po natin si Vaccine Expert Panel Chairperson, Dr. Niña Gloriani. Doc., magandang umaga po sa inyo.

  1. GLORIANI: Magandang umaga, Sir Audrey at sa inyong lahat.

AUDREY GORRICETA: Okay, Doc., ngayon po napag-uusapan na rin, maging sa ibang bansa ang pagkakaroon ng second booster shot or fourth vaccine dose. Ano po ba ang kahalagahan nito sa proteksiyon natin, laban sa COVID-19? Bakit kailangan pa po natin ng second booster shot?

  1. GLORIANI: Nakita po sa ibang mga datos, sa ibang countries na after the first booster, iyon iyong tinatawag nating third dose dito ay bumaba din, nag-wane iyong antibodies, nag-fail iyong (unclear), although hindi pa gaano kababa kung sa general population. Kaya titingnan natin doon sa mga immunocompromised, ang mga elderly na baka mas mababa ito. Kaya natin nirekomenda na magkaroon ng fourth dose. Para iangat iyong proteksiyon.

AUDREY GORRICETA: Doc., isunod ko lamang po iyong katanungan mula kay Lei Alviz ng GMA News. Ito po ba ay magiging bahagi ng primary series o booster po?

  1. GLORIANI: Opo. Hindi pa tayo malinaw kung primary series siya or booster. Ang puwede nating i-consider na primary series ay iyong booster, lalo na ang WHO ay mayroong ginawang rekomendasyon or advisory especially for Sinovac and Sinopharm na mayroon sila dapat third dose. Pero doon sa second booster, which is the fourth dose, booster na po iyan, hindi po natin iyan tatawaging part ng primary series, booster po talaga.

AUDREY GORRICETA: Okay, Doc., dagdag na katanungan lamang po mula kay Lei Alviz pa rin ng GMA News. Irirekomenda rin daw po ba ang fourth dose o second booster sa rest of the population?

  1. GLORIANI: Okay, maaaring tingnan pa iyan, kasi iyong rest of the population ay iyong general healthy population. Sa ngayon, talagang uunahin at ang importante sa ngayon ay mabigyan sila ng first booster, ito iyong third dose. Malinaw kasi ang datos diyan na nakakatulong iyan talaga sa proteksiyon and especially against the variants of concern. So, iyong second booster ay titingnan pa po. Ang mga immunocompromised, vulnerable, very high-risk individuals lang po ang nirekomenda natin sa ngayon for a second boost. So, hindi pa po siguro mangyayari iyon, titingnan pa natin kung ano talaga ang waning immunity sa general population. Kasi halos hindi pa rin nabibigyan ng first booster ang marami sa iba. Hindi pa po natin alam.

AUDREY GORRICETA: Okay, Doktora, lahat po ba ng COVID-19 vaccine brand na mayroon tayo ngayon dito sa ating bansa ay niri-review for second booster dose, pareho lamang po ba ng formulation o iba po ito?

  1. GLORIANI: The same formulation, kaya lang may data tayo, mahalaga na nagwi-wane ay halos tatlong bakuna lang, iyong (unclear) vaccines, kasi ay iyong mga unang binigay sa of course sa Amerika, sa Israel, kung saan marami ang data. So, Pfizer, Moderna at mayroon ding kaunting data sa AstraZeneca and I think Janssen. Pero iyong sa ibang bakuna, wala iyong pagwi-wane. Pero, I am sure lahat ng bakunang ito ay magwi-wane after three, four, five, six months and longer, lalung-lalo na kung ang mga nabakunahan ay iyon ngang mga immunocompromised, elderly at may mga comorbidities.

AUDREY GORRICETA: Doktora sa palagay po ba ninyo, paano kaya natin makukumbinse iyong mga elderly at iyong mga immunocompromised individuals na magpaturok pa uli ng second booster shots. Ngayon pa lamang po ay challenging na para sa ating pamahalaan iyong pagtuturok ng initial booster dose across all sectors?

  1. GLORIANI: Ang amin talagang sinasabi, ini-explain ay hindi enough ang dalawang doses, na mayroon pang nakakuha ng isang dose as a single primary series. So, ang data, iyong dalawa hindi enough, (unclear) malaki at lalo na sa mga variants of concerns, like Omicron. Ang data shown sa kanila, lalo sa may mga edad ay makakatulong ang dose or first booster man lang para maiangat ulit iyong level ng proteksiyon. Ngayon, hindi pa po tayo tapos sa COVID at sa variants. Hindi natin alam (garbled)…

Siguro ay ipaintindi na lang natin na ang protection ay talagang mas mataas after the third dose or first booster. And for those who are really immunocompromised, may weak na mga immune systems like the elderly ay kailangan pa ng second booster.

So iyon siguro, para protection against the variants of concern lalung-lalo na sa Omicron na ngayon ay umiikot pa rin, mayroon pa siyang sub-variant dito sa ibang mga countries. So, siguro iyon, para mayroong mga protection, dagdag na protection especially against the variants of concern.

AUDREY GORRICETA: Doktora, ito po iyong karaniwang katanungan ng mga hesitant na kababayan natin na magpa-booster shots: Wala po bang risk ng immune system fatigue kapag nagturok na naman ng another COVID-19 vaccine?

  1. GLORIANI: Okay. Mayroong tinatawag na immune system fatigue ‘no, iyong parang ayaw na niyang mag-response pero hindi iyon talaga nangyayari ng ganoon kabilis. Ang mas explanation natin diyan ay kapag habang mataas pa ang level ng inyong antibody – and that is true for the general healthy population – kahit bigyan mo ng second dose, ng third dose, ng fourth dose or another booster hindi na po iyan tataas kasi may saturation.

Pero hindi naman ibig sabihin noon magpa-fatigue iyong inyong immune system.

May saturation level na hanggang dito na, ito na siya. Kapag binigyan mo, tataas na lang siya nang kaunti, kung mataas pa. Kung mababa na siya aakyat siya nang mas mataas, kaya hinihintay din natin from the general healthy population to wane back some more, kasi mas magiging maganda iyong magiging response. Pero, hinding-hindi talaga iyong immune fatigue na tinatawag.

AUDREY GORRICETA: Doktora, posible po ba o magkakaroon po ba ng booster dose para doon naman sa mga pediatric population para sa twelve to seventeen (12 – 17) years old at later on maging doon sa mga mas bata pa, iyong mga five to eleven (5 – 11) years old?

  1. GLORIANI: Okay. Ang data also show na mas bata, mas maganda ang immune response. So, siguro medyo matatagalan pa bago sila mangangailangan ng booster. Pero siyempre pinag-aaralan natin at especially doon nga sa mga bata rin na may immunocompromised, iyong may mga maysakit. So, maaaring sila ay ma-consider.

Actually sa ibang countries considered na iyong mga immunocompromised children, pero hindi ito sa general population kasi generally maganda iyong kanilang immunity, that should last longer than those sa mga medyo may edad at may ibang problema. So, hindi pa muna, pero pag-aaralan.

AUDREY GORRICETA: Okay. Doktora, kailan po sisimulang iturok ang Sinovac para sa mga pediatric age group? May guidelines na po ba ito? Ito po ang katanungan ng marami ano. Iyong Pfizer po ay reformulated. Ito po bang Sinovac ay reformulated din o iyong ginagamit din ng mga adults?

  1. GLORIANI: Ang sa Sinovac ay dati rin, iyong sa adults. Ito iyong [garbled] So, may pag-aaral diyan iyong low down o medium dose. Actually, iyong medium dose ang gagawing basehan kapag daw i-test nga sa mga children ito, three to seventeen (3 – 17) years old. Although sa atin, six to seventeen (6 – 17) years old, kasi iyon ang may data tayo ng vaccine effectiveness na galing sa malaking pag-aaral sa children. So the same, unlike Pfizer na one third (1/3) iyong dose. So iyon.

Pero iyong tungkol sa guidelines alam ko mayroon pang consultation na ginagawa sa mga pediatrician, iyong PPS (Philippines Pediatric Society), iyong mga professional societies para mas matukoy kung ano ang dapat gawin, papaano ito ibibigay, kung alin ang mauuna. Pero right now, mayroon na siyang approval.

AUDREY GORRICETA: Doktora, sobra o minsan ay sapat ang ating vaccine supply dito sa ating bansa. Mayroon na po bang update tungkol sa mga bakunang nakatakdang i-donate naman ng ating bansa sa mga bansang may low vaccine supply? Ilang doses po ito at kailan nakatakdang ipadala sa ibang bansa?

  1. GLORIANI: I’m sorry hindi ko alam iyong actual na number ng mga doses na ibibigay. Pero ito ay masusing pinag-aaralan kung kailan ito ibibigay at iyon nga, gaano kadami? Pinag-aaralan po iyan, so hindi ko maibibigay muna ang mga datos. Baka ibang government service ang makakasagot niyan.

AUDREY GORRICETA: Okay, nauunawaan po namin Doktora. Pero, ito po ang katanungan: Sa ngayon po ay AstraZeneca pa lamang rin ang may approved extension ng shelf life. Hindi po ba delikado sa kalusugan ng tuturukan kung near expiry na ang mga bakunang ito?

  1. GLORIANI: Ganito po. Ang proseso ng pagsasabi na stable pa ang isang bakuna ay nandoon sa monitoring nila. Remember ang monitoring bago nang lahat ng COVID-19 vaccines. So, ang monitoring niyan ay sunod – [paano ba ang tawag niyan?] – Kunwari ngayon six months pa lang o six months ago, itutuloy pa lang iyan. So kung mayroon mang extension ng shelf life ay dahil may bago sila or additional data to show na after the, let us say, 9 months, 12 months ay stable pa ito, may stability data tayo. So, kailangan lang mabilis tayo sa pag-approve.

Titingnan din ng FDA po iyan kung tama iyong stability data nila at kung talagang may extension, kung may enough data to support na okay pa ito. Kasi ang tinitingnan sa stability mawawala ang bisa, ‘di ba? So, kung after nine (9) months eh madadagdagan iyon hindi dahil ini-extend lang, nadadagdagan talaga iyong stability data and most vaccines, at least iyong iba mas mahaba pa, lalo na iyong inactivated na mga vaccines, mas mahaba pa ang kanilang expiry period.

So assuming lang, siguro ang tanong ay kunwari binigyan ako ngayon [at] bukas ay mag-e-expire, usually may additional few months pa iyan. Pero, siyempre ayaw natin gawin iyon.

AUDREY GORRICETA: Doktora, panghuling mensahe na lamang po at paalala na lamang sa ating mga kababayan sa gitna ng COVID-19 surge na nangyayari ngayon sa ibang bansa na sinasabi nilang inevitable at posibleng makapasok dito sa Pilipinas.

  1. GLORIANI: Okay. So, ipanawagan pa rin natin, una pa rin siyempre ang ating panawagan ano, iyong hindi pa po nakakapag-first dose please lang umakyat na iyong sa senior ng 75% coverage, pero malayo pa rin po iyon sa gusto nating mangyari na nasa 90%.

Iyong hindi pa po nakakapagkumpleto ay kailangan na ninyong makumpleto para mabigyan din po kayo ng third dose or iyong first booster sa ngayon na tinatawag natin, na siyang makakatulong talaga na maprotektahan kayong lalo sa mga variants of concern.

Ang virus na ito ay hindi pa po tapos, nakita ninyo naman nagsi-surge sa ibang mga countries. Iyan lang, ang lapit natin sa Hong Kong, sa China, sa Korea, I think sa Thailand mayroon din.

So, importante po iyong booster at iyong mga alam natin na mas nangangailangan pa dahil mas mababa ang kanilang immunity or mas mababa ang kanilang pag-generate ng immune response dito sa mga bakuna ay kailangan ding mag-second booster.

So, iyon ang panawagan natin. Pero kailangan po kasama ang pag-iingat pa rin ‘no. Open na open na tayo, Alert Level 1, pero ayaw pa natin ang Alert Level Zero. So, iyong Alert Level 1, iyong minimum public health precaution, iyong masking itutuloy po natin. So, iyon po: Bakuna and at least iyong masking sa paglabas-labas ng tao. Iyon po.

AUDREY GORRICETA: Dr. Nina, maraming salamat sa mga napakahalagang impormasyon na ibinahagi ninyo sa amin ngayong umaga. Maraming salamat po.

  1. GLORIANI: Thank you. Thank you Sir Audrey, magandang hapon.

AUDREY GORRICETA: Atin pong nakapanayam si Dr. Nina Gloriani, ang chairperson ng Vaccine Expert Panel.

Samantala, kumustahin naman natin ang naging pamamahagi ng fuel subsidy ng LTFRB sa mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan. Makiki-update po tayo mula kay LTFRB Regional Director Zona Russet M. Tamayo. Director, magandang umaga po sa inyo.

LTFRB DIRECTOR TAMAYO: Magandang po sa lahat po ng mga sumusubaybay po. Good morning.

AUDREY GORRICETA: Okay. Director, sa ngayon po ay ilan na pong PUV drivers at operators ang nakakuha ng fuel subsidy cards?

LTFRB DIRECTOR TAMAYO: Mula ho noong tayo ay nagsimulang magbigay po ng fuel subsidy umpisa noong March 15, umaabot na po sa around 115,000 beneficiaries po ng fuel subsidy ang naipamahagi na po natin through our partner bank which is Land Bank.

Para [garbled] iyong mga existing card holders na po nung Pantawid Pasada nung nagdaang taon na ating ipinatupad. So, ganoon po 115,000 approximately po iyong mga napamahagian na ho natin ng fuel subsidy cards. At para naman ho doon sa mga bagong beneficiaries natin dahil nga po [garbled] ang ating coverage ngayong taon patuloy na ho na nag-i-imprint ang Land Bank ng mga bagong Pantawid Pasada cards para ho maipamahagi na rin natin ang mga ito sa ating additional beneficiaries po ngayong taon.

AUDREY GORRICETA: Okay. Director, kailan naman daw po makukuha ang nakalaan para sa mga TNVS drivers, tricycle drivers at mga UV Express?

LTFRB DIRECTOR TAMAYO: Para doon sa mga modes of public transport po na nasa ilalim ho ng LTFRB ay ongoing na po iyan iyong para sa TNVS at sa mga UV Express dahil nga po sila ay considered as bago ho ano. Na-expand po sa kanila ngayong taon lang itong Pantawid Pasada.

So, ngayon po kasalukuyan [garbled] ginagawa na ho ng LTFRB at ng Land Bank ang kanilang cards para ho sa lalong madaling panahon ay maipamahagi na rin ho sa kanila ang kanilang cards.

We anticipate next week po magsisimula tayo ng card distribution para ho makuha na ng ating mga beneficiaries.

Sa mga tricycle naman po, ito ay sa ilalim po ng mga LGUs kasi ang mandato po ng tricycles kaya tayo po ay nakikipag-ugnayan, patuloy ang ating pakikipag-usap sa DILG para ho mahingi na sa kanila iyong listahan po ng mga beneficiaries po nating mga tricycle drivers at maibigay na rin sa kanila iyong kanilang [fuel subsidy].

AUDREY GORRICETA: Ito po Director, inaabangan po ito ng riding public ano. Kailan po kaya iyong nakatakdang magsimula uli iyong Service Contracting Program ng pamahalaan at hanggang kailan ang validity nito?

LTFRB DIRECTOR TAMAYO: Para naman ho doon sa Service Contracting Program. Maibigay ko lang po ang short background, mayroon ho tayong naaprubahan na budget po for this year for Service Contracting [garbled] po ito [garbled] kaya nakaka-coordinate po ang [garbled] DBM para ho sa pag-release po ng pondong iyan para po masimulan na natin.

Sa hanay naman po ng LTFRB, habang hinihintay po natin iyong actual na pag-download ng pera na iyan sa amin ay nakikipag-ugnayan na ho tayo sa ating mga operators-drivers sa iba’t ibang lugar po sa Pilipinas, sa ating mga regional offices po ay nakikipag-usap na po sa ating mga [garbled] para sa Service Contracting para the moment na mai-download po sa atin ang pondo ay maipatupad na rin po natin ito.

So, we’re looking sa lalong madaling panahon maibigay na sa atin ito at maipatupad. Hopefully po this coming April ay masimulan na rin po natin iyong Service Contracting.

AUDREY GORRICETA: Director, may datos ho ba kayo kung ilang units na po ng jeepney at bus ang kabilang dito? Tama po bang dobleng bilang na ng ruta ang magkakaroon ng mga libreng sakay?

LTFRB DIRECTOR TAMAYO: Inaasahan ho talaga natin na dodoble, tataas from the previous Service Contracting Program po noong nakaraang taon, inaasahan natin na mas marami hong makikita dahil nga ho marami na ho sa ating mga operator at driver ang nakita iyon pong magandang epekto nitong programa para ho sa kanila lalung-lalo na rin po at [garbled] budget na ibibigay po para sa atin ngayong taon. [garbled] mga regional offices natin para po diyan sa Service Contracting and [garbled] expect po more participants po nito para mas madagdagan din ho ang mga ruta na magbibigay po nitong libreng sakay.

AUDREY GORRICETA: Director, anong compensation ang makukuha po ng mga driver at operator na muling makikiisa sa Service Contracting Program ng LTFRB? At isunod ko na rin po iyong tanong ni Jason Rubrico ng SMNI News: Gaano daw po kahalaga ang programang ito sa gitna ng mga pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin?

LTFRB DIRECTOR TAMAYO: Para po doon sa unang katanungan on the compensation po, katulad din po ng mga previous po nating pagbigay nitong Service Contracting, iyon pong kilometre na itatakbo po ng isang unit ay babayaran po ng ating gobyerno through LTFRB, mayroon ho tayong tinatawag na service plan na kanila hong susundin para po masiguro rin natin iyong supply po ng public transport.

Iyon pong kilometre run po na tinatawag o iyong itatakbo po nung ating mga jeepney operators natin at drivers, doon po iyan corresponding po na halaga na ibabayad po sa kanila. In fact if I may inform din lang po, dahil nga po sa pagtaas ng krudo, nagkaroon din tayo ng adjustment doon sa kilometer na ibibigay po sa ating mga sasali dito sa Service Contracting III, part III na ho ito.

So, dahil nga po dito, we’re making adjustments po with respect sa rate po na ibibigay [garbled]. Kaya inaasahan po natin na ang Service Contracting Program ay makakabigay po ng dagdag tulong sa ating mga operators at drivers lalo na nga po sa dinadanas natin sa kasalukuyan na pagtaas po ng presyo krudo.

AUDREY GORRICETA: Director, dagdag na katanungan lamang po mula pa rin kay Jason Rubrico ng SMNI News: Sa pagtataya ng LTFRB, ilang pasahero ang maaari pong makinabang sa libreng sakay na ito?

LTFRB DIRECTOR TAMAYO: Kung babasehan po natin iyong nakaraan po na Service Contracting Program II na ating nagawa po noong nakaraang taon, umabot po kasi ng around 44 million ridership po ang naitala ng LTFRB nationwide. Now dahil nga po nakita na ho ng ating mga operators ang (kagandahan) noong programa, inaasahan po natin na mas marami po ang sasali ngayong taon, basta dagdagan din naman po ang ating pondo kung kaya ho sa mas marami hong sasali ay mai-expect po natin na mas marami pa rin po na mga pasahero ang makikinabang din po dito sa ating Service Contract.

AUDREY GORRICETA: Okay. Director, isang katanungan naman po mula kay Mela Lesmoras ng PTV: Sa mga probinsiya po, paano daw po ang proseso rito sa Service Contracting Program? At paano malalaman ng ating mga commuters kung saang lugar at anu-anong bus at jeep ang kasali rito?

LTFRB DIRECTOR TAMAYO: Para ho doon sa mga lugar sa mga probinsiya po, makikipag-ugnayan po sila sa ating mga LTFRB Regional Offices kung nais po nila na makibahagi dito sa Service Contacting na ipatutupad ho natin sa ngayon. Mayroon [garbled] na i-submit na nasa kanila naman po katulad nung kanilang detalye ho ng kanilang mga sasakyan. Magkakaroon po sila ng kaunting orientation para ho kung mayroon silang mga katanungan pa kung paano sila makikisali kaya [garbled].

So, ang kailangan lang ho nilang gawin ay makipag-ugnayan sa ating mga LTFRB Regional Offices para ho maturuan po sila kung papaano ho ang gagawin para makasama ho sila sa Service Contracting Program.

Now the moment po na maipatupad ito at masimulan na ho natin maglalabas po kami ng mga listahan ho ng mga ruta na kasama ho doon sa programa para naman ho maabisuhan natin ang ating mga pasahero kung anu-ano hong mga ruta ang kasali sa Service Contracting.

AUDREY GORRICETA: Okay. Director, pangalawang katanungan po mula kay Mela Lesmoras: Kailan daw po maibabalik sa buong bansa itong libreng sakay?

LTFRB DIRECTOR TAMAYO: Gaya ho ng nasabi ko, gusto ho natin talaga na itong Service Contracting, dito ho napapaloob iyong libreng sakay na programa po natin ay maipatupad na po natin sa lalong madaling panahon. Hinihintay lang ho natin ang aktuwal ho na pag-download po nung budget sa aming ahensiya sa LTFRB and hopefully po the soonest possible time [garbled] ngayong Abril ay masimulan na rin po natin itong Service Contracting na ito ngayong taon.

AUDREY GORRICETA: Okay. Director, ano po ang inyong reaksiyon sa patuloy na panawagan ng ilang transport sector na magkaroon pa rin ng fare hike sa kabila ng mga programa ng pamahalaan?

LTFRB DIRECTOR TAMAYO: Naiintindihan ho natin ang panawagan po ng ating mga [garbled] dahil nga po alam naman ho ng lahat na tumataas po ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado so, apektado po talaga tayo sa ngayon nung mga pagtaas. Pero iniintindi rin ho natin na gaya ho ng ating [garbled] iyon hong pagtaas ng [garbled] domino effect po iyan, nakakaapekto rin po iyan sa iba’t iba pa hong presyo ng mga bilihin at serbisyo po.

Kaya tinitingnan din natin ang pangkalahatang epekto po noong sakaling magtataas ho ng pamasahe. Ito pong petisyon po na fare hike ay kasalukuyan hong hini-hearing-an ng Board at nagkaroon nga ho ng hearing kahapon kung saan nagpaliwanagan ho iyong mga partido ho, iyong mga petitioners at pinakinggan ho ito ng Board and I’m not in the position po to preempt din ang Board kung ano po ang kanilang decision.

But naglabas na rin ho tayo noong unang order po doon sa hinihiling nila. Kahapon din ho ay nagpahayag na rin po ang iba’t iba rin hong ahensiya ng gobyerno during the hearing as our resource persons, kung kaya ho hihintayin na rin ho natin iyong mga karagdagan pa hong dokumento na kailangang isumite rin ho ng ating mga petitioners para ho mai-consider ng Board. So yesterday po may hearing and then patuloy ho ang ating Board sa pakikinig po sa ating mga petitioners, at sa Mayo ho ay magkakaroon din ho muli ng pagdinig po sa petisyon.

AUDREY GORRICETA: Director, ano pong mensahe ninyo sa mga jeepney drivers na naniningil pa rin ng dagdag na pamasahe kahit na hindi pa ito inaaprubahan ng LTFRB?

LTFRB DIRECTOR TAMAYO: Panawagan ho natin na huwag ho ninyong singilin ng pamasahe ho na hindi aprubado po ng aming ahensiya, ng LTFRB, dahil ito ho ay ituturing na paglabag po sa inyong prangkisa at maaari ho kayong mapatawag sa aming tanggapan kung may mga magku-complain po sa inyo na hindi ho tama ang inyong paniningil.

Ang panawagan din ho namin ay sa mga pasahero po na kung mayroon hong mga drivers na naniningil ho sa inyo ng hindi dapat or nagtataas ho ng pamasahe na hindi naman ho pinayagan ng LTFRB, kayo po ay dumulog at makipag-ugnayan ho sa aming ahensiya – sa 1342 po, ang aming hotline o kaya naman po ay puwede naman ho kayong mag-email or mag-post po ng message sa aming social media accounts para ho matugunan ho namin kung saang mga lugar po itong mga drivers na naniningil po ng pamasahe na hindi po aprubado.

AUDREY GORRICETA: Okay. Director, ano naman pong update doon sa may panawagan din na base fare hike ng mga TNVS drivers na ipinayl [file] na raw noon pang Nobyembre?

LTFRB DIRECTOR TAMAYO: Opo, tama ho kayo, [may] nakabinbin na petisyon po ang mga TNVS drivers/operators po na nakasalang ho ngayon sa Board. Mayroon hong pagdinig dito sa susunod pong April 5 pero bago ho iyong hearing ng April 5, nakipag-ugnayan na rin ho naman tayo sa sektor po ng ating mga TNVS, iyong ating mga TNC operators katulad ho ng ginagawa rin natin doon sa mga jeepney drivers/operators po na nag-file din ng kanilang petisyon. So ihi-hearing po ng Board ito sa April 5 and hindi ko naman ho puwedeng pangunahan ang Board dito at sa pagdinig po nila ng hearing. So nakabinbin pa rin ho ito sa ating tanggapan.

AUDREY GORRICETA: Okay. Maraming, maraming salamat po LTFRB Regional Director, Attorney Zona Russet Tamayo.

LTFRB DIRECTOR TAMAYO: Maraming salamat po sa pagkakataon.

AUDREY GORRICETA: Okay. Sa punto pong ito, sa iba pang balita: Nasa 1,600 na mga residente mula sa Palayan, Nueva Ecija ang tumanggap ng ayuda mula sa ilang ahensiya ng pamahalaan sa pangunguna ng tanggapan ni Senador Bong Go. Alamin po natin ang detalye sa report na ito:

[VTR]

AUDREY GORRICETA: Puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Magbabalita si Czarinah Lusuegro-Lim mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

AUDREY GORRICETA: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro-Lim ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, unti-unti nang umuunlad ang industriya ng cacao sa probinsiya ng Benguet sa pagkakaisa ng mga magsasaka at processors at suporta ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno. May report si Alah Sungduan ng PTV-Cordillera:

[NEWS REPORT]

AUDREY GORRICETA: Samantala, DepEd VII may apela sa mga non-government organization at private sector. May report si John Aroa:

[NEWS REPORT]

AUDREY GORRICETA: Maraming salamat po sa ating mga partner-agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni PCOO Usec. Rocky Ignacio, ako po si Audrey Gorriceta, hanggang bukas pong muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center