AUDREY GORRICETA: Magandang umaga Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Audrey Gorriceta mula sa People’s Television, pansamantalang humahalili kina PCOO Secretary Martin Andanar at Usec. Rocky Ignacio ngayong araw ng Sabado.
Vaccination turnout sa ikaapat na national vaccination drive; pagpasok ng foreign nationals at monitoring; sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa atin pong tatalakayin kasama pa rin ang mga kinatawan ng pamahalaan na handang sumagot sa tanong ng taumbayan.
Simula na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH!
Senador Bong Go suportado ang pagpapatatag sa health care system ng bansa partikular sa malalayong lugar. Health facility sa Eastern Visayas nakatanggap ng financial support mula sa gobyerno. Narito ang report:
[VTR]
Samantala, siyam na piso pa rin ang pamasahe sa public utility jeepney o PUJ, ito’y matapos ibasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang petisyon ng ilang transport group ng dagdag pisong pamasahe. Sa resolusyong inilabas ng LTFRB, kailangang mabalanse ang karapatan ng mga commuter na nagdidepende sa mga public transport at sa karapatan ng mga operator sa kanilang magiging kita. Pero para maibsan ang hinaing sa oil price hike, nagbigay na ang pamahalaan ng fuel subsidy na 6,500 pesos sa mga PUV. Binalaan naman ng LTFRB ang mga driver aT operator na huwag maningil nang labis dahil posibleng maharap sa paglabag na overcharging.
Update kaugnay sa ipinatutupad na travel protocols sa mga paliparan at mahigpit na monitoring para sa mga biyaherong pumapasok sa bansa, alamin natin kasama si Dana Krizia Sandoval, ang Tagapagsalita po ng Bureau of Immigration. Welcome back po, ma’am. Magandang umaga po sa inyo.
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Magandang umaga po sa inyo. Magandang umaga rin po sa mga tumatangkilik ng inyong programa.
AUDREY GORRICETA: Ma’am, sa ngayon po kumusta po ang dami ng inbound travellers sa nagdaang linggo?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Well steadily po tumataas iyong dami ng mga bumibiyahe lalo po noong mula noong nagbukas tayo ng ating travel restrictions. Nakita po natin na tumaas ito to around 8,000 during the first week of implementation ng loosened travel restrictions natin, steadily umakyat po to around 9,000 per day after two weeks.
And ngayon po after more than a month of implementation, we’re seeing around—daily po nasa sampung libo na po ang dumadating sa bansa which is really what we are expecting. Nakikita po natin na unti-unti po talaga itong tataas and we’re expecting po na baka pumalo pa ito hanggang sa 12,000 on the average per day given itong summer season, itong paparating—or actually nandito na na summer season kung saan nakikita po natin na marami pong mga foreign nationals na maaaring pumunta dito to spend the summer season here in the Philippines.
AUDREY GORRICETA: Ma’am, inaasahang magbubukas na ang ating mga borders sa lahat ha, pagdating ng buwan ng Abril. Paano po natin ito pinaghahandaan at ano rin po ang ini-expect natin o iyong inaasahan natin pagtuntong ng Abril?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Uhum. Actually [garbled] pa lang po ng—little by little paglu-loosen ng ating mga travel restrictions, nag-full force na po tayo ng deployment sa ating mga airports. So in full force po ang ating mga Immigration officers sa mga airports, 100% deployment po tayo to ensure that we are able to service arriving passengers and effectively monitor po iyong kanilang mga pagdating lalung-lalo na po ngayong summer season. Ito pong ating electronic gates are also operational already na magagamit po lalo po ng mga kababayan nating OFWs na uuwi po sa bansa ngayong summer season.
And for April like I mentioned earlier, talagang nakikita natin na tataas po iyan, itong ating average daily arrivals. Siguro papalo nga po ito sa around 12,000 or perhaps even more – once, siguro the latter part of March and early April po a pumasok.
AUDREY GORRICETA: Ma’am, bigyang-daan ko lamang po itong ipinadalang tanong para sa inyo: If Immigration office still needs the Chinese tourists to apply for exemption documents before entering? There is no difference which means Chinese tourists still cannot enter.
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Uhum. Well, Sir Audrey, even pre-pandemic naman required po ang mga Chinese nationals and other visa-required foreign nationals to secure an entry visa bago po makapasok sa bansa. Sa ngayon po, kung nakikita po ito ng IATF na kailangan pa nito, ito po ay ini-implement naman po ng Department of Foreign Affairs through our consulates and embassies sa ibang bansa po para po doon sa mga visa-required foreign nationals who will be entering the Philippines. But kung makita po ng IATF na it’s time already to lift this requirement, then we are ready naman po to implement it at any time.
AUDREY GORRICETA: Okay. Ma’am, kailan daw po epektibo iyong pag-accept ng negative antigen tests para sa mga inbound travellers? Tulad din po ba ng sa RT-PCR test, valid lang po ito para sa tatlong araw?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Uhum. Well siguro po this likely more appropriately discussed by the Bureau of Quarantine which is in charge of health-related matters at the airport.
Ang procedure po kasi sa airport, pagdating po ng isang foreign national, iyong mga health-related matters and documents po ay ini-inspect ng Bureau of Quarantine and kung may makita po sila na discrepancy o ‘di kaya naman po ay hindi po naaayon doon sa mga ni-require po ng IATF, then they are endorsed to the Bureau of Immigration for implementation po ng exclusion proceedings.
AUDREY GORRICETA: Ma’am Dana, para sa kaalaman po ng mga biyahero, aling mga bansa po ang may bagong inaprubahang accredited vaccination cards?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: This can also be better discussed by the Bureau of Quarantine but I believe po this is posted already in their website. Ang procedure po kasi, kapag nakita po nila na ito pong mga vaccination cards ay hindi po tama, hindi po halimbawa accepted pa ng Pilipinas o ‘di kaya po ay may mga discrepancy or may fake po na vaccination cards naipakita, niri-refer po nila iyan sa Immigration and we serve the exclusion doon sa foreign national. Meaning, kapag nakuha po natin iyong information from the Bureau of Quarantine, ang foreign national po, we don’t allow their entry to the country – pinapabalik po siya at pinapasakay po siya the next available flight back to his country of origin para hindi po siya makapasok sa bansa for not complying with the requirements set by the IATF.
So far naman po nakita po natin na kumakaunti na po, nababawasan na po iyong bilang ng mga inclusions ng mga foreign nationals na hindi po sumusunod sa IATF guidelines.
Siguro po for the last few weeks, nasa one or two na lang ang average per day. So, malaking difference na po ito. And nakikita po natin na naiku-communicate na effectively ang mga requirement na ito to foreign nationals who are coming to the Philippines.
AUDREY GORRICETA: Okay. Sa ibang usapin po, Ma’am, kaugnay sa may love scam. Marami-rami pa rin po ba kayong namu-monitor na kaso ng love scam at inaasahan din po bang mas tataas pa ang kaso dahil sa inaasahang pagbubukas ng border sa mas marami pang lugar sa bansa?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Yes. Actually, Sir Audrey, nagulat kami na biglang bumalik itong modus na ito and siguro ito iyong isa sa mga unexpected natin na lalabas because of the loosen travel restrictions ay ang pagbabalik po ng love scam.
Ito pong scam na ito is really targeting iyong mga kababayan po natin who is seeking partners, loved ones po, umiibig ‘ika nga ng mga foreign nationals po na nakikilala nila mostly online. Ang modus po nito is there’s a foreign national kunwari na makikipagkilala sa isang kababayan natin dito sa Pilipinas, liligaw-ligawan hanggang sa mapaibig po.
Sometimes the stories that we’ve been receiving pinapadalhan pa po sila ng maliliit na gifts, mga munting trinkets, mga regalo para talagang maniwala itong kanilang biktima. And the usual modus is that they would pretend to be flying in the Philippines, often ang sasabihin nila is to meet or to marry iyong kanilang biktima and pagdating dito, what they would tell the victim is that sila po ay na-hold kunwari sa Immigration o kaya po sometimes even other government agencies for varied number of reasons. Madalas po nilang ginagamit is that sila po ay may dala-dala umanong wedding ring or engagement ring sa kanilang bagahe na hinaharang po ng Immigration or Customs or Quarantine o kaya naman po may excessive amount of money daw sila na dala.
So, ang sinasabi po ng mga scammers na ito ay kailangan silang tubusin ng kanilang biktima for a certain amount. And ang kanila pong mga biktima, believing that their loved one, that their partner is being held at the airport deposits money or sends money to these scammers only to find out po, Sir Audrey, na ang mga foreign national na ito ay hindi nag-e-exist una, hindi dumating sa Pilipinas, walang ganitong flight, walang ganitong tao na dumating sa Pilipinas at talagang sila po ay naloko.
Iyong last po natin na nakita na incident even used the name of Commissioner Jaime Morente doon po sa kaniyang biktima. Ang sinasabi po ng scammer na siya po si Commissioner Morente at siya po ang kausap noong victim directly. When we checked the records of the said foreign national, foreign partner po wala pong dumating na ganoong tao at ito po ay isang kathang-isip at inimbento po lamang at ang kaawa-awa po nating kababayan ay nabiktima po ng ganitong scam.
AUDREY GORRICETA: Ma’am Dana, mayroon po tayong kababayan na kinukutuban na maaaring love scam iyong nakikipag-ugnayan sa kaniyang foreign national. Paano po makakatulong ang Bureau of Immigration? Maaari po bang makipag-ugnayan sa inyo?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Yes, definitely po! Maaari po nila una, ipa-check kung totoo po na mayroong foreign national that’s being excluded doon sa ating mga airports. Ang numbers po, contact information po ng ating iba’t ibang airports nationwide can be seen sa ating website, its’ www.immigration.gov.ph so they can coordinate directly para i-verify po kung may ganoong foreign national. At kung sakali po malaman nila na fake nga po ito at wala talagang ganoong foreign national na dumating at ini-exclude po ng Immigration or any other government agencies, what I advise them po is report this directly to the authorities, sa kapulisan po natin upang maimbestigahan na po itong roots nitong scam na ito at mahuli po at mapakulong itong mga pasimuno ng mga ganitong kalokohan.
AUDREY GORRICETA: Okay. Medyo lumuwag na po iyong mga restriction ngayon pong nakakalabas na po uli ang ating mga kababayan na nais magtrabaho sa abroad. Sa inyo pong obserbasyon, marami po bang mga nahuhuling biktima ngayon ng illegal trafficking?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Well, mayroon pa po. Even actually during the pandemic, noong marami pa pong travel restrictions worldwide is tuluy-tuloy po itong mga human traffickers and illegal recruiters in their schemes dito po sa pagpapaalis illegally nitong mga kababayan po natin and nai-intercept po iyan ng ating mga Immigration Officers.
One recent interception was a group of five, I think this was in NAIA Airport, kung saan po itong mga kababayan po natin ay niloko po ng kanilang recruiter at sinabihan po na itago ang kanilang mga visas going to Libya sa kanilang mga bagahe para hindi po malaman at makita ng Immigration Officer na they are really bound to Libya para po doon magtrabaho. They were pretending that they were going abroad, I think in the United Arab Emirates for a holiday, for a vacation. But when the Immigration Officers verified their documents they were able to find out na mayroon po itong connecting flight to Libya at ang totoong purpose of travel is really for employment which is really concerning po and this is a circumvention of our laws and talagang ito po ay pambibiktima. Hindi po ito kasalanan ng mga kababayan natin na naloko, kasalanan po ito ng mga recruiter nila na niloloko po sila at ini-entice po sila na gawin po itong mga ganitong schemes para makapagtrabaho abroad for their benefits.
So what we are really reminding po sa mga kababayan natin, iyong mga aspiring OFWs ay huwag na huwag po tayong papatol sa mga ganitong schemes. Kung ito po ay pinagdududahan natin na ang ating mga kausap po na recruiter ay illegal recruiter, you can always verify po with the POEA. Nasa website po nila ang listahan ng lahat po ng accredited agencies that are licensed to recruit Filipinos abroad para po kung sila po ay aalis bilang isang OFW ay they are protected by the law, protected po sila ng ating government instrumentalities.
AUDREY GORRICETA: Okay Ma’am, mayroon pong katanungan mula sa ating kasamahan sa media. Mula po kay Rose Novenario ng Hataw: Naglabas na po ba ng lookout bulletin ang Bureau of Immigration laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy mahigit isang buwan matapos ilathala ng FBI sa kanilang website ang wanted poster ni Pastor Quiboloy bunsod ng iba’t ibang kaso laban sa kaniya?
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Well, we would have to verify po with the office kung may na-receive po tayo recently na lookout bulletin. But this is being issued po by the Department of Justice, so kung mayroon pong inisyu ang Department of Justice immediately naman po we encode it sa ating system for easy access ng ating mga Immigration Officers nationwide. So, we would have to verify po with the receiving po natin kung mayroon pong natanggap na [lookout bulletin].
AUDREY GORRICETA: Ma’am, bagama’t nabanggit ninyo na po kanina ‘no, iyong mga linya ng inyong telepono, para na lamang sa kapakanan ng ating mga kababayang nais mag-abroad, kung nais nilang i-check kung lehitimo iyong kanilang mga employer, ang inyo pong huling mensahe at iyong inyo pong contact numbers uli.
BI SPOKESPERSON SANDOVAL: Yes. Una po sa mga kababayan natin who are planning to go abroad, make sure na legitimate itong mga agencies that you are transacting with. Check with the POEA po kung sila po ay tama at mga lehitimong agencies. Para naman po sa mga nandito sa Pilipinas na mayroon pong loved ones at sinasabi na na-hold sila sa Immigration, siguraduhin po natin, i-verify po natin ang kanilang identities. Huwag po tayong basta maniniwala at i-double check, i-verify po natin with the Immigration kung totoo po silang mga tao o ‘di kaya po sila ay mga scammer.
Maaari ninyo pong ma-contact ang ating opisina, ang contact numbers po namin ay 8465-2400 o ‘di kaya po bisitahin po ang aming website it’s www.immigration.gov.ph
Isa po sa pinakamadali rin na way to contact us is through our Facebook pages, it’s facebook.com/officialbureauofimmigration and facebook.com/immigration.helpline.ph, mayroon po doon messenger button.
So anytime po, 24/7, we are here to answer your queries kung may mga katanungan po kayo or anything that you wish to verify, maaari po kayong mag-send ng mensahe doon para po mabigyan po kayo ng kalinawan.
Iyon lamang po.
AUDREY GORRICETA: Muli po maraming salamat po sa lahat ng mga impormasyon na ibinahagi ninyo sa amin ngayong umaga.
Nakapanayam po natin ang spokesperson ng Bureau of Immigration, Ma’am Dana Krizia Sandoval.
Samantala, para naman makibalita sa mga naging resulta ng ikaapat na nationwide vaccination drive, muli nating makakasama sa programa si Dr. Kezia Rosario, co-lead ng National Vaccination Operations Center. Magandang umaga po, Doc at welcome back.
NVOC CO-LEAD DR. ROSARIO: Magandang umaga po Sir, at sa lahat ng nanunood, good morning.
AUDREY GORRICETA: Okay, Doc, kumustahin ko lamang po muna iyong assessment ng DOH sa extended National Vaccination Day. Ilan po ang naging total turnout? Naabot na po ba o nahigitan iyong target?
NVOC CO-LEAD DR. ROSARIO: Sa resulta ng ating National Vaccination Day sa Part 4, ito iyong Bayanihan, Bakunahan natin, naka-reach na po tayo sa ating target which is only 1.8 million. So, in-extend natin siya for the whole duration from last week to last Tuesday for the whole pagbabakuna ng ating mga all priority groups, lahat ng ating age group. Tapos we extended until yesterday for the senior citizens. Hindi naman senior citizens lang iyong binakunahan natin for the last three days but naging priority natin iyong pagbabakuna ng ating mga senior citizens.
Sa resulta, around 1.8 million talaga iyong naging results natin and naging masaya kami kasi somehow nagiging mas mataas din siya na outcome rather than—compared doon sa mga regular vaccination output natin.
AUDREY GORRICETA: Okay. Kung may datos po kayo, Doc, ilan po iyong breakdown ng nabakunahan mula sa pediatric at senior citizen sa loob ng higit isang linggong national vaccination days?
NVOC CO-LEAD DR. ROSARIO: Tama po kayo, sir ‘no, iyong naging indicators natin for the NVD Part 4 ay titingnan natin specifically kung maganda iyong turnout for the senior citizens at saka iyong sa pediatric na 12 to 17 ‘no – ito iyong mga ginawa nating priority for the NVD. Iyong sa 12 to 17, maganda iyong turnout natin all round – 255,000 na mga bata ang pumunta sa mga vaccination sites or nabakunahan during this time na whether it be para sa kanilang first doses or whether it be para sa kanilang due second doses; so ito po ay 255,000.
Sa senior citizens naman medyo mataas iyong tinarget namin and however lower iyong naging turnout sa ating mga senior citizens – ito ay almost 100,000 ‘no, mga 90 plus iyong nagiging resulta natin.
At tinitingnan namin ngayon ‘no, nakita natin na talagang ang kailangang gawin sa ating mga senior citizens ay pupuntahan sila and more conversations and social preparations para sa kanila. Nakita din namin while pumupunta kami sa mga bahay-bahay at saka sa mga households nila, na kapag binibigyan ng time ‘no to understand really iyong hesitation, iyong nagiging fears nila, ang sinasabi nila some talaga ‘no ay natatakot sa side effect at saka natatakot sa karayom.
So iyon ‘yung puwede nating ma-convince while some naman talaga ay sinasabi na sa panahon na matanda na sila ‘no at parang short time na lang din naman sila at mamamatay na sila, sa tingin nila hindi na nila kailangan ng bakuna. So ito iyong kailangan nating pagtrabahuhan na talagang ma-encourage natin sila na mapabakunahan kasi po sila po iyong ating mga vulnerable population na kailangan nating i-protect.
AUDREY GORRICETA: Okay. Doc, naipaliwanag ninyo iyong vaccine hesitancy doon sa mga senior citizens. Paano po doon sa mga magulang o mga guardians ‘no na mayroong mga 5 to 11 years old na medyo nagdadalawang-isip pa na pabakunahan iyong kanilang mga anak? Mayroon din po ba kayong mga kinakausap diyan, paano po iyong information dissemination para sa mga barangay?
NVOC CO-LEAD DR. ROSARIO: Oo. At all age groups ‘no may nakikita tayong some percentage talaga ng population na may doubts ‘no, may fears ‘no – whether it naman na talagang hindi lang sila kampante sa information na nakukuha nila. And mayroon na ring mga tao na talagang hardcore ‘no, na talagang na-set na sa paningin nila na ‘ayaw talaga naming magpabakuna’.
So ang nakikita din naman namin ‘no, we have a lot of group of population na kung bigyan lang ng tamang impormasyon, ma-explain nang maayos, ma-explain iyong benefits as well as the risks ‘no, nakikita naman nila iyong benefits ‘no na kailangan tayo magbakuna at saka sila na din iyong gumagawa ng paraan na mabakunahan sila, so ito po iyong goal natin ‘no, really to educate and to advocate on the vaccination.
AUDREY GORRICETA: Okay. Doc, tanong po mula sa ating kasamahan sa media. Mula po kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Doc, we are in the second half of March, yet medyo malayo pa daw po tayo sa target na 70 million fully vaccinated Filipinos by the end of the month. Ano daw po ang ginagawa natin to reach this target at para mas marami pa ang mabakunahan?
NVOC CO-LEAD DR. ROSARIO: Oo. Tama po iyan ‘no, tinarget natin na at least 70 million iyong fully vaccinated at the end of March. Tapos ngayon—kasi nasa last mile na tayo ng pagbabakuna ‘no so it means na we’re nearing in accomplishing a certain population group ‘no. So like for example sa mga adult population natin, konti na lang iyong remaining unvaccinated so mas mahirap silang hanapin, mas mahirap silang i-convince kasi most likely itong mga nahuling hindi pa nababakunahan ay ito rin iyong mga population na may doubts pa, may fears pa, may hesitation pa so mas mahirap iyong pag-encourage sa kanila at saka pagbigay sa kanila ng vaccination.
So sa ngayon, ito iyong pinag-aaralan namin while nag-i-slowdown na iyong vaccination output or throughput everyday ‘no, hindi na siya kagaya noong November/December. Ang gagawin po ng gobyerno ay talagang titingnan siya area per area ‘no, so we are moving more granularly to each local government unit, understanding the intricacies per area so hindi na siya iyong kagaya before na we can have a nationwide mandate at saka we have similar implementation.
Ngayon titingnan na natin, i-focus na natin iyong ating mga vaccination doon sa mga areas na marami pang unvaccinated at pag-aralan natin na how we can provide the services better sa mga areas na ito.
Iyong nakita namin, actually pinag-aralan namin ito yesterday under the leadership of Undersecretary Myrna. Ang nakita namin is puwede tayong mag-launch ng special vaccination days ‘no in certain areas.
Ang pinagpaplanuhan ng team namin with Undersecretary Myrna is most likely ‘no before the end of the month may special vaccination days gagawin sa Cebu Province kasi ang Cebu Province iyong pinakamataas na with unvaccinated na province. We are also looking at the areas in Mindanao ‘no specifically Lanao del Sur, the BARMM areas ‘no – lahat ng probinsiya ng BARMM – and also certain provinces in Region XII. So ito iyong tutukan natin kasi most like dito pa iyong mga large populations na hindi pa nababakunahan.
We’ll strive to reach ‘no iyong ating mga second dose requirements para ma-fully vaccinate din ‘no iyong ating mga constituents. So tinitingnan din iyong mga areas na marami pang number of individuals na hindi pa nakabalik for their second dose. So pinag-uusapan din ito ‘no na hopefully ma-tap natin lahat ng mga second doses para talaga ma-reach natin iyong target.
AUDREY GORRICETA: Okay. Doc, dagdag na tanong po mula kay MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Sa monitoring daw ng NVOC, anu-anong regions pa ang mas kailangan ng vaccines? Sa atin pong pagtataya, makakasagabal daw po ba ang darating na campaign period for local candidates sa vaccination efforts ng LGU sa mga lugar na ito?
NVOC CO-LEAD DR. ROSARIO: Sa ating mga regions ‘no, actually sa lahat ng regions, mayroon po silang enough supply ng bakuna – meaning, naka-allocate na po sa lahat ng regions ang supplies natin na bakuna ‘no for them to reach iyong number of population na dapat nilang bakunahan.
Sa ngayon medyo nag-aano pa po tayo na hindi pa siya bumaba, lahat ng vaccines nila because also ‘no sa kanilang storage capacity. So kapag logistics naman, they have enough supply and equitable po iyong pagbibigay natin ng bakuna ngayon ‘cause we have a lot of vaccines ‘no.
On the other hand, ang tinitingnan natin ngayon really ang mga regions na ito ay kailangan nating tutukan ay pag-push talaga ng pagbabakuna ‘no in BARMM, Region XII, ang MIMAROPA, Bicol and also the Visayas area ‘no – Central Visayas ‘no, we are more comfortable with Western Visayas. But other than that, ito iyong mga tinututukan natin na mga regions.
So yes, nakita na din natin ‘no, na-anticipate natin iyong possibility na fewer iyong magiging output ng ating local government units because of the election at saka sa pagka-campaign. Therefore we also are looking at other means ‘no to vaccinate; so ito po iyong pinagpaplanuhan natin that we can also look at the vaccination through the private sector. So ito iyong pinagtatrabaho natin with the ecozones ‘no like PEZA, working with PEZA, working with DOLE – iyon po ‘yung mga ginagawa natin.
Tapping more service points ‘no, we’re looking at the services of the private physicians, their individual clinics and also even the clinics ng ating mga primary care clinics na nasa mga local governments natin. So, ang maging trabaho na lang ng local governments natin ay magiging oversight. Fewer work for them, meaning iyong workforce nila at saka iyong vaccination program will not be totally dependent sa local government units.
AUDREY GORRICETA: Okay, Doc, sa ibang usapin naman. Sa ngayon, aling mga bakuna kontra COVID-19 pa lamang ang nakakapag-apply o aprubado na ng Emergency Use Authorization para sa second booster shot?
NVOC CO-LEAD DR. ROSARIO: Sa ngayon po Sir, ang na-convey po ng ating mga regulatory bodies like the FDA, wala pa silang binibigay sa ating information na kung may na-determine na na mga vaccine types o vaccine brands na okay to be given as fourth dose or as a second booster dose. Ang nabibigay pa lang po na recommendations is iyong partial na pinag-aaralan as recommended by the vaccine expert panel ‘no.
However, ang DOH pa rin po ang magbibigay ng guidelines dito at they will plan out the whole scenario kung kailan po mag-i-implement ng program. On the other hand, on the National Vaccination Operations Center, if we will get the whole recommendations, that’s the time we implement.
So, ngayon po Sir, wala pa po tayong nakukuhang information kung anong brands ang pupuwedeng i-implement.
AUDREY GORRICETA: Okay. Doc, sa labas ng ating bansa ang daming tumataas ang kaso ng COVID-19. Kunin ko lamang po ang stand ng DOH dahil simula po ng Abril papayagan na ang pagpasok ng mga foreign nationals sa mas marami pang bansa. Hindi raw po ba nababahala ang DOH lalo’t may mga variants na binabantayan?
NVOC CO-LEAD DR. ROSARIO: Itong desisyon na ito ay given by the IATF. On the other hand naman, sa pag-i-implement natin ng programs dito sa bansa, iyan iyong kailangan din nating pagbabantayan na while we are opening up our borders, we will have enough rooms for us to monitor iyong mga borders natin, kung sino ang pumapasok, better analysis ng ating datos and also very careful tayo sa ating mga responses dito sa loob. I think that’s where we are right now. At saka isa ding iniisip natin is really to work on the vaccination that’s why we have emphasized that, especially now that we are opening up the economy and we hope to expand and encourage the opening up of the economy.
And also, with that comes, with the opening up of our borders, we must be able to protect our constituents. So that’s why ang call of action talaga namin is for us to give our booster doses. As we know, ang ating booster doses ay nagbibigay ng additional protection because we know that after the primary dose series, ito po ay nagwi-wane over a certain amount of time, so kailangan nating maprotektahan din ‘no, ma-preserve iyong level of protection. That’s why our workforce ‘no, ang economic workforce, talagang ini-encourage natin to have their booster doses. This is one way to protect ourselves even though we are opening up our economy and also opening up our borders.
AUDREY GORRICETA: Okay. Para po sa kaalaman ng publiko patungkol dito sa isang treatment na tinatawag na Evusheld treatment ng AstraZeneca, paano po ito gumagana at ano po ang kaibahan nito sa iba pang COVID-19 vaccines.
NVOC CO-LEAD DR. ROSARIO: May naririnig na po tayo dito sa Evusheld ‘no. It’s a monoclonal antibody treatment for our immunocompromised patients that is approved in other countries. Ang kaibahan nito ay iyong bakuna, iyong COVID-19 vaccines natin binibigay siya tapos ang binibigay natin ay antigen at saka ang katawan natin ang nagpu-produce ng antibodies that reacts to the antigen.
On the other hand itong Evusheld ay sila mismo ay antibodies na. So, pre-formed po siya na antibody na ibibigay po sa ating mga immunocompromised because ang ating mga immunocompromised patients, even though bigyan natin sila ng COVID-19 vaccines, may possibility that they cannot mount up the same immune response para maka-produce sila ng enough antibodies to combat the COVID-19 disease ‘no. It’s another treatment na puwede nating ibigay po sa ating mga kababayan as soon as this is approved in the country.
AUDREY GORRICETA: Again, Dr. Kezia, kumpleto po tayo sa mga vaccination sites, may sapat po tayong supply ng vaccine. Ang inyo pong mensahe para doon sa mga kababayan natin na nagdadalawang-isip pa rin na magpabakuna.
NVOC CO-LEAD DR. ROSARIO: Ang mensahe po ng ating National Vaccination Operations Center and the Department of Health is sa ngayon po we are really looking forward to the new normal. Hopefully, as soon as possible ay maka-experience na tayo na bumalik iyong ating mga lifestyle, iyong ating mga activities, kung hindi naman same, somehow similar prior to that of the pre-pandemic. However, with this kailangan din natin to i-ensure na while we are opening up, ma-ensure natin iyong protection sa ating mga constituents.
So, ini-encourage ko po ang lahat na while you have your primary dose series ‘no, magpa-booster po tayo. This will ensure na may level of protection pa rin tayo even though natapos ninyo na iyong primary dose series ninyo and most likely if matagal na kayong nabigyan ng primary dose series, ito po ay nag-wane na. So, if due na po kayo ng ating booster doses, please get your booster doses in your nearest vaccination sites or contact your local health units para mabigyan kayo ng mga vaccination wherever you are.
Our target now is to bring our vaccination nearer to homes, communities and workplaces. Most likely kapag nasa workplace kayo, puwede po kayong mag-conduct ng vaccination activities in coordination with our local government units and our Centers for Health Development.
On the other hand, hindi din natin kinakalimutan ang pagbabakuna ng ating remaining unvaccinated. So, kung kayo po ay hindi pa po bakunado at may questions kayo, do not hesitate to call also your healthcare providers sa ating mga local health units. Kung may doktor kayo, you can also ask them the benefits and as well as the risk of the vaccination so that you can have an informed consent as soon as possible.
The aim of the government is really to protect as many individuals as we can so that we will prevent the next surge of cases and hopefully there will be no more surge of cases later on. So, ito po iyong ini-aim natin while we move on with our vaccination programs.
Ini-encourage din namin lahat ng ating service points na if you are willing to participate in the vaccination program, tayo po ay tuloy lang na magku-coordinate and the government is very willing to work with you because as you have said, Sir ‘no, we have enough supply. So, puwede natin pagtulungan ang pagbabakuna ng private sector, ng lahat ng general public, lahat ng government offices at lahat ng mga Filipino or hindi man Filipino na nasa bansa.
AUDREY GORRICETA: Muli po, maraming-maraming salamat sa lahat ng impormasyong ibinahagi ninyo sa aming umaga.
Maraming salamat po, Dr. Kezia Lorraine Rosario, co-lead ng National Vaccination Operations Center.
Huwag po kayong aalis magbabalik pa ang Public Briefing #LaginghandaPH
[COMMERCIAL]
AUDREY GORRICETA: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
At sa punto pong ito, para naman kumustahin ang monitoring ng OCTA Research sa gitna nang patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng bansa, makakasama po natin si Dr. Butch Ong mula sa OCTA Research. Good morning, Doc.
OCTA RESEARCH DR. ONG: Good morning. Good morning sa mga nakikinig at nanunood sa programa.
AUDREY GORRICETA: Doc, kunin lamang po namin ‘yung inyong assessment sa latest figures ng COVID cases nitong nakaraang linggo, unahin ko na po muna dito sa may Metro Manila.
OCTA RESEARCH DR. ONG: Well ang NCR natin ‘no, as of yesterday iyong NCR logged in around… at around 130 new cases yesterday ‘no. At steady naman ang ating number of cases, nationwide naman we have around 550 new cases as reported yesterday. So we are still maintaining a low average for the week.
AUDREY GORRICETA: Okay. Doc, sa inyo pong observation, aling areas po sa ating bansa iyong may magandang improvement pagdating sa naitatalang cases? May ilang areas din po ba kayong nakikita na posibleng maging COVID-free o iyon pong wala nang naitatalang kaso kada araw?
OCTA RESEARCH DR. ONG: Actually halos lahat naman ng ating regions ang reported cases ay nasa double digits na lamang ‘no. And of course iyong mga regions na silipin nating mabuti ay ang CALABARZON, NCR, Central Luzon and I believe Western Visayas ‘no. But still, ang kanilang new daily cases ay nasa double digit lang, mababa pa rin; so overall ang ating situation is very good although ang ating reproduction number ay bahagyang tumataas nang konti ‘no, bahagyang tumataas pero still below 1.0 which is our… kumbaga, iyon ‘yung ating critical point sa reproduction number.
AUDREY GORRICETA: Okay. With the latest cases, ano po ‘yung inyong projection, Doc, sa number of cases sa pagtatapos ng buwan ng Marso, tingin ninyo po ba tuluy-tuloy na mag-i-stable na sa 1,000 to 500 below ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa?
OCTA RESEARCH DR. ONG: Well that’s what we hope to achieve by April ‘no and we hope nga na by Holy Week ‘no ay talagang mas bumaba pa sa 500 ang ating daily new cases ‘no. Pero sa ngayon ang ating reproduction number ay bahagyang tumaas ‘no, nasa .26 – pero that’s still quite good ‘no. So we hope ‘no that by—pagpasok ng Abril na mag-i-steady na tayo sa below 500 na level. Of course we are assuming na walang papasok na bagong variant of concern sa ating bansa.
AUDREY GORRICETA: Pero, Doc, kanina po ay nakapanayam namin iyong Bureau of Immigration at sa Abril nga po ay bubuksan na ulit ang ating border para sa lahat ng mga bansa. Ano po iyong conflict ang nakikita ninyo rito, pabor po ba kayo dito o posibleng mahawa tayo sa ibang karatig-bansa natin na tumataas ngayon ang COVID-19 cases?
OCTA RESEARCH DR. ONG: That’s correct ano kasi kailangan na rin natin na magkaroon ng spur sa ating—o ma-increase ang ating economic situation ‘no. But sa nakikita namin kasi ‘no, our Asian neighbors are still having their surges now ‘no especially South Korea na nagtala sila ng isang malaking surge within the week ‘no.
So mag-o-open tayo, kailangan pa rin natin pag-ingatan ‘no iyong ating mga borders, maging istrikto pa rin tayo sa ating mga quarantine control. Kaya naman natin ito dahil pagpasok ng mga ano, mayroon pa rin tayong mga control points ‘no and our vaccination program is still being conducted regularly. Maingat lang dapat din tayo kapag nag-o-open tayo ng industry at nag-o-open tayo ng travel.
AUDREY GORRICETA: Doc, ongoing na rin po iyong pag-aaral ukol sa possible guidelines o protocol na ma-retain o alisin na sa pagharap natin sa pandemic exit. Pero para sa inyo, kailan po nakikita ng OCTA Research iyong safest month o quarter kung kailan po masasabing handa na tayo para dito?
OCTA RESEARCH DR. ONG: Sa ngayon kasi we are looking at the cases on a monthly basis pa rin or every two weeks nga noong pinagtitingnan namin iyong data ‘no. And as I’ve mentioned earlier, some countries especially na neighbors ‘no, sa Asian neighbors ay mataas pa rin ang numbers. We cannot really determine kung ano talaga ang buwan na safest ‘no. We can’t even make a projection as how December will be like this year ‘no.
Pero sa ngayon kasi dahil mababa na ang numbers natin, pagdating ng April ‘no, we’re looking at low to very low risk level pa rin ang buong Pilipinas ‘no and hopefully it keeps that way. The success kasi of the vaccination program has given us protection pa rin ‘no and the variants that has been going on in Asia is BA.2 and BA2.2 sublineage ‘no which nangyari na sa atin noong January, so mataas pa rin ang ating antibodies o protection against the Omicron variant and the Omicron sublineage.
AUDREY GORRICETA: Okay, Doc, bilang panghuli ‘no. Napakarami o mayroon tayong sapat na supply ng COVID-19 vaccines at maraming vaccination center pero may mga kababayan tayong hesitant pa ring magpabakuna at ayaw na ring magpa-booster shot. Ang inyo pong paalala sa ating mga kababayan.
OCTA RESEARCH DR. ONG: So, para sa ating mga kababayan ‘no, sama-sama tayo sa paglaban natin sa COVID-19. Ang pandemyang ito ay matatalo natin kapag tayong lahat ay magbayanihan ‘no. Together we will win this. As a society together, we will win this war against SARS-CoV-2.
Part of the laban natin ay ang pagsuot ng tamang pamamaraan ng ating mask at iyong pagkonsidera sa ating pagpapa-vaccinate even iyong ating booster shot. Ito ay binibigay naman para maprotektahan hindi lang kayo pati ang ating pamilya, ang ating komunidad. I hope by that by this year ‘no sana nga by this year ay mawala na ang COVID-19 pandemic, not only in our country but also across the globe.
So, sama-sama tayo sa ating laban na ito and vaccination is part of the ways to defeat COVID-19.
AUDREY GORRICETA: Okay. Maraming salamat po sa lahat ng impormasyon at sa inyong panahon, Dr. Butch Ong ng OCTA Research. Mabuhay po kayo.
OCTA RESEARCH DR. ONG: Maraming salamat sa pagkakataon at magandang umaga sa inyong lahat.
AUDREY GORRICETA: Senador Bong, naghatid ng tulong sa mga indigent families sa Malolos City, Bulacan. Narito ang report.
[NEWS REPORT]
AUDREY GORRICETA: Samantala, para sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Jam Sison ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
AUDREY GORRICETA: Maraming salamat sa iyo, Jam Sison.
Samantala, mula naman sa Cebu City may report din ang ating kasamahan na si Janna Roa.
[NEWS REPORT]
AUDREY GORRICETA: At iyan ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid po sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar at Usec. Rocky Ignacio, ako po si Audrey Gorriceta at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center