GORRICETA: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay Miyerkules, unang araw ng buwan ng Hunyo. Atin pong pag-usapan ngayong araw ang update sa pagpapasara ng mga e-sabong websites sa ating bansa. At aalamin din natin ang detalye sa mga nadagdag na kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa Western Visayas. Pag-uusapan din po natin ngayon ang update sa sitwasyon sa shellfish ban sa anim na areas na kontaminado ng toxic red tide. At aalamin din natin ngayong umaga ang mga plano ng susunod na administrasyon para sa nalalapit na transition.
Sa ngalan po ni Usec. Rocky Ignacio, ako po si Audrey Gorriceta. At ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Mga kababayan, sa nalalapit na pagpapalit ng administrasyon, isa-isa nang nagtatalaga si President-elect Bongbong Marcos ng mga miyembro ng kaniyang Gabinete. At kaugnay niyan ay makakapanayam po natin ngayong umaga si Atty. Trixie Cruz-Angeles upang alamin ang kaniyang mga plano bilang incoming press secretary. Ma’am, magandang umaga po sa inyo.
ATTY. CRUZ-ANGELES: Magandang umaga.
GORRICETA: Yes, Attorney, nabanggit po ni presidential sister at Senator Imee Marcos na isa ang Rizal Park sa mga tinitingnan na pagdarausan ng inagurasyon ngayon ni President-elect BBM. May impormasyon na po ba kayo ukol sa inagurasyon? Ito rin po ang tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror, Mariz Umali ng GMA News at Paul Samarita ng TV5.
ATTY. CRUZ-ANGELES: Wala pa po. Of course, as mentioned, tinitingnan naman po talaga ang Quirino Grandstand bilang isa sa posibleng venue para sa inauguration. Pero wala pa pong final at wala pa rin po tayong mga detalye tungkol doon. Ang pangako ko lang ay as soon na ma-finalize po iyong mga plano, iri-release namin sa publiko.
GORRICETA: Okay po, ma’am. Tanong pa po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Sino na po kaya ang ia-appoint ni President-elect Marcos as Secretary for Agriculture? If wala pa po siyang napipili, ano po kaya ang factors kung bakit pending pa rin po iyong decision niya on the said matter?
ATTY. CRUZ-ANGELES: Isa sa pinakamahalaga sa agenda ng President-elect ay ang agrikultura, and therefore ang selection has to be done carefully. Also, marami po kasing kinu-consider na application. Simula po nang na-announce ang kaniyang pagkapanalo, marami po ang nagpipresenta at nagsusumite ng kanilang mga aplikasyon. So to be fair, kailangan daanan, pasadahan po lahat iyan, at iyon po ang nakakatagal sa selection.
GORRICETA: Okay. Ma’am, question from Mariz Umali ng GMA News: Any additional Cabinet appointments? Are the names of Secretary Vince Dizon and Secretary Babes Singson are included in the shortlist for transportation secretary? Ganito rin po ang tanong ni Paul Samarita ng TV5, mayroon pa daw po ba kayong ia-announce na mga bagong Cabinet members sa mga susunod na araw?
ATTY. CRUZ-ANGELES: Well, we know na mayroon pang forthcoming na mga announcements. We just don’t know what day at saka kung sino po iyon. Nasasabi na lang po sa akin when they are ready to be announced. So as of right now, wala pa po akong notice na may announcements for today.
GORRICETA: Okay. Tanong pa po ni Paul Samarita mula sa TV5: May mga source po na nagsasabing candidate to become energy secretary si Rodante Marcoleta, at si Rigoberto Tiglao as Palace spokesperson alongside Atty. Karen Gimeno. Will you confirm ito pong pahayag na ito?
ATTY. CRUZ-ANGELES: Well, we can confirm that those names are being talked about, but there are no decisions on this yet as of now. Wala pa pong decisions on any of those names mentioned.
GORRICETA: Okay po, ma’am. Dagdag pong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: May naging marching orders po ba kaya si President-elect BBM sa kaniyang upcoming Cabinet officials during the ongoing transition period? If yes, ano po kaya ang mga ito?
ATTY. CRUZ-ANGELES: The only directive is to work with the transition teams and to begin the, well, the familiarization and transfer. So, very cooperative nga. This is in accordance doon sa sinabi ni Presidente Duterte, forming the transition teams for each of the agencies. At kami naman po ay nagko-comply din, in particular doon sa aking staff and myself sa incoming PCOO. We have already coordinated with Secretary Andanar and with several of his people and the potential heads of agencies of GOCCs and attached agencies to the PCOO. Sila po ay nag-umpisa na pong mag-coordinate ng kanilang transition team.
GORRICETA: Okay. Attorney, tanong naman po mula kay Mariz Umali ng GMA News and Paul Samarita ng TV5: Can you give us some details on the meeting that transpired between President-elect Bongbong Marcos and members of Congress, led by Senator Zubiri and Representative Romualdez? What legislative agenda have they discussed that will be included in his first State of the Nation Address?
ATTY. CRUZ-ANGELES: I think right now, we have not been informed of what had been spoken about or what had been discussed at the said meeting. We will possibly put together a statement regarding that, possibly within the day or by tomorrow.
GORRICETA: Okay. Atty. Trixie, another question mula sa GMA News, Ivan Mayrina: Bypassed po ng Commission on Appointments sina Chairs Nograles ng Civil Services, Justol of COA, and three Comelec commissioners. Is PBBM keen on reappointing them?
ATTY. CRUZ-ANGELES: We have no information as to whether or not they will be appointed. We are only appreciative of the gesture that the President-elect’s opinion or choices on the officials are taken into consideration.
GORRICETA: Okay. Attorney, pag-usapan na po natin iyong opisina pong inyo pong pangungunahan, ano. Bilang incoming press secretary, Attorney, ano po ang mga programa sa PCOO ang nais ninyong ipagpatuloy or plano ninyong tutukan?
ATTY. CRUZ-ANGELES: Well, in general ‘no, we’ll have to make an assessment of all the pending projects, and we’ll decide later on whether to prioritize them or to put them possibly on the back burner. Wala pa po kaming decisions on which stay and which ones go.
We are, however, pushing for the accreditation of vloggers to be invited to some of the briefings especially those conducted by the President-elect. So iyon pa lang po, iyon ang isa sa aming na-formulate na na priority for the incoming PCOO. We’re also looking at things like opening up discourse and looking at issues of disinformation that seem to be a hot-button topic nowadays.
There are no final plans yet for any particular projects, just that these issues are things that we are looking at to consider when prioritizing projects for the PCOO.
GORRICETA: Okay. Attorney, tanong naman po mula kay Alvin Baltazar ng Radyo Pilipinas: How often daw po ang magiging press briefing ninyo with Malacañang Press Corps?
ATTY. CRUZ-ANGELES: The plan is to have them once or twice a week, and more if needed. The regular once-a-week [briefings] are for the updates on pending issues, and then possibly a second one if there are issues that need to be addressed immediately. We’re not going to limit it, of course. If it is necessary, we will have more briefings. But other than that, the plan is one or two at least.
GORRICETA: Okay. Attorney, isunod ko na po ang tanong ni Pia Rañada ng Rappler: Will PCOO, under your leadership, allow all journalists and media groups to physically cover presidential events?
ATTY. CRUZ-ANGELES: I understand why she’s asking that question. I think we’ll have to take a look at the existing policy first and determine, make a decision later on as to how appropriate they are for the current time, other than that, we’ll have to wait and see pending, you know, a review of all existing policies regarding the coverage in Malacañang.
GORRICETA: Okay. Attorney, karagdagang tanong po mula kay Alvin Baltazar ng Radyo Pilipinas at Red Mendoza ng Manila Times: Paano raw po palalakasin ang information drive ng incoming administration sa gitna ng pandemya?
ATTY. CRUZ ANGELES: Paano palalakasin? Well, first of all, I would like to commend the existing PCOO for great efforts in the information dissemination on the pandemic, as well as other matters.
We’re just going to look at the effectivity of the platforms that are being used and the messaging. We’re not saying that we’re going to overhaul the entire PCOO or the systems that they have put into place.
So right now, what we’re looking at again are just the platforms and the messaging. Is this getting to people and we will also make an assessment on their effectiveness right now.
So, you have to forgive me because assessment is going to be a major part of making the decisions on this policy.
GORRICETA: Okay. Mukhang nasagot ninyo na po ito kanina, Attorney, pero galing po ito sa iba pang mamamahayag, ano. May naging pag-uusap na daw po ba kayo ni Secretary Martin Andanar para sa gagawing transition sa PCOO?
ATTY. CRUZ ANGELES: Yes po. I’ve met with Secretary Andanar and our teams have been coordinating already for the transition particularly. Nag-start na rin po iyong mga incoming heads of agencies to the attached units and agencies of the PCOO.
GORRICETA: Okay. Ma’am Trixie, tanong naman po mula sa DTV Pilipinas: Will the PCOO continue the upgrade of government-owned stations like PTV and IBC 13 and shift them to digital terrestrial TV?
ATTY. CRUZ ANGELES: Yes, that is the plan but we have to find the money first. Yes, of course, we’re always looking not just to upgrade but to make things more efficient. So, we have a big job ahead of us. So, that is of course one of the priorities that we have yet.
GORRICETA: Okay. Attorney, additional question from DTV Pilipinas: Would the PCOO continue to push for a unified people’s broadcasting corporation that was pushed by the previous administrations?
ATTY. CRUZ ANGELES: Unified. Again, this will be subject to assessment. We need to meet with the incumbents. Right now, the people who will be remaining with PCOO and see their recommendations as well as conduct a more thorough assessment on this proposal. We’ll have to give you the decisions later on. It will still be subject to major assessment.
GORRICETA: Okay po, ma’am. Inihayag po ng National Press Club o NPC na hangad nilang ipagpatuloy ng Marcos administration ang suporta sa Presidential Task Force on Media Security. Ano po ang inyong masasabi dito?
ATTY. CRUZ ANGELES: We are always concerned about the safety of our journalists. We are crafting possibly a new policy on this one. Possibly also make it a little more expansive. We are well aware of the concern of our NPC regarding this, so we have been responsive. We are already working on it.
GORRICETA: Okay. Follow-up question din po mula sa mga kasama nating mamamahayag, ano po ang plano ninyong gawin o ipatupad para sa pagbibigay ng proteksyon sa ating mga kasamahan sa media?
ATTY. CRUZ ANGELES: Kasama din po iyan. Right now nga, like I said, we will be reviewing the current policy and possibly expand it. So, you know we are looking into welfare not just safety or protection because apparently the current policy is focused on attacks, physical attacks on our journalists.
We would also like to look at expanding it to include the welfare of our journalists. Some of them have been hit very hard by the pandemic. So, we would like to take a look at that trend, that expansion of the policy in that direction.
GORRICETA: Okay. Attorney, bilang incoming Press Secretary, ang inyo pong mensahe sa ating mga kababayan.
ATTY. CRUZ ANGELES: I’m just going to ask that well, we thank the 31 million who had voted for the President-elect. And we hope that we can live up to the expectations of the public. Thank you very much.
GORRICETA: Okay. Maraming, maraming salamat po sa paglalaan ninyo ng oras sa amin, Incoming Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles. Mabuhay po kayo.
ATTY. CRUZ ANGELES: Thank you.
GORRICETA: Samantala, mga kababayan kasabay ng pag-aanunsiyo ng DOH ng limang dagdag na kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa ating bansa kahapon ay inanunsiyo rin nila ang pag-apruba ng FDA sa paggamit ng Moderna vaccine para sa mga nasa edad six hanggang 11 years old.
Kaugnay niyan ay atin pong makakapanayam si Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Vaccine Expert Panel at isang infectious diseases expert. Magandang umaga po sa inyo, Doc Solante.
DR. RONTGENE SOLANTE: Yes. Good morning, Audrey. Good morning to our viewers.
GORRICETA: Okay. Doc, dahil po na-detect na ag karagdagang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1. Masasabi po bang posibleng maging dahilan ito ng muling pagtaas ng COVID-19 cases sa ating bansa? Ganito rin po ang tanong ni Mela Lesmoras ng PTV: Dapat na daw po ba tayong maalarma dito?
DR. RONTGENE SOLANTE: Well, in terms of maalarma, siguro hindi dahil nakikita naman natin na despite the variants of concern causing increase in the cases in some other countries.
Sa tingin ko, being highly transmissible ay puwedeng tataas ang mga kaso but I don’t think the cases we will experience na nakikita natin noong January, ‘no because I think iyong proteksiyon natin with the BA2 noong nadaanan tayo noong January will still be here protecting us against this lineage of the BA2 which is the BA.2.12.1.
At pangalawa, Audrey, because of the nature na mild symptoms lang ito, I don’t think it can overwhelm our healthcare facilities.
So, less of the severe infections will be experienced but maybe there will be an uptick of the cases but not as high as that when we had that January surge of the BA2.
GORRICETA: Okay. Doc, para po sa kaalaman ng publiko, gaano po ba katagal usually bago lumabas ang result ang genome sequencing ng isang COVID-19 sample?
DR. RONTGENE SOLANTE: Usually kasi it takes a lot of, several process iyan kapag isa-submit na doon sa Philippine Genome Center tapos ira-run nila iyan.
The procedure itself will not take more than a week ano. But what is the ano, there is really on the process of collecting the positive test and then it will be transferred to the Philippine Genome Center and then the processing will be there.
So, more or less within a week dapat mayroon na silang mga result.
GORRICETA: Pero, Doc, dahil po medyo matagal lumabas ang result ang genome sequencing at hindi naman po lahat ng nagpopostibo sa COVID-19 ay napapasailalim sa genome sequencing, ibig sabihin po ay may posibilidad na marami pa ang kaso ng Omicron subvariants na hindi pa nadi-detect?
Ano po ang masasabi ninyo tungkol dito?
DR. RONTGENE SOLANTE: Well, ang tingin natin ngayon ang dominant variant pa rin is the BA2 hindi itong mga bagong variants na mga pumapasok ngayon. Alam naman natin na these are just small numbers of people who are infected and alam din natin na mataas-taas na rin ang proteksyon natin because marami-rami na rin ang mga nabakunahan but the cases that we are experiencing now, iyong mga pakaunti-kaunting uptick especially iyong mga may sintomas I would still say it’s because of the BA2 and not because of these mga bagong subvariants or sublineages of the Omicron.
GORRICETA: Doc, sa latest na COVID bulletin na inilabas ng DOH maliit lamang ang itinaas ng COVID-19 cases sa ating bansa at nasa low risk classification pa rin tayo.
Sa inyo pong pag-aaral, gaano po tayo katagal na mananatili sa low-risk classification sa kabila ng mga dumadagdag na kumpirmadong kaso ng mga Omicron subvariants?
DR. RONTGENE SOLANTE: Well, ang talagang assumption natin dito is that when we still have cases and we still have community transmission, I don’t think the low risk will be tanggalin natin, ano.
One is that when we are in a low-risk classification nandoon pa rin iyong pag-iingat, okay, and iyong health protocol and at the same time iyong paigtingin pa rin natin iyong pagbabakuna.
Now ang concern lang natin dito even with the low risk iyong mga walang bakuna because this will be the possible population na kapag mayroon mang mga ma-admit sa hospital because of an Omicron-related symptoms or mga complications, the most vulnerable at this point are the unvaccinated and the vulnerable population iyong may mga edad.
GORRICETA: Okay. Doc, karagdagang tanong mula naman po kay Red Mendoza ng Manila Times: Bilang isang hospital resident, ano daw po ang inyong nakikitang situation sa ospital kung saan kayo affiliated?
May nakikita po ba kayong pagtaas ng COVID-19 or manageable pa rin hanggang sa ngayon?
DR. RONTGENE SOLANTE: Well, one good thing, one good news is that despite na nakikita natin na may kaunting uptick ang mga kaso ngayon but we have never seen any more COVID cases na talagang nagsi-severe, iyong mga nangangailangan ng oxygen, nagri-respiratory failure na na-experience natin before with the Delta.
So ang assumption namin dito is that, yes, this new variant of concern, the Omicron, can be highly transmissible. But I don’t think this is the same variant of concern that we had with Delta na talagang mas malala ang presentation, na mataas din ang mortality ‘no. And I think it is because of the nature of this Omicron na ang pagkapit niya ay more on the upper respiratory tract rather than the lower respiratory tract. Kaya ang mga sintomas nito is really more of a mild infection. And, in fact, kadalasan talagang walang nararamdaman; pupunta lang sa ospital kasi nagpa-positive sila sa mga tests nila.
GORRICETA: Okay. Dok, tanong pa po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: May mga naunang projections po na baka magkaroon ng paglaki o pagtaas ng kaso ng COVID-19. Pero hanggang ngayon ay nasa 200 cases pa rin po tayo. Sign po ba ito na talagang nagiging manageable na ang mga kaso kahit na dumating na ang ilang sublineage ng COVID-19?
DR. RONTGENE SOLANTE: Yes, that’s a good question, ‘no because alam natin na itong mga sublineages of the Omicron, being highly transmissible, but they don’t cause a lot of these symptoms ‘no. And in fact, kung sasabihin man natin, a lot of these are underreported because most of those with Omicron are asymptomatic or very mild symptoms na sa tingin mukhang hindi naman ‘no.
So in a way, this is good news dahil itong mikrobyo na ito ay hindi na nagko-cause ng severe infection. At ang prediction natin dito, it will not really cause overwhelming capacity sa mga healthcare facilities. But just the same, importante na ma-monitor ang mga kaso especially ang pagtaas because it’s also an indication kung iyong pagluwag natin is depende doon sa number of cases or depende ba doon sa hospitalization rate ngayon which is very low.
GORRICETA: Okay. Doctor, minodify [modified] po ng Food and Drug Administration ang Emergency Use Authorization na inisyu nila sa Moderna vaccine para sa mga nasa edad six to eleven, pero kailangan pa raw ng go signal o rekomendasyon from World Health Organization bago po ito i-rollout sa ating bansa.
Bukod po sa go signal from WHO, anong mga proseso pa po ba ang kailangang pagdaanan bago tuluyang i-rollout itong Moderna vaccine for six to eleven years old?
DR. RONTGENE SOLANTE: Okay. Sa normal na proseso ‘no sa pag-approve ng isang bakuna for an EUA, napakaimportante doon na unang-una ay ma-approve siya ng FDA pool of experts para makita kung ang benefits outweigh the risks especially in a six to eleven years old which is also highly vulnerable to get the infection.
Pangalawa, since we are under a COVAX Facility at itong mga bakuna na ito ay under also sa donations from the COVAX Facility which is also with the WHO, napakaimportante ng guidance ng WHO in the implementation of this vaccination, particularly in the six to eleven years old.
So, after na marekomenda na ng WHO iyan na puwede nang ibigay sa six to eleven years old, then doon na natin makikita ang implementation nito in this group of younger children, which is the six to eleven years old.
At tatandaan natin, Audrey, itong Moderna na bakuna ay hindi pa siya na-approve sa US but has been approved already among 30 countries outside of the US ‘no, in terms of the six to eleven years old population.
GORRICETA: Okay. Dr. Solante, isunod ko na po ang tanong ni Mela Lesmoras mula sa PTV: Paano raw po makakatulong ang pag-modify na ito sa kasalukuyang laban ng bansa kontra COVID-19?
DR. RONTGENE SOLANTE: Malaking bagay ang pagbabakuna sa mga edad less than 12 years old ‘no. But because nakikitaan na natin before during the surge na itong mga six to eleven years old are also as vulnerable as that with the adult. And especially the six to eleven years old, medyo hindi pa hinog ang mga immune system nito, madali talaga silang makapitan ng COVID-19.
And the fact na gusto na nating mag-face-to-face sa mga paaralan, then being vaccinated is another layer of protection na itong mga population na ito ay mas prepared for the face-to-face education.
GORRICETA: Okay. Dok, balikan po natin itong Moderna vaccine para sa mga kabataan. Nauna na nga pong naaprubahan ang EUA ng Pfizer vaccine for five to eleven years old. Ang Moderna vaccine po ba kagaya rin ng Pfizer na mas mababang dose ang ibinibigay sa mga bata?
DR. RONTGENE SOLANTE: Yes, so kapag ni-review natin iyong data, ang dosage sa six to eleven years old is 50 micrograms ‘no. So, kalahati ng isang binibigay natin sa adult. At base doon sa data nila, iyong tinatawag na study na KidCOVE ibig sabihin, it was able to attain safety. So meaning, walang nakikitang adverse reaction na life-threatening. And at the same time, iyong immunogenicity na noong binakuna ito sa six to eleven years old, 99% elicit an antibody response na kagaya nung na-elicit ng 18 to 25 years old ‘no.
So in a way, maganda itong bakuna na ito. It can add protection against infection and it can also add protection against severe infection especially in the six to eleven years old group of population.
GORRICETA: Okay. Dr. Solante, lipat naman po tayo sa usapin ng second booster shot. Sa inyo pong opinyon, dapat na po bang palawakin pa ang priority groups na maaaring mabigyan ng second booster shot?
DR. RONTGENE SOLANTE: Yes, I totally agree with that especially at this point in time na medyo marami-rami na rin ang bakuna ‘no. Isa sa mga vulnerable population hindi lang iyong immunocompromised, hindi lang iyong 60 years old and above at hindi lang iyong healthcare workers ‘no, titingnan natin na sana ay ma-include na rin ang population na with comorbidities. Dahil doon sa mga data, nakikita natin na kapag mayroon kang comorbidity and you’ll get the COVID infection, iyong risk ng severe infection and even mortality is also high in this vulnerable population we called na mayroong mga comorbidities.
So sana ma-extend doon sa may mga comorbidities itong second booster na binibigay na natin ngayon sa other vulnerable population.
GORRICETA: Okay. Doctor, tanong naman po mula kay Raphael Busano ng ABS-CBN: Ang ibang bansa raw po ay nagdeklara na na tapos na ang emergency ng COVID-19 sa kanilang bansa, pero in-acknowledge naman na hindi pa tapos ang pandemya. Gaano raw po ba katagal ang kailangan nating i-assess para masabing tapos na rin ang phase ng COVID-19 sa Pilipinas gayung kakaunti na lamang ang mga naitatalang severe at minsan ay zero deaths pa?
DR. RONTGENE SOLANTE: Yes, that’s an important question ‘no because, in fact, sa pag-uusap namin sa mga ibang eksperto rin, I think it’s high time na na talagang puwede na nating tanggalin ang emergency na label ng COVID-19 because of the persistent and sustained number of cases na talagang mababa na ‘no.
And the fact na mayroon na tayong mga bakunang available, mayroon na rin tayong mga antiviral agents available, so these are interventions that in case kung mayroon mang tataas na mga kaso, we can manage and we can control it ‘no. So I think there’s a possibility, hopefully we will wait for the WHO because we are dependent on the WHO. But probably, the next administration, that’s something that they will discuss so that we can move on and just treat this as an endemic infection. But we have to sustain our measures in terms of the health protocol, the availability of the antiviral agents, and the viability of the healthcare system to cater for any event na tataas ang mga kaso.
GORRICETA: Okay. Doctor, additional question mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Ngayon rin po ay panahon ng trangkaso, tag-ulan po ngayon, o influenza. Ano po ang inyong abiso sa ating mga kababayan para pag-ingatan ang sarili nila sa trangkaso dahil po magkapareho ang sintomas nito sa COVID-19?
DR. RONTGENE SOLANTE: Well, napakaimportanteng question iyan because mayroon tayong tinatawag na influenza season ‘no. And sa Pilipinas, ang influenza season is year-round. But usually, tumataas iyan July, August and September.
So ngayon, nag-uumpisa na rin ang kampaniya natin sa pagbakuna sa influenza dahil ayaw natin ‘no na ang mga tao, puwedeng magka-influenza and at the same time, madali rin silang makapitan ng COVID-19, mas delikado ang clinical presentation niyan.
So sa ngayon pa lang, mag-ingat pa rin tayo. Magsuot tayo ng face mask. Huwag tayong kumpiyansa sa mga crowded, or gatherings, or sa mga closed environment because these are the same scenario or setting na puwede tayong magka-influenza. At importante, palakasin natin iyong katawan natin at magpabakuna uli ng influenza vaccine.
GORRICETA: Okay. Maraming, maraming salamat po sa lahat ng mga impormasyon na ibinahagi ninyo sa amin ngayong umaga. Nakapanayam po natin si Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Vaccine Expert Panel at isang Infectious Diseases Expert. Maraming salamat, Dok.
Samantala, Senate Bill # 2506 kung saan co-author si Senador Bong Go, pasado na sa final reading sa Senado. Ang detalye sa report na ito.
[NEWS REPORT]
GORRICETA: Samantala, mga kababayan, sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng mga electronic sabong o e-sabong sa bansa dahil sa negatibong social impact nito. At upang bigyan tayo ng update patungkol diyan ay makakasama po natin ngayon si Undersecretary Jonathan Malaya, ang spokesperson ng Department of Interior and Local Government.
USec., magandang umaga po sa inyo.
DILG USEC. MALAYA: Magandang umaga din po sa inyo at sa lahat po ng ating tagasubaybay.
GORRICETA: Okay. USec. Malaya, simula po noong ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang na ipasara ang mga e-sabong sa bansa, ilang illegal na e-sabong website po, apps, at iba pa, ang tinatayang naipasara na po ng DILG?
DILG USEC. MALAYA: Opo. Sa pakikipagtulungan po ito ng PAGCOR, ng Philippine National Police at iba pang mga ahensiya ng gobyerno kasama na po ang DICT ay mayroon na po tayong pitong illegal e-sabong websites na naipasara na ‘no kasama po iyong ibang mga sikat diyan, iyong mga talpakan.ph, iyong pinasabong.com, lahat po ng mga websites na iyan ay sarado na.
Ang gusto ko lang pong klaruhin ay iyon pong mga dating may prangkisa ng PAGCOR ay sila po ay kusang nagsara na kaagad-agad noong ang Pangulong Duterte ay nagdesisyon na ipatigil na nga ang operasyon nila sa ating bansa. Ito pong mga binabanggit kong mga illegal e-sabong websites ay ito po iyong mga nagsulputan noong matapos magbigay nag direktiba ang Pangulo na ipatigil itong illegal na activity na ito.
GORRICETA: Okay. USec., ngayon po, may mga report pa rin po ba kayong natatanggap na may mga illegal pa ring nag-o-operate ng e-sabong?
DILG USEC. MALAYA: Opo, mayroon pa rin po. In fact, doon po sa report na ibinigay sa amin ng Philippine National Police, mayroon pa tayong na-identify doon na 12 websites na nag-o-operate ng e-sabong at mayroong walong Facebook pages. Kaya po kami ay nakikipag-ugnayan na rin sa DICT ‘no at kahapon nga po [ay] kausap ko sila at sila po ay nangako sa amin sa DILG na gagawin nila ang lahat ‘no. Nangako sila na makikipagtulungan sila kasama na rin ang National Telecommunications Commission para itong mga website na ito ay maipasara na.
Ngayon, doon naman po sa mga Facebook pages kung saan doon pumupunta iyong ating mga kababayan at dini-direct sila sa mga accounts or mga websites kung saan puwede silang tumaya, ay nakipag-ugnayan na rin po kami sa Facebook para maisara na rin o masuspinde itong mga accounts na ito.
GORRICETA: Okay. USec., ano po ba ang parusang matatanggap ng mga mahuhuling nag-o-operate pa rin ng e-sabong?
DILG USEC. MALAYA: Well, unang-una po, this is a direct violation of the Presidential directive. Mayroon pong utos ang ating Pangulo na itigil na iyan, so mayroon pong paglabag diyan.
Pangalawa, mayroon po tayong batas, iyong Cockfighting Law of 1974 o iyong PD 449 as amended by PD 1602 kung saan ang legal na lang po na sabong sa ating bansa ay iyong pisikal na sabong at iyong pisikal na sabong ay iyong puwede lang tuwing Linggo, mga legal na holidays at kapag piyesta.
So lahat po ng uri ng sabong sa labas nitong saklaw ng PD 449 ay iligal. Ibig pong sabihin, ito pong mga illegal e-sabong operations ngayon na nangyayari ay punishable under that law at nakalagay po doon sa batas na iyon, prision correccional, prision mayor, mayroon pong fine at mayroon pong imprisonment din at the discretion of the court.
GORRICETA: Okay. USec., balikan ko lamang po iyong request ninyo sa Facebook. Nakatanggap na po ba ang DILG ng sagot mula sa kumpanyang Facebook?
DILG USEC. MALAYA: Ito nga po iyong ikinalulungkot ng DILG at ng pamahalaan dahil tayo po ay sumulat sa Facebook noong nakaraang linggo pa at doon po sa sulat natin sa Facebook, inilagay po namin doon iyong listahan ng mga Facebook accounts at Facebook pages na nang-eengganyo sa ating mga kababayan na tumaya or to get involved dito sa illegal e-sabong and unfortunately, hanggang sa ngayong araw na ito at kahapon nga po ay pinuntahan ko pa iyong mga Facebook pages na iyon, ay hindi pa rin po natatanggal.
Una po, wala pa po kaming natatanggap na tugon mula sa Facebook tungkol sa request ng pamahalaan na tanggalin itong mga pages na ito.
Pangalawa, hanggang ngayon ay operating pa po ano. Iyong isa po sa aking mga staff ay nagpadala ng message, nag-PM doon sa Facebook page at binigyan po siya ng link kung saan siya puwedeng tumaya.
So, medyo nababahala po kami dito dahil ang Facebook po is a business entity operating in the Philippines and they are bound by the laws of the Philippines and this e-sabong is an illegal activity. At kung hindi po ito violation ng Community Standards ng Facebook, hindi ko na po alam kung ano ang violative of Facebook rules kasi nga po, illegal activity ito.
So, kami po ay nadidismaya. We are disappointed dahil kung sila ay mag-shutdown ng ibang pages [ay] mabilis but in this case, it’s as if they are tolerating illegal activity in the Philippines. Para pong lumalabas na sila ay accessory to an illegal activity because Facebook is a venue for illegal activity, ito nga pong illegal e-sabong.
GORRICETA: Okay. USec., karagdagang katanungan, kung hindi po tutugon ang Meta Company o Facebook, ano po ang magiging susunod na hakbang ng DILG?
DILG USEC. MALAYA: Well, pag-uusapan po iyan ng aming mga abogado ‘no. Ayaw ko naman pong magsalita ng patapos ngayon dahil kahapon nga po humingi na rin tayo ng tulong sa ibang mga ahensiya ng gobyerno na mayroong kaugnayan sa Facebook din.
And humingi kami ng tulong to follow-up with Facebook why it’s taking them more than a week to shutdown pages that are engaged in illegal activity in the Philippines. So, pag-aaralan po siguro namin kung ano ang mga susunod na hakbang. But let me just say that as a business entity operating in the Philippines, Facebook has to abide by Philippines laws.
GORRICETA: Okay. USec., tumulong din ang Bangko Sentral ng Pilipinas dito sa pagpapatanggal ng e-sabong feature sa mga e-wallet apps. Maaari ninyo po ba kaming bigyan ng detalye sa tulong na ginawa ng BSP?
DILG USEC. MALAYA: Yes. Unang-una po, in behalf of our Secretary, Secretary Eduardo Año, kami po ay nagpapasalamat sa Bangko Sentral ng Pilipinas dahil isa po sa mga paraan kung papaano po makataya ang ating mga kababayan ay iyong tinatawag na digital money channels at dito po sa ipinalabas na memo circular ng Bangko Sentra ay inaatasan po nila iyong kanilang mga financial institutions supervised by them including GCash and PayMaya, na they should only deal with legitimate entities especially those with franchises.
So, binibigyan po itong mga establisyementong ito, na financial institutions supervised by the BSP as a maximum of thirty days to cut the links to these e-sabong accounts and the merchants and operators. So, sa tingin po namin ay malaking tulong po ito sa ating effort na maitigil ang e-sabong kasi lahat po ng ahensiya ng gobyerno, ang DICT, ang NTC, ang Bangko Sentral (ng Pilipinas), kasama na po ang ating PNP [at] kahit po ang National Bureau of Investigation ay nagtutulungan upang matigil po itong iligal na activity na ito. At ang panawagan po namin sa ating mga kababayan, since ito pong e-sabong sa ngayon ay iligal na, posible pong hindi po kayo mabayaran because it’s unregulated.
Kung tataya po kayo rito, kung makikipagsapalaran po kayong tumaya dito ay it’s perfectly possible na hindi kayo mabayaran because underground na po itong mga operasyon na ito. And we expect that in the next few days ay wala nang maiiwan na website na operational sa ating bansa.
GORRICETA: Okay. Usec. Malaya, kung sakaling payagan na po ng susunod na administrasyon ang e-sabong, pabor po ba kayo na imungkahi ng Senate panel na magpasa ng batas na limitahan ang operasyon ng e-sabong tuwing Linggo at legal holidays kagaya ng nakasaad sa Presidential Decree No. 449 o iyong Cockfighting Law of 1974?
DILG USEC. MALAYA: Yes. Iyan po ay desisyon na ng paparating na Pangulo at paparating na Kongreso kung kanilang pagbibigyan ito. Pero sa ngayon po ang posisyon po ng aming Departamento sa pamumuno ni Secretary Eduardo Año ay mas gugustuhin namin iyong physical sabong na lamang.
Kung ano po iyong nasasaklaw sa ating batas ngayon iyong PD 449 ay sa tingin po namin iyon ang mas angkop sa ating mga kababayan.
Physical sabong, only during Sundays and legal holidays puwedeng magpasabong at may limitasyon lamang sa numero ng mga cockpits na puwedeng payagang mag-operate sa bawat local government unit.
GORRICETA: Okay. Usec. Malaya, sa ibang usapin naman po. Tanong po ng ating mga kasamahan sa media, mula po kay Mela Lesmoras ng PTV: Ngayong June 1 to 15 period Alert Levels one and two pa rin ang umiiral na alert level sa Pilipinas pero ang maraming panig sa bansa ay umaaktong new normal na.
Ano daw po ang paalala niyo sa mga LGU at sa ating mga kababayan na medyo relax na relax na at hindi na nagpapatupad nang mas mahigpit na patakaran kahit Alert Level 2 pa rin ang kanilang lugar?
DILG USEC. MALAYA: Well, natutuwa naman po kami na karamihan sa ating mga kababayan ay nagpi-face mask kahit saan po tayo pumunta whether dito sa Metro Manila o sa mga probinsiya ay nagdadala ng face mask ang ating mga kababayan. And malaking tulong po iyan dahil iyan iyong personal na proteksiyon ninyo laban sa pandemyang ito. Ngunit ang pinakakritikal po sa amin sa DILG of course is the vaccination. Although napakaganda na po ng coverage natin ng two doses which is around 70% of the population ay medyo kinakapos po tayo sa booster shot.
So, dito po sa Metro Manila sa tingin ko mas maganda iyong coverage ng booster shot pero sa ibang mga lugar ay nasa 13 million pa lamang ang kabuuan ng nagpapa-booster.
So, iyan po ang ating panawagan sa lahat ng mga local government units dahil naiintindihan po ng DILG na dahil katatapos pa lang ng eleksiyon. Noong panahon ng eleksiyon ay tumutok sila sa kanilang pagtakbo at sa kanilang reelection o kaya man kung anong puwesto ang tinakbuhan nila.
But since tapos na po ang halalan, sana po ay balikan natin muli iyong vaccination kasi iyon lamang po ang paraan para mapanatili natin iyong ating natatamasang kaginhawahan sa ngayon.
Iyong sinabi kanina ni Dr. Rontgene Solante na walang mga critical cases na kung mayroon mang nagkaka-COVID ay nagpapagaling kaagad. Lahat po ito ay dahil lamang sa dalawang bagay, iyong pagsusuot ng face mask, at pangalawa iyong vaccination plus booster.
So, we urge all local government units na bumalik sana po iyong sigla nila sa pagbabakuna dahil tapos naman na po iyong halalan.
GORRICETA: Okay. Usec, tanong naman po mula kay Patrick de Jesus ng PTV pa rin: Ano daw po ang instructions ng DILG sa PNP sa paghihigpit ng seguridad ng kanilang unit sa buong bansa kasunod ng insidente ng pambubomba sa Mindanao?
Kumusta daw po ang imbestigasyon sa insidenteng ito?
DILG USEC. MALAYA: Well, mayroon na pong findings ang ating kapulisan at na-announce na rin po ito ng ating PNP.
Dito po sa Metro Manila ay nagpaigting na rin tayo ng ating alert level, plus ang ating regional director ng NCRPO ay nagbigay na ng kautusan sa lahat ng units ng PNP to be on heightened alert dahil nga po sa nangyaring pagsabog.
But we can assure the public na nakahanda po ang DILG and of course, ang Philippine National Police na rumesponde sa kung anumang sitwasyon na mangyari dahil naka-heighten alert na po ang ating kapulisan.
GORRICETA: Okay. Usec, sa pagpapalit po ng administrasyon, anong accomplishments ng DILG sa ilalim ng administrasyong Duterte ang nais ninyong maipagpatuloy sa susunod na administrasyon?
DILG USEC. MALAYA: Yes. Mayroon pong lima na kung tatawaging nating prayoridad na sana ay tuluy-tuloy at tinatawag nating tuluy-tuloy na pagbabago ay ituloy din ng paparating na administrasyon.
Una po, iyong ating laban sa kriminalidad. Iyong ating kampanya laban sa kriminalidad. Dahil nga po bumaba po ang ating total crime volume kahit po iyong index crimes by almost 50% since naupo ang Pangulong Duterte noong 2016.
So, sana po ay ma-maintain ito moving forward under the new administration.
Pangalawa po, iyong ating illegal drug campaign. 76.1-B illegal drugs were confiscated at 24,379 barangays were maintained as drug-free, declared as drug-free.
So, sana po ay ipagpatuloy din ito ng susunod na administrasyon hangga’t lahat ng barangay sa ating bansa ay maideklara nang drug-free.
Pangatlo po, iyong ating Emergency 911 Hotline. Sana po ay mas palakasin pa nila dahil 99.4% po ng mga calls ay narespondehan natin almost 319,000 calls were received and acted upon by the Emergency 911.
Pang-apat po, iyong patuloy na modernisasyon ng ating kapulisan, ng ating Bureau of Fire, ng ating Bureau of Jail, iyong karagdagang mga fire stations, fire trucks, district jails, mga sasakyan para sa ating PNP sana po ay mas mapaigting iyan ng susunod na administrasyon.
At finally, iyong usapin po sa constitutional reform dahil ang DILG po ang Chair ng Inter-Agency Task Force on Constitutional Reform. Sana po ay maipagpatuloy ito ng susunod na administrasyon by starting on basic reforms in the Constitution. For example po, iyong economic amendments, iyong tinatawag na economic amendments para po tuluyan nang mabuksan ang ating ekonomiya para makapasok iyong mga mamumuhunang dayuhan na kailangang-kailangan po natin para makapag-recover tayo completely dito sa pandemya.
At Pangalawa, under a constitutional reform ay iyong amyenda sa ating Saligang Batas para sa Bangsamoro Autonomous Region on Muslim Mindanao dahil alam naman po natin na iyong peace agreement between the government and the MILF cannot be fully implemented if the Constitution is not fully amended.
So, puwede pong magsimula doon sa dalawang bagay na iyon and we are hoping that the next administration will prioritize basic amendments to the Constitution.
GORRICETA: Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, Undersecretary Jonathan Malaya, ang Spokesperson ng Department of the Interior and Local Government. Mabuhay po kayo.
DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat din po at mabuhay din po kayo.
GORRICETA: Sa katatapos lamang po na selebrasyon ng Month of the Ocean nitong buwan ng Mayo, ating alamin ang detalye ng ginanap kahapon lamang na awarding ceremony ng Malinis at Masaganang Karagatan o MMK Program ng BFAR.
Aalamin din natin ang update sa anim na areas na kasalukuyang minu-monitor ngayon dahil sa toxic red tide.
Ihahatid po sa atin iyan ni Chief Information Officer ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na si Sir Nazzer Briguera.
Magandang araw po, Sir.
BFAR CHIEF IO BRIGUERA: Yes, Sir, magandang araw po at sa lahat ng sumusubaybay ng inyong programa.
GORRICETA: Sir, inanunsiyo po ng BFAR ang lumabas na lab test result kung saan nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ang mga nakolektang shellfish sa anim na areas sa bansa.
Anu-ano po ang mga areas na ito?
BFAR CHIEF IO BRIGUERA: Yes, Sir. Base nga po sa pinakahuling shellfish bulletin, Bulletin Number 10 dated May 27, 2022 na inilabas po ng BFAR, positibo po sa red tide o tinatawag nating paralytic shellfish poison ang mga shellfish gaya ng tahong at talaba gayun din po ang alamang mula sa mga sumusunod na lugar: Ang coastal waters po ng Bolinao sa Pangasinan, ang coastal waters po ng Milagros sa Masbate, coastal waters po ng Dawis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur, Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte at Lianga Bay sa Surigao del Sur. Ang lahat pong nabanggit na lugar ay positibo sa red tide at lahat po ng uri ng shellfish tulad po ng tahong, talaba gayundin po itong alamang mula sa mga katubigang ito ay hindi ligtas kainin dahil ito po ay nakalalason.
Ligtas pa rin naman pong kainin ang mga isda gaya ng galunggong, pusit, hipon at alimasag. Tiyakin lamang po na ang mga ito ay sariwa, nilinis nang maayos, tinanggalan ng lamang-loob bago po sila lutuin
GORRICETA: Okay. Sir, para ma-refresh po ang kaalaman ng ating mga kababayan, ano po ba ang masamang dulot nitong red tide o paralytic shellfish poison sa mga lamang-dagat at tao? Paano ba malalaman kung ang shellfish o lamang-dagat ay may red tide?
BFAR CHIEF IO BRIGUERA: Yes. Doon po sa epekto nito sa lamang-dagat lalo na po dito sa shellfish, hindi po sila nakakaapekto kaya lang, nakakaapekto po sila kapag kinain na ng tao. So, iyong lamang-dagat mismo [ay] hindi sila namamatay lalo na itong mga shellfish.
Pero kapag ang mga shellfish na ito ay nakain na ng tao, doon na tayo magkakaproblema kasi, ayun nga po, mayroon po itong tinatawag na paralytic shellfish poison. So, from the term itself, paralytic shellfish poison, ang tao po na nakakain ng shellfish na may red tide na tinatawag natin ay nagkakaroon ng pagkaparalisa sa kaniyang pangangatawan. Nagsisimula po ito sa pagkamanhid ng kaniyang mukha, pananakit ng ulo. Iyon po iyong mga senyales na mayroon po siyang nakain na shellfish na may lason.
At doon po sa sinasabi natin na paano ba natin malalaman na ang mga shellfish na ito ay may red tide nga, unfortunately, hindi po natin makikita sa pamamagitan ng ating mata iyong red tide doon sa mga shellfish ano. Nangangailangan ng laboratory test para makita natin na positibo nga sa red tide itong mga shellfish natin at ito po ang ginagawa ng pamahalaan, patuloy po tayong nagsasagawa ng monitoring.
Regular po itong aktibidad ng DA-BFAR upang matiyak na ang ating mga katubigan ay ligtas sa red tide. At kapag po mayroon nang resulta naman sa aming mga monitoring, kasama po natin ang local government units, ay bahagi na rin po ng aming regular na aktibidad ang tinatawag nating information dissemination para masiguro po na alam ng tao na ang isang katubigan na ito ay positibo sa red tide at maiwasan po nila na bumili, kumain, magtinda ng mga shellfish na ito.
GORRICETA: Okay. Sir, gaano po kalaki ang epekto sa mga residenteng pangunahing pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan ang karagatan ngayong kontaminado ng red tide ang kanilang lugar?
BFAR CHIEF IO BRIGUERA: Well, definitely, may effect ito sa livelihood ng ating mga mamamayan lalo na po doon sa mga coastal communities but since iyong pangingisda naman po ay hindi lamang nakatuon sa shellfish doon sa mga coastal communities na iyon, habang positibo ang red tide, puwede naman silang mag-concentrate doon sa pangingisda naman, hindi po iyong sa shellfish, iyong mga isda.
At mostly naman ang mga coastal communities na ito ay may mga seaweeds farm, so doon muna sila nagko-concentrate. At ito naman pong red tide ay usually hindi siya gaanong tumatagal na sabihin natin na isang buong taon. Kaya tuloy-tuloy ang ginagawa nating monitoring ay dahil kapag nakita naman natin na negatibo na ang isang katubigan sa red tide or dito sa tinatawag nating paralytic shellfish poison ay agad naman kaming nagbibigay-abiso na puwede na ulit mangolekta ng shellfish pati itong alamang doon sa isang lugar na iyon.
GORRICETA: Sir, ano po ang ginagawang hakbang ngayon ng BFAR upang maalis ang toxic red tide sa anim na areas na kontaminado nito? Gaano po katagal usually bago tuluyang maalis ang toxic red tide sa isang affected na karagatan?
BFAR CHIEF IO BRIGUERA: Magandang tanong iyan, sir. Kaya lang, sir, gusto nating ipaalam na ang red tide po ay isa po itong natural phenomenon. Hindi po natin malalaman kung kailan ito susulpot at hindi rin po natin malalaman kung kailan sila mawawala kasi natural phenomenon nga po siya. Ito po iyong parang algae bloom doon sa tubig kung saan nagkakaroon ng concentration ng isang microorganism na tinatawag pong dinoflagellates.
So, wala pong puwedeng gawing artificial intervention kasi nga po natural phenomenon ito. So, ang tangi lamang po nating puwedeng magawa ay i-monitor talaga ang lugar para masiguro kung positibo na or negatibo na ang isang lugar sa red tide.
GORRICETA: Okay, sir, sa ibang usapin naman po. Taun-taon ay may isinasagawa po kayong programa o pa-contest, ang BFAR. Ito ay ang Malinis at Masaganang Karagatan o MMK. Maaari ninyo po bang ipaliwanag kung ano po itong pa-contest na ito ng BFAR?
BFAR CHIEF IO BRIGUERA: Thank you very much for the opportunity. So kahapon nga po ay isinagawa natin ang paggawad ng parangal o awarding para sa ating 2020 Malinis at Masaganang Karagatan: The Search for the Most Outstanding Coastal Community. At ito po ay isang taunang patimpalak ng pamahalaan, at karangalan po nating sabihin na ito po ay nagsimula sa ilalim ng administrasyong Duterte. At masasabi nga natin na isa ito sa mga legacies ng Duterte administration na kung saan naging mas malawak ang pakikipagbalikatan ng national government sa local government unit pagdating po sa coastal resource management.
So kahapon po, habang tinapos natin ang pagdiriwang ng Month of the Ocean at ang Farmers and Fisherfolks Month nitong nagtalikod lamang na buwan ng Mayo ay binigyan natin ng parangal ang tatlong munisipyo – ang Prieto Diaz, Sorsogon; ang Libertad, Antique; Mahinog, Camiguin—I mean, these are the five finalists: Hinunangan, Southern Leyte at Del Carmen, Surigao del Norte. Pero sa lima po na iyon, ang naging grand winner ng Malinis at Masaganang Karagatan ay ito pong Prieto Diaz, Sorsogon; at sinundan po ito ng dalawa pang munisipyo, ito pong Libertad, Antique at iyong Hinunangan, Southern Leyte bilang first runner-up and second runner-up.
So, napakaganda po nitong ating isinasagawang patimpalak dahil ito po ay nakatuon sa limang pamantayan ‘no, doon sa mga local government units na kapag ikaw ay isang local government units at sasali ka rito, kailangan mong siguraduhin na walang nangyayaring illegal fishing sa iyong katubigan; ikaw po ay mayroong three-month close fishing season; mayroon ka pong protected areas; at mayroon ka pong clean coastal waters na walang dumadaloy na basura sa karagatan; pati po mayroon kang isang luntiang bakawanan na iyong pinangangasiwaan.
So, ito po iyong limang pamantayan na tinitingnan ng BFAR sa ating mga local government units. At sabi ko nga, isa itong napakagandang legasiya ng Duterte administration dahil po naging mas aktibo ang local government units sa pakikipagtulungan sa national government in terms of protection and resource reservation.
GORRICETA: Okay. Nabanggit ninyo po, sir, iyong legasiya. Sir, bukod po sa MMK na binanggit ninyo, ano pa pong mga programa o proyekto ng BFAR sa ilalim ng administrasyong Duterte ang nais po ninyo po sanang maipagpatuloy pa ng susunod na administrasyon?
BFAR CHIEF IO BRIGUERA: Well, bago iyan siguro, mabanggit ko lang ano, kasi pinag-usapan natin iyong legacy, mahigit sampung taon tayong nagtamasa bago ang administrasyong Duterte ng negatibong paglago ng produksyon sa pangingisdaan. So negative trend po iyong production, fisheries production. Bagama’t mahaba pa iyong lalakbayin talaga, kapag sinabi po natin iyong increase production, pero mabanggit ko lamang po na noong taong 2018, natapos po natin iyong tinatawag nating negative trend, iyong pababang trend, naitala natin ang kauna-unahang positibong paglago sa produksyon na 1.0%. So nagawa ulit po natin ito noong taong 2019 kung saan nakapagtala po tayo ng positive 1.33% sa production.
At maliban pa po diyan, matagumpay pa rin po nating naibaba ang insidente ng kahirapan sa sektor ng pangingisdaan mula po sa 36.9% noong taong 2015, bumaba po ito sa 26.2% pagdating po ng taong 2018. So these are the figures showing ng mga naging pagbabago sa administrasyong Duterte sa sektor ng pangingisdaan.
And of course, siyempre sa tanong mo kung ano iyong nais na ipagpatuloy, nandiyan po ang aming layunin na ipagpatuloy ang mga iba’t ibang livelihood development program para po sa ating fishery sector. Of course, we would like to continue our National [unclear] Program; ito pong tinatawag naming Lambak Land Program; itong pagpapalakas ng ating mga [unclear] mangingisda; pati po iyong pagtugon ng ating investment ng pamahalaan doon sa aquaculture development. So ito po iyong mga programa na nais nating maipagpatuloy at kami po ay umaasa na ito rin po ang magiging prayoridad ng bagong administrasyon.
GORRICETA: Sir, maraming salamat po sa paglalaan ninyo ng oras sa amin ngayong araw, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Chief Information Officer Nazzer Briguera. Stay safe po tayo.
BFAR CHIEF IO BRIGUERA: Maraming salamat din po sa pagkakataon.
GORRICETA: Sa iba pang balita binisita ni Senator Christopher Bong Go at nagpaabot ng tulong sa 33 pamilya na nasunugan sa Barangay 69, Caloocan City. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
GORRICETA: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Hanggang bukas pong muli.
Sa ngalan po ni Usec. Rocky Ignacio, ako po si Audrey Gorriceta at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)