Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Mr. Aljo Bendijo


Event Public Briefing #LagingHandaPH

MR. BENDIJO: Magandang umaga po sa lahat ng nakasubaybay sa ating programa sa loob at labas ng bansa at ganoon din sa mga nakatutok ngayon sa ating online streaming. Sa ngalan po ni PCOO Secretary Martin Andanar at Undersecretary Rocky Ignacio, ako po ang inyong lingkod Aljo Bendijo. Basta’t laging handa at sama-sama kaya natin ito. Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Silipin na natin ang pinakahuling bilang ng COVID-19 sa buong kapuluan. As of 4 P.M. kahapon, September 8, 2020, nakapagtala ang Health Department ng karagdagang 3,281 reported COVID-19 cases sa bansa na may kabuuang umabot na sa 241,987 cases. Nadagdagan naman ng 286 ang bilang ng recoveries o mga gumaling mula sa sakit na sa kabuuan ay umabot na sa 185,178; habang dalawampu’t anim naman ang dumagdag sa mga nasawi na sa kabuuan ay nasa 3,960 na.

Kahapon, nadoble ang pag-angat ng reported cases sa bansa mula sa 1,283 noong September 7, ito po ay pumalo kahapon – 3,281. Ito na ang pangalawa sa pinakamataas na bilang sa nakalipas na isang linggo. Nananatili pa rin ang National Capital Region bilang pangunahing pinagmumulan ng mataas na kaso ng COVID-19. Kahapon ay muli itong nakapagtala ng 1,420 new cases. Sumunod naman ang Cavite with 263 cases. Mahigit dalawang daan din ang bagong kasong naitala sa Negros Occidental, samantalang nasa ikaapat na puwesto naman ang Laguna na may 197 na mga bagong kaso at hindi nalalayo ang Rizal na may 196 new cases.

52,893 ang kabuuang bilang ng active cases sa bansa at katumbas ito ng 21.9% ng total cases. Ito po ay mas mataas nang 1% sa ating naiulat kahapon. Sa bilang na iyan, 88.6% mild cases lamang; nasa 8.2% ang hindi kinakitaan ng sintomas samantalang 1.3% ang severe at 1.9% naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Muli po naming paalala, maging BIDA solusyon sa laban kontra COVID-19. Magagawa po natin ito sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask dahil napipigilan nito ang pagkalat ng droplets mula sa inyong bibig at ilong. Nababawasan din nito nang 67% ang chance na makahawa’t mahawaan ng sakit. At bukod sa ating kaligtasan, ang pagsusuot po ng mask ay pagpapakita rin ng respeto at kortesiya sa mga taong ating nakakasalamuha. Simpleng paraan lang po iyan pero malaki ang maitutulong para labanan ang COVID-19.

Para po sa inyong mga katanungan at mga concerns tungkol pa rin sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02894-COVID o kaya ay 02894-26843. Para sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang numerong 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Sa ating mga balita, kung sino ang sangkot sa korapsyon kailangang umalis, managot at makulong. Iyan po ang naging pahayag ni Senator Christopher ‘Bong’ Go matapos ang ginanap na pagpupulong ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng kaniyang Gabinete nitong Lunes.

Sa naturang pagpupulong, binanggit ni Pangulong Duterte na may tiwala pa rin siya kay Department of Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng mga ipinaparatang sa kalihim. Ginagawa pa rin naman daw ng Health Department sa ilalim ng liderato ni Secretary Duque ang kanilang makakaya upang makatulong sa ating mga kababayang apektado ng health crisis na mayroon tayo ngayon.

At pagdating naman sa mga alegasyon laban sa kalihim na may kaugnayan sa anomalya sa PhilHealth ay hinihintay na lamang ng Senado ang resulta ng investigation ng task force na nakatakdang isumite sa September 14. At kung mapapatunayang siya ay nagkasala ay kailangan siyang magbitiw na sa puwesto at managot.

Kaugnay niyan ay pinaalalahanan din ni Senator Bong Go ang PhilHealth na ipagpatuloy lang ang pagtulong sa ating mga kababayan sa kabila ng kinakaharap na kontrobersiya. Aniya nararapat lang na sapat ang pondo ng ahensiya lalo na sa panahong ito ng krisis at hindi dapat hayaan na maubos ito dahil sa katiwalian. Inihalintulad niya ang korapsiyon sa pandemyang ating nararanasan na kailangan ng bakuna para maalis ang mga sakit na sumisira sa integridad at sa kalidad ng serbisyo ng ating pamahalaan.

Sa kabilang dako naman, tiniyak ng senador na magiging maayos ang implementation ng Universal Healthcare Law, hindi lamang sa COVID-19 kundi pati na sa ibang sakit at pangangailangan ng ating mga kababayan.

At samantala, kasama nating magbabalita mamaya sina John Mogol mula sa PBS (Philippine Broadcasting Services), Alah Sungduan mula sa PTV-Cordillera, John Aroa mula sa PTV-Cebu at si Julius Pacot mula naman sa PTV-Davao. Habang makakapanayam rin natin sina Usec. Rene Glen Paje ng DSWD at si Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Bayan, kung may mga nais po kayong linawin sa ating mga resource persons, i-comment ninyo lang po iyan sa ating live stream at sisikapin nating maipaabot sa kanila ang inyo pong mga katanungan.

Para po sa ating unang panayam ay makakasama natin si DSWD Undersecretary Rene Glen Paje. Magandang umaga po sa inyo, Usec.

USEC. PAJE: Magandang umaga Aljo at magandang umaga rin sa lahat ng mga nanonood at sumusubaybay sa ating palatuntunan.

MR. BENDIJO: Opo. As of September 6, Usec., umabot na sa mahigit 82.1 bilyong piso ang naipamahagi na ng DSWD sa higit 13.70 million na pamilyang benepisyaryo ng SAP, ito pong Social Amelioration Program. So far Usec., ilan po ang bibigyan natin ng ayuda kabilang na po iyong waitlisted o iyong mga karagdagang pamilya at mga indigent senior citizen, Usec.?

USEC. PAJE: Base po sa ulat kahapon, iyong report natin mahigit 82 billion na nga iyong ating naipamahagi sa 13.7 million na beneficiaries. Ipinaabot po natin ito sa kanila sa pamamagitan ng manual at digital payout, kasama po dito iyong mga beneficiaries ng 4Ps, iyong mga non-4Ps, iyong mga waitlisted, iyong mga nasa ECQ areas at ganoon din po iyong ating mga transport network and vehicle service at PUV drivers.

Ngayon po ay umaabot pa rin sa mga 400,000 na lamang ang mga benepisyaryo na dapat mabigyan o mapaabutan ng ayuda at makakaasa po kayo na kayo po ay makakatanggap ng ayuda na ito dahil ang pondo naman po nito ay nakalaan na at earmarked na po ito para sa inyo.

MR. BENDIJO: Opo. Bukod diyan sa Lungsod ng Iligan, Usec., inanunsiyo na rin po na isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Lungsod ng Bacolod at Lanao del Sur. Kung saka-sakali po Usec., ito ba ay sakop pa rin ng SAP?

USEC. PAJE: Ang Bacolod po ay kasama na talaga iyan sa second tranche na babayaran natin sa SAP sapagkat siya po ay nakasaad doon sa Executive Order No. 112 dated May 1, 2020. At bagama’t po nais din natin sanang matulungan iyong Lungsod ng Iligan sa Lanao del Norte ay hindi po sakop kasi ng second tranche iyong lugar na ito.

Kung kaya’t maaari na lang po iyong mga talagang nangangailangan dito ay mag-avail sila ng ibang programa ng DSWD katulad po ng Assistances to Individuals in Crisis Situation na maaari naman pong makatulong sa nangangailangan ng medical assistance at burial assistance, educational assistance at iyong iba pa pong mga pangangailangan nila. Kasama rin po dito iyong social pension para naman sa ating mga indigent senior citizens.

Ang ating DSWD Field Office X at DSWD Field Office XII po ay nakahanda ring umalalay at magbigay ng resource augmentation base sa magiging request ng pamahalaang lokal ng nasabing lugar.

ALJO BENDIJO: Opo. Bukod po sa financial assistance, Usec., ay may isinasagawa rin kayong mga… itong tinatawag na “technical vocational trainings” sa inyo pong mga benepisyaryo, iyan ay sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program. Anu-ano po iyong mga training ang inu-offer po ng DSWD?

USEC. PAJE: Tama po kayo, ang DSWD sa pamamagitan ng ating mga field office, ay nagbibigay din po ng technical and vocational trainings sa mga benepisyaryo ng, unang-una, 4Ps – iyong mga beneficiaries ng 4Ps. At ito ay ginagawa natin sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program o iyong SLP na tinatawag; ang layunin po nito ay upang mapabuti ang kalagayan panlipunan ng mga mahihirap nating pamilya.

Sa ilalim po ng SLP ay nililinang natin iyong kakayahan ng mga mahihirap sa kanilang kabuhayan. Ang kaagapay po natin dito ay ang mga ahensiya ng gobyerno, iyong ibang organisasyon, lalong-lalo na po iyong TESDA – may pakikipag-ugnayan po tayo sa kanila para mabigyan ng technical and vocational training iyong mga nangangailangan.

Mayroon din po tayong memorandum of agreement sa mga technical and vocational institutions upang maipatupad ito.

Kabilang po sa mga training na ito ay iyong carpentry, masonry, bread and pastry making, welding, automotive, and security training, at iba pa pong mga skills na puwedeng mapagkunan o makadagdag sa kabuhayan ng ating mga beneficiaries.

ALJO BENDIJO: May mga kababayan po tayong nakatanggap, Usec., ng unang bugso, itong first tranche ng SAP (Social Amelioration Program) pero hindi na nakatanggap ng pangalawang tranche dahil sinasabing ineligible sila, hindi sila qualified. Anu-ano po iyong mga basehan para maging qualified po ang isang beneficiary sa pangalawang bugso nitong SAP?

USEC. PAJE: Alinsunod po doon sa ating panuntunan na nailahad na rin ng ahensiya, ang mga ineligible po, iyong mga hindi maaaring maging benepisyaryo ng SAP dahil hindi sila kabilang sa low income families na target na mabigyan ng ating SAP subsidy. Sila po ay kabilang sa mga sumusunod: Iyong halal o itinalagang opisyal ng pamahalaan o kinontratang tauhan sa anumang pambansang ahensiya ng pamahalaan, mga korporasyon na pagmamay-ari o kontrolado ng pamahalaan at lokal na unit ng pamahalaan at mga government-owned and controlled corporations na may original charter. Kasama din po dito iyong mga empleyado sa [garbled] sector o iyong mga nasa pormal na ekonomiya, kasama ang mga empleyado ng mga GOCC na walang original na charter. At kasama rin po iyong mga ibang … o iyong mga retiradong indibidwal na tumatanggap na [garbled], at iyong mga pamilyang may sariling pinagkakakitaan batay na rin sa intensiyon ng RA 11469 na magbigay lamang ng emergency subsidies sa mga pamilyang mabababa ang kita na lubos na naapektuhan nitong quarantine measures.

Kung matatandaan din, ang ahensiya ay nagsagawa ng validation upang suriin kung karapat-dapat talaga ang benepisyaryo o kung walang duplikasyon at hindi mahigit isang beses siyang nakatanggap ng tulong sa pamilya mula sa DSWD o iyong iba pang ahensiyang nagpapatupad ng SAP katulad ng DOLE, ng DA at iba pa. Kailangan po kasing matupad natin iyong panuntunan sa pagbibigay ng ayudang ito.

ALJO BENDIJO: Sa mga probinsiya po, Usec., na hindi pa nakakatanggap ng pangalawang bugso ng Social Amelioration Program, itong SAP, mayroon bang deadline para dito? Kailan po nila maaasahang matatanggap ang ayuda?

USEC. PAJE: May clean list po tayo kasi na ginawa ‘no, at ang lahat po ng lokal na pamahalaan na kabilang sa second tranche ay malalaman natin mula dito kung sinu-sino iyong mabibigyan ng ayuda sa kani-kanilang lugar. Kaya maaari po silang makipag-ugnayan sa kanilang mga local social welfare and development officer upang malaman kung kabilang dito. Dito po ay makikita ito sa website ng DSWD field office ang clean list ng beneficiary ng bawat rehiyon. At maaari din po silang makipag-ugnayan sa pinakamalapit na DSWD field office kung saan sila makakakuha ng dagdag na impormasyon na nais nilang malaman.

Ang second tranche po ay tuluy-tuloy nating ipinatutupad at ipinamamahagi iyong ayuda kung kaya’t ang abiso po natin ay hintayin lamang po dahil mayroon pa pong mga iba na beneficiaries na kulang pa rin po ang kanilang information na nai-submit kung kaya ito po ay bina-validate natin at tuluyang tinatrabaho upang maibigay sa kanila ang ayuda sa lalong madaling panahon.

ALJO BENDIJO: Maliban po sa SAP, Usec., at Sustainable Livelihood Program, pangkabuhayan, programang pangkabuhayan ng pamahalaan, may mga programa pa kayo diyan sa DSWD katulad ng pamimigay ng pagkain – food packs – at itong nabanggit ninyo kaninang tulong/ayuda/assistance sa mga indibidwal lalo na ngayong may krisis, ito pong crisis situation program natin ‘no. Ito ba ay ongoing pa rin; kumusta po ang programang ito, Usec.?

USEC. PAJE: Tama po, tuluy-tuloy po ang pamimigay natin o iyong implementasyon natin ng iba’t ibang programa sa DSWD, ito po iyong mga ibang regular programs natin. Nakapagpamahagi na po tayo ng tulong pinansiyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation sa halos 381,000 o mahigit 381,000 na mga kliyente, at sa kabuuan na nagkakahalaga ng 1.6 billion pesos. At ito po ay kabilang ang tulong medikal, iyong food and non-food assistance, transportation at maging ang burial assistance.

Samantala po mahigit 2.8 million na mga indigent senior citizens na rin ang nakatanggap ng ayuda mula sa… o nakatanggap ng kanilang pension mula sa Social Pension for Indigent Senior Citizens Program ng DSWD. Sa kabuuan po, nasa 8.4 billion na rin po ang naipamahagi natin.

Bukod po dito, ang DSWD ay patuloy rin na namamahagi ng family food packs sa mga lokal na pamahalaan upang matugunan iyong kanilang pangangailangang pagkain para sa kanilang mga nasasakupan. Sa kabuuan din po, nasa 1.7 million family food packs na rin ang naipamahagi natin at nagkakahalagang 9.1 million pesos sa mga lokal na pamahalaan sa buong kapuluan.

BENDIJO: Mensahe na lang po ninyo, Usec. Kung may nais pa po kayong gustong linawin tungkol sa SAP, Social Amelioration Program, para po sa ating mga kababayan?

USEC. PAJE: Nais po nating i-assure, siguraduhin na ang mga kababayan po natin na hindi pa nakatanggap, iyong mga eligible beneficiaries ay makakatanggap o matatanggap po ninyo ang second tranche, lamang ay inaayos natin, sinisigurado natin ang validation upang maiwasan iyong mga duplicates. Ganoon din po, sa kabila po ng COVID-19 o sa kabila ng banta nito, ang DSWD ay patuloy po na tumutupad sa mandato nito na magbigay ng serbisyo sa sambayanang Pilipino, lalung-lalo na doon sa mga kababayan nating lubos na nangangailangan.

Walang sawa po tayo na magpapasalamat sa ating mga katuwang sa implementasyon ng mga programang ito lalo na sa LGUs, sa mga local social welfare and development offices, ang Bangko Sentral ng Pilipinas, ang financial service providers at mga ilang ahensiya ng gobyerno. Maraming salamat po sa inyong tulong, sa pagpapahatid ng impormasyon na ito sa ating mamamayan.

BENDIJO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Usec. Rene Glenn Paje ng Department of Social Welfare and Development, ingat po kayo Usec.

USEC. PAJE: Good morning po, salamat po.

BENDIJO: At sunod nating makakapanayam si contact tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Magandang umaga po sa inyo, Mayor.

MAYOR MAGALONG: Magandang umaga po, Aljo. Magandang umaga po sa ating tagapakinig.

BENDIJO: Opo, dahil po sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Bacolod ay nirekomendang ibalik ito sa MECQ, Modified Enhanced Community Quarantine, kasama na ang Lanao Del Sur. Anu-ano po ang mga observation at solusyon na sa tingin ninyo ay nararapat para tugunan ang patuloy pang paglobo ng kaso po doon?

MAYOR MAGALONG: Okay, mabuti po natanong ninyo iyan, Aljo. Unang-una, actually paalis po kami ngayon papunta kaming Bacolod para talagang gusto nila Secretary Galvez at Secretary Vince, eh talagang makita ho namin iyong totoong sitwasyon doon at matulungan po talaga si Mayor Bing. Ngayon po ang alis namin.

Kahapon naman po nasa Tuguegarao ako. Dahil by land naman iyon, 16 hours and biyahe na turned around time. But anyway, ito nga iyong tinututukan namin, dahil tumataas nga iyong cases, pero mayroon pong mga reason, kung bakit tumataas. Unang-una tinataas din po ni Mayor Bing ang kaniyang testing capacity. The more you test, the more you will be able to determine iyong situation mo on the ground.

So importante po iyong nagte-test ako sa iyo lagi, dahil mayroon tayong situational awareness. Better situational awareness, you have a better, you know, feel of what is the real situation and will come up with better decision, more tactical and strategic. Hindi po katulad doon sa ibang LGU na itinatago nila iyong kanilang COVID-19, so hindi sila nagte-test, hindi rin nila itinataas iyong kanilang contact tracing efficiency ratio.

BENDIJO: Opo, ngayong araw po ay – tama po ba – kayo ay mamamahagi ng COVID-19 testing kits pagdating ninyo diyan sa Bacolod, kasama ang ilang mga miyembro ng Gabinete ng Pangulo – Secretary Vince Dizon, si DPWH Secretary Mark Villar at si Usec. Bong Vega? Maaari po ba naming malaman kung ilang testing kits ang ipapamahagi at ilang laboratories at medical facilities ang makikinabang po dito, Mayor?

MAYOR MAGALONG: Hindi ko pa ho alam ngayon, iyong exact na figure, pero usually po ang initial na lagi naming dala, every time we visit a particular region or local government, mayroon na po kaming dala kaagad na 20,000 na test kits and mostly, these are VTMs, iyong viral transport medium o iyong universal transport medium. Anyway, iyong test kits naman para sa molecular lab ay talagang dinidiretso na iyan sa molecular lab na designated na molecular lab doon sa kanilang lugar. At alam ko, mayroon pa po kaming mga dalang mga PPEs at depende po doon sa pag-uusap namin mamaya nila Mayor Bing, saka po namin made-determine talaga kung ano po iyong mga iba hong kailangan nila. As contact tracing lead, ako naman po tututukan, ko iyong kanilang contact tracing capability.

BENDIJO: Opo, noong nakaraang buwan po ay sinabi nga na may kakulangan pa rin tayo sa contact tracer sa bansa. Kumusta po, Mayor, iyong planong kumuha tayo ng karagdagang contact tracers ngayong buwan? I heard na mayroon po tayong mga training para sa mga contact tracers. In fact, Nakausap ko po iyong Mayor ng Mariveles sa Bataan, si Atty. Castañeda at lubos po siyang nagpapasalamat po sa inyo.

MAYOR MAGALONG: Opo at tuluy-tuloy po iyong ating training. In fact, sabi ko nga po, galing lang ho kami sa Region ll kahapon at ang binibigyan po nating emphasis dito iyong, unang-una, cognitive interviewing skill, iyong retooled na contact tracing system na it was so based on the DOH contact tracing guidelines and the DILG na contact tracing guidelines. Ang then iyong used upon [unclear], ang importante doon, eh iyong how do you process that and analyze it. So, iyon po iyong mga itinuturo namin ngayon sa iba’t-ibang mga local government units.

BENDIJO: Opo, mayroon po tayong tanong, bibigyan lang natin ng pagkakataon itong tanong ni Joseph Morong, Mayor, from GMA news. Ang tanong ni Joseph: How many contact tracers do we have versus how many we need, Mayor?

MAYOR MAGALONG: Sa ngayon po ay nagkakaroon po kami ng inventory, dahil nga po ni-restructure po natin iyong contact tracing at organization. In fact, noong i-introduce po natin iyong contact tracing system kagaya ng components po noon, iyong mga contact tracers or interviewers na tinatawag po natin. Second is iyong analysts or iyong mga titingin po doon sa mga o mag-a-analyze po ng data, iyong technical support, iyong mga data encoders at iyong community support system. So iyon po iyong inaayos po namin ngayon at we are getting a lot of you know feedback coming from the local government units.

Right now, I don’t still have the exact number, pero po iyong kailangan po natin, doon po sa pondo na inilaan po ng ating Bayanihan ll, 50,000 po iyong naka-allot po doon for the next three months na contact tracers. Pero kung Tatanungin po ninyo sa akin, tama po ba iyong number na iyon, siyempre po kulang. Kaya nga po kami talagang ini-emphasize po natin iyong tinatawag po nating volunteerism doon sa item. So we are now—we might need a psychologist, iyong mga tao po na involved doon sa HR, iyong ating mga health workers, mayroon din po tayong mga retired personnel na na-involved sa investigation, iyong mga graduates po ng technologies, ito po iyong mga nakikita natin na mga potential po na contact tracer.

BENDIJO: Pahabol na tanong ni Joseph Morong ng GMA, Mayor. Ang tanong po niya, are we confident that we are finding all the contacts of COVID positives o may mga pakalat-kalat pa rin na hindi natin nakukuha. How many do you think are these?

MAYOR MAGALONG: Good question. Unang-una ho na-establish po natin iyong ating benchmark, 1 is to 37. Depende po iyan, nasa range po iyan ng 30 to 37 po. And then ratio po ng rural is for every patient, dapat po contact trace is 25 to 30. Right now, nakikita po namin na every week po namin kasing ina-analyze iyong ating data, nandoon pa lang tayo sa 1 is to 5. Although, some local government units have already, you know, improved their contact tracing capability to 1 is to 12, mayroon pa nga po 1 is to 18, 1 is to 20. Tuguegarao, one time, nasa 1 is to 30 po sila. So, malayo pa po tayo, nakakalungkot isipin na malayo pa po tayo. And I would like to encourage po iyong ating local chief executives, lalung-lalo na kaming mga mayors, puwede po sana, please have yourself directing also contact tracing, dahil napakalaking bagay po iyong mga mayor na nakakatutok sa contact tracing.

BENDIJO: Mapunta naman po tayo sa Lungsod ng Baguio, Mayor Ben. Matapos mag-lockdown ang 34 na barangay doon sa Lungsod ng Baguio dahil pa rin sa COVID-19 nitong Agosto, hanggang ngayon ba ay may mga barangay pa ring naka-lockdown?

MAYOR MAGALONG: Mayroon na lang hong eleven na naka-lockdown. The other day, 13, nabawasan po ng dalawa dahil everytime po na—ang lockdown naman po namin for the next 48 hours sometimes 24 hours lang. Kapag nagkaroon na kami ng special na mga cases immediately po nila-lockdown namin iyong barangay and then for the next few hours, 24 hours, tinitingnan po namin iyong extent ng infection specially the number of close contacts po ng confirmed positive case.

Sometime it’s just a matter of a few hours [garbled]

BENDIJO: Opo. Mayor—Naku, naputol si Mayor! Balikan natin si Mayor Ben Magalong. Si mayor po ay paalis papuntang Bacolod City at kukumustahin lang natin kung puwede na bang pumasok ngayon para mamasyal diyan sa Lungsod ng Baguio.

Balikan natin, napuputol. Kanina putul-putol din ang kaniyang linya ng komunikasyon.

Nandiyan na ba si Mayor Ben?

Wala pa? Puntahan muna natin sandali lang, balikan natin si Mayor Magalong. Puntahan muna natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula sa PBS – Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni John Mogol mula sa PBS o Radyo Pilipinas.

John, magandang umaga!

[NEWS REPORT BY JOHN MOGOL]

[NEWS REPORT BY SARAH CAYABYAB]

(News reporting cut)

BENDIJO: Balikan natin ang mga balita mula sa Radyo Pilipinas. Si John Mogol balikan natin mamaya. At kung matawagan natin ulit si Mayor Ben Magalong.

Iyon na nga, itatanong natin kung puwede na bang mamasyal ang ating mga kababayan po diyan sa Lungsod ng Baguio. At batay sa mga balitang nakalap natin, puwedeng pumunta diyan pero iyong mga taga-Region I lang. How about iyong taga-NCR, puwede na bang pumunta ng Baguio?

Iyan… Basta’t hanggang mayroon pa pong community quarantine ‘ika nga. Naka-General Community Quarantine halimbawa ang NCR, mayroon pa ring community quarantine. Iyan, paalala ng ating mga kababayan, huwag lang iyong minimum siguro iyong pinakamataas ng health standard para hindi na po bumalik pa, tumaas. Nagpa-flatten na iyong curve eh! Maganda na ang nangyayari sa ating bansa. Effective na ang paglaban natin sa COVID-19

Samantala, pinakahuling balita tayo mula naman sa PTV Cordillera kasama si Alah Sungduan.

Alah, magandang umaga!

[NEWS REPORT BY ALAH SUNGDUAN]

BENDIJO: Maraming salamat, Alah Sungduan ng PTV Cordillera. Magbabalita naman gikan diha sa Dakbayan sa Davao, Julius Pacot.

Maayong buntag, Julius!

[NEWS REPORT BY JULIUS PACOT]

BENDIJO: Daghang salamat, Julius Pacot ng PTV Davao!

Mula Davao puntahan naman natin ang mga kaganapan diha sa Dakbayan sa Sugbo kasama si John Aroa.

John, maayong buntag!

Balikan natin si John Aroa.

Samantala, tungo tayo diyan sa Radyo Pilipinas, sa PBS Radyo Pilipinas balikan natin si John Mogol.

John?

[NEWS REPORT BY GEMMA NARIT]

[NEWS REPORT BY SARAH CAYABYAB]

BENDIJO: Thank you, John Mogol ng Radyo Pilipinas! Balikan natin si Mayor Benjamin Magalong.

Mayor, are you there?

Mayor Ben?

Mayor Magalong, hello?

Mayor Benjamin Magalong ng Lungsod ng Baguio, mayor?

Mayor Ben, hello po?

Naku, wala pa! Hindi tayo naririnig.

Mayor Magalong?

Ayusin lang natin… Mayor Ben? Mayor Magalong?

Wala pa. Balikan natin… balikan natin… Sige, try siguro nating tawagan uli. Tawagan natin uli.

Mayor Ben?

Wala pa rin. O, sige… Marami pa tayong tanong kay Mayor Benjamin Magalong, ang Contact Tracing Czar na ngayon po ay naka-schedule na tumungo diyan sa Lungsod ng Bacolod. Namit diha sa Bacolod! Namit gid itong mga pagkaon diha. Maayong aga sa atong mga igsuon diha sa Bacolod at diyan sa bahagi po ng Lanao! Dahil po medyo tumataas ang kaso ng COVID-19 diyan.

Mahirap po kapag bumalik tayo sa MECQ – Modified Enhanced Community Quarantine dahil maraming apektado diyan. Siyempre, ang pangkabuhayan, ang trabaho at negosyo kaya’t kung nanaisin lang ng pamahalaan talagang GCQ and MGCQ na tayo, itong Modified General Community Quarantine para sa ganoon ay makapag-open na ang lahat ng negosyo ngayon na may pandemic pa at marami pong nawalan ng trabaho sa ating mga kababayan.

So, ganoon pa rin ang paalala ng ating pamahalaan, mag-ingat tayo; naka-community quarantine pa rin po tayo. Taasan natin ng kaunti itong health standard – paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face mask.

Iyong mga pasahero pala ng mga public transportation pati na mga driver, pati na iyong mga nagmamaneho ng mga delivery truck, iyan po… kinakailangan kayong magsuot ng face shield. Huwag ninyong kalimutan iyang face shield at saka iyong face mask.

Bumababa na po ang hawaan, nagpa-flatten na ang curve. Magandang balita po iyan pero depende pa rin iyan kung papaano natin isu-sustain ang pag-flat ng curve. Iyon ang thrust ng gobyerno ngayon.

So, hinihingi po ang inyo pong kortesiya, ang inyong kooperasyon na sundin lang at making tayo sa payo ng ating IATF – Inter-Agency Task Force, pati na po ang Health Department dahil wala pang bakuna at wala pang—may mga gamot pero itong bakuna talaga na hinihintay natin ay hopefully darating na iyan before Christmas upang sa ganoon ay masaya ang ating Kapaskuhan.

Sa Lungsod ng Baguio, mayroon din silang travel package diyan. Kung makakasagot sana si Mayor na puwedeng umalis pala ng Lungsod ng Baguio ang ilan nating mga kababayan po diyan na pumunta Ilocos.

Sa lahat naman ng bibiyahe ngayon, may mga biyahe naman ang eroplano, ganoon pa rin ang gagawin natin huh! Mayroon pa ring mga health protocols na susundin. Puwede kayong i-isolate for 14 days, may swab test pong available pagdating na sa mga airport. So, kung maaari kung hindi naman importante talaga ang lakad eh manatili na lang po tayo dito sa Metro Manila. At kung wala namang pasok eh sa bahay lang muna tayo mga bata, 21 years old and below o kaya 60 years old and above, ang ating mga kababayang mga nakatatanda.

Mayroon tayong nakikitang mangilan-ngilan diyan na namamalengke, mga nakatatanda nating kababayan. Ipaubaya ninyo na lang po iyan sa inyong mga anak, iyong mga nakababata dahil mayroon pa ring COVID sa kapaligiran. Tandaan natin ang COVID hindi na po iyan mabubura sa balat ng lupa, kasa-kasama na natin sa buhay iyan. So, we have to live with COVID, iyan ang pinakaimportante diyan… ingat-ingat tayo.

All right! Nandiyan na si Mayor?

Mayor Ben? Mayor Ben Magalong?

MAYOR MAGALONG: Pasensya na ho kayo, hindi ko talaga kayo marinig. Hindi ko ho kayo talaga maintindihan.

BENDIJO: Mayor Ben? Mayor Ben?

MAYOR MAGALONG: Hindi ko ho kayo maintindihan.

BENDIJO: Mayor Magalong, are you there?

MAYOR MAGALONG: Yes, sir! Hindi ko ho kayo talaga maintindihan.

BENDIJO: Opo… Mayor, this is Aljo Bendijo. Balik po tayo dito sa Laging Handa Public Briefing.

MAYOR MAGALONG: Yes, sir! Go ahead! Go ahead po.

BENDIJO: Mayor, we are also interested na malaman namin, ng taumbayan kung papaano po ninyo patuloy na namo-monitor ang inyong siyudad despite the fact na kailangan ninyong umikot sa mga focus areas sa bansa para gampanan ang tungkulin ninyo bilang Tracing Czar?

MAYOR MAGALONG: Aljo, talagang hindi ko ho maintindihan talaga iyong boses ninyo for some reasons. Siguro kaya nga technical problem—

BENDIJO: Napuputol si Mayor… Mayor?

MAYOR MAGALONG: Yes? Yes, sir? Hindi ko talaga ho maintindihan—

BENDIJO: Tuloy lang po, sige po. Go ahead.

MAYOR MAGALONG: Nawawala ho iyong salita ninyo.

BENDIJO: Steady lang po kayo diyan, sir. Go ahead po.

Talaga, mahina. Baka nasa airport si Mayor ano, pasakay ng eroplano, tama ba? Papunta po siya ng Bacolod City.

Well, anyway thank you so much, Mayor Ben! Benjamin Magalong, ang atin pong Contact Tracing Czar at ang Mayor po ng Baguio City.

Samantala, nais po nating magpasalamat sa atin pong mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa dito po sa #LagingHandaPH at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo!

At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Muli’t-muli po ang aming paalala: Be the part of the solution! Wear mask, wash your hands, keep distance! Distancia amigo ‘ika nga. Stay at home.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar at ni Undersecretary Rocky Ignacio, ako po si Aljo Bendijo.

Samahan ninyo kami muli bukas dito po sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)