SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas at pagpupugay sa lahat ng ating mga kababayan na nasa iba’t-ibang panig ng mundo, ganoon din sa lahat ng mga nakasubaybay ngayon sa kani-kanilang mga telebisyon, radyo at sa online streaming. Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Rocky…
USEC. IGNACIO: Good morning Secretary. At ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio, kasama ninyong magbabalita patungkol pa rin sa health crisis na kasalukuyan nating nararanasan hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.
SEC. ANDANAR: Basta sama-sama at laging handa kaya natin ito, kaya naman bayan halina at inyo kaming samahan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
USEC. IGNACIO: Secretary, makakasama rin nating magbabalita si John Mogol mula sa Philippine Broadcasting Service – Radyo Pilipinas at si Alah Sungduan mula po sa PTV Cordillera.
Samantala, alamin naman natin ang pinakahuling bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. As of 4 P.M. ng May 26, 2020, ayon po sa Department of Health, mayroon nang 14,669 cases ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa matapos madagdagan nang 350 cases kahapon. Ito na po iyong pinakamataas sa bilang ng kasong naitala ng DOH sa loob ng limampung araw mula April 6; habang walumpu’t siyam naman po ang nadagdag sa mga gumaling na may kabuuang bilang na 3,412. Samantala, pumalo naman po sa 886 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw matapos itong madagdagan ng labingtatlo kahapon.
Samantala, alamin din natin ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa buong mundo. Ayon po sa Johns Hopkins University and Medicine, mayroon nang 5,559,130 COVID-19 cases sa buong mundo kung saan 1,277,087 ang naka-recover habang 348,610 naman ang nasawi. Nasa ika-apatnapu’t tatlong puwesto ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
At upang maging updated sa mga hakbangin ng pamahalaan kontra COVID-19, magtungo sa aming COVID-19 portal. Bisitahin lamang ang www.covid19.gov.ph.
SEC. ANDANAR: Hinggil po naman sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19 ay tumawag lang po sa 02894-26843. Para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, mangyaring i-dial lang po ang 1555. Maari ninyo ring tawagan ang hotline numbers ng iba’t-ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita ninyo sa TV screens.
USEC. IGNACIO: Para naman Secretary sa pinakaunang balita, labingpitong alkalde sa Metro Manila sang-ayon po na ilagay na sa General Community Quarantine ang National Capital Region. Sa pagpupulong ng Metro Manila Council kahapon, napagdesisyunan nila na maari nang isailalim sa General Community Quarantine ang Metro Manila sa June 1st. Sa ilalim ng GCQ, maari pa ring i-lockdown ng mga alkalde ang isang barangay kung makikitaan ito ng mataas na bilang ng COVID-19 at mahigpit pa ring ipatutupad ang safety protocols.
Pero ang rekomendasyon pong ito ay subject to approval pa rin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases or IATF at sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sakali mang ilagay na sa General Community Quarantine o Modified General Community Quarantine ang Metro Manila, narito po ang guidelines na inilabas ng IATF as of May 15, 2020 na makikita ninyo sa inyong TV screens.
Sa ilalim po ng General Community Quarantine: Limited movement to services and work within buffer zone and outside buffer zone; operation of government offices and industries up to maximum of 75% workforce; limited transportation services to support government and private operations; flexible learning arrangements; operate at limited capacities to cater to students.
Habang sa Modified GCQ naman: permissive socioeconomic activities with minimum public health standards.
SEC. ANDANAR: Panukalang batas ni Senador Bong Go patungkol po naman sa pagpapalakas ng healthcare system ng bansa suportado ng Department of Health at ng Union of Local Authority to the Philippines o ULAP. Sa hearing ng Senate Health Committee kahapon, nagpakita ng suporta ang DOH, ULAP kay Chair of the Committee on Health and Demography Senador Bong Go para sa kaniyang inihaing batas. Sakop ng panukalang batas na ito ay ang pagpapataas ng bed capacity sa mga pampublikong ospital, karagdagang quarantine facilities at pagtatayo ng subnational laboratories para mapalakas ang disease surveillance and epidemiologic investigation system ng bansa.
Samantala, nanawagan din naman si Senador Bong Go sa mga lokal na pamahalaan na tanggapin ang mga returning OFWs sa kanilang mga probinsiya. Pinaalalahanan ni Senador Bong Go ang mga concerned agencies na siguraduhing dadaan sa safety protocols, lalo na ang COVID-19 testing, ang OFWs at local stranded individuals bilang bahagi ng proseso bago sila makauwi sa kanilang mga probinsiya. Narito ang pahayag ni Senador Bong Go: [VTR]
Nilinaw din ni Senador Bong Go na ang pagpapauwi sa mga stranded students, workers, tourists at OFWs ay hindi sakop ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa program.
USEC. IGNACIO: Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang pagtutulungan at pagkakaisang ipinapakita ng pamahalaan at ng pribadong sektor sa gitna ng krisis na dinaranas ng bansa. Kahapon po ay pormal nang nag-turnover ang Ayala Multi-Purpose Cooperative ng kahung-kahong set ng personal protective equipment sa Philippine Medical Association, at sa pakikipagtulungan ng Cooperative Development Authority. [VTR]
Laking pasasalamat naman ng PMA sa patuloy po na pagsuporta ng iba’t-ibang pribadong sektor sa pamamagitan po nang tuluy-tuloy na donasyon ng mga ito ng mga pangunahing pangangailangan ng ating medical frontliners. [VTR]
Sa kasalukuyan po ay tuluy-tuloy din ang pagbuhos ng mga donasyon mula sa iba pang kooperatiba sa bansa bilang pagtugon po sa pangangailangan ng bawat mamamayang Pilipino sa pagsugpo sa COVID-19.
SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang ating siksik at komprehensibong talakayan ngayong araw.
USEC. IGNACIO: At kung kayo po ay may nais ding itanong sa ating mga resource persons, i-comment lang po sa ating live feed at sisikapin po natin itong bigyan ng kasagutan.
SEC. ANDANAR: Ang una nating makakapanayam ay ang masipag at epektibong public servant na ngayon ay very proud COVID-19 survivor si MMDA General Manager, Sir Jojo Garcia. Talagang hindi mo na makikilala si Sir Jojo kapag nakita mo ngayon, mahaba na ang kaniyang buhok at mayroon na siyang bigote. Magandang umaga sa iyo, Sir Jojo.
GM GARCIA: Good morning, Secretary; at good morning po, Usec. Rocky. Good morning po sa lahat ng nanunuod at nakikinig po.
SEC. ANDANAR: GM unahin ito, sa pagpupulong po ng Metro Manila Council at iyong 17 lungsod sa Metro Manila kahapon ay naging iisa po ang kanilang desisyon, ito po ay ilagay na General Community Quarantine and Metro Manila sa June 1. Sakaling matuloy po ito ay sisimulan po ninyo itong modified number coding scheme. Please tell us more about this, GM?
GM GARCIA: First, iyon nga po nagkaroon kami ng pagpupulong last night and it only took us more than one hour; unlike ng first meeting that it took us more than three hours. Kasi nga we are preparing for any scenario that the IATF will decide. First and foremost, the whole NCR Mayors plus the wisdom of the IATF kung ano po ang magiging desisyon nila, we will definitely follow and 100% ready po ang ating mga Mayors.
So, ito pong sa GCQ napag-usapan lang na dapat talaga ang NCR we will keep them as one, hindi puwede na ang isang siyudad ECQ ang isang siyudad MECQ, iyong isa GCQ. Kailangan kung ano po iyong isa ganoon po lahat kasi borderlines po talaga ang Metro Manila, so iyon po iyong aming mga suhestiyon.
Pangalawa po, bigyan din ng authority ang ating mga Mayors with the help of the health experts na puwede silang mag-lockdown ng mga barangay or zone if ever na makita po nila na mataas ang cases ng COVID and then to free up iyong other barangays para at least naman po masimulan na rin iyong ekonomiya doon.
Sabi nga ng mga Mayors natin, noong una, there is no such thing as a perfect decision here, ‘cause we really need to balance economy and health. So I think itong pag-shift natin ng GCQ if ever po iyan ang desisyon ng ating IATF, will be a good start ‘no to jumpstart also our economy.
And then ang mga hiniling lang po: Number one, pagdating po sa PUVs, public transpo, huwag na po muna sana iyong buses natin at jeepneys kasi mahirap pong i-control dito iyong physical distancing; alam naman po natin ang jeep natin at bus, stop and go iyan, magsasakay, magbababa. So, medyo mahirap pong i-monitor. Hangga’t hindi pa po atin nadidisiplina iyong ating mga kababayan sa tamang pagsakay at pagbaba po. Sa mga bus stops, magkakaroon po ng markers iyan para at least one meter apart sila.
Pero iyong ating mga TNVS, taxi, tricycle iyan po okay lang po iyan kasi kaya nating i-monitor kaagad kung ilan ang laman niyan, iyong mga shuttle service, iyong mga P-to-P po madali din pong i-monitor iyan. Kasi ang P-to-P kung saan iyong start nung sakay nila, kaya nating i-monitor iyon, hindi sila puwedeng magbaba at magsakay along the way.
Ngayon po nagkaroon din po ng pag-uusap tungkol sa coding. Alam naman po natin na dadami na naman iyong ating mga sasakyan, so puwede nating ibalik ang coding, pero may incentive po ‘no. Kasi imbes na hindi mo magagamit ang iyong sasakyan during your coding day papayagan na po natin ito basta at least dalawa po ang sakay. Ang atin pong idea rito is para ma-maximize natin ang labas ng lahat ng sasakyan at matulungan din natin iyong lack of public transportation.
Ngayon, kung kagabi sinasabi paano iyong ating mga frontliners ‘no, dito po kasi ayaw nating masyadong maabuso itong ganitong mga guidelines natin, kaya nga po sinasabi namin, okay iyong emergency doctors, iyong emergency nurses, medical teams, okay naman po iyan naiintindihan naman natin na hindi naman natin na hindi na ina-apprehend iyan, pero as much as possible po kung kaya ninyong magsakay ng isa, para po matulungan natin ang ating [garbled].
Pero definitely iyong mga umaangal po kaagad na bakit hindi kasama ang mga doktor everything ano, pinag-usapan po namin sa Metro Manila Council iyan, actually may approval na rin po kaya in-announce po ngayon. Hindi po talaga huhulihin kapag frontliner ka at sana medical team lalung-lalo na kung emergency. Sinabi ko naman po kahapon kapag emergency cases, case-to-case basis iyan. Ang sinasabi lang namin, as a whole ‘no, incentive mo na iyan, puwede mong gamitin during your coding day, pero magsakay ka naman ng isa para at least ma-maximize po natin ang paglabas ng lahat ng sasakyan sa kalsada.
Bago po magkaroon ng COVID mayroon po tayo ng datos diyan na 70% ng lumababas na kotse na private sa ating mga lansangan ay mag-isa lang. So ang sa amin lang – if ever coding kayo, gusto ninyong gamitin iyan – baka puwedeng isabay na ninyo iyong kapamilya ninyo o anak ninyo, asawa ninyo mag-isang sasakyan na lang po kayo.
SEC. ANDANAR: May mga rerouting plans ba na ibinigay ang LTFRB o ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sakaling mag-shift na ang Metro Manila to GCQ?
GM GARCIA: Okay. Alam ko po mayroong ipi-present ang DOTR, I just don’t want to preempt them. Pero based po sa mga previous meetings namin, maganda po ang direksyon ng LTFRB ngayon, magkakaroon na po ng rerouting tayo iyong mga sectors ng ating mga buses. Kasi po before iyong dating routes ng mga buses natin, kumbaga obsolete na sa panahon ngayon. We have 80 plus routes in NCR alone, 60 plus of those dumadaan po ng EDSA. So, iyong EDSA po natin talagang nako-congest ng todo, nasa 4,600 buses po iyan.
So, ang plano po ng LFTRB ay magkakaroon po ng single route halos lahat ng main thoroughfares. For example, kung galing po kayo sa Norte, Fairview, you are going to Alabang, dati po isang sakay ka lang, pero it will take you more than 3 hours because of traffic; pero kung magkakaroon po ng single route na lang ang ating major thoroughfares, meaning kung galing po kayo ng Fairview sasakay kayo ng bus bababa kayo sa end ng EDSA sa may bandang North, then sasakay kayo ng bus going to South, bababa kayo and then pupunta na kayo ng south, ng Alabang. Ang unang challenge po rito, ang sinasabi nila lilipat pa tayo ng bus three times, pero ‘pag sinuma tutal ninyo po iyong biyahe mas bibilis po iyan.
Number two, kung makikita po natin dati during rush hour, ang mga tao nasa kalsada parang kulang ang ating mga bus, punung-puno ‘no. Actually, hindi po kulang ang mga bus natin ang nangyayari lang sobrang tagal ng turnaround because of traffic, so hindi po nakaka-ikot agad at kinukulang iyong ating mga bus.
Pero kung tayo ay magkakaroon ng single route, for example in EDSA, gagawin natin 600 buses, we will dedicate a lane for the buses, sa left most lane na tabi ng MRT iyan dire-diretso na iyan, mas bibilis po iyong turn round nila. At kung 600 na buses po iyan in a span of 24 kilometers, so balikan po 48. So, more or less mga 5 buses per kilometer ang tatakbo diyan, so it’s more than enough na kahit 50% lang ang laman niyan because of physical distancing mabilis naman ang turn around. So we think ‘no, even LTFRB is tama po na lahat po ng ating major thoroughfares lagyan na lang single route na parang rotonda, ikot na lang sila ng ikot, so EDSA will be a connector road.
USEC. IGNACIO: Opo. GM, kamakailan po nagkaroon kayo ng dry run noong bike lane sa EDSA. Hanggang kailan po itatagal itong pagkakaroon natin ng bike lane sa EDSA?
MMDA GM GARCIA: Okay. Unang-una po, may programa tayo with our DOTr diyan, kasama rin po sa pagmi-meeting natin. Ang atin pong mga local government units may mga bike lane na – Marikina, Pasig, Taguig – halos lahat po may bike lane iyan.
Ang ano na lang sa amin, sa side ng MMDA, we need to connect it sa mga national road para [signal fade] Wala tayong bike lane pa sa EDSA. Kung lalagyan man natin ng temporary iyan, kukuha tayo ng isang lane eh baka hindi na ho magkasya. Kasi iyong existing na five lanes natin right now eh kulang na; kung magbabawas pa tayo ng isa, baka lalong magkaroon ng aksidente. Sabi nga namin, we support all bike lanes, may plano po tayo diyan kung papaano natin lalagyan.
Ang isa pong long term solution namin diyan is kapag iyong atin pong bus lane napunta na sa left side, tabi ng MRT. So may tatlong lane na matitira sa private, i-aano po natin iyan, babawasan natin iyong width, gagawin nating 2.8 meters per lane na lang, which is safe internationally, kapag ang takbo ninyo po ay 60/50 kilometers per hour.
Kapag iyan po ay ginawa nating tig-2.8, may matitira po tayo at least 1 to 1.5 meter na sobra. Iyan pong 1 meter to 1.5 itatabi po natin sa bangketa iyan, itataas din natin nang six inches at iyan po ang magiging bike lane natin, katabi ng pedestrian pero may mga ano po, may mga bowlers po iyan para ma-guide din po iyong ating mga pedestrian.
Just like what they’re doing, for example in Germany, ang bike lane po nila at-grades iyan, nakataas po ng 6-8 inches iyan para iyong safety po talaga ng ating bikers eh makita po talaga natin.
USEC. IGNACIO: Opo. GM, may katanungan po ang ating kasamahan na si Tina Mendez ng Philippine Star, ganito rin po iyong halos tanong ni Joseph Morong ng GMA 7: How many workers do we expect to return to work after MECQ lapses by Monday? How can they go to work if the buses and jeepneys will not be allowed to resume operations, kasi po milyon daw po iyong expected na babalik sa trabaho? Ano daw po ang sasakyan ng uring manggagawa kung wala silang bike at mas limited pa ang public transport dahil sa social distancing rules at hindi daw po lahat ng manggagawa ay can afford na mag-taxi or mag-TNVS?
MMDA GM GARCIA: Okay. Tama po iyon ano, pero tandaan din po natin, kapag tayo ay nag-downgrade sa GCQ, nandoon pa rin iyong “CQ” na term, meaning, community quarantine pa rin tayo. So ibig sabihin may restrictions pa rin. Hindi lahat ng tao puwede pa ring lumabas: May restrictions tayo sa mga seniors; may restriction tayo sa 20 and below; tapos madami na pong kumpanya ang pinagwo-work at home natin, na 50% ang workforce nila, may mga skeletal. Meaning hindi ho talaga iyan ang ini-expect nating dating normal. Ibang-iba na po iyong normal natin.
Of course, magkukulang at magkukulang iyan pero gradually, ini-increase natin iyan eh. Kasi po ang naging guidelines po lalung-lalo na ng DOTr sa amin sa MMDA, number one po muna ang safety and health bago natin mai-travel iyong mga tao eh. We need first to assure everyone na kapag sumakay ka sa ating public utility vehicles eh hindi ka po mahahawa o makakahawa kayo ng sakit – that’s number one.
But second ano na lang po… priority natin iyong makapag-travel sila eh. Kailangan po isipin muna natin iyong health issues, kaya nga po pinapayagan natin ang P2P na buses; papayagan rin yata natin ang ating mga shuttle, may mga kumpanya na may shuttle bus; pagdating naman yata sa mga construction, ang mga workers niyan naka-barracks iyan, naka in-house iyan, so unti-unti gagawan natin ng paraan iyan.
Ang importante lang, huwag natin biglaan kasi nga baka magkagulo. Tandaan po natin, kahit po na-lift tayo, hindi po nawala ang COVID. We just—we still need to minimize iyong movement po ng tao, iyong COVID hindi po naglalakad iyan, hind iyan gumagalaw, ang gumagalaw iyong carrier. So we need to limit the movement of the carrier – iyan po iyong tao.
USEC. IGNACIO: Okay. Panghuling mensahe na lang po, GM at iyong paalala ninyo, GM Garcia sa publiko na—hindi ko rin po kayo nakilala GM…
MMDA GM GARCIA: Okay. Unang-una po ano, Ako po survivor ako ng COVID, nag-positive po ako ano… Pero sa awa po ng Diyos, wala pong nahawa sa amin – kasambahay ko, kasama ko sa sasakyan – kasi nga po naging responsable tayo sa guidelines ng DOH. Kaya nga po ang sinasabi ko na lang lagi sa mga interviews po, baka puwede kapag tayo po talaga kailangang lumabas, importante ang ating gagawin, [signal fade], huwag lumabas.
Isipin na lang natin, tayo ay asymptomatic positive, lahat tayo, para at least responsable tayong hindi makahawa. Mas maganda po isipin na tayo, sarili natin ang positive kaysa ibang tao kasi kapag ibang tao iyan, magkakaroon na po ng diskriminasyon ano.
May batas tayo sa discrimination, kaya importante i-discriminate natin iyong sarili natin. Maging responsable tayo na huwag tayong makahawa. Iyon na lang po siguro muna ang behavior natin. Itong ating new normal, na lalabas tayo, isipin natin na tayo ay puwedeng makahawa, hindi iyong puwede tayong mahawa dahil baka ma-discriminate pa iyong mga tao sa harap natin, sa paligid natin.
So, iyon lang po ano: Mag-ingat lang po tayo lagi kapag lalabas at kung ano po talaga ang guidelines na ilabas po ng IATF, napagkaisahan po ng NCR Mayors na tayo po ay susunod at 100% naka-ready po ang ating local governments.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, MMDA General Manager Jojo Garcia. Stay safe po kayo, sir…
MMDA GM GARCIA: Thank you, Secretary, Usec., thank you po…
SEC. ANDANAR: Ngayon naman sa unang pagkakataon ay makakapanayam natin si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan. Magandang umaga po sa inyo, Mayor Oca…
MAYOR MALAPITAN: Magandang umaga, Mr. Secretary at magandang umaga kay Usec…
SEC. ANDANAR: Mayor Oca, kumusta po ang lagay ngayon ng Caloocan City sa ilalim po ng Modified Enhanced Community Quarantine?
MAYOR MALAPITAN: Well, ngayon ho sa Caloocan ay talagang naghihigpit kami at ipinatutupad namin iyong social distancing at mino-monitor ho namin… mino-monitor namin lahat ng mga barangay na—pagtaas ng kanilang positive. Kaya nagkaroon kami ng pagkakataon o ideya na magdeklara ng mga lockdown sa mga barangay.
SEC. ANDANAR: Ilan na po ba iyong nag-positive diyan po sa inyo, nag-positive ng COVID-19?
MAYOR MALAPITAN: As of May 26, 5P.M., 484 ang recorded positive namin. Out of this 484, ang naka-recover na is 111 at ang nasawi ay 35. So, noong May 26, kahapon, mayroon kaming siyam na new cases.
USEC. IGNACIO: [signal fade] pamamahagi ninyo ng tulong sa mga residente? Posible po ba iyong pamamahagi ng second tranche of cash aid sa Caloocan City?
MAYOR MALAPITAN: Hinihintay lang namin iyong second tranche ng SAP at kami naman ay nakahanda para maibigay kaagad ito. On the part naman sa City Government ay marami na rin kaming naibigay na tulong o ayuda sa aming mga kababayan.
Nakaka-fifth wave na kami ng aming relief goods; ganoon din, nagbigay kami ng P1,000 for every household dito sa lungsod; at nagbigay kami ng tig-500 sa lahat ng public elementary students dito sa aming lungsod; at ganoon – 1,000 sa aming mga estudyante ng University of Caloocan.
So, ngayon ho, tuloy-tuloy pa rin ang aming mga ibinibigay na ayuda—
SEC. ANDANAR: Mayor Oca, nabalitaan po namin na iyon nga, naka-lockdown ngayon ang Barangay 12 hanggang May 30. Ilang bahagi naman po ng Barangay 28 ay sasailalim sa lockdown hanggang may 31? Paano po ang ginagawang paghihigpit ng mga opisyal sa mga lugar na ito, Mayor Oca?
MAYOR MALAPITAN: Sa ngayon ho, dalawang barangay ang naka-lockdown namin, isang Barangay 12 na kung saan ang populasyon ay humigit-kumulang sa 34,000. Binibigyan ho namin sila ng food packs, gamot at kung anong kailangan nila ay ibinibigay namin. Mayroon ho tayong mga isang daan na pulis na nakatalaga roon, halo – pulis at mga tauhan ng mga local police ho natin.
Iyong Barangay 28 naman ho, isang portion lang ng Barangay 28 o kalahati ng portion ng Barangay 28 ang aming ni-lockdown, doon sa dagat area dahil kumpol-kumpol ang bahay roon at napansin namin malakas dumami iyong mga positive roon based sa aming ginagawang swab test at mga rapid test.
USEC. IGNACIO: Pero, Mayor, sakali pong mailipat na sa General Community Quarantine ang Caloocan City at magkakaroon pa ng mga lockdown sa inyong mga barangay, posible po ba na magkaroon ng realigning naman ng pondo sa inyong mga nakalatag na proyekto para matugunan po iyong mga pangangailangan ng inyong mga kababayan, Mayor?
MAYOR OCA MALAPITAN: Ang lockdown namin doon sa dalawang barangay ay hanggang katapusan lang ng buwan. Ngayon naman, narinig ko sa IATF at saka sa MMDA na pupuwede rin kaming mag-lockdown kahit na nasa GCQ na tayo. At mayroon kaming pinag-aaralan ngayon, minu-monitor na tatlong barangay pa kung kakailanganin pa naming i-lockdown ito after this Modified ECQ.
USEC. IGNACIO: Pero, Mayor, gaano po kahanda ang inyong lungsod dito sa GCQ?
MAYOR OCA MALAPITAN: Well, nakahanda kami. Ang mga tricycle pinayagan na namin provided na may isang pasahero lang – isang driver, isang pasahero. At pumayag kami nang konting increase dahil medyo malulugi ang mga tricycle driver. At ganoon pa man, kalahati lang sa kanilang miyembro ang pupuwedeng lumabas every day. Nakahanda po ang pamahalaang lungsod sa mga darating pang mga panahon.
SEC. ANDANAR: Maganda po at pinapayagan ninyo na po ang mga tricycle driver na sumunod po sa panuntunan, isang matrix, para sila ay makapagbiyahe dahil kawawa rin po talaga ang ating mga TODA.
MAYOR OCA: Oo, wala talagang—
SEC. ANDANAR: Yes, walang pagkukuhaan talaga ng suweldo, ng pera, pangkain. Sir, kumusta naman po ang isinasagawang community swab testing sa inyong lugar?
MAYOR OCA MALAPITAN: Mayroon ho kaming walong area ng mga swab testing namin. At siyempre iyong mga naka-lockdown, iyon ang aming binibigyan ng pansin para masiguro namin kung nadadagdagan pa o nababawasan na iyong mga nagpa-positive. Pero every day, nakalagay sa walong strategic places, tuluy-tuloy ho ang mga swabbing testing namin.
SEC. ANDANAR: Isa po sa mga nasapol ng COVID-19 crisis ay ang mga negosyo, kabuhayan ng ating mga komunidad. Ano po ang nakikita ninyong recovery plan para sa Caloocan City pagkatapos ng krisis na ito?
MAYOR OCA MALAPITAN: Siguro magbubukas po ito, by next month, by June ay marami nang mag-o-operate na mga businesses sa amin at pinapayagan naman ito provided na susunod sila sa mga itinatakdang alituntunin.
USEC. IGNACIO: Mayor, panghuling mensahe na lang po sa inyong mga kababayan at siyempre paalala pa rin po sa kanila dahil sinabi ninyo nga po, iyong COVID-19 ay nandito pa rin po, at iyong banta nito at panganib sa buhay ay nandito pa rin po.
MAYOR OCA MALAPITAN: Well, sa ating mga kababayan dito sa Lungsod ng Caloocan, inaasahan ko ang inyong kooperasyon na magkakasama ho tayo sa laban na ito. Hindi ko kakayanin ito kung ako lamang mag-isa. Pero makakaya nating labanan itong COVID-19 kung tayo ay susunod sa mga ipinatutupad ng ating batas, ng ating pamahalaang lungsod. Mismong ako po ay nagba-barker sa kanila para sa mga social distancing, iyong mga lumalabag; iyong mga walang facemasks, tinatawagan namin, hinuhuli namin. At palagay ko naman ay nakikita nila, nakikita ng mga mamamayan na kung sinsero ang lider ay susunod ho sila.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat pong muli sa inyong panahon, Mayor Oca Malapitan ng Caloocan City. Stay safe. Mabuhay po kayo.
MAYOR OCA MALAPITAN: Maraming salamat, Secretary and USec. Thank you.
SEC. ANDANAR: Ngayon naman ay makakapanayam natin si Undersecretary Jonathan Malaya, ang Tagapagsalita ng Department of Interior and Local Government. Magandang araw po sa inyo, USec. Jonathan.
USEC. MALAYA: Magandang araw po, Secretary Martin. At magandang araw din po sa inyo, USec. Rocky.
SEC. ANDANAR: Unahin natin itong usapin sa Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. May mga naging kalituhan kasi nga dahil marami ngayon ang mga nais makauwi sa kanilang mga probinsiya lalo na ang mga OFWs. And once and for all, bigyan natin ng linaw: Sino at ano lamang ang sakop ng Balik Probinsiya Program, USec?
USEC. MALAYA: Opo. Ito pong Balik Probinsiya Program, Secretary, ito po iyong pangmatagalang programa ng pamahalaan para doon sa mga nagnanais nang umuwi sa mga kani-kanilang probinsiya. At ito po ay alinsunod sa naging proposal din ni Senator Bong Go, at naglabas nga po ng Executive Order ang ating Pangulo tungkol dito.
Mayroon lang pong konting glitch tayong nangyari kahapon, noong unang pauwi noong mga nasa Balik Probinsiya Program ngunit ito naman po ay naayos naman po kaagad. Nakipag-ugnayan na po tayo kay Mayor Gomez ng Ormoc para po maabisuhan nang sapat na panahon ang ating mga local government units.
Iyon naman po, Secretary, pagpapauwi ng ating mga OFWs ay programa naman po ng Overseas Workers Welfare Administration at ng Sub-Task Group on Repatriation of OFWs ng National Task Force COVID-19. At sinisiguro po ng DILG at ni Secretary Eduardo Año na lahat po nang uuwi na ating mga OFWs ay dumaan sa PCR test. At puwede pong tingnan ng ating mga local government units iyong kanilang mga sertipikasyon pagdating nila sa kani-kanilang mga probinsiya, pagdating po doon sa mga destinasyon nila.
At kung sakali man pong mayroong nakalusot at hindi kumpleto ang mga dokumento ay puwede po nilang i-quarantine of course itong mga ito habang nag-aantay ng resulta ng kanilang PCR test.
Pero ang pakiusap naman po namin sa mga local government units, kung maliwanag naman po sa resulta na ipinalabas ng ating mga ospital, ng Philippine National Red Cross na itong mga OFWs na ito ay negatibo sa PCR test ay kailangan na po silang pauwiin sa kani-kanilang mga bahay dahil nga po iyong iba po diyan ay lumagpas na sa tatlumpung araw sa quarantine. At hindi naman po siguro maganda na magka-quarantine din sila muli kung sila naman ay negatibo na sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Naipaabot ninyo ba sa mga LGUs iyang ganiyang dapat sistema na dapat huwag na pong dumaan sa quarantine iyong ating mga OFWs kapag nag-negative na sa PCR? Malinaw po ba sa kanila iyan?
USEC. MALAYA: Yes, opo, USec. Rocky. Kahapon po ay naging panauhin ninyo rin si Secretary Eduardo Año at siya mismo ang nagsabi na sinisiguro ng aming kagawaran na ang mga umuwi ay may dala-dalang mga dokumento na nagpapatunay na sila ay negatibo sa COVID-19. Nguni’t kung saka-sakali man po na kulang-kulang ang kanilang mga dokumento dahil sa pagmamadaling makauwi ay puwede po nilang i-quarantine sila hangga’t habang inaantay iyong resulta ng kanilang PCR test. Ngunit kung sila naman ay negatibo, sa tingin po namin ay wala na pong dahilan bakit sila ay kailangang i-quarantine pang muli.
So nagpalabas na rin po ng advisory ang aming kagawaran sa lahat ng local governments nationwide at inaasahan po namin ang kanilang one hundred percent cooperation.
USEC. IGNACIO: Opo. Bigyang daan ko lang po iyong tanong, USec., ni Joseph Morong ng GMA-7. Ang sabi niya dito, papaano daw po mag-a-apply for Balik Probinsiya at paano po iyong procedure ng quarantine requirement, etc? And if daw po may GCQ, paano daw po iyong travel from GCQ to GCQ? Metro Manila to other GCQ area, papayagan na po ba daw?
USEC. MALAYA: Okay. Bigyan ko lang po nang konting difference iyong Balik Probinsya programa at iyon namang programa natin para sa pagpapauwi ng mga local stranded individuals.
Iyon pong Balik Probinsya program, ito po iyong pangmatagalang programa ng gobyerno para tulungan iyong mga gusto nang magbago ng kanilang bahay ‘no. Sila ay dating nakatira sa Metro Manila, gusto nilang magbalik-probinsiya, hindi para mamasyal doon kundi para doon na tumira. At ito pong programang ito, ang nangangasiwa po nito ay ang Head ng Secretariat, na ang National Housing Authority.
At iyong mga gusto pong sumama sa programang ito ay puwedeng pumunta sa website ng NHA – balikprobinsya.ph or kaya naman po tumawag sa National Housing Authority para malaman po iyong mga iba’t-ibang kuwalipikasyon at pamantayan nitong programa. Ngunit inuulit ko po, ito po iyong pangmatagalang programa ng ating pamahalaan ‘no.
Iyon naman pong mga locally stranded individuals, iba naman pong kategorya ito. Ito po iyong mga na-stranded dito sa Metro Manila na gusto nang makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya. At ang kailangan lang po nilang makuha is iyong medical certificate mula sa kanilang local government units, city or municipal health office at ang travel authority po na manggagaling naman sa Joint Task Force COVID Shield ng Philippine National Police.
At nagbigay na po ng kautusan ang ating Secretary, si Secretary Eduardo Año sa lahat ng police stations sa buong bansa na magtalaga ng isang desk or help desk sa mga police stations para po doon dadalhin ng ating mga stranded na individuals iyong kani-kanilang mga medical certificate or clearances mula sa LGU.
So hindi lang po ito para sa mga taga-Metro Manila ‘no, puwede rin po dito iyong mga na-stranded for example sa Cotabato at gusto nang umuwi sa Cebu or iyong mga na-stranded sa, sabihin natin Laoag at gusto nang umuwi sa Naga, Camarines Sur, ito po iyong proseso na kailangan nilang gawin. Kaya nga po nagtatalaga tayo ng mga help desk sa iba’t-ibang mga police station para po matugunan iyong pangangailangan ng ating mga stranded individuals wherever they may be in the Philippines.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may mga reports din po na nagsasabing humihingi daw po nang mahigit P3,000 na bayad ang ilang mga LGU sa mga locally stranded individuals kapalit daw po ng medical certificate dahil ito nga po kasi iyong isa sa kailangan ng mga aplikante pabalik sa kanilang probinsiya. Na-validate ninyo na po ba iyong report na ganito at kung mayroon man po, kung totoo ito, ano pong aksiyon ang ginagawa ng DILG?
USEC. MALAYA: Opo. Mayroon pong isang report nang ganiyan, isang bayan sa Batangas na nakarating po sa amin sa DILG, na sila ay nagpapataw ng ganitong napakataas na halaga. Kaya nga po nagpaalala kami sa lahat ng LGU na sa panahon po ng COVID ay huwag na po tayong mag-impose ng mga tinatawag nating excessive or exorbitant fees.
Bakit po? Unang-una, wala naman pong lab test na kailangan gawin para makakuha ng medical certificate. So hindi po namin naiintindihan sa DILG kung bakit po nagpapataw tayo ng ganitong klaseng mga fees.
Ngunit Usec., ito po namang report na ito sa Batangas ay kaagad namang binawi noong local government unit doon. So, so far wala pa naman po kaming naririnig pang mga reports sa mga LGUs at karamihan po sa kanila ay minimal amount na lamang ang kanilang hinihingi for the issuance of a medical certificate.
Mas maganda nga po sana kung puwedeng ilibre na nila iyong kanilang mga medical certificates bilang tulong sa ating mga locally stranded individuals na ngayon ay gusto nang makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya dahil nga po ay naubusan sila ng panggastos dito sa Metro Manila. At mayroon naman po tayong joint memorandum circular na kailangan po i-rationalize ang mga fees and charges ng mga LGUs.
Kaya naman po ay pangkalahatan naman po, maliban doon sa isang report na iyon, ay tumutugon naman po ang mga local government units natin sa naging pakiusap ng DILG.
SEC. ANDANAR: Sinabi po ni DILG Secretary Año kahapon sa aming panayam na mayroon nang 134 barangay officials ang nasampahan ng kaso dahil sa pagkakasangkot sa mga anomalya patungkol sa distribyusyon ng ayuda sa mga barangay. May mga nakapila pa po tayong complaints sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan. Ano po ang ginagawa nating aksiyon ngayon para matigil na ang korapsyon sa ayuda katulad nito?
USEC. MALAYA: Opo Secretary, totoo po iyan. Mayroon na po tayong 134 at mayroon pa po tayong lampas na isang daan pang mga complaints na ngayon po ay iniimbestigahan na ng CIDG ‘no. So ibig pong sabihin, nahaharap na po itong 134 na ito ng kasong kriminal sa mga prosecutors’ office sa buong bansa. At nagpapasalamat nga po kami kay DOJ Secretary Menardo Guevarra for prioritizing also the preliminary investigation of these cases para nga po maisampa na sa korte ang mga kaso nitong mga barangay officials na ito.
At hindi po titigil ang aming kagawaran, kasama po namin ang Philippine National Police sa pag-iimbestiga dito sa iba pang mga barangay officials na under case-buildup para nga po wala nang mangyaring ni isang ganitong klaseng insidente sa pagbibigay natin ng second tranche, kasi napipinto na po ang pagbibigay ng ating second tranche. At ang atin pong dasal ay sana po maliwanag na sa ating mga barangay officials na hindi po tino-tolerate ng ating Pangulo nor ng ating Kalihim, si Secretary Eduardo Año, ang anumang insidente ng katiwalian in so far as the Social Amelioration Program is concerned.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary Jonathan Malaya, ang Tagapagsalita ng DILG, ingat po kayo sir.
USEC. MALAYA: Maraming salamat din po at ingat din po kayo Secretary.
SEC. ANDANAR: Ang susunod po nating makakapanayam ay si Ginoong Hans Leo Cacdac, ang Administrator ng Overseas Worker Welfare Administration. Magandang umaga po sa inyo, Administrator.
ADMINISTRATOR CACDAC: Yes po, good morning Sec. Mart. Good morning sa inyong mga tagapakinig/tagapanood.
SEC. ANDANAR: Salamat po sa pagkakataong binigay ninyo po sa amin. Binigyan lamang po tayo ni Pangulong Duterte nang ilang araw para mapauwi ang mga OFWs sa kani-kanilang probinsya. Ano po ang ginagawang strategy ng OWWA at mga katuwang na ahensiya para matugunan po ito?
ADMINISTRATOR CACDAC: Yes po. Tayo ay tinutulungan ng DOTr, Department of Transportation para mag-provide ng mounted flight at mga barko at buses para po makauwi na ang ating mga mahal na OFWs. At so far, mayroon na tayong 7,500 na napauwi in the first 2 days at umaasa tayo na madadagdagan pa ang bilang na ito. Day 3 na po tayo, sa 7-day target or period na ibinigay sa atin ng ating mahal na Pangulo and we’re looking forward to iyong pagdagdag ngayon ng mga buses at iyong mga sea transport sa first day to spring into action.
Of course, nagkaroon na tayo ng 5 voyages last week, but since the Presidential directive, it’s the first time for the vessels, shipping vessels to spring into action today and tonight ang biyahe actually. So we’re hoping na madadagdagan pa lalo ang bilang ng napapauwi.
USEC. IGNACIO: Sir, may mga nabalitaan din po tayong mga OFW na nagdalang-tao, iyong iba po nanganak na nga. Kumusta na po ang lagay nila at ano po iyong tulong na ibinigay ng OWWA para sa kanila?
OWWA ADMTR. CACDAC: Okay naman po. Mga walo iyan sila, over the course of the ECQ mga 2 and a half months of ECQ. So, they are safely in an OWWA halfway facility in OWWA Central Office. And sa ngayon, isinasagawa iyong kanilang pagpapauwi para doon sa mga kayang umuwi. Doon sa mga bagong panganak, maybe they need to stay at the most one month more. But otherwise, if they are ready to travel, then they just need to be cleared medically, we will board them on planes or ships or buses.
USEC. IGNACIO: Sir, bigyang daan ko lang iyong tanong ni Joseph Morong: Clarification lang po kung mayroon daw pong OFW sa isang hotel – ang nakalagay po dito sa tanong niya ay Grand Opera Hotel – na hindi pa daw nakakalabas, April 30 pa sila na-swab. Totoo po daw ba ito?
OWWA ADMTR. CACDAC: We will check, we have reports na mayroon pang mga walang result, so we will check kung iyong pangalan niya at contact number para malaman, ma-verify kung may resulta na siya o wala. At kung may negative result puwede siya kaagad na ipasundo at dalhin dito sa airport o sa PITX passenger bus terminal sa Paranaque.
USEC. IGNACIO: Sir, nasa 300,000 OFWs po iyong inaasahang uuwi sa Pilipinas ngayong taon dahil sa COVID-19. May sapat na pondo po ba ang OWWA para dito?
OWWA ADMTR. CACDAC: Yes, mayroon naman tayong inaasahan na tulong, economic stimulus ng Kongreso, nauna na iyong first wave, iyong sa social amelioration sa heal as one act, plus dito iyong OWWA trust fund natin. Nag-utos na si Secretary Bello na gamitin na iyong ating Reintegration Livelihood Fund, iyong Balik Pilipinas, Balik Hanap-Buhay program. Starting next week, we will start receiving applications sa ating reintegration livelihood program para sa mga nanunumbalik na mga OFW sa Kani-kanilang mga home LGU.
SEC. ANDANAR: Kamakailan ay inilunsad po ng OWWA itong ‘Uwian Na’ portal para sa OFWs. Paano po ang pag-access dito at anong mga programs po ang puwede nilang ma-avail sa portal na ito?
OWWA ADMTR. CACDAC: Ito iyong portal na ginamit namin to put together iyong mga OFWs in OWWA hotel facilities. So it’s easier to organize them and bring them home. So, ang suggestion ko sa OWWA members na gustong mag-log on ay dumulog lang doon sa portal kasi ito rin iyong posibleng magiging… isa sa mga data bases or portals natin na puwedeng i-apply kapag panahon na ng pagbibigay ng livelihood support sa kanila.
USEC. IGNACIO: Sir, may katanungan po si Samuel Medenilla mula po sa Business Mirror: Magkano po ang budget ng OWWA for its Balik Pilipinas, Balik Hanap-Buhay Livelihood Program at ilan pong COVID affected OFWs ang expected po na magbe-benefit po sa programa?
OWWA ADMTR. CACDAC: Well, tinatayang mga around 700 million ang nakalaan na pera para sa ating reintegration program, the Balik Pilipinas, Balik Hanap-Buhay and approximately aabot ng 50,000 iyong unang round ng benepisyaryo diyan. So, we just have to be mindful of number of applicant/beneficiaries and then whether we can further tap into the fund just to provide reintegration, para sa reintegration packages para doon sa mga nanumbalik.
USEC. IGNACIO: Opo, tanong pa rin po mula kay Samuel ng Business Mirror: How be the government come out with the 300,000 estimated OFWs who will return to the country this year? Related po kaya ito lahat sa epekto ng COVID-19?
OWWA ADMTR. CACDAC: Yes. That’s the medium to long term projection, kasi mayroon naman tayo iyong 45,000 in the near future, iyong May and June. But iyong talagang pang kalahatan na, pagtanaw within 6 months to one year to two years na panunumbalik ng mga OFWs dahil sa posibleng worst case, negatibong epekto ng COVID sa mga host countries nila ay diyan na pumapasok iyong usapin ng daan-daang libo na posibleng bumalik at siyempre ipagdadasal pa rin natin na this will not be the case in terms of… iyong mga host countries ay makakabangon naman muli pagkatapos nitong krisis na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ano po iyong target ninyo na mapauwi na po iyong lahat ng 24,000 OFW, hanggang kailan po ito or talagang makakauwi na po sila ngayong araw na ito?
OWWA ADMTR. CACDAC: We were given a 7-day period by the President, so that 7-day period ends on Sunday.
USEC. IGNACIO: Sir, may katanungan din po si Lian Buan ng Rappler: Do you have data, how many undocumented OFWs are considered stranded worldwide particularly po the OFWs who went to—I think this in Middle East countries as tourist but naabutan ng lockdown before they got visas to their destination countries. Will government help them?
OWWA ADMTR. CACDAC: Well, it’s hard to make a… should I say an exact figure sa mga undocumented, because precisely undocumented sila doon sa bansang kanilang kinalalagyan. But I can say that dito sa DOLE AKAP, iyong financial program, ay higit kumulang sa mga 300,000 applicants. I can estimate mahigit kumulang mga 100,000 libo doon sa aplikante na iyon ay undocumented.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon. Muli nakapanayam po natin si Ginoong Hans Leo Cacdac, ang Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration. Mabuhay po kayo, sir.
OWWA ADMTR. CACDAC: Salamat Sec. Martin, Usec. Rocky, sa inyong tagapakinig at tagapanuod, maraming salamat din po.
SEC. ANDANAR: Makibalita naman tayo mula sa Philippine Broadcasting Service, Radyo Pilipinas, kasama natin si John Mogol.
(NEWS REPORTING)
SEC. ANDANAR: Sa puntong ito makakapanayam natin ang walang kapagud-pagod na Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang Tagapagsalita ng Department of Health. Magandang tanghali po sa inyo, Usec.
USEC. VERGEIRE: Magandang hapon po, Sec.
SEC. ANDANAR: Kahapon po ay naitala natin ang pinakamataas na bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa simula April 6. Ano po ng indikasyon nito, Usec?
USEC. VERGEIRE: Ito po ay pinag-aaralan natin ngayon, Sec., kasi ito pong 350 na ito, katulad ng sabi ninyo, ito iyong medyo pinakamataas ‘no, for the past weeks that we are having these cases. Noong amin pong pinag-aaralan, may naidagdag po dito na mga numero ng mga OFWs na nagpositibo at naidagdag sa datos natin. Ngunit hindi naman natin sinasabi na this is purely OFWs, mayroon pa rin hong mga kaso na nanggagaling dito sa iba’t-ibang lugar sa ating bansa.
So pag-aaralan po natin itong trend na ito, and hopefully hindi siya ma-sustain na ganiyan at hopefully bumaba po in the coming days.
USEC. IGNACIO: Ano po ang estado ng mga ospital at quarantine facilities natin sa bansa?
USEC. VERGEIRE: Good morning, Usec. Rocky. Iyong ating mga ospital at saka mga quarantine facilities natin ngayon dito sa ating bansa, mayroon po tayong total na 13,361 total bed capacity; na ito po ay dedicated lamang po para sa COVID cases natin sa buong bansa.
Iyon pong ating occupancy rate sa ating mga ospital ay hindi naman ho nama-max out pa, ganoon din ang ating mga ICU at mga mechanical ventilators in use. So kapag ho atin pong ina-analyze iyan, tinitingnan natin iyong ating health system capacity versus the number of cases, masasabi ho natin na maganda pa rin ho ang indikasyon nitong sinasabi nitong mga datos na ito.
SEC. ANDANAR: Ipinatigil po ng World Health Organization ang clinical trial ng hydroxychloroquine sa mga COVID-19 patients dahil sa kinakitaang masamang epekto nito sa kalusugan. Paano po ang mangyayari doon sa mga patients under probable cases na nabigyan na po ng gamot na ito?
USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Kahapon po ay nagsalita na ang expert group ng WHO regarding this hydroxychloroquine na ang kanilang rekomendasyon na ay itigil na muna ang new allocations for new patient. Pero nagbigay din po sila ng kanilang rekomendasyon para doon po sa nag-a-undergo na ng trial for hydroxychloroquine, maaari naman pong ituloy ito ngunit kailangan ng close monitoring ng kanilang mga physicians at kailangan, of course, itigil kapag mayroong adverse event.
So ito naman po kasing adverse event na ito ay hindi naman sinasabi na maaaring mangyari sa lahat ng tumatanggap nitong hydroxychloroquine. So tayo po ay magtutuloy nitong pagbibigay ng gamot na ito sa ating mga naitala nang pasyente dito sa ating bansa, at ito po ay magkakaroon ng close monitoring from our physicians.
USEC. IGNACIO: Usec., sinabi po ng World Health Organization rin na di-umano ay nagiging mabagal ang aksiyon ng ating bansa kontra COVID-19 partikular po doon sa contact tracing. Kaya naman po hinimok na iyong ilang mga opisyal ng gobyerno na kumuha na sa mga barangay health workers at parent leaders na maging contact tracer. Pero base sa inyong pag-aaral, gaano po talaga kadami ang kailangang contact tracers ng ating bansa? At kakayanin po ba o kailangan ng pondo na dapat ilaan dito?
USEC. VERGEIRE: Mayroon po tayong sinasabi na standard na ipinalabas natin na sinasabi na isang contact tracer dapat ang kailangan ng walong daang (800) tao sa populasyon. So kung ating iku-compute po ito para sa buong populasyon natin, we need around 126,000 contact tracers para mabuo po natin iyan. Mayroon na ho tayong existing ngayon na 38,000 na mga contact tracers sa iba’t-ibang local governments natin. At ito pong 95,000 na sinasabi, kagaya ng sabi ninyo, amin pong hihingin ang tulong ng ating mga local government units para makahanap po tayo nitong ating mga contact tracers na ito.
Nagbubuo tayo ngayon ng minimum qualifications ng isang contact tracer. Mayroon ho tayong mga criteria na ipapalabas in these coming days para po makapag-start hiring na po ang ating local governments for these contact tracers.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po—uy, mayroon pa palang isang tanong. Marami pong kumakalat ngayon na pekeng gamot sa COVID-19 kagaya ng Fabunan anti-viral injection na hindi pala aprubado ng FDA, ano pong aksiyon ang ginawa ng DOH dito po?
USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Actually, ito pong mga bagong mga teknolohiyang lumalabas, supplements or gamot o bakuna, bukas po ang ating Kagawaran. Kailangan lang ho na talagang mag-apply muna sa FDA ng ating pagkakarehistro para sa produkto para masigurado nating efficacious siya at saka ligtas siya na gagamitin ng ating mga kababayan.
Ngayon, dito naman po sa mga gumagamit nang hindi pa rehistrado, binibigay alam lang natin sa kanila na hindi po ito ina-allow and this is in violation of the law, at sana po ay pumunta na lang sa FDA para sila ay dumulog doon. Pinapaalalahanan po natin ang ating mga kababayan na sa paggamit nila ng unregistered products, maaaring maging hindi ligtas ang paggamit nila at magkaroon po sila ng mga issues sa kanilang kalusugan.
USEC. IGNACIO: Bibigyang daan ko lang iyong tanong ni Joyce Balancio ng ABS-CBN, kung mamarapatin ninyo po na … ang tinanong niya kasi, magkano daw po ang magiging suweldo para sa contact tracer?
USEC. VERGEIRE: Iyan po ay pinag-uusapan pa rin sa ngayon dahil nga sa bunsod ng ganitong kadaming tao na kailangan natin i-hire, tinitingnan din po natin ang budget natin ngayon, pero bibigyan po natin iyan ng linaw in the coming days. Although ang masasabi po natin, ito naman po ay according sa salary grades na mayroon tayo sa Civil Service Commission.
SEC. ANDANAR: Paalala po at huling mensahe ninyo po, Usec., sa ating mga kababayan.
USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Ito pa rin ho ang ating mensahe: Hindi pa ho tapos ang ating laban kontra COVID-19. Maaari pong nagkaroon na po tayo ng iba’t-ibang antas ng community quarantine at maaari iyong iba ay nasa GCQ na po at nakakalabas na ng kanilang mga lugar, kailangan lang po nang patuloy na pag-iingat. Let’s remain to be vigilant. Huwag po tayong complacent, ipatupad pa rin ho natin iyong ating mga measures na sinasabi ng ating gobyerno. Maging responsable po tayo – responsable para sa sarili, responsable para sa pamilya at responsable para sa komunidad nang sa ganoon ay matulungan po natin ang ating gobyerno sa pagsugpo dito sa COVID-19.
SEC. ANDANAR: Muli, nakapanayam po natin si Health Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire, ang Tagapagsalita ng DOH. Maraming salamat po sa inyong panahon at serbisyo sa bansa ngayong panahon.
USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po, sir.
SEC. ANDANAR: Ngayon naman ay makibalita tayo mula kay Alah Sungduan mula sa PTV Cordillera.
[NEWS REPORTING BY ALAH SUNGDUAN]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Alah Sungduan mula sa PTV Cordillera.
Para sa mga magulang diyan na namumroblema patungkol sa gagawing produktibo ang kanilang oras kasama ang kanilang mga anak habang naka-home quarantine, iyan ang ating alamin sa Kuwentong Good Vibes ngayong araw. Panoorin po natin ito…
[VTR]
SEC. ANDANAR: Muli, paalala po natin sa lahat: Huwag na pong matigas ang ulo, huwag na pong lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan. Ugaliin pong magkaroon ng physical distancing sa mga kasama. Sa ganitong paraan, makakatulong po tayo na masugpo ang COVID-19.
Maraming salamat po sa mga kawani ng pamahalaan na nakasama natin ngayong umaga at ang mga kasama nating nagbalita ngayong araw – ang Philippine Broadcasting Service at PTV.
USEC. IGNACIO: Bigyan din natin ng pagpupugay ang Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 para po sa walang sawang pagsuporta sa ating programa. Mabuhay po kayo!
SEC. ANDANAR: At diyan nagtatapos ang ating programa ngayong araw. Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio…
SEC. ANDANAR: Laging tatandaan, basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)