Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by PCOO Secretary Martin Andanar and Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas at sa buong mundo, ngayon ay araw ng Martes, ika-20 ng Hulyo taong 2021. Narito kami muli upang maghatid sa inyo ng mga balita at impormasyon na dapat ninyong malaman, ako po si Secretary Martin Andanar; magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Nagpapatuloy po ang pagtalakay natin at paghahanda sa maaaring epekto ng Delta variant sa ating bansa, at nandiyan din ang usapin sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa merkado, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Piyesta opisyal po ang araw na ito bilang pakikiisa sa mga kapatid nating Muslim sa pagdiriwang nila ng Eid al-Adha. Pero kahit holiday, inanunsiyo ng Commission on Elections o Comelec na bukas ang kanilang mga local offices sa Metro Manila para sa magpaparehistro na bagong botante at may gagawing ibang transaksiyon. Paalala lamang po, pitumpu’t dalawang araw na lang ang natitira para magparehistro kaya gamitin na po natin ang pagkakataong ito.

USEC. IGNACIO: Samantala, sa susunod na Lunes na nga po magaganap ang ika-6 na State-of-the-Nation Address ni Pangulong Duterte. Ano nga ba ang inaasahang tatalakayin ng Pangulo sa kaniyang huling SONA? Panoorin po natin ito:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Bilang paghahanda sa ika nga’y worst-case scenario sa pagkakadiskubre sa local transmission ng COVID-19 Delta variant sa bansa, ilang mga polisiya na nauna nang ipinatupad ng IATF ang ngayon ay muling pinag-aaralan. [Garbled] riyan, makakapanayam po natin ngayong umaga si Undersecretary Epimaco Densing III mula sa Department of Interior and Local Government. Maayong buntag ka nimo, Usec.

DILG USEC. DENSING: Maayong buntag, Secretary Martin. At sa lahat po ng followers ng program natin, magandang umaga rin po sa inyo.

SEC. ANDANAR: Undersecretary, ano ang reaksiyon ng DILG sa suggestion ng OCTA research na i-re-impose ang bubble policy sa bansa specifically ang National Capital Region Plus bubble dahil sa banta ng Delta variant?

DILG USEC. DENSING: Bibigyan-tugon po namin ang suggestion na iyan ng OCTA Research. Magkakaroon po tayo ng IATF meeting ngayong Huwebes at masasama po iyan sa ating agenda para pag-usapan, at para makita na rin natin iyong ating mga preventive measures or preventive health protocols sa mga lokal na gobyerno.

In fact, noong Biyernes, Sec. Martin, dapat ang Iloilo City at ang Iloilo Province ay naka-MECQ, at dahil mayroon na pong nakita na Delta variant sa rehiyon para as a preventive measure para makasigurado po tayong hindi kumalat, nagdeklara po ang ating IATF na ilagay po sa ECQ ang Iloilo Province and Iloilo City kasama na rin po ang Cagayan de Oro City at Gingoog City kung saan mayroon din pong nakitaang Delta variant nitong COVID-19.

SEC. ANDANAR: Gaano kalaki ang posibilidad, Usec., na bawiin ulit ang pagluluwag sa interzonal travels kahit na sa mga fully vaccinated individuals at nagkaroon na ba ng konsultasyon ang DILG sa mga LGUs tungkol dito?

DILG USEC. DENSING: Medyo sigurado po na magkakaroon ng higpitan ngayon, at base po ito sa direktiba ng ating Pangulo kagabi. Pero bago natin gawin ito ay magkakaroon ho tayo ng pakikipag-usap sa ating mga lokal na opisyales, mga governors and mayors, especially dito sa National Capital Region at sa mga naapektuhang mga highly urbanized cities. At dahil po dito sa banta nitong Delta variant ng COVID-19 na lubhang mas nakakahawa, mas mabilis na nakakahawa, kailangan maghanda po iyong ating healthcare system para sa … kung saka-sakaling magkaroon po ng pagkalat itong COVID-19 na Delta variant.

Hopefully po, kung patuloy nating gagawin iyong ating mga health protocols at susunod iyong ating mga kababayan sa pagbabalik istrikto ng ating minimum public health standards, maaari po nating, at least, maiwasan ang maigting na pagkalat nito, at hopefully ay ma-minimize po natin.

SEC. ANDANAR: Sakaling bawiin nga ang mga pagluluwag na ipinatupad sa bansa at ibalik ulit ang mga checkpoints, stricter border control at itong bubble policy, hindi po ba tayo back to square niyan lalo’t pagdating sa ating ekonomiya?

DILG USEC. DENSING: Ang ating panuntunan po as much as possible ay hindi po tayo magla-lockdown ng isang probinsiya o isang siyudad ‘no, at ang paiigtingin po natin ay iyong pagla-lockdown ng mga maliliit na kalye, mga barangay, or iyong tinatawag natin granular lockdowns. Ito pa rin ang ating ipatutupad na polisiya. At kasama na rin po rito ang pagbabalanse ng ating ekonomiya kaya nga as much as possible, ayaw na ho nating mag-lockdown ng isang malaking lokal na gobyerno kasi nga makakaapekto ito sa ekonomiya ng lokal na gobyerno na iyan.

So again, paiigtingin po natin ang mga lockdowns on a granular level, mga bara-barangay, mga kanto-kanto, mga building-building, at may higpitan po tayo. Pero itong paghihigpit natin is more on a preventive measure, at hopefully ‘no, hopefully ay hindi nga kumalat itong Delta variant. Medyo nakakatakot po nang konti dahil kung matatandaan po ninyo sa mga balita, ang Indonesia dahil sa Delta variant ay nagkakaroon na at least 50,000 infections a day at nobenta porsiyento ng bagong COVID-19 infection sa United Kingdom halimbawa, ay dala po ng Delta variant. So ganoon po kabigat itong variant na ito ng COVID-19.

So importante ang ating mga kababayan ay alam po ito para po mapaghandaan natin at maiwasan din natin itong mga impeksiyon na ito.

SEC. ANDANAR: May ilang opisyal na nagsasabing maaaring mas marami pa ang bilang ng mga kaso ng Delta variant sa ating mga komunidad kaysa sa nairi-report lang ngayon ng Philippine Genome Center. Ano ang ginagawa ng mga lokal na pamahalaan para matiyak na ma-identify ang mga ito at mabilis na ma-isolate?

DILG USEC. DENSING: Posible po iyan at nabanggit po ito ni Dr. Cynthia ng Philippine Genome Center sa aming townhall meeting with the officials of Region VI ‘no. Banggit ho nila, itong nakuha nating mga 16 na bagong Delta variant is just part of the samples that we are getting from the local government units at medyo kailangan pa nating paigtingin at palawakin ang operations ng ating Philippine Genome Center. Dahil sample lamang ito, may posibilidad po na mas marami pa ngang mga Delta variant at mas mabibilis na COVID-19 variant kagaya ng Alpha or iyong UK variant at itong Delta na South African variant na siyang naging sanhi kung bakit nagkaroon ng surge dito sa National Capital Region.

Kaya importanteng paghandaan po – ito po ang sinasabi natin sa mga lokal na gobyerno – paghandaan at palakasin po natin ang mga healthcare capacities ng ating mga lokal na gobyerno at siguraduhin po nating dagdagan iyong ating mga COVID-19 beds, sa ward at sa ICU. Ito po ang napakaimportanteng paghahanda na gawin natin. Maaaring hindi natin kaagad na ma-identify dahil nga kailangan pang pumasok sa genomic center or sequencing ang mga kinukuha nating sample pero importante po handa iyong healthcare system ng lokal na gobyerno at ito iyong aming ini-emphasize sa Region VI local chief executives noong kami ay nagkaroon ng town hall [meeting] kahapon.

SEC. ANDANAR: Ang sinasabi po ng mga local executives natin na crucial step para maagapan ang pagkalat ng Delta variant ay ang contact tracing sa mga LGU. Pero ang siste, wala naman silang budget para rito at mukhang umaasa lang din sa maibibigay ng national government. Sa ngayon po, Undersecretary, ay may ongoing efforts pa rin po ba tayo para i-augment ang contact tracing capacity natin?

DILG USEC. DENSING: Tama po ito, Secretary Martin. Ito iyong isang area na tinatawag nating surveillance capacity na medyo hindi maganda iyong performance ng ating mga lokal na gobyerno. Kailangan kasi ng pisikal na tao na kailangan gumawa ng contact tracing activities bukod sa contact tracing app. So ang ginagawa po natin, nakikiusap po tayo sa Department of Budget and Management, baka puwede tayong mabigyan ng budget mula sa 2021 budget na mai-allocate sa karagdagang contact tracers.

Ginawa na rin ng DOLE ang pag-assist sa atin na by converting their TUPAD program para makakuha ng additional contact tracers. Pero importante rin iyong mapasa ang Bayanihan 3 bill kasi nandito po nakasaad ang isang malaking budget para madagdagan ho natin ang mga contact tracers sa buong bansa. And hopefully po mapalawig iyong local budget circular ng ating DBM, itong 124, kasi po dito sa local budget circular na ito, binibigyan awtoridad ng ating DMB ang ating mga lokal na gobyerno na mag-realign po ng kanilang local development fund para po instead na gamiting sa kanilang mga infrastructure halimbawa sa taong ito ay magamit ito for COVID response.

Napakabigat po na magkaroon tayo ng budget ngayon at ito po ang inaasahan natin para makatulong po tayo sa contact tracing personnel and hiring ng ating mga lokal na gobyerno. Ito po ang pinakaimportante na part para mapigilan po natin ang pagkalat ng COVID-19 lalo na itong Delta variant kasi kapag na-identify na po natin pati iyong close contact, maaari na natin silang i-quarantine at huwag nang makahawa pa.

SEC. ANDANAR: Nababantayan naman ba nang maigi ng local government units kung nakakasunod sa mga polisiyang inilatag ng IATF ang paglabas ng mga bata sa kanilang lugar? May reports na po ba kayo ng violation, Undersecretary Densing?

DILG USEC. DENSING: As of today po, nasusunod na po iyang patakaran na iyan, itong polisiya na pagpapalabas ng ating mga kabataan between 5 to 17. Nakikita po natin na sila ay may kasama na kanilang guardians o kanilang mga magulang at nakakasigurado po tayo based sa aming feedback sa baba na naka-minimum public health standards iyong ating mga kabataan.

Pero again inuulit po natin dahil dito sa banta ng Delta variant, isa ito sa mga polisiya na maaaring pag-aralan at pag-usapan muli kung patuloy pa natin itong i-implement, isakatuparan dahil nga dito sa banta ng COVID-19.

Pero again, hindi ko po pangungunahan iyong ating IATF at siguro mas maganda hintayin nating magiging huling desisyon nito ngayong Huwebes kung saan pag-aaralan itong mga existing policies na up to some extent nagkaroon nang pagluwag dahil gusto nating magkaroon ng kontribyusyon at paglawig ng ating ekonomiya. Pero again, mabigat po kung kumalat naman itong Delta variant ng COVID-19, mas mapapaatras po tayo sa ating alituntunin o ating objective na palawigin ang ating ekonomiya.

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin si Undersecretary Rocky para sa tanong ng media.

USEC. IGNACIO: Salamat, Secretary Martin. Good morning, Usec. Densing. Ito po ay mula kay Pia Gutierrez ng ABS-CBN News: May plano ba kayong tipunin daw po ang mga barangay leaders para pag-usapan ang tungkol sa Delta variant? Maghihigpit ba sa mass gatherings dahil sa banta ng variant?

DILG USEC. DENSING: Bago pa man din ma-announce itong variant naghihigpit na tayo sa mass gathering. Pero dahil lumabas nga itong labing anim na cases kung saan iyong labing isa ay considered local case o mga kaso na ang mga nahawaan po ay hindi nanggaling sa ibang bansa, may posibilidad ho na marami sa ating mga opisyales na lokal, lalo na ang barangay, hindi po ito nakakaalam.

Ngayon magkakaroon po tayo nang immediate advisory/briefing sa ating lahat ng mga lokal na opisyales mula mga gobernador, mga municipal and city mayors hanggang barangay para ho sila maging aware na mayroon na itong banta nitong Delta variant na mabilis makapanghawa.

Importante po itong communication na ito hanggang barangay para ma-communicate din ng ating mga opisyales sa barangay sa ating mga kababayan sa bara-barangay na mayroon itong banta ng Delta variant at lalong mag-ingat. At uulitin po natin, magiging mahigpit po tayo sa mass gathering.

I do understand na mayroon kaming nari-receive na reports na nagma-mass gathering o nagsisimula na po iyong mga pa-meeting ng mga pulitiko. Sana po iyong ating mga pulitiko magdalawang-isip muna at huwag muna ituloy itong mga pa-meeting nila dahil mass gathering din po ito. Posibilidad na ito ay magiging super spreader lalo na’t kung mayroong COVID-19 sa kanilang lugar.

Tandaan po natin may tatlong kaso na po na nasa Maynila and hindi po natin alam kung ilan po ang mayroon pa sa Kalakhang Maynila. Dahil again, iyong genome sequencing ay napakaimportanteng activity para ma-determine natin kung nasaan at sino ang may Delta variant na nahawahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Vic Tahod ng DZAR 1026 Sonshine Radio: Ano daw po ang ginagawa ng DILG para matulungan ang mga panawagan ng ilang LGUs ng karagdagang bakuna para sa kanilang constituents?

DILG USEC. DENSING: Ngayon po may direktiba po ang ating Pangulo na uunahin po natin itong mga regional areas kung saan mayroon pong pagtaas ng numero ng COVID-19 variants at kasama na rin ho dito iyong Region VI, Region X at Region XI. Samantala po, ang ginagawa po natin is tuluy-tuloy po iyong supply natin na dumadating. Nasabi na po ni Secretary Galvez na may inaasahan po tayong between 11 to 16 million doses ng bakuna ng iba’t ibang brand na darating ngayong buwan ng Hulyo and the expectation is itong supply natin ng bakuna will last until August 17.

So in the order of priority po, malaking allocation po ang ibibigay muna natin doon sa mga rehiyon kung saan mayroon hong mabigat o mataas na bilang ng COVID-19 at hopefully tuluy-tuloy din po ang pagpasok ng bakuna. We are expecting around 15 million more doses in the months of August, September and October kasi po ang target natin mabakunahan at least by first dose ang ating mga kababayan or at least 70% of our population.

SEC. ANDANAR: Maiba naman tayo, Undersecretary Densing. May mga report po na tumaas ang human rights violations sa mga barangay na nakatanggap nang mas malaking allocations sa ilalim ng BDP. Inyo pong pinabulaanan ang paratang na ito. Maaari ninyo po bang ipaliwanag ito sa ating mga manunood?

DILG USEC. DENSING: Well, hindi po totoo iyan. Una sa lahat eh ang ginawa po natin sa unang 822 na barangays nitong taong 2021 ang ating bibigyan ng alokasyon ng support through the Barangay Development Program ng gobyerno na itong 822 na barangay na nalinis po natin ng mga terorista, ng mga NPA, mga komunista, naibaba na po natin iyong budget sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali close to more than 99% na po ng budget na 16.44 billion ay naikalat na po sa 813 of the 822 barangays all over the country na identified na bibigyan po ng karagdagang programa ng ating gobyerno.

Ito po yung pagpapasemento ng mga daan, pagpapagawa ng mga eskuwelahan, ng mga health center, ang mga livelihood programs at pagtulong sa mga nasalanta na mga pamilya. Ongoing na po, yung siyam na natitira tinatapos na lang po ang validation ng ating regional inter-agency or regional task force, ‘no, ELCAC.

In fact, natutuwa—ang feedback namin sa baba natutuwa yung ating mga kababayan dahil sa unang pagkakataon, ang gobyerno po, dito po sa gobyerno ni Presidente Duterte ay tumupad sa usapan, tumupad sa isang pangako dahil laging ginagamit nitong mga komunista at terrorist, mga NPA na pangako lang ng pangako ang gobyerno ng pag-unlad o pagbibigay ng tulong sa ating mga barangay eh hindi naman po natutupad at ginagamit po itong dahilan para makapag-recruit sila ng mga miyembro nila.

At dahil nalinis po nalinis na natin ito, ng mga komunista at terorista, binaba na po natin itong mga programa at tinupad na po ng gobyerno ni Presidente Duterte ang mga pangako nilang pagbabago sa mga kalagayan ng buhay nila sa mga na-identify nitong mga communist terrorist areas noon na 822 barangays.

Hopefully ho, by 2022 padagdagan pa ho natin ito dahil mayroon pa tayong nalinis na iba pang barangay. Close to 2,000 na po ang na-identify natin at hopefully mabigyan ng karagdagang budget po ito for 2022 para talagang madala po natin ang pera gobyerno, ang kasaganahan ng gobyerno sa ating mga kababayan sa kanayunan na matagal na pong hindi nabibigyan doon ng mga programa sa mga nakaraang administrasyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Densing, may pahabol lang pong tanong si Tuesday Niu ng DZBB: Ano daw po ang hakbang na gagawin ninyo laban sa mga opisyal ng barangay na deadma lang sa pagsuway ng kani-kanilang constituents? Marami pa rin po daw iyong panay ang videoke at inuman. hindi sinisita ang mga hindi nagsusuot ng tama sa mga face shields, pagala-gala ang mga kabataan nang hindi nakasuot ng face mask etcetera?

DILG USEC. DENSING: Opo. Marami na ho kaming na receive na ganiyang report at pinapa-verify namin itong mga report na ito. At doon sa na-verified reports na talagang nagpabaya po sila o nagkaroon ng mass gathering na kahit alam nilang nangyayari hindi nila pinipigilan o pinapayagan pati iyung videoke o pagkakalat ng mga tao sa kanilang mg lugar, pinapadalhan na ho namin ng show cause order, pinapag-explain at kapag hindi katanggap-tanggap yung kanilang pagpapaliwanag dinidiretso na ho namin para magkaso kami ng administratibo sa kanila para sila’y masuspinde.

Tuloy-tuloy ang ating pagdidisiplina sa ating mga barangay officials at malinaw po ito mula pa noong binanggit ni Pangulong Duterte na mabigat po ang responsibilidad at accountability ng mga barangay officials dahil sila po ang nakakaalam kung ano ang nangyayari sa baba ‘no dahil sila ang pinakamalapit sa mga tao. So, hindi magiging excuse na hindi nila alam ang nangyayari sa kanilang lugar.

Sa ating mga kababayan, kung mayroon ho kayong mga reports na iyong inyong mga lugar ay nagpapa-mass gathering, nagkukumpul-kumpol ang mga tao, nagpapa-videoke nag-iinuman sa labas ng bahay, paki-report lamang po at sila’y aming papupuntahan kaagad para mapagsabihan din ang kapitan at kapag hindi nila na-justify ang kanilang hindi pagtupad ng kanilang responsibilidad at trabaho, sila po ay aming kakasuhan at sila’y sususpendihin namin sa puwesto.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa mga impormasyon, Undersecretary Epimaco Densing III ng Department of Interior and Local Government. Mabuhay po kayo at stay safe, Usec!

DILG USEC. DENSING: Salamat rin po, Secretary Martin, Usec. Rocky at magandang umaga po sa ating lahat.

SEC. ANDANAR: USec. Rocky, pansamantala muna akong magpapaalam dito sa programa. Muli po tayong magsasama-sama bukas mga kababayan. Thank you and go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Ingat din po at salamat din po sa inyo.

Sa iba pang balita, pinabulaanan naman ni Senator Bong Go ang ilang mga haka-haka tungkol sa umano’y motibo ni Pangulong Duterte kung bakit nito gustong tumakbo bilang bise presidente. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, sa kabila ng mga paalala ng eksperto hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa ay marami pa ring tila nagwawalang-bahala sa panganib na dulot ng Delta variant. Kaya naman ngayong umaga muli nating hihimayin ang mahahalagang impormasyon na dapat malaman tungkol sa mas nakakahawang bersiyon na ito ng COVID-19 dito sa ‘Check the Facts.’

At upang ipaliwanag sa atin ang usaping ito ay makakasama natin ngayong umaga si Dr. Rontgene Solante, Infectious Diseases at Vaccine Expert. Magandang umaga po, Doc.!

DR. SOLANTE: Magandang umaga, Usec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., ano nga po ba ang kaibahan nitong Delta sa iba pang variants of concern?

DR. SOLANTE: Sa apat na variants of concern, ang Delta ay ang itinuturing na mas mataas na transmissibility ‘no. 60% higher than the Alpha variant and that means that if you have a 60% transmissibility it can also increase the reproduction number. So, meaning ang isang tao puwedeng carrier isang Delta variant, he can infect the most is six persons, four to six in one interaction.

USEC. IGNACIO: Pero, Doc., ang tanong talaga ng marami, magiging epektibo pa rin po ba ang mga bakuna kontra COVID-19 laban sa Delta variant?

DR. SOLANTE: Yes! Sa ngayon at this point in time, maski kulang ang data sa ibang bakuna pero we’re still confident that this variant will not significantly affect the efficacy of all the vaccines that are currently being used in our vaccination rollout here on the Philippines.

USEC. IGNACIO: Pero sa kabila po nitong mga bagong variant ng COVID-19, can we confidently say na kailangan na talaga ng third booster shot, Doc.?

DR. SOLANTE: Sa ngayon, Usec. Rocky, wala pa tayong ganoong recommendation kasi, unang-una, pinag-aralan natin kung ano ba iyong breakthrough infections natin sa mga bakunang nagagamit na. Doon tayo kukuha ng datos sa mga breakthrough infections, kung talagang mataas ang breakthrough infections, maski nabakunahan ka, then we need to study, we need to evaluate kung kailangan ng booster.

Pangalawa, itong mga bakuna ngayon, base doon sa pag-aaral ng mga cached data nila, are still effective even up to 9 months of the vaccination. So sa ngayon, we will just have wait for data, we will have to monitor and hindi pa kailangan natin ang booster shot sa mga fully vaccinated individual.

USEC. IGNACIO: Opo, pagdating naman po sa usapin ng herd immunity, target po ng gobyerno na mabakunahan ang 70% ng populasyon sa bansa ngayong taon? Makakaapekto ba itong Delta variant sa target nating bilang, Doc?

DR. SOLANTE: Sa ngayon, hindi pa ito major factor para ibahin natin ang target natin na 70%. So ganoon pa rin ang magiging target now. Hopefully by end of the year, we can vaccinate 70% of the total populations especially those at risk population.

USEC. IGNACIO: Opo, paano naman natin maiiwasan itong pagkalat nitong India o Indonesian-like na surge sa ating bansa? Ano pong mga intervention ang mayroon tayo at mayroon pa po ba tayong magagawa upang maiwasan ang surge na ito?

DR. SOLANTE: Sa ngayon, Usec. Rocky paigtingin pa rin talaga natin iyong minimum health safety protocol, iyong pagsusuot ng mask, pagsusuot ng face shield at saka iyong physical distancing. For me, this is the most important, especially po those na wala pang mga bakuna and even for those na may mga bakuna na, ano. Kailangan pa rin natin itong higpitan, mas doble or triple higpitan natin, because this is the only way we can stop. This is the barrier that we can stop transmitting the infection.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, basahin ko lang po, iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media. Una po itong si JP Nuñez ng UNTV na tanong rin po ni Maricel Halili ng TV 5: Is it really advisable na huwag na muna ulit palabasin ang mga bata at higpitan ang borders ng Metro Manila dahil sa banta ng Delta variant?

DR. SOLANTE: Yes, Usec. Rocky. I fully agree with that recommendation. Unang-una ang mga bata, although mababa ang kaso sa mga bata, but that doesn’t exempt them from getting the infection. Ganito ang magiging sitwasyon, halimbawa kung mayroong bata nag-positive nga, dahil pinapalabas ‘no. Kapag umuuwi iyan sa bahay, tapos may mga matatanda sa bahay na kasama na hindi pa bakunado, puwede niyang mahawaan ito. So, that’s the danger there, kung Halimbawa ituloy natin itong pagpalabas ng mga ganitong klaseng sitwasyon na mayroong Delta variant.

USEC. IGNACIO: Opo. Susunod pong tanong ni JP Nuñez form UNTV: May rekomendasyon din po ang OCTA na itigil na muna iyong repatriation ng mga Pilipino mula po sa mga bansang may Delta variants. Pabor po ba kayo dito at bakit po?

DR. SOLANTE: Sa tingin ko, actually I’m in favor with that. Ang importante lang dito siguro na kapag nandoon sila, doon sa mga bansang mayroong ongoing na Delta variant mas maigi din siguro na they will also be prioritized sa mga bakuna at saka ingat siguro. Kasi medyo mahirap din na nandoon na sila sa mga lugar na ito, tapos pauwiin mo lang, it should be subjected to more decision na kailangan pag-aralan siguro.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Maricel Halili: Do you still see difficulties in convincing people to be vaccinated, especially senior citizens?

DR. SOLANTE: Ito, I will share my experience sa mga pasyente namin ngayon na most of our patients na mga na-admit are really the elderly, 60 years old and above. And every time we make rounds, talagang tinatanong namin, bakit hindi sila nagpabakuna. And still there’s this element of hesitancy sa mga matatandang ito, dahil nga sa mga naririnig nila sa mga social media, sa mga kapitbahay o sa mga kaibigan. So, I think we need to really emphasize pa rin, paigtingin ang kampanya natin sa mga matatandang ito, sa mga vulnerable kung gaano kaimportante ang COVID vaccine para sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Maricel Halili, a few moment ago, DOH says that 8 of the 35 Delta variant carriers tested positive for COVID-19 after retesting? What does this mean? Is this a characteristic of the variant? Does this mean na that those tagged as negative can still carry the virus?

DR. SOLANTE: Isang bagay lang ang nakita dito – there can be longer shedding of the virus, ibig sabihin matagal o tumatagal ang virus sa mga katawan nito. Kaya the most na iyong makikita natin, even after 10 days or 14 days na the testing is positive, puwede pa ring makitaan sila after 21 days, so iyon iyong isang characteristic ng COVID-19 and not just necessarily the Delta variant.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at siyempre sa mga paglilinaw, Dr. Rontgene Solante. Mabuhay po kayo.

DR. SOLANTE: Salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, isa-isahin na natin ang mga tala ng COVID-19 sa bansa.

As of 4:00 PM, July 19, 2021, nakapagtala na ng kabuuang bilang na 1,513,396 sa mga nagpositibo sa COVID-19 ang Pilipinas, kung saan 5,651 dito ay mga bagong kaso. 47,551 rin dito ang nananatiling aktibo sa kasalukuyan.

Umabot naman sa 1,439,049 ang total recovery sa bansa kung saan 5,332 ang mga bagong gumaling kahapon. Nananatiling mababa sa bilang na 72 ang mga bagong nasawi kahapon, kaya naman po umabot na ito sa 26,768 total deaths.

Sa inilabas naman pong vaccine rollout update ng DOH, as of July 18, tumuntong na sa higit 15 million doses ang naiturok na bakuna sa mga Pilipino. Nasa 10 million na katao na ang nakakatanggap ng first dose at halos 5 milyong individual na ang fully vaccinated. Ang average daily administered doses naman sa nagdaang pitong araw ay 271,426.

Samantala sunud-sunod po ang naitatalang oil price hike sa bansa, kaya naman ang mga consumer, umaaray na rin ang bulsa. Ano nga ba ang dahilan nito at ano ang solusyong nakikita ng pamahalaan para maibsan ang pasakit sa mga motorist? Makakausap natin ngayong umaga si Undersecretary Felix William Fuentebella ng Department of Energy. Magandang umaga po, Usec?

USEC. FUENTEBELLA: Good morning, Usec. Rocky. Good morning sa lahat ng nanunood sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kaninang umaga nga po ay nagtaas muli ang presyo ng petrolyo at ito po iyong ika-siyam na linggo ng pagtaas, Usec? Ano nga ba ang dahilan nito?

USEC. FUENTEBELLA: Okay, ilagay natin sa tatlong kategorya o tatlong mundo na nangyayari. Una iyong nangyayari sa labas. Sa pandaigdigang merkado nagkakaroon ng pagtaas ng demand at dahil tumataas iyong demand ay tumataas iyong presyo diyan. Pangalawa ang rason diyan sa pandaigdigang merkado, eh nagkakaroon ng dalawang restriction. Iyong dalawang restriction na iyan ay nagri-restrict iyong Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC), nagre-restrict sila na lakasan iyong supply o damihan iyong production nila. So dahil diyan bumababa iyong supply. At pangalawang restriction, mayroon tayong economic sanctions na pinapataw, iyong United States sa dalawang bansa na puwede ring magdagdag ng supply ng petrolyo, so iyon iyong Iran at Venezuela.

So iyong dahil sa pag-restrictions sa supply at pagtaas ng demand, tumataas iyong presyo dito sa ating pandaigdigan merkado.

Dahil diyan sa unang kategorya na iyan, sa unang mundo na iyan, first sphere ay naaapektuhan iyong pangalawang kategorya, iyong nangyayari sa mga tindahan dito sa Pilipinas. So dahil nagkakaroon ng pagtaas doon sa world market prices ay tinatamaan iyong mga nagtitinda dito sa local market natin.

Pero bakit natin hiniwalay iyong local market? Kasi laban-laban din sila dito sa local market. Ibig sabihin, puwede si consumer na mamili, dito ako sa tindahan na ito, sa retail outlet na ito, bakit? Dahil mas mura ang kaniyang mga produkto or dito ako sa pangalawang retail outlet, sa pangalawang tindahan ng gasoline, diesel, kerosene, dahil ito iyong partner kung saan ako naggo-grocery o dito naman ako sa kabila, dahil medyo mataas iyong presyo, pero malinis iyong banyo, feeling ko safe ako. So, mayroong bakbakan na nangyayari sa local market. So iyon iyong sinasabi natin na isang dapat pag-aralang maigi ng ating consumer na hindi tayo madadala doon lamang sa unang kategorya kung hindi dito sa marunong tayong mamili.

At dito sa pangatlo, iyong mundo ko mismo, the third category is ano iyong pag-uugali ko. Kasi mapapansin natin, nagkakaroon tayo ng transition. Dito sa Metro Manila mayroon tayong tinatawag na bike lanes or green route, so iyon ang mga tinitingnan nating puwedeng gawin ng ating mga consumer sa pagbabago, sa transition. Dahil tinutulak din natin iyong malinis o pagbawas ng ating carbon emission. So, dahil diyan, ini-encourage natin iyong paggamit ng green route o tinatawag na mga ruta kung saan puwedeng gamitin iyong bisikleta o kung saan puwedeng gamitin iyong electric vehicle. So, iyon po ang isang puwedeng tingnan.

So sa ngayon, ito po iyong nangyayari—

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec.—yes, go ahead. Sige po.

DOE USEC. FUENTEBELLA: Mayroon tayong pagtaas ng demand sa buong mundo. At ang pagtaas pong iyan ay 5.6 million barrels per day ng petrolyo. At ang sasagot po niyan ay iyong non-OPEC 1.1 million barrels per day at OPEC members 4.5 million barrels per day; pero nag-uusap iyong OPEC na babaan iyong produksiyon nila, so iyon po iyong isang dapat tingnan natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ito pa rin iyong tanong ng marami, Usec., inaasahan bang magtataas pa rin ito sa mga susunod pang linggo?

DOE USEC. FUENTABELLA: Sa mga nakikita natin sa pandaigdigang merkado, ganoon ang nagiging trend po. Pero, bigla na lang—ang pagbabago sa presyo kasi diyan, Monday, Tuesday, every week, every day ‘no – Monday, Tuesday hanggang Friday nagti-trade sila. So minsan ang nakikita nating trend niya is medyo magkakaroon ng pagtaas. Kaya lang may nangyari, halimbawa, hindi kasi natin kontrolado, mayroong pagkakasundo halimbawa iyong Venezuela at saka iyong Amerika, so those things will really affect the prices. Or mayroong miyembro ng OPEC na hindi susunod ‘no doon sa restriction na sinasabi nila.

So isang reason din ‘no, kung magkakaroon din tayo ng problema sa COVID ulit sa buong mundo ‘no, puwedeng bumaba iyong demand. So hindi po talaga siya predictable, iyon ang masasabi ng Department of Energy sa pandaigdigang [unclear] para sa first category.

Pero ang sinasabi rin natin dito is huwag tayong madala sa kuwento ng first category lang sa world market. Tingnan natin kung ano iyong lokal na sitwasyon natin, iyon ang pag-aralan natin dahil ang Department of Energy at iyong Angkas riders ‘no ay magkakaroon ng kasunduan – babarilin nila iyong QR Code. Ibig sabihin, puwede nating ma-track iyong real-time prices na ibabangga natin sa Google maps kung saan iyong mga tindahan na may mura na maaasahan nating presyo.

So iyon iyong sinasabi natin sa second category, doon tayo bubuwelo kasi mas maraming magagawa ang pamahalaan dito sa second category kung saan local market ang tinitingnan. So kung ang usapan ay mag-compare iyong prices, siyempre manu-mano – ito mas mura, ito. Pero puwedeng gamitin na rin sa app, titingnan sa cellphone, ‘Ito, dito ako magpapagasolina.’ Ngayon, iyon iyong umpisa pa lang kasi in three months, maglalabas rin si Department of Energy ng application talaga. Kasi sa ngayon, mayroon na tayong Waze. Iyong Waze mati-trace natin kung ano iyong presyo ng mga tindahan sa gasolinahan.

Pangalawa, maglalabas tayo ng memorandum of agreement, iyong DOE at saka iyong Angkas riders natin, para magkakaroon pa ng countercheck iyong Waze real time ‘no.

At pangatlo, in three months, maglalabas din—three to six months ‘no, sabi sa akin ni Director Abad ng Oil Industry Management Bureau, ay maglalabas din iyong DOE ng application. So ibig sabihin, gagamitin natin iyong app natin para ma-track iyong prices real time.

Pero hindi lang iyan ang tinitingnan ng DOE. Ang dapat tingnan natin is iyong quality ng paninda. So iyong quality ba na iyan ay hindi makakasira sa ating makina? Pangalawa, mayroon ba silang magandang facility or comfort room? Pangatlo, malinis ba ito, lalung-lalo na may COVID IATF ano tayo, regulations na dapat sundin? At pang-apat, mayroon ba itong hangin ‘no at saka iyong water na services na puwedeng ibigay sa ating mga consumers? So iyon iyong mga dapat tingnan din natin. Kasi sa second category, iyon nga, iyong local market ay ganoon iyong dapat bantayan ‘no. We have to compare iyong mga bonus nila, kasi iyong iba namimigay ng diskuwento kung mayroon kang card na ganito. Iyong iba naman ay may mga loyalty points. Iyong iba ay may mga libreng mga … kung anong mga pinamimigay sa consumers. So we have to compare itong mga tindahan kung saan talaga tayo puwedeng bumili.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., isa nga pong lawmaker ang naghikayat sa pamahalaan na pabilisan ang pagplano nito na mag-set up ng oil stockpile reserves para daw po masiguro iyong stable supply at prices ng petroleum products. So ano po ang masasabi ninyo dito?

DOE USEC. FUENTEBELLA: Ang stockpiling po kasi ay ginagamit iyan for emergency purposes. Hindi po iyan iyong ginagamit para magkaroon tayo ng sinasabi nating pambangga sa presyo na nararamdaman. Kasi ang dinisenyo ng batas natin ay kumpetisyon iyan. So kapag nagkakaroon ng kumpetisyon, hindi dapat nakikialam ang gobyerno. Ibig sabihin, we encourage them to do business there pero [garbled] sila. Kaya ang gobyerno, ang pakikialam niya ay ini-empower niya, ginugrupo niya naman iyong consumer.

Ngayon, iyong stockpiling is a security measure na kapag nagkaroon ng gulo sa labas ng bansa, lalung-lalo na sa Pilipinas na wala tayong magandang source na pansarili or wala tayong nahuhukay na oil hindi tulad ng mga Middle East countries ‘no. Kasi nakikita naman natin parang X-ray sa Pilipinas, nasaan iyon oil, medyo manipis siya, hindi siya madami or konti talaga that’s why we buy outside.

So para sa seguridad, iyon iyong stockpiling. Ibig sabihin, kapag nagkaroon ng gulo, naharangan na naman iyong daanan ng mga oil at hindi umaabot sa atin, that’s the reason for stockpiling. At ang nangyari rito, naglabas si Secretary Cusi ng circular para pag-aralan ng PNOC at ng DOE, maglabas ng feasibility study – iyon iyong una ‘no. After the feasibility study ay magkakaroon ng execution plan para magawa ito ‘no. May execution plan kasama iyong guidelines on ano iyong paggamit ng strategic oil reserves. Hindi po ito pambangga sa presyo. So iyon iyong guidelines na pag-uusapan diyan. Pangalawa, iyong infrastructure ‘no, kung malakas ba ito. Pangatlo, iyong sistema na gagamitin para ma-secure talaga iyong ating strategic reserve kung saan natin ito ii-store. At pang-apat ‘no, iyong resiliency na kapag tinamaan ba tayo ng earthquake o iyong bagyo ay safe pa rin ba iyong ating reserba.

So iyon po ang gamit ng strategic oil reserve. So sa ngayon, sabi ni Sec. Cusi, PNOC, DOE mayroong feasibility at pangalawa, iyon ang gagamitin for budgeting. Kasi ang gagamitin natin dito ay hindi pera ng consumer kung hindi pera ng pamahalaan from the taxes. So ibig sabihin, kukuha tayo ng pera from Congress para dito sa reserbang ito.

So iyon nga, after that, ay magkakaroon dapat … hihingin ng Congress iyan ‘no ng execution plan at mga guidelines papaano para magkaintindihan ano ang gamit ng strategic oil reserve.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Vic Tahod ng DZAR ng 1026 Sonshine Radio: Ano raw po ang maituturing na milestone sa sektor ng enerhiya sa panahon po ng Duterte administration, mga accomplishments na nakatulong sa mga consumer ng kuryente?

DOE USEC. FUENTEBELLA: Ang una pong accomplishment ng Duterte administration ay iyong pagtulak ng renewable energy, kasi okay nga ‘no, 2008 pa raw iyon g Renewable Energy Act. Pero pag-upo ni Secretary Cusi, doon lamang nakumpleto lahat ng mekanismo para matulak natin iyong renewable energy. Dahil pagpasok po ni Pangulong Duterte [garbled] na mekanismo ay iyong feed in tariff system na pinasa nga lang iyong presyo ‘no sa ating mga consumer na para magamit iyong renewable.

Pero sa pagpasok ni Secretary Cusi, naglabas nang sunud-sunod na polisiya for RE dahil utos din po iyan ni Pangulo. Una, iyong renewable portfolio standard o iyong quota para sa pagbili ng RE ng mga distribution utility. Pangalawa, iyong green energy option ‘no na puwedeng mamili ang consumer diretso sa isang renewable energy producer. At mayroon din pa lang ginawa na rin dati ‘no, iyong net metering mas pinapalakas natin. Iyong puwede iyong consumer ay nagpu-produce na rin ng sarili niyang kuryente.

Pangalawa, pinabilis ni Pangulo iyong pagbigay ng permit sa mga energy development projects. Iyan ang nilabas niya, may EO 30 na naging batas ‘no – Energy Virtual One-Stop Shop Act – kung saan mabilis na dapat aktuhan ng national agency at saka ng local government iyong permit na binibigyan lamang siya ng certain number of days otherwise deemed approved po ito. At kung hindi po sumunod iyong mga nagpa-facilitate, nagpuproseso ng permit ay puwede po itong matanggal sa trabaho, iyong mga taga-gobyernong matagal gumalaw. Red tape po sa energy ang pangalawang malaking achievement.

Iyong pangatlo ay iyong tinatawag nating energy efficiency. Ano po ito? Ito po iyong batas na pinirmahan din ni Pangulong Duterte. Iyong energy efficiency ay gumawa nang bagong industriya dito sa energy efficiency sector kung saan maraming green jobs o maraming trabahong puwedeng makuha dahil akala ng iba kapag nag-energy efficiency tayo eh savings po ang makukuha. Hindi po, pati po trabaho kasi ang makukuha po natin diyan halimbawa sa isang condo, wala pong energy efficiency manager diyan. Sabi noong batas mayroon kasi kapag naging energy efficient iyong building na iyan, milyones po ang nagiging savings at nagiging matulungin din po ito sa carbon [garbled]. So iyon po ‘yung energy efficiency ‘no.

So RE, red tape sa energy applications na ating natanggal at iyong energy efficiency. Mayroon pa nga pong pang-apat, iyong nilalabas natin ngayon, iyong development ng natural gas. Kasi sinasabi natin na iyong Malampaya ay puwedeng bumababa na or nagdi-deplete, kailangan nating magbukas ng bagong industriya na naman, iyong natgas. At matatapos po itong mga proyektong ito, importation ng natgas at sa pag-develop ng natgas industry sa [garbled] po ng termino ni Pangulo and ito po ay puwedeng maipamana sa susunod.

So iyon po, apat lang po muna ang ibigay natin para hindi po tayo masyadong mapuno na.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., panghuli na lang po ano. Isang mabilis na lamang po ano para hindi po tayo maubusan ng oras. Pasensiya na po. May tanong po si Celerina Monte ng Manila Shimbun: Is there any action already from the Office of the President regarding the recommendation of the DOE to award three new petroleum service contract located in the West Philippine Sea? Can you give further details on this?

DOE USEC. FUENTEBELLA: I cannot give further details. I have to get back to you. So probably i-text ko na lang po, Usec. Rocky. Kailangan ko pong kausapin iyong Director kung ano iyong mga latest tungkol diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Undersecretary Felix William Fuentebella mula po sa DOE. Mabuhay po kayo at ingat po kayo.

DOE USEC. FUENTEBELLA: Thank you very much and God bless.

USEC. IGNACIO: Samantala, bumisita naman sa Liloan, Southern Leyte ang outreach team ni Senator Bong Go para mamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya ng kabuhayan dahil sa pandemya. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan natin ang mga pinakahuling balita na nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa mga lalawigan ng bansa. May ulat si Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo.

Samantala, mula nang nagsimula ang pagbabakuna sa bansa nitong Marso ay nasa higit limampung vaccination sites na agad ang naitayo sa Davao City para mas mapabilis ang pagbabakuna sa lungsod. Ang detalye sa report ni Julius Pacot:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa gitna naman nang patuloy na pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa Cebu City, punuan na rin ang mga ospital sa lungsod kaya ang mga residenteng nahawahan ng virus hirap makapagpa-admit sa mga ospital. Magbabalita si John Aroa ng PTV-Cebu:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, tinaguriang smallest, complete and livable house na ‘The Tank House’ agaw eksena sa Baguio City. Silipin natin iyan sa report ni Eddie Carta ng PTV-Cordillera:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At bago po tayo magpaalam, binabati po namin ng isang maligayang kaarawan ang isa sa aming Executive Producer na si Bessie Cruz-Valdez. Happy Birthday Bessie!

At dito na po nagtatapos ang isang oras nating makabuluhang talakayan. Samahan ninyo kami muli bukas upang alamin ang mga napapanahong issue sa bansa.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center