SEC. ANDANAR: Isang mapagpalang araw sa lahat ng ating mga kababayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Samahan ninyo po kami sa isang panibagong linggo ng pakikibaka para sa tunay at tapat na impormasyon tungkol sa COVID-19. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio, kasama ninyong aalam sa pinakahuling hakbangin ng pamahalaan para labanan ang COVID-19.
SEC. ANDANAR: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Kaya naman, bayan, halina’t samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH. Alamin muna natin ang pinakahuling balita sa ating bansa:
Senador Bong Go pinaalalahanan ang mga government agencies na huwag kalimutan ang mga stranded workers sa Metro Manila dahil sa Enhanced Community Quarantine. Aniya, kasabay ng paghahanda sa implementasyon ng Balik-Probinsiya Bagong Pag-asa Program dapat daw na unahin nang tulungan ang mga manggagawang hindi na nakabalik sa kanilang mga probinsiya simula nang ipatupad ang travel restrictions sa bansa. Dapat umanong paglaanan ang mga ito ng pagkain at libreng transportasyon gayun din ang tiyak na kabuhayan pag-uwi sa kanilang mga probinsiya. Dapat din daw na hindi malimutan ang mga health protocols na kailangang sundin para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Nilinaw din ni Senador Bong Go na hindi ito sapilitan at para lang sa mga nagnanais na makabalik sa kani-kanilang mga probinsiya. Sa kasalukuyan ay tinutukoy na ng inter-agency council na naatasan sa implementasyon ng nasabing panukala ang mga programa at resources ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na maaaring ilaan para rito ayon na rin sa Executive Order 114 na pinirmahan ni Pangulong Duterte.
USEC. IGNACIO: Kaugnay niyan: Technical vocational skills training program sa bansa dapat ding paigtingin. Kasabay ng paglalatag ng panukalang Balik-Probinsiya Bagong Pag-asa Program ay dapat din na mas palakasin pa ang Technical Vocational Education and Training (TVET) sa bansa sa pamamagitan ng TESDA para i-equip ang ating mga manggagawa ng dagdag kasanayan na makakatulong sa kanila na magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan para mabilis na makabangon mula sa krisis na ito.
Aniya, mahalaga ring ituon ito sa ma probinsiya at gawin itong adaptable sa mga pagbabagong magaganap sa oras na mag-uwian na po ang ating mga kababayan. Iminungkahi pa rin ni Senator Go ang pakikipag-ugnayan ng TESDA sa DTI, NEDA at mga LGU para masigurong tama at kapareho ang skills training ng bawat manggagawa sa mga trabaho at industriyang uuwian nila sa kanilang mga probinsiya.
Ayon naman kay TESDA Director General Isidro Lapeña mas paiigtingin ang mga programa ng kaniyang ahensiya sa agrikultura, kalusugan at construction para rin makatulong sa mabilis na pagbangon ng bansa pagkatapos ng COVID-19 pandemic.
SEC. ANDANAR: Samantala, PAGCOR Suncity Group at Resorts World Philippine Culture Heritage Foundation, Inc. nag-donate ng limampung milyong pisong halaga ng PPEs sa apatnapung pampublikong ospital sa buong Luzon.
Bilang bahagi pa rin ng pagtutulungan mga entertainment resort at PAGCOR licensees sa bansa ay umabot sa limampung libong piraso ng PPEs ang ipinamahagi sa iba’t ibang ospital sa Luzon na may mahigpit na pangangailangan sa karagdagang kagamitan. Kabilang sa kumpletong set na ito ay ang PPE suits, N95 masks, medical facemasks, medical goggles, gloves at shoe covers.
Laking pasalamat naman ng mga nabigyang ospital kagaya na lang ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital kung saan kadalasan araw-araw ay nasa hundred fifty PPEs umano ang nagagamit sa pag-aasikaso sa kanilang mga pasyente.
Simula pa noong March 22 ay tuluy-tuloy na ang pagtulong na ginagawa ng PAGCOR at ng mga licensees nito para maibsan ang epekto ng Enhanced Community Quarantine sa ating mga frontliners at mamamayan.
Maya-maya lamang po ay makakasama na nating maghahatid ng balita sina John Mogol ng Philippine Broadcast Service, Daniel Grace De Guzman ng PTV Cordillera, Julius Pacot ng PTV Davao, John Aroa ng PTV Cebu at si Allan Francisco ng PTV Manila.
USEC. IGNACIO: Samantala, latest COVID-19 count muna tayo. Nadagdagan po ng 184 new confirmed cases ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa as of 4 P.M. kahapon. Sa kabuuan ay umabot na sa 10,794 kung saan 75% or 8,151 ang nananatiling active cases, habang 1,924 naman po ang naka-recover dito at 719 ang mga nasawi.
Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya 02-894-26843. Para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Maaari ninyo rin pong tawagan ang hotline numbers ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita ninyo sa inyong TV screens.
Patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang www.doh.gov.ph/covid19tracker
SEC. ANDANAR: Samantala, Rocky, makakapanayam naman natin ngayong araw sina CSC Commissioner Aileen Lizada, CHEd Chairperson Prospero De Vera III, Philippine Ambassador to Australia Hellen Barber Dela Vega at si MMDA Spokesperson Asec. Celine Pialago.
Unahin muna natin ang tagapagsalita ng MMDA na si Assistant Secretary Celine Pialago. Magandang umaga sa’yo, Asec. Celine.
ASEC. PIALAGO: Good morning, Secretary Andanar and Usec. Rocky. At sa lahat po ng nakasubaybay sa atin ngayon sa Laging Handa press briefing, magandang umaga po sa inyong lahat.
SEC. ANDANAR: Ayon sa naging pahayag ni MMDA GM Garcia ay nahirapan ang mga Metro Manila mayors natin sa pagdi-decide on what to recommend to the IATF dahil sa posibleng health risk o kaya naman ay economic risk ng pag-extend o pag-lift ng ECQ sa NCR. The mayors came up with three possible scenarios – ECQ, GCQ at MCQ. At sa ECQ muna, gaano kahabang ekstensyon ulit ito kung sakali at ano ang economic consequences na dapat paghandaan natin?
ASEC. PIALAGO: Yes Secretary, inabot nga po ng limang oras iyong naging pagpupulong ng mga Metro Manila mayors kasama po ang ilang health experts sa pangunguna rin po ng aming General Manager Jojo Garcia, Chairman Danny Lim. At lahat po ng Metro Manila mayors ay nabigyan po ng pagkakataong ilatag ang magiging pros and cons kung sakali pong mai-extend hanggang May 31 ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.
So wala pong naging unanimous decision, Secretary, pero nagkaroon po ng unanimous suggestions. Isa po diyan ay iyong pag-extend ng ECQ hanggang May 31; pangalawa po iyong transition into GCQ; pangatlo po iyong modified GCQ kung saan po local officials po ang magdi-determine kung alin hong mga barangay ang puwedeng i-lockdown dahil po sa dami ng kanilang mga COVID positive patients.
SEC. ANDANAR: Sa GCQ naman ay mayroon nang guidelines na nailabas ang IATF dito, pero hindi ba ito magiging mataas na risk sa ating kalusugan?
ASEC. PIALAGO: Well, Secretary, 10 out of 17 Metro Manila mayors po are in favor po na i-extend ang ECQ hanggang May 31, iyan po sa kadahilanan na kinukunsidera ho ang health at kaligtasan po ng ating mga kababayan. Yes, sir, isa po iyan sa mga idinulog at pinag-usapan na masyadong risky ho para sa ating mga kababayan habang tuluy-tuloy pa po ang mass testing, habang tuluy-tuloy pa po iyong ating contact tracing at iyong paglipat po sa ilang mga PUIs at PUMs, pag-sanitize ng mga areas. Habang ginagawa po ng gobyerno ang lahat ano, kulang pa po iyan sa ngayon dahil nanghihingi pa po ng 15 days ang ilang Metro Manila mayors para po tiyaking ligtas ang ating mga kababayan sa posibleng second wave ng COVID-19 kasi iyon ho talaga iyong kinakatakot ng ating mga Metro Manila mayors doon sa meeting at kasama po ang ilang health experts na hindi ho katiyakan dahil kapag GCQ, Secretary, ang public transportation po ay gumagana na iyong ilan; mayroon na hong mga establisyementong magbubukas. So iyon po iyong kinu-consider ng ating mga Metro Manila mayors at health experts.
USEC. IGNACIO: Opo. Asec. Celine, kung sakali ngang i-lift na iyong ECQ sa Metro Manila at gawin itong GCQ or MCQ, nakahanda ang MMDA sa mga guidelines na dapat mahigpit na ipatupad sa buong National Capital Region?
USEC. PIALAGO: Yes, Usec. Rocky, noong Sunday po idinulog po ng General Manager Jojo Garcia sa IATF iyong tatlo pong suggestions ng Metro Manila Council. Ang hiling lang po ng Metro Manila Mayors kung anuman po ang magiging desisyon ng IATF – sana po iisa ang polisiya, iisa ang guidelines, iisang kumpas lang po para sa NCR – since NCR po must act as one region. Hindi po pupuwede, Sir, Ma’am na iyong isang city ho ECQ, iyong isa po GCQ, iyong isa modified, since inter-cities po iyong pinag-uusapan natin.
Regarding po sa kahandaan ng MMDA, Usec, doon po sa mga capacity ng pampublikong sasakyan, may guidelines po ang DOTr. Regarding po sa ruta ng mga pampublikong sasakyan, mayroong ibababa ang LTFRB – iyong nitty-gritty. Usec, iyon lang po ang hinihintay namin, and yes po, although madadagdanan po ang trabaho pero handa po ang MMDA na i-implement po ito sakali hong magkaroon ng transition from ECQ to GCQ. Pero kung mananatili naman po sa ECQ, kung ano po iyong nakakasanayan natin nitong nakaraang araw – mahigit dalawang buwan na po – mananatili pong ganito po ang sistema natin.
USEC. IGNACIO: Oo, ang Metro Manila kasi iyong naitalang may pinakamataas na kaso ng COVID-19. Most likely ba ia-adopt ng Metro Manila ang GCQ guidelines sa ibang mga probinsiya o magkakaroon ng adjustment dito base sa magiging pag-uuusap na rin ng Metro Manila Mayors?
USEC. PIALAGO: Usec, iyong naunang guidelines po na inilatag po sa ilang mga probinsiyang under GCQ na sa ngayon, wala naman pong nakikita ang mga Metro Manila Mayors na problema doon, puwede na po ng i-adopt iyon dito sa Manila: Iyong mga malls magbubukas na pero for essentials lamang; iyong ilang mga establisyimento magbubukas na pero para lamang sa mga restaurants, drugstores, etcetera; public transport within 50% capacity. Pero Ma’am, nasa last call po ng IATF kung may babaguhin po ba sila sa naunang guidelines na ibinigay po nila sa GCQ sa ilang mga probinsiya kung applicable po ba iyon dito sa Metro Manila.
Pero so far, wala pong problema doon ang ating mga Metro Manila Mayors. Ang hiling lang po lang nila talaga, Sec and Usec, magiging isang kumpas lang dapat, kasi po hindi puwedeng si Makati – GCQ, pero iyong nearby city, si Taguig – ECQ, hindi po sana ganoon iyong mangyari. So, NCR must act as one region, iyon lang naman po, Usec Rocky. At iyong tatlong suggestions po, iyon po iyong idinulog at iyon po ang hinihintay natin, para po iyong guidelines po ay mai-draft na po at mapag-usapan na pong mabuti.
SEC. ANDANAR: Sa MCQ naman o Modified Community Quarantine, papaano po ba ito, how does this work, paano po ang magiging sistema dito?
USEC. PIALAGO: Well, Secretary, doon naman sa modified GCQ, ang bawat local officials po, local executives ay may kakayanan pong i-determine kung ilan pong mga barangay sa kaniyang nasasakuan iyong may pinakamaraming bilang ng mga PUIs, PUMs or COVID positive.
So, kung for example ang certain barangay po ng isang certain LGU ay may pinakamaraming bilang ng mga COVID positive, iyon lang po – iyong particular barangay, particular zone, kung anuman po ang gusto nilang gawin – pero iyon lang po, naka-systematic lang po kung sino lang po ang magkakaroon ng lockdown. Hindi po maaaring i-lockdown iyong buong city, kung hindi po iyong barangay lamang, iyong zone o iyong district, depende po sa mapag-uusapan, at ang magdedesisyon po dito ay ang local executive.
SEC. ADNANAR: Alam natin na ang iba’t-ibang siyudad sa Metro Manila ay dikit-dikit at karamihan ng mga nagtatrabaho, halimbawa, sa Quezon City na may mataas na kaso ng COVID-19 ay taga ibang siyudad din. How do we respond to this, napag-usapan din ba ito sa council meeting?
USEC. PIALAGO: Yes po, Secretary, dahil iyan nga po iyong major concerns na kung sakali po na magkakaroon pa ng ibang desisyon per LGU ay mahihirapan po talaga dahil hindi po lahat ng nagtatrabaho sa Makati ay nakatira sa Makati; hindi rin po lahat ng nagtatrabaho sa QC ay nakatira sa QC. Lahat po ng mga issues ay nalatag po, kaya po inabot ng limang oras.
In fact, Secretary, kinonsider din iyong other provinces kasi po, hindi lang Metro Manila ang pag-uusapan dito: Ang Calabarzon, sila o ay may mga negosyo rin dito sa Metro Manila na essentials; Bulacan, Pampanga etcetera, so sila din po ay maapektuhan.
Yes, Secretary pinag-usapan po iyan, kaya po kung magiging GCQ po ito ay hihintayin po natin iyong nitty-gritty, iyong guidelines po na manggagaling po sa DOTr, para po iyong galing sa ibang siyudad, iyong ilang galing probinsiya, iyong pag-connect po ng mga cities – inter-cities connection po natin ay magiging maliwanag po dahil po sa ibababang guidelines ng LTFRB. Magkakaroon po ng adjustment sa routes, Secretary, bale one route na lang po iyan at hinihintay pa lang po natin iyan sa ngayon.
Sa DOTr naman po – Iyong carrying capacity ng mga pampublikong sasakyan, 50% ang maaaring sumakay: So iyon sir, napag-usapan po iyan pero pag-ECQ walang problema, Secretary, kasi mananatili tayo sa kung anuman tayo ngayon. Iyong GCQ, ito po iyong mas kailangang pagtuunan ng pansin, dahil iyong guidelines po kailangang masusing mapag-aralan at maihatid po sa publiko para po maintindihan ng ating mga kabababayan;
Iyong pangatlo sir, iyong modified GCQ hindi masyadong magiging mahirap, since barangay lang ho iyong ito-total lockdown o magkakaroon ng Enhanced Community Quarantine. So, LGU problem lang po siya, madali lang po siya kung tutuusin. Pero po kapag health at economic wise po ang ating ibabalanse, doon po talaga nahihirapan ang ating mga Metro Manila Mayors, Secretary.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyong panahon, Asec. Celine Pialago ng MMDA.
Makakapanayam din po natin si Civil Service Commission, Commissioner Aileen Lizada, magandang araw po sa inyo, Ma’am.
COMM. LIZADA: Magandang araw po, Secretary Andanar, Usec. Rocky at sa lahat po ng nakikinig at nanunuod – magandang umaga po.
SEC. ANDANAR: Commissioner, noong Biyernes ay naglabas na ang CSC ng resolutions tungkol sa interim guidelines for alternative work arrangement para sa government offices, gaya ng work from home, skeleton workforce, four-day work week at staggered working hours. Ano po ba ang limitasyon ng work arrangements na ito sa ECQ at GCQ?
COMM. LIZADA: Based doon sa MC #10, may retroactive effect ito ng March 16, There are actually five work arrangements na binibigay po sa heads of agencies.
- Mayroon po tayong work from home.
- Skeleton or skeletal work force.
- Four-day compressed work week.
- Staggered working hours.
- Alternative work arrangement.
Isa-isahin po natin: Ang work from home, kailan po siya puwede – kapag may declaration ng ECQ, or kapag may GCQ and kinakailangan po ng social distancing at iyong public transport po ay may reduced capacity po – at saka rin po importante din po that heads of agencies who are tuned-in right now – importante po iyong mga senior citizens and up, at saka those with iyong mga may immunodeficiency, comorbidities, and other health risk, pregnant women ilagay ho natin sila sa work from home arrangement. Iyong mga may-asthma, iyong na-stroke po even if you are even below 60, puwede ho kayong work from home. Hindi po kinakailangan na senior citizen kayo at mayroon po kayo nitong sinasabi ko. It’s important that we protect our government officials and employees na medyo mahina po iyong kanilang medical condition;
The other one po, iyong ating skeleton/skeletal work force – Ito po iyong kinakailangang pumunta sa opisina pero hindi po kailangan na full staffing pattern, like let’s say iyong receiving section ninyo – we have a skeleton or skeletal workforce;
This one, we want to highlight also, the four-day work compressed work week. For government, mayroon po tayong batas na dapat 40 hours po ang ilalagay natin sa ating trabaho. But with the four-day compressed work week, dati po, 10 hours dapat ang nilalagay natin sa trabaho, pero hindi na po iyan ngayon. Iniiba po natin, because wala naman pong makikipag-transact sa atin ng alas-sais ng gabi o alas-siyete ng gabi. So, the compressed work week may either be Monday to Thursday, Tuesday to Friday; and you do not have to let the employee stay in the office for ten hours puwede hong certain numbers of hours and the rest po, iyong trabaho niya, puwede na po niyang iuwi.
For the staggered working hours po, ito ho iyong let’s say kung gusto ninyo sa umaga and the rest will be work from home.
Other alternative work arrangements, the fifth one: If the head of agency deems it fit, mayroon ho siyang ibang combination na puwedeng gawin, puwede po, the ahead of agency is allowed. Why? Because iyong mga heads of agencies po sila ho iyong mas nakakaintindi, mas nakakaalam kung ano iyong pangangailangan ng kanilang opisina.
So, with all that I have said or the five alternative work arrangements, puwede ho nating i-combine. Ito ho iyong maganda dito kasi puwedeng i-combine para ho hindi mahirapan din iyong ating transacting public at iyong government officials and employees po. We have a leeway whether it is ECQ, GCQ, MCQ you now have five alternative working arrangements po, Secretary.
USEC. IGNACIO: Good morning, Commissioner Lizada. Hanggang kailan naman po puwedeng magtagal ito; kung sakali ba po na matapos iyong pandemic, maaari ba rin na ipatupad ito ng ating mga government offices lalo po iyong four-day work week na matagal na pong isinusulong sa bansa?
COMM. LIZADA: USec. Rocky, this one is really fresh and new and this will take effect May 22. This is a joint memorandum circular of CSC, Department of Labor and Employment and DOH, ito po ay iyong occupational safety and health standards for the public sector.
This was signed last May 4 and will be effective after fifteen-day publication which is May 22.
For your question, ma’am: Nakalagay ho iyan dito under Item 5 po that the heads of agencies – Item 5, Paragraph 5 – the heads of agencies may adopt flexible working hours equal to the forty working hours required by the law.
And nakalagay ho dito – ‘but’ – except ano, hindi ho puwede dito, hindi ho mag-a-apply sa healthcare facilities, emergency services, law enforcement and similar duties which may adopt—hindi ho sa kanila puwede iyon but if the four-day work week schedule is applicable, nandito na ho sa ating Joint Memorandum Circular No. 1, Series of 2020, puwede po.
So, it gives us a leeway para ho we can adopt because this is not normal times and therefore, we sa gobyerno, we likewise have to evolve and adopt to the changing conditions po.
SEC. ANDANAR: Ano naman po ang technical support na dapat asahan mula sa mga employers o mga ahensya ng pamahalaan sa kanilang mga empleyado with these alternative work arrangements?
COMM. LIZADA: Secretary Andanar, based doon ho sa Joint Memorandum Circular, I’d like to highlight po the occupational safety and health standards for the public sector. Nakalagay ho dito, it is to the—it is charged po. What is charged? Ito po iyong personal protective equipment will be charged to the agency for its employees and aside from that, Secretary, doon ho sa Revised Interim Guidelines sinasabi po dito na kailangan ho tayong… to sanitize iyong ating mga lugar and then ensure that iyong mga high-risk po natin aalagaan ho natin and that the agency will adopt their internal rules and regulations regarding po itong ating guidelines on health and safety po.
To highlight this, in the Joint Memorandum Circular kinakailangan ho dito—this is effective May 22, moving forward, kinakailangan ho dito mayroon tayong safe and health officer. Siya ho iyong mag-o-oversee ng lahat kung ano iyong kinakailangang gawin, kung ano iyong kulang, and it is the head of agency who will be the head of the committee.
So, this is just timely, this Joint Memorandum Circular and we need to look after our government officials and employees kasi tayo ho iyong inaasahan ng bayan na manilbihan ho sa kanila and if we are not in good condition and if we do not take care of our own, who else will take care of the public, sir?
USEC. IGNACIO: Commissioner, since hindi natin alam kung hanggang kailangan talaga itong pandemic ano po, paano naman po iyong compensations gaya ng holiday pay o kaya naman po noong ibang mga benepisyo gaya ng hazard pay, iyong overtime pay, at iba pa? Ito po ba ay para na lang sa mga naka-skeletal workweek lang or eligible din po at may mga nakaiba pa ring alternative work arrangement gaya ng four-day work week?
COMM. LIZADA: Ito po, nagpapasalamat tayo na nasa gobyerno tayo at this stage po kasi tuloy-tuloy iyong ating suweldo. Huwag na ho kayong umasa ng overtime pay sa bahay ninyo or hazard pay sa bahay ninyo kasi wala namang hazard sa inyong bahay, you’re in your home.
The hazard pay, DBM already issued their guidelines. Mayroon ho tayong risk allowance para sa mga frontliners and then mayroon din hong hazard pay. Doon ho sa mga under the skeleton or skeletal workforce, example, kung holiday po iyong araw na iyon at kailangan nandoon kayo, you do not have to go; but if the head of agency requires na kinakailangan na nandoon kayo, then that’s when overtime pay or compensatory time-off will be given to you.
And iyong sa hazard pay po na sinasabi ko, kasi may batas ho tayo who are allowed, who are qualified to hazard pay. Mayroon hong mga Magna Carta ang public health workers, mayroon hong ibang issuances.
So, the hazard pay will follow kung ano ho iyong batas and—to highlight iyong sa DBM po, iyong kanilang Memorandum Circular, the JOs and the contact of services ‘if’ they are in the frontline services at ginamit sila, mayroon ho silang hazard pay and mayroon din ho silang special risk allowance.
So, iyon ho iyong nasa batas, issuances ho ng DBM at lately po, itong sa CSC, ma’am.
SEC. ANDANAR: And how do we ensure the safety of our employees sa ganitong pagkakataon? I’m just talking about—of course, there are different hazards that we are talking about here, mayroong epekto sa ating mga mental faculties, mayroon na tayong doktor na nakausap na kapag sa bahay lang—mayroon po ba tayong mga nakahandang mga exercises o mga tips para sa ating mga government employees para sila naman ay maka-adopt doon sa four small corners of their house habang nagtatrabaho at biglang parang hindi na ho sila makakabalik muna sa kanilang nakagisnan na malalaking opisina?
COMM. LIZADA: Mayroon ho tayong nilabas sa CSC in our website for those are interested, this is available to everyone, hindi lang ho pang-gobyerno. These are to the frontliners as well, iyong mga nasa grocery stores, iyong mga drivers na naghahatid ng mga pagkain, iyong mga security guards: Seek support to cope.
Mayroon hong five institutions dito that ready to give psychosocial first aid, assessment and intervention provided by itong lima ho, if I may: DOH COVID-19 Emergency Center, National Center for Mental Health, Career Executive Service Compassion Project, Natasha Goulbourn Foundation, and World Association for Psychological Rehabilitation.
And to add, there are five I know but most important of all it’s the attitude, attitude ho ng ating mga empleyado, ng mga tao at saka prayers po. Prayers really help a lot, sir.
SEC. ANDANAR: Ma’am, may tanong pong ipinadala sa atin. Puwede daw po bang magkaroon din ng learning and—well, nasagot mo na ito, ma’am. Can we go to the next question? USec. Rocky, ikaw na.
USEC. IGNACIO: Okay. Commissioner, paglilinaw lang daw po. Ang safety and health officer ba daw po ay kinakailangang isama sa plantilla position o idadagdag ito sa duties and responsibilities sa isang assigned employee po?
COMM. LIZADA: Maglalabas po ng guidelines ang mga different agencies, maglalabas ho ang CSC ng guidelines how to implement this, maglalabas din po ang DOH po para doon sa kung ano ang medical services. Mag-e-establish sila ng system kung anong medical services ang puwedeng ibigay sa mga empleyado at ang DOLE po ay magpo-provide ng relevant occupational safety and health standard for the government sector.
So, this will become effective sa May 22. So in between, itong time na ngayon hanggang May 22, may mga assignments po ang different agencies – CSC, DOLE and DOH po.
USEC. IGNACIO: Commissioner, may dagdag tanong pa rin po. Kung papayagan daw po ang government agencies na mag-procure ng rapid testing kit gaya ng pag-require ng DOLE sa private companies na magkaroon po nito?
CSC COMMISSIONER LIZADA: Hintayin ho natin iyong guidelines, but based kasi ho dito—doon sa JMC na ito, the heads of agencies, ito po iyong kanilang kinakailangan i-observe: They will comply with the occupational safety and health standards; They will provide a reasonable working condition and ensure that the workplace is free from hazardous conditions; Provide PPEs at no cost to worker; Appoint or designate a safety and health officer; and create a safety and health committee and/or special investigation committee; Provide emergency medical services to all employees including JOs and Contract of Services for work-related accidents. So, hintayin lang ho natin Ma’am kung ano iyong ilalabas na mga guidelines po.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Civil Service Commissioner Aileen Lizada. Ingat po kayo…
CSC COMMISSIONER LIZADA: Maraming salamat, Usec. Maraming salamat din ho, Secretary Andanar. Magandang araw po.
SEC. ANDANAR: Nasa kabilang linya na rin natin si Commission on Higher Education Chairperson Prospero De Vera III. Magandang araw po sa inyo, Chairman.
CHED CHAIRPERSON DE VERA: Magandang araw din sa inyo USec. Rocky, Secretary Martin at sa lahat ng nanonood at nakikinig.
SEC. ANDANAR: Chairman Popoy, naglabas na ng kautusan ang DepEd tungkol sa pagbubukas ng klase sa August 24 para sa primary at secondary level. Pero sa side po naman ng tertiary education, you mentioned from your previous interview na papayagan ninyo ang mga higher education institutions na magkaroon ng rolling na opening of classes. Does this mean na puwede bang umabot hanggang 3rd quarter ng taon ang pagbubukas ng klase para sa kolehiyo?
CHED CHAIRPERSON DE VERA: Yeah. Actually Sec. Martin, nauna pa akong mag-present sa IATF sa Department of Education, pero hindi ito na-discuss pa nang extensively kasi wala namang significant shift doon sa opening of classes because August nga talaga nag-o-open ang classes sa higher education institutions under the new calendar ‘no. So I don’t know if this will still need another IATF ruling because we are not changing the opening of classes.
What will change is that many private universities who are still using the old calendar will now move also to August, so iyon iyong major change. And we proposed a rolling opening so that those who can do flexible learning can open in August and those who have difficulty and will still use significant residential or face-to-face classes can open in September or later.
So the universities now are all adjusting and they are going to their respective board of regents to propose when they will open. Most state universities in my board have proposed an August opening but some has also proposed a first week of September opening for their classes, so that’s the situation now. Ang approval kasi ng academic calendar is done by the board of regents of the respective higher education institutions.
SEC. ANDANAR: And, how do we communicate with the colleges and universities to monitor their capacity to comply dito sa flexible learning system, Chairman?
CHED CHAIRPERSON DE VERA: We are giving them the months of May and June to come up with firm plan approved by their boards. And so, this will be known by the Commission because the Chair of the boards of all state universities and colleges is the Chairman of CHEd or the designated representative. So in my SUC who are holding their first quarter board meeting now, they are submitting to the board, so we are now assessing their preparedness to open in August ‘no. So, we’re also conducting regular Zoom session with the university president so that they can discuss among themselves, help each other, learn from each other.
Iyong sa private universities, I’ll be conducting a more intensive region-based discussion with the universities. Because there are so many private universities in this country so I cannot meet only with COCOPEA which represents the private universities. I’m planning to do regional Zoom sessions with our regional directors to get more details on this ‘no. So that is the timeline, because between now and June and July, we are rolling out a massive training program for teachers. I have issued the memorandum asking universities that can train teachers on flexible learning, to submit proposals already to the Commission for approval so they could start training teachers starting late May or early June.
We are also discussing with the DICT. Now, we are rolling out an assessment survey on the connectivity of all the campuses of the state universities and colleges – more than 300 campuses – so that they will get the data on their connectivity, DICT and CHEd will know what is the most strategic assistance that we can give, connectivity-wise, for the different campuses. And that same data on connectivity will be used by the higher education institutions to design their flexible learning. So in campuses where connectivity is weaker, then they will do a combination of residential and non-residential systems including not necessarily online but more off line options.
So this is what is happening now. We are also discussing with the universities how to establish their learning management system, both proprietary and free software; and getting the universities who already have a good learning management system to train the universities that don’t have it so that they can set it up. So all of these are happening simultaneously between now and July.
USEC. IGNACIO: Chairman palagay ninyo po, hindi po ba daw madye-jeopardize ng flexible learning system iyon pong libreng edukasyon under the Universal Access to Quality Tertiary Education Law?
CHED CHAIRPERSON DE VERA: Hindi naman magbabago. Kasi ang babaguhin sa flexible learning, you will redesign the learning process to use flexible means, both online, offline, residential/non-residential system. Pero iyong learning outcomes mo sa dulo dapat pareho pa rin. Iyong learning outcomes na mayroon na dapat iyong estudyante at the end of the semester will still be maintained. What you will change is how do you produce these outcomes, both using offline method, online method; residential/non-residential.
I think there is a misconception that if you go flexible learning, wala nang papasok sa eskuwelahan, that is not true. The intension of flexible learning is to decongest the classroom to reduce the number of students who go to the classroom at one time so that social distancing and the health of students can be protected. So some students, for example, those who have weaker connectivity can still attend classes. Those have strong connectivity can receive online education.
Pero sa dulo, iyong learning outcomes, iyong achievement ng requirements ng semester will still be the same. So there is no change in what we expect the students to learn, what they are supposed to achieve at the end of the semester. Sa free higher education, tuloy pa rin iyong free higher ed.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, isa po sa malaking isyu sa e-learning ay iyon pong limitasyon ng mga estudyante pagdating sa internet at computer lalo na iyong umaasa lang po sa libreng de kalidad na edukasyon under doon sa Free College Education Program ng bansa – So, papaano po sila matutulungan ng CHEd?
CHED CHAIRPERSON DE VERA: Well unang-una, kailangang makita nga iyong data sa bawat campus ng connectivity para alam natin gaano kalakas. Kasi kung mahina iyong connectivity sa campus, mahirap talagang mag-shift online. So doon sa areas na mahina ang connectivity, ang gagawin ng mga eskuwelahan ay ia-adjust para gumamit nang mas madaming offline options.
Halimbawa, modules na ibibigay at the start of the semester sa estudyante, gagawin niya iyan sa bahay, mga take home exercises, take home requirements para hindi siya araw-araw kailangang pumasok. Puwede siyang pumasok every other week or once a week lang.
So ito iyong para sa mga estudyante na practically walang connectivity. It will be offline, off-campus and in-campus activities, so iyon iyong gagawin. So hindi po natin papayagan na ang mga eskuwelahan ay gumamit ng system na naa-agrabayado ang estudyante. Kasi ang isang characteristic ng flexible learning, you design your delivery system based on the situation of the student, the faculty and the school. So you’ll have to consult with the students, find out what percentage of your students have no connectivity at all, what percentage have some connectivity and what percentage have full connectivity, and design your classes based on that. So many of our state universities, natapos na nila iyong kanilang assessment ng connectivity ng mga estudyante. So iyon ang ginagamit nilang pag-design ng kanilang bagong syllabus.
Mayroon ngang mga ibang eskuwelahan tulad ng Mariano Marcos State University sa Ilocos Norte na nagmo-mobilize na sila ng donations from their alumni para sa mga estudyanteng walang cellphone at walang connectivity. Puwede rin na palakasin iyong connectivity sa loob ng eskuwelahan para ang gamitin ng mga estudyante ay iyong mga computers sa loob ng eskuwelahan. So mayroon mga computer lab kasi iyong mga schools, you can re-design this so that students who have no connectivity can go online in school, in school. That is also a possibility that can be done.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyo, CHEd Chairperson Prospero De Vera. Mabuhay po kayo.
CHEd CHAIRPERSON DE VERA: Maraming salamat at mabuhay kayo.
USEC. IGNACIO: Alamin na muna natin ang mga nakalap na balita ng Philippine Broadcasting Service, kasama si John Mogol. John?
[NEWS REPORTING BY JOHN MOGOL]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa’yo, John Mogol ng PBS. Rocky, kumustahin naman natin ang ating mga kababayan na naninirahan, nagtatrabaho at nag-aaral sa bansang Australia. We have on the line the Philippine Ambassador to Australia si Ambassador Hellen Barber De La Vega. Magandang araw po sa inyo, Ambassador Hellen.
AMBASSADOR DE LA VEGA: Good afternoon din po, Secretary Martin; and to Undersecretary Rocky, good afternoon po.
SEC. ANDANAR: It’s great to hear your voice again, Ambassador. First of all, COVID count po muna tayo. Sa inyo pong tala, may mga Pilipino ba sa Australia ang nahawaan ng COVID-19?
AMBASSADOR DE LA VEGA: Payagan ninyo po akong bigyan [kayo] ng konting overview. Dito po sa Australia, ang confirmed cases po natin ng COVID-19 ay 6,941; and out of that 6,941, ang naka-recover din po ay 6,163 and 97 deaths.
Iyon pong sa tanong ninyo, Secretary Martin, ang amin pong recorded cases ng Filipino COVID-19 cases po ay 38 pero ito po ay hindi onshore. Ang ibig ko pong sabihin ay hindi po ito dito po mismo sa Australia kung hindi po ay ito po ay mga seafarers natin. But the good news is that 37 have been cleared. And actually, we just have around eight left here in Fremantle with health clearances and just awaiting their flights.
SEC. ANDANAR: Kapansin-pansin sa datos ng Australia na halos isang buwan na lang ay nagkaroon ng surge sa pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, ang pagpasok ng kalagitnaan ng Abril ay malaki na ang ibinaba nito. Ano po sa tingin ninyo ang naging pinakaimportanteng factor dito, Ambassador?
AMBASSADOR DE LA VEGA: Unang-una po, Secretary Martin, I think it is important to contextualize na isa po sa Australia sa pinakaunang-una na nag-put up ng kanilang tinatawag nating stringent measures, ito pong social distancing at saka physical distancing measures. And alam din po natin na kahit pa po wala pong COVID-19 dito, alam po natin na napakataas po ang degree ng health standards, quarantine and even bio-security measures dito po sa Australia. So and of course, the other important elements there is that kahit po na mayroong ibang situation sa ibang state, in the early weeks of the pandemic na mayroon pong nag-violate, iyon po ay nagawaan kaagad ng paraan. And I think two important factors there, iyon pong obedience and discipline ng mga tao na sundin ang mga measures whether it is announced at the state or at the federal level.
USEC. IGNACIO: Masasabi ninyo po bang naging effecting iyong COVIDSafe app na inilunsad ng Australian government kung saan po nati-trace nito iyong mga nakasalamuhang tao ng nagpositibo sa COVID-19? Paano po ito nagwo-work and sa tingin po ba ninyo puwede itong gawin dito sa Pilipinas o feasible ito para sa ating bansa?
AMB. DE LA VEGA: Opo. In fact that COVID application na, I think that was introduced like three weeks ago dito sa Australia has been really encouraging all, dahil alam naman po natin dito sa Australia, medyo techi na po iyong population dito both at the state and the federal level. So, I would really believe na nakatulong po iyon sa ating mga population dito sa Australia.
Doon po sa tanong ni Usec. Rocky na sa tingin po natin na makakatulong ito. I think it’s one of the best practices na puwede po nating mai-apply sa Philippines dahil tayo rin po ay puwede nating sabihin na a cellphone country, if one may call it that way. And it’s a best practice. Again—but I think the most important factor here is iyon nga pong obedience saka discipline ng mga tao na sumunod sa mga sinasabi po na mga regulasyon whether at the state or at the federal level.
USEC. IGNACIO: Ambassador, ngayon pong na-ease na iyong lockdown o iyong ibang stringent measure sa bansang Australia. Kumusta po iyong economic atmosphere diyan, balik trabaho na po ba iyong ating mga Filipino workers?
AMB. DE LA VEGA: Ang policy po ng Australian government to have a COVID safe Australia and economy puwede ko pong sabihin na parang phased approach; mayroon po silang three step plan.
Iyon pong step one ay magpo-focus po sa reopening nga economy and giving opportunities to return for work and social activities including gatherings of up to ten people. Mga hanggang sampong tao po iyan and then iyong bibisita po sa ating pamilya, sa family home hanggang limang tao lang po. And also some local and regional travel.
And then, mayroon po silang tinatawag na Step 2 kung saan i-increase po nila ang gathering up to 20 and more businesses reopening, including chains, beauty services and entertainment venues katulad din po ng mga galleries and cinemas.
And iyon pong Step 3 na transition to COVID safe ways of living and working with gathering of up to 100 people na po ay ia-allow po ito.
So, gusto ko lang pong i-emphasize na sa lahat po ng tatlong steps na ito ay mananatili po na magiging restricted pa rin ang international travel at mass gatherings over 100 people. And of course ang physical distancing measures din po will remain as well both for workplaces in all of these steps that I just mentioned. In fact, ine-expect po namin na over the next coming four weeks from Monday, 18th of May, public schools will already return to on campus learning up to Tuesday, 2 June, para po sa lahat ng mga levels of education.
USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon Ambassador Hellen Barber De la Vega. Stay safe po.
AMB. DE LA VEGA: Kayo din po, marami pong salamat.
USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary Martin, silipin muna natin ang ASEAN at world count ng COVID-19 cases, as of this morning. Sa kabuuan po, nangunguna pa rin ang Singapore sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon. Mayroon silang 23,336 confirmed cases, na sinundan naman ng Indonesia na may 14,032, nasa pangatlong puwesto naman po ang Pilipinas sa kabuuang ranking na ito.
Samantala, naitala naman ng 4,097,158 positive COVID cases sa buong mundo, kung saan nasa 1,406,345 na po ang gumaling, habang 282,553 naman po ang nasawi. Ang Estados Unidos pa rin ang bansang may pinakamaraming kaso sa buong mundo na sinundan naman ng Espanya. Tumaas rin po ng isang baitang ng United Kingdom sa ikatlong puwesto at sinundan ito ng Italya at panghuli ang Russia.
SEC. ANDANAR: Thank you, Rocky. Makibalita naman tayo sa Cordillera Region kasama si Danielle Grace De Guzman. Go ahead Danielle.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: At diyan po nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Ako po muli ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.
USEC. IGNACIO: At mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Hanggang bukas muli dito po sa Public Briefing #Laging Handa PH.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)