Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by PCOO Secretary Martin Andanar and Usec. Rocky Ignacio with Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque; Pasig City Representative and Chairman of the House Committee on Basic Education and Culture, Congressman Roman Romulo; Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya.


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #93
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Patuloy pa rin ang pagbibigay namin ng mahahalagang impormasyon sa gitna ng pandemya na ating kinakaharap.

USEC. IGNACIO: Ngayong umaga kasama pa rin ang mga resource persons mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, atin pong sasagutin at bibigyang-linaw ang mga tanong ng ating kababayan kaugnay sa umiiral na community quarantine.

SEC. ANDANAR: Kasabay ng pagtutok sa inyong mga tahanan, makibahagi at alamin ang mga ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan sa ating paglaban sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Mula po sa PCOO, ako po sa Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Good morning, Rocky. And good morning to all in the studio right now at sa lahat ng nakikinig sa atin, ako naman po si Secretary Martin Andanar, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang ay makakasama natin sa programa sina Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque; Pasig City Representative and Chairman of the House Committee on Basic Education and Culture, Congressman Roman Romulo; Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya.

USEC. IGNACIO: Secretary, makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.

Samantala, kung kayo po ay may katanungan, maaari kayong mag-comment sa livestreaming ng aming programa sa PTV Facebook page.

SEC. ANDANAR: Para sa unang balita: Muling nanawagan si Senador Bong Go patungkol sa pagpapatayo ng quarantine facilities sa lahat ng rehiyon sa bansa. Kaugnay diyan, hinihikayat ng Senador na suportahan ang Senate Bill #1529 o Mandatory Quarantine Facilities Act of 2020.

Aniya, malaking tulong ang paghihiwalay sa mga tinamaan ng virus sa isang quarantine facility upang maiwasan ang pagkalat nito.

Sa ilalim ng Bill, ang DOH ang siyang tutukoy ng lokasyon in close coordination with DPWH and LGUs. At bukod pa riyan, ang DOH ang siyang bahala sa pamamahala at pangangasiwa ng mga pasilidad; at sinisiguro rin na mayroong competent medical staff ang pasilidad, sapat na pagkain at mga damit.

Patuloy pa rin ang pagtugon ng ating pamahalaan sa pagpapauwi sa mga OFWs. Sa katunayan, base sa report ngayong araw, July 3, 2020, 1 A.M., umabot na po sa 72,001 ang napapauwing OFWs sa kanilang tahanan mula May 25 hanggang July 2.

Huwag po kayong mag-alala dahil hindi titigil ang pamahalaan sa pagtugon sa ating mga kababayang OFWs na nagnanais makauwi ng probinsiya.

Isa po ang DILG sa mga ahensiya ng pamahalaan na abalang-abala sa pagtatrabaho upang makapagpaabot po ng tulong sa mga nangangailangan nating kababayan. Kaya naman upang alamin ang update kaugnay sa kanilang mga ginagawa, makakausap po natin si Usec. Jonathan Malaya. Magandang umaga po sa inyo, sir.

USEC. MALAYA: Yes, magandang umaga Secretary Mart. At magandang umaga rin po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Usec. Malaya. Bibigyan-daan ko na lang po iyong mga katanungan muna mula sa ating kasamahan sa media. Mula po kay Vincent Arboleda ng UNTV: Some LSIs have been detected to be COVID-19 positive after the RT-PCR testing na ginawa pagdating sa mga provinces nila. If hindi daw po gagawing mandatory ang swab test sa mga pauuwiing LSIs ngayon, how do we make sure na walang mangyayaring transmission ng COVID-19 sa mga LSIs na uuwi?

USEC. MALAYA: Opo. Usec. Rocky, lahat po ng mga LSIs natin na pinapauwi natin sa kani-kanilang mga probinsiya ay mayroon pong hawak-hawak na medical clearance certificate at travel authority na inisyu; ito po ang unang health protocol natin.

Ngunit pagdating po doon sa mga kani-kanilang mga probinsiya ay puwede rin pong mag-impose ng kani-kanilang mga health protocols ang ating mga local government units. At kung gugustuhin po ng LGUs na mag-conduct sila ng PCR test ay puwede rin po nilang gawin iyon, so ang vigilance po ngayon ay on both ends.

Dito sa Metro Manila, for example, we require the medical clearance certificate and the travel authority at ipinapaalam po natin sa mga LGUs na papauwi na sila. Pagdating naman po doon sa LGUs, they should do also their own checking. They can conduct a PCR test dito sa mga taong ito or kaya naman po ay i-quarantine nila para makakasiguro sila na ang lahat ng mga stranded natin na papauwi ay hindi makakahawa sa kanilang komunidad.

USEC. IGNACIO: Usec., mula pa rin po kay Vincent Arboleda: Can an LSI that is not housed at the Villamor Airbase and Philippine Army gym avail the repatriation program and how?

USEC. MALAYA: Opo, puwede po. Mayroon po tayong mga programa na iba’t ibang ahensiya ang nag-oorganisa. At mayroon di pong programa ang ating national government through the Presidential Management Staff na tinatawag na “Hatid Tulong Initiative”. At dito po sa Hatid Tulong Initiative, nakikipag-coordinate po tayo sa mga local government units.

So it is through the LGUs na kumukuha po tayo ng mga pangalan ng mga gustong mapasama sa programang ito.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Arianne Merez ng ABS-CBN: What is the DILG’s view of Presidential Spokesman Harry Roque’s side trip to Ocean Adventure?

USEC. MALAYA: Opo. Wala po kaming nakikitang problema doon sa ginawa ni Spokesperson Harry Roque. Bakit po? Unang-una po, doon po sa Ocean Adventure, iyong lugar na iyon sa Subic, Zambales ay ngayon po ay under MGCQ na. At noong pumunta po si Spokesman Harry Roque doon, it was MGCQ – ibig pong sabihin, puwede na pong mag-operate ang mga tourist facilities up to 50%.

At pangalawa po, si Spokesman Harry Roque naman po ay isang APOR or Authorized Person Outside of Residence not only because may bisita siyang negosyo doon dahil mayroon siyang business interest, but also because he is a government official.

So since APOR po siya, puwede po siyang pumunta sa probinsiya at gawin iyong essential work na kaniyang ginawa. In this case, work-related dahil nga mayroon po siyang negosyo doon sa lugar na iyon. Since nandoon naman po siya at pinapahintulutan po ng pamahalaan na magbukas na ang mga tourist facilities sa mga MGCQ areas, wala pong nakikita ang DILG na kamalian ni Spokesperson Harry Roque. Kahit po sino na APOR na who happens to be in an MGCQ area, puwede na po tayong pumunta sa mga resorts so long as these resorts comply with the 50% occupancy requirement; they are complying with health protocols ay puwede na po silang magbukas dahil nga po gusto na po nating makabalik at maka-recover ang ating ekonomiya.

SEC. ANDANAR: Sa pansamantalang pagpapaliban sa BP2 program, agad na inasikaso po ang ating mga kababayang stranded sa iba’t ibang lugar sa pamamagitan ng Hatid Tulong Program. Usec. Malaya, anong hakbang ang ginawa ng DILG upang malaman kung saang lugar naruroon o stranded ang ating mga kababayan?

USEC. MALAYA: Yes, tama po, Secretary Mart. Kagaya nga po nang inanunsiyo ng ating Pangulo noong Lunes ay magkakaroon po tayo ng malakihang send-off o Hatid Tulong Program para sa mga locally stranded individuals natin. Ito po ay magsisimula na bukas hanggang Linggo. At mayroon po tayong inihandang mga isandaang bus, tatlong barko, isang eroplano at isang tren para makapaghatid po ng mga locally stranded individuals na sa ngayon ay bumibilang sa 4,ooo locally stranded individuals para po makauwi na po sila sa kani-kanilang mga probinsiya.

At ito pong mga LSIs na ito ay bukas po ay uuwi na sa Mindanao, at dito naman po sa Linggo ay iyong mga uuwi sa Luzon. Iyon pong sa Visayas natin ay hindi muna makakauwi dahil nga po sa naging desisyon ng Regional IATF na ang CAR, request ng mga gobernador sa Eastern Visayas—sorry, hindi pala CAR – Eastern Visayas. And iyong request naman ng mga gobernadora sa Western Visayas at dahil ang ECQ naman ay nasa Cebu. So iyon pong ating mga kababayang Cebuano, hihintayin na lang po nila iyong pagli-lift ng suspension ng pagpapauwi sa LSIs, at habang hinihintay po iyon ay tinutulungan naman po sila ng gobyerno.

Iyong mga nasa Manila North Harbor na na-cancel po ang kanilang mga tiket ay tinutulungan na po ng Philippine Ports Authority, ng Department of Transportation, at ni-rebook na po iyong kanilang mga tiket para makauwi na po sila as soon as ma-lift po iyong suspension ng pagpapauwi ng mga LSIs sa Visayas.

SEC. ANDANAR: Kaugnay diyan, anu-ano po bang mga proseso ang dapat pagdaanan ng isang LSI bago siya maihatid sa kanilang tahanan?

USEC. MALAYA: Sorry, Secretary Martin, naputol po. Can I have the question again?

SEC. ANDANAR: Opo. Anu-ano po ba iyong proseso na dapat sundin ng isang LSI para siya ay makauwi ng kaniyang probinsiya?

USEC. MALAYA: Well, iyong proseso pong sinusunod natin ay iyong luma pa ring proseso. Kailangan lang pong magpunta sa kani-kanilang mga local government units, sa city health or municipal health officer para humingi po ng medical clearance certificate. And then pupunta po sila sa police station para makakuha naman po ng travel authority. At ito na po ang ipapakita nila sa mga checkpoints para makadaan sila, makauwi sa kani-kanilang mga lugar, especially kung mayroon naman po silang sasakyan.

Doon naman po sa mga walang masakyan, malalayo iyong kanilang mga lugar, makikipag-ugnayan po tayo through the local government units para matulungan na po natin silang makauwi.

For example po, iyong mga kababayan po natin doon sa Villamor Airbase Elementary School at sa Philippine Army Gym, karamihan po doon ay may mga ticket ‘no na na-rebook, na nasuspinde iyong kanilang mga flights. So niri-rebook na po iyon, tinutulungan na po sila ng pamahalaan at iyon naman pong mga walang ticket doon ay isasama na natin doon sa ating grand sendoff ng Hatid Tulong Program. Kagaya nga ng sinabi ko kanina ay bukas is for Mindanao and for Sunday naman po is for Luzon.

USEC. ROCKY: Usec. Malaya, babalikan po namin kayo maya-maya lamang at bibigyang-daan po muna natin ang ating Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay po sa mahalagang anunsiyo. Secretary Roque, good morning po.

Okay, makakausap natin sa pagkakataong ito si Presidential Spokesperson Harry Roque upang pong magbahagi ng ilang mga importanteng kaganapan sa ating bansa. Kung ready na po si Secretary Roque, Secretary Roque good morning po.

SEC. ROQUE: Good morning, Usec. Rocky. Good morning, Sec. Martin.

USEC. ROCKY: Opo, Secretary, go ahead po.

SEC. ROQUE: Magandang umaga po sa inyong lahat. Balitang IATF po tayo ‘no. Nagpulong po kahapon ang inyong IATF at ito po ang salient points ng mga napagkasunduan ng mga miyembro ng IATF.

Unang-una po, inaprubahan ang rekomendasyon ng National Task Force sa pakikipag-ugnayan kasama ang DOH at ang PhilHealth. Ang unang rekomendasyon ay ang expansion ng testing strategy para magamit nang husto ang sampung milyong test na nakalap po at nabili na ng gobyerno.

Kasama na po sa iti-test ay hindi lang ang mga symptomatic at hindi lang iyong mga nagkaroon ng contact sa mga mayroong COVID-19, kasama na rin po ang mga asymptomatic at posibleng makasama na rin po iyong iba pang mga frontliners gaya po ng media ‘no. Iti-test din po natin iyong iba pang mga ahensya ng gobyerno na nagsisilbing mga frontliners. Pero siyempre po, kung sino talaga iyong mapapasama sa expanded testing natin na mayroon na po tayong 10 million nga na PCR testing kits, ito po ay ibabase pa rin sa expanded testing strategy na subject sa guidelines na i-issue po ng National Task Force at DOH.

Ibig sabihin in principle, approved na po na we will test beyond those who are symptomatic pero antayin po natin ang actual guidelines na i-issue ng NTF at ng Department of Health.

Okay. Napagkasunduan din po kahapon sa IATF ‘no na iyong—in-adopt po nila iyong desisyon ng Technical Working Group. Unang-una ito po, para sa mga sports buff ‘no. inaprubahan Philippine Sports Commission, Games and Amusement Board, Department of Health Joint Administrative Order kung saan nakalagay ang guidelines para sa health enhancing physical activities sa sports sa panahon ng pandemya. Pinayagan po iyong practice at conditioning ng basketball at saka ng football sang-ayon po sa request ng PBA at ng ibang mga football association.

At para naman po sa talagang gusto na pong magsimba, pinayagan din po ang religious gatherings ‘no pero hanggang 10% lang po ‘no at ito po ay epektibo sa July 10, 2020 sa areas na GCQ. Siyempre po sa areas na MGCQ, patuloy iyong 50%. Magkakaroon muna po tayo ng dry run ‘no na 10% itong mga darating na linggo ‘no. Pero iyong 10% po na allowed na ang lahat ay magsisimula po iyan ng July 10. Importante po na sundin natin ang mga minimum public health standards tulad ng social distancing, pagsusuot ng face masks at iba pa.

Naaprubahan din po ang Phase 2 ng National Action Plan ng NTF. Ano po ba ang mga features nito ‘no? Itataguyod po natin ang pagbabago ng pag-iisip ng mga tao kung saan ang focus ay kalusugan at pag-iwas sa sakit. Babalansehin po natin ang layunin ng pangkalusugan ang pang-ekonomiya. Ibig sabihin po talaga, bagama’t importante na protektahan pa rin natin ang ating mga sarili laban sa COVID-19, eh napatunayan naman po natin na mayroon ng mga pamamaraan para labanan ang COVID-19 kasama na po diyan ang pagsusuot ng face masks, ang social distancing at ang paghuhugas ng kamay ‘no. Sasamahan din po natin iyan ng granular lockdowns at saka siyempre po, kasama na rin diyan iyong paiigtingin pa natin iyong testing, tracing, isolation and treatment.

So gaya nga po ng sinabi ko ‘no, i-institutionalize ang prevent, detect, isolate, treat at localized zoning na pamumunuan po ng mga lokal na opisyal at gobyerno. Isu-sustain po natin ang private and public partnership.

At siyempre po, pinakaimportante ito ‘no, palalakasin po natin ang risk communication at community engagements particularly po sa pagsunod sa mga health protocols. Iha-highlight ang contingency, business continuity at sustainability plans ‘no, at makunan ang management ng returning overseas Filipinos, Locally Stranded Individuals at local travelers.

At panghuli, tumutok sa mga ginagawang expanded at targeted testing at contact tracing na paunti-unting pagpayag sa pagbibiyahe, turismo at non-disruption of work. Ang ibig sabihin po talaga nitong bagong phase na papasok na tayo, itong phase 2 na ito, kaya po nating kontrolin ang pagkalat ng COVID kung susunod lang tayo sa mga health protocols, kung paiigtingin ang testing, kung ipagpapatuloy ang granular at local testing. Pero samantala, kinakailangan na po talagang buksan ang ekonomiya dahil kinakailangan na nating magkaroon ng hanapbuhay muli.

At kasama na nga rin po diyan iyong unti-unting pagbubukas ng turismo sa mga lugar na MGCQ dahil napakadami pong mga trabaho na nakasalalay diyan sa turismo.

Now, naaprubahan din po iyong request ng mga travel agencies na magbukas dahil ang dami nga pong humihingi ng mga refunds ‘no. Pero ang desisyon po, dapat skeleton force lang po.

So kung nakikinig po si Manong Ted, tinanong po sa akin ni Manong Ted po iyan, pupuwede na pong magbukas ang mga travel agencies provided skeleton force po para ma-process iyong mga refunds ng ating mga kababayan.

Now isa pa po, kung kayo po’y addict sa mga beauty parlors ‘no at barbero, tinanggal na po ang clause na limited to basic haircutting services para sa barbero at salons sa guidelines sa mga lugar na nasa GCQ. Pero huwag muna kayong masyadong maging excited diyan, maglalabas pa po muna ang DTI ng guidelines para sa unti-unting pagbalik ng mga serbisyo na binibigay ng mga ganitong establisyimento na pinapayagan ng minimum public health standards.

So iyong mga pedicure/manicure, antayin muna po ang guidelines bagama’t in principle papayagan po iyan, antayin lang natin ang guidelines ng DTI.

At ang unang-una kong tatanungin kay Secretary Lopez, paano po iyong mga masahe sa mga barbero? Puwede na ba ho iyan? Antayin po natin ang guidelines ng DTI.

Dito po nagtatapos ang ating presentation, pumunta na po tayo sa ating mga tanong ng ating kasama sa Malacañang Press Corps. Narito na po kami sa area ng Villamor Airbase, nag-aantay po ng ating flight, sasakay po tayo ng isang C-130 para sumama po kay Presidente papunta po sa Zamboanga City kung saan makikipagpulong po siya, hiwalay naman po ‘no doon sa mga liderato ng Hukbong Sandatahan diyan po sa Sulu at doon sa opisyales, at iyong mga pulis na kasama po doon sa engkuwentro—well, misencounter tinatawag ng iba, iyong iba tinatawag rubout, pero hindi pa po natin alam dahil iyan naman po’y iniimbestigahan ng NBI. Pero kasama po sa mga kakausapin ng ating Pangulo ngayon sa Zamboanga iyong siyam na pulis na na-involve po dito sa pagpapatay ng ating apat na sundalo.

So mga questions po sa Malacañang Press Corps, bagama’t marami po sa kanila kasama rin po natin ngayon sa Zamboanga ‘no. So this is the first out of town trip po ni Presidente since the pandemic na mayroon po tayong media coverage.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Unahin ko na po ang katanungan mula sa ating mga kasamahan sa media. Mula kay Llanesca Panti ng GMA News Online: DOTr Secretary Tugade po has checked on the plight of locally stranded individuals yesterday, and DOTr has made arrangement so they won’t be left sleeping in the streets. But the stranded people have been enduring such plight since first week of June, noong maging GCQ ang NCR. What were reasons for the delay of assistance to these individuals?

SEC. ROQUE: Alam po ninyo, hindi ko po alam kung ang sinasabi ninyo ay may mga tao na matagalang nanirahan sa ilalim ng tulay ng NAIA – hindi po totoo iyan. Mula po noong nagkaroon ng balita na may isang LSI na namatay po habang naghihintay ng mga bus ay nagkaroon na po tayo kaagad ng polisiya na magbigay tulong po sa mga LSIs, hindi lang po dito sa Pasay, sa kapaligiran ang NAIA kung saan naruroon tayo ngayon, kung hindi po doon sa mga areas kung saan ang mga bus stations.

So, hindi po totoo na nagtagal ang mga LSIs na walang tulong. Ang problema po, mas maraming mga LSIs dahil mas marami pong mga flights na nakakansela dahil hindi nga po tinatanggap ang mga flights na ito sa iba’t ibang mga LGUs kung saan sila papunta.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Julie Aurelio ng Inquirer: Ang Pfizer and German Biotech company – BionenTech – potential COVID-19 vaccine has yielded positive data. Is the government open to buying other foreign-made COVID-19 vaccine if there are produced ahead of vaccines being developed by the Philippines’ partners which are all Chinese pharmaceutical firms?

SEC. ROQUE: Naku, basta po mayroon ng gamot diyan sa COVID-19, basta may bakuna, ibebenta natin lahat ng ari-arian ng gobyerno para makabili po tayo para sa ating mga kababayan. Iyan po ang paninindigan ni Presidente – buhay muna bago ari-arian.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Virgil Lopez ng GMA News Online: Army Chief Gilbert Gapay said the two female suicide bombers whom the Philippine Army has been hunting down have escaped possible capture during the killing of soldiers by Police in Jolo. Is there a reason to be concerned?

SEC. ROQUE: Siyempre po ‘no dahil ibig sabihin, iyong pinaplano ng mga teroristang iyan na mambomba ay pupuwedeng mangyari ‘no, kahit anong oras, dahil hindi nga po sila napigilan ng mga napatay na kasundaluhan. Nakakalungkot po na bagama’t—in addition doon sa nawalan ng buhay sa ating Hukbong Sandatahan, iyong apat kasama ang isang major, eh nakawala po iyong mga teroristang hinahabol ng ating Hukbong Sandatahan.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Jopel Pelenio ng DWIZ: Iyong mga estudyante po ng SPED ay nangangailangan ng special na attention ng isang guro upang sila po ay matuto. Hindi po kaya mahirapan ang SPED students na makasabay sa blended learning? May move po ba ang pamahalaan para ipagpaliban muna ang pagbabalik-eskwela ng mga nasa SPED?

SEC. ROQUE: Well, lilinawin ko po kay Secretary Briones kung mayroon silang special policy pagdating sa SPED. Kaya naman po ang tawag diyan ay special education, mayroon talaga silang special requirements. Ang tingin ko naman, bagama’t mayroon tayong pandemya at mayroon tayong blended learning, pupuwede pa ring magkaroon ng special arrangement para sa special education.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Kris Jose ng Remate Online: Isinusulong po ni Senator Imee Marcos ang batas na gawing mandatory po ang work from home scheme kahit matapos na ang COVID-19 pandemic. Naniniwala po kasi ang Senadora na hindi maibabalik pa sa normal at magiging bahagi na ng buhay ng bawat Pilipino sa hinaharap ang pag-obserba sa social distancing at bagong hygiene standards. Suportado po ba ng Malacañang ang hakbang na ito ni Senator Marcos?

SEC. ROQUE: Well, sana po magkaroon na ng gamot at magkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19 para tayo makabalik doon sa normal. Pero agree po tayo na habang wala pa pong ganiyang gamot at bakuna, ang work from home po ay talagang kabahagi na ng ating new normal. At hanggang ngayon naman po bagama’t binubuksan na natin ang ekonomiya, iniengganyo pa rin natin ang lahat na pupuwedeng magtrabaho mula sa kanilang mga tahanan – hindi po nagbabago iyon.

USEC. IGNACIO: Secretary, mula naman po kay Virgil Lopez ng GMA News Online: Reaksiyon daw po na 11 individuals representing various sectors ask the Supreme Court to order the government to conduct free mass testing for COVID-19. The petitioner said the omission of proactive and efficient mass testing violated human rights.

SEC. ROQUE: Ibabasura po iyan ng Korte Suprema kasi sa mula’t mula po, mayroon po talaga tayong programa na targeted testing ‘no. Ang problema po ay nagsimula tayo, noong nagsimula ang pandemya, iisa lang po ang laboratory natin; ngayon mahigit 70 na po ang ating mga laboratory. At dahil nakabili na nga po tayo at nagkaroon na ng delivery ng one million ay kakabalita ko lang po ngayon na ipapatupad na po ang mas malawakan pang expanded testing natin going beyond the existing protocols na iyong mga symptomatic lamang at iyong mga nagkaroon ng contact sa mga COVID positive ang isasama sa expanded testing. Ngayon po, isasama na rin natin ang mga asymptomatic, iyong mga manggagawa, iyong iba pang mga frontliners kagaya ng media, subject naman po to the final guidelines to be issued by the Department of Health and the National Task Force.

So ginagawa na po iyan. At talaga namang hinintay lang natin na magkaroon nang mas maraming labs, hinintay lang natin na makabili ang DBM ng 10 million testing kits at tingin ko po, ito ay in addition pa doon sa mga rapid testing kits na binibili natin.

USEC. IGNACIO: Opo, tanong naman po mula kay Catherine Valente – Secretary, mayroon pa po kayong apat na questions dito mula sa MPC – Defense Secretary Lorenzana says the government is preparing a new COVID-19 action plan. I understand it was presented by the IATF on Thursday. Na-approve na po ba ito ni President Duterte? Can you give us more details? Ano po ang pinakamagiging focus ng plan na ito? Babalik na po ba tayo sa new normal in the community quarantine phase?

SEC. ROQUE: Well, siguro po mahirap pong masabi na makakabalik talaga tayo sa new normal. Pero ang importante po dito sa action plan eh kinakailangan na nating buhayin ang ating populasyon, at the same time ay lalabanan pa rin natin ang COVID-19. Kasi matapos po ang more than 100 days, alam na natin na, unang-una, kinakailangan buksan na talaga ang ekonomiya. Marami pong magugutom kung hindi natin bubuksan ang ekonomiya.

Pangalawa, alam na rin po natin kung paano natin lalabanan ang COVID-19 – sa pamamagitan ng mask, sa social distancing, paghuhugas ng kamay at iyong pagpapalawak nga ng testing, tracing, isolation and treatment. At patuloy pa rin po ang paggamit natin ng lockdown pero gagawin po natin itong localized at granular.

So, ito po ang bagong action-plan – Kinakailangang mabuhay, pero kinakailangan magkaroon din ng buhay.

USEC. IGNACIO: Tanong po mula kay Joseph Morong regarding po sa President’s trip to Jolo, Zamboanga: What does he hope to accomplish? And what will he tell the troops? Is he worried that the Sulu encounter may produce unnecessary tension?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po, nandoon po siya para malaman kung ano ang nangyari. Pangalawa po, alam po niya na mayroong mga masasama ang loob lalo na doon sa parte ng ating Hukbong Sandatahan na ang feeling nila naging biktima sila ng murder sa kamay ng ating kapulisan. Nandoon po ang Presidente para magbigay assurance na makakamit po ang katarungan. Kung mayroon pong nagkasala, mapaparusahan po dahil ganiyan naman po ang administrasyon ni Presidente Duterte.

Pero nandoon din p0 siya para i-lift ang morale ng lahat ng kasundaluhan, ng kapulisan, dahil alam naman niya na kung may pagkakamali talaga, eh pupuwede namang iwasto po iyan at sisiguraduhin po niya na ito na po ang huling insidente na kagaya nito, sa kaniyang administrasyon.

So, pupulungin po niya separately ang kapulisan at ang kasundaluhan. At hindi ko po alam kung si Joseph Morong ay kasama pero sinabi ko po sa Presidential Management Staff na kinakailangan talaga ibukas itong affair na ito for coverage ng media. So, I look forward to working in Zamboanga with members of the Malacañang Press Corp. Ngayon lang po tayo mag-a-eyeball since quarantine.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po, Secretary, mula kay Joseph Morong: If guidance daw po, the movement of people in GCQ to MGCQ within MGCQ.

SEC. ROQUE: MCGQ, MGCQ wala pong problema iyan; GCQ to MGCQ kapagka po APOR.

USEC. ROCKY: Kung kailangan pa daw po ng travel authority and medical certificate?

SEC. ROQUE: Well, ako po kumuha ako ng travel authority at saka medical certificate. At maski kasama po ako ni Presidente ha, mayroon po kami palaging medical certificate at kumukuha rin po ako ng travel authority.

Madali lang naman po ang proseso. Basta mayroon kayong health certificate, binibigyan naman po kayo ng kapulisan at doon lang po iyan sa lokal na kapulisan kukunin, so hindi po iyan time consuming.

Lahat po ng biyahe namin, iyong nagpunta ako ng Davao, requirement po ni Mayor Sara iyan maski kasama pa namin si Presidente – travel permit – kaya alam ko po kung anong gagawin kung lalabas ng Metro Manila.

USEC. ROCKY: Opo. Secretary, dalawa na lang pong tanong mula pa rin kay Joseph Morong: PRRD is senior, vulnerable to COVID. Are we not worried he might contract the virus now that he’s starting to move around?

SEC. ROQUE: Of course, we are. Pero talagang hindi lang po mapigilan ang Presidente. Kung masusunod po ang PSG, ayaw po siyang palabasin talaga ng Bahay Pangarap. Pero ang sabi ni Presidente, ako pa rin ang Presidente at kapag mayroong kinakailangang talagang gawin, gagawin niya. So he’s risking his life by going to Zamboanga pero ganoon po ka-importante ang misyon niya, para po makiisa hindi lang po sa Hukbong Sandatahan pati na rin po sa kapulisan at ipangako po na magkakaroon po ng katarungan na dahilan para hindi na po dapat magkaroon ng samaan ng loob sa parte ng ating kapulisan at Hukbong Sandatahan.

USEC. ROCKY: Opo. Iyong tanong ni Catherine Valente natanong na po ni Virgil Lopez. Ito na po iyong last question natin mula po kay Joyce Balancio ng ABS-CBN: Kung after daw po ng Zamboanga today ay Davao na muna siya mag-stay – meaning si President Duterte po – or balik Manila na rin po siya?

SEC. ROQUE: Alam ninyo po, medyo palagi kaming nagkakaroon ng isyu ng Appointments Office kung ina-announce ko ang appointment ni Presidente.

Siguro, Zamboanga na muna po ngayon and I guess I can say na ang susunod na ulat sa bayan po ay manggagaling po sa Davao.

USEC. ROCKY: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Presidential Spokesperson Harry Roque. Stay safe po. Mag-ingat po kayo sa inyong pagbiyahe.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, USec. Rocky. And we will miss you in Zamboanga and regards also kay Sec. Martin.

So nandito po tayo sa Villamor Airbase. Pilipinas, sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque saying: Please stay safe at bibigyan po natin kayo ng balita kung anong nangyari doon sa usapin na gagawin po ng ating Presidente diyan po sa siyudad ng Zamboanga.

Good morning po sa lahat.

SEC. ANDANAR: Ingat po kayo diyan, Sec. Roque. Ingat po kayo sa biyahe.

Oras po natin 11:35 na ng umaga. Ngayon ay muli nating babalikan si USec. Malaya.

USec., pasensiya na po at kanina kayo po ay naghintay nang matagal-tagal. Pero kaugnay pa rin po ito sa LSI, marami po ang mga lokal na pamahalaan na umaalma sa pagpapauwi ng mga LSIs dahil nagka-cause ito ng pagkalat ng COVID-19 sa kanilang mga lugar. Ano po ang response, reaksyon ng DILG po dito?

USEC. MALAYA: Opo. Kaya nga po nananawagan po ang DILG sa lahat ng mga local government units at inuulit po namin iyong panawagan din ng ating Pangulo na ito pong mga locally stranded individuals ay may karapatan din pong umuwi; sila po ay constituents ng mga local government units. Kaya nga po umuuwi iyan sa kani-kanilang mga probinsiya ay dahil taga-roon sila at may karapatan po silang umuwi.

Kaya dahil nga po mayroon tayong malakihang pagpapauwi ng mga LSI bukas, nakikiusap po kami sa mga local government units na makipagtulungan sa DILG. Ilang araw na pong tumatawag ang central office and our regional offices sa mga local government units para nga po mabigyan ng abiso ang mga LGUs na ito pong mga papauwing mga LSI ay mayroon na po iyang medical certificate, may rapid test din po iyan at may travel authority. At para po masiguro ang kanilang seguridad sa biyahe ay sila po ay e-escort-an ng mga Philippine National Police Highway Patrol Group mula po sa Metro Manila papunta po sa kanilang mga destinasyon.

At doon naman po pagdating sa LGU ay mayroon din pong mga health protocols ang mga LGUs. So, kung gugustuhin po ng mga mayor na ipa-rapid test ang mga papauwing LSI, iyan na po ay desisyon na po iyan ng mga local government units. Ang sinasabi lang po namin, you may impose whatever health protocols you would like to impose but please do not stop these LSIs from going home dahil nga po stranded na po sila dito sa Maynila, desperado na po silang makauwi, kailangan po natin silang tanggapin.

SEC. ANDANAR: Bukas nga po hanggang Linggo ay nakatakdang ihatid ang ating mga LSI sa kanilang mga probinsiya. Gaano po karaming mga Pilipino ang matutulungan po nitong Hatid Tulong Program?

USEC. MALAYA: Opo. Ito po ay coordinated ng Presidential Management Staff at mayroon po tayong apat—mayroon po tayong isandaang bus at nagpapasalamat po tayo kay—the president ‘no, sa presidente ng League of Municipalities of the Philippines, si Mayor Chavit Singson dahil ipinahiram niya po itong mga bus na ito para magamit sa pagpapauwi ng mga LSIs sa iba’t-ibang probinsiya.

Mayroon din po tayong tatlong barkong gagamitin mula sa BFAR, sa Coast Guard at isa pong commercial vessel; isa pong eroplano mula sa Philippine Air Force; at isang tren po mula sa Philippine National Railways.

Kulang-kulang po mga apatnalibong mga LSIs na po ang ating matutulungang makauwi sa kanilang mga probinsiya simula po bukas hanggang Linggo.

SEC. ANDANAR: Kaugnay diyan, dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, Eastern Visayas, CARAGA Region, Cebu Province at Mactan ay maaantala ang pagpapauwi sa ibang mga LSI na residente ng mga nasabing lugar. Paano po natin mapapangalagaan ang kapakanan ng mga maiiwan?

USEC. MALAYA: Opo. Yes, Sec. Mart. For example po, iyong ating mga kababayan na nandoon sa North Harbor ngayon na iyong kanilang mga ticket ay nasuspinde iyong kanilang biyahe, tinutulungan po sila. Nasa isang gym po sila, nandoon po ang gobyerno, ang DSWD, and DOH, ang Philippine Ports Authority at binisita rin po sila ni Sec. Tugade.

At sila po ay ating tinutulungan ng pagkain at kaunting tulong habang sila po ay naghihintay ng kanilang biyahe. As soon as ma-lift po ang suspensyon ay puwede na po silang bumiyahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

Iyon naman pong mga nasa Philippine Army Gym. Nire-rebook po iyong kanilang mga flights at araw-araw pong nababawasan iyong mga nandoon. Iyong mga wala naman pong ticket na nandoon ay isasama natin sa Hatid Tulong Program. At habang nandoon po sila naghihintay ay tinutulungan po sila ng pamahalaan sa pagkain at tirahan.

SEC. ANDANAR: Maiba po tayo ng topic, USec. Malaya. Patungkol naman po sa nangyaring barilan sa pagitan ng PNP personnel at AFP officers sa Jolo. Ano po ang update ukol sa pag-usad ng imbestigasyon?

USEC. MALAYA: Unang-una po, Sec. Martin, ikinalulungkot po ng DILG ang nangyaring shooting incident doon sa Jolo, Sulu. At mismong si Sec. Año ay ikinalulungkot ito kaya nga po na-relieve na po iyong chief of police ng Jolo at na-relieve na rin po iyong siyam na involved dito sa shooting incident na ito. At ang National Bureau of Investigation, sila na po ang nagsasagawa ng imbestigasyon dito. And we will leave no stone unturned at mismo pong si Sec. Año na rin ang nagbigay ng direktibang ito sa ating mga kasamahan dahil nga po ikinalulungkot po namin itong pangyayaring ito.

And we can assure the public, Sec. Mart, that the truth will come out at iyon pong mga mapatutunayang nagkasala dito ay maparurusahan. We will make sure po, Sec. Mart, that justice will be done.

SEC. ANDANAR: Follow-up question lang po. Ano po ang naging aksyon nga pala ng DILG upang maiwasan na madagdagan ang ganitong klaseng mga pangyayari sa pagitan ng ating mga uniformed personnel?

USEC. MALAYA: Opo. Napakaimportante po ang koordinasyon ng dalawang institusyon – ang Armed Forces of the Philippines at ang PNP (Philippine National Police). We can consider this po, Sec. Mart, as an isolated incident dahil mula pa po nang magsimula itong COVID, ang Joint Task Force COVID Shield ay hindi lang naman po ang PNP ang kasama diyan; nandiyan po ang Army, ang Air Force at ang Navy, at kasama na rin po ang Coast Guard.

So, we have always been working very closely. Iyon nga lang po, may mga ganitong mga insidente. And since it’s an isolated incident, hindi po ito norm sa operasyon ng dalawang malalaking ahensiyang ito. And given na may mga processes naman po na in place that are, in case, we will make sure na hindi na po ito mauulit.

Ang panawagan po natin sa ating kapulisan is always adhere to the operation’s manual of the Philippine National Police. Kung tayo po ay susunod doon sa operations manual natin, wala na pong ganitong mga pangyayari in the future.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Malaya, may tanong po si Joseph Morong ng GMA-7: Update na daw po sa provincial buses going to and from Manila, kailan daw po papayagan? And also motorcycle back riding na private, kailan daw po papayagan sa parehong GCQ and MGCQ areas?

USEC. MALAYA: Okay. Lahat po tayo ay nag-hihintay diyan sa balitang iyan. Kahit po kami sa DILG ay inaantay pa rin namin iyong pinal na desisyon ng IATF. Dahil nga po doon sa back riding, this has already been approved in principle, ngunit wala pa po iyong pinal na rekomendasyon ng technical working group para maaprubahan ng IATF.

So ganoon din po iyong sa provincial buses, we’re also awaiting for the final decision of the IATF in this regard.

USEC. MALAYA: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary Jonathan Malaya – pasensiya na po kanina – mula po sa DILG.

USEC. MALAYA: Maraming salamat, Usec. Rocky. At maraming salamat din po, Secretary Martin. Mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Salamat po, Usec. Malaya.

Ang edukasyon ang tanging bagay na hindi po maaaring manakaw sa atin kailanman kaya naman malaking bagay kung patuloy pa rin masusuportahan ang pag-aaral ng mga kabataan sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng ating bansa. At upang alamin ang pinakabagong update kaugnay po sa basic education, makakausap po natin si Chairman of House Committee on Basic Education and Culture and Pasig City Representative Roman Romulo, magandang araw po, Congressman?

REP. ROMULO: Magandang araw rin po, Rocky at Secretary Martin, magandang umaga rin po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagbibigay-panahon sa amin. Taong 1998 po ay nabuo na ang Adopt a School Program sa ilalim po ng Republic Act 8525. Congressman, gaano po ba kalaki ang maitutulong ng programang ito sa mga paaralan lalo na po iyong daming pagbabago na po ang magaganap sa darating na pasukan dahil po sa COVID-19?

REP. ROMULO: Yes. Unang-una, Usec. Rocky, ang importante po, ilagay rin po natin siguro sa ating isip na, again po: Walang may gusto ng COVID-19, nandidito na po ito; ang pinakamaganda po ay magtulungan tayo.

Ang sabi ng DepEd sa atin ay magkakaroon sila ng iba-ibang paraan para maihatid sa bahay ang edukasyon sa ating mga mag-aaral. Isa po dito ay ang tinatawag nilang distance learning. So, pagdating ng distance learning, kailangan po talaga ng equipment, kailangan po dito ng laptop, kailangan ng computers o maaaring telepono o kaya iyong mga WiFi connections.

Eh ‘di ba ang sinasabi nga po ay papaano gagastusan ng national government iyan; papaano gagastusan ng local government po iyan? Kaya pinaalala lang po natin na mayroon na po tayong batas na matagal na pong naipasa – ito nga po iyong Republic Act 8525, ang tawag po dito ay Adopt a School Program.

Dito po ay iyong ating mga pribadong indibidwal o mga korporasyon ay puwede pong mag-donate sa paaralan na pampubliko na gusto nilang i-adopt. At sundan lang po nila iyong mga guidelines ng DepEd ay makakakuha po sila hanggang 150 percent na tax deduction – malaking bagay po iyan. Makakatulong na rin po sila sa ating mga mag-aaral sa pampublikong paaralan at sa isang banda rin ay matutulungan din po nila iyong kanilang sarili dahil malaki rin po ang mabibigay na deduction sa kanila.

Pangalawa po, Usec. Rocky, iyong isa pang modality na gagamitin po ng ating DepEd ay iyong paghatid ng “self-learning kits”. Alam po natin na napakarami po ng ating mga estudyante, 28 million po iyan sa buong Pilipinas, about 22 to 23 million diyan ay sa public schools natin. So medyo malaking gastusin din po iyan para sa DepEd, sa gobyerno, ay siguro pati doon po ay makakatulong din po iyong ating mga private corporations sa ilalim ng Republic Act 8525.

SEC. ANDANAR: Malaki po ang epekto ng mahinang signal at internet connection sa ating bansa sa gagawing blended learning para sa pagbubukas ng klase sa August, paano po kaya ito matutugunan, Congressman Romulo?

REP. ROMULO: Yes. Unang-una, Sec. Martin, pinapaalala po sa ating ng DepEd, at tayo ay sang-ayon, na ang gagamitin po ay kombinasyon ng iba-ibang modalities. Mayroong magiging blended through online; mayroon pong magiging through TV; mayroong magiging through radio; at mayroon din po ay delivery ng mga tinatawag po natin na “self-learning materials”. Depende po sa lugar, kung malakas po ang internet doon, ang WiFi doon, or kaya ay magagawan ng paraan para lumakas ang WiFi internet doon, siguro ang pinaka—dahil maaayos na rin po iyong modules na ginagawa ng Deped. Nagbigay na po sila ng sampling kahapon kung paano nila gagawin pati iyong content, nakita naman natin na maayos naman.

Pero ito ho, kung malakas ang WiFi o mai-aayos po, doon sila pupunta po, doon sa distance learning. Pero kung hindi ganoon kalakas ang WiFi po ay dapat intindihin po natin na iba naman na modality ang gagamitin – puwedeng TV, puwedeng radio. Kung mahina rin po ang mga signal doon, doon naman po tayo sa self-learning materials.

USEC. IGNACIO: Congressman, paano naman po iyong mga estudyante na nasa malalayong probinsiya na hindi po naabot ng WiFi, walang telebisyon at wala rin pong kakayahang magkaroon ng gadget? May nakahanda po bang alternatibong paraan ng pagtuturo para sila po ay makapag-aral pa rin?

REP. ROMULO: Yes, Ma’am Rocky, mayroon po. Katulad ng laging binabanggit, iyong isang modality po ay ang paghahatid ng mga self-learning materials or kits, ito po iyong –maihahambing po natin – ito po iyong mga workbook o textbook na kapag face-to-face ay binibigay naman talaga sa ating mga estudyante.

Ang plano naman po dito ay sa mga lugar na mahina ang WiFi o walang signal ang radio or telebisyon ay ibibigay ng DepEd sa pamamagitan po ng tulong ng mga barangay, ng mga siyudad, ng mga city LGU ay self-learning materials.

At mabanggit ko na rin po ‘no, Usec. Rocky, Secretary Martin, sa isang committee meeting po namin, mga three weeks ago, ay sinabihan na po namin, nakiusap po kami sa ating DepEd kung maaari rin po ay paghandaan na po natin iyong tinatawag namin na COVID map of the Philippines. Ito naman po ay makukuha naman po nila siguro sa IATF o kaya sa DOH kung saan po pinapakita po iyong mga iba-ibang lugar na kung nasaan talaga may COVID-19 sa Pilipinas at iyong mga lugar po na wala.

Example po, baka mayroon mga island barangay, island na mga cities o municipalities na hindi naman po talaga nadapuan ng COVID-19 eh maybe in the …pagkaumpisa po ng klase ay baka naman pupuwede na ho nating ma-introduce doon iyong tinatawag na face-to-face muli, of course, subject to minimum health protocols. Kaya importante po iyong payo po namin sa DepEd na sana gawin na po itong COVID-19 map of the Philippines para alam po natin kung ano iyong iba-ibang modality na puwede nating gawin para sa iba-iba nating mga paaralan sa buong Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Congressman, halos dalawang buwan na rin po nang mapag-usapan po natin ang mga maaaring gawing educational modalities, kasama po dito ang IBC as one of the alternative television stations, and including Philippine Broadcasting Service for radio. Ano po ba ang update natin tungkol dito sa ganang Kongreso po naman, dahil dito po sa Executive, we always talk to the Deped?

REP. ROMULO: Yes. Sa atin naman po lalo na sa ating komite ay tuluy-tuloy po iyong pagpupulong po natin. Sa totoo lang po sa ating Department of Education, nabanggit ko sa kanila, Secretary Martin, kahapon ang DepEd ay nagpakita naman po ng parang pilot o test run noong kanilang gagawin na mga na distance learning. Ngayong hapon po ay mayroon tayong committee meeting muli para mabigyan na po tayo noong preliminary update po ng DepEd kung papaano nila … ano iyong mga modality na tingin nilang gagawin sa iba-ibang region, sa iba-iba pong mga probinsiya.

In fact, Secretary Martin, kasama ng COVID-19 map of the Philippines na ating ipinahanda sa kanila ay nagpahanda rin po tayo ng isa pang mapa. Itong mapa naman po ay iyong mapa na iyong connectivity map of the Philippines kung saan pinapakita po sa tulong po ng DICT kung saan pong mga lugar, mga probinsiya, mga rehiyon na mayroon tayong malakas na Wi-Fi o kaya kung hindi man malakas na TV o malakas na radio. Iyon po ay hopefully ngayong hapon ay ma-present na rin po sa atin ng DepEd.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po at mabuhay po kayo, Chairman of House Committee on Basic Education and Culture, Pasig City Representative Roman Romulo.

REP. ROMULO: Salamat rin po.

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba pang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health as of July 2, 2020, umabot na sa 38,805 ang total number of confirmed cases kahapon. Umabot na sa 1,274 cases ang kabuuang bilang ng mga nasawi, ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 10,673.

Hindi po kami magsasawang ipaalala sa lahat ang physical distancing, tamang pagsuot ng face mask at palagiang paghuhugas ng kamay. Tandaan sa pagsunod at pakikiisa sa ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan, makakatulong ka upang tuluyan ng mapagtagumpayan ang ating laban sa COVID-19. Bahay muna, buhay muna.

SEC. ANDANAR: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing po ay hatid sa into ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

SEC. ANDANAR: Asahan po ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

USEC. IGNACIO: Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita po tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)