Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Laging Handa Special Coverage: Pagbabakuna Kontra COVID-19.

Tuluy-tuloy po ang pagbibigay natin ng pinakahuling balita’t impormasyon tungkol sa National Vaccination Program ng pamahalaan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Dumako naman po tayo sa mainit na usapin para alamin po ang magiging partisipasyon ng Philippine Red Cross sa umaarangkada ng National Vaccination Program ng pamahalaan, makakausap po natin ang kanilang Chairperson and CEO, si Senator Richard Gordon. Good afternoon, Senator!

SENATOR GORDON: Good morning, it is ten to twelve. Good morning!

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, ano po iyong magiging role ng Philippine Red Cross dito sa rollout ng bakuna kontra-COVID? At kailan po kayo magiging hands on daw dito sa nangyayaring vaccination?

SENATOR GORDON: Well, wala pang sinasabi sa amin sina Secretary Duque. Right now, hands on kami sa pagbabakuna sa measles at saka sa polio. So for us to vaccinate dito sa tinatawag nating COVID ay handa kaming tumulong sa vaccination ng COVID.

USEC. IGNACIO:  Opo. Senator, nagkaroon po ba kayo ng—

SENATOR GORDON: We’re doing that all over the world, by the way.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, nagkaroon po ba kayo ng pakikipag-ugnayan na rin kay Secretary Galvez kaugnay po dito, kung paano daw po iyong magiging sistema ng pagtulong ng Philippine Red Cross.

SENATOR GORDON: [Garbled] pinag-uusapan iyan eh [garbled] papag-usapan na natin iyan baka magkabiglaan tayo, although si Secretary Galvez is already [garbled] and I also talked with Secretary Dizon, at ang sabi ko, we’re ready to participate. Sabi naman nila, yes, pero wala pang specifics.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, may mobile vaccine clinic ang Philippine Red Cross na ginamit ninyo po recently dito sa measles, polio, rubella vaccination. Equipped din po ba daw para naman sa COVID-19 vaccines gaya po ng mga refrigerators?

SENATOR GORDON: Yes, we have freezers lalo na hindi naman kailangan ng freezer masyado dito sa Sinovac or doon sa mga ibang [garbled] i-vaccinate. So ang mahirap lang diyan ay iyong Pfizer. Pero doon sa Moderna, mayroon kaming mga refrigerators na hanggang minus 40 degrees.

USEC. IGNACIO:  Opo. Pero ilang mobile vaccine clinic daw po at volunteers iyong nakahandang i-deploy ng Philippine Red Cross for the COVID-19 vaccination, Senator?

SENATOR GORDON: So far, we have three buses na pupunta roon. Minsan eh napakalaki ng mga buses, hindi makapasok sa looban. So I suggest, we just bring the vaccine to a certain area in a barangay para sa ganoon lahat ng magpapabakuna ay pupunta na lang doon. Hindi naman kailangan dalhin sa doorstep ng tao iyong vaccine. Pero kung maluwag ang lugar nila, dadalhin namin iyan at kasama namin diyan ang Bert Lina Group of Companies na sinasabi na katulong namin na magbibigay ng vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. Last week na-mention ninyo raw po na dapat ay payagan din ang mga international human organizations like PRC na mag-procure po ng sariling COVID-19 vaccines. Hindi po ba daw ito sakop ng kakapirma lamang na batas ng COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, Senator?

SENATOR GORDON: Doon nakalagay iyon, sa batas na iyon, kasama iyon, the Red Cross and other humanitarian organizations. Mas maraming magbabakuna, mas mabilis natin malalabanan itong sakit na ito. That’s the only reason why I put it there, not for the Red Cross pero sa lahat ng mga national or international humanitarian organization – hindi naman marami iyan. Eh kung kakayanin nilang tumulong, dapat mayroon silang … mabibigyan sila ng kaukulang permiso para maka-vaccinate. Pero siyempre, dadaan pa rin iyan sa Department of Health at saka doon sa IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ilan po iyong balak i-procure ng Philippine Red Cross; at ano po iyong update doon sa pagpareserba ninyo ng vaccine mula po sa AstraZeneca at Moderna?

SENATOR GORDON: Well, mayroon kaming reserved medicine, vaccine, pero halimbawa, sa Moderna, sabi namin kaya namin ang 200,000. Pero palagay ko hindi namin makukuha iyan. Nagsisiguro lang ako na kahit papaano makakuha dahil ang unang-una kong gusto kong matulungan ay iyong mga frontliners namin na araw-araw ay humaharap doon sa mga tinatawag nating mga dinadala sa ospital at saka iyong mga nasa laboratory.

Pero naka-reserve kami, ewan ko kung bibigyan kami ng AstraZeneca. At naghahanap pa rin kami kung makakakuha kami ng Johnson & Johnson which is going to be very difficult, napakahirap kunin iyan. Hindi naman ako naniniwala sa mahirap; susubukan natin makakuha.

USEC. IGNACIO:  Opo. Senator, mapunta naman tayo dito sa testing, ano po. Ilang PCR saliva testing centers na po ang operational ngayon sa tulong po ng private sector?

SENATOR GORDON: Hindi ko alam iyong ibang private sector eh dahil ang nag-a-approve niyan ay DOH. Ang winu-worry ko lang diyan ay …doon sa saliva test ay may mga tao na talagang sukdulan na ang kanilang ginagawa na kahit wala silang permit nag-o-operate, sinasabing mura lang, mabilis pa, you’re giving the people talagang palsipikadong sense na seguridad. Dahil halimbawa kumuha sila, akala nila hindi sila positive, negative sila, eh bigla na baka positive sila dahil unang-una hindi dumaan sa pagsubok na mahigpit iyong mga nagti-test ng ganiyan. Dapat iyan ay hulihin, idinidiin ko, hulihin! Sapagka’t masyadong maluwag tayo eh. Biruin mo, may nakakapasok na mga vaccine dito at kapag nakapasok ang vaccine, ano ang ginagawa ng Department of Health at saka ng National Bureau of Investigation? Nakapasok ang vaccine, dumaan sa Customs, nakalusot.

Mayroon pa akong isang alam na tao na namatay kahit na nabakunahan siya matagal na, at iyon ay nagpapatunay na walang bisa iyan. Dahil kung ikaw ay nabigyan ng bakuna, at the very least, you will not get severe attack of COVID – may depensa ka; pero ito namatay eh. So marami pang iba akong naririnig diyan pero rinig pa lang iyon. Pero mayroon akong nakausap na tunay na tunay, ayaw ko lang sabihin ang pangalan, pero nalulungkot ako dahil gumagamit sila, naniniwala tayo sa mga maligno na hindi pa nasusubukan ay binira na kaagad at pinapakawalan [garbled].

USEC. IGNACIO:  Ngayon po—medyo mahirap iyon ano po, Senator. Pero ano po ang gusto ninyong ipaalala sa publiko na dapat po talaga ay dadaan talaga dito sa Red Cross itong saliva test, ano po, Senator?

SENATOR GORDON: Ah, hindi. Basta pinayagan ng gobyerno iyong mga saliva test at dumaan sila sa pagsusuri, hindi naman kami manghaharang. We don’t have a monopoly. Pero siyempre pinaghirapan natin iyan, eh masasama kami kung palsipikado iyong nakuhanan nila ng test, eh masasama kami sa magkakaroon ng credibility problem. Kaya kami sinasagot namin iyan, tuwi-tuwina ay nagti-test kami at lahat 100% convergence of sa result na pinapadala namin sa DOH.

Kaya dapat talaga mabantayan nang maigi iyong mga ganiyang tao… at kung iikot kayo sa mga malls, mayroong nakalagay na ganiyan eh. Umikot ako, nakita ko “Saliva Rapid Antigen, 15 minutes tapos na, mura.” Ganoon, mayroon pa silang dinadala sa bahay, akala mo totoong-totoo. These are unscrupulous people na wala silang responsibility, na nagbibigay sila ng palsipikadong chance of security; at kapag namatay iyan, mahahabol ninyo pa ba iyan? Eh kailangan talaga, ang pakay ng gobyerno, bantayan ang kaligtasan at kalusugan ng mga tao at kung hindi nila babantayan iyan ay talagang kailangan ay ipaabot sa kanilang kaalaman na ito ay nangyayari.

USEC. IGNACIO:  Opo. Pero, Senator, paano po makakapag-avail ang publiko ng saliva test sa Red Cross lalo na dito sa drive-thru sa ilang malls po?

SENATOR GORDON: Sa mga malls, puwede na kayong mag-drive-thru. Ito kakatawag lang ni Cora Alma De Leon, mga matatanda, ayaw lumabas, ay dadalhin namin sa bahay iyong saliva test. At ngayon mayroon kaming mga motorsiklo, tini-train na namin iyan na puwedeng dalhin sa mga iba’t ibang lugar na magpa-saliva test. In fact, kung papayagan iyan sa isang lugar, tatabi lang iyong mga kotse. Halimbawa sa gasoline station, hindi naman doon sa may gasolinahan mismo, tatawid lang doon. Basta sila ay nakapagrehistro na sa computer, sa internet at ipinakita nila iyong kanilang rehistro ay talagang makakapasok na sila at madaling—ayun, katulad iyang nakikita natin sa larawan, doon mismo sa kotse nagdyi-generate ng saliva at mabilis nakukuha iyan.

USEC. IGNACIO:  Opo. Senator, sa ibang usapin naman po. Ngayon pong Fire Prevention Month, ilan na po daw fire trucks ng Philippine Red Cross at ilang sunog na po iyong natulungang narespondehan ng Philippine Red Cross at noong nakaraang taon, Senator?

SENATOR GORDON: Naku, hindi ko—titingnan ko iyong nakaraang taon ‘no. Pero [garbled] lima yata iyong pinuntahan namin mga fires. Ang fire truck lang namin ay labimpito. At ang importante sa fire trucks namin, iyong maliliit na fire trucks ay nakakapasok sa looban. At kapag nakauna kami doon, mayroon kaming mga hose, ikakabit diyan sa water tanker na magsasalit-salit, iyong 5,000 gallons, 10,000 liters na fire truck, hindi mauubusan ng tubig at madaling makakapawi ng sunog. Last year, marami-rami rin kaming nasagap na balita tungkol sa pagpatay ng sunog at maya-maya lang, bigyan mo ako ng couple of minutes, ibibigay ko sa inyo.

USEC. IGNACIO: In the future, Senator, papaano po patuloy daw na susuporta ang Philippine Red Cross sa paglaban ng bansa sa COVID-19?

SEN. GORDON:  Aba, noong 1939 pa lang nagpadala na kami ng vaccines sa China eh, 1939. So itong Red Cross ay almost 170-year-old organization sa buong mundo at sa lahat ng sulok ng mundo may Red Cross, at ginagawa namin ang paraan para makatulong. At hindi ko maintindihan, kung hindi pa alam ng tao itong Red Cross, it’s the most popular symbol, I think, next to Coca-Cola or mas malaki pa kami ngayon kaysa sa Coca-Cola. Pero hindi naman iyan ang ipinagmamalaki namin, it is the premier humanitarian organization of the country and of the world, kaya nakakatulong tayo.

Ilang bahay ba ang ginawa ng Red Cross dito sa [Typhoon] Haiyan? Sa Haiyan lang ang nagawang bahay ng Red Cross ay umaabot ng 81,000 na bahay. Dito sa mga nakaraang mga earthquakes, sa Magsaysay, nakagawa na rin kami ng mga daan-daan na bahay hanggang dito sa Typhoon Tisoy. At ngayon gumagawa kami ng bahay sa Albay. I think we will be doing about 200 houses, if I am not mistaken, diyan sa Albay.

Sa mga ambulansiya ay tuluy-tuloy iyan. Kinukuha namin iyong mga tao lalo na kapag naaksidente sa kalye, dinadala namin. Mayroon din kaming tinatawag na conduction, kapag tumawag sa amin ay makukuha namin kaagad kung saan dadalhin iyong pasyente.

So, it’s very important na ang Red Cross ay talagang pinagtitibay namin. Kaya nga ngayon ang Angkas, makikita ninyo na ang Angkas ay makakatulong sa sunog. Kung madadaanan nilang may sunog, eh hindi ho talaga makakatawag ng bumbero, o iyong mga tao minsan makakatawag sa 143 para makuha at makatulong kami sa pagpatay ng mga sunog. Iyong Angkas naman motorsiklo iyan. Katulad noong isang gabi may barilan, nandoon kaagad ang Red Cross; nagbarilan iyong mga PDEA at saka pulis, nandoon kaagad ang Red Cross at tinulungan namin iyong dalawang tao doon na may mga tama. Lahat ng lugar halos makikita ninyo ang ambulansiya namin nagkalat, about a 170 of them hawak ng mga chapter iyan.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Philippine Red Cross sa tuluy-tuloy na paglilingkod sa ating bansa at sa ating mga kababayan, Senator Richard Gordon.

SEN. GORDON:  Thank you, very much.

USEC. IGNACIO:  Ngayong Marso ay nasa GCQ pa rin ang maraming bayan sa bansa kasama na riyan ang National Capital Region. Pero ayon sa Pangulo kagabi, kung makakakuha ang Pilipinas ng two million doses ng bakuna ay agad nilang ilalagay sa mas maluwag na quarantine classification ang Kamaynilaan. Kunin po natin ang pahayag ng Kalihim ng Department of Trade and Industry tungkol dito.  Magandang araw po sa inyo, Secretary Mon Lopez.

DTI SEC. LOPEZ:  Magandang araw po, Usec. Rocky. Magandang araw po sa lahat.

USEC. IGNACIO:   Ano po ang masasabi ninyo sa sinabi ng Pangulo na he will open the economy basta may two million doses na tayong hawak? At siyempre, iyon pong reaksiyon ninyo na dumating na po sa Pilipinas iyong kauna-unahang bakuna laban sa COVID-19?    

DTI SEC. LOPEZ:  Of course, we welcome the news, iyong sinabi po ng ating mahal na Pangulo, iyong pagbubukas ng ekonomiya. We respect naman iyong decision niya na hintayin talaga itong bakuna bago talaga tayo makapagbukas at ituloy iyong pagbubukas ng ating ekonomiya.

At itong nangyayaring start ng rollout ngayong araw na ito, ngayong umaga, of course, this can only bring heightened optimism sa ating lahat na nagsisimula na po iyong rollout ng vaccination program dito po sa ating bayan.

USEC. IGNACIO:  Opo. Pero paano naman po makakatulong sa ekonomiya itong unified travel requirements na ipapatupad ng mga lokal na pamahalaan kung saan nga po inalis na nga po iyong mandatory testing and quarantine, Secretary?     

DTI SEC. LOPEZ:  Opo, at least ito po will standardize to a certain extent iyong mga requirements ng ating mga LGUs. Ang hindi lang po ma-standardize, ito po iyong mga ibang LGUs would still require a PCR test. Pero at least to the other requirements standardize na po at makakabuti din po ito sa mobility lalo na iyong mga puwedeng bumiyahe na or ina-allow na bumiyahe sa labas ng kanilang residence, iyong APOR, iyon. Ito po kasi iyong mga paraan ng mga unti-unting nabubuksan iyong ekonomiya even without shifting to modified GCQ. And we all know na marami na po sa ating mga probinsiya, mga lugar sa Pilipinas kasama ang NCR na—I’m sorry, iyong maraming mga probinsiya na MGCQ na. At iilan na lang tulad ng NCR ang GCQ, mga walo na lamang na mga lugar ang GCQ. So, technically halos marami na ang modified GCQ sa ating lugar. So hopefully ito maka-improve, patuloy iyong pag-improve ng ekonomiya dahil po dito sa mga mas bukas na mga lugar.

USEC. IGNACIO: Opo, hindi ba raw po nagiging … hindi naman masabi na reckless ang gobyerno sa kaniyang mga ipatutupad na polisiya para daw po maisalba ang sektor ng negosyo, Secretary?

DTI SEC. LOPEZ:  Ah, hindi po dahil every time po, mula noong August pa last year, every time na pinag-uusapan iyong gradual na pagbubukas at calibrated na pagbubukas, niri-remind po natin iyong restrictions sa ating mga kababayan, pagsunod ng health protocol – hindi po tayo nagluluwag doon. If ever may mga binubuksan lang pong mga sektor at mga certain rulings, like on age restriction na atin pong unti-unting pinaluwag noong mga nakaraang buwan. Pero iyong restriction sa health protocol, hindi po natin binabawasan iyon.

In fact, mas lalo pong pinaigting ang enforcement. So iyon po ay hindi po reckless po talaga itong mga ginagawa na ito. Ito po lahat ay planado at dahan-dahan. And we are still looking for ways kung papaano nga maluwagan ito without really shifting to MGCQ at mayroon naman tayong mga binubuksan na mga sektor na dahan-dahan ay it will allow more economic activities.

USEC. IGNACIO:   Opo. Nabanggit din po ng Pangulo na baka daw po sa taong 2023 pa talaga tayo makakabalik sa normal na pamumuhay. So kakayanin po ba ng ating ekonomiya itong dalawang taon na daraanan bago po tayo magbalik sa normal?

DTI SEC. LOPEZ:  Siguro po iyong niri-refer po ng ating Pangulo ay iyong talagang parang iyong pre-pandemic level na halos walang restriction. But we are learning how to deal with the virus. Nakita naman po natin na may mga sektor naman tayong nabubuksan, sector of the economy that we are reopening na kahit may quarantine pa at kahit may mga iba pang restriction ay unti-unti pa ring lumuluwag. So, hindi ibig sabihin ay parati tayong nakaganitong situation up to two years from now, mayroon po tayong unti-unting binubuksan.

Ang maganda dito sa gradual po, nakita naman natin na hindi po lumobo iyong ating kaso, in fact bumaba pa. Iyong example na sinasabi natin noon. Kaya nga ho parang it proves na maganda po iyong formula natin na dahan-dahang pagbubukas kasi bumababa pa rin iyong COVID cases from 4,000 to around 2,000 at this time. At saka noong nag-reopen tayo ng economy dahan-dahan mula July last year ay nakikita naman natin iyong well-managed na COVID cases po natin.

USEC. IGNACIO:  Secretary, sa iba pang balita ano po. Ipagbabawal daw po ng DTI iyong installment sale only ng mga motorsiklo, ito po ay matapos sa ginawang imbestigasyon ngayon sa Senado sa umano ay modus nga po ng mga dealers. Ano po ba mismo ang natuklasan ng ahensiya sa modus na ito at bakit hindi po ito dapat ginagawa ng mga nagbebenta ng mga motorsiklo?

DTI SEC. LOPEZ: Dapat ho kasi mabigyan talaga ng choice iyong consumer, kung gusto niyang magbayad ng cash para makaiwas dito sa mataas na interes na kapag naka-installment lalo na kung mayroon naman silang pondo para magbayad ng cash.

Iyong iba ho talaga ay would prefer cash, eh ang problema iyon hong mga ibang dealers, iyong iba lang naman ay nagpipilit na magbayad through installment. At ‘pag nag-installment ang diperensiya po sa original cash price na pumapatak ho ng 25% or even higher than the cash price. So kung kukompyutin noon medyo mataas ang pumapatak na interest niyan kada taon.

Kaya nga ho kung may paraan lang at mayroon silang cash, iyong gustong magbayad ng cash eh dapat i-allow po iyon. So iyon ‘yung ilalabas po natin na Department Order, sina-subject ho natin sa public consultation and hearing para ho consulted po lahat bago ho natin i-issues ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito naman daw pong ipinapataw na safeguard duty sa mga sasakyan ang pumapasan po ngayon sa dagdag na bayarin ay iyong mga kababayan daw po natin na gusto lamang magkaroon ng sariling kotse. Ayon sa mga manufacturers, pinabagsak lamang din nito iyong bentahan ng sasakyan sa bansa. Ano po ang masasabi ninyo dito, Secretary?

DTI SEC. LOPEZ: Ito po ay isang… well, policy tool according sa ating mga batas—sa ating batas na Safeguard Act na talagang binibigyan po ng konting proteksiyon ang mga local manufacturers lalo na pagka dumadagsa, nagsi-surge ang import doon sa produkto na iyon.

Ang ibig sabihin naman po nito ay preference ng ating consumer ay maaaring maituon para sa local manufactured. Hindi po sila pinagbabawalan at iyong local manufactured ho, wala hong pagbabago sa presyo at mayroon ho tayong mga sasakyan na locally manufactured.

Kaya ibig sabihin lang po nito ay nabibigyan ng preference sana itong local manufactured dahil every time bumibili tayo ng local manufactured, ang natutulungan po nito iyong local jobs, iyong naki-create po na mas maraming trabaho ay iyong local jobs. At lalo na sa panahon ng pandemya, ito ho talaga ay isa hong paraan ‘to paano maka-recover kaagad ang ating ekonomiya kung tatangkilikin natin ang locally produced products, hindi lamang iyong sasakyan, kahit anong produkto na locally manufactured. Ito po ay ini-encourage po natin iyong buy local and go local para ho talaga isang paraan ito na makabawi kaagad ang ating ekonomiya at dahil ho mas maraming makakakuha ng trabaho lalo na doon sa wala pang trabaho ngayon na hindi pa nakakabalik at ang estimate nga natin diyan iyong 1.6 million na kumpara doon sa pre-pandemic level at iyong unemployed pa rin hanggang ngayon.

Kaya iyon po ‘yung ibig sabihin noong safeguard duty na iyon, na ginagawang mas mura iyong locally produced at mas mahal iyong imported. But again, ito po ay nasa—ngayon ay Tariff Commission at nag-continuous po ang hearing dito para matingnan din po ang mga concerns noong iba pang stakeholders. At again nakita ko ho sa diyaryo ngayon, ang mga local dealers naman, ginagawa nila ay nagpapa-issue sila ng parang deposit bond para ho kung sakali pong matanggal po iyong safeguard duty as a result let’s say of the Tariff Commission hearing, at iyon ang findings nila ay maibabalik sa consumer iyong mas mataas na dagdag presyo dito po na ipinasa sa kanila because of the safeguard duty.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming po salamat po sa inyong panahon, Secretary Ramon Lopez ng DTI.

DTI SEC. LOPEZ: Salamat din po, Usec. Rocky, sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, masusi umanong pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung handa na bang isailalim ang buong bansa sa Modified General Community Quarantine. Ayon kay Senator Bong Go, based on good science ang magiging gabay ng Pangulo sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa bansa. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO:    Sa kasalukuyan ay may tatlo na pong brand ng COVID-19 vaccines ang binigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration – ang mga gawa po ng Pfizer, AstraZeneca at ang mula sa Sinovac.

Kanina nga po ay nakuha na ng ating susunod na panauhin ang kaniyang unang dose ng CoronaVac. Kumustahin po natin ang kaniyang karanasan sa pagpapabakuna. Welcome back, FDA Director General Usec. Eric Domingo!

FDA DG DOMINGO:  Hi! Magandang tanghali, Usec. Rocky! Magandang tanghali po sa inyong lahat!

USEC. IGNACIO:    Naku, televised po, kitang-kita namin, Doc, iyong inyong ginawang pagpapabakuna. So, kumusta ka na? Ano pong nararamdaman ninyo matapos magpaturok ng bakuna mula sa Sinovac?

FDA DG DOMINGO:   Well, ang galing po ng nurse namin sa PGH, iyong si Sheila, iyon ang nag-inject. Alam ninyo, ni hindi ko po naramdaman iyong ineksiyon at natapos na hindi ko nga nalaman at hanggang ngayon naman po wala akong nararamdaman. Nagbigay sila sa akin ng telephone number na tatawagan in case mayroon akong mga maramdaman na side effects nito pong pagpapabakuna.

USEC. IGNACIO:    Opo. Kasi May fifteen to thirty minutes after na mabakunahan kayo. So, ano bang naramdaman ninyo? Kayo ba ay sumakit ang binakunahan, iyong tinurukan? Sumakit ba ulo ninyo or ano pong nangyari sa inyo?

FDA DG DOMINGO:   Ako kasi low risk ako ‘no. Wala naman akong allergies at saka ibang karamdaman kaya fifteen minutes lang iyong monitoring sa akin. Tapos tsinek nila iyong BP ko, tiningnan nila kung mayroon akong lagnat, wala naman, so pinauwi na ako.

Until now wala naman akong nararamdaman kahit iyong injection site nga eh hindi naman siya masakit. Hindi ko na nga malaman kung saan, dito pala sa kabila. Wala naman akong nararamdaman na soreness at iyong systemic symptoms na parang lagnat or mabigat iyong katawan, wala naman so far. But of course, I have to monitor myself for the next 24 hours.

USEC. IGNACIO:    Opo, iyon nga po iyong susunod kong tanong sa inyo. Iyon bang mga pangkaraniwan na kahit po lumampas na nang fifteen to thirty minutes ay parang masasabi ba natin na wala nang mga posibleng side effects ito, Doc?

FDA DG DOMINGO:   Well, iyong first fifteen to thirty minutes ang hinahanap natin diyan iyong mga immediate side effects. Ito iyong allergy at saka iyong severe anaphylactic reaction or severe allergy na sinasabi natin. Kapag wala naman iyon, pinapauwi na.

Siyempre po, iyong mga makakaramdam ng kaunting lagnat, kaunting sinat, ganiyan, usually iyon within 24 hours kasi lumalaban na iyong katawan mo doon sa bakuna. So, binabantayan po talaga namin nang hanggang 1 to 2 days after the vaccine.

USEC. IGNACIO:    Tungkol naman po sa mga bakunang dumating kahapon mula sa Sinovac, may doctors association sa PGH na nagsasabing dapat daw po sumailalim ulit sa assessment ng Health Technology Assessment Council ang CoronaVac Vaccine bago iturok sa medical frontliners? Ano po ang masasabi ninyo dito?

FDA DG DOMINGO:   Well, alam ninyo po, itong HTAC natin tatlong araw na silang hindi natutulog. Talagang ginagawa naman po nila nang mabilis iyong kanilang assessment ‘no.

Of course, iyong health technology assessment usually ang tinitingnan po kasi noon iyong cost effectiveness ng isang bakuna and how we make it more available to everybody. So, ginagawa naman po iyon and I believe they are going to come up with a statement on their position very, very soon.

USEC. IGNACIO:    Ilang medical groups din po sa bansa ang nagsasabing ‘di umano may double standards daw po ang FDA at ang National Adverse Events Following Immunization Committee noong umano ay binanggit ninyo, Usec., specifically iyong medical frontliners directly dealing with COVID-19 patients na umano ay ini-imply daw nang hindi kino-consider as frontliners ang mga nagtatrabaho sa laboratories. Ano po iyong paglilinaw ninyo dito, Usec.?

FDA DG DOMINGO:   Well, hindi po totoo iyon ano. Ang sinabi ko po, ang talagang nakita kasi natin sa studies, iyong mga COVID-19 health workers have been managing COVID-19 patients. So, siyempre kung ikaw naman ay halimbawa pathologist ka or med-tech ka na nagha-handle ka ng mga sputum sample, ng mga laboratory samples ng mga COVID-19 patients, then I think most hospitals would consider you as a frontliner ‘no, compared sa katulad ko po ophthalmologist ako ‘no. So, ang mga nakikita ko naman usually walang COVID-19.

So, talagang depende po iyon sa exposure, hindi naman ibig sabihin porke tumututok ako doon mismo sa pasyente. I really believed itong mga med-tech natin at saka iyong mga sa laboratory, talagang high risk din po sila at kasama sila dapat doon sa mga nasa priority natin.

USEC. IGNACIO:    May tanong po si Joseph Morong ng GMA News, Usec. How soon daw po can the FDA approve Sinopharm EUA na nag-apply na daw po?

FDA DG DOMINGO:   Well, as of last Friday po, wala pa naman akong nabalitaan na may natanggap kami na EUA application from Sinopharm. Today po kasi, hindi ko alam kung nag-apply sila online over the weekend pero wala pa pong sinasabi sa akin. Today po kasi mag-isa ako dito sa opisina galing doon sa bakuna dahil araw po ng Muntinlupa ngayon, sarado po iyong main office namin sa FDA. But as far as I know, wala pa pong ini-evaluate kami na EUA application ng Sinopharm.

USEC. IGNACIO:    Pero kung nag-apply po itong Sinopharm, how soon po na maaaprubahan ang kanilang EUA?

FDA DG DOMINGO:   Well, I would think, Usec. Rocky, similar siguro sa Sinovac, hindi namin kaya iyan ng 21 days. Siguro a month, mga four to six weeks kasi hindi pa sila nakakakuha ng EUA from a stringent regulatory authority or from WHO. Depende na nga kung in the meantime kung in between ng application nila ay magkaroon sila ng ganoon ano, ng US FDA, o kaya sa UK, or sa mga Asian countries na alam nating stringent sila, or sa WHO.

USEC. IGNACIO:    Opo. Balikan ko lang po iyong follow-up question tungkol doon sa ilang medical groups ano po. Bakit daw hindi kayo nag-black and white pa noong una nang in-aprove ang Sinovac Vaccine na bawal o puwede sa mga health care workers at bakit tila ang dami daw pong interpretation ng inyong rekomendasyon?

FDA DG DOMINGO:   Well, ang rekomendasyon naman po siyempre i-interpret po iyon ng doktor na magbabakuna ‘no. Hindi naman po kasi namin sinasabi na bawal siya sa health workers. Ang recommendation natin is that for health care workers who are dealing with COVID-19 patients, 54.4% lang po ang kaniyang efficacy rate, so baka po may ibang bakuna na puwede sa kanila.

Pero kung katulad nga po nito na wala namang ibang bakuna na available and if they opt to receive the vaccine now, siyempre, mas mabuti naman po iyong 50% kaysa sa 0%, then they have that option.

USEC. IGNACIO:    Opo. Sa ibang bansa naman daw po granted na ng Estados Unidos iyong EUA para sa single shot vaccine ng Johnson & Johnson? May balita po ba kayo sa gagawing clinical trial nito sa Pilipinas at kung single shot na rin po iyong ia-administer sa mga sasali sa trial?

FDA DG DOMINGO:   Well, iyong ongoing trial po dito magkakaano siya, two-shot regiment siya ano pero hindi ko alam kung nagkaroon po ng pagbabago. Iyon pong sa US FDA, ang alam ko po iyong kanilang expert panel ni-recommend na sa US FDA mismo at hinihintay nga natin na lumabas iyong kanilang EUA at hopefully mag-apply na rin po sa atin soon iyong Janssen.

USEC. IGNACIO:    Usec., kayo ba ay mayroong mensahe sa ating publiko?

FDA DG DOMINGO:   Well, ang mensahe lamang po natin sa taumbayan, nag-umpisa na po ang ating pagbabakuna. Right now, mayroon na tayong tatlong maaaring gamitin dito – si Pfizer, si AstraZeneca, at saka ito pong Sinovac.

Itanong po ninyo sa inyong doktor kung maaari siya sa inyo. Kapag tinawag po kayo, aralin ninyo pong mabuti. Kahit po kami kanina talagang ini-explain po sa amin, binigyan kami ng informed consent at sumunod po kayo sa instructions even after the vaccination kasi may mga ibibigay po sila sa inyo na mga contact numbers, mga dapat gawin. Kailangang sundin po natin lahat iyon.

USEC. IGNACIO:    Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, Usec. Eric Domingo ng Food and Drug Administration.

FDA DG DOMINGO:   Thank you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:    Samantala, makibalita naman tayo sa Cordillera kasama si Breves Bulsao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Breves Bulsao ng PTV Cordillera. Samantala, makibalita naman tayo sa Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan sa atin ni John Mogol. Magandang umaga, John.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

Samantala, umakyat na po sa 576,352 ang bilang ng mga nagkaroon ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health kahapon ng dagdag na 2,113 cases; na nasa 9,480 naman ang mga bagong gumaling sa sakit habang dalawampu’t siyam (29) ang mga nasawi. Sa kabuuan ay mayroon nang 534,271 recoveries sa bansa at 12,380 naman ang namatay mula sa COVID-19.

Kahapon ay mahigit 800 ang ibinaba sa reported cases kung ihahambing sa sinundan nitong araw pero nanatili pa rin itong mataas sa dalawanlibo. 29,763 naman ang nananatiling aktibong kaso o katumbas nang mahigit 5% ng total cases; 94% nito ay mild o ‘di kaya ay asymptomatic, ang critical cases ay nasa 2.6%, 2.5% naman ang severe samantalang .93% naman ang moderate cases.

Bagama’t nasa bansa na po ang bakuna kontra COVID-19, ipagpatuloy po pa rin natin ang pagsunod sa minimum health standards. Hindi pa po tayo tapos sa laban kontra COVID-19 kaya huwag nating kakalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield, regular po nang pagsa-sanitize o paghuhugas ng ating mga kamay at pagsunod sa physical distancing.

Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay (02) 894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Okay. Maraming salamat po sa ating mga partner-agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP, salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo!

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)