Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong ika-apat na araw ng buwan ng Marso ay magandang balita ang hatid namin sa inyo dahil [garbled] ay nakatakdang dumating ang AstraZeneca vaccine sa bansa. Bukod pa po diyan ay nagsisimula na rin po ang pagbabakuna sa ating mga frontliners sa labas ng Metro Manila.

Kaya naman samahan ninyo kami sa tuluy-tuloy na pagtutok sa mga kaganapang ito sa ating bansa. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio – ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Maya-maya lamang po makakasama natin sa programa sina Dr. Gerardo Aquino, ang Medical Chief po ng Vicente Sotto Memorial Medical Center; kasama rin po natin si Secretary Vince Dizon, National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer.

Samantala, kung mayroon po kayong katanungan, mag-comment lamang po sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page at sa YouTube account.

Sa ating unang bugso ng ating mga balita: Ngayong madaragdagan ang supply ng bakuna sa bansa kapag dumating na ang AstraZeneca mamayang gabi, sinisiguro po ni Senator Bong Go na makakapili na po ng ituturok na bakuna ang ating frontliners. Para sa iba pang detalye, narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Bago pa dumating sa bansa, mabuting alamin muna natin ang mga mahahalagang impormasyon ukol sa COVID-19 vaccine, ang kumpanyang AstraZeneca kabilang na po iyong efficacy rate nito at ang posibleng side effects sa mga babakunahan. At ang mga iyan po ay ihahatid sa atin ni Mark Fetalco:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Kaugnay po ng mga development na iyan, makakasama po natin ngayong umaga ang National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at atin ring Testing Czar, si Secretary Vince Dizon. Magandang umaga sa iyo, Secretary Vince.

SEC. DIZON: Magandang umaga, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Naku nakikita ko Secretary, abalang-abala ka; mukhang mobile ka ano po. Kumusta ka naman po ngayon, iyong lagay ninyo matapos kayong mabakunahan nitong Lunes?

SEC. DIZON: Mabuting-mabuti po. Ito po, tuluy-tuloy po ang ating vaccine rollout. Kagaling-galing ko lang po sa Antipolo, Rizal na nagsimula tayong mag-rollout na rin ng bakuna natin sa Rizal Provincial Hospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Gaya rin po ng balitang darating na ang halos kalahating milyong doses ng AstraZeneca ngayong gabi, kailan po sinasabi na makukuha natin ito after iyong sinasabing logistical problem kaya po nagka-delay?

SEC. DIZON: Opo. Tayo po’y nagpapasalamat sa WHO, sa GAVI Alliance na iyon pong nagbigay nang konti na dapat darating noong Lunes eh darating na po ngayong gabi at kumpirmado na po ito ni Senator Bong Go at tuwang-tuwa po tayo dahil madadagdagan po ang ating current vaccination supply. Mahigit isang milyon na po kapag dumating ang AstraZeneca, ang total doses natin sa Pilipinas; napakalaking bagay po nito.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Secretary, alam ninyo po ba kung ano iyong magiging seremonyas mamaya? Ganito rin po ba iyong magiging kalakaran kapag dumating iyong ibang bakuna katulad po ng Pfizer, Moderna at maging iyong sa Sinopharm? Kasi nakita po ng madla iyong pagdating ng Sinovac sa ating bansa, Secretary.

SEC. DIZON: Alam ninyo po, napakaimportante po ng pagdating ng mga bakuna lalung-lalo na alam naman natin na napakalimitado ng supply sa buong mundo. Kaya po para ipakita kung gaano kaimportante ito, ang Pangulo po mismo po natin ang sumasalubong sa mga bakuna. At ganoon din po ang gagawin natin sa iba’t ibang mga bakunang darating dahil talagang ito ang pag-asa natin na makalampas na dito sa napakabigat na paghamon sa COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Secretary, gaano po karami itong bakuna na ating matatanggap sa ilalim po ng COVAX Facility at papaano daw po iyong magiging distribution ng mga bakuna at kailan po sisimulan din ang rollout nito?

SEC. DIZON: Mga mahigit 480,000 po na AstraZeneca ang darating ngayong araw at mag-i-expect pa tayo ng mga susunod na delivery hanggang Mayo. So ang distribution po nito ayon sa ating prioritization, mauuna po ang ating mga medical frontliners sa iba’t ibang mga ospital at health facilities natin sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Secretary, mapupunuan ba nito iyong first batch ng Sinovac at ng AstraZeneca vaccine mula sa COVAX Facility iyong dapat pong pagbabakuna sa lahat ng ating medical workers; at kung hindi po, mga ilan pa ang kulang?

SEC. DIZON: Ah, 1.7 million po mahigit ang ating healthcare workers sa buong bansa. Ang darating po sa atin ngayon kung kasama na ang AstraZeneca ay mahigit isang milyong doses pa lang. So kailangan pa natin ng mga 2 million plus doses para maaabot iyong 3.4 million plus na kakailanganin natin para sa lahat ng healthcare workers natin. Pero kampante tayo na darating na itong mga doses na ito sa loob ng mga ilang buwan lang.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang Secretary na tanong si Tuesday Niu ng DZBB ano. Saan daw po unang dadalhin ang AstraZeneca pagdating nito sa airport at ano po iyong lugar na una itong maidi-distribute?

SEC. DIZON: Ito po ay dadalhin muna sa storage facility ng DOH and ginagawa na po ngayon ng ating mga kawani ng DOH kung saan sila idi-distribute. Ang priority po ang mga iba’t ibang ospital sa buong bansa. Kaya po hintayin na lang po natin ang final na distribution list ng DOH.

USEC. IGNACIO: Secretary, hindi ba daw kayo nangangamba na baka daw po maetsa-puwera naman iyong Sinovac Vaccines sa pagdating ng AstraZeneca na baka ito po iyong mas piliin ng ating mga frontliners. Kasi sa mga nakaraang araw, tumataas po iyong kumpiyansa ng ating mga health workers na magpabakuna kahit Sinovac pa ang mayroon lang tayo.

SEC. DIZON: Alam po ninyo kagaya ng sinabi po ni Dr. Edsel Salvaña, ang isa sa pinaka-eksperto natin sa infectious diseases, ang pinakamagaling at pinakaepektibong bakuna ay ang bakunang nandito na sa atin. At ituturok na lang sa mga braso ng ating mga health care workers sa kasalukuyan.  Alam natin kulang na kulang ang supply kaya kung anuman ang dumating dito, kung anumang brand iyan kailangan po talagang i-grab na natin ang opportunity na mabakunahan.

Iyon po ang message na pinapadala natin sa lahat ng ating mga kababayan lalo na sa ating mga health care workers. And nakikita po natin, noong nakaraang tatlong araw lang ay pataas na ng pataas ang kumpiyansa sa bakuna at padami na ng padami ang mga nagsa-sign up. Dito lang ngayon sa Rizal, Usec. Rocky, kulang na ang supply doon sa dami ng mga nagsa-sign up para magpabakuna gamit ang Sinovac. Kaya ang tingin ko po i-educate po ng tamang impormasyon galing sa mga eksperto ang ating mga   kababayan, eh tataas po ng tataas ang kumpiyansa at demand para sa mga bakuna.

USEC. IGNACIO: Follow up po ni Tuesday: Pagkarating sa Villamor Airbase, I mean, sa NAIA po ba iyong dating ng AstraZeneca, kung saang lugar po. Pero saan po dadalhin, sa Marikina MetroPac din po ba or sa RITM. Saan nga daw pong cold chain facility ito posibleng dalhin, Secretary?

SEC. DIZON: Sa akin pong pagkakaalam, iku-confirm na lang po iyan ng ating DOH, ay sa kaparehong storage facility sa Marikina dadalhin ang mga bakunang darating mamayang gabi.

USEC. IGNACIO: Tanong naman ni Joseph Morong ng GMA News: Uubusin ba muna ang Sinovac bago i-administer ang AstraZeneca, Secretary?

SEC. DIZON: Tuluy-tuloy po ang ating pag-distribute. Kailangan po mabilis at efficient ang ating distribution, kaya iyan po ay sabay-sabay na ipapamahagi sa iba’t ibang mga ospital at health facility sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Next in line po ba ang mga elderly na puwede sa AstraZeneca at kailan daw po sila mababakunahan, tanong pa rin po ni Joseph Morong ng GMA News.

SEC. DIZON: Opo, kailangang sundin po natin ang ating prioritization schedule, kailangan po ang ating mga health care workers muna, sunod po ang ating mga senior citizens. Pero kailangan din pong sumunod tayo sa advise ng advisory group at ng FDA kung ano ang bakunang nararapat para sa iba’t ibang sektor.

USEC. IGNACIO: Secretary, bilang testing czar. Ano daw po iyong efforts na ginagawa ninyo para po mabilis na ma-detect naman iyong pagkalat ng mga bagong variant sa bansa. In a few weeks or a few months ay nadagdagan ba ang ating Genome sequencing capability para mas maraming sample po ang ma-check or new variants. Kasi, Secretary, may mga report po na iyong AstraZeneca po ay mukhang hindi daw po kaya itong South African variant, Secretary?

SEC. DIZON: Sa testing po, tuluy-tuloy po ang pag-ramp up natin ng capability natin na ma-detect  ang mga new variants,  iyan po  ay ginagawa ng DOH, ng Philippine Genome  Center, ng RITM at iba pang mga capable na labs at pinipilit talaga nating mahuli. Pero ang pinakaimportante po para sa ating mga kababayan kailangan proteksiyunan po natin ang ating mga sarili natin sa pamamagitan noong nakikita po natin ngayon lagi sa ating mga show sa PTV, iyon pong pagsuot ng mask, paghugas ng face shield, paghugas ng kamay at pagdidistansiya sa abot ng ating makakaya.  Iyon po ang pinakaepektibo po nating depensa kahit na sa mga bagong variant. Kaya tuluy-tuloy pa rin po tayo sa ating mga ginagawa at binibilisan po natin ang pag-rollout ng bakuna.

USEC. IGNACIO: So, ano po kaya iyong maaari nating asahan pagdating dito sa daily reported cases ng COVID-19 dahil dalawa na po ang bakuna natin at unti-unti na pong binabakunahan ang mga nasa priority list?

SEC. DIZON: Sana po kagaya na rin ng mga nararanasan ng ibang bansa, kapag madami na po ang nababakunahan, eh bumababa po ang kaso. So kailangan lang po, focus lang tayo, tuluy-tuloy po ang pagbabakuna, tuluy-tuloy po ang pagkukuha ng supply, kahit na medyo hirap na hirap tayong kumuha ng supply sa buong mundo. Hinihiling lang po natin sa ating mga kababayan, magtiwala po tayo sa bakuna dahil ito po talaga ang final na magiging solusyon natin para malampasan na natin ang paghamon na ito.     

USEC. IGNACIO: Secretary nagbababala po ang OCTA Research Team na kung hindi daw po maagapan iyong pagsugpo sa South African variant sa ating bansa ay masasayang lamang ang mga bakunang binibili ng ating pamahalaan dahil bababa daw po iyong efficacy rate nito. Partikular dito nga po sa AstraZeneca, kasi base po sa pag-aaral ay bumaba po ang efficacy rate from 70% to 10% na lang po. So, ano daw po ang ginagawa ng National Task Force tungkol dito? 

SEC. DIZON: Tuluy-tuloy po ang ating mga interventions sa prevention, detection, isolation and treatment. Iyan po ay hindi titigil kahit na po tayo ay nagbabakuna na, pinapaigting po natin lalo na iyong pag-enforce at pag-remind sa ating mga kababayan na kailangan tuluy-tuloy ang pagsunod sa minimum health standards. Iyan po ang ginagawa natin at pinapabilis po natin ang rollout ng bakuna. At hindi lang naman po AstraZeneca ang bakunang makukuha ng Pilipinas. Pati po iyong mga bakuna na available sa buong mundo ay kukuhanin natin.

USEC. IGNACIO: Secretary, nakikita ko talaga kayo ay abalang-abala, mobile pa nga po kayo. Nag-iikot kayo sa ating mga LGUs na nagsasagawa ng vaccination rollout sa kanilang mga ospital. So, kumusta po iyong assessment ninyo, Secretary?

SEC. DIZON: Alam po ninyo habang lumilipas ang mga araw, eh gumaganda po at tumataas ang kumpiyansa. Ang ating mga hospital chiefs po nagsasabi nga na padami nang padami ang nagsa-sign up at padami nang padami ang mga gustong magpabakuna. Kaya po sana, tuluy-tuloy lang po ang pagpu-provide natin ng tamang impormasyon, na galing sa mga eksperto at tingin po natin ay talaga pong maliliwanagan ang ating mga kababayan at dahil doon tataas po ang kumpiyansa sa bakuna at tuluy-tuloy po ang ating rollout.

USEC. IGNACIO: Secretary, bigyan-daan ko lang din iyong iba pang tanong ng mga kasama natin sa media po. May tanong si Tina Panganiban-Perez ng GMA News: How are used vaccine vials disposed of? Ano po ang danger na kapag hindi tama iyong disposal, puwede bang magamit to sell fake vaccines?

SEC. DIZON: Napaka-istrikto po ng ating protocols. Lahat ng ating mga hospital and facilities sanay po iyan sa tamang disposal ng mga medical waste. At talagang very strict tayo diyan at hindi po pupuwedeng gamitin iyan o hindi natin papayagan na magkaroon ng mga pekeng bakuna.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, NTF Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon. Salamat po.

SEC. DIZON: Maraming salamat Usec. Rocky. Stay safe po.

USEC. IGNACIO: Sa ibang balita naman po. Labis na naapektuhan ng mga dumaang bagyo kamakailan sa Caraga Region ang mga lalawigan ng Surigao Del Sur at Surigao Del Norte. Kaya kabilang ito sa mga hinatiran ng tulong ng tanggapan ni Senator Christopher Bong Go. Narito po ang mga detalye.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa Cebu City kung saan ang Vicente Sotto Memorial Medical Center po ay isa sa mga ospital sa labas ng Metro Manila na nabigyan po ng 7,200 doses na CoronaVac. Upang makibalita sa mangyayaring pagbabakuna sa kanilang ospital, makaka-usap po natin si Dr. Gerardo Aquino, Medical Chief po ng VSMMC. Magandang araw po, Dr. Aquino.

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: Magandang araw po, ma’am.

USEC. IGNACIO: Doc., mamaya pong hapon ay magsisimula na iyong pagbabakuna sa inyong mga medical staff ano po. Base po sa inyong tala, ilan po iyong nakatakdang maturukan ng CoronaVac ngayong araw?

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: Sa lahat po ng nag-consent as of kaninang umaga, 1,246 ang nag-consent but tumataas pa rin iyan kasi the other day medyo nasa 700 plus but for the past few days, tumataas. So, as of this morning, 1,246 iyong nag-consent but ang gagawin namin diyan is not only one day but it will take about six to seven days.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, talagang dumami po iyong gustong magpaturok ano po ng Sinovac kahit alam po nila na darating po mamayang gabi iyong AstraZeneca?

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: Totoo po, ma’am. In fact, for the past two days tumataas iyong nagbigay ng consent kahit medyo alam nila na mayroon pang isang brand na parating.

USEC. IGNACIO: Go ahead, Doc.

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: So, kaya po lalo na’t siguro pagkatapos nitong araw na ito lalo ako mismo ang unang magpapabakuna rin and I’m showing to my staff na wala kaming dapat katakutan. Siguro, we’re expecting na tataas pa rin iyong magku-consent.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, sa tingin ninyo po ba ay mas lalo nilang pinili iyong Sinovac matapos pong lumabas iyong balita na may dalawa po kasing reported deaths na sinasabing allegedly po associated sa AstraZeneca vaccine?

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: Sa tingin ko po, hindi naman po kasi—we are still giving the correct information. Dapat mabigyan tayo/sila ng tamang information kung ano talaga iyong benefit ng vaccination.

Kami naman po kung ano iyong available at nandito naman sa amin na naibigay, ready naman kami na magpabakuna kasi alam naman natin that the vaccine is really important.

USEC. IGNACIO: Doc, ano po ba ang sabi sa inyo ng DOH Central Office? May alokasyon din po ba kayong matatanggap sa paparating pa lamang na AstraZeneca vaccine?

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: Wala po kaming official sa ngayon but nabigyan na po kami a total of 7,200. That is good for the two doses noong aming ibinigay na initial census ng eligible population ng Vicente Sotto employees.

USEC. IGNACIO: Opo. Para lamang sa kaalaman pa rin ng publiko natin ano po. Paano po iyong magiging proseso naman para sa inyong health workers na umatras na magpapaturok ng CoronaVac o AstraZeneca, saan po mapupunta iyong alokasyon ng bakuna na supposedly po ay para sa kanila?

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: Mayroon po kaming, we call it the quick substitution list. In fact po, iyong other DOH government hospital dito sa amin like iyong Saint Anthony Mother and Child, the Cebu South, and the Eversley Childs Sanitarium, nag-submit na sila ng kanilang quick substitution list para kung mayroon talagang available na hindi pa rin mag-consent, sila po iyong aming babakunahan.

USEC. IGNACIO: Pero sa tingin po ninyo, mga ilang araw o linggo iyong tatakbuhin para po mabakunahan lahat ng frontliners dito sa VSMMC?

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: Tina-target po namin in six to seven days po matatapos namin iyan.

USEC. IGNACIO: Opo, kasi lalo na sabi ninyo nga po gumanda iyong figures ng health workers na gustong magpabakuna ‘no. Pero sinasabi naman po ng ating mga opisyal na though karapatang pumili ng brand ng bakuna ng atin pong mga health care worker pero kayo po bilang pinuno ng VSMMC, paano nahikayat iyong inyong mga staff na magpaturok habang maaga at habang may available pang doses sa ospital?

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: Totoo po iyan, kaya nga po ako po mismo personal na mangunguna mamayang ala-una, ngayong hapon, matuturukan, to show to my staff na wala tayong dapat katakutan and I think to show also really the importance of the vaccine.

USEC. IGNACIO: Dr. Aquino, ang VSMMC po ay isang COVID-19 referral hospital, gaano po ba karami ngayon ang pasyente sa inyong ospital na may COVID-19? Hindi ba kayo nau-overwhelm ngayon dahil sa pagsipa po ng kaso ng COVID-19 diyan sa Cebu?

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: Ang Vicente Sotto Memorial Medical Center po is a COVID facility but at the same time, we are still accepting the non-COVID.

Sa ngayon po, ang current situation namin is we have 114 admitted cases but ang amin kasing facility, we call it the accordion-type of COVID facility kasi kapag dumadami we have to expand the number of beds to accommodate the incoming patients.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may tanong lang si Joseph Morong ng GMA News. Gusto lang niya siguro maulit na rin iyong tanong: Wala po ba daw umatras sa Sinovac dahil narinig nila na may AstraZeneca na?

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: Kung umatras po na sinabing pumirma at hindi na, as I’ve said, ang nakalista na pong nag-consent is 1,246 and the number is still increasing pa naman po lalo na siguro pagkatapos ng araw na ito makikita nila ako at the rest of my top officials or top mga consultants ko, mga department chairs – mabakunahan, siguro madadagdagan pa iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, handa po ba iyong inyong ospital sa mga bagong variants at mutations ng virus gaya ng nakita diyan sa inyong rehiyon?

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: Handa po ang ating aming facilities. In fact, as a level three hospital, we are taking care of moderate to severe cases and we’re expected naman kung anuman ang variants na darating, ready naman ang hospital.

USEC. IGNACIO: OpoPero Doc bilang frontliner diyan sa Cebu, pabor po ba kayo sa naging desisyon ng Cebu City LGU na luwagan na po iyong travel restriction sa inyong probinsya?

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: I think may pinagbasehan naman siguro sila sa kanilang decision on those policies but kami dito sa hospitals, as a COVID facility as I said earlier,  it’s like the an accordion type facility. We will accept cases as they come on the level of care needed. So, iyong desisyon for them to come up with such policies, siguro may mga pinagbasehan naman sila.

USEC. IGNACIO:  Doc may katanungan po tayo sa ilang kasama natin sa media no, tanong po ito ni Tina Panganiban Perez kay Sec. Vince din kanina. Pero kayo po daw sa VSMMC, paano ninyo po idi-dispose iyong used vaccine vials para daw po makatiyak na hindi ito magagamit para gumawa ng fake vaccines?

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: As mentioned earlier by Sec. Vince, we have really a very strict protocol on the waste management. So, I think wala hong possibility na iyong sinasabing may mangungolekta to recycle and use that for fake vaccines. Because again, as the hospital policy, mayroon tayong strict protocol on the waste disposal.

USEC. IGNACIO:  Ok, maraming salamat po sa inyong panahon Dr. Gerardo Aquino ng Vicente Sotto Memorial Medical Center. Good luck po sa programa ninyo mamaya Doc.

VSMMC MEDICAL CHIEF DR. AQUINO: Marami pong salamat Undersecretary Rocky Ignacio.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala, halos 1,000 tricycle drivers sa Silang Cavite ang nakatanggap naman ng tulong mula sa tanggapan ni Sen. Bong Go. Narito po ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Aabot nga sa isang libong health care workers sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang nakatakdang bakunahan gamit po ang COVID-19 vaccines ng Sinovac. Ang update doon alamin natin mula kay Daniel Manalastas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Daniel Manalastas. Nagsimula rin po ang COVID-19 vaccine rollout sa kalapit lugar ng Metro Manila. Una dito ang Antipolo City kung saan isangdaan na health workers ang target na mabakunahan ngayong araw. Ang kabuuang detalye ihahatid sa atin ni Louisa Erespe live.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ok. Maraming salamat sa iyo Louisa Erespe. Puntahan naman natin ang pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, makakasama natin si Czarina Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Services.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Czarina Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service. Mula naman sa PTV-Cordillera, may ulat din si Eddie Carta.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Eddie Carta. Samantala, magtungo naman tayo sa Davao, hatid ni Jay Lagang ang pinakahuling balita doon. Jay?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jay Lagang ng PTV-Davao. Samantala, itinaas ng PHIVOLCS ang alert level status ng Pinatubo Volcano dahil sa mga naitalang abnormal na aktibidad nito.

Ayon sa PHIVOLCS, nangangahulugan ito na may low level unrest na may kaugnayan sa tectonic process sa ilalim ng bulkan. Ganoon pa man, paglilinaw ng PHIVOLCS, wala namang nakikitang imminent eruption o napipintong pagsabog sa bulkan.

Pinapayuhan po ang publiko na mag-ingat at iwasan ang paglapit sa crater area ng Pinatubo, pinaghahanda rin ang mga komunidad at lokal na pamahalaan sa posibleng mga pagyanig at iba pang volcanic hazards. Sa ngayon umabot na sa 1,722 ang naitalang imperceptible earthquakes sa bulkan simula noong January 20 ngayong taon.

Samantala, sa isinagawang 53rd Cabinet meeting kagabi sa Malacañang, ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte na masaya siya sa itinatakbo ng national vaccination program.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, pangunahing tinalakay sa kanilang pagpupulong kagabi ang usapin sa bakuna. Dito sa Metro Manila 8,559 ang individual na naturukan ng Coronavac ng Sinovac nitong March 1st hanggang March 3 at may supply na rin aniya ang Cebu City at Davao City.

Sabi ni Sec. Nograles nais ni Pangulong Duterte na mapaigting pa ang vaccine rollout at posible naman ito dahil sa inaasahan pagdating sa bansa mamayang gabi ng vaccine supply mula naman sa kumpanyang AstraZeneca. Dagdag ng kalihim, sa ngayon nagpupulong na ang National Immunization Technical Advisory Group para isapinal kung kanino ilalaan ang mga bagong supply at sino-sino ang mauunang bibigyan nito para mapataas ang kumpiyansa ng publiko.   

[VIDEO CLIP]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa base po sa report ng Department of Health kahapon, March 3, 2021 umabot na sa 582,223 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 1,783 na mga bagong kaso; 20 na katao naman po ang bagong mga nasawi kaya umabot na 12,389 ang ating COVID-19 death tally.

Dumarami pa rin po ang ating mga kababayan nating nakaka-recover sa sakit na ngayon ay nasa 534,778 na matapos makapagtala ng 330 new recoveries kahapon. Ang total active case naman ngayon ay 35,056.

At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Ako po muli, si Usec. Rocky Ignacio at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)