Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #104
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Kasalukuyan pa ring umiiral ang community quarantine sa iba’t ibang panig ng bansa bilang parte pa rin ng ating patuloy na laban sa mga banta ng COVID-19.

Napakahalaga po ng patuloy na pagsasaliksik hindi lamang ng ating mga eksperto kundi ng bawat isa kung paano nga ba natin dapat harapin ang pagsubok na ito nang sama-sama at nagkakaisa.

Ngayong umaga, samahan ninyo po kaming muli upang alamin ang iba’t ibang mga maiinit na balita at impormasyon. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Kagabi lamang ay inanunsiyo sa Nation Address ni Pangulong Duterte ang mga community quarantine qualifications na ipapatupad sa buong bansa. Sasailalim po sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Cebu City ngayong araw, July 16 hanggang July 31, 2020; habang ang NCR ay mananatili sa ilalim ng General Community Quarantine. Sasailalim naman sa Modified General Community Quarantine o MGCQ ang iba pang mga lugar na makikita ninyo sa ating TV screen ngayon.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang makakasama natin sa programa mula po sa Department of Education, si Secretary Liling Briones kasama sina Usec.  Diosdado San Antonio, Usec. Revsee Escobedo at Usec. Jesus Mateo. Nariyan din mula sa Philippine Embassy sa Kuwait, si Chargé d’Affaires Charleson Hermosura. Mula naman sa Department of Labor and Employment, si Assistant Secretary Dominique Tutay; at mula po sa Department of Trade and Industry Region XI, Regional Director Maria Belenda Ambi.

Makakasama rin po natin sa paghahatid ng ulat ang Philippine Broadcasting Service maya-maya lang po.

Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maari po kayong magkomento sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

Una sa ating mga balita, Senador Bong Go naglabas ng kaniyang opinyon tungkol sa naging pahayag ni Pangulong Duterte kaugnay sa mga oligarko sa bansa. Aniya, wala naman daw tinutukoy ang Pangulo na partikular na kaso. Ang pinag-uusapan lamang ay ang epekto ng patuloy na pagsugpo ng gobyerno laban sa korapsyon. Idinidiin lamang daw ng Pangulo na lumalabas din ang katotohanan sa likod ng mga maling pamamalakad ng ilang negosyante o kumpanya sa bansa base sa mga nakaraang taon ng paglaban ng gobyerno sa mga corrupt at abusado.

Ayon kay Senador Go, hindi ito palalampasin sa halip ay titiyaking maisasaayos ang mga mali nang sa gayon ay tuluyan nang masugpo ang korapsyon at mapang-abusong kalakaran.

Samantala, patuloy naman ang pagbibigay-suporta sa mga Locally Stranded Individuals sa Metro Manila. Kamakailan nagpaabot po si Senador Bong Go ng karagdagang tulong na test kits para sa mga LSI at nagbigay naman ang DSWD ng cash assistance. Noong July 1 at 11, ang mga LSIs na nagnegatibo sa test ay binigyan ng travel authority at inihatid sa probinsya ng Albay. Nabigay din ang team ni Senador Go ng food packs para sa mga LSI na uuwi ng Bohol. Pinaaalalahanan din ang mga concerned government agencies at mga benepisyaryo ng Hatid Tulong na maging mahigpit sa pagsunod sa mga health protocols kahit na makapasa sa screening test at sumailalim sa mandatory 14-day quarantine ang mga LSIs.

Sa iba pang balita, hinimok ni Senador Bong Go ang pamahalaan na bigyang prayoridad ang e-governance ng sa gayon ay mas mapadali at mapabilis ang pagbibigay serbisyo sa publiko sa gitna ng unti-unting pagbabago na ating nararanasan dulot ng pandemya. Aniya, nakatakda siyang maghain ng panukala na magpapatatag ng plano para sa pagpapalit ng pamamaraan sa mga transaksyon at mga ipinoproseso sa gobyerno patungong e-governance. Ang e-governance ay paggamit ng information and communication technology para sa mas produktibong pagbibigay serbisyo ng pamahalaan.

Tuluy-tuloy po ang ating programa. Usec. Rocky, are you there? Wala pa, okay.

Ngayon naman ay kumustahin natin ang lagay ng ating mga kababayan diyan po sa Kuwait. Makakausap natin sa Philippine Embassy in Kuwait si Chargé d’Affaires Charleson Hermosura. Magandang umaga po sa inyo, Chargé d’Affaires.

CHARGE D’AFFAIRES HERMOSURA: Magandang umaga Secretary Martin and Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Sir, kumusta po ang sitwasyon ngayon sa Kuwait at mga OFWs na nananatili dito po sa inyo?

CHARGE D’AFFAIRES HERMOSURA: So magandang umaga po sa inyo po ulit at magandang umaga sa ating mga kababayan.

Since noong ika-lima ng Hulyo, ang Kuwait ay nasa second stage ng kaniyang 5-stage plan towards normalization. Ang ibig sabihin po nito, ang gobyerno at ang private sector offices ay nagbukas mula noong ika-lima ng Hulyo ng kanilang mga opisina pero 30% staffing lamang po.

Mayroon kaming curfew dito sa Kuwait mula alas nuwebe gabi hanggang ala sais ng umaga at nagbukas din po ang iba’t ibang sektor tulad ng banking and finance, construction and building. Mayroon ding opening ang retail shops, ang mga restaurants and cafes pero no dine-in lamang at puwede na ring magpunta ang mga tao sa garden at saka sa mga public parks.

May isa lamang na area na naka-lockdown ngayon, ang Farwaniyah kung saan maraming nakatirang expatriates especially Filipinos.

Dito po sa Kuwait, as of yesterday, it’s around 55,000 na po iyong cases po dito and out of 55,000 medyo marami-rami din po ang naka-recover na from COVID-19, around 46,000 po; unfortunately, 399 ang casualties.

Unofficially, nakakuha po kami ng datos na around 300 po ang mga Pilipino ho dito na nagkaroon ng COVID-19 and out of this number, around 260 have already recovered. Nakakalungkot lamang po dahil may tatlumpu’t isa na namatay including apat na healthcare workers na Pilipino dito po sa Kuwait.

Straight forward po ang Kuwait pagdating sa casualties ng COVID-19. They are immediately buried at the Sulaibikhat Central Cemetery either at the Muslim cemetery or non-Muslim cemetery. Iyong burials po nila doon are held according to religious tradition of the deceased.

The Embassy also expresses its sadness because noon pong ika-dalawampu’t siyam ng Hunyo ay namatay po ang Welfare Officer ng Embahada ng OWWA Kuwait na si Welfare Officer Eduardo Bellido. He has served 40 years in government, last serving in the Philippines as Regional Director ng OWWA and he has served in OWWA-Riyadh, Madrid and lastly in Kuwait po. He died of pneumonia.

SEC. ANDANAR: Ano po ang datos natin sa mga OFWs na nawalan ng hanapbuhay dahil sa economic crisis na kinakaharap po ng Kuwait dahil sa COVID-19?

CHARGE D’AFFAIRES HERMOSURA: Okay. So, base po sa data po na nakalap po natin through POLO Kuwait, medyo marami-rami din po ang na-displace po sa atin, mga employed or rather 23,000 iyong OFWs po natin dito sa Kuwait who have been displaced because of loss of jobs or dahil po no-work, no-pay po sila. And this number came from POLO Kuwait based on the applicants for the DOLE Abot Kamay ang Pagtulong or AKAP Financial Assistance Program.

Dito po sa programa pong ito, may limanglibo na po, limang libo at labing isa na nakakuha po ng financial assistance under ng DOLE AKAP Program. Ongoing po ang mga pagbigay ng—or ang evaluation po ng DOLE AKAP applications and since the start of the pandemic, through FilCom leaders and volunteers, nagbigay po ang Embahada ng 31,000 food packs sa mga kababayan po natin sa Kuwait. Ang sourcing po natin nito are OWWA and then individual donors and even company donors po.

Kamakailan lamang ay nakapagpauwi po tayo ng more than 300 OFWs sa Pilipinas mula po sa Kuwait. Gaano po karami ang napauwi natin, at ano po ang mga assistance na ibinigay natin para ligtas at maayos po silang makauwi? What I mean is ilan po iyong puwede pang mapauwi?

CHARGÉ D’AFFAIRES HERMOSURA: As of now, around 4,000 na po iyong napauwi po natin. So it started noong March 25 when we sent home 253 distressed Filipinos, and then nagkaroon po ng amnestiya ang Kuwait buong buwan ng Abril. Because of the amnesty, nakapagpauwi po tayo ng 2,213 na mga kababayan po natin. Ito pong mga flights na ito mula ng March 25 at saka iyong amnesty flights po were all paid for by the government of Kuwait.

Now, para ma-ensure iyong safe na pag-land sa Pilipinas, kami po ay nakipag-coordinate sa Civil Aviation Authority of the Philippines and authorities of the Philippine and Kuwaiti governments. In fact, in the past 18 days, we have also facilitated some repatriation through coordinating with CAAP and with various government authorities, especially the DFA po. And in the last 18 days, nakapagpauwi po tayo ng 1,550 na mga kababayan po natin.

SEC. ANDANAR: Kailan po ang scheduled flights?

CHARGÉ D’AFFAIRES HERMOSURA: Ano po iyon, Secretary? Sorry.

SEC. ANDANAR: Yes. Chargé, kailan po iyong next scheduled flights ng mga gustong umuwi?

CHARGÉ D’AFFAIRES HERMOSURA: Kumuha po kami ng—or rather, we asked for assistance for CAAP clearance for a flight that, if I’m not mistaken, is going to take place on the 19th of July po.

SEC. ANDANAR: Yes, sir. Para po sa kapakanan ng mga gustong makauwi po, ano po ba iyong proseso para sila ay makapag-apply?

CHARGÉ D’AFFAIRES HERMOSURA: Nagkaroon po kami ng survey para makakalap po ng data tungkol sa ating mga kababayan na nagnanais pong makauwi dahil sa kanilang job displacement, at iyon po ang naging basehan po natin para sa ating mga naging repatriations through which nakapagpauwi po tayo ng around 4,000 po na ating mga kababayan.

So para doon po—ito pong survey na pong ito ay actually in the—kung gusto po nila, maaari po silang magpunta sa embahada starting next week para po mai-express po iyong kanila pong intention, or they can actually call our hotlines which are on our official Facebook pages po.

SEC. ANDANAR: Sir, ano po ang iba pang mga serbisyong inu-offer ng embahada o ng inyong tanggapan sa ngayon para sa mga Pinoy na nananatili sa Kuwait?

CHARGÉ D’AFFAIRES HERMOSURA: Opo. Actually, we shut down because noon pong July 2 ay mayroon po tayong mga kasamahan, dalawa po, who unfortunately tested positive for COVID-19. So bilang protocol po, we had to actually close the operations of the Embassy. However, the 14 days, ang good news po nito ay ang 14 days po na closure po namin, we end on Thursday. So we are hoping to open on Sunday po, by that time, mag-o-offer po kami ng passport renewal and extension services. At we would like to ask iyong mga kababayan po natin dito sa Kuwait na antabayanan po ang aming official Facebook page kasi ia-announce din po namin doon ang possible opening of other consular services just like civil registration and authentication of documents, for example po.

SEC. ANDANAR: Okay. Para po sa mga Overseas Filipinos sa Kuwait, mayroon pa po ba silang matatanggap na cash subsidy mula po sa DOLE-AKAP Program?

CHARGÉ D’AFFAIRES HERMOSURA: Right now po, kahit na kami po ay naka-work from home especially ang POLO-OWWA, ang kanila pong evaluation of applications ng DOLE-AKAP po ay tuluy-tuloy. And hopefully, when we open again on Sunday na po, magku-continue na po iyong ating provision ng financial assistance sa mga na-approve po na applications.

SEC. ANDANAR: Marami pong salamat, Chargé d’affaires Charleson Hermosura. Ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayang Pilipino na nandiyan po sa Kuwait?

CHARGÉ D’AFFAIRES HERMOSURA: Maraming salamat po sa ating mga kababayan dito sa Kuwait sa inyong suporta para sa embahada. At maaasahan ninyo po ang pagsagot ng embahada sa inyong mga hinaing at sa aming pagtulong sa inyong mga concerns. Kailangan po nating patuloy na magkaisa dahil sa pamamagitan ng ating pagkakaisa at sa pamamagitan ng pagtulong ng pamahalaan ay malalagpasan natin itong isang pinakamalaking hamon sa atin sa panahon na ito, ang COVID-19.

Manatili lamang po tayong nag-iingat sa lahat ng ating ginagawa. Ngayon na puwede na tayong lumabas kahit papaano at may mga puwede na tayong puntahan, patuloy pa rin po tayong mag-iingat dahil ang sakit ay nandiyan pa rin. At kami ay nagwi-wish na lahat po would stay safe and healthy sa ating mga kababayan dito sa Kuwait.

SEC. ANDANAR: Thank you so much once again. Samantala, talakayin naman natin ang mga proposed programs ng Department of Labor and Employment sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act. Makakausap po natin mula sa DOLE Employment and General Administration Cluster, OIC-Assistant Secretary Dominique Tutay. Magandang umaga po sa inyo, Asec.

ASEC. TUTAY: Magandang umaga rin, Sir Martin at sa lahat po ng ating mga kababayan sa Kabisayaan at Kamindanaoan. Maayong adlaw kaninyong tanan.

SEC. ANDANAR: Asec. Tutay, anu-ano pong programa para sa mga manggagawa na naapektuhan ng pandemya ang nakapaloob kung sakaling maisabatas ang Bayanihan II or Bayanihan to Recover as One Bill?

ASEC. TUTAY: Oo. Sec. Martin, kami po ay nag-propose na maipasama po sa Bayanihan to Recover as One Bill ang TUPAD Emergency Employment Program para po sa ating mga informal sector. Patuloy din po iyong ating COVID Adjustment Measures Program para sa mga manggagawa sa ating formal sector, at siyempre po iyong AKAP para po sa ating mga OFWs.

Mayroong konting twist lamang po doon sa formal sector na COVID Adjustment Measures Program dahil ang gusto po natin, ito po ay wage subsidy na ibibigay po natin doon po sa mga establishments na ang kunsiderasyon po bago sila bigyan ay kailangang ibalik po nila iyong kanilang mga manggagawa bago po mabigyan itong wage subsidy na tinatawag po natin. And this is really … ang objective po natin is to preserve and protect employment of our Filipino workers.

SEC. ANDANAR: Magkakaroon po ba ng second tranche ang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at ang Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) Program kung sakaling maipasa po ang Bayanihan II?

ASEC. TUTAY: Opo. Tuluy-tuloy po itong ating programang CAMP at saka AKAP. Sana nga po ay maisabatas na po itong Bayanihan to Recover as One para tuluy-tuloy po iyong ayuda doon sa mga hindi nakatanggap noong Bayanihan I.

SEC. ANDANAR: Paano naman po tinutulungan ng DOLE ang mga manggagawang nasa informal sector?

ASEC. TUTAY: Opo. Mayroon po tayong Emergency Employment Program, Sec. Martin, under our TUPAD Program, at nilalayon po ito under the Bayanihan to Recover as One, na maabot po natin ang isang milyong mga workers in the informal sector under the Emergency Employment Program of TUPAD.

SEC. ANDANAR: Tungkol po naman sa repatriation ng mga displaced at distressed OFWs pati na rin ng mga labi ng mga kababayan nating sumakabilang-buhay, magpapatuloy pa rin ba ang repatriations sa ilalim ng Bayanihan II?

ASEC. TUTAY: Opo. Tuluy-tuloy po itong initiative po ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Ang DOLE po, kasama ang OWWA at sa pakikipag-ugnayan po ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kagaya po ng ating DFA, DILG, DOTr, BOQ, ang atin pong embassy siyempre, DOH at saka po ang PAL, sila po ang kaagapay natin sa pagpapalipad po or pagbabalik po ng ating mga human remains. Mayroon pong naka-schedule sa July 19. And we are looking at about 66 human remains po both COVID and non-COVID cases na maibalik po natin dito sa ating bansa. Iyong una pong bugso noong pag-repat po natin ng maramihan ay noong July 10, kung saan 49 human remains po ang napabalik na po natin dito sa ating bansa.

SEC. ANDANAR:  Asec. Tutay, anu-ano ang mga paghahandang ginagawa ng DOLE upang maibsan ang pag-aalala ng ating mga kababayan tungkol sa kasalukuyang employment situation sa bansa?

ASEC. TUTAY: Opo, talagang malaking dagok po sa ating employment ang nilikha po ng COVID-19. Subalit unti-unti na po na bumabalik ang ating mga negosyo kaya para po doon sa mga sektor na nakabalik na kailangan po tandaan both ng establishments at ng worker, kailangan po nating i-observe talaga iyong health protocols. Kailangan po na patuloy po iyong ating pagsagupa sa COVID-19 kahit nagbukas na po ang ating ekonomiya.

Mayroon din po tayong mga online productivity seminars na pupuwede po na ma-access ng ating mga kababayan para habang nasa bahay po tayo at hindi pa rin po nakakapasok ang iba ay magkaroon po tayo ng learning sessions sa ating mga kabahayan.

Pangalawa po, nakipag-ugnayan din po kami sa private sector dahil tinitingnan po natin iyong mga oportunidad na pupuwede po sa ating mga kababayan lalung-lalo na po iyong mga nawalan po ng trabaho. Hindi po ito gaano karami, subalit kami po ay nagpapasalamat doon sa mga private sector na dumudulog po sa DOLE at nanghihingi po ng assistance para ma-connect po natin sila doon sa mga naghahanap ng trabaho.

Isang initiative na po natin diyan iyong sa Information Technology and Business Process Outsourcing, kung saan ang IBPAP [IT & Business Process Association of the Philippines] ay nakikipag-ugnayan po sa ating para po magbigay ng oportunidad lalo na po doon sa mga returning OFWs po natin in the health sector.

Nandiyan din po ang pakikipag-ugnayan po natin sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan lalung-lalo na po doon sa build, build, build dahil ang construction sector naman po ay unti-unti na po na gumagana ngayon and therefore iyon pong mga skilled workers na kinakailangan ay pupuwede po nating tugunan sa pamamagitan po ng iba’t ibang [garbled] under the build, build, build ng Pangulong Duterte.

SEC. ANDANAR:  Salamat po, Asec. Tutay, baka mayroon po kayong mensahe para sa ating mga kababayang manggagawa?

ASEC. TUTAY: Opo, sundin po natin mga kababayan ang laging payo sa atin sa ng DOH, at ng IATF, unang-una po diyan siyempre iyong pagsusuot ng mask and then paghuhugas po ng kamay at saka physical distancing.

The government can only do so much, pero kung hindi po manggagaling ang disiplina sa atin mismo ay mahihirapan po tayo na talagang mahinto o mabawasan pa itong cases ng COVID. At manatili po ang ating faith sa ating pamahalaan dahil ito naman po ay ginagawa nila ang lahat ng makakaya po para po ang ating kalusugan at ang ating ekonomiya at patuloy po para maka-recover po tayo dito sa pandemic na hatid po ng COVID. Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo, Asec. Tutay. Samantala, isang buwan na lamang at magsisimula na ang school year 2020. Para kumustahin ang mga update ukol sa ating sektor ng edukasyon, makakasama natin mismo ang Kalihim Liling Briones ng Department of Education, kasama po sina Usec. Mateo, Usec. Diosdado San Antonio at Usec. Revsee Escobedo. Magandang umaga po sa inyong lahat.

Sec. Liling unang tanong po ay: Nagsagawa ang DepEd ng simulation or dry run ng distance learning at blended learning na ipatutupad po natin this school year, ano po ang assessment ninyo so far?

SEC. BRIONES:  Nandoon ang lahat ng actors or lahat ng mga expected supporters and participants sa simulation. Una, napakalaki ng suporta ng Mayor ng Navotas, ang ating Congressman ng Navotas as well, si Congressman Toby Tiangco at saka kay Mayor John, tapos ang parents naman ay full ang cooperation. Ang paghahanda ng simulation ay talagang maayos na maayos. So, nag-simulate tayo Sec. Martin sa kindergarten, sa elementary at saka sa high school at maayos naman at pinaghandaan namin ito.

Nakikita natin na isa ito sa mga signals na uubra, magwo-work ang ating blended approach to education at sinusubukan din ito sa ibang mga eskuwelahan, dahil ang mga private schools ay ginagawa na itong blended approach, subukan nating gawin sa maliliit na mga eskuwelahan, sa malalaking mga lugar tulad ng siyudad at saka iba’t ibang mga condition. (signal fade)

SEC. ANDANAR:   Okay, nawala po iyong audio natin kay Secretary Liling Briones. Subukan natin si Usec. Escobedo. Usec, can you hear me? Yes, sir, deadline po kahapon ng enrollment for school year 2020. Ayon din po sa inyong report ay 20 million ang enrollees natin, which is only 80% ng enrollees last year. Ano po sa tingin ninyo ang dahilan ng mas mababang enrollment turnout this year?

USEC. ESCOBEDO: Secretary Martin at sa mga kasamahan ko sa Department of Education, Sec. Liling, inaasahan po namin ang pagbaba ng enrollment ngayong school year 2020 to 2021. And sa mga una naming pahayag ay nabanggit po namin na (garbled) dahil unang-una ay dinaranas ng mga magulang iyong epekto ng pandemic marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho. And in fact, doon sa record natin sa private schools marami pa ang mga hindi talaga nakapagre-enroll at malaking bilang po nito ay nag-transfer na sa public schools.

So iyong nawalang oportunidad, nawalan ng trabaho ay isang malaking factor (garbled).

And pangalawa, may agam-agam pa rin iyong mga parents, nag-aantay pa sila (garbled), mai-enroll ba nila iyong kanilang mga anak dahil nga mayroon tayong kinakaharap na pandemya at inaalala iyong kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga anak.

Pero sa amin, sa kagawaran, sinisiguro namin na sa pagbubukas ng klase ay tinitiyak namin iyong kalusugan at kaligtasan ng mga bata, magulang at pati na rin iyong komunidad. At isa ito sa mga prinsipyo ng learning continuity plan ng Department of Education.

So, iyong July 15 deadline namin, mayroon lang tayo 20.5 million enrollees for the school year 2020-2021, pero ang Department of Education po naman ay bukas pa rin kung sakaling may hahabol na magpapatala para sa enrollment. Bukas pa rin hanggang sa pagbubukas ng klase.

SEC. ANDANAR:  Usec. Escobedo, ano po ang balak nating gawin para sa mahigit 7 milyon na mga estudyanteng hindi pa enrolled as of now?

USEC. ESCOBEDO:  Kaya nga ng nabanggit ko may pagkakataon pa rin na magpatala sila hanggang kahit sa pagbubukas ng klase. Kung hindi sila talaga makapagtala, August 24 iyong pagbubukas natin ng klase, ang amin pong kagawaran ay hanapin po iyong mga nawawalang mga mag-aaral. At ito ay ipapasok namin sa Alternative Learning System namin. Matagal na naming ginagawa, ito iyong mga ginagawa namin sa mga Out of School Youth, iyong mga hindi nakakapasok sa pormal na sistema ng edukasyon. Doon namin sila pinapasok, kahit na sila ay wala sa pormal na sistema ng edukasyon, binibigyan pa rin ng edukasyon sila saan man sila naroon at anuman ang kanilang mga limitasyon sa pag-aaral at sa (signal fades).

SEC. ANDANAR:   Para po naman kay Usec. Mateo. Marami pong lumipat mula sa private schools to public schools this school year. May magiging epekto po ba ito sa education industry in general, lalung-lalo na sa private sector?

USEC. MATEO:   Well, kagaya ng sabi ng—Magandang umaga, Sec. Andanar at saka sa mga kasamahan ko dito sa Department lalo nga sa aming Kalihim, si Sec. Leonor Magtolis Briones.

Doon sa katanungan ninyo po, totoo po iyon. Kagaya ng sinabi ng ating Pangalawang Kalihim na si Revsee Escobedo, mayroon pong mga 305,000 na mga mag-aaral sa pribadong paaralan na lumipat po sa pampublikong paaralan. Kagaya rin po ng sinabi ni Usec. Escobedo, ito ang kadahilanan doon sa epekto ng pandemya, iyong apektado iyong kanilang employment.

Ngayon po, ang ating pamahalaan mayroon pong tinatawag na government assistance to student/teachers in private education. Iyan po ay ibinigay natin doon sa mga paaralan para sa ganoon ay mabigyan ng assistance in the form of tuition and teacher subsidy iyong mga paaralan natin para hindi nga po magsarado.

Sa katunayan nga po, I think May iyon, ang ating Kalihim ay dumulog sa Inter-Agency Task Force para po i-elevate iyong hinaing o iyong request ng mga private school na kung pupuwedeng isama po sila doon sa programa ng pamahalaan kasi apektado po talaga iyong kanilang mga guro at kanilang mga iba pang empleyado.

SEC. ANDANAR:   At para po naman kay Undersecretary San Antonio. Iyong curriculum po natin for this year may mga nabago po ba para maka-adopt sa new learning strategies ng DepEd?

USEC. SAN ANTONIO:   Magandang umaga po, Secretary Martin Magandang umaga po, Secretary Liling at mga kasama ko sa DepEd. Magandang umaga rin po sa mga tagapanood at tagapakinig.

Ang curriculum po, iyong mga subjects parehas din po, ang nag-iba lang po ay nag-identify tayo ng tinatawag naming most essential learning competencies. Malaking isyu na po ito dati na ang curriculum daw po natin ay congested at sang-ayon po sa aming review of the curriculum, totoo naman pong may mga learning competencies na parang overwhelming for the kind of learners we have.

So, ang ginawa po natin ay hanapin iyong pinakamahahalagang kaalaman, kasanayan at pagkakatuto na dapat ma-develop sa ating mga mag-aaral at ito po ang gagamitin natin, ito ang mga ituturo ngayon pong taong pasukan 2020-2021.

SEC. ANDANAR:   Balikan po natin si Sec. Liling Briones. Ma’am, may mga suggestions po to allow face-to-face classes sa mga low risk areas. Sa tingin ninyo po bay posible ito ngayong darating na pasukan?

SEC. BRIONES:  Napakaganda ng question mo dahil dumadami iyong mga proposal na i-allow sa low risk areas ang face to face classes. Pero ibig sabihin, hindi iyong araw-araw papasok iyong mga bata. Ang sina-suggest na part of the time that they spent in studying should be spent in school na isang araw o dalawang araw ka sa loob ng isang lingo. Dumadami po itong mga request na ito. Tamang-tama iyong tanong mo, Sec. Martin dahil kagabi lamang pinag-usapan ito sa Gabinete na kasama si President Duterte at bring-up namin itong mga suggestions na ito, itong proposals na ito.

So, sa tingin namin, sa mga tinatawag nating low risk areas puwede siguro payagan natin iyong limited, hindi iyong araw-araw talagang nandoon iyong mga bata, limited na face-to-face pero may mga kondisyones, Sec. Martin.

Halimbawa, kailangang matupad nila ang requirement ng IATF na low risk ang assessment ng COVID sa kanilang probinsiya o kanilang municipality dahil ayaw naman nating isubo iyong ating mga learners at teachers sa lugar na mataas ang level ng COVID.

Pangalawa, ito naman ay galing sa Department of Education, gusto nating masiguro na ang ating mga facilities, mga school buildings, mga upuan, etc., ay handa para sa face-to-face sa panahon ng COVID. Kaya maski na halimbawa low risk ang isang municipality o probinsiya pero iyong eskuwelahan naman hindi maka-accommodate ng tinatawag nating social distancing.

Kung halimbawa naman ang supply ng tubig para sa paghuhugas ng kamay ng mga bata dahil frequent ang washing ay hindi pa kumpleto, iyong mga upuan, etc. kailangan naman nandiyan ang requirements natin para ma-ensure ang safety ng mga bata.

Panghuli—ang pinakahuli ay kailangan itong eskuwelahan para i-allow ang limited fact-to-face ay maka-comply sa minimum na health standard. Una, as I said, you have to make it possible for the children to be washing their hands frequently, so, tubig. Kailangan ang eskuwelahan na magpa-limited fact-to-face ay mayroong adequate supply ng gamit kung halimbawa kailangan ng gamot ang mga bata kung may mga sintomas sila, mahalagang-mahalaga din ito.

At saka pangatlo, ang gusto naming, isa rin sa aming requirement ay safe na mayroong accessible na madaling mapupuntahan na health facility kung may pangangailangan man. So, hindi basta-basta, hindi automatic dahil sabi natin luwagan na natin iyong requirements na iyan, hindi ibig sabihin na lahat ng may low risk assessment ay puwede. Kailangan as I said na ang facilities ay maka-accommodate ng requirements for social distancing, for washing of hands, for supply of medicines, etc.

At saka hindi kailangan, Sec. Martin, na araw-araw iyong mga bata papasok. Kailangan i-adjust iyan sa size ng classroom, maybe by batch. Sa isang lingo halimbawa, mga once or twice a week pupunta ang mga bata. Ito ay ginawa sa halos lahat ng mga bansa sa Southeast Asia, ating mga kasamahang ministers of education, kino-combine nila iyong face-to-face pero very limited at saka carefully regulated dahil ayaw nating ma-risk po ang mga bata.

At the same time, na-recognize naman natin na makakatulong ang face-to-face relationship ng mga bata at kapwa bata, sa kanilang teacher, sa kanilang administrators, para naman magiging, as much as possible, magiging maganda naman ang environment ng pag-aaral nila and they will grow up to be good human beings and not necessarily robots all the time.

So, iyon ang ating paningin. Slow by slow, careful evaluation bago tayo papayag sa face-to-face na session na limitado. Maliwanag sa Presidente, binigyan niya talaga ng diin ang limited face-to-face, hindi na maghapon ang bata na doon nakababad sa school facility.

Sinabi din ni Sec. Galvez na idi-discourage natin iyong mga physical na… halimbawa Physical Education, sa sports na medyo ma-e-expose ang mga bata sa isa’t-isa. At saka iyong isa ring gustong i-emphasize ng ating IATF na iyong sa mga kuwarto, mga classrooms na airconditioned, hindi kailangang bababa halimbawa sa twenty-six degrees ang ano—mas mabuti pang hindi airconditioned at saka iyong flow ng hangin ay switched kaysa iyong air condition na sobrang lamig na naka-ikot lang sa isang lugar, iyong sa loob ng close space ang hangin na hinihinga ng mga bata.

So, iyon, nag-iingat lang tayo, Martin, at as I said, timing na timing iyong tanong mo dahil kagabi lang ito diniscuss nang mahaba sa ating Gabinete kasama na ang Presidente.

SEC. ANDANAR:   Marami pong salamat sa inyong panahon, Sec. Briones ng DepEd pati na rin po kina Usec. Mateo, Usec. San Antonio at Usec. Escobedo. Mabuhay po kayo.

Sa puntong ito ay dumako naman sa pinakahuling ulat mula sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Ched Oliva.

[NEWS REPORT BY SARAH CAYABYAB]

[NEWS REPORT BY JUSTIN BULANON]

SEC. ANDANAR:   Salamat, Ched Oliva ng PBS. Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa.

Base sa tala ng DOH as of July 15, 2020, umabot na po sa 58,850 ang total number of confirmed cases habang nasa 36,260 ang kabuuang active cases sa bansa. Naitala rin ng DOH ang top provinces by newly announced cases: Una po riyan ang NCR na may 708 COVID-19 cases; sinundan ng Cebu na may 198 cases; pangatlo ang Iloilo with 86 cases; nasundan ng Laguna na may nag-report ng 64 cases; at panglima, ang Cavite na may naitalang 46 confirmed cases kahapon.

As of July 15, 2020, 11 katao ang naiulat na nasawi kaya umabot na sa 1,614 ang total COVID-19 deaths. Sa kabilang banda, ang bilang ng mga naka-recover ay umakyat rin sa 20,976 with 517 new recoveries recorded as of yesterday.

Hindi po kami magsasawa na ipaalala sa lahat ang physical distancing, tamang pagsuot ng face mask at palagiang paghuhugas ng kamay. Tandaan, sa pagsunod at pakikiisa sa ipinapatupad na guidelines ng pamahalaan makakatulong po upang tuluyan na nating mapagtagumpayan ang ating laban sa COVID-19 – kaya bahay muna, buhay muna.

Bago po tayo magpatuloy, sagutin ko lamang po ang tanong mula kay Rose Novenario: May we know kung ano ang legal basis ni Ms. Kat de Castro as representative ng IBC-13 sa DepEd projects since General Manager siya sa PTV?

Ang desisyon po na ito ay base po sa desisyon ng Kalihim dahil tayo po ay mayroong technical working group na nahahati po sa technical working group focused on technical. Meaning iyong mga transmitter, engineering, etc., at mayroon ding isang grupo na in-charge sa content na makakatulong din po sa DepEd.

So, minarapat po nating kunin lahat ng mga pinagkakatiwalaan nating mga managers both sa PTV at sa IBC and General Manager Kat de Castro being the immediate past president of IBC, alam niya kung ano iyong mga technical requirements ng IBC. And since wala pa tayong pangulo sa IBC na bago, eh minarapat nating kunin ang serbisyo ni Kat de Castro bilang consultant na wala pong suweldo.

So, therefore siya po ay tumutulong lang po sa ating pamahalaan at welcome naman lahat ng gustong tumulong basta’t suweldo dahil wala pong budget ang IBC-13 sa ngayon. Hinihintay pa natin ang budget na ibibigay po sa atin ng Kongreso at ng Senado sana at ire-release po sa atin ng DepEd kung ito po ay pumasa sa pag-aaral ng Department of Education sapagkat ang DepEd din ay hirap din kumuha ng pondo.

Bueno, kumustahin naman natin ang estado ng lokal na kalakalan sa Davao Region. Makakapanayam po natin ang Regional Director ng Department of Trade and Industry Region XI Ms. Maria Maria Belenda Ambi.

Magandang umaga po sa inyo.

RD, are you there? RD Ambi? RD?

RD, maayong buntag nimo. Kadungog ka?

DIR. AMBI:   Yes po.

SEC. ANDANAR:   Kumusta po ang lagay ng mga local businesses ngayong panahon ng pandemya sa inyong rehiyon?

DIR. AMBI:   (unclear) sir.

SEC. ANDANAR:   Yes, I can hear you. Kumusta ang negosyo diha sa inyo ha karon panahon ng pandemya?

DIR. AMBI:  (unclear)

SEC. ANDANAR:   Ano po?

DIR. AMBI:   (unclear)

SEC. ANDANAR:   Okay, Mukhang may problema tayo studio—

DIR. AMBI:   (unclear)

—sa ating koneksiyon.

Opo. Can you hear me?

Hindi po. Siguro balikan na lang natin si RD perhaps kung hindi natin siya makuha ngayon, we can interview the regional director sa susunod na araw.

Bueno, tayo po ay nagpapasalamat sa ating mga kasamahan na tumulong po sa atin para ma-disseminate ang information na ito. PIA, nandiyan po ang Radyo Pilipinas, ang ating mga kasamahan sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

At iyan nga po ang mga balitang nakalap natin ngayong araw. Maraming salamat sa mga bisita na naglaan po ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasy0n na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtululngan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 na nasa ilalim po ng screen, napakalaki po ng tulong nila.

Mula sa PCOO, ako po si Sec. Martin Andanar. Magkita-kita po tayo muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)