SEC. ANDANAR: Magandang araw, Pilipinas. Makabuluhang mga impormasyon ang muli naming ihahatid at iba’t ibang katanungan ang bibigyang linaw ngayon araw. Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Kasama po ang mga kawani at opisyal ng pamahalaan, makialam at makibahagi hinggil sa mga programa at hakbang ng gobyerno para sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Ako naman po si Secretary Martin Andanar, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang ay makakausap natin si BCDA President and CEO Vince Dizon, Deputy Chief Implementer of the National Action Plan Against COVID-19; Department of Agriculture Secretary William Dar; Guimaras Governor Samuel Gumarin.
USEC. IGNACIO: Makakausap din po natin si Consul General Paul Raymund Cortes ng Philippine Consulate General sa Dubai. Mamaya makakasama rin natin sa paghahatid ng mga mahahalagang balita ang ating PTV correspondents mula po sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
SEC. ANDANAR: Samantala, malaki ang pasasalamat ni Senador Bong Go nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Lunes ang Executive Order 114 para gawing prayoridad ang pagplano at ang pag-implementa ng Balik-Probinsiya Program (BPP) kasabay ng pagsugpo sa COVID-19 crisis.
Sa ilalim ng Executive Order, ang BBP ay maaaring makapagbalanse ng regional development at equitable wealth distribution, resources at mga oportunidad sa pamamagitan ng mga polisiya at mga programa na makatutulong sa development at pag-unlad ng mga kanayunan.
Bukod diyan, ang BPP ay makakapagbigay ng karagdagang social services sa mga residente nito, magsusulong ng trabaho at magbibigay pansin ng mga key areas tulad ng empowerment sa local industries, food security at infrastructure development sa mga rural areas.
Hinikayat po naman ni Senador Bong Go ang mga concerned government agencies na umaksyon agad para makapaghanda at maisakatupuran ang iba’t ibang components ng BPP ayon sa layunin nito.
Kaugnay diyan, binigyan-diin din ng Senador ang kahalagahan ng malaman at maisakatuparan ang mga inisyatibo para sa agarang medium term at long term phases na iminumungkahi ng programa.
USEC. IGNACIO: Ngayong panahon po na nahaharap tayo sa krisis pangkalusugan, hindi ligtas ang sinuman dahil walang pinipili ang COVID-19, bata man po o matanda ay maaaring tamaan. Madaling kapitan ng sakit na ito ang mga matatandang may underlying health conditions at mga batang kulang sa nutrisyon. Kaya naman nanawagan ang Save the Children Philippines sa mga local health centers na muling ipagpatuloy ang maternal and child health services sa kabila ng patuloy na pagdami ng kaso ng mga sanggol at batang nagpopositibo sa COVID-19 na umabot na po sa 424 kung saan siyam na rito po ang namatay.
Ayon kay Attorney Alberto Muyot, Chief Executive Officer of Save the Children Philippines, walang bata ang dapat na mamatay sa mga sakit na maaari naman pong maiwasan. Aniya, ang mga batang namamatay dahil sa COVID-19 ay maaaring sanhi rin ng malnutrisyon dulot ng matinding gutom, kakulangan sa masustansiyang pagkain at health complications gaya ng pneumonia at dehydration dulot ng diarrhea. At dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic, maraming kabataan ang mas nahirapan na abutin ang basic food requirement dahil sa kawalan ng pinagkakakitaan ng kanilang pamilya dahil sa Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay Dr. Amado Parawan, Health and Nutrition Advisor ng Save the Children Philippines, sa gitna po ng banta ng COVID-19, malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng sapat na nutrisyon upang mas mapalakas ang immune system ng mga bata upang maiwasan ang pagkakasakit.
SEC. ANDANAR: Ngayong nasa ilalim sa ECQ at GCQ ang ilang mga lugar sa bansa, malaki ang naging epekto nito sa ating agrikultura ay food supply. Sa puntong ito, alamin natin mula mismo kay Department of Agriculture Secretary William Dar ang mga pinakabagong update kaugnay sa mga hakbangin ng kanilang ahensiya kaugnay sa COVID-19. Magandang umaga po sa inyo muli, Secretary Dar.
SEC. DAR: Good morning, Sec. Martin and Undersecretary Rocky. Kumusta po?
SEC. ANDANAR: Maayos naman, sir. Ito, surviving tayong lahat.
SEC. DAR: Survival, yes.
SEC. ANDANAR: Mahigit dalawandaang LGUs ang bumibili ng mga produkto bilang pagsuporta sa ating mga local farmers, ito po ay bahagi ng kanilang ipinamamahaging food packs. Gaano ito kahalaga para sa ating mga local farmers at paano po natin ini-encourage ang iba pang lokal na pamahalaan na gawin po ito, iyong bumili po ng ating mga produce ng ating mga farmers para ipamigay sa ating mga kababayan na nangangailangan po ng ayuda?
SEC. DAR: Very important, Sec. Martin and Usec. Rocky, iyong hakbang na ginawa ng mga local government units na sila na iyong bumibili ng mga produkto, iyong mga local produce natin, mas lalo na iyong mga vegetables, fruits and rice.
A month ago, we recommended and advised the local chief executives na kung puwede hindi lang delata po ang ipamamahagi doon sa mga constituents nila. At by way of buying fresh produce ay hindi lang iyong mas mataas na income ang makukuha po ng mga farmers nila ay mas presko at highly nutritious iyong fruits and vegetables na ipamahagi po nila sa mga constituencies para mas mataas po ang immune defense system ng mga constituencies.
So ang ganda po ng resulta, 1.58 billion pesos worth of fruits, vegetables and rice ang naibahagi na mga local chief executives sa kanayunan.
SEC. ANDANAR: Ngayong buwan naka-schedule mamahagi ng free seeds at fertilizers ang Department of Agriculture para sa ating mga rice farmers. Ilang munisipalidad at kababayan nating magsasaka ang inaasahang maaabutan nito, Secretary Dar?
SEC. DAR: Lahat po ng rice farmers, there will be about 2.5 million hectares po. So about that many in terms of rice farmers ang mabibigyan po ng ayuda in terms of certified seeds at abono by (unclear) at training sa makabagong technologies, para sa ganoon we have to really tap the power of technology as a major strategy in increasing the productivity per unit area in the agriculture, in this case, rice. And that’s the same for all other banner programs, other commodities like livestock, fruits and vegetables and aqua-culture fishery, ganoon po, it has to be a technology-based strategy to really increase the productivity of our various commodities.
Alam po natin na maraming distortions na nangyari dito po sa COVID-19 pandemic – global trade is distorted; movement of food supplies is distorted. So minabuti natin na mayroon tayong strategy na itataas na natin iyong food sufficiency level ng ating bansa sa mga iba’t ibang commodities na ito, Sec. Martin and Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may katanungan po si April Rafales ng ABS-CBN News: The DTI is setting up new guidelines on the new normal after ECQ which is e-commerce online sellers will be registered and prices will be monitored. May ganito po ba na sini-set up din ang Department of Agriculture; if yes, what is the general rules daw po?
SEC. DAR: Okay. Let me mention iyong e-commerce na na-introduce na natin sa agrikultura, eKadiwa. eKadiwa is now having 4 vendors and this has just started this week, mayroon apat na vendors and so far mayroon nang nagta-try na ito, hundred deliveries and there are 300 inquiries as to how to join and a set of 54 vendors are applying to be a part of this platform of eKadiwa.
So this is now the one positive aspect that has been brought about by COVID-19 pandemic, nandoon na iyong isang new normal, e-commerce or eKadiwa in agriculture and fisheries will be a new mechanism with which marketing or trading of agricultural produce will happen and we are elevating our game, even in digitalizing agriculture monitoring and evaluation.
We have just had today a meeting with our IT experts group and see to it that the big data agriculture will be there so that policy and planning will be properly supported in terms of the relevant information and the best of data to support all these policy directions.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyong ikalawang tanong po ni Ms. April Ravales: Maglalabas daw po na mas malawig na SRP ang DA, kasi sa ngayon daw po, maraming produkto ang walang SRP kaya napakamahal daw po ng benta lalo ng mga gulay.
SEC. DAR: Well, iyong gulay, mayroon na tayong mga iba’t ibang gulay na under SRP and with this, we will try to study itong … kung ano ba iyong iba’t ibang klase na gulay na isailalim po natin sa price freeze o SRP.
USEC. IGNACIO: Okay. Ang ikatlong tanong niya Secretary, kung may assistance po ba o plano ang gagawin sa mga magsasaka na hindi daw po nakakabenta ng mga palay na ani nila dahil sa lockdown. Nag-start na po iyong planting season kapag tag-ulan and wala silang pangpuhunan. Paano po ang effect ng supply chain natin kapag walang produce ang ating mga local farmers?
SEC. DAR: Now iyong first part ng question, I don’t think that is true na hindi sila nakaani. Kung mayroon man, let me know kung saan, sino iyong farmer at bibilhin ng NFA itong palay na ito… that’s not true. Number two, may ayuda na ibibigay nga natin – mga buto, mga fertilizer at pa-training; at may ayuda pa rin na binibigay natin sa mga rice farmers all over, about 34 provinces itong financial subsidy for rice farmers, those tilling one hectare and below. It’s almost over.
SEC. ANDANAR: Sec., malaking tulong po sa ating mga kababayang magsasaka ang Kadiwa on Wheels ng Department of Agriculture. Saang lugar po ito maaaring abangan ng ating mga kababayan; at kung susumahin po, nasa magkano na po ang kabuuang kita ng ating mga kababayan mula sa mga programang ito?
SEC. DAR: You know, this was expanded this last one and a half month and we are still continuing this intervention. This is one of those better interventions during this pandemic at kailangan na kailangan from the trading post from La Trinidad, Benguet; Bamban, Nueva Vizcaya; Sariaya, Quezon and many other parts. We assisted iyong mga farmers na iyong mga benta po nila sa mga trading post ay may partners po tayo, ng DA, na private sector na bumili at kasama na namin trucking these fruits and vegetables to Metro Manila.
Now this is all over the country na, and the specific dates or areas are properly articulated or highlighted in our website. So every regional field office of the DA all over the country is now doing this in tandem with various partners in those metro cities. Karamihan po … most of these Kadiwa, although may Kadiwa On Wheels sa ibang munisipyo, munisipalidad ay may mas marami po iyong Kadiwa On Wheels sa mga metro areas all over the country po.
SEC. ANDANAR: So far, Secretary, kumusta naman po iyong delivery ng ating agricultural goods sa iba’t ibang parte ng bansa ngayong may enhanced at general community quarantine na alam kong paulit-ulit mo itong talagang tinututukan sa IATF mula noong simula, the first week? Mayroon po bang improvements iyong pakikipagtulungan ng iba pang mga ahensiya sa inyo pong tanggapan?
SEC. DAR: Malaki po ang improvement, if we have to compare itong last two weeks vis-à-vis the other one, kasi 6th week na tayo, pang-7th week na natin ngayon. Ang laki na po ng improvement, iyong movement ng food supplies. Pero maybe kung nabigyan mo ng porsiyento, 98% na iyong movement ay talagang wala nang problema. A good number of iyong mga areas, mayroon pa ring mga ibang checkpoints diyan, pero very minimal na po ito at nasolusyunan naman agad-agad ng PNP po. So in summary, we would like to thank our partners – DILG, iyong PNP at ang AFP – kasi po sila po iyong talagang tumulong po dito sa mga … kung may problema ng movement of cargoes.
SEC. ANDANAR: Marami po sa ating mga kababayan ang nagtatanong kung mae-extend daw po ang food lane conduct pass?
SEC. DAR: Ang decision po ng IATF ay lahat po iyong na-issue dati ay continuing. May base pa rin iyon na itutuloy kasi nasa ECQ … mayroon tayo sa ECQ in some provinces and like Metro Manila and GCQ for the rest. So that will still be a good mechanism para tuluy-tuloy po iyong movement ng mga trucks.
SEC. ANDANAR: Sir, sa isang Facebook post ng isang ‘di umano ay FB page ng Department of Agriculture ang nagsasabing mamamahagi raw po ang Department of Agriculture ng P3,000 cash assistance or P3,000 worth of products – totoo po ba ito, ito po ba ay fake news? Linawin po natin ito, sir, para sa ating mga manonood.
SEC. DAR: Ay, last week mayroon kaming na-monitor, Sec. Martin, na gumamit nga ng ganito, na logo ng DA – fake news ito po, fake news ito. Ang katotohanan, magbibigay kami ng certified seeds, of course, again sa rice at sa dalawang sako ng urea para iyong farmer ay bibili rin ng dalawang sako at apat na sakong urea ang i-apply niya sa isang ektarya. Wala kaming ipamumudmod na iba pa except these, including that of training. Iyon po ang additional na gagawin po natin, pataasin natin ang antas ng kakayanan ng ating mga magsasaka ngayon at in the future.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Department of Agriculture Secretary William Dar. Ipagpatuloy lang po natin ang pagtulong sa ating mga kababayan. Mabuhay po kayo, Secretary.
SEC. DAR: Maraming salamat muli, Sec. Martin and USec. Rocky. Again let me advocate for the Plant, Plant, Plant Program and bigyan natin ng pagpupugay o pasasalamat sa ating mga magsasaka at mangingisda at itong buwan ng Mayo ay ito iyong Farmers and Fisherfolks Month. So malaking pagpupugay at pasasalamat po para sa lahat ng ating mga magsasaka at mangingisda. Marami pong salamat. Let’s plant, plant, plant.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Department of Agriculture Secretary William Dar.
Para naman po alamin ang update kaugnay sa sa Trace, Treat and Test Program ng gobyerno bilang tugon sa COVID-19, makakausap po natin si T3 Czar BCDA President and CEO at ang pinakabagong Deputy Chief Implementer of the National Action Plan Against COVID-19 na si Vince Dizon. Magandang araw po, sir.
BCDA PRES/CEO DIZON: Magandang araw, Rocky.
USEC. IGNACIO: Nagpadala po ng katanungan iyong ating kasama na si Lois Calderon ng CNN Philippines. Ang tanong po niya: The BBB has 100 flagship projects, ito po iyong tinatawag na big-ticket – 43 of them originally targeted to be completed by 2022. But given the lockdown, timetables will have to be pushed back. The NEDA Board ICC says, it is waiting for agencies to submit a leaner list which means even the 43 will be further trimmed. Which of the following will be dropped? Alin po iyong tatanggalin ninyong mga hindi pa naumpisahan?
BCDA PRES/CEO DIZON: Rocky, sa kasalukuyan, nire-review natin at nirerepaso natin ang listahan ng ating mga infrastructure flagship projects sa tulong ng NEDA, ng DOTr at ng DPWH. Nangyayari iyon ngayon, in fact, may ongoing meeting ngayon ang iba’t ibang mga ahensiya at malalaman natin sa mga ilang araw kung ano ang magiging priority natin, kung ano ang mga kailangan nating pabilisin at kung ano ang mga kailangan nating palitan. Lalo na ngayon na dinadaanan natin itong problema sa COVID-19, kailangan nating magdagdag ng mga proyekto para palakasin ang ating healthcare infrastructure. So sa mga ilang araw malalaman natin iyan, Rocky.
USEC. IGNACIO: Sir, iyong pangalawang tanong niya: If the flagship projects will be kept, alin doon po ang uunahing balikan kasi hindi po full work ang force?
BCDA PRES/CEO DIZON: Lahat ng mga projects ay priority natin iyan. Pero siyempre uunahin natin iyong mga proyekto na pinakamalaki ang impact. And ngayon naniniwala tayo na siguro kapag pinayagan na po tayo ng IATF na mag-resume ng construction sa ating mga public projects ay mapapabilis natin ito pero kailangan nating panatilihin ang mga protocol para maprotektahan naman ng ating mga workers. Very strict ang protocols na itinakda ng DPWH kaya dapat sundin natin ito para maprotektahan ang mga workers at protektahan din natin ang ating mga komunidad sa spread ng COVID-19.
SEC. ANDANAR: Sec. Vince, ang Palacio de Maynila ay isa sa mga mega swabbing centers na magsimula na mag-fully operate. Kumusta po ang unang araw sa naging operasyon dito?
BCDA PRES/CEO DIZON: Maayos naman po, Secretary Martin. Kahapon nagsimula ang ating swabbing operations sa unang mega swabbing center natin sa Palacio de Manila sa Roxas Boulevard, at nakapag-swab po tayo ng 250 na OFWs sa iba’t ibang lugar dito sa Metro Manila. Iyon po ang unang test run natin sa tulong ng Philippine Coastguard.
Ngayon po ay inaayos pa natin ang ating sistema para lalo nating mapabilis ang pagsa-swab natin at sa mga darating na araw. Magbubukas na rin ang Enderun; ang MOA Arena, kung nasaan ako ngayon, magbubukas na rin. Kakatapos lang ng inspection natin dito kasama si Senator Gordon ng Philippine Red Cross at si Secretary Duque. So sa mga susunod na araw ay magpu-full speed ahead na tayo dito.
SEC. ANDANAR: Ilan po ag target natin na maisagawang test kada araw at sa pagtatapos ng buwan ng Mayo, Sec. Vince?
BCDA PRES/CEO DIZON: Dito sa swabbing centers natin mga limang-libo total ang ating makukuhang mga specimen dito at ipapadala natin ang mga specimen na ito sa Philippine Red Cross lab. Kaya nagpapasalamat tayo kay Senator Richard Gordon at sa mga bayani natin sa Philippine Red Cross na nagbo-volunteer para sa efforts natin dito laban sa COVID-19.
So 5,000—pero siyempre sa mga susunod na araw, slowly magbi-build up tayo diyan. So kampante tayo na siguro sa susunod na linggo ay makukuha na natin iyong target natin na 5,000 a day kapag fully operational na lahat ng ating mga swabbing center.
Pero ng ginagawa din natin ay bini-build up natin ang ating laboratory capacity. Ngayon, mayroon na tayong 12,000 capacity per day; gusto nating tumaas iyan sa 30,000 kapag umabot na tayo ng May 30. So iyon ang ating target, at kampante tayo na sa tulong ng ating Department of Health (garbled) na magtulung-tulong tayo, magsama-sama tayo para maabot natin itong 30,000 capacity test per day sa May 30.
USEC. IGNACIO: Sir Vince, sa ngayon po gaano po kahalaga iyong kooperasyon ng private sector sa pagsakatuparan po noong malawakang swab testing sa bansa?
BCDA PRES/CEO DIZON: Alam po ninyo, napaka-importante po nitong partnership ng gobyerno at ng pribadong sector. Alam ninyo itong COVID-19 ay wala pong bansang may formula nito, lahat po ng bansa ngayon ay hirap na hirap na labanan ang COVID-19. Lahat po tayo nangangapa, pero sa tulong ng private sector tingin natin na kakayanin natin ito na masugpo.
Kaya lang kailangang maintindihan ng ating mga kababayan na habang wala tayong vaccine, kailangan labanan natin ito ng tuluy-tuloy. Hindi tayo titigil sa pagpe-prepare, sa paglalaban dito sa virus na ito hanggang sa panahon na makakuha tayo ng vaccine. At hindi iyon mangyayari sa loob ng isang taon, baka maghihintay pa tayo ng labing-walong buwan o hanggang dalawang taon. Kaya dapat talaga tibayan natin ang partnership ng private sector at ng government at palakasin natin ang ating healthcare infrastructure sa mga darating na buwan para tuluy-tuloy nating malabanan ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay naman doon sa manpower na kakailanganin po para sa mega swab center, paano naman po iyong magiging sistema ninyo dito? At ano po iyong update sa naging clarion call para sa mga nais mag-volunteer kasama na iyong mga nasa ahensiya ng gobyerno?
BCDA PRES/CEO DIZON: Unang-una po, nanawagan tayo muli sa ating mga private sector partners, sa ating mga eskuwelahan na mayroong mga nursing and medical related schools na sana po ay mayroong mga mag-volunteer sa ating mga medical professionals, ang ating mga estudyante. Mayroon pong sapat na compensation ito na ibibigay ang Department of Health, mayroon po nakaagapay na hazard pay nakapaloob sa ating Bayanihan to Heal as One Act at siyempre po ibibigay natin ang lahat ng proteksyon, ng lahat ng pag-aalaga sa ating mga frontliners na magbo-volunteer para dito.
Nagpapasalamat din tayo sa Executive branch sa pamumuno ni Executive Secretary Bingbong Medialdea dahil nag-isyu po siya ng isang order na minamandato po ang lahat ng mga ahensiya kasama na rin ang mga government corporation na mag-contribute dito ng kanilang mga personnel para sa ating swabbing at testing efforts; at pagbo-volunteer para maging encoder, bar coder at para doon sa mga may medical background ay mag-volunteer din sila bilang mga swabber.
So, ngayon po ay mahigit 700 na o halos 800 na ang nag-volunteer sa iba’t ibang line agencies. Nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga agencies at mga kawani ng mga agencies na ito na nag-volunteer.
USEC. IGNACIO: Sir Vince, ano naman po iyong panawagan ninyo sa kanila? Papaano daw po iyong magiging proseso at paano po maaaring ma-contact kayo o iyong inyong tanggapan para po doon sa mga gustong mag-volunteer.
PRES. & CEO DIZON: Tumawag lang po sila sa hotline ng ating mga departments, sa DOH, sa 8888, at doon malalaman nila po kung paano sila makakapag-volunteer para dito sa efforts natin.
At again, nagpapasalamat po tayo sa lahat ng nag-volunteer at nananawagan tayo sa mga iba pa nating mga kababayan na gustong mag-volunteer na sumama po sa ating laban sa COVID-19.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Secretary Vince Dizon. Mabuhay kayo diyan at kayo po ay mag-ingat! Stay safe and healthy!
PRES. & CEO DIZON: Stay safe po, Sec. Martin, Usec. Rocky. Maraming salamat po.
SEC. ANDANAR: Thank you, sir. Ingat po kayo. Oras po natin, alas onse treinta y uno na po ng umaga.
Sa puntong ito ay kumustahin naman natin ang lagay ng ating mga kababayan sa Dubai. Makakausap natin si Consul General Paul Raymund Cortes, Philippine Consulate General diyan po sa Dubai. Magandang umaga po sa inyo, Consul.
CONGEN. CORTES: Magandang umaga rin po naman, Secretary Martin at saka Usec. Rocky. Salamat po for having us.
SEC. ANDANAR: It’s a really a pleasure talking to you again. May mahigit 16,000 kaso na ng COVID-19 sa United Arab Emirates. Sa ngayon, may lockdown din po ba diyan na ipinapatupad sa Dubai, at kumusta po ang ating mga kababayan?
CONGEN. CORTES: As of yesterday nga po, 16,000 na ho ang kaso ng mga COVID positive dito at mayroon na rin po tayong around 23 na namatay na ating mga kababayan sa COVID-19 dito lang po iyan sa Dubai.
At medyo nag-ease na nga ho nang kaunti ang lockdown ng Dubai pero at the same time marami pa rin ho na mga kababayan natin na “no work, no pay”. At simula po noong nagkaroon tayo ng lockdown noong Marso, nagtulung-tulong na po ang lahat ng mga society, ng mga elemento dito sa Dubai tulad ho ng Dubai Police, tulad ho ng ating Filipino community para tulungan iyong mga kababayan natin na “no work, no pay”, at siyempre dahil no “work, no pay” sila, wala silang mga pambili ng kanilang mga basic necessities.
Unang-una hong tumulong ang Dubai Police at saka ang konsulado kung saan nagkaroon kami ng parang understanding na kung mayroong mga kababayan na lumalapit sa konsulada asking for food or meals eh binibigyan po natin iyong mga listahan na iyan at ibinibigay natin sa Dubai Police para bigyan sila ng mga meals, ito po ay during the lockdown kung saan talaga naging 24 hour na walang labas-pasok sa kanilang mga bahay.
At the same time, nagkaroon din ng maraming initiative ang Emirates Red Crescent kung saan nagbibigay din sila ng mga free meals and necessities hindi lang sa mga Filipino, pero sa lahat ng mga taong nangangailangan ng tulong.
At the same time, malakas din po ang bayanihan aspect ng mga Filipino community dito kung saan iyong mga various organization, mga various committee ay naghe-help at nagbibigay ng mga grocery para mga sa mga humihingi ng tulong.
At the same time din po, nandito rin ho iyong programa ng ating POLO o kaya iyong Philippine Overseas Labor Office natin at saka ang OWWA natin kung saan nagbibigay din sila ng mga free groceries sa mga kababayan natin.
So, lahat po ito ay nagkakaroon ng tulung-tulong under the one-country team approach ng konsulado kung saan mino-monitor po natin lahat ng mga kababayan natin at mga efforts ng mga attached agencies natin para mabigyan natin ng tulong iyong mga humihingi.
SEC. ANDANAR: Dahil sa banta ng COVID-19, may mga services na sinuspinde sa Dubai, dahil diyan marami sa ating mga kababayan ang nawalan din po ng trabaho. Ano po iyong iba pang tulong na ipinapaabot po natin sa kanila? I understand, iyong DOLE ay mayroon pong $200 na ibinibigay or P10,000 doon sa mga OFWs na nawalan ng trabaho.
CONGEN. CORTES: Opo, ito ho iyong DOLE-AKAP Program under the Department of Labor and Employment and the POLO office here kung saan iyong mga ‘no work, no pay’, iyong mga na-terminate during the crisis o dahil sa COVID-19 pandemic ay binibigyan ng kaunting ayuda. One-time cash assistance po ito para po sa kanila para po maitawid po nang kaunti iyong kanilang mga pangangailangan during the time na ‘no work, no pay’.
Although unti-unting nagbubukas na ho ang Dubai, unti-unti na wherein Dubai is starting na bigyan ng mga opportunity ang mga tao to go back to their work lalung-lalo na iyong mga nasa hospitality industry kasi ang pinakatinamaan po nito ay mga hotel, mga restaurants, mga mall. Alam naman po natin na ito iyong lifeblood ng Dubai, so halos lahat ng tao, marami sa mga kababayan natin ay employed in this sector.
At sana with the slow reopening and hopefully talagang magsunud-sunod na itong reopening ng ekonomiya globally ay magkaroon na rin ng tiyansa iyong mga kababayan natin na bumalik sa kani-kanilang mga trabaho.
Pero at the same time, ongoing pa ho iyong DOLE-AKAP Program at tinutulungan din ng ating DSWD attaché, iyong ating social welfare attaché, iyong mga kababayan nating undocumented. At mayroon na nga hong mga sumusulat din at nabibigyan din ng kaunting cash assistance.
Just a few days ago, nagkaroon ho ng malaking sunog dito sa isang malaking residential building kung saan medyo maraming Filipino ang mga nakatira doon. Fortunately, wala naman pong casualty pero nag-extend din po tayo ng tulong sa kanila dahil ito ay mga kababayan natin. In the middle of a pandemic like this parang hindi pa yata kuntento ang kapalaran eh nasunog pa ho iyong kanilang building. So, tinutulungan din natin financially at nagbibigay din ng kaunting pagkain ang Filipino community and of course, ang municipality din ng Sharjah – ito ho iyong emirate na katabi ho ng Dubai kung saan marami pong Filipino rin ang nakatira.
USEC. IGNACIO: Sir, kumusta naman po iyong lagay ng ating mga kababayan na nagpositibo sa COVID-19, kung mayroon man po? Paano po natin sila tinutulungan at ano po iyong protocol doon sa pagtugon po doon sa mga naging COVID-19 patients?
CONGEN. CORTES: Marami hong mga kababayan ang tumawag po sa aming mga hotline at sinasabing positive sila. And from our end, kapag sinabing positive sila, nakikipag-coordinate na po kami sa Dubai Police at saka sa Dubai Health authority para kunin sila at para sunduin sila at dalhin sila sa isang ospital, at the same time, i-contact tracing din iyong mga nandoon na kasama sa kanilang tinitirahan.
So, ang protocol po ng UAE kapag kayo ay positive at symptomatic, libre ho ang testing ng COVID-19. Pero kapag asymptomatic naman po kayo, hindi naman po necessary na mag-testing kayo, may bayad po iyon. At itong mga kababayan nating nagpo-positive eh dinadala naman po sa ospital kung saan libre po naman iyong kanilang mga treatment sa government hospital.
At the same time, mino-monitor po namin lahat po sila, trying to find out kung kumusta na ho iyong kalagayan. So far, marami naman ho ang nagkakaroon ng recovery and as I said nga kanina sa umpisa ng interview, 23 ang naitalang death among those tested positive sa atin.
USEC. IGNACIO: Sa ngayon po, mayroon po ba tayong mga kababayan na humihingi ng tulong para naman po makabalik sa Pilipinas? Kung mayroon man po, paano po natin sila binibigyan ng tulong o assistance?
CONGEN. CORTES: Mayroon po, in fact, about 1,500 have listed iyong kanilang mga interest to go back home pero ang uunahin po siyempre natin iyong mga tourist at may valid tourist o kaya ay visit visa kasi ito po iyong mga hindi nangangailangan ng extra clearance para makauwi. So, as soon as mag-resume ho iyong mga flights natin eh inaayos po natin iyong mga repatriation nila together with our Office of Migrant Workers Affairs (OMWA) sa DFA, at the same time para mai-arrange po natin iyong mga quarantine facilities nila back home.
So, itong mga 1,500 na ho ito eh—noong about a month ago, noong mga April 1, April 2, naglabas na ho kami ng advisory sa mga kababayan na kung gusto nilang umuwi, all they need to do is fill-out this repatriation form at ipadala uli sa amin and then we will process it. Pero of these mga nagpadala marami ho sa kanila ang working dito. In our advisory, kung mayroon silang employment dito, ibig sabihin may employer pa sila, under UAE Law kasi dapat po iyong employer ho ang magpadala sa kanila back home.
So, ang mga pinrocess po muna namin iyong mga tourist and working visas pero mayroon din ho kasing panukala iyong gobyerno dito na ang mga tourist at visit visas eh extended all the way until the end of 2020 iyong validity. So ibig sabihin, puwede pa silang mag-stay dito hanggang end of the year. And para sa maraming mga kababayan natin, many are also taking na to stay a little bit longer and trying to find out kung ano pang puwede pang mangyari in the next couple of months, at least nandito sila.
Pero mayroon din naman mga gusto nang umuwi talaga, at iyon ay pinagtutukan namin po ng pansin kasi once na mabili po iyong ticket nila at once na masabi they are interested in going home, bibilhin na po natin iyong ticket nila, gobyerno po iyan, Philippine government ang magbabayad po niyan para makauwi na po sila. Pero dapat sure ho sila na uuwi kasi hindi na puwede i-rebook iyong mga ito.
SEC. ANDANAR: Para po sa mga may katanungan o nais na humingi ng assistance, paano po nila kayo mako-contact, consul, at ano po ang mensahe ninyo sa ating mga kababayan diyan po sa Dubai?
CON. GEN. CORTES: Sige po. Kung mayroon po kayong mga urgent na pangangailangan, ang pinakamainam po na pag-message sa amin ay WhatsApp, mas madali po iyong WhatsApp para may record po tayo ng mga conversations natin. So all they need to do is WhatsApp po, 0565-015-755 at 0565-015-756 – so ito iyong mga dalawang numbers natin for assistance to nationals, they can WhatsApp us anytime and we will get in touch with them.
At the same time ho, mayroon din po tayong Facebook page, iyong Philippine Consulate General in Dubai kung saan puwede rin po silang mag-leave ng messages. Nandoon po lahat din iyong mga anunsiyo namin, mga advisory namin, how they can get in touch with us po.
And para sa mga kababayan natin, kaunting—you know, we’re in this together. All you need to do po is manalangin siyempre and hopefully all trials and challenges sa atin will pass. At the same time, kung talagang nangangailangan tayo ng tulong ay nandito po naman ang konsulado, nandito rin ho ang Filipino community, nandito po ang gobyerno para magbigay po ng tulong at to lend a helping hand ‘ika nga po sa inyong lahat.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po at mag-iingat po kayo riyan, Consul General Paul Raymund Cortes. And again, it’s been a pleasure talking to you.
CON. GEN. CORTES: Salamat po, Sec. Martin at Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Sa ngayon naman, Secretary Martin, makakausap natin si Guimaras Governor Gumarin. Magandang araw po, Governor.
GUIMARAS GOV. GUMARIN: Magandang araw po naman sa inyo, USec. Ignacio at also to Secretary Martin Andanar. Good to see you.
USEC. IGNACIO: Opo, salamat po. COVID-free po ang probinsiya ng Guimaras. Ano po iyong naging strategy ninyo at naging COVID-free ang Guimaras at iyong ginawa ninyong aksiyon para maiwasan po iyong local transmission sa inyong probinsya?
GUIMARAS GOV. GUMARIN: Sa awa po ng Diyos. But let me give you a hint kung bakit. Guimaras is actually composed of five municipalities with 40,000 household and 200 inhabitants, 200,000 inhabitants. We are a fourth class province in Region VI. Our capability and our capacity to respond is very limited especially our hospital is only dadalawa. Anticipation is very important dahil kung maantisipahan mo kung ano iyong magiging kalaban mo, you could make some sort of paunang steps.
So kung ikumpara natin iyong parasitic infection, bacterial at saka viral infection, iyong viral infection has a capacity to be explosive. So ibig sabihin, kung magkaroon ng carrier sa isang probinsiya, sa isang bahay, lahat ng mga nasa loob ng bahay magkakaroon ng influenza kung sakali. So ito iyong anticipation, what made us perform what we are now.
Next is, we’re able to—January 31, nagkaroon kami ng unang executive order barring all tourists coming from Manila so eventually the succeeding executive order, pinaigting po namin iyong border control. We started with the control dito sa probinsiya ng Guimaras, but eventually we decided to have a two doors. Finally we started in Iloilo.
What makes us different is that we are an island at saka maliit lang kami. We belong to the same party. We made ourselves available sa lahat ng mga pangangailangan to fight COVID. Nagkaroon kami ng executive order, executive committee which lahat ng mga mayors para ma-harmonize namin lahat ng mga guidelines for whole province of Guimaras at magkaroon kami ng isang level of response – level 1, level 2, level 3 which is actually the lockdown. So level 2 is actually the ECQ and level 1 is actually iyong strict border control.
So ito iyong nangyari sa amin dito sa probinsiya, naunahan namin iyong COVID upon learning that the source, the cause of the deadly agent is a virus, ito na iyong nangyari sa amin na we prepared ourselves for this. Dahil hindi namin kaya mag-respond kung magkaroon ng COVID dito sa probinsiya ng Guimaras.
USEC. IGNACIO: Opo. Governor, paano po nakatulong iyong pagkakaroon ninyo ng background sa medisina doon po sa pagtugon sa kasalukuyang krisis?
GUIMARAS GOV. GUMARIN: Medyo may advantage nang konti because you will be able to know kung ano iyong kinakalaban mo. Like for example sabi ko kanina, it’s a viral infection so medyo mahirap compared sa parasitic infection at bacterial infection; iyong viral infection pala lalong hindi mo makita at saka mabilis mag-spread.
So lahat kami dito sa probinsiya ng Guimaras, almost mga medical practitioner. So iyong aming Congresswoman, si Dr. Lucille Nava is a tropical medicine and infectious specialist. So ang aming previous na congressman at saka governor is also a medical practitioner. Iyong mga vice mayors namin saka ibang mayors are actually mga medical practitioner. This made us organize ourselves saka gumawa ng mga guidelines na paraan para ma-contain namin iyong pagpasok ng COVID dito sa probinsya ng Guimaras.
So we have a COVID traffic, ibig sabihin from the community magkaroon kami ng quarantine area with an advanced quarantine area na hindi na papasok sa aming ospital to protect our medical personnel, especially mga doktor na hindi magkasakit dahil konti lang iyong doktor namin, kulang kami. So ito iyong nangyari sa probinsiya ng Guimaras, iyong usual na mga pasyente ay dumadaan sa usual na paraan. So from the community, punta ng ospital, may triage doon kasi nagkakaroon kami ng fever monitoring to make sure na walang makapasok sa aming usual hospital dahil baka kung ano mangyari, ma-infect iyong mga health personnel namin, dapat hindi mangyari iyon.
GOVERNOR GUMARIN: So we did aid our… identified our isolation area for our returning repatriates and returning Guimarasnon dito sa probinsiya sa Guimaras. So far, mayroon kaming sampu na repatriates – lima, tapos na ang quarantine, iyong lima diyan sa Probinsiya ng Iloilo under the regional quarantine facility, dalawa iyong nag-positive at saka iyong tatlo are undergoing continued quarantine for more days.
May ipapasok kaming anim na Guimarasnon, also are seafarers. So bukas sila darating, and hopefully with this protocol, we will be able to contain and make sure na ang Guimaras is COVID-free.
SEC. ANDANAR: Sir, ano po ang mensahe ninyo sa inyong mga kababayan po?
GOVERNOR GUMARIN: Iyong masasabi lang namin is we will heal as one as it is by the battle cry of our national government. We will fight this COVID. We may not know kung hanggang kailan ito, but we are prepared. We already distributed, more or less, 250,000 sack of rice, a package for the newly arrived na OFWs or repatriates. So iyong social amelioration worth 107 million sa tig-7o million namin sa whole province at saka iyong Bayanihan fund (unclear) which is 28 million is a big help for Guimarasnon which is a fourth class. So masasabi ko lang sa mga taga-Guimaras is that we will go forward dahil we will make sure na as a tourist area, we will make sure na COVID-free pa rin iyong Probinsiya ng Guimaras.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po Guimaras Governor Gumarin. Mabuhay po kayo, Gov. Thank you po.
GOVERNOR GUMARIN: Thank you po. Thank you, Secretary.
USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa pinakahuling tala ng Department of Health, umabot na po sa 10,343 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong bansa, 685 po ang namatay, habang patuloy po ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling na pumalo na po sa 1,618.
SEC. ANDANAR: Kung per region naman ang ating pagbabatayan, Rocky, ang NCR pa rin ang nananatiling may pinakamataas na kaso ng COVID-19 na may bilang na 6,709. Sinundan ito ng Central Luzon, Central Visayas, CALABARZON, Davao Region, Western Visayas, Ilocos Region, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, CAR, Cagayan Valley, MIMAROPA, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Eastern Visayas, BARMM at Caraga Region.
USEC. IGNACIO: Nasa ikatatlumpu’t siyam na puwesto naman po ang Pilipinas sa buong bansa, sinundan ito ng Denmark na may 10,281 COVID-19 cases. Kaya naman po ay ipinapaalala po natin sa lahat, ating isapuso at isaisip ang mga guidelines kung paano po makakaiwas sa COVID-19.
SEC. ANDANAR: Mula naman sa iba’t ibang sangay ng PCOO, makakasama rin po natin sa pagbibigay ng pinakahuling ulat ang ating mga PTV correspondents. Unahin natin ngayon … ang panahon ng krisis, kabilang sa mga pangunahing frontliners ang ating mga kapulisan kaya naman ay nagpaabot din sila ng kanilang paraan ng pagtulong sa pamamagitan ng PNP Bayanihan Fund. At kaugnay riyan ay puntahan natin si Jorton Campana mula sa PTV Cordillera. Jorton, take it away.
[NEWS REPORTING BY JORTON CAMPANA]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Jorton Campana ng PTV Cordillera.
USEC. IGNACIO: Mula naman po sa PTV Cebu ay maghahatid ng ulat si John Aroa.
[NEWS REPORTING BY JOHN AROA]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, John Aroa ng PTV Cebu.
SEC. ANDANAR: Sa bahagi pong ito, puntahan naman natin ang ating kasamang si Jay Lagang, live mula sa PTV Davao.
[NEWS REPORTING BY JAY LAGANG]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Jay Lagang ng PTV Davao. Maayong udto kaninyo diha.
USEC. IGNACIO: Mga kababayan, dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa mga nagpaunlak po ng kanilang oras para sa ating programa, Secretary, maraming salamat po at mabuhay po kayo.
SEC. ANDANAR: Asahan ninyo pong patuloy kaming maglilingkod para sa bayan. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
USEC. IGNACIO: Muli po naming pinapaalala sa lahat ng ating homeliners: Bahay muna, buhay muna – sa paraang ito ay makakatulong kayo sa inyong komunidad para sa paghinto po ng paglaganap ng COVID-19.
SEC. ANDANAR: Tandaan, ang pananatili sa ating tahanan ay para rin sa inyo, sa iyong magulang, kapatid, anak at kaibigan. Kaya naman dapat na maging responsable sa bawat gawain natin sa ating bahay. Huwag na po tayong lumabas ha, lalo na kung hindi naman kinakailangang lumabas.
USEC. IGNACIO: Opo. Dahil sa panahong ito, hindi lamang po mga frontliners ang may papel sa labang ito – lahat tayo. Ikaw ay magiting na homeliner, hindi mo hahayaang makapanakit o makaapekto itong virus sa atin.
SEC. ANDANAR: Tandaan, sa ating pagbabayanihan ay malalagpasan po natin ang pagsubok na ito. Together, we heal as one – muli, ako po si Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Magkita-kita po tayong muli bukas dito lang sa Public briefing #LagingHandaPH.
##
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)