Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga po sa lahat ng nakatutok sa ating programa at sa mga kababayan natin sa iba’t ibang sulok ng mundo. Ngayon po ay ika-walo sa buwan ng Pebrero 2021, araw ng Lunes. Ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Ngayon pong umaga ay tututukan natin ang mga usaping malapit sa ating mga kababayan, ang patuloy na pagbaba po ng supply ng baboy at manok sa merkado at ang pinaplano pong pagbuo ng Metro Manila subway ng pamahalaan at iba pa pong balita tungkol po sa isinasagawang pag-rollout ng gobyerno sa bakuna.

SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Kaugnay sa napapabalitang pagkalat ng mga pekeng COVID-19 vaccine sa China, Senate Committee Chair on Health and Demography, Senador Christopher “Bong” Go hinimok ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na mag-imbestiga at bantayan ang sinasabing paglipana na rin nito sa ating bansa. Narito ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, sa gitna ng mga reklamo tungkol sa mabagal pa ring internet connection sa bansa, Senator Bong Go sinabing wala nang dahilan ang mga telco companies para hindi ayusin ang kanilang serbisyo dahil pinabilis na ng pamahalaan ang pagproseso sa kanilang mga dokumento. Narito ang report:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Sa patuloy na pag-iikot ng opisina ni Senador Bong Go kasama na ang iba pang ahensiya ng pamahalaan para mag-abot ng tulong, nasa tatlondaang residente ng Legazpi City, Albay na nasalanta ng nagdaang bagyo ang nahatiran ng ayuda. Panoorin po natin ito:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Kasabay ng umiiral na price cap sa mga ibinibentang karne ng baboy at manok sa Metro Manila, sinimulan na rin kahapon ng Kagawaran ng Agrikultura ang pagbibiyahe ng live hogs mula sa mga probinsiya na walang naitalang kaso ng African Swine Fever. Para pag-usapan iyan, we are joined by the Department of Agriculture Secretary, Secretary Willie Dar. Magandang umaga po sa inyo, Sec. Dar.

DA SEC. DAR: Magandang umaga po naman, Sec. Martin and Usec. Rocky. Good morning to all of us.

SEC. ANDANAR: Ilang live hogs na po ang naibiyahe ninyo at saan-saang probinsiya nanggaling ang mga ito, Secretary Willie Dar?

DA SEC. DAR: Kaninang umaga po ay may dumating galing diyan sa … 27 metric tons na live hogs. Ito ay more than 260 ito na baboy. At ito iyong unang trucking na galing diyan sa—nandoon ako noong Friday at Saturday, at kinausap po natin ang iyong Socospa, iyong Southern Cotabato Swine Producers Association at iyong commitment nila under the leadership ng Socospa lead by their president, Clint Edward Ang, magpapadala po sila regularly sa Metro Manila ng 10,000 hogs every week. So tuluy-tuloy po iyon.

At mayroon kaming DA transport assistance, kada kilo na ipapadala, iyong mga properly coordinated na mga hog raisers at ibinebenta po nila dito Metro Manila ay magbibigay po tayo basta galing diyan sa Mindanao ay P21.00 po ang ibibigay po namin. Kagaya sa GenSan, ang usapan po ay ang farmgate price nila ay P144.00/kilo live at mayroon kaming idagdag kada kilo na P21.00, so iyong landed price na dito sa Metro Manila farmgate ay 165 wholesale price na dito sa Metro Manila.

SEC. ANDANAR:   Saan namang mga palengke ibinagsak ang mga alagang baboy na ito?

DA SEC. DAR:   Ito po, iyong dumating kanina ay pumunta dito sa slaughterhouse dito po sa Antipolo at kapag na-slaughter na iyan ay para dito sa Metro Manila markets malapit sa Antipolo.

SEC. ANDANAR:   Paano po ang sistema sa pag-avail ng libreng shipment na ito ng mga baboy papuntang Maynila? At ulitin po natin ulit kung magkano iyong subsidy, P20.00-21.00 ba kada baboy o kada kilo? Let’s clarify it, Secretary Willie.

DA SEC. DAR:   Sec. Martin, P21.00 basta galing Mindanao iyan kada kilo ng live, even pork in a box, properly coordinated with the regional field office sa ating rehiyon. Kagaya po sa GenSan ay mayroon tayong regional field office diyan sa SOCCSKSARGEN, sa North Cotabato at sila po iyong magbibigay ng sertipikasyon na they can claim P21.00 kada kilo na ibinibenta nila dito sa merkado sa Metro Manila.

SEC. ANDANAR:   Isa sa mga iniinda ng mga nagbibiyahe ng mga baboy ay ang mabagal daw na proseso at mataas na presyo ng pag-aayos ng required documents para sa pagbiyahe ng mga baboy. Isa rin sa sinasabing dahilan kung bakit hindi nila basta-basta maibaba ang presyo ng pork products sa merkado. Mayroon bang long term plan ang DA para tugunan ito, Secretary Willie?

DA SEC. DAR:   Yes, Sec. Martin. Bago ko sagutin iyon, gusto kong kumpletuhin iyong aming DA transport assistance. So, for the whole of Mindanao bringing it to Metro Manila, P21.00 per kilo, iyon ay transport assistance galing DA. Basta iyong farmgate price, we are going to work together to determine the farmgate price, tapos itong P21.00 ay idadagdag na lang doon.

Now, dito sa Visayas naman ay kasama ang Bicol, MIMAROPA at saka extreme North Luzon, mayroon tayong P15.00 naman ng DA transport assistance – quince! Fifteen pesos per kilo. Now, the rest, kagaya ng CALABARZON at Central Luzon ay P10.00 po ang transport assistance. So, klaro na po iyon. Iyon po ay ibibigay namin, magpalista lang sila, may dokumento at kung saan nila dadalhin dito sa Metro Manila, alam namin lahat at para mabigyan sila ng DA transport assistance.

Another way, kung mayroong assets na mga trucks, kami na ang magpondo ng mga gasolina na kailangan para maiparating natin dito sa Metro Manila. So, iyon po.

Now, doon sa katanungan ninyo, we will further streamline iyong permitting process. Iyong mga permit kasi ngayon, tama po kayo ang daming gustong magbigay ng permission bago makalabas at dapat isi-simply po natin iyan. Ease of doing business, para sa ganoon ay mas mabilis iyong pagdating ng mga baboy dito sa Metro Manila at saka hindi naman bureaucratic – masyado naman ang mga iba’t-ibang involved dito sa negosyo sa hog industry.

So, umasa po kayo, Sec. Martin, i-streamline po namin ito iyong pamimigay ng permit. At nakikiusap po kami sa mga local government units. Kasi may balita po kami even the barangays are now taxing, magbibigay ng permit, mayroon na ring tax. Huwag naman nating gawin iyan ngayon na may kaunting problema tayo sa supply ng baboy dito sa Metro Manila.

SEC. ANDANAR:   Secretary Willie, para po sa mga kababayan natin, in layman’s term lang po, kung titingnan natin iyong buong food chain ng ating hog industry – alam natin mayroong problema doon sa ASF and then now we have the transport problem. Alin po ba doon sa pinaka-food chain sa hog industry nagkakaproblema kaya mataas po ang presyo?

DA SEC. DAR:   Ang problema na nakita po natin, Sec. Martin, nitong nakalipas na tatlong weeks, iyong mga biyahero, iyong mga traders at saka wholesalers dito lang sa Metro Manila, sila po iyong nagdidikta na ng mataas na presyo. Pagpunta na nila sa kanayunan nagkokompetensiya na sila na itaas iyong presyo, iyong farmgate price mas lalo.

So, iyon, ibinabalik po natin iyan na iyong tamang lebel lang ng farmgate price at mamanmanan natin iyan para hindi maabuso. Inaabuso kasi ng mga biyahero, mga traders at mga wholesalers at iyon ang pinaka-major problem natin ngayon.

Noong last, bago mag-Christmas ay ang ganda naman ng takbo ng mga presyo. Alam natin na na-doble iyong demand dito noong Christmas season pero hindi na bumaba iyong presyo ng karne ng baboy, so minabuti po natin na itong price cap ay tututukan natin at makiusap po tayo sa mga hog raisers. Alam din namin na tumaas iyong cost of production that’s why nag-adjust rin tayo at alam natin kung ano iyong tamang farmgate price.

Mayroon tayong continuous monitoring at mayroon tayong datos na magpapatibay na tama po iyong ating mga farmgate price levels.

SEC. ANDANAR:   Secretary Willie, magkano po ba iyong katanggap-tanggap na farmgate price para po sa Department of Agriculture?

DA SEC. DAR:   Ang katanggap-tanggap, kasama na doon iyong ibibigay namin na transport cost ay nasa P165-171. P165 kasama na iyong transport assistance na ibibigay ng DA. So, let me repeat P165.00 ang farmgate price hanggang P171, kasama na doon iyong DA transport assistance.

SEC. ANDANAR:   Okay. Doon po sa Region X, Secretary Willie, tayo po ay nagkausap kanina about dito sa Bukidnon. They say sa Bukidnon that the hog raisers have enough hogs to supply Metro Manila but they also have other problems. Halimbawa, iyong in-announce ng Monterey na isasara nila, halimbawa, ang kanilang kumpanya at hindi na sila tatanggap ng mga hogs mula sa mga hog raisers doon sa Bukidnon and this is a big problem for the hog raisers there kasi sino ang susuplayan nila? Ano po ang hakbang na ginagawa ng Department of Agriculture sa problema po ng ating mga magsasaka, ng ating mga hog raisers diyan po sa parte ng Bukidnon?

DA SEC. DAR: Tama po kayo. May balita—may report na galing sa ating Regional Director sa Region X at may hearing bukas na dadaluhan ng ating Regional Director at during this hearing, lahat po iyong mga katanungan ay doon mabibigyan ng linaw.

Basta kami sa Kagawaran ng Pagsasaka ay handang tumulong na magbenta ng mga baboy dito sa Metro Manila.

Number two, handa rin po kaming magpatuloy na iyong mga gustong mag-repopulation mas lalo na iyong mga commercial hog raisers at ang backyard hog raisers ay may financing assistance na ibibigay po natin.

Doon sa mga commercial hog raisers, Sec. Martin, mayroon na tayong na-generate na funding facility for loans an concessional rates. Ang Landbank of the Philippines ay nag-allocate ng 15 billion pesos para sa commercial hog raisers loan facility. Ganoon din ang Development Bank of the Philippines, 12 billion pesos at concessional rates. So 27 billion pesos po ay made available for commercial hog raisers to continue to tap and repopulate for now and for the long term.

Now para sa mga backyard hog raisers, of which 65% of them are really comprising iyong hog industry in the whole country, mayroon din tayo repopulation program na almost reaching na 1 billion pesos at ibibigay po natin sa mga backyard raisers na mag-clustering. Dapat may hog raising—collective hog raising para mas ma-secure pa nila, maisakatuparan po nila iyong biosecurity measures. So lahat po ito mayroon tayong—on top of that, mayroon loan assistance para sa backyard hog raisers na zero interest, payable in 5 years. Iyon po, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Thank you so much sa paglilinaw, Secretary Willie Dar. Puntahan natin ang mga tanong naman ng media mula kay Usec. Rocky Ignacio.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Martin. Secretary Dar, tanong po mula kay Leila Salaverria ng Inquirer: Aside from transport assistance, ano daw po iyong response ng Department of Agriculture sa pork holiday?

DA SEC. DAR: Well dalawang bagay iyang pork holiday, Usec. Rocky. Iyong consumers group ay nananawagan na iyong protein sources ay hindi lang naman baboy, puwede kayong bumili ng manok, mga isda kagaya ng tilapia, bangus at ito rin vegetable legume. So iyon po isa sa adbokasiya natin, so suportado natin iyon na isang panawagan.

Iyong pork holiday naman ng market vendors, iyon po mayroon akong natanggap na report kanina, kami po ay nananawagan sa mga meat vendors na ito iyong panahon po na tulung-tulong at kami po ay magpaparating galing iba’t ibang lugar ng mga baboy na mas mura para itinda po ninyo.

Number two, magpapautang din kami sa mga market vendors na miyembro ng asosasyon dito sa iba’t ibang parte ng Metro Manila, pautang po, zero interest at para mayroon kayong kapital. Alam namin na kayo ay under the mercy of the wholesalers dito po sa Metro Manila. So iyon po ang aming gagawin.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po Cleizl Pardilla ng PTV News; ganiyan din po ang tanong ni Miguel Aguana ng GMA News at ni Maki Pulido ng GMA News: Para daw po mabawasan ang presyo ng baboy, nag-commit po ang DA sa Senado ng P30 subsidy sa mga trader. Paano ninyo po gagawin iyong pagbabayad sa subsidy sa mga trader? May listahan po ba kayo ng trader na bibigyan ninyo po ng subsidy at ano po ang magiging requirement?

DA SEC. DAR: Ganito, nasabi ko na kanina iyong DA Transport Assistance ang tawag po namin iyon at iyong mga nagbababoy na nagbibenta following the farmgate price ay… sila na rin kasi nagpapa-trucking. So iyong transport assistance galing Mindanao ay P21 kada kilo, iyon po. Now iyong mga traders na dapat namang bibili sila doon sa farmgate price na iyong dating farmgate price, hindi iyong gusto nila na farmgate price. At kung nabili nila doon sa dating farmgate price ay magbibigay po kami ng P21 so makapag-ugnayan lang sa mga regional field offices namin at mayroon documentation po iyon.

USEC. IGNACIO: [Off mic] Cleizl Pardilla ng PTV: Sabi po daw ng Meat Dealers Association, imbes na dealer o biyahero, ibigay na lang daw po sa hog raiser para bawas agad presyo sa farmgate o iyong cost po ng baboy na bibilhin nila plus may listahan pa kayo ng hog raiser. Ano po ang masasabi ninyo sa ganitong suggestion, Secretary?

DA SEC. DAR: Mas gusto namin iyong ganoon. Kagaya iyong usapan namin sa GenSan, sa mga South Cotabato swine producers, sila kasi iyong nagbibenta dito sa Metro Manila at ibibigay namin iyong P21 na transport assistance kada kilo galing Mindanao, iyan P21. Dito naman sa Visayas kasama ang MIMAROPA, Bicol at extreme North Luzon ay P15 naman ang transport assistance natin. Kung magmula po dito sa CALABARZON at Central Luzon, P10 per kilo ang transport assistance.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay April Rafales ng ABS-CBN: Supermarkets say that they were not informed daw po na included na sila sa price cap ng chicken and pork. Any clarification about this daw po?

DA SEC. DAR: Overall ang aming partner, ang Department of Trade and Industry ay sila po iyong—ang partikular na kasama po doon sa pork na nasa supermarket ay iyong labeling ng imported pork at dapat sumunod din sa price cap sa baboy.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Mads Miraflor ng Manila Bulletin: Have you penalized anyone for price manipulation on pork and rice?

DA SEC. DAR: Dito po sa bagong yugto ng price ceiling ay we are building up cases. Mayroon tayong minamanmanan po.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Mayroon na kayang updates sa ongoing study ng government to adjust the Minimum Access Volume for pork products? If yes, na-submit na po kaya ito kay Pangulong Rodrigo Duterte for consideration?

DA SEC. DAR: In principle, the President has already approved iyong MAV plus. Nasa proseso lang po tayo para wala namang masabi na walang consultation ang nagawa.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Maki Pulido ng GMA News: Drawing daw po ang sinasabi ng Department of Agriculture na P140 per kilo na farmgate price. Kung mayroon man po niyan, nasa Mindanao and Visayas pa which means it would have to be transported to Manila. The transportation would add cost and DA said last week that the agency itself will buy from the farm and bring the meat to Manila. How much is DA spending on this using government funds?

DA SEC. DAR: Ito nga sa GenSan nasabi ko na kanina, Usec. Rocky, mayroon kami nang usapan na iyong transport assistance ay P21, iyong farmgate price ay P144 so iyong landed price dito sa Manila P165.

USEC. IGNACIO:  Opo.  Tanong po ni Aileen Taliping ng Abante Tonite: Ang sabi po ng Pork Federation Producers of the Philippines, Mayroong ACEF or Agricultural Competitiveness Enhancement Funds and DA na galing po sa mga collected tax sa pork imports. Sana daw po ay gamitin ito ng gobyerno para itulong sa mga hog raisers na naapektuhan daw po ng ASF. At kung pupuwede po sana ay bayaran ng P10,000 instead of P5,000 ang mga baboy na isinailalim sa culling dahil luging-lugi umano sila?

DA SEC. DAR:  Iyon namang ACEF funding nandoon po sa Landbank iyon, 1.4  billion kada taon at pinapautang iyan 2% interest para sa mga farmers iyan including backyard hog raisers. Mayroon kaming special funding this time around na zero interest para mag-repop din iyong backyard hog raisers. Ang requirement ay dapat sumunod sila sa mas mataas na antas ng bio-security.

USEC. IGNACIO:  Okay, salamat po, Secretary Dar.

DA SEC. DAR:  Salamat po, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR:  Salamat po, Secretary Willie Dar ng Department of Agriculture. Mabuhay po kayo.

DA SEC. DAR:  Mabuhay po kayo, Sec. Martin. Mabuhay po kayo, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Salamat po, sir. Samantala, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR:  Kahapon ay bumaba naman sa 26,333 ang active cases sa bansa ng COVID-19. Ito na po ang pinakamababa na bilang sa loob ng tatlong linggo. Last week ay mahigit 5% ng total cases ang mga aktibong kaso. Kahapon ay nasa 4.9% na lang ito. Ang pagbaba ng active na cases na ito ay dahil sa 11,388 cases na recoveries kahapon kung saan halos nasa kalahating milyon na ang mga gumaling sa bansa mula sa COVID-19. 1,790 naman ang naitalang bagong nahahawaan ng sakit, habang 70 po ang nasawi. Sa kabuuan, nasa 537,311 na ang   bilang ng mga nagkaroon ng COVID-19 cases sa bansa. Samantalang 11,179 naman ang mga nasawi.

USEC. IGNACIO:  Sa nakalipas na isang linggo ay hindi po sumampa sa 2,ooo mark ang daily reported cases kumpara sa mga nakalipas na linggo. Nasa 93.5% naman sa active cases ay mild at asymptomatic, 3% naman nag kritikal, 2.9 ang severe. Samantalang .67% ang moderate cases.  Para po matiyak ang ating kaligtasan at maging ang ating mga kasama sa bahay o trabaho, isuot po ng tama ang ating face mask at  face shield, panatilihing mahigit isang metro po na physical distancing at ugaliin po ang paghuhugas ng ating mga kamay. Kasabay po nito, iwasan din po natin ang paniniwala at pagkakalat ng fake news, tangkilikin po natin ang tamang impormasyon mula po sa legitimate media organizations.

SEC. ANDANAR:  Para sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari po ninyong i-dial ang 02-894-covid o kaya ay 02-894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari po ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO:  Linggo na lamang po ang binibilang at darating na po ang bakuna sa bansa. Kaya mahalagang gumagana na po ngayon pa lamang ang mga sistema para po sa maayos na deployment nito hanggang sa komunidad, isa na po diyan iyong operation center. Para po pag-usapan iyan makakasama po natin ngayong umaga si Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje. Magandang umaga po, USec?

USEC. CABOTAJE:  Good morning sa inyong lahat, sa lahat ng nakikinig po.

USEC. IGNACIO:  Usec. Magsisimula na raw pong i-activate ang mga Vaccine Operation Center ngayong February 10. Ano po ang function ng mga VOCs na ito sa ating vaccine deployment?

USEC. CABOTAJE:  Ang mga VOCs po ay parang incident command system sa mga disaster. So, iyon po ang tutulong sa atin para makita iyong kabuaan ng pag-implement ng vaccine rollout. So, mayroon diyan planning, ano ba iyong mga polisiya na nandoon, mag-disseminate ng guidelines para iisa lang iyong pinagdadaluyan ng ating mga information.

Mayroon tayong logistics, titingnan nandiyan na ba iyong mga vaccine, nandiyan na ba iyong ancillaries.

Tapos iyong coordination together with the PNP and the other inter-agency committee. Naka-ready na ba iyong mga babakunahan, iyong ruta ng vaccine, tapos kailangan pa iyong ating tinatawag na finance and logistics na may kaukulang pondo ba, may mga transport mechanism. Tapos kasama na din iyan, katulong ninyo sa Task Group on Demand Generation iyong mga communications. Kung may crisis, kung may nangyaring mga adverse events, matutugunan kaagad iyan at maibibigay sa karampatang ahensiya o kaya iyong Task Group na binuo under the vaccine cluster.

USEC. IGNACIO:  Kada region po ba ay may sari-sarili dapat na Vaccine Operation Center at sino po iyong tatao dito?

USEC. CABOTAJE:  Tama ka. Dapat may counterpart ang national vaccination operation center na regional vaccination operation center. Ang nakalagay po sa guideline, ang regional director po ng Department of Health ang siyang chair, ang co-chair po ay ang DILG. Importante po ang DILG kasi po, ang nagpapa-implement ng pagbabakuna ay ang mga local government health workers ng ating mga local government units.

Ang iba pa pong miyembro ng ating Regional Vaccination Operation Center, parang RIATF din iyan, nandiyan nag DSWD, nandiyan po ang DepEd, nandiyan ang PNP, nandiyan po ang AFP, nandiyan din po ang OCD. Tapos kung may private sector na kasama sa pagro-rollout sa vaccine, isasama din po ang mga iyan sa Regional Vaccination Operation Center. Sa local, mayroon din dapat tayong Local Vaccination Operation Center, para naman makikipag-coordinate dito sa Regional Vaccine Operation Center, Ma’am.

USEC. IGNACIO:  Opo. Binigyan daw po ninyo ng deadline hanggang February ang National Capital Region, Cebu at Davao City   para po sa kanilang vaccination plan. Dito po sa Metro Manila, alin pang lungsod po o bayan ang wala pang approved plan at bakit po kaya natatagalan mag-submit ang ating mga cities sa plano?

USEC. CABOTAJE:  Lahat po ay na-orient na sa paggawa ng National Deployment and Vaccination Plan, may template na po tayo. Hindi po ina-aprubahan ng ating national office iyong mga plano ng ating mga lokal na pamahalaan.  Tinitingnan po natin kung ano pa iyong mga kakulangan at kailangan nating i-provide ng technical assistance. Based on our current na information, na pag-iikot nila Secretary Duque, Secretary Galvez at saka si Secretary Vince, base sa mga CODE visits, lahat naman halos ng mga local government units mayroon ng mga plano. Humihingi lang tayo ng plan, para ma-review natin.

Ang gusto kasi ni Sec. Galvez, talagang simulation, iyong actual na ba na dadating na iyong vaccine, tapos ano iyong kailangang gawin. Kasi doon po tayo magma-master, dapat hindi lang po iyong nasa papel, nakasulat sa papel, pero talagang isi-simulate po, talagang ia-actual. So we wanted them to submit whatever plans they have already made.

USEC. IGNACIO:  Opo, may pahabol na tanong kang po si Joseph Morong ng GMA News: Ang tanong po niya ilang Vaccination Operation Center at saan located. Ano po ang gagawin sa mga iyan at bakit daw po February 10?

USEC. CABOTAJE:  Sa unang bugso, iyong ating Pfizer, kasi special iyong handling niyan, sa ospital lang muna, kais iyong 117,000 doses ay sa mga ospital lang muna natin ibibigay. Kapag dadating na po iyong iba’t ibang klase ng vaccine na hindi  ganoon ka-sensitibo ang paghawak, pag-handle kagaya ng ating Pfizer vaccine ay puwede na pong, iyong naplano na po ng ating mga local na government units, ang ating lokal na opisyal, iyon na po ang ipapatupad. Depende po kung ano at ilan iyong mga dadating na mga bakuna. Mayroon silang mga back up plans.

So, for example for a population of 1,000, mayroon silang these number of vaccination sites and these number of vaccination team para matapos ng 5 to 7 days. At most 10 days na magawa iyan. So, we are also now consolidating, ilan ang mga napo-propose nilang mga vaccination sites at vaccination teams. But eventually ang magde-determine niyan pag dumating iyong bakuna, ilan iyong puwedeng i-allocate natin sa kanila.

USEC. IGNACIO:  Usec., nasa pinal na po ba iyong listahan ng mga healthcare workers na unang mababakunahan ng mga darating na bakuna ngayong Pebrero at kailangan pa po ba nating kunin ang  kanilang consent tungkol dito?

DOH USEC. CABOTAJE:   Sa consent, yes kailangan natin i-secure iyong consent. May pre-screening na may consent pero kung sakaling hindi sila nakapagbigay ng consent sa pre-screening puwede naman sa actual vaccination day. Puwede naman silang pumunta doon at mapapabakuna kasi mayroon naman tayong enough allowance for the number of vaccine kasi ang kinumpute po natin ay depende sa number of health workers na nakalista, hindi po depende sa number ng um-oo kasi mayroon din naman at the time of vaccination baka hindi sila puwede pang bakunahan kasi may mga sakit o biglang magbago ang isip. Mayroon naman iyong hindi magpapabakuna eh biglang gustong magpabakuna, so we will allow this flexibility sa vaccination day.

USEC. IGNACIO:   Usec., kapag nalampasan po ba natin iyong pagbabakuna sa ating  mga healthcare workers, mas mabilis na po ba o mabilis na po nating nakikita itong rollout sa iba pang populasyon?

DOH USEC. CABOTAJE:   Oo. Kasi unang-una, na-practice na ho natin kasi this is the first time that we are doing very big, massive mass immunization. Pangalawa, medyo talagang sensitibo. Iba po ang pag-handle ng Pfizer vaccines kaya we will learn from the experience and we will look at the models iyong mga best practice para ating maipamahagi sa iba-ibang nagbabakuna para kapulutan nila ng aral at further ma-improve iyong kanilang mga plano.

USEC. IGNACIO:   Opo. Bukod daw po sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao, alin pa hong lugar sa bansa ang sa tingin ninyong magiging challenging ang deployment at pagbabakuna, Usec.?

DOH USEC. CABOTAJE:   Sa mga far-flung areas, pero kung ang vaccine naman ay hindi kasing sensitibo ng ating Pfizer na minus 70 to minus 80, kailangan may procedure iyan tapos 5 to 7 days. Iyon sigurong pag-distribute ng ating mga bakuna sa mga malalayong lugar para ma-reach po natin iyong ating mga health workers tapos iyong ating mga ibang frontliners na kailangang i-reach natin.

The other challenge, kapag nagsabay-sabay po iyong dating ng bakuna, we should have a way of how to store kasi very fragile itong mga bakuna, they should be in proper storage tapos kapag nag-distribute ka naka-cold chain siya, nasa vaccine carrier, nasa transport box. Iyon po ang mga challenges distribution at saka iyong administration.

Iyong distribution, binigyan na po ng direktiba ng ating PNP at saka AFP iyong ating mga kapulisan at saka iyong ating military, ang ating uniformed personnel sa mga rehiyon at saka sa mga lalawigan na tumulong sa pag-transport, sa pag-secure ng mga bakuna na ito habang sila ay dadalhin sa ating mga vaccination centers.

USEC. IGNACIO:   Opo. Ito, palagian po itong itinatanong ano po: Paano daw po ang gagawin surveillance naman ng mga healthcare workers sa magkakaroon ng adverse effects ang mga babakunahan at hanggang kailan po ang monitoring nito?

DOH USEC. CABOTAJE:   Sa adverse events, kapag bakuna nila, 30 minutes to 1 hour pinapahintay muna sila sa isang observation room para makita kung may mga adverse events. Pag-uwi na po nila, binibigyan po sila ng mga paalala, mga reminders – “kung ganito ang mararamdaman, ito po iyong i-contact ninyo.”

Tapos ili-link po natin sila sa ating data registry. Mayroon tayong electronic registry in many of the areas. Kung wala man, ibi-blended platform iyan, hindi man kaagad naka-register electronically pero may paraan kung paano sila mai-link.

The observation will take one year para makita natin kung ito ba ay talagang sa bakuna o baka naman hindi sa bakuna. Titingnan din natin kasi based on the reports of the different [signal cut] ang inilista nilang mga side effects ng bakuna. Baka mayroon din tayong makita ng tinatawag nating cluster. May grupo-grupo na ganito ang nararamdaman eh wala naman palang listahan, hindi sinubmit sa listahan ng adverse events. So, iimbestigahan din natin iyong mga iyon.

USEC. IGNACIO:   Opo. Usec., puntahan lang natin iyong tanong ng ating kasamahan sa media ano po. May tanong po sa inyo si Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi po ng healthcare professionals against COVID-19 na dapat pong sundin pa rin ang prioritization ng pagbabakuna at pinapaalala po sa private sector na huwag daw pong manguna sa pagbili ng bakuna. Ano po ang mga safeguards po natin para maiwasan iyong pagsingit po sa prioritization ng private sector at sino po ang dapat magbantay sa prioritization natin?

DOH USEC. CABOTAJE:   Mayroon na pong IATF Resolution na based on the recommendation of the NITAG. Nag-pronounce na po si Secretary Galvez na lahat po ng bakuna ay dadaan sa Department of Health. So kasama ng Department of Health ang NTF para ma-monitor kung sino na iyong mga babakunahan ng private sector.

USEC. IGNACIO:   Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health. Mabuhay po kayo!

DOH USEC. CABOTAJE:   Maraming salamat din! Magandang tanghali!

SEC. ANDANAR:   Samantala, alamin naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service hatid sa atin ni John Mogol. Magandang umaga, John!

[NEWS REPORT BY MILDRED COQUIA/RP TAYUG]

[NEWS REPORT BY PAUL TARROSA/RP ILOILO]

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat, John Mogol ng PBS.

USEC. IGNACIO:   Ayon sa datos ng DOH-Cordillera, bumaba ang growth chain ng pagkalat ng COVID-19 sa rehiyon. Ang balitang iyan tinutukan po ni Florence Paytocan.

[NEWS REPORT BY FLORENCE PAYTOCAN/PTV-CORDILLERA]

USEC. IGNACIO:   Maraming salamat sa iyo, Florence Paytocan ng PTV-Cordillera. Samantala, balita mula sa Visayas. Dalawang indibidwal mula po sa lalawigan ng Cebu nagpositibo sa COVID-19 UK variant. Ang buong detalye hatid ni John Aroa ng PTV-Cebu. John?

[NEWS REPORT BY JOHN AROA/PTV-CEBU]

USEC. IGNACIO:   Daghang salamat, John Aroa ng PTV-Cebu.

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat po sa ating mga partner agency sa kanilang pagsuporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.

At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako ang inyong lingcod, Secretary Martin Andanar ng PCOO.

USEC. IGNACIO:   Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:   Hanggang bukas po muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)