Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Makakasama ninyo po ulit kami upang alamin ang mga napapanahong isyu at balita sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ako po si Secretary Martin Andanar ng PCOO. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. At maya-maya po ay direkta nating makukuha mula mismo sa mga eksperto at kawani ng pamahalaan ang mga impormasyong dapat malaman ng taumbayan. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula pa rin po sa PCOO.

SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang isang oras na talakayan, ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa unang balita: Umapela na si Senador Christopher “Bong” Go sa mga meat traders sa bansa na ipagpaliban muna ang isinasagawa nilang pork holiday para sa kapakanan ng mahihirap nating kababayan. Panoorin po natin ang report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, hinatiran ng tulong ni Senator Bong Go at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang mga kababayan nating lubusan na naapektuhan ng pandemya sa Tagoloan-Villanueva, Misamis Oriental. Panoorin po natin ito:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Naghatid din ng tulong ang outreach team ni Senador Bong Go sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo at baha sa Ilagan, Isabela. Nagpaabot ang mambabatas at mga ahensiya ng gobyerno ng pinansiyal na tulong at mga kailangang kagamitan sa mga ito. Narito ang ulat:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Inabutan din ng tulong ang nasa 800 na pamilya sa Santo Tomas, Davao del Norte na naapektuhan ng flashflood dulot ng walang tigil na pag-ulan nito lamang Pebrero. Narito po ang detalye ng balita:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Samantala, maingay na muli ang isyu ng eleksiyon. Nagsusulputan na ang mga pangalang tatakbo sa susunod na taon. Inilabas na rin ng Comelec ang kanilang kalendaryo para sa 2022 presidential election, para pag-usapan iyan at ang new normal scenario ng halalan, kasama natin ngayon si Commission on Elections Chairman Sheriff Abas. Magandang araw po sa inyo, Chairman.

COMELEC CHAIRMAN ABAS: Magandang araw, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: Chairman, ano na po ba ang mga itinakda ninyong araw para sa paghahain ng kandidatura ng mga tatakbo, pangangampanya; at ini-expect ninyo bang tapos ang bilangan ng 2022 elections natin?

COMELEC CHAIRMAN ABAS: Yes, Secretary Martin. Naglabas na po ang inyong Comelec ng initial na calendar of activities at ang pinaka-highlight po niyan ay iyong pagpa-file ng certificate of candidacy. Ang nakatakdang petsa po niyan is from October 1 to October 8. Pero, Secretary, this is initial because titingnan pa natin iyong magiging kalendaryo din ng ating Congress at Senate. But as far as the Comelec is concerned, we fixed it on October 1 to 8.

So doon naman sa campaign period, nakalatag na rin iyan dahil fixed din iyong ating eleksiyon on the second Monday of May. And of course, national, we have 90 days; and then 45 days naman sa local.

So, ang gagamitin nating Sistema, Secretary Martin, is ganoon pa din, dahil ang pinaka-status quo na batas is iyong automated election system. So, automated pa rin tayo, makina pa rin ang gagamitin natin.

SEC. ANDANAR: Ngayon pa lang ba ay may bilang na po kayo kung ilang party-list ang tatakbo or magpapalista ngayong 2022 elections? May paghihigpit po ba kayong ginagawa sa pag-apruba ng party-list groups since naging mainit na usapin na naman sila kamakailan, dahil hindi naman daw marginalized sector ang kanilang niri-represent.

COMELEC CHAIRMAN ABAS: Yes, Secretary, as of the last election, we have 160 party-list ang na-accredit natin at na-allow na tumakbo. And out of 160, 39 po noon ay na-delist kamakailan dahil sa dalawang reasons: Una, hindi sila nanalo sa dalawang eleksiyon; Pangalawa is inactive na iyong ibang mga party list. So out of 160 minus 39, 121 na lang iyong ating mga party-list na accredited. But open na rin po ang Comelec sa mga panibagong accreditation or re- registration or re-accreditation ng mga party-list.

So, doon naman sa kung hindi sila marginalized, alam ninyo Secretary Martin, hinihimay po talaga ng Comelec iyan at hindi po basta-basta kaming nag-a-approve o nag-a-accredit ng mga party-list. At sa katunayan po, sa lahat ng nagpapa-accredit na party-list, 20% lang po iyong naa-approved.

SEC. ANDANAR: Kailan naman po maglalabas ng final guidelines o protocol ang Comelec para sa pangangampanya this 2022 election?

COMELEC CHAIRMAN ABAS: Ongoing pa po iyong aming proseso diyan, Secretary, dahil hinihimay pa po namin halos lahat ng protocols from canvassing, from filing, from bilangan, lahat. So, siguro mga end or last quarter ng taong ito.

SEC. ANDANAR: Plano raw pong i-ban ang face to face na pangangampanya? Ano po iyong mga nakikita ninyong advantage at disadvantages nito at paano ninyo imu-monitor ang online campaigning upang matiyak na pasok sila sa allowable campaign spending?

COMELEC CHAIRMAN ABAS: Yes, actually wala pa po tayong fixed na guidelines regarding sa kampanya. Iyong mga lumabas na iba-ban iyong face to face, ito ay mga kuro-kuro lang o opinyon ng iba nating opisyal. But as to the official policy of the Comelec, wala pa po tayong inilalabas.

SEC. ANDANAR: Tuwing eleksiyon, hindi na po bago iyong siksikan sa mga eskuwelahan. Ngayong pandemic para maiwasan ang mass gathering, isa po sa pinaplano ninyo ay gawing limang botante na lang kada presinto ang papasukin. At bukod diyan ay balak din po i-extend ang voting hours. Ano naman po ang nakikita ninyong pros and cons dito?

COMELEC CHAIRMAN ABAS: Yes, Secretary, actually pinag-aaralan namin iyan at tinitingnan namin iyong tagal ng pandemic kasi kung aabutan tayo ng eleksiyon nitong pandemic na ito maghihigpit po tayo sa ating mga health and safety protocols. Sabi na nga namin, itong plebisito sa Palawan this March 13, titingnan naman kung effective iyong mga ilalatag naming polisiya. Tama po kayo, ang aming naging polisiya sa plebisito sa Palawan which most likely gagawin din namin sa panahon ng halalan is limang tao lang po ang puwedeng pumasok sa bawat presinto at ili-limit din natin iyong mga watchers ng mga pulitiko at of course, hihigpitan natin iyong health and safety protocols like iyong pagsusuot ng mask at saka face shield. So marami po tayong ilalatag diyan but depende pa rin po iyan sa magiging assessment ng ating mga health experts lalo na po iyong ating national IATF. So susunod po kami sa ano mang magiging mungkahi ng ating mga health experts.

SEC. ANDANAR: Paano po natin matitiyak ang kaligtasan din ng mga guro na magiging Board of Election Inspectors natin? Isa ba sa mga requirements ay kailangan silang magpabakuna?

COMELEC CHAIRMAN ABAS: Ang pagbabakuna, Secretary, is a mandate po ng DOH at pati national government.

SEC. ANDANAR: Okay so nag-freeze. Sayang ang dami pa nating tanong Rocky, pero balikan natin, susubukan nating mag-reestablish ng ating linya ng komunikasyon kay Chairman Abas, dahil ang daming tanong. I’m sure may mga katanungan din ang mga kasamahan natin sa media.

USEC. IGNACIO: Opo, Secretary.

SEC. ANDANAR: Samantala, alamin na natin ang pinakahuling sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Narito po si Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

(NEWS REPORTING)

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Ria Arevalo mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Secretary Martin, susubukan po nating balikan si Chairman Abas ng Commission on Election, maya-maya. Samantala, kaugnay naman po sa paparating na COVID-19 vaccine at iyong sinasabi pong adverse effects nito sa mga mababakunahan, makakausap po natin ang isang internist at allergist and Head ng Task Force COVID-19 Adverse effect, si Dr. Maricar. Magandang umaga po, doctor?

DR. ANG: Good morning, magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Kahapon po nabanggit ng Department of Health na ang posibleng bilang po ng mga magkaka-adverse effects lamang ay nasa 300 kada tao[sic]. Paano po ninyo nakuha ang numerong ito at ito po ba ay para sa lahat na ng brand ng bakuna?

DR. ANG: I don’t know where they got their data. So, hindi po sa amin iyon. Pero what I can tell you is based on data worldwide. Depende po sa adverse effects na sinasabi, kung itong mga local reactions or reactogenic na systemic reactions. Iyon po bang karaniwang side effects ng mga bakuna. Iyon po siguro iyong data nila. So iyon po ang pinaka-common, iyong mga mild to moderate lang po iyan at saka mawawala po in 3 days. Pero iyong mga severe po na allergic reactions, rare lang po iyon.

So far we have the data on the mRNA vaccines katulad po ng Pfizer and Moderna. Sa Pfizer po, 5 in 1 million po ang anaphylaxis; sa Moderna around 2.5 or 2.8 per million.

USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Ang, nabanggit ninyo iyong sa allergy bihira lang—tama po ba ang dinig, bihira lang po nangyayari ‘pag naturukan ng bakuna?

DR. ANG: Opo, bihira lang.

USEC. IGNACIO: Kahapon po ay inaprubahan na ang EUA ng Sinovac. Bilang hepe po o chief ng Task Force for Adverse Effect, kasama po ba kayo sa nag-aaral na maaari namang maging side effect ng bakunang ito; at kung mayroon man po, ano po iyong lumabas sa mga isinumite nilang dokumento?

DR. ANG: First of all, iyong mga data private po iyon so I’m sure the Vaccine Expert Panel of the FDA had the first [unclear] on the data of what they submitted.

But so far po sa pagkakaalam ko, mild to moderate side effects po ang common sa Sinovac and there has been no recorded anaphylaxis po sa kanila based po sa World Allergy Organization na position paper; ito po iyong pinaka-latest.

USEC. IGNACIO: Dr. Ang sa isa pong news release ng WHO kahapon, magkakaroon daw po ng ‘no fault compensation program’ para po sa severe allergic and adverse effects ng COVID-19 vaccines, ito po ay pangungunahan ng kumpanyang Job Limited. Pakikinabangan daw po ito ng 92 low and middle income countries, kasama po ba ang Pilipinas dito; at kung may ganitong kasunduan, kakailanganin ba natin iyong tinatawag pong indemnification law?

DR. ANG: Ma’am, I don’t think I’m the right person to comment on that because I’m not part of the agency who’s in charge of that. We’re a private entity po sa Philippine Society of Allergy, Asthma and Immunology. All we can do is give advice ‘no to the government so I don’t think I can answer that.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po iyong maraming tanong ano po. Marami pong mga kababayan natin iyong takot na magpabakuna dahil sa mga fake news na posible itong nakakamatay. May mga tala po ba o kaso na po ba ang mga taong nabakunahan sa ibang bansa at ito mismo iyong ikinamatay nila, Doc.?

DR. ANG: Wala naman po. Wala pa pong na-prove na may namatay because of the vaccination to any COVID vaccines. Wala pa pong proof na associated iyong mga namatay sa bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Joseph Morong ano, paki-elaborate daw po: Why did we not advice Pfizer to be used for healthcare workers; bakit mas mahina ba ‘pag healthcare workers? Paki-elaborate daw po.

DR. ANG: I don’t think its Pfizer. I think they mentioned Sinovac.

USEC. IGNACIO: Opo. Okay, kung Sinovac po iyon. Baka nga po naano si Joseph—

DR. ANG: Opo, Sinovac po iyon.

USEC. IGNACIO: Paki-elaborate daw po na hindi advisable na gamitin ito para sa healthcare workers.

DR. ANG: So ang pagkakaalam ko po based siguro doon sa Vaccine Expert Panel ng FDA na nagbigay ng Emergency Use Authority, baka po based doon sa data na binigay ng Sinovac sa kanila. So iyong efficacy po sa healthcare workers, nasa mga around 50% lang po kasi. High risk po iyong mga healthcare workers na magkaroon ng COVID. So from what I heard, from what I’ve read, mas effective po iyong—mas mataas po iyong efficacy noong Sinovac sa healthy individuals, 18 to 59 years old. That’s why iyon siguro po ang basis ng kanilang recommendation.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., ano na lang daw po iyong mga common side effects na maaring maranasan ng isang taong mababakunahan?

DR. ANG: Ang common na side effects, siyempre masakit kung saan iyong site ng injection so it’s a local reaction – masakit, puwedeng namumula or namamaga, usually nawawala naman iyan 1 to 3 days. Iyong ibang systemic side effects puwedeng lagnatin or panghihina ng katawan, headache ‘no, masakit ang ulo so it should go away in a few days.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po iyong lagi ring tinatanong sa—mga maraming tanong po iyong nagtatanong nito ‘no. Doc., may possibility po ba na masolusyunan o puwede bang maiwasan itong mga side effects na ito sa taong magpapabakuna?

DR. ANG: Wala pong data na kailangan nating mag—tinatawag na pre-medications or iinom ka ng gamot before ka makapa-injection. Kasi po iyong CDC they advised against it kasi po wala pong parang evidence na it will not affect your immune response to the vaccine. So itong mga side effects kung lumabas man, saka na lang bibigyan ng gamot. So usually supportive care – paracetamol, inom nang maraming tubig, cold compresses on the site of injection. So wala—kasi po expected po iyong side effects kasi you’re stimulating your immune system ‘pag binigyan ka ng bakuna. So it’s expected na magri-react talaga iyong katawan sa bakuna. So you will feel the pain, the fever.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano naman daw po iyong paghahanda na dapat gawin ng isang taong makikilahok sa ating vaccination program? At ano po iyong dapat gawin kung halimbawa sa bahay ka na dinatnan ng adverse effects, maaari ba iyon Doc.? Kasi ang alam ko po once na nagkaroon na nga po ng rollout ang gobyerno, binakunahan ka, mayroon pong 30 minutes na kailangan mag-stay ka sa vaccination center ano po. Pero mayroon na po bang nangyari o pagkakataon na posible pong iyong adverse o iyong side effects maranasan after 30 minutes na nakauwi na sa bahay?

DR. ANG: Opo. Ang DOH naman mayroong protocols in place so mayroong mga pre-vaccination screening na tinatawag. So hindi naman kasi basta-basta na i-injection-an ka lang. So mayroong mga tinatanong, iyong mga ibang sakit mo so ina-analyze ng magbabakuna iyan, noong mga doktor kung puwede kang bakunahan. Tapos mayroon iyong education iyan, ini-educate iyong babakunahan. Mayroon ding kukuha ng consent ‘no before you will be vaccinated. Then after the vaccination, you will be observed for at least 30 minutes for any true allergic reactions and side effects.

Totoo po na puwedeng lumabas iyong mga side effects ‘pag nakauwi na po kayo sa bahay. So may mga instructions na ibibigay sa mga nabakunahan kung kailan po tatawag sa kanilang doktor, kailan bumalik sa ospital. So iyong true allergic reactions can happen within 4 hours after the vaccination o iyong mga side effects po puwede pong kinabukasan pa. But usually ‘pag medyo matagal na po ang interval, usually they are milder. So mayroon po talagang instructions on when to seek consultation.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., bilang Head po ng Task Force COVID-19 Adverse Effect, sa palagay ninyo po ba makakatulong kung ipu-post nila sa social media iyong mangyayari sa kanila sakali pong makaranas ng side effect? Ito po’y makakatulong ba sa inyong gagawing pag-aaral o pagtulong na makikita ninyo po sa social media?

DR. ANG: May tamang forum po diyan sa reporting. So mayroong in charge din na grupo, iyong adverse effects following the immunization na group so may national, may regional po. So dapat mag-report iyong mga pasyente na may naramdaman para po ma-analyze po na mabuti if it’s really due to the vaccine or not, if it’s true allergy or not. So iyon po ang mas nakakatulong kasi po baka po maraming natatakot kung magpu-post doon sa social media without proving na dahil po doon sa vaccine ang epekto ng nangyari sa kanila… to report to the correct agency.

USEC. IGNACIO: Opo. When you say po sa correct agency, ano po ang maipapayo ninyo dito sa mga makakaranas ng ganitong side effects, saan sila pa maaaring mag-report? Kayo po ba ay naglatag na ng mga maaaring puntahan ng mababakunahan na sa agarang tulong na kailangan po nila, Doc.?

DR. ANG: Opo. Mayroon po silang copy kung saan sila tatawag. May mga emergency hotline po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po. Kunin ko na lamang po ang mensahe ninyo, Doc, sa publiko at upang mawala po ang kanilang agam-agam sa pagpapabakuna kontra COVID-19.

DR. ANG: So, I would like everybody to know na mas malaki po ang benepisyo ng magpabakuna kaysa po iyong risk ng adverse reactions. Kung mayroon man, usually iyong mga mild to moderate na local and systemic side effects.

Iyon pong kinatatakutan natin na severe allergic reactions, rare po iyon and usually documented iyan sa mRNA vaccines. But ganoon pa man, mayroong mga doctors po na magbabantay post vaccination. They are trained to recognize and treat severe allergic reactions.

So, I hope everybody will consider having themselves vaccinated. Thank you.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong paglilinaw, Dr. Maricar Ang. Mabuhay po kayo, Doc.

DR. ANG: Thank you, thank you.

USEC. IGNACIO: Secretary, alam ko ikaw kasi nitong mga nakaraang linggo, Secretary, naglilibot ka rin para ipaliwanag sa ating mga kababayan iyong kahalagahan ng pagpapabakuna. So, kumusta po iyong ginawa ninyong paghikayat doon sa ating mga tao na ito talagang bakuna na ito ay kailangang kunin at ibigay sa ating mga Filipino?

SEC. ANDANAR: Marami tayong mga nakakausap sa mga kababayan natin. talaga namang natatakot dahil sa nangyari doon sa Dengvaxia pero ang good news ay sinasabi nila, ng mga nakakausap ko on the ground na kapag nakita na namin na nandiyan na iyong vaccine at nagpapabakuna na iyong aming gobernador, aming mayor, aming mga barangay captain at iba pang mga nagtatrabaho sa gobyerno ay hindi na rin malayo na magpabakuna sila.

Ang hinihintay nila ay iyong dumating iyong bakuna – kasi pinag-uusapan natin ang bakuna ngayon, we are trying to convince the majority of the Filipinos na magpabakuna pero wala pa naman diyan iyong bakuna – so, napakahalaga talaga. Sinabi rin sa akin ng isang gobernador sa Caraga na kapag nagsimula na iyong cascading ng information sa mga LGUs ay mas mapapabilis at tataas ang kumpiyansa ng mga kababayan natin.

So, sa ngayon, we are very thankful na mayroon tayong mga doktor, mga eksperto na—

USEC. IGNACIO: Naipapaliwanag.

SEC. ANDANAR: Naipapaliwanag and of course they are vouching for the efficacy of the vaccines. Iba-iba kasi ang efficacy niyan eh, iba-iba ang efficacy ng mga vaccine na iyan but all we need to do is Google it. Tingnan natin kung anong nangyari sa Indonesia, ang nangyayari sa Europa, ang nangyayari sa Amerika at makikita natin pati iyong mga first world countries ay nagpapabakuna.

USEC. IGNACIO: Yes. Kasi nga sinasabi, Secretary, na kapag hindi ka nagpabakuna parang inilagay mo na rin sa panganib ang sarili mo at ang iyong pamilya at ang mga tao sa paligid ninyo. At ang sinasabi nga eh iyan naman po ay talagang kung nakapasa sa ating mga medical expert, so ibig sabihin iyan po ay safe.

Pero hindi naman po natin maiaalis siyempre iyong takot na mag-alala ang ating mga kababayan. So, tama po kayo, hangga’t kailangang maipaliwanag nang husto – kasi buhay ang pinag-uusapan, Secretary ano po – so, talagang kailangang puspusan ang ating pagpapaliwanag sa taumbayan.

SEC. ANDANAR: Ayun. So, kailangan mong magpabakuna, sabay-sabay tayo.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary.

SEC. ANDANAR: Live on television. Tuluy-tuloy po ang ating balitaan sa pagbabalik ng Public Briefing #LagingHandaPH.

[AD]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Nagpapatuloy po ang ginagawang information education campaign sa Lungsod ng Baguio na layong hikayatin ang mga residente ng siyudad na magpabakuna. Iyan po ang balitang hatid ni Breves Bulsao, live.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Breves Bulsao ng PTV Cordillera.

SEC. ANDANAR: Umakyat na po sa 563,456 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 2,288 ang bagong naitala base sa inilabas na datos ng Department of Health kahapon; 33 naman ang mga nadagdag na gumaling at 6 ang nasawi. Sa kabuuan 522,874 na ang gumaling at 12,094 naman ang nasawi dahil sa COVID-19.

Ang kasong naitala kahapon ang pinakamataas simula ng pumasok ang taong 2021, umakyat din ang bilang ng active cases mula sa 4.7% na ating naiulat kahapon. Naging 5.1% na ng total cases kahapon. 93.8% sa mga aktibong kaso ay mild cases o di kaya asymptomatic, ang critical cases ay 2.7%, 2.6% ang severe at .85% naman ang moderate cases.

USEC. IGNACIO: Ipagpatuloy lang po natin ang pagsunod sa minimum public health standard. Bukod po sa bakuna kontra COVID-19 ay mainam po na panlaban pa rin sa anumang variant ng virus iyon pong tamang pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapanatili ng physical distancing na hindi po bababa sa isang metro at regular siyempre na paghuhugas ng kamay; malaki po ang ating magagawa para tuldukan itong COVID-19 pandemic.

At para nga po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari po ninyo pong i-dial ang 02-894 COVID o kaya ay 02-8942-68-43; para naman po sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaan pong sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari po ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Secretary, mag-i-isang taon na ang ating Laging Handa Public Briefing. March 16, halos mag-i-isang taon ng nasa ilalim ng community quarantine.

SEC. ANDANAR: Hindi ko alam kung celebration ito o commemoration eh. Pero celebration in a sense na marami tayong mga relasyong nabuo, relasyon with the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at nakikita rin natin ang serbisyo publiko, iyong sincerity na binibigay ng KBP na matulungan ang pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Na until now po ay kaagapay natin, katuwang natin ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas dito po sa pagpapahatid ng tamang impormasyon kaugnay po sa COVID-19 dahil kasama po natin sila na tumulong para labanan po ang misinformation at siyempre mabilis pong maipahatid sa mamamayang Pilipino iyon pong impormasyon kaugnay sa COVID na dapat po nilang malaman.

SEC. ANDANAR: Kaya i-remind mo si Kat De Castro na magbayad ng KBP dues. Break muna tayo, magbayad muna tayo. Huwag po kayong aalis at muling magbabalik ang Public Briefing #LagingHandaPH.

(COMMERCIAL BREAK)

SEC. ANDANAR: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Kaugnay pa rin po sa pagpapanatili ng General Community Quarantine sa ilang mga lugar sa bansa gaya ng Metro Manila. Alamin po natin ang reaksiyon ng mga eksperto mula sa UP OCTA Research Team, makakapanayam natin si Dr. Butch Ong. Magandang umaga po sa inyo, Doc.

DR. ONG: Hello, magandang umaga Secretary and Usec. Rocky, salamat po sa pag-imbita sa akin today.

SEC. ANDANAR: Ano po ang reaksiyon ninyo na ni-retain ng Pangulo ang GCQ status sa ilang mga lugar sa bansa gaya ng Metro Manila?

DR. ONG:Actually iyong trend natin since January, the first week of January ay flat ‘no. Ibig sabihin iyong ating number of new cases ay hindi umaakyat at hindi rin bumababa. Pero itong bandang weekend, ngayong weekend lamang ay nakakita tayo ng bahagyang pag-increase ng number of new COVID cases sa pang-araw-araw na report. Nakakita tayo ng pag-increase saw NCR, sa Cebu, sa Baguio ang northern provinces.

So, actually tamang-tama din naman ang pahayag na hindi muna mag-o-open up or mag-i-ease ng restriction ng quarantine, dahil nakakita tayo ng bahagyang pag-increase. So ang reaksiyon namin dito ay this is a timely, responsive move na hindi muna mag-open ang industries.

SEC. ANDANAR: Malaki ba ang maitutulong nito sa pag-manage ng COVID cases hindi lang sa mga GCQ areas?

DR. ONG: Oo. [Unclear] kapag tayo ay nili-limit natin ang mobility ng ating communities ay talaga pong bumababa ang number of cases. Talagang bumababa ang number of cases. Kung naalala ninyo, noong bandang July last year nagkaroon tayo ng two-week time-out. Noong panahon na iyon, after the two-week time-out ay bumaba ang ating number of cases. So, it is a timely theme, a decision, policy decision na bago magkaroon ng surge ay i-minimize na natin ang mobility ng ating communities.

USEC. IGNACIO: Dr. Ong, si Usec Rocky po ito. Saan ninyo po ia-attribute ito, saan po kaya nanggaling ito pong pagtala na mataas na bilang ngayon? Kasi lumampas po tayo ng dalawang libo kahapon, Doc?

DR. ONG: Opo ano, as we have seen the last few weeks no, mayroon na tayong entry ng UK Variant, iyong B.1.1.7 UK variant ng SARS-COV at ito ay nalaman sa mga pag-aaral na mas nakakahawa, mas transmissible ito. So, this is one of the factors na na-attribute namin kung bakit tumataas ang number of cases. Pangalawa, actually this is the case naman sa labas at talagang marami na talaga ang lumalabas ng bahay trying to go back to work. So, iyong mobility is also a factor. We have the mobility and we have the presence of the a variant which is more transmissible.

USEC. IGNACIO: Sa kasalukuyan kasi Doc, nasa 1.22 R-naught (R0) o transmission o infections rate ng COVID-19 sa Pilipinas. Tama po ba ito? Puwede po bang paki-explain kung ano ang ibig sabihin nito? Ito po ba ay dapat ikabahala ng ating mga kababayan?

DR. ONG: Ok, ang reproduction number or iyong R-Naught (R0) na sinasabi natin ay measure ng visibility sa community. Kapag ang R-Naught natin ay 1.0, ang ibig sabihin nito ay ang isang pasyente na may COVID-19 ay makakahawa ng isa pa, one is to one. Kapag ang R-Naught natin ay two, ang isang pasyente ay makakahawa ng dalawa and so on and so port. Ngayon ang R-naught natin ay nasa 1.22 hindi siya tumataas, na hindi siya nakababahala masyado. Pero kung titingnan natin iyong past two weeks na 1.0 lang siya dati, ngayon tumaas siya ng 1.22, tama din naman na we take pro-active measure to bring down to our R-Naught as soon as possible.

SEC. IGNACIO: Opo. Doc, may tanong lang si Joseph Morong ng GMA News: Did you say the increase is because of the new COVID variant, the UK Variant po ba daw ito? Ano po ang basis of correlation?

DR. ONG: Well nakita natin na, for example sa mga probinsiya na tumaas iyong number of cases, sa Northern Luzon provinces, QC at saka sa Cebu yata na nakikita rin yata iyong B.1.1.7 UK variant ay mataas pa rin ang numero. So, the correlation is the genomic sequencing. So sa areas na iyon they took a sample at talagang sinuri ng Philippine Genome Center kung anong variant iyan. So, nakita nila na B.1.1.7 variant at na-correlate lang namin sa Department of Health base on act na doon sa area na iyon ay tumataas iyong mga numbers.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, sinasabi mas mabilis daw pong makahawa itong bagong variant ng COVID-19 kagaya ng nagmula nga po sa UK at dalawang variant ang concern sa Cebu. Makakaapekto ba ito doon sa ating R-Naught o sa reproduction rate ng virus?

DR. ONG: Well, kapag nakapag-institute tayo ng proper measures like iyong pag-restrict ng movement ng mga tao, we can control the spread of this infection. Even if it is a new variant kahit na bago iyong B.1.1.7 UK variant natin na nandito na sa Pilipinas, the measure of iyong ‘Apat Dapat’ first should still – wear mask, social distancing maghugas ng kamay, mag-alcohol and limit the exposure sa public to less than 15 minutes – ganoon pa rin naman ang mga dapat gawin. Now, we have a possible another game changer which is the entry of the vaccine, so, maaari talaga natin makontrol sa pamamagitan ng iyong ‘Apat Dapat’ na iyan ng Department of Health. Maaari na nating i-bring down iyong ating R-Naught natin within the next week or two.

USEC. IGNACIO: Pero masasabi pa po natin na post-holiday surge pa rin itong dahilan daw po ng pagtaas ng kaso na ito ng COVID sa bansa o mayroon po tayong tinitingnan pa ring ibang factor?

DR. ONG: Hindi natin tinatanggal iyong possibility na galing ito sa post celebratory factored natin, kasi sa data-drop ng Department of Health mayroon talagang lag. May one week, around one week lag yan sa pagpasok ng data. So, maaaring galing ito sa mga previous reports na ngayon lang talaga pumasok.

SEC. ANDANAR: Ano pa ang mga lugar na ikinu-consider pa rin bilang COVID hotspot sa bansa?

DR. ONG: Sa Report naming, our latest report which we published noong February 21, hina-highlight namin iyong past high which had a 200% increase of new cases for the last two to three weeks. Another one is Malabon which had a 166% increased cases; sa Pasay from 28 naging 86 ang number of new cases per day; sa Malabon ay 12, naging 32 new cases per day. Another one is Las Piñas at 116% increase daily new cases. The other portion sa bansa natin like Cebu, ang upward trend ng Cebu ay bumaba ng bahagya, so good news sa Cebu pero mataas pa din, ang R-Naught nila is 1.5. Baguio and Kalinga 15% ang kanilang positivity rate, mataas pa din. So, iyon iyong mga areas na tinitingnan namin ngayon.

SEC. ANDANAR: Kumusta po ang pagtutok ninyo sa Cebu muli at patuloy pa rin ba ang pagtaas ng kaso doon at sa palagay po ninyo ay dapat na bang ibalik muna sa mas mahigpit na quarantine restrictions ang lalawigan sa kabila ng pag-aalinlangan ng local chief executives nila?

DR. ONG: Sa Cebu, iyong upward trend kagaya ng sabi ko ay nag-slow down. Iyong R-Naught nila ay 1.5 at sa kanilang positivity rate which is 16%, that means 16 out of 100 that are tested are found positive. Alam mo magandang balita sa Cebu iyong kanilang hospital capacity is at 52%. Ibig sabihin niyan ay there are still beds available, kaya ng health care facilities at health care workers iyong mga kaso sa Cebu. So, the recommendation is still to localize community restriction ng mobility. I-identify ng lalawigan kung ano iyong mga areas – barangay, municipalities – na mataas at i-restrict iyong movements sa mga areas na iyon. So localize lamang, pupuwede na iyon.

USEC. IGNACIO: Doc, may tanong po si Red Mendoza ng Manila Times: Ang sabi daw po ni Gov. Gwen Garcia ng Cebu, hindi daw po niya ia-allow ang testing pagdating ng mga turista. Ano po ang masasabi ng OCTA dito o Reaction ng OCTA? Hindi kaya tataas ang kaso doon sa Cebu?

DR. ONG: Well, para makita talaga ang tunay na situation, in any area, in any lalawigan kahit anong siyudad or probinsiya, kailangan talaga natin ang testing. We need to monitor kung sino talaga, kasi marami sa mga kababayan natin ay asymptomatic ano. So, iyong paglipat ng isang tao from area to another na asymptomatic could become a problem kapag mataas ang viral mode ng traveler na iyon. So, sa amin, we still advocate testing, improved medical testing, improvement of the health care capacity. So, tataasan natin iyong ating number of COVID beds, dadamihan iyong availability ng nurses at doctors. So, all of that taken into consideration, we must able to see the overall picture of what is happening so we can make an informed decision on what to do sa policies.

ANDANAR: Maraming salamat po Dr. Butch Ong ng UP-OCTA Research Group.

ONG: Maraming salamat at magandang araw sa inyong lahat.

MARTIN: At diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Sec. Martin Andanar mula sa PCOO.

IGNACIO: Magkita-kita po tayo muli bukas, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO.

SEC. ANDANAR: Hanggang bukas po muli. Ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center