Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao. Isang oras ninyo po muli kaming makakasama upang maghatid sa inyo ng mga maiinit na balita at mga impormasyon na kapaki-pakinabang sa taumbayan, ako po si Secretary Martin Andanar ng PCOO. Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Sasamahan tayo ng mga panauhin mula sa mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor para bigyan-linaw ang mga isyung napapanahon, ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO.

SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa unang pasada ng balita: Nagsimula na kahapon ang pagbabakuna kontra-COVID-19 sa mga frontliners. Para kay Senate Committee on Health Chairperson Christopher “Bong” Go nangangahulugan ito ng pag-asa na babalik na sa normal ang lahat. Panoorin po natin ang report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, isa sa mga naapektuhan ng pandemya ay ang mga atleta sa bansa dahil natigil ang mga laban. Wala silang pinagkakakitaan kaya naman po namigay ng ayuda si Senator Bong Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan sa mga boksingerong taga-Cebu na hindi pa makabalik. Panoorin po natin ito:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Pinadalhan din ng tulong ng tanggapan ni Senador Bong Go ang mga residenteng naapektuhan ng kalamidad sa mga bayan ng Claveria, Lal-lo, Buguey, Aparri, Peñablanca at Lungsod ng Tuguegarao sa Cagayan. Ang ilang katutubong benepisyaryo lubos ang pasasalamat sa mga bisitang kawani ng gobyerno dahil ayon sa kanila ay bihira makarating ang mga ayuda sa kanilang lugar. Narito po ang ulat:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Naglabas ng pahayag ang DITO Telecommunity na magsisimula na ang kanilang partial commercial operation sa Lunes, ika-8 ng Marso. Ito ay magagamit na raw sa ilang parte ng Visayas at Mindanao.

Para po alamin ang iba pang detalye tungkol diyan, makakausap po natin ang Chief Administrative Officer ng DITO Telecommunity na si Atty. Adel Tamano. Magandang umaga po sa inyo, Atty. Tamano.

ATTY. TAMANO: Secretary Martin and Usec. Rocky, magandang umaga; at salamat po for letting me be on your show. Thank you.

SEC. ANDANAR: Sir, labimpitong bayan sa Visayas at Mindanao, dito ninyo raw po balak buksan ang operasyon ng DITO Telecom sa publiko. Saan-saan po ito at gaano naman po ang magiging lawak ng ibabatong signal?

ATTY. TAMANO: Yeah. Sec. Martin, unang-una salamat po again for allowing me to be on your show.

Ito po iyong mga specific na areas po natin kung puwede ko pong basahin. Unahin po natin sa Davao. So, sa Metro Davao kasali po diyan ang Panabo, Tagum, Carmen, Davao City at Digos.

Sa Metro Cebu naman po, kasali po ang Carcar, Cebu City, Consolacion, Danao, Liloan, Mandaue, Minglanilla, Naga, San Fernando, at Talisay.

Ang desisyon po talaga na magsimula po sa Mindanao, kasi iyong roots po ng DITO ay Mindanao talaga. If you will recall, Sec. Martin, ang original na pangalan po ng DITO is Mindanao Islamic Telephone Company at ang purpose po ng initial franchise ng DITO was to serve the underserved in Mindanao.

Kaya ang naisip po namin na maganda, ang unang commercial rollout po natin hindi po sa Manila kung hindi po sa Mindanao, specifically sa Davao at sa Visayas na rin po, specifically Cebu.

SEC. ANDANAR: Sabay po ba ang launching ng inyong mobile and broadband services?

ATTY. TAMANO: Hindi po, Sec. Martin. Iyong simula po is mobile services first. Minarapat po namin na i-set-up first iyong mobile services. We believed this is iyong pinaka-kailangan po natin at this time. Ang plano po namin perhaps by next year mag-o-offer na rin po kami ng broadband services. Meaning po ng broadband is iyong sa bahay.

Hindi ko po nasagot iyong isang tanong ninyo po, iyang tanong ninyong isa is kung gaano kalawak po iyong coverage po namin. Ang coverage po natin initially po is just 37% and of course, nanghihingi kami ng kaunting pang-unawa sa publiko kasi mahirap po talaga mag-set-up ng network from zero. In fact, Sec. Martin, maraming nagsabi na hindi natin ito kaya but we have passed our first technical audit po and 37% po ng bansa ay covered.

Although to be very clear, it is in this fifteen cities na available tayo for our commercial rollout. Gusto natin paunti-unti po iyong rollout and eventually in a couple of weeks po aabot po naman tayo sa buong bansa.

SEC. ANDANAR: Nagkaroon na po ba kayo ng pre-selling ng mga sim cards at load? Kumusta po ang reception naman ng mga potential subscribers kung saka-sakaling nagbenta na po kayo ng mga sim cards?

ATTY. TAMANO: Wala pa po and in fact Sec. Martin, ang plano po namin medyo kakaiba ang plano namin sa commercial launch. Alam ko sanay po tayo basta commercial launch bongga iyan, may mga opening ng mga stores na malaki, may mga concerts. Kami po ay iba, hindi ko puwedeng ibigay lahat ng detalye but we want our first commercial endeavor to be isang CSR project po, isang CSR project that specifically will benefit iyong mga tao natin sa Mindanao po at sa Cebu.

We want to position ourselves differently po kasi ang DNA naman, iyong puso at diwa ng DITO is really for nation-building and we want our first commercial step to be that, to be a CSR project. Kaya hindi ko po masabi sa inyo, or to answer directly – wala po kaming pre-selling. Iyon ang first commercial step natin and on March 8 puwede na pong bumili ang publiko in those fifteen cities ng mga sims ng DITO Telecom.

SEC. ANDANAR: Napakaganda po niya, CSR. Maraming matutulungan, lalung-lalo na iyong mga magsasaka na nangangailangan ng access to the market and of course, iyong mga estudyante natin na walang internet.

Tama po ba na ang inyong network speed ay nasa 80 mbps to 500 mbps?

ATTY. TAMANO: Iyong sa independent audit po natin, iyong report na ibinigay po sa NTC, iyon po ang mga numerong lumalabas pero, Sec., kung maaari, we do want to also manage iyong expectations ng publiko.

Ang committed average speed po namin is 27 mbps, meaning po iyong commitment natin sa gobyerno is 27 mbps po iyong average speed natin. [Garbled]

SEC. ANDANAR: Yes, understandable po iyan, Atty. Tamano dahil kapag nag-scale up iyong users ay of course babagal din iyong speed but at the same time iyong advantage po naman ay bibilis din iyong mga average internet speed ng mga competitors ninyo dahil nandiyan na ho kayo to share the load of the internet speed para sa mga kababayan natin.

Sa ngayon po, ilang cell sites na rin po ang naitayo ng DITO?

ATTY. TAMANO: As of right now, 1,900 po iyong sites natin na live and we want to emphasize, Sec., na maraming nagsabi na imposible ito, na from zero, at kung noon iyong dalawang telco mga tatlong daan lang every year ang kaya nila, nagawa natin 1,900 sites in less than two years.

So, testament po ito, kung puwedeng sabihin, sa galing ng mga partners natin sa DITO. At gusto ko rin magpasalamat of course, sa Office of the President, kay Sec. Honasan din po ng DICT, at NTC Commissioner Liel Cordoba kasi kung hindi po tayo tinulungan nila specially during the COVID, hindi natin masi-set-up itong 1,900 sites in less than two years na unprecedented po, never po nangyari sa kasaysayan ng telecommunications industry sa Pilipinas and it’s truly because of the strong push of the President to make ICT services better in this country.

SEC. ANDANAR: Gaano po kahalaga itong mga pinirmahan ninyong interconnectivity agreement sa Globe at PLDT?

ATTY. TAMANO: Napaka-importante ito, Sec. Martin, kasi kung wala pong mga interconnection agreements, iyong mga subscribers po ng DITO hindi makakatawag sa Globe at Smart and vice versa. And I think, ito po iyong isang ehemplo na yes, sabihin na natin competitors tayo sa market, pagalingan tayo ng service, and it’s good to have competition para gumanda iyong mga presyo, gumanda iyong serbisyo. But at the same time, there are areas where we can participate and we can partner. And I do have to say thank you to PLDT, I do have to say thank you to Smart and to Globe na maayos po sila at maganda po iyong usapan natin and we will have interconnection services by March of this year.

SEC. ANDANAR: Ang inyong misyon ay dalhin ang connectivity sa mga underserved areas, pero ang inyong network ay capable lamang daw sa mga 4G at 5G phones. Ang mga nakatira po sa probinsiya lalo na sa mga malalayong komunidad ay maaaring hindi pa kaya ang ganitong uri ng devices. Paano ninyo po gagawan ng paraan iyon?

ATTY. TAMANO: Sec. Martin, ito iyong pananaw namin na we have to bring the services that are deserving into these underserved areas. If I can say just two things: Unang-una, iyong commitment namin sa government is 84% population coverage in five years. Never itong nagawa ng dalawang telco, it took them twenty years to have 60% 4G coverage, in five years gagawin natin po almost 90%.

At iyong gusto natin na umabot na technology doon sa underserved areas. Tulad ko po, alam mo naman Sec. Martin, kilala mo ako. My family is from ARMM or BARMM as it’s called now and this is truly an underserved area. Gusto natin dalhin doon iyong tamang technology that will help people have e-commerce, that will help people with iyong online learning na talagang gaganda po iyong ekonomiya at buhay nila. Hindi pupuwede na ang dadalhin natin iyong mga tinatawag na legacy technology na 2G and 3G. So kasali po iyon na ang dadalhin natin is 4G and eventually 5G.

Then ang totoo naman and being someone who has roots in BARMM, iyong mga tao doon may mga devices at may mga computers naman sila na is compatible with 4G and eventually 5G technology. So iyon po ang pananaw namin, ayaw namin magdala ng legacy technology to these underserved areas; let’s bring them the technology that will really help them leapfrog ‘no out of the… let’s say iyong mga economic and social—let’s say problems or issues that they have because wala silang connectivity.

SEC. ANDANAR: Nabanggit ninyo na po iyong dadalhin ninyo itong mga technology na hindi legacy, magbubukas kayo sa pamamagitan ng CSR tapos dadalhin ninyo ang signal sa mga areas na walang signal or underserved ‘no; ito ho talaga ay magiging game-changer ‘no sa telecoms industry. Ano pa ang ibang nakikita ninyo which will make DITO the game-changer dito po sa ating telecoms industry bukod po sa inyong mga nabanggit?

ATTY. TAMANO: Sec. Martin, I don’t want to sound na parang sinisiraan ko iyong mga ibang telcos ‘no pero iba talaga iyong DITO. Unang-una iyong amount of investment ‘no, we are investing 257 billion pesos in 5 years – that is unprecedented. And iyong technology na dadalhin natin po, iyong initial technology is 4G but we will be one of the first countries actually outside of China where they are the leader in 5G technology because of our technology partner Chinatel, we will have the true, iyong tinatawag natin na pure 5G technology in the Philippines.

Now I don’t have enough time, Sec. Martin, to talk about iyong—marami kasing… iyong mga internet of things, iyong mga artificial intelligence – ito iyong mga leapfrogging technology based on 5G that we’re going to be bringing to this country. And again what we want to bring this, the technology na karapat-dapat, this is the technology that our consumers deserve and this will be the game-changers, iyong mga internet of things, iyong mga date data, things that can be used for fintech, things that can be used for—for example, for city planning, things that can be used for, iyong telemedicine, e-commerce. These are the things that 5G technology will revolutionize ‘no basta madala na po natin iyong tunay na 5G into the Philippines or the pure 5G as we call it by next year hopefully.

USEC. IGNACIO: Attorney Tamayo, Usec. Rocky po. Sir, maraming telco na po ang nai-launch noon pero tila tumiklop din sa competition. So, ano po ang kaibahan ngayon ng DITO sa mga nangyari sa iba pang kumpanya noon?

ATTY. TAMANO: I think iyong kakaiba dito, Usec. Rocky, is I must say magaling talaga iyong DICT and ating NTC na sa bid pa lamang—kasi siguro baka hindi alam ng lahat na we went through a competitive bidding to be able to become the new major player or third telco. And doon sa bidding tinest iyong financial capacity namin, iyong technological capacity namin pati iyong legal capacity namin – at pumasa po iyong DITO. So in short, we have iyong financial muscle na kailangan kasi napaka-CapEx intensive po iyong industry na ‘to. We have to pour in billions and billions of pesos before you can start really seeing iyong returns eh.

And we have proven already to the NTC and DICT that we have that capability that’s I think iyong… perhaps the most basic reason bakit kakaiba tayo. But I think something deeper ‘no and if you can allow me to say this, iyong DNA kasi ng DITO is really nation-building. If you take a look at iyong history ng bidding natin, iyong thrust ng Presidente for pushing for a third telco to come into the country, it was really to create competition and to improve iyong ICT infrastructure ng bayan natin. And that is why one of the requisites/requirements actually ng—for the third telco is to have the technology, the technical capacity and the technology that we will be bringing ‘no – itong 4G LTE and very soon iyong 5G, the pure 5G technology which will be game-changer for the industry.

And I guess iyong pinaka-basic po is competition because the mere fact na pumasok po iyong DITO into the market, iyong dalawang telcos po, they increased their investment ‘no in their network by 2 to 3 times already. You can check that, nandoon po sa mga reports nila. Before DITO entered the market, they were only putting X amount of their revenues into their network. But after pumasok po kami, naglalabanan na po in terms of the hundreds of billions of pesos that we’re now investing as an industry because of competition.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po sa ating media questions ano po. Attorney, may tanong po mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: DITO Telecommunity Corporation is set to start commercial operations in 17 cities and municipalities in Mindanao and the Visayas on March 8. Kailan po daw iyong projected target date for Luzon operations?

ATTY. TAMANO: Konting correction lang, Usec. Rocky, it’s 15, so kinse po sila. And for Luzon or for the rest of the Philippines, iyong launch namin po is in wave, so konti-konti. In a few weeks after March 8, we will already be launching in Luzon. So konting pasensiya lang po. Again nakikiusap po kami sa publiko na—especially for those subscribers in NCR who are very excited to try iyong DITO service. Konting pasensiya lang po, in a couple of weeks after our March 8 launch, nandoon na po kami sa NCR.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Attorney Adel Tamano ng DITO Telecommunity. Mabuhay po kayo.

ATTY. TAMANO: Thank you, Usec. Rocky and thank you sa lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, makikibalita po tayo sa assessment ng Kagawaran ng Kalusugan sa unang araw ng rollout ng COVID-19 vaccines, makakasama natin muli si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang umaga po, Usec. Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa pangkalahatan po, kumusta iyong ating first day of immunization against COVID-19, Usec.? Ilan po ba iyong mga nabakunahan sa ginanap na vaccine rollout kahapon?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Based on our reports, we were able to vaccinate 756 individuals as of yesterday. And nakita naman ho natin na medyo mas malaki naman po doon sa ini-expect natin na magpapabakuna kahapon. Ngayon po we are expecting na mas tataas pa ho itong mga numerong ito dahil nadagdagan na rin po iyong mga ibang ospital na babakunahan natin sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa palagay ninyo Usec., bakit biglang dumami po iyong bilang ng ating mga healthworkers na biglang nagpabakuna kahapon?

DOH USEC. VERGEIRE: Sa tingin namin Usec. Rocky ‘no, iyon pong punto na iyong ating mga pangunahing mga physicians sa mga kani-kanilang mga ospital ay nagpabakuna nauna katulad nina Dr. Gap Legaspi, iyong atin pong eksperto na si Dr. Edsel Salvaña, si Dr. Pamaran po ng Tala Hospital. Sa tingin ko po ay nakapagbigay din ng kumpiyansa sa ating mga healthcare workers na talaga namang tatanggapin ng ating mga healthcare workers ito dahil kailangang bigyan ng kumpiyansa itong bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nakailang doses po iyong nakonsumo natin kahapon at ilan po ang medical workers at ilan naman daw po iyong uniformed personnel ng AFP at PNP?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am ‘no. So iyon pong number of doses would be the number of individuals that were provided with these vaccines, and that is 756. Doon po naman sa mga military or the uniformed personnel, we were able to vaccinate around—more than 500 po, ito pong nakapagpabakuna dito po sa mga military hospitals natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Itong mga numerong ito, Usec., nangangahulugan po ba na mataas talaga na kumpiyansa sa COVID-19 vaccine na mayroon na tayo ngayon? Sa palagay ninyo, Usec.?

USEC. VERGEIRE: Hindi pa po natin masabi sa ngayon. Sabi  nga po namin, we need to  look at this trend among the recipients of vaccines for this one week na ipapatupad natin para makita natin iyong kabuuang picture kung talagang masasabi natin na ang kumpiyansa ay tumataas na. Dahil alam naman po natin na mahihikayat at mahihikayat po ang iba nating health care workers kapag nakita nilang nagpapabakuna na rin po ang mga kasamahan nila sa ospital.

USEC. IGNACIO: Kahapon po ay may napabalitang isinugod sa emergency room ng Veterans Memorial Medical Center. Ito raw po ay dahil sa pagkabalisa ng health worker na nababakunahan. Ano po ang maidudulot na anxiety para po magkaroon nang hindi magandang sitwasyon bago o matapos po iyong magpabakuna at paano po dapat maghanda para maiwasan itong mga ganitong pangyayari, Usec?

USEC. VERGEIRE: Usec. Rocky, maiintindihan po natin iyan. Katulad nga po ng ipinapaliwanag ko, ito pong mga side effects na expected naman sa mga pagbabakuna, these are common. Kahit kapag tiningnan po natin ngayon ang ating mga kabataan ay binabakunahan, may mga magkakalagnat, mayroon pong magkakaroon ng masakit doon sa pagkakabakuna natin na site, ito po ay common and these are minor events. Lahat po ng na-experience natin kahapon are minor adverse event at hindi po dapat ikabahala o ikatakot ng ating mga kababayan.

With regard to anxiety, naiintindihan din namin na marami sa ating mga kababayan na bago bakunahan ay anxious or they have this fear. Iyong fear po ng ineksiyon, maaari o iyong fear po na baka magka-side effect sila. Kaya nga po sinasabi natin, kailangan handa tayo kapag pumunta tayo sa bakunahan. Have a good night rest, kumain po tayo ng almusal at tayo po ay mag-relax lang at paniwalaan na itong bakunang ito ay makakapagdulot ng mabuti sa ating katawan.

USEC. IGNACIO:  May clarification lang po si Joseph Morong ng GMA News: So 756 po ba iyong health workers, plus 500 iyong mga nabakunahan?

USEC. VERGEIRE: Hindi po, that’s the total already, Usec. Rocky, 756 vaccinated individuals as of yesterday.

USEC. IGNACIO: Other than the Veterans Memorial Medical Center incident, may mga nai-report na po ba sa ating mga operation center na nagka-side effect sa Coronavac?

USEC. VERGEIRE: Yes po, Ma’am, as of 9:00 this morning, we have a total of 20 adverse events following immunization dito po sa iba’t ibang ospital na nagsagawa nitong bakunahan.

USEC. IGNACIO:  So, Usec, ano po iyong adverse effect na pinag-uusapan natin dito na naramdaman nitong mga nabakunahan?

USEC. VERGEIRE: Yes, among the 20 individuals, Usec. Rocky, ito po ay mga minor and common na mga sintomas pagkatapos ng pagkakaineksiyon. Iyon pong masakit po iyong braso nila pagka-ineksiyon sa kanila. Mayroon pong isa na naka-experience ng pangangati or rashes, mayroon pong isa naka-experience na masakit ang kaniyang ulo pagkatapos, iyong isa po ay naka-experience na parang naduduwal at iyong iba po ay naka-experience ng pagtaas ng presyon. Lahat po sila ay na-monitor. Lahat po sila were managed accordingly at lahat po sila ay umuwi, wala pong in-admit sa ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. So, paano po ninyo babantayan iyong mga ganitong pangyayari, Usec?

USEC. VERGEIRE: Yes po, Usec. Rocky, we have a specific process for adverse events following immunization kung saan, kaya nga po doon sa protocol, kapag kayo ay nabakunahan, kailangan ninyong manatili nang at least 30 minutes doon po sa vaccination site, para i-monitor namin, baka magkaroon kayo ng immediate reaction. Pagkatapos naman noon, binibigyan na po kayo ng abiso at instructions na sa bahay magmu-monitor pa rin tayo. Babantayan po natin sila lahat, hindi lamang po post-vaccination, but we will also monitor them for one year, kasi alam po natin that these vaccines are still under development.

USEC. IGNACIO: Clarification po ulit from Celerina Monte ng Manila Shimbun: So 200 plus lang po ba ang health workers na nagpa-vaccinate. Is it too low daw po?

USEC. VERGEIRE: Let me just clarify Usec. Rocky, all of these 756, most of them are health care workers. Kaya po natin ginawa doon sa mga military hospitals, katulad ng Veterans Memorial, V. Luna at saka PNP General Hospital, kasi iyon po talaga iyong primary natin na priority, that is to vaccinate health care workers so, most of these  would be health care workers po talaga sila.

USEC. IGNACIO: Opo, kailan po makukuha ng mga vaccine recipient kahapon, iyong ikalawang dose nila ng Coronavac?

USEC. VERGEIRE: Ang atin pong scheduled na interval would be 28 days po. So, they will be receiving their second dose pagkatapos po nito.

USEC. IGNACIO: Usec, gaano daw po katagal bago maubos itong 600,000 doses ng bakuna mula po sa China?

USEC. VERGEIRE: Kailangan po nating maintindihan iyong 600,000, we divide it by two, so it is equated na 300,000 doses lang po ang mayroon tayo. Because we already have reserved the second dose of all of these individuals who were vaccinated. So ito pong 300,000 po na ito naka-allocate na po ito sa iba’t ibang ospital dito sa Metro Manila, pati po sa Vicente Sotto ng Cebu at sa SPMC ng Davao.  Kapag po nagkaroon tayo ng mga refusals among all of these identified eligible hospitals, mayroon tayong tinatawag na quick substitution  list  kung saan mga tao rin po ng mga ospital within the vicinity of that specific eligible hospital ang kukunin natin para  lahat  po ng mga nasa ospital ay matapos na natin here in Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Usec, willing daw pong tumanggap ang mga miyembro ng Private Hospitals Association of the Philippines ng Coronavac kung hindi ito mauubos sa mga COVID-19 referral hospital ng Department of Health. Mamimigay po ba kayo ng mga doses ng bakuna sa mga private hospitals, Usec, kung sakali daw po?

USEC. VERGEIRE: Definitely Ma’am, they don’t have to give us a request, kasama po sila wala po tayong sinisino, it’s both public and private. It’s both national and local. Lahat po ng mga hospital na eligible ay bibigyan. In fact, I think next week mag-uumpisa na po tayo sa mga private hospitals.

USEC. IGNACIO: Nakarating na po ba sa mga priority group outside Metro Manila iyong ibang mga doses, Usec, at kung nakarating na po, anu-anong lugar po ba ito para magsagawa ngayon ng vaccination?

USEC. VERGEIRE: Hindi pa po, Usec. Rocky. Katulad doon sa sinasabi nating prioritization framework, isa po sa pinagbasehan ay ang geographic burden of disease. Ibig sabihin ang Metro Manila po kasi tayo ang may pinakamataas na kaso, kaya po nauna talaga ang Metro Manila. Kasi we will be rolling out to the other regions as soon as the other doses of the vaccines arrived.

USEC. IGNACIO: Iyon pong isyu ng HTAC assessment sa Coronavac, bakit hindi pa natin ito isalang daw sa pag-aaral kahit na donated pa ito at ang unang batch na ito ng bakuna mula sa China para po maging kampante ang kalooban ng ating mga health care workers na iniiwasan pa rin pong magpabakuna?

USEC. VERGEIRE: Yes, pinag-aaralan naman po. As soon as the NITAG has received the documents from FDA, natanggap na rin po ng HTAC ang mga dokumento at sila po ay nag-aaral na. Pero kailangan po maintindihan ng ating mga kababayan that HTAC is an economic tool. Ang FDA po pinag-aralan na iyong safety at saka efficacy nitong mga bakuna na ito. Ang HTAC po sumusunod lang kami ng proseso para makita if government will be efficient in procuring or receiving these vaccines.

Kaya po iyong kanilang pag-aaral ay hiwalay sa FDA at kung sakali sa ngayon ang pinaggagamitan natin ng FDA EUA approved naman po ng FDA that the vaccine is safe and the vaccine is efficacious. So iyong HTAC po, hindi po natin ginamit sa ngayon, dahil ayon naman po doon sa batas natin, ito pong mga donasyon ay hindi kailangang mag-undergo ng HTAC, because there is no cash component coming from the government. Kaya minabuti po ng gobyerno na maipatupad na agad, maproteksiyunan na kaagad ang ating mga health care workers, ituloy na ito kahit wala pa po iyong HTAC. Pero HTAC is already reviewing, they are set to come out with their recommendation this week.

USEC. IGNACIO: Usec, paano naman daw ninyo imu-monitor iyong efficacy ng Coronavac dito sa ating mga health care workers kung magiging kapareho lang din po iyan katulad ng isinagawa sa Brazil Clinical Result at paano kung 50% pa rin po iyong efficacy na lumabas? Ano daw po iyong magiging rekomendasyon?

USEC. VERGEIRE: Katulad po ng sinasabi natin, we are going to monitor all of the recipient from the vaccine for one year. So, dito po natin makikita kung talagang iyong outcome na gusto natin ay maa-achieve natin based on this monitoring for one year among all of these recipients. Sa ngayon po ito pong mga bakuna na sinasabi, katulad ng Sinovac only have 50% efficacy, sabi nila against mild disease. Hindi po naman mababago ang ating punto pa rin ng   ating gobyerno dahil ito po ay napagdesisyunan na ibigay not really because para lang magkabakuna – hindi po.  ang Sinovac, nagpakita rin po diyan sa pag-aaral na iyan that it can prevent 78% of moderate infections and can prevent 100% of severe infections.

So kapag ma-monitor po natin, ang titingnan dapat natin, nabawasan ba ang pagkakaospital ng ating mga healthcare workers; nabawasan ba iyong nagkaka-severe na infection ng ating healthcare workers; at nabawasan ba iyong mga namamatay na mga healthcare workers? At iyon po ang dapat nating tingnan para masabi nating naging epektibo po ang ating programa sa bakunahan para sa ating healthcare workers.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec., balikan po natin si Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Thank you, Undersecretary Rocky. The Philippines has detected its first six case of the more transmissible South African COVID-19 variant and additional cases of the UK coronavirus variant ayon po sa health department noong Martes. Ano po ang mga detalye tungkol dito, Undersecretary Vergeire?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes. Good morning po, Secretary Andanar. Ngayon po ay nagbigay po tayo ng announcement kaninang umaga that the Department of Health, the national government has detected 30 additional B.1.7 UK variant cases in the country, there is this new detection of the South African variant kung saan mayroon pong anim tayong nadiskubre.

Ito pong anim na individuals with the South African variant, tatlo po dito ay galing sa Pasay; dalawa po ay returning Overseas Filipinos na galing sa UEA and Qatar. Iyong isa po ay bini-verify pa ho natin kung ano po talagang lokasyon siya dito sa Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Balikan po natin si Undersecretary Rocky para sa media questions.

USEC. IGNACIO: Salamat, Secretary Martin. Usec., para naman po sa media question, may tanong po si Red Mendoza ng Manila Times: Tumataas na po ulit ang kaso sa Metro Manila ayon sa OCTA Research. Ano na po ang initial steps natin para hindi na mangyari ang katulad na surge noong August?

DOH USEC. VERGEIRE: Tama po iyan, Usec. Rocky ‘no. Actually, we had been monitoring this trend even for the past weeks. At tayo po ay nagbigay na rin ng information sa ating mga kasamang ahensiya. Tayo po ngayon ay nagpapaigting ng mga response ng bawat local government. Makikita po natin ngayon ang mga local governments are implementing on their own this localized lockdown para po makita nila kung may clustering of cases. Nandiyan na rin po iyong masugid nating pagbabantay especially for the detection of the variant so that we can easily contain these infections. At nandiyan na rin po iyong mga protocols na isinasagawa natin and demand generation activities katulad po ng pagpapaalala sa ating mga kababayan that we cannot be complacent at this point; they have to continue doing the minimum health protocols.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pa po niya, kaya pa po ba ng ating emergency rooms ang paglobo ng mga kaso dito sa Metro Manila? Ano na po ang ginagawa natin para ma-prevent iyong pagpuno raw po ng mga emergency rooms?

DOH USEC. VERGEIRE: Actually, katulad ng sabi ko, Usec. Rocky, minu-monitor na natin for these past weeks at talagang nakakausap na natin ang ating mga ospital.

Ang isa naman pong magandang gusto naming ibalita, na bagama’t tumataas ang mga kaso, ang atin pong mga ospital ay nasa low-risk level pa rin po ng ating utilization. Ibig sabihin, we have enough beds to accommodate if and when tataas pa nang husto ang mga kaso at kakailanganin ang mga ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: More than 700 heath workers daw po were inoculated with the coronavirus vaccine during the first day of the country’s COVID-19 vaccine rollout using donated doses from the Chinese drug maker Sinovac. Seven hundred daw po is a very small number compared to the target of 1.7 million health workers and an indication of the people’s misgivings about the efficacy of the Chinese vaccine. Ano daw po ang masasabi ng Department of Health?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, I think that is a wrong assumption. First, 1.8 million is the totality of healthcare workers across the country; we are only talking about six hospitals here which we were able to provide the 756 doses of vaccines. And second, ito po ay unang araw pa lang kaya nga sabi natin, pag-aralan pa natin nang mas masusi for these coming days para makita natin talaga kung mag-a-uptake ba talaga dito sa ating mga healthcare workers ito pong binibigay natin na bakuna sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Joseph Morong ng GMA News. Nabanggit ninyo na rin naman ito kanina, Usec., pero how do you explain daw po iyong presence ng South African variant in the Philippines? And, Usec., may kinalaman po ba itong variant na mga ito doon sa tingin ninyong tumataas na kaso sa bansa?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, according to evidences, Usec. Rocky, na ang South African variant, the same as with the UK variant, it can also cause a higher transmissibility. Ibig sabihin, mas nakakapanghawa, mas mahahawa ang tao. Malaki ang probabilidad na maaari na ito ay nakakatulong sa pagtaas ng kaso dito sa ating bansa. Pero kailangan po natin laging iintindihin na para po makatulong itong variant sa pagtaas ng kaso, mayroong underlying reason. And the underlying reasons would be our compliance to minimum health standards; iyon pong ating mobility across our population.

So kung atin pong maipapatupad nang maayos ang minimum health protocols at magkakaroon po tayo ng stricter controls ng ating mga local governments, and then kahit po nandiyan iyong variant na iyan ay wala po siyang propensity para kumalat. So iyon lang po ang sinasabi ko ‘no. So kailangan lang po talaga, ang ating mga kababayan ay makipagtulungan sa gobyerno na atin pong sundin ang mga minimum health protocols para hindi na po kumalat ang variants na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong second and third questions po ni Joseph Morong ay nasagot ninyo na. Pero iyon pong last question niya: Now that we’ve started daw po the vaccination, when do you think can we achieve herd immunity?

DOH USEC. VERGEIRE: I have explained this a while ago, Usec. Rocky, sa kanila. Ang sabi ko nga sa kanila, ang herd immunity is a long-term goal of our country; na darating tayo doon sa punto na gusto natin talaga na magkaroon lahat ng bakuna, iyong 70%, so that the totality of the population will be immune. Kaya nga po sinasabi ng ating mga eksperto, and even Secretary Galvez, that all of us has that moral obligation. Kasi kung marami pong magri-refuse ng bakuna, hindi natin maa-achieve itong herd immunity na kailangan para tumigil ang transmission ng sakit.

Kung kailan natin ito maa-attain? This is a long-term goal and this is dependent on the supplies that will come in from all of these vaccines. Ang atin pong immediate goal ngayon, ang ating tinitingnan ay ma-reduce muna natin ang morbidity and mortalities at mabawasan natin iyong mga nauospital, bawasan po natin iyong mga namamatay. Kaya nga po itong mga bakunang ipinapasok natin, ang atin talagang major goal ngayon ay tumigil po iyong mga severe infections, mabawasan iyong mga nauospital, mabawasan din po iyong mga namamatay among our vulnerable group.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol po si Sam Medenilla ng Business Mirror: Usec. Vergeire, will the government daw po use the savings of Department of Health to pay for the one million doses of Sinovac vaccine which will be purchased this month? If yes, how much DOH funding will be used for the said purchase?

DOH USEC. VERGEIRE: Mayroon po tayong pera ‘no. We have money from Bayanihan; mayroon din tayong allocate amount of funds para po sa pagbili ng mga bakuna. So ito po ang mga gagamitin ng ating gobyerno para ma-procure natin itong one million doses na ito. To the cost and the amount, I cannot disclose that at this time, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong hatid na impormasyon, Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng Department of Health. Mabuhay po kayo, Usec.

DOH USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.

USEC. IGNACIO: Samantala, ang nakikita ninyo po ngayon sa inyong screen ay ang Senate Committee Hearing on Health and Demography tungkol po sa PhilHealth contribution and Universal Health Care Law.

SEC. ANDANAR:   At ngayon naman po ay kasalukuyang nagaganap ang vaccine rollout sa Pasig City. Para sa mga detalye, puntahan natin si Cleizl Pardilla.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR:  Okay, maraming salamat.

Bukod sa unang batch ng bakuna, mainit din nating sinalubong sa bansa ang pinakabagong barkong pandigma ng Philippine Navy. Ito ang BRP Antonio Luna o FF-151. Kung ano ang magiging gampanin nito sa pagpapatrolya sa ating katubigan, ipapaliwanag po iyan sa atin ni Rear Admiral Loumer Bernabe, Philippine Fleet Commander ng Philippine Navy. Magandang umaga po sa inyo Sir.

R/ADM BERNABE: Magandang umaga po, Sec. Andanar at Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Noong February 9 po ay dumaong na sa atin ang FF-151, ang ikalawang missile capable frigate ng Philippine Navy mula sa Ulsan, South Korea. Anu-ano po ang features ng bagong barko na ito?

R/ADM BERNABE: Unang-una po sa lahat, ang barkong ito ay may kakayahang magpatrolya sa mainit na environment katulad ng Pilipinas. It can also conduct border patrol, territorial defense and maritime operation up to the exclusive economic zone ng ating bansa. Mayroon din po itong kakayahan na mag-conduct ng anti-air warfare, anti-submarine warfare and electronic warfare, intelligence surveillance and reconnaissance operation.

SEC. ANDANAR:  Ano naman po ang kahalagahan ng FF 151 para higit pang palakasin ang ating Philippine Navy?

R/ADM BERNABE: Tulad po ng aking nabanggit, bukod po sa kaniyang kakayahan sa anti-air warfare, magagamit din po natin ito sa pagsuporta sa ating national development. Mayroon din pong kakayahan ito para sa search and rescue operation, disasters response and relief operation, international defense and security engagement.

SEC. ANDANAR: Since ito po ay missile capable, ididestino ninyo po ba ang FF 151 sa mga teritoryo natin na mas nangangailangan ng seguridad kagaya po ng West Philippine Sea at kailan po to binabalak na i-deploy?

R/ADM BERNABE: Maraming salamat po sa inyong katanungan na iyan. Ang barko pong ito ay kasalukuyang ating sinasanay muna ang mga kasundaluhan at ang mga navy personnel at kapag ito po ay nakahanda na, ito po ay ating idi-deploy sa West Philippine Sea, sa Philippine Rise upang pangalagaan ang interest ng ating mga mangingisda, upang pangalagaan ang ating mga yaman, na kung saan patuloy ang iba’t-ibang mga bansa ay nangingisda ng iligal sa ating mga karagatan na iyan.

Marami na pong nauubos na pera o nasasayang na mga resources sa mga lugar na iyan at ang barko pong ito ang siyang magiging gamit natin upang mapanatili ang kasarinlan at kalayaan ng ating mga mangingisdang magamit ang kayamanan ng mga karagatang sagana para sa atin.

SEC. ANDANAR:  So far ang BRP Antonio Luna at ang mas nauna ng kaunti rito na BRP Jose Rizal na po ba ang pinaka-advance nating barkong pandigma sa Pilipinas? May paparating pa po ba na mga bagong barko?

R/ADM BERNABE: Opo. Sa ngayon po, ito po ang pinakamoderno at pinakamataas ang kakayahang barko, ang BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna. At sa tulong po ng modernization program ng ating Armed Forces of the Philippines at sa tulong ng ating Presidente, si President Rodrigo Roa Duterte, mayroon pa po tayong binabalak na bilhin na mga offshore patrol vessels at corvettes sa mga susunod pang mga taon. Inaasahan po namin na patuloy po tayong susuportahan ng ating pamahalaan sa pagpapalakas ng ating Philippine Navy – Armed Forces of the Philippines.

SEC. ANDANAR:  Magsasagawa rin po ng decommissioning ang Philippine Navy sa dalawa nitong legacy ships at dalawang Korean made patrol crafts. Bakit nagbabawas din po tayo ng assets at paano ito makakaapekto sa over-all operations ng Navy kung wala pa naman iyong mga bagong barko na binabalak bilhin?

R/ADM BERNABE: Maraming salamat po sa katanungang iyan. Iyan po ay alinsunod sa kautusan ng ating Kalihim, Secretary of National Defense Delfin Lorenzana kung saan atin na pong idi-decommission ang mga barkong nagkakaedad nang 40 hanggang 60 taon kung saan masyado na pong mahirap i-maintain dahil po sa kalumaan ng mga barkong ito. Kung saan po ang mga pondo na ating maisi-save from the decommissioning of the these vessels will be used in the maintenance of these newly acquired vessels.

Ganoon din po, ang mga perang ating maitatabi ay magagamit din natin sa pagbili ng mga bagong sasakyang dagat at mga armas at mga bala na gagamitin natin sa mga barkong ito.  Hindi po ito makakaapekto sa kasalukuyang operation ng ating Navy sapagkat mayroon po tayong sapat na barkong pandagat kung saan puwede nating ituloy ang operasyon at ang paglalayag at pagbabantay sa ating mga borders.

SEC. ANDANAR: Kung ihahambing sa mga kapit-bahay nating ASEAN countries, ano po ang masasabi ninyo sa kakayahan ngayon ng Philippine Navy pagdating sa hardware kagaya ng barko at mga patrol vessels?

R/ADM BERNABE: Kumpara po sa ating mga karatig-bansa dito sa region ng Southeast Asia, palagay ko po ay malayo pa.  Subalit dahil po sa pagkakaroon sa umpisa ng mga barkong ito at sa tulong ng ating Presidente, alam ko po na tayo ay makakahabol sa darating na mga panahon.

Patuloy po natin na hihingan ng mga pondo ang mga modernization program ng ating Navy at ng ating Armed Forces upang tayo po ay makaakibat at makasabay sa modernisasyon ng mga hukbong dagat at hukbong himpapawid ng mga bansang nasa rehiyon ng Southeast Asia.

It will take time po, it will take time but masaya po kami dahil nakapag-umpisa na po kami, mayroon na po tayo nito at patuloy po nating hihingin ang tulong ng ating Pangulo para ma-attain ang modernisasyon ng ating Philippine Navy at ang ating Armed Forces.

SEC. ANDANAR:  Dumako naman tayo sa media questions kasama si Usec. Rocky.

USEC. ROCKY: Hi sir! Mula po kay Evelyn Quiroz ng Filipino Mirror, ang tanong po niya: The Philippine Navy po started decommissioning at least seven ships this year because these are no longer economical to maintain? How long will it take to acquire replacement and in the meantime, will the Navy be able to rise to the challenge should China escalate its island-grabbing activities in the West Philippine Sea?

R/ADM BERNABE: Iyon pong pagkawala ng ating mga legacy ships ay isang programa ng ating Department of National Defense na kung saan ang mga lumang barko ay dapat na nating i-decommission sapagkat hindi na po economical na sila ay i-maintain.

Ang mga pondo po ulit na sinabi ko kanina na ating maitatabi ay puwede nating ipangsuporta sa pagbili at sa pag-maintain ng mga makabagong barko na mayroon tayo ngayon. At tungkol naman po doon sa kung ano ang ating magagawa sa pag-escalate ng mga island-grabbing ng ibang bansa, patuloy po tayong susunod sa napagkasunduang batas na kung saan muli nating paiigtingin ang pagsunod ng conduct, rules of conduct at the West Philippine Sea na kung saan hindi naman po natin dapat tapatan ng violence ang mga ginagawa nila.

Kung saan puwede po nating hingin ang tulong ng Department of Foreign Affairs kung saan we can have a diplomatic relation or diplomatic concerns kung saan man po—kung mali man po ang kanilang ginagawa, we can use other agencies of the government to air our grievances or kung ang ating mga mangingisda ay maaring magkaroon ng problema sa pangingisda nila sa West Philippine Sea at sa ibang parte ng ating karagatan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, may pahabol lang—although medyo nasagot ninyo na rin po iyong tanong ni Joseph Morong. Basahin ko na lang po, tanong ni Joseph Morong ng GMA News, baka po mayroon kayong maidagdag pa: Did you say the new ship will be deployed to the West Philippine Sea; when and what will they do there? Which assets are these?

R/ADM BERNABE: Patuloy naman po tayong nagdi-deploy kahit wala pa po ang mga barkong iyan. Patuloy po tayong nagdi-deploy sa West Philippine Sea upang mapanatili ang kaayusan, ang order, ang pagbabantay sa integrity ng ating territory. Unang-una din po diyan, nais din po nating ma-ensure ang kaligtasan ng ating mga mangingisda mula sa masamang panahon at pag-i-ensure na tayo po ay nakakagamit sa ating yamang-dagat at ang pagpapalayo sa mga bansang hindi naman karapat-dapat na nangingisda sa ating mga karagatan.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Philippine Navy Rear Admiral Loumer Bernabe. Stay safe po at mabuhay po kayo.

R/ADM BERNABE: Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Samantala, alamin naman natin ang pinakahuling sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Narito si Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa Cordillera Region, ang balita hatid po sa atin ni Florence Paytocan. Magandang umaga, Florence.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa’yo, Florence Paytocan ng PTV Cordillera.

SEC. ANDANAR: Kinalap naman ni John Aroa ang pinakahuling pangyayari mula sa Cebu. John…

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat, John Aroa mula sa PTV Cebu.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP; salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo!

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin. Magkita-kita po tayong muli bukas. Ako po si Secretary Martin Andanar mula sa PCOO.

USEC. IGNACIO: Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO.

SEC. ANDANAR: At ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)