SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Ngayon po ay Miyerkules, March 3, 2021, ang ikatlong araw ng pagbabakuna kontra COVID-19 dito po sa ating bansa. Samahan ninyo kaming muli sa paghahatid ng tamang impormasyon patungkol sa vaccination program ng ating pamahalaan; ako po si Secretary Martin Andanar. Magandang umaga, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning Secretary Martin. Kasama ang ilang vaccine expert ay sama-sama nating alamin kung bakit importante na tayo po ay maturukan ng bakuna at kung ano ang proteksiyong maidudulot nito sa ating katawan. Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa pa rin po sa PCOO.
SEC. ANDANAR: Mula sa pinagsamang puwersa ng Presidential Communications Operations Office, Philippine information Agency at People’s Television Network ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH COVID-19 Vaccines Explained.
Sa ating unang balita: Panukalang batas sa pansamantalang magpapaliban sa pagtaas ng monthly contribution sa PhilHealth aprubado na ng Senate Committee on Health and Demography. Ang detalye sa report na ito:
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Halos 9,000 residente ng Isabela na biktima ng bagyong Ulysses hinatiran ng tulong ni Senator Bong Go katuwang ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Panoorin po natin ang palabas na ito:
(NEWS REPORTING)
SEC. ANDANAR: Samantala, pagsasagawa ng buwanang Fire Safety Education kung saan tuturuan ang publiko kung papaano maiwasan ang sunog, ikinakampanya ni Senador Bong Go; at ilang pamilya sa lungsod ng Pasay na nilamon ng apoy ang mga tahanan, hinatiran din ng tulong ng senador. Narito po ang ulat:
(NEWS REPORTING)
SEC. ANDANAR: Kahapon sa ikalawang araw ng pagbabakuna sa bansa ay mas maraming health workers na ang tumaas ang kumpiyansa na magpaturok ng CoronaVac mula sa China. Ilang pribadong ospital na rin ang nag-request ng alokasyon ng naturang Sinovac. Para bigyan tayo ng updates kaugnay sa bakuna kontra COVID-19 muli nating makakasama si Undersecretary Eric Domingo, ang Director General ng Food and Drug Administration. Magandang umaga po muli sa inyo, Undersecretary Domingo.
USEC. DOMINGO: Magandang umaga, Sec. Martin. Magandang umaga sa inyong lahat.
SEC. ANDANAR: Usec. mangungumusta po kami sa kalagayan po ninyo dalawang araw matapos kayong mabakunahan. Kumusta na po ang iyong pakiramdam ngayon?
USEC. DOMINGO: Ako po ay wala naman pong naging nakiramdaman ano, wala namang adverse events akong [garbled] hindi po ako nilagnat, hindi sumakit iyong braso at patuloy naman po kaming nagmu-monitor dito sa FDA para po sa ating mga adverse events. At so far sa mga nabakunahan po, ang natanggap namin as of this morning ay mga 23 po na very mga mild, minor adverse events following immunization.
SEC. ANDANAR: Matapos mabakunahan ang ilang opisyal ng gobyerno at mga Director ng Ospital tulad na lamang ni PGH Chief Director Gap Legaspi ay tila nagbago ang ihip ng hangin at dumami ang gusto ng magpabakuna. Ano po ang inyong initial assessment sa first two days ng pagbabakuna?
FDA DG USEC. DOMINGO: Well, doon po sa amin sa PGH medyo dumami po talaga after the second day dahil nga siguro, hinintay nila kaming magpabakuna ni Director Gap. Ako po kasi dati director din ako ng PGH at ophthalmologist po ako doon. Tapos kasama namin iyong mga ibang doktor po na kasamahan namin na ibang espesyalista sa PGH ang nagpabakuna on the first day. At nakita naman nila na wala naman pong hindi kanais-nais na nangyari sa amin at hopefully makadagdag po ito nang kaunti sa confidence ng ating mga kasamahan, lalo na po iyong mga health workers natin.
SEC. ANDANAR: May ilang eksperto po na nagsasabi na posibleng mas tumaas pa ang efficacy rate ng CoronaVac or Sinovac dito sa bansa dahil mas mababa ang daily attack rate ng COVID-19 sa Pilipinas kumpara sa Brazil kung saan naitala ang 50.4% efficacy rate doon. Can you elaborate on this, Undersecretary?
FDA DG USEC. DOMINGO: Well, alam naman po natin iyan at diniscuss naman po ng FDA iyan na doon sa mga komunidad na ang attack rate po ay hindi naman masyadong mataas at kung ang tao ay hindi naman po exposed sa COVID-19, mas mataas naman po talaga ang efficacy rate niya. Ang mga estimate po is anywhere nga po from 63% to 91%
Iyon pong 51%, iyon po ay sa mga COVID-19 responders, iyong mga doctors natin, nurse natin, at iba pang health workers – mga technician, med-tech na talagang directly in contact po at nagma-manage ng COVID-19 patients. So, para po sa komunidad, talaga pong mas mataas ang efficacy rate nito. Sa health workers naman, kahit po 50% siya, pinili lang ng gobyerno na i-offer na rin siya sa mga health workers kasi nga po wala pa namang ibang bakuna at this time and they were given the first option na mag-decide kung tatanggapin na muna nila ito dahil wala pa pong ibang bakuna.
SEC. ANDANAR: Usec. Domingo, ang Chinese firm na Sinopharm ay nag-file na rin ng application for Emergency Use Authorization ng kanilang bakuna. Kumusta po ang official evaluation ninyo sa kanilang application?
FDA DG USEC. DOMINGO: Noong Monday afternoon po, may isang local pharmaceutical company distributor na nag-online po, nag-submit ng letter na mag-a-apply daw po sila ng Emergency Use Authorization for Sinopharm. Unfortunately, wala pa pong mga dokumentong kasama ito, so hiningi pa po namin sa kanila iyong mga dokumento na kailangan para ma-evaluate natin iyong kanilang application katulad po ng katunayan na sila nga ang distributor ng Sinopharm sa Pilipinas; iyong kanila pong mga clinical trial results; mga certificate po ng good manufacturing practice noon pong bakuna. So, kapag po nag-submit sila ng mga papeles at saka po natin uumpisahan ang evaluation nito.
SEC. ANDANAR: Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay mas preferred ng Pangulong Duterte na siya ay bakunahan ng Sinopharm Vaccine. Base sa mga nailathalang pag-aaral sa ibang bansa. Angkop na bang i-bakuna sa mga senior citizen, kagaya ni President Duterte ang Sinopharm? Ano po ang mga nakikita ninyo sa ngayon na mga kondisyon lamang sa paggamit ng Sinopharm Vaccine?
FDA DG USEC. DOMINGO: Well, hindi ko pa po masasabi sa ngayon kasi wala pa pong ibinibigay sa amin na datos at wala pa rin po kasing published na Phase 3 trial results ito pong Sinopharm. So, until we see the scientific evidence at makita po natin kung kanino nila ginamit iyong kanilang clinical trial at saka iyong kanilang experience sa paggamit po ngayon sa ibang mga bansa, doon pa lang po natin mabibigyan ng recommendation kung kanino pupuwede ang bakuna na ito.
SEC. ANDANAR: Makakaapekto ba ang kagustuhan ni Presidente na maturukan ng Sinopharm para bumilis ang pagproseso ng kanilang application for EUA? Kung sakali po, mga ilang araw ang bibilangin para mabigyan sila ng EUA?
FDA DG USEC. DOMINGO: Well, mabilis naman po ang proseso ng FDA. Basta kumpleto ang po ang dokumento lalo na kung may EUA galing sa mga stringent regulatory authority like US FDA or WHO, kaya ho namin iyan in 21 days.
Pero depende po iyan kung gaano kakumpleto ang mga dokumentong isu-submit katulad po ngayon, halos wala pa po silang nai-submit sa amin, kung hindi Phase 1 trial pa lang at saka Letter Of Intent. So, kapag ganito po, hindi naman natin mauumpisahan. Mauumpisahan lang po ang evaluation kapag iyong datos na hinihingi natin ay nandiyan na.
Very objective po kasi ang pag-approve natin ng bakuna. May checklist po tayo na hinahanap diyan – safety, efficacy, and quality. At basta po naman umabot ito sa pamantayan natin, pumasa sa ating standards eh mabibigyan po ng authorization; Kung hindi naman po ay hindi din po mabibigyan.
SEC. ANDANAR: Sa isang panayam, sinabi ninyo, Usec. Domingo, na humantong na kayo sa blank wall patungkol sa imbestigasyon sa paggamit ng PSG ng Sinopharm vaccine. Ibig sabihin po ba nito ay tapos na ang kaso at kumusta rin po ang isinusulong ninyong imbestigasyon kay Special Envoy Mon Tulfo?
FDA DG USEC. DOMINGO: Well, as of now nga po, wala pa kaming nakukuhang mga kasagutan pero tuluy-tuloy naman po ang investigation diyan. In fact, ang Bureau of Customs po alam ko may sagot sila dahil humihingi po kami ng datos ng mga importasyon ng mga bakuna nitong nakaraan na taon.
So, tinitingnan po iyon ngayon ng ating mga enforcement unit at iyong ating regulatory enforcers. So, nakapaubaya na po sa kanila iyan at hinihintay ko po na magbigay sila ng report sa akin. Pero tuluy-tuloy po iyan.
SEC. ANDANAR: Sinabi naman po ng World Health Organization na ang dahilan sa pagka-delay sa pagdating ng AstraZeneca Vaccine ay logistical concerns at hindi kakulangan ng supply. Nalalaman ninyo po ba kung ano itong logistical concern na ito at kailan po inaasahan na darating ang AstraZeneca Vaccine sa bansa?
FDA DG USEC. DOMINGO: Well, wala pa hong binibigay na petsa atin ano. Siguro po ano na rin, umiiwas na rin sila na magbigay ng petsa hanggang siguradong-sigurado po sigurong nakasakay na talaga sa eroplano.
Mukhang ang hirap po talaga iyong pagta-transport dahil very special po kasi talaga ang transportation ng mga vaccine, kailangan may special flight, kailangan may mga refrigerated containers at since ang buong mundo po talaga ay sabay-sabay ngayon na nagta-transport at nag-aangkat ng mga bakuna, iyon pong scheduling yata nito ang kanilang nagiging problema.
Ang sabi naman po ng WHO ay talagang nakalaan na sa atin iyong mga doses na iyon. Talagang sasabihin na lang nila sa atin eksakto kapag alam na nila iyong petsa kung kailan darating.
SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin ang tanong ng ating mga kasamahan sa media kasama si Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Usec. Domingo. Tanong po mula sa media, mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Bakit po nagkaroon ng confusion sa pag-announce ng pagpapadala ng EUA application ng Sinopharm?
FDA DG USEC. DOMINGO: Usec. Rocky, hindi ko po alam kasi hindi naman po ako ang nag-announce. Ang alam ko lang po eh kung kailan sila nag-apply. Kasi noong Monday po holiday iyong Muntinlupa, so sarado po ang FDA.
So, on Tuesday morning nakita nga namin na mayroong nag-file ng online application but like I said, ito po ay parang simpleng sulat lamang at may kaunting mga dokumento na kasama, so ipinadala namin doon sa nag-a-apply kung ano iyong mga kakulangan na kailangan po nilang isumite para ma-evaluate natin iyong application.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya ay: Kinukumusta niya rin kayo sa naging vaccination ninyo noong Lunes at sa tingin ninyo raw po ba iyong mga reaksiyon ng turok ay kapareho ng sinasabing effects ng Sinovac sa EUA application nila?
FDA DG USEC. DOMINGO: Well, opo ano. Ako, very mild. Wala po akong naramdaman at in fact, iyong mga kaibigan kong doctor din sa PGH, kasamahan ko doon, wala pa naman akong narinig/nabalitaan na mayroon silang naramdaman na kakaiba.
Although doon sa ibang hospitals may reports tayo na may tumaas ang BP, mayroong nahilo, mayroong mga nagkaroon ng kaunting pangangati, mayroong sumakit ang ulo. These are all expected po ito na mga adverse events.
In fact, mababa nga po ang percentage sa atin ng mga may nakaramdam ng mga adverse events after immunization and wala naman pong kakaiba or walang serious na adverse events tayong nakita, which is what we expect.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Joseph Morong, iyong una po niyang tanong ay nasagot ninyo na, tungkol sa status ng application ng Sinopharm ano po. Iyong second question po niya: What do you think of the VIP na hindi naman healthworkers na sumisingit daw po sa pila? Iyong 600,000 po ba sapat para sa healthworkers natin? If we’ve seen the Sinopharm [voice overlap] what was our basis for the compassionate need for PSG daw po?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Okay. So unang-una po iyong mula sa ano—well iyong 600,000 siyempre po kulang iyan sa healthworkers natin ‘no. Kasi kami po na mga doktor, nurse, mga pharmacists, midwife natin alam ko po mahigit isang milyon tayo ‘no. Baka naman po mayroon lang iba tayong mga kasamahan na talagang nagpabakuna, iyong mga nasa pamahalaan para ipakita lang iyong kanilang confidence doon sa vaccination and hopefully encourage others na magkaroon din ng pagbabakuna habang mayroon pa silang [unclear] ‘no.
So iyon pong sa ano, iyon naman pong sa PSG ay wala po kaming basehan doon. Ang Compassionate Special Permit is not in any way a guarantee of efficacy and safety ng isang bakuna. ‘Pag nagbigay po kami ng Compassionate Special Permit, klaro po na ang nanghihingi ng ganiyang permit ay siya ang completely responsible sa produktong iyon. Hindi po iyan na-evaluate ng FDA dahil siya po ay registered sa ibang bansa pagkatapos ho hindi available dito, binibigay po natin ang permit ‘pag mayroon pong kondisyon na tama.
Pero iyon nga po ano, kung sino po iyong doktor ng PSG Hospital na nag-request, siya po ang completely responsible doon at pinaalala namin sa kaniya na ang FDA ay po ay hindi mag-i-evaluate niyan at wala po kaming kahit anong maisasabi tungkol sa safety at efficacy.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Ibi-verity lang po sana nila kung—if SouthMed Pharma Corporation daw po ay nag-file ng EUA for Sinopharm COVID-19 vaccine at kung allowed po ba ‘to legally? Apply ang EUA sa FDA ang SouthMed Pharma Corporation in behalf daw po ng Sinopharm for its COVID-19 vaccine? If yes, ano po kaya ang impact nito sa negotiation ng government para po sa vaccine procurement?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Iyon nga po, nag-apply nga po sila ‘no noong Monday afternoon na nakita po namin noong Tuesday. Pero iyon nga po, hinihingi pa namin sa kanila iyong requirements including iyon nga po, proof na sila ang distributor ng Sinopharm dito. So until then, hindi naman po namin siya maaaring i-evaluate and of course iyong mga trial results kailangan po natin iyan at iyong mga ilang mga dokumentasyon ‘no na kasama po namin sa application.
USEC. IGNACIO: Pero kailangan po bang dumaan muna ng government ang SouthMed for this?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well, hindi ko po alam ano. Ang pagkakaalam ko po ang Sinopharm is a government ano—it’s a Chinese government manufacturing company ‘no saka developer ng vaccines. So ibig sabihin po kung Sinopharm ay ibinigay talaga sa isang kumpanya ang karapatan niyang mag-represent nila sa kanila sa Pilipinas, eh ibig po sabihin siguro iyong mismong pamahalaan nila ang nagbibigay ng ganoon ‘no; pero hinihintay pa nga po namin ang dokumento to show this.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Based daw po sa registration data of FDA, may valid license pa rin po kaya ang Sinopharm to distribute or import drugs or other medical products?
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Iyon pong SouthMed, mayroon po siyang license to operate at iyon po ay isa sa mga pinadala nila na kasama doon sa kanilang application iyon. So mayroon nga po silang valid license to operate dito po sa Pilipinas.
SEC. ANDANAR: Ang inyong assurance na lang po, Undersecretary Domingo, para sa publiko na safe at effective ang ating bakuna kontra COVID-19.
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Opo. Gusto lang namin paalalahanan iyong ating mga kababayan dito po sa FDA, siniseryoso po namin ang trabaho dito, talaga pong mabusisi tayo, minsan nga iyong iba nababagalan. Pero ginagawa po kasi namin to make sure na iyong atin pong mga listahan ‘no ng mga kailangang present para masiguro ang quality, ang purity, ang stability at siyempre po iyong safety at efficacy ng bakuna eh kailangan matsi-check po natin lahat iyan bago natin payagan na gamitin ito sa isang public immunization program or payagan na maibakuna sa inyo, sa ating mga kababayan ‘no.
Hindi naman po kami nagpapahinga at tuluy-tuloy naman po ang trabaho at talagang napakasimple lamang po ng mga requirements natin – quality, safety and efficacy at ‘pag pumasa po, iyon po ay bibigyan natin ng authorization; at kapag naman po hindi pumasa, eh hindi rin naman po makakalusot iyan sa FDA.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary Eric Domingo, ang Director General ng FDA.
FDA DIR. GEN. DOMINGO: Maraming salamat po.
SEC. ANDANAR: Nagsimula na rin ang pagbibigay ng bakuna sa healthworkers ng mga pampublikong ospital sa Quezon City, kabilang na diyan ang Quezon City General Hospital at National Kidney and Transplant Institute. Ang detalye niyan mula kay Cleizl Pardilla:
[NEWS REPORT]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Cleizl Pardilla.
USEC. IGNACIO: Ang pagpapaturok po ng bakuna kontra COVID-19 ay makakatulong para mabawasan ang severe disease, clinical disease at ganoon din po ang transmission ng virus. Pag-uusapan natin ang kahalagahan ng pagpapabakuna kasama po si Dr. Edsel Salvaña, ang Director ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology sa National Institute of Health ng UP Manila. Magandang umaga po sa’yo, Dr. Salvaña.
DR. SALVAÑA: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga, Secretary Martin.
USEC. IGNACIO: Doc., kumusta na po kayo?
DR. SALVAÑA: Okay naman. Actually medyo sumakit lang nang konti iyong arm ko tapos ngayon okay na, dalawang araw na, tapos maganda naman pakiramdam ko at natutuwa po talaga ako na magsisimula nang gumawa ng proteksiyon iyong aking katawan laban sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Ilan po sa magandang naidudulot ng pagpapabakuna ay para po maiwasan ito pong severe cases ng COVID-19 kasama na rin po iyong clinical disease at para maiwasan na rin po iyong transmission noong virus. So pakipaliwanag po ito sa amin, Doc.
DR. SALVAÑA: Kapag tinurukan po tayo ng bakuna, tatlo po ang puwedeng maging epekto niyan, unang-una iyong mapu-protect tayo against severe disease nga. So, imbes na magkakaroon tayo ng malalang pneumonia, magiging parang sipon na lang siya. Kahit makalusot man iyong infection sa bakuna.
Pangalawa is maganda talaga kung clinical disease hindi nabibigyan, kahit sipon, hindi ka magkakaroon, dahil less nakakahawa iyong taong hindi bumabahing or umuubo. Iyong pangatlo iyong tinatawag na transmission blocking o iyong sterilized immunity. Sa ngayon ang ating mga bakuna, wala pa naman napupruweba na lahat ng mga bakuna na ito ay nakaka-stop ng transmission by 100%. Bagama’t mayroong epekto ito sa transmission, dahil kung mas kaunti ang tao nagkakaroon ng sipon or ubo mas bumababa po iyong risk na makapag-transmit sila ng COVID sa ibang tao.
USEC. IGNACIO: Doc, mahalaga na agad maturukan iyong sinasabi nating nasa vulnerable population po kagaya po ng mga senior citizen dahil mas mataas daw po iyong fatality rates sa sector na ito. Ibig sabihin po magsisimula na po iyong vaccination sa kanila ay wala na pong, naku huwag namang mamamatay, o talagang masasabi natin maliit po iyong chance na may papanaw dahil sa COVID-19?
DR. SALVAÑA: Yes, tama po iyon, sa pinakita naman ng ating clinical trials nakalagay nga doon, 100% naging severe. Bagama’t alam naman natin wala namang talagang 100% sa buhay, so kahit papaano may makakalusot pa rin diyan. Pero kampante po tayo na based on what the clinical trial shows, napakalaki po talaga ng epekto nito sa pagpababa ng risk na mamatay lalung-lalo na iyong ating mga vulnerable population, katulad ng senior citizen.
USEC. IGNACIO: Doc., pero iyong ating mga COIVD-19 survivor na may mataas na level pa ng antibodies, mairirekomenda po banatin na sila ay tuturukan na rin agad ng bakuna o kailan po iyong sa tingin ninyong tamang panahon na sila po ay tumanggap din ng bakuna?
DR. SALVAÑA: Well, sa pagkakatala po ng mga eksperto, kasama na rin po diyan iyong sa US at itong sa WHO, wala naman pong level ng antibody na sigurado tayong protective. So, ang advise nila is, siguro delay at least 90 days up to 6 months from the time na nahawa po tayo ng COVID-19 para bumaba na iyong antibody. Hindi kasi problema naman iyong safety, the measure is the efficacy, kasi kung mataas na mataas pa iyong level ng antibody, baka naman ma-neutralize agad iyong ating bakuna at hindi makagawa ng proper response iyong ating katawan. Bagama’t wala pa pong consensus kung anong level ng antibody ang protective, ang pagtataya po ng mga eksperto is wait at least 90 days from the time na nagkaroon kayo ng COVID. Hindi naman po bawal magpabakuna, basta nagka-COVID na kayo.
USEC. IGNACIO: Pero, Doc, para sa mga naturukan po ng unang dose ng bakuna na nakaranas po ng side effect, the same pa rin po ba iyong kanilang mararanasan o maiba iyong kanilang mararanasan, posibleng maiba ang kanilang maranasang side effect sa ikalawang dose po, iyong tinatawag nating booster dose?
DR. SALVAÑA: Sa mga clinical trials naman po wala naman iyong tinatawag na safety signal na may mas malaking problema po with the second dose. Karamihan naman po ng mga side effects na ito ay iyong common and mild. Iyong iba po nahihimatay, dahil siyempre kapag tinusok ka, minsan nakaka-stress nangyayari naman talaga iyon. Pero doon sa mga nangyari mukhang okay naman po sila lahat at nakauwi na po lahat sa bahay.
USEC. IGNACIO: Doc, susundan po ba natin iyong ginagawang strategy ng United Kingdom ano po , iyong balak daw po muna nilang turukan mas marami nilang population ng unang dose, bago po ibigay ang second dose para kahit daw papaano ay may partial protection na sila sa COVID-19?
DR. SALVAÑA: Hindi po ito iyong strategy natin. Dahil gusto pong i-assure ng DOH na lahat po ay mabibigyan ng second dose. So, actually dito sa 600.000 na dinonate ng Sinovac, 300,000 lang po iyong bibigyan natin ng first dose, para sigurado po tayo na may second dose para sa ating mga frontliners. Unless mayroon nga po talagang alam na alam na tayo na darating na, mahirap po kasi talaga na magbakasakali tayo. And ito po iyong naging approach at ang pinag-agree-han ng lahat na isi-secure po natin iyong second dose, para sa lahat ng magpapaturok ng first dose.
USEC. IGNACIO: Pero, Doc, bakit mahalaga na talagang masunod natin iyong schedule ng pagbabakuna, ito pong tinatawag nating booster dose?
DR. SALVAÑA: Importante po, kasi bago po lahat itong mga bakuna na ito. At ang alam lang po natin sa ngayon ay iyong nakita po sa ating mga clinical trial. Bagama’t puwedeng gumana siya kung i-delay natin wala pong katiyakan at lalung-lalo na sa ganitong mga times of uncertainty mas maganda po talaga na sundin muna natin iyong alam po natin.
USEC. IGNACIO: Doc., ang atin pong rekomendasyon ay kahit po nabakunahan na ay sundin pa rin iyong tinatawag nating minimum health standards. Kailan po natin masasabi na nakatulong po iyong bakuna para hindi na tayo mahawaan ng virus o maiwasan na po natin ang transmission?
DR. SALVAÑA: Actually, it will take siguro mga 6 weeks at least, kasama na diyan iyong pagbigay ng bakuna sa fourth week, iyong second dose. After that, two weeks to be at the full protection although nagsisimula na ang protection from the first dose pa lang. Pero alam po natin kasi na hindi ito necessarily transmission blocking vaccines. So sa ngayon kailangan pa rin po patuloy iyong ating minimum health standard at least until nabakunahan na ang karamihan ng tao.
USEC. IGNACIO: Doc., kinumpirma po ng Department of Health na nakapasok po iyong South African variant na COVID-19 sa bansa. At sinasabing pinapababa umano nito iyong efficacy rate ng isang bakuna. So, pakipaliwanag naman ito, Doc?
DR. SALVAÑA: Iyong report po ng South African variant, mayroon po kasing mutation na tinatawag na E4A4K at mayroong indikasyon na puwedeng bumaba iyong antibody response at iyong efficacy noong vaccine against these kind of variants. Preliminary pa lang po itong mga pag-aaral na ito, hinihintay po natin iyong mga publications, pero of course it is cause for concern. Pero unang-una anim na instances pa lang naman ang nadi-detect noong ating South African variant at iyong iba nga po dito ay returning OFWs at naka-quarantine naman po sila.
So, important po, tuluy-tuloy iyong surveillance natin para makita natin iyong pagkalat ng variant na ito at importante po talaga na mas paigtingin pa natin iyong ating vaccination campaign.
Itong Sinovac po is a full inactivated vaccine. Ibig sabihin iyong buong virus po, hindi lang piyesa. So iyong katawan natin gumagawa ng different kinds of antibodies against the whole virus. Kaya mukhang potentially mas resistant po talaga ito sa ating variants and there is preliminary data to support it. So, iyong mga ibang vaccines naman kahit iyong nagpapakita ng decreased efficacy, puwede naman pong i-upgrade at i-level up po ng kanilang mga manufacturers at pinag-aaralan na po ito. So, ang importante po talaga is magsimula na tayo at tuluy-tuloy na po ito para mas maraming tao ang maproteksiyunan.
USEC. IGNACIO: Base po sa inyong pag-aaral, Doc, ito pong pagtaas ng mga kaso ngayon po ba ay sanhi po ngayon na nakapasok itong iba’t ibang variants sa ating bansa?
DR. SALVAÑA: Well, sa ngayon po ang nakikita natin na porsiyento ng variant doon sa mga three sequence po natin ay napakaliit pa, less than 3, less than 2%. So, malamang po puwede siyang maging factor, pero hindi po siya talaga iyong tinatawag na main driver noong ating pag-increase. Tumataas po talaga ito more likely dahil nagiging careless tayo ng kaunti and it’s more likely the old virus, kasi iyong old virus ganoon rin naman nakakapaghawa, nakakapag-surge lalung-lalo na po kung hindi tayo mag-stick to our minimum health standard.
So, it could be a factor iyong pagpasok ng variant pero palagay ko ang main driver pa rin talaga nito ay iyong ano, iyong the fact na nakahawa talaga kahit iyong old virus at hopefully hindi naman dahil medyo nagri-relax tayo ng kaunti, kinakailangan pa rin po natin to stick to what we know to prevent these kinds of surges. Kasi all these measures sa ating minimum health standards, whether new variant iyan o hindi gagana naman po iyan as long as we comply with them.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, bigyang-daan natin iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media, mula kay Red Mendoza ng Manila Times: OCTA Research po has sounded the alarm on the increasing cases in Metro Manila in the past week. Do we have to push the panic button now to stop further infections?
DR. SALVAÑA: Pinakaimportante po, huwag po tayong mag-panic, kasi wala namang naidudulot sa atin na tulong kung nagpa-panic po tayo. Ang importante po pag-aralan po natin ito nang maigi. At alam naman po nandiyan naman po ang ating mga contingency measures, increase iyong tinatawag na granular lockdowns natin, increase po natin iyong ating testing capacity, iyong ating tracing capacity at iyong ating isolation and quarantine facility.
Sa ngayon po, mukhang okay naman iyong healthcare utilization natin. Mayroon pa naman tayong mga kama sa ating mga ospital. Pero iyon nga, iyong importante is habang mayroon pa tayong ganitong klaseng reserve, dapat ilalagay na po natin iyong measures para proactive po natin ma-anticipate itong mga surges at ma-control na po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Isa pa pong tanong mula kay Red Mendoza, Doc. Edsel: How does it feel daw po to be leading the way in informing the public about the pandemic that some called you as the country’s version of Dr. Anthony Fauci?
- DR. SALVAÑA: [Laughs] Well napakaano naman—actually, sa akin po ang importante lang po talaga is ‘pag tinanong po sa akin na puwede ko bang tulungan iyong aking bayan ay tutugon po talaga ako. Si Dr. Fauci tinitingala ko po siya, siya po iyong nagsulat ng aming libro sa internal medicine at nakikita ko po siya sa aming mga international conferences. [Garbled] tao po niyan.
Medyo mahirap po talaga ikumpara sa ganiyan but you know, we try our best po to make sure that we try to present the science – whether it is convenient or not, kung ma-bash man ako, tinatanggap ko po iyan. Ang important po sa akin ay klaro po kung ano iyong sinasabi ng ating science and that we work together as a nation to fight COVID dahil po sama-sama po talaga tayo dito. We all want the government to succeed dahil kung mag-fail po iyong government natin, marami po talagang mamamatay dahil sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Susugan ko na iyan, Doc., ano para po sa iba nating mga kababayan na may pangamba pa rin po na magpabakuna. Ano na lamang po ang mensahe ninyo para sa kanila?
DR. SALVAÑA: Ayos po. Ang pagbabakuna po lalung-lalo na doon sa ating mga healthcare workers ay personal choice po. Importante po na we are giving the option to get these vaccines. Inuuna na po tayong mga healthcare workers dahil tinitingala naman po ng ating bansa na tayo po talaga iyong at risk. And based on—alam naman po natin we trust our healthcare workers, they’re very smart people, they can decide for themselves at hindi po natin sila tatanggalan ng place sa line kung hindi po ito iyong gusto nilang kunin na bakuna. Ngunit dahil nandito na ‘to, mayroon po talaga tayong choice.
Ako, based on my reading of the evidence as an infectious disease doctor, as a molecular epidemiologist, as a molecular biologist, sa tingin ko po mapuprotektahan po ako ng bakuna na ‘to especially against severe COVID kaya kinuha ko na po siya. I respect your stand if you want to wait for another vaccine pero ang sabi nga po ng mga tao, ng mga doktor all over the world, the best vaccine is the vaccine that is in your arm.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Edsel Salvaña, ang Director po ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology National Institute of Health, UP Manila. Salamat po.
DR. SALVAÑA: Maraming salamat.
USEC. IGNACIO: Maliban sa mga pampublikong ospital, magbibigay din po ng supply ng bakuna ang national government sa mga healthworkers na nasa pribadong sektor. Kabilang na diyan ang mga nasa The Medical City. Sa katunayan, mayroon itong ceremonial vaccination na hudyat ng kanilang COVID-19 vaccine rollout sa kanilang medical frontliners. Humingi tayo ng update mula kay Naomi Tiburcio. Naomi…
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Naomi Tiburcio.
SEC. ANDANAR: Vaccine saves lives ika nga ng ating mga eksperto at hindi rin naman basta-basta ang pag-apruba sa paggamit ng mga bakunang ito sa publiko. Isa pa sa magpapaunawa sa atin kung bakit mahalaga na tayo ay magpabakuna ay ang Executive Director ng Philippine Council for Health, Research and Development, Dr. Jaime Montoya. Magandang umaga po sa inyo, Dr. Montoya.
DR. MONTOYA: Magandang umaga po, Secretary Martin.
SEC. ANDANAR: Marami pa rin po ang nag-aalangan na magpaturok kahit na ano pang brand ng bakuna ang mayroon diyan. Pakipaliwanag po sa ating mga manunood kung bakit hindi sila dapat mangambang magpabakuna at sabihin na rin po natin ang mabusising prosesong pinagdaanan ng isang bakuna bago mabigyan ng Emergency Use Authorization o EUA?
DR. MONTOYA: Salamat po. Lagi po nating ipinaliliwanag sa ating mga kababayan na ang pagkakaroon po ng bakuna ay hindi simpleng bagay. So ito po ay bago po ito’y aprubahan ng ating Food and Drug Administration, ito po ay nagdaan sa masusing pag-aaral ng ating mga eksperto at mga nakakaintindi sa development po ng mga bakuna. Sa Pilipinas po halimbawa, ito po ay nagdadaan sa Vaccine Expert Panel na tumitingin po sa mga teknikal o mga scientific information at datos na base po sa mga clinical trials na isinagawa sa pagdi-develop ng bakunang ito.
Ito po ay tinitingnan din from the ethical perspective at tinitingnan po ito ng Single Joint Ethics Review Board. At pagkatapos po nito ay ito’y binibigay naman sa Food and Drug Administration para tingnan po ang iba pang aspeto katulad ng manufacturing practices at iba pong bagay na kailangang tingnan para masigurado ang kalidad ng bakuna. Mayroon din po silang Internal Expert Panel sa loob po ng FDA para taking a second look po sa lahat ng mga datos at rekomendasyon na ibinigay ng Vaccine Expert Panel at ng Single Joint Ethics Review Board.
So makikita ninyo po na marami pong pinagdaanan ito at marami pong eksperto ang tumingin bago po maglabas ng desisyon ang ating FDA.
So napakalaki po ng aking kumpiyansa na basta po aprubado ng ating FDA, ito po ay siguradong mabisa, ligtas at may kalidad. Kaya kailangan po tayo bilang mga mamamayan lalung-lalo na iyong mga at risk po katulad ng healthcare workers, ang mga may edad na at iba pang sakit, kung mabigyan po ito ng oportunidad na bigyan ng bakuna, tanggapin po natin dahil ito po ay ating pagkakataon upang sa lalong madaling panahon tayo po ay mabigyan ng proteksiyon hindi lang po laban sa impeksiyon kundi pati po sa sintomas, sa severe disease, sa hospitalisasyon at huwag naman po ipahintulot, kahit po sa pagkamatay.
Kaya po talagang ating pinapayuhan ang lahat po na ‘pag tayo’y binigyan po ng pagkakataon na tayo’y mabakunahan, tanggapin na po natin basta po aprubado ng FDA para po tayo magkaroon ng proteksiyon sa lalong madaling panahon. At sa pangkalahatan po, kung lahat po tayo ay magpapabakuna o karamihan sa atin ay magpapabakuna, mas maaabot po natin ang ating inaasam-asam na tinatawag na herd immunity para po ang populasyon natin ay maging protektado laban sa COVID-19.
SEC. ANDANAR: Para naman po masiguro na makukuha natin ang maximum efficacy ng isang bakuna, ano ang dapat na lifestyle at hindi dapat gawin ng isang tao na babakunahan at ganoon din sa mga nabakunahan na?
DR. MONTOYA: Sa pangkalahatan po, kapag tayo ay exposed to an infection or infectious, posibleng magkaroon ng sakit, talaga pong ating payo sa pangkalahatan ay una, tayo po ay mabuhay ng tinatawag natin na healthy lifestyle katulad ng inyong nabanggit. Ito po ay kinabibilangan ng pagkain po ng tamang pagkain, balance diet po, sapat na pahinga, enough rest po. Pag-iwas sa mga bisyo, katulad ng pag-inom ng alak o pagsisigarilyo at ang ehersisyo ang tamang aktibidad para ma-exercise po tayo at maging physically fit.
At halimbawa po, kung tayo po ay may mga maintenance medication, safe naman po inumin iyan after tayo ay bakunahan dahil kailangan po tayo ay fit and safe at mas maganda po ang ating response sa bakuna kung ang immune system natin ay kumpleto, healthy at ito po ay base sa ating healthy lifestyle.
SEC. ANDANAR: Dr. Montoya, matapos pong maturukan ng dalawang doses ng bakuna ang isang individual. Maaari pa rin ba siyang magpaturok ng booster shot o iyong pangatlong shot? Ano po ang posibleng epekto nito sa isang individuals?
DR. MONTOYA: Ok po. Iyon pong ating mga bakuna, may tinatawag tayong series or primary series kung paano siya ibibigay. Meron pong mga bakuna na minsan lang ibibigay katulad po ng Janssen na kaa-approved pa lang, kabibigay lang ng EUA ng US FDA at siguro po magiging available din sa atin na hopefully in the future. Mayroon din pong mga bakuna na pangkaraniwan, mas marami po ito, dalawang beses po ibibigay na may agwat po na either two weeks, three weeks or four weeks.
So, iyong po ang pamamaraan ng pagbibigay. Now itinuturing po na iyong second dose kung dalawang beses po siya ibibigay as booster dose. Ang ibig sabihin po nito bagama’t for example iyong Pfizer at Moderna na unang naaprubahan ay mayroon na po tayong anti-bodies as early as two weeks after the first injection, ito pong booster ay parang paraan para masigurado na ito po ay magtatagal at mas mataas para po masigurado na mas matagal po, mas durable mas long lasting at mas high ang lead-dose ng antibodies induced by the vaccine.
Pinag-aralan po itong mabuti at base rin sa pag-aaral sa ngayon kapag po binigyan ng booster mas malaki po ang degree of protection not only from disease but also, katulad po ng mga bagong lalabas na bakuna, against the possible variance na puwedeng lumabas po sa population at ito po ay base sa more durable and long lasting antibodies. Although, kailangan po natin makita pa kung gaano katagal itong mga antibodies na ito, sa mga group studies na mangyayari after the vaccination of more populations have started.
So, ang mga bakuna developers po, mga vaccine developers ay nagsasagawa na ngayon ng mga pag-aaral para mag-develop po ng tinatawag na mga boosters din na puwede pong makadagdag, maka-improved ng mga antibodies pa or ma-address po iyong mga variants na lumabas ngayon at iyan po ay ginagawa na po ng mga naunang vaccines katulad ng Pfizer at Moderna at iba pong mga vaccines pa.
So, in the future po hindi tayo magtataka, kung magkakaroon po ng mga third shot or fourth shot po, depende po sa magiging resulta ng mga pag-aaral na isasagawa tungkol sa mga epekto ng mga booster na ito sa antibodies ng mga current vaccines.
SEC. ANDANAR: Doc, may mga nabasa po ba kayong pag-aaral na ngayong nagkakaroon na ng worldwide vaccination ay bumaba na rin ang transmission ng virus?
DR. MONTOYA: Maganda pong tanong iyan? Sa pangkalahatan po lahat po ng mga eksperto, tayo ay interesado sa efficacy ng mga bakuna ay tinitingnan ang magiging resulta ng mga bansa na nagsasagawa na ng what we call massive vaccination o nangunguna sa karamihan ng population ang pagbabakuna.
Ang nangunguna po dito ay ang bansang Israel dahil sila po, bagama’t ang kanilang population ay maliit lang, mga 9 million, ang kanilang pagbabakuna po ay mabilis at maaga po silang nagsimula.
So, sa ating pag-aaral, sila po ang minamanmanan at tinitingnan dahil sila po ang malamang na mauuna na maka-achieve po ng tinatawag natin herb immunity. Pero sa paunang datos na lumalabas sa kanila, although ito po ay hindi pa published data pero base po sa mga interview at mga resultang lumalabas sa mga health authorities ng Israel ay mukhang nakakakita na sila ng pagbaba ng mga kaso po ng COVID-19.
Particularly po sa mga may edad na sa Israel, kasi iyon po ang inuna nila na kategorya at iyon po ang medyo naka-achieved na po ng sufficient numbers at percentage at mukha pong malaki na po ang ibinaba in-terms of cases ng mga may edad na sa Israel.
Although, iyong general population po ay medyo nasa 30% pa po ang vaccination coverage nila, so minamanmanan pa po natin, pina-follow-up po ang magiging resulta dito. Pero mukhang maganda po ang trends at iyon po ang ating pina-follow-up ngayon.
SEC. ANDANAR: In relation to that, kailan po inaasahan na matatapos ang clinical trials ng Janssen sa bansa? May initial reports na po ba tayo kung maganda ang itinakbo nito?
DR. MONTOYA: Well, iyon pong mga independent clinical trials natin, mayroon po iyang sinusundan na taning o panahon para isagawa iyan at iyon po ay usually based kung maa-achieve na po nila ang kanilang target sample.
Halimbawa, kung ang target nila ay makakuha ng mga dalawang libo, isang libo o dalawang libong lalahok sa trial, puwede na pong tapusin iyong pag-aaral. So, depende po iyan sa bilis ng kanilang pagkuha ng mga kalahok.
Pero sa atin pong palagay ay matatapos po iyan siguro in the next two months or a little more, baka three months pero depende pa po iyan. Sabi ko nga sa bilis na makakuha ng sapat na numero ng kalahok para ma-achieve po nila ang target population nila.
Hangga’t hindi po nangyayari iyan ay hindi po tayo makakakita ng pag-aaral ng datos po. So, aantabayanan po natin yan, hintayin po natin na matapos iyong pag-aaral, iyong pagkuha nila ng mga volunteers at after that, isasama po iyan sa iba pang mga bansa na gumagawa din po ng katulad na clinical trial.
Magkakaroon po ng data analysis iyan at iyon po ang kanilang isa-submit sa ating FDA para po pag-aralan at makadadagdag sa ebidensiya in terms sa kanilang pagiging mabisa sa proteksiyon at safety rin po ng mga bakuna. So, antabayanan po natin iyan?
SEC. ANDANAR: Puntahan po natin si Usec. Rocky para sa mga tanong ng media.
USEC. IGNACIO: Good morning po Doc Montoya. May tanong po si Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Ano na daw po ang updates sa mga gagawing clinical trials sa bansa?
- MONTOYA: Marami pong mga interesado na magsagawa ng clinical trial, pero wala pa pong nagsa-submit ng new application sa atin for clinical trial. Sa ngayon po tatlo pa rin po ang clinical trials na nabigyan na po ng approval ng ating FDA. So, ito po ang Sinovac, ito po ang Clover at iyong Janssen po, so, ito po.
Pero, inaasahan po natin na magkakaroon pa ng ibang clinical trials basta po sila ay nag-submit ng aplikasyon at sinasabi ko nga lagi na kahit po itong mga developers o bakuna na mayroon ng EUA, tingin ko po ay magsasagawa pa sila ng mga clinical trials at nangyayari na po iyan ngayon. Dahil gusto nilang makita kung sila ay epektibo sa specific population. Halimbawa, napatunayan nila sila ay useful for ages 15 to 59, gusto po nilang makita talaga kung sila ay mabisa rin o epektibo sa particular populations. For example po sa ating mga kabataan sa less than 18 years of age; sa elderly po, more than 60 or 65 at iyong iba pang mga kondisyon na kakaiba.
Halimbawa po iyong may mga sakit na kasama, mga buntis, iyan po ay isinasagawa na po ngayon, bukod po doon pa sa mga variants na lumalabas na po ngayon nagdi-develop na rin sila ng mga booster shots o mga puwedeng multivalent vaccines, karagdagan isasama nila sa kanilang mga bakuna para ma-cover po itong mga ito. So, nakikinita po namin na marami pa pong vaccines trial applications na mangyayari at inaantabayanan po natin iyan.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: May isa daw pong company – Glovax, ang may balak na magpatayo ng isang vaccine manufacturing company dito sa Pilipinas. Nakikipag-ugnayan na po ba sila sa DOST para matulungan sila?
DOST EXEC. DIR. DR. MONTOYA: Opo. Katunayan, marami na po kaming meetings at itong Glovax po ay isang local company nakipag-partner sa isang Korean firm manufacturing company na gumagawa na po ng bakuna at nagka-interes sila na magkaroon kapasidad na gumawa ng bakuna sa ating bansa in partnership with this Korean company.
So tinutulungan po natin iyan, patuloy po ang ating pakikipag-usap para po sila ay maisagawa iyong kanilang plano at eventually po sana po ay magtuloy-tuloy na ito para po magkaroon na tayo ng local capacity to develop vaccines in the Philippines.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong ulit si Red Mendoza: Bilang isang infectious disease specialist, ano po ang reaction ninyo sa mga vaccination na ginagawa ngayon?
DOST EXEC. DIR. DR. MONTOYA: Well, unang-una po, katulad ng sinabi ko rin sa mga ibang interview na kami po ay natutuwa na at last ay nagkaroon na po tayo ng bakuna na aprubado ng ating FDA na magiging available po sa mga Filipino.
And of course, inuna po natin ang ating mga frontliners o mga health care workers. Bakit po? Dahil ito po ay nagbibigay pag-asa sa atin na ngayon po, bukod sa ating minimum public health standards mayroon na rin tayong additional mode of protection and this is through vaccination.
So, kami po ay natutuwa at nagsimula na po at ito po sana ay tuloy-tuloy na sa pagdating pa po ng iba pang mga bakuna na aprubado ng ating FDA na puwede pong gamitin ng iba’t-ibang populasyon para po kaagad-agad at the earliest time possible ay ma-reach po natin ang ating objective na magkaroon po ng herd immunity.
In which case, kahit po hindi mabakunahan ang iba, kung nabakunahan na po ang sufficient population sa bansa ay magkakaroon na po tayo ng overall protection laban sa COVID-19 virus at pati po iyong pangkalahatan magkaroon po ng proteksiyon at bumagal po ang sirkulasyon ng virus at bumaba po ang number of cases ng COVID-19 sa ating bansa.
SEC. ANDANAR: Dr. Montoya, may update na po ba tayo sa mga efforts sa pag-develop ng treatment o bakuna naman kontra COVID-19 mula sa ating bansa?
DOST EXEC. DIR. DR. MONTOYA: Salamat po sa tanong, Secretary. Para malaman ng ating mga kababayan baka hindi pa nila alam, tayo po ay kasama sa Solidarity Trial for Therapeutics na organized po ng World Health Organization.
So, ito po ay trial na ginagawa para po makita o madiskubre at malaman kung mayroong mga gamut, puwedeng mga bago o puwede ring mga dati ng gamot na aprubado pero puwedeng gamitin para sa COVID-19. Mayroon na pong mga napag-aralan at ilan po dito ay ang Remdesivir; ito pong Lopinavir–Ritonavir na ito po ay repurposed drug originally for HIV pero sinusubukan po natin sa COVID-19; Interferon na ito ay dinivelop para sa Hepatitis pero tiningnan din po para sa COVID-19; at iyong Hydroxychloroquine na para po sa Malaria pero tinitingnan din po para sa COVID-19.
So base po sa datos na lumabas sa World Health Organization, pangkalahatan po, from the different countries kasama na po ang Pilipinas eh unfortunately hindi po maganda ang resulta in the sense na wala po sa apat na gamot na ito ang may naitutulong sa proteksiyon laban sa COVID-19. Kaya po ang ginawa ngayon ng WHO ay tinitingnan po iyong ibang pang puwedeng pag-aralan na gamot katulad po ng mga Monoclonal antibodies; mayroon pong mga anti-inflammatory agents; mga repurposed drugs pa po na puwedeng makatulong sa COVID-19 at pag-aaralan po through the trials at tayo po ay kalahok din dito at iyon po ang ating inaantabayanan.
So, patuloy po iyan.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Dr. Jaime Montoya, ang Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development. Mabuhay po kayo, Doc.
DOST EXEC. DIR. DR. MONTOYA: Maraming salamat po, Secretary Martin.
SEC. ANDANAR: Bukas nakatakdang magsimula ang pagbabakuna ng Cebu City sa health workers nito at ang unang makakatanggap ng mga bakuna ay ang frontliners sa Vicente Sotto Memorial Medical Center. Ang paghahanda doon alamin natin mula kay Daniel Manalastas. Daniel, please come in.
[NEWS REPORT BY DANIEL MANALASTAS]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Daniel Manalastas.
USEC. IGNACIO: [Off mic] ang babakunahan ngayong araw. Kuha po tayo ng—at hindi lamang ito mga health workers kung hindi kasama rin ang mga pulis at Bureau of Fire Protection. Bilang ang mga barangay sa lungsod ng Pasay na nasa localized Enhanced Community Quarantine higit 70 na. Ang kabuuang detalye mula kay Louisa Erispe. Luisa?
[NEWS RERPORT BY LOUISA ERISPE]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, Louisa Erispe.
(NEWS REPORTING)
SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, hatid iyan ni John Mogol, John?
(NEWS REPORTING)
SEC. ANDANAR: Maraming salamat John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
USEC. IGNACIO: Samantala, ilang pampublikong eskuwelahan sa Lungsod ng Davao magsisilbing vaccination sites. Ang detalye ihahatid ni Regine Lanuza ng PTV-Davao.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza.
SEC. ANDANAR: Sa iba pang balita, Senador Bong Go, iminungkahi kay DFA Secretary Teodoro Locsin at DOF Secretary Carlos Dominguez na tulungan si Secretary Carlito Galvez sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19. Hinikayat din ng senador ang publiko na magtiwala sa bisa ng mga bakuna. Ang buong ulat ihahatid ni Phoebe Kate Valdez ng PTV-Cordillera.
(NEWS REPORTING)
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Phoebe Kate Valdez.
USEC. IGNACIO: Pinalawig po ng Education Department hanggang July 10, 2021 ang kasalukuyang school year sa mga pampublikong paaralan. Sa ilalim po iyan ng Department Order 0120 series of 2021 na nag-a-amyenda sa school calendar para sa taong 2020 hanggang 2021 mula March 1, hanggang 12 ay pinayagan po ang mga eskuwelahan na magpatupad ng intensive intervention at remediation activities para sa mga estudyante at upang mabigyan na rin ang mga guro ng panahon para sa iba’t ibang learning modalities. Mula March 15 naman hanggang 19 isasagawa ang in-service training o INSET para sa mga guro. March 22 hanggang May 15 naman isasagawa ang third quarter habang sa May 17 hanggang July 10 ang fourth quarter. Ipapatupad ang nasabing polisiya sa lahat ng pampublikong elementarya at sekondarya sa buong bansa. Hinikayat naman ng DepEd ang mga private schools, technical-vocational institution at higher education institutions na ipatupad din ang nasabing guidelines.
SEC. ANDANAR: Maliban sa AFP Headquarters, nagsimula na rin nag COVID-19 vaccine rollout sa Philippine Navy, Philippine Army at Philippine Air Force sa kani-kanilang kampo. Nasa 70,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ang inilaan para sa medical personnel ng AFP na paghahatian sa bawat kampo ng bansa. Ikinalugod naman ni National Task Force Chairperson, Secretary Delfin Lorenzana ang magandang resulta ng pagsisimula ng vaccination rollout. Kasunod nito, sinabi ng Kalihim na hindi ito ang panahon upang pulitikahin ang isyu ng bakuna
(VOICE CLIP)
USEC. IGNACIO: Nanawagan si Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko na huwag masamain ang kaniyang sinabi kahapon na halos isang taon na tayong nakabakasyon dahil sa COVID-19. Sa press briefing niya kahapon sinabi kasi ito ni Secretary Roque, bilang paliwanag kung bakit idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na special working days na at hindi na holiday ang November 2, December 24 at December 31. Ayon sa tagapagsalita, kailangan ng makabangon ang ekonomiya ng bansa at kung nabanggit man niya ang salitang bakasyon, ang ibig lamang niyang sabihin dito ay dapat mabawasan na ang mga araw na walang pasok para mas maging produktibo ang sektor ng mga manggagawa.
(VOICE CLIP)
SEC. ANDANAR: Samantala, sa datos na inilabas ng Department of Health kahapon umakyat sa 580,442 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos itong madagdagan ng 2,067 cases kahapon. 144 naman ang bilang ng mga bagong gumaling sa COVID-19 na umabot na sa kabuuang bilang na 534,463. Habang 47 naman ang nasawi na ngayon ay may 12, 369 total death sa bansa. Nasa 33,610 naman ang nananatiling active cases sa bansa. 89.8% ang mild, 4.8% asymptomatic, 2.3% ang critical, 2.2% ang severe at .85% ang moderate cases.
At diyan na po nagtatapos ang ating siksik na talakayan at balitaan tungkol sa bakuna kontra COVID-19. Maraming salamat po sa inyong pagtutok sa COVID-19 Vaccines Explained. Ito po ay hatid sa inyo ng PCOO, PTV, PIA. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO.
USEC. IGNACIO: Nais din naming pasalamatan ang ating mga kasamahan sa media, ang atin pong katuwang sa paghahatid ng tamang impormasyon sa ating mamamayan. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo. Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.
SEC. ANDANAR: Magkita-kita po muli tayo bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center