SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Muli ninyo kaming makakasama na magbahagi ng mga napapanahong impormasyon sa loob at labas ng bansa ngayong araw ng Lunes, July 5, 2021. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga sa iyo, Undersecretary Rocky Ignacio.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. At ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Ngayong umaga po ay pag-uusapan natin ang mga alegasyon ng korapsiyon sa ilang ahensiya ng pamahalaan, at kukumustahin din natin ang mga kababayan nating naaapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal sa Batangas at ang COVID-19 sa bansang Indonesia.
SEC. ANDANAR: Okay. Rocky, tayo ngayon ay nasa bayan ng Soccoro sa isla ng Siargao, Surigao del Norte para tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay natin ng Aid and Humanitarian Operations Nationwide na proyekto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang matulungan ang ating mga kababayan na naghihikahos, na hirap po sa kanilang hanapbuhay gawa ng ating nararanasang napakasamang pandemyang COVID-19.
At nandito rin po ang team ni Senador Bong Go para magbigay rin ng kanilang ayuda para sa ating mga kababayan dito sa isla ng Siargao, bayan ng Soccoro. Alam mo, Usec. Rocky, bagaman mayroon tayong issues, mga political issues, ito po ay hindi panahon para pag-usapan ang pulitika lalung-lalo na sa lokal na level. Ang pamahalaang Duterte ay nandito para magbigay ng tulong; walang political color ika nga, iyan po ay mensahe para sa mga taga-Surigao del Norte.
Samantala, patuloy namang minu-monitor ng PAGASA ang galaw ni Tropical Depression Emong sa loob ng Philippine Area of Responsibility ngayong araw. Patuloy ang paggalaw ng Bagyo sa extreme Northern Luzon kaya inaasahang magdadala pa rin ito ng moderate to intense rain sa bandang Batanes at Babuyan Islands hanggang bukas, July 6. Dahil sa malalakas na pag-ulang dala ng Bagyo, nagbigay ng babala ang PAGASA sa posibleng isolated to scattered flashfloods at landslides sa mga apektadong lugar. Delikado rin ang paglalayag dahil sa malakas na hangin at matataas na alon na posibleng dulot ng Bagyo.
Kaninang alas siyete ng umaga ay namataan ang mata ng Bagyo twenty-five kilometers east-north east ng Tuguegarao City sa Cagayan. Inaasahan namang ganap itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.
Manatiling nakatutok sa PTV para sa pinakahuling balita tungkol kay Tropical Depression Emong.
USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary, sa ibang balita: Senator Bong Go ipinaalala sa mga Pilipino na libre po ang COVID-19 vaccine na ipinagkakaloob sa kanila ng gobyerno. Nagbabala rin siya sa mga nagbibenta ng vaccine slots at ng pekeng bakuna dahil inilalagay ng mga ito sa panganib ang buhay ng ibang tao. Narito po ang report:
[VTR]
SEC. ANDANAR: [OFF MIC] … ang isyu ng korapsiyon [garbled] si Senador [garbled] sa ilang ahensiya ng pamahalaan. Ayon naman sa Presidential [garbled] Commission, hindi na nila ikinagulat ang mga [garbled] Chairman na si Greco Belgica. Magandang umaga sa’yo, kaibigan Chairman!
PACC CHAIRMAN BELGICA: Magandang umaga, sir, Secretary Martin, sa lahat po ng nakikinig sa atin. Salamat po sa inyo pong pagtawag.
USEC. IGNACIO: Chairman Belgica, babalikan po natin si Secretary Martin. Pero totoo po ba na kabilang na sa mga iniimbestigahan ng PACC ang ilan sa mga nasa listahan ng alleged corruption ni Senator Pacquiao?
PACC CHAIRMAN BELGICA: Tama po iyan, Ma’am Rocky. Lahat actually mayroon na kaming investigation na nagaganap at ongoing sa mga departamento na nabanggit po ni Senator Manny. Hindi na po kami nagulat dito. Ang gusto lang po naming malaman at inaantay ay iyong detalye ng mga dokumentong dala-dala po niya dahil para mapag-aralan kung ito po ba ay kasali na roon sa mga iniimbestigahan namin o bago ito.
Pero as of the moment, wala pa ho akong bagong narinig. Iyong mga SAP allegations po na narinig natin sa kaniya ay matagal na po naming iniimbestigahan, at si Secretary Rolly Bautista mismo kasama ng kaniyang mga kawani ay sumasagot sa mga imbestigasyon po natin dito. And basically, wala pang conclusion talaga roon sa—hindi pa conclusive iyong inilabas ni Senator Manny dahil ang pagkakaintindi ko ay ipapasa niya sa Blue Ribbon Committee para maimbestigahan at bibigyan din daw po ng kopya ang PACC para maimbestigahan. So ibig sabihin, wala pang imbestigasyon dito. These are allegations. And iyong mga dokumento na ipapadala po niya ay pag-aaralan namin kung ito po ba ay may ebidensiya or magagamit na ebidensiya laban sa mga tao na pupuwede pong maging liable sa korapsiyon. So iyon ang medyo gray area po dito.
And another thing is that iyong … hindi ko ho malaman kung paano mag-iimbestiga nang wala siya dahil … parang ang hirap po dahil siya po ang proponent ng mga issues na ito, so sino ang tatanungin namin sa mga issues niya. And medyo mahirap po, actually.
So, right now, ang amin pong gagawin is we will just, we are waiting actually for the documents that he said that his office will send us para ho pag-aralan namin kung ano ho ba itong mga ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, isa po sa mga alegasyong binitawan ni Senator Pacquiao ay ang sa SAP payout nga ng binanggit ninyo na DSWD kung saan dawit nga po umano ang isang financial service provider. Ano pong impormasyon ang mayroon ang PACC kaugnay po dito sa sinasabing umano ay anomalya sa SAP?
PACC CHAIRPERSON BELGICA: Iniimbestigahan na rin po namin iyan eh. In fact, bago pa maibigay – iyong Starpay po iyan eh – bago pa maibigay sa Starpay iyan, mayroong magkakalaban na mga proponent din po na nandoon din ho kami from that time dahil tinitingnan nga namin iyong pinaka-efficient and best way.
So, iyong issue po na iyan is already going under investigation sa PACC. Umuusad na po ang investigation po diyan, so, kapag natapos ho namin, isasampa ho namin kung mayroong mga dapat kasuhan. Iyon po.
USEC. IGNACIO: Papaano po iyong DOH, ang Department of Health? Matagal na rin itong issue at ilang beses na rin pong naimbestigahan ng Senado. Sa palagay ninyo po ba ay may grounds talaga ang allegation ni Senator Pacquiao dito? Kasi, Secretary, tandaan mo mayroon kayong tinatawag na commitment na kasama ang DOH sa inyong tanggapan para labanan ang korapsiyon? Ito ay napabalita na natin, Secretary?
PACC CHAIRPERSON BELGICA: Oho, tama po iyan. Siyam po ang kaso ng DOH sa PACC na iniimbestigahan. Ang ilan po roon kasama mismo si Secretary Duque at alam ho niya iyan dahil sumasagot ho siya sa mga imbestigasyon namin. Participative and very active po ang DOH sa mga imbestigasyon namin. So, this week actually may isasampa ho kaming kaso sa DOH – ay ilalabas din namin this week din po – kaya ongoing po iyan.
Iyon naman po – balikan ko lang iyong sa DSWD – apat po ang hawak naming kaso sa DSWD. Ang ilan po doon ay involving ang SAP-related concerns dahil 9,000 na libo nga po ang reklamo namin na natanggap tungkol sa SAP na iniimbestigahan ho namin. Hindi lang SAP, pati ayuda.
So, all these allegations ni Senator Manny ay titingnan namin dahil right now doon sa pandinig ko po, mayroon na ho kaming mga issues about it na iniimbestigahan. Of course, sa PACC naman po kasi hindi namin inilalabas sa media nang wala namang due investigation at saka wala ho kaming findings ng corruption.
So, wala pa ho sa stage na iyon iyong mga inilabas ni Senator Manny dahil ang pagkakaintindi ko po paiimbestigahan pa lang niya. So, medyo hilaw po ang conclusion, para mag-conclude. Hilaw pa, hindi pa hinog for a conclusive statement na mayroon talagang kurapsiyon dahil una, ia-audit pa iyan. Pagkatapos mo mai-audit iyan saka mo pa lang ide-determine kung sino ang probable na may liability. Pagkatapos kapag na-determine mo na for investigation saka mo pa lang masasabi na mayroong mga violation ng batas dito na puwede mong sampahan at parusahan iyong mga accountable officers.
So, nandoon pa lang po ang stage na iyan as far as we are concerned.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, may pahabol lang po si Celerina Monte ng Manila Shimbun para sa inyo. Ang tanong: Bakit kailangan pong nandito pa si Senator Pacquiao para mag-imbestiga? Hindi ho ba kasama sa mandate ninyo ang motu proprio ay imbestigahan ang mga hinihinalang anomalya sa pamahalaan? Tanong po ni Celerina Monte.
PACC CHAIRPERSON BELGICA: Kasi po, kagaya po ng sinabi ko, Ma’am Rocky, siyam na po ang kaso namin na iniimbestigahan sa DOH, ngayon, mayroon pong bagong alegasyon si Senator Manny.
Number one, the burden of proof resides with him. Siya dapat ang magpatunay ng kaniyang mga alegasyon ng korapsiyon.
Number two, paano namin malalaman kung ano ba talaga doon ang tinutukoy niya? Baka kasi iyong tinutukoy niya doon ay iniimbestigahan na po namin. So, ano pa ho ba roon ang talagang gusto niyang malaman?
So, kaya po napakahirap to proceed with the investigation. I mean, yes, it is possible pero ang hirap dahil we need to talk to him – ano ba ho rito ang gusto ninyong imbestigahan? Ano ba ho ang itinuturo ninyo dito – number one.
So, Malabo ho eh, parang you know, ano bang issue na gusto niyang—malawak ho ang SAP eh, mayroong issue diyan na hindi nabigyan; mayroong issue diyan na doble ang nabigyan; mayroong issue diyan na hindi dapat, iyong patay na; mayroong issue diyan iyong Starpay.
So, ano doon? Mayroon ba siyang bago dahil iyong mga binanggit ko ho iniimbestigahan na po namin iyon eh. So, para roon sa kaso niya, siya dapat ang magpaliwanag doon at mag-prove kung mayroon talagang korapsiyon dahil right now, these are all allegations and that’s why po—
Nevertheless, we will wait for the documents. We are following-up, ipapadala po sa amin sa opisina dahil pag-aaralan po naming mabuti kung anong mga hawak ninyo o iyong mga dokumentong iyon baka hawak na rin po namin.
USEC. IGNACIO: Secretary, sinabi naman ng DOE na rehash iyong mga alegasyon umano ni Senator Pacquiao dahil dati na raw itong naimbestigahan. Ano daw po ang masasabi ninyo dito?
PACC CHAIRPERSON BELGICA: Iyan exactly, Ma’am Rocky, that’s why we need to see the documents para mai-compare namin: Na-dismiss na ba ito; nakasuhan na ba ito; under investigation ba ito; nai-submit na ba ang report.
So, ano exactly iyong mga issue na iyan? Kailangan namin makita mismo iyong dokumento dahil hindi naman ho dinetalye ni Senador Manny iyong kaso. He wasn’t able to give details. We will just rely in the documents that he will give the Commission
SEC. ANDANAR: [OFF MIC] nakipag-ugnayan o makikipag-ugnayan ba ang PACC sa tanggapan ni Senador Manny Pacquiao para tumulong sa pag-imbestiga sa isyu ng kurapsyon sa ilang ahensiya ng pamahalaan?
PACC CHAIRPERSON BELGICA: Yes, Secretary, Sir. We will do that, we have been doing that. Ako ho personally, I sent him a text two days before he left and then we’ve sent word na aaralin namin. And nakita ko po iyong interview niya, sinabi niya naman na bibigyan kami, so my staff and my people are coordinating with some of his people para ho doon sa transmittal ng dokumento.
At kung ano man po ang issue na gustong i-raise up ni Sir Manny, just like any other official, any other ordinary people who comes to the PACC, calls me up, sends me a text, who sends me a Viber and the Messenger to investigate the case, we will treat it just the same.
SEC. ANDANAR: Personally, Chairman, sang-ayon ka ba sa sinabi ni Senador Pacquiao sa isang viral video na doble o higit pa sa doble ang naging kurapsiyon sa Administrasyon ni Pangulong Duterte?
PACC CHAIRPERSON BELGICA: Hindi po. Definitely, that is incorrect and unfounded, walang basis. Anong basis po niya para maging doble? Dapat mayroon siyang pagsimulaan.
Pangalawa po, ang nagdoble po sa Administrasyon ng Pangulong Duterte ay ang efforts to fight corruption, hindi po corruption. Only in the time of the President naglagay ng PACC, naglagay ng ARTA, naglagay ng Task Force Against Corruption and the President himself leading the war against corruption, in shaming corrupt public official who gets involved in corruption.
45 na po ang sinisibak ng Pangulo na high-ranking officials – Secretary, Undersecretary pababa. 150 [unclear] na po ang kinasuhan ng PACC sa Office of the Ombudsman as of May and its growing dahil weekly ho kami kung mag-file ng kaso. 13,000 issues ng kurapsiyon at mga reklamo na po ang inaksyunan successfully ng PACC na mga nakarating sa amin since 2018.
All these never existed in the previous administration. I have yet to see and to ask. In fact, the previous administration didn’t even have a PAGC.
So ang naipakulong—ilan na? Ang dami na hong naipakulong ng administrasyon na ito. PACC lang – 21, ang ARTA parang mayroong – kahapon nag-uusap ho kami – 15 o 17 ang naipakulong po nila through entrapment.
Ang nakaraang administrasyon po, alam ko tatlong senador lang ang naipakulong nila, tapos kaso pa na ipinayl (filed) ng isang pribadong complainant, hindi naman po ng gobyerno.
So, iyong dalawang—iyong sinasabi niyang nag-doble, nag-triple, hindi ko po makita kung saan ang basis noon, dahil kapag sinabi mong nagdoble o nagtriple, ano ang pinagmumulan? So nag nag-doble—again, ulitin ko po ang nagdoble at nag-triple ay iyong efforts ng gobyerno para labanan ang korapsiyon. Ngayon po, just last week, we have already started organizing the anti-corruption committee in all of government and pababa sa lahat sa pinakamababang opisina ng gobyerno hanggang sa barangay. We are organizing anti-corruption committees to assist us and assist the President in his campaign against corruption. So, all these bodies will be there in its place, put in place para po lababan ang korapsiyon.
Now, I am not saying wala na po ang korapsiyon. Mayroong korapsiyon, maraming korapsiyon. Kaya nga po ang PACC ay nilikha ng Pangulo, ARTA, Task Force Against Corruption at Ombudsman para labanan lahat po iyan. Tanong ko, kung doble, noong nakaraang, ano ba ang mga opisina ang nandoon para lumaban diyan? Ilan ang figures? So malabo po iyong sinabing iyon na statements ni Senator Manny na nag-doble, nag-triple. Totoo na mayroong korapsiyon tayong mga naririnig, pero to double and to triple, hindi po totoo.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyong panahon, PACC Chairman Greco Belgica. Keep safe my friend.
PACC CHAIRPERSON BELGICA: Thank you, Sec, my friend. God bless, PTV 4. God bless the Philippines. Maraming salamat.
SEC. ANDANAR: USec. Rocky, pansamantala muna akong magpapaalam sa ngayon upang ituloy ang misyon natin dito sa Socorro, Surigao del Norte.
USEC. IGNACIO: Okay, thank you, Secretary Martin, aabangan din natin kung ano ang mga pupuntahan mo, bukas. Salamat po.
Samantala, ika-125 Malasakit Center sa bansa binuksan na sa Siargao Island. Senator Bong Go, sinabing patuloy niyang isusulong na magkaroon ng mas maayos na serbisyong pangkalusugan para sa pinakamalalayong lugar sa Pilipinas, panuorin po natin ito:
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Kahapon po ay naitala ng Phivolcs ang higit 22,000 tons na sulfur dioxide na ibinuga ng Bulkang Taal na labis na nakaapekto sa nasa 14 na bayan sa probinsya ng Batangas, kaya naman kumustahin natin ang relief operation na ginagawa ng DSWD sa mga apektadong pamilya sa Batangas, makakausap po natin si Undersecretary Felecisimo Budiongan. Good morning po, Usec.
DSWD USEC. BUDIONGAN: Magandang umaga, Usec. Rocky at sa lahat ng mga nanunuod at tagapakinig ng programa ninyo.
USEC. IGNACIO: Usec. sa ngayon po, ilang pamilya o indibidwal na inilikas na nabigyan na po ng immediate relief, na tulong ng DSWD? At anu-ano pong food at non-food items ang naipamahagi na sa kanila?
DSWD USEC. BUDIONGAN: Well, base po sa latest report ng DSWD Field Office IV-A kahapon as of 6:00 P.M. Mayroong estimated na 1,200 families or 4,500 individuals sa region Calabarzon ang apektado ng volcanic activity ng Taal Volcano. Mula sa nabanggit na bilang, may estimated tayo na 500 families o nasa 2,000 individuals ang nasa 16 evacuation centers sa Agoncillo, sa Balete, sa Laurel at sa Nasugbu sa Batangas. Samantala, nasa estimated na 700 na families o 2,500 katao ang piniling manatili sa kanilang mga kaibigan o mga kamag-anak sa mga karatig bayan.
Sa kasalukuyan po patuloy ang validation at assessment ng mga taong apektado at lumikas. Ang inyo pong DSWD bilang isang national government agency ay may mandatong makapagbigay ng technical assistance at augmentation sa mga local na pamahalaan sa kanilang pagtugon sa kalamidad. Kabilang dito ang pag a-augment ng family food packs at non-food items upang maipamahagi sa mga apektadong pamilya. Sa pamamagitan naman ng pagbibigay ng TARA o ang ating Technical Assistance and Resource Augmentation tinutulungan po ng DSWD ang mga NGOs na mapabuti pa ang pagbibigay ng serbisyo sa kanilang mga nasasakupan lalo na sa oras ng kalamidad. Nagsimula na ang ahensiya na magbigay ng karagdagang food and non-food items sa mga apektadong lokal na pamahalaan.
Sa katunayan, noong naramdaman ang pag-alburoto ang Taal Volcano, nag-augment na kaagad ang DSWD ng 300 family tents sa Laurel Batangas, 200 family tents naman stockpile natin sa Batangas Sports Center. At 1 million plus na mga face mask, ito ay manggagaling sa stockpile ng IATF-EID, kasi sila po ay nag-stockpile din sa ating National Resource Operation Center doon sa Pasay City.
Noong July 2 naman ay nagpadala ang DSWD Central Office ng 2,000 family food packs sa Laurel, Batangas, 1500 family food packs sa Agoncillo at 5,000 family food packs at 500 modular tents sa Batangas Sports Complex. Ngayong July 5, mayroong 2,000 hygiene kits na ipapadala sa Canyon Woods, Laurel Batangas. Samantala 3,000 hygiene kits at 5,000 sleeping kits, plus 5,000 family kits at 5,000 family food packs naman ay dadalhin sa Batangas Sports Complex na i-stockpile natin bilang supply hub, para malapit na po ang pagdadala nito sa mga apektadong mga municipalities, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Usec, bale ilang evacuation center na po iyong na-occupy ng mga apektadong pamilya? At lahat po ba ito nabigyan na ng relief assistance? Paano daw po iyong mga nakikitira pansamantala doon sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan? Ito po ba ay nahahatiran din ng tulong ng DSWD?
DSWD USEC. BUDIONGAN: Opo. Base po sa Republic Act 10121, ang atin pong mga local government unit, sila po ang first responder during calamities. When we have our ocular inspection doon sa Laurel at saka Agoncillo, we were assured by Mayor Joan Amo, that they could feed their people for 7 days. But Secretary Bautista said that nagpapadala na tayo, nag-stockpile, nag-preposition na tayo, just in case na kailanganin nila ang augmentation from the national government. Iyong mga tao naman na nandoon na piniling pumunta doon sa kanilang mga kakilala at mga relatives, ngayon nagkakaroon ng assessment kung sinu-sino at saan sila upang madalhan sila ng kaukulang tulong galing sa local government unit at gamit ang mga resources ng DSWD po.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ilang pamilya po iyong pinapayagan sa isang evacuation center para mapanatili iyong physical distancing at siyempre po, sakaling magtagal pa iyong pananatili nila sa evacuation centers? Mayroon po bang sapat na pondo ang pamahalaan o DSWD para dito?
DSWD USEC. BUDIONGAN: Yes. Bilang lead agency para sa camp coordination ng camp management, tayo po ay nagbibigay ng mga instructions para sa minimum health and safety protocols doon sa mga evacuation center. Sa tanong po ninyo, kung ilan, depende po iyan sa space na makikita o mahanap ng local government unit. I understand, when we have our visit doon sa Municipality of Laurel, mayroon na po silang nakitang space doon sa may Twin Lakes and we provided the necessary number of family tents para madala doon. Of course, magkaroon din ng social distancing, we give that emphasis to the Mayor ano.
So tuluy-tuloy po ang ating pagsusuporta sa ating mga local government units and we see to it that all hands that we could muster ay magagamit natin tulad ng participation ng ating mga Barangay Peace Action Teams, sa Barangay Health Emergency Response Team or BHERT, Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholar. So lahat po iyan ay ginagamit na ng local government units. As a matter of fact, we are planning to activate the Task Group Taal ng DSWD upang magbigay suporta sa ating field office sa IV-A sa kanilang paggawang response operations. So kami po ay magdadala, mag-preposition na ng mga resources natin at kung kailangan ng additional quick reaction teams doon sa area para ma-augment natin ang ating regional office doon.
USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Undersecretary Felicisimo Budiongan. Mabuhay po kayo. Usec.
DSWD USEC. BUDIONGAN: Salamat po.
USEC. IGNACIO: At bilang pakikiisa rin sa mga kababayan natin na naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal, nag-donate po Metro Manila Council ng mga bakuna para sa mga evacuees, para po masigurong maprotektahan din sila mula sa banta ng COVID-19. Kaugnay diyan makakausap po natin si MMDA Chairperson Benhur Abalos, good morning, Chairman.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Good morning, Usec. Rocky at sa lahat po ng manunood, magandang tanghali po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, ilang doses po bale ng bakuna ang tinurn-over o iti-turnover ng MMC sa provincial LGU ng Batangas?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Ito po ay nai-turn over na po, ano, kulang-kulang 7,500, ito ay pauna pa lang, dahil ito ay biglaan, noong Sabado pa lang namin nai-coordinate sa mga alkalde, pero mabilisan po. Si Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, nagbigay ng 1,500, si Mayor Menchie Abalos ng Mandaluyong ay nagbigay ng 1,000, si Mayor Lino Cayetano ng Taguig ay kaagad nagbigay ng 1,000, si Mayor Isko Moreno ng Maynila ay nagbigay ng 2,000. Si Mayor Marcy Tedoro ay nagbigay po ng 1,000 vaccines, Mayor Edwin Olivarez po ng Parañaque ay nagbigay ng 1,000. Kulang-kulang 7,500 at marami pa po ang magbibigay. Ito po ay pakikiisa ng ating mga alkalde. At maliban dito, Usec. Rocky, ang ating himpilan two days ago pa, nagpaabot na tayo kay Secretary Lorenzana at kay General Jalad ng Office of the Civil Defense na nakahanda po ang manpower at ang personnel ng mga MMDA, mga fire trucks, military trucks, mga personnel, mga generator, mga flood lights, tent, nakahanda po ang aming mga tao para makiisa po sa Batangas po.
USEC. IGNACIO: Chairman, ano pong brand ng bakuna ito? At ito po ba ay surplus o sobrang bakuna sa mga lungsod dito sa Metro Manila kaya po tayo ay nakapag-donate?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ito po ay hindi pa sobra, ito ay talagang gagamitin talaga nila, pero mas minabuti nila na mas kailangan ng mga kapatid po natin sa Batangas. Dahil alam ninyo kung mage-evacuate ka, baka maghalu-halo po ang mga tao, kaya dapat talagang unahin na mabakunahan sila. Lahat po ito ay Sinovac, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Chairman, pero ito po ay first dose lang o paano po iyong sa mga magse-second dose na, hindi po ba maapektuhan?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Ay hindi naman po, dahil mayroon pong naka-schedule naman po. They made sure po na iyong naka-schedule for second dose ay mayroon talaga sila at iyong first dose na lang siguro iyong ibang kinuhanan.
USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, possible po bang madagdagan pa ang ibibigay ng Metro Manila Council na bakuna sa mga susunod pang araw?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Marami pa po ito. Actually, dahil nga ito ay mabilisan, ito ay noong Sabado lamang, kahapon lang kami nakagalaw, nagkatawagan lang, isang tawag umoo po kaaagad. Pina-follow up lang po namin ang iba. Huwag po kayong mag-alala, alam mo importante ngayon talaga ang Bayanihan sa lahat ng bagay. Ito ay pinaparating ng mga alkalde ng Kalakhang Maynila sa ating mga kapatid po na Batangueño.
USEC. IGNACIO: Chairman, kumusta naman daw po iyong pagbabakuna natin dito sa Metro Manila? Ang San Juan po ay nearing completion na po, paano naman po iyong ibang Metro Manila City, kumusta naman po?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, halos lahat naman, hindi po lumalayo sa San Juan, halos pare-pareho naman tayo. To give you an update right now, siguro sa ngayon po ay mayroon tayong halos 4.9 million, 4,000,897. Iyon pong mga nakaka-first dose ay kulang-kulang 3.6 million at iyong second dose ay 1.2 million. So importunate rito kung titingnan mo iyong nakaka-second dose eh. So sa talaan po namin, kamukha ng sinabi ko, kung tayo ay gagawa na lamang ng 114,000 a day – pinakamahina po iyon, dahil kung minsan nagto-200 thousand a day tayo – that’s about 3.4 million in one month. So in three months, that’s about 10 million ‘no, 10.4 or 10.2 million, idagdag mo itong 4.9 million ngayon, tingin po namin, bago mag-end ng September, more than majority na po ang naka-two dose na sa Metro Manila and this is about more than 7 million na katao.
Minamadali po natin ito, pero kamukha po noong sinasabi natin, itong mga kapatid natin na nangangailangan ng tulong on its own, talagang tutulong po ang Kalakhang Maynila.
USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagmamalasakit sa ating mga kababayan kasama po ang ating mga Mayors, dito sa apektado o naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal. Mabuhay po kayo MMDA Chairman Benhur Abalos.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Mabuhay po kayo at keep safe everyone.
USEC. IGNACIO: Samantala, silipin naman natin ang pinakahuling tala ng COVID-19 sa bansa. Nakapagtala ng dagdag na 5,966 cases na mga bagong nahawaan, ayon sa DOH as of 4:00 PM kahapon, kaya naman sa kasalukuyan ay nasa 1,436,369 na ang lahat ng nagkaroon ng COVID-19 sa bansa. Ganoon pa man ay mas mataas pa rin diyan ng halos 1,000 ang mga bagong gumaling na nasa 6,987 para sa kabuuang 1,358,512 recoveries. 86 naman ang mga nasawi o 25, 149 na total deaths, 3.7% naman ang total cases ang nananatiling aktibo sa ngayon. Katumbas po iyan ng 52,708 active cases.
Samantala, inilabas na ng IATF ang bagong protocol na ipatutupad para sa mga naka-kumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19. Ang mga itinuturing na fully vaccinated individuals ay ang mga nabakunahan na ng single dose vaccine o kaya ay mga nakumpleto na ng una at ikalawang dose ng dalawang linggo o higit pa. Papayagan na ang interzonal travel o pagbiyahe sa mga lugar na may magkakaibang quarantine restriction kahit na walang RT-PCR test results, basta’t maipapakita ang vaccination card.
Patuloy pa rin namang papayagan ang mga paglabas ng mga senior citizens sa mga lugar na nasa GCQ at Modified GCQ na nakumpleto na rin ng bakuna. Pinaikli na rin ang quarantine period sa mga fully vaccinated individuals sakaling close contact sila ng isang COVID-19 positive mula sa dating 14 days ay magiging pitong araw na lamang ito kung asymptomatic.
Kung kailangan naman na isailalim sa RT-PCR test ay puwede itong gawin ng hindi mas maaga sa ikalimang araw ng quarantine, sakaling magpositibo naman ay susunod pa rin ang fully vaccinated individual sa testing at isolation protocol ng pamahalaan.
Laging laman ng mga balita ang bansang Indonesia nito pong nagdaang buwan dahil sa biglang pagtaas ng COVID-19 cases sa lugar at ang nakakabahalang kaso ng breakthrough infection sa mga nabakunahan ng kontra-COVID-19, kaya ngayong araw po ay kumustahin natin ang mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Indonesia, makakausap po natin ang ating Envoy roon na si Ambassador Leehiong Wee. Magandang umaga po rito sa Pilipinas, Ambassador.
AMBASSADOR WEE: Magandang umaga, Usec. Rocky Ignacio. And also the viewer of PTV 4, good morning!
USEC. IGNACIO: Ambassador, bale ilan pa pong active cases ang naitatala ngayon diyan sa Indonesia at ilan po dito ang mga Pilipino, kung mayroon man po?
AMBASSADOR WEE: Ang total COVID cases sa Indonesia, as of last week is about 2.2 million. Ang [garbled] is about 60,000 persons as of July 3, last week.
USEC. IGNACIO: Opo, Ambassador?
AMBASSADOR WEE: Ang Ministry of Health do not have statistic on cases para sa mga foreigners. But the embassy has, we received reports of not more than 50 Filipinos has contracted COVID-19 since the pandemic. And the majority of them has already recovered. The embassy is aware that there about 5 Filipino who died of COVID-19 in Indonesia since last year.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, bukod po sa pagpasok ng Delta variant, ano pa po kaya ang dahilan ng sobrang bilis ng surge ng mga kaso nitong June, kung kailan ongoing naman po iyong pagbabakuna sa Indonesia?
AMBASSADOR WEE: Ang problema on the last month on the resurgence was because (garbled) of people during the holiday in May. Kaya nga the strain, being highly contagious, napakaraming tao, went home to the provinces on the Lebaran and Eid’l Fitr holidays. Kaya, eh ngayon, because of that, there was this resurgence of the Delta variant.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero ambassador kumusta po iyong vaccination rollout sa Indonesia ang target daw po as per President Joko Widodo ay makapagbakuna ng one million doses a day ngayong buwan ng July at 2 million doses a day by August. Ito po ay realistic kung pagbabasehan po iyong pag-rollout ng bakuna diyan sa ngayon?
AMBASSADOR WEE: Tama iyon, USec. Because at the end of June 20, 2021, which is only a few days ago eh may 260 cases had been recorded to be vaccinated for children age zero to 18. Ang kalahati niyan is from age 12 to 17. Now, ang Indonesia Technical Advisory Group, with the approval of Indonesia Food and Drug, they allow now the vaccination for children age 12 and above to be rollout in Indonesia. Ang exact dates, this has to be the local government that has to decide.
USEC. IGNACIO: Ambassador, may tala po ba kayo kung ilang Filipino Migrant Workers diyan sa Indonesia ang nabakunahan na?
AMBASSADOR WEE: Well, we don’t have a figure ng mga Filipinos, but ang mga Filipinos dito, they can get their vaccine from their own company or from private companies where they are working. Ngayon, iyong rollout nila as of 13th January of this year, iyong phase 3 nila started last May and there will be about 30 million to be given first shot. Sabi nila[garbled] for the vulnerable numbers members of the society. Iyong phase 4 naman nila (garbled) Indonesia has opened up vaccines to those are above 18 years old, and they have sufficient supply of nearly 76 million doses ready for use. So, iyong daily target nila, for the month of July is about 1 million daily targets and for the month of August will be 2 million doses per day. Ito naman, requires sa lahat (garbled).
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, medyo nasisira po iyong ating linya.
AMB WEE: [Garbled]
USEC. IGNACIO: Aayusin lang po namin iyong linya ng komunikasyon sa inyo, Ambassador paumanhin po, hindi po kasi natin naiintindihan iyong sinasabi ninyo, babalikan po namin kayo. Samantala silipin naman po muna natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, ihahatid po iyan ni John Mogol ng PBs-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol mula sa PBS – Radyo Pilipinas.
Samantala, balikan na po natin si Ambassador Lee Hiong Wee. Ambassador, paumanhin po kanina.
AMBASSADOR WEE: Okay.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, hindi po ba apektado ang kabuhayan ng mga Pilipinong nakatira at nagtatrabaho sa mga lugar na itinuturing na red zone diyan sa Indonesia?
Ambassador?
AMBASSADOR WEE: Well, the Filipinos are being taken cared of through the efforts ng mga companies at saka mga schools ‘no. And they have taken advantage of the vaccination drive ng local authority. So, parallel ito from the private companies and businesses in Indonesia with the government vaccination program. So, okay naman po sila rito.
USEC. IGNACIO: Ambassador, paano naman po namo-monitor at nabibigyan ng assistance ng ating embahada iyong mga apektadong Pilipino diyan sa Indonesia?
AMBASSADOR WEE: Well, we are in touch with all the Filipinos here. May Viber group kami, may Whatsapp group kami and lahat ng mga provinces, we have leader of the Filipinos that are getting in touch with the embassy for all their needs.
Iyon namang mga Filipinos na nasa red zone continue to follow rules ‘no and I think everyone in the society is being affected. So, sa mga provinces, our consular [office] is getting in touch with them on a daily basis through the social media. Okay?
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan diyan sa Indonesia.
AMBASSADOR WEE: Sige, sige. The embassy maintains good and frequent contact with the Filipino community. Those who need assistance can easily reach us via email and social media. We also provide all possible assistance that we can within our mandate: The passport extension or the renewal so that we can process the immigration status nila; coordination for medical assistance for Filipinos aboard vessels; endorsement for travel facilitation in cooperation with airlines in case of distressed Filipinos.
We have Filipino community leader in various provinces who helped us monitor developments in the region as well as pass along important information to our kababayan. Allow us to take this opportunity to thank them all as well. Okay, Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Okay! Maraming salamat po sa inyong panahon at mag-iingat po kayo palagi diyan Philippine Ambassador to Indonesia, Ambassador Lee Hiong Wee. Mabuhay po kayo, Ambassador!
AMBASSADOR WEE: Thank you! Thank you, Usec., thank you.
USEC. IGNACIO: Samantala, mula po sa Rehiyon Onse magre-report si Jay Lagang. Jay, ano nang mga nangyayari sa Davao?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jay Lagang ng PTV-Davao.
Dumako naman tayo sa bandang hilaga. Maghahatid ng ulat mula sa Cordillera si Debbie Gasingan.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Debbie Gasingan mula sa PTV-Cordillera.
Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Maraming salamat din po sa inyong pagsama sa isang oras nating talakayan. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako pong muli si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)