Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa lahat ng mga Pilipinong nakatutok saan mang panig ng mundo. Muli tayong makikibalita sa sitwasyon ng ating mga kababayan sa Batangas ngayong araw ng Miyerkules, a-siyete ng Hulyo. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar; magandang umaga sa iyo, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. At ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Tututukan din natin ang isa na namang bagong variant ng COVID-19 na na-detect sa ibang bansa. At mamaya tatalakayin rin natin ang alegasyon na umano’y korapsiyon sa ilang ahensya ng pamahalaan partikular sa Department of Energy.

SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: Una po sa ating mga balita: Sa kabila nang hindi pagkakaunawaan ay nilinaw ni Senator Christopher ‘Bong’ Go na suportado pa rin nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao sa kaniyang nalalapit na boxing match sa susunod na buwan. Aniya, isang malaking karangalan pa rin para sa Pilipinas kung mananalo ang senador. Narito ang report:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Samantala, tuluy-tuloy pa rin po ang pagmu-monitor natin sa mga pinakahuling pangyayari sa Batangas kaugnay pa rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal, alamin natin ang lagay ng mga apektadong residente roon mula mismo kay Batangas Governor Hermilando Mandanas. Magandang umaga po sa inyo, Governor.

BATANGAS GOV. MANDANAS: Magandang umaga naman, Secretary Martin/Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Governor, parang January 2020 all over again itong eksena diyan sa Batangas. Pero ang kaibahan ay nasabay na ito sa panganib na dulot ng COVID-19, kumusta na ba ang lagay ng mga kababayan natin sa mga evacuation centers, Governor?

BATANGAS GOV. MANDANAS: Sa tulong at awa ng ating Panginoon, Secretary Martin, ay gusto kong ipaalam sa ating mga kababayan na ang nangyayari sa Taal ngayon ay malaki ang pagkakaiba kaysa nangyari noong January 2020, noong isang taon. Noong isang taon ay talagang malakas ang pagputok at dahil naman sa, again, tulong at awa ng Panginoon ay noong pumutok walang namatay at noong sumunod na araw mayroong mga sutil na iyon, namatay ano dahil hindi sumunod sa palatuntunan na ating inilalaan doon.

Pero ngayon ang pagputok na ito ay hindi kapares, ito lamang ang kumbaga naipon at natira noong isang taon. Kaya noong pumutok noong July 1st ay parang 5 minutes lamang at iyong taas na galing diyan sa pag—ng ‘yan, mga abo at bato ha. Pero hanggang ngayon tuloy pa rin iyong pagtaas ng abo pero wala nang putok na kapares noon.

Pero tayo, sa tulong at payo ng ating PHIVOLCS, kinakatawan ng ating napakasipag at mahusay na Usec. Solidum ay—na iyan ay nagbibigay sa atin ng babala at pahayag – araw-araw ‘yan hindi lang nitong July – simula pa iyan noong February, araw-araw iyan kaya’t nasusubaybayan naman natin ito. At ngayon ay talagang humupa sa ngayon.

Noong isang araw, halimbawa noong July 5 eh tumaas hanggang tatlong—4 and 5 tumaas iyong usok na may gabok, na may sodium—iyong Sulphur dioxide umabot nang tatlong kilometro, more than 3,000 meters. At iyong ibinuga na gabok at Sulphur dioxide sa tonelada ay umabot nang mahigit dalawampu’t dalawang libo na tonelada.

Pero kahapon eh bumaba na iyong usok na may gabok, naging 1,500 na lamang. Isa’t kalahati—nahati. At kaninang umaga ang report sa akin dahil lagi natin itong sinusubaybayan eh iyong usok ay 300 meters na lang ano. Kahapon iyong 22,300 tons noon, kahapon bumaba na – 7,500 na lang.

Pero ito ay hindi nagsasabi na tapos na ang pagputok ng Taal na bulkan. Kailangan manatili tayo dahil tuluy-tuloy pa rin ang pag-agos noong magma ha, iyong sobrang init na bato na may kasamang Sulphur sa ilalim. Nanggagaling ito doon sa Balayan Bay, mayroon pa ring dumadaloy na papunta sa Bulkan ng Taal. Pero iyong naipong lakas na ibinibigay dahil parang napupuno at nauuom iyong pressure ano, eh unti-unti nang lumuluwag. At nakikita ito sa pagtaas ng usok, ng volcanic ‘yan, plume kung tawagin.

Iyan nakikita natin nasa screen ngayon, sabi ko nga noong isang araw umabot siya ng tatlong kilometro pero kahapon isang kilometro’t kalahati na lang. Dito tayo walang magagawa, ito’y nasa kamay ng ating Panginoon kaya talagang ituloy natin ang pananalangin at tuloy naman ang ating paghahanda.

Masasabi natin na sapat ang ating pangangalaga at nagagawa ito ng lalawigan hindi lamang dahil ng ating nakahandang mga pondo at iba pang mga nagawa at ginagawa kundi napakalaki ng tulong ng ating… una ng ating Pangulo.

Nagpa-release na halimbawa ng 132 million para sa ating mga frontliners, iyong mga katulong natin diyan. Ganoon din sa pamamagitan noong Malasakit program ni Senator Bong Go, nakapagpalabas na at sa tulong din ng DSWD ng mga family tents, tatlong daan na iyon ano. So kasama na, mayroon namang anim na daan ang ating lalawigan na mga family tents para sa mga evacuees.

Ganoon din, sa pamamagitan ng Malasakit program ni Senator Bong Go, nakapagpalabas na, sa tulong din ng DSWD, ng mga family tents – tatlong daan na iyon, ano. So kasama na, mayroon namang anim na daan ang ating lalawigan na mga family tents para sa mga evacuees. Nakakalat iyan sa malalayo sa bulkan, at mayroon din namang malapit sa bulkan na ayaw mag-evacuate nang malayo. At iyong sa pagkain, tuluy-tuloy tayo.

SEC. ANDANAR: Okay. Governor, marami rin daw ang nagpabalik-balik pa rin sa mga danger zones dahil sa hanapbuhay nila o kaya ay sa mga alagang hayop. May window hours pa po ba, Gov., para sa mga mangingisda? At anong ginagawa naman ng LGUs doon sa mga naapektuhan nilang kabuhayan, kagaya ng pagkakaroon po ng fish kill sa lawa?

BATANGAS GOV. MANDANAS: Kung ang pag-uusapan natin ay fish kill, puwede bang ituloy ko muna dahil napakahalaga nang sinabi mo kanina na tayo ngayon ay COVID. Kaya kung tayo ay nag-aalala dito sa mga pagkain at mga fish kill ay talagang mas nag-aalala tayo. Kasama sa pag-aalala natin, pangamba natin ay itong ating makapitan ng COVID at lumala ang COVID. Kaya ito ay gusto namang bigyan talaga ng pag-uulat kung ano ang ginagawa ni Secretary Duque at ng ating Department of Health na talagang buhos dito sa atin ang mga tao, ang mga gamot, mga face mask at pati na vaccine.

At dito sa vaccine, katulong din natin ang mga mayors ng MMDA [Metro Manila mayors], local government, in-organize ni Chairman Benhur Abalos, ang mga mayors. Si Mayor Isko ng Manila, dalawang libo na panturok. Dahil ito ay bahagi ng ating pangangalaga sa ating mga mamamayan na apektado ng pagputok ng bulkan, napakahalaga nito dahil alam natin na kailangang-kailangan, kailangan natin ng mga mask. Iyan ay tinutulungan tayo bukod sa lalawigan ng DSWD. Si Secretary Rolly ay nandudoon din first day pa. Si Senator Bong Go ay tumawag na kaagad at nagpadala na ngayon, hindi lamang sa lalawigan kung hindi sa Agoncillo at dito sa Laurel, Bayan ng Laurel. So tulong hindi lamang pagkain, hindi lamang mga tent.

Kaya tungkol naman sa kabuhayan na iyong nabanggit, gusto kong banggitin dito na ang mga kautusan diyan ay wala sa local government. Mayroon tayong bagong batas na in-expand ng ating bagong batas ang kapangyarihan ng Department of Environment and Natural Resources na sila ang may administration and management na kung tawagin ay Taal Volcano Protected Landscape. Iyang mga fish cages diyan, hindi makakapagpatayo ang mga iyan kung walang permit ng ating Protected Area Management Board chairman at saka nitong ating superintendent ng mga taga-Department of Environment [and Natural Resources] ayon sa batas. Sila rin ang nangungolekta ng bayad para sa permit para makapagpatayo ng mga fish cages, kaya’t sila rin ang makakapag-utos kung kailan talaga ito magagawa, sa totoong buhay lang.

Pero ito naman ay hindi naman maaaring hindi tulungan ng local government, kaya’t ang local government – iyan ang Agoncillo, Laurel, lahat ng nakapaligid dito – ay talagang tinutulungan din ang mga ito. Gusto ko lang ibahagi kung sino talaga ang responsible pero hindi tayo nagkukulang sa pagtulong sa kanila.  Halimbawa, doon sa fish kill na nabanggit, iyong fish kill ay nangyari iyan bago pa pumutok ang bulkan, ilang araw nagkaroon ng fish kill sa Laurel. Pero kami ay humingi ng permiso sa PAMB na kami na talaga ang tumulong, na kami ang naghukay, nagpadala ang probinsiya ng mga payloader at mga dump trucks para talaga maayos iyang mga damages diyan sa mga fish cages na iyan. Dahil sa batas ngayon, ni hindi puwedeng maghukay. Ang lahat ng zoning, lahat ng activities ay kailangan may permiso ang PAMB dito sa ating protected area.

Ito ay sa Lalawigan ng Batangas, 20% ay sinakop ng Department of Environment sa pamamagitan ng ating Protected Area Management Board. Sila nga ang nag-a-administer nito. Pero ang Lalawigan, humingi na kami ng permiso na tumulong, at pinayagan naman kami. Kami na ang gumagawa ngayon ng ating pagtulong dito. At ginagawa natin ito—

SEC. ANDANAR: Governor, dahil may mga antigen kits na ring ipinamahagi sa mga evacuation centers ay may sistema na bang nabuo kung anong gagawin sakaling may nagpositibo sa antigen tests sa mga evacuees o kaya ay magpakita ng sintomas ng COVID-19?

BATANGAS GOV. MANDANAS: Mayroon tayong mga isolation units. Sa totoo lang, iyong mga family tents na galing sa DSWD at mayroon din ang Red Cross ay nagagamit ito nang magkaroon, parang isolation units din ang mga ito. Ang Lalawigan nga, sabi ko, mayroon din nito na ginagamit, sapat para sa mga evacuees.

At ngayon, iyong ating mga masks, tents. Iyan, iyang nakikita natin diyan ang mga sample. At iyong mga eskuwelahan ay tumutulong at iyong ating simbahan ay ipinagagamit din sa atin. Kaya nami-maintain natin iyong social distancing na kailangang-kailangan para huwag mahawa, malalinan[sic] at huwag din namang magdala ng COVID sa ating kapwa. Iyan ang kailangang-kailangan. Maliwanag sa amin, sa Lalawigan ng Batangas at sa lahat, ang talagang babala sa atin, kailangan iyong sinasabi ninyo lagi, sinusunod namin iyan hanggang ngayon, under the Taal Volcano episode sa ngayon, iyang ating hugas, iwas, mask. Kaya bumibili kami ng mga masks lalo na para sa mga frontliners natin na namamahagi ng gamot at namamahagi rin ng mga pagkain. So supported iyan.

Pero may suliranin pa rin kaya’t nakikita ninyo sa screen, dahil ang mga tao ay medyo tense kaya mahirap iwasan iyong social distancing. Kaya ngayon, ang sagot naman doon ay iyong ating vaccine. Kapag nahawa, iyon naman ang malaking tulong ng vaccine na hindi nagpapalala ng sakit na dala ng COVID kapag mayroon kang vaccination.

Dito nga sinasabi ko, suportado naman talaga tayo dahil ang vaccine alam natin ay nanggagaling sa national government.  So, lahat na mayroon—

SEC. ANDANAR: Governor, mayroon ba kayong panawagan kung anong puwedeng maiabot ang national government po sa inyo? Please go ahead, Governor, baka mayroon po kayong nais pang ipadala sa inyo ng ating pamahalaan.

GOV. MANDANAS: Sinasabi ko nga sa inyo na talagang inuunahan pa kami dahil talagang sila mismo ay pumupunta pa doon. Sila talaga ay lagi kong kaugnayan dahil ang governor work from home ako ayon sa ating mga palatuntunan. Gusto ko talagang maging halimbawa na iyong mga 65 and above ay kailangang work from home, huwag lalabas nang hindi makapitan ng COVID.

So ang ating national government kaisa ng local government at napakalaki ng tulong at ganoon din iyong ibang local governments sa labas ng Batangas na ang mga ito hindi lang ngayon pati noon at tuloy-tuloy ang kanilang pagtulong. At iyong ating mga private sectors lalo na iyong mga locators natin dito sa lalawigan ng Batangas. Sa nagha-handle ng ating port halimbawa ang ICTSI, nagpadala na ng mga pagkain. Ang ating—marami tayong mga locators dito at katulong natin lahat.

Kaya handa tayo sa ngayon dahil sa ating pagkakaisa, na ito’y kinikilala ng mga taga-Batangas at buong Pilipinas na rin kaya naman ang lalawigan ng Batangas, dahil naririto ang ating—tungkol dito sa ating COVID, ang Batangas ang pinaka-gateway ng nautical highway. Ibig sabihin, napakaraming Pilipino – Visayas, Mindanao, Luzon – na dumadaan dito sa amin, nagpapagawa ang lalawigan ngayon ng quarantine hub para siya sa testing, para sa mga isolation units. Ito’y hindi lamang para sa mga taga-Batangas kung hindi para sa lahat. Ito ay tulong naman ng lalawigan sa lahat.

At dito naman, katulong din natin ang Department of Health at iba pang mga—ang PhilHealth at iba pa sa pagpapaganap nito. Kaya’t ang gusto ko lang ipaabot para mapanatag ang ating mga kababayan ay tunay na tayo ay handa. Siyempre, mayroon pa rin tayong pagkukulang at dito naman ay tayo ay sinusuportahan ng Department of Health, Department of Social Welfare at pati na ang Department of Energy dahil ang lalawigan ng Batangas ay malaki ang kabahagi—dahil naririto sa Batangas ang pinakamaraming power plants sa buong Pilipinas – ay ang lalawigan ng Batangas. Ang mga local governments ay natanggap ng kabahagi for the community.

Iyon, napakaganda ng ginawa ni Secretary Cusi natin na pinayagan na gamitin ito sa paglaban sa COVID kaya ang lalawigan ng Batangas nagkaroon ng mahigit na 600 milyon na ginagamit natin hindi lamang ngayon kung hindi sa ating pagdami ng mga ospital, isolation units, pagbibigay ng gamot, pagbibigay ng ayuda. Kaya sabi ko, malaki rin ang tulong ng Department of Energy dito sa atin, 600 milyon iyan na ipinagamit. Iyon ay para lang sa probinsiya.

Bukod pa dito, iyong mga kinatatayuan ng power plants kapares ng Batangas City at saka ng Calaca, bayan ngayon pero magiging Lungsod na, ika-limang lungsod. Iyan naman ay hindi naaabot ng COVID. So, ganoon pa man ay katulong sila sa paglaban sa ating COVID lalo na ngayon.

SEC. ANDANAR: Governor, maraming salamat po at mag-ingat po kayo lagi. At kami po ay nagdarasal para po sa inyong mga kababayan diyan po sa Batangas. Governor Hermilando Mandanas. Mabuhay po kayo, Governor! Thank you.

GOV. MANDANAS: [off mic] sa inyo dahil ipinakikita ninyo kung ano talaga ang dapat gawin para mag-ingat kaya’t maraming-maraming salamat, Usec. Rocky, Secretary Martin!

SEC. ANDANAR: Thank you, Governor. Iyan po muna ang ating pagsasaluhang balita ngayong araw na ito; ito pong muli ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Undersecretary Rocky Ignacio, take it away.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat, Secretary Martin. Ingat din po kayo at bukas aalamin po natin kung ano po ang mga nagawa ninyo diyan. Salamat po!

Samantala, nasa 150 pamilya mula sa Cainta, Rizal ang naging biktima ng isang sunog na tumupok sa kanilang mga tahanan at kabuhayan kaya naman agad na sumaklolo si Senator Bong Go kasama ang ilang ahensya ng pamahalaan para po mamahagi ng ayuda.

Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Nakakabahalang balita dahil isa na naman pong COVID-19 variant ang umano’y na-detect sa higit 30 bansa ayon sa Health Ministry ng Malaysia. Ito ay tinaguriang Lambda variant na sinasabing mas delikado at mas nakakahawa kaysa sa Delta variant.

Alamin natin ang iba pang mahalagang impormasyon tungkol diyan, makakausap po natin si Dr. Cynthia Saloma, ang executive director ng Philippine Genome Center. Good morning po, doc!

DR. SALOMA: Good morning din, USec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may dagdag na impormasyon na po ba kayo tungkol dito sa Lambda variant at totoo po bang mas delikado umano ito kaysa sa Delta variant?

DR. SALOMA: Oo. So Usec., i-update ko lang ang ating mga tagapakinig tungkol sa Lambda variant, kasi nag-trending siya, dahil nga sa sinabi ng Malaysia. Sa totoong data po, iyong Lambda variant was declared na variant of interest ng WHO noong June 14. Bakit naging variant of interest siya? Kasi siguro it has been associated with an increase in cases doon sa South America, lalo na po sa Peru. Ang Lambda variant po, tinatawag nating Lambda, in Greek letters, pero it’s really a C.37. Ang C.37 po, iyon iyong linage sa Pangolin (Pango Lineage Nomenclature) which is actually the short cut din ng B.1.1.87, in short C.37 or the Lambda variant.

As to whether or not, it is more deadly or will give more severe symptoms compared to Delta, sa totoo lang po, Usec, pinag-aaralan pa po iyan. We don’t have sufficient data as well as sufficient evidence that this is giving any more severe [symptoms] than symptoms from the Delta variant. And at the same time, hindi rin po natin alam kung ang kaniyang transmissibility mas mataas pa sa Delta variant, kasi kaunti lang po lang talaga iyong datos. So makatuwid, mga 30 lang, mga 30 nations na po iyong nag-report, but most of these countries o kung saan nakikita ang Lambda variant, nandoon po siya sa south America, particularly in Peru, in Chile at saka po in Argentina and in Ecuador.

USEC. IGNACIO: Doc, ito po ba daw ay nag-mutate directly from the Delta variant o may iba pa po itong pinanggalingan, ito pong Lambda?

DR. SALOMA: Gusto ko pong ipabatid sa ating tagapakinig na iyong Lambda variant did not emerged from the Delta variant. Iyong Delta variant po natin, tinatawag natin iyang lineage B.1.6.7.2. So iyong linya niya is B.1.617. Iba po iyong lineage ng Delta variant, Samantala po, iyong Lambda variant, which is has an alias of C.37, nanggaling naman po ito sa lineage B.1.1.1.37. So, hindi po nanggaling sa Delta variant ang Lambda variant.

USEC. IGNACIO: Opo, pero ano daw po iyong pinagkaiba ng dalawang ito, Doc?

DR. SALOMA: Okay. So iyong Delta variant at saka iyong Lambda variants. Ang Delta variant po, nai-declare na po ng WHO as a variant of concern. Ibig sabihin mayroon na po tayong ebidensiya na it causes increase transmissibility or probably in medication. Kapag sinabi po nating variant of interest, kung saan nandito po iyong Lambda variant, pinag-aaralan pa rin po at saka tinitingnan kung ang additional data na makikita natin into ground as well as in the experiment in the lab, will support it being elevated as a variant of concerns.  For now, it’s just a variant of interest.

So, ano po iyong pagkakaiba nila. Number one, iyong kanilang mutation signatures, magkakaiba. Pero may mga pagkakapareho din po sila, for example in the spike region of the protein, in the spike region of the virus, iyong Delta variant po, may mutation sa position 452. Sa spike region po ng Delta, it’s an ‘R’, so 452 a ‘Q’ – ano pala, ‘R’ mutation. Dito naman sa Lambda variant is a ‘Q’ mutation tapos may mga mutations din po na for example itong Lambda natin, mayroong F490S na wala naman po, hindi naman po natin nakikita.

So, in terms of mutations repertoire o iyong signature mutations nila, magkakaiba po sila pero may mga mutations din naman na may pagkaparehas sila.  Tapos na-established na po doon sa Public Health England na iyong Delta variant is highly transmissible, with about 60% more transmissible than the Alpha variant saka iyong kaniyang R-Naught for example is between 5 to 8. Pero iyong Lambda po, hindi pa po natin alam, so pinag-aaralan pa talaga ito.

Kaso nga lang, Usec. Rocky, it became an emerging global public health risk. Bakit naman naging global public health risk itong Lambda variant? Kasi nga among the many countries around the world, iyong Peru kung saan naitala una itong variant of interest na Lambda, pinakamataas po iyong kaniyang death rate, kumbaga iyong deaths per million population na siya po ang pinakamarami around the world. At simula po ng Abril, ang number of cases na or lineages ng SARS-COV 2 na ganitong linage, Lambda, mataas po. In fact, in April maliit lang naman po kasi iyong effort sa sequencing ng Peru. Pero as many as 98% of their sequences in April would actually be the Lambda variant. Tapos sa May mga 94%. Kaya kung titingnan mo, Usec, hindi ba ang dami ng cases, mga ilan na ang Lambda cases sa Peru, at the same time mataas po iyong kanilang case fatality rate at saka iyong death rate per million population, mga 5,700.

So, kaya binabantayan talaga natin ito. Pero, as to whether or not, it has increased, really increased transmissibility or it gives more severe symptoms, wala pa po tayong sufficient data for now.

USEC. IGNACIO: Doc, bagama’t nabanggit po ninyo na talagang pinag-aaralan pa, kasi may nagsasabi po na kung totoo daw po ba na mas delikado ang Lambda variant lalo sa mga vulnerable sector at kung puwede umano itong maapektuhan iyong response ng ating katawan sa mga antibody treatments?

DR. SALOMA: Okay. So, lahat naman po yata, Usec, for the variants of concerns, it can be Alpha, Beta, Gamma and Delta, lahat po sila mayroon namang mga evidence of some reduction and the neutralization ng ating antibodies. Sa Lambda po, iyong pinakabagong data na nakikita natin, it’s a publication na hindi pa naman na refer based on Zulu virus. Kumbaga sa laboratory experiments nila, nakikita nila na mayroong tendency of increase transmissibility itong Lambda variant at mayroon din siyang immune evasion. Kumbaga iyong mga antibodies that were collected from people who have been previously infected or have been vaccinated, medyo bumaba compared sa [inaudible] variant.

USEC. IGNACIO: Doc, babasahin ko lang po, may mga tanong sa inyo iyong ating mga kasamahan sa media. Mula po kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines. Ang tanong po niya: Nasaan na po ang Philippine Genome Center sa pag-trace ng Lambda variant?

DR. SALOMA: Okay. So simula pa mga early February, March, lahat po ng mga BOIs and BOCs at saka iyong mga may mutations sa mga regions ng spike protein, binabantayan po natin iyan. So sa ating nearly 8,000 o mga 7,800 na nating whole genome sequences simula po ng Enero, wala pa po tayong nakita ni isang C.37 variant. So, as I would like to emphasize, iyong Philippine Genome Center po, nagsi-sequence tayo ng mga samples na naipadala po sa atin ng mga RESU at saka ng mga airports, so it’s not complete, it’s not 100%. We do not sequence everything, but based on those, we have sequenced so far, wala pa po tayong nakitang C.37 or Lambda variant.

USEC. IGNACIO: Ang susunod pong tanong ni Carolyn: Kung ilan na po iyong capacity ng Genome sequencing and gaano daw po katagal i-process?

DR. SALOMA: Oo, so i-explain ko uli iyong process ng sequencing. Iyong hands-on time lang talaga sa ating mga sequencing machines, mga tatlong araw lang iyan. Pero the reason, it takes about a week to process all the samples, kasi pagpadala sa amin, iinspeksyunin pa siya tapos i-finalize ang line list at pipiliin po ng ating Epidemiology Bureau at ang ating mga consultant sa TWG kung ano iyong ating unahing i-sequence. For example in areas na mayroon tayong nakitang spikes at saka may mga indications for example na kailangan nating makita kung ano nangyayari sa mga rehiyon na ito – iyon po sinasali natin sa ating sequencing.

So, for now, sa mabuting news naman ay dumating na po iyong ating mga kits na puwede na tayong regularly maka-sequence for the entire year. So, sa Philippine Genome Center, so in terms of hands-on time, the sequencing itself, only takes about three days. But the whole process takes about a week, kais nga may inspection at saka checking and finalization of the line list.

Now, in terms if sequencing capacity, sa Philippine Genome Center po, marami po tayong mga equipment for sequencing. We have five next generation sequencing machines. Actually more than five next generation sequencing machines, but most of them, ang ginagamit po natin dito sa genomic surveillance efforts are the machines from Illumina, we have the next 500 and 550, may dalawa po tayo noon, tapos mayroon po tayong pinaka-powerful na machine, which is the NOVA66000.

So napili po natin na mag-sequencing 750 a week instead of 3,000 or lower than that is sa ating analysis ito po ang pinapa-mag-achieve ng balance in terms of cost at saka po observation.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question po mula po kay Carolyn Bonquin: Ilan percent po ng mga kaso sa mga may surge na area ang na-sequence at ano po iyong dominant na variant sa Bacolod o Davao at Iloilo?

DR. SALOMA: Okay. Marahil naitala na rin po ito ng DOH, sa ibang lugar po—ngayon pa lang kami din magsi-sequence sa kanila kasi hindi namin na-receive ang mga samples nila or ngayon lang pa lang sila nagpapadala. So for example, in certain areas na may mga naka-MECQ, we have a number of samples coming from them and for those areas na mayroon tayong datos. Pero sa ibang areas po, wala pa tayong nakitang datos, hopefully this week mayroon na ‘no.

So, let say sa areas in Mindanao, nakikita po natin doon sa let say doon sa Zamboanga Peninsula na marami pa tayong nakikita doon Beta variant. Doon naman po sa lugar ng Davao, it is a really a combination of both ‘no. Pero iyong sa Bacolod at Iloilo parang wala pa po akong maalala kung anong variant mayroon sila. In fact po sa Iloilo, wala pa po sa amin na na-detect na variant of concern so far doon.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Ivan Mayrina, ng GMA News: COVID-19 vaccination data shows that NCR maybe delta resilient in a few months’ time according to OCTA Research group because LGU have so far vaccinated anywhere from 20 to 70% of the population. What is your take on this stateent, is NCR on the way to Delta resiliency? Same question rin po sila ni Carolyn Bonquin ng CNN Philippines?

DR. SALOMA: Oo. Mahirap magsagot ng Delta resiliency, gusto ko lang pong ipahiwatig sa ating lahat na tagapakinig nasa mga emergent nitong mga variants, variants of concern and variants of interest ang ating panangga po talaga, number one, is getting ourselves vaccinated, that is very, very important ‘no. Kasi kahit naman tayo madapuan pa kung iyong symptoms po ay gentle lang or maging mild lang at saka iyong hospitalization na risk talagang bumababa.

So, number one, lang, it’s very, very important at if you also as vaccinated pag turn na po natin. So, whether or not we are delta resilient—mahirap magsabi ng ganiyan. Gusto ko lang ipahiwatig na talagang importante po tayo magpa-vaccinate and that’s very, very important and kahit po tayo vaccinated huwag po natin kalimutan i-practice iyong mga minimum health standards.

USEC. IGNACIO: Opo. Dagdag pa po ni Ivan Mayrina ng GMA News: Data shows that the Beta variant comprise most of our COVID cases now. What does this mean? Does this explain the surges in some areas and what should this teach us about dealing with future surges?

DR. SALOMA: Okay. So, kaya po tayo genomic bio-surveillance because we want to know kung ano ba talaga iyong mga nagsi-circulate na mga variant sa ibang lugar. So, in particular sa mga areas po na may mga surges, we really encourage the LGUs and the [unclear] to send sample to us. So, for some areas po na may mga surges, mayroon na po tayong mga ideya na yes probably most likely ito po may mga Delta or may Alpha variants no— not Delta may mga Beta and Alpha variants.

Wala pa po tayong Delta sa ating mga komunidad, lahat po natin, may 19 na Delta variants na nakita ko puro lahat mga ROF no. So, I think it is really, really important for everyone lalo na sa mga areas ngayon na may mga surges at saka iyong mga health capacity nila nati-test at saka iyong mga risk category, high risk category na pag may pagkakataon po tayo na magpa-vaccinate.

Magpunta po tayo sa ating mga vaccination centers at kailangan din po alam naman natin na iyong increase mobility is really are very, very critical dito sa pag spread ng virus na kailangan po pag hindi kailangan nandoon tayo doon sa maraming lugar na maraming tao huwag kayo pupunta at isa pa Usec. Rocky, gusto ko lang ipahiwatig base on the experience and the recommendation also of the WHO pag variants of concern na kasi ay pumunta sa isang lugar o sa isang pamilya kung kaya lang talaga na kailangan facility quarantine.

Kasi pag ilagay lang natin po iyong ating mga cases na may mga variant of concerns, Alpha man iyan or Beta man iyan sa mga bahay kalimitan po iyong buong pamilya mahawaan. So, kung if you have the capacity or LGUs have the capacity to place our close contact contacts and individuals positive cases ng mga variants of concern in facility quarantines kailangan po natin iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Tuesday Nyu ng DZBB: May data ba na nagsasabing kayang labanan ng mga ginagamit ngayong COVID-19 vaccine laban po sa Lambda variant?

DR. SALOMA: Ang data po na lumalabas ngayon may may pinakabagong data is Lambda kasi hindi pa masyadong alam at kaunti lang. In fact, iyong mga nasa whole Genome Sequences na mga Lambda variants mga 1,000 plus pa lang. So, in terms of the data na nanggaling po sa invitro ‘no [unclear] virus data parang nga pong vaccinated doon na may faction in terms of the neutralization. Pero hindi naman, hindi umubra pero may lack of reduction.

Pero, as of to others wala pa po masyado tayong data sa Lambda kasi mga countries na may robust research capability kaunti po pa lang ang nakapunta sa kanila na Lambda variant. Kasi iyong Lambda po marami po talaga doon sa South America, sa Peru for example. In Peru fight sinasabi natin 81% or 98% ang positive doon na Lambda variant. If you look at the data sa SAGE mga 161 o kaunti lang po talaga din ang nasi-sequence nila. 

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon Dr. Cynthia Saloma ng PGC. Mabuhay po kayo Doc. and stay safe po.

DR. SALOMA: Stay safe din kayo at mabuhay po tayong lahat. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, bahagya namang bumaba ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kahapon July 6, 2021, kumpara noong Lunes:

  • 4,114 ang bilang ng mga dagdag na nahawaan ng virus sa bansa
  • habang 6,086 ang bagong gumaling kaya sa kabuuan
  • umabot na sa 1,370,923 ang mga naka-recover at 1,445,832 ang total count.
  • Umabot naman sa 25,296 ang lahat ng mga nasawi matapos itong madagdagan kahapon nang higit sa isandaan.

Isa po ang Department of Energy sa mga pinangalanang ahensiya ni Sen. Manny Pacquiao na umano’y may mga maanomalyang transaksiyon at korapsiyon kaya para sagutin ang alegasyong ito ng fighting Senator makakausap po natin si Energy Assistant Secretary Gerardo Erguiza Jr. good morning po Asec.

DOE ASEC. GERARDO ERGUIZA JR: Magandang umaga po, magandang tanghali po USec. Rocky at sa lahat ng mga nanunood at tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., diretsahan na po tanong ano po: Totoo ba na may in-award-an ang DOE na kontrata kahit na umano’y hindi dumaan sa bidding partikular umano ito sa Independent Electricity Market Operators of the Philippines?

DOE ASEC. GERARDO ERGUIZA JR: Wala po Usec. Rocky, wala pong transaction na ganiyan at gusto ko pong sabihin na medyo ill advice po yata dito si Senator Pacquiao at kulang ng research ‘no dahil wala pong ganoon na pangyayari dito. Unang-una, ang gusto ko rin sabihin itong isyu na ito ay diniscuss ho namin sa isang hearing po sa Congress at an-explain po lahat comprehensively at exhaustively ng Department of Energy ang mga pangyayari tungkol po dito.

Ang mga Independent Market Operator po ay hindi puwedeng i-bid iyan dahil hindi ho naman dadaan talaga sa bidding ito. Wala hong requirements, hindi ito kailangang sundin ang Government Procurement Act or ang RA 9184 na lumabas noong July 20, 2002. Itong Independent Market Operator po ay isang mandate, pinapagawa ng batas na nagawa noong 2001, ito iyong EPIRA law na tinatawag natin na Energy Electric Power Industry Reform Act na kung saan kaniyang sinabi at sinaad na kailangan magkaroon ng independent market operator. Kaya ito pong pagtayo ng Independent Market Operator, nakita hindi pa nagagawa until ngayon, until pumasok si Secretary Cusi at sinabi ito ng ating minamahal na Secretary na kailangan natin na kailangan nating i-implement ito because this has not been implemented in about 16 to 17 years already at medyo nagkaroon ng perhaps ng neglect o nahirapan patayuin ng mga opisyal noon.

Ginawa lang po niya ito dahil ito ay utos ng ating batas, kaya ang ginawa ng Department of Energy ay nagkaroon ng policy framework na kung saan eventually nagawa po iyong independent market operator. Kaya hindi po totoo na kailangan ng bidding, hindi po totoo iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa alegasyon ay sinasabing naging instant billion-peso company umano ang Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP) sa loob lang daw po ng isang taong pakikipag-transaksiyon sa DOE. So ano po ang masasabi ninyo dito ASec.?

DOE ASEC. ERGUIZA, JR.: Nais kong balikan kung ano iyong kautusan po ng batas ‘no. Sa pagpapatayo po ng independent market operator, unang-una, four steps po ito, ay ang pag-organize ng mga participants sa spot market. So ito ho iyong mga generating companies, distributing companies, transmission company and other mga involved sa retail sale ng mga kuryente ‘no.

So in-organize po iyan sometime early in 2003 or 2004 at ang sumunod na duty po dito, na gagawin dito na step ay ang paggawa ng dated rules sa WESM market. Ginawa ho ito ng DOE at ng mga stakeholders.

Ang pangatlo po ay ang pagpapatayo ng temporary o transitory market operator – ito po iyong Philippine Electricity Market Corporation. Kaya noong tinayo na po ito, ang pang-apat iyong independent market operator. Noong napasok iyong independent market operator, nandoon ho sa batas na sinasabi na kailangan ang independent market operator ay independent at kailangan ito ay non-stock/non-profit.

Ang pagpapatayo po ng transitory or transition market operator, iyong PEMC, ang ginawa ho nila diyan ay ang pag-incorporate nito sa isang corporation po. At ganoon din po ang sinunod noong ginawa ang independent market operator na eventually ito po iyong IEMOP (Independent Electricity Market Operator of the Philippines) na sinasabi natin.

Hindi ho kailangan ng isang malaking kapital dito kasi ayon sa batas, nakalagay doon na ang functions, assets and liabilities of the temporary market operator po, ito iyong PEMC, ay ililipat po sa IEMOP. At ito nga po ay nalipat, lahat ng equipment pati mga tao. Hindi ho kailangan isang malaking kapital dito dahil ang gagawin lang ng independent market operator ay ang operational, administrative aspects ho doon sa pagpapatakbo ng market operators. Kaya nandiyan na po ang ating independent market operator.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Asec., totoo po ba na ang isang opisyal umano ng IEMOP ay may koneksiyon sa isa sa mga opisyal ng DOE? At paano natin masasabi na wala pong conflict of interest sa ugnayang ito?

DOE ASEC. ERGUIZA, JR.: Well malayo po sa bituka iyon dahil hindi naman ho involved ang DOE diyan sa pagpapatakbo ng independent market operator. Ang ginawa lang po ng DOE from the start is to come out with the policy po ‘no, pinatayo iyong independent market operator. At pagdating sa operation sa lahat ho, wala hong pakialam ang Department of Energy po diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa palagay po ninyo, saan po nanggaling iyong mga dokumentong ayon kay Senator Pacquiao ay hawak ng kaniyang kampo?

DOE ASEC. ERGUIZA, JR.: Welcome ho namin si Senator Pacquiao na to substantiate, patunayan nila po ito at welcome po kami sa kaniya na ilabas lahat ng mga dokumento na sinasabi. Kasi ang dokumento lang naman dito walang kasing kapal ng notebook eh – incorporation papers, iyong policy, iyong batas – wala ho, kasing nipis lang ng notebook iyon! Kaya iyong makapal na ganiyan ay I don’t think kahit titingnan natin isa-isa iyan walang koneksiyon ho iyon sa independent market operator. At handa po kami na humarap kung ano iyong hanapin nilang dokumento, hanapin nila – ilalabas ho namin para patunayan po kung ano po ang katotohanan. Iyon lang po naman ang amin. Nagpapasalamat kami dahil nga po doon dahil mabibigyan kami ng pagkakataon para patunayan kung ano talaga ang totoo po.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po, Asec., ang aming kasamahan sa media na si Celerina Monte ng Manila Shimbun. Ito po iyong tanong niya: Who are the people behind this independent market operator? Could you name at least some of its official like the chairman, the president? How did you choose the operator?

DOE ASEC. ERGUIZA, JR.: Pito po ang members ho niyan – may chairman ho sa kanila. Hindi ko masyadong maalala iyong mga pangalan nila but ang alam kong chairman si Mr. Atty. Richard Nethercott. There are six other members po, si Mr. Jose Rodelio Mangulabnan, si—hindi ko maalala iyong pangalan ho.

Anyway, ang pagpili po sa kanila po, dumadaan ho iyan sa PEMC bago ho na-organize ho itong independent market operator, mayroon hong framework kung paano sila pipiliin. At ito po ay dumadaan po at ina-approve ng—una iyong independent—iyong temporary market operator po natin, iyong PEMC, Philippine Electric Market Corporation po at nagkaroon ng rules diyan kung paano sila pipiliin. At ang PEMC po ang nagpa-finalize po sa pagpili po n g members ng IEMOP.

Ito iyong unang batch po nila at itong pangalawa po, PEMC will recommend the names kung sino pong i-elect at eventually itong second batch na itong permanent na ay pipiliin po ng IEMOP itself po.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo na rin naman po na handa ang DOE na mag-cooperate po sa anumang probe, ano po? So, ano naman daw po magiging aksiyon ng DOE sakaling lumabas na ang grounded at baseless po iyong akusasyon ng korapsiyon sa inyong ahensiya?

DOE ASEC. ERGUIZA, JR.: Well ang importante lang po naman sa amin eh ang paggawa namin ng trabaho. Doon sa pagtuturuan, papasa-Diyos na lang po natin iyan kasi naniniwala lang naman tayo po na ang importante dito ay ilabas natin iyong katotohanan at kung ano iyong tama. Hindi ho kami makikipagsiraan dito, hindi kami magtuturo ng tao – importante ay maipakita natin na ang aming departamento ay malinis. At malinis po ang aming Secretary na si Secretary Alfonso Cusi po na siya po ang unang tinatamaan dito sa mga akusasyon ng korapsiyon po.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Assistant Secretary, sa pagtugon ninyo sa aming mga tanong. Nakapanayam po natin si DOE Assistant Secretary Gerardo Erguiza, Jr. Salamat po, Asec.

DOE ASEC. ERGUIZA, JR.: Maraming salamat po sa pagkakataon, Usec. Rocky. At sa susunod na mga araw kung mayroon pa tayong mga puwedeng liwanagin, kami po ay handang-handa na humarap. Sa lahat po ng mga nanunood at tagapakinig, maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po.

Samantala, Senator Bong Go namahagi ng tulong sa anim na raan at apatnapung mahihirap na residente ng Tanza, Cavite na ang kabuhayan ay labis naapektuhan ng pandemya. Mga benepisyaryo, pinayuhang patuloy na gawin ang kanilang bahagi para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa mga napapanahong balita sa ibang bahagi ng bansa, narito po si John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas. John?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, alamin naman natin ang sitwasyon sa Cordillera Region, ihahatid iyan ni Florence Paytocan ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Florence Paytocan ng PTV-Cordillera. Mula naman sa Davao Region, mag-uulat si Hannah Salcedo ng PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Hannah Salcedo ng PTV-Davao.

Maraming salamat din po sa ating mga partner-agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o (KBP).

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito, ako pong muli ang inyong lingkod, USec. Rocky Ignacio. Magkita-kita tayo muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)