Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Luzon, Visayas at Mindanao. Narito pong muli kami upang maghatid ng balita’t impormasyon na kapaki-pakinabang sa bawat Pilipino. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO. Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin, at sa mga nakatutok sa ating programa ngayong araw ng Biyernes, Hulyo a-nuwebe. Makasama natin ang mga kawani ng pamahalaan na diretsang sasagutin ang tanong ng taumbayan.

Mula pa rin sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Makakapanayam po natin ngayong umaga sina DILG Assistant Secretary Odilon Pasaraba; Malay, Aklan Mayor Floribar Bautista; at Director General Jeremiah Belgica ng Anti-Red Tape Authority.

USEC. IGNACIO: At kung kayo po ay may mensahe o katanungan sa kanila, mag-comment lamang po sa live streaming ng aming programa sa PTV Facebook page at sa Youtube account.

SEC. ANDANAR: Sa ating unang balita: Dumating kagabi ang higit isang milyong doses ng AstraZeneca vaccines na donasyon ng bansang Japan sa Pilipinas. Lumapag ang 1,124,100 doses ng bakuna sa Villamor Airbase na personal namang sinalubong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ilang miyembro ng Gabinete at opisyal ng Embahada ng Japan dito sa Maynila. Sa kaniyang talumpati, idiniin ni Pangulong Duterte ang malalim na ugnayan ng dalawang bansa at muling pinaalalahanan ang publiko na magpabakuna na kontra COVID-19.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa gitna naman ng samu’t saring issue sa power industry, isang magandang balita ang pagkakalagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Joint Congressional Energy Commission Enhancement Act. Dahil sa mas pinalawak na kapangyarihan ng Kongreso, mas nababantayan na ang sektor ng kuryente sa bansa. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Katiwalian ang naging sentro ng administrasyong Duterte simula pa nang maluklok sa puwesto. Marami nang napagtagumpayan ang iba’t ibang ahensiyang nakatutok sa mga tiwala at korap sa pamahalaan ngunit marami pa ang dapat trabahuhin lalo na sa natitirang panahon sa termino ni Presidente Duterte.

Kaya ang Anti-Red Tape Authority tuluy-tuloy sa pagsugpo sa korapsiyon. Makakasama natin ngayon si Director General Jeremiah Belgica para balitaan tayo sa mga programa ng ARTA. Secretary, congratulations sa inyong second year anniversary matapos ang inyong appointment bilang unang Director General ng Anti-Red Tape Authority.

ARTA DG BELGICA: Marami pong salamat, Secretary Martin. Salamat din po sa ating Pangulo sa patuloy pong pagtsa-champion ng laban sa korapsiyon at ng red tape ho.

SEC. ANDANAR: Kumusta na ang laban ng pamahalaan kontra red tape sa nakalipas na dalawang taon ninyo bilang Director General ng ARTA?

ARTA DG BELGICA: Masasabi ko ho, Secretary Martin ‘no na it was a disruptive, collaborative and transformative campaign that we’re having. Dahil ang sabi ho natin na ito’y disruptive dahil ang ARTA ay nagsilbing panggising sa maraming mga ahensiya sa mga matatagal nang mga empleyado na natuto at matagal nang ‘business as usual’ ang kanilang ginagawang sistema. Ang ating mga surprise inspections, mga ginagawa rin nating pag-iimbestiga/pagkakaso at gayun din pagti-training sa kanila ay nakatulong to disrupt their ‘business as usual’ attitude ‘no.

Pangalawa collaborative, Secretary Martin, dahil marami nating kasamahan sa gobyerno, iba’t ibang ahensiya ay napagsama-sama ho natin para mapadali ang proseso katulad ho sa telecommunications sector na na-streamline ho natin sa starting a business sector na dati pong 33 days ngayon ay 3 days na lamang at ang iba pa hong mga government agencies na nagtulung-tulong at nagsama-sama sa inisyatibo rin po ng ARTA.

And lastly iyong transformative po dahil ang ARTA ay bagong ahensiya po, ang inyo pong lingkod ang unang Director General so ang lahat ho ng ating tinutulak ho ngayon ay sabihin ho nating isa pong forerunning o game-changing ho sa mga inisyatibo po ‘no dito sa ating burukrasya na nangyari lamang ho sa ilalim ng pamumuno po ng ating Pangulo. Dito po, siya po ang talagang nagtulak na magkaroon po ng Anti-Red Tape Authority at dahil po riyan ay nararamdaman na po ng marami sa atin at naiintindihan na po ang inisyatibo laban sa red tape ng atin pong administrasyon.

SEC. ANDANAR: DG, anong mga hamon ang inyong nakaharap sa paglaban sa red tape?

ARTA DG BELGICA: Marami hong hamon, Secretary Martin, tayong hinarap at kinakaharap pa rin po. Ang isa na po riyan ay iyong silo system of operations na nakasanayan ng atin hong burukrasya. Ibig sabihin, ang dati pong hindi pag-uusap-usap ng mga ahensiya o mga opisina dahil kaniya-kaniyang kaharian, sa loob ng kaharian so they were just all focused on their own work. And hindi ho dati na nagkakaroon ng pagkakataon na tingnan ang pangkalahatan na impact across government agencies doon kay simpleng Juan Dela Cruz.

Ngayon ho sa termino ho ng ating Pangulo, sa pamamagitan po ng Anti-Red Tape Authority ay natutulungan na po natin ang mga government offices and employees to break the silos para sila po ay tingnan in a citizen-centric mindset ang mga proseso. Patuloy po natin itong dinudurog, itong silo system na operation, sa pamamagitan nang pagtuturo ng data-sharing sa mga iba’t ibang government agencies, pagku-conduct po ng training, paggamit ng regulatory impact assessment sa mga government agencies.

And of course, nandiyan pa rin ho ang hamon minsan ng mga nagtatangka na pagsamantalahan ang ibang prosesong ating binabago pa sa pamamagitan nang pagkakaroon ng mga fixing/fixers ay ito naman ho’y patuloy natin na hinuhuli. At ngayon lamang buwan na ito, Secretary Martin, ay nakalabing isa tayo na mga nahuli po natin sa ating mga entrapment operations.

SEC. ANDANAR: Isa sa mga itinulak ninyong programa, DG, noong kayo’y maupo sa puwesto bilang Secretary at DG nga ay iyong National Effort for Harmonization of Efficient Measures of Inter-Related Agencies o NEHEMIA. Ano na po ang update dito, Secretary?

ARTA DG BELGICA: Napakaganda hong update natin, Secretary Martin, ang mga nangyari pong mga pagbabago under the program NEHEMIA. Bigyan ko ho ng particular example dito sa ating telecommunications sector na binanggit ho ng ating Pangulo na nais ho niyang pabilisin ang internet connection at isang hong malaking factor dito na madagdagan ang mga tore na itinatayo ‘no, iyong towers na itinatayo ng mga pribadong sektor sa telecommunications.

So tayo po ay naglabas ng joint memorandum circular sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang mga government agencies na under ho sa programa ni NEHEMIA ay nagtulung-tulong po sila ‘no, kami hong lahat para mapasimple ang proseso from dating eight months to one year ay ngayon po ay 16 days na lamang. So ang naging resulta po niyan, ang dating 6,000 permits a year lamang na naiisyu nationwide ay ngayon ay umaabot na po sa 26 to 27,000 permits ang naisyu na po para sa mga pagtatayo ng mga towers. At ang nagiging resulta po niyan, mas bumilis po ang ating internet connection ayon din po ito doon sa ating global speed testing organization na Ookla. Tumaas din po ang ranking ng Pilipinas pagdating sa speed tests. At ang mahigit pa po diyan ang direktang epekto rin ho ng [garbled] dahil bumilis ang proseso ay nabawasan ang korapsiyon doon ho sa ating mga local government unit at sa mga national government agencies.

SEC. ANDANAR: Ano na ang estado ng Pilipinas pagdating sa ease of doing business at sa institutionalization ng regulatory management system?

ARTA DG BELGICA: Maganda ho iyan [garbled] Secretary, ang atin pong mga [garbled] isa riyan ay ang ating drastic improvement sa ating ranking sa ease of doing business survey na kinu-conduct ng World Bank na kung saan tayo ay 124 noong bago ho pumasok ang ARTA, noong tayo po ay nandidito ang batas ng ease of doing business at nariyan ang ARTA ay tumalon po tayo, lumundag tayo ng 24 notches ‘no. Ngayon ho tayo ay nasa 95th rank po sa atin pong doing business ranking sa buong mundo.

Ito lamang ay sa unang taon pa lang ho ng atin pong existence ‘no. And nakikita po natin sa darating ho na mga panahon ay malaki pa ho ang improvement natin na inaasahan. Bagama’t nag-appreciate tayo sa mga international surveys and studies, pero ang atin talagang ikinatutuwa is iyong dito ‘no, iyong domestic feedback na nakukuha po natin na talagang iyong mga simpleng taumbayan ay talagang nakakaramdam po ng mga changes sa kanilang mga LGUs at sa kanilang mga government agencies.

Ang pangalawa ho ay iyong ating regulatory management stem na kung saan for the longest time, Mr. Secretary, ay ang Pilipinas po sa ilang dekada po ay nabinbin at naipit po tayo sa stage one or iyong starter stage. Apat po ang stages ng regulatory management maturity ayon dito sa OECD ‘no. At ang Pilipinas ay hindi po tayo gumagalaw doon matagal na panahon, pero within this year po ay finally ang Philippines would be graduating from Level 1 to Level 2, into a more enabled stage dahil ho naririyan na, Mr. Secretary, ang atin pong mga iba’t ibang mga imprastruktura na kinakailangan para ma-enable ang atin pong burukrasya. Naririyan po ang ARTA, naririyan din po ang ating batas at naririyan din po iyong mga manual na atin hong nagawa at inilabas para magamit naman po at ma-institutionalize ang tamang practices sa mga agencies. Ang isa po diyan is iyong Whole of Government Streamlining Manual na amin pong ni-rollout two weeks ago. Ganoon din po iyong Philippine Good Regulatory Principles na amin pong kasalukuyan na kinakampaniya sa iba’t ibang mga ahensiya.

So, sa panahon lamang po ng ating Pangulong Duterte, sa kaniyang administrasyon, tayo ay ga-graduate sa Level 1 to becoming Level 2. And hopefully, in the next five years, we would be graduating to the third and even to the fourth level of our maturity.

SEC. ANDANAR: Paano makakatulong ang inilunsad ninyong Philippine Good Regulatory Principles or PGRP sa ating misyon sa ease of doing business? Can you clarify that, Secretary Belgica?

ARTA DG BELGICA: Salamat po. Ang Philippine Good Regulatory Principles as the [garbled] ito po ay iyong mga prinsipiyo na kung saan ang mga government regulatory agencies and mga regulators sa gobyerno ay maaari ho silang magabayan ng mga prinsipiyo na ito. Ang ilan ho sa mga example ng mga prinsipiyo na iyan ay dapat malinaw ang rationale ng kanilang mga regulations; dapat ito ay base sa ebidensiya; dapat nagkaroon ng maayos at comprehensive na konsultasyon sa mga stakeholders at sa mga taong maaapektuhan, at ang iba’t iba pa pong mga maaayos na mga teknik para magabayan ang atin pong mga tao sa gobyerno kung papaano ang tama at maayos na pamamaraan ng paglalabas ho ng regulasyon.

Ito po ay makakatulong nang malaki sa laban ho natin dahil mapi-prevent ho kapag sila po ay tumalima sa mga principles na ito, mapi-prevent ang mga redundant na mga requirements, mapi-prevent po ang mga pagdami ng mga regulasyon na nakakaperhuwisyo imbes na nakakatulong. At ganoon din ho, makakatulong din po ito na sa kanila pong pagrirekonsidera kung tatanggalin ba ang mga existing na mga requirements na ito or hindi.

So this is again a first sa administrasyon lamang ng ating Pangulo na mayroon tayong opisyal na Philippine Good Regulatory Principles po na magagamit sa darating na panahon. At ganoon din po ‘no, gagamitin ho natin ito sa atin pong mga academe ‘no, iyong mga fields of academe na nagtuturo para ho mas lalong maging prevalent ang tamang mindset sa pagpasok at pagtulong po sa atin pong taumbayan ng atin pong mga government regulatory agencies.

SEC. ANDANAR: Ano po sa tingin ninyo ang malaking kontribusyon ng ARTA sa Duterte legacy para sa bawat Pilipino? At paano natin masisiguro na mapagpapatuloy ito sa mga susunod na administrasyon?

ARTA DG BELGICA: Napakalaki po. Una po sa lahat, ang ARTA po ay legacy po ng ating Pangulo. Siya ho ang [garbled] ahensiya na lalaban [garbled] problema ng ating bayan [garbled] Pangulo.

SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat sa inyong panahon, Director General Jeremiah Belgica ng Anti-Red Tape Authority.

Usec. Rocky, muli tayong sasabak sa pagsiserbisyo publiko dito sa Caraga Region. Nagpapasalamat tayo sa mga bayan at mga alkalde ng Pilar, ganoon din sa Sta. Monica at dito rin po sa San Isidro at General Luna. At abangan ninyo po kami bukas sa Lianga, Surigao del Sur para sa isa na namang Malasakit Center opening.

Okay, so pansamantalang nagpapaalam tayo, Usec. Rocky. Back to you muna.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyo, Secretary Martin. Ingat po kayo.

Samantala, Senator Bong Go, muling isinulong ang panukalang likhain ang Department of Disaster Resilience sanhi ng patuloy na paghagupit ng mga kalamidad sa ating bansa; mga binahang residente ng Hinoba-an, Negros Occidental, pinagkalooban ng tulong. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Habang nagkakaroon ng kakulangan ng supply ng bakuna, sumasabay din ang mga nanamantala sa iligal na pagbebenta ng COVID-19 vaccines. Mismong ang Pangulo ay nagbanta rin sa mga magtatangka pang ipuslit ang mga bakuna ng gobyerno para pagkakitaan. Ano kaya ang naging hakbang ng DILG ukol dito, iyan po at iba pang update ang ating aalamin mula kay DILG acting spokesperson Assistant Secretary Odilon Pasaraba.

Magandang umaga po, Asec.

DILG ASEC. PASARABA: Magandang umaga, kasamang Rocky. Kumusta po kayo?

USEC. IGNACIO: Mabuti naman po. Asec., ano na po ang ginagawang aksiyon ng inyong ahensiya ukol po dito sa pagbebenta ng mga bakuna? May measures ba in place para matiyak na wala ni isang dose ang maibebenta?

DILG ASEC. PASARABA: Yeah. Nagpalabas po ang ating mahal na Secretary, Secretary Eduardo M. Año consistent doon sa direktiba ng ating mahal na Presidente na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga vaccines dahil sa kulang nga ito para sa ating mga mamamayan. At sa direktiba na iyon inatasan ng ating Secretary ang ating mga lokal na pamahalaan, mga regional directors at maging ang kapulisan para tingnan at siyasatin itong mga nagbebenta ng ipinagbabawal na vaccines.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Asec., sa ngayon po ba ay ilan na ang natanggap ng DILG na impormasyon o reklamo tungkol sa bentahan ng bakuna at ilan po dito iyong naaksyunan na?

DILG ASEC. PASARABA: Tungkol sa isyu na iyan kung ilan ay ongoing ang pagga-gather ng datos ng ating mga DILG offices at maging ang kapulisan sa lahat ng mga lokal na pamahalaan sa mga reklamong tulad niyan, kasamang Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Aside from bentahan ng bakuna, tungkol naman po sa bentahan naman ng slots sa vaccination centers. Ito po bay ay napigilan na rin?

DILG ASEC. PASARABA: Yes, kasamang Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. So, papaano po puwedeng magsumbong ang ating mga kababayan kapag sila po ay inaalok o hindi kaya ay may nalaman silang ganitong klase ng modus?

DILG ASEC. PASARABA: Mayroon tayong mga hotline numbers sa ating mga kapulisan at mayroon din tayong mga operation centers hotline numbers sa bawat rehiyon ng DILG, kasamang Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. May update na po ba tayo sa IATF Resolution ukol naman dito sa pagbiyahe ng fully vaccinated individuals? Kailangan pa rin daw po ng RT-PCR test result o maaari nang ipakita ang vaccination card lamang?

DILG ASEC. PASARABA: Mananatiling epektibo ang mga IATF Resolutions natin mga kababayan at kasamang Rocky ‘no. Ang IATF Resolution 101 ay hinihikayat ang testing sa mga pumapasok sa ating mga lokal na pamahalaan at iyong IATF Resolution 124-B ay ini-encourage naman na tanggapin itong mga vaccination cards sa mga constituents natin na tapos na ang kanilang two dosage or dalawang beses na pagbabakuna or iyong full vaccination ng ating mga kababayan, kasamang Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero totoo bang hindi nakonsulta ang LGUs bago inilabas ang nasabing IATF Resolution?

DILG ASEC. PASARABA: Sa ating policy-making process sa IATF, kami sa DILG ay naniniwala na pinapakinggan natin ang ating mga lokal na pamahalaan. Sila ang mas nakakaalam sa mga condition sa kanilang nasasakupan at dinadala natin ito through our RIATF and of course our IATF sa central office iyong mga hinaing at kanilang mga suhestiyon para mas kumpleto, mas solido ang ating mga polisiya.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ngayon po, ano iyong kanilang mungkahi tungkol dito sa intra at interzonal travel?

DILG ASEC. PASARABA: Ang kabuuan ng IATF ay naniniwala na evidence-based ang mga actions at decisions ng ating mga lokal na pamahalaan therefore, ang DILG nirerekognisa ang mga lokal na pamahalaan na nagre-require ng RT-PCR test at nire-recognize din iyong mga discretion ng ating mga lokal na pamahalaan na ina-allow o nirerekognisa itong mga vaccination cards – totoong vaccination cards, kasamang Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko lang po itong tanong ni Patrick de Jesus ng PTV regarding vaccination cards: Ano po ang magiging assistance from the DILG or government para po ma-enhance ang mga ito kagaya ng pagkakaroon ng unique security feature nang sa gayun po ay authenticated ito kapag ginawang requirement at hindi basta-basta mapepeke?

DILG ASEC. PASARABA: Ito ay pag-uusapan sa IATF para magkaroon ng hakbangin at mga mekanismo para ma-validate ang authenticity ng ating mga vaccination cards, kasamang Rocky.

USEC. IGNACIO: Sunod pong tanong niya ay: Kung may paraan daw po ba para maging unified ang vaccination card?

DILG ASEC. PASARABA: Pinag-aaralan din ito ng ating IATF, miyembro ng IATF para sa ganoon ay uniformed and at the same time harmonized and synchronized ang ating paggamit, pagrekognisa ng ating mga vaccination cards, kasamang Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Kapag sinabi ninyo pong pag-aaralan, Asec., kanino pong other government agencies nagko-coordinate ang DILG?

DILG ASEC. PASARABA: Nandiyan po ang ating kapulisan, of course, sa ating mga foreign travelers nandiyan po ang ating DFA, POEA or OWWA as the case maybe and of course ang Department of Health at ang ating lokal na pamahalaan, mga representante ng ating mga lokal na pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., how soon daw po natin maisasaayos itong sistema ng vaccination card?

DILG ASEC. PASARABA: Ginagawa nang mabuti—pinag-aaralan nang mabuti ng ating IATF members itong mungkahing ito or adhikain na ma-synchronize itong mga bagay na ito, kasamang Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question po ni Patrick de Jesus: Four months since nagsimula ang vaccine program, anu-ano pa rin daw po ang hinaharap na challenges ng LGUs sa kanilang rollout based on DILG’s assessment?

DILG ASEC. PASARABA: Of course, number one is iyong supply sa ating mga kanayunan; pangalawa is iyong, siyempre, hesitancy pa rin ng ating mga kababayan, Kasamang Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo, may tanong lang po si Tuesday Niu and DZBB: Ibig bang sabihin, doble pa ring hahanapin ngayon ng LGUs, bukod sa vaccination card, dapat mayroon ding negative result ng RT-PCR o puwedeng isa lang sa mga ito o vaccination card na lang daw po ang puwede?

DILG ASEC. PASARABA: Tulad ng nasabi natin kanina, may mga lokal na pamahalaan, kaya maaaring tingnan natin sa S-PaSS iyong sa S-PaSS platform ng bawat local na pamahalaan ang mga requirements para sa paglalakbay ng ating mga travelers. Tulad ng for example, ang Baguio City, mayroon silang specific na requirement, nire-recognize nila itong vaccination cards at may mga iba naman na kailangan lang ng RT-PCR, kahit wala ng vaccination cards. So, maaari lamang na tingnan natin ang S-PaSS platform ng bawat lokal na pamahalaan, Kasamang Rocky.

USEC. IGNACIO: So, ASec, ang sinasabi natin, magmumula muna sa LGU iyong pagpapatupad kung kailangan ng RT-PCR or vaccination card sa kasalukuyang po, habang pinag-aaralan pa rin po ito ng IATF, ASec, tama po ba?

DILG ASEC. PASARABA: Tama ka, Kasamang Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong update, Assistant Secretary Odilon Pasaraba, ang Acting Spokesperson ng DILG. Ingat po kayo.

DILG ASEC. PASARABA: Maraming salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng DOH kahapon, July 8, 2021, umabot na sa 1,455,585 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 5,484 na bagong kaso; 191 na katao ang mga bagong nasawi, kaya umabot na sa 25, 650 ang total COVID-19 deaths.

Ang mga kababayan naman natin na gumaling na sakit ay umakyat na 1,380,899 matapos itong madagdagan ng 3, 925 new recoveries kahapon. Samantala, ang ating total active cases naman ay nasa 49,036.

Malalampasan ang pandemya na ito kung tayo po ay magpapabakuna na. Magparehistro na sa inyong mga lokal na pamahalaan o makipag-ugnayan sa inyong opisina para po makapag-avail ng libreng bakuna, mula po sa pamahalaan at pribadong sector.

Simula po noong magkaroon ng pandemya, marami sa mga kababayan natin sa Boracay ang talagang naapektuhan ang kabuhayan. Ngunit ngayong nagsimula na ang bakunahan kontra COVID-19 sa mga tourism workers sa Isla, kabilang ang mga nagtatrabaho sa hotel, resort, restaurant at transport, nanumbalik na kaya ang sigla sa pangunahing tourist destination ng bansa? Alamin po natin iyan kay Mayor Floribal Bautista ng Malay, Aklan. Magandang araw po, Mayor.

MAYOR BAUTISTA: Yes, good morning, Usec. Rocky. Magandang umaga sa inyong lahat. Of course, kay Secretary Martin, good morning po.

USEC. IGNACIO: Mayor, alam po natin na isa po talaga ang turismo sa pinakanaapektuhan ng pandemya ano po. Pero lumipas po ang mahigit isang taon, kumusta na po ang Boracay sa ngayon?

MAYOR BAUTISTA: Well, sa ngayon, ma’am, nahirapan pa rin kung nalaman noong nalaman natin before sa pandemic, eh mayroon tayong arrivals na 6,000 tourists a day. So sa ngayon, we started, opening tayo noong June 2, ay nag-average tayo ng 1,000 plus hanggang July, so parang mga 25% lang ang tourist arrivals as compared before the pandemic. Kaya nahihirapan talaga kami dito sa Boracay, Usec.

USEC. IGNACIO: Pero, Mayor, alam po talaga natin iyong pagsisikap ninyo, pero lahat po ba ng establishment diyan ngayon ay mayroon nang tinatawag na safety seal?

MAYOR BAUTISTA: Panibago pa iyong safety seal, ma’am. So, mahirap ang pag-process. Mayroon na kaming na-create na team to inspect ang safety seals. So hihintayin pa, nag-start na iyong team for inspection.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, nagsimula na nga po iyong COVID-19 vaccine rollout, para sa mga tourism workers sa Boracay. So, ilan na po iyong total target ninyo na mabakunahan diyan at kailan ninyo target matapos po iyong mabakunahan ang lahat ng manggagawa?

MAYOR BAUTISTA: Yes, the other day nag-start kami, dahil dumating si Secretary Berna Puyat at Secretary Vince Dizon, sa 3,000 na vaccine na iyon nag-start kami the other day at nakabakuna kami ng almost 1,122. So, target namin iyan dahil we need at least kasi sa lahat ng mga workers, mga almost 12,000 eh. And then iyong mga residents natin, mga almost 18,00o – so we need 4o, 000 doses na bakuna para at least ang target na natin na 100%, so that Boracay will have its herd immunity, iyon kasi ang target natin, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, iyong mga residente ninyo diyan sa Malay, kumusta po iyong turnout sa pagbabakuna at may sapat po bang supply ng bakuna para po matapos ang lahat ng tourism workers natin?

MAYOR BAUTISTA: Sa tourism workers, they promised us na dadagdagan nila na ma-complete na itong requirements para sa mga tourism workers at frontliners. Pero sa atin sa community, hihintayin pa namin kung kailan iyon, but they promised also na sa Boracay ay dapat 100% na talaga na bigyan ng bakuna ang mga, not only the tourism workers and the frontliners, but including na iyong mga sa community.

USEC. IGNACIO: Mayor, anu-ano na po iyong adjustment sa health protocols ng pamahalaan para sa mga fully vaccinated individuals? Nasa poder po ng LGU kung ire-require pa rin ang swab test o vaccination card na lang. Kayo po, ano po ang ipinatutupad ninyo diyan sa Boracay at sa inyong lugar?

MAYOR BAUTISTA: Yes, ma’am, actually na-discuss namin iyan during the conference with Secretary Puyat and Secretary Dizon and Aklan Governor Torres, tungkol nga diyan sa vaccine, na vaccinated na kung iri-require pa ba ang RT-PCR. So, pinag-iisipan pa namin iyan, ma’am, kasi kung kaya nga nila ipeke itong RT-PCR test pagpasok ng Boracay, how much more itong vaccination card. Unless siguro kung mayroon tayong unified card o may mga security code iyong mga card na iyan ay puwede siguro na excluded na iyong RT-PCR. Sa ngayon, eh hangga’t hindi pa natin ma-assure kung hindi tampered iyong card na iyan, eh delikado pa rin, ma’am, ngayon if hindi natin i-require ang RT-PCR for Boracay.

USEC. IGNACIO: Mayor, ulitin lang po natin: Sa ngayon po, kailangang po may negative RT-PCR result pa rin po iyong mga pupunta sa Boracay, tama po ba?

MAYOR BAUTISTA: Yes, ma’am, hindi pa rin binago iyong ating guidelines sa health protocols po.

USEC. IGNACIO: Mayor, pero ayon po kay Secretary Bernadette Romulo Puyat, paraan din iyong pagbabakuna sa mga tourism workers ng Boracay para daw po tanggalin na iyong requirement na negative RT-PCR sa mga turista na pupunta ng Boracay. Pero sabi nga ninyo, kailangan talagang maging maingat pa rin dito kasi nga iyong RT-PCR result, napepeke pa, ito pa kayang vaccination card, ano po, Mayor?

MAYOR BAUTISTA: Yes, ma’am, iyon nga ang kinakatakutan namin dito, ma’am, baka makalusot na mayroong mga tourist o sinuman ang makapasok ng Boracay na hindi naman or should I should say, tampered iyong vaccination card nila, eh delikado iyon. So, iyon lang naniniguro lang kami, ma’am, na dapat sa ngayon ha, dapat RT-PCR test muna bago sila pumasok ng Boracay.

USEC. IGNACIO: Mayor, may tanong po si Pia Gutierrez ng ABS-CBN ano po. Ito po iyong tanong niya, babasahin ko: Ano po ang inyong protocols para po sa entry ng fully vaccinated travelers to Boracay? Kailangan pa ba nilang mag-present ng negative RT-PCR test o sapat na po iyong vaccination cared as per IATF protocols?

MAYOR BAUTISTA: Sa ngayon, ma’am, i-restate ko lang, kailangan pa rin ng ating RT-PCR result na negative bago pumunta sa Boracay. Kahit na mayroon silang vaccination card, kailangang pa rin na mayroong RT-PCR result na negative.

USEC. IGNACIO: Kung sakali pong imandato na talaga ang pagtanggap ng mga vaccination cards bilang requirement kapag papasok sa Boracay, magkakaroon po ba ang inyong pamahalaan ng isang validating system para matukoy ang mga fake or tampered na mga vaccination card?

MAYOR BAUTISTA: Yes, ma’am, kailangan iyon dahil delikado. Sabi ko kanina kung makalusot nga iyong RT-PCR test natin na marami ang mga peke, eh lalo na dito sa vaccination card na iyan. So, as long na mayroon tayong unified card o may mga security code iyong mga vaccination card ay sigurado po, sure na iyong validity team talaga ay mag-exist in order to check nga itong mga card na iyan kung peke ba o hindi.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, sa Boracay po ba ay may mga nahuhuli pa rin kayo hanggang sa kasalukuyan ng mga nagsusumite ng pekeng RT-PCR negative result?

MALAY MAYOR BAUTISTA: Last week parang mayroon pang nahuhuli, ma’am. Iyong latest eleven yata, mayroon nahuli pa rin na eleven individuals.

USEC. IGNACIO: Marami-rami pa rin iyon, Mayor, ano? Pero sa ngayon po ba, Mayor, ilan po iyong active cases ninyo diyan sa Boracay?

MALAY MAYOR BAUTISTA: Ang active cases ngayon as to date ay mga 53.

USEC. IGNACIO: Pero puwede ba nating sabihin, Mayor, na manageable naman ang sitwasyon?

MALAY MAYOR BAUTISTA: Yes, ma’am. Under control, effective naman ang ginagawa natin dito sa Boracay na [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, baka mayroon po kayong mensahe sa ating mga kababayan sa Malay, Aklan para na rin po sa ating mga manunood na gustong bumisita sa Boracay?

MALAY MAYOR BAUTISTA: Ma’am, nawala kayo sa ere.

USEC. IGNACIO: Opo, ulitin ko. Baka po kayo ay may mensahe, Mayor, sa inyong mga kababayan sa lugar ninyo at dito po sa mga nanunood ngayon na nais bumisita sa Boracay?

MALAY MAYOR BAUTISTA: Yes, of course. Maraming salamat po sa inyo, ma’am, kay Usec. Rocky at saka kay Secretary Martin Andanar. Thank you very much for this opportunity ‘no. Pasalamat kami sa inyo lalo na ang Boracay dahil maganda ito at least malaman ng mga tao kung ano na ba ang mga requirements sa Boracay para pumasok lalo na sa mga turista natin ano.

Kung sasabihin natin napakaganda na ng Boracay ngayon ‘no and when we talk about COVID naman is nako-control naman dito and iyon nga, ini-invite ko kayong lahat na visit the island dahil it’s better than ever pa nga. Iyon ang bago namin dito sa promotion.

And sa lahat naman ng mga Aklanon ‘no lalo na ang Malay, Aklan ‘no, the mainland Boracay, ay iyong ginagawa we—kailangan iyong ating operation, iyong support natin para maayos natin itong problema dahil kami, ma’am, umaasa lang talaga sa turista. Kung wala kaming turista, wala ang Boracay.

So, maganda itong pagkakataon na at least ma-announce namin not only in the whole country but the whole world na Boracay nga is ready really to accept tourists, and I’m sure you will enjoy the beautiful island of Boracay.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kami ay umaasa na talagang makakabalik na rin ang sigla ng Boracay sa lalong madaling panahon sa kabila pa rin ng pandemya kaya mag-iingat pa rin po. Kami po ay nagpapasalamat sa inilaan ninyong oras sa aming programa, Mayor Floribar Bautista ng Malay, Aklan.

Salamat po, Mayor.

MALAY MAYOR BAUTISTA: Ihabol ko lang, ma’am. Nakatanggap pa kami ng Safe Travel stamp for Boracay ‘no and I’m very thankful for that, from WTTC, sa World Travel Tourism Council, ang Boracay is one of the safe areas to travel. So, thank you very much for that.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Salamat po, Mayor!

Sa iba pang balita: Senator Bong Go, nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng sunog sa 60 pamilya sa Parañaque at sa 13 pamilyang nasunugan sa Pasay City. Narito po ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Para sa pinakahuling pangyayari sa iba’t-ibang mga lalawigan puntahan naman natin si Czarinah Lusuegro mula sa PBS-Radyo Pilipinas. Czarinah?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

Alamin naman natin ang lagay ng Cordillera Region sa report ni Fevi Kate Valdez.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Fevi Kate Valdez ng PTV-Cordillera.

Hatid naman ni Julius Pacot ang pinakahuling pangyayari sa Lungsod ng Davao. Julius?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot ng PTV-Davao.

At dito na po nagtatapos ang isang oras nating balitaan at talakayan. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magkita-kita tayo ulit bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center