Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Biyernes – ekonomiya, bakuna at iba pang napapanahong issue sa bansa na mahalagang malaman ng mga Pilipino ang ating pag-uusapan kasama pa rin ang mga panauhin mula sa ahensiya ng pamahalaan.

Mula pa rin sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Simulan na natin ang isang oras na talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Ngayong araw po ang opening ceremonies ng Olympic Games sa Tokyo, Japan at may magandang balita tayo para sa ating mga atleta. Dagdag na allowance at incentives para sa mga Pilipinong lalahok sa 2020 Olympics at Paralympics aprubado na ni Pangulong Duterte. narito ang report:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky.

Samantala, isa pang magandang balita. Last week nga po ay dumating na sa bansa ang unang batch ng procured AstraZeneca vaccines ng ating private sector at simula ngayong weekend ay inaasahan na rin ang pagsisimula ng vaccination rollout sa mga empleyado ng mga pribadong kumpanya, kaugnay niyan makakausap natin si Presidential Adviser for Entrepreneur, Secretary Joey Concepcion III. Magandang umaga po sa inyo, Sec. Joey.

SEC. CONCEPCION: Good morning, Martin.

SEC. ANDANAR: Ilang kumpanya o negosyo po ang magbabakuna o magri-release ng kanilang mga bakuna para sa kanilang mga empleyado ngayong weekend gamit itong AstraZeneca na dumating kamakailan lamang?

SEC. CONCEPCION: So iyong 1.15 million doses ay dumating noong—it’s on Friday ‘no. So close to 500 companies ang [garbled] dito sa AstraZeneca. Ang kagandahan ng AstraZeneca nakikita natin sa diyaryo ngayon, talagang mabisa siya sa…itong variant ng Delta ‘no kasama ng Pfizer, naka-record diyan na… So itong mga kumpanya almost 500 today about basically 8 companies will be starting, iyong kumpanya namin, iyong Ramcar Group, iyong KFC at iba pa ‘no starting today pero tuluy-tuloy iyan. All of these 1.15 will be given as first doses ‘no para mas maraming empleyado na makuha itong bakuna.

SEC. ANDANAR: Kasama na rin po ba dito, Sec., iyong mga MSMEs na naki-pool ng order para sa kanilang mga tauhan?

SEC. CONCEPCION: Oo. Dito sa mga different business organizations nag-pooling sila ng order katulad ng Philippine Franchise Association, Philippine Retailers Association, iyong Filipino-Chinese Chamber at iba pa ‘no na business organizations. Sila ang nag-consolidated ng mga orders para sa mga micro small—karamihan small and medium sized businesses ‘no, iyong micro kasi, sa LGU na lang sila kukuha ng bakuna so iyan ang nangyari. So close to 500 plus, may mga maliit nang small and medium sized companies ang sumali rin dito.

SEC. ANDANAR: May datos po ba kayo kung nasa ilang porsiyento na po ng mga manggagawa mula sa mga private sectors so far ang nabakunahan na?

SEC. CONCEPCION: Well the LGU, ang nakikita natin sa—iyong mga korporasyon na bumili ng AstraZeneca. Iyong mga empleyado nila halos na mga 20% ‘no somewhere in that range ang kumuha ng bakuna dito sa mga LGU.

SEC. ANDANAR: Sec., dahil nga po may ibang mga employees ang nabakunahan na mula sa kanilang mga LGUs like what you mentioned, ano po ang plano ng private sector sa mga posibleng susobrang doses? Saan po nila ito planong i-allocate?

SEC. CONCEPCION: Hindi susobra iyan kasi ang mga kumpanya na—may mga empleyado sila nagbigay rin sa mga spouses, mga anak ng mga empleyado at pati iyong iba kasambahay ang na-include rin nila ‘no. So depende sa bili na ng company, if he bought [garbled] then he can give out more to the dependents, his dependents ng mga empleyado. And aside from that, kung talagang—kasi iyong donation na binibigay namin sa national government, sinabi ni Sec. Galvez sa akin na hindi na kailangan i-donate ‘no. So isang 3 million iyan na dadating next year instead of going to the national government, babalik iyan sa private sector – gagamitin namin ito para tulungan rin ang mga LGU na may kailangan dito. Pero ang arrival ng mga doses na ito next year pa rin.

SEC. ANDANAR: Dahil dito may nararamdaman na ba kayong epekto nitong pagbabakuna sa pagbabalik-sigla ng ating negosyo at ekonomiya?

SEC. CONCEPCION: Well nakita natin, Martin, iyong bakuna that is the only solution natin to save lives and livelihoods at wala na talagang iba. Kaya iyong importante dito, at least sa survey namin medyo mataas na sa white collared jobs ang gustong kumuha ng bakuna; halos abot ng mga 90% ‘no. Dito sa blue collared jobs, dito medyo challenging sector pero tumataas rin eh habang nakikita nila iyong Delta variant ay mas lumalakas dito sa bansa natin, natatakot din sila so tumataas din siya. Pero even if we have 10% unvaccinated in our workforce, it is still a threat ‘no – as we know the Delta variant will thrive with those who are not vaccinated. So we are still encouraging all of those to really take the vaccine and that’s where we can all feel safe.

SEC. ANDANAR: Mayroon po kayong proposal na ‘micro herd immunity through safe spaces.’ Can you tell us more about this concept? Paano po ito makakatulong para sa ating economic recovery?

SEC. CONCEPCION: Well dito sa micro herd immunity, kinausap namin si Sec. Duque sa isang dialogue na iyong isang workspace katulad ng isang building, kung about 80% of the employees are fully vaccinated, sana bigyan nang mas mataas na capacity – imbes na 50% puwede nilang itaas between 70 to 80 percent; so iyon ang idea namin.

Now nandito ngayon ang Delta variant, so ito puwede natin siguro gawin ‘to when the Delta variant threat is gone already ‘no but we are following that thinking that the more people fully vaccinate, the more capacity should the government that allow us ‘no. So that follows from the buildings to the factories down to the—well we met with the transport group rin ‘no at kinausap namin na maybe we can look at buses for vaccinated people ‘no. I think that will encourage more people to take the vaccine.

And it will also assure those who have been vaccinated coming from the office, that they will be safe going back home. So ito ang nangyayari ngayon, ang mga plano namin, kailangan pag-usapan na iyan kasi darating ang panahon, iyong Delta, eventually, we’ll be able to beat Delta ‘no, the Delta variant or whatever COVID is there, we can bring it down. Pero to sustain the livelihood of people, we really have to open the economy. Right now, with Delta coming in, restricted na naman ito so iyong mga negosyo ay mahihirapan.

Iyong fourth quarter natin, iyon ang pinakadelikado. Kasi iyon ang puwedeng quarter na bumawi lang ang mga negosyante sa mga lugi nila over the last so many months. So we feel that the fourth quarter, because of election spending, because of consumer spending and of course, the stimulus, malaking bagay iyan para sa mga negosyante.

So we thought that towards the third quarter, the economy should be opened para the fourth quarter will be a great Christmas for all. At iyong mga negosyante na nalulugi at halos baka mawala ang mga properties nila, at least mabuhay uli sila dito sa fourth quarter ‘no. Kailangan natin that we have to save these people, or else kung masama ang fourth quarter natin ay tiyak iyong 2022, mahihirapan tayo.

SEC. ANDANAR: Tungkol po naman sa posibleng pagpapatupad ng safe spaces sa mga mall at offices, hindi naman po ba ito posibleng magdulot ng discrimination sa mga unvaccinated individuals?

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, nakikita natin dito sa iba’t ibang bansa ‘no, dito sa Paris, kay Macron. Ang sinabi niya, the unvaccinated technically cannot ride buses, cannot ride planes, cannot go out in restaurants, you know. Dito rin sa Israel, sinabi rin nila iyan ‘no, at iba’t ibang countries. Eventually, darating tayo rin diyan.

Pero sinasabi naman namin dito sa micro herd immunity, when we attain, let’s say, 80%, those unvaccinated will be placed in the same space ‘no. But of course, they will have to wear mask; they will have to be farther – social distancing – from the vaccinated. There is no discrimination. I beg to disagree with many people that everybody has given a choice eh. Now, if you choose not to be vaccinated, you made your choice and the consequences follow. So it’s everybody who is vaccinated wants to be sure that they are only with vaccinated people. And that’s the way that we can move forward to open the economy. We can allow more people to enter a building, provided they are fully vaccinated. Of course, if you have unvaccinated people there is a threat because that is where the variant [garbled] to be unvaccinated so they can win this war.

SEC. ANDANAR: May ilang tanong lang po ang mga kasamahan natin sa media, please go ahead, Undersecretary Rocky Ignacio.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Joey Concepcion. Unahin ko lang po muna iyong reaksiyon muna ng business community dahil inanunsiyo po ni Presidential Spokesperson Harry Roque iyong bagong quarantine classifications kung saan ang NCR at ang apat na provinces ay isinailalim po ulit under GCQ with heightened restrictions simula sa araw na ito hanggang July 31st. Ito po ba ay makakaapekto pa rin sa ating ekonomiya?

SEC. JOEY CONCEPCION: Siyempre, malaking effect iyan. Now, hopefully, hindi ito pangmatagalan. Ang isang problema diyan, iyong indoor dining in restaurants, I was told, two percent lang ang capacity and fully vaccinated. Siguro naman kung fully vaccinated, puwede iyang itaas sa 50% man lang eh. Kasi kapag lahat ng tao kasama na fully vaccinated, the risk of infection is very near [sic] ‘no, and we have to take that risk.

So I was going to text Secretary Duque about that ‘no. So I know, we are all fearful of the Delta variant; we have to protect the economy ‘no. We should not allow the Delta variant, pero ibalanse lang natin para hindi naman bumagsak iyong mga negosyo ng iba. So we have to balance it – that’s very important, the way I look at it.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times sa inyo, with the declaration daw po ng localized transmission ng Delta variant, how can we be assured that a micro herd immunity will work against the spread of the variant?

SEC. ANDANAR: You know, if we don’t hit micro herd immunity, a house or of the home of the worker and then all the way to the barangay, till the community, till the LGU, till the work spaces, we will never achieve herd immunity in NCR Plus. So herd immunity is attaining herd immunity in your areas that you control. Katulad namin, itong building namin ngayon, itong pabrika namin sa gilid, if we attain 90% employees there vaccinated, we will attain micro herd immunity sa lugar namin.

So the more people that do that from their homes – kaya marami dito ngayon are vaccinating their kasambahay, lahat iyan – so you attain micro herd immunity in your homes, iyong padre de pamilya diyan should see to it, iyong mga may-ari ng pabrika should see to it that everybody is vaccinated. Once we hit the 80-90 percent on all of these work spaces, the chance of hitting micro herd immunity in NCR Plus, eventually in the Philippines, will be good. So the faster we hit micro herd immunity – kasi you have to hit it from the smallest communities, all the way moving up, the buildings, the factories, all the way – then we will hit herd immunity for the entire country, then things will improve drastically.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang next question po ni Red Mendoza: Senator Francis Pangilinan daw po is urging the government to lockdown again and put the country into MECQ or ECQ due to the spread of the Delta variant. Do you agree with this? And if not, what would you suggest to allow the economy to remain open despite the threat of the variant?

SEC. JOEY CONCEPCION: Very clearly, I don’t think the recommendation of Senator Kiko is going to be good for all of us. We will really destroy the economy, and eventually Philippines’ [unclear] will suffer. Our foreign obligations will be challenged. Our debt rating will be challenged. Our balance sheet will be challenged.

So the solution really here, Rocky, is nothing else – we have to vaccinate and fast. We have to vaccinate everybody in this country, especially NCR Plus which is the target. Iyon ang dapat nating gawin. And everybody has to contribute to this, I mean, as long as there are people unvaccinated, we will always be under a threat. Or this Delta variant, maybe down the road, Lambda or who knows, the whole alphabets will be consumed. So we have to stop the variants from penetrating our country. The only way to do that – the only way – is the unvaccinated must take the vaccine. And then, we then create that wall of defense, then no other variant will be able to penetrate us.

That is the only solution in saving lives and keeping this economy afloat, and helping those people, the micro entrepreneurs who are really struggling. Iyong utang nila, hindi sila makabayad, so this is the only way that they can have hope and we should give them that.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Presidential Adviser for Entrepreneurs, Secretary Joey Concepcion. Mabuhay po kayo, Sec. Joey.

SEC. JOEY CONCEPCION: Yes, thank you a lot. Thank you, Rocky.

SEC. ANDANAR: Samantala, ako ay magpapaalam muna, Rocky, mga kababayan. Magkita-kita po tayo ulit sa susunod na linggo para sa huling State-of-the-Nation Address ni Pangulong Duterte. Please go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Secretary Martin.

Samantala, bigyan-daan po muna natin ang kabuuang anunsiyo mula sa IATF hatid sa atin ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.

SEC. ROQUE: Magandang maulan na Biyernes po sa inyong lahat.

Balitang IATF po tayo, inaprubahan po ng ating Presidente ang rekomendasyon ng inyong IATF na ipasailalim ang National Capital Region at apat pang probinsya sa ilalim po ng GCQ with heightened restrictions; ito po ay mula July 23, 2021 to July 31, 2021. Nasa ilalim din po ng GCQ with heightened restrictions ang mga probinsiya ng Ilocos Norte. Ilocos Sur na dati-rati po ay nasa MCGQ. Galing naman po sa MECQ, Davao De Oro and Davao Del Norte ay mapapasailalim po sa GCQ with heightened restrictions. Ang Davao Del Sur po na dati po ay MECQ ay mapapasailalim po sa GCQ simula po ng July 23, 2021 hanggang July 31, 2021.

Now, kinakailangan po lahat ng biyahero na papasok po sa ating bayan ay magpakita po ng katunayan at kinakailangan sumunod sa testing ang quarantine protocols na inaprubahan po ng IATF. Ang Bureau of Quarantine po ay kinakailangan mag-identify ng mga close contact sa mga eroplano at vessels ng mga tao na nakumpirma po na mayroong case and kinakailangan i-closely monitor po itong mga close contact na ito.

Iyong ating infection, prevention and controls protocols po at kinakailangan sundin at ang lahat po ng lokal na pamahalaan ay kinakailangan maghanda po ng kanilang clear transportation arrangements and quarantine accommodations. Lahat po ng LGUs ay kinakailangan mag-closely monitor sa appearance ng kahit anong senyales po o sintomas ng mga dumarating habang kinukumpleto po ang kanilang quarantine at kinakailangan magpatupad po ng RT-PCR test after detection of symptoms. Karagdagan pa dito, kinakailangang magkaroon po ng health assessment para po sa lahat ng mga dumarating pagkatapos po ng kanilang isolation or quarantine period.

Inaprubahan din po ng IATF kahapon iyong continuous and strengthened implementation ng PREVENT-DETECT-ISOLATE-TREAT-REINTEGRATE (PDITR) Strategy. Kasama po dito sa PDITR Strategy ang active case finding, intensified contact tracing, immediate quarantine/isolation which should preferably be in a facility or declaration of localized Enhanced Community Quarantine (ECQ) down to the zone or barangay levels, stricter implementation and observance of minimum public health standards, and fast-track deployment of COVID-19 vaccines.

Para po magkaroon tayo ng patuloy na ligtas na mga economic activities, hiningi po ng IATF ang mga establishments na ikonsidera na magkaroon ng mas marami pong outdoor spaces na gagawing temporary outdoor weekend markets and dining spaces and permanently accessible urban green spaces, outdoor recreational spaces and public sanitation facilities.

Finally, lahat po ng mga dayuhang asawa o di naman kaya mga magulang or mga anak ng Filipino citizens na mayroon pong 9(A) visas ay pupuwede pong makapasok ng Pilipinas without the need of an entry exemption simula po ng August 1, 2021.

Nirebisa din po ng ating IATF iyong mga bansa na nasa category po ng green lanes, itong mga bansang nasa green lanes po ay pupuwedeng magkaroon po, iyong mga pasahero na galing dito ay magkakaroon lang po ng pitong araw na quarantine at PCR test matapos po ang kanilang panlimang araw na quarantine.

Now, kinakailangan po lahat ng pasahero galing po sa green list countries ay magpakita ng, unang-una, na ang pinanggalingan po nila ay green list country jurisdiction or territory na sila po ay nanatili exclusively doon sa mga green list countries at mga jurisdiction sa nakalipas na 14 na araw bago po sila dumating sa Pilipinas at sila po ay fully vaccinated, whether in the Philippines or abroad. Kinakailangan ma-verify po iyong kanilang vaccination status, independently or makumpirma po ng mga otoridad sa Pilipinas bilang valid and authentic upon arrival in the Philippines.

Para po doon sa mga bansa na qualified sa green lanes o mga pasahero na galing dito sa mga bansa na galing sa green lanes, the Bureau of Quarantine shall insure strict symptom monitoring habang sila po ay nasa facility quarantine. Even if iyong RT-PCR po nila ay negatibo, iyong mga pasahero na galing po sa green countries ay kinakailangang magkumpleto pa rin po ng seven-day facility based quarantine.

Kung ang RT-PCR test po ay positibo, kinakailangan po sundin ang prescribed na isolation protocols at pagkatapos po ng quarantine magi-isyu po ang Bureau of Quarantine ng quarantine certificate ns magpapakita kung ano ang status ng individual pagdating sa pagbabakuna at kinakailangan magkaroon po ng self-monitoring matapos po ng pitong araw.

Para naman po sa ibang pasahero na darating po sa Pilipinas na hindi po nanggagaling sa green lanes, well 10-day facility quarantine pa rin po at pagkatapos po niyan 4-day home quarantine, iyong PCR test po nila ay sa pang-pitong araw.

Now, kinakailangan po na sila po galing sa non-green list country, sila po ay nanirahan nga o nanggaling doon sa non-green list country 14 days before their arrival in the Philippines, hindi pa po sila bakunado and even if they are full vaccinated, the vaccination status cannot be independently verified or confirmed by Philippine authorities as valid or authentic pagdating po nila dito sa Pilipinas.

Meanwhile, lahat po ng mga pasahero ke Pilipino or dayuhan na nagta-transit po sa non-green list country, jurisdiction or territory shall not be deemed as having come from having been to the said country jurisdiction or territory.

Ibig sabihin, hindi naman po sila tatratuhin na parang sila ay nanggaling sa isang non-green country kung sila po ay nagta-transit doon lamang.

Now, iyong IATF po ay nag-classify ng green list countries, jurisdiction, territory as low risk countries or jurisdiction upon the recommendation of the Department of Health. Ang pinagbatayan naman po ng DOH:

  • Ay para sa mga populasyon na in excess na 100,000 the incidents rates, accumulative new cases of the past 28 days over 100,000 ay mas mababa pa po sa 50.
  • Para doon naman sa mga populasyon ng mahigit sa 100,000 ang COVID-19 counts, accumulative new cases over the past 28 days ay hindi po mas malaki o mas maliit sa singkuwenta as prescribed by the Technical Advisory Group.

Inaprubahan din po ng IATF ang mga dokumento na pupuwedeng ipakita para po ma-verify o ma-confirm ang vaccination status ng mga pauwing Pilipino:

  • Para po sa ating mga OFWs at sa kanilang mga asawa, mga magulang at anak na kasama nilang bumibiyahe, kinakailangan kumuha po sila ng certification from the Philippine Overseas Labor Office in the country of origin.
  • Para sa mga Pilipino at mga dayuhan na fully vaccinated po dito po sa Pilipinas ha, kinakailangan ipakita po iyong local government unit hospital issued vaccination cards, doon po sa original form or hard copy or LGU issued vaccine certificate provided na pupuwede po itong ma-verify or confirm ng border control authorities or iyong BOQ issued international certificate of vaccination or prophylaxis.
  • Para sa mga Pilipino naman po na nabakunahan sa abroad, kinakailangan iprisenta po ang vaccination certificate issued by the health authorities of the place of verification provided pupuwede pong ma-verify itong mga dokumentong ito.

Nagdesisyon na rin po ang ating Presidente isinama na po ang Malaysia at Thailand sa mga bansa na kasama po sa travel ban. Ulitin ko po kasama na po sa mga bansang may travel ban ang bansang Malaysia at ang Thailand. Inaprubahan po ng ating Presidente na lahat po ng mga biyahero na galing sa Malaysia or Thailand or mayroong history of travel sa Malaysia at Thailand sa nakalipas na 14 days ay hindi po pupuwedeng papasukin ng Pilipinas; ito po ay magsisimula ng 12:01 of July 25 hanggang 11:59 PM ng July 31, 2021. Hindi po pupuwedeng pumasok ngayon, bukod pa doon sa mga ibang bansa na may travel ban na ang manggagaling sa Malaysia at Thailand. Lahat po ng naka-transit na po or papunta na ng Pilipinas at lahat po ng darating na 14 days immediately preceding the arrival the arrival to the Philippines, pero bago po ng 12:01 of July 25, 2021, ay pupuwede pa rin pong makapasok sa bansa, pero sa subject to full 14-day facility quarantine notwithstanding po kung negatibo ang kanilang RT-PCR results.

Now, siyempre po subject itong travel ban na ito sa usual exception na iyong mga Pilipino na kabahagi ng repatriation and special commercial flights ay pupuwede pong pumasok ng Pilipinas. Lahat po itong mga bagay-bagay na ito ay inaprubahan ng Presidente upon the recommendation of your IATF dahil nga po ang Delta variant ay mas nakakahawa at mas nakakamatay. So mga kababayan ha, mas maigting ang ating MASK, HUGAS, IWAS and please kung pupuwede na PABAKUNA na po tayo.

Pilipinas sa ngalan po ng inyong Presidente, Rodrigo Roa Duterte. Ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabing, let’s stay safe. Magandang araw po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Kaugnay po sa ginagawang pagbangon ng pribadong sector para sumigla muli ang komersiyo sa bansa. Makakausap po nating ngayong umaga si NEDA Undersecretary Rose Edillon para bigyan tayo ng forecast sa magiging lagay ng ekonomiya ngayong second half ng 2021. Good morning po, USec?

NEDA USEC. EDILLO: Yes, good morning, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: USec. ilang buwan ng magsimula po iyong vaccination rollout sa bansa. Base po sa assessment ng NEDA nararamdaman na rin po natin ang epekto nito sa ating ekonomiya? Nag-i-improve na po ba tayo?

NEDA USEC. EDILLON: Yeah. Actually ang pinagbabasehan namin ay iyong employment statistics natin. Nakikita namin na ang [inaudible] nagkakaroon ng mas maraming mga individuals na nagkakaroon ng trabaho.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero nitong nakaraang buwan po, naging mas maluwag po iyong quarantine status ng NCR. So, gaano po ang naitulong nito sa pagbangon ng ating ekonomiya pero alam po natin na karirinig ninyo lang po iyong naging bagong quarantine classifications ng pamahalaan, kasama po ang NCR?

NEDA USEC. EDILLON: Yeah, tama po iyon ‘no. Hello? Can you hear me?

USEC. IGNACIO: Yes po, Usec..

NEDA USEC. EDILLON: Okay, salamat. Nakita namin iyong kasabay ng pag-relax ng ating restrictions sumasabay iyong ating labor market, dumadami iyong mga nagkakaroon ng trabaho. In fact, between iyong latest natin is May 2021 versus iyong January 2020, meaning iyong pre-COVID, mayroon tayong additional na 2.2 million na employed individuals. So, ibig sabihin, patuloy iyong pag-recover ng ating ekonomiya. Ang tawag nga namin is, “it is on the mend.”

Now, with respect to, kumbaga, iyong medyo bumawi tayo nang kaunti sa ano, medyo kabig tayo nang kaunti dito sa restrictions between now and until the end of the month, ang magiging kaibahan nito is ang aming request kasi sa health sector natin is parang at the same time na naghihigpit tayo sa ibang mga restrictions is gumawa na sila ng contingency plan ba para sa pag-handle ng surge capacity.

Kasi supposedly itong mga restrictions na ito ay ipinapatupad to buy time so that we can increase our health system capacity. And therefore what should happen, actually, what will happen is that the health sector natin will come up with this plan to address this increase, in surge or in cases in case it happens.

At the same time, tingin namin malaking bagay din itong seven days na ito para mag-accelerate din iyong ating vaccine rollout natin so that hopefully we don’t get to the point na magkakaroon ng surge.

Ang isang magandang nakikita namin, you know, parang silver lining during this time that we have, that we are already seeing this Delta variant na nakapasok na sa atin ay siya ring pagdating din naman ng maraming supply ng bakuna and nakita rin naman natin na nakapag-increase na tayo in terms of vaccination, iyong jabs per day natin malaking bagay talaga iyon.

So, kung halimbawang maitutuluy-tuloy natin ito hanggang end of July, if possible malampasan pa natin itong mga record natin na ito ‘no, talagang we will be in a different situation actually than we were let’s say, noong beginning of April when we had that surge and we were not, you know, kasisimula lang ng vaccine, pautay-utay iyong pagdating ng supply.

But this time nandiyan na iyong supply ng vaccines, we have the systems in place and then like I said, DOH is actually coming up with this contingency plan on how to handle this surge capacity so that after this period sa awa ng Diyos magtuluy-tuloy na tayo ng ating recovery.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero. Usec., sa palagay ninyo kakayanin ng ating ekonomiya in case po ma-extend itong GCQ with heightened restriction na ipatutupad sa NCR?

NEDA USEC. EDILLON: Ang nire-request namin sa business sector ‘no is magpatuloy pa rin – kahit pa mag-relax na tayo ng restriction – is magpatuloy pa rin sa tinatawag naming “COVID-proofing” ng kanilang mga businesses, ng kanilang workspaces, ng kanilang mga processes. Na sana mas madami pa iyong mag-go-digital para sa ganoon iyong iba-ibang mga—hindi naman kailangan lahat ng trabahador eh magwo-work from home. Pero kung sana mayroon silang mga processes na puwedeng magkaroon ng alternative work arrangement para hindi magkukumpol-kumpol sa mga workspaces, then this will actually turn out mas robust ang ating recovery.

So, iyon ang request namin and actually marami na rin naman ang gumagawa noon ‘no kaya nga nakita natin tumaas ang e-commerce, dumami iyong mga delivery-delivery natin, so, marami na rin ang nakakapag-innovate ng processes. So, magtuluy-tuloy lang ito at again, ang mangyayari talaga nito is ang gusto talaga natin ay magkaroon ng robust recovery. For sure maaapektuhan ang ating ekonomiya kung magtutuloy ang restrictions but we’re hoping that again we make use of this time para on the side of the health sector i-improve ang health system capacity; on the side of business, makapag-transform na rin sila ng kanilang processes.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit po ni Finance Secretary Sonny Dominguez sa isang panayam na “pretty good” ang second quarter ng GDP na katulad din ng binabanggit ninyo ngayong taon, ano po. Gaano po kaganda lumabas ang pigura na ito? Iyan po ba ay tataas nang hanggang matapos ang 2021? On track pa po ba tayo sa kabila po ng pagpapairal ng panibagong quarantine classifications dahil po sa Delta variant?

NEDA USEC. EDILLON: Yeah. Iyong ating bagong quarantine classification ngayon, July na ito so hindi na siya makakaapekto sa ating second quarter. Sa second quarter, again, tinitingnan namin ito na kumpara sa second quarter last year, we are actually in a better situation. Mas relaxed ang ating quarantine restrictions at kapag tinitingnan namin iyong ibang mga indicators kumbaga – iyong employment, iyong exports natin, even government spending – mataas ito and even tinitingnan din namin iyong ibang mga sales data sa private sector, mas mataas ito kumpara sa last year.

So, ang magiging ano na lang natin is iyong going forward but that actually depends on how well we can really prepare for it. We have time, we have the vaccine supply, we have the systems in place and so iyon lang naman ang pinanggagalingan namin kaya sinasabi namin na it will be a better year than last year.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., paano daw po naman makakaapekto itong ibinigay ng Fitch rating na credit rating na negative mula sa pagiging stable?

NEDA USEC. EDILLON: Iyong outlook po iyon ‘no. Ito po naman ay iyon pong sa credit rating ang pag-uusapan, pareho lang actually iyong credit rating ‘no, iyong outlook, iyon nga iyong dinowngrade nila to negative from stable. Ang para sa amin, we’re taking this as a challenge. We have to prove to them na maganda ang magiging prospects natin going forward.

Kaya po ang economic team ay talagang napaka-ingat po in terms of handling our finances kasi ito po iyong pinagbabasehan nila eh. Ang tinitingnan po ng mga credit rating ay iyong kakayahan nating makapagbayad ng utang natin going forward kaya nga co-credit rating sila ‘no. Ganiyan din po sa mga bangko, kunwari tayo ay mangungutang, ang titingnan nila is kaya mo bang magbayad going forward.

So, iyon naman ang ano pinagsisikapan namin na unang-una sa lahat in terms of the policies, maipakita natin na mas magiging maganda ang growth prospects namin going forward. Kaya masigasig kaming nakikipag-ugnayan with the Congress para sa mga reporma ng Public Service Act, para maiayos talaga iyong ating internet dito, iyong ating utilities, iyong ating Foreign Investment Act para sa ganoon iyong mga strategic investments lalo iyong magdadala ng high technology, modern technology o kaya iyong maglo-locate sa outside of Metro Manila ay ito po ang ating mas maa-attract ‘no.

And of course the Retail Trade Liberalization Act, ito iyong mga ginawa natin sa ngayon. Actually, nagsimula last year pa. Ginagawa talaga namin iyong mga reporma na iyon para talagang iyong growth natin is going forward. Makikita nila na, “Uy, mayroon din pala naman silang magandang growth prospects going forward.”

So, sa tingin namin this is a temporary setback but I’m sure na kapag halimbawa naipakita natin na nailatag itong mga reporma – kasi ngayon tinatrabaho pa lang natin with Congress ‘no – pero tingin namin kapag nailatag na talaga itong mga reporma na ito at makikita nila na, “Ah, puwede.” Puwede talaga silang mag-digital transformation kasi nandiyan na iyong digital infrastructure.

Puwede sila talagang mag-high-tech kasi nandiyan na iyong mga high-tech investments, iyong mga ganoong bagay ba. So tingin namin ay magbabago rin itong mga rating na ‘to at we will be, again given that positive outlook, not just stable pero iyong positive outlook ang talagang tinatrabaho namin dito, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., maiba lang tayo ‘no. Pinag-uusapan na rin po sa House Committee on Economic Affairs na i-abolish ang NEDA, sa halip ay gawin itong Department of Economics and Development Planning. Ano po ang masasabi ninyo dito, Usec.?

NEDA USEC. EDILLON: Oh we understand the intend ‘no. Maganda ang intent ng ating Kongreso kasi ito rin naman ang nakalagay sa batas ‘no, actually sa ating Constitution na ang Constitution talaga nag-i-envision ng what they call an independent economic planning agency pero headed by the President tapos eh nakikipag-ugnayan sa lahat-lahat ng sektor. So kumbaga ang idea as NEDA is right now ‘no na wala talaga kaming hawak na sektor ganiyan… hindi tulad ng, let’s say Department of Agriculture, agriculture ang hawak nila ‘no; Trade and Industry, iyong mga nandoon sa nagninegosyo sa trade and industry. So Education, iyong sa education.

Ang NEDA kasi titingnan niya ang pangkalahatan, babalansehin lahat ‘to. Ngayon ang gusto nilang mangyari is you know, maggawa talaga ng batas na i-spell out kung ano talaga iyong mandate ng NEDA na tingin nila para mai-carry out iyong na-envision nga ng Constitution.

So like I said, maganda iyong intent and we are actually working closely with them ‘no para mai-finesse ‘to, naibahagi na rin namin sa kanila iyong nakikita namin na puwedeng pang-improve pa doon sa kanilang proposal.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, NEDA Undersecretary Rose Edillon. Mabuhay po kayo, Usec.!

NEDA USEC. EDILLON: Salamat po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala sa iba pang balita, libu-libong mga residente ng siyam na bayan sa Zamboanga del Sur ang pinaabutan ng ayuda ni Senator Bong Go. Ang ibang ahensiya ng pamahalaan namahagi rin nang hiwalay na tulong sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, para kumustahin ang sitwasyon sa Butuan City kaugnay sa kanilang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga COVID-19 positive na tripulante na nakababa ng barko na galing Indonesia, makakausap po natin si Butuan City Mayor Ronnie Vicente Lagnada. Good morning po, Mayor.

BUTUAN CITY MAYOR LAGNADA: Magandang umaga naman, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, may update na po ba tayo dito sa imbestigasyon tungkol dito sa sinasabing nakalusot na tauhan ng isang vessel mula sa Indonesia na positibo pala sa COVID-19? totoo ba ‘to, nakapamalengke pa raw po sa inyong bayan, Mayor?

BUTUAN CITY MAYOR LAGNADA: Nakakalungkot, Usec. Rocky, pero totoo talaga. As of now we have submitted a full report doon kay Secretary Año sa nangyari nito. Again ito nga eh, iyong iba pa may bumaba pa po at bumibiyahe pa, sumakay pa ng bus papuntang Zamboanga iyong isang tripulante. Again iyong iba naman bumaba at namalengke sa aming bayan at iyon po ay nakakatakot.

Ang problema pa po ay bakit din po ito’y nakalusot so ito po kasi major lapses ng control especially sa health protocols natin na mga—that’s handling port operation ng ating mga port dito sa Butuan. To mention a few government agencies – Philippine Ports Authority, Bureau of Immigrations, Bureau of Customs and even the Coast Guard and Bureau of Quarantine. Kasi ho ngayon we conducted a full operation na, Usec. Rocky, kasi what if kung may Delta variant nga ‘to na out of the 19 o 20 ba iyon, 12 yata iyong positive.

So sa ngayon po—ngayon ay aming kinu-contact trace kung sino po iyong mga naapektuhan at after 5 or 7 days iyong iba iti-test namin po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: So Mayor, ilan po itong na-contact tracing na nakuha ninyo na nakasalamuha po noong mga nagpositibong tripulante at kailan po kaya ang test nito at kailan inaasahang lalabas iyong resulta?

BUTUAN CITY MAYOR LAGNADA: Nawala…

USEC. IGNACIO: Mayor? Can you hear me, Mayor? Okay, babalikan natin si Mayor. Nawala sa linya ng ating komunikasyon.

Samantala mga kababayan nating Persons with Disabilities sa Maasin, Leyte ang binisita po ng outreach team ni Senator Bong Go upang mamahagi ng ayuda. Narito ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Butuan Mayor Ronnie Vicente Lagnada. Mayor, paumanhin kanina ano po. So kumusta po itong contact tracing, ilan po iyong mga nakita ninyong nakasalamuha ng mga ito at iyong pagti-test po, kailan po inaasahan lalabas iyong resulta?

BUTUAN CITY MAYOR LAGNADA: Okay. Sa mga na-expose po, we did our contact tracing na, we are lucky that Butuan City has its own molecular laboratory. So, ang incubation period kasi is 5 days tapos lahat na trace na namin, pagti-test sa ngayon iyon mga na-expose po dito sa bayan po.

USEC. IGNACIO: Bale ilan sila Mayor, itong mga na-expose?

BUTUAN CITY MAYOR LAGNADA: Sa ngayon, marami-rami po pero mga asymptomatic po lahat, around [garbled] pero ngayon asymptomatic pa po kasi bago pa lang po. So, we will again do conduct retesting siguro after 10 days para ma-sure tayo. Kasi, sa ngayon asymptomatic pa po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Mayor, ipapadala ninyo po ba for genome sequencing iyong kanilang samples at habang hinihintay po ito ano po ang protocols ninyo sa mga ma-close contacts?

BUTUAN CITY MAYOR LAGNADA: Actually, si DOH-Caraga [garbled] sa bayan ng Agusan [garbled] mayroon naman tayong testing center.

USEC. IGNACIO: [Off mic] na talagang nagkaroon ng test?

BUTUAN CITY MAYOR LAGNADA: Yes. Actually, we wrote them officially na asking them to fully coordinate with the local government at kung puwede ma-inform kami sa mga pumapasok at lumalabas na mga vessel [garbled]. Hindi lamang sa mga port, kundi sa airport, iyong mga bus terminals po monitor na din po namin.

So, sa ngayon sa mga pumapasok po sa bayan ng Butuan, iyong mga bumabalik po na mga residents dito, tine-test po namin after 5 days lahat na galing sa labas kasi may incubation na [garbled], libre po iyan kasi mayroon naman kaming testing center po at saka nakikipag-coordinate po kami sa regional task force namin sa mga border controls po ng region para maprotektahan po iyong bayan po namin.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, tinukoy po ng OCTA Research din na ang Butuan City na kabilang sa high risk areas. Ano po ang masasabi ninyo dito, mag-iisang buwan na rin po kayong nasa MECQ, tama po ba ito? At masasabi ninyo naman po na kahit papaano ay naging epektibo naman iyong ipinatutupad ninyong quarantine restriction, maliban lang po talaga dito sa nakalusot nga po na tripulante?

BUTUAN CITY MAYOR LAGNADA: Yes po, dahil po sa nasa MECQ kami – last June mataas po talaga ang attack rate, nasa 76% – dahil nga sa mahigpit namin na mga health protocols bumaba po ito sa 31% pero unluckily po, ito na naman pumasok na naman na galing Indonesia na mga tripulante. So, magbabago na naman siguro, we will monitor at keep track on this para po maano namin, ma-prevent namin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kapag sinabi ninyo na magbabago ulit ang protocol ninyo. Ano po iyong isa sa mga pinakamahigpit ninyong gagawin ngayon, Mayor?

BUTUAN CITY MAYOR LAGNADA: Sa ngayon contact tracing iyong aming pinaka-best effort, ngayon kina-quarantine namin iyong nati-trace namin. Hopefully lang po ay hindi sana Delta variant. Again, we are also prepared naman po sa aming hospital, mga gamot like for example Remdesivir, Dexamethasone mga ganiyan, ready na po ang aming city to do the curative parts sa COVID, to fight against COVID at saka po iyong vaccination nga po ay ma-level up natin.

USEC. IGNACIO: Opo, iyan nga po. Sa usapin naman po ng vaccination rollout sa lungsod, magandang balita po dahil dumating na nga po iyong dalawang ultra-cold freezers sa Butuan dahil nandiyan po ang nasa ilang doses po ng bakuna. Iyon po daw ang inaasahan natin makukuha at maibibigay sa ating mga kababayan kada araw diyan, Mayor?

BUTUAN CITY MAYOR LAGNADA: Yes, we just purchased dalawang freezers na may capacity po na mga 120,000 vials. So, sana po kung may darating especially iyong Pfizer puwede na po sa Butuan kasi – 75 degrees po iyong freezer na iyan, so kayang-kaya po at 120,000 vials, puwede na po kaming makakuha sa national government kung mayroon. At saka po mayroon din naman pondo ang siyudad ng Butuan, we are requesting the national government na kung pupuwede i-allow po kami na makakuha ng additional vaccine para po naman makatulong kami sa national government para po mapabilis po ang pag-vaccinate ng ating populace.

USEC. IGNACIO: Nasa ilang porsiyento sa target population protection ng Butuan iyong tumanggap ng bakuna, Mayor? At kailan po natin target na makamit iyong tinatawag nating population protection?

BUTUAN CITY MAYOR LAGNADA: Well, sa ngayon po nasa 10% pa lang po tayo at may 60% pa po natin na tina-target na additional out of 370,000. So, sa ngayon sa 10%, we’re saying around 27,000[sic] lang po sa ngayon ang nakatanggap ng first dose at 11,500 pa lang ang na-full dose o second dose ang nakatanggap.

So again, we are requesting the national government to at least, being the regional center of Caraga Region na, kung pupuwede po madagdagan po ang supply ng vaccines para po ma-attain na natin ang ating herd immunity na tinatawag na 70%. But Butuan City is targeting kung puwede pa lang more than 70%

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat, Mayor, sa inyong panahon. Kapag may kailangan po kayo tawag lang po kayo, Mayor. Butuan City Mayor Ronnie Vicente Lagnada, salamat po.

BUTUAN CITY MAYOR LAGNADA: Thank you for having me. Thank you po.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa PTV-Cordillera, ang report ay ihahatid sa atin ni Alah Sungduan.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Alah Sungduan ng PTV-Cordillera. Maghahatid ng ulat naman ang ating kasamahan na si Hannah Salcedo mula sa PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Hannah Salcedo.

Dumako naman po tayo sa pinakahuling datos ng COVID-19 cases dito sa bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, July 22, 2021.

  • Umabot na sa 1,530,266 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 5,828 na mga bagong kaso.
  • Bumaba naman po sa 17 katao ang naitalang nasawi para maging 26,891 ang total COVID-19 deaths.
  • Ang mga kababayan naman po nating gumaling na sa sakit ay umakyat na sa 1,452,813 matapos itong madagdagan ng 3,257 new recoveries kahapon.
  • Ang active cases naman sa ngayon ay 50,562.

Samantala, sa may mga digibox sa kani-kanilang tahanan, maaari ninyo pong ire-scan ang inyong digibox para sa tuluy-tuloy at malinaw na panunood ng mga programa ng PTV. Kung paano iyan, narito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Bago po tayo magtapos, isang kasamahan po natin dito sa programa ang nagsi-celebrate ng kaniyang kaarawan. Binabati natin ng ‘Happy Birthday’ ang ating writer na si Lizzete Bantigue, ‘Happy Birthday!’ Ano na, nasaan na iyon? May paramdam ba?

At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO, magkita-kita po ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center