Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Umulan man o umaraw, tuluy-tuloy po ang paghatid namin ng mga mahahalagang impormasyon na dapat ninyong malaman at maintindihan. Mula pa rin sa Butuan City, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Kasama ang mga kawani mula sa mga ahensiya ng pamahalaan, ating himayin sa loob ng isang oras ang mga isyu na may pakialam ang taumbayan; ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Inanunsiyo na ang bagong quarantine classification sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa darating na Agosto. Sa Talk to the Nation ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kagabi, idineklarang hanggang August 7 na Enhanced Community Quarantine pa rin ang mga lugar ng Iloilo City, Iloilo, Cagayan de Oro City at Gingoog City. Sasailalim naman sa MECQ mula August 1 hanggang August 15 ang Ilocos Norte, Bataan, Lapu-Lapu City at Mandaue City.

USEC. IGNACIO: Extended naman ang General Community Quarantine with heightened restrictions sa NCR hanggang August 15, kasama rin ng Metro Manila sa klasipikasyong ito ang Ilocos Sur, Cagayan, Bulacan, Laguna, Lucena City, Cavite, Rizal, Naga City. Sa Visayas nandiyan naman ang Antique, Aklan, Bacolod, Capiz at Negros Oriental, habang ang Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental at Butuan City naman para sa Mindanao.

Naka-GCQ naman sa buong buwan ng Agosto ang Baguio City, Apayao, City of Santiago, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Quezon, Batangas, Puerto Princesa, Guimaras, Negros Occidental, Zamboanga Sibugay, ang siyudad ng Zamboanga, Zamboanga del Norte, Davao Oriental, Davao del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani [garbled], South Cotabato, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Sur at Cotabato City.

SEC. ANDANAR: At sa lahat naman ng mga lugar na hindi nabanggit ay nasa Modified Geneal Community Quarantine o MGCQ lamang.

Sa iba pang balita: Pangulong Duterte muling iginiit ang suporta para sa paglikha ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos sa kaniyang huling SONA. Senador Bong Go nangako na mas palalawigin pa ang pangangalaga sa ating mga Overseas Filipinos. Narito ang report:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Ang paghinto ng pagnenegosyo sa bansa dulot ng COVID-19 lockdowns ang nagpadapa ng ating ekonomiya. Makalipas ang higit isang taon, nakakasabay na ba ang business sector sa mga pagbabagong dulot ng pandemya, kaugnay niyan ay makakausap natin si DTI Secretary Mon Lopez. Welcome back, Secretary Mon.

DTI SEC. LOPEZ: Salamat po, Sec. Martin at kay Usec. Rocky at sa inyo pong mga [garbled]. Magandang umaga.  

SEC. ANDANAR: Secretary, nabanggit po ng Pangulo sa kaniyang huling SONA na talagang maganda po ang takbo ng ating ekonomiya bago pa man tayo tamaan ng pandemya. Ano ang magiging strategy natin para maibalik ang sigla ng ekonomiya sa natitirang buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte?

DTI SEC. LOPEZ: Mayroon po tayong tinatawag na re-strategy, at ito po nakasaad po dito ang patuloy nating pagbangon in terms of pag-manage nitong pandemya. Maraming kumalat kahapon na nagkaroon ng—nag-create ng pagkabahala sa ating mga kababayan [garbled]. Sana po actually maiwasan sana iyong mga ganitong instances ng mga unconfirmed sources dahil ang nirekomenda naman po ng IATF alinsunod din sa ating consultations sa mga reliable health experts and advisers, piliin ang GCQ with heightened restrictions referring to Metro Manila or NCR Plus. At salamat naman sa ating Pangulo, ito po ay inaprubahan, ang recommendation na ito.

Nabanggit po the economy cannot bear another massive lockdown. [garbled] really calls for it. You know, we lose around 30[garbled] for a two-week lockdown. Maraming nawawalan ng trabaho, hanapbuhay, mga micro-SME na magsasara. [garbled] GCQ with heightened restriction at kung puwedeng mag-GCQ muli, ito po ay [garbled] nakakasabay pa ang ating mga negosyante dito sa [garbled] ay masasabi nating, yes, nakaka-adjust naman po. Ang iniiwasan lang naman po ay iyong mga biglaang lockdown at maprograma ang kanilang mga operations.

[Garbled] natin sa ngayon talagang very calibrated po ang ating [garbled] na magri-reopen o kaya calibrated na umatras sa GCQ a few weeks ago. [garbled] nakumpirma na po na mayroong cases dito. Subalit ang COVID cases [garbled] parang 4,700 new cases, masasabi natin [garbled]. Delta has been detected but [garbled] namu-monitor po ito at naku-contain and it is being [garbled] minamaliit po ang Delta. Talaga pong maingat ang ating mga naging polisiya in the recent past, ano tayo eh, we are really more careful than open compared to other countries.

Kaya nga po nakita natin na iyong situation sa ibang bansa, dito po sa atin hanggang ngayon nama-manage pa. I think we can credit na rin doon sa maingat nating pag-manage nito pong pandemic. We take a holistic and balanced view on the health and the economy. Sa atin po, again part of the recourse ay iyong intensified vaccination rollout at saka iyong strict standard and granular lockdown. We can keep going and we can really save jobs. What is key is really talagang itong policy of allowing the economy to open. And importante po ang focus natin ng restriction dito sa mga non-essential mass gathering and definitely iyong mga super-spreader activities hindi mapayagan. Ang atin pong mga private companies, we would like them to ensure iyong implementation noong protocol at saka bawat company dapat mayroong mga health and safety inspection officer para everyday talagang nasusunod ang public health standard and protocol.

At again, reminder sa lahat na maganda ang ventilation, [iwasan] ang mass gathering at saka iyong mga big crowding situation. Moving forward, ang atin pong mga polisiya we stay [unclear] economic reforms. Nabanggit po, at salamat sa Presidente, iyong mga priority economic reforms na magpapalakas ng ating ekonomiya at [unclear] ng more investments. Tulad ng retail trade law, iyong foreign investment act at marami pang iba that we should continue, para makabangon, ma-re-stimulate ang domestic demand at mag-restart ang economy. And I must say, we can cite many figures na magri-recover iyong mga ibang figures na ito, [unclear] even on unemployment.

SEC. ANDANAR: Isa rin po sa nabanggit ni Pangulong Duterte, iyong pagsugpo ng 5/6 sa pamamagitan ng mga loan programs para sa Micro, Small, Medium Enterprises. Masasabi po ba natin na naging epektibo itong mga programa para hindi na sila lumapit sa mga loan sharks?

DTI SEC. LOPEZ: Thank you, Sec. Martin. And I think epektibo po ito dahil more than—ina-add po natin iyan, more than 220,000 ang naging beneficiaries na po ng ating Pondo Asenso, ito ay laban sa 5/6. Sinimulan po itong programang ito before pandemic noong 2018. At I think over P8 billion na po. Every year po kasi, para sa SB Corporation, Small Business Corporation, so every year may mga P1-1.5 billion na nadagdag para dito sa Micro SMEs. So again [garbled] iyong hindi humiram sa 5/6. Up to that extent of the budget, we will be able to lend out more. Saka ito po kapag nabayaran, umiikot na, ganiyan po ang pondo niyan. Pautang P8 billion, but if I recall it right, ang budget po diyan, I think around P5 billion. Pero ibig sabihin niyan, maraming napaikot na iyong pera, kaya umabot sa P8 billion iyong loan, so umiikot po ito.

Iba po ho ito dito sa CARES Program na inumpisahan natin noong pandemic na ngayon naman ay nasa P5 billion iyong budget, fully utilized, P4.8 billion as of yesterday ang napahiram, out of the P5 billion that’s allocated out of the Bayanihan 1 and Bayanihan 2.  And again, over 30 po ang napahiram namin dito.

So tuluy-tuloy po. I hope we can help more by having a bigger budget. And kung matanong ninyo, bakit kung paubos na, paano na? So gumawa na rin ho kami ng paraan, thank you to Secretary Berna ng Dot, iyong allocation for Tourism habang hindi pa open iyong ibang tourism establishments ay ipapahiram po natin dito sa SMEs. At iyon po ay ibabalik natin iyong pondo na iyon in the new 2022 budget. That is P1.5 billion.  And we are also applying, parang manghihiram kami sa DBP ng P15 billion pandagdag puhunan dito sa CARES program.

SEC. ANDANAR: Sec. Mon, babalikan po namin kayo, aayusin lang po natin ang koneksiyon kasi may problema po nang kaunti. Please don’t go away.

DTI SEC. LOPEZ: Ok, sige.

SEC. ANDANAR: Samantala, kahapon nga po ay nakabalik na ng bansa si Philippine Air Force Staff Sergeant Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa Olympics. Pero bago pa man ang kaniyang pag-uwi ay pinarangalan na ng Senado ang naging tagumpay nito sa 2020 Tokyo Olympics. Narito ang detalye.

[VTR]

SEC. ANDANAR: Kahapon rin ay nag-courtesy call ang Filipina Olympian kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Naganap ito sa pamamagitan ng video conferencing at doon sinaluduhan ng Presidente at ni Senator Bong Go si Miss Diaz sa kaniyang historic win. Binigyan din siya ng Presidential Medal of Merit, dagdag na P3 milyon na gantimpala at bahay at lupa sa Zamboanga City

[VTR]

SEC. ANDANAR: Talagang deserving na deserving si Hidilyn Diaz ‘no? Congratulations pong muli mula sa amin sa PTV!

Muli po nating balikan si DTI Secretary Mon Lopez. Secretary, nabanggit din po sa SONA iyong Central Business Portal na kaka-launch lamang ngayong taon. So far, ano po iyong nakita nating mga improvements pagdating sa bilang ng mga business transactions mula nang mai-launch ito at bakit mahalaga rin po itong maipagpatuloy ng susunod na administrasyon?

DTI SEC. LOPEZ: Thank you. Ito ay isang programa na mapapadali iyong business registration [garbled] itong Central Business Portal doon sa term ng starting of business, in other words kung kukuha tayo ng business [permit] sa SEC kung korporasyon or DTI kung proprietorship tapos naka-connect na rin iyan sa SSL at pagkatapos pati sa BIR.

And [garbled] na po ngayon iyong mga LGUs, [garbled] pagkuha. Lahat po ng proseso na iyan dati po umaabot ng more than [garbled] pupunta ka sa bawat agency na iyan. Ngayon po, napaikli na into mga three to five days but this year we aim and we talked already to the SEC. For example, [garbled] nila ay gagawin na ring one day para the whole line of application maging within one day.

At ang benepisyo po nito is that talagang iyong Ease of Doing Business ng Pangulo mapadali ang buhay ng mga tao lalo na iyong mga gustong magsimula. End-to-end processing within one day online na imbes na pupunta pa sa mga iba’t-ibang opisina aabutin ng ilang araw or linggo.

Kaya ho nito—kaka-launch lang ho nito. Marami hong nagsusubok na doon sa mga dating opisina pero tinuturuan pa ho natin na dito na sa Central Business Portal. And again, before the end of the year magiging within one day processing and iyon po iyon po nito sa ating mga kababayan at very soon including their all other business transaction na mailagay online, talagang dito na rin sila magta-transact.

[garbled] right now, iyong digitalization efforts ng iba’t-ibang ahensiya subalit ngayon overtime ito po ay dito sa Central Business Portal para lahat po sa larangan ng business dito na po pupunta sila. So, into the next administration dito na po magtutuloy iyong mga programa na pag-i-interconnect ng mga online processing ng iba’t ibang opisina. Iyon ho ang magagawa na rin iyan.

SEC. ANDANAR: Sec. Mon., may ilang tanong lang ang mga kasamahan natin sa media. Please go ahead, Undersecretary Rocky.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Secretary Mon, ang tanong na ito po ay galing kay Marvin Calas ng UNTV: Bakit po hindi pinayagan ng IATF ang panukalang two-week ECQ ng Metro Manila Mayors at mga negosyante? And if ever daw po mag-ECQ ng dalawang linggo, kakayanin pa po ba ito ng ekonomiya ng Pilipinas?

DTI SEC. LOPEZ: Thank you USec. Rocky. [garbled] na nabanggit po natin dati that we cannot bear another massive lockdown unless talaga iyong situation na talagang mayroon ng bumubulusok na isang surge lalo ng Delta variant.

Because bawat lockdown po [garbled] nawawala po, ang estimate ng [garbled] ng wages for a two-week noong nangyaring ECQ last March. Siyempre, [garbled] pati mga negosyo, micro-SME nagsara.

And tayo naman sa IATF kasama ng mga reliable health advisers ay tinitingnan lahat datos at ang pinaka-recommendation dito, of course, binalanse with the economy, i-retain ang iyong same GCQ with heightened restriction tayo [garbled]. Umatras lang tayo ng kaunti, naging GCQ with heightened restriction.

Ito na po ang naging rekomendasyon sa Presidente, i-keep lang ito dahil [garbled] naman po nagiging manageable ang COVID cases natin. Kahapon, 4,700 nga ang nabanggit at ang Delta na mga nadi-detect so far nai—[garbled] and control. It is being closely watched kaya [garbled] at inaprubahan niya po iyong recommendation ng IATF.

We really have to take a balance, wholistic assessment dito. Ngayon, nakikita natin effective naman itong minimum part ng compliance at kung saan kailangan ay doon naman nagkakaroon ng granular lockdown so that we keep the economy going and we save jobs and livelihood.

Again, importante po talaga may GCQ [garbled] restriction at ang restriction naka-focus sa mga [garbled] mga mass gathering, iyong mga superspreader activities but we allow the economy, trabaho na makatuloy para ho again, maka-recover ang ating economy [garbled] po.

At saka reminder nga, ulitin ko ulit iyong reminder natin sa mga [garbled] magtayo sila ng committee, health and safety committee para [garbled] sa kanilang operations na nasusunod iyong public health protocols[garbled] ng ventilation, ma-prevent iyong mass gathering, bawal kumain sa ganoon.

So, ayon ho.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Tristan Nodalo ng CNN Philippines: DOH Secretary Duque said maaari pang magbago ang quarantine classification sa NCR + areas. Should we revert back sa ECQ, ano po daw ang plano ng DTI sa mga business or workers na maaapektuhan?

DTI SEC. LOPEZ: [garbled] tuloy-tuloy lang ho ano, ito ngang micro-financing at ang importante ho ito hong [garbled] mga pampuhanan para sa mga [garbled]. Up to that point natutulungan po natin sila, of course, with the limit that we have. Kaya nga ho may request kami ngayon ng replenishment ng support fund.

So, we will continue to that but then again ang DOH naman po kasama natin sa IATF and of course, we really [garbled] on the health side [garbled], so, DOH understands na mas marami ring [garbled] kung iyong ibang parte ng ating ekonomiya ay magsa-suffer, magugutom o magkakasakit, ibang sakit hindi nga COVID at ibang sakit naman ang magiging problema natin at ito iyong mga irreversible kaya ho we really just need to be careful.

Hindi ho natin minamaliit ang Delta. Kaya nga ngayon talagang kaya nating mag-restrict ng movement, mag-restrict po tayo even [garbled] proactively, personally ‘no sa atin. Kung hindi ho importante, sa bahay na lang po muna tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang next question po ni Tristan: May data po ba ilan pa rin ang nawalan ng trabaho dahil sa recent lockdowns and ilan na po daw iyong nakabalik simula nang magluwag na ulit ng restriction?

DTI SEC. LOPEZ: Iyon pong data natin, iyon pa rin ho iyong [garbled] naapektuhan iyong 1.8 million noong nag-ECQ noon. So, [garbled] iyong maapektuhan kapag mag-ECQ tayo. Ito po ay [garbled] recover time itong past two, three months dahil bumalik tayo sa MECQ for the longest time [garbled].

Nakita natin ito [garbled] kaya iyong unemployment natin na 8.7%, nag-improve to 7.7. Huwag lang tayong umatras ulit ay hopefully mag-i-improve to 7 and closer maybe to 6%, eventually to 5% where we were before the pandemic. At nai-report na rin po na in terms of [garbled] bagong trabaho ang mga [garbled].

Ang importante ho talagang maalagaan iyong economy [garbled] iyong ating [garbled] para talagang mababalanse natin ang lahat ng bagay dito and yet wala hong magkaroon ng surge.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Tristan Nodalo: Ilan pong business o worker ang maaaring maapektuhan kung mag-ECQ daw po ulit?

DTI SEC. LOPEZ: Iyon po, iyong 1.8 million [garbled] in terms of number of businesses, doon sa survey [garbled] ngayon kasi mga eight to ten nanatiling sarado pero maaaring bumalik sa 16% of registered companies ‘no ang maaaring magsara kahit temporarily kapag nag-ECQ.

But to many, iyon doon po sa MSME, lahat nag[garbled] sa akin, iyong mga nakaraan year talagang dapang-dapa na sila, kapag nag-ECQ pa, walang mapupuhunan dito at iyong [garbled] mga trabaho, iyong mga kasamahan nila, empleyado nila wala silang masasabi kung ano ang mangyayari sa kanila kapag tayo talaga ay magla-lockdown dahil siyempre kapag magsarado ang [garbled] ay sarado lahat. So papaano ang mangyayari diyan? So kailangan talagang we should really take a balanced view on this.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong panahon, DTI Secretary Mon Lopez. Ingat po kayo, Sir.

DTI SEC. LOPEZ: Thank you po.

SEC. ANDANAR: Samantala, ako ay pansamantalang magpapaalam muna, Usec. Rocky para sa mahalagang misyon dito sa Butuan.

Mga kababayan, magkita-kita po tayo sa susunod na araw. Please go ahead, Undersecretary Rocky.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Ingat po kayo.

Samantala, ilang araw bago ang pagsisimula ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, anu-ano nga ba ang paghahandang ginagawa ng Komisyon ng Wikang Filipino para sa mga isasagawang programa ngayong taon? Makakausap po natin si Dr. Arthur Casanova, ang tagapangulo ng Komisyon. Magandang araw po.

MR. ARTHUR CASANOVA: Magandang araw po sa lahat, sa sambayanang Pilipino.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ilang araw na lang po at Buwan na ng Wika. So puwede ninyo po ba kaming bigyan ng maikling paliwanag kaugnay po sa temang, “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”. Bakit po ito ang napili ninyong tema ngayong taon?

MR. ARTHUR CASANOVA: Okay. Ang tema po ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2021 tulad nang nabanggit ninyo ay “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”. Ito ay isang pakikiisa ng Komisyon sa Wikang Filipino sa 2021 Quincentennial Commemoration in the 2021 [garbled]. Ang tema ng pagdiriwang ng bansa ngayon ay nakasentro po sa mga mahahalagang [garbled] Pilipinas sa nagdaang limandaang taon. Nauugnay po sa Kautusang Tagapagpaganap Bilang 103 na mahigpit na nagtatagubilin na ang pagdiriwang ay nararapat na maging Filipinos at kailangang sumasalamin sa Pilipino [garbled] at nagtatampok at nagbibigay-halaga sa pag-unawa at damdamin at paggunita sa ating mga ninuno at mayamang pamanang kultural sa anyo ng pag[garbled], wika, mga sining, mga materyal na bagay na nauukol po sa kultura o [garbled].

Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang kultural na aktibidad ng mga Filipino hinggil sa pagkakaisa, kahinahunan at kalayaan. Pagsuporta rin po ang temang ito ng Komisyon sa Wikang Filipino sa UNESCO International Decade of Indigenous Languages o IDIL 2022 hanggang 2032 na nakasandig sa deklarasyon ng Los Pinos o Los Pinos Declaration na nagtataguyod ng karapatan ng mga mamamayang katutubo sa malayang pagkakatatag, pagkakaroon ng access sa edukasyon at sa mga gawaing pampamayanan gamit ang katutubong wika bilang pangunahing kahingian sa pagpapanatili ng mga wika ng ating lahi ng mga nanganganib nang maglaho kung hindi gagamitin at tatangkilikin.

Alam ninyo mga kaibigan, ang temang ito po ay susuportahan ng aming mga gawain nakahanay po sa Komisyon sa Wikang Filipino at inaanyayahan ko po ang sambayanang Filipino na makapagdiwang po kasama ang Komisyon sa Wikang Filipino.

Alam ninyo, mayroon tayong mga patimpalak hinggil po sa paksang iyan [garbled] sanaysay ng taon at ang mananalo po ay tatanggap po ng cash prize. Bukod pa po sa [garbled] taon ay may patimpalak tayo hinggil sa dangal ng wika na igagawad po sa mga indibidwal at mga samahan o institusyon na may ambag po sa larangan ng wika.

At isasabay din po sa gawad parangal na ito ang dangal ng panitikan na dapat po ay noong Abril naibigay ngunit [garbled] na po ang pagbibigay ng parangal sa mga nagwagi sa dangal ng wika at dangal ng panitikan.

Kabilang sa mga gawain na isasakatuparan ng Komisyon sa Wikang Filipino ay ito pong patimpalak, sanaysay [garbled] na nakatuon naman po [garbled] sa mga kabataang baitang pito hanggang labing isa [garbled] ang mga pangunahing patimpalak natin ngayong Buwan ng Wika sa 2021.

Bukod pa po dito, mayroon po kaming mga patuluyang proyekto katulad po ng mga webinar na ibinibigay po namin nang libre, kabilang sito ortograpiyang pambansa na tumatalakay sa mga tuntunin sa spelling o palabaybayan. Mayroon din tayong masinop na pagsulat o workshop at ito ay may kinalaman sa mga istilo sa pagsulat at mga balarila ng ating Wikang Pambansang Filipino.

May isa pa pong seminar/workshop na virtual na libre din pong ibinibigay ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ito po iyong Korespondensiya Opisyal na may kaugnayan po sa pagsulat ng mga opisyal na pakikipagtalatasan o liham na dapat po ay matutunan ng bawat kawani ng ating pamahalaan at maging ng mga guro at mga mag-aaral.

Marami po iyang mga gawain na iyan na punong-puno po sa buwan ng Agosto at siyempre po isa sa pinakamalaking bagay na aming isasakatuparan ay ang paglulunsad ng [garbled] aklat ng KWF Publikasyon. Ito po ay nakahanay na at naka-schedule po ito sa [garbled] ng Agosto. Ito po ay isang virtual na lunsad aklat at sana po ay [garbled] sa paglulunsad na ito ng dalawang aklat ng Komisyon sa Wikang Filipino [garbled]. Kami sa Komisyon sa Wikang Filipino ay umaasa na ang sambayanang Filipino po ay makikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2021.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, sa ngayon po ay nararanasan natin itong pandemya. So, para sa inyo gaano kahalaga itong paggamit ng wika natin para sa mas epektibo pong pamamahagi ng impormasyon sa ating mga kababayan? At ano na lang po iyong nais ninyong ipaalala sa ating mga kababayan sa pagsisimula ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa susunod na linggo?

MR. ARTHUR CASANOVA: Tungkol ho sa pandemya, mayroon po kaming sangay sa salin na nagsasagawa po ng pagsasalin ng mga infographic ng mga kabatiran na ipinamamahagi po ng aming ahensiya, ng Komisyon sa Wikang Pilipino, at nakikipag-ugnayan din po kami sa Kagawaran ng Kalusugan at iba pang mga ahensiya ng pamahalaan upang ang mga kabatiran at impormasyon hingil po sa pandemya ay naisasalin hindi lamang po sa wikang Pilipino kung hindi maging sa iba’t ibang mga katutubong wika sa abot ng aming makakaya.

Kaya’t sa panahon ng pandemya, nakikiisa po at kami po ay tumutulong sa mga paparating sa mahalagang info at kabatiran. At iyan nga po ay ang magsalin ng mga manustrito at mga infographic at mga posters na pinapadala po sa amin upang isalin.

Para po sa buwan ng Wikang Pambansa, hinihimok ko po ang lahat ng mga kababayan natin na makiisa po at ito ay isang pagpapahayag at pagpapakita na tayo po ay may wikang pambansang tinatawag pong wikang Pilipino at iyang wikang pambansang Pilipinong iyan ang ating identidad. Kaya’t gamitin po natin ang ating wikang pambansa, ito po ang magbubuklod at magbibigkis sa atin bilang isang sambayanang Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas!

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Kami po ay nagpapasalamat kay Dr. Arthur Casanova, ang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Pilipino. mabuhay po kayo!

Kamakailan, ilang delivery riders ang nagprotesta upang maglabas ng hinaing laban sa kanilang kumpaniya pagdating sa halaga ng kanilang kita. Ang Labor Department agad naman namagitan para pag-ayusin ang dalawang kampo. Para pag-usapan ang kapakanan at interest ng mga delivery riders na itinuturing din nating frontliners ngayon, makakausap po natin si Atty. Benjo Benavidez, Undersecretary for Labor Relation Social Protection and Policy Support ng DOLE. Welcome back po, Usec.

ATTY. BENJO BENAVIDEZ: Magandang umaga po, Usec. Rocky. At magandang umaga din po sa ating mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Noong nakaraang linggo, naging mainit po na usapin iyong umano’y hindi pagkakaunawaan ng mga delivery driver at management ng isang digital platform company tungkol sa usapin ng paggawa. So ano na po iyong naging hinaing ng mga delivery rider laban sa kanilang management na nagbunsod sa kanila na magprotesta?

ATTY. BENJO BENAVIDEZ: Tama po iyon. But una, Usec. Rocky, maraming salamat sa panayam na ito. Ito ay pagkakataong makapagbigay kami ng update o linaw doon sa mga isyung kinakaharap ng mga manggagawa at isa na po dito iyong naging mainit na usapin noong nakaraang linggo patungkol po sa mga delivery riders.

Ang kanilang mga hinaing ay hindi po ito bago, tulad po noong mga claims sa social welfare benefits, iyong kanilang registration over rin sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG; pangalawa po, iyong usapin sa kita. Ang sabi po nila ay maliit iyong inuuwi nilang earnings dahil na rin po sa dumarami na po iyong bilang ng mga delivery riders. Mayroon po kasi silang tinatawag na batching system.

So, iyong mga napapa-prioritize po doon sa delivery sa mga orders ay iyong mga naka-categorize na batch 1 at batch 2. Subalit iyong naka-categorize na batch 3 and 4, doon medyo konti po iyong mga orders na dumarating sa kanila. May algorithm po kasing po kasing tinatawag para makakuha ka ng order. Ito po’y bukod pa doon sa usapin na gastusin nila dahil daw po tumataas iyong presyo ng gasolina, ganoon na rin iyong maintenance nila sa kanilang motorsiklo. At panghuli, at sabi ko ito po iyong pinakamainit na paksa, iyong suspension po na napabalitang may sampung taong suspension. Sa kanila po ang tawag po nila dito ay off boarding. Ang ibig pong sabihin noon ay walang access sa application or sa system iyong mga riders, at dahil po doon hindi po sila puwedeng makakuha po ng orders. So, ito pong tatlong mga issues na napag-usapan, mga hinaing ng ating mga delivery riders.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, pakibahagi naman po kung ano daw iyong naging resulta ng ginawa ninyong inspection at diyalogo naman sa mga delivery riders at maging doon sa management ng nasabing food delivery company. May pananagutan ba ang management o ang hanay po ng mga manggagawa sa nasabing insidente?

ATTY. BENJO BENAVIDEZ: May pananagutan po sila base na rin po sa kontratang kanilang pinirmahan at ayon po doon sa mga umiiral po nating batas ng paggawa. Balikan ko po kung ano iyong ginawa po ng Department of Labor dito para ng sa ganoon ito po ay ma-settle o masolusyunan. Namagitan po kami, nagpatawag po kami ng pagpupulong sa management ganoon din po sa mga delivery riders at napagkasunduan po doon iyong progressive pong o tuluy-tuloy pong resolution ng mga kaso o noong mga isyu nilang sinabi.

Again, hindi na po ito bago, kung maalala po natin noong nakaraang taon ay nagkaroon din po ng protesta iyong mga delivery riders dito po sa National Capital Region. Ang pagkaalaala ko po ay kaparehas pong food delivery company, at namagitan din po kami doon at nasolusyunan po natin iyon. Nag-usap po iyong dalawang partido, ngayon po ay balik na iyong mga nasuspinde, iyong mga off board.

So, sa patuloy na pakikipagtulungan ng dalawang partido, mga riders at ng management sa Department of Labor, naniniwala po ako na in the next few days, ito po ay masosolusyunan po natin.

By the way, karamihan po noong mga na-off board na mga delivery riders ay nakabalik na. Kung hindi po ako nagkakamali, mga 30 na lang, 31 na lang iyong hindi pa nakakabalik at sila ay kinukuwan po namin para ng sa ganoon kami ay mamagitan sa management para sila ay makabalik.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman sa kaalaman ng publiko, Usec., pakibahagi po ang nilalaman ng Labor Advisory na inyong inilabas tungkol sa delivery sector service. Sino po daw ang sakop nito? At paano po ba malalaman kung may employee-employer relationship? At ano din iyong mga benepisyo na maaari nilang makuha bilang manggagawa sa nasabing sektor?

ATTY. BENJO BENAVIDEZ: Maraming salamat, Usec. Rocky. Totoo nga po na nakapagpalabas kami ng isang labor advisory. Ito pong labor advisory na ito ay magbigay po ng giya sa mga delivery riders at sa mga may-ari ng digital platform company katulad po ng Food Panda, iyong Grab at similar companies, kung ano po iyong trato natin sa ating mga riders; ano po iyong mga applicable general labor standard at occupational safety standards; ganoon na din kung ano po kaagad iyong tamang kondisyon para po sa kanila.

Ang sakop po ng labor advisory ay lahat po ng riders, lahat po ng riders ng mga food delivery services ganoon na din po iyong courier services or activities, iyong nagpapadala lang po tayo ng mga parcel, iyong [unclear] magbo-book at dadalhin po sa isang lugar. So, tama po sila at ito hong labor advisory na ito ay nagbibigay po ng guidance kung papaano itatrato iyong mga riders bilang isang empleyado o bilang isang independent contractor o self-employed. Mayroon po tayong pamantayan na inilagay sa labor advisory at ito pong pamantayan na ito ay hindi bago, matagal na po itong ginagamit ng Kagawaran, ganoon na rin ang ating mga korte hanggang sa Korte Suprema.

I’m referring po doon sa tinatawag nating four-fold test, kasi po ito na po iyong kinasanayan natin na gamitin para malaman kung ang relasyon ng dalawang partido is that of employment relation. Ano ito? Iyong four-fold test, ang sinasabi po doon, tinatanong kung sino po ba ang nag-hire, sino po ba ang nagbayad ng sahod, sino po ba ang may karapatang magdisiplina o kaya mag-terminate ng relationship ng dalawang partido at ang importante po iyong power of control. KinUkontrol ba o sinusuperbisa ng employer o ng management kung papaano gagawin ang isang delivery riders, iyong kaniyang atas na mag-deliver? So, ito po ang isa sa mga pamantayan para malaman po natin na ang isang rider ay empleyado o kaya self-employed or freelancer.

But regardless po kung ang isang rider ay empleyado or kaya naman independent contractor, ang labor advisory po ay nagbigay po ng protection hindi lamang sa mga empleyado kung hindi para po sa mga freelancer. Katunayan, sa labor advisory, ang terms and conditions po ng delivery riders bilang isang independent contractor, sila po ay independent contractor talaga, at ang digital platform company ay dapat po may kontrata po sila at dapat po nakapaloob po doon sa kontrata iyong fair and reasonable compensation ng ating mga rider, iyong pagrehistro at iyong coverage po sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG. Nandiyan na din iyong pagsunod sa occupational safety and health standard at iyong arrangement kung tungkol po sa mga waiting areas. Alam po natin nagkalat din, makikita po natin sa daan o sa mga tabi-tabi iyong mga delivery rider. Sana po ay magkaroon po ng arrangement o kasunduan iyong mga merchants, ito po iyong mga restaurants at mga LGU para magtakda po sila ng lugar kung saan puwede po silang maghintay.

Pero bukod po dito, kung ang isang delivery rider ay maituturing na empleyado, saklaw po siya ng Labor Code of the Philippines at iba pa pong special labor laws. Lahat po ng labor standards ay entitled po ang isang delivery rider na maituturing bilang isang empleyado.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagbibigay ng impormasyon, DOLE Undersecretary at Attorney Benjo Benavidez. Ingat po kayo, Attorney.

ATTY. BENJO BENAVIDEZ:  Maraming salamat po at magandang umaga.

USEC. IGNACIO: Mula naman po sa PTV-Davao, may report ang aming kasamang si Jay Lagang. Jay?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jay Lagang.

Isang grupo ng mga Cacao farmers at processor sa Benguet ang nagsusulong sa pagbuo ng organisasyon na susi sa pag-unlad ng cacao sa probinsiya. Ang report mula kay Alah Sungduan ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. Base sa report ng Department of Health kahapon, July 28, 2021, umabot na sa 1,566,667 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 4,478 ng mga bagong kaso; 84 na katao naman ang mga bagong nasawi, kaya umabot na sa 27,401 ang total COVID-19 deaths. Ang mga kababayan naman natin na gumaling na sa sakit ay umakyat na sa 1,484,714 matapos itong madagdagan ng 6,149 new recoveries kahapon. Ang active cases naman sa kasalukuyan ay 54,552.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magkita kita uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)