Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. ngayong ika-lima ng Agosto 2021, mga balita’t impormasyon kaugnay sa muling pagsailalim ng NCR sa ECQ. Pag-iingat sa banta ng Delta variant at tulong ng pamahalaan para sa mga manggagawang maaapektuhan ng ECQ ang hatid namin sa inyo.

Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar; magandang umaga po sa inyo at magandang umaga, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Makakasama rin natin ang mga kinatawan mula sa ahensiya ng pamahalaan na lagi pong handang sumagot sa tanong ng bayan; ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: Maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa sina Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian; ang Infectious Diseases Expert na si Dr. Edsel Salvaña; at si Assistant Secretary Dominique Tutay ng Department of Labor and Employment.

SEC. ANDANAR: Sa ating unang balita: Sa latest survey na ginawa ng grupong OCTA Research para sa top 10 bets ng taumbayan sa pagkapangulo at pagka-bise presidente, nanguna sa listahan si Davao City Mayor Sara Duterte at si Pangulong Rodrigo Duterte. Nagpasalamat naman si Senador Bong Go sa ipinakitang tiwala at suporta ng mga Pilipino sa mag-ama. Ang detalye sa report na ito:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Isang araw bago muling sumailalim ang buong Metro Manila sa pinakamahigpit na quarantine status, ating pag-uusapan ang mga paghahandang ginagawa ng kanilang lungsod para sa dalawang linggong ECQ, makakausap natin ngayon si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian. Welcome back, Mayor.

VALENZUELA CITY MAYOR GATCHALIAN: Secretary Martin, maraming salamat. Magandang umaga—maraming salamat sa pagkakataon na ibinigay ninyo at makapanayam kayo.

SEC. ANDANAR: Mayor, bukas ay ECQ na sa Metro Manila, kumusta po ang paghahanda ninyo para rito?

VALENZUELA CITY MAYOR GATCHALIAN: Well, Sec., una nagpapasalamat ako na iyong coordination between the national government and the local government napakabilis. Last weekend pa kami nag-uusap ng DILG Director natin dito sa Valenzuela on the preparations. So anu-ano iyong mga ginawa na natin?:

First, today matatapos na kaming mag-distribute ng bagong quarantine pass sa mga mamamayan namin para ma-control natin iyong paglabas ng tao.

Pangalawa, sa pakikipag-ugnayan sa PNP naman, naka-setup na iyong checkpoints natin sa boundary ng Meycauayan and Valenzuela. Kasi alam naman natin kami iyong gateway ng Metro Manila so napaka-crucial noong pagitan naming dalawa ng dalawang lungsod na iyon. Bagama’t iyong checkpoint na mas malaki nasa Pampanga and Bulacan, mayroon din silang sinet-up na checkpoints sa Valenzuela and Meycauayan, sinigurado lang natin na maganda iyong pagkaka-setup para hindi ito magdulot ng delay sa transport ng goods and services.

Pangatlo, anytime now sabi sa amin dadating na rin iyong pondo para sa ayuda ng mga mamamayan natin. So pini-prepare na namin tutal iyong masterlist naman, iyon ‘yung ginamit last March pa lang na ECQ so malinis na iyong listahan na iyon. Pini-prepare na namin iyon scheduling nila para pagdating ng pondo dito, lock and load tayo, kaagad mapapadala natin iyong mga schedule nila para makuha iyong kanilang mga ayuda.

And also, Sec. Martin, nasabihan na kami ng DOH how many times to prepare. Nag-stockpile na rin tayo ng mga oxygen kung sakaling aabot doon; nag-stockpile na rin tayo ng mga iba’t iba pang mga kagamitan para makaresponde sa COVID na mga kaso sa siyudad natin.

SEC. ANDANAR: Ayon kay Sec. Ed Año, Mayor, eh bukas din ay inaasahan ang pagsisimula nang pamamahagi ng ayuda. May balita po ba kayo kung anong oras ngayong araw mada-download ang pondo para rito?

VALENZUELA CITY MAYOR GATCHALIAN: Wala pa eh, Sec. Martin. They said anytime today so ang tantiya namin baka late afternoon niya ma-download, we will need tomorrow to process it. Pero siguro masisimulan kaagad ang pagbibigay ng ayuda as early as Saturday or Sunday. So ang maganda kasi, Sec. Martin, iyong listahan we were—gagamitin na iyong listahan nitong March lang eh. So medyo salang-sala iyon, malinis iyong listahan na iyon so mabilis nating madi-dispatch po kaagad iyon. So the moment we get the funds today, pinakamaaga Saturday natin masisimulan, pinaka-late na siguro iyong Sunday.

SEC. ANDANAR: Nakadepende na raw po sa mga LGU kung paano ipamamahagi ito. Kayo po, Mayor Rex, ano po ang strategy ninyo sa cash and distribution para matiyak na hindi ito maging super spreader event lalung-lalo na ngayon ang dami nating nakitang mga pictures sa Facebook, etcetera?

VALENZUELA CITY MAYOR GATCHALIAN: Sec., tried and tested na iyong formula. In fact napuri nga tayo diyan ng DILG a couple of times kahit last year pa ‘no. Mayroon kaming designated na payout centers, malalaki ‘to na mga paaralan pero pinapadala namin iyong mamamayan ng paanyaya sa kanilang mga tahanan. Sa paanyaya nakalagay doon iyong oras, petsa at lugar na pupuntahan mo. So naka-time block iyon, hindi sila lahat sasabihin “O pumunta na kayo nang sabay-sabay,” hindi ganoon.

Per hour limitado lang iyong makakakuha ng paanyaya, kapag hindi mo pa oras iyon, hindi ka papapasukin doon sa payout venue. So kumbaga naka-time in motion na siya, per hour niyan siguro halimbawa pinakamarami na iyong 60 per hour na papapuntahin. Mas matrabaho lang kasi nga siyempre iisa-isahin mo pero nasubukan na namin iyon dahil mas maayos at hindi siya magiging super spreader event. We issue out paanyaya or invitations to go to the payout center based on the number na alam namin na kaya i-contain sa isang payout center and per hour ang oras nila.

SEC. ANDANAR: Sa inyong estimate, nasa ilang pamilya po ang inaasahang makatatanggap ng ayuda diyan sa Valenzuela?

VALENZUELA CITY MAYOR GATCHALIAN: Actually, hindi na estimate, Sec., ano na siya, it’s an actual percentage given to us by DSWD ‘no. Iyong last time namin na umabot kami sa 80% ng mga pamilya namin, that’s around – if I’m not mistaken – 180,000 families, so, medyo maganda-ganda na iyong coverage.

Alam naman natin, Sec. Martin, hindi naman laging sapat, pero at 90% coverage maganda-ganda na rin iyon. Last time, nag-augment lang ng mga 30 million iyong local government para mabigyan pa natin iyong mga 4Ps beneficiaries namin kasi hindi naman puwede iasa lahat sa pamahalaang nasyonal, tulungan po between pamahalaang nasyonal at pamahalaang lokal.

So, kung ang sabi sa amin same amount iyong darating, so, that’s 80% of our households tapos para ma-augment iyon, naglaan ulit iyong lokal na pamahalaan ng mga 26 million kung hindi ako nagkakamali para naman masalo namin iyong mga 4Ps members na maaaring hindi masasama doon sa initial list. So, LGU naman ang sasalo noon.

SEC. ANDANAR: Nitong mga nakaraang linggo, Mayor, isa po ang Valenzuela City na tinukoy ng OCTA Research na may mabilis na pagtaas ng infection rate. As we speak, ilan na po ang active cases diyan sa lungsod at maiuugnay po ba iyan sa Delta variant case na naitala sa inyong lungsod?

VALENZUELA CITY MAYOR GATCHALIAN: Sec. Martin, right now, we have around 780 active cases. Medyo bumilis nga talaga these past few days. Pero sa official na talaan ng Delta variant sa amin, isa lang at gumaling na iyon at hindi siya nakapunta ng Valenzuela at all, na-isolate siya. Kasi pag-uwi niya dinala na siya ng [unclear] sa isolation facility, so, hindi ko kaya directly i-attribute iyong pagtaas sa Delta variant.

Pero bagkus, hindi ba, sinabi nga na i-assume na natin na nandito na siya para iyong galaw natin is nakatuon sa pagkalat ng Delta variant. So, kami ang sagot namin diyan, we’re already assuming nandito siya sa Valenzuela City lalo na ang bilis ng pagtaas ng kaso pero iyong response namin is consistent whether Delta iyan, whether iyong original iyan na variant.

Kami, laging no home quarantine, dadalhin sa isolation unit para masigurado natin maputol iyong chain of infection. Pangalawa, massive contact tracing hanggang third generation na contacts. Number three, mayroong sarili kaming laboratory so we continuously test.

So, talagang nakaangkla kami doon sa national, ng DOH protocol na you cut the chain if infection by isolation – kami ay walang home quarantine; you test as many contacts as possible; and you contact trace as wide as possible. Kami naman, naniniwala kami kahit na Delta pa iyan, kahit na iyong ibang variant iyan, ang handling sa isang COVID patient should be consistent across the board whether what type of variant it is.

SEC. ANDANAR: Mayor, sakaling magpatuloy ang pagtaas ng cases sa lungsod ay handa po ba ang mga ospital at quarantine facilities maging ang bilang ng mga contact tracers ninyo?

VALENZUELA CITY MAYOR GATCHALIAN: Sec. Martin, actually, I just met the hospitals. So, last week medyo mataas talaga iyong occupancy pero marami silang na-discharge. Kaya itong pumasok na linggo they’re only at 60% occupancy. Marami doon sa kaso na nakita namin ay asymptomatic or mild symptoms. Nasa isolation facility ang almost 95-96% sa kanila. So, that’s a very good indication na maski papaano eh makakaraos tayo dito.

Kung tatanungin ninyo kami kung handa iyong mga isolation facilities natin – yes! We run around 1,400 beds, ang okupado pa lang mga 750 na ngayon so malaki-laki pa iyong inventory namin. And kung sakaling magsu-surge pa iyan may naka-back-up pa kami na mgaschool sites na may kagamitan na handa, na puwedeng ilatag kaagad para dumami pa iyong capacity namin. So, I think the city is in good shape in the sense na ready tayo kung dumami pa iyan.

Iyong contact tracers natin tuluy-tuloy naman iyon, hindi natin finold (fold) iyon. Iyong mega contact tracing center natin tumatakbo iyon. Iyong mga field operators natin nandoon iyon, hindi namin finold (fold) iyon kahit na nawalan tayo ng kaso for the time being noong December hanggang mga March. So, iyong machinery na iyon na close to 400 individuals, they’re all working either as field surveillance officers or sa help desk namin sa call centers. So, nakahanda tayo diyan, ready tayo sa isolation facilities, ready din tayo sa contact tracing.

SEC. ANDANAR: Mayor, sa usapin naman ng bakunahan, plano ninyo rin bang magpatupad ng 24/7 vaccination rollout kagaya ng sa ibaang lungsod o house to house na pagbabakuna ngayong ECQ na pinapaboran naman ng DOH?

VALENZUELA CITY MAYOR GATCHALIAN: Secretary Martin, iyong house to house matagal na naming ginagawa. We do that for mga bed ridden natin o iyong mga hirap gumalaw na mga senior citizen. In fact, sa talaan namin we have around 600 to 700 of those cases and we’re already halfway through. So, hindi naman namin itinigil iyan. As long as may supply kami tuluy-tuloy kami diyan.

Now, iyong pagdating sa 24 hours, baka hindi kayanin ng mga doktor natin. Sabi nga nila, Mayor, we also need to rest kasi iyong quality ng work namin baka mag-suffer. Pero Sec. Martin, kung matatandaan ninyo kami iyong isa sa unang LGU if not unang LGU na nag-o-operate until 10PM ng iba naming mga site.

So, ang gagawin na lang namin pararamihin. Ngayon, tatlong site iyan of the 14 na nag-o-operate until 10PM, ang gagawin namin ie-extend namin iyong hours ng iba rin also until 10PM para mas marami pa tayong ma-accommodate. Sisiguraduhin natin na kung anong bakuna iyong ibinibigay sa atin mauubos natin kaagad sa madaling panahon.

We’re already halfway through or 50% na kami ng target na 476,000 individuals and ngayon na maraming bakunang dumarating bibilis nang bibilis ho iyan.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian. Mag-ingat po kayo, Sir, at sana magkita tayo very soon at ma-video-han natin ang mga pinaggagawa ninyo diyan na magaganda diyan sa Valenzuela. Salamat po.

VALENZUELA CITY MAYOR GATCHALIAN: Sec. Martin, as always maraming salamat and hope to see you soon.

SEC. ANDANAR: Samantala, ako po ay pansamantalang bibitiw muna. Magkita-kita po tayong muli sa susunod na araw. Please take it away, Undersecretary Rocky Ignacio.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din sa iyo, Secretary Martin. Ingat po kayo.

Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa.

  • Base po sa report ng Department of Health kahapon, August 4, 2021, umabot na sa 1,619,824 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 7,342 na mga bagong kaso.
  • 90 naman na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 28,231 ang total COVID-19 deaths.
  • Ang mga kababayan naman nating gumaling na sa sakit ay umakyat na sa 1,528,422 matapos nitong madagdagan ng 7,285 new recoveries kahapon.
  • Ang active cases naman natin sa kasalukyan ay 63,171.

Amin pong paalala sa inyo, mag-mask, hugas, at umiwas po muna sa mga matataong lugar at mag-ingat po tayong lahat.

Wala pong pinipiling edad ang banta ng Delta variant. Bagamat nasa 0.2 ang death rate ng COVID-19 sa mga edad 19 pababa, mahalaga pa rin po ang dobleng pag-iingat. Gaano ba kalaki ang banta ng Delta variant sa kalusugan ng mga nakababatang populasyon? Para pag-usapan iyan, muli po nating makakasama si Dr. Edsel Salvaña, ang director ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology – UP Manila.

Good morning po, Doc Salvaña!

DR. SALVAÑA: Good morning, Usec. Rocky! Good morning sa lahat ng nanonood at nakikinig!

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, nabanggit po kasi ni PGH spokesperson Dr. Del Rosario na napupuno na po ang kanilang ICUs ng mga batang pasyente na nakitaan ng moderate to severe COVID symptom. Ang iba daw po sa kanila naka-intubate na. Ibig sabihin po ba vulnerable na rin ang mga bata lalo na dito sa Delta variant at bakit po ganito kalala iyong naging epekto ng COVID-19 sa kanila?

DR. SALVAÑA: Yes, Usec. Rocky. Actually, tama naman iyong sinabi na mababa talaga ang death rate sa mga bata pero hindi ibig sabihin zero po siya. And of course, iyong Delta mas nakakahawa, so iyong capacity niya na mag-infect sa mga bata ay mas mataas rin.

So, naturally, lalung-lalo na may mga bata rin tayo na immunocompromised, mayroong mga comorbids kaya at risk rin po talaga sila. In fact, there’s a syndrome sa mga bata na mukhang autoimmune iyong tinatawag na parang Kawasaki Disease or MIS-C na kino-cause ng COVID na puwedeng severe po talaga iyong maging pinapakita sa mga bata.

Bagamat hindi pa rin kasing dami sa mga mas matatanda, puwede rin talagang maapektuhan ng malalang COVID iyong mga bata lalung-lalo na kung marami po talaga iyong magkaroon ng COVID.

USEC. IGNACIO: Pero, Doc sa Estados Unidos, nitong linggo lamang po ay tumaas ng 84% ang nagka-COVID na kabataan at sa Indonesia naman po ay may isang pag-aaral na tumaas na iyong fatality rate sa younger age group? Ito po ba ay dapat na nating ikabahala, Doc?

DR. SALVAÑA: Well, siyempre, kinakabahala lagi natin, kapag dumadami iyong cases and expected naman ito, dahil sa Delta na mas nakakahawa. We also expect lalo na sa Indonesia na medyo overwhelmed na talaga iyong healthcare system nila na mas dadami rin talaga iyong mamamatay sa younger age group. Pero ang maganda lang na nakikita natin, doon sa US, kahit tuuly-tuloy iyong pag-increase ng cases nila, iyong number of deaths does not increase as much, kasi marami na talaga sa kanila ang nabakunahan. Ganoon rin po sa UK, nakita mo naman umaakyat iyong number of cases and these are young, old-alike pero iyong number of deaths, hindi niya mini-mirror, hindi katulad noong dati na kapag umakyat iyong cases mo, grabe rin iyong pag-increase ng deaths mo. Ngayon doon sa highly vaccinated countries like the US and UK, kahit umaakyat ng todo talaga iyong cases, iyong number of hospitalized at iyong number of deaths ay nanatiling mababa, dahil our vaccines continue to protect against severe disease.

USEC. IGNACIO: Sa kasalukuyang datos sa Pilipinas, ilan na po ba ang nagkakasakit na kabataan sa COVID-19?

DR. SALVAÑA: Well, I have to take a look at that data, hindi ko kasi siya minemorize, kasi adult infectious disease doctor po ako. Bagama’t ang alam ko po sa mas nakakatanda, kung titingnan po natin ay iyong number of old people about 60 years old na nagkakaroon ng CXOVID, even though it’s only about 20%, iyong share ng namatay from COVID dono sa age group na iyon, isa about 60%. So, this proportionate talaga, whereas mini-mirror naman noong statistics natin iyong nakita rin sa ibang bansa, in general mababa talaga iyong porsiyento ng mga bata na namamatay and on top of that, lalo na dito sa Pilipinas, mas hindi rin natin sila pinapalabas. So, historically, mukhang mababa naman iyong nahahawa. Bagama’t ngayon, with Delta, puwede ring iuwi noong mga lumalabas ng bahay sa bahay kung nasaan iyong bata. And so kailangan talaga nating panatilihing protektahan iyong ating mga bata lalung-lalo sa ngayon, hindi pa sila priority group sa vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, bagama’t binawi kaagad iyong desisyon kamakailan na payagan ng lumabas iyong mga bata? Sa tingin ninyo, ano po ang nagiging sanhi ng kanilang exposure sa sakit?

DR. SALVAÑA: Well, almost certainly, iyong ano, kung nauuwi ang COVID sa bahay, lalung-lalo na kung hindi bakunado iyong mga tao sa bahay, iyon po talaga ang nagiging risk. Of course, mayroon ring lumalabas, hindi naman natin completely mapipigilan iyang mga iyan, pero the main source of infection for children who are staying at home are people who are really going outside. So, important po talaga na kung may mga bata tayo sa bahay, mga mga matatanda, may mga susceptible na hindi pa nabakunahan. Tayo na lumalabas, kinakailangan po as much as possible gumamit po tayo ng mask, ng face shield at mag-physical distance para hindi po natin ma-put at risk iyong ating mga mahal sa buhay na nasa bahay.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano pong mga hakbang ang ginagawa natin para daw po maiwasan sa bansa ito pong paglobo ng kaso ng COVID-19 sa ating mga kabataan. At kinokonsidera na po ba ng ating mga health experts iyong posibleng pagsisimula ng pagbabakuna sa mga bata?

DR. SALVAÑA: Well, of course talaga iyong concern naman talaga sa mga bata is for instance iyong hindi nakakalabas, hindi sila nakakapag-aral. Malaki po talaga iyong impact noon, on mental health, on learning, on cognitive development, very important po iyon. Kaya iyon nga po ang napagdesisyunan dati, baka puwedeng ipalabas iyong mga bata at least outdoors. Pero with Delta kakaiba po talaga. So, kung palabasin natin iyan, mas maraming puwedeng mahawa, mas mahihirapan talaga. Kaya nga ginagawa itong preemptive lockdown ay dahil ang ginagawa po natin, nagka-catch up po tayo sa vaccination program na kahit lomobo man iyong cases natin, hindi po ma-overwhelmed iyong healthcare system, dahil kung nakakarami na iyong nabakunahan, mas kaunti na po iyong magkakaroon ng severe disease at kakailanganin ng hospitalization.

Now, doon sa pagbabakuna sa mga bata, of course kailangan muna nating tapusin iyong ating priority groups, dahil naman mas mababa nga iyong risk ng mga bata na mamamatay, pero of course, we always keep that under consideration. We really want to vaccine

everyone, when we have enough supply. At katunayan iyong Pfizer, approved sa Pilipinas, iyong 12 to 17 years old at iyong Sinovac po nag-apply na rin for 3 to 17 years old, dahil ito po ay naaprubahan na rin sa China para sa mga bata. Pero this will still be dependent kung sakali mang mabigyan ng approval iyong sa Sinovac, it will still be dependent on supply and iyong pagbakuna natin sa priority groups lalung-lalo doon sa mga taong mas mataas iyong risk na mamatay dahil sa COVID.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, na-detect na rin umano ng Disease Control and Prevention Agency sa South Korea ang dalawang kaso ng bagong corona virus na tinatawag na Delta plus variant at pinaniniwalaan daw pong mag nakakahawa ito kumpara sa original na Delta variant na kumakalat ngayon sa iba’t ibang mga bansa. Ang tanong po ni Marvin Calas ng UNTV. Ano po ang pinagkaiba nitong Delta plus at totoo ba na resistant ang Lambda variant naman sa COVID-19 vaccines?

DR. SALVAÑA: Okay, so iyong Delta plus po, mayroon po itong additional mutation compared sa Delta, bagama’t pinagaaralan pa, hindi pa naman klaro na mayroong survival advantage or vaccine advantage itong Delta plus. So we treated like Delta, kasi iyong Delta pa lang nakaktakot na. so, if we treat all Delta, Delta plus with extreme caution and iyon nga, we used our armor, iyong ating face mask, face shield at saka physical distance, makakayanan naman po natin kay Delta iyan Delta plus or other new variants. Now, iyong sa Lambda, iyong Lambda po kasi, hindi pa iyan variant of concern, variant of under investigation or variant of interest VOI ang tinatawag diyan ng WHO, kais hindi pa napupruweba na mas nakakahawa talaga siya or mas resistant siya sa vaccine, pinag-aaralan pa po iyan. Bagama’t mayroong mga laboratory studies na mukhang na hindi na masyadong gumagana iyong neutralizing antibody, hindi lang naman talaga iyon iyong panlaban ng katawan natin, mayroon pa tayong __cells at may iba’t ibang arms of the immune system na puwede pa ring gumana itong mga bakuna versus the virus. Katunayan for instance iyong tinatawag na Teita or iyong T3 na unang na-describe dito sa Pilipinas, tinanggal na nila sa variant of interest, kasi even though nakaaktakot iyong kanyang mutations, eh hindi naman pala siya kasinglala noong alpha, noong beta, noong delta, kasi wala naman siyang masyadong survival advantage. It doesn’t mean na kapag may nakita ka na nakakatakot iyong mutations, automatically mas nakakahawa na iyon or automatically as mahirap ng gumana iyong bakuna diyan. So kinakailangan po talagang obserbahan at importante po na manatili tayo sa ating pag-iingat, dahil variant man iyan or not variant, COVID pa rin iyan, alam po natin kung ano ang gumagana para ma-prevent po siya.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Kristel Guangco ng SMNI News. OCTA Research fellow professor Guido David said, that since you have raised concerns in the research mythologist, it will be better if you will be present also in the investigation of the house, so that they can explain properly, adding the experts presence is necessary for the scientific explanation? Will you r other DOH members attend the probe?

DR. SALVAÑA: Wala namang problema iyon, actually sa Science naman po, ganyan po talaga kami, nagpupuna po kami lalung-lalo na kung may nakita kaming agree. So, as part of the scientific process, mga scientist, mga dalubhasa, dapat po makita po ninyo sa university, ganyan po talaga kami magpuna. Sasabihin namin, ah ok iyong, iyong methodology, parang hindi po tama iyong ginagawa. Iba-iba po kasi ang aming disciplines, lalung-alo na ako po nasa medical field ako, bagama’t mayroon din akong ginagawang research work of molecular biology and I interact a lot with the epidemiologist, so alam ko po kung ano iyong mga basics in terms of data science and iyong clinical infectious disease and how this correlates to the bigger public health response. May mga nababahala lang ako sa mga sinabi nila and you know, it’s a free country, of course we need to say that kung sa tingin natin mayroong problema, kung may problema rin sila sa aking mga sinasabi, wala rin namang problema iyon. This is part of the bigger science discourse. Now, ang important lang talaga is that we have an understanding of how to go about making our conclusions, ano ba talaga ang sinasabi ng data, ano ang hindi sinasabi ng data, na para rin kasi, alam naman natin, iba iyong technical, iba iyong naiintindihan ng ating mga mamamayan para hindi po tayo mag-cause ng panic. Dahil marami po talaga iyang nuances and ang sinasabi lang namin at ang sinasabi rin ng DOH is dapat we have to be a little more circumspect.

Kasi kung hindi tayo maingat doon sa paggawa ng ating conclusions lalung-lalo na itong mga modeling na ito, they are not perfect eh, puwede talaga silang magbago. Important po talaga na mag-ingat tayo kung ano ang sinasabi natin, para hindi po mag-panic iyong ating mga mamamayan. But you know, I am happy to look at their models. I am happy to discuss with them. But iyong mga pinupuna ko lang naman po talaga sa tingin ko po talaga, hindi naman po tama. For instance iyong sinabi noong isang member sa kanila na dapat iklian natin iyong vaccine intervals, eh alam po natin, pinag-aralan iyon ng matindi and alam natin if we shorten vaccine intervals, iyong efficacy ng ating vaccines will go down, so iyong mga ganoong bagay. Hindi ko naman sinasabi, lagi silang mali. Ang sinasabi ko lang, itong mga bagay na ito na sinasabi ninyo, medyo tagilid po iyan. Siguro dahan-dahan po tayo para hindi po tayo makapag-cause ng panic or magbigay ng wrong information sa publiko.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at sa ibinahagi ninyong impormasyon, Dr. Edsel Salvaña. Mabuhay po kayo, Doc.

DR. SALVAÑA: Thank you, Usec. Rocky, mag-ingat po.

USEC. IGNACIO: Sa ibang balita, Senado niratipikahan na ang bicameral reports sa BFP Modernization Bill na ang principal author ay si Senator Bong Go at inisponsoran ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa. Narito ang report.

(VTR)

USEC. IGNACIO: Ilang mga kababayan natin ang dumaraing na ngayon pa lamang po sa muling pagpapatupad ng mahigpit na lockdown sa Metro Manila. Marami naman po kasing kabuhayan ang mapipilitang magsara sa loob ng ECQ. Ano nga pong tulong ang ipinapaabot ng pamahalaan para sa mga manggagawang maapektuhan. Kaugnay niyan makakausap po natin si Assistant Secretary Dominique Tutay mula po sa Employment and General Administration Cluster ng DOLE. Welcome back po, Asec.

DOLE ASEC. TUTAY: Maraming salamat, Usec. Rocky at magandang tanghali po sa lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Inaasahan nga po natin ang muling pagpapatupad bukas ng ECQ sa NCR at marami po sa ating mga kababayang manggagawa ang maaaring pansamantala o mawalan na naman po ng trabaho. Sa pinakahuli po ninyong datos, ilang business establishments at kanilang mga manggagawa ang maaaring maapektuhan nito sa NCR?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Usec. Rocky, siguro simulan natin noong unang mag-announce na mag-i-ECQ na naman po sa NCR starting August 6 to 20. Ito pong announcement ay ginawa noong July 30, if am not mistaken. Iyon pong datos, base po sa report ng ating mga establisyemento, mayroon po tayong naitala na 80 establishments, involving 2,675 workers na temporarily close o kaya po ay magbabawas ng oras o araw ng pagtatrabaho or iro-rate po iyong kanilang mga manggagawa.

Pero iyong datos po natin as of yesterday or five days after the announcement at hindi pa man din effective iyong ating ECQ at ito ay magsisimula pa lang bukas ay dumoble na po iyong mga establishments na nag-report. We have about 178 establishments who will be reducing their work force, mayroon pong rotation ng kanilang mga manggagawa, mayroon pong pagbabawas ng araw ng kanilang pagtatrabaho o kaya po ay iyong temporary closure. At ang manggagawa po dito ay 5,322. Sa loob lamang po iyon ng limang araw.

On top of this, Usec. Rocky ay mayroon na po tayong naitala as of July 30 na mga 6,000 na establishments involving almost 300,000 po na tuluyang nagsara o kaya po ay nagbawas ng kanilang manggagawa at iyon pong mga undergoing flexible work arrangement sa pamamagitan po ng reduction ng work days or rotation po ng kanilang mga manggagawa.

So malaki po iyong magiging epekto nitong two weeks lockdown po natin at kung susundan pa ito ng MECQ, dahil iyon naman iyong nagiging normal track po. After the ECQ, may MECQ. So talagang mahirap para sa ating mga establishments at sa atin pong mga manggagawa.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec, sinabi na nga po ninyo na malaki ang magiging epekto nito sa ating mga manggagawa. Pero sa tingin po ba ninyo, magkakaroon din ito ng malaking epekto naman dito sa papaganda na po sana nating employment rate, itong dalawang linggong ECQ dito sa NCR? At ano din po iyong hakbang na gagawin ng DOLE para muling pasiglahin ang kalagayan ng sector sa paggawa sa gitna ng pandemya?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo, tama po kayo, Usec. Rocky, ang ganda na po sana ng employment track natin, kasi tumataas po iyong ating employment rate at bumababa naman po iyong unemployment rate. Pero titingnan po natin iyong labor force statistics na nilalabas po ng Philippine Statistics Authority at makikita po ninyo agad-agad iyong epekto na kapag tayo po ay nag-lockdown, kagaya na lamang po noong March 9 hanggang April na nagkaroon po tayo ng lockdown nitong taong ito. Ang naging epekto po noon, pagdating po sa employment nabawasan po ng dalawang milyon ang employed persons po natin. At pagdating naman po sa unemployed persons, tumataas po ito at ito po ay nasa around 700,000 po iyong naging increase ng ating mga nawalan ng trabaho na mga kababayan.

Nito naman pong June lang na kaka-release lamang po ng labor force survey ng ating PSA, nasa level po tayo ng mga 3.7 million unemployed persons. Pero kapag nagla-lockdown po ang ating ekonomiya ay nasa level naman po ng 4 million o pataas iyong magiging unemployed persons po natin. So ito po iyong impact na tinatawag po natin kapag mayroon pong ECQ.

Sa pamahalaan po, dito po sa ating National Employment Recovery Strategy Task Force or NERS, tayo po ay nakipag-ugnayan sa ating Employers’ Confederation of the Philippines kung nabalitaan po natin, iyong one million jobs project po natin. Ang DOLE po ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa ating private sector para isulong po itong one million jobs project po natin. And in fact, kahapon lang po, Usec. Rocky ay in-assess po natin iyong isang employment facilitation na ginagawa po natin sa isang kumpanya.

And we found out po na talagang iyong transport at saka po iyong ating job seekers na wala pong pera, ito po iyong nagiging balakid para po sila ay makapasok sa trabaho. Pangalawa, po siguro iyong vaccination program po natin kasi ito naman ang hiling ng mga private sector na patuloy po, at maging consistent po iyong ating vaccination program.

So, sana mayroon pong steady supply of vaccines para tuluy-tuloy rin po ang pagbabakuna para sa ating manggagawa para tuluy-tuloy din po sana itong ating economic recovery at huwag na lamang po sana ulit na mag-lockdown.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil po sa ipapatupad na mas mahigpit na restriction sa susunod na dalawang linggo dito sa NCR, ano naman daw po iyong maaaring asahan ng ating mga kababayan na manggagawa mula sa DOLE? May pondo po ba daw ang DOLE para sa pamimigay ng ayuda sa mga maaapektuhang manggagawa o ito po ba ay magiging inter-agency effort na?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Ganito po, Usec. Rocky, iyong nabanggit po ni Mayor Gathalian kanina, iyan po iyong social amelioration program kung saan magkakaroon po ng P1,000 per individuals to P4,000 na ayuda po. So, iyan po ay inter-agency effort po iyan, ito po ay sa pamumuno ng ating DSWD kung saan iyong small working group po on social amelioration program ay pinamumunuan po nila. At ang atin pong naging guidance para po sa pamimigay ng ayuda ay ipapadaan po ito sa ating mga local government units.

Dito naman po sa DOLE, ang mayroon po tayo ay iyong TUPAD program or emergency employment program na nabanggit na rin po namin nitong nakaraan na mayroon pa po tayong about P4 billion na budget. Pero, ito po ay para sa emergency employment program.

Recently po, ang ating Kalihim ‘Bebot’ Bello, po ay sumulat sa ating Department of Budget and Management para sa supplemental fund po under the COVID-19 adjustment measure program (CAMP). Ito po iyong ginagamit natin na P5,000 one time financial assistance for workers in the formal sector na mawawalan po ng trabaho or maaapektuhan po kapag may ECQ.

Subalit itong two billion po ay nire-request pa lang po natin at kung mapagbibigyan po tayo, tuluy-tuloy po iyong financial assistance po natin sa mga manggagawa under the formal sector. Nais ko rin lamang pong ipabatid sa ating publiko na patuloy po iyong programa ng Department of Labor and Employment pagdating po sa Youth Employability Programs, kagaya po ng Special Program for Employment of Students at saka Government Internship Program.

Ito po iyong mga programa na nagbibigay naman ng steady income po sa ating mga kabataan at sa kanilang pamilya habang sila po ay mayroon karanasan or skills training po sa loob ng minimum of twenty days hanggang sa maximum po ng six months. So, malaking bagay po ito dahil minimum wage naman po ang ibinibigay ng ating pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po sa kaalaman ng publiko, ASec., may ilalabas bang guidelines para sa ayudang ipamimigay ng pamahalaan para sa mga manggagawang maaapektuhan ng ECQ sa NCR at kailan po kaya ito masisimulang maipamigay?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Noon pong August 3 ay nag-meeting po ang Small Working Group on Social Amelioration Program at tayo po ay nag-recommend sa IATF na magkaroon po ng adjustment doon po sa pondo na ipamimigay para sa ayuda at ito po ay isinumite natin sa IATF at naaprubahan po ito din noong August 3, at ito po ay isinubmit na sa Department of Budget and Management na naging basis ng DBM para i-request po iyong re-adjustment budget para po sa ating ayuda na para po sa mga maaapektuhang mga kababayan po natin sa NCR.

It will be for the more than 11 million population in the National Capital Region at iyon pong pondo na inilaan po diyan ay kung sino po iyong mga naka-receive noong March ay sila rin po iyong makaka-receive dito po sa ating panibagong ayuda and siyempre po awaiting. Anytime today po ay lalabas po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., bigyan daan ko lang iyong tanong ng kasamahan natin sa media. Ito po ay mula kay Louisa Erespe ng PTV: May mga manggagawa po ngayon na nangangamba dahil may ilang kumpanya na nagpapatupad ng “No Vaccine, No Work Policy”.

Ano ba ang guidelines ng DOLE hinggil dito lalo na at may ilang kumpanya na sa panahon ng ECQ, papasukin lang aniya iyong ilang essential establishment ay iyong mga bakunado nilang mga empleyado? Mayroon po ba kayong report na natanggap na ganiyan, ASec?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Mayroon po tayong mga nari-receive na mga report na ganiyan but ang existing policy po natin diyan ay encourage lamang po iyong ating mga mangagawa na magpabakuna na kasi added protection po ito. Pero, hindi po ito magiging dahilan para sila po ay tanggalin sa atin pong mga kumpanya na pinapasukan or pinagtatrabahuhan nila.

Ngayon pong ECQ, maaaring dahil mayroon pong restriction, ibig sabihin po ay magbabawas. Kagaya nga po ng sinabi ko kanina may mga reported po na job rotation o kaya pagbabawas po ng araw ng trabaho or temporary closure.

So, maaaring ang naging desisyon po ng kumpanya ay kung sino iyong bakunado sila muna iyong papasukin kasi mayroon silang added protection. Pero hindi po iyan magiging dahilan para tanggalin po nila ng tuluyan iyong mga manggagawa na hindi pa po nakapagpa-vaccine pa.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin, Assistant Secretary Dominique Tutay, ng Department of Labor and Employment.

DOLE ASEC. TUTAY: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Dahil sa nahintong benepisyo, naglakad mula Bukidnon hanggang Malacañang ang retiradong pulis na si Hector Fernandez para magprotesta. Agad namang inaksiyunan ni Pangulong Duterte at ni Sen. Bong Go, ang kaniyang hinaing. Ang detalye sa report na ito.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling pangyayari sa iba’t-ibang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Czarina Lusuegro, mula po sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Czarina Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas. Samantala, DepEd Baguio posibleng magpatupad ng online at blended learning system para sa mas mabilis na pamamaraan ng pagtuturo sa susunod na pasukan. Ang detalye mula kay Eddie Carta ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Pinakahuling balita naman po sa Davao Region, ihahatid naman sa atin iyan ni Hannah Salcedo. Hannah?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Hannah Salcedo ng PTV-Davao.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Gusto lang din po namin na humingi ng paumanhin sa inilabas naming quarantine classification nitong nakaraang mga araw. Isang paglilinaw po na ang mga Davao at Butuan ay nasa ilalim po ng GCQ with heightened restrictions lamang. Tanging Iloilo City, Iloilo province, Cagayan De Oro, Ginoog City, ang ECQ hanggang August 7, at ang ECQ sa Metro Manila po ay magsisimula naman bukas.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio, ng PCOO. Magkita-kita tayong muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

#


News and Information Bureau-Data Processing Center