SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao, ganoon na rin sa ating mga kababayan sa labas ng ating bansa. Ngayon ay ikalabimpito ng Agosto 2021, sama-sama muli nating alamin ang nagiging epekto ng pandemya sa iba’t ibang bahagi ng bansa; ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga, Rocky!
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Bukod po diyan, ihahatid din ng PTV News at ng PBS Radyo Pilipinas ang pinakahuling pangyayari sa COVID-19 response ng pamahalaan lalo ngayong tumataas ang kaso ng mga nagpupositibo sa virus; ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.
SEC. ANDANAR: Okay, Usec. Rocky. Simulan na natin ang napapanahong talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa harap po naman ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, muling ipinaalala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ating mga kababayan na mahalagang sumunod sa health protocols at magpabakuna. Pagtitiyak naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. patuloy ang pagdating ng COVID-19 vaccines kung saan ngayong linggo ay nasa anim na milyong doses ang idi-deliver sa Pilipinas. Ang ulat na iyan mula kay Mela Lesmoras:
[NEWS REPORT]
SEC. ANDANAR: Patuloy na dumarami ang mga nagpupositibo po naman sa COVID-19 kung saan-saang sulok ng bansa natin. Sa pinakahuling monitoring ng DOH, nasa 54 na mga lugar na po ang nakataas sa Alert Level 4 ang sitwasyon, kasama na po riyan ang Lalawigan ng Quezon. Ibig sabihin ay nasa moderate to critical risk ang Lalawigan. Para makibalita sa lagay ng mga kababayan natin doon sa Quezon, makakausap natin ang ating gobernador ng Quezon, si Governor Danilo Suarez. Magandang umaga po sa inyo, Governor.
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Magandang umaga, Secretary. At magandang umaga sa ating mga tagapanood at tagapakinig.
SEC. ANDANAR: It’s good to see you once again, Governor. Governor, kumusta po ang inyong Lalawigan ngayong pandemya; sa kasalukuyan po ba ay ilan ang kabuuang bilang ng active cases ng COVID-19 diyan sa inyong lugar?
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Ang aming naging confirmed cases ay [garbled]. Ang naka-recover namin [garbled]. Ang aming active cases as of now ay [garbled]. Ang mortality namin is [garbled] na, Secretary. Since kami pa rin ang pinakamababa sa Calabarzon, but we’re not taking this lightly. At gaya ng sinabi mo, patuloy pa rin ang pagdami ng aming mga infected cases hanggang ngayon.
SEC. ANDANAR: Governor, bukod po sa Lucena City, anong bayan pa po sa inyong lugar ang may pinakamataas na bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19?
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Ang sampu naming pinakamalalaking infected areas, Sec., ay: Candelaria – 313; Lucena –246; Sariaya – [garbled]; Tayabas – 115; Tiaong – 83; Pagbilao – 45; Lucban – 40; Atimonan – 39; San Antonio – 30; Dolores – 28. Iyan ang aming kabuuan na sampung pinakamalalaki. Iyong ibang mga bayan, Secretary, hindi masyadong malalaki; walang two-digit, mga walo, pito, ganoon.
SEC. ANDANAR: All right, Governor, patuloy po ang pagdagdag ng bilang ng COVID-19 death toll sa Quezon, at nito lamang pong nakaraang Sabado ay umabot po sa 840. Ito po bang mga nasawi ay nasa severe condition, sila po ba iyong original variant ng COVID-19; Delta, ano po ba iyong report dito?
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Dito sa Delta variant, Secretary—I will answer your first question, I just would like to come up with this … kasi related din ito sa aking sasabihin sa iyo mamaya. Sa Delta variant ay mayroon kaming apat sa Dolores; iyong tatlo gumaling na. Sa Sariaya, hindi ito lehitimong taga-Sariaya na residents doon, ito ay mga returning residents.
Kasi nang nag-lockdown doon sa NCR, maraming nagsiuwi dito. Nagkaroon kami, medyo lumaki ang infection namin gawa ng lockdown sa NCR at mula sa Tiaong hindi rin permanent resident ay mayroon kaming isa at isa sa Real, Quezon. So, ang aming total variant ay walo lamang sa buong lalawigan.
Ngayon, dito sa sinasabi mo na mga munisipyo na napakarami ay hindi Lucena ang pinakamalaki namin, kung hindi Candelaria na may 313, Secretary. At iyong aming mga namatay na 864, halos 20% lang nito ang puwede mong sabihin na talagang COVID; iyong 80%, may mga iba silang karamdaman at COVID lamang ang parang comorbidity nila. Noong nagka-COVID sila, natuluyan na. Pero before that mayroon silang bang ailments sa kanilang katawan.
SEC. ANDANAR: Okay. Governor, follow-up lang po ‘no. Karamihan po ba sa mga ito ay matatanda o mayroon po bang mga bata?
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Karamihan dito ay matatanda, Secretary. Mayroon din kaming bata ngunit masyadong maliit, siguro mga dalawa/tatlo lamang ang aming mga bata. Iyong age bracket namin na karamihan ay nasa working class iyon ang pinakamarami naming infection, Secretary.
SEC. ANDANAR: Nabanggit ninyo po, Governor, iyong pito na nagka-Delta variant. Kumusta po ang kanilang lagay ngayon? Nagkaroon po ba ng contact tracing sa mga ito, iyong mga close contact ng mga ito?
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Yeah. Medyo mahigpit ang contact tracing namin, Secretary. At this juncture I would to like express my appreciation and thank the men in uniform.
Itong mga checkpoint namin, itong local government unit namin na may policy ako na ginawa and pinadala ko iyong aking message sa mga barangay captains na kapag may umuuwi doon na bagong mukha o residente nila na wala naman doon at umuwi lang gawa ng lockdown, either sila ay may dalang health certificate na sila ay COVID-free. Ngayon kung wala sila noon, they will be quarantined from seven to fourteen days at guarded sila ng barangay tanod. Iyon ang aming existing policy ngayon para medyo maiwasan namin itong pagkalat ng virus, Secretary.
SEC. ANDANAR: Governor Suarez, linawin lang po natin ano, ilan po ulit ang active cases ngayon sa inyong lalawigan?
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Ang active cases namin ngayon ay 1,262, Mr. Secretary. As of August 17, ngayong umaga, mayroon kaming 12 bagong kaso ngayong araw na ito; pito naman ang naka-recover at ngayong araw na ito may dalawa kaming sumakabilang-buhay na kalalawigan, Mr. Secretary.
SEC. ANDANAR: Mairi-recommend ninyo po ba, Gov., na higpitan pa ang quarantine classification ng Quezon Province?
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Gumawa na ako ng position sa Inter-Agency Task Force, Mr. Secretary. Noong una kasi ayaw nilang ilagay kami [sa mahigpit na classification], niluwagan nila. Pero ako nakiusap na isama na kami sa medyo mas maigting at mahigpit na pagpapatupad nitong kaso sapagkat sabi ko nga sa aking mga kalalawigan ay – nagsalita ako sa radyo at saka sa mga local newspaper namin na – kailangan magsakripisyo tayo nang kaunti sapagkat it’s a question of life itong pinag-uusapan natin at kung medyo mayroong mga maaantala tayong mga lakad na hindi naman kailangan, siguro huwag na muna tayong umalis ng bahay.
Ang akin lamang ipinapakiusap na itong aming mga factories sapagkat kami ay coconut-related, Mr. Secretary, ay huwag munang mahinto sapagkat ito ay export-oriented at tayo naman sa ganitong kind of pandemic we need precious dollars. Ako naman ay nagagalak [dahil] iyong aming mga factory na nag-e-export ng mga coconut products, napakaliit ng aming kaso ng COVID. So, iyon ang kalagayan ng aming mga negosyo at kalakalan at itong mga negosyo, Mr. Secretary.
SEC. ANDANAR: Okay, sorry. Panghuli na lamang mula sa akin, Governor, I will pass on the microphone to Usec. Rocky. Dito tayo sa usapin ng pagbabakuna na nasa 296,000 residents na po ng inyong lalawigan ang mga nabakunahan na kung saan 20% ng inyong kabuuang populasyon ay nabakunahan na po. So far, kumusta po ang pagbabakuna sa inyong lugar? Kailan po kaya natin makakamit ang herd immunity or 70% na mababakunahan sa inyong lalawigan?
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Secretary, maraming salamat sa program mo. Baka through your program ay mapadating mo rin kay Secretary Galvez at Secretary Duque na iyong request ko na bigyan pa kami ng additional vaccine sapagkat organized naman iyong aming vaccination operation.
Right now, tuluy-tuloy ang aming convention center at iyong aming mga local government units na napadalhan na ng mga vaccine, lahat iyan ay fully implemented na. Sa totoo lang ang kulang namin is the delivery of new vaccines kaya nga muli, I will just reiterate my appeal to the DOH, kay Francis, at saka sa Inter-Agency Task Force, pagdating ng mga additional vaccine natin para ma-attain po iyong herd immunity baka puwedeng madagdagan iyong nakalaan.
Kasi, Mr. Secretary, medyo – in-air ko rin ito sapagkat napakababa ng aming infection as compared to the other areas sa CALABARZON – kapag ako ay humihingi ang laging sinasabi sa akin kakaunti naman ang iyong infected at saka ang baba ng—aray ko! Pero preventive measure ito para ma-maintain ko ito dahil kapag hindi ho kami aalagaan nang husto baka tumaas ito. That is my concern right now.
May tendency na medyo unusual itong pagtaas ko sapagkat ngayon lang ako nag-breach ng 1,000, Secretary. Dati ang average infection ko sa probinsiya ay mga 600/700/800, naglalaro lang ako doon. Itong nakaraang three weeks lang na-break ko iyong 1,000 kaya medyo hindi ako mapalagay at medyo nagwu-worry ako.
Kaya nga itong last week nagpatawag ako ng pulong sa lahat ng local government unit at lahat ng ahensiya ng aming lalawigan at sinabi ko nga na maghihigpit tayo sapagkat unusual itong biglang pagtaas ng infection sa ating lalawigan.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak, Quezon Province Governor Danilo Suarez. Mabuhay po kayo, sir, and hope to see you very soon! Thank you po.
QUEZON PROVINCE GOV. SUAREZ: Maraming salamat, Secretary! Thank you very much.
SEC. ANDANAR: Samantala, hanggang dito na muna ulit tayo para bigyang-daan ang ilan pang mahalagang tungkulin sa ating opisina. Tayo naman ay magtungo na kay Usec. Rocky Ignacio. Take it away, Rocky.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Secretary Martin.
Samantala sa ibang balita: Senator Bong Go nanawagan sa mga LGU na makipag-ugnayang mabuti sa DICT at iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa mas maayos na datos o listahan ng mga nabakunahan na. Mga fully vaccinated individual dapat mabigyan aniya nang kaukulang sertipikasyon. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Umabot na sa higit sampung milyong doses ng COVID-19 vaccines ang na-administer sa Metro Manila. Sa Lungsod ng Maynila bagama’t nagpositibo sa COVID-19 ang kanilang Alkalde at Bise Alkalde, puspusan pa rin ang kanilang COVID-19 response kabilang na dito ang bakunahan. Ang sitwasyon doon, alamin natin mula kay Patrick De Jesus. Patrick…
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong ulat, Patrick De Jesus. Mag-ingat, Patrick.
Samantala, pinasinayaan na ang ika-isandaan at tatlumpu’t anim (136) na Malasakit Center sa Labuan General Hospital na matatagpuan sa Zamboanga City. Personal itong dinaluhan ng main proponent nito na si Senator Bong Go. Inaasahang hindi lang taga-Zamboanga City ang makikinabang dito kundi maging ang mga taga-kalapit ding bayan. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Sumailalim sa mas mahigpit na quarantine classification ang National Capital Region nang pumasok ang buwan ng Agosto dahil sa patuloy na banta ng COVID-19. Nagkaroon nga kaya ito nang magandang epekto sa rehiyon? Sama-sama nating alamin ‘yan mula kay Dr. Guido David mula po sa OCTA Research. Magandang umaga po!
DR. DAVID: Hi! Good morning, Usec.
USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit ninyo nga po na umakyat na sa 1.46 ang coronavirus reproduction number sa bansa nitong nagdaang linggo. Maari ninyo po bang ipaliwanag sa publiko kung gaano kaseryoso ang numerong ito?
DR. DAVID: Yes, Usec., and actually as of yesterday, nasa 1.55 na iyong reproduction number sa buong bansa. Ibig sabihin nito bumibilis iyong hawaan sa buong bansa. Siyempre iba-iba naman ang trends na nakikita natin. Pero sa ngayon iyong bilang ng kaso sa NCR, CALABARZON and Central Luzon ay 63% na ng kabuuang bilang sa buong bansa.
USEC. IGNACIO: Doc, bukod po sa kabuuan ng bansa, nakapagtala nga po ang Metro Manila ng 1.85 COVID-19 reproduction number sa kabila po ng pagsasailalim natin sa ECQ? Ano po kaya iyong dahilan nito gayong may paghihigpit na po tayong ipinatutupad?
DR. DAVID: Yes, Usec., magandang katanungan iyan. Siyempre inaasahan natin na iyong ECQ mapapabagal iyong hawaan sa NCR. And base sa history naman natin last August last year and then noong March 2021, mga apat na linggo usually, 4 to 5 weeks bago natin makitang magsimulang bumaba iyong bilang ng kaso, so hindi agad-agad natin nakikita iyong epekto ng Enhanced Community Quarantine. That being said, puwede pa rin naman nating i-recalibrate at siguraduhin nating sumusunod iyong mga tao sa quarantine restrictions. Kasi napakahalaga nito na iyong mga kababayan natin, iyong residents ng Metro Manila ay sumusunod sa quarantine restrictions para matulungan nating mapababa iyong bilang ng kaso sa Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Dr. David, posible bang umakyat nga iyong reproduction rate nito sa pagtatapos ng Agosto? So ano po iyong nakikita ninyong R-naught ng bansa at ng NCR? May projection din po ba kayo ng mortality rate?
DR. DAVID: Well, iyong mortality rate sa ngayon, Usec, medyo constant pa rin naman siya. Although tumataas iyong bilang ng mga namamatay dahil tumataas iyong bilang ng kaso natin, pero hindi pa naman siya tumataas masyado. Sa NCR nasa mga 1.5% pa rin iyong mortality rate na nakikita natin. Iyong reproduction number posibleng tumaas pa siya, kasi tumataas siya sa mga ibang mga lungsod at ibang probinsiya around NCR. Hindi naman sa Quezon masyadong tumataas, pero ang nakita natin tumataas sa Laguna, Cavite, Batangas at saka sa Rizal ngayon, tumataas na rin. Sa Central Luzon din medyo mabilis iyong pagtaas. Sa NCR naman inaasahan natin na baka makontrol na natin at magsisimula ng bumaba iyong reproduction number na nakikita natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Guido, sinabi mo na from the past, talagang apat na linggo ang ating nakikitang pagiging epektibo para mapababa itong mga kaso? Tayo po, ang NCR, ang ECQ matatapos dapat po itong August 20? So, sa tingin ninyo hindi pa po ito sapat dahil nakikita po ninyo iyong patuloy pa rin po na pagtaas ng kaso?
DR. DAVID: Totoong tumataas iyong bilang ng kaso. Sa NCR yesterday 4,000 cases na iyong na-report ng Department of Health, actually po 4,o71. So ang mahalaga naman ay bumabagal na iyong pagtaas ng bilang ng kaso at magsisimula na siyang bumaba. Regarding kung sapat na iyong ECQ natin, ito kailangan siyempreng pag-aralan na mabuti ng ating Inter-Agency Task Force, siyempre iyong decision kung i-extend iyon nasa kanila naman. May mga other factors silang tinitingnan.
Pero sa ngayon ang nakikita natin, tumataas na iyong ICUs natin, nasa 72% na iyong ICU utilization sa Metro Manila at hindi ito agad-agad bababa, dahil kasi tumataas pa iyong bilang ng kaso. Ibig sabihin mananatili siyang above 70% at maaaring umakyat pa siya. Iyong hospital bed occupancy natin sa Metro Manila, tumataas ngayon, I think nasa 64% na, maaari na siyang umabot ng 70% based doon sa projection namin by next week. Ibig sabihin niyan, iyon nga, baka magiging factor ito kung ano ang magiging desisyon ng IATF whether to extend iyong quarantine or kung ibababa na sa something like MECQ.
USEC. IGNACIO: Opo. Dr. David, kasi iyong ECQ noong nakaraang taon, iba sa ECQ ngayon na ipinatutupad ano. Alam naman po natin na talagang noon sobrang higpit. So base po sa mga pigurang iyan, ang tanong po ni Lei Alviz ng GMA News: Kung kailangan bang dagdagan ang restrictions, dahil patuloy pa ring tumataas ang mga kaso at ano daw po ang rekomendasyon ng OCTA?
DR. DAVID: Thank you, Usec. Tama si Lei Alviz na hindi kasing higpit iyong ECQ ngayon kumpara noong March and even iyong last year, in terms of mobility. In fact, naglabas ng report iyong Department of Health na iyong mobility, actually na nakikita niya na mas mataas kaysa sa nakaraan na ECQ noong March at saka noong last year. So, puwede pa talagang mahigpitan ng kaunti iyong restrictions, hindi ko na-experience iyan, kasi hindi ako masyadong lumalabas, pero minsan nag-drive ako sa labas, lumabas ako, nakita ko medyo mabigat iyong trapik at nagulat nga ako na hindi iyon ang ini-expect ko considering na nasa ECQ tayo.
Puwede pa sigurong ano, kung mag-decide iyong IATF na i-extend, puwede pa nilang higpitan siguro iyong at least kahit iyong implementation ng quarantine. May mga nababalitaan pa rin tayong nagkakaroon ng social gathering. Sana naman magtulung-tulungan tayo, mga kababayan natin, huwag na muna tayong mag-social gathering at this time, may panahon naman para diyan. Kapag nalusutan na natin itong Delta variant sa Metro Manila, puwede na tayong magluwag at magkaroon na tayo ng tuluy-tuloy na hanggang Pasko, iyan ang mahalaga. Pero sa ngayon, kaunting tiis lang muna.
USEC. IGNACIO: Opo. Ang sunod pong tanong ni Lei Alviz: Ano daw po iyong pagkakaiba iyong surge na naranasan noong March to April sa pagtaas ng mga kaso ngayon?
DR. DAVID: Magandang tanong din iyan, Usec. Actually medyo similar sila. Mas mabilis nangyari iyong surge noong March. Iyong sa ngayon, nag-umpisa siya, medyo mabagal siya and that is why iyong iba parang hindi nila masyadong nakita iyong pagtaas ng bilang ng kaso, pero bigla siyang nag-accelerate, biglang bumilis iyong pagdami ng bilang kaso. Ang ibig sabihin noon, kasi nagkakaroon ng replacement at napapalitan noong virus noong mas bagong variant, unti-unting dumadami iyong variant na nagsi-circulate.
Ang isa pang nakita nating kaibahan, although marami tayong vaccinated ngayon at malaking maitutulong sa pandemic management natin. Pero at the same time, iyong mga unvaccinated tumataas iyong ICU rates nila. Ibig sabihin, mas maraming naa-ICU sa mga unvaccinated kaysa noong nakaraan. Isa pa nating nakitang kaibahan, tumaas iyong pediatric o iyong mga cases ng mga bata. Noong July 1, 7% sa Metro Manila ay mga 17 and below, pero as of latest data, umabot na siya mga 11 to 12% ng cases ay mga bata. So ibig sabihin ay mas maraming bata ang nahahawaan.
USEC. IGNACIO: Opo. Paano po babaguhin naman ng Lambda variant ang lahat ng analysis and response na ginagawa natin sa ngayon?
DR. DAVID: Well, Usec. iyong Lambda variant, kung lalabanan natin, pareho rin naman iyong istratehiya natin. Pagsunod sa health protocols, face mask, magsuot tayo ng face shield kapag kailangan. Iyong social distancing at iyong reduce natin iyong non-essential travel natin. Pero sa ngayon, iyong lambda variant, hindi pa naman natin maku-consider na threat talaga siya, kasi it’s still considered a variant of interest by the World Health Organization.
And ganoon rin ang nangyari noong pumasok dati iyong Brazil variant or iyong Gamma variant, maraming natatakot noon, dahil sabi baka mas malala pa siya sa South African or iyong Beta variant. Pero noong nakapasok naman siya, hindi naman siya nag-cause ng disruption sa atin, in fact hindi siya naging threat. So, kumbaga, dahil wala pa iyong impormasyon natin about the Lambda variant, hindi pa natin siya masasabing variant of concern. Pero siyempre kailangan talagang aware pa rin tayo, tutukan pa rin natin itong mga variant na ito at pinag-aaralan pa natin sila.
USEC. IGNACIO: Dr. Guido, kasi sinasabi po, kailangan talagang mabalanse itong pagtugon sa kalusugan ng marami, ganoon din po iyong sa kabuhayan, iyong ekonomiya ng bansa?
DTI SEC. LOPEZ: So, iyon po iyong maaaring changes in protocol na paghandaan natin kaya nga iyong mga hindi pa nabakunahan magpabakuna na po.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, dahil sa tumataas pa rin pong kasong reported, kinakailangan po ang extension ng ECQ para daw po ma-mitigate ito nga pong nararanasan natin pagtaas pa ng kaso ng COVID kahit sa kabila po ng pagpapairal ng ECQ. Kayo po bilang trade Secretary, so paano ninyo po isinusulong ang interest ng mga negosyante kapag nagpupulong ngayon ang IATF?
DTI SEC. LOPEZ: Again looking at all the data ho, iku-consider ho lahat iyan ng ating IATF. Dito naman sa IATF po medyo everybody is taking a balanced view. Yes, we are trying to protect lives pero alam na rin po ng lahat nang nandiyan, tulad ho ng ibang maraming kababayan natin na it’s really a balancing act at mayroon paraan para mapabukas pa rin iyong parte ng ekonomiya.
So, I think as long as we keep that mindset we will be able to save also the livelihood. So, again, babalansehin talaga iyan depende sa datos at report na makukuha natin by Thursday. In the meantime, tayo naman as a government tuloy iyong ating mga suporta dito sa mga naapektuhan.
Of course, marami na ho talaga ang naapektuhan, naubos na iyong kanilang mga puhunan, iyong cash loan/working capital nila dahil nga nagsunud-sunod itong lockdown. Iyong mga dating tauhan nila na napapasuweldo nila kahit kaunti kapag lockdown, ngayon marami ang nagti-text sa akin ang sinasabi they have to let go muna iyong kanilang mga empleyado, hindi na nila kayang suwelduhan.
So, kawawa talaga iyong ating mga manggagawa, iyong mga empleyado. Kaya ho sana talagang maibalik ang economic activities lalo na kung sila ay following minimum health protocol, keeping safe at least may chance silang maghahanapbuhay. So, iyon lang naman ang ating pagbalanse diyan na dapat talagang bigyan sila ng pagkakataon na kumita din dahil kung hindi aabutan ng ayuda, talagang kailangan maghanapbuhay sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong lang po si Sam Medenilla ng Business Mirror: May projection po kaya ang DTI kung ilang establishment sa NCR ang at risk sa closure in case ma-extend po ang ECQ beyond August 20, 2021?
DTI SEC. LOPEZ: Ang numero po nandoon pa rin tayo sa dating survey natin kasi iyon iyong dating ECQ eh. Now, umakyat, pumalo ng 16% of establishment, so kung ilagay mo na sa 1,000,000. Ang 10% ng 1 milyon ay 100,000. So, ang 16% ay mga 160,000. Tama ba iyon? Nakalimutan ko na. So, basta marami, libo-libo pa rin iyang maapektuhan ng ating mga lockdown. Kaya napaka-importante talagang suportahan din natin sila.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, panghuli na lang po. Tungkol daw po sa purifier. Ang DTI ba ay may ginagawang pagsusuri sa mga ibinibentang ganitong uri ng produkto sa merkado, kasi ito po ay nagbibigay ng full sense of protection mula sa COVID?
DTI SEC. LOPEZ: Well, diyan makikinig na lang tayo sa health experts. Ang sabi ho sa amin ay hindi ho effective iyong purifier, iyong kinakabit po sa leeg. Ito po iyong personal purifier. So, siguro humanap na lang ng ibang gadget na effective, para iyon ang gawin nating requirement. Pero sa mga iba-ibang establisyimento iyong purifier na air-Purifier ay iyon po makakatulong po iyan, that will improve the ventilation. By the way 16% na sinasabi ko 160,000 ang equivalent. So, madami-dami pong establisyimento iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyon pong tanong ni Raffy Ayeng ng Daily Tribune: May makukuha po ba na loans ang MSMEs via SB Corporation? Magkano po ang available funds?
DTI SEC. LOPEZ: So, ang dating report ko po sa inyo naubos na iyong pondo na inilaan po diyan na P5 billion but fortunately nakahiram tayo, nakalikom tayo ng replenishment na 2.4 billion ulit. So, tuluy-tuloy po iyong pautang natin doon. As we speak right now, 5.2 billion na ang napahiram at 33,200 ang napahiram at this number continues to increase at iyon nga po nadagdagan po ng 2.4 bilyon pa at thank you doon kay Sec. Berna Puyat, dahil iyong allocation po na 1.5 ginagamit po dito para sa ibang MSMEs, iyon po sana iyong allocation ng MSMEs sa tourism.
Pero dahil mababa po ang take up ngayon doon, pinahiram muna dito pero ibabalik po kaagad iyan. Tapos may iba pa kaming pondo doon sa SB Corp. na ipinagamit na rin dito para lamang may pondo tayong mapahiram sa mga Micro and Small Medium na naapektuhan ngayong pandemic.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, DTI Secretary Ramon Lopez. Mabuhay po kayo Secretary.
DTI SEC. LOPEZ: Salamat po. Thank you Usec.
USEC. IGNACIO: Samantala, nasa 1,200 ang mga individual mula sa Bukidnon ang hinatiran ng tulong ng ilang ahensiya ng pamahalaan at ng outreach team ni Sen. Bong Go, sa dalawang araw na aid distribution sa lalawigan; 250 pamilya sa mga ito ang nawalan ng tirahan. Narito ang report.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Puntahan naman po natin ang balitang nakalap ng ating mga kasamahan sa PBS-Radyo Pilipinas. Narito po si Ria Arevalo.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, PBS-Radyo Pilipinas.
Dito na po nagtatapos ang ating talakayan at balitaan. Maraming salamat sa inyong walang sawang pagsubaybay.
Ako pong muli ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita tayo muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center