Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Mga makabuluhang impormasyon kaugnay sa patuloy na laban natin kontra COVID-19 at iba pang isyu ang pag-uusapan natin muli. Ihahatid po namin sa inyo ngayong araw ng Huwebes, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Rocky!

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Makikiisa rin sa isang oras nating talakayan ang mga panauhin mula sa mga tanggapan ng pamahalaan na diretsang sasagutin at bibigyan-linaw ang tanong ng taumbayan, ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

SEC. ANDANAR: Mga kababayan, simulan natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Imbestigasyon ng Senado kaugnay po naman sa paggamit ng COVID-19 funds, suportado ni Senador Bong Go. Aniya, dapat nagagamit sa tamang paraan at napupunta sa nararapat na benepisyaryo ang bawat pondong inilalaan ng gobyerno lalo na ngayong panahon ng pandemya. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Nadagdagan ang mga lugar sa Muntinlupa City na isinailalim sa community lockdown dahil sa mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases sa kanilang lugar. Batay sa huling tala ng lungsod, umaabot sa higit dalawang libo ang kanilang active cases. Ang ulat na iyan mula kay Louisa Erispe. Louisa?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Louisa Erispe.

SEC. ANDANAR: At upang mapigilan ang patuloy na hawaan ng COVID-19 lalo na sa magkakapamilya, hindi na inirirekomenda sa ngayon ang home quarantine sa mga nagpupositibo sa sakit. Kaniya-kaniyang paraan ang mga LGUs para tugunan ang pangangailangan sa mga temporary treatment ang monitoring facilities, kaugnay diyan ay makakausap natin si DILG Undersecretary Epimaco Densing III. Magandang umaga sa’yo, Usec. Densing!

DILG USEC. DENSING: Magandang umaga, Secretary Martin. At saka sa lahat po ng nakikinig at nanunood sa atin ngayong umaga, magandang umaga rin po.

SEC. ANDANAR: Usec., nitong nakaraang mga araw ay record breaking ang naitatalang kaso sa loob lang ng isang araw. Ibig sabihin, marami ring kinakailangang i-isolate para hindi makahawa. Ano naman po ang naging epekto nito sa ating mga quarantine facilities? Nakapaghanda po ba ang mga LGUs para dito?

DILG USEC. DENSING: Tama po. Bago po nagsimula itong nararanasan nating pagtaas ng mga dami ng mga kaso po, kinausap na ho natin ang mga gobernador at ang mga mayor sa iba’t ibang rehiyon at pinanukala po natin sa kanila na mag-identify na po ng dagdag o back-up na isolation and quarantine facilities, maging motel ba ito, maging building na hindi na ginagamit o kaya mga hotel na karagdagan po dahil kailangan po mailabas na ho natin itong mga may kaso o may impeksiyon para hindi makapanghawa-hawa, ang tawag po nito ay pagpigil sa kadena ng panghahawa-hawa nitong COVID-19.

Kasi para maintindihan ng ating kababayan, kung mailalabas po natin itong mga taong impektado ng COVID-19 or kung siya po ay close contact at posibleng impektado ng COVID-19, kung maa-isolate po natin siya ng labing-apat na araw, mamamatay lang po ang virus sa kaniyang katawan at hindi na po siya makakapanghawa.

Sa ngayon po, medyo hindi maganda iyong ating istatistika dahil inaabot po ng labindalawang araw bago po ma-isolate ang isang nakumpirmado nang COVID-19 positive. Ayon sa talaan ng Department of Health, sa aming pag-uusap, umaabot po ng labindalawang araw bago po ma-isolate ang isang impektado. Gusto ho nating paiiklin ito ng anim na araw kaya po tayo nagsisipag sa gamit o kasama ang ating mga lokal na gobyerno para kapag na-identify na po itong impektado ng COVID-19, maa-isolate na kaagad at mailabas kaagad sa bahay para hindi na po makapanghawa ng kaniyang mga kasama sa kabahayan.

SEC. ANDANAR: Sa ngayon, saang mga lugar nakatutok ang DILG para tumulong sa pagtatayo o pagbubukas ng karagdagang quarantine facilities? May mga LGUs na bang lumapit sa inyo para humingi ng assistance?

DILG USEC. DENSING III: Hindi na ho namin hinintay na sila ang lumapit sa amin, Secretary Martin. Nabanggit ko nga kanina mula po noong dalawang linggo na ang nakakaraan, kinakausap na namin nang taimtiman ang ating mga gobernador at mayor. At tinitingnan po natin ang mga rehiyon o mga LGU na naka-alert 4 status po galing sa talaan ng Department of Health. Kinakausap na po natin sila para pagsabihan at hingan ng kanilang pagsangguni sa atin na mag-a-identify pa mga ng mga isolation facilities.

Kadalasan po na hinihingi ng ating mga lokal na gobyerno ay kung puwedeng payagan po silang gamitin ang iba pang mga school facilities or public school sa kanilang mga lugar bilang karagdagang quarantine facilities. Ngayon po, nagkaka-shortage po sa mga alert level status ng mga LGUs dito po sa National Capital Region; sa Region III, sa CALABARZON; at sa Region VII. Ito po iyong ating tinututukan ngayon dahil talagang kulang na po sila ng mga isolation and quarantine facilities para sa nadi-detect nilang mga COVID positive.

SEC. ANDANAR: Bukod sa pag-i-expand ng mga facilities, paano naman tinutugunan ng mga LGUs iyong mga pangangailangan ng mga kababayan nating naka-isolate? May sapat bang pondo ang mga LGUs para sa mga susunod na buwan?

DILG USEC. DENSING III: So far, Secretary Martin, mayroon pa naman at binabantayan po natin sila kung sakaling may pangangailangan pa sila na logistical requirements kasama na rin ho ang pagkain doon sa mga isolation and quarantine facilities nila.

Ang mangyayari po kasi dito ngayon, Secretary Martin, ay pinaghahanda na rin natin ang mga lokal na gobyerno sa tinatawag nating policy shift on lockdowns. Ang tinitingnan po natin, hindi na ho natin – through the IATF pinapaaprubahan na ho natin at naaprubahan na po ito – na hindi na hindi na ho tayo magkakaroon ng pang-malawakang na lockdown sa lebel ng mga rehiyon at probinsiya.

At hahayaan po natin ang mga lokal na gobyerno, ang ating mga gobernador at mga mayor, na magdeklara ng mga granular lockdowns at dito sa granular lockdowns makakasigurado po tayo na walang paggalaw ang mga tao or there will be less mobility in people moving around because of these granular lockdowns.

Ang usapan po nito na ang national government po ay tutulong po sa ating lokal na gobyerno para punan po ang kanilang pangangailangan lalo na sa pagkain, itong mga lugar-lugar na kanilang ilalagay sa mga lockdown.

SEC. ANDANAR: Usec., paano ninyo naman minu-monitor kung talagang maayos ang sistema at approved ng DOH ang mga Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMF)? May natatanggap ba kayong reklamo, halimbawa, hindi angkop iyong dami ng pasyente sa isang kuwarto? At kung mayroon man, ano pong paalala ninyo sa mga LGUs?

DILG USEC. DENSING III: As of now, Secretary, wala pa tayong natatanggap na isang reklamo na kulang o hindi maayos ang mga temporary treatment and monitoring facilities natin sa mga lokal na gobyerno. At lagi ho nating niri-remind iyong ating mga local chief executives na panatilihing malinis at maayos iyong kanilang mga TTMF sa kanilang mga lokal na gobyerno at sisiguraduhin na may tamang tao at mga facilities ito para matugunan ang mga pangangailangan sa mga taong ilalagay sa mga TTMFs.

So, tuloy ang ating pagmu-monitor. Ginagawa po natin ito sa pamamagitan ng ating mga Regional Task Force Against COVID-19. So, sila po ang nagmu-monitor at niri-report po sa atin kung mayroong hindi maayos na pagpapatakbo ng mga temporary treatment and monitoring facilities po natin sa mga lokal na gobyerno.

SEC. ANDANAR: Ano naman po ang masasabi ng DILG sa sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque na ang isinusulong ninyong StaySafe app ay halos wala raw pong impact sa contact tracing efforts ng pamahalaan?

DILG USEC. DENSING III: Siguro po hindi lang po na-update si Secretary Duque na patuloy pa rin po tayong nag-e-expand ng ating mga rehistrado sa StaySafe. As of today, mayroon na ho tayong 6.4 million na nagrehistro na ating mga kababayan sa StaySafe. Mayroon na ho nag-generate ito ng more or less 47 million na nag-scan po ng kanilang pag-ikot sa mga establisyimento. Mayroong kulang-kulang na 4.25 million na ating mga kababayan na napag-generate-an na nitong tinatawag nating quarantine codes.

Pero ang pinaka-importante dito, nitong Hulyo lamang talagang nagkaroon na ng epekto dahil mayroon na hong 115 na ating mga kababayan na ayon sa CDRS ng Department of Health ay kumpirmado pong COVID-19 positive na sumubok pumasok sa mga establisyimento. 115 of them last July at dahil po lumabas po, nag-work iyong ating StaySafe, hindi po sila pinapasok sa mga establishments na ito at ito po ay isang pamamaraan para mapigilan ang potensiyal na pagkalat nitong COVID-19 dahil may mga COVID-19 positive ang gustong pumasok at kung saka-sakali sana nakapagkalat pa sila or nakapanghawa pa.

Ang ginagawa na lang po namin, binibigyan na namin ng instruction ang aming IT group na mabigyan halimbawa ng information o alert iyong aming opisina para kung mayroong may mag-attempt na pumasok sa isang establishment na siya ay positive, mabibigyan kami ng alert at matawagan po namin ang lokal na gobyerno para masabihan na ang isang tao na ito ay umiikot at dapat po ay pigilan nilang gumalaw at i-isolate at i-quarantine kaagad.

SEC. ANDANAR: Usec., may ilang tanong po ang ating mga kasamahan sa media at iyan po ay babasahin ni Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Usec. Densing. Tanong po ni Sheena Torno ng SMNI News: Ano po ang nakikitang problema ng DILG bakit hindi daw po naku-complete ng ilang mga LGU iyong deadline na 15 days distribution ng ECQ ayuda?

DILG USEC. DENSING III:  Well, as of today, mahigit 80% na ng mga ayuda sa National Capital Region ang naipamahagi na sa ating mga kababayan. So, 9.1 million individuals out of the target of 11.2 million in fifteen days. Mayroon lang tayong mga lokal na gobyerno na malaki masyado at hindi nila naipapamigay kaagad iyong mga ayuda kagaya ng Quezon City, Manila, at binigyan po sila ng extension until August 31 para kumpletuhin po ang pamimigay ng ayuda sa ating mga kababayan. At kami po ay kumpiyansa na by August 31 ay makukumpleto na po ang pamimigay ng ayuda faster than the last time noong Abril/Mayo. As of today, I think, ang Caloocan City ay tapos na sa pamimigay ng kanilang ayuda – 100% po.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong susunod po niyang tanong: Ano daw po iyong best way na gawin sa mga violators sa health protocols kasi hindi pa rin daw po nagtatanda iyong iba, kumbaga paulit-ulit na ginagawa iyong paglabag sa mga alituntunin?

DILG USEC. DENSING III: Tama po iyan. Iyong ating kapulisan at mga enforcers po kung ang lokal na gobyerno  ay mayroong ordinansa na nagpapataw doon sa mga hindi sumusunod sa minimum public health standards, ang aming pananaw kailangan siguro silang patawan kung paulit-ulit ‘no.

Ang direktiba kasi kung puwede lang sana silang pagsabihan at itama iyong kanilang paggalaw kung saka-sakaling kapag sila ay lalabas ay mag-practice po sila ng minimum public health protocols. Para sa kaalaman ng ating mga kababayan, mayroon na hong pag-aaral na mas epektibo po na kung tayo ay nagpa-practice ng minimum public health protocols, kung tayo po ay ating pinapaganda iyong ating hospital capacity system at importante rin po iyong mga granular lockdowns.

Mas epektibo po itong pamamaraan kaysa isara natin o i-lockdown natin ang kabuuan ng isang probinsiya o ng isang siyudad. Kaya nga po binabanggit ko kanina, Usec. Rocky, na magkakaroon ng policy shift dahil nakita natin na mas epektibo ang ganitong pamamaraan. Gusto lang din natin sabihin na hahawakan pa rin ng pambansang gobyerno ang mandato nito kung saka-sakali na mag-lockdown pa rin ng malakihan kung ito ay kinakailangan. Pero ito ay magiging last resort na po natin ang pang-malalakihang lockdown.

Although nakakatulong ho ito sa mga pamamaraan na nagkakaroon ng surge, kung gusto natin nang pangmatagalan na epektibong pamamaraan na hindi kumalat itong COVID-19 nang mas marami, kailangan ho natin nang mas granular lockdowns, palakasin iyong ating healthcare system.

At pangatlo at pinakaimportante na responsibilidad ng bawat kababayan natin ay ang pagpa-practice ng minimum public health standards o pagsusuot ng face mask, face shield, paghuhugas ng kamay at naka-social distancing.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may pahabol lang si Celerina Monte ‘no kasi may tanong pa rin si Sheena Torno pero unahin ko na po ito. Mula po kay Celerina Monte ng NHK: Paki-clarify lang daw po iyong sinabi ninyo that IATF approved [garbled] DILG recommendation na wala nang malawakang lockdown. Granular lockdown na lamang po ito to be implemented by LGUs so that means the national government will no longer declare ECQ such as in NCR and other provinces or region?

DILG USEC. DENSING: Banggitin ko po, ito ay rekomendasyon po ng sub-technical working group on data analytics ‘no na pinamunuan po ng Department of Health at kasama ang ibang ahensiya ng gobyerno – kasama ang DILG, kasama ang NEDA, kasama ang DTI, kasama ang DSWD at DOLE at ang ating mga health experts – at doon ho namin nakita na ang pangmalawakang lockdown na hanggang probinsya o rehiyon ay epektibo naman po ‘no para po mapigilan ang mga surge na nangyayari.

Pero kung gusto natin talaga nang pangmalawakan, kailangan natin granular lockdown. Kung napapansin po natin, iba ang ECQ ngayon dahil sa ECQ ngayon kahit mayroon tayong lockdown eh marami pa ring mga APOR o mga Authorized Persons Outside of Residence na nakakalabas. So mayroon pa ring mobility, kung saka-sakali nakakapanghawa pa rin.

Pero sa granular lockdowns kasi, ‘pag ni-lockdown mo ang isang subdivision, ang isang kanto, ang mga iilang bahay – talagang hindi mo papayagang lumabas ang mga tao doon sa area’ng iyon; so mayroong non-mobility of individuals.

At ang kagandahan po nito base sa aming napag-usapan, kasama po at tutulong po ang pambansang gobyerno sa ating mga lokal na gobyerno para bigyan ng mga food packs doon sa period of lockdown ang ating mga kababayan na nasa loob ng lockdown area.

At pangalawa, iyong APOR po, ‘pag na-lockdown po ang isang APOR sa isang granular—sa isang localized lockdown ay hindi po talaga papayagang lumabas na kahit APOR pa. Hindi kagaya ngayon sa pangmalawakan eh iyong APOR na ating in-identify ay nakakalabas talaga at mayroong mobility na posibilidad na sila ay asymptomatic carrier at nakakapanghawa pa rin.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Sheena Torno: Sa kabuuan daw po, ilang contact tracers ang mayroon dito sa Kalakhang Maynila and kung enough ba iyong funds for [garbled] ng gobyerno?

DILG USEC. DENSING: Ngayon po sa Kalakhang Maynila if I’m not mistaken, kulang-kulang na 20,000 or 25,000 po Metro Manila-wide ‘no. Kulang pa ho ito, nationwide mayroon ho tayong 107,000 na contact tracers – kulang pa rin ho ito. Kaya nga isa sa mga paiigtingin ho natin base dito sa crisis action plan na inaprubahan ng IATF ay hindi lang po paramihin ang mga contact tracers ‘no kundi i-assess iyong kanilang competency.

Dahil napansin po natin na maraming mga lugar kasama ng NCR na maraming contact tracers or may contract tracers pero hindi nila nami-meet iyong standards ng case-to-close contact ratio. Ang case-to-close contact ratio is dapat kung mayroon kang isang positibong kaso, dapat mayroon ka at least labinlimang na-identify na close contacts. Ang ating average doon po sa pambansa is around 1:7. So tinitingnan ho natin o gusto nating i-assess ang kapabilidad ng ating mga local contact tracers lalo na po iyong hinire ng lokal na gobyerno.

Kami po’y may kumpiyansa sa mga contact tracers na hired po ng DILG. Mayroon ho tayong labinlimang libong contact tracers hired nationwide, sigurado ho kami diyan ay may kumpiyansa kami. Pero iyong mga local contact tracers mukhang napapansin namin sila po ang may kakulangan sa pagsasagawa ng isang maayos na contact tracing activity.

SEC. ANDANAR: Salamat sa inyong panahon, DILG Undersecretary Epimaco Densing III. [Dialect]

DILG USEC. DENSING: Salamat, Secretary. [Dialect]

SEC. ANDANAR: Samantala, hanggang dito na lang po muna ang ating pakikipagtalakayan. Magsama-sama ulit tayo bukas mga kababayan; take it away, Undersecretary Rocky Ignacio! 

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Secretary Martin Andanar. Ingat po!

Samantala ilang araw bago mapaso ang extended deadline, puspusan ang pamamahagi ng ayuda ng Quezon City sa kanilang mga kuwalipikadong residente. Sa ngayon ay higit walumpung porsiyento nang tapos ang lungsod sa aid distribution para sa mga lubos na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine. Ang update mula kay Cleizl Pardilla. Cleizl…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa’yo, Cleizl Pardilla.

Nasa 242 billion pesos ang proposed budget—[technical problem]

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Nasa P242 billion ang proposed budget ng DOH para sa susunod na taon. Naniniwala naman si Senator Bong Go na mahalaga ito para sa patuloy na paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic. Bilang chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, tiniyak ni Senator Go na masusi niyang pag-aaralan ang bawat piso na balak gastusin ng kagawaran.  Narito ang report:

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Isa po ba kayo sa mga nagbabalak mangibang bansa para magtrabaho? Ngayong panahon ng pandemya may ilan pong paalala sa inyo ang Philippine Overseas Employment Administration. Nagbabalik sa ating programa si POEA Administrator Atty. Bernard Olalia. Welcome back po, Admin.

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Good morning po, Usec. Rocky, good morning po sa mga nanunood po sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: Attorney, ang iba pong host countries ngayon ay may mahigpit nang panuntunan hinggil sa pagpasok o pagtanggap ng mga foreign nationals o workers sa kanilang bansa dahil pa rin po sa banta ng mas nakakahawang COVID-19 variants. Kaugnay po nito, ano po ba iyong mga dapat isaalang-alang sa ngayon ng ating mga kababayang OFWs bago sila pumunta o bumalik sa kani-kanilang host countries?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Tama po kayo, Usec. Rocky ‘no, importante pong malaman ng ating mga outbound OFWs o iyong babalik doon po sa kanilang pinagtatrabahuhan sa abroad na alamin po kung ano po iyong mga existing protocols doon po sa bansang pupuntahan ninyo. Halimbawa po, ang Hong Kong government, kinakailangan bago po kayo bumalik sa Hong Kong, mayroon po kayong tinatawag na ICV o iyong International Certificate of Vaccination card. Kinakailangan po ito at ito po ay makukuha natin sa BOQ. Mayroon pong proseso doon para po ma-convert iyong inyong LGU vaccine card doon po sa ICV o iyong International Certificate of Vaccination.

So maliban po sa mga ganitong pangangailangan, kailangan din pong alamin ninyo kung ano iyong mga COVID test na dapat po ninyong i-undertake bago po kayo lilipad. May mga certain numbers of hours po kung ilan – 72, 24 hours –bago po kayo kumuha ng resulta.

Mayroon din po silang tinatawag na quarantine protocol, ilang araw po bago kayo magsimulang magtrabaho, kayo po ay mag-a-undergo ng quarantine protocol doon sa mga hotel facilities po na accredited sa kanila. So kinakailangan alamin din po ninyo. Lahat po iyan, napapaloob po sa mga tinatawag po naming labor advisory na inilalabas po ng POEA at makikita po ninyo sa aming official POEA website sa www.poea.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Opo. Admin, sa usapin naman po ng bakuna, binibigyan na po ba ng pamahalaan ang ating mga OFWs ng pagkakataong pumili ng brand ng COVID-19 vaccine lalo’t may mga host countries po  na mayroong vaccine brand preference?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Kung ang iyong host country po ay may vaccine preference ay pinapayagan po natin iyong ating OFW na pumili po ng kanilang vaccine. Dahil napakaimportante po na requirement po iyan doon po sa kanilang pagbalik, doon sa kanilang pupuntahan sa abroad. Pero kapag wala naman pong vaccine preference iyong destination country, hindi po kinakailangang mamili iyong ating OFW. Ang importante po sa lahat ay sila ay makakuha ng two doses of vaccine, para po sila protektado at fully vaccinated.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay pa rin po ng nasabing usapin, ano naman po iyong inaasahan nating magiging partisipasyon ng mga land-based recruitment agencies, ganoon din ang mga manning agencies para po mas mapabilis ang pagbabakuna ng kanilang recruits?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Alam po ninyo, itinaas na po natin iyong priority level ng ating mga OFWs. Mula doon sa A3, ginawa na po nating A1 ito at ito po ay dahil sa IATF resolution. Dahil po dito, kinakailangan pong makipag-ugnayan ang mga agencies natin, lalung-lalo na iyong mga land-based employment recruitment agencies and Licensed Manning Agencies or LMA sa kani-kanilang mga OFWs na dini-deploy. Naglabas po ng labor advisory ang POEA para po primary responsibility ng mga agencies iyan na tumulong doon sa vaccination ng ating mga OFWs. Kinakailangan din nilang makipag-ugnayan sa mga LGUs kung saan po nakatira iyong ating mga idi-deploy na OFWs.

USEC. IGNACIO: Admin, isa po sa mga bagong panuntunan na inilabas ng ahensiya nitong buwan ay ito pong pagkuha ng mga papaalis nating OFWs ng International Certificate of Vaccination o iyong tinatawag na yellow card. Pakipaliwanag naman po ito kung ano po ang kaibahan nito sa mga LGU-issued vaccination card? Paano po ang proseso, may babayaran po ba at saan ito maaaring makuha? At kung ito din po ba ay kinikilala sa ibang host countries?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku, tamang-tama, Usec. Rocky, napakaimportante noong tinatawag na ICV o iyong International Vaccination Card natin ‘no. Kung maalala po ninyo, iyong mga destination countries natin, may mga ilan-ilan diyan na nagri-require na ng ICVs tulad po ng bansang Hong Kong na nabanggit ko kanina ‘no. Kung kayo po ay OFW  at kayo ay fully vaccinated na, ibig sabihin, natapos na po ninyo iyong two doses, mayroon po kayong matatanggap na vaccination card na inisyu ng LGU o iyong local government unit. Iyon pong vaccination card na iyan ng LGU, dapat pong i-convert ninyo sa isang ICV or International Certificate of Vaccination.

Importante po ito, kasi iyon po iyong kikilalanin ng mga destination countries. Halimbawa po ang bansang Hong Kong kinakailangan mayroon kayong ipapakitang ICV para kayo ay payagang makapasok doon po sa kanilang bansa. Ito naman pong ating ahensiya ay tumutulong para po sa pagpapabigay ng impormasyon kung papaano ninyo makukuha iyong ICV ninyo ano.  Ang BOQ po o iyong Bureau of Quarantine ang in-charge sa pag-iisyu ngayon ng ICV ‘no.

Para po i-convert iyong inyong LGU vaccine card sa isang ICV, kinakailangan po ninyong mag-email sa BOQ. Ito po iyong ofwicvapplication@gmail.com. Uulitin ko po kapag po kayo ay fully vaccinated na OFW at iku-convert po ninyo iyong inyong vaccine card sa International Certificate of Vaccination or ICV, mag-log in lang po kayo o mag-email doon sa ofwicvapplication@gmail.com.  Ito po iyong link ng BOQ. Kapag kayo po ay nag-email diyan, mayroon pong instruction diyan kung papaano kayo magbabayad, P300 po at kapag nabayaran po ninyo iyon, may mari-receive kayong text message o kaya email message na nakalagay doon iyong appointment date ninyo. Iyon po iyong oras at araw kung kailan po ninyo makukuha iyong BOQ yellow card.

Ngayon kung kayo naman po ay Hong Kong bound na OFW, kasi magbubukas na po ang ating merkado sa Hong Kong ngayong August 30, 2021 at papayagan na po muling pumasok ang mga OFWs natin na nagtatrabaho doon. Karamihan po doon iyong ating mga HSW o iyong Household Services Workers natin. Para makakuha po kayo ng ICV at kung kayo ay fully vaccinated na, mag-email lamang po kayo doon sa BOQ din, ito naman po, ofwinboundhk@gmail.com. Makakakuha po kayo ng text message na nagsasabi kung magkano iyong babayaran ninyo which is P300 at kapag nabayaran po ninyo iyon, makakatanggap kayo ng text message or email kung kailan po ninyo makukuha iyong inyong vaccination  ICV card ‘no.

Ngayon kapag kayo naman po ay may agency, para mapabilis makipag-ugnayan na lamang kayo sa inyong agency at iyong representative ng agency po ninyo ay makikipag-ugnayan sa OWWA. Iyong OWWA naman, i-endorse po iyon, iyong mga OFWs sa BoQ para po mabilis po iyong pagkaka-isyu ng ICV. So lahat po iyan ay gagawin po natin para matulungan po natin iyong OFWs po natin na babalik na po sa kanilang country of destination.

Idagdag ko na rin bago po kayo umuwi, for example nasa ibang bansa kayo at nais ninyong makakuha ng ICV, papaano ang gagawin ninyo?

Ganito lamang po: Kung kayo ay nasa ibang bansa pa at nandudoon kayo nagtatrabaho, pumunta lamang kayo sa inyong POLO, iyong Philippine Overseas Labor Office. Kausapin po ninyo Labor Attaché doon ay kayo po ay iisyuhan ng ICV kung kayo ay fully vaccinated po abroad. Iyong ICV na iyon ay kikilalanin din po kahit saan kayo magpunta. Salamat po!

USEC. IGNACIO: Opo. Admin, may tanong lang po si Sam Medenilla ng Business Mirror: May data na po kaya ang POEA kung ilang health care workers pa ang hindi makaalis ng bansa, dahil sa pagkaubos ng [garbled] deployment cap para sa sector nila. Ano po ang recommendation ng POEA na gawin sa mga naapektuhan na health care workers?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Alam po ninyo iyong sinasabi nating deployment cap, ito po iyong patungkol sa pagdi-deploy natin ng mga HCW or Health Care Workers, nangunguna na iyong ating mga nurses ‘no; kung maalala ninyo, dahil po nai-lift ng IATF iyong temporary suspension ito pong taon ng 2021, nagkaroon po ng ceiling o cap na 5,000 simula po noong Enero ng 2021.

At iyan pong 5,000 deployment cap n iyan, naabot po natin noong June of 2021 at sa pamamagitan po ng intervention ni Secretary Bello ay pumayag po ng IATF na i-increase iyong cap ng 1,500, kaya po naging 6,500 simula rin po noong June 2021.

Sa ngayon po, halos mauubos na po iyong 6,500 dahil sa patuloy na pagdi-deploy natin ng HCWs sa countries of destination.  Kung hindi po ako magkakamali, less than 900 na lang po iyong naiiwan doon sa 6,500 na cap. Kaya patuloy pa po tayong tumatanggap ng application at saka hiring and deployment po ng mga HCWs natin lalung-lalo na po iyong mga nurses.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, POEA Administrator Atty. Olalia. Mabuhay po kayo!

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Salamat po, ingat po tayong lahat!

USEC. IGNACIO: Salamat po. Nitong Lunes kinumpirma ng Department of Health ang pagkakaroon ng community transmission ng Delta variant sa Metro Manila at CALABARZON. Nauna rito ang pahayag din ng Philippine Genome Center sa sinasabing pagkalat sa komunidad ng mas transmissible na bersiyon ng COVID, upang ipaliwanag sa atin ang basehan sa naging deklarasyon ng DOH, makakasama natin ngayong umaga si Dr. Alethea De Guzman, ang DOH Epidemiology Bureau Director. Food morning po, welcome back, Doc.!

DOH DIRECTOR DR. DE GUZMAN: Good morning po, Usec. Rocky and sa lahat po ng nanunood po sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano ba iyong mga factors na binabantayan bago po makumpirma ang sinasabing community transmission ng isang COVID variant?

DOH DIRECTOR DR. DE GUZMAN: Okay. So babalikan po natin iyong ano ba iyong definition or description para masabing community transmission: Una po, kailangan nakakita tayo ng malaking numero ng mga kaso at ang pinag-uusapan natin dito ay mga local Delta cases natin. At ikalawa, kung ang mga kaso po bang iyon ay nail-link pa natin sa isa’t isa ‘no.

Kapag sinabi nating ‘nali-link,’ mayroon po bang iisang kaso na o nalalaman pa ba natin, kanino po sila nahawa o saan nila nakuha.

Nakita natin while nationally umabot na tayo ng 1,273 na local Delta cases, karamihan talaga dito ay nakita natin sa National Capital Region at sa CALABARZON at ang datos na mayroon tayo ay of the 482 ‘no Delta cases sa NCR, while 358 ay galing sa mga cluster in barangay noong tayo po ay nag-imbestiga.

Ang mga nakuha nating information ay hindi na po ma-determine ang ating mga kaso kung kanino po talaga sila nahawa or saan-saang setting sila nagpunta at posibleng doon po nila nakuha iyong infection.

Nakita din natin na ganoon din para sa ating CALABARZON where we have 182 local Delta cases. At noong tayo binabalikan natin kung mayroon po bang koneksiyon ang ating mga kaso to each other, nakita natin karamihan na talaga sa kanila ay hindi na nga po linked, hindi sila magkasama sa iisang lugar, hindi na natin ma-trace to certain cases iyong kanilang surface of infection. And these were the basis for us to declare community transmission for NCR and for CALABARZON.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, sa ngayon aling variant itong pinakamaraming community transmission na naitala?      

DOH DIRECTOR DR. DE GUZMAN: Okay, sa ngayon po though hindi po natin ito parang ginawan ng determination for Alpha and Beta. Ngayon po ang ating kinumpirma ay para po sa Delta po ‘no. Na sa ngayon umaabot na nga po tayo ng 1,273, pero hindi natin siya dinideklara or ang pinapaabot ng DOH ay sa ngayon kung titingnan natin siya at the national scale, kulang pa iyong ebidensiya para masabing may national na community transmission. Pero at the sub-national, at the regional levels, itong dalawang rehiyon na ito ay na-determine natin na mayroon na tayong ongoing community transmission.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc sa ngayon ano po itong regions na may community transmission ng Delta variant at alin din po iyong mga lugar na nasa bingit na ng community transmission?     

DOH DIRECTOR DR. DE GUZMAN: Okay. NCR po ang na-determine na natin na may community transmission. Pero siguro kung titingnan nga natin iyong parang distribution ng mga kaso natin locally, madami din tayong nakita para sa Region III, Region VI at Region VII. Pero tulad po ng nabanggit ko, tayo ay tuluy-tuloy pa, ‘iniintay natin iyong pagbalik ng mga ginawang case investigation ng ating mga Local Epidemiology and Surveillance Units at tayo ay nakikipatulungan with UP-Philippine Genome Center para gumawa ng tumatawag na phylogenetic analysis. Ito po iyong pagli-link sa mga kaso, pero hindi dahil sa exposure, pero iyong genetic characteristic nila, sila ba ay magkakamag-anak o iyon nga epidemiologically linked po ba sila sa isa’t isa.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc. bakit naging maingat ang Department of Health sa pagkukumpirma ng community transmission sa bansa nitong Delta variant? Ano daw po ang rason dito? 

DOH DIRECTOR DR. DE GUZMAN: Kung matatandaan natin, Usec. Rocky, iyong pagdideklara kasi ng community transmission, kailangan tayo sigurado. Pero ganoon pa man, iyong pag-iingat na iyon ay dahil gusto natin, kapag tayo ay nagdeklara, mayroon tayong matibay na ebidensiya. Pero babalikan ko lang na unang pa tayo naka-detect ng mga local cases na Delta, even noong may Alpha at Beta variants na po tayo locally, tayo ay nag-institute na ng mga measures. We already responded with the assumption that there may be initially local transmission ongoing and then eventually community transmission ongoing. Kaya nga ngayon na though we did confirm this transmission in this two regions, actions are already in place and it actually it does not entail additional or enhanced response because these are already being done previously.

USEC. IGNACIO: Doc, Alethea, may ilang mga katanungan po ang ating kasamahan sa media Mula po kay Sweeden Velado ng PTV: May mga proseso po tayong nakahanda para kapag tumatanggap ng taong nagpositibo sa COVID-19? Pero ano po ang interventions ang mayroon tayo para sa mga gumaling sa COVID-19?

DOH DIRECTOR DR. DE GUZMAN: Magandang tanong po iyan, Usec. Rocky. So sabi nga natin we want, parang hindi lamang iyong habang ikaw ay may sakit. Ang isang mahalagang parte ng tinatawag nating reintegration doon sa mga naka-recover na o ‘di kaya nakatapos ng quarantine, mahalaga po talaga iyong mental health and psychosocial services natin. May mga anxiety, may nararamdaman ang ating mga nakaranas ng COVID na kailangan ‘no siguro maproseso din iyon, mapaliwanag, may mga agam-agam ‘no, isa iyon.

Ikalawa mahalagang nangyayari ito hindi lamang sa community level natin pero even in our workplaces. So ang DOH mayroon tayong mga nirirekomenda na MPHS services that we can offer not just to those who have recovered but even to those who have already became symptomatic or ‘di po kaya ay mga naging isolated or quarantined po para mas madali po iyong pagbalik or reintegration in both the community and in our workplaces.

USEC. IGNACIO: Ang susunod po niyang tanong: What treatments daw po do we have available for patients experiencing post-COVID-19 condition or complications such as shortness of breath, fatigue and cough? May mga libre po ba daw tayong checkup na nailatag?

DOH DIRECTOR DR. DE GUZMAN: Okay. Sa ngayon even habang tayo ay may sakit ng COVID, wala naman pong specific na treatment. Ang tawag namin ‘symptomatic’ ang treatment natin ‘no para sa COVID-19. So kung tayo ay may lagnat, magbibigay tayo ng antipyretic o para sa ubo/sipon ‘no o ‘di kaya kung mayroon po tayong nararamdamang mga masakit ‘no sa katawan natin.

Ganoon din po kung tayo man ay mayroong naranasan, may umulit na sintomas, ang aming suggestion po ay ang agarang pagpapatingin para malaman kung itong mga bago o tuluy-tuloy na nararamdaman natin ay konektado pa po sa COVID-19 o ‘di po kaya lalo na po ‘no, dagdag ko na, lalo na po doon po sa ating mga elderly, doon po sa ating mga may comorbidities. Napakahalaga noong agarang pagpapatingin para malaman natin ano ba iyong akma na gamot o kaya management para po sa atin.

Huwag po tayo mag-self medicate – either seek consult by going to a health facility or we are now offering telemed services para po hindi na natin kailangang umalis sa ating bahay at maka-access po tayo ng ganitong consultation po.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN: Dumarami po ang mga bansang magbibigay na ng COVID booster shots dahil sa ilang pag-aaral na humihina daw po iyong epekto ng bakuna makalipas ang anim hanggang walong buwan sa gitna ng mas nakakahawang variant. So bukas po ba ang DOH na mag-administer ng booster shots kahit sa ilang priority groups lang muna tulad ng healthcare workers at seniors at sa 4th quarter ng taon?

DOH DIRECTOR DR. DE GUZMAN: Usec., ito naman po ay tuluy-tuloy na pinag-aaralan ng ating NITAG ‘no. So ano po ba iyong dagdag na benepisyo sa pagbigay ng booster? Pero kailangan natin para ipaalala iyong dalawang kailangang i-take into consideration natin.

Una, sinasabi din ng mga pag-aaral na mayroong tamang timing sa pagbigay ng booster. If you also give it too early, baka wala ring epekto iyong booster kasi nagdi-develop naman ‘no, nagsisimula na ngang mag-develop ng antibodies iyong katawan natin immediately after vaccination and giving it too early will not have an additional benefit.

Ikalawa, we also need to take into consideration that with the limited supplies that we have. We still have a large number of our population not even receiving their first vaccine and we want to be able to expand that, first, have that layer of protection and hopefully po as more supplies of our vaccine comes in, we will be able to consider a further study kung kinakailangan po bang magbigay tayo ng booster vaccine at kailan po ba dapat at which population po iyong ipa-prioritize if ever for this booster vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Jacob Lazaro ng Signal TV: In the DOH opinion, how much has the NCR Plus testing and contact tracing capacity has improved and do you think it’s enough?

DOH DIRECTOR DR. DE GUZMAN: Nakita naman natin itong nakaraang linggo, iyong pagtaas ng kaso na nakikita natin ay mayroon ding karampatang pagtaas ‘no, noong nakita nating active case finding at testing na ginagawa. Ito ay kinu-complement, ito ay ginagawa through PCR at ngayon ay kinu-complement nga natin ng antigen testing. Tayo naman ay walang sini-set na parang benchmark or parang kailangan maka-X number of test in a day ka.

Ang sinasabi natin sa paghahanap ng kaso, doon sa house-to-house na ginagawa, dapat ma-prioritize po na lahat ng mga naging symptomatic o ‘di kaya mga naging suspect at probable cases ay ma-test. At kung tayo ay mayroon pang sapat na mga PCR or antigen test, gawin din natin ito para sa ating mga close contact. So nakadepende tayo, napakahalaga na kung gusto nating mapadami iyong ginagawa nating testing, may karampatan ding pag-ramp up ‘no noong ating active case finding at contact tracing.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Jacob Lazaro: What other areas aside from NCR Plus the DOH thinks hasn’t done enough active case finding and are these areas at risk because of it?

DOH DIRECTOR DR. DE GUZMAN: Sa ngayon, Usec. Rocky, wala naman tayong ganoong listahan kung sino ba iyong hindi gumagawa. Sa tingin ko lahat naman po ng LGU are doing their best ‘no to enhance the efforts of the LGU. We all want all of these measures to be effective para din mapababa natin ang kaso. So with our NTF, the DOH, DILG and other partner agencies are really trying our best to help our LGUs especially by providing them guidance, technical assistance on how they can efficiently implement active case finding.

Also nandoon din iyong pagdagdag ng mga puwede nilang gamitin para madagdagan ang mga testing na ginagawa nila and of course how do we ensure efficient referral to either isolation or quarantine facilities o ‘di kaya sa ospital iyong mga kaso na nangangailangan po talaga ng atensiyon.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon, Director Alethea De Guzman ng DOH-Epidemiology Bureau. Mabuhay po kayo.

DOH DIRECTOR DR. DE GUZMAN: Thank you po, Usec., and good morning.

USEC. IGNACIO: At iyan po ulit ang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magkita-kita po uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)