SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Ngayon po ay araw ng Biyernes, mga balita’t impormasyon na may kaugnayan pa rin sa mga hakbang ng ating pamahalaan kontra COVID-19 ang ihahatid namin sa inyo buong puwersa ng PCOO.
Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar; magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky!
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Makakasama rin natin sa pagbibigay-linaw sa iba’t ibang issue ang mga opisyal ng pamahalaan na laging handang sumagot sa tanong nga taumbayan kaya manatiling nakatutok sa ating programa.
Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio!
SEC. ANDANAR: Simulan na natin, Usec. Rocky, ang makabuluhang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na transparent ang kaniyang administrasyon sa paggamit ng pondo sa COVID-19 response. Ito umano ang dahilan ng kaniyang lingguhang Talk to the People at sa kaniyang muling pagharap sa publiko, iniulat na walang magiging problema ang bansa sa pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccines. Ang report mula kay Mela Lesmoras:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Kasunod ng inilabas na pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte kamakailan tungkol sa pagtakbo ng kaniyang ama na si Pangulong Duterte at Senator Bong Go sa susunod na halalan, nilinaw ng senador sa publiko na walang anumang hidwaan sa pagitan nila ng alkalde. Ano pa man ang maging desisyon ng mag-amang Duterte ukol sa pulitika ay suportado ito ni Senator Go. Narito ang report:
[NEWS REPORT]
SEC. ANDANAR: Sa inaasahan nga po na pagtaas ng bilang ng nagpupositibo o magpupositibo pa, kasabay din sa dapat tutukan ay ang lagay ng ating mga pagamutan. Kakayanin pa kaya ng ating healthcare system ang tinatayang 20,000 daily reported cases? Makibalita po tayo tungkol diyan mula mismo sa [garbled] ng One Hospital Command Center at ating Treatment Czar, DOH Undersecretary Leopoldo Vega. Magandang umaga po sa inyo, Undersecretary.
DOH USEC. VEGA: Magandang umaga Sec. Martin at saka magandang umaga kay Usec. Rocky. Good morning to all ho. Good morning to all.
SEC. ANDANAR: Undersecretary, kumusta po ang sitwasyon ngayon sa One Hospital Command Center? Can you give us an overview sa naging operations ninyo nitong nakalipas na linggo?
DOH USEC. VEGA: Alam mo, Sec. Martin, tumataas talaga iyong number on calls namin – incoming at saka mga outgoing calls ano. Kung i-total mo ‘to ngayon, nag-a-average na iyong incoming calls namin ng mga 500 plus, mga 530 calls per day pero mas marami iyong mga outgoing calls din na kailangan matapos o ma-resolve iyong mga backlogs na tinatawagan nila.
So may mga 600 calls din iyong outgoing namin kaya tumataas talaga ‘to compared dito sa first week of July na ang incoming calls namin nasa mga ano lang, 110 to 120 calls.
So medyo talagang tumataas at saka—ano naman po namin, kinakaya po namin iyong aming number of calls ngayon compared noong July at saka mayroon kaming better connectivity at saka visibility sa lahat ng mga hospitals na kung saan ho puwede ma-transfer or mag-coordinate iyong mga pasyente.
SEC. ANDANAR: Bagama’t may naitalang pagbagal sa reproduction rate ng virus dahil sa nangyayaring ECQ, ramdam ba ito sa ating mga hospital?
DOH USEC. VEGA: Sec. Martin, alam mo tumataas nga iyong number of new cases natin at saka mga active cases na napapansin natin sa… hindi lang sa NCR pero across the Philippines. Ang data ho na napapansin namin ngayon is 98% ho niyan mild, asymptomatic at saka moderate; 1.86% na lamang iyong talagang severe and critical. Ito iyong sinasabi po namin na para ma-decongest iyong mga hospital lalung-lalo na sa mga private at saka public hospitals na nangangalaga talaga ng COVID-19, kailangan ho magkaroon sila ng stepdown care facility para ho maano po nila iyong hospitals nila, ma-decongest at saka iyong continuing care nila eh nasa stepdown care. Kasi alam natin iyong COVID-19 kailangan mga 14 days or more pa nga sa hospital ‘yan kaya talagang napupuno iyan. So kailangan talaga na magkakaroon sila ng mga stepdown care para mayroong pag-ayos at pag-decongest ng mga hospitals.
SEC. ANDANAR: Okay. Undersecretary, sa ngayon ay ilang ospital po ang nagdeklara na ng full capacity sa Metro Manila, at paano rin po ito nakakaapekto sa pag-refer ninyo ng mga pasyente na tumatawag sa One Hospital Command?
DOH USEC. VEGA: Unang-una, mayroon talagang mga cities dito sa Manila na medyo critical areas na po ‘no, lalung-lalo na sa intensive care unit. Ito iyong nasa Makati, partly sa Malabon at saka sa Quezon City, medyo mataas, kritikal na rin iyong intensive care units pero mayroon pa naman, bukas pa rin iyong mga mild and moderate sa kanila. Pero ito kasi ang importante, iyong critical care, medyo mataas iyong [communication line cut]
SEC. ANDANAR: Okay, so kailangan nating mag-re-establish ng connection kay Usec. Vega. Babalikan po natin siya once we have contacted him again.
Samantala, palalakasin ang bio-surveillance capacity ng bansa sa harap ng pagkalat po ng Delta variant ng COVID-19 na sa ngayon ay halos lahat ng rehiyon sa bansa ang may Delta variant. At ayon pa sa Department of Health, asahan ang panibagong peak ng COVID-19 cases sa mga susunod na araw. Si Mark Fetalco para sa detalye:
[NEWS REPORT]
SEC. ANDANAR: Balikan po natin ngayon si Usec. Vega. Usec, pakiulit na lang po iyong sagot ninyo kanina. Please go ahead.
DOH USEC. VEGA: Iyong sinasabi ko kanina, Sec. Martin, bago tayo naputol ho kasi nagkaroon ako ng problem dito sa aking phone, eh iyong mga cities po dito sa Metro Manila, mayroon na ho talagang high-risk ang intensive care unit utilization. Pero ang general average po ng intensive care utilization po dito sa NCR ay nasa high-risk category pero iyong iba ay nasa critical risk. Kaya ito ang tinitingnan namin po lalo na sa One Hospital Command kung puwede ho naming ma-coordinate iyong mga transfer of patients or referrals, lalung-lalo na sa mga pasyenteng nangangailangan na ng intensive care units, sa mga areas na puwede pa ho silang tatanggapin.
SEC. ANDANAR: Ipinag-utos po ninyo sa mga ospital na magkaroon ng stepdown facility upang ma-decongest itong mga intensive care units nila sa paparating na mga pasyente na may severe cases. Ano po itong tinatawag ninyong stepdown facility? At kakayanin pa ba itong gawin ng mga ospital lalo na at kulang na rin sila sa medical workers sa panahon ngayon?
DOH USEC. VEGA: Iyong stepdown facility, Sec. Martin, para ito sa kanilang mga pasyenteng moderate o kaya nagri-recover na from intensive care. Iyong kadalasan po nito, kagaya ng stepdown facility ng Tondo Medical Center ay nasa PICC kung saan magri-recuperate na iyong pasyente nilang moderate na hindi naman kailangan talaga ng intensive care.
So doon ho iyong continuing care po nila at para din mabantayan din ng mga doktor at saka ng hospital. Ang stepdown facility, halimbawa, ng Lung Center of the Philippines ay nasa loob mismo, iyong bagong modular hospital nila ngayon na pagkatapos ho, siguro sa moderate care at saka intensive care na puwedeng mailabas na iyong pasyente, doon sa loob ng hospital mismo mayroon silang modular care or hospital na puwede silang mag-stepdown.
Ganoon din ang pinagawa ho natin sa Rizal Medical Center noon pa ‘no, hindi lang ito ngayon, itong mga stepdown care na concept para ho ma-decongest na iyong mga recuperating patients sa next level of care or lower level of care para ho ma-decongest naman iyong mga hospitals to cater to more COVID patients.
SEC. ANDANAR: Undersecretary, hihingi lang po kami ng update sa utos ng Pangulo na pagbibigay ng benepisyo sa ating healthcare workers. Natuloy po ba, Usec., ang release ng pondo ng DBM noong Miyerkules para sa SRA nila? At nakapagsimula na po ba kayong mamahagi ng nasabing allowance?
DOH USEC. VEGA: Sec. Martin, iyong pangako po ni Presidente po sa bayan ay tinupad po ng Department of Health at saka ng DBM. Naibaba na iyong 300 million po sa Department of Health kahapon at naibaba na rin natin, nagbahagi na rin kami sa mga regional offices, DOH regional offices para sila na po ang mag-download o mag-sub-allot sa mga local government units at saka mga private hospitals. Nagawa na po iyan, at kasalukuyang nagru-rollout sila ng implementation po nito.
SEC. ANDANAR: Undersecretary, may dagdag na tanong pa diyan ang ilang mga kasamahan natin sa media. I’ll turn you over to Usec. Rocky Ignacio. Rocky?
DOH USEC. VEGA: Thank you, Sec. Yes, Usec. Rocky?
USEC. IGNACIO: Usec. Vega, good morning. May tanong po si Red Mendoza ng Manila Times: Papayag po ba raw ang DOH sa hinihirit ng mga senador na liberal interpretation ng Bayanihan Law at ibigay sa lahat ng healthcare workers ang hinihiling nilang mga allowance at benepisyo imbes na nakatutok lang sa COVID?
DOH USEC. VEGA: Tama iyan, Usec. Rocky. Ang Department naman talaga, liberal ang interpretation. Iyan nga ang nangyari nga noon, ang dami ngang mga unauthorized flagging ng COA dahil nga liberal ang interpretation ng Department of Health. Mayroong operating units talaga namimigay sa kanilang pag-decide na mabigyan iyong mga kaukulang tao nila doon sa hospital. Ito ay napansin din ng COA na unauthorized.
So ang mangyayari po diyan, since mayroong liberal interpretation at saka mayroon tayong COA na nagbabase mismo sa rules, kailangan talaga nating ma-amend ang implementing rules and guidelines para dito, especially for the benefit for directly covering, catering to COVID and in contact with COVID. So kailangan na ho lang iyan ma-amend para magiging ano diyan, ang interpretation or implementation ng COA ay ano naman po, sang-ayon naman sila sa pag-implement din sa Department of Health.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., iyong sunod po niyang tanong: Ano po ang reaksiyon ninyo sa hirit ng mga militanteng health workers na nagsasabing dapat daw ibigay hanggang ngayong araw ang kanilang benepisyo? Ano rin po ang ginagawang hakbang ng DOH para maibigay nang mabilis ang pondo at hindi na mag-bottleneck sa mga LGU?
DOH USEC. VEGA: Tama iyon, Rocky ano. Talagang ginagawa namin ang buong kakayanan po namin na nakikipag-ugnayan po kami sa Department of Budget and Management at saka mga operating units namin na kung puwede mabilisan nila kung mayroon kaming pondo ibibigay ho for the benefit of the healthcare workers.
At saka sinasabi rin namin sa regional offices na dalian nila ang pag gawa ng mga MOA ng local government units at saka mga pribadong ospital para once maibaba iyong pondo eh kaliwaan na ho iyan na nandoon na iyong MOA at saka nandoon na iyong check na ibibigay sa kanila para ma-implement din ng mga local government units at saka private hospitals.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Joseph Morong ng GMA News: Some hospitals are planning not to renew their accreditation with PhilHealth due to non-payment of claims. What do you think will the effect be on the government’s response to pandemic and do you have any appeals?
DOH USEC. VEGA: Iyong katanungan ni Joseph, ano ho iyon, kailangan—critical iyon kasi alam mo, iyong hospitals talaga partners talaga ng PhilHealth iyan lalung-lalo na dito sa pandemyang ito at saka sa pagbigay ng health services.
Kaya kinakausap na ho namin iyong mga private hospitals at saka iyong mga public hospital sa isang forum na kung puwede po, at saka iyong PhilHealth kung puwede po magkaroon sila ng coordinated and saka makita din ng mga ibang hospital na magkaroon sila ng reimbursement kakaunti kasi alam mo, ang hirap din ngayon kung walang reimbursement talaga coming from PhilHealth dahil wala naman talagang ibang revenues ang mga ospital ngayon dahil bumababa ang mga non-COVID cases.
So, kung pag-uusapan ho iyan ng PhilHealth at saka kung mabigay po nila iyong mga valid reimbursement nila makakatulong talaga iyan ng isang—mahalaga talaga iyan sa mga hospitals na nangangailangan sa panahong ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., iyong sunod pong tanong ni Joseph Morong: Have you encountered any hospitals refusing admissions to COVID patients who are PhilHealth members?
DOH USEC. VEGA: Wala pa. Wala pa naman, Usec. Rocky, kasi alam mo, mayroon silang contract diyan with PhilHealth at saka sa Department of Health na kailangan talaga kung ang pasyente nangangailangan ng admission at saka PhilHealth member, dapat i-attend. So, wala pa naman, Usec. Rocky, so far.
USEC. IGNACIO: Opo. Additional lang po ni Joseph Morong: Kung may apela daw po kayo sa mga hospitals?
DOH USEC. VEGA: Nag-aapela po kami sa mga hospitals po na alam naman natin na itong PhilHealth talaga eh ano ho iyon, lalabas din iyong kanilang mga reimbursement. At saka sa panahong ito I think mag-usap talaga ang PhilHealth at saka mga private institution at saka public with regards to the reimbursement kasi talagang alam natin na ito lang iyong sinasabi ko nga na lifeline ng mga hospitals – ang reimbursement ng PhilHealth; so, kailangan talaga magtulungan po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Maricel Halili ng TV5: Ano daw po ang protocols para sa mga returning OFWs with grave conditions and urgent medical emergencies. Rachel Sagonoy, an OFW, has late stage of cervical cancer. Naka-wheelchair at catheter siya nang umuwi daw po sa Pilipinas. Can she be brought directly to the hospital? Should there be swab test? Nakiusap daw po, Usec., iyong family na dahil negative siya sa test, sana sa ospital na i-diretso pero sabi daw po ng OWWA, protocol ang quarantine kaya dinala sa Cebu sa ika-sampung araw namatay na opo siya. Ano daw po ang protocol to avoid cases like this?
DOH USEC. VEGA: Talaga kung humanitarian reasons po, Usec. Rocky, dapat point-to-point iyan. Kailangan makipag-ugnayan sila sa hospital na sunduin kaagad sa airport at saka ilalagay sa hospital kung saan sila nakipag-ugnayan.
So, it has to be point-to-point lalung-lalo na iyong mga kasong ganoon na nangangailangan ng hospitalization. Pumapayag naman ang BOQ niyan kasi alam nila hindi naman didiretso iyan sa hospital at saka susunduin talaga ng ambulance ng hospital. Dapat ganoon, point-to-point.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Usec. Vega. Secretary Martin?
DOH USEC. VEGA: Thank you, Usec. Rocky.
SEC. ANDANAR: Salamat po sa inyong panahon, Treatment Czar and DOH Undersecretary Leopoldo Vega. Mabuhay po kayo, sir!
DOH USEC. VEGA: Salamat, Sec. Martin. Mabuhay ka rin! Thank you. Thank you so much.
SEC. ANDANAR: Samantala, tayo po ay kakalas muna muli para sa iba pa nating tungkulin dito sa Presidential Communications Operations Office. Magsasama-sama po uli tayo sa Lunes mga kababayan. Go ahead, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Secretary. Ingat po kayo!
Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. Base po sa report ng DOH as of August 26, 2021:
- Umabot na sa 1, 899,200 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 16,313 na mga bagong kaso kahapon.
- 236 naman ang mga nasawi kaya umabot na sa 32,728 ang total COVID-19 deaths
- Habang ang mga gumaling sa sakit ay pumalo na sa 1,734,551 matapos itong madagdagan ng 9,659 new recoveries.
- Ang active cases naman sa kasalukuyan ay 131,921.
Sa mga bansa sa Western Pacific Region, isa po ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamalaking bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19 ayon sa WHO. Ano ang sinasabi nito sa pandemic response ng pamahalaan para i-contain ang pagkalat ng virus? Kaugnay niyan, muli nating makakasama si Dr. Edsel Salvaña, Director of the Institute of Molecular Biology and Biotechnology ng UP Manila.
Good morning po, Doc!
DR. SALVAÑA: Good morning, Usec. Rocky! Good morning sa lahat ng nanunood.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, as of 10 A.M., August 26, ikatlo po iyong Pilipinas na sinasabing may pinakamaraming naitalang cases sa Western Pacific Region sa loob lang po ng isang araw. Ano po ang masasabi ninyo na mas mataas pa ang ranking natin kaysa po sa Indonesia na naging bagong episentro ng COVID sa Asya?
DR. SALVAÑA: Well, Usec. Rocky, ang COVID naman talaga dynamic po talaga ito, kung titingnan natin iyong pinakamaraming cases back in February or March, was China. Tapos dumadami sa ibang bansa, mababa iyong US ngayon tapos biglang tumaas, so, this is not something that is, you know, that we should look at one moment in time na frozen kasi nagbabago po talaga ito.
Sa ngayon, nakita naman po natin iyong tumataas talaga iyong ating bilang ngayon dahil mataas talaga ang ating Delta cases, nagti-takeover which is really a characteristic of Delta. Iyong sa US nga ngayon ang kanilang naitatala na hospitalization is over 100,000 people hospitalized which is actually worse than what it was last year sa kanila.
So, you know, maraming factors ang nakakapagtaas ng ating cases lalung-lalo na itong Delta. Mas na-delay nga natin iyong pagpasok ng Delta sa Pilipinas eh kaya ngayon lang natin nakikita itong malakas na increase in cases and even in India na umabot sa like 4,000 deaths per day and more than 300,000 cases a day, eventually bumaba rin.
So, nauna lang talaga iyong Delta spikes sa ibang bansa bagama’t sa Indonesia ngayon ang nakakalungkot more than 1,000 deaths a day sila. Alam naman natin based on the spike na iyong deaths will be delayed by about six to eight weeks. So, we’re really seeing the deaths that are hitting them after iyong increase nila na umabot sila ng mga 40/50,000 cases a day.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, komento pa ng WHO kasi ito daw pong pagkalat ng Delta variant, hindi sapat iyong pagsunod dito sa minimum public health standards at hirap na pag-detect ng asymptomatic o mild cases ang ilan sa mga rason kung bakit daw po mataas ang naitatalang kaso, ano po. So, ano po iyong dapat nating gawin sa mga obserbasyong ito?
DR. SALVAÑA: Well, tama po iyon Usec. Rocky. Kaya nga po hindi na ganoon rin kasulit iyong ating mga sobrang strict na lockdowns talaga na sinasarado natin lahat dahil ibang-iba talaga itong Delta. Even like for instance ang Australia na nag-lockdown because of two cases of Delta hindi talaga masyadong gumana dahil extreme po talaga iyong transmissibility nitong Delta and so we really have to be innovative.
Unang-una, alam natin tataas talaga iyong kaso kahit ano ang gawin natin, dahil this virus is two to three times more infectious than the other viral variants. And so ang pinaka laban talaga natin dito aside from iyong ating mask, face shield at MPHS is vaccination. Kasi iyong vaccination is, parang iyon iyong pinaka-last line of defense natin in the sense na kahit makalusot siya dito sa ating mga ginagawang mask, face shield, kapag tinamaan ka ng COVID, your risk of ending up in the hospital and dying from COVID goes down by 90%.
So kahit maraming-marami pa iyong kaso na iyan, kung karamihan diyan ay bakunado, then the number of cases that need to be hospitalized, the number of people of people who will die will go down by 90%. So, for instance, if you have 100,000 active cases, kung hindi bakunado lahat iyon, that’s 3,000 people na kailangan mong ilagay sa ospital, dahil 3% po iyong nakikita natin na severe. Pero, kung mapababa mo by 90%, magiging .3% na lang iyon. Ang kailangang malagay sa ospital ay 300 na lang at hindi naman kasing bigat sa capacity ng hospital natin iyong 300 versus 3,000 kung active cases ay 100,000 po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, kumpara sa naranasan nating surge ano po noong mga nakaraang buwan na wala pang Delta variant, kahit papaano po, masasabi po ba nating nararamdaman na iyong resulta ng mga isinasagawang pagbabakuna? Nakita rin po kasi ng WHO iyong effort ng gobyerno ano po, sa nangyayaring vaccine rollout?
DR. SALVAÑA: Yes, Usec. Rocky, actually kung titingnan natin as late as two weeks ago, ang proportion ng severe case plus critical cases doon sa ating active cases was 2.8%. And yesterday it was already down to 1.8%. Ang problema, marami talaga iyong cases. So, 1.8% of 150,000 active cases is still bigger than 2.8% of what 58,000 active cases two weeks ago. So, the bottom line is kailangan talaga dalawa iyong gawin natin: Bakuna tayo ng bakuna, para bumaba talaga iyong percentage ng severe cases and; we should still try to control the number of cases. Kasi whatever you do, even if mababa iyong percentage, may pumapasok pa rin sa ospital every single day na nagri-report tayo ng bagong cases.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, sa ibang usapin naman po. Ano naman daw po iyong posibleng maging epekto sa vaccine procurement at vaccination rollout ng bansa ngayong inaprubahan na ng US FDA iyong full approval ng bakunang Pfizer? Kung nakikita po ba ninyong tatangkilikin commercially ng mga Pilipino ang over the counter Pfizer vaccine kung tuluyan na itong ibenta sa Pilipinas?
DR. SALVAÑA: Usec. Rocky, hindi ibig sabihin dahil may full approval, over the counter na po iyon, prescription pa rin iyan, kinakailangan pa ring dumaan sa doctor. Bagama’t mas magiging mas madali mag-procure noong vaccine kung mayroon na tayong full approval dito. Kasi iyong sa US na full approval, that makes it easier for full approval to happen in other countries, kasama po tayo doon, dahil tinatangkilik naman natin ang FDA approvals in other countries lalung-lalo na iyong sa US as a potential basis for approving it here. Kapag nangyari iyon, mas madaling mapupunan ng mga manufacturers, bagama’t ang problema diyan, siyempre market forces, baka tumaas iyong presyo. So, titingnan po natin kung ano ang mangyayari dito, but full approval is good dahil ibig sabihin ng full approval, it’s been proven to be safe even over longer period of time rather than the Emergency Use Authority. Kaya mas [marami ang maniniwala sa atin], sa mga pasyente natin na mabisa nga po at ligtas.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, in four days matatapos na ang MECQ sa NCR. May maisa-suggest na ba kayong dapat gawin sa Metro Manila pagdating ng September 1st?
DR. SALVAÑA: Well, Usec. Rocky, pinag-uusapan naman iyan lagi sa IATF. I do not want to pre-empt naman kung ano ang mga pinagdi-discuss namin. Pero ang important po talaga dito ay tuluy-tuloy po talaga iyong pagbabakuna natin. Kasi nakita naman natin sa models, kahit anong gawin natin, kahit na anim na linggo pa iyon ng ECQ, tatamaan talaga tayo ng tinatawag namin na Delta tsunami. Kasi ang bilis po talaga noong kalat dito and the best way to protect the health system is to reduce the proportion who will need hospitalization and the only way is really with as high a vaccination rate as possible na mukhang ginagawa naman po ng ating mga mayors. Bagama’t kailangan pa rin natin iyon restrictions on mobility to something lalo na iyong tinatawag na targeted restrictions on mobility, iyong tinatawag na granular lockdowns para kahit pa man tuloy iyong kalat at least mapababa natin iyong level of increase and at the same time, mas tumataas iyong protection ng mga tao at mas kaunti iyong kakailanganing iospital.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, basahin ko lang po iyong tanong sa inyo ng ating media partners ano po. Mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Ano ang inyong reaksiyon sa sinabi ng Professor ng Harvard School of Public Health na si Dr. William Haseltine na maaaring maging endemic na ang COVID-19, dahil ito ay kumakalat hindi lang po sa tao, kung hindi pati na rin sa hayop?
DR. SALVAÑA: Yes, we expect naman talaga na maging endemic itong COVID, ever since nakita naman natin kung gaano kabilis mag-mutate rin ito. Actually, five other coronaviruses that we have encountered and at least three of them are common colds na endemic naman. Bagama’t iyon nga, iyong problema talaga dito sa COVID-19, mataas talaga iyong death rate niya, about 1.7% iyong case fatality ngayon compared, say to the flue which is 1%. Pero kung mabakunahan natin iyong nakakaraming tao, mapapababa talaga natin iyan [garbled] and endemic nga iyong flu, hindi na tayo magsasarado [ng ating ekonomiya]. Maybe the only way forward, alam naman natin na hindi ito mawawala anytime, just to make sure that many people are vaccinated, para makapag-open up na tayo at hindi rin mau-overwhelm iyong health care system natin dahil iyong proportion na kakailanganin ng hospitalization dahil sa severe cases ay manageable na ng hospitals if everyone is vaccinated.
USEC. IGNACIO: Sunod pong tanong ni Red Mendoza: Ano po ang inyong advise sa mga taong may agam-agam pa rin sa length ng immunity ng mga bakuna na siyang dahilan kung bakit naiisipan ang pagbibigay ng booster shot sa mga bakunado?
DR. SALVAÑA: Una po, a lot of misinformation on how long our vaccines work or not. Unang-una po, we have to think about kung ano itong bakuna. Alam natin sa ngayon, iyong pinaka-durable na epekto ng bakuna – lampas pang 6 months, lampas pang 8 months, in fact most scientist thinks it’s going to be one year – is iyong protection from severe disease. At hindi lang antibodies, may tinatawag na mga E cells na parang kawal po ng katawan natin at nananatili pong pinuprotektahan tayo kapag bumagsak iyong mga antibody levels, kaya pa ring ipagtanggol ng katawan using that E cells against severe disease, so walang problema po iyon.
Ang nakikita talaga natin na bumababa ngayon lalung- lalo na ito sa variants ay iyong against clinical disease. Iyong magkakasipon, magkakaubo ka at iyong sa asymptomatic disease na puwede ka pa ring mahawa ng walang nararamdaman. And so, the way to improve those is really iyong tinatawag natin na tweaked vaccine. So pareho pa rin – Pfizer, Moderna, mRNA, Sinovac, [garbled] nila iyong variant na as the template rather than iyong old virus as the template. Mga ganito po are actually already [garbled].
Kung magbu-booster man sakali mas maganda iyong mga tweaked vaccine din, kasi kung ginagamit mo iyong old vaccine pa rin, we don’t know how much it will add eh, kasi kahit tumaas iyong antibody levels mo with the old vaccines, it’s still the same antibody that doesn’t work very well against the variants.
So ang sinasabi ko lang sa mga tao, you know maghintay tayo ng mas magandang data, kasi kung magbu-booster ka ngayon, parang tinatanggalan mo ng bakuna iyong ibang tao na hindi pa nasisimulan na hindi naman tayo sigurado kung makaka-add iyan doon sa proteksiyon mo dahil protektado ka na talaga against severe disease anyway and marginal lang iyong magiging epekto noong booster na iyon [garbled] and a symptomatic disease, or put in another way, you know, we try to get a second [garbled], when marami pang hindi nakakakain at nagugutom.
So siguro from an equitable stand po ang sinasabi ko lang, kung protektado ka na against severe disease, then continue wearing your mask, you know, baka magkakaroon din iyan ng better boosters or better vaccines later on. Pero sa ngayon give change to other muna para mas marami po ang protektado against COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong oras at pagbibigay ng impormasyon, Dr. Edsel Salvaña ng Institute of Molecular Biology and Bio-Technology sa UP-Manila. Salamat po, Doc.
DR. SALVAÑA: Maraming salamat Usec. Rocky, stay safe po.
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Nagpositibo sa COVID-19 ang 116 na tauhan ng Office of Civil Defense kung saan 80% dito ay asymptomatic. Dahil dito, pansamantalang sarado ang OCD Central Office hanggang August 30 para sa disinfection. Kasama sa naturang bilang na nagpositibo sa virus si OCD Administrator at NDRRMC Executive Director, Undersecretary Ricardo Jalad. Sa ngayon ay naka-isolate na si Jalad at may mild symptoms.
Sa iba pang balita: Kahit may pandemya ay naging matagumpay pa rin ang TESDA na gawing job ready ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng iba’t ibang programa nito. Para kay Senator Bong Go, mahalaga ang mga inisyatibong ginagawa ng ahensiya lalo ngayong pinasisigla muli ang ekonomiya, narito ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Bilang pag-iingat sa COVID-19 lalo na sa mas nakakahawang Delta variant, iba’t iba po ang istratehiya ng mga LGU sa pagpapatupad ng mga protocol at border control. Tulad po sa Masbate na nagpapatupad ngayon ng ‘no vaccine, no entry’ policy pero makatuwiran nga ba ang kautusang ito? Pag-usapan natin ‘yan kasama si Aroroy, Masbate Mayor Arturo Virtucio. Magandang umaga po, Mayor!
AROROY, MASBATE MAYOR VIRTUCIO: Magandang araw, ma’am.
USEC. IGNACIO: Mayor, welcome po sa [garbled] ano po. Mayor, diyan po sa Aroroy ay may pantalan ano po at napapabalita nga po ngayon na may mga stranded na pasahero sa Albay Port at ‘di umano hindi makatawid ng Masbate dahil sa umiiral ngayong ‘no vaccine, no entry’ policy sa inyong probinsya. So, kailan pa po ito sinimulang ipatupad?
AROROY, MASBATE MAYOR VIRT UCIO: The other week po, ma’am, pinatupad ito ni Governor dahil alarmed po iyong Governor namin dahil sa dumadami na cases at halos mapuno na iyong provincial hospital namin sa cases ng COVID, ang daming namamatay. So reported naman [garbled] gumawa ng paraan iyong Governor na i-testing dahil island [garbled]. Tinesting niya kung effective ba itong solusyon na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, nagkaroon po ba ng consultation sa IATF bago po ito maipatupad?
AROROY, MASBATE MAYOR VIRTUCIO: So far pinag-usapan nila doon sa IATF na iti-testing ito dahil sa dami ng umuuwi sa Masbate na hindi naman kinakailangan sana umuwi. Pero umuuwi sila so ili-limit natin ang pag-uwi para iyong pag-transfer ng virus hindi masyado dumami.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero hindi naman po ba ito lumilikha o nagku-cause ng diskriminasyon o mas malalang problema gayong hindi pa naman po sapat iyong supply ng bakuna sa bansa? May natatanggap po ba kayong mga reklamo na ganoon, Mayor?
AROROY, MASBATE MAYOR VIRTUCIO: Yes, Usec. Marami kaming natatanggap tapos iyong solusyon ng Governor namin nag-request kami sa national government nang maraming vaccine para ma-address na itong problemang ito. Maybe there—other days na puwede na itong i-lift siguro dahil tinatamaan talaga iyong economy. So ‘pag tinamaan iyong economy, nadi-disbalance, mas lalong danger para sa mga tao – bumababa iyong immune system, walang makain. So siguro mag-aapela tayo.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, ano po ang plano ng inyong LGU o provincial government doon sa mga residenteng uuwi sana diyan sa Masbate pero hindi po makatawid dahil sa policy na ito? Wala po bang alternative man lang na paraan bukod po sa pagiging bakunado?
AROROY, MASBATE MAYOR VIRTUCIO: Pag-uusapan pa namin ‘yan tapos actually mayroon nang solusyon iyong Governor namin na pinauwi nila papunta dito iyong mga stranded. Binalaan na lang iyong mga coming pa na huwag naman sana magmadaling mag-uwi dahil dito nga sa case ng COVID na talagang alarming para sa aming LGU na dumarami talaga, mataas masyado. Noong tinesting namin ito, bumaba siya, bumaba; ngayon pinapag-aralan namin kung ipapatuloy ito o hindi.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, sabi mo pinauwi na rin noong Governor ano po iyong mga na-stranded. Iyong bang mga na-stranded ba ay mayroong negative RT-PCR result test?
AROROY, MASBATE MAYOR VIRTUCIO: Pinag-RT-PCR, libre – pinupuntahan namin ang tao doon, tinesting sila lahat tapos binigyan pa sila ng allowances tapos lahat ginawa ng Governor namin; talagang ginagawa namin ang lahat para ma-address namin itong problemang ito. Kaya nasa mga tao kasi kung minsan hindi mo [garbled]… karamihan kasi ang dokumento na pumapasok dito sa amin natuklasan namin na pagdating doon sa port, ano iyong mga dokumento, parang dinoktor.
USEC. IGNACIO: Uhum. Mayor, mga ilan po itong mga stranded na napabalik na?
AROROY, MASBATE MAYOR VIRTUCIO: More than 300 yata po ito. More than 300 pinasundo na ni Governor, may kaukulan lahat na mga ayuda para sa kanila. Pero iyong mga coming pa, pinapakiusapan na huwag muna ngayon dahil dito sa problema, malaking problema talaga ng Masbate. Hindi namin sinasama na mas malaki pa kami sa ibang island kasi [garbled] namin [garbled] iyong nakita namin na solusyon na puwedeng makapagkontrol nang pagdami.
USEC. IGNACIO: Mayor, kayo po ba ay—halimbawa, ang isang tao bakunado, may vaccination card pero kailangan pa rin po ba na may negative RT-PCR test/result bago po makapasok sa Masbate?
AROROY, MASBATE MAYOR VIRTUCIO: Yes, kailangan pa rin dahil hindi naman natin sigurado na kahit vaccinated ka na, puwedeng positive. So ‘ayun, talagang lahat ng papasok tini-test namin dahil mahirap na ‘pag dumami dito, wala… wala kaming choice. Iyong economy namin bagsak eh.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, mapunta naman po tayo sa inyong bayan ano po. Ilan po ang binabantayang active cases diyan sa Aroroy? Nakapasok na po ba iyong Delta variant diyan at mayroon na kayong naitalang kaso at ano po rin iyong sitwasyon sa inyong mga ospital?
AROROY, MASBATE MAYOR VIRTUCIO: Yes, nakapasok na dito sa amin. Actually mayroon na kaming 12 na death at saka—dahil sa pag-alaga namin sa mga pasyente namin, mayroon na kaming 290 na recovery dahil inaalagaan/sinusuportahan namin din. Inaano namin iyong immune system nila na pakainin, malabanan nila itong COVID. Ito lang kasi ang panlaban natin, iyong immune system; ‘pag malakas ang tao, hindi tatablan ng COVID. So ito iyong binibigay namin ‘pag mayroon kaming mga active cases, talagang sinusuportahan namin sa kanilang [garbled].
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, as of this date, nakailang porsiyento na po ang inyong mga residente na may kumpleto na pong bakuna? At kumusta rin po iyong pagdating ng supply diyan ng bakuna?
AROROY MAYOR VIRTUCIO: Actually, mayroon na kaming 7,400 na vaccinated na tao; it is almost 16% ng population po. Then, mayroon kami kasing social development fund, kumuha ako doon ng pondo para bumili ng vaccine na Johnson & Johnson para sa mga tao ko; binigyan kami ng resources para makabili [ng vaccine], maliban doon sa galing sa gobyerno [nasyonal].
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon, Mayor Arturo Virtucio ng Aroroy, Masbate. Mag-ingat po, Mayor. At kung ano po iyong mga information na gusto ninyong ibahagi sa amin, bukas po ang aming programa para sa inyo, Mayor.
AROROY MAYOR VIRTUCIO: Opo. Pinapaabot ko lang sa lahat na magtulungan tayo sa pandemic na ito dahil hindi natin nakikita iyong kalaban. Ang importante dito na magkaisa tayo nang hindi ma-overcome ng problemang ito. Ang importante lang ay cooperation ng bawat isa. Tulungan, hindi pulitika, kung may mga suggestions sila ibigay nila sa amin, handa kaming makinig at handa naming gawin kung maganda iyong suggestions nila.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po ulit, Mayor Virtucio.
AROROY MAYOR VIRTUCIO: Yes Ma’am. Thank you po, Ma’am.
USEC. IGNACIO: Puhunan at iba pang ayuda ang hatid ng DSWD at outreach team ni Senator Go [garbled] micro-entrepreneurs sa bayan ng Aglipay at Saguday sa Quirino [province]. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, unti-unti na pong nararamdaman ang pagbaba sa mga naitatalang COVID deaths sa Cordillera Region. Ang detalye mula kay Fevi Kate Valdez ng PTV-Cordillera:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Kaugnay naman sa update ng bakunahan sa Cebu, may ulat si John Aroa.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Isa po sa mga suliranin na kinakaharap ng mga manggagawa sa sektor ng pagsasaka ay ang pagta-transport ng kanilang mga produkto dahil sa travel restrictions. Pero sa pamamagitan ng Agri Pinoy Trading Centers or APTC program ng Department of Agriculture ay hindi na kinakailangan pang ibiyahe sa malalayong lugar ang kanilang mga produce. Abangan po natin kung papaano puwede maging bahagi ng programang ito at ano ang iba pang benepisyo na dulot nito sa ating mga magsasaka at mangingisda, bukas po iyan sa Ani at Kita.
At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magkita-kita po ulit tayo bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center