SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Muli ninyo kaming samahan ngayong araw ng Lunes sa panibagong linggo ng talakayan at balitaan tungkol sa pinakamainit na usapin sa bansa, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga, Usec. Rocky!
USEC. IGNACIO: Good morning din, Secretary Martin. Kahit po pista opisyal, pag-uusapan pa rin po natin ang pinakahuling hakbang ng pamahalaan kaugnay po sa COVID-19 pandemic. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Simulan na natin, Rocky, ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa pagdiriwang ngayong araw ng National Heroes’ Day, binigyang-pugay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga makabagong bayani lalo na ang mga frontliners na matapang na humaharap sa banta ng COVID-19. Ang ulat na iyan mula kay Mela Lesmoras:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Nagbigay rin ng pahayag ang Senate Committee Chair on Health na si Senator Bong Go [garbled] National Heroes’ Day ngayong araw. Kinikilala rin niya ang katapangan at mga [garbled] modern-day heroes. Panoorin po natin ito:
[VTR]
SEC. ANDANAR: Kahapon, August 29, ay naitala naman ng Department of Health ang ikalawang pinakamataas na kaso ng COVID-19 simula noong magkaroon ng pandemya sa bansa. Eighteen thousand five hundred twenty-eight (18, 528) new cases po iyan na sumunod sa naitalang bilang noong Sabado na higit labinsiyam na libo (19,000). Sa kabuuan, umabot po sa 1,954,023 ang lahat ng nagkaroon ng COVID sa bansa. Seventeen thousand nine hundred twenty-two (17,972) naman ang mga nadagdag na gumaling ayon sa DOH, habang isandaan at isa (101) ang nasawi. Dahil diyan, 91% ng total cases ang gumaling na o katumbas ng 1,777,693; at 1.69% naman ang nasawi sa bilang na 33,109; 143,221 o 7.3% ang active cases sa bansa.
Nitong Sabado, kung kailan naitala ang pinakamataas na bilang na 19,441 COVID-19 infection sa isang araw, naitala rin ng Department of Health ang 27.5% na positivity rate sa bansa o iyong porsiyento ng mga nagpupositibo sa lahat ng tini-test sa COVID-19. Mataas po iyan kumpara sa below five percent lang na itinakda ng World Health Organization na nangangahulugang under control ang pagkalat ng virus. Dahil dito, ang projection ng OCTA Research, posibleng mas tumaas pa umano ang bilang ng nahahawaan kada araw dito sa Pilipinas.
Kaugnay niyan ay makakausap po natin sina Dr. Guido David at Professor Ranjit Rye ng grupong OCTA Research. Magandang umaga po sa inyong lahat.
PROF. RANJIT RYE: Magandang umaga, Sec., Long time no see.
DR. GUIDO DAVID: Good morning, Sec. Martin.
SEC. ANDANAR: It’s good to see you once again. Bakit po despite the stringent measures na ipinatupad sa bansa nitong mga nagdaang linggo ay sinabi ninyong posible pa ring umabot sa 20,000 cases a day ang COVID-19 sa Pilipinas by September? Ano po ang main driver ito?
DR. GUIDO DAVID: Yes, Sec. Martin, magandang tanong iyan, kung bakit tumataas pa rin patuloy iyong kaso. Ang alam kasi natin, base sa history, sa mga nakaraan na lockdown natin, kapag nagkaroon tayo ng lockdown, hindi naman agad-agad bumababa iyong bilang ng kaso. Usually, mga three to four weeks bago natin nakikita iyong pagbaba ng bilang ng kaso. Pero nakikita natin, bumababa iyong tinatawag na reproduction number o iyong hawaan ng mga tao.
Ngayon, nakita naman natin sa Metro Manila, bumaba iyong hawaan. Ibig sabihin, iyong reproduction number ay nasa 1.47 na; dati nasa 1.0. So malaki na rin iyong binaba niya. At nakikita naman natin, maaaring umabot na siya sa [garbled] pagdating ng kalagitnaan ng September.
By mga September 13 to 14 based on projections baka bumaba to less than one iyong reproduction, so ibig sabihin bumaba na iyong hawaan or bababa na iyong bilang ng kaso pagdating ng September. Pero sa ngayon, dahil hindi pa siya bumababa less than, tumataas pa rin iyong bilang ng kaso pero bumagal na iyong growth rate na tinatawag o iyong pagtaas ng bilang ng kaso. Pero sa ngayon, dahil umabot na tayo ng 19,000, makikita natin maaaring lumagpas pa iyan ng 20,000 cases per day sa buong bansa.
SEC. ANDANAR: Ano ba ang posibleng dahilan ng biglang pagtaas ng positivity rate sa Metro Manila? Ano po ba ang mga naitulong ng two-week ECQ at ongoing MECQ dito?
PROF. RANJIT RYE: Sec. Mart, malaking bagay talaga ang Delta variant dahil highly contagious po siya. At kahit naman makita [garbled] from other countries, mahirap talagang i-manage lalo na kung walang strict compliance with minimum health standards. Malaking bagay ho iyong ECQ natin ‘no, napabagal din, in fact, iyong pagbaba ng hawaan, iyong reproduction number natin, malaking factor sa pagbaba niyan iyong two-week ECQ natin po eh.
So iyong MECQ, sana ho ma-sustain niya iyong downward trend sa reproduction number. Ang importante dito sa mga kababayan natin, hindi ho puwede talagang magpabaya, magkumpiyansa sa panahon ngayon kasi ho talagang nakakahawa itong Delta variant.
And ang suggestion nga namin, kung hindi naman talaga kailangang lumabas, huwag na lumabas ‘no. Ang importante kung kailangang lumabas dahil sa hanapbuhay ay siguraduhin natin, sundin natin iyong minimum public health standards – pagsuot ng face shield, face mask, pag-iwas sa matataong lugar, iyong pag-practice ng social distancing, paghuhugas ng kamay.
Doon ho sa aming bagong survey, Sec. Mart, na ginanap, nag-survey kami July 12 [garbled], may bagong tugon ang masa survey. Ang nakita namin nag-decline ho talaga iyong practice ng minimum public [health standard], iyong frequency ng pagsuot ng face shield, face mask, pag-o-observe ng social distancing, paghugas ng kamay, iyong mga practices na iyon nag-decline ho from January to July po. Ang nakikita natin ito, isang area na kailangan nating i-improve iyong compliance.
Pangalawa po, iyong ating MECQ medyo maluwag ‘no, sa iba kaya kailangan nating higpitan nang kaunti lalo na iyong pag-enforce ng minimum public health standards.
Importante ho talaga na iyong ating hospital capacity lalo na sa NCR, CALABARZON, Central Luzon, places like Rizal ay augmented. Tulungan natin sila kasi, iyon nga, sila iyong sinasabi na bagong bayani natin ‘no, iyong ating mga healthcare workers. They need help at the moment, so kailangan ng augmentation whether it’s equipment pati personnel.
So, iyan ang mga nakikita namin na kailangang tutukan ng pansin aside from iyong pagpapaigting ng testing, tracing, and isolation sa mga local government po natin. So, iyon iyong tingin namin, Sec. Mart.
SEC. ANDANAR: Bakit may ganitong pangyayari kahit na, as per Metro Manila Council ay nearing 50% na ng eligible population ang fully vaccinated sa rehiyon?
PROF. RYE: Ang key problem kasi, Sec. Mart, iyong vaccination ho hinge line instrument natin dito sa pagkontrol ng isang surge. It’s really prospective iyan. Kapag nagpa-vaccinate ka it takes around six weeks ho bago mag-fully effect po iyan. And while maganda iyong drive natin sa vaccination, importante iyan para maprotektahan, magkaroon ng initial protection iyong mga kababayan natin.
Lubhang mas mabilis talaga iyong pagkalat ng Delta kaysa sa vaccination drive natin kaya mataas iyong kaso po. And ang talagang sandata natin laban sa surge talaga ay iyong pagsunod sa minimum public health standards. Ang sandata natin para kaagad bumaba iyan ay iyong testing, tracing, and isolation, ang sandata talaga natin diyan iyong healthcare system natin ‘no, lalo na if it’s kept at normal levels at makakapag-provide ng healthcare lalo na sa magkakasakit na moderate and severe.
Medium to long term, talagang maganda talaga na magpabakuna tayo kasi iyan ang step forward eh. So, parang may race tayo, Sec. Martin, iyong Delta [variant] kalaban natin sa isang race. Ngayon nauuna siya eh sa pagbabakuna pero hindi ibig sabihin na hindi talaga ma-achieve sa matinding pagbabakuna ‘no. From what we have said, matindi na iyong milestone natin, very exceptional na rin po iyong milestone natin sa pagbabakuna.
And after some time ho ang tingin ng ibang scientists magkakaroon po ng decoupling po. Iyong kahit mataas po iyong kaso, kahit mataas po iyong transmission, hindi naman ho dadami ang magkakaroon ng moderate and severe cases, so, iyong mortality ho bababa.
So, hopefully kapag na-attain natin iyong numbers na iyon makikita natin iyong trend na iyan. Pero sa ngayon wala pa po sa NCR. Ganoon pa man we are encouraging everyone to have themselves vaccinated with available vaccines sa mga vaccination center natin.
SEC. ANDANAR: Pero may ibang rehiyon o lugar ba na kinakitaan din ng movement sa reproduction number at positivity rate nitong mga nagdaang araw?
DR. DAVID:Yes. Sec. Martin. Actually, ang isa nating magandang balita iyong sa Cebu City, nakita natin na bumaba na to less than one iyong reproduction number as of yesterday at in line siya with our projections noong two to three weeks ago. Sinabi namin na bumaba na iyong hawaan sa Cebu City at mukhang magkakaroon ng downward trend by first week of September. Ito nga nakita na natin nag-decrease na to less than one iyong reproduction number sa Cebu City at pababa na iyong bilang ng kaso.
Pero ganoon pa man may mga iba pang mga rehiyon na nagkakaroon pa rin ng pagtaas ng bilang ng kaso kasama diyan iyong Cagayan, Tuguegarao, tapos ibang regions sa Ilocos Region, sa Pangasinan. Tapos mabilis din iyong pagtaas ng bilang ng kaso, iyong pagtaas ng reproduction number, tumataas pa rin sa mga ibang region sa Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.
So, iyan ang mga nakikita natin at iyan din ang dahilan doon sa una ninyong tanong kanina kung bakit tumataas pa iyong bilang ng kaso kahit na medyo nakukontrol na natin sa NCR iyong kanilang kaso, may mga ibang rehiyon na nagkakaroon pa rin ng pagdami ng kaso.
SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin ang mga tanong ng mga kasamahan natin sa media. Rocky, please go ahead.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Good morning, Dr. Guido David and Professor Ranjit. Kung sino na lang po ang maaaring sumagot sa inyo, ano po. Tanong po ni Mark Fetalco ng PTV: By how much po ang puwedeng maitalang COVID cases by September? What would you recommend to prevent this from happening?
DR. DAVID:Well, Usec. Rocky, iyong bilang ng kaso [na nakikita natin] ay maaaring humigit siya sa 20,000 cases per day lalo na medyo tumataas pa iyong bilang ng greater than one pa iyong reproduction number sa buong bansa. Sa ngayon, nasa [garbled] iyong reproduction number pero hindi pa naman natin nakikita na tataas iyan na malayo sa 20,000. Maaaring humigit siya doon pero iyong mga nagsasabi kung aakyat sa 30,000, wala pa naman iyon sa nakikita natin ngayon. Kung magkakaroon na ng downward trend sa Metro Manila ay maaano na rin, magpi-peak na rin iyong bilang ng kaso natin sa [garbled] 25,000.
Iyon nga, iyong mga preventions natin na na-mention ni Professor Ranjit na iyong implementation natin ng community quarantine [garbled]. at iyong siyempre iyong mga kababayan natin, mahalaga na sumunod sila sa mga protocols natin para maprotektahan tayo. Ang pagsuot ng face shield, napakahalaga niyan para sa ngayong panahon na may Delta variant na kumakalat sa rehiyon natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod na tanong ni Mark Fetalco: Ano po ang reason bakit bumababa ang reproduction number sa Cebu City? Is it safe na po ba kung ibababa na sa GCQ ang Cebu City after the implementation of MECQ?
PROF. RYE: Well, iyong interventions largely ‘no, iyong successful quarantine, iyong pag-implement ng quarantine na iyon, iyong lockdown nila was [garbled] sinabayan nila ng testing, tracing, and isolation.
And we were also told kasi we have OCTA fellows on the ground sa Cebu, malaking bagay ho iyong hospital management and hospital capacity upgrade sa Cebu po. Malaking bagay iyong kabayanihan ng mga doktor at saka nurses doon. Malaking bagay po iyon sa pagma-manage po ng worst effects po ng surge na nangyari sa kanila.
Medyo mahaba ho iyong experience ng Cebu but when they were able to successfully implement lockdown, testing, tracing, and isolation po, nakita agad natin in less than three weeks po nakita kaagad natin iyong effect po ng successful implementation ng timely and appropriate interventions kasama diyan iyong lockdown, pagpapaigting ng testing, tracing and isolation. At nandiyan rin siyempre iyong cooperation po ng mga kababayan natin sa Cebu. Iyong mga kababayan natin na sumunod sa minimum public health standards.
Now, it’s not for us to say kung kailangan na sila magluwag pero I would think ‘no, dahil kasi the possibility and the reality now that the surge pala is driven by the variant na sometime should be given po bago ho magluwag kaagad. So, importante ho na hindi premature iyong pagbukas.
Pero ang best na makakapag-asses niyan ay ang mga kababayan natin sa Cebu. Pero successful na po iyong intervention, it needs a little more time po para talagang ganap na ho iyong pagbaba. So, iyon po iyong aming tingin sa sitwasyon sa Cebu, it is on a positive downward trend and we’re hoping that it can be sustained.
Iyon ho ang importante eh kasi ho dahil sa Delta variant na ito madali ho kaagad mag-reverse iyong trends eh at madali ho kaagad magkaroon ng hawaan ulit. And we’re seeing also these things, this phenomena in other places around the country. So kailangan ho kaunting pasensiya and kailangan ho medyo conservative ang ating approach para ho talaga ma-sustain iyong gains.
USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Joseph Morong ng GMA News: Would you have data daw po or projection that at current rate of infection versus hospital care utilization rate? May point ba na ma-overrun ng cases ang mga hospitals?
DR. DAVID: Yes, Usec. Rocky, magandang tanong na naman iyan. Iyong hospital utilization natin ngayon, nakita natin sa Metro Manila ay iyong level natin, hospital bed occupancy ay pareho na noong last March, April, ibig sabihin we have the same number occupied beds in hospitals kaysa kumpara noong April. Iyong ICUs naman natin ay nalagpasan na natin iyong ICU occupancy noong April by 200 ICUs. So, ina-acknowledge natin na maganda naman iyong nagawa ng Department of Health, na-expand iyong hospital beds, nadagdagan ng hospital beds, nadagdagan iyong ICUs natin.
Pero ganoon pa man, hindi pa tapos iyong pandemic sa Metro Manila. Although nakikita natin iyong light at the end of tunnel na maaaring magkaroon tayo ng downward trend, maaari pa lang naman, masasabi natin, by second week of September. Iyong hospital utilization mananatili iyang mataas for the foreseeable future, baka throughout September iyan, kasi kahit bumaba na iyong bilang ng kaso natin, higit pa rin tayo doon sa tinatawag na surge capacity, which is around 2,500 to 3,000 cases. Ibig sabihin, hindi agad-agad luluwag iyong number of occupied beds and number of occupied ICUs sa Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Joseph Morong: Would you have current rates daw po ng hospital care utilization rate in NCR at sa buong bansa? And how would you describe the effect daw po ng ECQ and MECQ on these numbers?
DR. DAVID: Usec, iyong hospital rate utilization sa Metro Manila, right now nasa 70, I think it’s around 73% ICU utilization and iyong hospital bed utilization is a little below 70%, if I am not mistaken, mga around 67%.
Noong nagkaroon ng lockdown, it was at that time na nagkakaroon na ng surge sa Metro Manila, may surge na. Kaya patuloy ng … may momentum na, may upward momentum iyong pandemic at patuloy tumaas iyong bilang ng mga kaso. Kaya rin nadagdagan iyong hospital beds occupied at saka iyong ICUs natin. Though iyong effect ng ECQ at saka MECQ ay napababa iyong reproduction number, hindi pa niyan agad napababa iyong hospital utilization hanggang magsimulang bumaba iyong bilang ng kaso ang hanggang bumababa iyong bilang ng kaso below mga 2,500 cases per day sa Metro Manila.
USEC. IGNACIO: Mula naman kay Red Mendoza ng Manila Times: Dr. Guido, although nasagot na po ninyo ito. Pero iyong follow up niya: Kung lalampas daw po ng 25,000 kada araw iyong magiging bilang ng kaso dahil pumapalo pa rin tayo sa 20,000?
DR. DAVID: Usec, anything is possible. Pero hindi pa natin nakikita iyan sa trajectory, tinitingnan natin ito usually, mga one week at the time. Ang nangyayari kasi ngayon, iba-iba iyong trends, may mga areas sa Metro Manila na medyo controlled, hindi pa naman pababa iyong bilang ng kaso, pero controlled iyong reproduction number at bumababa. Pero may mga iba pang areas na tumataas pa iyong bilang ng kaso, sa ilang bahagi ng CALABARZON, Central Luzon. Siguro maglalabas kami ng panibagong projections, pero sa ngayon hindi pa naman nating nakikitang lalagpas ng 25,000 per day.
SEC. ANDANAR: Mensahe para sa ating mga manunood.
PROF. RYE: Well, Sec, you know, it’s time for us to be united, may krisis po tayo ngayon sa COVID-19. Aim for government is to stick to its plan for expanding, testing and isolation. Ang key ngayon is to defend our hospitals, improve hospital capacity by increasing hospital workers, in the next four weeks po kasi po medyo mapupuno talaga siya. Sa ating mga kababayan, kapit-kapit lang tayo, malalampasan din natin itong sitwasyon na ito. Pero kailangan talaga sa ngayon, hindi tayo magpapabaya at kumpiyansa, kailangan sundin natin iyong minimum public health standards.
Matindi po iyong banta ng COVID Delta, pero kung susundan natin iyong mga protocols at saka standards [garbled] ng local government natin at saka ng ating Department of Health, sigurado po hindi tayo mahahawaan at malalampasan natin iyong krisis na ito.
Pangalawa po, kung may pagkakataon po at nakapagdesisyon na kayo ay kailangan po talaga magpabakuna na sa lalong madaling panahon. Marami pong bakunang dadating dito sa NCR Plus at sana po magpabakuna kayo at iyong mga lolo at lola natin. Importante po sa panahon ngayon ay Bayanihan po, we have to all stick together and work together.
Medyo matindi po iyong challenge na binibigay na Delta sa atin, kaunting panahon pa ng pagtitiis, pero malalagpasan natin ito. Like all other surges, the winning formula is we stick to science and follow it. Number two, the winning formula lagi, as far as surges are concerned, is iyong cooperation ng government, civil society at ng private sector po. Tiyak kami na MECQ work and were disciplined po sa pagsunod sa minimum public health standards, magpapabakuna tayo. We will see the light of day and most likely, by the end of September po, we will see downward po hopefully.
USEC. IGNACIO: Secretary Martin, may pahabol lang pong question for Dr. Guido. Mula po kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Paki-clarify lang daw po iyong projection ng pagbaba po ng reproduction rate below 1 by mid-September? For NCR or nationwide po kaya ito?
DR. DAVID: Thank you, USec. Just to clarify for NCR iyon. Pero again projection lang iyon, puwede siyang mas mabilis mangyari iyon, puwede ring ma-delay ng kaunti iyong pagbaba ng reproduction number, maraming factors ang pumapasok dito kasama iyong pagsunod ng mga kababayan natin sa mga health protocols and iyong implementation natin ng quarantine restrictions.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Dr. Guido David at Professor Ranjit Rye mula sa OCTA Research. Mabuhay po kayo! Maraming salamat. Mag-ingat po kayo.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Ingat po!
Samantala umabot sa higit 516 ang bilang ng bagong Delta variant cases na naitala sa bansa kung saan ang pinakamarami dito sa Metro Manila. Naglabas naman ng panibagong ulat ang OCTA Research Group hinggil sa COVID-19 situation sa ilang bahagi ng bansa. Si Mark Fetalco sa detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, nagsimula na ang Marikina City sa pagbabakuna kontra COVID-19 ng mga residente mula sa mga kalapit-lugar. Ito ay bahagi ng inilunsad na We Vax as One Project ng mga lungsod ng [Kalakhang Maynila.] Update doon mula kay Louisa Erispe. Louisa?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong ulat, Louisa Erispe.
Samantala, Senator Bong Go tinanggihan ang pag-iendorso sa kaniya ng PDP-Laban National Executive Committee bilang kandidato ng partido sa pagka-pangulo. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Simula po September 1st ipatutupad na ang paggamit ng One Health Pass para sa mga biyahero at balikbayan na pupunta dito sa Pilipinas. Alamin po natin ang nilalaman ng One Health Pass na ito kasama si Roberto Salvador, Jr., mula po sa Bureau of Quarantine. Good morning po, Director.
BOQ DIRECTOR SALVADOR: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig at saka nanunood po sa inyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, gaano po kalaking tulong itong pagkakaroon ng One Health Pass para sa mga travelers na papunta dito sa Pilipinas kung ikukumpara po sa dating proseso na kailangan nilang pagdaanan?
BOQ DIRECTOR SALVADOR: Opo. Malaking tulong po ito sa mga kababayan natin na uuwi dito sa Pilipinas. Ang purpose po talaga nito is ma-decrease po iyong inconvenience ng mga kababayan nating uuwi dito. Ang One Health Pass po ay inu-automate po lahat ng proseso. Ang gusto po natin sana ay paperless na from the point of origin po ay mag-register na sila doon sa electronic health declaration checklist. And sa pamamagitan po ng pag-register ng isang registration lang po, diri-diretso na po ito na maipapasa sa lahat ng mga ahensiya na tumutulong po sa pag-aasikaso sa mga kababayan nating umuuwi sa Pilipinas tulad po ng OWWA, ng Department of Tourism, ng Marina, ng PCG at ng OSS.
So ito pong mga impormasyon ng mga kababayan natin na iri-register nila doon pa lang sa point of origin, magagamit po ito para po continuous na maipasa ang mga impormasyon, magamit po ito hanggang makauwi sila doon po sa LGU nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Director, kumusta po iyong one week trial na ginawa ninyo para dito [garbled] noong nakaraang linggo, may mga challenges po bang naranasan na kailangan pang isaayos?
BOQ DIRECTOR SALVADOR: Opo. Maganda po, Usec. Rocky, iyong turnout po ng pilot natin noong more than two weeks po tayong nagta-trial. Ngayon po ay umaakyat na po tayo sa more than 80% ang nagku-comply na mag-register doon sa point of origin, doon sa One Health Pass natin.
So mayroon po tayong mga nakikitang mga problema na unti-unti nating inaayos po tulad po ng signal ng internet sa airport natin. So kaya po humihingi po tayo ng tulong nga po sa DOTr na maibalik po sana iyong internet access natin sa lahat ng paliparan po natin dito sa Pilipinas po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero anu-ano pong impormasyon o dokumento ang kailangang ilagay dito sa One Health Pass?
BOQ DIRECTOR SALVADOR: Madali po, user-friendly po talaga ang One Health Pass po. More on information lang po talaga, kaya ang ilalagay ninyo ay personal details, iyong flight details, diri-diretso na po iyong registration.
Pagdating po sa Pilipinas, once na mayroon na po kayong QR code automatic na po, unang step natin is itsi-check kayo ng Bureau of Quarantine. So once na may QR code po kayo, titingnan lang po, i-scan, kapag mayroon na po ay step 2 na po tayo. Punta na po tayo sa orientation area natin kung saan nandoon po iyong OWWA para sa mga balik manggagawa natin, sa mga OFW. Nandoon po iyong MARINA para sa mga seafarers natin and nandoon po ang DoT para po sa mga non-OFW natin.
So, ganoon din po i-scan lang po, paperless po dapat tayo, pagkatapos po doon, diretso na lang po sila sa Bureau of Immigration para magkaroon ng clearance. Then, diretso na po sa hotel. So after po ng hotel, depende doon po sa classification nila kung 7, 10 or 14 days silang magka-quarantine. After po na-ma-swab sila, ma-release po iyong quarantine certificate kino-communicate din po ng One Health Pass sa mga LGU iyong data na mayroong mga ganitong dami ng mga Pilipino na uuwi doon sa locality nila.
So, from start to finish po hanggang mauwi natin nang ligtas at maayos iyong mga kababayan natin sa locality nila.
USEC. IGNACIO: Nabanggit nga po ninyo iyong QR code, so kailangan po talagang may QR code na agad silang mai-present sa eroplano papunta dito sa Pilipinas? At paano ang mga hindi po alam itong bagong proseso na ito? Ano daw po iyong puwede nilang gawin?
BOQ DIR. DR. SALVADOR: Opo, dapat po within three days po before po kayo mag-travel sa Pilipinas, mag-log in na po, mag-fill up na doon sa www. onehealthpass.com.ph natin, para
makakuha kayo ng transaction number. Then, 24 hours po or kapag nasa airport na kayo, bago po mag-check in, bago mag-board, dapat po i-fill up naman iyong electronic health declaration checklist, ito po iyong nagsasabi kung kumusta po iyong pangkalusugan natin, iyong health status natin.
So, doon naman po sa mga hindi marunong or hindi gaano techie or hindi gaano po—nagkakaroon ng problem sa pag-log, puwede po silang magpa-assist doon sa mga airline staff natin. So humihingi rin po kami ng tulong po doon sa mga airline companies na tulungan po iyong mga nagkakaroon ng problem sa pagpasok po doon sa electronic HDC natin sa port of origin po, kung saan sila luluwas po. Salamat po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Director, hanggang kailan daw po ito ipatutupad?
BOQ DIR. DR. SALVADOR: Dire-diretso na po ito. Marami na nga po tayong magagandang mga nakukuhang feedback galing po sa mga umuwi natin na OFW. Kung dati po inaabot po ng oras, iyong process natin, kasi ang dami-dami nilang pi-fill-up-an, bago dumating dito, pagdating dito, ang dami-daming pini-fill-up-an na papel. Ngayon po, dahil po sa one health pass po, napakabilis po ng proseso. Pagdating doon sa airport, pagkakumpleto po ng QR code, in 30 minutes to one hour po makakarating na kayo doon sa hotel, makakapagpahinga po kayo kaagad. And wala na po kayong inaasahang magiging problema dahil konektado na nga po iyong data natin sa lahat ng agency na nag-aalaga po sa kanila.
USEC. IGNACIO: Director, makikibalita na rin po kami dito naman sa issuance naman ng yellow card. Tama po ba na punuan na ang slot hanggang December?
BOQ DIR. DR. SALVADOR: Opo. Iyon na nga po iyong sinasabi namin na nakikiusap kami doon sa mga gustong kumuha ng yellow card na kung maaari po ang kukuha lang po muna iyong talagang mga paalis na, iyong may mga OEC na o iyong mga may ticket na po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director, paano naman iyong mga OFWs natin, iyon na nga nabanggit ninyo iyong malapit na iyong flight pero naubusan ng appointment slot para sa international certificate of vaccine na ito ng BoQ?
BOQ DIR. DR. SALVADOR: Yes po, doon naman po sa mga hindi po talaga makakuha ng slot o ang slot po is malayo na may kailangan na po kaagad ng yellow card, mag-book lang po kahit anong date po ang puwede ninyong makita, then puwede na po kayong pumunta doon sa BoQ para po ma-assist. So mayroon po kaming express lane doon sa mga talagang totoong makakapagpakita na paalis na sila, like iyong mga OFW, iyong OEC natin o iyong mga flight confirmation po doon sa mga normal traveler natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung sakali naman daw pong gumana na itong sa DICT para sa VaxCertPH by next month, tingin ba ninyo ay bababa na iyong demand for yellow card o pamalit na ba ito para po dito sa iniisyu ninyong vaccine certificate?
BOQ DIR. DR. SALVADOR: Magtutulungan po ang VaxCert at ang yellow card po. In time po, baka po dumating iyong time na i-integrate iyong VaxCert doon sa yellow card po natin. So malaking tulong din po iyon VaxCert natin especially pag na-recognize na siya ng country of destination, tatanggapin na kapag may mga hawak na VaxCert sa COVID certification po natin.
USEC. IGNACIO: Doc, basahin ko lang po itong tanong ni Karen Villanda ng PTV sa inyo. Nanghihingi daw po ng tulong ang mga tripulante mula sa MV Olympia na nasa anchorage area ng Manila Bay matapos mamatay ang isa nilang kasamahan sa barko dahil positibo sa COVID-19. Ano po ang update sa kanila at tulong ng pamahalaan?
BOQ DIR. DR. SALVADOR: Iyan pong mga dumarating po, lahat po ng dumarating na barko lalung-lalo po iyong may mga dala-dala po o may mga tripulante po tayo na Pilipino na may sakit na COVID, talaga pong inuuna po natin iyan. Importante lang po lagi silang makikipag-coordinate especially the manning agency po. Makipag-coordinate po sa Bureau of Quarantine, para po ma-implement natin iyong tamang protocol para po maging ligtas lahat, iyong mga tripulante even po iyong mga dito po sa Pilipinas. Importante po kasi is coordination po. So, with regards to MV Olympia po. Ang alam ko po, ngayon po, inaakyat na po siya ng Bureau of Quarantine, ina-assess na po iyong mga tripulante. Ang alam ko po, ngayon po is maibababa na po sila, nakakakuha na po ng quarantine facility at saka hospital po doon sa mga nangangailangan po ng hospital.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sinabi po ni Secretary Duque sa isang nakalipas na interview na bukas siya na gawing libre itong yellow card sa mga OFW? Kung bukas din po ba ang BoQ sa suggestion na ito?
BOQ DIR. DR. SALVADOR: Opo. Napag-usapan din po iyon nila Secretary Duque, iyong mga USec po ng DOH na baka po sakali po na mabigyan po ng pondo ng government iyong yellow card po natin. Kasi ang yellow card po natin is talagang may bayad po since nag-start kami nag-isyu noong 1970s, regulatory agency po kami. So, kung maipapasa po ng DOH na mabigyan po ng allotment para po sa mga kababayan natin na OFW, mas maganda po, okay po sa amin iyon.
USEC. IGNACIO: Panghuli na lamang po, Doc. Roberto. Ang inyo pong panawagan o imbitasyon para po sa mga pupunta sa Pilipinas na [garbled] one health pass?
BOQ DIR. DR. SALVADOR: Opo. Nakikiusap po kami sa lahat po ng kababayan natin na uuwi ng Pilipinas, siguraduhin po na mag-fill up po tayo, na pumunta tayo sa One Health Pass, ito po ay para sa inyo para po hindi po kayo mahirapan sa proseso. So, sundin lang po ninyo iyong mga alituntunin po, iyong mga steps para po makakuha kayo ng One Health Pass, para po maserbisyuhan kayo ng mas maayos po ng mga ahensiya na mag-aalaga sa inyo pag-uwi ninyo rito. Maraming salamat po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat din po sa inyo, Dr. Roberto Salvador Jr. Mabuhay po kayo.
BOQ DIR. DR. SALVADOR: Salamat po. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Limang araw na nag-ikot sa Zamboanga Sibugay ang outreach team ni Senator Bong Go para maghatid ng tulong sa mga essential workers sa lalawigan. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa. Ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. John?
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
[AD]
USEC. IGNACIO: Samantala, pinakahuling balita naman po sa Cordillera Region, ihahatid ni Jorton Campana. Jorton, magandang umaga.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa pinakahuling balita mula sa Region XI. May report si Julius Pacot.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot.
Maraming salamat din po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Magkita-kita tayong muli bukas. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio ng PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)