SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Ekonomiya, hanapbuhay at patuloy na laban natin sa COVID-19 ang laman ng ating talakayan ngayong umaga kaya tutok lang. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Makakasama natin sa programa ang mga kawani mula sa iba’t ibang ahensiya para magbigay-linaw sa mga tanong ng bayan. Ako naman po si Usec. Rocky mula sa PCOO.
SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sa unti-unting pag-shift ng bansa sa digital transaction ngayong may pandemya, Senador Bong Go iginiit na kailangan na ring makasabay dito ang serbisyo ng pamahalaan. Para maisakatuparan ito, malaking tulong ang isinusulong niyang Senate Bill # 1738 o E-Governance Act. Narito po ang report:
[VTR]
SEC. ANDANAR: Hindi pa man tayo tuluyang nakakabangon sa epekto ng COVID-19 noong nakaraang taon, naging hamon pa sa ating ec0nomic recovery ngayon ang patuloy at mabilis na pagkalat ng Delta variant. Iyan ang una nating pag-uusapan kasama si NEDA Undersecretary Rose Edillon. Magandang umaga po sa inyo, Undersecretary Rose. Good to see you again.
NEDA USEC. EDILLON: Yes, magandang umaga po, Secretary Martin.
SEC. ANDANAR: Usec. Rose, matapos ang sunud-sunod na pagpapatupad ng dalawang linggong ECQ at tatlong linggong MECQ sa Metro Manila, ano po ang naging impact nito sa ekonomiya ng bansa?
NEDA USEC. EDILLON: Mayroon na po kaming ginawang pag-aaral dito ‘no na kapag halimbawa iyong ECQ, let’s say kunwari kung sa NCR, iyong—yeah, kung halimbawa sa NCR Plus ang pinag-uusapan natin ‘no, ang bawat linggo po ng ECQ is mga 144 billion eh tapos ang MECQ is mga 74 billion po ang nawawala sa ating GDP. Pero ang mas malaki po dito iyong impact on poverty at saka iyong mga nawawalan ng trabaho.
So kung halimbawa po MECQ sa NCR Plus, ang estimate po namin is mga 310,000 individuals; tapos kung ECQ naman is 607,000 individuals. Kaya nga po ang gusto namin talaga is mas strategic iyong paggamit natin ng tinatawag naming mobility restrictions, ito na nga po iyong magiging pag-shift ng ating policy dito sa pagresponde sa Delta variant; maging strategic sa paggamit ng mobility restrictions tapos tutukan dito iyong contact tracing, testing, tapos iyong mga isolation; and then of course, patuloy pa rin iyong pag-accelerate ng pagbabakuna.
SEC. ANDANAR: Usec., ayon po kay Secretary Karl Chua, remains encouraging daw po ang economic growth ngayong 2021 up to 2022. Ano po iyong pinakamalaking factor sa pagbangon paunti-unti ng ekonomiya?
NEDA USEC. EDILLON: Totoo po iyan ‘no lalo na noong nakita namin iyong second quarter na growth rate natin na malaking bagay din talaga iyong nakita namin na mabilis mag-respond iyong ating labor market na kapag nag-ease ka ng restrictions, mabilis nakakabalik sa trabaho iyong ating mga kababayan.
So ang una pong kailangan talaga natin is risk management dito sa pag-manage nitong virus na ito, nitong COVID na ito. Kailangan talaga natin itong pagbabakuna, i-accelerate iyong pagbabakuna kasi ito talaga iyong susi ng pagbubukas. And then, we need to safely re-open the economy.
Isang nakikita rin namin na parang nagiging very resilient during this time ‘no iyong ating electronic sector. Naging malaki rin kasi ang demand talaga ng electronics, hindi lang dito sa atin kung hindi pati sa mga ibang bansa so nagiging mataas ang ating exports. So talagang kailangan din na ituloy-tuloy natin ito, so tingin namin magiging ano, patuloy pa itong magiging malakas ‘no.
And of course, in terms of the manufacturing, iyong mga nagma-manufacture ng mga health-related na goods, kahit iyong mga pampa-boost ng immune system, iyan magandang ano ito. Ito iyong mga nakikita namin na magiging drivers going forward.
SEC. ANDANAR: Nabanggit din po ni Secretary Chua sa kaniyang report sa pinakahuling Talk to the People ng Pangulo na iniiwasan natin ang long-term scarring effect ng pandemya sa bansa. Ano po ba itong tinutukoy na ‘long-term scarring effect’?
NEDA USEC. EDILLON: Yeah. Ito po iyong talagang kapag sa Tagalog iyong magkakaroon ka ng peklat ‘no tapos mahirap nang mag-heal ito. So nakikita rin namin kasi na iyong sa new normal na sinasabi ‘no, kailangan nating mag-reconfigure talaga ng ating mga economic systems. So kailangan nating baguhin, let’s say iyong mga dining areas natin siguro, hindi na puwede iyong masyadong masisikip ‘no. Pero kapag nag-reconfigure ka ng ganoon, ibig sabihin mayroong madi-displace tapos mayroong mga mawawala siguro na industriya. So ito, ibig sabihin, magkakaroon na ng … kumbaga, kung iyong sa skin mo ‘no, magkakaroon na ng peklat doon kasi may nawala na part ‘no. So ito, kailangang maiwasan din sana natin ito.
Tapos ang isa rin sa concern namin iyong sa learning ng mga bata ‘no, kaya kailangan talaga is ibalik kaagad natin, you know, iyong kaya nating maibalik kaagad para nga hindi magkaroon nitong scarring. So maraming … sa bawat sektor ay puwede kang magkaroon ng scarring so the key here is to minimize itong mga scarring na ito. So doon sa mga madi-displace, kailangan mahanapan natin sila ng ano, saan sila pupunta, anong alternative ang puwede nilang puntahan.
So ang tingin namin, tama iyong ano, iyong we’re going digital. Tingin namin malaki ang prospect going forward ‘no hindi lang dito sa atin kung hindi pati sa ibang bansa rin.
SEC. ANDANAR: Mayroong mga sektor na po ba na nakaramdam nitong binabanggit ninyong long-term scarring effect?
NEDA USEC. EDILLON: Hindi pa naman talaga long-term ‘no pero mukhang papunta rin doon, unless they are able to reconfigure their product. Kunwari iyon pong mga nasa tourism, ito iyong pinaka-obvious. Problema rin kasi—so tulad nung umpisang-umpisang nag-ano tayo, noong sinira iyong ating tourism industry, nakita natin na nagkaroon ng kawing-kawing na effect na ultimately, nagulat tayo, ‘Uy, pati iyong ating – Let’s say iyong poultry industry natin naapektuhan and that is really because malaking institutional buyer itong mga nasa tourism sector natin. So iyong ganoong tipo ba. So kailangan talaga makapag-reconfigure.
But for some of this tourism sector, tingin namin kailangan nilang mag-isip kaagad ng paano nila iri-restructure ang kanilang product offering. Naiisip namin baka more of the structured ba, structured ang mga tours para alam na alam mo kung saan pupunta iyong turista, hindi sila kung saan-saan makikipag-mingle, kung kani-kanino makikipag-mingle. Magkakaroon kayo ng [tourism bubble], dati noon in-experiment na natin iyong tourism bubble eh and so I think that’s also the way to go.
So kailangan pag-aralan pa itong mabuti and how that can be up-scaled. So iyong mga hindi naman talaga kailangan na sobrang negative ang effect, it’s really about restructuring it. For sure may scarring but the thing is kailangan malaman natin kung saan natin, kumbaga saan iyong pantakip ba na gagawin natin para hindi masyadong malalim iyong maging scarring.
SEC. ANDANAR: Itong muling pagtaas po naman, Usec. Rose, ng ating inflation ano, ano po ang effect nito sa ating mga kababayan at inaasahan ba ang pagbaba nito as we approach the 4th quarter of 2021?
NEDA USEC. EDILLON: Yes, opo. Ang malaking contribution po sa inflation natin ngayon talaga iyong sa meat; iyong iba naman po ay seasonal, seasonal factors also to do with the food, iyong mga vegetables natin and fruits ‘no. Kasama na rin po diyan iyong pagtaas ng oil ‘no, iyong mga gasoline, mga fuel products natin. Doon po sa fuel products, imported po iyong fuel natin so ang solusyon po natin talaga dito is in terms of conservation.
Iyon naman pong sa meat products, actually mayroon na po tayong inilatag na solusyon dito. May short term solution tayo na ito iyong mag-angkat tayo from the ASF-free countries na iyong pork, especially the pork products. Tapos mayroon din po tayong medium term solution na nakalatag, iyong tinatawag nating repopulation ng ating mga livestock, ng pork natin especially—well hindi especially, kundi talagang doon sa mga provinces na ASF-free, iyong walang African Swine Fever.
And then towards the medium to long term, gumagawa na po tayo ng parang—kasi virus ito, ito ay parang COVID ng mga ano eh, sa pork naman ‘no, sa swine industry. So ang kailangan natin is ayusin iyong mga immunological studies natin and strategies naman natin para sa ating swine industry.
So going forward, ang nakikita namin dito is parating pa iyong mga iba pa na in-import natin na supply and so hopefully makarating siya in time for the Christmas season, that’s one. And then number two, iyon pong repopulation kasi hindi naman ganoon katagal din ‘no ang pagpapalaki ng mga swine. So hopefully by the time na magki-Christmas is marami na rin ang mga na-repopulate natin at maiayos natin iyong supply.
Siyempre ang isang problema na lang natin iyong mga seasonal factors tulad ngayon, tag-ulan. So it’s really more about ayusin natin iyong logistics and delivery kasi hindi naman—well, mayroong mga kaso siguro na buong Pilipinas ang tinamaan ng bagyo ‘no pero knock on wood, huwag naman sana magkaroon ng ganoon. So magkakaroon pa rin talaga ng mga ibang probinsya na hindi naapektuhan so ang kailangan na lang is makarating siya doon sa mga may mga malalaking demand for these commodities para hindi masyadong maging mataas iyong pagtaas ng presyo.
SEC. ANDANAR: Usec., base po sa inilabas na global ranking ng NIKKEI kaugnay sa COVID-19 recovery index as of August 31, out of 121 countries, nasa ika-120th po ang puwesto ng Pilipinas sa mga bansang nakaka-recover sa mga COVID-19 pandemic. Nauna po rito iyong report din ng Bloomberg ukol po naman sa ating economic recovery o resiliency. Ano pong masasabi ninyo rito?
NEDA USEC. EDILLON: Well totoo naman po na medyo—actually lahat hindi na-exempt ‘no ang mga iba-ibang bansa dito sa COVID-19. Now in our case, ito pong 2021 medyo mas kampante na kami dahil mas marami na tayong alam eh. We have not really, well again baka too early to tell ‘no, pero isang nakikita namin dito ay hindi natin narating iyong tulad ng nangyari sa mga ibang bansa na tinamaan ng Delta. I think the good news in our case is that parang kasabay siya noong pag-accelerate kasi ng pagbabakuna natin eh kaya nararamdaman na rin natin iyong effect na iyon.
So in terms of the economic recovery, ang tingin naman namin dito is sa ibang mga bansa, parang ngayon sila tinatamaan ‘no. Of course we also hope na hindi naman magiging very negative ang tama sa kanila ‘no. Basta ang nakikita namin dito in terms of the COVID ay iyon bang parang hindi sabay-sabay iyong tama ng COVID sa atin in terms of the surges. Mayroong mauuna na bansa tapos susunod iyong isa, tapos susunod iyong isa. So I think ganoon lang iyong nakikita natin dito ‘no. But what we are doing now is really learning from the experiences of other countries at iyon din naman ang dinadala natin dito, so we can learn from it.
Going forward, mayroon naman na tayong nakalatag na plano para sa pagiging resilient natin. So kailangan talaga kaya nakalatag na rin iyong mga panukalang batas sa Kongreso natin, magkaroon tayo ng Virology Institute, I think isa iyon sa naging malaking kahinaan natin this time ‘no. Pero hopefully mabilis nating maia-approve muna iyon, maisasabatas iyon at magiging mas resilient na tayo going forward.
So I think we’re really taking stack of everything. We have actually taken note of the weaknesses of several of our economic systems lalung-lalo na siyempre sa issue ng healthcare and nilalatag na rin naman natin ang mga kaukulang measures. Kaya nga ang Japan Credit Rating Agency actually ni-reaffirm niya iyong ating credit rating in a stable outlook kasi nakita niya na mayroon tayong plano for a more resilient recovery going forward.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa in yong panahon, NEDA Undersecretary Rose Edillon. Mabuhay po kayo.
NEDA USEC. EDILLON: Wala pong anuman. Thank you very much.
SEC. ANDANAR: Samantala, hanggang dito na lang po muna ang ating talakayan ngayong umaga. Ako po muna ay mauuna sa iyo, Usec. Rocky. Magsama-sama po ulit tayo next week. Please take it away, Undersecretary Rocky.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Secretary Martin.
Dumating po sa bansa bandang alas nuwebe y media ng umaga ang karagdagang 502,000 doses ng AstraZeneca vaccine. Binili ang mga ito ng pribadong sektor sa ilalim ng “A Dose of Hope” program. Si Kenneth Paciente para sa detalye.
Babalikan po natin si Kenneth Paciente.
Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa matapos maayos ang COVID KAYA database kagabi, muling naitala ng DOH ang record high new cases na umabot sa 22,820 [garbled] na sa 2,161,892 ang kabuuang cases sa bansa; 61 naman po ang mga nadagdag na nasawi, kaya umabot sa 34,733 ang total COVID-19 deaths. Ang mga kababayan naman natin na gumaling sa sakit ay umakyat na 1,960,487 matapos itong madagdagan ng 12,337 recoveries. Ang active cases natin sa kasalukuyang ay nasa 106,672.
At upang muling kumustahin ang operasyon ng One Hospital Command Center, lalo na sa mga rehiyon sa nakalipas ng isang linggo, makakausap muli natin sa programa si Dr. Marylaine Padlan, mula po sa OHCC. Welcome back, Doc!
DR. PADLAN: Hello po, magandang tanghali po, USec. Rocky. Magandang tanghali po sa lahat ng nanunood.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, hihingi muna kami ng update sa naging operasyon ng One Hospital Command Center nitong mga nakaraang linggo? Masasabi po ba natin na kahit papaano ay ramdam na iyong epekto na ipinatutupad na MECQ sa NCR pagdating po sa dami ng mga tumatawag sa inyo?
DR. PADLAN: USec. Rocky, pagdating po doon sa kung nararamdaman namin iyong epekto ng MECQ dito sa mga number ng request na nari-receive namin, mahirap pong sabihin iyon ‘no.
Sa nakaraang linggo, iyong mga request na nari-receive po namin ay naglalaro pa rin sa same average pa rin po ng around 500 pa rin iyong average na nari-receive naming mga request.
Pero ito po kasi, hindi lang po kasi for COVID-related, mayroon din pong mga non-COVID related minsan, inquiries lang rin po. And at the same time din po, iyong—mayroon po tayong mga COVID cases na hindi rin po tumatawag sa ating hotline. So, mahirap pong masabi, kung iyong effect nito ay dahil sa MECQ sa NCR.
Ang masasabi lang namin regarding ng NCR, simula noong nag-ECQ tayo and noong nag-MECQ noong August until now, di hamak na iyong mga COVID-related cases na na-receive namin na mga request ay tumaas kumpara noong before tayo nag-ECQ or nag-MECQ po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, so mostly talaga COVID-related pa rin iyong mga natatanggap ninyong tawag o marami rin po iyong non-COVID-related emergencies?
DR. PADLAN: Madalas pa rin po ‘no, karamihan ng tawag pa rin namin na emergency talaga ay COVID-related na mga severe and critical cases pa rin po iyong mga nari-receive namin, either COVID confirmed or COVID suspect or probable. Pero may nari-receive naman po kaming pakonti-konti na non COVID-related, like iyong mga manganganak na pasyente, pero madalas po talaga, COVID-related po iyong mga sintomas nila or iyong presentation po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, nadagdagan rin po ba ang mga operation center natin sa probinsiya para sa mas localized iyong pagtanggap po ng tawag?
DR. PADLAN: Mai-establish naman na po na EOCs, mga Operation Center sa mga province simula naman po ito, nagsimula tayo sa COVID response natin. And ngayon po, ongoing na po rather, iyong operations ng mga Regional OHCCs natin and ito iyong mga katuwang natin sa pagri-refer ng mga patients po within their regions, ay inter-regional referral and at the time katuwang din natin sila sa pagmu-monitor din po ng mga pasyente natin sa mga rehiyon po nila.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, kumusta naman po iyong assessment ninyo sa natatanggap na tawag mula sa mga probinsya? Anu-ano pong mga rehiyon iyong nakitaan ninyo ng biglaang pagtaas sa bilang po ng tumatawag?
DR. PADLAN: In terms of provinces or regions po na biglang may pagtaas, ganoon pa rin po na reflected po kung ano iyong HUCR reports natin sa DOH. Iyon din po iyong nakikita namin sa datos namin.
Mga mostly na nari-receive naming mga tawag na mula sa provinces po ay nasa Region IV-A or Region III. Ang madalas po dito sa mga cases na are-receive namin na galing probinsya, madalas or karamihan sa kanila ay moderate to severe iyong mga symptoms nila.
Mas marami na po iyong moderate to severe symptoms na nari-receive namin na galing sa probinsya compared sa mga mild and asymptomatic po.
USEC. IGNACIO: Pero masasabi po ninyo aling mga rehiyon ang talagang mataas sa pag-admit sa mga pasyente, dahil punuan na po iyong mga ospital, at sa mga ganitong sitwasyon, paano po nila tinutugunan iyong mga emergencies lalo na kapag talagang malayo na po iyong ospital?
DR. PADLAN: Iyong mga rehiyon po talaga na talagang may hirap po tayo sa pag-admit, ito pa rin talaga iyong mga nasa critical and high risk natin na mga HUCR po, so namely iyong CAR, Region I, II, III and IV-A and Caraga. Sila po iyong ang talagang mahihirapan pong magpasok, dahil walang mga vacancies sa hospital, o nagkakaroon ng inter-regional referral madalas.
So, kapag malayo iyong ospital na mari-refer-an po ang ginagawa po natin is to always coordinate pa rin with the LGU to monitor the patient and to also provide the transportation for the patient, then we will coordinate with other regions para ma-facilitate po iyong transfer and at the same time, ma-facilitate din iyong referral to their receiving hospitals. Then kapag naman po nagkataon na naging kritikal iyong lagay ni patient ‘no, na ang talagang gagawin po niyan talaga is bring to the nearest hospital, stabilize the patient and once okay for transfer, iku-coordinate na po natin iyong transfer po.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Pagdating naman sa waiting list, gaano po katagal usually, bago po sila mabigyan ng hospital bed?
DR. PADLAN: Depende po iyan sa kaso ng pasyente, sa location ng patient at sa vacancy din po ng hospitals. Kasi ang hospital beds naman po ay hindi lang naman literal na kama, it includes also the manpower and it also includes the supplies, the medicine, the oxygen, the auto supply rather and the mechanical bed po.
So, napapasok naman po agad o nahahanapan naman po kaagad iyong mga critical and severe cases natin, pero mayroon lang pong parang katagalan ng kaunti sa mga moderate cases po natin.
USEC. IGNACIO: Pero, Doc, base naman po sa pakikipag-ugnayan ninyo sa mga ospital, sa ngayon, ano po iyong pinakakailangan talagang tulong ng mga ospital po ha, lalo na sa mga regions?
DR. PADLAN: Ibang bureau po iyong nagha-handle ng mga needs ng hospital. Doon po nila dinadaan iyong mga needs nila, pero usually ang sinasabi naman po nilang mga needs ay mga manpower, medicine and all supply na nabibigyan naman po or napapadala naman po nila iyong request nila, iyong needs nila doon sa bureau natin sa DOH and natutugunan din naman po nito. Pero aside from that, siguro the best help we can give sa mga hospitals natin is to stay healthy and to prevent acquiring COVID-19 po.
USEC. IGNACIO: Opo, nabanggit nga po ninyo na talagang katulad pa rin po ng dati iyong dami ng inyong tinatanggap na tawag ano po. Pero ano na lamang po ang inyong paalala o mensahe sa ating mga kababayan, Doc?
DR. PADLAN: Pinakamainam pa rin po ‘no na gawin natin is maiwasan magkasakit, kasi ito po iyong talagang nagpapakahirap sa atin ngayon, sa kalagayan natin ngayon. So, still follow your health protocols, wash hands, wear your mask, if you cannot avoid going out ‘no, please remember to always apply social distancing and as much as possible, please stay at home and if nagkaroon ng instances na kayo ay nagkasakit, nangailangan kayo ng tulong o hindi po ninyo alam kung ano po ang gagawin ninyo lalo na sa panahon ng pandemya ngayon. Bukas po ang mga linya po amin para tulungan po kayo lagi.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at impormasyon, Dr. Marylaine Padlan, Medical Office, One Hospital Command Center.
DR. PADLAN: Thank you po, USec. Rocky at magandang tanghali po!
USEC. IGNACIO: Samantala atin pong balikan si Kenneth Pasyente, live mula sa NAIA, Kenneth:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Kenneth Paciente.
Sa iba pang balita: Muli pong nadugtungan ang buhay ng isang bata mula sa Batangas na na-diagnose ng biliary atresia matapos pong sumailalim sa matagumpay na liver transplant sa India. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Naglabas po ng anunsiyo kahapon ang Professional Regulation Commission sa pagkansela ng Physician Licensure Examination sa NCR. Ito po ay kasunod sa naging panawagan ng ilang medical students na ipagpaliban muna po ang board exams. Para po ipaliwanag ang naging desisyon ng PRC, makakasama po natin ngayong umaga si Dr. Eleanor Almoro, ang chairperson ng Board of Medicine ng PRC. Good morning po, Doc. Eleanor.
DR. ALMORO: Good morning po. Magandang umaga sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, unahin na po natin itong sinasabing naging dahilan kung bakit po kanselado ang Physician Licensure Exam. Ito po ba ay dahil sa request ng ilang grupo ng medical students?
DR. ALMORO: Ay, hindi po. It’s not true that we cancelled the exam in NCR because of the request of certain associations and organizations to postpone the exam. The recent classification or reclassification of NCR to MECQ, we all know that during ECQ mass gatherings are not allowed. So the Professional Regulation Commission sought the approval of the regional IATF to allow the Professional Regulation Commission to conduct the examination which is the Physician Licensure Exam this coming September 11 and September 12.
So unfortunately yesterday, September 9, the regional IATF denied the request of the Professional Regulation Commission to conduct the examination. So that is the actual reason why the examination was cancelled or postponed in the National Capital Region. However, in the rest of the 10 regions, it will proceed as scheduled.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, iyon nga po sinasabi ngayon na talagang kailangang-kailangan nga po natin itong ating mga healthcare workers dahil sa patuloy po nating pakikipaglaban sa COVID-19. Bakit ngayon pa raw po natin kailangang magkansela ng board exams?
DR. ALMORO: Hindi naman po natin sinasadya na mag-cancel ng board exam. As I mentioned, the quarantine classification of NCR region has been reclassified to an MECQ starting September 8.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, nakikita ninyo po ba sa [garbled] hindi ito iyong magandang panahon ngayon para kumuha ng pagsusulit dahil na rin po sa epekto ng pandemya, kasama na po iyong mental well-being ng mga medical students?
DR. ALMORO: The licensure examination is given by the Professional Regulation Commission and the Board of Medicine twice a year. So we always tell them that if they are ready, they can take the exam. If they are constrained by the pandemic ‘no whether it is physical, medical or mental they can take it in the next available examination because there are individuals who are ready to take the exam and these individuals who are willing to take the exam are ready or needs to work for the Philippines.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, mga ilang exam takers po itong apektado ng cancellation?
DR. ALMORO: So, around 2,600.
USEC. IGNACIO: Opo. So, kailan po iyong magiging bagong schedule [garbled] dito sa Metro Manila at kung kailangan ba daw pong i-refund ng mga estudyante iyong kanilang bayad sa exam?
DR. ALMORO: Okay. The fees that they have paid [with the] PRC can be used in the next scheduled examination. Now the next scheduled examination is on March 2022 because the Professional Regulation Commission has a full schedule of examination for the rest of the year. There are 44 other professional boards that conduct examination.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, paano naman po titiyakin ng PRC na magiging ligtas din iyong magiging examination dito po naman sa mga lalawigan ngayong buwan?
DR. ALMORO: Opo. The Professional Regulation Commission has established minimum health protocols and guidelines in the conduct of examination. In fact we have been conducting examination since September last year and there are no reports of adverse events occurring during licensure examination or incidence of COVID infection provided that they comply with the minimum health protocols.
USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano naman daw po iyong posisyon ng PRC sa plano ng national government na patulungin po sa mas pinalawak na vaccination drive itong mga graduating medical and nursing students at maging po iyong mga hindi pa pumasa sa board exams?
DR. ALMORO: There is actually a provision in the Medical Act – Section 12, Letter D – wherein the Secretary of Health can give special authorization to medical students ‘no, fourth year, those who have completed the fourth year to help the government during times of pandemic. Nasa batas po natin iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. [Garbled] pagkakataon, Doc. Almoro, para po ianunsiyo itong mga kanselado at tuloy pa rin na Physician Licensure Exam. Go ahead, Doc.
DR. ALMORO: Opo. Magandang umaga po sa inyong lahat. Para po doon sa naapektuhan nang pagkansela ng Physician Licensure Exam sa NCR, please watch [out] for the announcement of the Professional Regulation Commission. We are working together to ensure that the stakeholders will be taken cared off. For those who are going to take the examination in the other regions of the country be safe, follow the minimum health protocol so that we can conduct the examination with the health of everybody in mind. Thank you.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyong panahon, Dr. Eleanor Almoro, mula po sa Professional Regulations Commission, mabuhay po kayo.
DR. ALMORO: Salamat po.
USEC. IGNACIO: Samantala sitwasyon naman sa Cordillera Region, kaugnay sa kanilang paghahanda sa typhoon Kiko ang ihahatid ng ating kasamahan na si Debbie Gasingan:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Dumako naman po tayo sa Cebu para makibalita sa bakunahan sa ilang mga liblib na barangay ng Consolacion sa Cebu, may ulat po ang aming kasamang si John Aroa:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, nagpapatuloy rin ang bakunahan para sa mga kababayan nating Muslim sa Davao Region, para sa detalye may ulat si Julius Pacot:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Isa po ang pagkasira ng mga produkto sa mga suliranin na kinakaharap ng ating mga magsasaka at mangingisda dahil po ito sa tindi o hindi agad ito naipagbibili at para po tugunan ang problemang ito, ipinatutupad na ng Department of Agriculture matching. Kung ano po ito, abangan po iyan bukas dahil iyan po ang tampok sa Ani at Kita.
At iyan po ang mga balita at talakayan tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po uli bukas sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
News and Information Bureau-Data Processing Center