SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat ng mga Pilipino saan mang dako ng mundo. Ngayong umaga ay pag-uusapan po natin ang mga pinakahuling balita tungkol sa pagbabakuna sa bansa laban sa COVID-19 at iba pang mahalagang impormasyong dapat ninyong malaman ngayong may pandemya.
Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Kukumustahin din natin ang pagpapatupad nang bagong Alert Level System sa mga barangay sa Metro Manila gayundin sa epekto nito sa restaurant industry.
Magandang umaga po sa lahat, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Simulan na natin, Rocky, ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Sunud-sunod po ang naging pagdating ng bulto ng mga COVID-19 vaccines dito sa Pilipinas, ang ilan ay nagmula sa donasyon habang ang karamihan naman ay binili ng pamahalaan. Pero hindi lang ang pagbili ng bakuna ang plano ng ating pamahalaan sa mga susunod pang taon. Balak ding dalhin ang mismong pag-manufacture ng mga ito dito sa Pilipinas.
Iyan at iba pang usapin ang ating tatalakayin kasama si Food and Drug Administration Director General, Undersecretary Eric Domingo. Magandang umaga po sa inyo, Dr. Domingo.
FDA DG DOMINGO: Magandang umaga Sec. Martin, Usec. Rocky. Good morning po sa inyong lahat.
SEC. ANDANAR: Nabanggit po ninyo, Doc, na itong fill-and-finish process sa naging Talk to the People ni Pangulong Duterte nitong Lunes. How exactly does this work, Undersecretary?
FDA DG DOMINGO: Opo ano, kasi noong start pa lamang taon sinabi na ni Presidente ‘yan na gusto niyang magkaroon tayo ng vaccine manufacturing dito sa Pilipinas. Kaya naman po gumawa po ng task group diyan pinangungunahan po ng DOST, kasama po ang Department of Trade, ang DOH at FDA para makahanap po tayo ng mga partners na mga vaccine manufacturer. Iyong Philippine [garbled] po iyong [garbled] natin, iyong makapag-setup [garbled] dito para po iyong mga bakuna kung ima-manufacture man iyong active ingredient sa ibang bansa, ‘pag inangkat po dito ng malalaking volume, pagdating dito saka na natin siya ilalagay katulad po ng nasa picture sa mga vials, sa mga syringe para po mapaspasan po ang pag-manufacture. And then later on of course ang pangarap po natin ay makapag-manufacture na rin po ng active ingredient ng bakuna dito sa atin pong bansa.
SEC. ANDANAR: Hindi ba ito posibleng gawin as early as this year para mas dumami ang supply natin ng bakuna dito sa Pilipinas at may mga kumpanya na po bang nag-signify na gagawin nila ito?
FDA DG DOMINGO: Well iyon po talaga ‘yung una nating ano ‘no, ginawa. Gusto natin talaga this year para nga hindi tayo ganitong nahihirapan na nag-i-import ng vaccine. So iyon pong DOST saka DTI, mayroon na pong several companies sila na kinakausap. Kaya lang siyempre po itong mga ganitong bagay it takes some time para po mag-material, ma-finalize po ang mga usapan at saka po iyong mga agreements ‘no. So there are several companies that are being looked into now both overseas tapos po local partner din dito sa Pilipinas.
SEC. ANDANAR: Sakaling maging successful po ito, itutuloy na ba ito sa mismong pag-manufacture ng mga COVID-19 vaccines dito sa Pilipinas? May capability ba tayo dito sa Pilipinas to do this?
FDA DG DOMINGO: Sa ngayon oo, iyon ang una natin talagang priority ‘no Sec., talagang mga ano, iyong COVID-19 vaccines talaga para nga po kasi tingin naman natin kakailanganin pa natin ‘yan this year at saka next year. At mayroon namang mga existing factories na rito na nakakapasa naman po sa standards ‘no for fill-and-finish. Iyong mga existing manufacturer na natin na baka maaaring i-realign nila ‘no mula sa ibang gamot na injectable to vaccines so possible iyon.
But of course later on kapag hindi na po COVID-19 ang kailangan na vaccines, gusto rin natin na makapag-branch out din sila into other vaccines na ginagamit natin sa ating mga regular na vaccination programs. Kasi sa ngayon po talagang lahat ng bakuna sa Pilipinas ay ini-import natin for other vaccination programs or for COVID-19. So iyong long term [garbled] COVID-19 ngayon pero later on we should have vaccine manufacturing other vaccines also.
SEC. ANDANAR: Masasabing ito na po ba ang long term plan natin, Undersecretary, para labanan ang COVID-19 na ang sabi nga po ng ilang eksperto ay ‘here to stay’?
FDA DG DOMINGO: Well kasama po talaga ito ‘no, ‘yung ating vaccine sufficiency program sa ating pangmatagalang panahon na pagpaplano. Kasi talagang nakita natin na hindi maaaring tuwing magkakaroon ng outbreak ay tayo ay naghahanap ng bakuna na mabibili mula sa ibang bansa and this is part of our long term planning for that.
SEC. ANDANAR: Ano naman po ang masasabi ninyo sa mga naglalabasang umano’y nasal spray na panggamot sa COVID-19? Base sa pag-aaral sa ibang bansa, sinasabing posible raw effective itong panlaban sa COVID at mas efficient na pamamaraan.
FDA DG DOMINGO: Opo, ano. Mayroon po ngayon na mga under clinical trial, several na mga nasal spray – mayroon pong [garbled]. Mayroon din po actually’ng mga vaccine ‘no under clinical trial na panggamot for COVID-19. [Garbled] wala pa pong approved sa mga ito. Hinihintay pa po nating matapos ang mga trial nito para masabi talaga. Sa ngayon ang available lang po sa atin na mga nasal spray, mga ano lang po ito, mga panlinis ng ilong, pambigay nang konting proteksiyon pero sa panandaliang panahon lamang po iyon at hindi pa naman po sila talaga maaaring gamitin as pampalit sa mga gamot or bakuna kontra COVID.
So iyon pong mga definite na mga vaccines or iyong treatments for COVID na nasal spray are still under clinical trial and we have to wait a little more before po maging available ito sa merkado.
SEC. ANDANAR: May ilan na pong nagbibenta ng COVID-19 nasal vaccine dito po sa ating bansa. Allowed po ba ito, Undersecretary Eric, for distribution dito po sa Pilipinas?
FDA DG DOMINGO: Hindi po ‘no, wala pa pong COVID vaccine na nasal spray na pinapayagan sa Pilipinas or kahit saan pong parte ng mundo. So ‘pag mayroon pong binenta sa inyo na sinasabing COVID vaccine po ito, ito po ay either fake o hindi po natin alam kung ano ang laman nito. Huwag po ninyong gagamitin at paki-report po ninyo sa FDA para mahuli po namin.
SEC. ANDANAR: May bagong data po ba kayo kung dumarami nga ang breakthrough infection sa bansa?
FDA DG DOMINGO: Iyong huling data natin, Sec. Martin, was end of August ‘no kasi monthly po kami nag-a-update. So totoo naman po na mayroon tayong nagkakaroon ng mga breakthrough infection as of August [garbled] parang mahigit isanlibo po iyong naitala sa amin.
Pero nakita rin natin na kung titingnan natin iyong proportion ‘no kasi [garbled] naman po iyong Pilipinong nabakunahan na or 1 or 2 dose so kapag 13 million iyong fully vaccinated. So kung out of 20 million ay mayroon pong nagkaroon ng mga breakthrough infections na ganito na ilang libo lamang, nakikita pa rin natin napakataas po ng protection rate ‘no. Kasi kung hindi po sila nabakunahan iyong 20 million eh daang libo po ang magkakaroon ng COVID-19 sa mga iyon.
Kaya talaga namang although walang 100% na efficacy na vaccine pero napakataas po talaga ng protection rate against COVID lalung-lalo na po sa severe COVID at sa pagkamatay. So hindi po tayo dapat matakot ‘no doon sa breakthrough infection. Ang isipin po natin iyong proteksiyon na naibibigay sa atin ng bakuna.
SEC. ANDANAR: Ano naman po ang aksiyon ng FDA sa mga nagbibenta ng Tocilizumab sa black market na umaabot na ang halaga nang halos 100,000 pesos?
FDA DG DOMINGO: Oo. Simula po [garbled] nagku-coordinate tayo diyan ‘no with the PNP saka sa NBI at mayroon na po tayong several na mga nahuli through our buy bust operations, hindi lang po dito sa Luzon, hanggang Visayas, Mindanao and constantly tuluy-tuloy po iyong operations natin diyan.
And we ask the public, huwag po kayong bibili ng gamot lalo na itong maseselang gamot sa mga sources na hindi kayo sigurado ‘no kung saan nanggagaling dahil malamang po ito ay either counterfeit or substandard at maari pong lalo pa pong makasama sa pasyente.
SEC. ANDANAR: May mga katanungan po ang mga kaibigan natin sa media kasama si Usec. Rocky Ignacio. Rocky, go ahead.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Good morning, Usec. Domingo.
Tanong lang po ni Red Mendoza ng Manila Times: Ano daw po iyong masasabi ng [garbled] sa resulta na lumalabas ngayon tungkol sa Pfizer na epektibo ito sa mga batang 5 to 12 years old at ang isa pang doses ng Johnson and Johnson ay 94% effective pagkatapos po ng anim na buwan na pagkakaturok?
FDA DG DOMINGO: Well, unang-una, iyong efficacy results doon na ongoing, nakakatuwa kasi nakikita po natin noong in-approve po natin ang mga vaccines na ito under Emergency Use Authorization ay ang follow up po ay mga two to three months pa lamang. But now, six to nine months after, we’re seeing that the vaccines are really still working and protecting people. At lahat po ng bakuna ito, hindi lang po iyong Janssen ‘no. So nakakatuwa po ito and it gives us a lot more confidence going into the future vaccinations.
Iyon naman pong sa Pfizer, iyong data po kasi na 12 and above, iyan ang unang pinakita sa atin kaya binigyan na natin sila ng EUA for 12 and above. Ito pong 5 to 12 ay nakita na natin ang reports pero hindi pa pinapakita sa atin iyong [trial] data ‘no. At ang tingin po natin, kapag nakakuha sila ng EUA for 5 to 12 sa US FDA, mag-a-apply din sila dito at ipapakita rin nila sa atin iyong kanilang data which we will ask our experts to look into.
So this is very encouraging kasi mga bagong pag-aaral po ito, bagong dosage strategy, mas maliit po na dosage ang ginagamit sa bata. At kung talagang makita natin iyong [efficiency] at efficacy ay acceptable, then this will expand the possible use ng age range po ng ating mga bakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Red Mendoza: Fourth quarter daw po ay inaasahang makapaglalabas ang Pfizer ng dagdag na trial data kung magiging epektibo rin ito sa mga sanggol as early as 6-month-old. Ano po ang masasabi ninyo rito? Kung sakali raw pong magiging maganda ang resulta nito, may posibilidad po kayang isama na rin ang bakuna kontra COVID-19 sa neonatal [list]?
FDA DG DOMINGO: Oo ‘no kung magiging maganda iyong resulta. So ito talaga iyong normal na strategy at saka talaga pong pagti-test ng bakuna, una sa adults tapos po age groups na pababa nang pababa. So ginawa nila iyan to 70 and above, 12 to 16, 5 t0 12, and now they will go down to 5 and younger. A few months kasi, siyempre po mas delikado sa [bata, kaya] i-test muna natin talaga iyong safety.
So kapag makita naman po talaga natin na maganda rin ang resulta nito, then basta po iyong safety profile ay nandiyan at iyon pong efficacy ay maganda, then it will have a good chance also of being used in our [babies].
USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po, Usec. Eric.
FDA DG DOMINGO: Maraming salamat din po.
SEC. ANDANAR: [OFF MIC] Undersecretary Eric Domingo, mula po sa FDA. Mabuhay po kayo and stay safe.
That’s it for me today. Usec. Rocky, take it away.
USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin.
Samantala, mga Malasakit Center sa probinsiya ng Western Visayas bukas na; Senator Bong Go patuloy ang pagsulong para sa mas magandang healthcare access sa buong bansa. Narito ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Halos isang linggo pa lang po ang nakakalipas mula nang ipatupad ang alert level system dito sa NCR nasa 239 areas na po agad ang isinailalim sa localized lockdown. Kaya naman kumustahin natin ang implementasyon nito sa lebel po ng mga barangay, makakausap po natin si DILG Undersecretary for Barangay Affairs, Undersecretary Martin Diño. Good morning po, Usec.
DILG USEC. DIÑO: [TECHINICAL PROBLEM]
USEC. IGNACIO: Usec., ayusin lang namin ang linya ng komunikasyon sa inyo, ano. Hindi po namin kasi kayo naririnig. Paumanhin po. Babalikan po namin kayo.
Samantala, base po sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon, nadagdagan ng 16,361 ang kaso ng COVID-19 infections sa Pilipinas. [Mas] mababa iyan sa nakalipas na dalawampung araw. Pumalo naman po sa 2,401,916 ang bilang ng lahat ng mga nahawahan ng virus sa Pilipinas. Twenty-one thousand nine hundred seventy-four naman po ang mga bagong gumaling kaya umabot sa 2,193,700 ang recoveries. Thirty-seven thousand, seventy four ang total deaths. Samantala, matapos pong maitala ang dagdag na 114 deaths dito kahapon, 7.1% ng total cases sa bansa ang ginagamot pa rin hanggang sa ngayon o katumbas ng 171,142 active cases.
Sa kasalukuyan po ay nasa Alert Level 4 ang buong Metro Manila, ibig sabihin po ay pinapayagan na muling mag-operate ang ilang establisyimento sa limitadong kapasidad. Halimbawa, sa mga restaurant, 30% capacity ang pinapayagan para sa al fresco dine-in, habang ten percent capacity naman po ang sa indoor basta fully vaccinated na ang costumer.
Pero sa ngayon, pinag-aaralan na rin umano ng pamahalaan ang posibilidad na pataasin pa ang allowed capacity dito. Kaya naman po kumustahin natin ang restaurant industry sa bansa kasama po si Ginoong Eric Teng, ang presidente ng Restaurant Owners of the Philippines. Magandang umaga po, Sir.
MR. ERIC TENG: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Maraming salamat po sa pag-imbita sa RestoPH.
USEC. IGNACIO: Opo. Mr. Teng, kunin ko muna iyong reaksiyon ninyo dito po sa as per DTI Secretary Lopez ay pinag-aaralan na nga pong pataasin pa ang allowed capacity sa mga restaurants na [garbled] sa indoor ay gagawing 20%.
MR. ERIC TENG: Opo. Iyon po kasing situation namin ngayon Alert Level 4 is 10% lang po ang indoor, natutuwa po kami kung puwede na pong maakyat sa 30% per Level 3 dahil sabi naman po ang cases po ng COVID natin ay medyo nag-stabilize na kaya nagpapasalamat po kami na puwede na pong i-consider ang pagpapaluwag po ng alert levels namin.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, pinatatanong lang po ni Red Mendoza ng Manila Times kung kayo po ba ay hopeful na mapagbibigyan ng gobyerno ang iyong hiling na taasan pa ang capacity ng mga kainan [garbled] kahit na inaalmahan ito ng WHO dahil sa posibleng diskriminasyon?
MR. ERIC TENG: Kami po naman, ang hinahabol po namin ay ang maibalik po ang kabuhayan ng aming mga empleyado, server, dahil kawawa naman po sila, wala po silang ayuda mula po nang nag-lockdown. Kaya humihingi po kami ng pag-unawa sa ating public na ang sitwasyon po kasi ng restaurant ay hindi po kagaya ng ibang industriya; kami po ay unang sinasara, kami po ang unang may restrictions.
Kaya sana naman po since ang karamihan po ng staff namin ay bakunado na, humihiling lang po kami na mabigyan po sila na makapagtrabaho na uli. Iyon naman po sa situation na kapag 30% na, wala na pong restriction iyon whether vaccinated or not kaya inaabangan po talaga namin iyon.
[STATION AD]
USEC. IGNACIO: Balikan po natin si Mr. Eric Teng, paumanhin po.
Sir Eric, one week po after ng implementation ng Alert Level System dito sa Metro Manila, kumusta na po ang restaurant businesses natin, nakakabawi-bawi na po ba tayo kahit papaano?
MR. ERIC TENG: Ang habol lang po namin ay dahan-dahang pagbubukas dahil hindi naman po kami naghahangad na bilisan po natin ang pag-reopening dahil kailangan din po namin intindihin ang problema po ng ating mga ICU at ating mga medical frontliners.
Kahit dahan-dahan lang po kaming mag-open, happy na po kami. Kahit 10% lang po naman ngayon it’s better than zero pero matagal pa po iyon bago kami makapagbawi at maging normal.
Kaya sana kung talaga po namang tama ang datos na nag-ii-stabilize na po iyong ating COVID cases ay isabay po sana nating, you know, pag-relax po ng restrictions at pag-increase po ng capacity ng restaurants.
USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta naman po iyong pag-e-enforce ninyo ng “No vaccine card no dine-in” sa mga restaurant, nasusunod naman po ba ito?
MR. ERIC TENG: Marami pong nagagalit dahil hindi po dala iyong mga vaccine card and ang gusto po sana namin ay i-enforce po sana iyong instructions sa amin na kailangan humingi ng vaccine card kaya lang naiintindihan naman po ng mas nakakarami na talaga pong sa ngayon lang naman po ang restriction na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Eric, ano naman daw po iyong reaksiyon ninyo doon sa magiging umano’y crackdown ng pamahalaan sa mga negosyo including restaurant na hindi pa bakunado ang mga empleyado dahil nakasaad po sa IATF guidelines dapat vaccinated na po ang isang establishment bago mag-operate?
MR. ERIC TENG: Well, nakakaawa din po kasi ang mga empleyado ng restaurant. Marami rin po ang hindi nakakapagbakuna dahil sa lugar nila hindi pa po sila natatawagan or naka-partial vaccination pa lang sila at hinihintay po nila ang second dose lalo na po kung iyong Sputnik medyo matagal po ang hinihintay sa second dose.
Kaya sana naman po maintindihan at mabalanse din natin ang problema ng restaurant industry. Gusto naman ng karamihan na makapagbukas nang bakunado ang staff kaya lang po iyong ibang lugar po iyong mga empleyado sa mga barangay nila nahirapan po silang makakuha ng vaccines.
Iyon naman pong mga restaurants na nagki-cater naman po talaga sa vaccinated, hinahanap po ng customers namin right now, kapag nalaman nilang vaccinated ang staff papasok po talaga sila at nagtatanong pa kung vaccinated ba ang staff namin o hindi.
So, siguro ngayon lang naman po kailangan po natin siguro ng kaunting tulungan, compromise para lang po malampasan natin itong Alert Level 4.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Eric, may data po ba kayo kung ilang porsyento na ng restaurant workers ang bakunado?
MR. ERIC TENG: Iyong sa amin po, 100%. Marami pong restaurant lampas na po ng 90% and iyon naman pong hindi pa vaccinated, for example iyong iba either may health concerns or pregnant sila. Kung sa bagay ang pregnant women are not allowed to work ngayon so there’s that difficulty na kailangan naming ma-overcome, pero karamihan po ng mga restaurant owners, restaurant employees gusto po talagang magpabakuna.
USEC. IGNACIO: Opo. May datos din po ba kayo kung ilang restaurants ang kinakailangang magsara dahil sa epekto ng pandemya? Gaano po naging katindi ang epekto ng higit isang taong pandemic sa bansa sa mga restaurant owners?
MR. ERIC TENG: Magandang tanong po iyan kaya nga lang po napakahirap sagutin dahil ang isang restaurant industry ay napaka-diverse. Mula po sa five star hotel restaurant hanggang po sa maliit na karinderya ang tawag po namin doon ay restaurant, kasama po sila sa restaurant industry.
Now, pumunta lang po tayo sa mga university belt areas, sa mga school areas, siguro iyong nakasanayan nating pinagkakainan dati ng ating lunch ay sarado dahil wala pong school at may lockdown pa.
Iyon naman pong mga nasa mall, iyong mga maliliit na mall, siguro kalahati na po ang wala din ang mga restaurant operator. Ang nagsu-survive po ngayon iyong mga nasa malalaking mall na mataas po iyong foot traffic nila. Siguro, doon naman po sila nakakapag-ano po ng kaunting negosyo.
Doon naman po sa mga central business districts, marami na rin po ang nagsara dahil marami pong work-from-home na arrangements po ngayon.
Kaya lang po, inaasahan po namin na iyong mga nagsara nang temporary ay hindi na po tuluyan sanang maging permanent closure. Kaya kailangan na po namin talaga as soon as possible and as safest possible na i-allow po kami ng extra capacity para mabawasan po namin ang casualty namin sa restaurant industry.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Eric, nabanggit ninyo nga po na hopeful kayo na magkakaroon ng resurgence sa restaurant industry ano po, ito iyong tinatawag na ‘revenge dining.’ Can you expound this further, Mr. Teng? Ano ba ang naging sitwasyon ng atin pong restaurant businesses sa ibang bansa after po nilang mag-reopen ng ekonomiya na masasabi pong posible ring mangyari sa Pilipinas?
MR. ERIC TENG: Opo. Dahil ang naobserbahan po namin for example sa New York, sa L.A., sa San Francisco, kung mataas na po iyong vaccination rate nila, iyong mga restaurants—actually, iyong daily life nila hindi na po sila mandated na mag-mask at iyong social distancing medyo nagri-relax na, iyong mga restaurants medyo full house, pero hindi pa rin nari-report na may mga surges doon sa mga areas nila.
In other countries naman sa Asia like in China, iyong mga restaurants doon I’m told iyong mga ka-member namin, 120% na po higher than iyong pre-pandemic levels nila dahil po highly vaccinated na rin po ang mga urban populations nila.
So, hindi naman po ito a long term difficult na problem, it’s a problem lang na kailangan nating i-manage on the long term. It might even be a permanent problem for us pero hindi na po siya siguro magiging kasing lala noong nakaraang 18 months na baka mangailangan po ng lockdown.
Sa tingin po namin dahil sa taas po ng vaccinated population natin puwede na po nating maabutan iyong almost normal na situation sa restaurant industry kagaya po ng ibang bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sir Eric,, sa palagay ninyo kailan mangyayari itong tinatawag na ‘revenge dining’ dito sa Pilipinas? Siyempre, susi po dito ang pagiging full vaccinated ng mas maraming tao, tama po ba?
MR. ERIC TENG: Opo. Ganito po ang dining industry namin sa restaurant: Every time there’s a birthday, every time there’s a celebration, mayroon na pong gustong pumasok ng restaurant. Nakita po namin iyan noong Valentine’s Day, nakita po namin noong Mother’s Day and malapit na po ngayon ang Pasko.
So, ini-expect po namin na iyong pagsakal po ng restaurant industry kapag in-allow na po nating makabalik ang public, nandiyan naman po ang consumer, hindi naman po nawala eh, pinagbawalan lang kaming mag-serve. So, once na maging comfortable ang public then I’m sure they will come out again. There will be revenge dining maybe even revenge shopping, revenge vacation, babawi po sila doon sa 18 month po na magkakulong.
USEC. IGNACIO: Pero, sir, paano kung i-extend pa ng dalawang linggo itong pilot run natin dito sa Metro Manila, sang-ayon po ba kayo? Sa palagay ninyo ay maganda ring palawigin ito outside ng National Capital Region, iyong implementasyon nitong Alert Level System.
MR. ERIC TENG: Gusto po naming isipin na ang restaurant industry ay isang responsableng industriya; ang habol po rin namin ng kahit sino pong nagri-restaurant ay ang public safety. Kung dangerous po talaga for the public, kami po ang hindi mag-i-insist na mag-open counter. In fact, kami po iyong isa sa mga nauna na nagsabi noong July na siguro kailangan natin mag-lockdown, early lockdown para hindi po maging wide ang surge ng Delta variant.
So, tama naman po ang nangyari, dahil mukhang mas nako-control ang Delta variant sa ginawa naming sacrifice. Hindi po kagaya ng ibang bansa na halos four months ang experience nila sa Delta, sa atin ay over six weeks and ang hope namin is that for the next 30 days ay makikita po natin iyong benefit ng sacrifice na ginawa ng restaurants industry noong August.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir Eric, kami po ay nagpapasalamat sa pagbibigay ninyo ng panahon sa amin. Mag-iingat po kayo Ginoong Eric Teng ng RestoPH. Salamat po.
MR. ERIC TENG: Maraming salamat po, stay safe po.
USEC. IGNACIO: Samantala, balikan po natin si DILG Undersecretary for Barangay Affairs, Under Secretary Martin Diño. Usec.?
DILG USEC. DIÑO: Hi, Usec. Rocky at sa lahat ng nakikinig at nanunood at sa atin ngayon lalung-lalo na sa 42,047 barangays all over the Philippines, mabuhay po kayo. Stay safe.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta po so far ang implementation ng granular lockdown sa mga barangay? May mga nakakaabot po ba sa inyong challenges nila sa pagpapatupad nito?
DILG USEC. DIÑO: Alam mo, Usec. Rocky, ito pala iyong talagang dapat na naging solusyon natin dahil noon takot na takot tayo pagka iyong halimbawa ay nakita natin na lumalampas na ng 20,000 iyong mga nagpa-positive o iyong mga resulta araw-araw. Pero, kung tutuusin pala, there are 1,710 Barangay all over Metro Manila.
Kamukha ngayon halimbawa, 17,000 ang nahawaan or nag-positive. So, lumalabas lang na 10 tao lang ang naaapektuhan kada barangay. So, ngayon iyong 10 tao na iyon, ito na iyong sinasabi nating granular lockdown na kung saan ito lang iyong iku-concentrate ng gobyerno or ng barangay, ng siyudad.
Kung baga, sabi nga di ba, sa alert level number 4 puwede tayong mag-lockdown ng bahay lang. Kung ano lang iyong bahay na natamaan, kung isang bahay, dalawang bahay. Ngayon naman kung isang kalsada, isang kalsada lang ang ila-lockdown natin. Kung daw building, halimbawa hanggang 10th floor iyan, 5th floor lang ang naapektuhan, iyong 5th floor lang ang isasara natin.
So, dito kamukha ng nangyari ngayon na kung saan gumagalaw ang ekonomiya. Ang sabi nga ni Sec. Año, kung ang kamay ko ang tinamaan, kaliwa. Dito lang tayo magla-lockdown at iku-concentrate natin ang lahat ng resources ng gobyerno – pagkain, gamot, [inaudible]. Ngayon gumagalaw ang aking kanang kamay, kanang paa, iyong ulo. Ibig sabihin ang ekonomiya ay umiikot sa isang barangay, sa isang siyudad, sa isang probinsiya.
At dito nakita ninyo naman ang naging result agad natin, unti-unting bumaba dahil nata-target natin kung sino lang ang mga naapektuhan at kaya lang kailangan, kamukha kanina noong ini-interview mo si President Eric ng ating mga restaurants, talagang sumunod kayo sa health protocol. Kaya nga ngayon sa alert level 4, 10% ang indoor, 30 % ang al fresco.
Pero sa indoor, iyon na nga makikita mo, Usec. Rocky, laging nakasabit ang aking face mask, at nakasabit na ang aking ID at vaccination card. Dapat ngayon ire-request ko sa Inter-Agency Task Force para maiutos sa lahat ng mga barangay na ito na sana ang maging sakripisyo ng bawat Pilipinong nabakunahan. Kung ikaw ay bakunado na, paglabas mo ng bahay isuot mo na iyong vaccination card.
Why? Kamukha ng sinabi ni President Eric kanina, iyong mga parokyano o iyong mga papasok sa [restaurant], tinatanong nila bakunado na ba? Papaano mo malalaman na bakunado kung hindi nakasabit ang vaccination card at paglabas mo ng bahay hindi ka na maabala ng pulis, ng barangay, na tatanungin ka. Nasaan ang vaccination card mo? Kung antimanong isasabit mo na sa iyong dibdib, di ba.
Alam ninyo, nakita ko ito noong bumiyahe ako, sabi sa akin, “Usec., ano iyong malaking [nakasabit]?” Sabi ko vaccination card. “Ay Usec. Safe ako tumabi sa iyo kasi bakunado ka na.” Siguro isa nating maging ano ito. At saka iyong face mask ito iyong pinaka-safe natin dahil kapag itinakip mo ito sa ilong mo at sa bibig ibig sabihin hindi na tatalsik ang virus, kaya nagiging successful tayo dito sa ating programa sa granular lockdowns.
Alam mo, kasamang Rocky, hindi na bago ito, last year pa ito. Mayroon tayong tinatawag na surgical lockdown. Kami sa DILG inilabas na namin ito noon na kapag naapektuhan ang isang kalsada, iyan ang ating ila-lockdown, kapag naman isang village iyon ang ating ila-lockdown.
Kaya lang siyempre mayroon magdidesisyon kamukha ng Department of Health. Pero, I hope this time makikita natin na talaga ngayon maganda itong granular lockdown, lalung-lalo na sa amin sa barangay.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit ninyo sa isang interview kahapon na hindi naman po labag sa batas iyong ginagawa ng Pateros na paglalagay po ng yellow ribbon sa mga bahay na may positibong kaso ng COVID-19. Pero, kayo po sa DILG, ini-encourage ninyo po ba iyong ganitong sistema? Tingin ninyo po ba ito ay magiging epektibo rin?
DILG USEC. DIÑO: Hindi. Ako, tinanong lang kasi ako kahapon tungkol doon sa ano ang aking personal na tugon doon sa ginawa ni Mayor? Kasi tingnan mo, Rocky, halimbawa isinara natin itong isang bahay, hindi ba nakalagay iyan sa ano sa granular lockdown. Puwede kang magsara ng isang bahay eh paano mo isasara hindi ba magbabantay ka, babantayan mo iyong bahay na iyon? Iyong naka-lockdown na iyon para siguraduhin natin na iyong bahay na iyon ay walang lalabas.
Kaya nga mayroon tayong mga panuntunan, ano-ano iyan? Tingnan mo, kapag ikaw ay naka-granular lockdown, ang puwede lang lumabas sa bahay na iyan kung may nagta-trabaho na sa ospital, iyong mga healthcare at saka essential worker and uniformed personnel, di ba? Iyan ang nakalagay. Tapos ngayon ang individual na dadalhin mo na sa hospital, iyong emergency.
Okay, sino pang puwedeng lumabas diyan sa bahay na iyan? Kung ang OFW ay papunta na ng abroad at kumpleto na iyong papeles niya. Sino pa? Iyon namang OFW na nakapag-undergo na ng quarantine procedure at uuwi na doon sa bahay na iyon. Pero, kapag ikaw ay umuwi na sa bahay na iyon, hindi ka na puwedeng lumabas sa loob na itinatakda ng Department of Health kung gaano katagal iyong granular lockdown para diyan di ba?
So, ganito natin nababantayan ngayon, halimbawa, isang floor, 5th floor. So, may bantay ka doon sa 5th floor pero doon sa ano gumagalaw. Kaya iyan ang ini-explain ko kahapon. Ang hindi ko naman sinabi kahapon na ire-reveal mo iyong pangalan, iyan ang bawal. Bawal na bawal na ire-reveal mo iyong pangalan ng naapektuhan ng COVID-19.
Kaya lang siyempre, kailangan ma-identify natin kung saan iyong umpisa ng lockdown. Halimbawa, kalsada. Saan nag-umpisa na bahay? Saan natapos na bahay? Kaya nga mayroon tayong entry point, hindi ba, iyong boundary. Kapag nagpadala ka ng pagkain doon mo ibabagsak lang sa check point dahil ang magdadala ng pagkain na iyon ay barangay na, di ba?
Puwede kang umorder ng pagkain kahit naka-granular lockdown ka. Pero, hindi idi-deliver noong provider hanggang sa bahay mo dahil ganoon ang lockdown. So, iyon lang naman ang ibig sabihin natin na iyong ginawa ni Mayor para lang ma-identify niya sino iyong bubuhusan ng todo-todong ayuda.
Pero, dito sa granular lockdown alam na naman na hindi alam ng community o noong mga kapitbahay. Pero, siyempre ina-identify natin at saka siyempre nakabantay tayo doon sa na-identify natin na nalagyan ng granular lockdown. Okay, di ba klarung-klaro iyon? So, iyon lang ang ibig sabihin natin doon, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., nito pong nakaraan ay umapela si MMDA Chairman Benhur Abalos sa DSWD kailangan na raw nila ang tulong ng ahensiya para sa ayuda ng mga apektado po ng lockdown. ‘Di po ba nakasaad sa guidelines ay unang pitong araw ay manggagaling ang ayuda sa LGU, bakit napaaga ‘ata po ‘yung paghingi ng tulong; tama po ba ito?
DILG USEC. DIÑO: Hindi, tama ‘yan, kasi una, eh ito nga eh makakatipid nang kalaki-laki ang gobyerno. ‘Di ba pagka nag-ECQ tayo, sino ang binibigyan natin ng ayuda? Ang buong siyudad, buong probinsya tapos buong barangay, pero ngayon palagay ko makakatipid tayo lalung-lalo na ang DSWD dahil kung halimbawa sa isang barangay, sampung tao lang ang naapektuhan, eh ‘di sampung tao lang ang aayudahan ng lokal at nasyonal – ng DSWD.
Alam mo kasamang Rocky, baka nga ang mangyari dahil sa todo-todong ayuda ang maibibigay natin doon sa mga naapektuhan ng granular lockdown, eh siyempre baka iyong iba… kami rin may positive dito sa amin, kasi nakita nila na talagang iyong full force ng resources ng gobyerno ay maitututok natin doon lang sa… kumbaga targeted—na-target na natin kung sino iyong mga nag-positive. Okay?
So iyon ang maganda dito na hindi natin pakakainin iyong buong barangay na hindi naman sila naapektuhan pero inaayudahan pa rin ng gobyerno.
Kaya dito malaking katipiran at makikita mo ‘to, magiging pababa nang pababa ito dahil magkakaroon tayo ng concentration eh, doon lang sa mga naapektuhan at iyong lang naman ang pinag-uutos ng DILG – kahit na tayo ay naka-granular lockdown o kung anuman ang alert level po, don’t forget – huwag na huwag ninyong kakalimutan, ito kasama na ‘to sa damit natin – ang pagsusuot ng face mask, ang paggamit ng face shield at saka iyong social distancing.
At iyon na nga, ako siguro ang magiging pakiusap ko na dapat ‘pag lumabas ka ng bahay mo, mayroon ka nang tinatawag na – ito ‘yung full vaccination card. Tapos kung halimbawang first dose, mayroon ka na ring ID. Tapos halimbawa’t naka-schedule ka na eh kumbaga ‘ayan ‘yung mga ilalapit natin na magkaroon ng special naman na ano, privilege. Dahil kanina sinabi ni President Eric na mayroong isa pa lang ang bakuna, baka puwede nang ano dahil sa pag-iintay natin ng second dose. So tingnan natin kung halimbawa’t ano, kung halimbawa’t mapayagan ng Inter Agency Task Force.
Pero ang maganda dito, iyong vaccination card na ‘yan ay magagamit mo na. Kamuka ‘yan, makakapasok ka na [garbled]. Ngayon effort talaga at maa-identify natin pagka ang barangay halimbawa ang naapektuhan sa inyo, iyong nagga-granular lockdown ninyo walang nangyari, ibig sabihin may pagkukulang ang ating barangay, ang ating kapulisan. Okay?
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong lang po iyong kasamahan natin sa media sa inyo. Tanong po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: May reported incidents na po kaya na natanggap ang DILG ng mga taong nag-violate ng granular lockdown sa NCR; if yes, ilan po ang nasabing cases?
DILG USEC. DIÑO: Kanina may lumabas na eh na isang babae na nandoon sa granular lockdown tapos lumabas. So ito, actually ngayon minu-monitor namin nang husto ‘to pero so far iyon palang nag-ano—kasi unang-una, sabi ko nga sa inyo ngayon, binabanta—ang dali eh, ang puwersa ng barangay ay nakatutok lang. ‘Pag sinabi kamukha dito sa Quezon City, mayroon ditong identified na barangay, ang full force ng barangay na iyon ay nakatutok doon lang sa kalsada na iyon.
Eh biro mo dito ang mga—halimbawa Commonwealth, mga 100,000 plus ang ano diyan eh, more than 100,000 plus ang bahay pero isang kalsada lang. So ang tauhan ng Commonwealth nasa mahigit limandaang, so nakatutok iyong puwersa ng barangay diyan at saka puwersa ng siyudad, ang health department ng Quezon City. Tapos siyempre pinaghandaan na rin nila Mayor Joy iyong ayuda, iyong ipakakain natin sa loob ng labing apat na araw doon sa – halimbawa sabihin mo nang dalawampung tao ‘yan so nakatutok tayo sa dalawampung tao; sabihin nang isang kalsada ‘yan, sabihin mong singkuwenta/isandaan tao nakatutok tayo sa kanila hanggang gumaling sila.
So iyan ang maganda ngayon na kung saan hindi spread out ang pondo ng gobyerno kundi specific, targeted… ‘yan ang maganda ngayon. Kaya’t makikita mo ang pagbaba nitong mga ano—ito ang magiging epekto.
USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa pagbibigay ninyo ng panahon Undersecretary Martin Diño ng DILG.
DILG USEC. DIÑO: Maraming, maraming salamat. Again paglabas ninyo, dala ninyo na iyong vaccination card, mag-face mask kayo tapos siyempre hangga’t may face shield – ito lang po ang paraan habang wala kayong bakuna or talagang magpabakuna tayo. So stay safe. God bless us all. Maraming salamat, Usec. Rocky, mabuhay ang buong Pilipinas!
USEC. IGNACIO: Salamat po.
Samantala, hindi po maikakailang naapektuhan ng pandemya ang larangan ng palakasan sa bansa. Kaya naman po hindi rin nakalimutan ng pamahalaan ang mga sports technical officials at iba pang sports workers na nawalan din ng trabaho dahil sa COVID-19. Kamakailan sila naman po ang inayudahan ng DSWD at ng tanggapan ni Senator Bong Go. Narito po ang detalye:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ihahatid ‘yan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.
Sa Davao City, nagpapatuloy po ang bakunahan sa COVID-19 vaccination center sa Matina Town Square. Ang detalye hatid ni Jay Lagang:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Target ng lokal na pamahalaan ng Cebu City na makamit ang herd immunity sa kanilang lugar bago pa man sumapit ang Kapaskuhan. Kaya naman ang ilan sa kanilang vaccination sites ay tumatanggap na ng walk-in. May report si John Aroa.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Good news: Dalawang Cordillera films na ginawa sa panahon ng pandemya, nominado sa 11th International Film Festival sa Manhattan, New York. Iyan ang report ni Alah Sungduan:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
At maraming salamat din po sa pagsama ninyo sa amin ngayong umaga. Mga kababayan, 94 days na lang po ay Pasko na.
Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita tayong muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##
—
News and Information Bureau-Data Processing Center