Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #62
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Nasa ikapitumpu’t limang araw na mula nang isinailalim ang bansa sa community quarantine at hangga’t walang bakuna, nariyan pa ang banta ng COVID-19 sa bawat isa. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Kaya patuloy naman ang pamahalaan sa pagpapaalala sa ating mga kababayan nang ibayong pag-iingat at pagpapatupad ng polisiya na makatutulong sa paglaban natin sa nakamamatay na COVID-19.

SEC. ANDANAR: Ngayong araw, isang oras na makabuluhang diskusyon at mahahalagang impormasyon ang muli naming ihahatid po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Secretary, kasama pa rin ang mga kawani at opisyal ng pamahalaan, aalamin na natin ang pinakahuling update kaugnay pa rin sa COVID-19 pandemic. Ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ako naman po si Secretary Martin Andanar at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang po ay makakausap natin sina Department of Education Secretary Leonor Briones; DepEd Undersecretary and Chief of Staff, Attorney Nepomuceno Malaluan; Usec. Annalyn Sevilla, DepEd Undersecretary for Finance; at mula naman po sa Department of Finance, makakausap natin si Assistant Secretary Antonio Lambino II.

USEC. IGNACIO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng mahahalagang impormasyon ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service. Para naman po sa inyong mga katanungan, maaari rin po kayong magpadala ng mensahe via live streaming sa aming PTV Facebook page.

SEC. ANDANAR: Samantala, para sa unang balita: Nang dahil sa pandemya, maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho at bumalik sa kani-kanilang probinsiya, kaya naman hindi tumigil si Senador Bong Go na manawagan sa pamahalaan partikular na sa Department of Agriculture na suportahan ang agricultural sector. Aniya, ang agrikultura ang magiging pangunahing pagkukunan ng kabuhayan ng mga magbabalik-probinsiya kaya naman mahalaga na palakasin ang mga programa na maaaring magturo at sumuporta sa mga nagnanais magsaka, mangisda at iba pa.

Kaugnay diyan, ang Department of Agriculture ay may mga nakahandang programa na isasakatuparan sa BP2 program. Para sa short term phase, ang DA ay may backyard poultry program, pagbibigay ng mababa o zero interest sa credit facilities, libreng training sa rice production at farming techniques at KADIWA ni Ani at KITA Marketing program.

Para naman sa mediate phase, ang DA ay mag-iimplementa ng capital access para sa mga young agri-preneurs upang hikayatin ang mga anak ng mga magsasaka na magpatuloy sa pagsasaka. Magbibigay rin ang DA ng financial assistance sa rice farmers.

At para naman sa long term phase, pinaplano ng ahensiya na makiisa sa implementation ng National Convergence Initiative Sustainable Rural Development.

USEC. IGNACIO: Sa kabila nang patuloy na kinakaharap na laban natin sa COVID-19, nais naman na mas paigtingin ni Senate Committee on Health and Demography Chair Christopher ‘Bong’ Go ang enhancement at modernization ng healthcare system sa bansa. Sa Senate Health Committee hearing na isinagawa noong May 26, pinag-usapan ang mga hakbang na makatutulong sa pagpapaunlad ng kalagayan ng healthcare system sa bansa. Kabilang sa mga napag-usapan sa hearing ay ang mga local hospital bills na layong dagdagan ang bed capacities at pagkakaroon ng mga panukala na makatutulong upang mas mapabuti ang service capability ng mga ospital sa ilalim ng Senate Bill 1226.

Isa rin sa mga natalakay ang pagkakaroon ng quarantine facilities sa bawat rehiyon sa ilalim ng Senate Bill 1259 o ang Mandatory Quarantine Facilities Act of 2020. Bigyang prayoridad ang mga health infrastructure programs at amyendahan ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events o Public Health Concern Act o Republic Act 11332 upang mas mapabuti ang tugon ng pamahalaan sa mga national emergencies gaya ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Senator Bong Go, bilang Chair ng Senate Committee on Health, titiyakin niyang mas magiging maayos ang healthcare system sa bansa habang patuloy na sinusubukang lampasan ang krisis dulot ng COVID-19. Ayon sa kaniya, sana’y maging aral ang pandemya sa bawat isa upang mas bigyang pansin ang kahalagahan ng pagpapabuti sa lagay ng ating healthcare system.

SEC. ANDANAR: Samantala, umapela naman si Senador Bong Go sa business community kaugnay sa kanilang pagsuporta sa mga hakbang ng pamahalaan sa pag-recover sa pandemya. Sa ginanap na virtual meeting kasama ang mga opisyal at key members ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated, umapela si Senador Go na suportahan ang mga plano ng gobyerno para sa post-COVID-19 pandemic kung saan ang mga negosyante aniya ang makatutulong upang magkaroon ng investment sa mga probinsya.

Hinihiling din niya sa mga ito na tulungan ang pamahalaan na labanan ang korapsyon sa gobyerno. Binigyang-detalye din ang ilan sa mga plano ng pamahalaan pagdating sa pagtugon sa socioeconomic effects ng COVID-19. Kabilang na rito ang muling pagsisimula ng flagship infrastructure program na Build, Build, Build na binuksan upang makapagbigay ng trabaho. Bukod pa riyan, magkakaroon din ng mass hiring para sa mga contact tracers. Bilang isang mambabatas, aaralin niya ang programa ng Department of Finance na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Bill or CREATE Bill na makatutulong din sa mga negosyo. [VTR of Sen. Bong Go]

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary, nitong mga nakalipas na araw, naging mainit na usapin ang sektor ng edukasyon. Nariyan ang mga tanong kung kailan nga ba talaga magbubukas ang klase sa buong bansa kaya naman po minarapat ng Public Briefing na makausap ang mga kinatawan ng Department of Education; siyempre nandito po si DepEd Secretary Leonor Briones. Magandang araw po, Secretary.

DepEd SEC. BRIONES: Magandang araw naman. Magandang araw sa lahat ng nanonood sa programang ito at nakikinig sa radyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasama rin natin Secretary sina DepEd Undersecretary and Chief of Staff, Attorney Nepomuceno Malaluan at Undersecretary Annalyn Sevilla, DepEd Undersecretary for Finance. Magandang araw din po sa inyo.

USEC. MALALUAN: Yes. Magandang umaga sa inyo, kay Secretary Andanar and Secretary Briones also and Ma’am Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Unahin po natin si Secretary Briones. Secretary, marami pong sektor ang naapektuhan ng COVID-19 at isa na nga po rito iyong sektor ng edukasyon. Anu-ano nga ba po iyong mga hamon na kinakaharap ninyo sa pagtatapos ng school year 2019-2020?

DepEd SEC. BRIONES: Siyempre ang pinakamalaking hamon ay ang COVID-19 at paano tayo lahat magre-respond, paano natin baguhin ang direksiyon ng edukasyon, ang ating pamamaraan sa pagturo para patuloy pa rin ang ating pagturo sa mga bata, patuloy pa rin ang edukasyon.

At masusunod ang direksiyon ng Presidente, na sinasabi niya na ayaw niya ng klase na dikit-dikit, ayaw niya iyong mga bata na ma-expose sa danger, kami ay taus-puso, buong puso talagang sang-ayon kami nito dahil sa aming learning continuity program, maliwanag din na sinasabi namin na ang pinakamahalaga at pinakaimportanteng concern natin sa edukasyon ay ang health at safety ng ating mga kabataan at ating mga teachers.

At sinabi natin noon pa, sa dating mga press conferences natin, sa presentation sa Senado at saka mga submissions sa Office of the President na kung hindi puwede ang tinatawag na face-to-face, kasi dalawang paraan sa pagtuturo. Generally, iyong klase kagaya ng nasa image diyan ngayon na magkalapit iyong mga bata o iyong sinasabi natin na alternative na mga approaches kagaya ng blended learning.

Ang sinasabi natin, kung ganiyang kondisyon kagaya ng nasa screen ngayon ay hindi natin iyan papayagan at saka iyon ang direksiyon ng Presidente, iyon ang sinasabi niya. Mayroon lang konting kalituhan dahil akala ng iba hindi magkapareho, hindi magkatugma ang posisyon ng Presidente at ng DepEd. Pareho ang posisyon namin dahil ayaw din namin na dikit-dikit na klase, ayaw namin ng face-to-face o harap-harapan kung hindi masusunod ang health standards – so walang conflict, walang kontrobersiya hinggil niyan. Ang pinag-uusapan natin ay anong paraan na mapatuloy ang edukasyon ng mga bata maski hindi natin sila papapasukin. Iyon ang sinasabi na nga natin na mga alternatives, iyong tinatawag na blended learning. Pero maraming names iyan – blended learning, flexible learning options, distance learning. Pero lahat iyan ay pamamaraan para iyong mga bata ay patuloy na mag-aaral sa kanilang bahay kasama iyong mga parents at patuloy ding mabibigyan sila ng bagong impormasyon, bagong skills at saka bagong knowledge.

So walang – I would like to emphasize – there is no conflict; there is no disagreement; there is no debate between the pronouncement of the President and that of the Department because they are exactly the same – we will not allow. And we said this again and again: Face-to-face, physical na kagaya ng nasa imahe diyan, iyong mga bata nagdidikitan, hindi iyan papayagan din ng Department of Education, so walang conflict diyan.

Ang interesante ngayon ay iyong ibang pamamaraan, iyong sinasabi natin sa blended learning. Nandiyan iyong tinatawag nating DepEd commons na more than seven million na subscribers na; teachers, learners, parents na sinusundan nila iyong mga curriculum nating bago. Nandiyan ang telebisyon, as a matter of fact, nag-umpisa na kaming makikipag-usap kay Secretary Martin na kung puwedeng magamit ang television at radio facilities ng ating PCOO lalo na sa TV13 (IBC) So, nandiyan ang online, iyong tinatawag natin; nandiyan din ang sinasabi nating telebisyon; nandiyan ang cellphone.

Sa telebisyon, may batas tayo na nagsasabi na 15% ng oras ng telebisyon, ng kanilang viewing time should be dedicated to children, so ito ay iku-convert natin into curriculum content. So maraming usap-usapan ngayon, mga meetings ang nangyayari ngayon, binabago ang curriculum; nakikipag-usap kami sa mga communications servers tulad ng ating nasa under sa PCOO, mga municipal radio stations as well. Kasi may mga lugar na walang telebisyon pero karamihan talaga, kadalasan ay may radyo dahil 19th Century pa, may radyo na ang mundo. Iyong sinasabi ko nga dalawang world wars na napanalo ay hindi naman sa ICT, hindi naman sa cellphone, kung hindi sa radyo na mga messages, instructions and so on.

So itong sitwasyon na ito, nakikita natin sa image, sa ating screen ay hindi natin iyan papayagan – hinding-hindi iyan papayagan. At saka tugma iyan, pagsusunod din iyan, sa instruksiyon ng ating Presidente na siya din ay hindi papayag.

So ngayon, Usec. Rocky at saka Sec. Martin, sinasabi namin na ang ating programa ay consistent with that of the President. Pero sinasabi natin na patuloy pa rin ang edukasyon sa ibang pamamaraan. At the same time, we are also talking with mga service providers, mga communications experts kung paano maibigay ang knowledge sa mga bata na hindi na tayo maghihintay, kailangan maghihintay kung kailan bubukas ang klase. Kasi iyong mga ganiyang sitwasyon, ayaw natin iyan, hindi talaga iyan papayagan natin: Hindi papayagan ng DepEd; hindi papayagan ng IATF; hindi papayagan ng Department of Health; at, mas importante, hindi papayagan ng Presidente, kasi iyon ang ating foremost concern.

So gusto ko lang ulit-ulitin: Walang kontradiksiyon, walang pagsusuway na ginagawa ang Department of Education dahil pareho ang paninindigan natin hinggil sa face-to-face o iyong physical na pinapapunta ang mga bata. Hindi sila obligadong pumunta physically sa eskuwelahan, sa mga lugar kagaya niyan na nakikita natin sa screen na talagang siksikan ang mga bata. Pero may paraan din na ipagpatuloy ang edukasyon.

Naghingi kami ng impormasyon, halimbawa, sa DOST kung kailan pa kaya natin mabubuo at the earliest ang bakuna na magiging available sa lahat. Lumabas, sinabi nila na the earliest will be first quarter of 2021 or even perhaps up to the second half of 2021. So that means at the very least – ten months na maghihintay pa tayo.

In the meantime, maraming paraan at ka-partner ang PCOO, ka-partner natin ang ibang mga means of communications na available sa lahat – iyong platforms, iyong cellphone, iyong telebisyon at radyo – para mai-share, maipamahagi, mapagpatuloy ang ating edukasyon para sa mga bata at hindi na kailangan na palagi na lang harap-harapan ang mga bata at magsisikipan sa klase.

Thank you, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Para po naman kay Usec. Malaluan at puwede rin pong sagutin ni Secretary Liling. Sir, marami po kasing mga eskuwelahan, lalo na sa pribadong sektor, ang sabi nila ay hindi sila magtataas ng kanilang tuition fees ‘no, ng bayad para sa kanilang school year 2020-2021. Pero marami ang mga magulang ang nagrereklamo, at ako ay nakatanggap din ng text pati rin dito sa ating text box dito sa Facebook ay mayroon ding lumalabas diyan na sabi nila, “Sir, bakit ho ganoon pa rin iyong singil ng eskuwelahan,” lalo na iyong mga pribadong eskuwelahan sa elementary at high school. Eh nasa bahay lang naman sila, hindi naman sila gumagamit ng facilities ng eskuwelahan, wala namang kuryente na binabayad iyong eskuwelahan para doon sa mga estudyante, walang aircon, walang internet. So bakit ho ba ay ganoon pa rin ang tuition fee na ibinibigay ng eskuwelahan? Wala ho bang magagawa ang DepEd dito?

USEC. MALALUAN: Sec. Martin, dalawang bagay po iyan. Una, kung magtataas ng tuition ang pribadong mga paaralan sa basic education ay kailangan nilang humingi at mag-apply ng pahintulot ng ating regional directors at kailangan nilang bigyan ng substantiation iyong kanilang application for a tuition fee increase.

Ngayon, doon sa tanong kung bakit pareho pa rin ang isisingil, kung hindi man nagtaas ay hindi naman ibinaba samantalang iyong sinabi ni Secretary na blended o distance or remote or flexible learning ang ibinibigay at nasa kanilang mga tahanan ang mga bata. Gusto din naming sabihin na sa karanasan ng Department of Education ay iyong pagbabago ng mga lessons na naka-angkop sa loob ng silid-aralan at para maihatid ito sa mga tahanan ay may kaakibat din na mga gastos. Iyong mga aklat, mga activities na kailangan ng mga bata para mag-aral ay iba iyong porma sa paghahatid nito kung dito sa loob ng silid-aralan.

So iyon din ang aming karanasan sa Department of Education. Sa katunayan ay nagri-re-budget pa kami ngayon kung paano matutustusan iyong pag-convert ng mga materyales ng mga bata na angkop sa silid-aralan at face-to-face learning into, halimbawa, itong mga self-learning modules na kailangan naming i-print, o kaya i-convert into digital format. Kung television din, alam mo naman, Secretary Martin, na kapag sa TV ay kailangan pang may production work din para ma-convert ang isang television-based instruction.

So may mga nabawas na gastusin ang mga paaralan na magbibigay ng blended learning pero may mga madadagdag din na mga gastusin ang mga paaralan.

SEC. ANDANAR: Kay Usec. Sevilla po naman: Sa Lunes, June 1, base rin sa guidelines, magsisimula ang ilang mga activities at trainings na pagdadaanan ng mga guro para sa pagbubukas ng klase. Paano ang magiging sistema natin dito, Usec?

USEC. SEVILLA: Salamat, Secretary Martin. Starting June 1 hanggang June 30, isang buwan po ito na gagawin natin na enrollment. Although mayroon na po tayong ginawa na early registration noon pa pong Pebrero ay kailangan nating ulitin ito o bigyan ng confirmation, kasi nga po marami nga pong nangyari from February up to now.

Ang una nating gustong mangyari ay remote ang mangyayari na enrollment. Ibig sabihin, iyon pong mga estudyante natin na Grade 1 to Grade 12, sila po ay kokontakin ng kanilang mga previous advisers nila at ang atin pong i-entertain. Again, itong remote, with strict physical distancing and minimum health standard na gagawin natin ay iyong mga bagong dating po kagaya ng mga kinder, transferees at iyong mga estudyante na nagkaroon po ng movement, halimbawa ay nag-iba ng eskuwelahan dahil bumalik na sa probinsiya. Isa po sa atin pong programa ngayon ay iyong mga pamilya na bumabalik na sa probinsiya.

Ang isa pa po na activity na gusto nating gawin ngayong enrollment na ito ay iyong pamimigay ng ating survey. Ito po ay two-page survey na maaari pong gawin remotely or online or through text at sa pagtawag din po ay kaya nang gawin. Hihingi po tayo ng tulong dito sa ating mga kabarangay dito po sa local government units na kung may mga pamilya na hindi kakayanin na lumabas o kaya ay pumunta at makontak ng kanilang mga adviser ay ihahatid po natin iyong form.

Iyong form po na ito ay makakatulong sa amin sa Department of Education para malaman natin ang kalagayan ng ating mga mag-aaral dahil tatanungin po dito ang kanilang pamamaraan kung papaano sila nakakarating sa eskuwelahan, kung sila ba ay mayroong mga gadget, may internet, may connection. At dito po made-design na po natin iyong sinasabi nating learning continuity plan kung saan na kung hindi po pupuwede ang face-to-face ay gagawin natin kung ano po iyong iba pa na kayang gawin ng Department of Education na pamamaraan. Ito po iyong learning delivery modalities, kagaya ng online learning, distance learning, blended learning o even po iyong pagbigay ng mga modules papunta sa kanilang mga bahay.

USEC. IGNACIO: Para naman po kay Secretary Briones. Ma’am, narito po iyong ilang mga katanungan mula sa ating Facebook page. Bakit daw po papayagang mag-enroll ang mga bata kung wala pang kasiguraduhan kung kailan puwede magkaroon ng mamamasada or public transportation po?

SEC. BRIONES: Kasi karamihan … sigurado kami na karamihan ng mga eskuwalahan, ang mangyayari ay hindi face-to-face dahil halimbawa sa kabuuan ng National Capital Region, maraming mga probinsya diyan na talagang ECQ na tinatawag na hindi puwedeng lumabas lalo na ang mga bata. At saka hindi pa rin handa ang ating mga lahat ng facilities para sa distancing na nire-require ng Department of Health. So, hindi problema iyang transportasyon kung remote silang mag-e-enroll.

Kagaya ng sinabi ni Usec. Ann, puwede namang mag-enroll ka sa pamamaraan na tinatawag nating online o kumukuha ng porma – hahatiran ng porma ng mga barangay. Hihingi kami ng tulong ng local government para maiiwasan iyong paglabas ng mga bata sa mga lugar na talagang hindi puwedeng lumabas ang mga bata. And gagawin natin ito lahat dahil may halos tatlong buwan tayo na paghahanda.

Sa ating alternative na approach to studying, hindi naman kailangang lumabas ang bata. Tapos iyong iba namang mga private schools, ang suggestion nila, kung ipi-pick up ang mga materyales halimbawa na pag-aaralan ng mga bata, maybe the parents can do it at a pick up point o kung saang lugar man, sa school ba, pero hindi kailangan ang bata lalabas. Saka hindi kailangan ang transportation para diyan kasi iyong sinasabi nga natin remote ang enrollment. As early as from January, February, mayroon ng early registration kaya may idea na tayo kung ano ang sitwasyon sa enrollment. At from June 1 to 30, iko-confirm nila kung tutuloy ba sila sa pag-aaral nila not necessarily taking public transport, but just staying at home. Kasi alam natin maski wala siguro silang laptop or desktop, pero lumabas sa ating survey karamihang households ngayon may laptop, may desktop, kasi ang mga kamag-anak nasa abroad, may kamag-anak sa iba’t ibang bahagi ng bansa, they are always in touch. Eh puwede naman itong magagamit. Pero siyempre ang dream ng DepEd eh tayo mismo ang tayo mismo ang mag-provide ng laptop at desktop sa ating mga mag-aaral.

So, transport problem is resolved, hindi mai-expose ang mga bata.

USEC. IGNACIO: Opo, ang katanungan naman po para kay Usec. Sevilla. Tanong po ito mula sa netizen na nakukuha natin sa ating FB page. Ano daw po ang protocol sa pag-i-enroll? Kung kailangan daw pong pumunta ang mga magulang sa eskuwelahan para i-enroll ang kanilang anak? At kapag daw po nag-enroll, kung puwede daw pong mamili ng mode of learning?

USEC. SEVILLA: Exactly, Usec. Rocky, iyan po iyong ating intension kung bakit gusto nating magkaroon ng enrollment ngayong June ay para malaman natin ang pulso ng mga magulang at mga mag-aaral. Mayroon po talaga doon sa survey form na kanilang pi-fill-up-an ang pagpili kung ano po iyong learning modality na nababagay doon sa kanilang pamilya at sa kinalalagyan nila.

Marami po kasi tayong eskuwelahan ‘no, almost 65,000 nationwide including the private schools, at ito pong mga eskuwelahan na ito ay may iba’t ibang level na public health situation and risk at ito po ay bibigyan natin ng pagkakataon na makuha natin kung ano rin po iyong kanilang kagustuhan.

Sila po ay kokontakin ng kanilang mga adviser, kasi usually even before COVID ay may mga contact numbers na po tayo ng mga magulang at guardians ng ating mag-aaral. Kung hindi po natanggap ang komunikasyon mula sa inyong adviser ay maaari po ninyong gamitin iyong numero ng eskuwelahan, huwag muna kayong lumabas kaagad, kontakin muna ninyo ito at baka po magawan natin ng paraan na through remote lamang ay ma-confirm ang inyong enrollment at maibigay po iyong form na kailangan ninyong sagutan.

In case na kailangan po talagang pumunta, makipag-ugnayan po tayo sa ating barangay dahil gusto rin natin na ma-coordinate nito with our DILG partners para po masiguro natin iyong sinasabi natin na physical distancing. At saka siyempre po uulitin natin iyong sinasabi ni Secretary Liling Briones na safety, protection at well-being po ang uunahin natin.

So, marami naman pong araw mula June 1 hanggang 30 ay gagawin natin ito, kaya huwag po tayong magmamadali. Hintayin po natin iyong pag-kontak ng ating mga guro sa inyong mga mag-aaral at atin pong siguraduhin na alam natin iyong numero ng ating eskuwelahan para po ma-confirm kung talagang ang inyong anak ay naka-enroll na. At ang importante nga po iyong response ninyo sa survey na ginagawa ng Department of Education.

SEC. ANDANAR: Para po kay Usec. Nepo. Paano po, sir, ang mga katulad naming hindi kayang magpondo ng gadget para sa mga anak?

USEC. MALALUAN: Sec. Martin, gusto ko lang magdagdag doon sa enrollment. Para huwag magkaroon ng agam-agam ay iyong unang dalawang linggo ng Hunyo ay talagang completely ay no face-to-face, hindi kailangang lumabas ang mga magulang at kanilang mga anak para mag-enroll. So, maghihintay lamang sila ng tawag ng dati nilang adviser at doon ay malalaman kung paano nila maipatala ulit iyong kanilang mga anak at kung paano ma-fill up iyon pong aming enrollment and survey form.

Doon po sa mga walang gadgets, hindi po ninyo kailangan na bumili ng bagong gadget para lang makalahok dito sa pagbibigay ng bagong leksyon. Basta kailangan lang po sa pag-enroll ay kanilang sagutin kung mayroon ba silang internet, mayroon ba silang gadgets sa bahay, mayroon bang maaaring mag-assist sa mga bata at nang sa gayon ay maiangkop namin iyong magiging porma ng paghahatid ng pag-aaral.

So kahit po walang gadget o walang internet ay kami din ay naghahanda din ng mga printed learning modules na gagawan natin ng paraan na maihatid sa mga tahanan o kaya ay mayroong coordinated na pag-pick up nitong mga printed learning modules na ito. So iyon po ay kung talagang walang kakayahan iyong mag-aaral at kanilang pamilya na mag-provide nitong online facility or platform at saka ng gadgets.

Pero sa pakikipag-usap din natin sa iba’t ibang mga partners ay mag-uumpisa ngayong June 1 din itong ating Brigada Eskwela at Oplan Balik-Eskwela para tingnan natin kung bukod doon sa mga resources ng ating gobyerno, ng Department of Education at saka doon din sa inter-agency cooperation ay madadagdagan din natin, with the non-government partners or private sector partners, itong ating mga resources para masiguro na hindi magiging pabigat doon sa ating mga mag-aaral at sa kanilang pamilya iyong makilahok dito sa panibagong paraan ng paghahatid ng leksiyon o pag-aaral ng mga bata.

USEC. IGNACIO: Para naman po kay Usec. Sevilla, bibigyan-daan ko lang iyong ibang mga katanungan na aking mga tinatanggap dito. Papaano naman daw po iyong mga parents na magtatrabaho na, iyong sa learning at home, sino po ang gagabay doon sa mga bata? At kapag daw po nagka-COVID ang estudyante, sino po ang dapat daw po mag-shoulder ng bills, ang school o magulang o ang government?

USEC. SEVILLA: Ang gagawin po natin ay kasama po sa orientation natin ang paghahanda ng mga magulang at guardian. Dahil nga po sa bagong paraan ng pag-aaral ay malaki po ang role or responsibility ng ating mga kasama sa bahay, lalo na po doon sa mga batang nasa early stage pa.

Tutulong po ang Department of Education para nga ho malaman natin, kasama ho sa tatanungin natin in fact doon sa survey and enrolment form ay kung ano po iyong capacity, abilidad at sino ang makakasama ng bata sa bahay habang ginagawa po natin itong bagong learning modality na ito.

So, gagawa po ng paraan ang DepEd na magabayan, ma-monitor at tingnan po natin kung ano pa iyong kailangan pa nating i-improve sa ating learning delivery para po masiguro natin na ang mga magulang na may trabaho at wala hong makakasama ang bata sa bahay ay maa-adjust din po natin iyong gagawin natin na pagtuturo sa kanila.

In terms of the minimum health standard, kasama po ang mga eskwelahan sa kailangan na maihanda natin at mayroon ho kaming guidelines na ibibigay sa ating mga employees especially sa mga teachers. Makikipag-ugnayan po tayo sa Department of Health, sa ating local government unit dahil kasama po ang mga mag-aaral at ating mga guro sa dapat po nating alagaan at i-monitor lalo na po kung may mga ganitong kaso.

So, we will build this referral system at siyempre po ang gobyerno ay tutulong sa atin both the national and the local at through the DOH at ang atin pong local health authorities. Ito po ay gagawan natin ng koordinasyon…

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, DepEd Sec. Briones. Kunin ko po muna ang inyong mensahe sa ating mga magulang at mag-aaral, Sec. Briones.

SEC. BRIONES: Ang pinakaunang mensahe ay walang pagkakaiba ang pananaw ng Presidente at ang programa ng Department of Education hinggil sa physical face to face classes. Ayaw ni Presidente, ayaw din ng DepEd na ma – endanger ang mga bata.

Pangalawa, may mga alternatibo para patuloy ang edukasyon ng mga bata, na-recite ko na ito lahat. Pero at the end of the day, desisyon iyan ng mga parents at respetuhin namin kung anong desisyon ng parents – kung i-enroll o hindi nila i-enroll ang kanilang mga anak. Ang gusto lang naming idagdag sa kanilang store of information is may katagalan, mga isang taon iyan or ang the earliest as I’ve said will probably be ten months bago maging available iyong vaccine.

So, in the meantime, tumutulong ang departamento na ipagpatuloy, matuturuan pa rin ang mga bata. Sa buong mundo, opening na ng schools – sa Europe, sa Asia at saka sa Amerika at hindi naman kaya nakikiuso tayo, pero ayaw nating maantala o ma-interrupt ang learning process ng mga bata dahil nagawa na natin ito na maski anong sakuna, anong difficulties, patuloy pa rin ang edukasyon, pero nasa parents iyan.

Kami ay sumusunod sa mandato ng Presidente, sumusunod kami sa batas na hanggang last day of August ang enrolment, nasa parents na iyon kung ano ang desisyon nila at rerespetuhin namin iyong kanilang desisyon kung papag-aralin nila o hindi ang kanilang mga anak sa ibang mga paraan na hindi ma-expose to danger ang kabataan.

So, maraming salamat. Nasa inyo ang desisyon, sumusunod kami sa batas, sumusunod kami sa Presidente, pero kayo ang magpasya.

Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, DepEd Sec. Briones. Salamat din po kay DepEd Undersecretary and Chief of Staff Atty. Nepomuceno Malaluan and kay Usec. Sevilla, salamat po.

SEC. ANDANAR: Upang magbigay po naman ng pinakabagong update kaugnay sa bagong programa ng Department of Finance na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE Program) or previously known as Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA), makakausap po natin si Department of Finance Assistant Secretary Antonio Lambino II.

Tony, good morning.

ASEC. LAMBINO: Good morning.

SEC. ANDANAR: Ano ang nagtulak sa Department of Finance at sa ating mga legislators na i-recalibrate ang CITIRA upang maging CREATE?

ASEC. LAMBINO: Sec. Martin, mayroon po tayong panukalang batas na tinatawag nga na CREATE, iyong Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act at nandiyan po sa pangalan iyong layunin nito. Gusto po nating tulungan ang mga negosyo na makapag-bounce back sa pinakamabilis na panahon na maaari at pangalawa, gusto rin po natin makapang-hikayat ng mga investors mula sa ibang bansa na gumawa po ng kanilang operations dito, mga produkto nila dito para po maka-create tayo ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

Ngayon, ito pong Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act ay nasa advance stage na po ng legislative process. Pasado na po ang version nito, na tinatawag noon na CITIRA, sa Lower House at ngayon po sa Senado ay nasa period of interpellations na po tayo at certified as an urgent bill po ito ni Pangulong Duterte.

Ang gusto po nating gawin unang-una, ibaba po ang buwis na kailangang bayaran ng mga begosyo dahil po iyong mga talyer, iyong ating mga laundrymat, iyong ating mga maliliit na restaurant ay pinakamataas po ang kanilang tax rate kumpara sa ibang bansa sa ASEAN Region, nasa 30% po tayo.

Dati po sa CITIRA, gusto po nating ibaba iyan pero one percentage point per year for ten years. N gayon ang gusto po nating gawin para makatulong sa ating mga negosyo na nahihirapan po dahil dito sa COVID crisis natin, ibaba na po natin nang 5 percentage points kaagad, so from 30%, 25% na lang po ang babayaran nila.

Pangalawa, doon naman po sa investors, ang gusto nating gawin ay magkaroon ng kapangyarihan ang Pangulo na magbigay ng hindi lamang po tax incentives, dahil ginagawa po iyan ng maraming bansa, pero magbigay rin po ng mga non-tax incentives, mga training programs na makakatulong para iyong mga manggagawa ay kaagad nilang mabigyan ng trabaho at iba pa po – warehousing services or registration and permitting services na makakatulong pa iyong gobyerno.

So, lahat po iyan ay ginagawa na rin po ng ibang mga bansa at gusto po nating dito para maging competitive tayo para makapanghikayat ng mga foreign investors. So, iyon po.

In addition, iyong mga nakakatanggap na po ng mga insentibo, gusto po natin iyong kanilang sunset period, iyong panahon na matatanggap pa po nila na extended po iyong panahon. Iyong mga current incentives nila dati po two to seven years lang iyong ating proposal sa CITIRA, ngayon ini-extend na po natin, four to nine years na po iyong extension ng kanilang current incentives.

So, iyan po ang ilan sa mga features nitong bagong version ng Package 2 ng Tax Reform Program.

USEC. IGNACIO: Asec., ano naman po ang mga specific provisions sa CITIRA na binago sa CREATE para po direktang makatulong sa mga sektor ng ating lipunan na siyempre, iyong talaga pong naapektuhan talaga ng COVID-19.

ASEC. LAMBINO: Salamat, Usec. Rocky. Well, iyong main diyan talaga ay ibaba na iyong corporate income tax na napakataas nga kumpara sa ating mga kapitbahay dito sa ASEAN Region para iyong … kung mapasa po ito ng before the sine die adjournment of Congress in a few days—actually iilan na lang po ang session days na natitira, tatlo o apat na lang po—kung mapasa po ito ng early June, June 3 po ang last session day, at mapirmahan po ng Pangulo between then and in the end of month ay mabababa na po natin iyong corporate income tax rate, iyong buwis ng mga negosyo starting July 01.

At napakahalaga po niyan dahil kung matanggap na po nila ito, mararamdaman na po nila iyong benepisyo ay makaka-retain po sila ng kanilang mga manggagawa at mababayaran po nila iyong kanilang mga gastusin ng mas magaan nang kaunti. Mas marami po silang cash dahil hindi na po natin kokolektahin iyan, iyong 5 percentage points na reduction na iyan mula sa ating mga negosyo.

So, iyong mga pambayad nila sa kuryente, iyong pambayad nila sa tubig ay mas luluwag nang kaunti ang budget nila at gusto po natin sa lalong madaling panahon. So, sana starting July ay mabababa na po natin iyan.

Pangalawa, iyong sinasabi po natin na tax and non-tax incentives na maaari pong i-grant para po doon sa mga investor na talagang nakikita nating mahalaga para sa Pilipinas, mga high-tech, mga parts ng cellphone o iba pang mga gadget na hindi pa po napo-produce dito, gusto po natin dito na po nila i-produce iyan at bibigyan po natin ng very attractive incentive packages para lumipat po sila dito at dumami po ang mga trabaho dito sa Pilipinas.

Ulitin ko lang po, USec. Rocky, na iyong mga nakakatanggap na po ng mga insentibo, dati po iyong extension period na gusto nating ibigay ay two to seven years, dinagdagan na po natin iyan ng two years sa bagong version nitong panukalang batas. So, four to nine years na po ang matatanggap nila na extension period para sa mga current incentives depende po kung ano po iyong incentive package na na-approve sa kanila.

So, ito po ay para sa mga … iyong tumatanggap ng 5% gross income earned incentive, iyan po ay ini-extend na po natin to four to nine years at iyan po ay para magbigay ng panahon para makapag-adjust po sila dito sa bagong reyalidad natin.

Malinaw naman po siguro from the medical research community na we will have a vaccine way before that time kaya po ganiyan na po ang naging extension period natin para sa kanila.

At huli, mayroon din po tayong bagong provision na iyong lugi na mai-incur ng isang negosyo ngayong 2020 dahil nga po medyo bagsak iyong ekonomiya ng mundo at damay po tayo diyan, sana po ay ma-extend po iyong tinatawag na net operating loss carryover.

Ang ibig sabihin po niyan ay iyong lugi nila ngayong taon ay puwede po nilang gamitin para bawasan ang kanilang buwis for five more years. Sa batas po natin sa kasalukuyan, magagamit po nila ang losses na iyan for three years lamang, gusto po nating i-extend to five years para po doon sa mga maliliit na negosyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Sec., bigyan-daan ko lang iyong tanong ng ating kasamahan na si Virgil ng GMA News Online: With the government’s plan to heavily invest in infrastructure and accelerate Build Build Build to stimulate economic recovery post COVID-19, what will the government do if funding will not be immediately available from its ODA partners such as China and Japan for some of the flagship projects of the Administration since these countries have also been adversely hit by the pandemic?

ASEC. LAMBINO: Maraming salamat sa tanong. Maganda po ang performance ng ating debt management strategy or ibig sabihin iyong programa natin sa pag-uutang. Marami po tayong mga development partners na nag-approve na po ng kanilang mga loans para sa atin na mababa ang interest rate at mahaba po iyong repayment period dahil po tayo ay tinaguriang isa sa pinakamaganda ang ating debt management sa mga emerging economies.

In fact, iyong Economist Magazine na isang tanyag na publication, number six po tayo out of 66 countries na kanilang in-assess pagdating sa financial strength. Isa po diyan ang pamantayan nila para bigyan po tayo ng napakataas na ranking ay ang performance po ng ating programa ng pag-uutang. Lumiliit po kasi po ito kumpara sa laki ng ating ekonomiya. So, maganda po ang performance natin diyan which is why the World Bank, the ADB and our other development partners have come forward and have been more than willing to lend us resources para po tuluy-tuloy iyong ating pag-invest sa infrastructure,

Ngayon, tulad po ng maraming bansa sa mundo ngayon, we are really going to be spending beyond our means, hindi po tayo mag-isa diyan, talagang ganiyan po kapag krisis. We have to keep investing para iyong ekonomiya natin ay makabawi sa lalong madaling panahon. Kailangan po talaga tuloy-tuloy ang investment sa mga bagay na magbibigay sa atin ng returns tulad ng infrastructure programs dahil napakarami po ang nakikinabang diyan from the household all the way to the business. So, kaya po ang infrastructure program ay napakalaking prayoridad pa rin at kailangan pong ipagpatuloy.

At kailangan din po natin na ituloy ang ating investments sa taumbayan dahil napakalaki rin po ng returns kapag ang ating taumbayan, ang ating workers ay world class. At ibig sabihin niyan katulad ng napag-usapan kanina kasama si Sec. Liling at ang kaniyang mga kasamahan sa DepEd, tuloy-tuloy po ang ating pag-improve ng education system under the new normal at tuloy-tuloy din po ang ating pag-improve sa ating healthcare system.

So, we have to keep investing in our people and our infrastructure at kapag gagawin po natin iyan, mas mabilis po ang recovery ng ating ekonomiya.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Department of Finance Assistant Secretary Antonio ‘Tony’ Lambino. Mabuhay po kayo!

ASEC. LAMBINO: Salamat po, Sec. Martin, USec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin mula sa Philippine Broadcasting Service, si Czarinah Lusuegro.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro ng Philippine Broadcasting Service. Ngayon ay dumako naman tayo sa Cordillera, may ulat si Danielle Grace De Guzman. Danielle?

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Danielle Grace De Guzman ng PTV Cordillera.

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang pinakahuling balita sa probinsiya ng Davao, maghahatid ng ulat si Regine Lanuza.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Regine Lanuza ng PTV Davao.

Samantala, dumako naman tayo sa COVID-19 case update sa buong bansa. Narito ang bilang ng mga naging kaso nitong mga nakaraang araw kung saan kapansin-pansin po ang pagtaas ng mga nagpositibo base sa datos ng Department of Health. Naitala ang 14,035 cases noong May 24, 2020 at 14,390 naman noong May 25. Samantala noong May 26, kapansin-pansin ang biglaang pagtaas kung saan umakyat ito sa 14,669 cases at kahapon lamang, May 27, 2020, as of 4 P.M. ay umabot na po sa 15,049 ang dami ng confirmed positive COVID-19 cases sa bansa habang nasa 904 naman ang bilang ng mga nasawi ngunit patuloy naman po ang pagtaas ng bilang ng mga nakaka-recover na pumalo na sa 3,506.

At iyan po ang aming nakalap na impormasyon. Muli, nais nating pasalamatan ang mga nasakama natin sa programa, pati na rin po ang Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglalaan ng oras para sa ating mga kababayan – mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR: Ang Public Briefing ay hatid po sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

USEC. IGNACIO: Sa gitna ng krisis na ating kinakaharap, hindi lamang frontliner ang may malaking papel sa labang ito. Lahat po tayo – ikaw, ako, lahat tayo ay may mahalagang ambag sa tuluyang pagsugpo sa krisis na ito. Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Sa ating pagbabayanihan malalampasan natin ang pagsubok na ito. Together, we heal as one. Ako po naman si Secretary Martin Andanar, magkita-kita tayong muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)