Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Ngayong unang araw ng Oktubre, siksik ang mga impormasyon at talakayan na ihahatid namin mula sa inyo mula po sa PCOO.

Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Makakasama rin natin ang mga kawani ng pamahalaan at kinatawan ng pribadong sektor na laging handang sumagot at magbigay-linaw sa tanong ng bayan.

Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Mga kababayan, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Extended ang implementation ng Alert System Level 4 sa Metro Manila simula ngayong araw, October 1 hanggang October 15, ito po ang napagkasunduan ng IATF kagabi. Pero sa ilalim ngayon Alert Level 4 dinagdagan pa ng 10% ang allowed capacity ng mga indoor at dine-in services para sa mga bakunadong indibidwal sa mga pinapayagang magbukas na ang establisyimento at pinapayagan na rin ang pagbubukas ng fitness studios at gyms sa 20% limited capacity; mamaya hihimayin po natin ang detalyeng ‘yan.

USEC. IGNACIO: Samantala para naman po sa mga lugar na nasa labas ng Metro Manila ngayong October 1st hanggang October 15, isasailalim po sa MECQ ang mga lugar ng:

  1. Apayao,
  2. Kalinga,
  3. Batanes,
  4. Bataan,
  5. Bulacan,
  6. Cavite,
  7. Lucena City,
  8. Rizal,
  9. Laguna,
  10. Naga City
  11. Iloilo Province.

SEC. ANDANAR: GCQ with Heightened Restrictions naman ang ipatutupad sa:

  1. Abra,
  2. Baguio,
  3. Ilocos Sur,
  4. Pangasinan, Cagayan,
  5. Isabela, City of Santiago,
  6. Nueva Vizcaya,
  7. Quirino,
  8. Quezon,
  9. Batangas,
  10. Bacolod City,
  11. Capiz,
  12. Iloilo City,
  13. Lapu-Lapu City,
  14. Negros Oriental,
  15. Bohol,
  16. Zamboanga del Norte,
  17. Zamboanga del Sur,
  18. Cagayan De Oro City,
  19. Misamis Oriental,
  20. Davao del Norte,
  21. Davao Occidental,
  22. Butuan City
  23. Surigao del Sur simula October 1 hanggang October 31.
  24. Gayun din po ang Davao de Oro subalit tatagal lamang ito hanggang October 15.

USEC. IGNACIO: Samantala, GCQ with Heightened Restrictions sa buong buwan ng Oktubre ang mga lugar sa Luzon:

  1. Ilocos Norte,
  2. Dagupan City,
  3. Benguet,
  4. Ifugao,
  5. Tarlac,
  6. Marinduque,
  7. Occidental Mindoro,
  8. Oriental Mindoro,
  9. Puerto Princesa,
  10. Albay
  11. Camarines Norte

Sa Visayas, kabilang naman ang:

  1. Aklan,
  2. Antique,
  3. Guimaras,
  4. Negros Occidental,
  5. Cebu Province
  6. Mandaue City,
  7. Siquijor
  8. Tacloban City.

SEC. ANDANAR: GCQ rin hanggang October 31 sa Mindanao ang:

  1. Zamboanga Sibugay,
  2. Zamboanga City,
  3. Misamis Occidental,
  4. Iligan City,
  5. Davao City,
  6. Davao Oriental,
  7. Davao del Sur,
  8. General Santos City,
  9. Sultan Kudarat,
  10. Sarangani,
  11. North Cotabato,
  12. South Cotabato,
  13. Agusan del Norte,
  14. Agusan del Sur,
  15. Dinagat Islands,
  16. Surigao del Norte,
  17. Cotabato City
  18. Lanao del Sur.

USEC. IGNACIO: Ang mga lugar na hindi nabanggit ay sasailalim naman po sa pinakamaluwag na quarantine classification o iyong MGCQ.

SEC. ANDANAR: Sa pagbubukas po naman ng buwan ng Oktubre, simula na rin po nang paghahain ng kandidatura para sa halalan 2022 at sa puntong ito tumungo naman tayo sa Sofitel Harbor Garden Tent kung saan ginaganap ngayon ang unang araw ng filing of Certificate of Candidacy para sa halalan 2022. Naroon si Kenneth Paciente para sa detalye. Good morning, Kenneth.

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Kenneth Paciente.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Pinasinayaan ni Pangulong Duterte ang BGC-Ortigas Center Link Road Project. Ayon kay Senator Bong Go na kabilang sa mga dumalo sa inagurasyon, inaasahang makakatulong ang pagbubukas ng nasabing kalsada para masolusyunan ang trapiko sa Kamaynilaan. Narito ang detalye:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Huwag po muna kayong aalis, magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Bukod sa presidente at mga senador, inaabangan din naman sa mga local positions ang paparating na eleksyon. Kanina lamang ay pormal nang naghain ng kaniyang kandidatura si Mayor Vico Sotto para sa pagka-alkalde muli ng Lungsod ng Pasig.

May ulat si Bea Bernardo. Bea?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Bea Bernardo.

SEC. ANDANAR: Ngayong extended ang Alert Level 4 sa National Capital Region, alamin natin kung ito rin ba ang naging pulso ng Metro Manila mayors kaugnay sa extension ng bagong polisiya ng IATF. Makakausap natin ngayon si Pateros Mayor Miguel Ponce.

Magandang umaga po sa inyo, welcome back, Mayor!

PATEROS MAYOR PONCE: Magandang umaga po, Sec. Martin, Usec. Rocky, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ANDANAR: Mayor base po sa meeting ng Metro Manila Council, ano po ba ang napagkasunduan ng mga mayors na maging Alert Level sana sa Metro Manila simula ngayong araw?

PATEROS MAYOR PONCE: Actually, Sec. Martin, wala pa po kaming kasunduan ano dahil kami naman ay [hindi pa] nag-meeting para pag-usapan ang alert level na ito bagama’t may pronouncement kaming pare-pareho through MMDA Chairman Benhur Abalos na kami ay [susunod doon sa sasabihin] ng mga eksperto kung ano ang bagay o ano ang alert level na [ipapatupad] sa Metro Manila simula October 1.

Dahil ang nakikita nga natin dito, Sec., ay bagama’t may pagbaba iyong ating number ng COVID positive ano, ay mayroon namang kahit papaanong pagbagal din iyong pagbaba nito at minsan [technical problem] kahit papaano kaya siguro dapat pa rin tayong [technical problem] at hindi naman tayo dapat magmadali [sa pag-declare].

SEC. ANDANAR: Sa naging meeting, may mga napag-usapan din po ba ang Metro Manila mayors kaugnay po sa rekomendasyon ng pagbubukas ng ilan pang business establishments o karagdagang capacity para sa indoor at outdoor settings?

PATEROS MAYOR PONCE: Sec., iyon nga, wala pa kaming meeting dito sa [technical problem] alert level. Siyempre, ang tinitingnan din ng karamihan sa amin ay kung papaano [magbubukas iyong ekonomiya] lalo na iyong malalaking siyudad na nandidito sa National Capital Region, mas gugustuhin din nila [kahit papaano] magluluwag na rin tayo. Bagama’t [hindi natin] pupuwedeng [i-ignore] iyong [health] na hanggang sa ngayon [technical problem] ang ating [technical problem] o iyong capacity ‘no, iyong bed capacity na utilization ng ating mga ospital kaya’t palagay ko hindi pa ganoon ka complacent dapat tayo ano, at dapat siguro magbantay pa. Pero kung tatanungin mo ako doon sa aming napag-usapan eh wala pa talaga kaming napag-uusapan at kami ay naghihintay lamang ng mga pronouncement at deklarasyon ng ating IATF.

SEC. ANDANAR: Iyong puna ng ilang mayors noon pagdating sa mga factors na kinukonsidera ng DOH sa pagdideklara ng alert level kagaya na lang ng punuang ospital kahit mga dayo naman ang naka-admit doon, ito po ba ay na-address na naman?

PATEROS MAYOR PONCE: [technical problem] wala pa ‘no, Sec. Martin, wala pa iyan. Pero ito ay pinupuna talaga ng ating mga [technical problem] ng mga mayors na maraming ospital na lugar dahil ang nakikita nga, ang pagbabasehan ng alert system ay iyong utilization ng bed capacity, palagay ko ay hindi [tama] dahil nga maraming mga [pasyente dito] sa mga Metro Manila hospitals na hindi naman talaga [technical problem] nagkaroon [technical problem] na lugar.

Katulad lang dito sa amin, [mayroong] private hospital dito, iyong ACE Hospital, pero kapag tiningnan mo iyong mga naka-confine dito ay hindi rin taga-Pateros. Baka maliit nga iyong datos ng taga-Pateros at ang karamihan dito ay mga taga-Pasig, taga-Makati rin. Kaya ito ay kung pagbabasehan lalo kung halimbawa [unclear] tayo ano, [technical problem] natin per LGU ay magkakaroon tayo ng different classification ng alert level [technical problem] hindi rin tamang pagbatayan iyong ating utilization ng bed capacity.

Sa tingin ko hanggang sa ngayon ay ginagawa naman ng DOH iyong kanilang magagawa dahil nai-raise na ito sa mga dati naming meeting para makapag-adjust [kami], pero sa [ngayon mayroon] pa naman kaming nakikitang mga bagong pronouncement kaya hanggang sa ngayon ay naghihintay pa rin tayo.

SEC. ANDANAR: Base po sa obserbasyon ninyo sa nakalipas na dalawang linggo, masasabi ninyo po bang epektibo ang ipinatutupad na alert system at granular lockdowns?

PATEROS MAYOR PONCE: [Sa katunayan], two weeks ago kung ikukumpara ko iyong datos, bumaba ang aming COVID positive by 40%, so, medyo malaki ito. Bagama’t iyong last two days ay medyo bumaba rin nang kaunti tapos bababa uli ano. [Kung tanungin mo ako] two weeks ago, nasa halos 800 kami, [ngayon] nasa may 400 na, so, nakikita natin iyong pagbaba.

Pero sabi ko nga, hindi pa rin magdire-diretso dahil nakikita natin na mayroong araw na talagang medyo mataas, mayroong araw na talagang medyo mababa. So, nakikita natin rito talagang [technical problem] iyong ating granular lockdown bagama’t kahit effective ito ay talagang hirap na hirap [ang] local government unit ano [technical problem] pagpapatupad nito dahil nga doon sa cost sharing. Dati, malaki ang nagiging partisipasyon ng ating national government, ngayon ay naghahati kami na talagang [technical problem] dahil alam naman natin na masyado nang hirap ang mga local governments.

SEC. ANDANAR: Pagdating naman Mayor, sa suporta ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente, nasu-sustain pa naman po ba; nakapagbibigay na rin po ba ang DSWD ng ayuda sa inyo?

PATEROS MAYOR PONCE: So, far [garbled] Sec. Martin, at kung ano man iyong pinag-usapan namin ay nasusunod naman ito dahil maagap din kami. Once na sinabi na mayroong puwedeng pickup-in na food packs doon ay talagang pi-pickup-in namin kaagad ito para agarang din maibigay natin doon sa mga pamilya ng ating mga nagkakaroon ng positive at nagiging close contact ano.

Kaya lang siyempre ang nagiging puna naman natin dito, bagama’t naka [garbled] ang iniiyak noong ating mga kababayan ay [garbled] iyong kanilang problema, marami ding mga bagay katulad ng mga gamot, problema sa mga bills na dapat bayaran. So, nagiging challenges na sa atin ngayon.

Kaya kailangan talagang maigting pa rin iyong pagbabantay natin dahil iyong ating mga kababayan lalo na iyong pamilya ng positive, iyong mga close contact lamang at hindi naman positive na kinu-quarantine na rin natin for 14 days, hangga’t makakalusot, lulusot po eh. Para sila’y makapag-trabaho, para sila kahit papaano ay kumita ng pera dahil bukod nga sa pera ay mayroon pa silang ibang pangangailangan.

SEC. ANDANAR: Tungkol naman po sa bakunahan, nabanggit ninyo sa inyong update kahapon na nagkaka-problema kayo sa pamamahagi ng second dose. Anong dahilan po nito at para sa mga constituents ninyo na nanunood ngayon, may nais po ba kayong ianunsiyo sa kanila?

PATEROS MAYOR PONCE: Ang nagiging problema natin dito Sec. Martin, ay iyong mga tinext po hindi pupunta. Siyempre ang ating na vaccine per ampule ay may mga ilang doses na laman iyan ano? Pag hindi ka nakakumpleto pupuwedeng magtapon ay kailangan ho iyong iba para makapagkumpleto ka.

Iyon naman iba na minsan nagpu-fold ng system dahil mayroon kaming mga nainu-note ano na magrireklamo sa amin at nakatanggap naman, pero pag pina-double check ay talagang mayroon naman talagang itinext, pareho iyong number hindi lang namin malaman kung bakit hindi natatanggap, siguro sa sobrang dami na no, nagla-log ano.

So, ito iyong ginawa natin kukonti na no, kukonti na. Ang aming datos kahapon ay mahigit 500 na lamang ang hindi nakakatanggap noong Sputnik na vaccine ay [garbled] na mag-walk in na sila doon sa dalawang vaccination center nai-set iyong dose ng sputnik. Kasi sa tingin namin [garbled]na namin ng control iyong mga tao kahit mag-walk in sila, may te-text para naman matapos namin.

Kasi hangga’t hindi natin natatapos [garbled] naka-stock sa atin ito, nagbabayad po tayo sa [garbled] at patuloy na nagiging liability natin itong mga vaccines na ito na dapat ay maituturok natin na hindi natin maibigay-bigay dahil sa mga ganitong klase ng problema. Pero tingin ko Sec. Martin, mariremedyuhan po namin ngayon araw na ito ngayon.

SEC. ANDANAR: Ngayon buwan ay sisimulan na ang pagbabakuna sa mas mababang edad at general population. Mayor, bukod po sa ongoing registration para sa mga nakababatang populasyon. Ano pa po iyong paghahandang ginagawa ng lokal na pamahalaan ninyo dito?

PATEROS MAYOR PONCE: Mayroon po tayong mga adjustment na gagawin ano? Sa ngayon po ay tuloy-tuloy iyong ating online registration sa pamamagitan ng QR code na created for 12 to 17 year old. Pero of course, more than this, especially iyong mga forms na ating hinahanda na dahil po iyong form na iyan ay kailangan mayroon parents’ consent at mayroon din consent mismo noong batang babakunahan kaya dalawa ito.

Mayroon pa tayong mga adjustment na gagawin sa vaccination sites [garbled] darating po tayo doon once na nag-deploy tayo rito. Kailangan samahan ng magulang itong mga batang ito. Mayroon lang sigurong point doon sa vaccination center na kailangan ay talagang iwanan ng magulang iyong bata para kami na ang mag-handle.

So, ito po ay hinahanda na ngayon but more than this of course ang hinahanda pa nating isa ay iyong prioritization na maaaring ibigay na under the guidelines at ngayon ay sinasala na po naming isa-isa at malapit na rin kaming magsimulang magtawag doon sa mga nag-parehistro doon sa [garbled] and separate iyong may mga sakit po at saka doon sa walang comorbidities.

Tine-trace na rin namin kung sino iyong pamilya ng mga health workers din dahil posibleng maiba rin iyong category nila. So ito po, itong magiging [garbled] ang ginagawa po namin ngayon. Sabi ko nga, ito na ang guidelines ng DOH, ito na ang [garbled] may city order na, the following day puwede mag-start kasi naka-prepare na po kami at mayroon na po kaming around [garbled] of our target population ng mga bata na naka-register po sa aming QR code. Very confident na nagsimula po kami ay tataas din po at maabot po namin iyong general population katulad noong nangyari po na [garbled]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong oras Pateros Mayor Miguel Ponce, mabuhay po kayo sir.

PATEROS MAYOR PONCE: Salamat po Sec. Martin, USec. Rocky, mabuhay po and more power!

SEC. ANDANAR: Samantala, hanggang dito na lang muna ang ating partisipasyon sa programa ngayon umaga. Magsama-sama po uli tayo next week. USec. Rocky, ikaw na muna.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po Secretary Martin. I-push ko po ang panawagan namin sa Fitness Center na payagan na rin silang [garbled] sa ilalim ng dagdag na guidelines ng IATF extended Alert System Level 4 sa Metro Manila, pinapayagan din ang pagbubukas ng fitness industry. Para alamin ang [garbled] kaugnay diyan, makakausap po natin si Ms. Mylene Mendoza-Dayrit, ang President and CEO ng Gold’s Gym Philippines at pinuno rin po ng Philippine Fit Alliance. Good morning po.

PRES./CEO GOLD’S GYM DAYRIT: Hello, good morning USec. Rocky, and Secretary!

USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Mylene, bago pa man ito i-anunsiyo ng IATF kagabi, matagal-tagal din po kayong nagsulong para sa muling pagbubukas ng inyong sector. Ano na po ang naging epekto sa inyo ng pansamantalang pagsasara ng fitness industry?

PRES./CEO GOLD’S GYM DAYRIT: Naku, USec. Rocky, gaya ng lahat ano, papunta na tayo sa [garbled] buwan sa quarantine [garbled] 5 buwan lang po bukas ang mga gym. So ramdam po namin sa fitness [garbled]. Tama kayo nakipag-meeting po kami sa DTI, IATF and maraming salamat naisama kami sa Alert Level 4; pero hinihintay pa po namin iyong special guidelines ng DTI.

USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Mylene, babalikan namin po kayo aayusin lang po namin iyong linya ng komunikasyon sa inyo. Samantala, Bayanihan Caravan towards national recovery, inilunsad. Sen. Bong Go, pinuri ang Duterte legacy campaign para sa pangmatagalang kapayapaan at pag-unlad. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Huwag po kayong aalis magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Ito pa rin po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Muli po nating balikan si Miss Mylene Mendoza Dayrit ng Philippine Fitness Alliance. Ma’am, bago pa itong desisyon kagabi, kayo po ba ay nagsumite sa IATF ng isang study or research na hindi magiging super spreader event ang pagpunta sa mga fitness center?

PRES./CEO GOLD’S GYM DAYRIT: Tama po, Usec. Rocky. So, not only with IATF, nag-meeting kami a few days ago, but ganoon din with DTI, with DTI Secretary Mon Lopez at madami pang sector ng gobyerno ang aming kinonsulta at ibinahagi namin iyong experiences namin noong limang buwan na pagbubukas namin, plus iyong experiences ng ibang gym sa ibang bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Miss Mylene, pero ngayong araw kayo nga po ay pinapayagan nang magbukas, marami po ba ang nakatakdang mag-operate starting today, Ma’am. At tanong nga po ni Joseph Morong ng GMA News: How are you going to implement the 20% capacity daw po?

PRES./CEO GOLD’S GYM DAYRIT: Okay, napakagandang tanong niyan. I just want to inform you, siyempre iyong ating minimum physical distancing sa ibang bagay, eh only one meter apart, but kami, kami ang nagmungkahi na hindi dapat one meter kapag ikaw ay nag-i-exercise. So, ang kailangan talaga is anywhere from 2 meters to 4 meters. Sabi namin sa 4 meters na po tayo. So, kung 4 meters po ang pagitan natin sa susunod na tao, maging member man or staff, then ibig sabihin ang bawat isang taong nasa loob ng gym ay nasa 16 square meter na parang bubble, sarili niyang bubble. Iyon po ang aming rekomendasyon.

So, sa ngayon nagbaba na nga iyong IATF, at malaking pasasalamat namin sa kanila, na naisama kami sa alert level 4 sa pagbubukas, pero hinihintay pa po rin namin iyong special guidelines from DTI, so iyon po ang hinihintay namin. Pero kami prepared po kami na ang ipatupad ay 4 meters apart. So doon po nanggaling rin iyong 20%. So, just to give you a perfect example po, kung ang gym area mo ay 500 square meters, dati kaya mo talagang mag-accommodate ng 500 people in one hour, because nasa one square meter lang ang allotment. Pero ngayon, dahil 4 meters siya, so iyong 500 square meter mo, idi-divide mo ngayon by 16, so technically, mas maliit pa nga iyon, kaysa sa 20 meter kung tutuusin, pero iyon ang gusto naming ipatupad, kaming nasa Philippine Fitness Alliance.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Joseph Morong: Is the 20% affect the industry?

PRES./CEO GOLD’S GYM DAYRIT: Sa amin kasi, dahil sabi ko nga, limang buwan kami, five full months lang kaming nakapag-operate, kaya sa amin kahit gaano kaliit iyan na porsiyento tatanggapin namin. And siyempre ang isa pang sinabi is mask at all times, so dapat hindi mo tatanggalin ang mask mo kahit ikaw ay nag-i-exercise. Kasi sa experience din ng mga ibang bansa ‘no, iyong talagang nagkakahawahan, is kapag iyong group exercise, hindi sila malayo sa isa’t isa at wala silang mask. Kaya kami tanggap na namin iyon, sige hayaan nating mag-mask sila kahit sila ay nag-i-exercise, dahil madami rin namang research saying na walang epekto iyon sa effective breathing mo. Ang consequence lang is baka mabasa, mabasa iyong mask mo. So, dapat ang mga nag-i-exercise inside the gym, magdala ng extra mask.

USEC. IGNACIO: Miss Mylene, so paano po ang nakikita ninyong magiging sistema Halimbawa, para sa mga may personal trainor? Paano po male-lessen iyong exposure, ganoon din po iyong accommodate [garbled] na lang din po ba ito?

PRES./CEO GOLD’S GYM DAYRIT: Okay. Ang kasunduan is booking po tayo, advanced booking, kasi doon sa aming meeting nga rin with IATF, mas maganda kasi kung may advance booking sila—remember po membership po ang gym ‘no, so alam namin iyong mga detalye nila at kung talagang advanced iyong booking nila, then puwede na rin naming imbestigahan kung fully vaccinated sila. Kasi po ang sabi para mabuksan ang mga gym ngayong Alert Level 4 pa, is dapat vaccinated ang staff, fully vaccinated and fully vaccinated din po ang mga miyembro.

Now, tungkol nga po doon sa personal trainings, hindi po allowed iyong isang trainer at dalawang tao for example, kasi doon sa dalawang tao, considered na group exercise iyon by their definition. So one on one lang talaga at ganoon pa rin po 4 meters apart pa rin po sila; and parehong naka-mask. So, ibig sabihin, hindi po tayo puwedeng room [garbled], hindi po puwede iyon, kasi hindi natin puwedeng lapitan iyong kliyente.

Isa nga po iyon sa aming sinabi na talaga namang safe ang gym, kasi ang layo namin sa kliyente. So, at four meters lampas na lampas na po iyan sa lahat ng studies na nakita ko sa ibang bansa.

USEC. IGNACIO: Miss Mylene, ilang manggagawa po sa fitness industry ang inaasahang balik-trabaho na at ilang porsiyento rin po sa kanila ang bakunado na?

PRES./CEO GOLD’S GYM DAYRIT: Sa aming fitness alliance, so iyan po ang aming Philippine Fitness Alliance is made up of Anytime Fitness, Celebrity Fitness, Fitness First, Slimmers World, Gold’s Gym and USC Gym, we are proud to say po na about 95% of our people are fully vaccinated.

Iyon hong hindi vaccinated, eh naghihintay lang po ng tawag para sa kanilang appointments. Kaya naman po preparado kami is, naalala lang po namin iyong eksperyensa sa ibang bansa, karamihan po sa amin, ang aming headquarters ay nasa United States na alam naman nating sobrang dami ring naging kaso ng COVID. So, sa kanila po, sila ang unang nagpatupad niyan eh, na iyong magbubukas na gym, dapat vaccinated. So, sa Singapore, ganoon din po. Hindi naman po nila inietsa-puwera iyong hindi vaccinated, pero siyempre sa ibang level po iyon, ngayon Alert Level 4 ang pinag-uusapan natin.

So, talagang vaccinated na po iyong mga tao, kasi tanggap po naming nasa fitness industry na since inaalagaan namin ang kalusugan ng bansa, kailangan kami is a good example, at kami iyong dapat vaccinated din.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Ms. Mylene Mendoza-Dayrit, President/CEO ang Gold’s Gym Philippines. Salamat po.

PRES./CEO GOLD’S GYM DAYRIT: Thank you.

USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa report ng DOH para sa huling araw ng Setyembre 2021:

Nasa 2,549,966 ang ating total COVID cases matapos itong madagdagan ng 14, 286 na mga bagong kaso kahapon.
130 naman po ang mga nasawi, kaya umabot na sa 38,294 ang total COVID death.
Patuloy din po naman ang recovery sa mga tinatamaan ng sakit na umakyat na sa 2,373,378 matapos itong madagdagan ng 8,268 new recoveries.
At ang active cases natin sa kasalukuyan ay 138,294.

Makibalita naman po tayo sa operasyon ng One Hospital Command Center sa nakalipas na linggo, muli po nating makakasama sa programa si Fr. Marylaine Padlan, Medical Officer III, One Hospital Command Center. Welcome back po, Doc.

DR. PADLAN: Hi hello po, good morning po, USec. Rocky and good morning po sa lahat ng nanunood po.

USEC. IGNACIO: Doc, nabanggit ninyo dito sa programa last week, na bumaba na po iyong bilang ng mga tumatawag sa inyong linya. Pero ngayong linggo, kumusta po ang operasyon ninyo, na maintain po ba sa 300, 400 calls a day o mas bumaba na po?

DR. PADLAN: Dito po sa national OHCC naman po for the past week, nakita po namin na nagkaroon ng trend na bumaba to 200 to 300 calls a day, pero karamihan pa rin po ng calls dito ay mula pa rin po sa NCR at Region IV-A dito sa ating national OHCC. Pero hindi po nawawala iyong trend na mas marami pa rin po iyong hospital admission request. So that it means po kapag hospital admission, mga moderate, risk, severe, critical cases pa rin iyong mga patients or mga kliyente na nagri-request po sa amin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero aling mga rehiyon sa bansa ang masasabi ninyong nasa critical situation pa base po sa natatanggap ninyong bayad at utilization ng hospital facilities?

DR. PADLAN: Base po ‘no sa ating utilization ng hospital facilities ang ating mga nasa critical risk pa rin po ay iyong ating CAR, Region II at CARAGA po, while high risk naman po MIMAROPA, Region V and Region IX po, base po sa ating data po regarding sa utilization po ng hospital.

USEC. IGNACIO: Doc, ito po bang pagbaba ng mga tawag sa One Hospital Command Center may epekto naman po ba ito pagdating sa bilis ng pagri-refer at pagpapa-admit ng mga pasyente sa mga ospital?

DR. PADLAN: Mayroon po namang epekto doon sa operations, dahil po sa pagbaba ng tawag ay nakatulong po sa sistema namin ito, dahil mas marami na rin po kaming mga ospital na natatawagan at mas maraming LGU na nakikipag-coordinate na po kami sa bawat pasyente or sa bawat kliyente po namin na natatanggap po.

USEC. IGNACIO: Para sa mga pasyenteng nasa waiting list. Ano po iyong assurance ng One Hospital Command Center na babalikan po sila at paano rin po iyong nagiging sistema ng emergency na nasa waiting list?

DR. PADLAN: Ginagawa naman po lahat ng staff namin dito sa OHCC ang aming makakaya na maghanap ng ospital at ma-update regularly po iyong ating mga kliyente or ating mga pasyente, kaya rin po madalas nakikipag-coordinate po kami sa LGU na para ma-monitor po sila.

Kapag nasa waiting list po sila ng isang ospital, hindi naman ibig sabihin po ay tumitigil na po kami sa paghahanap. We still continue to call and locate hospital that can cater the needs of the patient. So maghahanap pa rin kami, then ia-update namin iyong families amenable po sila doon sa mga hospitals na nahanap po namin. Then anytime po na magka-emergency po ‘no iyong mga pasyente ‘no, they can call us, they can update us and then ia-assist din po naman definitely po namin kaagad iyong patient po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, totoo po ba na may protocol diumano po sa DOH hospitals na nag-a-accept lang ng pasyente sa ICU na endorsed ng One Hospital Command?

DR. PADLAN: Isang layunin po ng One Hospital Command Center ay magkaroon po tayo ng maayos na referral para sa mga pasyente na para maiwasan iyong mga hospital hopping ng mga pasyente. Para po sa mga referral natin sa DOH Hospital, puwede po silang dumaan sa amin para i-refer ang kanilang mga patients, especially kung nasa community, community-based pa po iyong patients. Since ayaw po natin talagang palipat-lipat lang po talaga sila, lalo na kung iyong kalagayan nila ay malala po, kung severe or critical. Those in health facilities naman po, they can call us and we will also refer to them, we will also trace the endorsement po to these hospitals and these health facilities naman po can also endorse to DOH hospitals as well.

USEC. IGNACIO: Doc, kailan po nakikitang babalik ulit sa average 200 calls tulad noong Hulyo ang bilang ng mga tumatawag sa One Hospital Command?

DR. PADLAN: Mahirap po masabi po ito ‘no, depende pa rin po kasi iyan sa control [garbled] ‘no, sa LGU natin, sa vaccination rate din po natin. Pero umaasa po kami ‘no na we are going [there] but we are also ready in case na magkaroon ulit ng increase in trend ‘no. Again hindi naman po kasi lahat ng COVID cases dumadaan po sa amin and kahit iyong mga non-COVID cases hindi naman po lahat dumadaan po sa amin ‘no, iyong mga nagri-request lang po talaga ng hospital admission po and sometimes iyong health facility isolation din po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, patuloy po ba ang pagbubukas ng mga One Hospital Command Center sa mga probinsiya? Alin po ang operational na at magiging operational pa?

DR. PADLAN: Ang mga regional OHCC naman po ay established naman na po iyan dahil inumpisahan rin po iyan naman ng DOH, matagal na po silang operational. And these regional OHCC continue to strengthen their referral system naman po within their own regions and we’re expecting din po na kahit sa mga provinces puwede na rin po silang magtayo and mag-establish po ng kanilang mga OHCC. But nonetheless ‘no, iyong regional OHCC po natin, matagal na po silang nandiyan, operational in response po sa ating COVID-19 situation po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon, Dr. Marylaine Padlan ng One Hospital Command Center. Doc, salamat po.

DR. PADLAN: Thank you po, Usec. Rocky. Magandang tanghali po.

USEC. IGNACIO: Para naman sa [pinakahuling] pangyayari sa iba’t ibang mga lalawigan sa bansa, puntahan naman natin si Czarinah Lusuegro mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro ng PBS-Radyo Pilipinas.

Para naman alamin ang sitwasyon ng active cases sa Cordillera Region, may ulat din ang ating kasamahan na si Jorton Campana:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Puntahan naman po [natin ang] sitwasyon ng bakunahan sa Davao City. Ihahatid iyan sa atin ni Julius Pacot:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, isang malaking laban po ang pag-iisip at pagsasakatuparan ng [plano sa negosyo], iyan ang naengkuwentro ng isang food business na ating itatampok bukas. Bukod kasi sa mga normal na suliranin na kanilang kinakaharap ay mas pinatindi pa ito ng pandemya. Alamin natin kung paano nila nalampasan ang mga pagsubok na ito, abangan po iyan bukas sa ‘Ani at Kita’.

At iyan po ang mga balita at talakayan tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang [sangay] ng PCCO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Mga kababayan, 85 days na lamang po at Pasko na.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po uli tayo bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center