Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan saanmang panig ng mundo.

Ngayong araw ng Lunes, October 11, atin pong talakayin ang pinakahuling development sa sitwasyon ng COVID-19 sa buong bansa. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Hihimayin natin ang mga usapin tungkol sa bumababang COVID-19 reproduction rate sa Metro Manila, gayun din ang estado ng cinema industry sa bansa, at ang pagsisimula ng bakunahan sa mga bata. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Kaya tumutok lang po tayo sa isang oras nating talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Pagkatapos ng filing of certificate of candidacy noong Biyernes, ngayong araw naman ay muling binuksan ng Commission on Election ang voter’s registration para sa eleksyon 2022. Bukas po ang Comelec offices sa buong bansa ng Lunes hanggang Biyernes, mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon habang ang mga satellite registration centers naman nito ay depende sa schedule ng mismong venue. Ito po ay extended hanggang October 30 na araw naman ng Sabado. Kaya para sa mga disiotso anyos pataas sa araw mismo ng eleksyon na hindi pa rehistrado, humabol na po at magparehistro. Para sa karagdagang detalye, bisitahin lang po ang website at Facebook page ng Comelec.

USEC. IGNACIO: Samantala, buo na ang tandem ng partido ng administrasyon para sa eleksyon sa susunod na taon. Kaya kapag pinaburan ng taumbayan ang Bato-Go tandem, tiniyak ng dalawa ang continuity ng mga Duterte programs. Narito ang report:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Samantala, kumustahin natin ang kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19 dito po sa Metro Manila at sa buong bansa base sa obserbasyon at pag-aaral ng independent research group na OCTA Research, makakapanayam po natin si Dr. Guido David. Magandang umaga po sa inyong muli, Dr. Guido.

DR. GUIDO DAVID: Good morning, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Dok, sa ngayon po ay nasaan na ang Metro Manila pagdating po naman sa reproduction rate dito; tuluy-tuloy na ba ang nakikita nating pagbaba nito?

DR. GUIDO DAVID: Yes, iyan iyong nakikita natin, Sec. Martin, na tuluy-tuloy na ang pagbaba. Ngayon ay nasa 0.63 ang reproduction number sa Metro Manila, at bumababa pa iyan. Iyong 7-day average natin sa Metro Manila ay less than 2,000 na – 1,900 plus. Last time na nakakita tayo ng less than 2,000 cases per day noong July 31 to August 6, ibig sabihin before tayo nag-ECQ. Ibig sabihin, na-reverse na natin iyong surge natin na nangyari from August to September, at ngayon parang bumalik na tayo before nag-ECQ tayo noong August 6.

So iyon iyong magandang balita, Sec. Martin; at saka iyong positivity rate natin ay nasa 12% na lang sa Metro Manila, malapit na iyan bumaba to less than 10%. Kapag less than 10%, masasabi natin na medyo sapat na talaga iyong testing natin na ginagawa natin sa Metro Manila.

SEC. ANDANAR: Ito ba ay masasabing ideal rate na o mas maganda kung bababa pa ito?

DR. GUIDO DAVID: Sec. Martin, mas maganda kung bababa pa ito. Iyong 10% ano pa lang iyon, kumbaga medyo moderate pa lang iyon. Mas maganda kung mapababa natin iyong positivity rate to five percent, mas maganda rin kung iyong 7-day average natin sa Metro Manila ay mapababa rin natin less than 100,000 cases. Iyong ADAR natin sa Metro Manila nasa high pa ngayon, so magandang mapababa natin iyon to moderate.

Pero iyong overall risk classification na nakikita natin sa Metro Manila ay moderate at iyong mga LGUs din karamihan ay nasa moderate risk na rin sa Metro Manila.

SEC. ANDANAR: Dahil dito ay posible na nga bang bumaba sa low-risk ang Metro Manila by end of October, tama po ba?

DR. GUIDO DAVID: Tama iyan, Sec. Martin. Posible iyan basta magpatuluy-tuloy lang ang pagbaba ng bilang ng kaso. Siyempre mahalaga pa rin na patuloy pa rin tayong sumusunod sa ating mga protocols – iyong pagsuot ng face mask; iyong social distancing. Huwag muna tayong masyadong sumali sa large ano, mga social gatherings na malalaki; puwede naman pero iyong mga maliliit lang muna siguro hangga’t bumaba na iyong bilang ng kaso natin at nasa low-risk na tayo.

Iyan nakikita natin by end of October, at ang nakikita natin ay tuluy-tuloy na iyan hanggang Pasko at magiging maligaya na sana ang Pasko natin. I mean, iyan iyong inaasahan natin.

USEC. I GNACIO: Good morning, Professor Guido. Ang ibig sabihin din ba nito ay nama-manage na natin nang maayos ang Delta cases sa Metro Manila?

DR. GUIDO DAVID: Yes, Usec. Good morning, Usec. Rocky. Nama-manage natin ang cases sa Metro Manila, at ang tingin nga natin, ito na iyong ano … patapos na iyong Delta variant sa Metro Manila at sa mga surrounding areas sa CALABARZON, sa Central Luzon – iyong tinatawag nating end game ng Delta variant. Hindi pa tapos, hindi pa ubos iyong Delta variant pero kumukonti na sila. Nananalo na tayo against the Delta variant, iyon iyong masasabi natin. Pero kailangan patuloy pa rin iyong efforts natin para talagang magpatuloy iyong tagumpay natin against the Delta variant kasi medyo mataas pa rin naman iyong ICU utilization natin, inaamin natin iyan, pero lahat ng ibang indicators natin ay pababa na.

At ganoon pa man, Usec., dito sa Metro Manila nananalo na tayo against the Delta variant pero may mga iba pang regions na nagkakaroon pa ng surge particularly sa Region II at may iba pang regions na medyo mataas pa iyong cases. Pero overall, sa buong Pilipinas, ayun nga, maganda iyong nakikita nating trend at mag-a-average na rin tayo ng four digits na lang sa buong Pilipinas by this week, hopefully.

SEC. ANDANAR: Kung patuloy na nga itong downward trend dito sa Metro Manila, sa palagay po ninyo puwede na kaya ang pagbaba ng Alert Level dito from Level 4 to Level 3 or 2 by October 16?

DR. DAVID: Sec. Martin, iyong pag-decide doon sa alert levels, of course, decision iyan ng IATF at saka ng Department of Health kasi may sarili silang metrics na tinitingnan na hindi laging pareho doon sa metrics na tinitingnan namin.

Pero base sa aming pagtataya, tingin natin puwede na talagang ibaba sa Alert Level 3 at maaaring posible rin na Alert Level 2 dahil nakikita nga natin moderate risk na sa Metro Manila. Pero ganoon pa man, we respect kung ano iyong criteria na ginagamit ng IATF at saka ng Department of Health na pag-decide kung anong magiging alert level natin.

SEC. ANDANAR: Pero ito pong projection na ito, can we say na accurate ito lalo pa’t nitong mga nagdaang araw ay nagkaroon ng problema sa database ng DOH? Can we really say na bumubuti na nga ang sitwasyon dito sa Metro Manila?

DR. DAVID: Yes, Sec. Martin, masasabi natin na talagang bumubuti na iyong situation. Aware tayo na nagkaroon ng glitches sa COVID KAYA ng Department of Health, may mga late reports din, may backlog na kaunti. Pero ang nakikita natin iyong positivity rate bumababa, nasa 12% na lang; iyong hospitalization utilization natin bumababa din, nasa low risk na lang tayo sa Metro Manila. Iyong ICUs lang iyong mataas, pero iyong hospital beds ay bumababa rin.

So, ibig sabihin, kung marami pa iyong cases hindi dapat bababa iyong positivity rate at hindi pa dapat bumababa iyong hospital utilization. At saka isa pa, Sec. Martin, iyong nakikita natin sa mga local government data, nagko-coincide din, nag-align din siya sa nakikita natin na datos na bumababa na talaga. Iyong mga local government, iyong mga mayors, sinasabi nga nila nararamdaman na nila na lumuluwag na at gumagaan na iyong pakiramdam. Ibig sabihin, bumabagal na talaga at bumababa na iyong mga cases.

SEC. ANDANAR: Ito po kaya ay epekto na ng pagbabakuna at ng granular lockdown sa ilalim ng Alert Level System dito sa Metro Manila?

DR. DAVID:Totoo iyan, Sec. Martin., epekto iyan ng bakuna. Marami na tayong nabakunahan, more than seven million na sa Metro Manila at saka sa surrounding regions marami na rin ang nabakunahan at ang granular lockdown nakikita natin effective siya sa ngayon. So, mahigit tatlong linggo na iyong granular lockdown natin at hindi pa tayo nakakakita ng spike in cases, so, masasabi natin effective itong mga strategies na ginagawa natin ngayon.

SEC. ANDANAR: Paano naman po sa ibang parte ng bansa? Although mataas pa rin po ang naitatalang kaso sa ilang rehiyon kagaya ng MIMAROPA, Bicol Region at Zamboanga Peninsula, somehow ba ay masasabing bumubuti naman ang COVID situation sa buong bansa in general?

DR. DAVID: In general, bumubuti talaga iyong situation kasi bumababa pa rin, Sec. Martin. Iyong reproduction number natin sa buong bansa ay 0.7, ibig sabihin, bumababa talaga iyong hawaan sa buong bansa.

Yes, may pagtaas pa nang kaunti, may mga mataas pa ng kaunting kaso sa mga ibang regions, kasama nga ang Bicol Region, Zamboanga Region at saka sa Region II na sabi nga natin sa MIMAROPA mayroon din, pero sa iba diyang bahagi kunwari sa Region I, nakita natin na bumagal na rin ang hawaan. At sa iba, kunwari sa Cordillera Administrative Region na medyo mataas iyong bilang ng kaso, pababa na rin, medyo nag-peak na rin sila doon.

So, sana patuloy na iyon, Sec. Martin, by end of October. Sana lahat ng regions pababa na iyong bilang ng kaso para hindi lang dito sa Metro Manila, CALABARZON at sa Cebu, Davao, na pababa, pero buong Pilipinas talaga, lahat bumababa na. Ang goal natin sana mga 5,000 cases na lang tayo by November at by December sana mga 2,000 to 3,000 cases na lang per day sa buong Pilipinas. Magandang balita iyan kung magkatotoo iyan, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Kung masasabing effective nga itong granular lockdown system, sa palagay ninyo po ba ay how soon can we shift the whole country sa ganitong sistema?

DR. DAVID: Well, hindi ako makakapagkomento diyan, Sec. Martin, kasi ano iyan eh, nasa Department of Health and sa IATF iyong pag-aaral ng sistema na iyan. So, siguro, ayun nga, hindi ako makakapagkomento pero sana nga mapag-aralan natin para magamit din natin itong granular system natin sa buong bansa kasi nakikita nga natin iyong pilot testing dito sa Metro Manila ay effective naman.

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin si Usec. Rocky Ignacio para sa tanong ng media. Please go ahead, Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Sec. Martin. Good morning ulit po, Professor/Dr. Guido. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sure na po ba na bababa ang mga cases ng COVID-19 in the coming days at aabot na po ba tayo sa ideal less than 10,000 cases per day sa mga susunod na araw?

DR. DAVID: Thank you, Usec. Iyong average natin ngayon, seven-day average is 10,400 na lang, so, kaunti na lang iyong seven-day average natin bababa na to less than 10,000 which is ideal pero siyempre gusto natin mas mababa pa. So, hopefully, tuluy-tuloy na nga iyan. Wala naman siyempreng guarantee sa buhay, kailangan pa tuloy pa rin iyong pag-ano natin, iyong mga efforts natin, efforts ng local government para ma-sustain itong pagbaba ng bilang ng kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pa ring tanong ni Red Mendoza: Sa Sydney daw po, nagawa na ang sinasabing Freedom Day kung saan nagluwag-luwag na ng mga restrictions. Do we see a similar freedom day sa NCR as soon as maka-reach na tayo sa 70% na bakunahan?

DR. DAVID: Well, Usec., iyong Freedom Day ginawa rin iyan sa UK noon. May risk iyong freedom day kasi ang freedom day gusto nila luwagan na lahat, maskless na hanggang sa maaari. May risk na magkaroon pa rin ng spike in cases dahil marami pa tayong hindi nababakunahan.

Ngayon, kung nakabakuna na tayo ng maraming kababayan natin at mababa na iyong bilang ng kaso, nasa low risk na tayo, kunwari nasa 2,000 cases per day na lang, puwedeng pag-usapan iyan, pag-aralan natin. Pero sa ngayon, siguro maaga pa para masabi natin kung kailan tayo magkaka-freedom day.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po for joining us today, Dr. Guido David ng OCTA Research. Always keep safe, Sir.

DR. DAVID: Thank you, Sec. Martin and Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Hanggang dito na lang muna ang ating partisipasyon sa programa ngayong araw. Magkita tayong muli bukas mga kababayan. Usec. Rocky, go ahead.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Martin. Batiin lang po natin ang 123rd anniversary po ang Manila Times, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Happy anniversary. Congratulations sa ating mga kaibigan, mga may-ari po ng Manila Times, si Sir Dante Ang. Salamat po at congratulations.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin.

Samantala, base sa pinakahuling tala ng Department of Health, nadagdagan ng 12,159 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Dahil dito, sa kabuuan ay umabot na sa 2,666,562 ang total cases sa Pilipinas. 27, 727 naman po ang mga gumaling o katumbas ng 2,536,011 total recoveries, habang 119 naman ang naitalang nasawi kaya pumalo na sa 39,624 ang lahat ng mga pumanaw sa bansa. Sa kasalukuyan, nasa 3.4% ng total cases ang nagpapagaling pa rin o katumbas ng 90,927 active cases.

Samantala, sa unti-unting pagbubukas ng mga negosyo sa Pilipinas kagaya ng mga restaurant at iba pang tourism-related establishment, may ilan pong industriya naman na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin na mapayagang mag-operate sa gitna ng pandemya kagaya po ng mga sinehan kaya naman panawagan ng mga taong ito ang ikinabubuhay #unlockphcinemassavejobs.

Kaugnay niyan ay makakausap po natin ang pangulo ng Cinema Exhibitor Association of the Philippine na si Ms. Charmaine Bauzon. Magandang umaga po, Ma’am!

CEAP PRESIDENT BAUZON: Hi! Magandang umaga, Usec. Rocky at sa lahat ng mga nanunood.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po ba ay may tala ba kayo kung ilang cinema workers ang nawalan ng trabaho sa higit isang taon pong pagsasara ng mga sinehan?

CEAP PRES. BAUZON: Kung pagbabasehan po natin ‘no ‘yung sinehan lang mismo, ito ‘yung ating mga ticket sellers, ushers, projectionists, ‘yung mga housekeeping, security… a 150,000 estimate ‘yung mga gumagawa noong pelikula – ito ‘yung mga artista, direktor at ‘yung buong production crew behind po noong paggawa ng pelikula. At the same time malaki rin po na naapektuhan mga 136,000 ‘yung nagdi-distribute nitong mga nagawang pelikula, those local and ‘yung mga Hollywood movies na dinadala dito. At saka mayroon mga about 43,000 ‘no na mga apektado din ‘yung ating mga suppliers pati na ‘yung mga establisyemento na umaasa doon sa sinehan, ‘yung mga food establishments doon sa tabi ng mga sinehan natin. So all in all, aabot nang humigit-kumulang 336,000 po ang apektado.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, pero gaano kalaki ‘yung nalugi dahil sa patuloy na pagsasara ng cinema industry dito sa Pilipinas?

CEAP PRES. BAUZON: Sa amin pong estima, aabot na siguro ng mga humigit-kumulang 21 billion ang nalugi magmula noong nagsara tayo noong March, mahigit isang taon at kalahati na po kasi ano. At gaya ng nabanggit ko, parte lang po iyong exhibition or ‘yung mga sinehan kasi ‘pag bumibili po tayong ticket, mahigit kalahati nito pumupunta doon sa producer noong pelikula at siyempre mayroon din po tayong mga binabayarang mga buwis sa gobyerno at sa LGU. So mga 21 billion po ang estimate. Hindi pa po kasama dito ‘yung opportunity lost noong mga tindahan na gaya ng nasabi ko na sumusuporta sa sinehan, ‘yung mga nasa tabi noong mga sinehan na mga food outlets.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, isinusulong po ni Secretary Joey Concepcion ang pagbubukas ng mga sinehan ano po sa ilalim ng Alert Level 3. Pero sa ngayon, wala pa pong kasiguruhan kung kailan tayo ibababa ano po from Alert Level 4. So, ano pong masasabi ninyo dito?

CEAP PRES. BAUZON: Well kami po ay optimistic ‘no na sa tuloy na pagbababa ng kaso gaya ng nabanggit ni Sir Guido at saka ‘yung maigting na pagpapabakuna sa ating mga mamamayan, kami’y naniniwala na malapit na tayong magluwag ng alert level. At kagaya dito po sa NCR, ang huling tala ng MMDA ‘di ba nasa 70 plus na po ang fully vaccinated at malaki pong bagay ito na sa patuloy na pagbabakuna ng lahat ay lalawak na ‘yung mobility ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, pakipaliwanag po sa amin itong na-develop ninyo “Sa Sine Safe Ka!” protocols, ano po ang nilalaman nito at ano po ang naging basehan nito?

CEAP PRES. BAUZON: Okay. Since sarado pa po tayo ‘no, ang ginagawa namin ay ‘yung masusing pagsusubaybay doon sa mga nagbukas na. Kung ‘di ninyo naitatanong, Usec. Rocky, tayo na lang ‘yung bansang hindi pa nakapagbukas doon sa mga karatig nating mga bansa. Kahit na nagka-spike for example sa India or Indonesia, nagbukas na rin po sila. So ang ano po namin is binabantayan namin ‘yung mga ginagawa nila para may matutunan tayo.

And ‘yung “Sa Sine Safe Ka!” ang isa sa mga naging basehan po natin diyan ‘yung ginawa na Cine Safe protocols ng National Association of Theater Owners sa America na ito ay inendorso at masusi ring ni-review noong mga eksperto hindi lang sa siyensiya at pati sa medisina. So—and of course ang tiningnan din natin ‘yung sarili nating mga protocols na galing po sa ating IATF at kasama na po dito siyempre ‘yung may social distancing – so ‘pag nagbukas po tayo dapat one seat apart muna, tapos the whole time na nanunood ng sine naka-mask ‘yung mga nanunood, tapos wala munang kakain. At saka siyempre doon sa ating mga empleyado na ‘yung laging paghuhugas ng kamay, gagawin din po natin ‘yan ‘no. So lahat ‘to ay aming gagawin ‘pag tayo’y pinayagan nang magbukas.

USEC. IGNACIO: Ms.  Charmaine, ang major concern po kasi sa mga sinehan ay malamig na, closed space pa. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times tungkol diyan: ‘Pag nabigyan po ba kayo ng clearance to reopen, handa po ba ang mga ventilation system ng mga sinehan natin para po ma-assure na hindi magkakaroon ng posibilidad na super spreader event? May mga nakuha ba kayong idea sa ibang bansa na ngayon ay operational na muli ang mga sinehan?

CEAP PRES. BAUZON: Opo ‘no. Isang malaking bagay po na ‘yung ating mga auditoriums ‘di ba mataas po ‘yung ceiling so ‘yung pag-circulate noong hangin ay mas maganda kasi nga dahil mas malawak ‘yung open space. Enclosed nga man siya pero dahil mataas po ‘yung ceiling, mas nagagawa pong mapaikot ‘yung hangin. Ang isa pa, bawat isa pong auditorium may sariling aircon unit so hindi po mangyayari ‘yung magkakaroon ng cross contamination.

At the same time, may mga ginagawa po tayo, for example ‘di ba kasi after each screening lumalabas lahat ng tao at nililinis natin ‘yung buong auditorium, binubuksan din natin ‘yung mga pinto at lahat ng puwedeng mabuksan para again tuluy-tuloy ‘yung pagpasok ng fresh air. Isa pa na gagawin natin is ‘yung bago pa magbukas ang sinehan na ipapaandar na natin ‘yung aircon para nga again umiikot po ‘yung hangin. So before, during and after na patuloy po ‘yung pagpasok ng fresh air para nga po maiwasan itong sinasabi nila na baka maging spreader.

USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Charmaine, nagkaroon po ba ng consensus ang mga cinema owners tungkol sa pagsunod sa mga pagbabagong ipatutupad para po mag-comply sa safety protocols ang pamahalaan?

CEAP PRES. BAUZON: Well, lahat po ng mga ano natin ‘no, members ng CEAP po ay sumang-ayon at susundin po naming lahat ‘yung mga protocols na aming ginawa at the same time kung ano po ‘yung ibibigay sa atin ng IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kumusta naman po ‘yung pagbabakuna sa mga cinema employees? May datos po ba kayo dito?

CEAP PRES. BAUZON: Well, we’re happy po to note na 95% po ng mga cinema employees sa mga miyembro ng CEAP ay already vaccinated. At masabi ko lang po ‘no na i-relay ko na dito na ‘yung pagiging safe po ng ating sinehan, isang patunay po diyan na ang mismong ating mga sinehan ay ginagamit ngayon as vaccination sites. So ‘yung iba po nating mga empleyado diyan nabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Tingin ninyo makakabawi ang mga sinehan kung magbubukas muli ang mga ito lalo na’t nasanay na po ‘yung mga tao sa mga streamed movies?

CEAP PRES. BAUZON: Sa experience po noong mga ibang bansa nakapagbukas na ‘no, sabik ang mga tao na makapanood ng sine muli sa big screen. Iba po pa rin ‘yung experience na nabibigay na pinapanood mo siya sa malaking screen na kasama mo ‘yung mga kaibigan mo or kapamilya. It’s an experience that cannot be replicated ng mga ibang medium available right now.

So ang isa pa po is ‘yung sinasabi mayroon research po kaming nakita sa ibang bansa na in fact ‘yung pagpapanood sa sinehan, may malaking positive effect sa happiness ng tao – parang it’s a therapy with all the things na nangyayari po sa atin ngayon na kahit man lang sa isa’t kalahating oras ay makakalimutan mo at mata-transport ka sa ibang buhay o ibang lugar na makakapagpasaya sa’yo.

USEC. IGNACIO: Oo nga. Kasi ‘pag nasa bahay ka, streamed movies, medyo paputul-putol ‘yung panunood mo kasi kakain ka… pero ‘pag nasa sinehan tuluy-tuloy lang po. Bilang panghuli po, ano pong masasabi ninyo sa pamahalaan, sa mga tao at sa lahat ng stakeholders tungkol sa panawagan ninyong buksan na ang mga sinehan sa Pilipinas?

CEAP PRES. BAUZON: Kami po ay nananawagan na kami’y payagan na pong magbukas. Matagal na po kaming naghahanda, kaya handang-handa na po kami, pati na iyong mga empleyado namin. Kagaya ng nasabi ko, lahat ng mga sinehan sa mga ibang bansa nakapagbukas, tayo na lang po iyong sarado. And iyon pong patunay na safe nga, wala pa pong na-record ni isa kahit sa anumang lugar na nakapagbukas na ng sinehan na nagkaroon ng transmission ng COVID-19. So magandang senyales po ito na talagang kung susundin po nating lahat iyong mga safety protocols na ating inilatag ay makakapanood po tayo ng ligtas.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon, Miss Charmaine Bauzon ng Cinema Exhibitor Association of the Philippines. Stay safe po.

CEAP PRES. BAUZON: Salamat, Usec. Rocky at maraming salamat din po sa opportunity na ito. Good morning.

USEC. IGNACIO: Salamat po, Ma’am.

Samantala, hinatiran naman ng tulong ng tanggapan ni Senator Bong Go at ng ilang ahensiya ng pamahalaan ang mga nabiktima ng magkahiwalay na sunog na naganap sa Parañaque at Makati. Narito ang report:

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Sa darating na October 15 ay nakatakda nang simulan ang pilot implementation ng pediatric vaccination sa bansa na uunahin muna dito sa Metro Manila. Inilabas na rin ng pamahalaan ang guidelines tungkol dito. Para alamin ang detalye niyan, makakausap po natin si Dr. Drew Camposano mula sa Pediatric Infectious Diseases Society of the Philippines. Good morning po, Doc.

DR. CAMPOSANO: Good morning po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Opo. Sa ngayon po ba ay all systems go na ang nalalapit na pagbabakuna ng mga bata by October 15? At ano po ang dapat i-expect ng mga magulang at bata by then?

DR. CAMPOSANO: So, sa ngayon po patuloy po ang paghahanda para sa Biyernes: Iyong mga ospital po na naka-assign, iyong walong ospital sa NCR na naka-assign, iyong naghahanda po; tapos may town hall meeting po para sa mga doctor at nurse at iba pang healthcare workers na magiging involved sa vaccination; tapos, pati po iyong mga magulang ng mga batang babakunahan, magkaka-town hall meeting din po sila bukas.  So, patuloy po ang paghahanda para sa Friday, iyong start ng ating vaccination sa mga bata sa NCR, sa mga ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, bakit po mahalagang gawing phased or per batch ang pagbabakuna sa mga bata, base po sa edad nila? Uunahin po iyong 15 to 17 years old, tama po ba ito at bago po iyong 12 to 14 years old?    

DR. CAMPOSANO: Opo. Kailangan pong phased muna, siyempre para maging handa tayo. Kapag malakihan/malawakan na iyong bakunahan, maaaral natin kung ano iyong mga kailangan nating paghandaan kapag marami na iyong babakunahan. At phased, kasi siyempre iyong mga ibang lugar hindi pa po nakakaabot ng 50% above iyong senior citizens nila na nababakunahan. So unahin muna iyong mga lugar na mataas na iyong coverage ng mga senior citizens, kaya rin po phased. Tapos, uunahin muna iyong 15 to 17 over the 12 to 14, kasi siyempre mas matanda po sila, parang mas matanda sila ng kaunti, so mas mataas din ng kaunti iyong risk nila for COVID. Kasi alam natin sa COVID, the older you get, the higher your risk of getting severe disease. So, kaunting ano lang, uunahin muna iyong 15 to 17 tapos 12 to 14 na A3.

USEC. IGNACIO:  Doc, paglilinaw lang po, uunahin lang po ba ang mga anak ng healthcare workers o isasabay na rin pong unahin itong may mga comorbidities?

DR. CAMPOSANO: Ang mga anak po ng healthcare workers natin ay napapabilang sa A1. Pero sa ngayon po A3 muna po iyong uunahin natin, iyong mga batang may comorbidity. So in case na iyong anak ng healthcare workers ay may comorbidity, eh di puwede po siyang kasama doon sa A3. Pero po, kapag wala namang comorbidity, hindi pa po muna.

USEC. IGNACIO: Opo. May final list na po ba ng comorbidities ng mga bata na ipa-prioritize na bakunahan at kung mayroon po, anu-ano po ito?    

DR. CAMPOSANO: May listahan na pong inilabas iyong DOH para sa bata. Babanggitin ko lang po isa-isa para po sa kaalaman din ng ating mga nanunood. Medyo mahaba po ito, pero generally, iyong mga may medical complexity, ibig sabihin iyong mga maraming sakit tulad ng congenital na sakit, congenital heart disease, mga ganoon; o kaya may mga genetic conditions, mayroong mga neurologic conditions, tulad ng mga seizure, metabolic endocrine diseases tulad ng diabetes, hypothyroidism; mga may sakit sa puso; mga obese o iyong mga  BMI nila ay mas mataas ng 95, kino-compute naman po iyon; tapos tuberculosis, iyong mga may sakit sa baga, chronic respiratory disease tulad ng asthma; renal disease, sakit sa bato, sakit sa atay; o kaya iyong mga may sakit sa immune system nila tulad ng HIV; o kaya ay mga nag-aa-undergoing chemotherapy, iyong mga patients na may cancer. So kasama po iyon sa ating mga priority.

USEC. IGNACIO: Doc, may mga required documents po bang kailangang ipakita ang bata o magulang para mabakunahan sila to prove na may comorbidity nga po itong bata?

DR. CAMPOSANO: Opo. Kasama po sa proseso natin iyong pagbibigay ng medical certificate sa mga pasyente bago sila bakunahan.  So, mayroon na rin pong standard form na inilabas ang DOH sa medical certificate na ito o medical clearance so kailangan po muna na mayroong ganito iyong bata bago siya magpabakuna. Puwede po niya itong kunin sa kaniyang doctor o kaya sa kaniyang attending pediatrician.

USEC. IGNACIO:  Doc, tama ba na bukod sa consent ng magulang ay dapat may assent din ng bata na hindi siya napilit lang na magpabakuna at kung mayroon po paano po ang gagawin dito? May pipirmahan din ba sila o may free interview muna bago bakunahan?

DR. CAMPOSANO: So, bale po kapag pumunta po sila sa vaccination site, dapat iyong bata, iyong teen-ager kasama niya iyong kaniyang magulang o ng kaniyang legal guardian. Iyong legal guardian po niya ang papaliwagan at bibigyan ng information tungkol sa bakuna at siya ang pipirma ng consent. Iyong bata naman, siya ay bibigyan din ng information at kung siya ay papayag, siya ay pipirma ng assent. So may form din po iyon na kailangan pirmahan noong kaniyang parent or legal guardian at iyong bata naman po, iyong teen-ager ay pipirma ng assent form. So mayroon pong kailangang pirmahan, both silang dalawa.

SEC. IGNACIO: Pero saan-saang ospital po ito gagawin, Doc? May magiging kaibahan po ba sa proseso nang pagdaraanan nila from the process na ipinatutupad sa priority sector?

DR. CAMPOSANO: So for now po, uunahin muna ang parang pilot site natin, iyong walong ospital na nasa NCR. Babanggitin ko lang po muna ulit: Ang National Children’s Hospital, ang Philippine Heart Center, ang Pasig City Children’s Hospital, ang Fe Del Mundo Medical Center, ang Philippine General Hospital, ang Makati Medical Center, St. Luke’s Medical Center, at Philippine Children’s Medical Center.

So, medyo iba po ito sa usual na nakasanayan na natin na pupunta tayo sa mga vaccination center ng ating LGU. Kasi po, dito muna sa mga ospital muna po uunahin. So doon pupunta iyong mga pasyente na gustong magpabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, paano po ang magiging koordinasyon sa mga LGU, sa listahan ano po kasi ang ilan po ay nagbukas na ng registration para sa mga bata? Sa kanila rin po ba manggagaling iyong master list at ang schedule ng vaccination?

DR. CAMPOSANO: Bale po iyong listahan ng pasyente na babakunahan manggagaling muna sa mga ospital, kasi nga sila iyong mag-i-identify ng mga pasyenteng may comorbidity. Pero kung ang LGU nila ay gusto ring magsama ng mga pasyente at may listahan na sila. Iyong kanilang City Health Office ay puwede namang magbigay ng listahan sa mga ospital na kung saan tayo gagawa ng pilot na implementation. Pero after po nitong pilot implementation, actually susunod na rin naman po, ang susunod na phase kung saan iyong mga LGU naman sa pamamagitan or through their local hospitals, doon din gagawin iyong vaccination ng mga bata, so sa second phase po iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano po iyong guidelines na pagdadaanan nila after ng vaccination, may close monitoring din po bang gagawin ang ospital, para ma-monitor agad sakaling may side effect ang bakuna sa mga bata?

DR. CAMPOSANO: Tulad din po ng ginagawa natin para sa mga ibang age group, after po ng vaccination, maghihintay iyong bata at iyong kasama, iyong kanyang magulang ng mga 15 to 30 minutes sa loob ng ospital o sa loob ng vaccination center bago muna siya umuwi para malaman kung magkaroon siya ng immediate na reaksiyon sa vaccine. Kung wala naman puwede na siyang umuwi, pero bibigyan din naman sila ng mga instructions kung ano iyong kailangan nilang bantayan. Kung ano iyong mga possible na side effects, kung sino ang puwedeng nilang tawagan kung ma-experience nila ang mga ito at kung ano iyong mga iyon. Kung ano iyong mga side effects na kailangan nilang mabantayan. Katulad din po ng ginagawa natin sa older people.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, mayroon lang pong tanong iyong kasamahan sa media mula kay Red Mendoza ng Manila Times. Ito po ang tanong niya: Ano po ang assurance na hindi magkakaroon ng isyu ang pagbabakuna sa mga bata tulad po ng nangyari sa Dengvaxia?

DR. CAMPOSANO: Siyempre po ginagawa naman po natin lahat ng paghahanda, kaya rin po pilot testing muna, kaya po tayo naghahanda, nag-i-inform tayo ng mga parents, nag-i-inform tayo ng mga patients, pati iyong mga doctor na magbabakuna ay binibigyan natin ng impormasyon. So, kasama na rin po iyon sa paghahanda natin para ma-minimize natin ang tinatawag nating adverse events.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta naman po iyong supply ng Pfizer at Moderna vaccine para sa mga bata? Ilang dose po ang initial na inihahanda para sa kanila at naibaba na ba ito sa mga ospital ngayon pa lang po?

DR. CAMPOSANO: I think ang makakasagot po niyan is iyong ating DOH pero ang pagkakaalam ko po ay binaba na po ang mga vaccine today yata o baka po bukas. Tapos siyempre po, doon muna sa mga ospital kung saan magi-implement, kasi nga siyempre may ibang mga lugar pa na hindi pa nakakaabot ng 50% iyong vaccination nila sa mga senior. So uunahin po muna natin iyong mga nasa pilot na hospitals sa NCR.

USEC. IGNACIO: Dr. Drew, ano na lang po ang mensahe ninyo sa mga magulang na hanggang ngayon po ay hindi pa kumbinsidong pabakunahan ang kanilang mga anak?

DR. DREW CAMPOSANO: Ang pagbabakuna po ay isa sa mga layers of protection natin laban sa COVID-19. So layers po iyan, marami sila – pagbabakuna, pagsuot ng mask, physical distancing, paghugas ng kamay. So para po mas tumaas ang chance na maprotektahan natin ang sarili natin at iyong mga mahal natin sa buhay at pati iyong lahat ng taong nasa paligid natin, magpabakuna na po tayo.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon. Kami po ay umaasa sa successful vaccination ng mga bata. Mabuhay po kayo, Dr. Drew Camposano ng Pediatric Infectious Diseases Society of the Philippines. Keep safe po.

DR. DREW CAMPOSANO: Thank you po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan sa Philippine Broadcasting Service. Magbabalita si John Mogol mula sa PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa Cordillera Region. Inaasahan ang tuluy-tuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19. May ulat si Jorton Campana:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, sa Cebu, muling nagpaalala ang Cebu City LGU na hindi pa pinahihintulutan ang pagbabakuna ng booster shots panlaban sa COVID-19. May report si John Aroa:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO:  Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng Lungsod ng Davao na walang nasasayang na bakuna sa pagpapatuloy ng vaccination rollout sa siyudad. Ang detalye niyan ihahatid ni Julius Pacot:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang ating talakayan ngayong araw ng Lunes. Mga kababayan, 75 days na lamang po at Pasko na. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)