Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat, sa ating mga tagasubaybay sa loob at labas ng bansa. Ngayon po ay June 1, unang araw ng General Community Quarantine sa iba’t-ibang lugar sa bansa kabilang na ang Metro Manila – ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Magandang umaga sa iyo, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Andanar. At mula pa rin sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Samahan ninyo kaming alamin ang pinakahuling balita tungkol sa mga hakbang ng pamahalaan para labanan ang COVID-19.

SEC. ANDANAR: Basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Kaya naman bayan, halina at samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Rocky, unti-unti nang sinusubukan na ibalik ng ating pamahalaan sa normal na operasyon ang ilang industriya sa bansa bilang pagtugon na rin sa pangangailangan ng ating ekonomiya habang sinisiguro pa rin ang kaligtasan ng bawat mamamayan. At sa ilalim nga ng General Community Quarantine, mas pinagaan na ang mga guidelines na dapat sundin ng bawat isa. Alamin natin kung ano nga ba ang new normal o ang magiging buhay ng bawat isa sa ilalim ng GCQ. Panoorin po natin ito: [VTR]

USEC. IGNACIO: At iyon nga, Secretary, ang paulit-ulit nating paalala  na huwag nang lumabas ng tahanan kung hindi kinakailangan; ugaliin ang pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng mga kamay; at laging panatilihin ang isang metrong distansiya mula sa ibang tao.

Samantala, COVID-19 count po muna tayo: Naitala ang 18,086 total number of cases sa bansa matapos itong madagdagan ng 862 reported cases kahapon. Labing anim sa dagdag na kasong ito ang fresh cases habang 846 naman ang late cases. Nadagdagan ng isandaan at isa ang bilang ng mga gumaling sa kabuuang bilang na 3,909 recoveries; habang pito ang nadagdag sa mga nasawi sa kabuuang bilang na 957 deaths.

Para po sa inyong mga katanungan at concern tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02894-COVID o kaya ay 02894-26843. At para naman sa mga PLTD, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Maaari ninyo ring tawagan ang hotline numbers ng iba’t-ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita ninyo sa inyong TV screens. Patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19; Maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

SEC. ANDANAR: Para naman sa ating mga balita – PAGIBIG Fund nagpahayag ng suporta sa ‘Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program’ ng pamahalaan. Sa isang pahayag ay sinabi ni Home Development Mutual Fund CEO Acmad Rizaldy Moti na sasagutin ng ahensiya ang mortgages ng low income members nito na nagnanais maging benepisyaryo ng BP2 program. Ayon kay Rizaldy, siniguro rin ng mga private developer-partners ng ahensiya na mabigyan nang mura at de-kalidad na pabahay ang mga magbabalik-probinsiya.

Pinasalamatan naman ni Senador Bong Go ang inisyatibong ito ng PAGIBIG Fund. Aniya, mahalaga ang pagkakaroon nang siguradong tahanan sa pagkakaroon ng bagong pag-asa ng ating mga kababayan at sa magiging tagumpay ng programang ito ng pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Samantala, Senador Bong Go, hinikayat ang publiko na i-report ang mga anomalya at iba pang corrupt practices lalo na kung may kaugnayan sa pagbili o pagbebenta ng medical supplies at equipment sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sa naging Senate Health Committee hearing kamakailan, sinabi rin ng Senador na mahalaga sa mga ahensiya ng pamahalaan na maging accountable sa bawat sentimong ginagastos para labanan ang COVID-19.

Umapela rin siya sa mga pribadong indibidwal na huwag samantalahin ang mahigpit na pangangailangan ng nakararami. Aniya, handa siyang magsagawa ng mga imbestigasyon sa napapaulat na katiwalian sa pampubliko o pangpribadong sektor man, lalo na at kung may kaugnayan sa overpricing ng medical supplies.

SEC. ANDANAR: Kaugnay niyan ay nagbigay ng babala si Senador Bong Go sa mga scammer na diumano ay ginagamit ang pangalan niya at ng Pangulo sa pagbili at pagbenta ng medical supplies. Narito ang naging pahayag ni Senador Bong Go: [VTR of Sen. Go]

Samantala ay makakasama rin nating magbabalita sina John Mogol ng Philippine Broadcasting Service, si Eddie Carta mula po naman sa PTV Cordillera at si Julius Pacot sa PTV Davao.

Makakapanayam din natin ngayong araw sina Attorney Mercy Jane Paras-Leynes mula sa Land Transportation Office, MMDA Spokesperson Asec. Celine Pialago, CHEd Chairperson Prospero de Vera III at si Chargé d’ Affaires Maria Agnes Cervantes mula sa Philippine Embassy in Morocco.

USEC. IGNACIO: Kung may nais po kayong itanong sa ating mga resource persons, i-comment lang po sa ating live feed at sisikapin po natin itong bigyan ng kasagutan.

Samantala Secretary, isa sa pinaka-notable change sa transition from MECQ to GCQ ay ang pagkakaroon ng pampublikong sasakyan para tugunan ang pangangailangan sa transportasyon ng ilan sa ating mga manggagawa. Pero kasabay ng pagpasada ng ilang PUV ay ang pagpapatupad din nang mahigpit na alituntunin para mapanatili ang kaligtasan ng mga mananakay. Panoorin natin ito: [VTR]

SEC. ANDANAR: Asahan na nga natin ang lalong pagsikip ng daloy ng trapiko dahil bukod sa mga public utility vehicle ay tiyak din ang pagdami ng mga pribadong sasakyan na papayagan na ring bumiyahe sa ilalim nang mas lenient o mas maluwag na General Community Quarantine. Kaya naman, pag-usapan din natin ang mga paghahanda ng Land Transportation Office, kasama ang OIC ng Operations Division ng LTO, Attorney Mercy Jane Paras-Leynes. Magandang umaga po sa inyo, ma’am.

ATTY. PARAS-LEYNES: Magandang umaga rin po, Sec.

SEC. ANDANAR: Ma’am, ngayong pinapayagan na ang ilang PUV na pumasada sa kalsada, alam natin na maraming restrictions pa rin ang ipinapatupad sa mga ito gaya ng limited passenger capacity, physical distancing at iba pang health and safety protocols – paano naman po ang pribadong sasakyan?

ATTY. PARAS-LEYNES: Ang pribadong sasakyan po ay kasama rin doon sa guidelines na in-issue ng DOTr at ipinapatupad ng LTO. Mas stringent po ang requirements natin sa public utility vehicles. Pero sa private, even sa government vehicles, mayroon din tayong sanitary protocols na sinusunod katulad po ng pagsusuot din ng mask at all times.

SEC. ANDANAR: Paano masisiguro ng LTO, LTFRB at mga road authorities na susundin ito ng mga public at private vehicles?

ATTY. LEYNES:  Mayroon po tayong mga itinalagang mga enforcers para i-check at i-monitor ang compliance dito sa sanitary protocols na ito for road transportation. Also mayroon rin po tayong inisyung memorandum circular para ipatupad ito at mayroon itong mga karampatang penalties sa mga lalabag sa ating mga guidelines.

USEC. IGNACIO:  Opo. Pinag-uusapan natin iyang penalty, pero ano po iyong parusa o penalty nga sa mga private drivers and public drivers and operators sakali pong mahuling hindi sila sumusunod sa guidelines na ito?

ATTY. LEYNES:  Doon po sa mga hindi tutupad doon sa ating sanitary measures katulad ng pagsuot ng face mask at gloves at iyong iba pang mga sanitary protocols na nakalista doon sa ating memorandum circular, macha-charge po sila ng reckless driving under our existing schedule of fines and penalties; mayroon din pong violation of physical distancing measures, iyon pong mga lumalabag doon sa limitation on the passenger capacity kasi sa for hire po ngayon ay 50% lang po ang allowed. And even doon sa private po 50% capacity rin po ang allowed.

So, kung may violations po diyan sa overloading, where they exceed the maximum allowable member of passengers, mayroon din pong equivalent na fine doon sa ating JAO 201401 iyong ating existing schedule fines and penalties.

Also doon sa mga driver na hindi classified as authorized person outside residence, macha-charge po sila ng driving without a valid license na mayroon ding karampatang penalty po na fine. Iyon din pong mga sasakyan, iyong mga public utility vehicles na dapat ay kumuha ng special permit to operate, kapag hindi sila nakakuha noon ay sila ay nahuli mayroon din silang karampatang fine na ie-impose.

Ito po ay karagdagan doon sa iba pang mga traffic regulations na ine-implement natin ngayon.

USEC. IGNACIO:  Opo. Attorney, isa rin ba sa tsine-check ng LTO kasama ang LTFRB iyong roadworthiness ng mga sasakyan, maia-apply po ba ito sa public or private vehicle at ano po iyong magiging pamantayan para masabing roadworthy ang isang sasakyan?

ATTY. LEYNES:  Lahat naman po ng mga sasakayan pagka magre-rehistro sa LTO tsine-check po natin ang roadworthiness ng sasakyan. Kaya lang ngayon, may dagdag na requirement lalo na sa public utility vehicle para i-spot check natin kung [signal cut] ang ating pampublikong transportasyon.

So mayroon po tayong inspection guidelines na ibinigay doon sa ating mga enforcers o even doon sa ating mga inspectors para ma-check po nila iyong roadworthiness ng sasakyan.

SEC. ANDANAR:  Napag-usapan na rin ang roadworthiness, isa sa pinag-aalala ng mga nasa jeepney sector ay baka umano tuluyan nang hindi payagang bumiyahe ang may jeep bilang pagsunod na rin sa jeepney modernizations program ng pamahalaan at tanging ang mga may modern jeeney o e-jeep na lang payagan. May posibilidad po bang mangyari ito?

ATTY. LEYNES:  Mayroon pong inilabas ang DOTR na guidelines para po sa modernization  ng ating pampublikong transportasyon. Mayroon pong nakalagay doon na hierarchy of public transportation na sinusunod natin iyong order na nakasaad doon.

So ang jeepney naman po, kasali pa rin naman siya doon sa hierarchy of public road transportation vehicles allowed pero hindi po siya iyong nauuna doon considering iyong roadworthiness po noong sasakyan. So kung ang tanong po ay [signal cut] makakapagbiyahe pa rin naman po sila, hindi pa lang po siguro sa ngayon.

SEC. ANDANAR:   Dahil lilimitahan ang PUVs na papayagang bumiyahe sa pamamagitan ng pagbibigay ng special permit, magkakaroon di ba ng ganitong restrictions sa mga private vehicle tulad ng shuttle services?

ATTY. LEYNES:  Ang shuttle services po kasama po doon sa mga sasakyan na mayroon din pong mga nakasaad na sanitary protocols. So, kasama din po sila even po iyong social distancing within the vehicle, iyon po iyong limitation on passenger capacity, ine-enforce din po sa lahat ng klase ng sasakyan.

USEC. IGNACIO:  Attorney, tungkol naman po sa usapin ng plaka, lalo na iyong batas na double plate sa mga motor. Ito po ba ay agad na i-enforce ng LTO at kung gagawin ito paano naman po ang pagre-release ng mga plakang ito?

ATTY. LEYNES:  Ang IRR po para doon sa Motorcycle Crime Prevention Act ay nailabas na at ito ay magiging effective sa June 6, 2020. Iyong mga (garbled) ng IRR patungkol doon sa pagkakaroon ng plaka ay hindi pa po natin maipapatupad dahil wala pa po iyong plaka; pero ang maganda hong balita ngayon, nagsisimula na pong i-deliver iyong mga plaka, compliant with the Republic Act 11235. So, nagsisimula na po kaming mag-produce ngayon, ang target delivery po natin na initial will be July 2020 at baka ho sa September mai-deliver na po lahat iyong plakang ito sa LTO pra doon sa 2018 na mga sasakyan.

Again iyon pong implementasyon ng batas tungkol doon sa plaka, iyong pagkakaroon ng plaka sa harap at sa likod, hindi pa po natin iyan mai-implement until maibigay natin iyong plaka.

Mayroon naman pong ibang mga provision iyong IRR, iyong batas na puwede na nating i-implement at in fact, na-implement na natin at pinaigting lang iyong batas, katulad ho noon, ang importante kailangan ho rehistrado iyong sasakyan, dala ninyo lagi iyong OR/CR noong sasakyan. Para kung mayroong katanungan tungkol sa validity noong rehistro puwede po nating mapakita ang ating registration.

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat po sa inyong panahon, Atty. Mercy Jane Paras-Leynes. Stay safe po kayo, Ma’am.

USEC. IGNACIO:  Secretary, isa sa guidelines ng GCQ ay ang pagre-restrict sa face-to-face classes sa mga paaralan, mapa-basic education man or tertiary education na sakop ng jurisdiction ng CHED. Kaya naman depende sa learning delivery system ng kolehiyo o university ay pinapayagan  ng CHED ang rolling opening of classes na nakabase sa pagsunod sa minimum health standards at maging sa ika nga situation on the ground ng naturang paaralan.

SEC. ANDANAR:Sa ilalim po naman ng GCQ guidelines, papaingitingin pa ang flexible learning system kung saan maaaring magkaroon ng online classes kasabay ng iba pang pamamaraan kagaya ng pamamahagi ng module or learning packets at maging ang pagibigay ng take home  activities.

Ang flexible learning system ay matagal nang ginagawa ng ilang kolehiyo sa bansa. Kaya naman sa pagkakataong ito ay sisiguruhin naman ng pamahalaan na  magiging handa rin ang ibang mga HEI sa magiging  new  normal pagdating sa tertiary education.

Para pag-usapan iyan ay makakapanayam po natin si CHED Chairperson Prospero De Vera III. Magandang umaga po sa inyo, Sir Popoy.

SEC. DE VERA:  Magandang umaga, Sec. Martin. At magandang umaga, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR:  Sir, starting this Monday expected ng mag-report to work ang mga teachers at instructors since this is the enrollment period. Kumusta na po ang massive training program ng CHED for the teachers and the professors regarding [garbled] learning, handa na po ang mga guro sa online classes and courses?

CHAIRPERSON DE VERA:  [signal fades] Actually ang in-authorize ng CHED para sa mga higher education institutions are the skeletal workforce iyan. Hindi pa enrollment [garbled] many of the universities iba-iba iyong enrollment period nila. May mga magsisimula ngayong June, iyong iba naman eh July pa magsisimula ang enrolment. So, hindi pa full [signal fades]

SEC. ANDANAR:  Okay… So, balikan natin si Chairman Popoy dahil napakahalaga ng kaniyang dapat ipaliwanag sa publiko dahil ito ay may kinalaman, Rocky, sa mga colleges at mga universities ng mga estudyante.

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary, kanina nga nakita natin na may mga talagang lumalabas na ring sasakyan pero katulad din talaga ng ating paalala sa ating mga kababayan, hindi porke nag-GCQ tayo ay lahat ay puwede ng lumabas. Sinabi nga po ni Commissioner ng Civil Service, ni Atty. Lizada na lalo na iyong mga government workers hindi naman po sinasabing in full force kayong pumasok sa inyong mga opisina, dapat ay 50% po at i-observe ang ating social distancing pa rin.

Okay, Secretary, babalikan na natin si CHED Chairman Popoy de Vera.

Mamaya-maya po natin babalikan.

Secretary, ngayon din po ang unang araw ng pamamasada ng mga bus sa ilalim ng bus augmentation system at kasabay rin niyan ng mga ilang pagbabago na ating makikita. Halimbawa lang po ay ang loading at unloading zone.

ASEC. PIALAGO:  Magandang umaga, Usec. Rocky at kay Sec. Andanar. Magandang umaga po sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR:  Asec., kumusta ang unang araw ng pagpapasada ng mga bus?

ASEC. PIALAGO:  Okay, sir. Kaninang umaga ay nagsimula na pong bumiyahe ang iba’t ibang buses po sa kahabaan ng EDSA lalung-lalo na ho iyong mga shuttle buses at iyong buses po for MRT augmentation.

Secretary, nandito tayo ngayon sa isa sa mga dapat na bus stops po sa ilalim ng MRT station. Kanina ho, sa unang araw, June 1, pagpasok po ng GCQ, ang mga bus stops po na kagaya ng tinatayuan ko ay hindi muna nagamit. Pansamantala ho lahat muna ng mga P2P buses at iyong buses po for augmentation ay nanatili muna sa kanang bahagi pero magmula lamang ho iyan North Avenue and Quezon Avenue.

Pagdating po ng Quezon Avenue, Secretary, magmi-merge po iyan dito sa two leftmost lane sa tabi po ng MRT. Dire-diretso na po iyan, Secretary, hanggang Ayala Avenue, wala pong bus stops. So, ito pong kinatatayuan ko hindi po muna ito nagamit dahil, sir, makikita ninyo hindi pa naman po ito tapos pa sa mga panahong ito. Pagdating po ng Ayala, iyong mga buses po for augmentation kakanan ho iyan para po mag-load at unload ng pasahero hanggang Taft Avenue.

Secretary, kanina iyong mga private vehicles medyo nalilito, ayaw po nilang gamitin iyong yellow lane – ayan po … Iyong dati po nating yellow lane, nasa rightmost lane po iyan, para lang po sa mga buses iyan noon pero po paalala po para sa ating mga pribadong motorist, puwede ninyo na pong gamitin iyan kasi po kanina, Secretary, tumukod po iyong traffic dahil ayaw pong daanan ito ng mga pribadong motorist maging iyong mga service [signal fades].

SEC. ANDANAR:  Okay. So, nawala iyong audio ni Asec. Pialago, may problema, siguro kung puwedeng balikan mamaya, balikan natin.

USEC. IGNACIO:  Opo, nakita natin—

SEC. ANDANAR:  Samantala—

USEC. IGNACIO:  Sige, Secretary.

SEC. ANDANAR:  Yes, Rocky?

USEC. IGNACIO:  Hindi … Nakita nga natin, Secretary, na mayroon talagang ipinatutupad. Makikita mo talaga iyong mga private vehicles talaga kasi alam nila iyong lane na iyon para sa mga bus, so parang nasanay sila na talagang hindi nila dadaanan iyon sa EDSA. Ganoon sila ka-particular kung papaano pa rin, akala nila, iiral iyong dapat nilang magiging takbo ay hindi na nila alintana na pupuwede pa lang gamitin iyon under GCQ.

So, alam po natin na iyan po ay kailangang ipaabot pa rin sa kaalaman ng ating mga motorist na maaari ninyo pong gamitin iyong dinadaanan ng mga bus katulad po ng sinabi ni MMDA Assistant Secretary Celine Pialago. Secretary?

SEC. ANDANAR:  Yes—

USEC. IGNACIO:  So, babalikan natin si Asec. Celine Pailago, Secretary? Okay, nawa—

SEC. ANDANAR:  Celine? Nawawala-wala. Kumustahin naman natin ngayon, Rocky—

USEC. IGNACIO:  Okay. Alamin natin, Secretary, ang balita munang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa ating mga lalawigan kasama si John Mogol. John?

[NEWS REPORT BY VIVIAN DE GUZMAN]

[NEWS REPORT BY DANDEE MACARAMBON]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat, John Mogol mula sa PBS.

SEC. ANDANAR:  Ayun … Pasensiya na sa ating mga manunood dahil mahina ang internet ng mga bisita natin, nagkakaroon ng technical difficulty – 11:38 in the morning.

Magpasalamat din tayo, Rocky, magpasalamat tayo sa mga kasamahan natin sa Kapisanan ng mga Broakdkaster ng Pilipinas dahil sa kanilang patuloy na pagsuporta even beyond the ECQ.

USEC. IGNACIO:  Okay. Secretary, puntahan natin iyong nakalap na balita mula sa PTV-Cordillera, kasama si Eddie Carta. Go ahead, Eddie.

Okay. Secretary, babalikan natin si Eddie Carta ng PTV-Cordillera. Ipagpaumanhin ninyo po at medyo nagkakaroon tayo ng technical difficulties sa mga panahong ito at huwag po kayong mag-alala lahat po ng mga katanungan na dapat ninyong malaman kung anong katugunan ay ihahatid namin sa inyo sa abot po ng aming makakaya. Secretary?

SEC. ANDANAR:  Oo. Ang ganda-ganda pa naman ng background ni Pareng Eddie, kitang-kita mo iyong—ano ba iyan, Burnham Park ba iyon?

USEC. IGNACIO:  Yes, Secretary.

SEC. ANDANAR:  Ang ganda! Ang linis-linis at asahan na rin iyong pagdagsa ng maraming turista, maraming kababayan natin na bibiyahe diyan sa Baguio.

USEC. IGNACIO:  Okay. Ngayon naman, Secretary, silipin muna natin iyong pinakahuling balita naman sa Davao Region kasama si Julius Pacot.

Okay, Julius Pacot, babalikan ka namin. Secretary, sinabi nga nila medyo nagkakaroon tayo ng problema sa audio. Babalikan din natin si Julius Pacot kung ano na nga iyong pinakahuling pangyayari diyan sa Davao Region.

SEC. ANDANAR: Siguro, Rocky, pinakamaganda ay we take a short break while studio fixes the technical problem and then we can go back on air once maayos na.

[COMMERCIAL BREAK]

SEC. ANDANAR: Balikan natin sa Davao Region kasama si Julius Pacot. Maayong buntag nimo, Julius.

[NEWS REPORTING BY JULIUS PACOT]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Julius Pacot ng PTV Davao.

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan din natin ang balitang nakalap ng PTV Cordillera kasama si Eddie Carta. Go ahead, Eddie.

[NEWS REPORTING BY EDDIE CARTA]

USEC. IGNACIO:Maraming salamat Eddie Carta mula sa PTV Cordillera.

SEC. ANDANAR: Balikan natin si CHEd Chairperson Prospero de Vera. Sir, welcome back. Pasensiya na mahina ang ating signal kanina. Chairman? Chairman Popoy, are you there?

USEC. IGNACIO:  Antayin natin, Secretary, si Chairman Prospero de Vera kasi marami ring mga katanungan iyong ating mga estudyante. Pero sinasabi nga kanina na talagang wala pa ring face-to-face maging sa pag-e-enroll, Secretary.

SEC. ANDANAR: Ayan ang problema ng buong education sector, mula Kinder hanggang college (unclear). Hangga’t sa wala pa itong ating hinihintay na bakuna, we will have to be satisfied with distance learning or iyong blended learning na sinasabi. Si Chairman Prospero de Vera ay available na ba? Chairman?

USEC. IGNACIO: Chairman de Vera?

CHAIRMAN DE VERA: Yes, yes, kanina pa ako naghihintay.

USEC. IGNACIO: Opo, welcome back po. Kasama po natin si Secretary Martin.

CHAIRMAN DE VERA: Yes, yes. Sec. Martin, good afternoon and Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Sir, kumusta na po iyong massive training program ng CHEd for the professors regarding flexible learning?

CHAIRMAN DE VERA: Okay. Mayroon ng mga nagsimula na training program two weeks ago, starting May 26. Nag-offer na iyong DICT ng training program sa mga teachers; mayroon kaming mga sisimulan ngayong June, mayroon kaming malaking proyekto with several American universities. At iyong training program na gagawin ng mga Philippine universities ay aaprubahan na ng CHEd, I think, tomorrow sa Commission en banc meeting. So iyong ibang universities on their own are already training their teachers. So iyon ang situation on the ground ngayon as far as the training of professors is concerned.

SEC. ANDANAR: Prof, sa palagay ninyo po ba ay sasapat ang webinars sa trainings na ito [garbled] ang mga instructors sa mga pagbabagong magaganap ngayong school year?

CHAIRMAN DE VERA: Iyong iba—depende sa kahandaan kasi ng mga pamantasan. Marami tayong mga pamantasan nagsimula nang gumamit ng open distance learning at flexible learning bago pa ng COVID. So itong mga pamantasan na ito ay hindi na kailangan ng Komisyon dahil kaya na nila ‘no.

Iyong mga big universities, for example, already announced that they are starting with the open distance learning starting July; June pa nga ‘no, doon sa summer ng Ateneo. So these big universities, because they have extensive experience already, they do not need to be assisted anymore by government.

What we are assisting are the other universities that are adjusting to flexible learning only now. Iyon iyong tina-target natin. Marami ito, iyong mga small private universities sa mga probinsiya; iyong mga ibang state universities at colleges na walang experience sa using technology, ito iyong ating tinutulungan.

USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, ito po at marami pong nagtatanong nito, magkakaroon ba daw po ng adjustments sa tuition na sisingilin ng mga HEI? Ang mga ilan nito ay iyong miscellaneous fees na binabayaran sa paaralan ay hindi naman daw po nagagamit lalo na kung magiging online na ang karamihan sa mga klase.

CHAIRMAN DE VERA: Magandang tanong iyan. Iyong mga private universities kasi ay nag-submit ng kanilang applications for tuition fee adjustment in the first quarter of 2020. Iyan iyong usual na schedule kasi ang maraming mga private schools natin ang ginagamit ay old calendar pa, so June iyong kanilang start of classes. So usually ang application is the first quarter of the year, and then the regional offices of CHEd approve it in the second quarter. Eh pero tumama ang COVID. So ang ginawa ng Komisyon, sinabihan lahat ng mga private universities na nag-apply at tinatanong sila kung sila ba ay itutuloy pa nila iyong kanilang application; because some of the big universities already announced that they will not increase tuition this semester ‘no. Some of them actually applied and then they said they will not anymore increase their tuitions. So sinauli natin iyong applications sa kanila.

Ang utos ng Komisyon, i-review iyong application nila in the light of flexible learning at magkonsulta ulit sa mga magulang at sa mga estudyante at ipaliwanag iyong application ng tuition sa konteskto ng flexible learning. Kasi mayroon ngang mga ibang activities na malamang ay hindi magagawa. Halimbawa, iyong mga out of school activities dahil pinagbabawalan natin ang mga internship, mga OJTs; hanggang mayroong quarantine, hindi puwedeng gawin. So mayroong mga activities na ganiyan. Iyong mga sports activities na malakihan, malamang hindi magagawa iyan hanggang ngayong 2020 dahil sa prohibition sa mass gatherings. So they have to review iyong kanilang application at sabihin sa Komisyon kung ano ang kanilang ia-apply.

SEC. ANDANAR: May mga reklamo ang ilang estudyante at magulang na may mga colleges daw na niri-require ang mga estudyante na bayaran nang buo ang nakalipas na semester kahit hindi naman ito natapos at gagawin din daw incomplete ang mga estudyante. Ano po ba ang puwedeng gawing aksyon ng CHEd dito?

CHAIRMAN DE VERA: Ang unang dapat na aksyon ay mag-usap ang mga magulang, estudyante at iyong pamantasan kasi iyan ang unang line of discussion ‘no. Dahil private schools ito, ang tuition fee at mga babayarin sa eskuwela sa mga pribadong mga pamantasan ay usapan at kontrata sa pagitan ng mga estudyante, mga magulang nila at ang eskuwelahan; hindi kasama ang Komisyon sa kanilang usapan. So ang first line is mag-usap, kasi lahat naman ng private universities ngayon ay gumagawa ng adjustment eh. May mga nagsauli na nga tuition; iyong iba, iki-credit nila sa susunod na semester. So kaniya-kaniyang adjustments ang mga pamantasan.

Ngayon, kung hindi pa rin magkasundo ang mga magulang, estudyante at iyong eskuwelahan, saka po kayo dumulog sa Komisyon at tatawagin namin ng pansin ang pamantasan.

Pero ang una ay pag-usapan muna sa pamantasan dahil iyan ang mas mabuting paraan especially itong nakaraang semester dahil marami ngang mga activities na hindi nagawa tulad ng mga laboratories, mga out of school activities. Hindi nangyari iyan so marahil ay mayroong dahilan iyong sentimiyento ng mga magulang at mga estudyante kung bakit babayaran nila samantalang hindi naman nangyari ito.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, CHEd Chairperson Prospero de Vera. Mabuhay po kayo, sir.

CHAIRMAN DE VERA: Mabuhay kayo, Sec. Martin, Usec. Rocky. At mabuhay tayong lahat.

SEC. ANDANAR: At diyan po nagtatapos ang programa natin ngayong araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO.

USEC. IGNACIO: At mula pa rin sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)