Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Kasalukuyan pa ring sumasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang ilang parte ng Luzon at iba pang probinsiya sa bansa.

USEC. IGNACIO: Kahapon po ay inanunsiyo sa public address ni Pangulong Rodrigo Duterte ang two-week extension sa mga lugar na may high risk COVID-19 cases, at General Community Quarantine para naman po sa ilang mga lugar na low to moderate cases.

Ngayong umaga muli po nating sasagutin ang mga katanungan ng ating mga kababayan at lilinawin ang mga mahahalagang impormasyon kaugnay po sa mga programa ng pamahalaan para po sa COVID-19. Ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang po ay makakausap natin via vMix sina Department of Energy Secretary Alfonso Cusi; makakasama rin po natin si Department of Trade and Industry Secretary Mon Lopez; Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya; Department of Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay; Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Cacdac; at Nueva Ecija Governor Aurelio Umali.

USEC. IGNACIO: Makakausap din natin, Secretary, via phone patch si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

SEC. ANDANAR: Maya-maya po iyan. Ang oras natin, alas onse y tres ng umaga ng Sabado, ika-25 sa buwan ng Abril 2020.

Sa ibang balita po naman: Nagsilbing eye opener ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa mga dapat na iresolba ng gobyerno. Ayon kay Senador Bong Go, dapat hikayatin ng gobyerno ang mga pamilya na piliing manirahan at manatili sa probinsiya pagkatapos ng COVID-19. Ngunit kinakailangan aniya na mag-provide ang pamahalaan ng insentibo sa mga babalik ng probinsiya.

Dagdag pa ng Senador, ang programang Balik Probinsiya ay makakatulong upang mapaunlad ang mga kanayunan sa paghikayat sa mga negosyante sa lalawigan, dahil dito, magkakaroon ng oportunidad ang ating mga kababayan at hindi na nila kakailanganin pang lumuwas ng Maynila upang makipagsapalaran. Sa panahong ito, kinakailangan na magtulungan, magbayanihan ang lahat para malagpasan ang krisis na ito.

[SENATOR BONG GO’S VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, kinuha ni Senator Bong Go ang atensiyon ng LGUs at iba pang mga komunidad. Aniya, ang mga probinsiya at rehiyon na may mataas pang numero ng may sakit ay gawin sana itong hamon o challenge upang mapababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Sumasang-ayon naman ang Senador sa mga rehiyon na na-extend po ang Enhanced Community Quarantine, mga probinsiyang naka-modified into General Community Quarantine. Kaya naman po pakiusap ng Senador na manatili muna tayo sa bahay kung hindi kinakailangang lumabas at patuloy na sumunod sa quarantine protocols dahil maaari ang paglabag ng mga Pilipino ang magiging sanhi ng pagtagal po ng kasalukuyan sitwasyon ng bansa.

SEC. ANDANAR: Samantala, sa puntong ito ay malalaman natin ang mga activities at plano ng Department of Energy, sa pamamahagi at pangangalaga ng enerhiya sa gitna ng banta ng COVID-19. Makakausap po natin si Department of Energy Secretary Alfonso Cusi. Magandang umaga po sa inyo, Secretary Al?

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Sec. Martin. At magandang umaga, USec. Rocky. At sa mga nakikinig po, maganda pong umaga sa ating lahat.

SEC. ANDANAR: Sec. Al, isa sa mga mahahalagang pangangailangan ng ating mga kababayan sa ngayon ay iyong access to power services. Paano po natin sinisiguro na sapat po ang ating supply at energy services?

USEC. IGNACIO: Tama po iyon, Secretary Martin. Kailangan na kailangan po natin iyon pong dire-diretsong supply ng kuryente at mga oil dahil ito po ang nagbibigay ng ating power para makapaglingkod ang atin pong mga frontliners. Kaya nga po noon pong pagsimula pa lang nitong ating lockdown or ECQ, in-organize na po natin ito.

At ako po naman ay nagpapasalamat sa lahat ng industry players natin, iyong mga genco, iyong mga generating companies. Andiyan po, nakasama po First Gen, San Miguel, Aboitiz at iba pa, at iyong ating transmission company, NGCP, at iyon pong ating mga distribution companies like Meralco, Aboitiz kasama po diyan sa Davao.

At iyon atin naman pong mga oil players na nakipag-ugnayan po nang mabuti at siniguro po natin na tuluy-tuloy po ang delivery ng oil, tuluy-tuloy po ang serbisyo ng ating mga backliners. Kung mayroon po tayong frontliners, mayroon din po naman tayong mga backliners na nagsisiguro na iyon pong mga kailangan ng ating mga frontliners katulad ng power, transportation ay nabibigyan po natin ng serbisyo.

So naging organisado po tayo from the very beginning. At nabigyan po natin ng permits and exemption itong ating mga industry players na para ganoon po, makapag-continue po sila, maka-report din po sila sa trabaho, makapunta sila sa planta para siguraduhing umaandar iyong ating mga planta. Pati iyong mga oil station po makikita ninyo na they continue to serve, they continue to provide the necessary services para naman po makakilos din po ang ating mga frontliners at ang ating mga kababayan, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Sec. Al, sa kabila nang patuloy na pagbaba ng presyo ng langis, ano ang inihandang hakbang o plano ng DOE bilang tugon dito? May contingency measures po ba ang DOE sakaling magsara ang mga fuel retailers, o sila ba ay magsasara to begin with?

USEC. IGNACIO: Ang mga retailers, iyon pong mga—at least, mga ten percent of our retailers doon sa mga lugar na hindi masyadong nadadaanan ng tao kasi nga po because of the ECQ, wala pong nagpapalagay, wala pong bumibili ng gasoline. So it is better or commercially advantageous na isara muna nila. So mga ten percent po of our retailers, as reported to us by the players, ang sa ngayon ay sarado.

Ngayon po naman, sa international market, sa global market po, ang oil price has gone down and even went to negative. Naging negative, sabi, babayaran pa tayo, kuhanin na lang iyong langis na iyan. Kasi po, una, wala na pong storage, mapaglagyan ng langis.

Number two, it is expensive to stop iyong oil well po, itigil po iyon, mahirap po iyon, mas magastos po iyon. Katulad din po iyon ng ating mga generation company, kaya nga po minamabuti natin, sige takbo kayo kailangan natin ang continuous operation ninyo kasi mahirap pong mawala iyan at mas mahirap pong magpatay ng makina tapos magpapa-restart po.

USEC. IGNACIO: Secretary, isa po sa nilalaman ng memorandum na pinirmahan ninyo noong April 16 ay ang grace period para po sa pagbabayad ng mga consumer ng kanilang electric bill. Paano po ang magiging sistema dito at tinitiyak daw pong DOE na iyon daw pong operasyon ng ating mga gas station ay magpapatuloy sa kabila po ng umiiral na Enhanced Community Quarantine?

USEC. IGNACIO: Una po, iyong sa mga gas station po tuloy-tuloy po ang pagseserbisyo ng mga iyan po, tuloy-tuloy ang pagbebenta po ng produkto at sinisiguro po naman natin, ng gobyerno, eh kailangan po mayroon po tayong sapat na supply na nandito po sa ating bansa.

Ngayon po naman tungkol naman po doon sa pagbabayad, iyon pong mga bills ng ating kuryente po, ang kuwan po nito… iyong mga due during the ECQ period, iyong due po noong March 15 to April 15, tapos hanggang ngayon na-extend po ng May 15, ang ginawa po natin diyan binigyan po natin sila ng panahon para bayaran after the ECQ in four equal installments po.

Nandoon po iyon sa ating advisory para sa ganoon po naman ay medyo hindi magipit iyong ating mga kababayan sa pagbabayad nitong mga nakonsumong kuryente sa kanilang mga bahay-bahay po.

USEC. IGNACIO: Ano naman po iyong masasabi ninyo doon sa pagkaantala daw po ng serbisyo at delivery ng mga produktong pang-enerhiya tulad ng petrolyo, kabilang na daw po iyong pag-hold nito sa mga checkpoints?

USEC. IGNACIO: Iyon pong sa mga delivery po ng petrolyo, nagsimula pa tayo noong March 13, binigyan po agad natin iyong mga industry players noong atin pong ID, iyong IATF ID para po makadaan sila sa mga checkpoints at ito pong pagde-deliver ng petrolyo lalo na po we have seven thousand islands and we have to make sure that we have enough petroleum products dito po sa ating mga isla. And doon po sa una nagkaroon po kami ng problema dahil naaantala ang delivery dahil nga po sa pagtse-checkpoint ‘no pero naayos po naman iyon. Kaya nga po noong March 16 po nag-apela ako sa mga LGU na makipagtulungan naman po para hindi maantala iyong pagde-deliver ng petrolyo. Sa awa po naman ng Diyos wala naman po tayong naging report na nagkaroon ng shortage ng petroleum in any island provinces.

At ganoon din po, kung doon naman po sa daloy ng kuryente, sa supply ng kuryente, sabi ko nga po ito po iyong mga backliners. Marami po tayo—just imagine po isang planta ng generation nandiyan po… nandiyan po ang tao, nandiyan lahat – controller, operator, engineers, nandiyan po silang lahat. And we want also to make sure na hindi po sila magkasakit dahil kapag nagkasakit po rin iyong mga tao, iyong mga experts na ito eh magkakaproblema po tayo sa pag-o-operate ng ating mga planta. So, we coordinate with the industry players na magsagawa din po tayo—nagsagawa din po sila ng kanilang medical measures nang para sa ganoon maprotektahan po ang health din ng mga backliners natin po.

USEC. IGNACIO: Secretary, last year may forty na e-trike kayong ipinagkaloob dito sa Bay City. Ang pagkakaalam po namin ito po iyong ginagamit ng ating mga frontliners at saka iyong pagde-deliver po ng kanilang mga kailangan, Secretary?

USEC. IGNACIO: Opo. Mayroon po tayo kasi noong mga three thousand na mga e-trikes na idinistribute po natin sa different LGUs, hindi po natin nabigyan lahat dahil maraming nakikinig, sinasabi kung bakit hindi sila nabigyan. Because we had only three thousand and we distributed it nagkaroon po ng first come first serve and Bay area nagkaroon po sila roon at iyon po ginagamit naman nila ngayon para sa pagseserbisyo sa mga frontliners natin po. So, maganda pong development iyon and this electric powered po, hindi po ito powered by oil.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Department of Energy Secretary Alfonso Cusi sa inyong oras sa amin.

USEC. IGNACIO: Salamat po, USec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Para naman malaman ang lagay ng ating mga kababayan mula sa iba’t-ibang bansa, makakausap natin si DFA Undersecretary Brigido Dulay. Magandang umaga po sa inyo, USec. Dulay!

USEC. DULAY: Good morning po, Sec. Martin, USec. Rocky!

SEC. ANDANAR: Patuloy ang pagdating ng ating mga repatriated OFWs na naapektuhan ng COVID-19 mula sa iba’t-ibang bansa. Sa ngayon, ilan na ba ang dami nila at marami pa po ba tayong inaasahang magbabalik-bansa sa mga susunod na araw, USec. Dulay?

USEC. DULAY: Sec. Martin, USec. Rocky, as of today, nakapag-uwi na tayo ng 19,466 OFWs. Ito kung matatandaan mo, Sec. Martin, USec. Rocky, bumuhos lang naman ito noong nag-umpisa itong ating mga ECQ. So, sa loob lamang ng ilang lingo, mga isang buwan ay mayroon nang pumasok sa atin na 19,000 na OFWs at dito sa numero na ito, 15,130 ang seafarers galing sa pitumpu’t limang cruise ships… 75 cruise ships sila nanggaling, at mayroon din tayong 4,336 na land-based OFW na umuwi sa atin.

Kaya… marami pang parating, Sec. Martin, USec. Rocky, in the next few days uuwi pa ang libu-libo nating mga kababayan galing sa ibang bansa.

SEC. ANDANAR: Okay. Kaugnay pa rin po sa pagbabalik ng ating mga OFWs, ano iyong assistance o iyong protocol na ginagawa natin para sa kanila? Iyong mga quarantine procedure na kanilang pinagdadaanan at saan po sila pansamantalang tumutuloy, USec. Dulay.

USEC. DULAY: Alam mo, Sec. Martin, USec. Rocky, mayroon tayong binuo doon sa Inter-Agency Task Force na tinatawag na Sub-Task Group on the Repatriation of OFWs. Ito po ang itinalaga ng ating Task Force COVID para po mamahala doon sa pag-uwi po noong ating mga kababayan. Kapag sila po ay umapak dito, sila po ay mayroon ng protocol na susundin. At ito pong Task Group na ito, lilinawin lang po natin dito na ang puno po ng komite na ito ng task group ay ang Department of Transportation. Ito po ay kasama din po dito bilang co-chair ang Overseas Workers Welfare Administration. Sila po ang nagsasabi at nagbibigay po ng protocol kung saan po ilalagay na quarantine facility iyong ating OFWs sapagkat nagkaroon na po ng desisyon ang task force na lahat po ng uuwi na mga OFW ay kailangan pong sumailalim sa 14-day quarantine.

Iyon pong 14-day quarantine na ito, lilinawin ko lang po, Sec. Martin at USec. Rocky, mayroon po kasi tayong mga OFW na uuwi from cruise ships. So, mayroon po ditong protocol din na ginawa ang Department of Health, kasama po sila sa task group, na iyon pong ating mga seafarers na nandoon po sa cruise ship at nakapag-quarantine na po at malinis po iyong cruise ship, ang tawag po nila malinis, ibig sabihin po niyan ay hindi po nabahiran ng kahit anong impeksyon ng COVID pasahero man o crew member, ito po ay puwede ng maging 14-day quarantine nila sa laot para pagdating po dito, puwede na po silang tumuloy sa kanilang mga probinsiya at bahay.

Pero iyong ibang OFW, mga land-based po, iyan po ay dadalhin po sa quarantine facility. Marami na pong ginawa ang ating task force na mga quarantine facility, mayroon po tayo diyan sa 2Go. May mga barko po tayo, Sec Martin, USec. Rocky, mayroon pong mga hotel, mayroon po tayong World Trade Center. Napakarami na po ng ginawa po na quarantine facility para po sa darating nating mga OFWs.

USEC. IGNACIO: USec., pero paano po iyong koordinasyon ninyo sa LGUs, sa PNP, kasi iyong iba po diyan uuwi sa probinsiya, siyempre alam naman po natin na iyong ibang mga lugar medyo natatakot kapag mga ganiyang dumarating galing sa ibang bansa o galing sa ibang lugar? At ano rin po iyong coordination ng ating mga embassies para naman po sa lagay ng ating mga kababayan sa ibang bansa at paano ninyo po ito mino-monitor lalo na iyong mga nagpopositibo at iyong nakaka-recover po?

USEC. DULAY: Okay Usec. Rocky, magandang tanong iyan ano, Sec. Martin. Unahin ko muna iyong issue noong mga kababayan natin na nandito for quarantine. Unang-una, iyang uuwi sila mayroong binibigay diyan na tinatawag na certificate of completion, ito iyong parang diploma noong ating mga OFWs na sila ay nakatapos na ng quarantine. Sila kasi dapat iuuwi sa mga kaniya-kaniya nilang probinsiya na dire-diretso na dapat doon sa kanilang mga bahay.

Ngayon hindi naman din maitatanggi Usec. Rocky, Sec. Martin na kung minsan nagkakaroon ng kumbaga hindi pagkakaunawaan sapagkat kung minsan iyong mga LGU mayroon silang sariling patakaran ng quarantine at isa nga dito kung minsan ay gusto nila na umulit iyong mga OFW na mag-quarantine sa kanila. Ang sinasabi nga namin dito sa task force ay sana iyong nakatapos na, nakakumpleto na ng quarantine ay dire-diretso na na makatuloy sa kanilang mga bahay. At ito ngayon ang inaayos ngayon ng task force para maging pulido iyong pag-uwi ng ating mga kababayan sa kaniya-kaniyang probinsya.

Ang nagiging komplikasyon lang at siguro masasabi nating challenge sa ating agency, sa task group ay dahil sa kakulangan ng mga biyahe na pabalik ng mga kaniya-kaniyang probinsya. Alam ninyo rin naman na wala pa tayong mga air transport, vessel at saka mga bus papunta ng probinsya, hindi pa nagno-normalize iyan.

So iyan po ay dapat pang—inaayos po iyan. Iyong iba po nating mga kababayan ay idinadaan po sa bus na lang po ano, nagba-bus na lang po tayo. Pero iyong iba po na nasa Visayas at Mindanao, iyon po ay gagawan po natin ng hakbang para po maiuwi po sila kapag nagluwag po iyong ating tinatawag na air sector, iyong eroplano at saka iyong ating sea sector, iyon pong mga barko. So iyon naman po ang ginagawa po, araw-araw po ang ating pag-uusap ho diyan sa task group. Araw-araw din po ang pag-uusap sa IATF para po mapulido po iyong proseso ng pag-uwi po nila.

Iyon naman pong sa punto naman po ng ating mga kababayan sa abroad, iyon pong mga nagkakasakit po na ating mga kababayan, lilinawin ko lang po na iyon pong mga pagbigay po sa ating embahada at konsulada ng impormasyon ay base po sa batas at patakaran po ng bansa na iyon ano, iyong tinatawag po nating host country o iyong bansa po kung nasaan po iyong ating mga manggagawa.

Kadalasan po, iyon pong sa mga host country mahigpit po ang kanilang data privacy law kaya po hindi po ibinibigay sa amin madalas iyon pong pangalan noong OFW, kung sino po iyong nagkasakit, tinamaan, na-test, hindi po iyan sinasabi sa amin. Sinasabi lang po sa amin na mayroon po kayong kababayan dito, Pilipino, naka-ospital po siya, naka-quarantine pero huwag po kayong mag-alala at inaasikaso po namin. Ganoon din po naman ang nangyayari sa Pilipinas, hindi po natin inilalabas o nilalathala iyong identity noong mga nagkakasakit para na rin po sa data privacy at para na rin po hindi sila ma-discriminate.

So iyon pong mga numero po na iyan ang amin pong unang katuwang sa pag-uusap na iyan ay iyon pong Ministry of Foreign Affairs sa bansa na iyon at kanilang Ministry of Health. Kaya po namin nababantayan po, ‘pag nalaman po namin na mayroon pong Pilipino na nasa ospital sa ibang bansa at sinabi po sa amin ng Ministry of Health ng bansa at Ministry of Foreign Affairs, araw-araw po kaming humihingi po ng impormasyon sa kanila kung ano po ang kalagayan ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. may mga probinsya po nasa ilalim ng GCQ. Magpapatuloy po ba ang operasyon ng DFA doon sa mga kababayan natin na may application po ng passport? Ano po ang mensahe ninyo sa kanila?

USEC. DULAY: Opo, ma’am. Iyon pong mga lugar po naman natin ngayon na hindi naman po naka-Enhanced Community Quarantine ay tuloy naman po. Mayroon pong mga lima po na consular office po kami sa iba’t ibang lugar po ng bansa na nag-o-operate po ngayon, tuluy-tuloy po ang operasyon po ngayon. Iyon naman pong ibang consular office po namin ay temporary na nag-suspend po sapagkat madami po sa kanila ang nalagay po sa Enhanced Community Quarantine.

So ‘pag nagluwag po ito at nagkaroon po ng tinatawag na General Community Quarantine, magbabalik po iyong operasyon sa normal.

Kaya lang po, gusto ko lang po na paalalahanan iyong ating mga kababayan ano, Sec. Martin, Usec. Rocky, hindi pupuwede na po iyong dating proseso, mag-iiba po kami ng proseso para makasunod po tayo sa patakaran ng social distancing at decongestion.

So kami po ay pinangungunahan na po namin ang aming mga kababayan na sana po ay habaan ninyo po iyong inyong pasensiya at pag-unawa sapagkat kailangan po natin medyo habaan po at tatagalan ang proseso para po sumang-ayon po sa ating social distancing measures doon po sa ating mga consular offices.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras at panahon, DFA Undersecretary Brigido Dulay.

USEC. DULAY: Thank you po Sec. Martin, Usec. Rocky. Mabuhay po kayo, thank you po.

USEC. IGNACIO: Kaugnay naman po sa pagpapatupad ng curfew sa Metro Manila, anong oras po ba ito? Makakasama po natin dito si Undersecretary Jonathan Malaya, DILG.

USEC. MALAYA: Yes, magandang umaga Usec. Rocky at magandang umaga Secretary Martin.

USEC. IGNACIO: Alam ko po diyan maraming nahuhuli iyong mga violators po ng curfew. So dito sa Metro Manila, definitely tuluy-tuloy itong curfew. Ganoong oras pa rin po ba ito?

USEC. MALAYA: Opo. Base po sa abiso sa amin ng mga Metro Manila Mayors, dahil ito nga po ay inisyatibo ng mga mayors ‘no, hindi po ito nakasaad sa anumang IATF resolution, ay dahil po sa inisyatibo nila, nagkaroon po tayo ng pangkalahatan na curfew.

So ganoon pa rin po ang curfew, 8 o’clock ng gabi hanggang ala singko ng madaling araw ng umaga. Ngunit depende po iyan sa LGU din, kasi mayroon pong mga… kung minsan ay gumagawa [garbled]. So antabayanan po nila siguro ang mga announcements ng kani-kanilang mga LGU.

USEC. IGNACIO: Usec. ulitin ko lang, ang curfew umiiral ito sa ECQ pero papaano iyong GCQ? Kailangan pa rin ba ipatupad o depende pa rin sa LGU ito?

USEC. MALAYA: Depende po ito sa LGU ‘no, pero nakita ko po doon sa guidelines na inilabas kahapon ni Spokesman Harry Roque na kasama ang curfew sa mga puwedeng pag-aralan ng ating mga local government units in the imposition of the General Community Quarantine. Ngunit ang mga detalye po nito ay binabalangkas pa ng mga iba’t ibang technical working group. And I think, bago po magkaroon ng GCQ by the 27th of this month, mapaplantsa na po lahat ng mga guidelines at ipapaalam po natin iyan sa ating mga kababayan bago magkaroon ng General Community Quarantine.

USEC. IGNACIO: Opo. Matapos nga pong makapagpiyansa iyong mga nakalabas na naarestong miyembro ng Anak Pawis kamakailan dahil sa paglabag po sa ECQ. Ano na po ang masasabi ninyo dito? Kung anong babala ninyo pa doon sa iba pa rin pong magtatangkang lumabag sa ipinatutupad ng LGUs at siyempre kailangan pong malaman ng lahat, ano po iyong ipatutupad ninyong paghihigpit dito sa ECQ guidelines, kasi hanggang May 15 po tayo?

USEC. MALAYA: Tama po Usec. Rocky ‘no, nakapagpiyansa na nga po ‘no. We gave them due process iyong ating mga kasamahan ‘no, if we can call them that as Anak Pawis ‘no, na sila po ay nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa piskal, na-inquest po sila at sila po ay pinagpiyansa ‘no, so nakalabas na po sila.

Ngunit ang patuloy pong pakiusap ng DILG ay huwag po tayong pasaway ‘no dahil nga po ang nangyari po dito ay ginamit po nila ‘diumano ‘no, ginamit nila iyong food pass na in-issue ng Department of Agriculture para makadaan sila sa mga checkpoints ‘no. At niliwanag na po ito ng Department of Agriculture himself ‘no, si Secretary Dar na hindi po puwedeng gamitin ang food pass para sa mga relief operations. Ang mga food pass po ay para lamang sa movement ng farm produce from the farm to the market. Para po ito sa mga truckers, para sa mga magsasaka at hindi po ito puwede para sa relief organization.

So lumalabas po maliwanag na ang kanilang intensiyon ay hindi naman para mag-relief operation, ang tunay nilang pakay ay magkaroon ng propaganda ‘no o activities doon sa Norzagaray, Bulacan.

So since sila po ay nakapagpiyansa na, ang babala po natin sa kanila ay hindi po tayo mag-aatubiling hulihin uli sila kung uulit pa po sila. So sana po hindi na po sila uulit at sana po ito’y maging babala din sa lahat ng gustong mag-violate ng ating curfew.

Kailangan po nating mapababa ang kaso ng ating COVID sa buong bansa, at mangyayari lamang po ito kung tayo po ay susunod sa mga alituntuning inilabas ng national government kasama po diyan iyong hindi paglabas sa ating mga bahay kung hindi rin naman po essential, kung hindi emergency, kung hindi po essential ang ating gagawin.

USEC. IGNACIO: Kaugnay naman po doon sa certificates na kailangan po ng relief organization upang magkaroon ng ECQ pass sa mga checkpoints. Paano naman po iyong proseso ng pagkuha nito?

USEC. MALAYA: Opo, Usec. Rocky. Kasi nga po base po sa report na natatanggap natin mula sa Joint Task Force COVID-Shield sa pangunguna ni General Eleazar ay madami pong nagpapalusot sa mga checkpoints natin at ang ginagawang dahilan ay sila daw ay magko-conduct ng relief operation, doon po nagkakaroon ng problema, kasi nga po our instruction is stay at home.

Ngayon dahil nga po ginagamit na palusot itong relief operation minabuti po ni DILG Secretary Eduardo Año na magpalabas ng kautusan na lahat ng mga relief organizations ay kailangan magpakita ng certification galing sa LGU na sila nga ay nakipag-ugnayan na sa LGU na iyon para mamigay ng relief goods.

Uulitin ko lang po, Usec: hindi pupuwedeng pumunta diretso sa barangay at mamigay ng relief goods ang ating mga relief organizations, dahil that will violate our policy of stay at home at the same time it violates the mass gathering and social distancing policies of the government.

So nakikiusap po kami sa lahat ng relief organizations na makipag-ugnayan muna kayo sa inyong beneficiary LGU at humingi po kayo ng certification mula sa kanila.

So, for example kung gusto po ninyong mag-conduct ng relief operation sa Taguig ay kailangan po ninyong humingi ng certification mula sa City Hall o kaya naman kay Mayor Cayetano at ito po ang ipapakita ninyo sa mga kapulisan sa mga checkpoint. At kapag mayroon po kayo nito, papadaanin po kayo sa checkpoints, hindi na po kayo mahihirapan.

Alam mo kasi, Usec. Rocky ang dami sa ating mga kababayan naglalagay ng kung anu-anong paskil sa kanilang mga sasakyan para lamang makadaan sa checkpoints, maglalagay ng ‘do not delay, food pass or relief organization,’ para lang makalusot na hindi naman sila tunay na relief organization.

So, dito po sa ganitong klaseng sistema mas mapapadali rin iyong trabaho ng PNP kung kayo po ay makakapagbigay ng certification coming from your recipient or beneficiary Local Government Unit.

SEC ANDANAR: Usec. Malaya upang mas mapadali pa ang pagpapaabot ng impormasyon sa ating mga kababayan kaugnay sa COVID-19, mayroong inilunsad na COVID hotline ang DOH at DILG. Kumusta na o ba itong hotline, marami ba tayong tawag na natatanggap at ano pong kadalasan iyong mga concerns na inilalapit po sa DILG?

USEC. MALAYA: Opo, tama po kayo, may dalawa po kaming klaseng hotline Secretary Mart. Iyong una po ay para sa ating emergency operations center, para sa mga reklamo tungkol sa ating mga barangay officials or mga reklamo sa mga LGU officials natin. At nagpapasalamat po kami sa inyo Sec Mart, sa PCOO dahil lagi po ninyong pina-flash iyong mga number na ito. Nandiyan nga po ngayon sa ating screen.

Pero maliban po diyan, mayroon pa po kaming isa, iyong isa pang hotline namin together with the DOH at ito pong nagma-man nito ay mga tinatawag nating ‘emergency tele-communicators’ na sila po ay trained by DOH para sumagot ng mga tanong tungkol sa COVID. Hindi po ito strictly speaking tele-medicine, Sec Mart, pero isa po itong uri ng tele-medicine dahil puwede po kayong magtanong tungkol sa COVID dito at puwede po kayong gabayan ng ating mga emergency tele-communicators kung mayroon po kayong tanong.

Kasi alam ko po madaming mga kababayan natin nag-iisip ako ba ay may COVID dahil ako ay nauubo, at wala po kayong matawagan dahil wala naman po kayong kamag-anak na doctor at ayaw ninyong pumunta sa ospital dahil natatakot kayo at baka magkasakit pa kayo.

So, ang ginawa po ng DOH at DILG ay mayroon nga po tayo nitong hotline na ito bilang paunang responde doon sa mga taong ay mga katanungan tungkol sa COVID.

Pero maliban po dito mayroon ding programa ang DOH na tele-medicine per se, ito po iyong mga may doctor na sasagot sa inyo at ito po ay binabalangkas na ng Department of Health at mayroon din po silang private partners dito.

Pero on the part of the DILG and the DOH, itong pong 1555 Smart and PLDT numbers at iyong ating COVID hotline ay para po sa mga kababayan nating may tanong tungkol sa kanilang kalusugan with relation to COVID-19.

SEC ANDANAR: Usec. Jonathan Malaya mayroon po tayong question from Ichu Villanueva ng Philippine Star. Is it under IATF rules for supermarket to require ECQ pass aside from wearing mask before allowed to do grocery?

USEC. MALAYA: Ito po kadalasan ay rules na pinapatupad ng Local
Government Units, kasi nga po ang mga ECQ pass po ay ini-issue ng ating kaniya-kaniyang barangay o mga Local Government Units. So para po sa mas maayos na sistema at para makasiguro na iyong lumalabas lamang sa bahay ay iyong mga kuwalipikado na may pass, hinihingi po iyan ng mga supermarkets.

Iyan po Sec. Mart ay alinsunod na rin doon sa kautusan ng IATF na there should only be one individual from each house na lalabas and to apply this policy ay naglabas po ng mga barangay quarantine pass ang mga Local Government Units at ito po ay ine-implement naman ng ating mga supermarkets.

SEC ANDANAR: Kaisa ng PNP na naatasang manguna sa contact tracing, eh paano po nakikipagtulungan ang DILG sa PNP upang mas mapadali at mapabilis po ang contact tracing. Anu-ano po iyong mga ginagawa nating hakbang, Usec?

USEC. MALAYA: Tama po, Sec. Mart. Alinsunod po sa isang IATF resolution at inatasan po ang DILG na manguna sa contact tracing sa ating bansa at ang maganda po dito ay ang DILG naman ay nasa posisyong gawin ito dahil nasa amin po ang ating kapulisan, under namin ang Philippine National Police at kami rin po ang nangangasiwa sa ating Local Government Units.

So nagpalabas na po si Secretary Año ng isang memorandum circular tungkol diyan, ang Memorandum Circular Number 2020-273, sa pagbubuo po ng tinatawag na contact tracing teams. At ito pong mga team na ito ay nandiyan po ang ating kapulisan, nandiyan din po ang ating City and Municipal Health office, mga alagad ng Bureau of Fire Protection, ang ating LDRRMO or the Local Disaster Risk Reduction Management Office, kasama na rin po iyong ating mga BHERTs [Barangay Health Emergency Response Teams].

Ngayon marami pong nagtatanong Sec. Mart bakit police ang kasama rito? Dahil po maganda po ang [signal cut] sabi nga po ni Mayor Benjie Magalong ng Baguio, pag ginamitan natin ng cognitive investigative skills mas nagiging mas matagumpay po ang ating contact tracing.

Ngunit hindi lang po kapulisan nga, as I said kanina, Sec., kasama rin po dito ang municipal or City Health Office through their tinatawag nilang MESU or iyong Municipal Epidemiological Surveillance Unit at ito naman po iyong mga nurses natin at mga doctor na dalubhasa sa epidemiology at ito pong dalawang grupong ito ang nangunguna sa ating contact tracing at gustong-gusto rin po ng ating mga epidemiologist na may kasamang pulis, dahil mas nagiging cooperative daw po ang ating mga kababayan kapag may kasamang pulis. Kung wala po kasi iyong pulis ay hindi po kasi masyadong maganda ang kooperasyon ng mga ini-interview nila.

So, through this process po, Sec, ay mas mapapaganda natin iyong contact tracing, kasi kapag napaganda po natin ito mas maa-identify natin iyong mga PUIs na kailangan nating i-test at kapag natapos na po lahat ng backlog natin ng PUIs ay malalaman na po natin ang tunay na estado ng isang lugar at kapag gumanda po ang resulta puwede na po nating ibaba ang Enhanced Community Quarantine sa General Community Quarantine. At iyan po ang ating istratehiya sa Metro Manila.

So, kung maganda po ang galaw ng ating mga contact tracing teams at iyong kanilang mga na-identify na PUI ay kaagad-agad ay magkakaroon ng testing ay mukha pong positive na mas mabilis tayong makakabalik sa new normal na ating tinatawag.

SEC. ANDANAR: Okay, may mga kababayan tayong dumadaing dahil sa mga problema sa kanilang lokal na pamahalaan kaugnay sa pamamahagi ng relief goods, hindi raw po patas, dahil mayroon daw pong hindi nakakatanggap. Paano po sinisiguro ng DILG na pinapanagot po ang mga LGUs na ito?

USEC. MALAYA: Opo, Sec., dalawang aspeto po iyan. Una po, iyong aspeto ng relief goods ‘no. Tuluy-tuloy po ang pamimigay ng relief goods ng ating mga LGUs. As a matter of fact, isang buwan na po silang namimigay ng relief goods; tuluy-tuloy po ang kanilang pagre-repacking ‘no. Kung saka-sakali man pong may mga lugar na hindi pa rin nakakatanggap, makipag-ugnayan po kayo sa inyong barangay. At kung hindi aaksiyunan ng inyong barangay, nandiyan po ang DILG Emergency Operations Center para po matawag namin ang atensiyon ng inyong barangay.

Tungkol naman po doon sa Social Amelioration Program na programa ng DSWD na ipinadaan sa mga LGUs, tuluy-tuloy na rin po ang pamimigay ng Social Amelioration Program. Medyo may konting bagal po noong mga nakaraang araw, ngunit magsimula po ngayong araw ay puspusan na po. As a matter of fact, kanina po ay ka-meeting natin ang DSWD sa CALABARZON, lahat po ng… almost all ng bayan sa Cavite ay mayroon na pong payout sa araw na ito; at tuluy-tuloy lang po iyan.

Hindi po kasi puwedeng lahat ng barangay ay sabay-sabay dahil po malaking pera po ito at kailangan po ng seguridad so may schedule po iyang sinusunod.

Para po malaman ng ating mga kababayan kung ano po ang schedule ng SAP distribution sa inyong lugar, makipag-ugnayan po kayo sa inyong LGU. Baka po may Facebook page sila, magtanong po tayo doon para po doon tayo …para malaman po natin iyong schedule ng distribution.

Ngunit nagbigay na po ng instruction si Secretary Eduardo Año sa lahat ng aming field offices para kalampagin ang ating mga LGUs na bilisan na iyong pamamahagi ng Social Amelioration Program dahil nga po nandoon na po iyong pondo mula sa DSWD. Nandoon na po, nakalagak na po sa mga LGU at ang kailangan na lang pong gawin ay ito ay maipamahagi nang tuluyan sa ating mga kababayan na qualified sa programang ito.

USEC. IGNACIO: Usec., lagi na lang itong tinatanong kasi sa atin, maraming nagtatanong niyan: Kapag daw po ba nabigyan na ng SAP ay hindi na dapat kumuha ng AKAP o CAMP Program ng DOLE? Nagkakaroon po sila ng kalituhan doon kasi parang sa kanila, kapag tumanggap na ako ng SAP dapat hindi na ako tatanggap doon sa binibigay ng DOLE. Ganoon po ba daw iyon?

USEC. MALAYA: Well, ganito po iyan, Usec. ‘no. Based doon sa guidelines ay kailangan po kapag tumanggap na kayo ng DOLE for example na 5,000, ang kailangan ninyo na lang na matanggap mula sa DSWD Social Amelioration will have to be the balance ‘no which is normally 1,500; kasi po 6,500 po ang average niyang sa buong bansa. But for Metro Manila—sorry, iyan po ay 8,000.

So ganiyan po ngayon iyan, in theory. At dahil nga po sa bagal ng pamimigay (gabled) konti pong kabagalan ngunit bumibilis na po. As I mentioned today, bumibilis na po ang distribution. Iyong cross checking po kasi ang problema natin. Iyan po ang naging problema, iyong cross checking kaya nga supposedly may validation.

Pero based po doon sa latest guidelines ng DSWD, Usec., iyong validation po will now come later. After na ng distribution, hindi na po prior, para po mapabilis iyong pamimigay ng ating tulong.

So ito na lang po ang pakiusap natin sa ating mga kababayan: kung kayo po ay tumanggap na sa dalawa, sana naman po ay kusa ninyo nang sabihin sa inyong mga local government units na kayo pala ay tumanggap na.

Kasi nga po, puwede po sanang natulungan niyan ay hindi nakakatanggap dahil ninyo dinisclose na kayo pala ay nakatanggap na sa dalawang ahensiya at kailangan na ang kunin ninyo lamang ay iyong butal.

Ngayon po ay may maganda po kaming balita. Sa ibang pong lugar sa ating bansa, from our Regional Director in GenSan, marami po ang nagsasauli ng kanilang SAP dahil sinasabi nila ay hindi sila entitled sa tingin nila dahil mayroon naman silang negosyo na puwedeng pagkunan ‘no, they are returning. So sana po itong ganito pong klaseng bayanihan or ugali ay gawin din ng ilan sa ating mga kababayan na tumatanggap ng dalawa mula sa dalawang ahensiya. Hindi po iyan ang intent ng batas. Ang intent ng batas ay isang beses lang kayo tatanggap, maliban na lamang kung may butal at kukuha kayo ng butal na iyon doon sa isa pang ahensiya. But you are not supposed to receive both full amounts from two agencies. At sana po ay mas marami pang mga kababayan natin ang gagawa ng ganoon na isasauli nila ang SAP nila kung sa tingin nila ay hindi naman sila kuwalipikado.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

USEC. MALAYA: Maraming salamat po, Sec. Mart; maraming salamat po, Usec.

USEC. IGNACIO: Samantala, upang mapababa ang bilang ng mga health workers na nagpositibo sa COVID-19, namahagi po ang PAGCOR ng mga PPEs sa mga public hospitals. Nitong linggo, umabot na po sa 85,000 ang nabigyan ng facemasks, ng N95 masks, face shields at protective clothing sa ilang pampublikong ospital.

Kaugnay diyan, nagbahagi din ang PAGCOR ng 47,000 POGO donated food packs sa mga komunidad sa NCR, Benguet, Bulacan, Pampanga at Tarlac.

Sa ngayon po ay nakapag-deliver na rin ang PAGCOR ng karagdagang 2,000 relief packs sa mga residente ng San Pedro at San Pablo, Laguna.

SEC. ANDANAR: Alamin naman natin ang mga updates sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Base po sa huling datos ng DOH, as of 4 P.M, April 24, 2020, umabot na sa 7,192 ang dami ng kasong naitalang nagpositibo sa COVID-19; 477 naman po ang kabuuang bilang ng nasawi; habang patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 na umabot na sa 762.

USEC. IGNACIO: Kung edad naman po ang ating pagbabatayan, ang mga babae na may 25 hanggang 29 years old ang may pinakamalaking porsiyento na nagkakaroon ng COVID-19. Sinundan ito ng edad 30 hanggang 34 na mga lalaki na may six percent.

Ayon po sa pinakahuling tala ng DOH, parehong lalaki at babae na nasa edad na 60 hanggang 69 po ang mayroong mataas na bilang ng kaso ng namamatay dahil sa COVID-19. Habang edad naman po mula sa 50 hanggang 54 ang tinatayang may pinakamataas na bilang ng mga lalaking nakaka-recover, at edad 30 hanggang 34 naman po ang sa babae.

Samantala, nasa ikaapatnapung puwesto naman po ang Pilipinas sa buong mundo, sinundan ito ng Czech Republic.

SEC. ANDANAR: Kaya naman mahigpit po naming ipinapaalala sa lahat ang physical distancing at palagiang paghuhugas po ng kamay. Wash your hands, hangga’t maaari ay huwag po tayong lumabas ng ating bahay. Sabi nga ng ating mga frontliners: We stay at work for you, so please stay at home for us. Bahay muna, buhay muna.

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary, upang alamin naman ang kalagayan ng ating mga OFWs, makakausap din natin si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac. Magandang araw po, Administrator.

ADMINISTRATOR CACDAC: Magandang araw, Sec. Martin, Usec. Rocky; sa inyong mga tagapakinig, tagapanood po, magandang araw.

USEC. IGNACIO: Napakalawak po kasi ng responsibilidad ninyo, Sir Cacdac. Ano po iyong global response at assistance na ipinaabot natin para sa ating mga OFWs po na apektado ng COVID-19?

ADMINISTRATOR CACDAC: Well, unang-una, patuloy iyong ating welfare assistance on the ground. Nagbigay po ng direktiba si Sec. Bello to make sure na ang outreach natin sa mga OFWs na nangangailangan ng tulong ay laganap.

Mayroon po tayong ongoing food assistance drive in all posts. At recently po ay tayo ay nag-reinforce ng funding sa ating mga welfare offices globally, and of course we are led here by our Philippine labor offices our Labor attaches and our ambassadors and consul generals on the scene.

So patuloy po iyong diretsahang pagbibigay ng pagkain. Of course, mayroong certain limitations in some areas like Saudi, iyong kanilang 24-hour curfew. But still, we try to make do given the circumstances. Patuloy pa rin iyong welfare assistance sa mga distressed OFWs kasi, Sec., Usec., kahit na mayroong COVID crisis, patuloy pa rin iyong mga nagkakaproblema na mga OFWs with their employers, mga labor cases na tinatawag, distressed workers. So patuloy pa rin po ang assistance natin sa kanila, kinakausap ang mga employers at agencies at dinadala po sa ating mga shelters kung sila po ay kailangan nang i-pull out or kunin or sagipin sa kani-kanilang mga employers.

And then finally iyong financial assistance for ten thousand or $200 assistance sa mga displaced workers, patuloy po ngayon ang drive ng DOLE at the post and dito through OWWA nationwide through the regional offices. So ang estimate po natin ng mga approved applications ay umaabot na sa halos forty-five thousand.

So, patuloy po itong pagbibigay ng assistance sa ating mga OFWs, and of course, if I may care to add na rin, dito sa OWWA ang tulong natin sa mga stranded OFWs ay umaabot na nang sixteen thousand dahil nga dito sa mandatory quarantine din na sa ngayon binibigyan na natin ng hotel facility ang lahat ng OFWs na nanunumbalik sa Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Okay. Kaugnay naman po sa DOLE-AKAP financial assistance for stranded OFWs. Kumusta po ang pamamahagi ng mga ayuda para sa mga apektadong OFWs? Nabanggit ninyo po na mayroon tayong sixteen thousand, iba pa ho ba iyong applicants para sa OWWA at dito sa AKAP?

ADMINISTRATOR CACDAC: Basically ang kaibahan, Sec., is they’re all under the same program. Iyong DOLE-AKAP financial assistance – P10,000 or $200 for displaced OFWs, it’s just that sa overseas, sa post, ang nagha-handle po niyan ay iyong Philippine Labor Offices natin at dito sa Pilipinas though our regional office, joint effort po ng OWWA at ng DOLE regional offices.

So, ongoing po ang distribution sa ngayon and sabi ko nga po ay umaabot na sa halos fifty thousand iyong approved applications dito sa DOLE-AKAP and patuloy pa rin po ang ating fund releases dito.

At kamakailan lamang nagbigay ng instruction si Sec. Bello na gawing flexible iyong requirements, huwag masyadong stringent kaya patuloy po na pinabibilis natin at pinapagaan na po natin ang proseso.

SEC. ANDANAR: Okay. Sa puntong ito ay makakausap rin po natin ang ating kababayan na si Glenn Llaguno mula sa Dubai. Glenn, nasa kabila pong linya si Administrator Cacdac, baka mayroon po kayong tanong sa kaniya, Glenn. Please, go ahead.

  1. LLAGUNO: Hello po, sir!

SEC. ANDANAR: Yes, Glenn, nasa kabilang linya po si Admin. Cacdac

  1. LLAGUNO: [GARBLED] mga kababayan po natin na OFW [SIGNAL FADE] regarding po doon sa pag-accommodate po at iyong mandatory po ng quarantine gawa po noong [SIGNAL FADE] kasi na nakauwi na po na nakakausap [SIGNAL FADE] papaano daw po ba iyong tungkol po doon sa mga room po kasi po mayroon pong mga kababayan po natin na [SIGNAL FADE] sa amin na iyong mayroon daw pong room po sa hotel na sa isang room po eh isang kama and then dalawang tao daw po ang nagshe-share po sa bed po nila. Ang nangyayari na lang daw po is iyong unan na lang daw po ginawang hati para po magkaroon po sila ng social distancing.

ADMINISTRATOR CACDAC: Sa ngayon po single occupancy ang pinaiiral natin. Aaminin ko, mayroong mga sitwasyon katulad noong isang gabi sa isang hotel sa Quezon City, 100 iyong bakante na rooms, 97 iyong dumating pero hindi nagkaunawaan with the hotel management. Ang ginawa ng hotel management ay siguro dahil nga sa halos hatinggabi na sila nakarating mula sa airport ay nilagak sila sa room sharing when kasyang-kasya naman sila sa isang single occupancy all throughout the entire hotel.

So, mayroon pong mga ganiyang sitwasyon, iwinawasto po natin kapag itinawag sa ating pansin kaagad. The same night naman po nai-correct iyon. Humihingi ho ako ng paumanhin kung nangyari man iyon pero rest assured po pagdating ninyo po dito single occupancy po ang ating io-observe.

  1. LLAGUNO: Thank you po, sir! Thank you po. And then sir, may iba rin pong tanong katulad ng iba pong mga kababayan po natin. Iyong iba po kasi, may mga nagme-message din po sa akin iyong paano daw po iyong mga visit visa po na nasa Dubai din na uuwi rin po, kailangan din po ba raw nila na mag-fourteen days quarantine?

ADMINISTRATOR CACDAC: Yes po basta OFW status po tayo, fourteen days quarantine. Basta’t nagtrabaho o nagtatrabaho sa UAE, sila po ay magiging subject to the 14-day quarantine. Ang example iyong kahapon, iyong dumating mula sa Abu Dhabi, sila ay deported, undocumented sila but sa sarili din naman nilang salaysay ay nagtrabaho sila doon, karamihan sa kanila ay nagtrabaho bilang kasambahay. So, pagdating po dito sila po ay inilagay natin sa isang quarantine facility. Nagpapasalamat nga po tayo sa DPWH at sa AFP at sa DOTr, sa BCDA kasi po sila’y nasa Word Trade Center po ngayon. It’s a special quarantine facility developed by the government.

  1. LLAGUNO: Yes, thank you po, sir Hans. Salamat po sa effort ninyo at pag-aalalay sa ating mga kababayang OFW. Maraming, maraming salamat po at God bless po sa inyo.

ADMINISTRATOR CACDAC: Thank you rin po, Glenn. Ingat diyan. God bless.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Glenn. Huli na lang, may paalala ba kayo o mensahe para sa ating mga OFWs, sir Hans Cacdac?

ADMINISTRATOR CACDAC: Yes, paalala lang po natin ay dumulog sa aming hotline 1348 at siguro ang isang mensahe ko rin ay hindi lamang para sa ating OFWs kung hindi iyong sa pangkalahatan pati sa ating mga LGUs at sa ating mga barangay communities dahil iyon pong pag-mandatory quarantine ng mga kababayan po natin, pagdala natin dito, ibig sabihin po ng mandatory quarantine – lahat po ng arriving OFWs will be subjected to a 14-day mandatory quarantine kaya po ganoon na lamang po ang pagsisikap namin na bigyan namin sila ng quarantine facility o hotel na posible pong malapit o nasa lugar po ninyo. Unawain na lang po natin ang sitwasyon. Sila po ay asymptomatic, wala po silang signs ng COVID-19, sila po ay dadalhin sa facility kung saan sila ay safe at guarded and enclosed, separated from the community. Hindi po sila lalabas ng hotel premises.

So sana unawain din po natin ang sitwasyon both from the OFW perspective and from the local community perspective.

So, iyon lang po ang hotline natin – 1348 para po sa mga may kailangan ng tulong.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, OWWA Administrator Hans Cacdac at kay Glenn Llaguno.

ADMINISTRATOR CACDAC: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Nueva Ecija, ang nagsagawa ng inisyatibo upang makatulong sa ating mga frontliners. Alamin natin ang detalye sa report ni Nel Pangilinan.

SEC. ANDANAR: All right. Kaugnay niyan ay makakausap natin si Nueva Ecija Governor Aurelio Umali. Magandang tanghali po sa inyo, Governor. Governor, can you hear me? Governor Umali… Siguro kailangan ayusin ang audio ni Gov. Umali, Rocky.

SO Sa ngayon batiin din natin iyong ating mga kasamahan sa media, DZBB naka-livestream tayo ha at sa kanilang teleradyo, good morning. Magandang tanghali sa inyo, DZBB

USEC. IGNACIO: Siyempre iyong DZRH, iyong ating kasamang si Henry Uri; ang DZMM. Secretary mayroon ding nagpapabati dito, so Tony Villanueva iyong Bisdak Radyo FM sa Cebu at sila daw po ay naka-hookup din sa atin. Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Ay tamang-tama kasi sa puntong ito makakausap natin si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire upang magbigay po ng pinakabagong update tungkol sa COVID-19. Magandang tanghali po sa iyo Usec. Vergeire.

USEC. VERGEIRE: Good afternoon po…

SEC. ANDANAR: Yes ma’am, kumusta na po ang unang linggo ng mass testing ninyo?

USEC. VERGEIRE: Ito naman po ay naisagawa na ‘no, iyong expanded testing sa iba’t ibang local government units natin, sinasagawa na po nila ito. So we will be receiving maybe information by this coming week para makakuha tayo ng additional numbers galing po dito sa expanded testing na ito.

SEC. ANDANAR: Ma’am, ano po ba iyong nakikita ng DOH na magiging epekto sa dami ng kaso ng COVID-19 ng ipinatutupad po nating extended ECQ at GCQ sa ilang mga lugar sa bansa?

USEC. VERGEIRE: Well, ang magiging epekto po ay, unang-una po, ‘pag sinabi po natin kasi na ang isang lugar ay magko-continue ng ECQ, iyong Enhanced Community Quarantine, ibig sabihin po kailangan pa natin mas pag-igtingin ang ating mga ginagawa para maputol natin ang transmission. Kasi base sa pag-aaral, sila po ay mayroon pa ring mabagal—matagal or ano ba ‘yan—case doubling time na mas short ‘no. Ibig sabihin, mas mabilis pa ring dumadami ang kaso sa mga lugar na ito at saka iyong kanilang kapasidad per health system ay hindi pa ganoon kaangkop.

As compared with those with General Community Quarantine na binigyan, iyong medyo nag-relax po nang konti, may konting transportation, limited, mayroon po tayong mga ia-allow na mga workers. Dito naman po sa mga lugar na ito, ang kanilang pagtaas ng kaso ay hindi ganoon kabilis at ang kanilang health system ay makakaagapay based on the case doubling time that they have. But the condition for this General Community Quarantine Areas would be that there should be minimum health standard na ipatutupad bago natin masabi talaga na magri-relax tayo nang ganiyan diyan sa lugar na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., isa sa treatment na talagang kino-consider ng DOH para sa COVID-19 patient, iyong plasma therapy. Gaano ba talaga ito kaepektibo at paano ito isinasagawa? Bukod dito, may iba pa po bang klase ng panggagamot o treatment na sinusubukan ang ating bansa o ang DOH?

USEC. VERGEIRE: Marami po tayo ngayon ‘no na nakapila na susubukan actually. Kasi katulad ng sinasabi natin, wala pa po na gamot o bakuna para sa COVID-19 na binibigyang clearance ng ating mga regulatory agencies all over the world.

Ito pong convalescent plasma therapy na sinasabi, ang UP-PGH lang po ang may approved protocol to do this. Kasi po bago kayo makapaggawa ng ganitong mga bagay, kailangan po ay nakakapagsumite kayo ng protocol. Ito po ay dapat naki-clear ng mga regulatory agencies bago kayo makapag-umpisa.

So ang University of the Philippines nag-umpisa na po sila ng kanilang convalescent plasma therapy na clinical trial. Naumpisahan sa ibang mga pasyente at mayroon ho silang mga nire-report na maganda; ngunit hindi pa po iyan enough evidence na kumpleto para masabing ito talaga ay epektibo.

Pangalawa po, marami pa ho tayong mga off-label drugs na tinatawag na gagamitin natin for COVID management. Ito po iyong mga gamot na ginagamit sa ibang sakit pero ngayon sinasabi ng mga eksperiyensya galing sa ibang bansa na nagiging effective din for COVID-19. Pumasok po ang Pilipinas sa WHO solidarity trial kung saan mayroon pong apat na klase ng gamot na gagamitin para masubukan natin para sa ating COVID-19.

This also is a clinical trial kung saan dalawampung ospital ang kasama natin all over the country na magpapatupad nito for our patients with informed consent. Malalaman natin pagkatapos ng trial na ito kung ito ay magiging epektibo o hindi kasama ng ibang bansa na gumagawa nito.

Mayroon din po tayong trial na sisimulan na nagkaroon po tayo ng kasunduan ‘no dito po sa ating Government of Japan kung saan mayroon po tayong pagkakasunduan kung magiging clear po ang ating arrangement. Ito pong isang gamot naman which is Avigan, pero nasa initial stages of coordination pa lang po tayo.

[NEWS REPORTING BY DENNIS PRINCIPE]

[NEWS REPORTING BY BIEMA MINOZA]

[NEWS REPORTING BY NASHRA ANI]

[COMMERCIAL BREAK]

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin ang ating kasamahan na si Clodet Loreto live mula sa PTV Davao. Come in, Clodet.

[NEWS REPORTING BY CLODET LORETO]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat Clodet Loreto diyan po sa Davao. Samantala, makakausap natin ngayon si Nueva Ecija Governor Aurelio Umali. Magandang tanghali po sa inyo, sir, sana maayos na po ang ating linya.

GOVERNOR UMALI: Magandang tanghali, Secretary Martin and Usec. Rocky. Mayroon lang problema kanina, I was not able to hear you guys.

SEC. ANDANAR: Okay. It’s good to see you once again, sir. Nasa limampu na po ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Nueva Ecija. Kumusta po ang pagpapatupad ng ECQ diyan po sa inyong lugar?

GOVERNOR UMALI: Secretary, for the information, 42 lang po iyong positive PUI dito. The data that comes from the national government, for instance po, iyong doktor na namatay sa Heart Center ay taga-Nueva Ecija but the data, ilalagay po iyan sa Manila, hindi po sa Nueva Ecija.

So right now, we only have 42. And for the last five days, wala pa po kaming additional na positive sa Nueva Ecija.

SEC. ANDANAR: All right. Ano po ang standard procedure ng inyong probinsiya sa pagtugon po sa COVID-19 patients?

GOVERNOR UMALI: Well, as early as February, considering the national leadership established the Inter-Agency Task Force sometime in January, so ang ginawa ng Nueva Ecija kasi nakita namin iyong (unclear) national leadership, nag-establish kami on February 12, the Nueva Ecija Inter-Agency Task Force. It’s a multi-sectoral body, kasama din dito iyong ibang mga department agencies sa Nueva Ecija. And we decided to convene the same (unclear) February 17.

The reason why we started early, dahil iyong… remember at that time when Fort Magsaysay was being considered, iyong mega rehab was being considered as a quarantine. At that time, we are preparing kaya as early as that, February pa lang, siguro kami iyong isa sa pinakaunang nag-establish ng inter-agency task force.

Naiintindihan namin that ang importante kasi dito is iyong communication among all the stakeholders at the establishments of protocols. We get our cue from the national leadership as far as protocols are concerned. And iyong group chat with the mayors and with all the stakeholders on a regular basis is being done in Nueva Ecija on a 24/7 basis.

SEC. ANDANAR: Gaano po ka-epektibo, Gov., iyong para sa kaayusan sa bawat barangay ang paraan ng pamamahagi natin ng relief goods? Anu-ano po iyong mga ayudang naipamahagi na at ipamamahagi pa ng inyong pamahalaan diyan po sa Nueva Ecija?

GOVERNOR UMALI: Okay. Iyon pong ating mga barangay captains, iyong mga mayors have been doing it regularly, at ang provincial government po naman ay namamahagi rin.

Now, ang importante po rito, before we do the relief operations ay i-establish muna doon sa barangay at doon sa atin pong mga mayors bago tayo pumasok sa kanilang barangay. And the usual po dito sa Nueva Ecija, it has been the practice na ilabas mo lang iyong upuan at – to maintain social distancing na kailangan po – bawat upuan ay dadaanan po ng ating relief operations group ay maglalagay po kami ng kalahating sako ng bigas.

We have 849 barangays in Nueva Ecija, hindi pare-parehas iyong laki ng barangay. One day mayroong kaming 50 barangay na natutulungan; may mga days naman na 25 lang, depende sa laki ng barangay at sa layo ng barangay.

SEC. ANDANAR: At least, Gov., ay wala po kayong problema pagdating po sa bigas dahil kayo po mismo talaga ay producer nito.

GOVERNOR UMALI: Yes, Secretary. Ang kagandahan dito, as early as July 1, when I assumed the governorship ay itinayo po namin iyong Provincial Food Council because at that time, ang naging problema po sa Nueva Ecija being the rice granary ay iyong mababang presyo ng palay. So we established iyon pong Provincial Food Council which I issued an executive order, at doon pa lang sinama ho namin lahat ang agencies dito, multi-sectoral pati members of the faith, at doon nga po inumpisahan namin iyong pamimili ng palay so that iyong atin pong mga magsasaka—at that time kasi bumaba ang presyo hanggang walo eh, eight pesos, ten pesos, twelve pesos. We decided to intervene. And with the support of the Department of Agriculture, Secretary Dar himself, has commended us kaya po tuluy-tuloy kami.

At ngayon nga, while doing the relief operations, tuluy-tuloy pa rin iyong pamimili namin ng palay because we cannot stop iyon pong pamimili ng palay nang sa ganoon po iyong ating magsasaka ay magkaroon po ng kahit papaano ay magandang ani at magandang presyo ng palay nila.

SEC. ANDANAR: Iyong palay po ba na binibili ninyo, Governor, mula po sa inyong mga magsasaka ay maaari ding ibenta ng probinsiya ng Nueva Ecija sa ibang mga probinsiya o sa NCR man?

GOVERNOR UMALI: Yes, Secretary. As a matter of fact, we’ve been doing that since we established it in 2019. Last year pa ho namin tinayo iyong Provincial Food Council, and we have been selling iyong Malasakit Rice ng Nueva Ecija. Marami na po kaming parokyano sa Metro Manila. And dito rin sa Nueva Ecija, iyong amin pong mga kababayan ay binibili po iyong sariling produkto.

And as a matter of fact, pasalamat kami doon sa mga ibang showbiz personalities na nag-i-endorse ng Malasakit Rice from Nueva Ecija.

SEC. ANDANAR: Governor, para po sa mga interesadong bumili ng Malasakit Rice po mula sa inyong lalawigan, papaano po? Sino po ang kokontakin? Mayroon po ba kayong contact number, sir?

GOVERNOR UMALI: Mayroon po kaming Facebook page, nandoon po iyong numero. Pero sa ngayon po ay we are not selling right now kasi po lahat po ng nabibili namin, kapag kinonvert namin into rice, iyon po iyong isinasama namin doon sa pinamimigay namin sa bawat barangay ng Nueva Ecija. Pero tuluy-tuloy po iyong aming pamimili. Pero selling at this point doon po sa nabibili namin, ginagamit muna namin iyong mga bigas na nabibili namin. Siguro after the crisis, we will continue with the selling of Malasakit Rice of Nueva Ecija.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong panahon, Governor Umali. Mabuhay po kayo, sir.

GOVERNOR UMALI: Salamat po at mabuhay po kayong lahat diyan.

USEC. IGNACIO: Okay. Isang pizza delivery naman po ang sumikat sa social media dahil sa kaniyang ipinakitang kabutihan sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic sa bansa. Narito po si Paolo Salamatin.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat kay Paolo Salamatin.

SEC. ANDANAR: Mga kababayan, isang makabuluhang diskusyon at mahalagang impormasyon na naman po ang ating nakalap. Muli, kami po ay nagpapasalamat sa ating mga nakausap sa paglaan po ng kanilang oras para sa programa. Asahan po ninyo na patuloy naming ihahatid ang mga importanteng impormasyon na kailangan nating lahat.

Mahigpit po naming ipinapaalala ang physical distancing at kooperasyon sa mga ipinapatupad ng mga awtoridad.

USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

SEC. ANDANAR: Ngayong panahon ng krisis, mas lalong dapat nating ipadama ang tunay na pagmamahal sa bayan at sa kapwa Pilipino. Kaya naman nais din nating pasalamatan ang ating mga frontliners na ginagawa ang lahat upang matulungan ang ating mga kababayan.

Magkaisa, sumunod, maging maalam at mapagmatyag. Tandaan po, sa ating pagtutulungan at pagkakaisa ay malalagpasan po natin ang lahat ng ito. Together, we heal as one.

Muli, ako po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: At mula pa rin po sa ng Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Magkita-kita po tayo muli sa Lunes dito lang po sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)