SEC. ANDANAR: Magandang araw, Pilipinas. Isang oras na siksik sa impormasyon ang hatid namin kaugnay sa pinakabagong update sa iba’t-ibang tugon ng pamahalaan sa pandemyang ito. Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Aalamin at lilinawin, kaisa ang mga kawani at opisyal ng pamahalaan na muli nating makakasama sa programa, ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Ako naman po si Secretary Martin Andanar, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Huling araw na nga ng ECQ at GCQ sa ilang mga lugar sa bansa. Narito po ang ilang mga establisyimentong hindi pa ring pinapayagang magbukas sa ilalim ng MECQ at GCQ.
USEC. IGNACIO: Okay, kasama diyan po iyong …makikita ninyo iyong gyms, fitness industries, sports facilities, entertainment industry, cinema, theater, karaoke bars, kid’s amusement playrooms/rides.
SEC. ANDANAR: Library, archives, museum and cultural centers, tourist destinations, kasama po diyan iyong water parks, beaches, resorts, personal care services, massage, parlor, sauna, facial care, barber shops at salon. Bagama’t may mga establisyimento na pinapayagang magbukas, ipinagbabawal pa rin ang public transportation.
USEC. IGNACIO: Kabilang po naman sa mga lugar na isasailalim sa modified enhanced community quarantine ang buong Metro Manila, Probinsiya ng Laguna at ang Cebu City.
SEC. ANDANAR: At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang po ay makakausap natin sina Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director and DOST Undersecretary Renato Solidum, Jr; si Jojo Soliman, Executive Director of Rosita Soliman Foundation, Inc.; Albay 2nd District Representative Joey Salceda; at Film Development Council of the Philippines Chairperson and CEO Lisa Diño.
USEC. IGNACIO: Kasama pa rin natin sa paghahatid ng balita ang Philippine Broadcasting Service at ang PTV correspondents mula po sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
SEC. ANDANAR: Samantala, balita kaugnay sa Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program, tinawag ni Senator Bong Go ang pansin ng mga concerned agencies partikular na ang Department of Social Welfare and Development, the Presidential Commission for the Urban Poor, at ang Department of Environment and Natural Resources na magsagawa ng assessment sa populasyon at sitwasyon ng informal settler families, lalo na sa Metro Manila, at bigyan sila nang mas maayos na oportunidad para makapagsimula ulit pagkatapos ng COVID-19 crisis.
Base sa survey na isinagawa ng PCUP, maraming informal settler families ang gustong bumalik sa mga probinsiya. At inaasahan nga ng PCUP na sa pamamagitan ng ‘Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program’, maraming mga Pilipino ang tutugon dito.
Ayon sa Senador, sinisiguro aniya ng gobyerno na kapag mag-a-avail ang mga Pilipinong ISFS sa BP2 Program, mayroon agad silang mapapatunguhan sa mga probinsiyang uuwian katulad ng murang pabahay, trabaho at mas pinagandang healthcare services.
USEC. IGNACIO: At dahil nga po sa krisis na kinakaharap ng bansa, marami sa mga Overseas Filipino Workers ang nawalan ng hanap-buhay. Kaya naman po bilang tugon, muling nanawagan si Senator Bong Go kaugnay sa mungkahi niyang Senate Bill 202 o ang Department of OFWs Act of 2019 na magiging pangunahing departamento na mag-aasikaso sa mga pangangailangan ng OFWs. Ang Bill na ito ay bibigyang pansin ang matagal ng isyu kagaya po ng kailangang magkaroon nang maayos na koordinasyon sa concerned offices patungkol po sa OFW, immediate legal assistance sa mga distressed OFW, kakulangan ng migration cycle approach sa pag-promote ng migrant’s rights from employment, onsite and reintegration services at iba pa.
SEC. ANDANAR: Ayon naman sa Senador, para masigurong mahusay at epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng OFW, hinihikayat ang mga concerned agencies katulad ng POEA, OWWA, Commission on Filipinos Overseas, International Labor Affairs Bureau, at National Reintegration Center for OFWs na ilipat ang kanilang mga power, functions, funds, appropriations, records, equipment property at personnel, ganoon din ang Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs sa ilalim ng DFA at ng lahat ng mga opisina ng Philippine Overseas Labor Offices na lumipat sa bubuuing bagong department.
Sa ngayon, mabilis na tinutugunan ng OWWA ang mga concerns ng migrant works. Anila, nagpapaabot din sila ng tulong sa pamamagitan ng AKAP Program. Ang DFA naman ay nagsasagawa ng mercy flights para sa mga OFWs na uuwi ng bansa. Ganoon din po ang Maritime Industry Authority sa pamamagitan naman ng Seafarers Uwi Pamilya Program. Tinutulungan ng MARINA ang seafarers na stranded sa Metro Manila na makabalik sa kani-kanilang probinsiya ngunit kinakailangan pa ring sundin ang health protocols at isailalim sa quarantine.
USEC. IGNACIO: Samantala, bigyang daan muna natin, Secretary, ang pinakahuling update kaugnay sa Bagyong Ambo. Makakausap po natin si Philippine Volcanology and Seismology Director at DOST Undersecretary Renato Solidum – magandang araw po, Usec.
USEC. SOLIDUM: Magandang araw.
USEC. IGNACIO: Kahapon po unang nag-landfall ang Bagyong Ambo sa San Policarpio, Eastern Samar. Sa mga oras na ito, nasaan na po ang direksiyon ng bagyo? At sa pagtama nito sa kalupaan, bahagya ba itong humina o may posibilidad na lalakas pa rin po ito?
USEC. SOLIDUM: Kaninang alas-diez ng umaga, ayon sa DOST-PAGASA, ang bagyo ay nasa Catanauan, Quezon. Ito ay umuusad mga dalawampung kilometro papunta sa northwest, at ito ay posibleng humina habang dumadaan sa kalupaan. Ini-expect po ng DOST-PAGASA na ang bagyo ay nasa 50 kilometers east ng Metro Manila, sa Rizal-Laguna area mamayang alas otso ng gabi. At ito naman po ay tatahak papunta sa Ilocos Sur, ito po ay nandoon sa mga bandang alas otso ng umaga at ito po ay mag-e-exit na bandang Lunes doon sa Philippine Area of Responsibility.
USEC. IGNACIO: Usec., kasi pumasok ang bagyo sa gitna pa rin ng krisis na COVID-19, dapat talaga maghanda nang husto ang mga Pilipino. Mayroon pa po ba kayong namamataan o inaantabayanang posibleng maging sama ng panahon, kasi mas kailangan po ang mas malaking paghahanda dahil bukod sa bagyo ay mayroon po tayong COVID-19?
USEC. SOLIDUM: Kung titingnan po natin ang satellite image, mayroong namumuong cloud cluster or low pressure area, mga 2,400 kilometers east ng Mindanao, at ito po ay babantayan nang mabuti after na mag-exit ang bagyo; malayo pa po ito sa atin. At kailangan po talagang … kailangang maghanda anytime patungkol sa mga pagbagyo, pag-ulan at mga mabilisang pangyayari tulad ng paglindol, mga aktibidad ng volcano at pagkakaroon ng tsunami.
SEC. ANDANAR: Kaugnay pa rin diyan ay may itinaas na bang tsunami alert sa ilang parte ng bansa?
USEC. SOLIDUM: Sec., wala pong itinaas tayong tsunami alert. Ang mga lindol na nangyari sa buong Pilipinas ay mga maliliit lamang o di kaya ay katamtaman ang lakas at hindi nga naging damaging, at salamat naman at ganoon lang sila kalakas.
SEC. ANDANAR: As of May 14, nasa Alert Level 1 pa rin ang Bulkang Taal kung saan naitala ang walong volcanic earthquakes. Ano na nga ba ang kasalukuyang lagay ng Bulkang ito, Usec?
USEC. SOLIDUM: Ang Taal Volcano po ay nasa ilalim ng Alert Level Number 1. May mga paglindol na hindi naman ganoon karamihan na nagpapahiwatig na may mga pagbibitak ng mga bato sa ilalim ng Taal Volcano Island at sa kapaligiran nito. Nandiyan pa rin ang pag-usok kaya delikado po na magkaroon ng mga biglang pagsabog dahil po sa usok. Pero hindi naman ito nangangahulugang mas delikado ito sa labas ng isla. Kaya nga ang bawal po lamang ay pumunta sa volcano island, pero sa labas ay okay naman po ang kundisyon doon.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, ano na lang po iyong mensahe ninyo at iba pang mga paalala para sa ating mga kababayan tungkol pa rin diyan sa nangyayari sa Taal, sa ating COVID-19 at saka iyong nararanasang sama ng panahon? Kasi itong mga period na ito, ito po iyong mga pagpasok ng bagyo sa bansa.
DIR. SOLIDUM: Tama po kayo. Kailangang paghandaan ng mabuti ang mga natural na panganib at dapat ikonsidera ang mga physical distancing na kailangang nating maipatupad sa mga evacuation area kahit po sa mga evacuation procedure kapag may mga lindol na at least one meter ‘no. Kailangan po na talagang paghandaan ito at sana nga po ay walang lakas ang mga lindol o mga bagyo, pero ito po ay talagang mangyayari at mangyayari. Kailangang po nating (garbled) ang kahandaan natin sa mga natural na panganib at kahandaan rin para hindi tayo maapektuhan ng COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. Bago ko po kayo pakawalan. Usec, kumusta naman po iyong ginagawang pagharap ng PHIVOLCS dito sa COVID-19. Gaano po ka-safe or ka-secure iyong ating mga nandiyan sa PHIVOLCS?
DIR. SOLIDUM: Dito po sa PHIVOLCS at ganundin sa PAGASA, mayroon po tayong mga dedicated skeletal work force na iyong iba ay dito na natutulog, nagsisilbi ng mga ilang linggo o buwan at iyong mga lugar na malapit lang ang tirahan ng ating mga kasama ay sinusundo po sila. Mayroon po tayong dedicated na mga vehicles, at least three vehicles na hatid-sundo para hindi sila ma-expose at of course may supply sila ng pagkain at naka-mask sa loob at may physical distancing.
Mayroon din po tayong tracing ng ating mga ka-opisina, mayroon po tayong geographic information system na ginagamit upang makita ang clustering ng ating mga kasamahan para sa mga operations and of course constant follow-up ng ating mga supervisors sa health condition ng ating mga tauhan. So far, salamat sa Diyos wala pa pong naapektuhan talaga na empleyado ng DOST- PHIVOLCS.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec, pero hindi naman po nakakaapekto iyong COVID-19 doon sa mga trabaho ng PHIVOLCS, kasi marami po kayong mga binabantayan at ginagawa katulad po ng sa bulkan na kailangan nai-inform ninyo talaga iyong tao.
DIR. SOLIDUM: Hindi naman po, kasi ang karamihan po ng ating monitoring ay remote operated and communication of data are via satellite at may dedicated din naman tayong tao sa mga probinsya. Siyempre ang naapektuhan lang tayo ay magkaroon ng field work, na lumabas talaga iyong ating mga kasamahan at ito po ay gagawin natin after na mag-lift na po ang quarantine.
USEC. IGNACIO: Director Renato Solidum, pero may mayroon po bang assessment ang DOST in case—nasa signal number 2 po ba ang Metro Manila?
DIR. SOLIDUM: As of this time, inaasahan pa rin po na signal number 2 ang Manila. Ang forecast naman ay hindi ganoon karaming ulan ayon sa DOST-PAGASA. Pero iyong hangin po na kapag minsan ay malakas ay kailangang paghandaan, lalung-lalo na po sa mga tents na ginagamit for COVID and of course sa mga checkpoints. Now, kung minsan may mga ulan pong malalakas, magkakaroon ang DOST-PAGASA ng mga rainfall advisories. So bantayan po nila ang mga abiso mula sa DOST-PAGASA patungkol sa mga posibleng malalakas na pag-ulan from time to time.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Director Renato Solidum.
DIR. SOLIDUM: Maraming salamat din.
SEC. ANDANAR: Samantala, sa gitna ng krisis na ating nararanasan. Sa pamamagitan ng pagpapaabot ng tulong sa kapwa, ipaparamdam ng isang non-profit community organization ang malasakit sa ating mga kababayan. Kaugnay niyan makakausap natin is Executive Director Jojo Soliman. Magandang araw po sa inyo, Director Soliman.
DIR. SOLIMAN: Good morning din po Secretary Martin Andanar.
SEC. ANDANAR: Nakapalaking tulong po ng inyong foundation sa ating mga kababayan lalung-lalo sa sating mga frontliners. Maaari po ba ninyo kaming bigyan ng detalye kaugnay sa mga donasyon pinamamahagi ng inyong foundation?
DIR. SOLIMAN: Namimigay po tayo ng mga mask, mga PPE po direkta sa mga doctors and nurses. Tapos mga two way radios din po, kasi kailangan po nila ng communication equipments para hindi na daw po sila lalabas from the emergency room papunta sa labas ng facilities nila. Saka napapagod po sila.
Mayroon po tayong na-encounter na mga ibang negosyo na sarado po. Wala silang benta like iyong mga gumagawa po ng balut, mga itlog maalat, tapos po itong fresh eggs, iyon po ang ginawa po natin na pinamimigay po natin para po iyong negosyo nila ma-sustain din po. Tapos iyong mga nagbebenta po ng mga gulay lalo na sa mga probinsya po at saka nagbebenta ng mga tuyo, isda, daing kinukuha rin po natin, tinutulungan po natin sila. Iyon po ang pinamimigay natin sa mga LGUs po.
SEC. ANDANAR: At Jojo, papaano ninyo pinipili ang magiging benepisyaryo ng mga donasyon mula sa inyong foundation?
DIR. SOLIMAN: Ano po sir Martin, mayroon po kaming special cases ‘no like sa bata, iyong mga bata na walang butas iyong puwet, that is for the operations; tapos iyong mga cleft lip; iyong mga luslos, iyon po.
Ito namang related sa COVID po natin, iyong mga tumatawag po at saka iyong mga kakilala po talaga natin na ide-distribute nila ng maayos, iyon po iyong binibigyan natin. Tapos kino-coordinate po natin sa lahat ng LGUs mismo, sa offices of Mayors ng LGUs para sila po ang magbigay sa poorest of the poor po. Basta iyan lang po iyong mas gusto natin na unahin na lang po iyong mahihirap talaga, iyong mga walang-wala po. Iyon po.
USEC. IGNACIO: Sir, alam po namin na walang humpay iyong tulong na ipinaabot ng Rosita Soliman Foundation Incorporated sa ating mga kababayan. Para sa inyo, ano ba iyong talagang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa, iyong may krisis man po o wala?
DIR. SOLIMAN: Kasi po, Ma’am, ano ito eh… it has been a social responsibility of my parents also, ginagawa na po ng mga magulang ko ito since the early 1960’s. So, kino-continue lang po naming magkakapatid at magpapamilya na gawin ito at ito na po ang nakalakihan natin. Dati po nakatira kami sa isang bahay na ang katabi po namin lahat ay iyong mga informal settlers po. So, alam ko po iyong conditions ng tirahan nila, iyong papaano po iyong pamumuhay nila. So, since nararamdaman natin iyong ganoon aware tayo kung gaano ba kahirap mamuhay ang isang nangangailangan, iyong kumbaga hindi sila may kaya sa buhay, parang ganoon po.
Katulad noong minsan po eh—di ba nagkaroon po ng isyu na iyong mga cadavers daw po nagpa-file up. So, nilapitan po ako noong isang doctor natin na consultant, si Dra. Bernadette; I think she is also one of the officers of PSEM, sa medical field sa mga hospitals. Sabi po niya, baka puwedeng magpadala noong freezer. Sabi ko anong klase ang gusto mo? Sabi ko iyong freezer na lang ng pang-karne or pang-isda, iyon na lang ang gamitin. Sabi niya uupahan ba? Sabi ko hindi mo na puwedeng upahan iyan kasi hindi ko na magagamit po iyan sa pagkain.
So, sabi ko kunin ninyo na lang, gamitin ninyo na po, kahit na after COVID magagamit naman po siya. So, iyon po the next day kinabitan daw ng Meralco iyong kuryente at nagamit na po sila, nilagyan po nila nga parang shelves, parang 23 to 24 cadavers po ang kasya.
And then, tiningnan po natin kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit nagpa-pileup ang cadavers: Dahil po una, pila-pila po sa cremation facilities; Number two, iyong iba po ayaw magbukas dahil takot. Siguro po sabi nga namin, pasuutin na lang ng proper PPE para hindi siya matakot. But then, nagpa-inquire po tayo sa abroad ng machine na pang-cremate. So wala akong maisip, so ang ginawa ko, tinext ko si Senator Bong Go. Sabi ko, “Pare, puwede bang sa iyo ko na lang idaan ito. Ido-donate natin sa Office of the President tapos paki-facilitate na lang,” sabi ko sa kaniya.
Iyon in less than 5 minutes may binigay siyang tao, tumawag din sa akin, so kinoordinate po namin sa OCD kay General Jalad po, and then ilalagay po niya ito ngayon sa Maynila, sa may North Cemetery po kung hindi ako nagkakamali para po makatulong sa pag-cremate. Kasi usually po ang cremating hours dito sa atin parang 5 to 7 hours daw po. Ito pong bagong machine na ito ay 40 minutes to 70 minutes lang po, saka para maiwasan din natin na…alam mo nagbabayad iyong tao dati kinse mil, umabot ng 100 thousand para lang sunugin.
Wala ka na ngang pera, wala ka na ngang magawa, hindi ka pa makapagbayad, hindi mo maisunog. So sana po maging malaking tulong po ito. In fact si Manila nga po, bumili pa po ng isa para po makatulong daw po sa mga tao na nangangailangan noong cremation facilities po.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir kami po ay sumasaludo sa inyong talagang ginagawa na pagtulong sa tunay na mga nangangailangan. So iyon na lang pong mensahe ninyo sa ating mga kababayan at iyong—sana papaano ninyo po nakikita kung ano iyong mga dapat pang kailangan ng mga tao na pupuwede ninyo pong maipagkaloob.
EXEC. DIR. SOLIMAN: Sa amin lang po, alam ninyo ma’am ano po eh, huwag tayo magbangayan, huwag tayong magsisihan sa oras ng krisis. Ang sa atin lang is kung ano na lang po puwede nating maitulong in our own little way, iyong sa maliliit na pamamaraan natin kaniya-kaniya. Tulong na lang ho tayo tapos cooperate po tayo sa gobyerno, kasi kapag tayo po ang nasa lugar ng gobyerno, napakahirap po talaga sa totoo lang. Problema po ito ng buong mundo, hindi lang po problema ng isang siyudad o problema ng isang bansa, problema po nating lahat ito.
So sana, tulung-tulong po tayo tapos iyong mga mas nakakaangat naman sa buhay eh medyo pabayaan na muna natin, huwag na tayong mag-complain. Unahin na natin iyong mahihirap. After all, itong mga mahihirap na nakikita natin ay hindi naman din kasalanan ng kasalukuyang gobyerno. Hindi ko rin sinisisi kung sino iyong nasa—sa nakaraan, pero ito po eh iyong kamangmangan ng tao, kinalakihan po iyan eh. So sana mabago po ang sistema, maging educated iyong mga tao, makapag-aral nang mabuti para po iyong kaalaman nila sa buhay ay sapat po. Hindi sila [garbled] pero after that maghihirap na naman sila.
Pero huwag po tayong malungkot kasi ang nakikita ko po ‘no sa panahon na ito, iyong opportunity for each of us, sa bawat isa sa atin magkaroon ng trabaho. Like sa atin po [garbled] krisis na ito, naging opportunity po para sa atin—oo tama, nag-import po kami ng isang makina ng mask, ito po ay makakagawa ng 250 to 280 thousand pieces sa isang araw po na surgical mask. Tapos mayroon pa po tayo isa sa Davao, ibang tao po nagbukas, mayroon din daw po sa Bataan, mayroon din daw po sa Laguna.
Tayo po ang pinakauna sa National Capital Region. Ito po ay magbibigay din ng opportunity sa mga tao na magkaroon ng trabaho. So huwag tayong malungkot na wala tayong trabaho sa abroad, napauwi tayo… marami pong opportunity sa Pilipinas. Sana umpisahan po natin dito para maging malakas na bansa tayo, hindi iyong kapag mayroong krisis ay nagmamakaawa tayo, wala tayong mahanap, wala tayong mabili. Para po kapag sinabing Pilipinas, ah mayroon kami niyan, lahat mayroon kami niyan, sana mag-umpisa tayo sa ganoong pag-iisip po.
Iyon lang naman po. Ingat po tayong lahat lalo na po kayong mga tao sa gobyerno na nakabungad po lagi sa mga ganitong krisis po.
USEC. IGNACIO: Okay. Sir, maraming salamat po at maraming salamat po sa inyong panahon at malasakit sa ating mga kababayan. Executive Director, mabuhay po kayo.
EXEC. DIR. SOLIMAN: Maraming salamat din po. Ingat po.
SEC. ANDANAR: Para malaman ang lagay ng ating mga kababayan sa Albay, makakausap natin si 2nd District Albay Representative Joey Salceda. Magandang araw po sa inyo, Congressman.
CONG. SALCEDA: Yeah, magandang araw po.
SEC. ANDANAR: It’s good to see you again, sir. May 14, may 8 COVID-19 cases na po sa Albay. Ano po ang inyong obserbasyon [garbled] cases at recoveries sa inyong lalawigan nitong mga nakaraang linggo?
CONG. SALCEDA: Actually doon po sa Bicol, nasa Albay po kasi iyong pinakasentro sa ngayon. Subalit po iyong atin pong istratehiya ng atin pong gobyerno, eh talagang hinaharap na po natin mismo si COVID sa pamamaraan po nang mas maraming testing. Nabuksan na po doon iyong sariling testing lab po ng amin pong ospital. Iyong ospital naman po, in-increase na po from the 25 beds, in-increase na po papuntang 75.
Pangatlo po, kailangan na po talaga ayusin ay iyon pong ating tracing at doon naman po iyong bagong istratehiya ng ating gobyerno, sa national strategy ay kailangan na po talagang maparami na po natin ang pag-trace para po—kasi noong mga panahon, ang ginagawa natin ay isinilid natin ang mga tao habang hinahanap po natin iyong masasabi nating kriminal, si virus at iyong kaniyang mga kasabwat, iyong kaniyang kailangang i-trace.
Iyon po ay kailangan natin para maitaas po natin iyong ating health capacity; At pangalawa, iyong behavior po ng ating mga komunidad, ng atin pong mga pamilya pati na po ng ating mga institusyon para po mailagay ang ating pananaw patungkol po sa problemang ito para po naaayon sa mga kinakailangan pong, tinatawag nating attitude o point of view para po mas tumutugon po sa problema na hinaharap po natin dahil po sa COVID pandemic.
So sa ngayon po, nakaangat na po ang ating health capacity sa Albay. Nakaangat na rin po ang ating testing capacity, so ang kailangan na lang po talagang gawin po ay ang tracing.
SEC. ANDANAR: Congressman, kumusta naman po ang extension sa distribution sa SAP para sa ating mga kababayan diyan po sa inyong lalawigan po?
CONG. SALCEDA: 100% na po, dinala ko talaga kasi alam ko baka itanong mo iyan. So maganda po, 100% na po ang buo pero may humahabol po, iyon po ang kailangan—ang inaayos po ng ating Regional Director ng DSWD. Umaabot sa—nawala ko pa… basta may mga—sa ngayon po ang na-distribute na po, halos nasa 1.127 billion.
Ito na yata ang pinakamalaking pagbaba ng pondo, diretso po sa mga tao sa kasaysayan po ng amin pong probinsiya. Dahil nga po talagang ang atin pong gobyerno ay talagang tumutugon sa mismong mga pamilyang nangangailangan po para po atin pong maisagawa ang istratehiya panlaban po sa COVID.
So, sa buong Kabikulan ay umabot po ang disbursement sa 3.8 billion; 1.2 nga po noon ay nasa Albay; nasa 772,000 families, ang na-serve po ay 768,000 so apat na libo lang.
Sa Albay naman po ang target ay 246,000. So, iyong mga isyu na lang po dito ay iyong tinatawag nating hindi napili at may proseso naman po na para po maisakatuparan natin iyong utos ng ating Pangulo na lahat dapat bigyan. Kaya po dinadaan po sa isang proseso, at iyon pong prosesong ito ay napaka-dynamic at sa pananaw ko naman lalung-lalo na ngayon na nag-utos ulit ng Pangulo na humanap nga po ng pera na sana nga po magkaroon po ng pangalawang SAP.
Pero siyempre depende po iyan sa resources ng ating gobyerno at sa ating mga prayoridad. Dahil doon talaga makikita mo na talagang may tunay na pagmalasakit ang ating Pangulo na mapagbigyan ang lahat ng equal opportunity na mabawasan iyong epekto ng COVID sa kapakanan ng ating pamilya lalung-lalo na po ang ating mga ordinaryong pamilya.
USEC. IGNACIO: Congressman, sa pagtatapos po ng General Community Quarantine sa probinsya ng Albay. Paano po nakahanda iyong inyong lokal naman na pamahalaan doon sa dapat na umiral na new normal?
REP. SALCEDA: Talagang paulit-ulit ang atin pong mga Mayors kung… lagi pong handa sila sa sakuna eh. Laging handa po sa tinatawag nating disaster kung Mayon Volcano, iyong bagyo Ambo, iyong tinatawag nating lahar o iyong atin pong mga surges, handang-handa po ang ating Local Government Units kaya tamang-tama po nandito tayo sa Laging Handa ay dahil ito po ay isang pagpapatunay o pagkilala po sa ginagawa po ng mga Albayano, pati na po kasama o ang gobyerno. So, maganda po ang local at saka national, iyan ang pinaka-sentro po niyan.
Pangalawa po, empowered po iyong mga Local Government Units na ano po ang kanilang gawin, lalung-lalo na lagi naman po sila nakahanda na ibalik kaagad sa mas masasabi nating restrictions kung saka-sakali pong kinakailangan para malabanan po kung may mga surges o tinatawag nating episodes ng surge.
At pangatlo, nandiyan na rin po ang kailangan po ang kooperasyon ng bawat pamilya kasi hindi naman ito kayang gawin ng gobyerno lang. Iyong atin pong tinatawag na low cost non-pharmaceutical intervention tulad po ng pinakasimple, ang paghugas po ng kamay; ang hindi po paglabas ng bahay kung hindi naman po kinakailangan at kung lalabas po ay kailangang gumamit po ng face mask at siyempre po iyong tinatawag nating personal hygiene para po mas maiwasan natin ang pagkahawa; ang tawag po diyan sa Bicol ay ulakit o hawa para po mabawasan natin ang transmission at habang po inaantay natin na marating iyong panahon na mayroon na pong vaccine o gamot itong COVID.
So pansamantala po, sa kasaysayan po ng Albay simula pa noon na mayroong Mayon Volcano pumuputok, mayroon lagi pong may bagyo, sa katagalan na po na humaharap po kami sa mga kalaban na katulad po ng mga disaster ay siguro naman mayroon na kaming tinatawag na papanaw tungkol po sa panahon na kinakailangan na lagi ka dapat handa, hindi mo puwedeng ibaba ang inyo pong depensa dahil po lagi lang nandiyan iyan.
So, samakatuwid ito pong kulturang ito at lalung-lalo na ipinakita natin noong isang araw na halos masasabi natin na naghanda po ang Albay at na-achieve po ang zero casualty, may COVID na, may Ambo pa. Pero pinagsabay po iyan ang pag-response sa pamamagitan po ng isang masasabi natin na appropriate combination of social distancing in the evacuation.
So gumamit po kami ng 5,254 na mga school building, classrooms, iyong buong simbahan, pati sa community, 47 parish churches. Pati po iyong mga tinatawag naming host families na kung saan naglaan sila ng isang parte ng kanilang bahay para po sa mga nangangailangan o ang bahay po ay made of light materials. Umabot po sa 97,513 ang tinatawag nating shelter in place.
So, ibig sabihin, makikita ninyo sa mga picture na iyong pag-evacuate po doon sa Albay ay masigasig po para po bago po dumating si Ambo ay handa na po lahat. So gumamit din po sila ng face mask, nagkaroon po ng social distancing at maaga po iyong pagpapalikas po ng mga tao.
Kaya, although si Ambo, hindi po tinumbok si Albay at kami po ay nakapag-achieve ng zero casualty, pero at least makikita natin na kaya po natin kung sama-sama at nagkakaisa po lalung-lalo na ang local at saka national.
Gusto ko lang po ipakita kung ano po iyong mga ginawa ng national. Unang-una, iyong atin pong NDRRMC, maagap din pong nagpalabas ng kanilang pong mga notisya. Pangalawa po, iyong tinatawag na PDRA, o Pre Disaster Risk Analysis, isinagawa po iyan sa ilalim po ng OCD. Pangatlo, maaga po iyong ating PAGASA. Halos limang araw na po na talagang sinusuyod ang mga warning. Pang apat, iyong PHIVOLCS pagdating po sa lahar.
Ang OCD, ang atin pong mga uniformed men na nakalagay na po sila doon so maaga po iyong pag-assist sa pamamagitan po ng mobility assets tulad po ng mga trucks, pati na po sa pag-maintain po ng atin pong kapayapaan para po mas madali ang paglilikas.
So, in short the local culture, plus the national system of assistance, eh talaga iyan po ang sikreto ng zero casualty at iyon din naman po siguro, nakikita na lalung-lalo na sa mga desisyon ng IATF at ang mga ginagawa po ng National Task Force ay ako po ay naniniwala na mapapanumbalik natin ang ekonomiya, samantalang nililimitahan natin ang pag-akyat po ng mga kaso.
Gusto ko lang din na mabanggit kasi mayroon po tayong isinagawang isang pag-aaral, kung saan sa pamamagitan po ng desisyon, IATF decision Number 35 and 36. Kung saan po iyong mga lower risk, medium risk at high risk actually kapag tiningnan mo po iyong kumbinasyon noon iyong number of cases, dahil po iyong kung nasaan iyong 84% ng kaso, iyon para rin ang nasa ECQ or Modified ECQ; samantala iyong sa low risk, medium risk kung saan pinapayagan nating magkaroon, bumalik ang ekonomiya, it releases 14.6 million workers additional, samantala iyong additional cases due to this reclassification is only 3,000 cases.
So makikita kaagad natin na ang masusing pag-aaral ng science at ng data na ginagamit ng gobyerno ay talagang maigi po at very effective at tumutugon talaga sa pangangailangan po para ang ekonomiya ay gradually mapanumbalik samantala po nako-control natin ang mga kaso. Ganundin po ang ginagawa natin.
SEC. ANDANAR: Kung sakali pong kailanganing ilikas ang ating mga kababayan dahil sa bagyong Ambo iyong mga nasa baybayin. May mga lugar na ba tayong nakalaan at paano rin iyong sistema, iyong sistema para po sa ating mga COVID patients na nasa facilities?
REP. SALCEDA: Sa ngayon po onse lang noong 25 ang ginagamit na mga tinatawag nating COVID beds at iyon pong ating ICU ay nasa lima at may mga ventilators na rin po. Pero tamang-tama iyong pagkabanggit mo eh, Secretary. Ang ginagawa po ng gobyerno ay parang nililikas ang mga tao para sa isang bagyo na ang pangalan po ay COVID.
So ganoon po ang maganda sigurong isipin natin, although pangmatagalan po talaga iyong paglilikas dito, pero iyon po ang pinaka-idea din na handa po ang ating gobyerno, handa po ang ating pong sistema para po i-absorb po ang mga kaso o puwede nating isa-isahin, ilan ba iyong beds sa national, ilan po ba iyong ICUs, ilan po ba… halos nasa mga 35% lang po ngayon ating utilization, kasi pinataas po ng National Task Force iyong bilang po ng COVID beds, iyong bilang po ng ICUs, iyong ating PPEs, halos 20 billion ang nilaan natin para sa acquisition ng PPE.
Kaya ngayon na sinasabi natin binuksan ang ekonomiya at puwede hong umakyat iyong kaso, so kayang-kaya pa ng gobyerno to test, to trace and to treat. So sa pananaw ko naman ay naaayon po sa siyensya at sa data at ara sa pinaka-objective po natin, which is really the national welfare.
SEC. ANDANAR: Hindi pa man nakakaahon ang ating ekonomiya sa krisis dala ng COVID-19, ano po sa inyong palagay ang mas lalong magiging long term effects sa ating ekonomiya lalo’t papalapit na po itong tag-ulan?
REP. SALCEDA: Sa ngayon po sa individual pero kung—simula po tayo sa national eh talagang masugid na o tinatawag nating very—napamakarami na pong usapin – halos Kongreso – ng stimulus. So, very critical po ngayon ang pananaw po ng ating Pangulo lalong-lalo ng ating economic managers kasama po ang Kongreso although may kaunting debate kami kung gaano kalaki at kung saan ilalagay.
Sa ngayon po ang ipino-propose po ng atin pong economic managers is 711 billion stimulus. Sa Kongreso naman po, pero doon po ay 160 billion lang ang new expenditures sa GAA, iyong iba po ay manggagaling – iyong 551 – ay manggagaling po sa credit stimulus, so sa paggamit po ng atin pong financial sector.
Sa amin naman po sa House, ang tinitingnan po natin eh halos 500 billion ang tinatawag nating fiscal stimulus at nire-retain natin iyong financial stimulus na 551, so umaabot po ng halos 1.1 trillion ang ating stimulus.
Ito po ang sinasabi natin, tatlong buwan parang pinatigil natin ang ekonomiya para mahuli natin si COVID at para po maitaas ang ating health capacity at para matuto ang mga institusyon, ang atin pong mga institusyon pati na po ang ating mga households [line cut]
SEC. ANDANAR: Naputol po ang linya ng ating internet connection kay Congressman Joey Salceda. Rocky?
USEC. IGNACIO: Okay. Nagpapasalamat po tayo kay Representative Joey Salceda sa kaniyang oras sa atin sa Laging Handa. Isa rin po sa mga pinaka-naapektuhan ng COVID-19 ang industriya ng pelikula hindi lamang po iyan dito sa Pilipinas kung hindi maging sa iba pang mga bansa. Kaya naman po kumustahin natin ang kalagayan ng produksyon o industriya ng pelikula, makakausap natin si Film Development Council of the Philippine chairperson and CEO Liza Diño.
Good morning—magandang tanghali po sa inyo!
CHAIRPERSON DIÑO: Good morning, USec. Rocky! Good morning, Sec. Martin! Kumusta kayo?
USEC. IGNACIO: Mabuti naman po. Ngayong may kinakaharap na pandemya ang bansa, paano ito—alam natin nagkaroon talaga ng malaking epekto ito sa film and entertainment at advertising industry. So, paano mo nakikita na ano ang dapat na tulong or magagawa ang iyong tanggapan para sa kanila?
CHAIRPERSON DIÑO: Ngayon kasi talagang ang ginagawa namin ay representasyon hindi lang—kasi hindi kakayanin ng budget ng FDCP iyong kinakailangan ng buong industriya na talagang naapektuhan nitong COVID pandemic.
In a recent study, kami ang top, number one na talagang hard-hit business sector dito sa ating bansa dahil marami sa ating mga manggagawa ay nasa freelance sector at hindi talaga covered ng mga government instituted benefits natin katulad ng DOLE CAMP or TUPAD at saka noong ating DSWD Social Amelioration Program.
So, nakakalungkot dahil talagang very unique at peculiar iyong sitwasyon ng ating mga manggagawa kaya talagang more than the funds at budget na available sa FDCP, kailangan talaga nating humingi ng tulong sa ating gobyerno para sa national aid sa buong audio visual and film industry.
Alam naman natin na kahit nga magbubukas ang ating mga businesses kapag na-lift na iyong ECQ, ang cinemas at ang ibang entertainment industries ay sarado pa rin. So, talagang right now survival ang priority ng FDCP kaya nagbuo kami ng programa, it’s called the DEAR Program, it’s Disaster Emergency Assistance and Relief Program para talaga masalo ang mga manggagawa at ang mga trabahador natin sa film at audio visual industry na hindi nakatanggap ng ayuda at dahil ito rin ay tulong ng gobyerno at nagpapasalamat kami dahil iisa tayo ng goal at pinayagan kami na ma-reallocate ang aming mga funds para direktang magbigay ng suporta sa ating mga manggagawa.
Kasalukuyan kaming nagbibigay ng eight thousand cash financial assistance ngayon sa mga freelance workers natin na nawalan ng trabaho at nakanselahan ng trabaho dahil sa COVID.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., pag-usapan natin iyong programa for displaced freelance audio video workers and freelance entertainment press na DEAR Program. Hanggang ngayong araw lang iyong aplikasyon? May balak ba kayong i-extend po ito?
CHAIRPERSON DIÑO: Last day na namin, kung bibigyan kami ng extra funds gusto pa naming ituloy dahil napakaliit na porsiyento lang ito sa talagang napakaraming filmmakers natin na naapektuhan; at film workers natin na naapektuhan. At hindi lang sa film industry pero sa telebisyon, sa iba’t-ibang audio visual content, sa mga gumagawa ng mga content para sa iba’t-ibang platforms like streaming platforms, lahat sila affected.
At the other side of the audio visual industry din ay ang mga life events natin, mga theater productions, lahat natigil talagang because of COVID, so ang mga nasa sektor na ito ay right now binibigyan ng suporta ng iba’t-ibang cultural agencies.
Ang NCCA naglabas ng sixty-three million para magbigay ng suporta sa mga cultural workers at kasama rin ang FDCP pero kulang nga ang budget namin. Hanggang five thousand workers lang ang kaya naming ma-cover. Sa dinami-dami ng mga manggagawa, nasa mga 150,000 conservatively sa film and audio visual industry pa lang at I think more than 200,000 workers naman sa live events industries. So kailangan talaga natin ng ayuda galing sa gobyerno at sana ay sa gagawing economic stimulus bill ngayon at package ng ating mga frontline agencies at ng Kongreso, sana po ay masama ang aming industriya sa mga bibigyan ng direktang suporta dahil kailangan po talaga natin na mabigyan sila ng tulong.
USEC. IGNACIO: USec. Liza, sino iyong sakop ng programang ito at saka iyong paano daw iyong proseso ng aplikasyon kasi so far ilan na iyong nakatanggap ba ng ayuda at ilan iyong mga kailangan pang i-proseso?
CHAIRPERSON DIÑO: Yes, so iyong DEAR Action natin ay para sa ating mga audio visual content workers. Ito iyong mga nagtatrabaho sa pelikula, telebisyon, advertising at iba-iba pang audio visual content. Kung kayo ay nawalan ng trabaho at nakanselahan ng project dahil sa COVID simula March 15 hanggang May 15, puwede kayong mag-apply sa fdcp.ph/dear-application para i-submit ninyo ang inyong mga requirements at mabibigyan kayo ng tulong ng FDCP.
Para naman po sa ating DEAR Press, ito naman po iyong ating mga entertainment press na nawalan din po ng mga proyekto ngayong COVID-19, puwede rin po kayong mag-apply, ganoon din po iyong proseso; and iyong DEAR Live naman po, iyong DEAR Live naman po natin ay iyong mga nasa audio visual live industry na nangangailangan po ng suporta. Ito po iyong mga performers, mga technical production crew natin na nasa live industry.
USEC. IGNACIO: USec., may katanungan iyong ating kasamahan sa media na si Joseph Morong ng GMA 7: What is the government doing doon daw po sa mga kapatid ng film like performance arts, theater and dance; sa mga companies nag-cease operations like Ballet Philippines and given a measly ten thousand for six months? Do you think companies like this should fold-up?
CHAIRPERSON DIÑO: I do—right now, we’ve been meeting with a lot of the stakeholders, iyong mga production companies ng mga live events industry and performing arts industry. Talagang lagi kaming nagkakaroon ng Zoom meetings para pag-usapan kung anong kailangan na—anong puwede naming mahinging suporta sa gobyerno.
Of course, ayaw nilang lahat na magsara dahil you know, cultural workers ito, kultura it’s so intangible. Hindi rin natin puwedeng sabihin na, you know, maghanap ka na lang ng ibang trabaho dahil wala tayong tulong—walang tulong na maibibigay ngayon ang ating gobyerno. Naniniwala ako na mayroong—bibigyan ng prayoridad ng ating gobyerno ang kultura at ang mga cultural workers natin.
So sa amin, iyon nga, iyong aming unemployment compensation or it’s our cash financial assistance, iyong DEAR. We also plan na mag-shift sa digital platform, so iyong mga gumagawa ng mga pelikula na wala talagang platform para ilabas ang kanilang content at i-monetize ang kanilang content, magshi-shift tayo sa mga streaming platforms na katulad ng—parang Netflix siya pero gobyerno ang gagawa nito, kami ang magse-setup nito. It’s called Sine Lokal Online.
Para naman sa ating mga cultural workers, mga dancers, performers… right now I’m helping the live events industry and the performing arts industry to make a representation to our government. Marami naman tayong mga kaibigan sa mga agencies like [garbled] DOLE, DSWD na naniniwala akong makikinig sa pinagdadaanan ngayon ng mga workers natin. Dahil talagang medyo blind spot dahil iyong mga government programs natin ay nasa formal sector, masasabi mong mga employees at iyong mga nasa vulnerable sector natin para naman sa DSWD.
Pero kasi in between ang ating mga cultural workers, ang ating film workers, ang ating audio-visual workers, hindi sila formal sector dahil mga no-work, no-pay, freelancers actually, so walang magsa-submit ng application on their behalf kasi dapat employer ang nagsa-submit noon. At hindi rin naman sila puwede sa DSWD dahil ang prayoridad natin dito ay ang mga nasa informal sector na talagang nasa vulnerable situation.
Pero hindi naman puwedeng hindi natin sila bigyan ng suporta kaya kailangan natin ng open application window para mabigyan natin ng suporta ang ating mga freelancers. Ang FDCP ay puwedeng maging kasangga ng ating mga lead agencies na nagbibigay ng ayuda sa ating mga manggagawa dahil mayroon na kaming naka-setup na programa para dito.
SEC. ANDANAR: Lisa, nagkaroon ang FDCP ng proposal na magiging pamantayan sa production shoot. Nakapaloob na rin dito iyong guidelines para sa new normal. Maari ninyo ba kaming bigyan ng detalye?
CHAIRPERSON DIÑO: Dahil nga magshi-shift na tayo to MECQ tomorrow, isa ang film, TV at music production sa pinayagan ng DTI na mag-operate at a 40% capacity. So kailangan maglabas ng specific guidelines para siguraduhin natin na kahit nag-o-open ang ating mga businesses ay sinisigurado pa rin natin na pinangangalagaan pa rin natin ang safety ng ating mga manggagawa.
Dahil alam naman po natin sa production shoots, parang sini-simulate natin ang real life ‘no, so mayroon tayong mga guidelines bago mag-shoot, mayroong pre-production, mayroong production which is the principal photography and post production. So simula sa pag-develop pa lang at sa pagpaplano pa lang ng paggawa ng pelikula hanggang sa pagtatapos ng pelikula, dapat mayroon tayong mga guidelines.
So kasama dito ay ang strict social distancing measure na naaangkop at naka-contextualize sa film industry, ang ating mga health and sanitation protocols na dapat nating isapuso at isabuhay, at iyong medical precautions na dapat nating tinatandaan.
So pagdating sa mga location restrictions at iyong mga scene restrictions, dahil nga bawal ang ating mass gathering, alam naman natin pagdating sa production shoot, hindi naman iyan camera at may tao tapos shinu-shoot na natin iyong eksena. Talagang nagse-setup tayo at nagsi-simulate tayo ng real life.
So hindi natin puwede munang gawin ngayon iyong mga malalaking eksena, iyong mga eksena that constitutes mass gathering katulad ng mga night club scenes, mga political rallies, mga concerts, parada, festivals, malalaking parties. Siyempre it involves people and mahihirapan tayong i-control iyon dahil, number one, pinagbabawal sa atin ngayon iyon.
Pagdating naman sa contact ng ating mga workers, very strict tayo na lahat dapat may PPE at all times mula pre-production, production, hanggang post production. Lahat naka-mask, dapat i-limit ang physical contact. As much as possible, no contact policy kasi bago pa man gawin ang pelikula, mayroon tayong casting, mayroon tayong pre-production meetings. Ini-encourage natin na sana lahat ‘to gawin natin online at gawing virtual. Huwag muna tayong maggawa ng mga onset at live casting sessions para ma-minimize natin talaga iyong contact.
So nakakatuwa dahil mag-o-open ang ating—magsisimula na ulit ang produksyon pero nakakakaba rin dahil siyempre nakasalalay din dito iyong safety ng ating mga workers. So natutuwa naman ako dahil ang lahat ng mga production companies natin ay nakikiisa sa goal ng DOH, ng IATF at ng FDCP na magkaroon talaga tayo ng guidelines at magkaroon tayo ng polisiya sa pag-o-operate at pag-conduct ng ating mga production shoots.
USEC. IGNACIO: Usec. sa ngayon, paano nakakatulong iyong online platforms para maka-survive iyong industriya ng pelikula? Ano iyong standard rules and regulation para po sa Sine Lokal na lumilipat na sa mga online platforms?
CHAIRPERSON DIÑO: So ang strategy natin ngayon ay tulungan ang ating mga film makers at producers at distributors na makita ang posibilidad ng pagdi-distribute sa mga platforms – Netflix, iflix, iWant and of course itong ginagawa ng FDCP na Sine Lokal. Puwede natin ma-monetize ang ating mga content, so hindi siya libre, para siyang pay per view. Magkakaroon tayo ng ganoong klaseng platform kung saan ire-release natin iyong mga films natin at iyong mga content natin online, digitally pero babayaran siya per—sa pagpapanood nito.
Mayroon din kaming mechanism para i-link ang ating mga producers at distributors sa iba’t ibang mga distributors na bumibili ng content para sa mga iba’t ibang platforms. So we just had a meeting with Netflix last week and I think right now mayroon silang na-close na mga deals para sa mga Filipino films na lalabas ngayong June. So excited kami doon dahil at least ang mga international platforms natin, nakikita pa rin ang halaga ng ating mga local content. At hindi lang siya ngayon sa Pilipinas mapapanood, kundi sa buong mundo.
So ito iyong mga immediate steps na ginagawa ng FDCP to make sure na kaya ng ating industriya na mag-transition into this new normal dahil hindi rin naman ganoon kadali na i-embrace dahil sanay na sanay tayo na very traditional tayo. Unang-una muna tayo sa sinehan at saka natin ie-exploit or io-optimize iyong mga ibang platforms like television, cable, video on demands, streaming.
So ngayon ang talagang direction natin is from post production, from the output, iyong ating pelikula didiretso iyong iba sa digital. So gumagawa tayo ng mga paraan, mga workshops, mga seminars para maintindihan ng ating mga businesses kung paano talaga mag-shift into this new normal.
SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong mensahe ngayon sa ating mga kababayan, Lisa?
CHAIRPERSON DIÑO: Para po sa ating mga kasamahan sa industriya, I just want to let you know na ang FDCP ay laging nandito para mag-represent sa atin, magkaroon tayo ng boses at mabigyan tayo nang sapat na suporta sa mga iba’t iba nating mga pangangailangan. Ngayong magkakaroon na tayo nang konting—magbubukas na ang ating industriya, sana po ay mag-ingat po tayong lahat. Priority po natin ang health at safety ng lahat ng ating workers at sana po ay ang ating guidelines na ilalabas, sana po magkaroon tayo ng trainings at seminars para ma-practice natin at magkaroon tayo ng training for these safety protocols.
At para naman po sa ating mga kababayan, sa ating mga audiences, tangkilikin po natin ang sariling atin. Tangkilikin po natin ang pelikulang Pilipino at ang gawang Pilipino. Now more than ever, kailangan po namin ng suporta ninyo dahil lahat po tayo ngayon ay nasa gitna nitong epidemyang ito at nitong pandemic na ito. At marami po sa mga workers namin ang nawalan ng trabaho kaya’t sana po’y magsama-sama po tayo at tulungan po nating iangat at itaas pang muli ang pelikulang Pilipino.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong oras, FDCP Chairperson Liza Diño.
USEC. IGNACIO: Okay. Samantala, mula po sa PTV Cordillera, maghahatid ng ulat si Breves Bulsao.
[NEWS REPORTING BY BREVES BULSAO]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Breves Bulsao ng PTV Cordillera. Ingat kayo diyan.
SEC. ANDANAR: Ang Eastern Samar nga po ang unang tinamaan ng hagupit ni Bagyong Ambo kahapon. At upang magbigay ng mga huling pangyayari doon, ating makakausap sa linya ng telepono si Maria Josefina Titong ng PDRRMC Eastern Samar. Yes, ma’am, come in. Babalikan po natin ang ating PDRRMC diyan po sa lalawigan ng Samar.
Oras po natin alas dose y sais na po ng tanghalin. Pinapasalamatan din po natin ang ating mga kaibigan sa KBP sa kanilang pag-simulcast ng ating programa. Rocky?
USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman, Secretary, sa PTV Davao or puntahan natin ang PTV—babalikan na natin, Secretary, I think okay na po ang ating kasama diyan sa PDRRMC para bigyan tayo ng mga pinakahuling balita kaugnay pa rin ng Bagyong Ambo. Makakasama natin sa linya ng telepono si Maria Josefina Titong ng PDRRMC Eastern Samar. Magandang araw po.
MS. TITONG: Hello po?
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, kasama rin po natin si Secretary Martin Andanar dito sa ating Laging Handa. Kumusta po kayo diyan? Nakapagtala ba po ng pinsala ang iniwan ng Bagyong Ambo at anu-ano po iyong mga bayan na malubha pong naapektuhan nito?
MS. TITONG: Ang Typhoon Ambo nag-landfall po sa (signal cut) around 2:15 P.M. Iyong other municipalities na tinamaan ay ang Municipality of Jipapad, Maslog, Arteche, San Policarpio – iyon nga, doon nag-landfall –at saka Dolores. Hello?
SEC. ANDANAR: Mayroon po bang inilikas na mga kababayan diyan po sa lalawigan, ma’am?
MS. TITONG: May ano po tayo, initial and partial report coming from two municipalities pa lang po, from the municipality po ng Taft at ng Can-avid. Iyong population po na affected sa Taft ay 11 families at saka 39 individuals; from Can-avid municipality po, 5,774 families. Iyong evacuees naman natin from Can-avid, 156 families at 515 individuals; from Dolores, 108 families and 299 individuals. Casualties po as of the moment, wala pa pong report. Dead, wala pa po at saka sa missing; pero may injured po tayo – four individuals from Can-avid po.
SEC. ANDANAR: Kumusta po ang kasalukuyang lagay ng panahon diyan sa Eastern Samar?
MS. TITONG: Dito po sa Borongan, Eastern Samar, ang capital ng Eastern Samar, ay medyo may ulan. Maya-maya umuulan nang malakas, intermittent iyong rain dito, maya-maya naman wala.
Sa ano po, iyong mga areas affected by the typhoon lalung-lalo na doon po sa northern municipalities, wala pa po kaming communication ngayon as of the moment kasi po ang electricity is ano po… wala pong electricity ngayon doon.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong update, Maria Josefina Titong ng PDRRMC Eastern Samar.
USEC. IGNACIO: Sa bahagi pong ito ay puntahan naman natin ang ating kasamahan na si John Aroa live mula sa PTV Cebu.
[NEWS REPORTING BY JOHN AROA]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, John Aroa ng PTV Cebu.
SEC. ANDANAR: Mula naman sa PTV Davao, maghahatid ng ulat si Regine Lanuza. Regine, maayong udto nimo.
[NEWS REPORTING]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat Regine Lanuza ng PTV Davao
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Mula sa Philippine Broadcasting Service makakasama natin si Czarina Lusuegro
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa pinakahuling tala ng DOH sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, as of May 14, 4:00 PM umabot na po sa 11,876 ang confirmed cases, nasa 719 naman po ang kabuuang bilang ng nasawi, ngunit patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling na umabot na sa 2,337 recoveries.
SEC. ANDANAR: Samantala, nasa ika-41 puwesto ang Pilipinas sa buong mundo, sinundan ito ng Dominican Republic na may 11,196 confirmed cases. Kaya naman hindi kami magsasawang ipaalala sa lahat ng physical distancing at palagiang paghuhugas ng kamay, hanggang maari po huwag po tayong lumabas ng mga bahay. Sabi nga ng ating mga frontliners, we stay at work for you, so please stay at home for us. Bahay muna, buhay muna.
USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling update kaugnay sa bagyong Ambo, narito po si PTV Correspondent Daniel Manalastas, magbabalita live mula po sa PAGASA.
(NEWS REPORTING)
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Daniel Manalastas. At iyan nga po ang aming nakalap na mahahalagang impormasyon.
Nais nating ipaabot ang pasasalamat sa mga nakausap natin sa programa ngayong araw. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 mabuhay po kayo. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng mga Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
SEC. ANDANAR: Tandaan ngayong panahon ng pandemic mahalaga po ng makiisa at makialam sa ating pagbabayanihan malalagpasan natin ang pagsubok na ito; together we heal as one. Muli ako po si Secretary Martin Andanar.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Magkita-kita po tayo muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)