SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Patuloy man na nadadagdagan ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay tumataas naman ang ating testing capacity kada araw kung saan ay umabot na nga sa mahigit 41,000.
USEC. IGNACIO: Kaya naman hindi natitinag ang iba’t ibang opisina ng pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan sa gitna ng ating laban sa COVID-19 pandemic.
SEC. ANDANAR: Ngayong umaga Rocky, muli nating sasagutin ang iba’t ibang katanungan ng ating kababayan kasama pa rin ang mga resource persons mula sa mga ahensiya ng ating pamahalaan.
USEC. IGNACIO: Kasabay ng pananatili sa inyong mga tahanan, samahan ninyo kaming muli para alamin ang mahahalagang impormasyon na dapat malaman ng ating mga kababayan kaugnay sa mga hakbang ng pamahalaan sa ating pagharap sa tinatawag na new normal – ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: At ako po si Secretary Martin Andanar, ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, mula sa studio muli nating makakasama sa programa si Joint Task Force Coronavirus Shield Chief, Police Lieutenant General Guillermo Eleazar. Samantala maya-maya lang po ay makakausap din po natin sina Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya, Chargé d’ Affaires Paul Vincent Uy ng Embassy of the Republic of the Philippines to Myanmar.
USEC. IGNACIO: Makakasama rin natin mamaya sina Attorney Alberto Muyot, Chief Executive Officer – Save the Children Philippines; si David de Castro, AirAsia Spokesperson. Para sa paghahatid ng pinakabagong ulat, ang ating mga PTV correspondents mula naman sa iba’t ibang probinsiya, at ang Philippine Broadcasting Service.
Samantala para sa ating mga manonood, maaari po kayong magpadala ng inyong mga katanungan sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
SEC. ANDANAR: Samantala para sa pinakaunang balita, malaking tulong para sa mga benepisyaryo ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa program ang Agri-Enterprise Assistance ng Department of Agriculture. Ayon kay Senador Go, ang agrikultura ay isang key area na kailangang gamitin para makapagbigay ng livelihood opportunity sa BP2 beneficiaries nang sa ganoon ay masigurong sapat ang pagkain sa buong bansa.
Kaugnay diyan, sinabi ni DA Secretary William Dar na magbibigay aniya ang Department of Agriculture ng starter kits para sa mga nagnanais na magkaroon ng sariling vegetable garden sa bakuran. Dagdag pa ng Senador, mabilis na maibabalik ang sigla ng ekonomiya kung palalakasin ang sektor ng agrikultura sa mga probinsiya. Aniya, kinakailangang bigyan ng oportunidad ang urban poor na magkaroon ng sustainable livelihood sa mga nagnanais magbalik-probinsiya dahil sila ay isa sa mga vulnerable sectors ng lipunan ngayong may pandemya.
USEC. IGNACIO: Samantala, Senator Bong Go dismayado sa Department of Health, DBM at DOLE dahil sa pagka-delay ng compensation benefits ng healthworkers. Aniya, naging klaro ang Pangulo laban sa red tape na dapat sa loob ng 48 to 72 hours ay naaksiyunan ang dapat aksiyunan. Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan to Heal as One Act noong March 24 na magbibigay ng isandaang libong pisong compensation benefits sa healthworkers na naka-duty na maaaring mahawaan ng virus at isang milyong piso para sa pamilya ng healthworkers na masasawi habang nakikibaka laban sa banta ng COVID-19.
Kaya naman ikinalungkot ng Senador na maraming healthworkers ang hindi pa naabutan ng benepisyo lalo na ang mga nasawi sa pakikipaglaban sa virus. Ayon kay Pangulong Duterte, dapat mabigyan nang karampatang suporta ang healthworkers at ang pamilya nito. Paalala rin ng Senador na huwag sanang balewalain ang sakripisyo ng healthworkers nang dahil sa mabagal na burukrasya.
Samantala, pakiusap naman ng Senador na magtulungan ang DOH, DBM at DOLE upang masolusyunan ang ganitong problema kasabay ng paghimok sa mga opisyal nito na tumulong upang mas mapabilis ang proseso nang sa ganoon ay maibigay ang tamang compensation sa healthworkers na infected at nag-alay ng buhay para sa bansa. [VTR OF SEN. GO]
At para alamin ang pinakabagong update kaugnay sa mga ipinatutupad naman na quarantine guidelines sa mga siyudad at probinsiya, ngayon naman po makakausap natin si Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya – magandang araw, Usec.
USEC. MALAYA: Yes, magandang araw Usec. Rocky, at magandang araw Secretary Martin.
USEC. IGNACIO: Opo. Narinig ninyo po iyong matinding pahayag ni Senator Go kaugnay pa rin sa mga pag-aasikaso dapat ng bansa sa ating mga healthworkers, kasama na po iyong ating mga frontliners. Usec., bilang bahagi po ng clearing operations na isinasagawa sa bansa bago pa man tayo lubhang naapektuhan ng COVID-19 ng buwan ng Pebrero nito lamang taon nang ipinagbawal po iyong pagbiyahe ng mga tricycle at pedicab sa national highway. Ano po iyong update dito? Alam natin na talagang ayaw pa rin ng DILG iyong angkas?
USEC. MALAYA: Opo. Doon po sa unang punto ninyo Usec., ay nakahanda po ang DILG na tumulong sa Department of Health as mentioned by the President kanina doon sa pagbibigay ng tulong sa ating mga namatayang healthworkers. Sabi nga po ng Pangulo, humingi ng tulong sa amin sa DILG. At kami po, sa pangunguna ni Secretary Año ay nakahandang tumulong sa lahat ng pagkakataon sa Department of Health.
Doon naman po sa issue ng tricycle ay nakausap na po namin si Spokesman Harry Roque at si Secretary Año at si Secretary Art Tugade tungkol nga po sa pagbabawal ng mga tricycle sa mga national highways natin sa buong bansa. At napagkasunduan po namin at sususugan ko lang po iyong sinabi ni Spokesman Harry Roque kahapon sa isang statement na ipinalabas niya kagabi na bawal pa rin po talaga ang mga tricycles at pedicabs sa mga pangunahing highways.
At ang dahilan po dito is for safety. Ang datos po ng ating kapulisan at MMDA at Department of Public Works and Highways ay lumalabas po na napakarami nang mga nakasakay sa tricycle ang nadisgrasya dahil nga po talagang bawal po talaga sila. So inuulit ko po na kahit po sa panahon ng pandemya ay bawal po ang ating mga tricycles at mga pedicabs sa mga pangunahing lansangan/national highways dahil nga po sa public safety. Ngunit puwede po sila sa ibang mga lugar gaya po ng mga secondary roads, barangay roads, lahat po ng ibang kalsada puwede sila, maliban na lang po sa mga national highways.
USEC. IGNACIO: Opo, at upang mapanatili nga po iyong ating physical distancing, mahigpit nga po talagang ipinagbabawal ang pag-angkas sa mga motor. Pero ano naman po iyong masasabi ninyo doon sa mga sina-suggest o apila siguro ito na magkaroon o mag-issue ang LGUs ng couple passes na maaring ipakita po sa mga checkpoints, papayagan ninyo po rin ba ito?
USEC. MALAYA: Opo. Ilang beses na po itong na-take up sa IATF at ang pinakaproblema po talaga sa issue ng angkas ay iyong enforcement, maliban na lang po sa health. Unang-una po, ito po ay violation ng social distancing or physical distancing, at pangalawa naman po sa issue ng implementasyon or execution.
Kasi po kung papayagan po natin iyong mga sinasabi nating mag-asawa at magkakapamilya, eh lahat na po ng tao niyan ay magtatangkang mag-angkas at hindi po mai-inspect or mapipigilan ng ating kapulisan ang bawat sasakyan o bawat motor na may dalang angkas dahil nga lahat po iyan ay nagsusunud-sunuran na. So dahil po diyan sa hirap na ganiyang madaranas natin ay hindi po talaga pinapayagan iyong angkas.
SEC. ANDANAR: Maraming nagtatanong kung pinapayagan na raw bang magbukas ang mga sabungan sa ilalim ng GCQ at MGCQ.
USEC. MALAYA: Maraming salamat po sa inyong katanungan, Secretary Mart. Dahil nga po nakarating po sa DILG ang ilang reports mula sa mga regions na mayroon na daw pong mga LGUs ang nagpalabas ng kani-kanilang mga executive orders na hinahayaan ang pagbubukas ng nga mga sabong.
Nililiwanag po at inuulit ng DILG through your program na bawal po ang sabong hanggang ngayon at wala pa pong IATF resolution hanggang sa oras na ito ang inilabas ng nasabing task force upang i-allow ang operasyon ng mga cockpit arena or sabong sa buong bansa.
Our advice to the various to the various local government units who are listening right now: Mag antay po tayo ng kaukulang direktiba mula sa IATF bago po natin payagan ang operasyon ng mga sabungan or cockpit arenas whether in a GCQ area or an MGCQ area.
Kasi kung babasahin po natin muli ang IATF resolutions, kahit po iyong Omnibus guidelines wala po doon specific referral to a cockpit arena. Wala po ni isang resolution ang nagpapayag sa operasyon ng mga cockpit arena, kahit po sa MGCQ, kahit 50% capacity.
So, mag-antay po sana tayo ng kaukulang resolusyon mula sa IATF.
SEC. ANDANAR: Ipinaubaya na nga sa mga LGUs ang pagpapatupad ng lockdown sa mga barangay na may naitatalang mataas na kaso ng COVID-19, kaugnay riyan may mga ilang barangay na sa Maynila at Caloocan ang nagpatupad nito. Ano ba iyong ginagawang paghahanda ng bawat LGUs bago sila magpatupad ng barangay lockdown at ilang araw ba ang dapat na itatagal nito?
USEC. MALAYA: Tama po, Sec. Mart, mayroon pong binigay tayong localization strategy. Na para nga po mabuksan na ang ating ekonomiya dahan-dahan, unti-unti ay tinanggal na po natin iyong ECQ sa Kamaynilaan for example at ginawa na po natin itong GCQ. Ngunit maroon pa pong kapangyarihan ang mga local government units na i-lockdown ang mga lugar na tinatawag nating critical zones.
At dito po sa mga critical zones na ito ay kailangan may mga quick response teams ang ating mga local government units; kailangan po habang ito ay nasa lockdown nagko-contact tracing naman po tayo. At mayroon din pong kailangang peace and order committee at iyong mga pangangailangan po ng ating mga kababayan gaya ng pagkain, tubig, lahat po iyan kailangan ay ibinibigay ng lokal na pamahalaan.
And every time pong sila ay mag-i-impose ng lockdown sa mga barangay man o kalsada man o building man, kailangan po ito ay isangguni nila sa kanilang regional IATF.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. May tanong iyong ating kasama sa ABS-CBN na si Arianne Merez: Huhulihin po ba ang mga tricycle at pedicab sa national highway? At bigyang linaw din po natin Usec, may liquor ban pa rin po ba sa mga lugar na nakailaim sa GCQ at MGCQ?
USEC. MALAYA: Opo. Huhulihin po ang mga tricycle sa mga national highways. Nakikita po natin iyan even before COVID na kapag ang tricycle ay sumasabay sa mga truck, sumasabay sa mga malalaking sasakyan kadalasan po talaga talung-talo ang mga tricycle dahil hindi naman po sila designed sa mga national highways, dahil nga po ang speed nila ay mababa lamang at mabibilis po ang takbo ng mga malalaking sasakyan. Of course, nandiyan po ang batas natin at kailangan po nating ipatupad.
Doon naman po sa isyu ng liquor ban. Ang liquor ban ay polisiya ng mga local government units. Kaya po pinapaubaya po ng DILG sa mga LGUs kung mayroon pa pong liquor ban sa kani-kanilang mga lugar. Mayroon po tayong LGUs na dito sa Metro Manila ang tinanggal na iyong kanilang liquor ban ngayong GCQ na; iyong Iba naman po ay may liquor ban pa din. Nasa authority na po iyan ng kani-kanilang local government units through your Sanggunian or your City councils kung papalawigin pa ba ang liquor ban o ito ay tatanggalin na.
USEC. IGNACIO: Usec, linawin lang po natin, kasama sa huhulihin din iyong pedicab, kasama noong tricycle?
USEC. MALAYA: Opo. Dahil nga po ang national highways natin po ay mga kalsada po iyan na mabibilis at malalaki ang mga sasakyang dumadaan, kaya nga po hindi po talaga hinahayaan at kung sakali man pong kayo ay matiyempuhan, mahuhuli po kayo ng ating kapulisan at mga traffic enforcers.
USEC. IGNACIO: Mayroon din kaming nakukuhang tanong. Papaano naman daw po iyong halimbawa kailangang ng tulong ng namatayan, pupunta at dadalhin sa probinsya, paano naman daw ang koordinasyon na dapat nilang gawin?
USEC. MALAYA: Namatayan sa probinsya and ano po, Usec. Rocky, ano po ang kailangan nila?
USEC. IGNACIO: Dadalhin po iyong labi at iyong mga kamag-anak na gustong pumunta doon sa lalawigan ng namatayan daw po?
USEC. MALAYA: Iyon pong mga ganiyang request ay pasok po iyan sa tinatawag nating humanitarian considerations at mamaya po nandiyan naman si General Eleazar para po mabigyan ng mas maliwanag na eksplanasyon itong ating mga movement from one province to the other at from Metro Manila going outside.
Ang sasabihin ko lang po sa mga gusto pong lumabas dahil nga po namatayan, that is a valid concern for humanitarian considerations. Ia-allow naman po kayong dumaan so long as mayroon po kayong medical clearance na nanggagaling sa inyong municipal or City Health Office at mayroon po kayong travel pass or travel authority na magmumula naman sa Philippine National Police.
USEC. IGNACIO: Okay. Ano na lang po iyong paalala o mensahe ninyo sa ating mga kababayan, Usec. Malaya?
USEC. MALAYA: Iyon po, panahon pa rin po kasi ito ng COVID. So, since panahon pa po ng COVID, mayroon po tayong mga pamantayan at mga guidelines na kailangan sundin. Sa panahon po ng nasa GCQ na tayo, lumilipat na po ang responsibilidad mula sa pamahalaan papunta sa indibidwal, nasa tao na po ngayon, nasa kamay na po nating lahat kung mako-control ba natin ang COVID or hindi natin mako-control.
So, ibig pong sabihin, kapag lumabas po tayo sa ating mga kabahayan para magtrabaho o kaya naman gumawa ng mga essential na bagay, siguruhin po natin na mayroon po tayong facemask, siguruhin po natin na mayroon po tayong social distancing at sumunod po tayo sa mga curfew dahil hanggang ngayon po ay mayroon pa rin tayong curfew maliban na lang po kung kayo ay pauwi sa bahay at galing sa trabaho at papunta sa trabaho. Ang curfew po ay nandiyan pa rin at kailangan po nating sundin para po sa kapakanan ng lahat.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa paglalaan ninyo ng inyong oras, DILG Undersecretary Jonathan Malaya.
USEC. MALAYA: Maraming salamat po, Usec. Rocky at maraming salamat din po, Secretary Martin. Mabuhay po kayo.
SEC. ANDANAR: Samantala, mula sa studio muli nating makakasama sa programa ang napakasipag sa pagbibigay serbisyo sa taumbayan at hindi nagsasawang paunlakan ang ating imbitasyon si Joint Task Force Coronavirus Chief Police Lieutenant Guillermo Eleazar, sir.
GEN. ELEAZAR: Magandang tanghali sa iyo, Sec. Martin and Usec. Rocky at ganundin sa lahat ng nakikinig at nanunuod sa inyong programa.
SEC. ANDANAR: General, kumusta po ang naging observation ninyo sa unang linggo ng GCQ sa Metro Manila?
GEN. ELEAZAR: Yes, Sec. Martin. Gaya ng inaasahan natin ay talagang nagdagsa ang ating mga kababayan na lumabas at ito naman ay dahil mas marami na ang mga industries o establisyimento na permitted to operate at dito nga sa Metro Manila ay dumami rin ang mga sasakyan na ating binabantayan.
For the first few days, inoobserbahan natin na may mga kaunting adjustments dahil nagkulang ang kanilang transportasyon para pumunta sa kani-kanilang mga lugar na pupuntahan, pero dahil na rin sa koordinasyon ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan, pati na rin ang LGU ay nakita natin na naging maayos siya sa ngayon and we are hoping na ipagpatuloy natin dito sa iba’t ibang phases ng ating period of quarantine ay maantay natin iyong ating gustong mangyari na maging maayos na at matuloy tayo sa susunod pa nating quarantine period which is ang modified GCQ eventually.
SEC. ANDANAR: Ngayong nakasailalim na po sa GCQ ang Metro Manila at ibang lugar naman sa MCGQ, marami na nga ang nagbukas na establisyimento at nagbalik trabaho nating mga kababayan at dahil diyan marami pa rin ang nagtatanong kung sinu-sino ang required na magkaroon ng travel pass. Paano at saan daw nila ito maaaring makuha?
GEN. ELEAZAR: Yes. Ang gusto nating ipaliwanag na dito sa atin under MGCQ at pati na GCQ iyong mga allowed na lalabas iyon pa ring mga authorized or mga empleyado or mga workers ng ating permitted industries at hindi na ninyo kailangan ang travel pass kahit kayo ay magko-cross ng border.
Pero, since nagluwag tayo nang kaunti so, ina-allow na rin na itong mga locally stranded individual (LSI) pati na rin iyong iba na importante ang lakad, ang tinatawag nating indispensable travel relating to medical and family emergencies ay puwede na lumabas within Metro Manila lamang or within the province. Inuulit po natin iyon, hindi po kayo dapat magko-cross ng boundary. Pero kung kayo po ay lalabas ay kailangan ninyo pa rin na kumuha ng travel authority.
Ngayon po, iyong travel authority kagaya nga nang nabanggit natin, ang requirement diyan is medical clearance certificate na manggagaling po doon sa LGU Health Office at kapag mayroon na kayo niyan, dalhin ninyo po doon sa help desk ng police station upang ito ay ma-process.
Gusto ko pong i-announce na kanina lamang ay nagbigay po ng guidance ang ating Chief PNP – Police General Archie Gamboa, na puwede na pong mag-isyu ngayon ng travel authority ang mga chiefs of police at station commanders natin. Ibig sabihin, para mas mapadali, kahit po itong inyong travel is outside the province or outside the region, ito na pong mga chiefs of police natin or mga station commanders in the case of numbered police station or this Manila Police District and Quezon City Police District, ang siya po ang mag-a-allow as long as mayroon tayong requirement na medical clearance certificate.
At gusto ko pa ring banggitin na habang gusto nating mapadali ito na ma-issue, pero nandoon pa rin naman po iyong factor na kailangang i-coordinate pa rin ng ating police station kung saan kayo nag-apply doon sa LGU of destination na kayo ay pupunta doon para po sa kortesiya sa ating local chief executive or iyong LGU doon at the same time, makapaghanda tayo.
Well, kagaya nga po ng sinabi ng ating SILG, they cannot deny the entry of these LSI and other individuals pero they can delay depende rin sa kanilang preparation. At idadagdag ko na rin po, para po doon naman sa mga—marami kasi tayong LSI na pumupunta na lang sa airport na wala naman silang travel authority, sa ngayon po ay in-authorize na rin ng ating Chief PNP ang AVSEGROUP (Philippine National Police Aviation Security Group) through the focal officers nila sa mga airport na kung mayroon doong LSI na walang travel authority pero mayroon silang medical clearance certificate from LGU Health Office, puwede na pong i-accommodate iyon at iisyuhan sila ng travel authority. Lamang, hindi pa rin agad-agad sila makakaalis dahil iimpormahan pa natin iyong LGU of destination na mayroong papunta doon.
Ngayon, kung wala kayong medical certificate at ang dala lang is a certificate from the barangay na nag-quarantine kayo, mayroon po tayong doktor doon na puwede kayong i-check at mabigyan ng medical clearance certificate. Pero hindi po natin ito ina-advise sa ating mga kababayan dahil kapag pumunta kayo doon, nandoon pa rin po iyong delay dahil nga sa hihintayin pa rin natin ang feedback or advise ng LGU of destination.
Kaya ang payo natin sa lahat, kung mayroon po kayong travel na hindi naman kayo authorized at mag-a-avail lang kayo being locally stranded individual, pumunta po kayo sa police station dala ang medical clearance certificate para po ma-process ang inyong travel authority.
USEC. IGNACIO: Opo. General, pero paano naman natin matitiyak o mamo-monitor po na itong sa ating mga police stations hindi na po pahihirapan iyong ating mga kababayan sa pagkuha ng mga requirements para po makalabas sila or makapag-travel sila?
P/LT. GEN. ELEAZAR: Usec. Rocky, actually, hindi po natin sila pinahihirapan, ang kailangan lang talaga natin doon is medical clearance certificate at detalye ng kung saan ka pupunta; anong sasakyan ang gagamitin mo; may maghahatid ba sa iyo. Kailangan iyon kasi indicated iyon doon sa travel authority.
At para nga mapabilis, itong mismong pinuntahan ninyong help desk sa police station, mismong ang chief of police na nila ang mag-a-authorize noon in behalf of the Joint Task Force COVID Shield.
Pero tatandaan natin na kapag nag-apply po kayo diyan, uuwi muna kayo at sasabihan kayo ng resulta kasi it has to be coordinated to the LGU of destination. Eh, mayroon namang direct contact naman iyong ating police station of origin to the destination na police station and then sila na po, in coordination with the LGU or local COVID Task Force nila ang mag-a-arrange po para maproseso ito.
But gusto ko pong ulitin, hindi po ora-orada na iyan ay ating nabibigyan. We have issued more than 57,000 travel authorities to the different individuals, hindi po—libo-libo po ang dumarating na ganiyan pero hindi natin puwedeng i-sacrifice itong protocol na ito lalo na ang medical clearance certificate at the same time, ang kortesiya para maimpormahan ang LGU of destination para makapaghanda din sila.
USEC. IGNACIO: Opo. General, ngayong mas marami na ang mga sasakyang pinapayagang bumiyahe, kumusta naman po iyong sitwasyon sa ating mga checkpoints? Nagdagdag ba tayo ng mga pulis na naka-deploy sa ating mga checkpoints?
P/LT. GEN. ELEAZAR: Sa totoo lamang po, ang ating checkpoint ngayon ay nagsagawa na ng mga modified implementation ng checkpoint natin, meaning kung mapapansin ninyo, hindi na lahat ng sasakyan diyan hinaharang dahil hindi puwedeng tumukod ang traffic dahil napakarami na ang sasakyan.
So, ang ginagawa ho natin is random checkpoint na lang at sinasabayan ito ng Oplan Habol and Oplan Sita through the mobile checkpoint ng ating Highway Patrol Group. Gusto nating ipaalam sa ating mga kababayan na kung kayo man po, makita ninyo na hindi kayo napapara dahil random checkpoint lang tayo, pero tatandaan ninyo po kapag kayo po ay napa-subject sa random checkpoint, proper and strict implementation pa rin iyan at kung mayroon kayong violation, pananagutan ninyo po iyan.
So, huwag po ninyong ipagsapalaran ang paglabas ninyo, lumabas lang kayo na ang kasama ninyo o kayo ay authorized na lumabas.
USEC. IGNACIO: Opo. General, alam namin po talagang napakasipag ninyo at talagang sinusuong ninyo rin iyong mga panganib dala pa rin ng virus pero kumusta na po iyong lagay ng ating mga PNP frontliners na nagpositibo sa COVID-19? Kasi po base sa report ng PNP, tumaas daw po iyong bilang nang naka-recover pero nadagdagan din po iyong mga nagpositibo sa COVID-19. Kumusta na po sila ngayon at iyong kanilang mga lagay ngayon?
P/LT. GEN. ELEAZAR: Tama iyon, Usec. Rocky. Hindi po exempted ang ating kapulisan lalo na at kami ay frontliner. Base nga po sa ulat ng ating pamunuan, 352 na as of yesterday or today, ito pong positive sa virus na ito. Pero may naka-recover sa awa ng Diyos na 179 at patuloy naman po na tinitingnan ng ating organisasyon ang concern nitong ating mga pulis. In fact, napakarami po namin na mga bakante pa na mga facilities para po sa kanila. Sana huwag nang madagdagan pa pero pinagtutuunan po nang pansin at concern ng ating PNP leadership po ang ating mga pulis, pati na rin ang kanilang mga pamilya.
SEC. ANDANAR: Sa kabila po ng mas mahigpit na pagbabantay ng PNP simula nang ipatupad ang community quarantine sa bansa ay patuloy pa rin po ang mga naitatalang paglabag sa mga ipinatutupad na quarantine protocols. So far, gaano na ba karami ang violators at ano na ba ang update tungkol dito?
P/LT. GEN. ELEAZAR: So far po, since mag-start tayo 80 days ago ay nagtala po tayo ng 191,000 violators pero pababa na po siya eh. Nagsimula iyan sa 8,000 plus pero kahapon, 720 lang po iyong ating mga violators na na-accost natin.
So, nakita po natin ang trend, ang pagbaba niya at out of this po na 191 eh sa totoo lang po eh 108,000 iyong binigyan lamang ng warning. 8% lang talaga po iyong ating na-inquest sa kanila at iyan naman ay nakikita natin iyong compassion pa rin ng ating mga pulis sa ating mga kababayan na nagkakaroon ng violations. Even though ang sinasabi nga natin eh hindi po natin puwedeng ipagwalang-bahala itong mga violations na ito para malaman ng lahat na mayroon tayong panuntunan na dapat nating sinusunod lalo na sa mga pagkakataong ito.
SEC. ANDANAR: I’m sure, General, nabasa ninyo po iyong pahayag ng United Nations, ni Ginang Bachelet, pagdating po sa freedom of speech dito po sa ating bansa at mayroong mga paratang na walang pakundangan na pinaghuhuli natin, ng gobyerno ng Pilipinas, ang mga critics ng ating Pangulo at walang, diumano, ay freedom of expression sa bansa natin, ano po ba ang inyong reaksiyon dito?
P/LT. GEN. ELEAZAR: Hindi po totoo iyon. Nakikita naman natin po na ang ating mga kababayan ay may karapatan na ilabas ang kanilang mga hinaing. In fact, kahit po sa sinasabi natin na napakaraming violators na ina-accost natin, accosted lang po iyong 191,000; 108, diyan o mahigit kalahati ay binigyan lamang ng warning. Kagaya ng nabanggit ko nga, 8% lang nga po iyong actually na-inquest natin and after that eh iyong iba pong na-inquest na iyan ay kaagad na pinagbibigyan din na ma-release din kaagad.
So, ang point natin, compassionate, iyan po ang ating pinaiiral; maximum tolerance at nakita po naman natin iyan hindi lamang during our pandemic period na ito kung hindi kahit naman po noong dati pa at sa mga susunod na panahon.
SEC. ANDANAR: Pagdating po sa fake news, alam po natin na nandiyan po iyan sa Bayanihan To Heal As One Act at isa din po iyan sa mga paratang, iyong sa pagpapalaganap ng fake news ay inaabuso diumano ng ating bansa itong batas na ito para hulihin iyong mga nagpapakalat ng fake news. Ano po ba iyong basehan natin dito, Gen. Eleazar, dito sa mga nagpapakalat ng fake news at nakarating doon sa United Nations na diumano ay eh wala daw tayong basehan?
P/LT. GEN. ELEAZAR: Naku po. Iyon kasing fake news talaga ay hindi po nakakatulong, lalo na sa ganitong sitwasyon na tayo ay nasa pandemic. Kaya nga po ay nagtayo tayo ng Task Force kontra peke na mga balita dahil po para ma-address po ito. At lahat naman po iyon ay subject sa investigation and proper disposition.
Kaya’t hindi po totoo na inaabuso natin itong mga batas at ang karapatan po ng bawat isa naman ay totohanang ginagalang at nirerespeto ng ating otoridad partikular ang ating kapulisan.
SEC. ANDANAR: Kaugnay po naman dito sa crime rate sa bansa. Simula nang ipatupad ang GCQ at MGCQ sa maraming lugar sa bansa, ano po ang crime rate natin, General?
GENERAL ELEAZAR: Doon po sa ating ulat for the past 80 days, kasi nasa 81st day na po tayo, eh nakita po natin Iyong pagbaba ng krimen ng 58% sa buong Pilipinas kung ikukumpara natin doon sa last 80 days bago po itong ating quarantine period. Iyan po ay 63% ang ibinaba sa Luzon, 55% sa Visayas at 61% sa Mindanao.
So nagpapatunay na even though tayo po ay nagluwag nang kaunti na at tayo nga ay GCQ na at MGCQ at maraming tao ang nasa labas, meaning, mas malaki na ang window of opportunity for the commission of the crime pero dahil po sa ating mga na-establish na intervention, ito pong ating mga quarantine control points, iyong visibility natin sa mga lugar na kung saan pupunta doon ang ating mga kababayan; at the same time, iyong atin pong curfew na nag-play ng important role para po mapanatili natin itong ating kaayusan ay nakatulong para patuloy na bumaba ang ating krimen.
At inaasahan po sana natin na even beyond this quarantine period ay maituloy po natin sa pakikipagtulungan po ng ating mga kababayan.
SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong mensahe o panawagan sa ating mga kababayan, General Eleazar?
GENERAL ELEAZAR: Tayo po ay nasa quarantine period pa rin ngayon at inaasahan natin na ang ating mga kababayan po ay nandoon ang kanilang kooperasyon. Mayroon pa rin tayong mga guidelines and protocol na dapat strictly observed by the public and for us to enforce.
Remember, hindi po ito new normal na pinag-uusapan ng lahat; abnormal times pa rin ito. At hinihimok po natin ang lahat to work together to prevent the new wave and we can go on transition to the new normal.
So inaasahan po natin ang patuloy na kooperasyon ng lahat. Ang inyo pong kapulisan, sa tulong ng LGUs at mga ibang establisyimento ay magtutulung-tulong para ipatupad itong mga guidelines, pero higit sa lahat, we need implementation by cooperation coming from the public.
Maraming salamat po at magandang tanghali sa ating lahat.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Joint Task Force Coronavirus Chief Police Lieutenant General Guillermo Eleazar.
Isa lamang ang Vietnam sa mga bansang may naitatalang mababang kaso ng COVID-19. At base nga sa tala ng Johns Hopkins, as of June 4, nasa 328 ang bilang ng mga nagpositibo sa virus. Kaya naman upang kumustahin po ang lagay ng ating mga kababayan natin doon, makakausap natin si Chargé d’affaires Paul Vincent Uy. Magandang umaga po sa inyo, sir.
AMBASSADOR UY: Magandang umaga po sa inyo, Sec. Andanar, Usec. Ignacio at sa lahat ng mga sumusubaybay sa inyong napakagandang [garbled]
USEC. IGNACIO: Kahanga-hanga po ang Vietnam dahil na-maintain po ang mababang kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa kabila ng pagkakaroon po ng long-shared border nito with China kung saan po unang naitala ang kaso ng COVID-19. Puwede ninyo po bang ibahagi sa amin, ano po iyong mga preventive efforts po na ginawa ng Vietnam para po ma-contain Iyong virus; at paano po ba iyong ginawa nilang paghahanda [garbled]
AMBASSADOR UY: Tama po iyan, Usec. Ignacio. Vietnam has effectively and quickly controlled the spread of [garbled]. Paano po nila ginawa iyon? As early as January 11, they already implemented measures to control the spread of the coronavirus.
Halimbawa po rito ay ang mga sumusunod: They closed their land border with China noong January 11 pa po. After that, they closed all their land borders with all their neighboring countries as well. They cancelled all [garbled] flights entering and leaving [garbled]. They also [garbled] domestic flights. In terms of [garbled] and ports of destination. They also established quarantine [garbled] those entering Vietnam.
Vietnam has a rigid contact tracing whereby the information of all patients including the places and movements where they have been to are disseminated to the public [garbled] the government website and the social media.
They have postponed classes in Vietnam. They have [garbled] testing and the treatment of COVID-19 patients in Vietnam [garbled] free of charge to Vietnamese nationals.
The government [garbled] encourage social distancing and other measures to combat the [garbled]. They have a company that has invented a rapid testing kits in February.
These are just some of the measures, Usec., that Vietnam has [garbled] that’s why iyon [garbled] ang Vietnam [garbled] dahil sa kanilang [garbled] sa [garbled] ng COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, naging mabilis nga po iyong pagtugon ng Vietnam lalo na po sa pagbibigay ng mga impormasyon sa kanilang mga kababayan kaugnay dito sa COVID-19. Pero gaano naman po kahigpit iyong kanilang pag-monitor doon sa mga nagpositibo; at paano po nila hina-handle iyong mga COVID-19 patients diyan sa Vietnam?
AMBASSADOR UY: [garbled] mga lockdown ng mga streets sa Vietnam. Tapos siniguro ng Vietnam na ang kanilang quarantine centers ay talagang centralized sa iba’t ibang siyudad ng Vietnam. So hindi po kumalat ang virus dito sa Vietnam.
SEC. ANDANAR: Ano po ba iyong healthcare system nila riyan sa Vietnam at paano ito nakatulong sa kanilang pagharap sa COVID-19? Paano nila inihanda iyong mga ospital at quarantine facilities?
AMBASSADOR UY: Well, Vietnam has learned its lesson doon sa [garbled] SARS epidemic [garbled]. A lot of Vietnamese doctors [garbled] sad incident. And so they learned their lesson. They have already established [garbled] and treatment centers for this kind of diseases.
SEC. ANDANAR: Sa inyong estimate, gaano ba karami ang ating OFWs diyan sa Vietnam at kumusta naman ang kanilang kalagayan?
AMBASSADOR UY: There are four thousand nine hundred ninety-one Filipinos here in Vietnam. And sa awa ng Diyos, walang Pilipino ang nahawaan ng COVID-19 sa Vietnam. Sa kasalukuyan, karamihan ng ating mga kababayan ay nakabalik na sa kanilang mga trabaho noon pang April 22. Ito po iyong araw na nagbukas muli sa Vietnam ang mga malls, restaurants at iba pang mga negosyo.
Noong [garbled] naman [garbled] ang mga estudyante [garbled]. Limampung araw na po na walang kaso ng local community transmission of COVID-19 dito sa Vietnam. Since April [garbled], there have been reported very few cases of infection. But please take note, these are cases of local community transmission. These cases involved Vietnamese nationals who were repatriated by their own government from different countries, but they were detected immediately upon arrival at the airports or at the [garbled] kaya naman agaran silang dinala sa mga ospital para po mapagamot.
Tama po kayo, there are now 328 confirmed cases in Vietnam. How many have recovered? [garbled] cases na po, that means [garbled] cases na lang po ang natitira para pagalingin dito sa Vietnam. Ilan na ang namatay sa COVID-19 sa Vietnam? Zero! Wala pong namatay sa Vietnam [garbled] COVID-19. Iyan po ang latest development ng COVID-19 [garbled].
If I may, Mr. Secretary, I would like to proceed and explain our services of Philippine Embassy [garbled] our Filipino here in the time of COVID-19.
SEC. ANDANAR: Please go ahead.
AMBASSADOR UY: Kahit na walang Pilipino ang nahawaan sa Vietnam, ang ating embahada sa [garbled] patuloy na tumutulong sa mga kababayan [garbled] na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Sino po sila? Sila po iyong mga kababayan natin na stranded sa Vietnam dahil ang biyahe nila na pabalik sa Pilipinas ay biglang na-cancel. Sila rin po ang ating mga kababayan na nahirapan dahil sa economic downturn caused by the pandemic. Halimbawa, sila iyong mga Pilipino na nahirapan dahil sa no work no pay situation or hindi kaya dahil nagsara na ang kanilang pinagtatrabahuan.
Dahil dito ang ating embahada ay mayroong apat na serbisyo para sa kanila:
- Repatriation – upang sila ay makabalik sa Pilipinas sa piling ng kanilang mga minamahal;
- Representation with Vietnam’s Immigration Department – upang sila ay makakuha ng mga exit permits nang mabilis at ng walang bayad ng penalty due to expired visas;
- Shelter and food – [unclear] hindi ho natin basta na lamang pababayaan ang ating mga kababayan sa mga lansangan ng Vietnam na naghihirap dahil wala na po silang matutuluyan dahil sa kakapusan sa pambayad ng kanilang mga upa at upang hindi sila magutom dahil sa kawalan ng sahod;
- DOLE-AKAP $200 cash assistance – upang makatulong kahit papaano ang ating pamahalaan sa lahat ng Filipinos abroad na nahihirapan ngayon dahil sa coronavirus COVID-19 pandemic.
So, ilan na po ang ating mga kababayan na nabiyayaan nitong mga serbisyo ng embahada?
Una, repatriation: 145 Filipinos already returned to the Philippines. Gumamit pa nga po tayo ng chartered plane noong April, para ma-repatriate ang karamihan sa kanila.
Pangalawa, representation with Vietnam’s Immigration Department: siyam na Pilipino ang nakinabang sa serbisyo na ito.
Pangatlo, shelter and food: 66 o animnapu’t anim ang ating nabigyan ng matutuluyan at ng pagkain.
Pang-apat, DOLE-AKAP cash assistance: 6 Filipino have already received $200 each for a total amount of almost US$1,200.
Iyan po ang mga serbisyo na ibinibigay ng ating embahada hanggang ngayon dahil hindi pa po tapos ang problema natin sa pandemic na ito.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, charge d’ affaires Paul Vincent Uy, Embassy of the Republic of the Philippines diyan po sa Vietnam. Mabuhay po kayo, sir!
AMB. UY: Salamat din po, Secretary.
USEC. IGNACIO: Samantala, malaki po ang naging epekto ng COVID-19 sa sektor ng edukasyon. At dahil sa banta ng COVID-19 sa kalusugan ng mga estudyante, malaki po ang magiging pagbabago sa pamamaraan ng kanilang pag-aaral, isa na nga po dito iyong online learning system. Kaya naman po upang makatulong sa maraming kabataan na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng kakapusan sa mga resources, ang Save the Children Philippines ay naglunsad po ng Project ARAL (Access to Resources for Alternative Learning).
Kaugnay niyan ay makakausap po natin si Atty. Alberto Muyot, chief executive officer ng Save the Children Philippines, magandang araw po, Attorney.
ATTY. MUYOT: Magandang umaga po, Usec. Rocky at saka po kay Sec. Martin at sa atin pong mga tagapakinig.
USEC. IGNACIO: Opo. Can you tell us more about dito sa project na ito and how did we come up with this kind of project po?
ATTY. MUYOT: Iyon pong Project ARAL, iyon nga pong sabi ninyo – Access to Resources for Alternative Learning – so, ito po iyong aming contribution doon po sa ginagawa pong learning continuity plan ng Department of Education.
At dito po, pinagsasama po natin both po iyong online at saka po iyong offline learning, at ang amin pong target dito ay iyon pong mga bata from three to five years of age, iyon pong mga nasa mga ano po…ECCD at saka po iyong nasa elementary iyon pong mga six-year-old to twelve-year-old children.
Maganda po ito sapagkat ito po ay amin ngayon pong ipa-pilot doon sa po sa areas ng Caloocan, Navotas at saka Malabon, iyon pong aming mga project areas. At kami po ay naglalayon na mabigyan po ng access po iyong mga bata doon sa po sa quality basic education kahit na po panahon po nitong pandemic at hindi po sila makapunta sa eskuwelahan.
Pangalawa po, upang mabigyan din po ng training at capacity building iyon pong mga magulang at caregivers na tutulong po sa mga bata sa kanila pong pag-aaral kahit sila po ay nasa bahay.
At pangatlo po, iyon pong gusto po naming pagsamahin po iyong ating early learning or iyong ating early childhood care and development (ECCD) at saka po iyong formal education upang magkatulungan nga po upang maibsan po iyong pangangailangan ng atin pong mga bata na matuto during these times.
SEC. ANDANAR: Sa ilalim po ng Project ARAL makatatanggap ang mga beneficiaries nito ng mga necessary tools—
SEC. ANDANAR: —ATTY. MUYOT: Yes, Sec. Martin. Opo…
SEC. ANDANAR: —at paper-based learning materials sa mga komunidad. Sino po ba iyong mga magiging beneficiaries at saang mga lugar po ito magsisimulang i-implement?
ATTY. MUYOT: Sa ngayon po, doon po kami magsisimula doon po sa aming mga project sites doon po sa Caloocan, Navotas at saka Malabon kung saan mayroon po kaming tinatawag na sponsorship projects.
Ang mangyayari po dito ay we will be providing po iyon pong mga script para po doon sa mga text messages at saka po doon sa mga tawag; pagbibigay po ng paalala doon po sa mga magulang; tapos gagawa rin po kami ng mga audio instructional na puwede po nilang pakinggan or kung mayroon pong local radio stations ay puwede rin pong… iyon po ay… mailabas nga po doon sa radio stations.
Gagawa rin po kami ng videos na mayroon pong ilalabas po sa—puwede po sa TV kung matutuloy po iyong sa TV, puwede rin po doon sa Facebook, gagamitin po namin iyong amin pong Facebook page para po dito; at saka po ire-reproduce din po namin iyong mga videos upang magamit po offline.
Tapos gagawa rin po kami ng mga tinatawag po nating instructional and educational and communication materials in terms of—para pong mga posters upang magamit po sa bawat pong tahanan na kung saan po nandoon po iyong mga bata at magbibigay rin po kami ng iba pa pong mga educational materials.
So, we will be doing this together with iyon pong division offices ng DepEd sa Caloocan, Navotas at Malabon at saka rin po iyong mga child development centers doon po sa mga lugar na iyon. Iyon po ay pilot and we hope that if it succeeds it can be replicated in other local government units.
USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, paano ninyo naman po nakikita iyong magiging sistema para sa online learning system sa mga pampublikong paaralan? Sa palagay ninyo po, ano po iyong dapat pang kailangang matugunan na pangangailangan ng mga kabataan upang wala pong mapag-iwanan pagdating po sa pag-aaral o sa kanilang edukasyon?
ATTY. MUYOT: Gagamitin po natin, Usec. Rocky, kung ano po iyong available doon po sa mga areas na iyon. Dito po sa project sites natin – Caloocan, Navotas at saka Malabon – marami po rito mayroon na pong mga smartphone at saka puwede po silang tumanggap ng text at puwede rin po silang maka-access po sa Facebook.
Iyon naman pong wala ay bibigyan po natin ng MP3 players at iba pa pong mga kagamitan upang magamit po doon po sa tahanan; plus iyong isu-supplement din po natin ito, noon pong mga hard copies din po noong mga educational materials.
Ngunit para magawa po ito kailangan po talaga nating isama iyong mga magulang. That is why pati po doon sa capacity building po rito, hindi lang po gagawin ito para sa mga teachers ng DepEd at saka po para sa mga daycare workers, ngunit pati na rin po doon sa mga magulang noong mga bata na hindi po makapasok sa eskuwelahan.
USEC. IGNACIO: Opo. Sa pakikipagtulungan ng mga local government units malaki ang maitutulong ng inyong proyekto na Project Aral sa maraming kabataan lalo na ngayong may pandemya. Attorney, gaano po ba kaimportante iyong partisipasyon ng LGUs dito sa Project Aral?
ATTY. MUYOT: Usec. Rocky, very important ito. Sapagkat hindi naman po natin puwedeng gawin na Save the Children lang po ang gagawa, hindi naman pupuwedeng DepEd lang po iyong EECD [Early Childhood Care and Development] Council ang gagawa, kailangan po natin talaga ang suporta po rito ng local government upang masigurado po na talagang maipaliwanag po doon po sa ating mga pamilya lalung-lalo na po sa mga magulang kung gaano po ito kaimportante at tulungan po ninyo kami doon sa pagmo-monitor na masigurado po na talaga pong nasusundan ito noong mga bata iyon pong mga modules po na gagawin. Mayroon po tayong modules para doon sa mga bata na 3 to 5, mayroon din po tayong modules para doon sa mga bata na elementary na po, 6 to 12 of age.
SEC. ANDANAR: Maraming mga magulang ang nagpahayag ng kanilang sentimiyento sa muling pagbubukas ng klase para sa taong ito kung saan marami po ang nagsasabi na dapat i-postpone muna ang school year ngayong taon. Ano po ang masasabi ninyo rito?
ATTY. MUYOT: Ang puwede po nating mai-postpone, Sec. Martin, ay iyon pong tinatawag face-to-face, iyon pong classroom teaching na kung saan nandoon po iyong teacher at nandoon po iyong apatnapung estudyante. Talaga pong mataas po ang risk na baka po magkahawaan kapag ganoon. Kaya po ang minumungkahi natin na kung hindi puwede ang face-to-face, hindi naman po natin puwedeng pabayaan po ang pag-aaral ng mga bata. Kaya nga po gusto po naming tumulong to provide both online at saka po iyong offline education para po doon sa mga bata.
So, hindi naman po natin pipilitin na ang lahat po ay bumili ng computer, hindi po ganoon ang layunin. Pagamitin po natin kung ano po ang available. Kung available po iyong smartphone, mabuti po iyan. Kung mayroon po silang mga laptop at may Wi-Fi, maganda rin po iyan. Kung magagamit po natin ang government television or private television and radio stations mas mabuti po. Ngunit kailangan pong mag-produce pa rin po tayo noon pong mga hard copies po ng mga materials upang magawa rin po iyong mga exercises at iyon nga po upang ma-monitor din po natin iyong progress po ng mga bata.
So, lahat po iyan kailangan po ng tulung-tulong, hindi lang po ang national government, kung hindi kasama na rin po ang local government, kasama na rin po ang mga NGOs at saka po iyong ating mga barangays lalung-lalo na po, upang mas makasama po lahat.
We don’t want to leave any child behind. Ang mahirap po kasi, Sec. Martin, is that kung gagawin na po nating online, mayroon pong mga bata na ma-e-exclude. Kaya nga po ang atin pong pinu-push po ay iyong tinatawag po talagang blended, iyong pagsamahin po natin ang both online at saka po iyong offline learning.
Ngunit marami pa rin po talagang mga problems about this, siguro po ang maganda po rito ay ma-explain mabuti kung paano po atin magagawa. At isa lang pong very important message po dito is that for all of these to happen kailangan po talaga ang cooperation po ng lahat, lalung-lalo na po iyong mga magulang po ng mga bata.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Atty. Alberto Muyot, Chief Executive Officer ng Save the Children Philippines. Malaking bagay po para sa kabataan ang ipinapaabot ninyong tulong, ipagpatuloy lamang po ninyo iyan. Mabuhay po kayo, sir.
ATTY. MUYOT: Okay, maraming salamat din po, Sec. Martin ant Usec. Rocky.
SEC. ANDANAR: Kaugnay po naman sa pagbabalik operasyon ng domestic at international flights upang magbigay ng kanilang update makakausap po natin sa puntong ito si Mr. David De Castro, Head of Communications ng Air Asia Philippines. Magandang tanghali po sa inyo, sir?
MR. DE CASTRO: Secretary Martin at Usec. Rocky, magandang tanghali po at sa ating mga tagapakinig.
SEC. ANDANAR: Kailan po inasahang magre-resume ng international flight ang Air Asia?
MR. DE CASTRO: Iyong ating international flights ay we expect na magre-resume tayo by July pero ngayon ang ating lahat ng attention at lahat ng ating efforts ay nasa ating domestic resumption po. Kaya po nagagalak ang Air Asia among all the other airlines of course na nakabalik na tayo sa ere today at buhay na muli ang ating local aviation industry.
Slowly po but surely dadami din po ang ating flight. In fact, today nagsimula po tayo with our very first flight from Manila to Cagayan De Oro, this was Z2 691 at lumipad po ito ng 7:25 AM and eventually as I mentioned also earlier, ito po ay gradual resumption ng ating domestic flight. Hopefully soon in the coming days papaliparin na rin po tayong papuntang Cebu, Davao and up to Puerto Princesa. And of course, I want also to acknowledge na nagawa lamang po natin iyong resumption ng ating flight and this is thanks to of course to our government partners especially the IATF, iyong atin pong aviation authorities and of course iyong ating mga partners in the LGU.
SEC. ANDANAR: Sa ngayon anu-ano po lamang iyong mga available na flights po ng Air Asia dito po sa domestic market:
MR. DE CASTRO: Iyong ating domestic market po ay nagsimula tayo ng ating flights mula Manila papuntang Cagayan De Oro, this was today. We had two flights today which is also iyong return flight pabalik ng Manila. We hoped to also mount our flights going to Cebu, from Manila to Cebu and Clark to Cebu. But sad to say there were new developments that came in last night, Secretary. That is why we had to cancel these flights first, in coordination with the IATF and our aviation authorities. But gusto po natin i-assure iyong ating mga pasahero na ginagawa po natin ang lahat para makalipad na rin tayo agad sa mga destinasyon na ito especially the key domestic centers ano because dito napapansin natin lumilipad iyong ating karamihan mga essential travelers lalo na iyong mga travelers going on business trips and for work.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, sa kabila nga po ng mga protocol na ipinatutupad sa muling pagbubukas ng ating mga paliparan. Paano naman ninyo sinisiguro na ang Air Asia ang health and safety ng inyong mga pasahero?
MR. DE CASTRO: Opo. Thank you for that question, Usec Rocky. Klaro po iyong ating prayoridad sa ngayon and that is to instill the confidence in flying again among our flying guests and one way na nagagawa natin iyan is to ironing out and dapat nakalatag na po lahat ng ating safety measures bago pa sila makatapak sa loob ng eroplano. So preflight processes po, madami na tayong nakalatag in coordination with airport authority. Nandito na ang temperatures screening, nandito na ang pag-disinfect ng mga kamay for example and we have also upgraded our contactless transaction upon check in. So marami po—
The usual na alam ng karamihang pasahero is kailangan nilang pumila sa check in counter. Pero with Air Asia nag-upgrade po tayo ng self-check in processes. So, all you have to do is to check in online first and then pagdating nila sa terminal o sa paliparan, mayroon na silang QR code from their booking at itatapat lamang nila ang kanilang cellphone with the QR code sa ating Air Asia check in kiosk, hindi na po nila kailangang i-press o i-click, i-touch iyong screen ng ating mga kiosk at automatic po na magpi-print na iyong kanilang boarding pass at iyong kanilang mga baggage tag.
So, aside from this, marami pa po tayong mga security measures pagdating also sa flight, all our aircraft have to be disinfected before and after each flight and of course at the end of the day, kapag tapos na po iyong ruta ng isang eroplano, mayroon tayong tinatawag na deep cleaning during a night stop. So, iyong deep cleaning po natin ay it takes two hours para po malinisan lahat ng parte ng eroplano.
And after the flight, iyong ating arrival processes, mayroon din po tayong mga safety measures in place such as physical distancing and making sure na iyong pagbaba sa eroplano ay space-out at hindi po sabay-sabay lahat ng ating mga pasahero.
Kung mayroon pong mga concerns iyong ating mga guests pagdating sa ating mga safety measures, they could easily reach out to us sa ating support team sa support.airasia.com.
USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kaugnay naman sa mga requirements doon sa mga bibiyahe ninyong pasahero, may pagbabago ba o may karagdagang requirements, dokumento kayong kailangan hilingin? Ipaalala ninyo po iyan sa inyong mga pasahero, sir.
MR. DE CASTRO: Opo, Usec. Just to reiterate also kung ano na iyong mga naisaad ng ating mga government partners pagdating sa mga travel document. Well, in terms of the purpose, una po, wala po dapat tayong leisure trip – hindi pa ho iyan puwede. Ang puwede lang pong mag-travel ngayon ay iyong mga core essential travel tulad ng mga going for business or for work, o kung uuwi po pabalik ng probinsiya.
Secondly, in terms of travel document, we have to understand na kada LGU ay may kaniya-kaniyang requirement din po iyan. But nevertheless, what the IATF requires and iyong mga … iyong overarching similar requirements para sa ating mga air travelers ay ang travel pass at ang kanilang medical certificate from the municipal or city health office.
SEC. ANDANAR: Ano naman po iyong pagbabagong maaaring asahan ng ating mga kababayan pagdating sa magiging proseso sa pagtsi-check-in?
MR. DE CASTRO: Opo. Iyong ating pagtsi-check-in po ay in place also, ang ating mga safety measures, so kailangan pong maintindihan ng ating mga pasahero na they have to be spaced-out during lining up sa ating check-in counters – so, mayroon po tayong physical distancing diyan.
Also at the check-in counters, we coordinate closely with our government partners just to make sure na kumpleto rin po ang dokumento na kailangan nilang iprisenta bago po sila makalipad tulad ng nabanggit po natin kanina: Nandiyan po iyong mga travel pass, nandiyan din po iyong medical certificate and the likes.
But of course, we also want to reiterate what we also mentioned kanina, Secretary, na nag-upgrade din tayo ng ating mga check-in processes. So hindi po nila kailangan pumila na doon sa ating check-in counters and then they could go straight sa ating self-check-in kiosk and hindi na po nila kailangang pindutin kung ano pa iyong mga print na nasa kiosk at automatic pong magpi-print iyong kanilang mga dokumento.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Sir David de Castro, head of communications ng AirAsia Philippines.
USEC. IGNACIO: Okay. Sa puntong ito ay dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Mula sa Philippine Broadcasting Service, makakasama natin si Czarinah Lusuegro.
[NEWS REPORTING BY CZARINAH LUSUEGRO]
USEC. IGNACIO: Salamat, Czarinah Lusuegro.
SEC. ANDANAR: Mula naman sa PTV Davao, may ulat si Regine Lanuza.
[NEWS REPORTING BY REGINE LANUZA]
SEC. ANDANAR: Salamat, Regine Lanuza.
USEC. IGNACIO: Magbibigay din ng pinakahuling balita si Breves Bulsao mula sa PTV-Cordillera.
[NEWS REPORTING BY BREVES BULSAO]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Breves Bulsao.
Samantala, dumako naman tayo sa pinakahuling tala ng DOH, sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 20,382 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas; 984 ang nasawi, ngunit nagpapatuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling sa sakit na umabot na sa 4,248.
Ipinapaalala natin sa lahat na panatilihin pa rin ang physical distancing, paghuhugas ng kamay at pagsuot ng facemasks. Hangga’t maaari kung hindi naman po kinakailangan ay huwag na tayong lumabas ng bahay – bahay muna, buhay muna.
SEC. ANDANAR: At iyan nga po ang mahahalagang impormasyon na aming nakalap ngayong araw. Muli, maraming salamat po sa mga nakausap natin kanina, sa inyong paglalaan ng oras para sa ating programa. Asahan po ninyo na patuloy po naming ihahatid ang mga importanteng balita na kailangan ninyong malaman.
USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.
SEC. ANDANAR: Ngayong panahon ng krisis, ang inyong pakikiisa ay mahalaga upang malagpasan ang kinakaharap po nating krisis dito po sa bansa. Together, we heal as one. Muli, ako po si Secretary Martin Andanar…
USEC. IGNACIO: At mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio…
SEC. ANDANAR: Magkita-kita po tayong muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau)