SEC. ANDANAR: Magandang araw sa lahat ng ating mga kababayan na nakatutok ngayon sa ating programa mapa-telebisyon, radyo o online streaming. Mula sa Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Rocky.
USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula pa rin sa PCOO at kasama ninyong magbabalita tungkol sa kasalukuyang health crisis na ating nararanasan hindi lamang dito sa bansa kung hindi sa buong mundo.
SEC. ANDANAR: Basta laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Kaya naman bayan, halina at samahan ninyo kami sa Public Briefing #LagingHandaPH.
USEC. IGNACIO: Samantala, nakikita ninyo sa inyong screen ang press conference sa Clark, Pampanga ukol sa pagpapauwi sa repatriated OFWs sa kani-kanilang mga probinsiya.
SEC. ANDANAR: Mamaya ay makakasama natin magbabalita sina Dennis Principe ng Philippine Broadcasting Service, Danielle Grace De Guzman ng PTV-Cordillera at Julius Pacot ng PTV-Davao.
Usec. Rocky, makakapanayam din natin ngayong umaga sina PNP Chief Archie Gamboa; Attorney Martin Delgra III, ang Chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board; Congressman Wes Gatchalian, ang Chairman ng House Committee on Trade and Industry at Kinatawan ng Unang Distrito ng Lungsod ng Valenzuela; at si Usec. Rene Glen Paje ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Magandang araw po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Para naman sa ibang balita, paglalaan ng P3 fund para suportahan ang mga MSME na gumagawa ng medical supplies pinapurihan ni Senator Bong Go. Pinapurihan ni Senator Bong Go ang ginawang realignment ng pondo ng Executive Department para sa programa ng DTI na Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso o P3 na magbibigay ng tulong-pinansiyal sa mga micro, small at medium enterprise na gumagawa ng medical supplies na laan para sa COVID-19.
Ayon sa Senador, importante ang suporta na ito para mapagaan ang pinapasan ng mga negosyo at empleyado nila. Dagdag pa niya na kailangang mabilis na mapanumbalik ang ating ekonomiya habang sinisiguro na may sapat din tayong medical equipment para labanan ang COVID-19. Nasa dalawandaan at limampung MSME ang natukoy na nangangailangan ng ayuda. Ang Small Business Corporation Board naman ang magtatalaga ng maximum loanable amount na maaaring hiramin ng mga MSME.
Secretary Martin, alamin natin ang latest sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. As of 4 P.M. kahapon, naitala ng DOH ang 22,474 total number of COVID-19 cases sa bansa matapos itong madagdagan ng 579 reported cases; 331 sa dagdag na kasong ito ang fresh cases samantalang 248 ang itinuturing na late cases. Nadagdagan naman ng isandaan at pito ang bilang ng mga gumaling sa kabuuang bilang na may 4,637 recoveries habang walo ang naidagdag sa mga nasawi sa kabuuang bilang na 1,011 deaths.
Para sa ating worldwide count, ayon sa Johns Hopkins University and Medicine, mayroon nang 7,081,655 COVID-19 cases sa buong mundo kung saan 3,177,074 ang naka-recover habang 405,002 naman ang nasawi. Nasa ikatatlumpu’t siyam na puwesto po ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng COVID-19 sa buong mundo habang dito naman sa Timog Silangang Asya ay tinatayang nasa 105,137 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 kung saan 3,102 ang namatay mula sa sakit at 51,354 ang naka-recover.
SEC. ANDANAR: Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Maaari ninyo rin pong tawagan ang hotline numbers ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita ninyo po sa inyong TV screens.
Patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.
USEC. IGNACIO: Bayan, kung may nais kayong itanong sa ating mga resource persons, i-comment lang po sa ating live feed at sisikapin po nating bigyang ito ng kasagutan.
SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang ating makabuluhang talakayan. Usec. Rocky nitong mga nakaraang araw ay napaulat ang mga balitang hinggil sa mga kumalat na pekeng Facebook accounts hindi lamang ng mga estudyante kundi pati na rin ng mga personalidad mula sa iba’t ibang sektor. Kaugnay niyan, inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang DOJ Office of Cybercrime sa pakikipag-ugnayan sa NBI at PNP Cybercrime Group na imbestigahan ang naturang insidente.
Alamin po natin ang updates sa isinasagawang imbestigasyon kasama si PNP Chief Archie Francisco Gamboa. Magandang umaga po sa inyo, General Gamboa.
PNP CHIEF GAMBOA: Secretary Martin and Usec. Rocky good morning, at sa lahat ng mga nanonood at nakikinig sa inyong programa. Good morning po.
SEC. ANDANAR: Sir, kumustahin po natin ang imbestigasyon diyan po sa PNP sa multiple and fake accounts na nasa FB po na nagsulputan nitong mga nakaraang araw.
PNP CHIEF GAMBOA: Yes. Actually I already tasked iyong ating Anti-Cybercrime Group ‘no under the leadership of Police Brig. Gen. Dennis Agustin na tingnan itong mga sinasabing fake accounts daw, lalo na sa Facebook. Nagiging uso kasi, usually iyong fake accounts na ginagawa nila, they just post ano and then easily they leave after ‘no. So it will really determine iyong ating pag-file ng kaso, kung gaano natin kabilis ma-trace iyong owner.
So that’s why we need the cooperation of the Facebook administrators o may-ari mismo ng Facebook para mas mapabilis ito because kung hindi natin sila hahabulin agad, there is a tendency na puwede nilang i-deactivate and iyon, at a loss tayo and then [garbled] monitor na naman tayo ‘no. But of course publicly–wide I’d like to discourage because you will be facing a criminal charges and it’s not worth it na kung parang gusto ninyo lang mambulabog, it’s not worth it the risk. Later on, kung haharap kayo sa kaso, hindi kayo masisiyahan ‘no because the full force of the law will be after you.
SEC. ANDANAR: Based on your initial investigation, masasabi ninyo ba na may kaugnayan ito sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Bill? Is this some sort of political destabilization?
PNP CHIEF GAMBOA: We still have to find out the connection Secretary ‘no, kasi I will not conclude without appropriate basis. But once we can prove those na gumagawa ng Facebook account na fake or fake accounts, then we can have our conclusions. But as of yet, wala pa kaming definite na connection with those to destabilize government.
USEC. IGNACIO: Opo. General Gamboa, iba’t ibang opinyon po ng sambayanang Pilipino sa bill na ito na Anti-Terrorism Bill. Sa panig naman ng pulis, ano po iyong inyong kaalaman o insights regarding this Anti-Terrorism Bill naman po?
PNP CHIEF GAMBOA: Yes. Unang-una sabihin ko sa publiko na iyong Anti-Terrorism Bill, which ultimately when signed by the President will become an Anti-Terrorism Law, walang dagdag ito na powers sa Philippine National Police. I don’t suppose na ginawa ito ng Legislature ‘no, which is a branch of government who takes care of formulating the law, na walang safety nets. So sa tingin ko mayroon itong mga safety nets and nandiyan naman ang publiko to watch ‘no.
There are appropriate remedies na puwedeng puntahan ng mga aggrieved parties, hindi naman ito martial law eh, so all the courts, all the legislator are still in active. So kaya naman nilang pumunta kung saan nila gustong mag-air ng kanilang grievances. But of course for myself ‘no and for the rest of the PNP, we would not like to discuss the details of the Anti-Terrorism Bill first dahil hindi pa siya nagiging batas ‘no. Second, we will wait for the implementing rules and regulations para natin matingnan kung ano iyong—what’s in it for the PNP and what’s in it for the public.
But rest assured that the Philippine National Police would always operate under the law na susunod naman tayo kung ano iyong mga proseso. So, hindi dapat mawalang-bahala iyong publiko because appropriate safety nets are provided for under the law.
USEC. IGNACIO: Opo. Nitong June 4 po General, naglabas ng ulat ang United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights tungkol po sa sistema ng kampanya kontra iligal na droga sa bansa ng kasalukuyang administrasyon at ang alegasyon ng red tagging po – ano po ang masasabi ninyo dito, General Gamboa?
GEN. GAMBOA: Ang sinasabi kasi natin, the Philippine National Police actually evolved in operation against illegal drugs. Kung makita natin, of course you being the first time na pumasok iyong Duterte administration, it was really very relentless at iba iyong thrust noon, it was street level and ang inuna doon is to stop talaga iyong demand.
And later on nag-evolve, as a matter of fact, as you can see now, mayroon tayong mga apprehensions by the billions of peso na drugs which is practically supply reduction. So, nag-evolve na siya iyong ating [garbled] against illegal drugs of course under the auspices of the Philippine Drug—anti-drug campaign strategy which is being supervised by DDB.
So iyong allegation ng United Nations, well ganoon naman palagi sila, they always accuse the Philippines National Police, they always accuse the Philippine government na maraming human rights violations. But, mind them, we have [garbled] all the operations that we have conducted and those [garbled] anomalous na mga campaign and indeed it turned out na mayroon naman kaming [garbled] and we followed the procedure in doing all these things.
Of course, may mga kaunting cases of which appropriate cases naman were filed doon sa mga policemen na hindi naging maayos iyong kanilang pagkampanya laban sa droga. But of course the United Nation has their own opinion, I don’t know from what facts they have based their report. Kasi ang parang ginawa nila—kami mayroon kaming black and white to support our stand, that our campaign has been relentless but had observed always the human rights or rights of the people, because under the operation of the Philippine National Police [garbled] 16 quick operated at auspices of the 1987 Constitution and the Bill of Rights are right there which the Philippine National Police have actually observe.
SEC. ANDANAR: Good news naman tayo, General Gamboa. Bukod po sa patuloy ninyo na pag-aksyon kontra illegal na droga, sa kabila ng pandemyang ating nararanasan ay may mga serbisyo ba kayong handog partikular sa ating mga commuter. Kumusta na po ang libreng sakay program para sa ating mga manggagawa?
GEN. GAMBOA: Yes. For the Philippine National Police ‘no, dito sa national headquarters mayroon tayong certain rules, of course very limited lang siya, but to the best of our ability we do it and as a matter of fact na sinabihan ko na iyong Special Action Force na lahat ng available na trucks nila – I think there were 12 – na isama doon sa deployment. And there is a nationwide campaign, not only the SAF, not only the national headquarters, even the National Capital Region and all the Police Regional offices to offer their services dito sa libreng sakay. And mayroon kaming tally, so many thousands of people na ang napi-ferry namin every day. And I’m happy that the Philippine National Police eh makatulong kahit papaano doon sa hirap na sakayan ng ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: General, may tinanggap po tayong tanong mula sa ating mga kasamahan sa media. From Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin, ito po ang tanong niya: What is the police role in dealing with street protest in quarantine areas? Will the PNP tolerate anti-terror bill marches or will you arrest them?
GEN. GAMBOA: Okay. Basic tayo ‘no, BP 880. Ano ang batayan para puwede ka mag-protest? At hindi nga tayo naging masyadong istrikto kasi baka tirahin na naman nila iyong Philippine National Police that we are suppressing their right to air your own grievances against government.
Pero ang sa amin naman, we are differently situated that is why kung makita ninyo, even before the pandemic, tolerant naman kami doon kahit nga wala silang mga Mayor’s permit, they are not doing it in the freedom parks into some extent the Philippine National Police has extended its tolerance ‘no.
But ngayon kasi, in a situation na mayroon tayong pandemic, there is an added demand from the public which is actually the requirement of less mass gathering and social distancing. That is why mayroon tayong pandemya, kaya openly mga sinabi ko na as much as possible kung puwede sana—I mean, iyong right to express your own opinion can be done in some other ways, but huwag naman sana itong mass gathering kasi mga mayroon tayong ino-obserbang ibang demand ngayon, which is the pandemic.
So, kaya mayroong ano, mayroon pa ring instances na in the past two weeks na nag-apprehend kami, kasi nga diniscourage na namin but upon their insistence at ang isang masarap dito na—ang isang basehan dito bakit kailangan silang hulihin, because the Philippine National Police, palaging nakikiusap na mag-disperse na sila at kung ayaw nila… and iyon na nga inu-udyok pa nila iyong pulis na parang… they really try the tolerance of the police and to some extent, kung sobra na rin talaga ang ginagawa nila, which is already tantamount to disobedience, that is why we cause the arrest of all these people.
So again, nakikiusap ako sa publiko na kung mayroon man kayong gustong i-ere about sa government, about sa policies, then please do it the other way around, not during this time of pandemic na mag-mass gathering kayo at hindi ninyo i-observe iyong social distancing, because you are not only violating basic laws of the land on exercise of freedom of expression but mayroong pandemic na hinaharap natin. And I hope everybody would understand.
SEC. ANDANAR: Panghuling mensahe po natin, General Gamboa, para sa ating mga kababayan.
GEN. GAMBOA: Yes, nakikiusap ako, Sec. Martin, Usec. Rocky, na mayroon pa rin tayong ino-observe na mga quarantine protocols, [garbled] pa rin. Na as much as possible, kung pupuwedeng huwag kang lumabas ng bahay, then please do so. Of course we understand iyong economic difficulty, iyong kailangang maghanapbuhay, kailangan maghanap ng pera, we understand. Pero as much as possible, we still would like to encourage everybody to stay at home. But kung hindi talaga, then please observe very basic ‘no – face mask, social distancing, no mass gathering.
Nakikiusap ako dahil hindi ito kaya ng gobyerno lang – we need the cooperation of the community. So, I hope na mag-cooperate na ang community. At sa mga Philippine National Police naman na elements, palagi kong sinasabi, habaan ninyo ang pasensiya ninyo. So much is expected of us as public servants. So, let’s abide by what the public sees as—what the public wants to see us to be and then iyon, we will give out utmost service to the public. And maasahan ninyo po ang Philippine National Police to implement the law kung saan puwede namin ma-tolerate. Thank you very much and a pleasant good morning to everyone.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, PNP Chief Archie Francisco Gamboa ng Philippine National Police. Mabuhay po kayo, sir.
At patuloy pa rin po natin ang public service sa gitna ng COVID-19 pandemic, kaugnay niyan ay makakapanayam po natin si Atty. Martin Delgra III, ang Chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Magandang umaga po sa inyo, Atty. Delgra.
CHAIRMAN DELGRA: Magandang umaga din sa inyo, Secretary Martin, at sa inyong kasama po, si Usec. Rocky, at sa inyong mga tagapanood ngayong umaga po.
SEC. ANDANAR: Tukayo, kahapon po ay binuksan na ang mga bagong ruta ng public utility buses. Kumusta ang naging implementasyon nito?
CHAIRMAN DELGRA: Maganda naman din po iyong implementation nito.
Mailagay ko lang sa konteksto po iyong tanong po ninyo, Secretary Martin. Kasi po the one that was approved by the IATF as regards sa opening of our public transport, was starting on June 1, when nailagay na sa GCQ status iyong buong Metro Manila ‘no. But what was decided was that limitado lang po iyong public transport, iyong bubuksan. Ang ibig sabihin po, inuna po natin iyong mga ruta kung saan mayroong mga riles ng train, iyong LRT 1, iyong running along Taft going to Monumento; LRT II that is running from Cubao to Antipolo, beyond Masinag or Santolan; and the EDSA, MRT III, the EDSA route.
Aside from that, nagbukas din po tayo ng mga P-to-P routes. And then iyong mga pinayagan po nating mga public transport, limited as they are. I am referring to the shuttle service, tuluy-tuloy pa rin po iyan sa kasalukuyan kahit na GCQ iyan. At kung sinuman ang gusto na mag-apply ng shuttle service, na may prangkisa po ito na kailangan, puwede pa rin po silang mag-apply.
At pati na rin po iyong taxi pinayagan na rin po natin at saka TNVS. So, we are monitoring it everyday. And phase 2 which is iyong pagbubukas ng mga ibang city bus routes was supposed to happen June 22, because under Secretary Tugade’s guidelines, ay kailangan iyong pagbubukas ng public transport principally in consideration of public health, so, kaya iyong strategy po natin dito – calibrated, partial and in phases.
Kahit pa man ganoon iyong strategy po na puwedeng buksan o iyong plano ay bubuksan iyong the remaining city bus routes starting on phase 2 which is June 22, minarapat na rin po natin na iyong sa pangalawang araw nang pagbubukas ng public transport, more particularly city buses, binuksan na rin po natin iyong mga additional bus routes. Kasi nakikita na rin po natin iyong pangangailangan.
So, iyong second day po nagbukas tayo ng dalawa, sa mga sumusunod na araw nagbukas na rin ng mga additional city bus routes. Kaya ngayong araw na ito, 15 bus routes na po ang nabuksan at bukas po may dalawa o tatlo ang bubuksan. So, tuluy-tuloy po ito hanggang sa… we’re even meeting a target earlier than the start of phase 2, because we are looking forward to opening all the 31 rationalized city bus routes by June 19 this month.
SEC. ANDANAR: Dahil sa limitado pa rin itong ating public transportation ay marami pa rin po sa ating mga kababayan, iyong mga PUV driver ang walang trabaho. Kumusta po ang assistance natin sa kanila?
CHAIRMAN DELGRA: Secretary Martin, you might be referring to the Social Amelioration Program for PUV drivers po, ano?
SEC. ANDANAR: Opo sir, mayroon po bang ugnayan ang inyong opisina sa DSWD or maging sa DOLE?
CHAIRMAN DELGRA: Opo, in so far as iyong Social Amelioration for the PUV drivers po, ang may hawak ng pondo at iyong nagi-implement ng programa po ay iyong DSWD. At saka iyong papel po ng LTFRB at ng DOTr at iyong pag-assist doon sa DSWD sa pagkukuha ng mga pangalan ng mga PUV drivers.
Dalawa po iyong qualification dito: Una, driver o sila at pangalawa driver sila ng isang pampublikong sasakyan – of all modes, from buses to taxi to PUJ, to TNVS, transport service. So, lahat po considering the fact na iyong LTFRB is the repository of these drivers database, minarapat ng DSWD na makipag-ugnayan sa LTFRB. So, iyon po ang ginawa natin, na kumuha, we gathered and we submitted the list of PUV drivers sa DSWD at sila po iyong nagpopondo at sila po iyong naglalabas ng mga listahan, kung sino lang ang puwedeng mabigyan.
Ang ginagawa po natin dito on the part of LTFRB, we verified the list as drivers of public utility vehicle and then we submit it to DSWD. Ang ginagawa naman din po ng DSWD, they cross match it with their list of those who are under the UCC or the 4Ps program. What I understand is that mahigit 4 million po ang nasa listahan, noong dalawang programa na nabanggit ko, sa DSWD para makita nila na wala po iyong tinatawag na duplication sa listahan.
Kapag malinis na po ang listahan iyan sa DSWD, ang gagawin po nila, ibabalik po nila sa amin and we will certify that these are the list of certified drivers na puwede nang bigyan. And what will happen is that popondohan na rin po ng DSWD sa pamimigay ng ayuda. What has happened so far is dalawa po iyong pamamaraan ng pagbibigay ng ayuda. Una iyong tinatawag nating over the counter kung saan kasama po natin iyong Landbank kung saan marami pong mga Landbank branches sa Metro Manila ang binuksan para makapagbigay o makapag-release ng mga assistance na iyan doon sa PUV drivers na nasa listahan na.
Iyong pangalawang pamamaraan din po, ay iyong pagbibigay electronically, through G-cash. So, napagkasunduan po natin at napirmahan na po natin iyong MOA with DSWD, LTFRB and G-cash para maibahagi iyong mga assistance sa mga PUV drivers, electronically. Ang ibig pong sabihin niyan mapabilis po iyong pagbibigay, kasi hindi na po sila lalabas ng bahay, hindi na po sila sasakay ng sasakyan papunta sa bangko at pipila pa. What happens now is that, they will just wait till they receive a confirmation that they have the assistance electronically.
What we have received from DSWD however is that, iyong pondo po na binibigay ngayon is for NCR. So mayroon na pong mga about 90 plus million na nakalaan for NCR, umaabot po ng mahigit 700 million pesos. Pero sa kasalukuyan po, mababa pa. I have to admit, because that is our continuing coordination with DSWD na mas mababa pa iyong nabibigyan ng ayuda na mga PUV drivers po. At hiling po natin sa DSWD na mapabilis pa iyong paglalabas ng mga pangalan para mapondohan na po at mabibigyan ng ayuda na mga driver ng ating pampublikong sasakayan po.
USEC. IGNACIO: Atty. Delgra, bigyang daan ko po muna, uunahin ko muna iyong tanong ng ating kasamahan na si Joseph Morong ng GMA 7. Ito po ang tanong niya: Kung may desisyon na daw po kayo for provincial buses kung kailan daw po papayagan?
CHAIRMAN DELGRA: As I’ve mentioned earlier iyong strategy po na ito, paglalatag o pagbubukas ng mga ruta po is calibrated, partial and in phases ‘no. Sang-ayon na rin sa rekomendasyon ng departamento ng transportasyon at inaprubahan naman din po ng IATF. So, for the provincial buses po, ang ginagawa po nating preparasyon ay tinitingnan po natin iyong mga tinatawag na Integrated Terminal Exchanges kung saan these, Integrated Terminal Exchanges like PITX which is now open, can accommodate provincial buses as well. Now, ang timeline for the opening of the provincial routes would be at the start of phase 2, iyong sinasabi ko kanina po.
USEC. IGNACIO: Attorney may katunangan naman po ang ating viewer. Paano naman daw po silang mga operator ng UV express na hindi naman daw binigyan ng special permit ng LTFRB. Kailan daw po ninyo sila papayagang makabiyahe ulit, mula raw po sila sa Leyte?
CHAIRMAN DELGRA: Opo, as regards iyong mga UV express po, good that was asked, kasi po mayroon po tayong tinatawag na hierarchy of public transport. Because mayroon tayong kakulangan sa kapasidad, because of the requirement of IATF which is more specifically social distancing. We need to maintain a certain distance from one passenger to another inside a Public Utility Vehicle. So minarapat na susundin natin iyong hierarchy of public transport.
Ano po ang ibig sabihin niyan, iyong pinakamataas na hierarchy po, ito po iyong riles, because they carry more passenger than any mode. Pagbaba po ng riles na iyan sa hierarchy na iyan ay iyong bus, kaya inuuna po natin iyong bus na bibigyan ng special permit na makakatakbo once the routes are opened.
Kapag hindi po—wala pong bus or kulang iyong bus ay iyong modern jeepney naman po at bababa naman din po sa mga… iyong jeepney at sa mga UV express at bababa na rin po doon sa tinatawag nating tricycle kung saan hindi naman po saklaw ng LTFRB iyan pero ang pagkaalam po natin pinapayagan din sa mga lugar sa mga LGUs kung saan tumatakbo iyong tricycle.
So, iyon po iyong tinatawag nating hierarchy of public transport na sinusunod po natin kung magbibigay tayo ng special permit.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa pagpapaunlak, Atty. Martin Delgra III, Chairman of LTFRB.
CHAIRMAN DELGRA: Salamat din po, Sec. Martin and USec. Rocky.
SEC. ANDANAR: Maiba ako USec. Rocky, ikaw ba ay nahihilig sa online shopping sa mga panahong ito?
USEC. IGNACIO: Inaamin ko, Secretary, nagta-try po ako minsan talaga. Kasi dahil hindi tayo nakakalabas ngayon, so iyong mga talagang kailangang-kailangan po ay nagta-try po ako ng online shopping.
SEC. ANDANAR: Ayos iyan! Dahil sa patuloy na paglago ng ganitong industriya sa gitna ng COVID-19 pandemic ay may isang panukalang batas na isinusulong ngayon sa Kongreso na may layuning mapangalagaan ang kapakanan ng mga online consumer.
Para talakayin iyan, makakasama natin si Congressman Wes Gatchalian, ang chairman ng House Committee on Trade and Industry at kinatawan ng unang distrito ng lungsod ng Valenzuela. Magandang araw po sa inyo, Congressman!
CONG. GATCHALIAN: Magandang araw po, Sec. Martin at USec. Rocky. Magandang umaga rin po sa lahat ng nanonood at nakikinig ng inyong programa.
SEC. ANDANAR: Katatapos lang ng inyong first hearing para sa Internet Transactions Act – pagbibigay proteksyon sa ating mga online transacting consumers. At bilang chairman nga po ng House Committee on Trade and Industry, ano po ba ang kahalagahan ng panukalang ito sa panahon ng pandemya and beyond the pandemic?
CONG. GATCHALIAN: Well, Sec. Martin, bago ko siguro sagutin ang inyong tanong ay gusto ko muna pong ipaalam sa ating mga viewers kung ano ba ang estado ng Pilipinas ngayon pagdating po sa e-commerce industry natin.
Alam ninyo po, ang ating e-commerce revenue noong 2015 ay mayroon pong $2 bilyon ngunit noong 2019, ito po ay tumaas na higit $7 billion, at according po to Google ito po ay projected na tumaas po ng higit na $25 billion.
At pangalawa po, ang Pilipinas po ay mayroon tayong nasa 67% po ang ating internet penetration rate. Meaning po, ito ang activeness natin online; at sa buong mundo po ang ating average po ay nasa 54% lamang.
Dito rin po sa ating datos ng ating committee, nakita rin po natin na ang Pilipino ay isa sa pinaka-active users po as much as an average of ten hours a day po ang gumagamit po ng internet o online po tayo samantalang sa buong mundo po, higit na six hours lamang po ang average natin po.
Kaya ho dito po, Sec. Martin, Rocky ay makikita po natin na palaki nang palaki po ang industriya na ito, at sa ating paglaki nakikita natin marami pong pagkakataon pong lalo pang lumago ang transaksyon sa loob po ng internet.
Ngayon pong pandemic ay nakita na po natin, 2 ½ months tayong lockdown at dito po natin nakita ang importansiya po ng e-commerce. Lahat po ng transaksyon ngayon maging magbebenta ka, bibili ka, maging mag-o-order ka ng pagkain, mag-0-order ka ng grocery, magbabayad ka sa grocery na in-order mo, lahat po ay dumadaan na ng online transaction.
Kaya po very timely ito pong hearing namin noong nakaraan, noong June 3, dahil nakikita na natin ang direksyon po ng paglago po nitong e-commerce natin ngunit wala pa hong batas pong nagre-regulate dito po sa ating bansa.
SEC. ANDANAR: Dahil din sa pandemya, marami rin ang nagsulputang mga online business. Para maging sagot sa unemployment concerns ng karamihang manggagawa, ano naman po ang balak ninyong ibigay na proteksyon sa kanila?
CONG. GATCHALIAN: Okay. Unang-una po, Sec. Martin ay ito po ang panukala natin, House Bill 6122, ay tayo po ay magbubuo ng tinatawag nating e-commerce bureau at itatalaga natin po ang Department of Trade and Industry na susubaybay po sa pag-regulate po ng ating mga transaksyon online.
At ang e-commerce bureau po, mga kasama, ay magiging isa lang po ang ahensyang magha-handle po ng lahat ng ating mga complaints, lahat po ng ating iba’t-ibang mga isyu. Ito po ang mag-aayos po ng lahat po ng possible po na mga issues pong dumating po sa mga consumers natin.
Alam ninyo ho, during this pandemic pa lang, Sec. Martin, makikita po natin may report na po ang PNP CIDG na ipinadala po sa aming komite. Makikita natin na mahigit 500 na po na cases ang kanilang ini-file at higit 500 na po ang mga taong kanilang ikinulong at halo-halo na po ito, sari-sari na po – nagbebenta ng pekeng gamit, hoarding at nagsasamantala po sa pandemic natin ngayon.
USEC. IGNACIO: Congressman, noong isang araw po nagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga online sellers na nanloloko sa ating mga mamamayan. Sabi niya, ‘huwag ng mag-online, online because it has never been perfected.’ Ano po ang maibibigay ninyong assurance para po matiyak iyong tiwala po sa business platform na ito?
CONG. GATCHALIAN: Narinig ko po, Rocky ang statement po ni Presidente at siguro hindi ho natin inevitable na pahintuin ang tao gamitin ang online because this is the internet age, this is the generation. Ang importante po ay dapat po pumasok po ang gobyerno para po protektahan ang mga mamimili at protektahan din po ang merchant.
Kaya po sa ating House Bill 6122, ito po mga kasama ay ire-regulate natin by asking all the website platforms, online platforms na mag-register po sa Department of Trade and Industry.
Kapalit naman po, sila po ay bibigyan natin ng tinatawag nating DTI trust mark kung saan itong trust mark po, kapag sila po ay mayroon nitong trust mark, ang ating mga consumer ay magkakaroon ng confidence o peace of mind na mag-transact po dito sa ating website.
At pangalawa po, Rocky, kung ito man pong mga website natin, ayaw ko na pong pangalanan but kadalasan po ay very active po lately ang iilang mga website at dito po rin nagpo-post ang mga buyers at sellers po, ito po ay ire-regulate natin by asking them to set-up their Philippine company.
Ito po kadalasan ay mga kompanya galing Singapore, galing Amerika, galing Europa, ngunit pagdating ng araw po na mag-complain po ang ating mga customer ay nahihirapan ho sila o hindi nila alam kung paano po magko-complain.
Samantalang po sa pamamagitan po ng House Bill 6122 ay sila po ay direktahan pong mag-set-up ng kompanya at mag-register po sa DTI.
Tulad lang po ng ating mga brick and mortar stores po sa mall or sa establishments, lahat naman po sila ay nagre-register sa ating gobyerno; lahat po sila ay nagre-register sa BIR at higit sa lahat, kapag tayo po ay pumasok sa tindahan, nakikita na po natin lahat ng permit po ay nakapaskil sa kanilang pintuan o lugar.
Ganoon din po ang gagawin natin po dito sa ating e-commerce. Ipo-post po dapat nila sa kanilang website ang DTI trust mark, ipo-post din po nila ang lahat po ng government permits na ibinigay po sa kanilang website at ganoon pa man din, ang ating mga consumer ay kampante po ang kanilang loob kapag sila ay namimili at nagta-transact sa website na ito.
USEC. IGNACIO: Congressman, bakit daw po kailangan natin ng regulasyon para sa market na ito kasi karamihan naman daw po sa kanila maliliit na mga negosyo at hindi naman po regular na nagbebenta?
SEC. ANDANAR: Well, Rocky, para ho sa kanilang kapakanan ito at sa kanilang proteksyon. Alam ninyo po, ang dami po ngayon whether ipinost po ito sa Facebook, whether ipinost po ito sa Carrousel, ang dami pong nagbebenta ng mga nakaw na gamit, ang dami pong nagbebenta ng pekeng gamit.
Ang masakit sa lahat po minsan kayo po ay nag-o-order, ang pinaghirapan ninyong pera ay nag-order kayo ng gamit, pagdating naman po ay defective ho ito. At ito po ay sa kapanakanan lang po ng hindi lang po ng maliliit na MSMEs natin kung hindi ho lalong-lalo na iyong mga malalaking kompanyang nagiging third party o online service provider natin dito sa Pilipinas. Alam ninyo po, itong mga service provider natin ay mga galing sa ibang bansa, kumikita po dito sa Pilipinas ngunit wala pong nagre-regulate sa kanila.
Ang pangalawa po sa sagot po ng inyong katanungan, Rocky ay alam ninyo po, ang ating MSMEs, ang ating tututukan lang po dito ay ang mga nagta-transact na maging negosyo po – unang-una. Pangalawa po, mga nagbebenta po in commercial quantity.
Hindi po dito maaapektuhan ang consumer-to-consumer natin. For example, mayroon kang lumang cellphone nais mo nang ibenta na, may bumili, hindi na po sila covered dito.
Ang iko-cover po natin mga kasama ay ang mga MSMEs na commercial quantity na po ang ibinebenta at ang mga website provider po, ang gusto ho natin ay maging liable din sila.
Kasi ho kadalasan ho dito kung mayroong mga complaints, hugas-kamay po ang ating mga website at online providers, service providers natin. Dito po sa ating panukala ay magiging liable na po hindi lang po ang seller kung hindi po pati po ang online provider, service provider at website ay magiging liable na po sa mga gamit o services na dumadaan sa kanilang website.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Congressman Wes Gatachalian, ang chairman ng House Committee on Trade and Industry at kinatawan ng unang distrito ng lungsod ng Valenzuela. I hope to see you soon, Congressman.
CONG. GATCHALIAN: Maraming salamat po sa pagkakataon, Sec. Martin ay kay USec. Rocky at mag-iingat po kayong lahat.
SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo! Maki-update naman tayo sa pagbibigay tulong ng DSWD sa mga kababayan natin na naapektuhan ng COVID-19 sa pamamagitan ng Social Amelioration Program na nasa ikalawang tranche na.
Makakausap natin si USec. Rene Glen Paje ng Department of Social Welfare and Development. Magandang umaga po sa inyo, sir?
USEC. PAJE: Magandang umaga po, Sec. Martin!
SEC. ANDANAR: USec., nagsimula na ba ang pamamahagi natin ng second tranche ng SAP or tinatapos ninyo muna iyong unang tranche?
USEC. PAJE: Sa ngayon po ay tinatapos pa natin ang pamamahagi sa first tranche at malapit na rin pong mag-umpisa ang pamamahagi natin sa second tranche at mga finishing touches na lang po ang ginagawa natin para sa first tranche at uumpisahan na natin ang second.
SEC. ANDANAR: Ano po ang magiging validation process natin para sa ikalawang tranche?
USEC. PAJE: Ang validation process natin po—bago ko po sagutin iyan, nais nating siguraduhin sa DSWD na maipamahagi nang maayos ang second tranche ng ating SAP, at napakahalaga po ng process ng validation sa mga beneficiaries upang matiyak na karapat-dapat ang mga tatanggap nito at upang maiwasan din ang pagbibigay ng dobleng ayuda sa isang pamilya o sa iisang benepisyaryo.
Sa pamamaraan po na ito ay makakasiguro tayo na ang tulong mula sa kaban ng bayan ay mapupunta sa tunay na nangangailangan at apektado ng krisis na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. USec.—
USEC. PAJE: Inaasahan po natin na sa linggong ito ay masisimulan ang pagbibigay ng pangalawang bahagi ng SAP na ayuda at sisimulan po natin ito sa mga benepisyaryo ng 4Ps na dumaan na sa deduplication upang masiguro po na iisang ayuda lang ang matatanggap ng bawat benepisyaryo.
Kasunod po nito ay ang mga lugar na kung saan na nakapagsagawa na at nakatapos na ng validation process ang mga beneficiaries.
Bukod po sa validation process ay bahagi din ng SAP implementation at nais ng DSWD na maproteksyunan nang mabuti ang ating mga social workers mula sa banta ng COVID upang sila naman ay makapagpatuloy sa kanilang paglilingkod sa ating mga kababayan. Katunayan po noong first tranche ay… sa kagustuhan nating maging maayos at maipahatid ang mga serbisyong ito ay umabot sa 11 manggagawa ng DSWD ang kumpirmadong nahawa sa COVID-19 at mahigit 900 din po ang na-self quarantine.
Kaya po para sa second tranche, kasama sa aming preparasyon ang pagsisiguro na wala sa mga hanay ng SAP implementers natin ang madadapuan o mahahawa sa sakit na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Paje, bigyang daan lang po natin ang tanong ng bayan. Ito po, mula kay Ruben Castillo ng Maynila: Bakit daw po ganoon pa katagal mag-release ng SAP ang DSWD, nag-sign na daw po sila ng form May 21st pero hanggang ngayon po ay wala pa silang natatanggap na SAP?
USEC. PAJE: Nais po nating mapabilis ito ngunit mayroon po tayong mga proseso na dapat pagdaanan. Isa po dito ay ang validation sapagka’t sinisiguro po natin na tayo ay susunod sa mga COA regulations at procedures. At sinisigurado rin po natin na ang pagbibigyan ng SAP benefits ay iyong mga nangangailangan at iyong mga kuwalipikado. Ang proseso po na ito ay hindi madali gawa na rin nang sa karamihan po ng ating mga benepisyaryo at sa laki rin po ng halagang ibibigay. Ayaw po natin na malustay ito, ayaw po natin na ito ay mapunta sa hindi karapat-dapat. At lalong ayaw din po natin na ang mga kasama natin na nag-iimplementa ng SAP ay ma-involve sa mga iregularidad na mangyayari. Kung kaya tayo po ay masusi ang ating mga proseso at maingat po tayo sa pagbibigay po ng mga ayudang ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa pagbibigay naman po ng Social Amelioration Program, tiniyak ninyo na mas mabilis ang magiging proseso through digital payment at ito pong inilunsad ninyo na Relief Agad app. Can you expound on this po, Usec. Paje? Saka, required naman po ba ang ating mga beneficiaries na mag-register sa Relief Agad app? Paano po makaka-access sa naturang app?
USEC. PAJE: Mawalang galang na po, puwede pong pakiulit ang inyong katanungan at medyo mahina po iyong dating.
USEC. IGNACIO: Ito po iyong ating tanong, kasi nga may inilunsad po kayo, pagbibigay sa Social Amelioration Program, para maging mabilis po ang proseso – through digital payment at ito po iyong inilunsad ninyo na Relief Agad app. Sabihin ninyo po sa amin, ano po iyong Relief Agad app na ito? At paano po ito makakatulong doon sa mga beneficiaries ng SAP na talagang matatanggap agad nila iyong tulong ng pamahalaan mula sa DSWD?
USEC. PAJE: Ang Relief Agad po ay isang application na ating ginagamit ngayon, at dinivelop po ito sa tulong ng USAID at ng DICT. At ito po ay ginagamitan ng smart phone upang makapagrehistro ang mga benepisyaryo at mai-input nila ang kanilang SAP information or data doon sa kanilang cellphone. May mga security measures po ito at i-scan nila iyong kanilang SAP barcode at SAP number; Kapag nai-input na po nila iyong mga data, didiretso po ito sa data bank ng DSWD; At mula po rito ay maaari na tayong magsagawa ng validation.
Mayroon din pong tie-up o kaugnayan ito sa mga digital payment platform. Kung kaya’t kung sila po ay registered at verified na sila po ay kuwalipikadong benepisyaryo at eligible, dito na lang po dadaan iyong kanilang SAP benefits sa digital payment platform na ito at hindi na sila lalabas pa, pipila o ma-expose sa pagkubra ng kanilang benefits.
At mayroon din pong options sila: Puwede po nilang kubrahin ang kanilang benefits sa bangko; puwede pong padaanin ito doon na lang mismo sa cellphone at ipambili nila ng mga goods at services; at puwede rin naman po na manual payout. So, iyon po iyong mga advantages, iyon po iyong mga benefits ng paggamit natin nitong Relief Agad at ng digital payment platforms.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon at mag-iingat po kayo, Usec. Rene Glen Paje.
USEC. PAJE: Maraming salamat din po, Secretary Martin, at mabuhay po kayo. Magandang umaga…
SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo, sir. Samantala, alamin po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa ating mga lalawigan, puntahan natin si Dennis Principe – Dennis?
[NEWS REPORTING BY DENNIS PRINCIPE]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Dennis Principe. Alamin naman natin ang sitwasyon ng mga kababayan natin sa norte, kasama si Danielle Grace De Guzman ng PTV-Cordillera.
[NEWS REPORTING BY DANIELLE GRACE DE GUZMAN]
SEC. ANDANAR: Maraming salamat diyan sa Cordillera. Silipin natin ang pinakahuling balita naman sa Davao Region kasama si Julius Pacot.
[NEWS REPORTING BY JULIUS PACOT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot.
Maraming salamat po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, sa inyong araw-araw na pakikiisa sa ating programa. Mabuhay po kayo…
SEC. ANDANAR: At diyan nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.
USEC. IGNACIO: Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)