Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Isang mapagpalang umaga, Pilipinas. Isandaan at dalawampu’t dalawang taon na ang nakalipas mula nang makamit natin ang ating kasarinlan kaya naman isang pagpupugay sa ating mga bayani na nakikipaglaban upang makamit ang kalayaan na ating nararanasan po hanggang ngayon. Happy Independence Day!

USEC. IGNACIO: Isang maulang araw naman po ng Kalayaan sa ating lahat. Kanina po ay nasaksihan natin ang ilan sa mga programa bilang pagdiriwang sa Independence Day. Samantala, isang pagpupugay din po para sa ating mga magigiting na bagong bayani, sa ating mga frontliners na walang sawang nagseserbisyo para sa bayan, itinataya ang kanilang buhay makalaya lang tayo mula sa pandemya na ating kinakaharap.

SEC. ANDANAR: Kaya naman ngayong araw, kasama pa rin ang mga resource persons mula sa mga ahensiya ng pamahalaan, muli nating sasagutin at hihimayin ang katanungan ng ating mga kababayan sa ating pagharap sa new normal.

USEC. IGNACIO: Kasabay nang pananatili sa inyong mga tahanan, samahan ninyo kaming alamin ang mga mahahalagang impormasyon kaugnay sa mga hakbang ng pamahalaan upang mapagtagumpayan ang pagsubok ng COVID-19. Mula sa PCOO, ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Mula sa PCOO din, ako po naman si Secretary Martin Andanar, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. ANDANAR: At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, makakasama natin sa programa sina Department of Agriculture Secretary William Dar; National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon; Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana.

SEC. ANDANAR: At Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana. Makakasama rin po natin sa paghatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.

USEC. IGNACIO: Para naman po sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

SEC. ANDANAR: Samantala, nagpahayag ang Malacañang ng pakikiramay sa buong pamilya na naulila ni dating DFA Secretary Perfecto Yasay, Jr. sa kaniyang pagpanaw sa edad pitumpu’t tatlong taon. Kami po at ang buong PTV ay nakikiramay din.

USEC. IGNACIO: Nakikiramay po kami sa pamilya ni dating Foreign Affairs Secretary Yasay.Sa kabila po ng ating pakikibaka laban sa banta ng COVID-19, malaking bagay pa rin po na mapagtuunan ng pansin ang ilang mga pangangailangan ng ating mga kababayang Overseas Filipino Workers. Kaya naman laking pasalamat po ng isang OFW, matapos makulong sa Bahrain, na muli siyang makauwi sa bansa sa tulong po ni Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go. Sa iba pang detalye, narito ang report ni Ryan Lesigues.

[NEWS REPORTING BY RYAN LESIGUES]

SEC. ANDANAR: Upang pag-usapan ang latest update sa tulong na kanilang ipinapaabot para sa mga apektadong magsasaka sa bansa at pagbabagong aasahan sa kanilang ahensiya sa pagharap sa new normal, makakausap po natin si Department of Agriculture Secretary William Dar. Magandang umaga po sa inyo muli, Secretary Dar.

SEC. DAR: Good morning po, Sec. Martin. Happy Independence Day. Magandang umaga po sa ating lahat

SEC. ANDANAR: Same to you, sir. Last June 8 ay nagkaroon ng signing of memorandum of agreement ang Department of Agriculture with Planters Products Inc., and SatSure AG regarding the use of satellite technology. Ano po ang saklaw nito at gaano kalaking ginhawa ang maibibigay nito sa ating mga magsasaka?

SEC. DAR: Malaki pong ginhawa na maibibigay po sa ating magsasaka kasi mas mabilis na po iyong pagbayad ng Philippine Crop Insurance Corporation kapag napagtibay po natin itong satellite technology, iyong satellite imaging na tinatawag natin. Kasi kapag may bagyo o mga drought or natural disasters visiting the country ay will take time bago makagawa ka ng field evaluation, at iyon ang basehan ng pagbabayad ng Philippine Crop Insurance Corporation.

So, this time around, right after the event like typhoons or any natural disaster ay mayroon kang real time result through satellite imaging, at ito na iyong basehan po na pagbabayad sa mga farmers na naapektuhan.

SEC. ANDANAR: Kaugnay diyan, nabanggit ninyo po sa inyong virtual presser na sisimulan ito sa mga probinsiya ng Nueva Ecija, Iloilo at North Cotabato. Papaano po ang implementation nito at anu-ano ang paghahanda ang ginagawa ng mga probinsiya bilang pagyakap po sa digital agriculture dulot ng satellite?

SEC. DAR: Itong step one nito ay itong pilot project, ito iyong ugnayan po sa provincial government para it’s just a matter of, you know, preparing them na ito na iyong bagong technology na gagawin po natin, na gagamitin po natin pag-evaluate po ng damages. So, we will show them how it works so that they can better appreciate at tutulong po sila dito po sa piloting.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, good morning. Upang mas mabigyan po ng maraming oportunidad ang mga magsasaka, isa rin po sa pinaplano ng inyong ahensiya ay ang pagkakaroon ng karagdagang trading center sa bansa. May target place na po ba tayo diyan at ano po ang nakikita nating magiging epekto nito sa agricultural economy po ng bansa?

SEC. DAR: Opo, ito iyong na-evaluate natin as a result of itong ECQ for Luzon. Maraming naantala na mga pagkain na hindi po nakakarating sa mga provincial market areas or trading post na tinatawag; kapag nakarating naman ay konti po iyong mga truckers or bumibili. So, we have to have a more efficient na iyong tinatawag natin iyong linkage between the food markets and the food logistics.

So marami tayong—ongoing iyong identification po natin kung saan pa puwede natin mag-set up ng mga regional provincial trading post sa mga probinsiya. Kagaya po dito sa Pangasinan at bandang Ilocos Region – Ilocos Sur, Ilocos Norte – para nakatoka po iyong mga trading centers na iyan para dito rin sa metro areas kagaya rin ng San Fernando, Pampanga, Metro Manila. Dito rin sa southern Luzon ay dito po sa Laguna dapat mayroon tayong trading post diyan, at even somewhere dito sa Cavite area.

At this will be a much more efficient system kung naka-link po sila dito sa Metro Manila, we will have four food big markets, iyon po ang plano natin dito sa Metro Manila. Wholesale po ito where the traders, iyong integrators na bumibili po doon sa mga provincial, regional trading post ay dadalhin po dito sa mga big food markets sa Metro Manila. And we will do that in all areas all over the country over the next two years.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa gitna naman po ng COVID-19 na ating kinakaharap, may ilan pa rin pong nagsasamantala sa presyo ng ilang produkto. May mga naitala pong reports kaugnay ng overpricing ng karne sa mga palengke. Ano po ang masasabi ninyo dito para po sa kaalaman ng ating mga manunood? Magkano po ba talaga ang dapat na suggested retail price ng ating meat products?

SEC. DAR: Opo. Let me mention na pinapaigting pa natin itong price monitoring and price enforcement. I just had a recommendation to the IATF early last week na mag-issue po ng joint memorandum circular ang tatlong ahensya kagaya ng Kagawaran ng Pagsasaka, iyong DTI at kasama na rin namin ang Department of Interior and Local Government.

Now the idea is for us to strengthen, the three of us, the three departments to strengthen iyong tinatawag po natin na Local Price Coordinating Councils, kasi po sila iyong nakatoka doon sa respective local government units nila. Nandiyan po iyong existence ng Local Price Coordinating Council and we’ll see to it na sila iyong manguna dito po sa talagang pag-monitor, pag-enforce ng mga suggested retail prices. Tutulong po kami, itong tatlong ahensya ay tutulong dito sa every step of the way.

Now looking at iyong meat prices kagaya ng pork products, ang existing suggested price, SRP ng pork kasim ay P190; iyong sa liempo pork ay P225.

Alam naman natin Usec. Rocky na mayroon tayong problema ngayon, iyong African Swine Fever na umapekto po dito sa hog industry. So maraming mga negosyante diyan, iyong mga nagbababoy, iyong mga commercial hog raisers na hindi muna nag-umpisa. So iyong supply ay… it’s becoming tighter.

Pero mayroon na kaming ugnayan sa kanila na puwede na tayong mag-restock or mag-umpisa uli dito po sa Luzon, mas lalo na doon sa Visayas and Mindanao sa restocking ng hogs para eventually within the year ay mayroon pa rin tayong sapat na karneng baboy. 

USEC. IGNACIO: Alam naman po natin na maraming mga pagbabago ang dapat pong kaharapin ng Pilipinas kabilang po dito iyong siguruhing ligtas po ang mga pagkaing papasok sa ating bansa. Kaugnay po niyan, paano naman po pinapaigting ng inyong ahensya ang importation process po ng poultry products sa bansa, Secretary?

SEC. DAR: Tama ka po, malaking ugnayan or it’s a strong partnership with the Bureau of Customs kasi ang kulang dito sa Pilipinas all these years ay iyong first border facility for… seeing to it that food safety is really religiously observed. At mayroon na tayong budget po na naaprubahan at i-implement na po natin this year.

Ang suggestion po natin ay mayroon tayong iko-construct na first border facility na mayroon kang enough space, plus cold storage para mabusisi mo kung ano iyong laman na pinapasok. Kasi ang dami pa ring mga smuggled items, mas lalo na agricultural products na galing din sa bansa na may problema pa sa ASF at other na iba’t ibang sakit.

So ang unang—itong budget na naaprubahan na ay para dito po sa Manila International Harbor; ang susunod po ay Batangas, sa Subic, sa Cebu at saka sa Davao. So may plano na po tayo, first ever na may approval ng national government ng budget to setup/construct a first border facility to enhance our—seeing to it that the food safety considerations are observed.

SEC. ANDANAR: At kumustahin lang po din natin iyong update kaugnay sa pamamahagi natin ng financial assistance para sa mga naapektuhang farmers dahil sa community quarantine.

SEC. DAR: From the part of the Department of Agriculture, Sec. Martin, iyong listahan na dati iyong problema natin kasi we have to update. Iyong farmers registry ay naibigay na naming lahat sa Landbank of the Philippines as early as two weeks ago. So from our end ay iyong dapat gampanan ng Kagawaran ng Pagsasaka ay nandoon na iyong tamang listahan at basehan ng Landbank sa pamimigay, sila kasi iyong mamimigay, iyon ang partnership namin with Landbank of the Philippines.

Ang financial subsidy po ay naibigay na ng almost 70% ng Landbank, so mayroon pa rin silang ibibigay na 30%. So as I’ve said, continuing pa iyon; pero from this end, iyong ating listahan ay naibigay po natin two weeks ago sa Landbank of the Philippines. 

SEC. ANDANAR: Paano naman po pinaghahandaan ng Department of Agriculture ang pagpasok ng tag-ulan? Marami na ba sa ating farmers ang nagsagawa nang maagang pag-aani?

SEC. DAR: Tama po, at alam natin we started planning as early as two months/three months ago in regard to our wet season planting, mas lalo na dito sa rice production.

Now with the Bayanihan Act na implemented ay nabigyan po tayo ng national government ng additional budget para sa rice production. So ngayon we are covering 2.5 million hectares, lahat na po ito, itong wet season planting sa palay at handang-handa na po ang ating mga magsasaka.

Mayroon tayong magandang ugnayan po sa National Irrigation Administration at iyong mga puwedeng may—iyong National Irrigation Systems na may patubig na this early ay sila po iyong manguna doon sa early planting ng rice. Kasi gusto natin mas may early planting para hindi mataon po doon sa harvest time nang bandang bagyo, iyong parteng September/October ay bagyo iyan, ang daming bagyo na bumibisita ng bansa.

So nakapag-distribute na tayo ng seeds, ongoing na po ang pamimigay ng mga abono; so iyong technical training, mayroon nang tinatawag na blended learning system or alternative learning system. So lahat po ay under this quarantine protocol ay ginagawa po natin lahat para maserbisyuhan iyong mga pangangailangan ng ating magsasaka sa kanayunan.

SEC. ANDANAR: Marami sa ating OFWs ang nawalan ng trabaho at nagbalik-bansa, kaya naman may inaalok po na programa ang inyong ahensya para sa mga interesado sa farming at agribusiness. Sino ba ang qualified sa programang ito at ano iyong ‘perks’ na maari nilang matanggap?

SEC. DAR: Mayroon tayong loan program Sec. Martin, ang tinatawag natin na Agri-Negosyo, acronym niya ay ANYO. Now sa lahat po na bumabalik na mga kababayan natin at gustong mag-negosyo ay sumangguni lang sa mga lending centers ng Agricultural Credit Policy Council at mayroon pong—itong ANYO na ito, ibibigay as low as P300,000 to as high as P10,000,000 na mauutang at zero interest po ito at payable in 5 years. So mayroon tayong halos 2.5 billion pesos dito.

At ganoon din ang mga magsasaka na naapektuhan dito sa pandemic ay puwede rin sila umutang nang P25,000 kada magsasaka at payable in 10 years, zero interest. So ganoon po ang mga assistance na maibibigay po natin mas lalo na iyong gusto nang bumalik galing sa ibang bansa.

SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan, Secretary Dar? 

SEC. DAR: Opo, Sec. Martin and Usec. Rocky. Itong Philippine Independence Day ay nagpapahiwatig na tayo ay may freedom. As a country, we again would like to thank our very benevolent and dynamic leader, si Pangulong Rodrigo Roa Duterte for leading us during this time.

Always in good times and in this crisis ay nandiyan palagi ang ating Kagawaran ng Pagsasaka na nagbibigay ng mga pagpupugay sa lahat po ng ating magsasaka at mangingisda, lahat po ng ating stakeholders sa sektor ng agrikultura ay, yes, we have freedom and let’s use this freedom and with this crisis to now enhance domestic food production to secure po ang ating bayan.

So 122nd Philippine Independence Day sa lahat po na Pilipino, pagpupugay ang aming ibinibigay sa ating mga magsasaka at mangingisda. Let’s plant, plant, plant. Marami pong salamat. 

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po, Secretary Dar. Manatiling nakatutok po dito sa ating programang Public Briefing #LagingHanda.

(COMMERCIAL BREAK) 

USEC. IGNACIO:  Muling nagbabalik ang ating programa at upang malaman atin namang alamin ang pinakabagong update sa mga programa ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic. Makakausap po natin si T3 Czar, National Action Plan Against COVID-19, Deputy Chief Implementor Vince Dizon. Magandang araw po.

SEC. DIZON:  Magandang umaga, Usec. Rocky, Sec. Martin. Happy Independence Day po lahat.

USEC. IGNACIO:  Happy Independence Day din po sa inyo. Sir, unahin ko na lang po iyong tanong ni Joseph Morong para sa inyo. Ang tanong po niya: In terms of trends, what did you observe in terms of the numbers of people going for test after we relaxed community quarantine?

SEC. DIZON:  Ngayon po sa kasalukuyan dahil po sa pagtaas ng ating testing capacity nitong nakaraang buwan ay nag-e-expand na po tayo ng ating testing protocol lalo na sa ating mga frontliners, hindi lamang iyong mga medical frontliners kung hindi lahat ng frontliners natin kasama natin dito sa paglaban ng COVID-19. At pinapaigtingan din po natin ang testing sa ating mga komunidad.

So sa mga darating pong linggo ay makikita natin na mas madami po ang ating ite-test lalo na sa mga area kung saan madami-dami ang mga kaso tulad ng NCR.

USEC. IGNACIO:  Opo. Sir, may mga nag-positive ba sa mahigit 300 repatriated OFWs na dumating sa Clark International Airport nitong June 6 at within 72 hours lamang po nakauwi na nga sa kani-kanilang mga pamilya?

SEC. DIZON:  Opo. Noong June 5 at June 6 mayroong mahigit na 600 kababayan natin na nang galing sa Dubai at sa Barbados at sa Vancouver, Canada na umuwi at lumapag dito sa Clark, apat lang po sa kanila ang nagpositibo at iyong iba po na nag-negatibo at napauwi na po natin kasama na po nila ang kanilang mga pamilya matapos ang tatlong araw lang.

Kaya po lalo pa nating aayusin ang ating sistema para baka puwede pa nating paiksiin pa ang paghihintay ng ating mga kababayan kapag sila po ay nakauwi na dito sa Pilipinas. Dahil alam mo naman Usec. Rocky, Sec. Martin, ang laki na ng hirap na dinanas ng ating mga kababayan habang naghihintay ng kanilang mga flight pauwi ng Pilipinas, kaya dapat lalo pa nating paiksiin ang kanilang paghihintay para makasama nila iyong mga mahal nila sa buhay.

USEC. IGNACIO:  Secretary, paano naman po nakatulong ang pagkakaroon ng mga karagdagang testing facilities para po doon sa kanilang mabilis na pag-uwi at linawin lang din po natin dahil may mga kababayan tayong nagtatanong kung kailangan pa rin daw ba nilang tapusin iyong 14-day quarantine kung nag-negative naman daw po iyong kanilang result?

SEC. DIZON:  Unang-una po, napakalaki po ng naitulong ng mga dagdag na laboratoryo at testing capacity natin sa buong bansa. Noong una po kasi kaya talagang humihingi tayo ng paumanhin sa ating mga kababayan, dahil noong una po noong mga nakaraang buwan ay napakaliit pa ng ating kapasidad at napaka-kaunti po ng ating mga laboratoryo sa bansa. Pero ngayon po na dumami na, mula isa lang noong Pebrero ngayon ay mahigit 56 na po yata tayo ngayon sa ating mga testing lab, kasama na iyong JB Lingad Hospital dito sa Pampanga, na nagbukas noong nakaraang ilang linggo. Kaya dahil dito ay nakapagbukas na tayo ng Clark International Airport at dahil dito din napakaiksi ng hinihintay ng ating mga kababayan na makauwi sila. Kaya napakalaking bagay po talaga noon.

SEC. ANDANAR:  Isa ang kakulangan ng testing kits sa mga challenges na ating kinakaharap sa gitna ng laban natin sa COVID-19. Ano pa iyong ginagawa nating efforts para matugunan    iyong kakulangan sa supply ng ating mga testing kits?

SEC. DIZON:  Alam po ninyo ang supply ng testing kits ay napakalaking problema, hindi na po para sa Pilipinas, Sec. Martin, kung hindi sa buong mundo.  Dahil ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa buong mundo na hindi gumagawa ng sarili nating mga kits at mga supplies at mga equipment, kaya nga po medyo kasama tayo sa mga pumipila sa ibang mga bansa na gumagawa nito tulad ng Korea, ng China, ng Singapore ng Amerika at Europa.

Pumipila tayo pero ang kagandahan po niyan ay nag-commit na po ang ating Department of Budget and Management na parating na po ngayong weekend ang unang batch ng bulto nating order ng mga testing supply. Kaya sa susunod na linggo ay medyo magiging steady na ang supply natin.

SEC. ANDANAR:  Kamakailan, Vince, inihatid ninyo ang magandang balita kaugnay sa nalampasang 30,000 testing capacity ng bansa. Ayon po sa inyo ang next role naman natin ay hanapin at i-test ang mga asymptomatic. Ano iyong magiging mekanismo ninyo para dito?

SEC. DIZON:  Alam mo, Martin totoo iyan, talagang pinag-igtingan natin ang ating mga effort para paatasin ang kapasidad ng testing natin sa bansa. Noong una kasi, noong Marso, Abril kahit noong bandang unang parte ng Mayo, eh dahil maliit ang ating testing capacity ang nate-test lang talaga natin ay iyong tinatawag nating mga symptomatic o iyong mga may sintomas, tulad ng lagnat, tulad ng sipon, tulad ng ubo, ng medyo nahihirapang huminga.

Siyempre pina-prioritize natin iyong limitado nating testing capacity para sa mga may sintomas. Pero ngayon, gaya ng sinabi ko po kanina, dahil tumaas na ang ating testing capacity ay puwede na tayo ngayong mag-expand o palawikin iyong ating testing para naman doon sa mga walang sitomas na nai-infect ng COVID-19.

Dahil alam mo ang nakikita natin ngayon, habang tumatagal itong COVID-19 sa ating bansa at buong mundo ay napakarami, mahigit 50% o mahigit kalahati ng mga nai-infect ng COVID-19 ay walang mararamdaman o walang nararamdamang sintomas. Pero ayon sa mga pag-aaral, sila pa rin ay nakakahawa. Kaya dapat po talaga i-expand natin o palawakin natin at paigtingin natin ang testing natin ngayon para sa mga asymptomatic.

Una po diyan, ay dapat i-testing na natin ang lahat ng ating mga frontliner, hindi lamang ang mga medical frontliner, kung hindi pati iyong mga frontliner natin laban sa COVID, ang ating kapulisan, ang ating mga sundalo, ang ating mga barangay tanod at iba pang mga nasa frontlines. Pati iyong kawani ng gobyerno na araw-araw na lumalabas para labanan ang COVID.

At ikalawa, kailangan din nating humingi ng tulong at suporta sa ating mga Mayor, sa ating mga governor, sa ating mga LGU, para talagang lalo pa nating palawakin ang testing natin sa mga komunidad lalo na sa mga lugar tulad ng Metro Manila, Metro Cebu na medyo may kataasan ang numero ng mga kaso.

USEC. IGNACIO:  Sa kabila po, Secretary, ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, ano po ba talaga ang lagay ng contact tracing sa Pilipinas? May datos rin ba tayo kung gaano karami po iyong nate-trace natin kada-araw.

SEC. DIZON:  Alam po ninyo, ang contact tracing po ay napaka-importante. Kaya po ang ating Secretary, Secretary Ano at ang DILG ang talagang lead sa contact tracing, katulong ng ating mga LGU at tuluy-tuloy po ang contact tracing natin sa buong bansa lalo na at LGU level sa tulong ng ating DILG.

Sa aking pagkakaalam at mahigit 200,000 na ang na-trace natin sa buong bansa. Pero sabi nga po ni Secretary Ano kailangan natin itong gawing mas-agresibo ang contact tracing.  Kaya inutusan niya na po ang ating mga ahensiya pati na rin ang ating mga local government officials na talagang gawing mas-agresibo pa ang contact tracing natin lalo na sa mga komunidad na maraming tao o iyong tinatawag nating densely populated areas.

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary, hati po ang opinyon ng marami sa ating mga kababayan sa usapin kung dapat bang ibalik sa ECQ, MGCQ or tuluyan na pong i-lift ang quarantine sa Metro Manila, bilang T3 czar po at deputy chief implementer, ano po ang opinyon ninyo dito?

SEC. DIZON:  Alam ninyo po, ang quarantine centers or iyong mga isolation facilities natin ay napaka-importante dahil hindi natatapos sa testing at sa contact tracing ang ating trabaho sa laban sa COVID-19. Kailangan kapag nahanap natin at na-test natin ang ating mga kababayan kung sila ay mag-positibo, kailangan i-isolate natin sila. Hindi lamang para alagaan sila at para tuluyan na silang gumaling at mas importante ay hindi sila makakahawa lalo na sa kanilang mga mahal sa buhay at sa buong komunidad.

Kaya lalo pang papadamihin ang mga quarantine facilities natin, sinisikap po ni Sec. Mark Villar at ng DPWH na padamihin po natin, hindi lamang sa Metro Manila at sa mga urban centers natin kung hindi pati sa lahat ng probinsiya sa buong bansa.

SEC. ANDANAR:  Palalawakin na rin, Vince, ang targeted testing para sa mga frontliners. Sino ba ang dapat mag-initiate ng kanilang pagpapa-test – iyong kanilang employer ba, at sino daw ba ang dapat mag-shoulder ng mga gagastusin para sa COVID tests?

SEC. DIZON:  Para ho sa ating mga frontliners, Sec. Martin, sa laban sa COVID-19, naglabas na po ng expanded testing guidelines ang Department of Health kahapon at nakapaloob dito ang expanded testing natin para sa ating mga frontliner sa COVID-19. So, hindi na lamang po ito ang mga doktor, at mga nurse, kung hindi lahat po ng ating mga frontliner kagaya ng sinabi ko kanina, ang ating kapulisan; ang ating mga sundalo; ang ating mga barangay tanod; ang iba pang mga frontliners sa ating pamahalaan.

Ngayon, ang atin pong mga private companies ay nagpalabas na rin po ng return to work protocol ang Department of Health noong nakaraang linggo na ang nakalipas at doon po binibigyan ng guidance ang ating mga private companies na mag-conduct ng kanilang testing sa kanilang mga kompanya. At kung ito po ay papasok naman sa protocol ng DOH, ito po ay sasagutin ng ating Philhealth.

Pero tatandaan natin, Sec. Martin, hindi lang testing ang importante, kailangan tuloy-tuloy pa rin ang ating mga pag-enforce ng ating health standards dahil napaka-importante po niyan, lalung-lalo na para sa ating mga kababayan na magbabalik-trabaho na.

Kailangan nakasuot lagi ng mask lalo na sa opisina, sa public places; kailangan tuloy-tuloy po ang paghuhugas ng kamay at kailangan po ang ating physical distancing ay laging ipinapatupad at sinusunod. Disiplina po ang kailangan talaga para talagang sa sarili nating effort ay mako-control natin at mapoprotektahan natin ang ating komunidad laban sa COVID-19

SEC. ANDANAR:  By the end of June, our targeted testing capacity is expected to increase by 50,000 nationwide, how are we going to prevent the backlogs? Does our daily capacity match the possible demand of quarantine facilities for the mild to severe COVID-19 cases nationwide?

SEC. DIZON:  Unang-una po, kailangan nating gawin ngayon – na nataas na natin ang kapasidad natin, marami na tayong laboratoryo sa buong bansa – lalo pa nating padadamihin ito sa mga susunod na linggo, sa mga susunod na buwan ay kailangan po natin ngayong gawing mas episyente ang ating mga laboratoryo.

Nagsisimula po iyan sa supplies, iyan po ang pinakamalaki nating paghamon pero gaya ng nasabi ko, nag-commit na po ang ating Department of Budget and Management na padating na po sa mga susunod na araw ang ating bulk supplies galing sa ibang bansa at kapag nangyari po iyan, magiging steady na po ang ating supply.

Ang ikalawa pong napaka-importante, kailangan po magtulungan ang ating pamahalaan, under the leadership ng ating Department of Health, na siguraduhin na mayroon tayong sapat na trained medical professionals at personnel para sa ating mga laboratoryo – mga medtech, mga lab personnel, mga nurse – na hindi lamang po mag-o-operate ng ating mga lab kung hindi tutulong po para kumuha ng mga specimen sa ating mga kababayan sa ating mga komunidad.

So, kailangan po iyong dalawang iyon ay talagang magtulong-tulong ang gobyerno at ang pribadong sektor para po ang testing natin ngayon na may kapasidad na tayo ay mapalawak natin at mapataas pa natin.

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary, with all these government efforts, as a T3 czar – iyong test, trace and treat – base po sa inyong observation, kailan ninyo po nakikita iyong pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa? Can we say po na flattening of the curve could happen in the next few weeks or months, and bakit po?

SEC. DIZON:  Alam ninyo po, habang tayo po ay nagte-test nang mas madami, hindi po natin maiiwasan na mas marami tayong makikitang positibo sa ating komunidad. Alam ninyo po, iyong flattening the curve, ang ibig lang pong sabihin niyan ay ang number ng cases ay kinakaya na nating i-accommodate sa ating mga health facilities.

At ngayon po simula po noong buwan ng Mayo hanggang ngayon ay nakikita natin na unang-una, bumababa po ang numero ng ating mga kababayan na nao-ospital hindi po tulad noong Marso at noong Abril; at ikalawa po, napaka-importante, ang bilang po ng mga namamatay ay pababa na po nang pababa.

Umabot po tayo—ang pinakamataas natin yata sa isang araw ay 30 ang namatay, ngayon po ay halos single digit na lang tayo. Ang average na lang po natin ay wala pang lima o anim na namamatay.

So, nakikita po nating patuloy nang bababa nang bababa ito at patuloy—

USEC. IGNACIO:  Okay…

SEC. DIZON:  —na ring tumata—

USEC. IGNACIO:  Okay. Nagkaroon yata ng problema sa ating linya ng komunikasyon with Sec. Vince Dizon.

Secretary? Opo, go ahead, Secretary.

Okay, nagkaroon ng difficulty ang ating linya ng komunikasyon kay Sec. Vince Dizon. Pero kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at panahon, Sec. Vince Dizon.

Samantala, sa puntong ito makakausap natin si Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana.

Magandang araw po, Ambassador.

AMBASSADOR STA. ROMANA:  Magandang araw din sa iyo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ambassador, alam po natin naman na ang China po iyong naging epicenter ng COVID-19. Sa tala po ngayon ng Johns Hopkins, kahapon nasa ika-18 puwesto na lamang po ang China sa may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Ito po ay may 84,209, ibig sabihin po na bumaba na ang bilang ng kaso ng virus sa bansa. Sa tingin po ninyo, ano po iyong malaking impact ng teknolohiya gaya po ng robots in fighting against COVID-19?

AMBASSADOR STA. ROMANA:   Well, dito sa Tsina, technology played a key role, ginamitan nila ng—iyong contact tracing, mayroon silang app na ginamit, iyong sa telepono at iyong paggamit din ng AI or artificial intelligence para sa mga kaso at sa… both sa tracing at sa treatment.

Basically, the Chinese approach maski iyong paggamit ng drones noong kasalukuyang laganap iyong epidemic, they use it, drone technology. So technology… they employed a lot of technology to be able to control the epidemic.

Ngayon, mahusay na ang kondisyon dito, ginagamit naman nila ito para to… basically to monitor iyong movements kapag pupunta ka sa isang restaurant or lilipad ka sa eroplano or sasakay ka sa tren, tsinitsek nila iyong app sa phone kung saan ka nanggaling noong past two weeks or mayroon silang color coding kung clear ka for travel or kung dapat bantayan or hindi ka puwede.

So, they employed a lot of technology and this is one lesson we should learn and I think we’re doing it sa Philippines now iyong—it’s very important, particularly for contact tracing as well as for tabulating data to be able to tabulate the cases.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ambassador, gaano po ba karami ang bilang ng mga Pilipino na nagpositibo po sa COVID-19 sa China?

AMBASSADOR STA. ROMANA: Well, we are happy to say na sa Philippine community dito halos COVID-free ang Philippine community ‘no, and I’m talking of mainland China not including Hong Kong, Macau and Taiwan. Dito sa mainland China, isa lang ang reported case ng Filipino na na-infect.

USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador?

AMBASSADOR STA. ROMANA: Yes, can you hear me?

USEC. IGNACIO: Yes, go ahead po, Ambassador.

AMBASSADOR STA. ROMANA: Can you hear me now?

USEC. IGNACIO: Yes, Ambassador, I can hear you.

AMBASSADOR STA. ROMANA: [OFF MIC] stranded siya muna sa Manila and then bumalik siya dito kasi nandito iyong trabaho niya, pag-landing niya sa airport, na-detect na mayroon siyang COVID kaya diretso sa quarantine and sa hospital; and that was still in March. He’s now been discharged and he is now recovered and back to work, aside from that the Filipino community – not a single case. We are—it’s a COVID-free Filipino community here.

USEC. IGNACIO: Opo. Patungkol naman po sa pag-repatriate sa mga OFW, ilan na po ba iyong napauwi sa Pilipinas? At may coordination ba ang concerned agency na maaari pong magbigay ng assistance sa ating mga OFW?

AMBASSADOR STA. ROMANA: Well, ang problema ngayon basically is walang halos flights. There was a time na there were no flights between… no direct flights between Manila and Beijing or between the Philippines and China. Ngayon lang nag-umpisa uli, Chinese airlines flying once a week ‘no. Kaya maraming Pilipino na naghihintay dito at nais na umuwi ‘no. Ang bilang namin dito sa mainland is almost 265 na Filipinos na either nawalan ng trabaho, natapos ang kontrata or nais nang bumalik. Ang problema ngayon is really waiting for the resumption of flights. Kasi once a week lang iyong flight and hindi pa nari-resume iyong Philippine Airline, Cebu Pacific kaya mataas ang presyo, kaya it’s difficult for them to afford it. And those that are asking for help because of the price right now were also waiting for the price to go down. Pero basically, it’s the availability of flights.

As for iyong unang nakauwi, ano pa ito, Pebrero pa ito, iyong galing sa Wuhan ‘no, a group of almost 40 Filipinos, that one was in cooperation with DFA of course and DOH. Mayroong pailan-ilan na Pilipino na nakakabalik pero halos bihira; karamihan ay naghihintay dito sa China. [Garbled] sa Beijing almost 59. Mayroon sa Shanghai. Pinakamadami, Shanghai at saka Guangzhou, mga Filipinos doon na naghihintay umuwi. Sa Guangzhou, halos 74; sa Shanghai we have 67 who are listed. So, they are in different places sa China pero we are hoping na ma-resume ang flights.

Ang problema kasi sa China ngayon, resume na kaya lang mahigpit pa rin sila pagdating sa international departure and arrival. Kaya limited because limited pa iyong flights. Kaya na-normalize na ang domestic flights pero international flights ay hindi pa normalized ‘no. Kasi halos nahinto na dito iyong domestic transmission, konti na lang ang daily cases dito ‘no. Kahapon, ang reported ay 11; tapos sa Beijing halos 55, 56 days na walang kaso. Nagkaroon na lang kahapon na-report ang isa. At pinaghihinalaan na most of these cases are due to imported, meaning, mga Chinese who come back from abroad. Dahil dito mahigpit sila doon sa pag-resume ng flights, and this is affecting the plight of Filipinos here particularly those who lost their jobs, who want to go home or whose contracts have expired.

SEC. ANDANAR: Mula noong unang pagtapak ninyo sa bansang China noong 1971 sa edad na 23, paano ninyo po ibinabahagi ang inyong mga naging karanasan bilang head ng youth delegation na naimbitahan ng China Youth Association sa mahabang panahon ng inyong pamamalagi sa bansang China sa mahigit na apat na dekada?

AMBASSADOR STA. ROMANA: I think my stay here has helped a lot in terms of broadening my outlook, learning more about China, learning about the Chinese mindset. So, it gives me a good view in terms of what are the concerns, anong … what are the daily concerns of Chinese, what is it that makes China ticked.

Noong dumating ako dito, China was still a third world country. Iyong airport noon sa Beijing, hay naku, wala sa kalingkingan ng NAIA ‘no. It was a very small airport. Tapos gabi noon, pagdating doon sa Beijing, madilim ang Beijing. It was like a provincial town in China or even compared to a provincial town in the Philippines. What I didn’t expect and what I was amazed was when I witnessed the transformation from a developing country or a third world country, a very poor country na now is a second biggest economy in the world. And now it is actually not only a regional power but a major world power.

So, it also gives me a deeper understanding ng kanilang history ‘no, they went through—I mean, one of the amazing things is that, for centuries before, China was a leading power not only in Asia but in the world. There were more developed than Europe, until the industrial revolution, you know, the west was able to develop. And then, sinakop naman ng western powers ang Tsina and they went through a hundred years na naging halos colony sila, or semi-colony of different powers, western powers.

And they went through war, revolution kaya the China that I saw was very poor ‘no, but egalitarian – China. At ang lesson really dito is how a country can pull itself up, can particularly develop and be able to solve the issue of absolute poverty ‘no, almost 800, 000, 000 even according to the estimate of the World Bank, ang natulungan nila to be able to get out from poverty. At this year, they are trying to eliminate absolute poverty completely. Ang poverty rate nila ngayon is less than one percent na lang, and they are trying to reduce it to zero.

Of course, mayroon pa rin silang mga problema na income and inequality, relative poverty, lalo na ngayon, urban unemployment pero it’s a big case study in development. Iyon ang aking malaking natutunan dito na a country as big as China was able first to feed itself just enough, barely. Mayroon pa nga dito na rasyon-rasyon, iyong rasyon ng—of course, I was a foreign guest kaya mahusay ang trato sa iyo ‘no. Pero kapag pumunta ako sa Chinese restaurant, humihingi sila ng kupon, hindi lang pera ha. Pera, hindi sapat na may pera ka; importante na mayroon kang kupon kasi rasyon, iyong flour, iyong wheat, iyong rice. Maski iyong bumili ka ng tela, rasyon din iyon ‘no, bisikleta, hindi ka basta-basta makakabili ng bisikleta – they rationed it ‘no.

So, dati noon, kapag dayuhan, pupunta ka lang sa Friendship Store, kasi iyon ang pinakamahusay na ano. Ngayon ang Friendship Store nalugi na; natalo na ng mga private enterprise. This was the product of economic reform. So, it’s quite a story. It’s quite a case study in development. And it’s actually a big case study for third world countries, for the Philippines because we still have a major problem in terms of poverty alleviation, economic development.

So, there are practices here that we could learn from. Of course, they have a different social system. Iba ang sistema natin sa Pilipinas. But, I think, there are certain best practices particularly dito sa pagpuksa ng COVID, sa economic development, poverty alleviation and technology ‘no. Dito ngayon, hindi na ako gumagamit halos ng cash. Kapag pumunta ako sa tindahan, dala ko lang telepono tapos mayroong digital payment linked to the bank.

So, this is something—at saka noong buong lockdown, halos hindi ako lumalabas dito sa Beijing because, you know, I wanted to order. Iyong kanilang online delivery service was so advanced that I could keep on ordering that or whatever I wanted to eat, and they would deliver it.

So, there are a lot of practices here that are worthy of emulation. Of course, there are positive and negative examples ‘no, positive lessons. But the key is how to apply it to the Philippine conditions.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador to China Jose Sta. Romana. Mang-ingat po kayo sir, mabuhay po.

Para naman alamin ang kasalukuyang seguridad ng bansa, ngayon naman ay makakausap natin si Defense Secretary Delfin Lorenzana. Magandang araw po sa inyo, Sec. Del.

SEC. LORENZANA: Magandang tanghali, Sec. Martin. Happy Independence sa inyong lahat diyan.

SEC. ANDANAR: Sa pagbisita kamakailan ng ating mga opisyal ng DND at AFP sa Pag-asa Island para sa pagbubukas ng katatapos lang na proyekto na beaching ramp, kumusta po ang inyong pagbisita sir, ano po ang nakita ninyo?

SEC. LORENZANA: Maganda, ibang-iba sa nakita ko noong 2017 noong nagpunta kami doon dahil hindi makalapit iyong mga barko natin para mag-unload ng kanilang mga cargos kaya hirap na hirap iyong mga tao doon na magdala ng mga supplies. So ngayon, itong nakikita mo ngayon, itong approach, nandiyan iyong beaching ramp. Iyong beaching ramp ay isa iyong… lalapit iyong barko natin at ilalapag niya iyong kaniyang rampa at doon na ilalabas iyong mga supplies.

So kung nakita mo kanina Sec. Martin, iyong parang sira doon na dulo ng airstrip eh na-repair na rin iyon, iyon ang ginawang beaching ramp, iyong dulo na parang na nauubos ng erosion. So ngayon, ‘yan oh, iyong nakikita mo diyan iyong parang triangle, [garbled] na ‘yan at nandiyan iyong beaching ramp natin sa tabi niyan.

Ang next na project natin ay repair naman noong airstrip kasi kung—tingnan mo iyong paligid ng airstrip ay naubos na ng erosion iyong iba-ibang parte niyan. So iyon muna ang gagawin ng ating contractor, iyong pag-repair; pagkatapos na ma-repair iyong mga paligid niyan ay sisementuhin na natin iyong airstrip.

Pagkatapos masemento noon ay saka pa siguro—‘pag sinisemento natin iyong airstrip ay baka puwede na nating isabay iyong paggawa noong mga facilities diyan, iyong paggawa ng mga bahay ng ating tropa, bahay ng mga tao kasi may population iyan eh, may mga sibilyan, mga bata. I think there are about 200 children there. Then magdadala tayo ng mga generators nila diyan, mga water purification system at kung anu-ano pang kailangan ng mga tao diyan sa Pag-asa.

So maganda itong nangyari Sec. Martin, dahil ito nga iyong umpisa ng tuluy-tuloy na rehabilitation noong Pag-asa Island.

SEC. ANDANAR: Gaano ba kaimportante ang proyektong ito para sa ating mga kababayan?

SEC. LORENZANA: Importante Sec. Martin, dahil iyon ang ating pinakamalayong outpost natin diyan sa Spratlys, kasama iyan sa Kalayaan Island group, siyam ang island natin diyan, hindi lang mga reefs iyan kundi island. Ito na iyong jumping board ng ating mga gagawin pa sa ibang isla.

Isa pa, importante rin ito sa mga darating na araw kasi baka puwede nating gawing scientific research station iyan ng ating mga—iyong mangingisda or fisheries para mapaunlad natin iyong ating fishing industry. Iyong paligid kasi niyan Sec. Martin kung titingnan mo mababaw iyan eh. Noong nandoon kami, mayroon din kaming nakikitang mga ilang… siguro mga tatlo or limang fishing boats ng mga Chinese.

Ngayon tinatanong ako noong mga tao kung bakit wala tayong mga ganoong fishing boats diyan. Ang sabi ko naman, dahil karamihan sa ating mga pang-isdang bangka ay kahoy pa, hindi makarating diyan at saka maliliit. Mas gusto nilang mangisda sa Scarborough Shoal at saka sa Mischief Reef dahil mas malapit sa Luzon. Dito malayo na masyado, about 2 hours by plane, C-130 so hindi nakakapunta diyan iyong ating mga maliliit na bangka. Pero iyong malalaking steel hulled fishing boats ng China ay madaling makapunta riyan. So hopefully later on, magkakaroon tayo ng ganoong malalaking bangka at makapunta tayo diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bibigyang-daan ko lang po iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media. Mula po kay Joseph Morong ng GMA News: Ano daw po ang mas magandang community quarantine sa Metro Manila after June 15 considering magtatag-ulan na po at magkakaroon ng mga prone to flu and maybe more COVID infection?

SEC. LORENZANA: Ano ang mas magandang procedure ng quarantine? Marami kasing factor niyan Usec. Rocky, ito iyong pinag-aaralan ngayon ng DOH kasi sila iyong mayroong mga detalye or data about iyong kung ano pa iyong mga lumalabas, kung saan lumalabas iyong mga infection. So personally, gusto ko nang luwagan itong Metro Manila, maging MGCQ pero depende pa rin iyan sa magiging rekomendasyon ng Task Force kung ano ang mangyayari sa Metro Manila.

Pero although halos lahat kami ay gusto nang pumunta sa MGCQ, depende pa rin iyon sa mga darating na araw kung ano iyong development ng infection sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: So Secretary, pinag-aaralan pa rin pong mabuti ng IATF kung talagang pupuwede na po mapunta na from GCQ to MGCQ ang Metro Manila?

SEC. LORENZANA: Oo, tama iyan Usec. Rocky. Wala pa kaming concrete na proposal ngayon, so ngayong… from now up to Monday, saka sa Monday kasi mayroon kaming IATF meeting with the President sa Davao, baka doon na niya i-announce kung ano na iyong status ng mga areas especially itong GCQ, itong Metro Manila at saka Cebu, specifically Metro Manila saka Cebu dahil ito iyong mga lugar na maraming infection.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary follow up lang po ng ating mga kasamahan. Ano daw po kasi iyong parang nagiging basehan ninyo, dahil po ba daw iyan sa ating mga datos pa rin na nakukuha mula sa DOH kaya nagkakaroon po ng ganiyang diskusyon or plano pa ang IATF?

SEC. LORENZANA: Tama iyon Usec. Rocky, hindi naman tayo makakawala doon sa mga rekomendasyon ng DOH dahil nasa kanila iyong data kung ilan iyong namamatay, ilan iyong infection everyday, ilan iyong recoveries. Ito iyong mga pinakaimportanteng bagay na talagang pagbabatayan ng desisyon kung ano ang gagawin sa Metro Manila at saka sa Cebu.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, balikan lang po natin iyong Pag-asa Island, may mga tanong pa rin po kasi dito. Ano daw po iyong mga susunod na proyektong nakalatag para sa patuloy po na pag-develop at pagpapatibay ng nasabing isla?

SEC. LORENZANA: Ang susunod niyan pagkatapos noong beaching ramp ay iyong pag-repair ng runway, i-repair muna natin iyong runway, iyong mga dulo, iyong tagiliran dahil nakain na iyon ng dagat. After repairing the runway ay concreting naman, sisementuhin natin iyan. Pagkatapos noon ay saka tayo makakapag-rehab o makapag-construct noong mga facilities doon sa Pag-asa. Makakapagdala tayo nang malalaking generator para sa kanilang elektrisidad at saka siguro iyong water purifier para sa kanilang tubig. Iyon ang ating mga proyekto sa susunod na mga buwan o next year, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir bukod po diyan, anu-ano pa daw po iyong mga proyekto namang nakasalang at pinaplano ng kagawaran para po sa hinaharap?

SEC. LORENZANA: Proyekto sa Pag-asa?

USEC. IGNACIO: Opo.

SEC. LORENZANA:  Iyon na nga, iyon ang sinabi ko. Iyong lahat ng construction na gagawin natin, iyong airport, iyong facilities, iyong mga quarters ng mga tropa doon at iyong mga bahay ng mga residents. Mayroong ginawa doon iyong DOTr at saka iyong Department of Agriculture, iyong Bureau of Fisheries Industry, iyong BFAR, ang tawag nila ay fishermen’s shelter. Ang shelter na ito ay iyong puwedeng pagtaguan ng ating mga mangingisda kung maabutan sila ng masamang panahon sa laot diyan sa may paligid ng plaza.

USEC. IGNACIO:  Secretary pasensiya na po ha, may mga tanong pa rin  sa pagpasa daw po ng Senado at Kongreso sa anti-terror bill sa gitna po ng pandemya, ano po ang inaasahan ninyong magiging papel ng DND ukol dito sa oras na pirmahan po ni Pangulong Duterte at tuluyang maging isang ganap na batas ito?

SEC. LORENZANA:  Ang epekto po Usec. Rocky, itong bagong batas na ito kung mapirmahan ni Presidente ay mas maganda iyong ating magiging—kumbaga sa ano ay magkakaroon ng mas malakas na procedure o magkakaroon ng ngipin iyong ating law enforcement agencies para pigilan itong mga terorista. Gusto kong sabihin sa mga mamamayan na ang batas na ito ay para sa terorista lamang, iyong mga nagbabalak, gumagawa at gumawa na ng terroristic act, ito ang sakop niyan.

Huwag matakot iyong mga demonstrator, kasi hindi naman saklaw ng batas na Anti-Terrorism Bill itong nagde-demonstrate against the government, wala po iyon – protektado ng ating Constitution iyong freedom from assembly, iyong freedom to assemble or to group together to express your dissent. Ang pinakamandang part ng batas ay iyong kapulisan ay magkakaroon sila, may dagdag na – dagdag lang na power, hindi naman absolute na power para habulin at hanapin itong mga terorista.

USEC. IGNACIO:  Iyon po iyong parang magiging pagtiyak po ninyo, kasi may mga kababayan po tayo na tila alinlangan po dito sa naturang panukalang batas?

SEC. LORENZANA:  Naiintindihan naman namin iyon, Usec. Rocky iyong kanilang pag-alinlangan, sabi nga nila baka maabuso itong batas na ito. Mayroon namang mgaprovision doon na nagpapataw nang malaking kaparusahan sa mga kapulisan o military na mag a-abuso nitong batas na ito. Sabagay lahat ng batas puwedeng abusuhin eh, so hindi na siguro exemption itong batas na ito, pero marami tayong safeguards  lalo na iyong chain of command natin, at saka iyong mga korte natin, kasama rin ang korte dito at saka iyong Anti-Terrorism  Council.

So, huwag pong mababahala iyong mamamayan na abusuhin itong batas na ito, dahil hindi po papayagan ng leadership ng kapulisan at saka military na maabuso itong batas na ito.

USEC. IGNACIO:  Opo. Samantala, Secretary, sa pamamagitan po ng inyong programa na Kapwa ko, Sagot ko ay marami po sa ating mga kababayan na naabutan ng tulong. Sa ngayon ano na po ang update sa programang ito?

SEC. LORENZANA:  Tuluy-tuloy pa rin Usec. Rocky. Ang mga kasundaluhan ay patuloy silang tumutugon sa mga nangangailangan, every day that happens, nandoon sila. Kasi alam mo naman iyong ating mga kasundaluhan ay nasa kabuuan ng ating bansa at sila ay nakakaalam kung sino ang mga nangangailangan at iyon ay tinutugan nila kaagad.

USEC. IGNACIO:   Secretary, sa programa naman pong Balik Probinsiya, Balik Pagasa Program ng gobyerno, ano po ang magiging role ng DND  sa pagtulong po sa ating mga kababayan na nagdesisyon na pong tumugon sa panawagan ng pagbabalik probinsiya?

SEC. LORENZANA:  Malaki Usec. Rocky, kasi alam mo naman maraming lupa itong Philippine Army;  Philippine Army ay isa sa pinakamalaking ahensiya ng gobyerno na nagmamay-ari ng lupa, eh ang parte niyan, ang part ng mga lupang iyan ay puwede nating ibigay sa mga taong babalik sa probinsiya na gawin nilang magpa-farming, iyong mga gustong magsaka ay mababahaginan  sila ng lupa ng Philippine Army.

Sa katunayan nga mayroon ng 1, 200 hectares na kinukuha ng Department of Agrarian Reform sa may Talakag, Bukidnon na ito ay bahagi ng kampo ng Philippine Army. Hinahanapan pa namin sila iyong mga darating na araw, iyong mga taong babalik sa probinsiya kung saan pa kami puwedeng magbigay ng parte ng mga kampo para sa kanila. Tutulungan din namin iyong mga tao na iyan kasi malapit sila sa kampo kung papaano nila mapaunlad iyong kanilang mga sakahan. 

USEC. IGNACIO:  Opo. Secretary, kasi po gustong bigyang daan muna ng ating pamahalaan iyong ‘Hatid Tulong’ dito sa bansa para po iyong mga stranded nating kaababayan na gusto na talagang umuwi rin sa kani-kanilang mga probinsiya. Ano  po  ang koordinasyon na ginagawa  po ng DND sa iba pang ahensiya ng gobyerno kasi alam po natin na  marami po talagang stranded dito  sa Metro Manila  at sa iba pang mga lugar dahil po sa COVID-19?

SEC. LORENZANA:  Usec. Rocky, iyong una nating pinagtuunan ng pansin ay mga 40,000 na, na OFWs na nagdatingan mula noong Abril. Iyon ang ating pinagtuunan ng pansin, dahil sila iyong talagang transiting lang sila mula middle East o sa ibang parte ng daigdig dadaan lang sila sa NAIA tapos uuwi na  sa kanilang mga probinsiya – so iyon ang pinagtuunan natin ng pasin.

Ngayon, medyo kumokonti na lang iyong mga OFWs, ito namang mga locally stranded individuals ang ating pinagtutuunan. Ngayon kung sila ay pupunta sa probinsiya na kailangan ng eroplano  ay nagagamit natin, pinapagamit natin  iyong ating Philippine Air Force planes  na magdala nitong mga locally stranded  individuals sa kanilang  mga probinsiya. Iyon namang mga nangangailangan ng bus ay katulong natin ang DOTr na magpo-provide sila ng mga sasakyan, mga buses para dalhin sa kanilang probinsiya.

Pero ang pinakamalaking problema natin, Rocky ay iyong mga locally stranded na nasa airport ngayon.  Ang nangyari kasi itong mga taong ito ay naabutan sila ng COVID-19 lockdown, ito iyong mga galing sa probinsiya na nandito sa  Maynila na mayroong  mga booked ticket, mayroon na silang  ticket sa eroplano kaya lang wala munang lipad ang mga commercial flights, so hindi sila makalipad.

Ang ginawa nila, dahil siguro nabalitaan nilang nagbibigay ang Philippine Air Force ng libreng sakay ng eroplno papunta sa probinsiya ay nagdagsaan sila sa airport. Sabi ko nga dapat ay mapigilan natin iyong mga taong iyon na umalis sa kanilang tinitirhan ngayon at pumunta sa airport, dahil kung wala silang scheduled na flight ay talagang magtatagal sila sa airport para maghintay ng mga eroplano.

Hindi naman karamihan iyong ating Air Force planes marami ring ginagawa iyan tulad ng paghahakot ng  mga supplies, medical supplies mula nga sa abroad, sa China. At saka dito rin, paghahatid ng mga supplies from Manila to the provinces. Kaya kulang iyong ating eroplano, kaya kung puwede lang sana iyong mga stranded dito sa Manila, huwag muna kayong pumunta sa airport  kung wala kayong masakyan, dahil baka magtagal kayo doon ay wala namang  facilities doon sa airport na puwede kayong tumira doon, na puwede  ninyong gamitin.

USEC. IGNACIO:  Secretary, ngayon po ay ipinagdiriwang natin ang Independence Day, ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan?

SEC. LORENZANA: Ang mensahe ko ay ipagdiwang natin ito, pasalamat tayo sa mga taong nagsakripisyo noong nakaraang araw para tayo ay  makamit natin itong ating kalayaan. Siguro magsama-sama tayo para mapanatili natin itong ating kalayaan, hindi lang sa kalayaan sa pananakop ng ibang bansa, pero kalayaan din sa mga – tinatawag natin sa English ay ‘freedom from poverty, freedom from want’ para lahat tayo ay maging maunlad at maging matiwasay ang ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po, Defense Secretary Delfin Lorenzana. Mabuhay po kayo. Stay safe, Secretary.

SEC. LORENZANA: Kayo din, Usec. Rocky. Salamat din. Thank you for having me.

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, dumako naman po tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Mula sa Philippine Broadcasting Service, makakasama natin si Czarina Lusuegro.

[NEWS REPORTING BY CZARINAH LUSUEGRO]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Czarinah Lusuegro. Magbibigay din ng pinakahuling balita si Breves Bulsao mula sa PTV Cordillera.

[NEWS REPORTING BY BREVES BULSAO]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Breves Bulsao.

SEC. ANDANAR: Mula naman sa PTV Davao, may ulat si Julius Pacot. Maayong udto nimo, Julius.

[NEWS REPORTING BY JULIUS PACOT]

SEC. ANDANAR: Daghang salamat, Julius Pacot.

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary, dumako muna tayo sa pinakahuling tala ng DOH tungkol sa COVID-19 cases sa bansa. As of June 11, 4 P.M. mayroon na po tayong 24,175 confirmed cases; 1,036 po ang bilang ng mga nasawi ngunit patuloy na tumataas ang bilang ng mga gumagaling sa sakit na pumalo na po sa 5,165. Kaya naman mahigpit pa rin ang ating paalala sa lahat ng physical distancing, pagsusuot ng facemasks at palagiang paghuhugas ng kamay. Hangga’t maaari kung hindi naman kinakailangan, huwag na munang lumabas ng bahay. Kaya bahay muna, buhay muna.

SEC. ANDANAR: Samantala, binigyan-diin naman ni Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairman at CEO Andrea Domingo ang mahalagang papel na gagampanan ng local gaming industries sa ating ekonomiya para sa post-COVID-19.

Sa kaniyang talumpati sa pagsisimula ng pagpupulong ng ICE-SiGMA Asia DIGITAL, isang free online conference noong June 8, 2020, sinabi niya na ang muling pagbabalik ng gaming operation sa bansa ay hindi lang maaaring makatulong sa PAGCOR at pamahalaan kung hindi maaari din itong maging daan sa pagkakaroon ng economic activities at employment opportunities sa bansa.

Ayon kay Chairman Domingo, bukod sa kanilang kontribusyon na 12 billion cash dividend sa National Treasury, aniya nagbigay din sila ng 2.5 billion sa Office of the President na layong makatulong sa Department of Health para sa pagbili ng personal protective equipment at iba pang medical supply na makatutulong sa kanilang paglaban sa COVID-19.

Dagdag pa riyan, nagbigay din ang PAGCOR ng tinatayang 12 billion para sa socio-civic projects fund ng Office of the President. Aniya, mapupunta ang ibang bahagi ng nasabing halaga para sa pamamahagi ng libreng gamot sa mga ospital ng gobyerno at mga opisyal ng militar.

Samantala, bilang regulator at operator ng mga casino sa bansa, sinisiguro daw niya na puprotektahan ang mga maglalaro at titiyaking maayos ang pagiging pagkolekta sa government revenues.

Umaasa naman si PAGCOR Chairman Domingo na muling magpapatuloy ang operasyon ngayong buwan o sa unang linggo ng Hulyo.

USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga mahahalagang impormasyon na aming nakalap ngayong araw. Muli, maraming salamat po sa mga nakausap natin kanina sa inyong paglalaan ng oras sa ating programa. Asahan ninyo na patuloy naming ihahatid ang mga mahahalagang balita na kailangan ninyong malaman.

SEC. ANDANAR: Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Sa RPN, maraming salamat po, diyan sa Surigao at sa buong RPN nationwide.

Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Muli, Happy Independence Day. Pero bago po tayo magtapos, hahandugan tayo ng makabayang awitin ngayon, ngayong araw na ito, Araw ng Kalayaan. Makakasama po natin ang mga miyembro ng Civil Relations Service Armed Forces of the Philippines Band. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Enjoy the music.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)