Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga, Pilipinas. At pagpupugay sa lahat ng ating mga kababayan na nasa iba’t ibang parte ng mundo, ganoon din po sa lahat ng mga nakasubaybay ngayon sa kani-kanilang mga telebisyon, radyo at sa online streaming. Mula sa Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO:  At ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio, kasama ninyong magbabalita patungkol sa health crisis na kasalukuyan na nating nararanasan hindi lamang po dito sa bansa, kung hindi sa buong mundo.

SEC. ANDANAR:  Basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito kaya naman halina at samahan ninyo po kaming muli dito po sa Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: Makakasama rin po nating magbabalita si Dennis Principe mula sa Philippine Broadcasting Service – Radyo Pilipinas. Magandang umaga sa iyo.

At para naman po sa pinakaunang balita, Pangulong Rodrigo Duterte muling nagbigay paalala sa pagharap ng bansa sa COVID-19 crisis. Pinasalamatan ng Pangulo ang mga military personnel na matiyagang nagbabantay at nagpapatupad ng protocol kaugnay ng Enhanced Community Quarantine. Ayon din sa Pangulo, kulang pa ang mga Personal Protective Equipment para sa mga medical frontliners. Hinikayat din niya ang DOST at FDA na doblehin ang kanilang workforce at mag-employ kung kinakailangan ng mga bagong medtech at healthworkers.

Pinaalalahanan niya rin ang mga qualified SAP beneficiaries na hindi nakatanggap ng ayuda na magtungo sa kanilang mga barangay o munisipyo para i-report ang kanilang sitwasyon. Kasalukuyan ding pinaplantsa na po ang guidelines para sa General Community Quarantine kung saan mararanasan ang ‘new normal’ sa ilalim nito. Modified na ang public transportation at may ilang business establishments na rin na magtutuluy-tuloy ang operasyon pero may protocol na dapat sundin.

Hinikayat ni Pangulong Duterte na makipagtulungan ang lahat upang tuluyang masugpo ang COVID-19 crisis.

SEC. ANDANAR:  Samantala, tanggapan ni Senador Bong Go nagbigay ng tulong sa mga frontliners sa Tagum City at ilang donasyon sa Davao Regional Medical Center. Nagpamahagi ng ilang sako ng bigas ang opisina ni Senador Bong Go sa mahigit pitumpu’t isang frontliners kabilang ang ilang mga doctor, nurse, radiologist, technicians, ambulance drivers at utility workers sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City, Davao Del Norte. Nagbigay din sila ng one unit of non-invasive ventilator with humidifier and heated tube na magagamit ng ospital para sa mga pangangailangan ng mga pasyente na may respiratory infections. Lubos naman ang pasasalamat ng Davao Regional Medical Center sa donasyon na kanilang natanggap.

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin na natin ang pinakahuling bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. As of 4:00 P.M. ng April 27, 2020, ayon po sa tala ng Department of Health, mayroon nang 7,777 cases ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Siyam na raan at tatlumpu’t dalawa ang naka-recover na mula sa sakit at limandaan at labing-isa naman po ang pumanaw.

SEC. ANDANAR:  Bayan, hinggil naman po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19 ay tumawag lang po sa (02)8942-6843. Para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, mangyaring i-dial ang 1555. Maaari ninyo ring tawagan ang hotline numbers ng iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita ninyo sa TV screens.

Upang maging updated sa mga hakbangin ng pamahalaan kontra COVID-19, ay magtungo po sa aming COVID-19 portal, bisitahin lamang po ang www.covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Secretary?

SEC. ANDANAR:  Oo, alam mo, Usec. Rocky, dahil siksik ang ating diskurso at talakayan ngayong araw ay simulan na natin ang ating Public Briefing. Sa kabila ng banta ng COVID-19 sa kalusugan ng bawat indibidwal, patuloy pa rin ang kanilang serbisyo at malasakit para sa ating bayan.

Makakasama natin ngayon ang mga nangunguna po sa pagpapaigting ng seguridad sa bansa at walang kapagud-pagod sa pagseserbisyo sa ating mamamayan, sina Secretary Delfin Lorenzana ng Department of National Defense at si Secretary Hermogenes Esperon, Jr., ang National Security Adviser at Director General ng National Security Council. Magandang umaga po sa inyong dalawa, Sec. Del at Sec. Jun.

SEC. LORENZANA: Magandang umaga naman, Martin at Rocky.

SEC. ESPERON: Magandang umaga, Sec. Mart.

SEC. ANDANAR:  Sec. Del, ano po ang latest updates sa mga health related donations na dumadating po sa ating bansa?

SEC. LORENZANA: Maganda naman Sec. Martin, katunayan nga noong Linggo ng hapon, tinanggap ko na naman—nawala, hello?

SEC. ANDANAR:  Go ahead, Sec. Del, naririnig ka namin.

SEC. LORENZANA: Katunayan noong Linggo ng hapon, tinanggap ko iyong mga donasyon ng Gatchalian Family – sina Senator Gatchalian at Congressman Gatchalian – sa airport. Isang C-130 na puno ng mga gamit, PPEs at saka iba pang kagamitan laban sa COVID na nagkakahalaga nang mahigit sa tatlumpung milyong piso. At saka araw-araw mayroon ding natatanggap iyong ating OCD na mga donasyon din ng mga business communities saka organizations dito sa Metro Manila.

Itong mga gamit na ito ay iniimbak sa Office of Civil Defense dito sa Aguinaldo at saka diyan sa Villamor Airbase, at sila ngayon iyong namamahala, iyong OCD. Actually ang namamahala talaga diyan si Secretary Galvez as Implementer, aalamin nila iyong mga nangangailangan at pinapadala natin. Hindi na kailangang pumunta dito iyong humihingi kundi kami mismo, iyong OCD mismo, sa tulong ng Air Force at saka ng AFP na magdala ng mga supplies sa mga nangangailangang ospital sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Secretary Lorenzana, may naging epekto po ba ang Chinese radar gun incident sa West Philippine Sea doon po sa mga shipments ng donation ng medical supplies mula sa China? At ano rin po iyong update doon sa gun pointing incident na ito?

SEC. LORENZANA: Wala naman, Rocky. Wala naman—hindi naman kasi konektado iyong pointing ng laser gun doon sa mga nagbibigay ng mga donasyon sa China, na galing sa China. Ang update natin diyan, ang ating pagkakaalam diyan sa laser gun ay hindi naman iyan offensive masyado. Kaya lang ito nga, iyong radar gun na iyan ay target acquisition iyan. Para bang kung gagamitin nila iyong kanilang missile ay iyon muna iyong uunahin, iyon muna ang uunahin nilang itutok para nakikita nila iyong target.

So sa bandang iyan, eh medyo offensive na nang konti iyong ano nila … it’s offensive also dahil bakit kailangan nilang itutok iyong kanilang target acquisition radars sa ating eroplano o barko. Ang sa atin po naman sa mga [garbled] sa ating mga Navy at saka Air Force ay parang ang katulad niyan, hindi naman siguro nila papuputukan ng missile iyong ating mga barko at saka eroplano. Pero ito ay katulad lang noong kanilang ginagawa tuwing tayo ay dadaan diyan sa West Philippine Sea within our EEZ, at tsina-challenge tayo, na ang sabi eh ‘You are traversing Chinese territory’.

Pero ang sinasagot naman ng ating mga barko at saka eroplano ay we are travelling within our EEZ or in Philippine territory. So sagutan lang nang sagutan mga iyan, sagutan lang nang sagutan. Every time na dumaan ang ating mga barko at saka eroplano diyan ay nagkakaroon ng ganoong exchange. So itong latest na radar gun eh hindi naman siguro nila gustong saktan or harm our—parang ano lang ito, siguro sinusubukan lang nila kung ano ang reaction natin. And we have already filed a protest to the Chinese government.

SEC. ANDANAR: Ano po ang reaksiyon ninyo sa statement ni Pangulong Duterte na, “I’m calling on the AFP to innovate, kawawa ang sundalo. Kayo never surrender, don’t ever raise your hands.”?

SEC. LORENZANA: Secretary Martin, matagal na rin namin itong tinututukan, ng AFP, noon pang mag-umpisa si Presidente ay mayroon na tayong mga kasong of this diyan sa Jolo. Sa katanuyan ay hindi ito iyong huling pagpugot nila ng ulo ng mga sundalo natin na napatay. Pinuntahan pa namin ni Secretary Esperon at saka iyong Chief of Staff sa Jolo at sabihin sa kanila na sila ay mag-ingat at maghanda, paghandaan nila iyong pakikipagtunggali sa mga Abu Sayyaf dahil hindi naman pipitsuging kalaban iyan eh. Bigyan mo sila ng pagkakataon na patayin ka niyan, papatayin ka talaga ng Abu Sayyaf.

Kaya nga siguro natuto na ngayon… natututo na ang mga sundalo natin. Kaya si Presidente ay medyo ng alarma at sabi niya, ‘Gamitin ninyo naman iyong abilidad ninyo diyan; mag-innovate kayo. Do something other than what you are doing to defeat the enemy,’ iyan ang ibig niyang sabihin doon.

SEC. ANDANAR: All right. Secretary Jun, sinabi po ni Presidente Duterte kagabi sa kaniyang address na, “There is no more peace talks to talk about and I will never be ready for any round of talks kasi simple, the NPA, the Communist Party of the Philippines has no respect either for their spoken words or in their deeds of killing soldiers who are on humanitarian missions.” Ano po ba ang masasabi ng inyong tanggapan po, ano po ang repleksyon nito sa inyong tanggapan at ano po ang kanilang reaksiyon, Secretary Jun?

SEC. ESPERON: Sec. Martin, itong (garbled) Pangulo sa peace talks ay pagdidiin (garbled) posisyon na binitawan na niya November 2017; kung maaalala natin, pinatigil niya ang usaping pangkapayapaan noong November 2017. Bagama’t may mga attempts na ipagpatuloy pa rin ang peace talks ay ang nangyayari, tuwing mag-a-attempt na sisimulan ulit ay nangyayari iyong mga (garbled) kapag nagkaroon ng  peace talks ay nagkakaroon naman ng ceasefire ay nagkakaroon naman ng violations doon sa panig ng CPP-NPA na tinatawag na natin ngayon na communist terrorist group.

Ganoon pa man, patigil-tigil (garbled) kapayapaan, si Pangulong Duterte ay naniniwala pa rin na (garbled) ang magkaroon ng pagkakataon na mag-usap, ituloy ang usaping pangkapayapaan ay itutuloy niya alang-alang sa kapayapaan ng (garbled). Despite that position of the President (garbled) nitong panahon (garbled) unilateral ceasefire ay later on ay sumunod naman itong communist terrorist (garbled) ay napakarami nilang violation. At iyong dalawang pinatay na indigenous peoples leaders sa San Miguel, Surigao Sur. At ang pinakahuli ay dalawang sundalo na napatay sa Negros (garbled) at dito sa Luzon; at iyong harassment na naman sa Davao. Kaya hindi mo talaga mapagkatiwalaan na bigyan ng ceasefire ang mga ito dahil (garbled) iyong kanilang tinatawag nilang national democratic (garbled).

Dito nga sa Metro Manila, kanila pang (garbled) agitation/propaganda iyong ating mga kababayan diyan sa Quezon City para umalma, lumabas sa kalsada. Pero ang ginawa nila, nag-anunsiyo sila na parating na iyong food packages, hindi naman coordinated doon sa ating mga local government. Eh di siyempre nagalit iyong mga tao na akala mo (garbled). Ganoong klaseng agitation ang ginagawa nila. At saka ngayong panahon ng COVID-19, sa social media, sa totoo lang ay panay-panay ang kanilang labas at ang kanilang ginagawa (garbled) ginagawa ng gobyerno, at ang kanilang (garbled) ay Oust Duterte eh parang wala sa lugar kaya (garbled). Nagpasya na ang ating Pangulo na hindi na sila kakausapin sa peace talks muna. At matagal na naming recommendation nila Secretary Lorenzana, security sector at kami sa National Security Council na huwag na talagang ituloy itong pakikipag-usap sa kanila dahil wala naman tayong (garbled).

Ang gagawin na lang natin ay (garbled) sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng magandang development na tinatawag nating Barangay Development.

Kaya tama ang Pangulo na huwag nang ituloy itong peace talk dahil wala naman tayong mapapala doon sa pakikipag-usap sa kanila. Ang gusto lang talaga nila ay sila ang maging gobyerno, iyon ang kadulu-duluhan niyan.

USEC. IGNACIO: Secretary Esperon, pero sa kasalukuyan pong itong nararanasan natin sa COVID-19, ano po iyong mga hamon na pinagdaraanan ng security council na may kinalaman … nasa gitna nga po tayo ng krisis na ito, may mga communist terrorist group pa, ano po iyong … at papaano po ito iha-hande ng gobyerno?

SEC. ESPERON: Iyan ay (garbled) ang pinakamagandang sinasabi ng CPP-NPA-NDF ay good governance. Dito sa COVID-19 ay makikita natin ang good governance na pinapalakad ng ating gobyerno. Tinitingnan natin kung paano gumanda iyong ating healthcare system, iyong Social Amelioration Program, controlled opening of business dahil hindi natin kinakalimutan na kailangan ma-revive ang ating (garbled) iyong production kasi (garbled) task force, talagang binigyan-diin namin na lahat ng production (garbled) lalo na sa agriculture at saka fisheries and manufacturing (garbled) services ay maituluy-tuloy maski na mayroon tayong ECQ.

Kaya lahat ng propaganda nila, itong tawagin na natin communist terrorist group o kaliwa, ay hindi kumakagat dahil ang propaganda nila, sabi nila, ‘Solusyong medikal hindi solusyong militar.’ Eh hindi naman namin sinasabing solusyong militar ito kung hindi solusyong ekonomiya, solusyong pangkalusugan, solusyong pampalakas ng ating healthcare system. Sila, panay propaganda, panay kritiko.

Kaya sa tingin ko, dito natin makikita ang diperensiya ng CPP-NPA (garbled) ng gobyerno (garbled) at ang gusto lang nila ay magkaroon ng kaguluhan upang magkaroon sila ng (garbled) gobyerno.

Pero sa ginagawa ng ating Inter-Agency Task Force, sa ginagawa ng Pangulo sa tulong ng business sector, naipakita natin na maganda ang samahan – private and government sector, it becomes (garbled) nation activity, whole-of-nation approach (garbled) kaya nawawalan ng relevance iyong (garbled) na iyan, New People’s Army (garbled) dito tayo sa panahon na nakikita natin na wala silang naitutulong.

Ang nakakatulong, gawain ng gobyerno sa pakikipag (garbled) sa business sector at saka sa komunidad.

USEC. ROCKY: For Secretary Lorenzana. Secretary, ano na po iyong status ng 16.95 million na donasyon sa suweldo ng ating mga sundalo? Kasama din po ba kayo sa nag-donate, Secretary Lorenzana?

SEC. LORENZANA: Iyon ay ibabalik sa gobyerno, sa DBM, para maidagdag doon sa ating mga pondo para sa COVID. Kami naman—ako, in fact, kami ang naunang nag-announce, iyong Cabinet Secretaries, nag-announce kami noong siguro tatlong linggo na ang nakaraan na aming ido-donate ang 75% ng aming monthly salaries sa gobyerno pandagdag sa laban sa COVID. ¾ o 75% of our salary from April to December, iyon ang aming pangako, iyon ang aming pledge na contribution namin.

SEC. ANDANAR: Sec. Del, gaano po tayo kahanda sa pagpapatupad naman ng General Community Quarantine?

SEC. LORENZANA: Sa ngayon, Secretary Martin ay nasa ECQ pa iyong buong kapuluan ng Luzon at iyong mga probinsiya naman ay nagkaniya-kaniyang ECQ rin. Ngayon, itong ECQ na ito ay magtatagal hanggang a-treinta (30) ng Abril, pagdating ng Mayo 1 ay mag-iiba iyong mga status or iyong katayuan ng mga community quarantine sa buong bansa. Mayroong mga mananatiling ECQ, mayroon namang mado-downgrade sa General Community Quarantine.

Ngayon, ginagawa pa natin lahat iyong mga alituntunin na ipatutupad natin starting May 1st, iyon ang aming pinagkaka-abalahan ngayon sa IATF meeting. Pero sa ngayon ay maganda ang ating implementasyon ng ating lockdown sa buong bansa. Ako ay natutuwa dahil iyong mga local government officials natin ay hands on. Hands on nilang ipinatutupad din iyong quarantine protocols, kaya nga napipigilan natin iyong mabilis na pagtaas ng COVID virus dahil lahat ay tumutulong at nakikisama.

 USEC. ROCKY: For Secretary Esperon po, may katanungan po ang ating kasamahan dito sa MPC na si Jojo Montemayor ng Malaya. Ano daw po ang masasabi ninyo sa suggestion ni Justice Antonio Caprio to hold a joint patrols with Vietnam, Malaysia and even Indonesia in the South China Sea amid China’s alleged taking advantage of the difficulties faced by many countries due to the COVID pandemic

SEC. ESPERON: Joint patrol kung pinag-uusapan natin ay halimbawa enforcement ng maritime laws on illegal and other violations in the maritime seas. Pero kung ang suggestion ni Justice Carpio ay mag-joint patrol ang military at i-confront ang puwersa ng Tsina, sa palagay ko (garbled) iyan. We must know how to use our resources (garbled) kasi kung halimbawa ka ng tig-dalawa kayong barko at iko-confront ninyo ang diyan sa South China Sea ay alam natin na masyadong (garbled) pero kung ang pagsasamahan natin ng Vietnam, Malaysia at ang ASEAN ay ang pag(garbled) common (garbled) enforcement ng mga fishery and safety of life at sea ay maganda iyan at talaga namang ginagawa na natin. Pero iyong kung ang iniisip ni Justice Carpio ay pakikipag-giyera eh iwanan na lang niya iyan sa Defense at kinikilala natin siya sa larangan hustisya, eh huwag na siyang masyadong pumapel sa pakikipag-giyera.

By the way, ngayong hapon ako ang chairman ng National Task Force on the West Philippine Sea. Magmi-meeting kami, video conference din at aming pag-uusapan iyong mga insidente ng radar gun; iyong paglalagay ng Tsina sa Spratly at saka sa Paracels bilang distrito ng kaniyang probinsiya na atin ng ginawan ng diplomatic protest at pag-uusapan din natin iyong mga ibang developments diyan. Linggo-linggo kung mag-meeting itong inyong National Task Force on West Philippine Sea (garbled) ngunit may paraan tulad ng ginagawa natin at mamaya mag-uusap ulit kami para mapag-usapan ang mga developments diyan sa West Philippine Sea.

Kaya uulitin ko, iyong sa joint patrol ay (garbled) nating mabuti kung ano iyong ating gagawin. Huwag tayong pumasok sa alanganin. (garbled) may limitasyon (garbled) dapat alam natin kung paano natin gamitin (garbled)

SEC. ANDANAR: Mayroon ding katanungan dito ang ating kasamahang si Joseph Morong. Ito po ay either kay Secretary Del Lorenzana or kay Secretary Jun: Would you confirm the letter of AFP Chief General Santos to Ambassador Huang? Secretary Del, sa iyo yata ito. Do you think it’s appropriate and if it does not compromise the Philippines considering he is AFP Chief of Staff?

SEC. LORENZANA: Yes, aware ako diyan, Secretary Martin. Kinausap ko na si General Santos kagabi at inamin naman niya na talagang ginawa niya iyon. Pero kanina o ngayon-ngayon lang bago tayo nag-umpisa ay nagpalabas ako ng aking statement. Sinasabi ko doon ay hindi naman siguro very improper ang ginawa niya, wala lang sa lugar dahil dapat iyong mga ganoong sulat ay idadaan muna sa Department of Foreign Affairs. Pero ang aking statement ay ang sabi ko ay i-ano naman natin… i-consider natin iyong experience ni General Santos. Siya ay na-infect ng deadly virus at iyong specter ng pagkamatay ay nandiyan. He suffered anguish and stress, noong makalusot siya at nag-take siya ng medicine – Caramycin, na ibinigay ng isang kaibigan niyang Filipino – Chinese na ang sabi noong Filipino – Chinese ay iyong gamot na iyon ay controlled ng Chinese government kaya iyon ang nagbunsod kay General Santos na idaan niya iyong kaniyang request through the Chinese Ambassador. So, ang sabi ko naman eh inamin na niya iyong pagkakamali niya, ang sabi ko naman doon sa aking statement, wala naman siyang kasalanan na nag-violate ng regulation or imperilled our national security, kaya we will let the matter rest na kasi he already admitted and he explained to me the reason why he did it.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Del Lorenzana ng Department of National Defense at Secretary Hermogenes “Jun” Esperon Jr., ang ating National Security Adviser at Director General ng National Security Council. Saludo po kami sa inyo sir, salamat po.

SEC. LORENZANA: Salamat, Secretary Martin. See you in the next interview.

SEC. ANDANAR: Ang susunod po nating makakapanayam ay dalawa rin sa pinakaabalang kawani ng pamahalaan na tumutugon sa mga kinakailangan ng bansa sa pagsugpo ng COVID-19 crisis. Makakasama po natin ngayong umaga sina Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways at si BCDA Chairman at President Vince Dizon. Magandang umaga po sa inyong dalawa, sir.

SEC. VILLAR: Magandang umaga, Sec. Martin—

BCDA PRESIDENT & CEO DIZON: Magandang umaga Martin, Usec. Rocky. Sec. Mart.

SEC. ANDANAR: So far, nasaang phase na po ang construction nitong mga shipping containers na ginawa nating mobile health facilities? Tapos na po ba ito, Chairman Vince? For Sec. Villar. Sec. Mark, are you there?

SEC. VILLAR: Yes, yes. Itong mga shipping containers, nakagawa na kami ng sampu. Ginawa namin ito dahil may need para sa isolation facilities. May mga pasyente na naghihintay pa ng diagnosis, eh habang naghihintay sila hindi pa natin alam kung positive o negative. So habang sila’y naghihintay, kailangan nila ng quarantine facility na isolated. So in other words, one room per patient.

So ito iyong ginawa namin, ito iyong nakikita naming solusyon – may sariling bathroom, may sariling room at puwedeng ilagay kahit saan kasi naka … puwede naman i-lift dahil container siya. At balak po namin ilagay sa CCP open grounds, nakikipag-coordinate na kami sa CCP at siyempre may kasama nang mga facilities, mga septic facilities.

USEC. IGNACIO: [OFF MIC] isang DPWH employee ang naka-assign po sa PICC quarantine facility ang sumakabilang-buhay. Kalaunan po, idineklarang positive ito sa COVID-19. So ano po iyong aksiyon na ginagawa ng inyong tanggapan kaugnay po nito?

SEC. VILLAR: Nag-contact tracing na kami at nag-quarantine din iyong iba; tapos na ho iyong quarantine at nag-contact tracing kami. Pina-test din namin iyong buong District Engineering Office, so mabuti naman at nag-negative sila at so far wala pa namang cases. So naging effective din iyong social distancing at iyong pagsuot ng mga protective equipment. So, so far naman wala naman kaming na-experience na ibang kaso ng COVID-19.

SEC. ANDANAR: Nauna ninyo pong sinabi na itong bilyung-bilyong piso mula sa budget ng Build, Build, Build Program ay kukunin bilang karagdagang pondo sa COVID-19 response. Bigyan ninyo po kami ng update dito, Sec. Mark.

SEC. VILLAR: Sa mga funding, mayroon na lumabas na memo regarding the funding. So kami naman po kung kailangan ng pondo, titingnan namin kung saan makakakuha. So iyon ang first submission pa lang sa DBM. Kami naman kung kailangan talaga ng funding, eh titingnan namin kung anu-ano ang mga projects na hindi pa naman priority. Pero update na lang namin kayo kapag na-identify kasi sa laki rin ng budget medyo malaking trabaho rin mag-identify ng mga projects.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Villar, pabor po ba kayo sa panukala ni Senator Imee Marcos na magkaroon po daw ng auction sa ilang bahagi ng Build, Build, Build Projects sa mga private bidders?

SEC. VILLAR: Ako naman—at some point kailangan din nating maging flexible pero siyempre kailangan idaan muna sa IATF ang lahat ng policy decisions, it’s a collegial party.

So ako naman, sa tingin ko kung mayroon naman na mga guidelines at mayroon naman tayong mga protocols na ginagawa sa site para proteksiyunan ang mga workers, tingnan natin at we’ll see if the medical professionals are satisfied, sapat na po ang mga protocols na ipu-push namin, then maybe the IATF will approve some flexibilities sa mga worksites, sa mga projects.

SEC. ANDANAR: Para po naman kay BDCA President and CEO Vince Dizon, saan po ang naging quarantine facility nitong mahigit apat na raang OFW na umuwi from Abu Dhabi at Maldives?

BCDA PRESIDENT & CEO DIZON: Sec. Martin, magandang umaga. Mgandang umaga, Sec. Mark.

Mayroong 400 na OFWs sa kasalukuyan na nasa World Trade Center sa Pasay, ito po iyong mga galing sa Abu Dhabi at sa Maldives. Kasi po noong nakaraang mga araw, nakipag-ugnayan po ang IATF Task Force on OFWs sa amin nila Secretary Villar at in-offer po namin ang World Trade Center para gamitin po ng ating mga OFWs. Dahil alam naman po natin libu-libo po ang mga OFWs ang umuuwi ngayon at kailangan din natin silang bigyan ng temporary na pag-i-stay-an habang nagku-quarantine sila nang 14 days.

So habang po wala pa tayong masyadong mga COVID positive sa ating mga quarantine sites at minarapat po ni Secretary Villar na ipagamit na po ang World Trade Center sa ating mga OFWs para naman po maibsan din ang kakulangan sa mga tirahan ng ating mga OFWs habang sila’y nagku-quarantine.

USEC. IGNACIO: Sir Vince, kumusta po iyong naging pagbisita ninyo sa We Heal as One Center po sa Ultra sa Pasig City kasama si Mayor Vico Sotto?

BCDA PRESIDENT & CEO DIZON: Okay po. Kasama din po si General Jun Padilla ng National Task Force. Nagpapasalamat nga po tayo sa Villar Group at sa DPWH dahil po wala pa ho yatang limang araw ay natapos ang Ultra kaya ito po ay kasalukuyang hinahanda na para tumanggap na po ng mga pasyente sa susunod na linggo.

SEC. ANDANAR: At iyong Philippine Arena po ang isa sa pinakamalaking We Heal as One Center na inyong itinayo. Anong phase na po ba ito, Vince?

BCDA PRESIDENT & CEO DIZON: Ang Philippine Arena po katulad ng Ultra ay tinrabaho po ng Vista Land, ng Villar Group at ng DPWH. Sila po ang gumawa nito at sa loob lamang nang isang linggo natapos na po ito, good for more than 300 patients initially.

At nagpapasalamat po muli tayo sa ating Iglesia ni Cristo na pinagamit nila itong area na ito. At nagpapasalamat din po tayo dahil iyon pong mga Garden Suites ‘no na nandoon din sa Philippine Arena ay gagamitin din po ng mga OFWs natin na galing sa iba’t ibang panig ng mundo bilang quarantine site. I think may mga darating na po ngayong gabi o bukas ng umaga.

USEC. IGNACIO: Sir Vince, ilang mga COVID-19 patients na po iyong naka-quarantine ngayon doon sa We Heal as One Center sa New Clark City? And kumusta po iyong medical care assistance na ibinibigay po sa kanila?

BCDA PRESIDENT & CEO DIZON: Sa kasalukuyan po, dito po sa New Clark City kung saan ako nandito ngayon, mayroon na pong sampung patients dito sa New Clark City Government Center pero matutuwa po ang ating mga kababayan dahil mayroon na pong, I think, apat hanggang pito na lumabas na na mga pasyente noong nakaraang mga araw.

Kaya po nakakatuwa po, kung titingnan po natin ang recoveries po natin ay halos isang libo na kasama na rin po iyong nag-recover mula dito sa New Clark City at iyon pong apat na nag-recover na rin galing sa Ninoy Aquino Stadium.

SEC. ANDANAR: And tell us more about this molecular laboratory and testing center sa Mandaluyong City na inyong binisita kasama ang Philippine Red Cross.

BCDA PRESIDENT & CEO DIZON: Kagaya po noong in-announce ni Secretary Galvez noong nakaraang linggo, sa tulong ng private sector lalung-lalo na ang ating Philippine Red Cross sa pamumuno ni Senator Richard Gordon, nagkaroon po nang napakalaking coalition ng private and government agencies para nga i-buildup ang ating testing capacity. Last week po, binuksan ang napakalaking molecular laboratory ng Red Cross sa Mandaluyong in partnership with the Department of Health and the IATF.

At malapit na pong matapos, in fact I think sa Wednesday, matatapos na po ang Red Cross molecular laboratory dito sa Clark. At mayroon na pong tapos nang molecular laboratory ang Red Cross sa Subic, kasama po ito sa pag-buildup natin ng testing capacity para po nga sa susunod na mga araw ay dadami nang dadami na ang ating mga iti-test sa buong bansa.

 SEC. ANDANAR: At para naman kay Secretary Villar. Ano po, Secretary Mark, ang recovery plan ng DPWH pagkatapos ng krisis na ito sa COVID-19? Ano po ang mga priority projects po ng inyong tanggapan?

 SEC. VILLAR: Siyempre iyong mga big ticket projects, iyong mga flagship project na naka-identify, iyon ang kasama sa mga priorities natin. Pero marami pa tayong mga ibang projects na kailangan pang gawin para ma-jumpstart ang ating ekonomiya.

Kaya gumagawa na kami ngayon ng mga protocols na kailangan na gawin sa site para ma-assure natin ang safety ng ating mga trabahador. Kaya ito po ay isa-submit namin sa IATF for approval, ‘pag natapos po ito sa tingin ko ‘pag na-lift na iyong ECQ, puwede na nating simulan ang ating mga projects magiging safe na sila dahil sa protocol na gagawin namin.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways; at kay Ginoong Vince Dizon, ang President and CEO ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA at Presidential Adviser for Flagship Programs.

 Oras po natin, 11:44 in the morning. Kayo pa rin po ay nakatutok sa Public Briefing #LagingHandaPH. Salamat po sa ating mga KBP partner stations na nag-simulcast po ng ating broadcast ngayong umaga. Nandiyan po ang DZBB, nandiyan din po ang ABS-CBN News at pati ang ating mga kasamahan diyan sa Bombo Radyo, mga kaibigan natin sa RMN, mga kaibigan natin diyan po sa DZRH.

USEC. ROCKY: Kasama rin po diyan iyong The BAY 99.3 Mamburao, Occidental Mindoro at kumusta daw po kayo, Secretary Martin. Samantala, makibalita naman tayo kay Dennis Principe mula diyan sa Philippine Broadcasting Service – Radyo Pilipinas.

 PBS CORRESPONDENT DENNIS PRINCIPE: Maraming salamat, USec. Rocky at Secretary Martin. Patuloy nga po ang pag-ikot po ng atin pong mga reporters para malaman ang sitwasyon ng ating mga kababayan.

[NEWS REPORT BY MYZEL ESTOY]

 SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyo, Dennis Principe. Ngayon naman ay makakapanayam natin si Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consulate General diyan po sa Jeddah, Saudi Arabia. Magandang umaga po sa inyo, Consul.

 CONSUL GENERAL BADAJOS: Good morning po, Secretary Martin. How are you po?

 SEC. ANDANAR: Okay lang po, sir. Kayo sir, kumusta po ang lagay ng inyong tanggapan? Kayo po sa Jeddah, Saudi Arabia, so far po ilan pong Pinoy ang may nag-positibo sa COVID-19?

 CONSUL GENERAL BADAJOS: Dito po sa aming jurisdiction, meaning western region ng Saudi Arabia,  mayroon po tayong forty-nine na confirmed kaso ng COVID-19 at sa forty-nine na iyan, forty-two ang active case; lima na ho ang nakarekober at dalawa ang namatay.

 USEC. ROCKY: Consul, sa Saudi po ang sinasabing isa sa mga bansang may pinakamaraming nagtatrabaho at nakatirang Pilipino. Pero ano na po iyong balita sa sitwasyon ng mga nursing homes at hospital diyan, Consul?

CONSUL GENERAL BADAJOS: Medyo mahirap po kasi ho sa dami ng cases talagang punung-puno na ho iyong mga hospitals dito kaya nga naka-priority ang mga may COVID cases na tinatanggap ng mga hospitals. Iyong mga non-essential medical services hindi na ho muna tinatanggap. At marami ho sa mga health workers dito ay mga Pilipino kaya ho tayo ay very proud sa kanila, sa kanilang pagiging mga frontliners din.

SEC. ANDANAR: Kuwentuhan ninyo po kami sa ginawa ninyong food drive para sa mga Filipino diyan sa Jeddah na talagang apektado ng COVID-19 pandemic.

CONSUL GENERAL BADAJOS: Opo, thank you, Secretary Martin. Itong food bank drive po na ito ay sinimulan natin one day after ho na mag-announce ng suspension of work in both public and private sector ang kaharian ng Saudi Arabia dahil alam natin dahil sa tinatawag nilang no work no pay policy, marami tayong mga kababayan ang mahihirapan.

Sa katunayan hanggang ngayon po marami pa rin ang nahihirapan, kulang na ang kanilang pagkain, iyong iba wala na ngang makain kaya naman itong food bank drive in-launch natin noong March 17. Kasama natin dito ang isang grupo ng mga Pilipino, ang tinatawag na OFW Council of Leaders at tayo ay nangalap ng mga donasyon sa mga miyembro rin ng Filipino communities at marami ho ang nag-responde. Nagbigay sila ng maraming pagkain, tubig para ho maibigay natin sa mga nangangailangan talaga ng tulong.

Mula ho noong sinimulan natin itong programa na ito, tayo ay nakapagbigay na ng more than 3,000 food packs sa mga kababayan natin all over Jeddah. Ang laman po ng food packs na iyan ay bigas, noodles, canned goods at tubig, kung minsan may itlog po. Iyan po, Secretary Martin ang ating ginagawa, patuloy po nating ginagawa iyan hanggang ngayon!

SEC. ANDANAR: Sir, can you give us an update also sa latest immigration matters diyan sa Jeddah, gaya na lamang ng application at renewal ng residency at work permits ng mga Pinoy?

CONSUL GENERAL BADAJOS: Iyon pong mga renewal ng Iqamas, ito po iyong residency permit, ay binigyan ng automatic na renewal for three months. Online po ang paggawa niyan kaya ho wala namang naging problema iyong mga kababayan nating marami dahil sa programang ito ng Saudi Government.

Iyon namang may mga final exit o iyong mga exit and re-entry visa ay pinayagan na rin sila hong makauwi sa kanilang mga bansa at kabilang diyan ay mga ibang Pilipino na pinayagan nang ma-repatriate kahit na ho mayroon pa ring tinatawag na suspension of international flights to and from Saudi Arabia.

USEC. ROCKY: Consul, pagdating po sa business and economy, gaano po naapektuhan ang Jeddah? Kasi ho kapag sinabi nating may epekto sa Jeddah, marami pong posibleng maapektuhang mga Filipino workers. Ano po iyong aksiyon na ginagawa ng government para dito.

CONSUL GENERAL BADAJOS: Katulad nga po ng binanggit ko kanina, nagkaroon ng work suspension, both in the public and private sector, noong third week of March kayo maraming mga naapektuhan na mga negosyo dahil wala silang kita.

At mayroon naman pong ibinigay na subsidy ang kanilang gobyerno para po matulungan sila sa kanilang nae-experience na hirap dahil sa COVID-19. May mga tulong sa kanilang negosyo para maka-survive sila kumbaga sa nangyayaring crisis.

But then, dahil nga sa no work no pay policy na tinatawag natin, marami pa rin tayong mga kababayan ang naghirap at patuloy na naghihirap dahil dito.

SEC. ANDANAR: Panghuling message na lang po, Consul General sir, please go ahead.

CONSUL GENERAL BADAJOS: Thank you very much po, Secretary Martin at Usec. Rocky sa ating pagkakataon na makapagsalita sa inyong programa.

Ang atin pong pakiusap sa ating mga kababayan sa western region ng Saudi Arabia, kahit po ni-lift na partially ang curfew all over the Kingdom, hindi po ito nangangahulugan na tapos na ho ang COVID-19 crisis. Kaya ang pakiusap natin, patuloy pa rin tayong magiging vigilant at maingat kung tayo ay lalabas man sa ating mga bahay at kung kayo ay pinababalik na sa inyong trabaho, dobleng ingat pa rin po ang ating gagawin dahil napakataas pa rin po ang insidente ng COVID-19 crisis sa ating paligid.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consulate General sa Jeddah, Saudi Arabia. Mabuhay po kayo, sir. Maraming salamat din po sa mga naka-hook-up sa atin, DZME, SMNI News Channel at ang DWIZ.

Muli paalala po natin sa lahat, huwag po tayong matigas ang ulo, huwag po tayong lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan, ugaliing magkaroon po ng physical distancing sa mga kasama. Sa ganitong paraan po, mga kababayan, makakatulong po tayo na masugpo ang COVID-19.

Maraming salamat po sa mga kawani ng pamahalaan na nakasama natin ngayong umaga at katuwang po natin sa pagbabalita today, ang Philippine Broadcasting Service – Radyo Pilipinas.

USEC. ROCKY: Bigyan din po natin ng pagpupugay ang Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 para po sa walang sawang pagsuporta sa ating programa. Mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR: At diyan po nagtatapos ang ating programa. Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Secretary Martin Andanar.

USEC. ROCKY: Mula pa rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Laging tandaan, basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Hanggang bukas pong muli – ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Magandang umaga po.

 

##

 Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)