SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Sa kabila ng unti-unting pagbubukas ng ating ekonomiya, nariyan pa rin ang banta ng COVID-19 at hangga’t wala pang lunas sa nakamamatay na virus, matinding pag-iingat po ang aming paalala.
USEC. IGNACIO: Ang ating patuloy na pagsasailalim sa community quarantine at pagsunod sa mga ipinatutupad na guidelines ay ilan lamang sa mga hakbang upang malampasan natin ang hamon ng pandemya.
SEC. ANDANAR: Kaya naman ngayong umaga, ating lilinawin at bibigyang-pansin ang mga katanungan ng ating kababayan, kasama pa rin ang mga resource persons mula sa iba’t ibang ahensiya. Aalamin natin ang mga kongkretong solusyon ng pamahalaan kaugnay sa krisis pangkalusugan na ating kinahaharap.
USEC. IGNACIO: Mula po sa PCOO, ako po si Undersecretary Rocky Ignacio.
SEC. ANDANAR: Good morning, Rocky. Ako po naman si Secretary Martin Andanar, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang makakasama natin sa programa sina DPWH Secretary Mark Villar; Philippine Ambassador to the United Kingdom, Ambassador Antonio Lagdameo; at Globe Senior Vice President for Corporate Communications, Yolly Crisanto.
USEC. IGNACIO: Makakasama rin natin, Secretary, sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula sa iba’t-ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting service. Para sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
Samantala, binigyang-diin ni Senator Bong Go ang kahalagahan ng pagkakaroon ng economic opportunities para sa mga Pilipinong nagnanais umuwi ng probinsiya. Kaugnay diyan, suportado ng Senador ang paghahandang isinasagawa ng Mindanao Development Authority para sa mga benepisyaryo ng BP2 o Balik Probinsiya Program. Aniya, layunin ng programang ito na mabigyan ng bagong pag-asa ang mga Pilipino na may hinaharap silang maayos na kinabukasan pagkatapos ng krisis.
Ayon kay Mindanao Development Authority Chair, Secretary Emmanuel Piñol, ang BP2 council member-agencies ay nagsagawa ng series of consultations sa mga lokal na pamahalaan bilang paghahanda sa mga magbabalik-probinsiya. Sa ngayon, inuuna muna ng gobyerno na tulungan ang ating mga kababayang stranded sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng Hatid Tulong Program.
SEC. ANDANAR: Samantala, Senador Bong Go isinusulong ang pagpapalawak ng paggamit ng special education fund nang sa ganoon ay mabigyan ng pagkakataon ang mga local government units na mas mapabuti ang sistema ng edukasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic. Kinilala naman ng Senador ang mga pangangailangan ng lokal na pamahalaan para maihanda ang kanilang mga local educational institutions sa blended learning system ng Kagawaran ng Edukasyon sa gitna ng COVID-19. Aniya, pondohan ang pangangailangan ng mga estudyante, lalo na ang mga LGUs na umaasa lamang sa SEF.
Sa kabila po naman ng COVID-19 pandemic, patuloy ang kaliwa’t kanang construction efforts ng DPWH bilang pagtugon sa mga pangangailangan ng ating kababayan sa gitna ng pandemya. Upang makibalita kaugnay diyan, makakausap po natin si DPWH Secretary Mark Villar – magandang umaga po sa iyo, Secretary Villar.
DPWH SEC. VILLAR: Magandang umaga po, Sec. Mart.
SEC. ANDANAR: Sec. Mark, may mga infrastructure programs ang DPWH – kumusta po ang mga proyektong ito, ano po iyong kasalukuyang update tungkol dito?
DPWH SEC. VILLAR: Noong nasa ECQ pa tayo, nag-request kami ng special authority to resume construction kaya tuluy-tuloy na po ang construction namin sa DPWH.
USEC. IGNACIO: Opo. Magandang umaga, Secretary, nagpadala rin po ng katanungan ang ating kasamahan sa media, babasahin ko po para sa inyo. Si Nicole Lagrimas ng GMA News Online, ito po ang tanong niya: How much is DPWH’s proposed budget for 2021 and will you be cutting down on infrastructure spending amid the COVID-19 pandemic?
DPWH SEC. VILLAR: Wala pa kaming budget na galing sa DBM pero kami naman po, alam naman namin na kasama iyong pump-priming sa susunod nating budget dahil alam natin na kailangan nating magkaroon ng infrastructure para magkatrabaho ang ating mga kababayan.
USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin kay Nicole, Secretary Villar: How many Build, Build, Build can be accomplished within their target dates of completion?
DPWH SEC. VILLAR: Sa tingin ko naman dahil nga nakapagsimula kami ulit, hindi magiging malaki ang delay natin. Halimbawa sa ibang projects, kahit na hindi sila nakapagtrabaho noong nagsimula iyong ECQ, eh ngayon po dahil hindi masyadong ma-traffic, nakapag-double time sila sa trabaho, 24/7. Kaya sa tingin ko naman sa ating mga big ticket projects, makakahabol pa rin kami sa deadline. Halimbawa itong Harbor Link na kakabukas lang noong 15th of June at ngayon po ginagamit na po ng ating mga motorista.
SEC. ANDANAR: Bukod sa quarantine facilities, ang DPWH ay nagtayo rin ng mga dormitoryo para sa ating mga frontliners na talaga namang naglalaan ng kanilang panahon para matugunan ang pangangailangan ng ating mga COVID-19 patients. Sa ngayon po, kumusta na iyong status ng mga dormitoryo diyan sa Quezon Memorial Circle?
DPWH SEC. VILLAR: Nandito po ako ngayon sa isang facility sa Quezon Memorial Circle para sa ating mga frontliners. Ito po kapag natapos po ito, makaka-accommodate siya ng 192 personnel. Hirap na hirap din ang ating mga frontliners sa pagbiyahe kaya mahalaga po iyong ganitong klaseng pasilidad at kami naman po, tuluy-tuloy naman ang construction namin ng ganitong klaseng facilities. In fact, iyong mga quarantine facilities na ginawa na namin, makaka-accommodate ng almost 3,000 patients.
SEC. ANDANAR: At kailan po ito maaaring gamitin, itong inyong kino-construct na dormitoryo diyan po sa inyong kinaroroonan sa Quezon City?
DPWH SEC. VILLAR: Itong dormitoryo, anim na cluster. Iyong isang cluster tapos na ho, nandito ako ngayon sa isang cluster good for… ito 16 separate bedrooms. So iyong ibang clusters matatapos by the end of the month.
SEC. ANDANAR: Gaano po usually katagal ang construction bawat cluster?
DPWH SEC. VILLAR: Ito pong cluster is more or less about two weeks ang construction time.
SEC. ANDANAR: Mayroon po tayong follow up question, Secretary Villar. May ibang lugar o siyudad ba sa bansa na inaasahan magkakaroon ng dormitories para sa iba pa nating frontliners?
DPWH SEC. VILLAR: Opo. Naghahanap din kami ng location sa—lahat po ng major cities, lalo na po sa Cebu, sa Tacloban at pati sa Samar naghahanap din kami ng area doon. So tuluy-tuloy naman ang pag-coordinate namin sa mga local governments.
SEC. ANDANAR: All right. Talagang napaka-challenging po ng inyong trabaho ngayon because you have to juggle between the existing Build, Build, Build project tapos ito namang bagong project that you know, really had to be implemented para sa ating COVID-19 response. Sec. Mark, can you tell us more about the strategies of your office for the infrastructure programs/projects of the DWPH?
Well I know na paulit-ulit itong tanong na ito, pero the question is in the context of, nagkaroon nga tayo ng pandemya at mayroon pong mga realignment ng pondo ang ating pamahalaan, so iyon po iyong konteksto ng aking tanong. Halimbawa ako ay papunta po ng Quezon bukas, alam ko mayroon po kayong—I believe malaking project diyan sa Quezon Highway all the way to Lucena – ito po ba ay natuloy, halimbawa – iyon po iyong konteksto ng aking tanong?
DPWH SEC. VILLAR: Salamat, Sec. Mart, at asahan po ng ating mga kababayan na tuluy-tuloy na po ang construction ng DPWH. Lahat po ng major DPWH projects are continuous and you can expect that the deadlines will not change.
USEC. IGNACIO: Okay. Secretary Villar, bigyang-daan ko po ang tanong ng ating kasamang si Arianne Merez ng ABS-CBN. Ito po ang tanong niya: How many bike lanes does the DPWH plan to construct and when will this be finished? When will this be constructed?
DPWH SEC. VILLAR: Alam ko marami na kaming nagawang bike lanes dito po, katulad ng bike lane dito sa Laguna Lake Highway, ito po ay about 10 kilometers na may segregated bike lane.
Sa lahat po ng projects na ginagawa namin, kung may space, gusto talaga naming maglagay ng bike lane dahil ito po ay para sa environment natin at para rin sa mga walking community – walking and biking community.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, sa kabila nga daw po ng pandemya, patuloy pa rin naisakatuparan ng DPWH iyong mga proyekto ninyo gaya po ng katatapos ng First Mobile COVID-19 Quarantine Facility na may 120-room facility. Gaano kalaki ba ang maitutulong nito sa ating mga frontliners?
DPWH SEC. VILLAR: Napakaimportante po ng additional facilities dahil sa ngayon po kapag may mga pasyente at minsan wala rin silang matutuluyan or kung may mga suspected COVID patients, baka kulang minsan ng facilities ng ating hospital. So ito po ay para ma-augment ang ating mga facilities para hindi rin ma-overwhelm ang ating medical hospitals; and of course, in support also of our frontliners.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pero paano po Iyong magiging koordinasyon ninyo doon sa mga frontliners na gustong mag-avail niyang mobile quarantine facility; at inaasahan po ba na magkakaroon pa tayo ng iba pang mobile quarantine facilities sa bansa?
DPWH SEC. VILLAR: Siyempre, asahan ninyo po na lalong dadami po ang ating mga pasilidad. At kami naman, tinu-turnover namin itong mga pasilidad sa local government or sa DOH, at sila po ang nakikipag-coordinate sa mga hospital para sa mga pasyente or para sa mga frontliners na gustong pumasok sa mga facilities.
SEC. ANDANAR: Congratulations muli, Secretary Mark Villar, doon sa successful na inaugural noong NLEX Harbor Link Project kung saan marami ang nagbigay papuri dahil sa success ng project na ito. Eh akalain ninyo kahit na tayo ay nasa gitna ng pandemya ay tuluy-tuloy pa rin Iyong pagsasaayos o pag-construct nito, at tayo po ay nabigyan ng pagkakataon na ma-inaugurate pa ito. Talagang nag-trending po talaga itong inaugural dito po sa NLEX Harbor Link.
Ano po ang susunod na proyekto, Secretary Mark Villar, na bubuksan po natin?
DPWH SEC. VILLAR: Malapit na po ang TPLEX, iyon ang susunod na major project na tatapusin namin and after that, mayroon pa kaming CLLEX, Iyong Central Luzon Link Expressway. Kaya abangan ninyo po, sunud-sunod na po ang opening ng mga projects at makikita ninyo talaga na walang tigil po ang trabaho ng gobyerno at committed si President Duterte sa Build, Build, Build Program.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bukod daw sa NLEX Harbor Link Project ng DPWH bilang bahagi ng Build, Build, Build Program ni Pangulong Durtete, isa rin po sa inaasahang makukumpleto iyong sinabi ninyo nga po na Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway. Sa palagay ninyo po, gaano kalaki Iyong mari-reduce na travel time kapag ito po ay natapos na?
DPWH SEC. VILLAR: Napakalaking bagay dahil kung pupunta kayo sa Baguio, siguro additional 20 to 30 minutes ang masi-save ninyo kapag natapos na Iyong Rosario Exit. At may ginagawa pa kaming plano sa extension ng TPLEX hanggang La Union sa San Fernando.
SEC. ANDANAR: Oo, napansin ko pong Iyong construction na nangyayari po doon, doon sa malapit sa may Rosario. At I can just imagine na bibilis po Iyong biyahe ‘no. Pero paano po iyong naging sistema ninyo para sa deployment ng ating construction workers; at paano natin isinaalang-alang iyong kanilang kaligtasan?
DPWH SEC. VILLAR: Napakaimportante ngayon iyong sa bagong normal natin na very strict tayo sa mga guidelines. Kaya para sa lahat ng workers, bago sila makapasok sa site, kailangan magpa-test sila. At kapag nasa site na sila, mayroon tayong mga handwashing facilities, may available medical facilities, clinic, at araw-araw ay tsini-check po ang condition ng mga workers.
So marami po tayong regulations na kailangang sundin para manatiling safe ang ating mga workers at ang komunidad.
USEC. IGNACIO: Pero, Secretary, nakakaapekto ba iyong COVID-19 pandemic pagdating po sa pagkaantala ng budget na originally po ay nakalaan para sa Build, Build, Build Program ng gobyerno?
DPWH SEC. VILLAR: Well, kami naman po, ayaw namin mag-cancel ng projects. So ang ginawa na lang namin, in-adjust na lang namin iyong disbursements para kung ano ang kayang gawin physically ng ating mga contractors, iyon lang ang babadyetan namin.
SEC. ANDANAR: An estimate of over 1.5 million jobs will be generated through the BBB Project or BBB Program. Gaano kalaki ang maitutulong nito when it comes to economic recovery ng ating bansa dahil sa COVID-19? Ano po ang napag-uusapan ninyo ni Secretary Sonny Dominguez para po dito sa recovery ng ating ekonomiya?
DPWH SEC. VILLAR: Iyong Build, Build, Build magiging focus ng government para sa recovery dahil napakalaki ng multiplier effect ng mga construction projects at malaki rin ang job generation. Kaya i-expect natin na sisigla lalo ang ating Build, Build, Build at lalo tayo mag-i-expand sa mga probinsiya.
SEC. ANDANAR: Nakatanggap po ang DPWH UPMO ng mga reports kaugnay sa ilang indibidwal na ginagamit diumano ang DPWH upang magsagawa ng mga kahina-hinalang transaction. Ano po ang inyong reaksiyon dito, Secretary Mark?
DPWH SEC. VILLAR: Kami naman po, katulad ni Presidente, wala kaming tolerance sa corruption. So kung mayroon po kayong mga… or may mga tao na ginagamit ang mga pangalan ng mga opisyales, please report sa amin kaagad at aaksyunan namin.
SEC. ANDANAR: Follow up po, Secretary Villar. Bagama’t nilinaw po ng DPWH sa Facebook page ang tungkol sa isyung ito, ano po ang inyong paalala sa ating mga kababayan upang hindi mabiktima nito? Please go ahead, sir.
DPWH SEC. VILLAR: Una, siyempre hindi mo rin maiwasan na may mga taong masama, gagamitin nila iyong mga pangalan ng mga opisyales sa department. Kaya importante po kapag mayroon kayong duda sa isang tao, huwag kayong makinig lalo na kapag humihingi siya ng pera. I-report ninyo na lang kaagad sa DPWH. Open naman kami, iyong mga hotlines; sumulat kayo sa amin at i-report ninyo kaagad.
SEC. ANDANAR: Secretary Mark Villar, ano po ang inyo pong mensahe sa ating mga kababayan lalung-lalo na po iyong mga kababayan natin na umaasa ho talaga sa DPWH, sa Build, Build, Build Program para talagang umikot muli at gumana muli at umasenso muli ang ating ekonomiya?
DPWH SEC. VILLAR: Sa ating mga kababayan, huwag po kayong mag-aalala, all systems go na po ang Build, Build, Build Program. Idi-deliver pa rin namin ang ating mga proyekto. Kami po ay handa para sa bagong normal. At tuluy-tuloy po ang programa ni Presidente. At iyong mga deadlines na sinet namin, iyon pa rin. At kami naman po ay ready na magtrabaho 24/7 para sa inyong lahat.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, DPWH Secretary Mark Villar; mabuhay po kayo at mabuhay po ang DPWH.
USEC. IGNACIO: Ngayon naman po ay kumustahin natin ang lagay ng ating mga kababayan sa United Kingdom. Makakausap natin si Philippine Ambassador to United Kingdom, Ambassador Antonio Lagdameo. Magandang araw po, Ambassador.
AMBASSADOR LAGDAMEO: Magandang araw naman, Usec. Rocky at Secretary Martin.
USEC. IGNACIO: Ambassador, marami po sa ating Filipino medical health workers ang patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng mundo, at isa po ang United Kingdom sa may pinakamaraming OFWs partikular na po na Pinoy health workers. Kumusta na po ang kalagayan ng ating medical frontliners diyan; at mayroon po bang tala kung ilan po ang nagpositibo sa COVID-19, kung mayroon man po?
PART 3 LAGING HANDA JUNE 19, 2020
(11:24 PTV TIME)
AMB. LAGDAMEO: Magandang araw naman Usec. Rocky, at Secretary Martin.
USEC. IGNACIO: Ambassador, marami po sa ating Filipino medical health workers ang patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng mundo at isa po ang United Kingdom sa may pinakamaraming OFWs partikular na po ang Pinoy health workers. Kumusta na po iyong kalagayan ng ating medical frontliners diyan at mayroon po bang tala kung ilan po ang nag-positibo sa COVID-19, kung mayroon man po?
AMB. LAGDAMEO: Bueno… As of June 18, there are 300, 469 confirmed cases of COVID-19 in the United Kingdom with 42, 288 deaths. Of these, 485 are Filipino citizens; with 56 deaths. [unclear] ng mga dating Pilipino na ngayon ay British citizens na. Aakyat ang bilang na iyan [unclear]. Sa Ireland umaabot na sa 25, 341 ang nagpositibo sa COVID-19 at 1,710 na ang namamatay, kabilang dito ang 59 Filipinos na may COVID kung saan [unclear] namatay.
USEC. IGNACIO: Ambassador, pero paano po ang ginagawang koordinasyon ng embahada natin para po ma-inform iyong kanilang mga pamilya na nandito po sa Pilipinas?
AMB. LAGDAMEO: Ang kuwan nito patuloy ang [unclear] ng embahada dito sa ating mga kababayan dito at iyong ating mga [unclear] for example sa ating mga seafarers na Filipino na maraming na stranded persons pero ngayon [unclear] ng regular flights from Manila to London. [unclear] rin iyong mga cancelled flights with their airline of choice.
Hindi tayo nagsagawa ng sweeper flight pauwi sa Pilipinas [unclear] and commercial flights are still available. Bueno, ang [unclear] throughout the lockdown period, the embassy is continuing to serve the public while our staff works from home [unclear] access [unclear] through email.
SEC. ANDANAR: Kaugnay pa rin po diyan, ilan na ba iyong naitalang Pinoy fallen frontliners sa UK at ano iyong tulong na ipinapaabot ng ating embahada at ng UK government para sa kanilang pamilya?
AMB. LAGDAMEO: Bueno. Ang kuwan… ang sinabi ko, iyong mga namatay na Filipino citizens dito, iyong nagkasakit are 485 at ang namatay limampu’t anim na.
Ang ating office dito sa London ay namamahagi ng cash assistance amounting $200 each. Out of [unclear] who applied, 463 Filipinos qualified to receive this DOLE – AKAP assistance. A total of 230 OWWA members tested positive for COVID-19 also received the assistance of $200 each and then food relief packs, in other words [unclear] items and vitamin [unclear] and household supplies were distributed to [unclear] workers mostly undocumented workers who had COVID-19 symptoms at mga hindi nakapagtrabaho dahil sa lockdown at walang access sa government grants.
Pero ang [unclear] maraming tulong din na ibinibigay sa mga namatay na Filipino na rehistrado dito. Ngayon, naglabas rin nga ang UK ng balita kamakailan lang na may isang gamot na nakakatulong sa may malubhang kalagayan na sa COVID-19.
May clinical trial na ipinakikita na iyong drug na dexamethasone which is a steroid that will [unclear] helping save lives among those who are on ventilators and oxygen support. Now the good news is that this drug is cheap and widely available all over the world. So, health authorities are warning however, that it is only for those who are already seriously ill.
May isa pang magandang balita, the United Kingdom is willing to conduct clinical trials for a vaccine na ginagawa sa Oxford University kasama ng AstraZeneca na drug manufacturer. Nagpaabot na ng kanilang interes ang ating pamahalaan na baka bumili ng mga vaccine na ito kung ito ay mapatunayang ligtas at mabisa.
USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, napakagandang balita po niyan para tayo po talaga ay makalaya na dito sa dala ng pandemya dahil sa COVID-19. Pero Ambassador, may mga bagong proseso po ba na ipinatutupad ang ating embahada para naman po sa muling pagbubukas at anu-ano po iyong mga limitasyon pagdating doon sa consular concerns na idinudulog po ng ating mga kababayan sa United Kingdom?
AMB. LAGDAMEO: Sa ngayon, bukas na ulit ang embahada for consular services pero kailangan natin pa na mag [unclear] physical distancing measures, kaya naman laging nire-require namin na mag-appointment sila bago pumunta sa embahada kasi… iyon, na magsama-sama lahat, kailangan mag-practice ng physical distancing.
We have resumed since last week, resumed regular services at the embassy and of course, as I mentioned we do it by appointment also dahil kailangan maghi-hiwalay iyong mga tao, hindi magsiksikan na naman kagaya ng dati.
USEC. IGNACIO: Opo. We understand, Ambassador. So far, ilang OFWs na po ba sa United Kingdom iyong nakatanggap po ng DOLE – AKAP cash subsidy, iyong tulong po ng gobyerno; tuloy-tuloy pa rin po ba iyong repatriation efforts natin?
AMB. LAGDAMEO: Bueno, iyong sa repatriation [unclear] of the workers here [unclear] tulungan natin ang embahada pagkuha ng over overflight clearances [unclear] nag-uuwi ng mga seafarers at mga crew members ng mga barko na ilang buwan nang nakadaong dito sa UK.
Dahil tayo ang naghigpit ng ating mga paliparan, medyo matagal ang pag-uuwi sa kanila because of the security issues of these airports but we understand that in around 2-3 weeks many of these seafarers will be able to return home.
Tapos isa pa rin dahil sa paghihigpit natin ng papasok ng hindi Pilipino sa ating mga paliparan, mayroon tayong mga kababayan na naturalized na as British citizens ay hindi na makauwi to be with their families. Tinutulungan naman natin sila na makakuha sila ng exemption from the travel ban if the circumstances are justifiable enough.
[unclear] na-stranded sa UK dahil sa flight cancellations pero iyon nga, puwede na yatang mag-resume ang regular flights from Manila to London.
SEC. ANDANAR: Ambassador, the UK government introduced three steps as they eased the lockdown. So far, nasa anong phase na ba at paano naapektuhan ng mga phases na ito ang ating mga kababayan diyan sa UK?
AMBASSADOR LAGDAMEO: Bueno, itong tungkol sa [garbled] lockdown measures kasi, pumapayag na ngayon ang gatherings so may ilang mga eskuwela na pinapayagan na mag-reopen at saka iyong mga [garbled]. Pero patuloy na pinag-iingat lahat [garbled] implemented new measures tulad ng mga mandatory wearing of facemasks [garbled] public transportation [garbled] enforcement of [garbled] self-isolation period of 14-days upon arrival of passengers from abroad.
SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayang Pilipino diyan po sa United Kingdom, Ambassador Lagdameo?
AMBASSADOR LAGDAMEO: Bueno, as always, we are… pinakamabilis na paraan na maipaabot namin ang inyong mga concern sa iba’t ibang [garbled] maipaabot ninyo sa amin ang inyong mga concerns sa pamamagitan ng ating [garbled]. And I will state it here [garbled] London [garbled] at dfa.gov.ph. Laging may handa sa [garbled] para makasagot sa mga kailangan ninyo.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Ambassador Antonio Lagdameo. Mabuhay po kayo.
USEC. IGNACIO: Sa puntong ito ay makakausap naman natin si Globe Senior Vice President for Corporate Communications Yoly Crisanto. Magandang araw po.
GLOBE SVP CRISANTO: Magandang umaga po sa inyo, Usec. Rocky and Secretary.
USEC. IGNACIO: Ma’am, unahin ko na po ang mga tanong ng ating kasama sa media. Ito po ang tanong mula kay Nicole Lagrimas ng GMA News Online, ito po ang tanong niya: Senator Sherwin Gatchalian has urged telcos to install cell sites in public schools to help in distance learning. How does Globe find this suggestion?
GLOBE SVP CRISANTO: Actually, kami ay sang-ayon diyan ‘no. Alam ninyo naman na ang ating nagiging problema is actually the permit. So, kung tayo po ay papayagan, tayo naman po ay puwedeng mag-build.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, mula pa rin po kay Nicole: Is Globe working with DepEd on managing and improving internet and cell connectivity for online and blended learning, considering daw po that some teachers in Davao de Oro had to set up tents by a highway just to get a signal for a seminar?
GLOBE SVP CRISANTO: Yes, nakita ko po iyon. Nakita ko po iyong picture na iyon on Facebook. Let me just put proper context to this. Ang Department of Education at Globe, matagal na po kaming nakikipag-work with one another ‘no. In fact, malapit na malapit po sa puso ng Globe ang Department of Education. Way back 10, 20 years ago, nag-umpisa po kami text to teach tapos nag-internet in schools program po kami. Every year …taun-taon po ay nagbi-Brigada Eskuwela ang Globe.
Tapos gumawa rin po kami ng ‘Global Filipino School Program.’ Ito po iyong nagbigay kami sa lahat ng divisional school ng public schools ng Department of Education, nag-set up po kami ng mga classroom na mayroong mga computer at doon po nag-umpisa na ang blended learning ‘no at the public school level.
Now, lately po, nagbigay na rin po kami ng Digital Thumbprint Program na kung saan lahat po ng… marami pong teachers ang tumulong para mag-build ng curriculum on online responsibility. Iyan naman po ay para maiwasan natin ang cyberbullying sa mga bata. And all of these were done even before COVID.
So I just want to emphasize na ngayon po na panahon na ng COVID, ngayon po ay nakikipag-ugnayan kami very, very closely with the DepEd. But we have to also realize na in order to help the Department, kailangan din po nating tingnan, ano po ba ang challenges ng public at ng private kasi magkaiba po sila. Magkaiba po ang challenge ng public school at mga state universities at magkaiba rin naman po ang challenge ng private.
Now, for public school, nasa ECQ pa lang po tayo, zinero rate na po natin iyong tinatawag na DepEd Commons. Iyong DepEd Commons po, iyan po iyong portal ng Department of Education kung saan makakakuha ng lesson plan iyong mga teachers and students. So kung papasok ka po doon sa portal na iyon hindi ka na magbabayad ng data.
The other thing that we are looking at in order to help DepEd is also to upskill the teachers, iyong tinatawag nating teacher training. Kasi po, alam ninyo po na ang teachers natin ay hindi naman po sila sanay na magturo na ang kaharap ay computer. Sanay po sila na magturo sa loob ng classroom kaharap po iyong mga bata. So it requires a little bit of retraining. So iyan po ang pinili na lang natin kasi mayroon po tayong mga E-Skwela webinars, libre po iyan na puwede pong gamitin po ng DepEd.
The other thing, on the private po naman po, ang binibigay naman po namin, dahil ang private school ay kaya naman pong magbayad ng serbisyo but we [garbled] more affordable ‘no. So mayroon po tayong mga special packages specific only to schools para po iyong kapag bumili sila ng mga tinatawag nating home prepaid WiFi, ito po iyong mga modem na puwede nilang gamitin or broadband, ay mas mura po nilang bibilhin sa atin.
On top of that, nagbibigay po tayo ng school packages ng data, ang tawag po “In my school surf” na as low as, let’s say 199 pesos, mayroon ka ng 34 gigabytes of data, good for seven days na puwedeng gamitin ng mga estudyante pang research.
So those are the kinds of things that we are doing. Now going back po doon sa nakita [garbled] pakikipagtulungan with the LGU, alam naman po natin na kinakailangan [garbled] na i-build na natin iyong tamang ICT infrastructure. Hindi na po tayo [garbled] iyong mga teachers natin na kailangan silang lumabas [garbled] ng signal. So kinakailangan [signal cut]
USEC. IGNACIO: Okay. Ma’am, pasensiya na po, babalikan po namin kayo, medyo nagkaroon po nang hindi maganda iyong ating linya ng komunikasyon.
Sa puntong ito ay panoorin po muna natin ito—okay, maya-maya lamang po, Secretary Martin, ay babalikan natin si Ms. Yoly Crisanto ng Globe. Kasi marami pa rin po tayong gustong itanong sa kaniya. Marami tayong natatanggap na tanong tungkol kung papaano po ba iyong paraan ng pagbabayad sa Globe doon sa mga billing po.
Samantala, Secretary, sa puntong ito ay dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula po sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Czarinah Lusuegro.
Samantala, muli na po nating balikan si Globe Senior Vice President Yolly Crisanto. Ma’am?
GLOBE SVP CRISANTO: Good morning ulit, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Pasensiya na po kanina, ma’am. Ito po ang ating tanong: Kamakailan po ay nag-release ng common tower policy ang DICT. Ano daw po ang stand ng Globe kaugnay sa mga inilabas na guidelines?
GLOBE SVP CRISANTO: Alam ninyo po, unang-una na po ang Globe ‘no, it’s been several years na kinakausap din po natin ang DICT and we presented the idea of the common towers, kasi iyan po ay ginagawa na po globally ‘no. So ngayon na po na lumalabas na po ang guidelines, kami po ay sumusuporta diyan. Ang sinasabi lang naman po namin eh sana hindi na po madagdagan pa base doon sa mga provisions na iyong aming capital expenditure ‘no. Kasi gusto natin lahat po ng players, all right, na nasa telco ay sana po ay mag-invest din.
SEC. ANDANAR: Kaugnay pa rin diyan, maaari ba kayong magbigay ng inyong opinyon partikular sa mandatory sharing of Passive Telecom Tower Infra or PTTI? Are you satisfied with all the revisions or provisions of the past such as limiting competition and telco ability to build infrastructure which have been eliminated?
GLOBE SVP CRISANTO: Yeah. So actually, Sec. Martin, iyan po ay kaugnay nga doon sa sinasabi namin kanina ‘no, na sana hindi naman madagdagan na iyong capital expenditures namin. Kasi ang mas gusto naming pagbigyan ng investments namin ay sana iyong mga active portion or active equipment ng telco ‘no. Pero iyong mga passive towers, ang kinakailangan lang po naman is if we are to provide a space or accommodation ‘no, sana po mayroon nang commercial agreement.
Kasi ‘di po ba, kunyari maglalagay—parang renta lang iyon eh, kung maglalagay tayo ng additional space pero wala naman pong magre-rent ‘di ba o wala ka namang kasama, so parang sayang iyong ating investment. Iyon lang naman iyong posisyon namin doon, sana there is already a partnership, all right, na sasabihin sa amin kung sinuman iyong telco na iyan na, o sige kasama kami diyan and then we will do it.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am with the very limited staff dahil po doon sa skeleton system na ipinatutupad, ano daw po iyong mga strategies that Globe is doing to address numerous concerns for our kababayan? Ma’am, kasama na rin po iyong ibang tanong diyan, iyong sa billing issues, papaano po ang gagawin nila?
GLOBE SVP CRISANTO: Alam ninyo, first of all gusto po naming humingi ng paumanhin at pangalawa gusto rin namin pong humingi ng pang-unawa. Kasi po ang mga gumagalaw po dito, iyong ating mga BPO na partners, sila po rin ay affected din noong COVID, iyong pandemic ‘no and bumababa po talaga iyong number ng ating support services na, lalung-lalo na doon sa hotline. Kaya kung saka-sakaling hindi po within 24 hours makapunta kami sa inyo para makapag-repair, kami rin po ay humihingi sana ng pang-unawa dahil kinakailangan din po natin silang alagaan ‘no.
So, right now with physical skeletal force, alam naman po natin na 30%—30 to 35 percent lang po ang nakakabigay ng serbisyo, iyong tinatawag nating vendor services ‘no, iyong mga partners natin kaya talagang affected din po ‘no. So ang puwede po nating gawin, nagkaroon po kami ng mga application, iyong tinatawag nating app na puwede pong i-download kasi mayroon din pong mga transaksiyon na kaya ninyo na pong gawin sa app tulad ng pagbabayad ng bill, kaya ninyo na pong gawin sa app iyan. Kung kayo po ay nakapag-download na rin ng GCash app, puwede na po kayong magbayad ng bill using your GCash.
So iyong mga apps po natin, iyong tinatawag na Globe One app saka Globe At Home app, lahat po iyan ay nakakabigay na ng parang do-it-yourself ‘no, iyong self-service na siya ‘no. So within those apps, iyong mga—hindi ninyo na kailangan pumunta actually ng store ‘no, puwede na kayong matulungan using that app.
SEC. ANDANAR: Kamakailan ay napabalita ang pagka-hack ng Twitter account ng isa pang internet service provider sa bansa kung saan nagbabala rin ito na isusunod naman daw nilang i-hack ang Globe, ano po ang masasabi ninyo rito?
GLOBE SVP CRISANTO: Alam mo Sec. Martin, kami po ay nagpapasalamat na hanggang ngayon ay hindi pa siya nangyayari, but obviously, because of the number of customers that we have, kailangan po ay alerto tayo so, kami po ay nakabantay ‘no. So kami po ay nag-put up na ng certain investments for cybersecurity. It’s been a long time, hindi lang po iyan this year, matagal na po nating ginagawa iyan.
Iyong continuous investments po natin para maging matatag ang seguridad ng network natin at iyong ating mga customer facing channels kung tawagin ‘no, iyan po ay pinaglaanan namin nang maraming investments at maraming panahon. So kung mayroon man pong magtatangka, obviously choice po nila iyon, ‘di po ba? Pero nakahanda po kami para maprotektahan ang ating mga customer…
SEC. ANDANAR: Recently din po ay nagkaroon ng partnership ang Globe at Red Cross with regards to an application called RC143. Can you tell us more about this project and how it would help our kababayans amid COVID-19 pandemic?
GLOBE SVP CRISANTO: Actually brainchild po ito ng Red Cross pero humingi po sila ng tulong sa amin in terms of our technological knowhow para magtulong po kaming pareho para makagawa po tayo noong tinatawag na application din ‘no. So ang ginagawa po ng RC143 is really to automate iyong ating contact tracing which is kailangan natin sa pagsugpo ng COVID.
So alam ko a lot of you understand na kapag ikaw ay makipag-usap o you come into contact with the person na may sakit; that person is symptomatic or asymptomatic, kailangan po tingnan po natin kung sinu-sino lahat iyong persons na nakausap para ma-check din po natin kung sila din po ba ay nagkaroon ng sakit. So malaking tulong po ito ‘no sa ating lahat and the good thing about it is very convenient kasi ida-download mo lang and it’s automated, hindi po siya mano-mano ‘no.
So iyan po ay example na ng ating digital innovation na ginawa in partnership with Red Cross at sana po ay makatulong nang malaki sa ating mga kababayan.
SEC. ANDANAR: Any message to our tele-viewers and to your customers, Yolly?
GLOBE SVP CRISANTO: So far Sec. Martin, ang sinasabi lang naman po natin, the network is proving to be resilient. Nasa GCQ na tayo, nalampasan na po natin ang ECQ, pero ang pinakakailangan lang po natin is makapag-build tayo Sec. Martin ‘no. So we really appeal to our LGUs na sana po iyong mga permits natin mailabas na ‘no, maayos na natin iyong proses na hindi po kailangan tumagal. Kasi kailangan po ng bansa ang mga cell sites dahil kailangan po ng bansa iyong ating mobile signal at kailangan po ng bansa ang internet. And a lot of this has to do with the cooperation po ng ating LGUs.
SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Globe Senior Vice President Yolly Crisanto.
USEC. IGNACIO: Samantala upang bigyang-daan ang Hatid Tulong Program na layong mapauwi ang mga na-stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine, pansamantala munang ipinagpaliban ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program. Para sa iba pang detalye, panoorin natin ito. [VTR]
SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin si Rachel Garcia mula sa PTV Cordillera.
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Mula naman sa PTV Davao may ulat si Jay Lagang, Jay?
[NEWS REPORTING]
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base sa tala ng Department of Health as of June 18, 2020, umabot na sa 27,799 ang total number of confirmed cases; kahapon umakyat naman sa siyam ang dagdag na bilang sa mga nasawi kaya umabot na sa 1,116 ang kabuuang bilang ng mga nasawi; habang patuloy naman ang pagdami ng mga naka-recover na umakyat na sa 7,090.
Kaya naman po hindi kami magsasawang ipaalala sa lahat ang physical distancing, tamang pagsusuot ng face mask at palagiang paghuhugas ng kamay. Tandaan: Sa pagsunod at pakikiisa sa ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan, makakatulong ka upang tuluyan nating mapagtagumpayan ang ating laban sa COVID-19. Bahay muna, buhay muna.
Samantala, sa kabila ng patuloy na tugon ng pamahalaan sa gitna ng pandemya ang kooperasyon at pakikiisa ng lahat ay mahalaga upang malampasan natin ng sama-sama ang hamon ng COVID-19.
[VIDEO PRESENTATION]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalaga pong malaman ng ating mga kababayan.
SEC. ANDANAR: At nais lang po nating batiin ng Happy Araw ng Surigao Del Sur, special holiday in Surigao Del Sur. Iyan po ay galing sa Radio Philippines Network, kay Jun Clerego.
Ang Public Briefing ay hatid po sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa po ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. At mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Usec. Rocky Ignaci0.
SEC. ANDANAR: Mula pa rin po sa PCOO, ako naman si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita po tayong muli bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
—
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)