Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #85
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas at sa ating mga kababayang nakatutok ngayon sa ating programa. Mula sa Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Basta’t laging handa at sama-sama, kaya po natin ito, kaya naman samahan ninyo po kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Alamin po muna natin ang pinakahuling bilang ng COVID-19 sa bansa. As of 4 P.M. kahapon ay nakapagtala ang Department of Health ng 31,825 total number of COVID-19 cases sa bansa matapos itong madagdagan ng panibagong record high na 1,150 reported cases na kung saan 789 sa dagdag na kasong ito ay fresh cases, 361 ang late cases. Nadagdagan ng dalawandaan at siyamnapu’t siyam ang bilang ng mga gumaling na may kabuuang bilang na 8,442 recoveries habang siyam ang naidagdag sa mga nasawi na may kabuuang bilang na 1,186.

Sa 21,362 active cases, malaking bahagi nito—97.2% ay mild cases; 2.4% o 521 cases ay asymptomatic o walang sintomas; samantalang 67 cases ay severe at 18 cases naman ang nasa kritikal na kondisyon. Kung inyong makikita sa graph, kapansin-pansin na malaki ang naitalang kaso kahapon na umabot nga sa 1,150, halos nadoble ang naitalang kaso noong Lunes. Ito na ang pinakamataas sa nakalipas na isang linggo. Sa kasong naitala kahapon, 28% nito ay mula sa Central Visayas at umabot naman sa 317 o 27% ang mula sa Metro Manila. Samantalang ang nalalabing 45% ay mula sa iba’t ibang rehiyon.

Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19 maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-26843. Para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers i-dial ang 1555. Patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Andanar. Secretary, kasama pa rin po nating magbabalita mamaya sina John Mogol ng Philippine Broadcasting Service, si Alah Sungduan ng PTV-Cordillera, si John Aroa ng PTV-Cebu at si Jay Lagang ng PTV-Davao.

Secretary Martin, ngayong araw po ay ika-449th Founding Anniversary ng Lungsod ng Maynila kaya naman po sa atas ng ating Pangulong Rodrigo Duterte, ngayong araw po ng Miyerkules, June 24 ay special non-working day sa Lungsod ng Maynila. Binabati po namin lahat ng Manileño, mabuhay po kayo.

At una po sa ating mga balita, sa kabila po ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang lalawigan sa bansa ay iminungkahi po ni Senator Bong Go ang patuloy na pagpapaigting sa mga health at safety protocols na ipinatutupad sa mga nagbabalik-probinsiya sa ilalim ng Hatid Tulong Program.

Aniya, dapat na maprotektahan ang mga lugar at probinsiyang may mababang bilang o ‘di kaya ay walang naitalang kaso ng COVID-19. Dapat umanong maglatag ng malinaw na mga patakaran at schedules sa mga transport terminals para maiwasan ang pagdagsa ng mga taong nais makauwi sa kanilang pamilya.

‘Bukod pa sa pagsasagawa ng COVID-19 test bago bumiyahe ang mga ito, alagaan rin natin sila’, ang panawagan ng Senador. Kailangan mabigyan din sila ng sapat na pagkain, masisilungan at huwag umanong hayaang magkumpulan para maiwasan ang pagkalat pa ng sakit.

Pinaalalahanan rin niya ang mga LGU na mahigpit na ipinag-utos ni Pangulong Duterte na huwag ipagkait sa mga Pilipino ang karapatan nilang makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya habang sinisiguro na ligtas at malusog na makakauwi ang mga ito sa kanilang pamilya.

SEC. ANDANAR: Kaugnay niyan ay pinaaalalahanan naman ni Senador Bong Go ang mga Pilipino na manatiling maging maingat lalo pa’t wala pa ring aprubadong bakuna laban sa COVID-19. Aniya, patuloy na gumagawa ng paraan ang ating pamahalaan para siguruhing maayos pa ring makapamuhay ang ating mga kababayan sa gitna ng pandemya.

Sa sektor ng edukasyon, pinaalala niya na pinakaprayoridad pa rin ang kaligtasan ng mga estudyante. Sa usaping negosyo, ginagawa rin umano ng pamahalaan ang lahat para matulungan ang maliliit na negosyo habang binabalanse ang kalusugan at kita ng mga ito. Mahalaga ang pagsunod ng ating mga kababayan sa mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan. Aniya, ipakita nating mga Pilipino, na tayo ay mayroon ding disiplina.

Una sa ating Public Briefing, kumustahin natin ang kasalukuyang kalagayan ng Filipino community sa Hong Kong. Makakapanayam natin si Consul General Raly Tejada mula po sa Philippine Consulate sa Hong Kong. Magandang araw po sa inyo, Consul.

CONSUL GENERAL TEJADA: Magandang umaga po, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Sir, alam po natin na mataas ang recovery rate ng Hong Kong. Gaano po kahigpit ang health protocol at ano ang mga best practices na maaaring tularan?

CONSUL GENERAL TEJADA: Opo. Napakahigpit po ng panuntunan dito po sa Hong Kong. Kaya nga po maganda rin po ang performance ng Hong Kong pagdating po sa kanilang response sa pandemic na COVID po ano. Secretary, sa una pa lang na pagkakataon na nagkaroon po ng kaso rito noong January, sinara na po lahat ng public places po rito, katulad ng mga eskuwelahan, katulad po ng mga gymnasiums at hininto na rin po ang mga meetings na pangmalakihan po.

So kasunod po noon, na-isolate din po iyong mga na-positive cases kaagad at nilagay po sila sa quarantine at iyong mga close contacts din po naman ay kinontak trace po kaagad at nilagay po sa quarantine. At iyon namang mayroon pong mga karanasan po, kasi ang Hong Kong po ay nagkaroon na po ng SARS noon pa man kaya po ang mga taga-Hong Kong po ay aware na po sa mga protocols na dapat gawin.

Simula po noong nagkaroon lamang po ng impormasyon na nagkakaroon ng COVID sa mainland China, iyong mga taga-Hong Kong po mismo ay gumawa na po ng paraan para maligtas sa sakit. Nagsuot na po sila kaagad ng mga mask at ang lahat po ng mga tao po rito, bagama’t hindi po required ay nagsusuot po kami lahat ng mask dito. Lahat po ng mga tao rito sa Hong Kong ngayon ay nagsusuot ng mask bagama’t ito po ay hindi required ngunit ito po ay pina-practice po dito.

At pang-apat po, sinara po ang Hong Kong sa lahat ng mga turista at lahat ng hindi taga-Hong Kong. So kung sinuman ang mga taga-Hong Kong na kailangang bumalik dito, sila po ay tini-test kaagad sa airport at nire-require ng quarantine for 14 days po. Iyon lang po, Secretary.

USEC. IGNACIO: Opo. ConGen, nito pong mga nakaraang linggo po, abala ang ating mga health officials sa Hong Kong para po humanap ng… at least mayroong hotel upang gawing quarantine facilities dahil sinasabi daw po na dadagsa iyong ating mga kababayang domestic helpers doon at tinatayang libu-libong workers ang inaasahang dumating. Ilan po kaya iyong inaasahang Pilipino na pupunta dito?

CONSUL GENERAL TEJADA: Opo, ma’am. Sa amin pong tala, mayroon pong 7,907 po na mga bagong hires na darating po dito sa Hong Kong at mayroon din pong 4,755 na mga na-terminate ngunit babalik pong Hong Kong sapagkat nagkaroon na po sila ng mga bagong employer po. So sa kabuuan po, mga 12,662 po na mga Overseas Filipino Workers ang babalik po ng Hong Kong nitong summer po para magtrabaho dito.

Medyo napakadami po nito kaya medyo nagwo-worry din po ang Hong Kong government kung saan sila ilalagay sapagkat ang quarantine for 14 days ay mandatory po rito. Ngunit kami po ay nakikipag-usap po sa Hong Kong government na ito po ay isang bagay na napakaimportante para sa gobyerno ng Pilipinas na mapangalagaan po ang kapakanan ng ating mga kababayan na babalik sa Hong Kong at magtatrabaho.

Number one po, napagkasunduan po namin at ito po ay lagi po naman naming inuulit na ang mga employers po at mga agencies na nagpadala po rito ng mga employees ay siya po ang number one na may responsibilidad po na maglagay sa kanila sa quarantine centers, maging hotel man o sa mga pasilidad na tumatanggap po ng quarantine.

USEC. IGNACIO: Opo. Con. Gen., sa isasagawa pong compulsory quarantine sa ating mga kababayan, sino po iyong responsable sa kanila and paano po iyong magiging accommodation o iyong magiging koordinasyon po ng ating embahada dahil sinabi ninyo na nga po na kung sino po iyong employer na magpapapunta, sila po ang may responsibilidad; pero paano po natin matitiyak na ito po ay maisasakatuparan nang maayos?

CON. GEN. TEJADA: Opo. Tayo naman po sa konsulado, sa ating pakikipag-usap sa ating mga employers at saka mga agencies, malinaw naman po sa kanila, malinaw po sa kanila ang kanilang responsibilidad. At ang ating labor attaché at ang POLO po ng Hong Kong ay nakikipag-ugnayan nang patuloy sa mga agencies. At ito po ay aming pinaalam po sa kanila in no uncertain terms that they are responsible po sa kapakanan ng ating mga kababayan, at pagdating po rito, sila po ang may responsibility sa pagha-house po sa quarantine.

At kami naman po ay in-assure, in-assure naman po kami ng mga agencies na ang kanilang mga employers ay mananagot po sa kanilang kapakanan at sila po ay tutupad po sa kanilang responsibilidad.

So iyon po ang masasabi ko pagdating po diyan, na huwag pong mag-alala sapagka’t hindi po mapapabayaan ang ating mga babalik na workers dito sa Hong Kong.

SEC. ANDANAR: Noon Sabado po ay inilabas ng China ang blueprint ukol sa national security law na ayon po sa mga eksperto at kritiko ay magkakaroon ng malaking impact sa mga naninirahan sa Hong Kong. Ano po ba ang posibleng epekto nito sa ating mga Filipino workers at mga migrante?

CON. GEN. TEJADA: Secretary, wala po ito gaanong epekto sa atin dito sapagka’t tayo naman po ay mga nagtatrabaho lamang po rito. Tayo po ay mapayapa naman na nakikisalamuha sa komunidad ng Hong Kong, wala po tayong dapat ikabahala sa sitwasyon na iyan.

Ang tinutukoy po ng national security law na ipatutupad ng China ay iyong mga bagay po na tungkol sa mga bagay na—how would you say? Iyong mga independence movement po dito na nagbabanta na humiwalay po sa China, so hindi po nila papayagan iyon kaya kailangan po nilang maglagay ng national security law.

Ito rin po iyong parang paraan na rin po para sa tingin po namin ay mapatuloy na po ang katiwasayan ng Hong Kong sapagka’t ilang buwan na rin po na nagkakaroon ng mga rally, ilang buwan na rin po nagkakaroon ng protesta. At noong mga nakaraan buwan po almost every day po ay mayroong rally; ngunit noong nagkaroon po ng COVID medyo bumaba po. Pero ngayon pong mga araw, minsan nagkakaroon na rin po at bumabalik na sapagka’t dito po sa Hong Kong ay nagiging normal na po ang kalakaran ng buhay; nag-flatten na po ang curve dito at actually zero local transmissions na po kami rito so bumabalik na po sa normal ang pamumuhay dito. Samantala naman, sa pagbalik ng normal na buhay dito, nagkakaroon na naman po ng mga protesta.

USEC. IGNACIO: Con. Gen., sinasabi po na ang mga Filipino ang largest ethnic minority sa Hong Kong. Pero kumusta po iyong kalagayan ng ating mga kababayan diyan lalo na nga po na sinasabi ninyo na bumabalik iyong mga protesta? Papaano po iyong ating mga kababayan din na walang magagawa dahil kailangan din naman po nilang magtrabaho; at kumusta po iyong kanilang mga sinasahod diyan?

CON. GEN. TEJADA: Okay naman po. Sila naman po ay patuloy na sumasahod. In fact po, ang Hong Kong ay isa sa mga pinakamataas magpasahod po sa mga household service workers kaya po paborito ng mga Pilipino na magtrabaho dito.

Maganda rin po ang panuntunan ng pagpapasunod sa batas dito po so ang ating mga karapatan dito sa Hong Kong ay napapangalagaan din po. So sa kabuuan po, masaya po ang ating Filipino community rito. Kanya lang po, of course, dahil nga po sa protesta at dito po sa sitwasyon sa COVID, ngunit ito ay bumababa na rin po. Medyo naaantala rin po iyong kanilang—alam ninyo po every Sunday po kasi nagpupunta po sila sa kanilang mga kaibigan dahil iyon po ang kanilang day-off ngunit ang nangyayari po kasi every Sunday po ay nagkakaroon po ng protesta. Ngunit sa katagalan po, nasanay na rin po iyong ating mga kababayan sapagka’t ang konsulado po ay laging nagpapaalala sa kanila na huwag po tayong sasali diyan at kung alam po natin ay umiwas na po tayo sa mga kaguluhan at protesta.

Mayroon po kaming mga advisory na nilalabas po sa aming website, sa aming Facebook page kaya po nalalaman ng ating kababayan in advance po kung saan po sila dapat umiwas na mga lugar, kung saan po nangyayari ang mga protesta.

Pagdating naman po sa kanilang welfare, maganda naman po at maayos; natatanggap pa rin po nila ang kanilang mga salary dito sa Hong Kong.

USEC. IGNACIO: Con. Gen., sinabi ninyo nga po na na-flatten na iyong curve at wala na pong local transmission, pero mayroon po bang may mga gustong bumalik dito sa Pilipinas? At kung mayroon po, kumusta po iyong repatriation efforts na ginagawa ng inyong tanggapan? At kung mayroon man po, ilan iyong nagnais na umuwi sa Pilipinas?

CON. GEN. TEJADA: Opo. I can confirm po na mayroon pong mga gustong umuwi dahil nga po sa sitwasyon ngayon sa buong mundo ‘no. Mayroon pong economic downturn so iyong mga employer din po nila ay medyo nawalan din po ng trabaho dito kaya ang iba ang napilitang umalis ng Hong Kong or ang iba ay nag-terminate na rin po ng kanilang mga empleyado.

So hindi po na-exempt ang ating mga kababayan diyan so mayroon din pong mga natanggal sa trabaho so kailangan po nilang umuwi. Ngayon po, nagkakaroon lang po nang konting sitwasyon dahil po doon sa flights na naka-cancel papuntang Pilipinas. Kaya po ginagawan po natin ito ng paraan sa pamamagitan po ng pakikipag-usap po sa ating Department of Foreign Affairs na siya naman pong tumutulong upang tayo po makakuha ng flights.

Nagpapasalamat nga po ako sa ating Department of Foreign Affairs sapagka’t noong June 6 at June 9 po ay nakapagapalipad po tayo ng mga Pilipino na nakauwi sa ating bayan. Two hundred po ito na na-stranded dito sa Hong Kong noong panahon na iyon ngunit nakauwi na po sila.

Samantala naman po, bagama’t nakauwi na po iyong 200, mayroon naman po ngayong naghihintay na 250 po na kababayan nating stranded sa Hong Kong, at iyon po ang ginagawa natin ng paraan na sana po naman ay mabigyan sila ng pagkakataon na makauwi sa ating bayan sapagka’t po patuloy po ang pagkakansela ng mga flights mula Hong Kong patungong Manila.

So ito po ay inaayos kasalukuyan ng ating Department of Foreign Affairs at pakikipag-ugnayan po sa IATF, at inaasahan po namin na in a few hours po ay malalaman po namin kung matutuloy po sila. I will project po, iyong 250 ay makakauwi po sila this week or next week.

SEC. ANDANAR: Mensahe sa mga Pilipinong naninirahan po sa Hong Kong, Consul.

CON. GEN. TEJADA: Secretary, ito lang po ‘no, ang amin pong panawagan sa mga Filipino dito sa Hong Kong, patuloy po silang sumubaybay sa aming Facebook page at sa aming website. Naroon po lahat ng advisory, nandoon po lahat ng paalala ng ating gobyerno sa ating mga kababayan dito. Nandoon din po lahat ng mga panuntunan at mga bagay na kanilang dapat malaman.

Isa pa pong masasabi ko: Umiwas lamang po sila kung may protestang magaganap, umiwas pa rin po sila at huwag magsuot—iyong sinasabi po nating huwag magsuot ng itim o puti para hindi po mapagkamalan na protesters.

So iyon lamang po at huwag po kayong mag-alala, mga Pilipino po dito sa Hong Kong ay safe and sound naman po.

SEC. ANDANAR: Salamat po sa inyong panahon at nakapiling namin kayo rito sa aming programa. Muli po, nakapanayam natin si Con. Gen. Raly Tejada ng Philippine Consulate in Hong Kong.

CON. GEN. TEJADA: Thank you, Sec.

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary, sa puntong ito ay makakausap na po natin si Mayor Jocelyn Castañeda po ng Mariveles, Bataan. Mayor?

MAYOR CASTAÑEDA: Good morning, Secretary Martin and Undersecretary Rocky.

USEC. IGNACIO: Mayor, kumusta na po iyong kalagayan ng Mariveles ngayon? At kumusta po iyong recovery rate? At anu-ano po iyong mga ipinatutupad ninyong safety measures para po diyan sa ating mga kababayan sa inyong lugar sa Mariveles?

MAYOR CASTAÑEDA: Sa ngayon po, maayos naman na po ang kalagayan namin dito sa Mariveles. Iyong mga nag-positive sa COVID-19 umabot po sa 19. Iyong isa po, sa kasamaang palad, mayroon po kaming isang death. Pero po iyong aming remaining 18 po ay recovered na po naman silang lahat.

At sa ngayon po marami po kaming mga pinapatupad na mga health and safety measures upang sa ganoon po maiwasan na po iyong contamination dito sa aming bayan. Unang-una na po dito iyong aming ginagawa na dito po sa bayan ng Mariveles, mayroon po kami ditong FAB, iyong Freeport Area of Bataan, kung saan mayroon po kaming mga kumpanya po na nasa 103 companies, sa ngayon po nasa, as of this time, nasa 68 na po ang nag-o-operate ulit.

At gusto po nating mapanatili ang ating tinatawag na social distancing sa lahat ng mga factories, sa lahat ng mga pabrika kung saan po noong una po, noong nagkaroon po ng ECQ, mayroon din po tayong nag-o-operate noon na mga companies, iyon pong mga nagpo-produce ng mga basic necessities and iyong mga COVID-related commodities kagaya po ng face mask. Kaya mayroon pa rin po kaming production noon, may mga pasok pa rin po ang mga factories. Kaya po noong ECQ, ang pinapapasok lang po natin sa mga factory para po hindi na muna dumayo sa aming bayan ang mga taga-ibang bayan po – dahil po sa Mariveles po kasi nasa 70% po ang mga empleyado ng FAB – 70% taga-Mariveles, so sila po muna ang aming pinapasok.

At noong nag-MECQ, pinapasok na natin iyong buong Bataan. Ang ginagawa po nating ito na nililimitahan po natin iyong pinapapasok natin dito sa ating bayan upang sa ganoon hindi po tayo ma-overwhelm ng mga kaso na magkakaroon ng sakit na ito.

Mayroon po kaming dalawang community quarantine facility – iyon pong Municipal High School, dito po sa Alas-asin at iyon pong ating isang inn sa Gracelyn(?) na kahit po dalawa po iyan, sa ngayon po nasa 100 plus iyon pong aming kini-cater, iyon pong nasa aming community quarantine facility.

Kaya po para hindi po kami ma-overwhelm ay kailangang po ay malimita muna namin kaya po pinapakiusapan po namin ang mga ibang probinsiya o ibang manggagawa dito sa FAB na taga-ibang probinsiya na huwag na munang pumunta dito dahil sa totoo lang po sa ngayon nga po, mahigit kalahati pa lang po ang nag o-operate na company at sabi ko nga po, 70% ng factory workers taga-Mariveles naman. So, i-utilized muna namin ang aming mga workers po dito sa aming bayan upang sa ganoon po mapag-ingatan pa din natin iyong pagkalat po, iyong contamination po ng sakit na ito na COVID-19.

USEC. IGNACIO: Mayor, dumako naman tayo sa napakahalaga po na pamamahagi ng cash assistance sa inyong lugar. Dahil mayroong mga, allegedly, hindi daw po nakakatanggap ng SAP. Pero kumusta po iyong kalagayan ng Mariveles sa usaping ito?

MAYOR CASTAÑEDA: Dito po sa aming bayan sa usaping SAP po, dahil dito po sa nabanggit ko kanina na sa Mariveles po, mayroon po kami ritong workers, factory workers, nasa formal sectors, kaya po nahirapan po kami na makabuo po ng qualified beneficiaries kung saan po nakalagay po doon na dapat po wala sa formal sector iyong isa sa miyembro ng pamilya o household.

Kaya po out of 17, 742 na ipinagkaloob po sa amin sa SAP as beneficiaries ng national, nasa 14, 518 lang po iyong atin pong nag-qualify. Pero po siyempre po dahil ayaw naman natin na ang ating mga kababayan ay magkaroon po ng parang ma-discriminate sila na may iba may cash assistance, iyong iba wala, kaya po ang ating pamahalaang bayan sa tulong ng ating Sangguninang Bayan ay nagpasa po tayo ng financial assistance sa ating mga kababayan na sa lahat po ng hindi makaka-avail o hindi magka-qualify sa SAP, nagbigay po tayo. Ang LGU po ay nagbigay ng 1,500 per family po doon po sa hindi po magiging beneficiary ng SAP o hindi naging beneficiaries ng SAP.

Umabot po iyan sa 44, 000 families, iyong ating nabigyan ng P1, 500. Siguro po sa ngayon, nasa P66 million po ang inilabas po ng LGU upang maipagkaloob po sa ating mga kababayan na hindi po nakatanggap ng SAP o tinatawag nating emergency subsidy program.

At bukod po doon, bago pa naman kami namahagi ng cash assistance, ito na po iyong nagkaroon po tayo ng ECQ, nagkaroon po tayo ng mga relief operations. Binigyan po natin lahat ng households or families ng mga food package and then pagkatapos nga po noong food package, sumunod po iyong P1, 500 na financial assistance sa mga hindi naging beneficiary ng SAP. And then sumunod po iyong P500 worth of groceries sa bawat pamilya po na umabot po iyan sa 58,000 packs.

At ganoon din po, after po noon, namamahagi na rin po tayo ngayon, iyan po iyong nakikita po natin diyan sa monitor, ng ating rice subsidy – 25 kilograms po para po sa isang pamilya. Iyon po ang ating ipinagkaloob po sa ating mga kababayan nasa 56, 279 sacks po iyan – 25 kilogram/sack of rice po ang ating ipinamahagi.

Ang ating financial assistance sa ating municipal employees din, dahil hindi naman natin sila pinapabayaan dahil sila iyong kumikilos, ang ginawa po natin, tayo po ay namamahagi, kasi po sa totoo lang po, ang distribution po natin ng ating mga assistance sa ating mga kababayan, dapat po mabilis or ibig sabihin, hindi po dapat tumatagal sa isang lugar. For example, sa isang barangay dapat po maipamahagi ng dire-diretso, kaya po ang ginagawa po namin, lahat po ng ating mga department heads at pati po iyong kanilang mga staff po nila sa kanilang office, lahat po iyon pinatulong po natin. Huminto po muna lahat ng transaction sa munisipyo, puwera lang po iyong mga emergency ano po. At lahat po ng mga empleyado at pati po mga department heads sa tulong po ng mga opisyales ng barangay, ng bawat barangay lahat po iyan kumilos. Kaya po nakamahagi po tayo sa ating mga kababayan po ng mabilisan. So, ang ating volunteers po umabot na po siguro sa 3,800 na volunteers na dinagdag pa po natin bukod pa po iyon sa empleyado ng munisipyo at mga empleyado ng barangay.

At tayo po ay nagbigay din po ng subsidy sa barangay, sa ating mga frontliners, mayroon po tayong binibigay, for almost two weeks, weekly nagbigay po tayo ng 80,00 weekly sa ating mga barangay, parang subsidy natin sa kanila na gagamitin po nila sa pagbigay po nila ng allowance sa kanila pong mga frontlines. So, umabot po iyon sa P1, 440, 000.

Marami po kaming mga procurement ng mga PPEs, for example mga face shield, face mask, surgical mask, namahagi po tayo ng mga alcohols sa lahat po ng households. Namahagi rin po tayo ng mga vitamins sa ating mga infants, toddlers, ganoon din po sa ating mga senior citizen. Nakaka-third wave na po tayo ng vitamins.

Sa kasalukuyan po na kami po ay under pa rin ng GCQ, dire-diretso pa rin po kami, kasi po hindi pa po kami tapos sa aming distribution ng rice subsidy namin, dahil po sa limitado lang po ang budget. Subalit, ganoon pa man ay sinisigurado po natin na magandang klase po ng bigas iyong naibigay po natin sa ating kababayan. Kaya po kapag may reklamo na hindi maganda iyong bigas, agad po nating pinapalitan, ibinabalik po natin sa supplier.

SEC. ANDANAR: Yes, ma’am. Maraming salamat po sa inyong panahon, Mayor Jocelyn Castañeda. Ma’am, maraming salamat po sa inyong panahon na inyong ibinigay sa amin at sana po ay tayo ay mabigyan ng pagkakataon na makadalaw po sa inyong bayan po. Mabuhay po kayo, ma’am.

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary, alamin na po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula po sa ating mga lalawigan kasama si John Mogol.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol.

[COMMERCIAL]

SEC. ANDANAR: Sa puntong ito ay makakapanayam natin si Department of Budget and Management Secretary Wendel Avisado. Magandang umaga po sa inyo, Sec. Wendel.

SEC. AVISADO: Magandang umaga po, Sec. Mart at sa lahat ng ating mga tagapakinig at taga-subaybay. Gayundin kay USec. Rocky, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ANDANAR: Sir, kamakailan ay nag-issue po ang Ombudsman ng subpoena sa inyong Kagawaran pati na rin po sa DOH ukol sa mga alleged irregularities sa paggamit ng COVID-19 funds. Bilang Kalihim, ano po ang masasabi ninyo patungkol dito?

SEC. AVISADO: Kaakibat po iyan ng kapangyarihan ng Ombudsman na magsagawa ng karampatang imbestigasyon kapag mayroon silang obserbasyon o mga report na natatanggap at tungkulin din ng mga nabanggit na kagawaran partikular sa Department of Health at sa Department of Budget and Management lalo’t higit sa Procurement Service ng DBM na tumupad sa mga kautusang iyan.

At kami naman dito sa DBM ay nakahanda at bukas nga sa pagkakaalam ko, isusumite na namin iyong mga dokumento na hinihingi sa amin ng Office of the Ombudsman upang nang sa ganoon ay makatulong sa pagtuklas o pagsasagawa ng kung anuman ang kalalabasan sa imbestigasyon gawa ng mayroong dapat na magpaliwanag kung bakit ganoon ang nangyari na matagal at hindi kaagad naisagawa iyong mga dapat gawin at kung ano naman ang mga aksyon na dapat gawin din ng Ombudsman pagkatapos na maisagawa ang imbestigasyon.

So, nakahanda po ang ating Kagawaran na tumupad sa mga kautusan na iyan.

SEC. ANDANAR: Dumako po tayo sa pahayag po naman ni Sen. Bong Go na dapat pong magkaroon ng duty allowance ang mga kawani ng gobyerno na nag-volunteer upang labanan ang pagkalat ng COVID-19. Ano po ang masasabi ninyo patungkol dito, Sec. Wendel?

SEC. AVISADO: Sa ngayon po, maliban sa hazard pay ay mayroon din tayong tinatawag na special risk allowance at ito talagang ibinibigay natin sa mga frontliners dahil nga hindi lang hazardous iyong kanilang trabaho, there risk is always there every time they report for work at kailangan nga na bigyan din ng pansin iyan nang sa ganoon ay makita rin ng ating frontliners na sa kabila ng peligrong kinakaharap nila every time sila ay magre-report ay mayroon namang kaakibat iyan na kumbaga ay pagkilala sa kanilang mga pangangailangan dahil kailangan nilang bumili ng mga personal na gamit nila, mga vitamins, mga kung ano pang kailangan nila na maisagawa upang maproteksyunan personally iyong kanilang kalusugan at iyan naman ay kinikilala ng pamahalaan iyan.

So, under the Bayanihan to Heal as One Act, mayroon na iyong hazard pay at pinalaki nga natin ginawa nating five hundred a month at saka iyong special risk allowance equivalent to 25% of their monthly pay ang matatanggap ng lahat ng frontliners.

So, kung mayroon pang iba na sinususog ay pag-aaralan po namin upang makita rin namin kung papaano maipapatupad natin ito basta ang mahalaga ay kinikilala ng ating pamahalaan ang kalakasang-loob at talagang… iyong devotion duty ng ating mga kawani, mga frontliners upang tuparin ang kanilang mga tungkulin.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bigyan-daan ko lang po iyon namang tanong ng ating kasamahan sa media. Unahin ko lang po iyong tanong ni Celerina Monte ng Manila Shimbun: Kumusta na daw po iyong preparation ng DBM para po sa Proposed 2021 Budget; magkano daw po ito? Will it be submitted during President Rodrigo Duterte’s SONA in July?

SEC. AVISADO: Opo. Tuloy-tuloy lang po iyong paghahanda natin sa pagsumite ng 2021 National Budget at ngayon nga pong sa kasalukuyan patuloy po ang ginagawang technical budget review ng mga isinumiteng proposed budget ng lahat mga kagawaran.

At first week of July naman magsasagawa na kami ng executive budget review. Iyon po iyong sa kabuuan na sa lebel ng… sa level ng DBM at ng sa ganoon ay masabi na rin namin sa lahat ng mga kagawaran na ito na ang inyong budget ceiling for 2021 at ito ang kakapalooban ng budget ceiling na iyan at lahat ng ito ay nakatuon sa priorities ng national government in line pa rin with our desire to precisely continue to combat this pandemic and at the same time also provide the kind of programs, activities and projects for our people lalo’t higit iyong mga nawalan ng hanapbuhay or trabaho at ng sa ganoon ay mayroon po silang mapagkukuhanan.

At ang ibig pong sabihin nito, we will concentrate more on labor intensive projects and activities to give income opportunities to the most vulnerable and to the most affected sector and workers both in public and private po sector.

At sa aming timetable po ay [OFF MIC]—

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po iyong iba pang tanong ng ating kasamahang media. From Virgil Lopez po ng GMA News Online, ito po ang tanong niya: How much of the loans borrowed from ADB, World Bank and AIIB for COVID-19 response were so far utilized by the government?

SEC. AVISADO: Opo. Tapusin ko lang muna iyong sa unang katanungan. Ang atin pong proposed budget for next year ay nasa P4.3 trillion, tumaas ito bahagya dahil this year nasa 4.1 trillion tayo, umakyat ng mga… kaunti lang, from 4.1 to 4.3 tapos po we expect to be able to pass this on to the President.

Kung hindi man po namin maisasabay sa kaniyang SONA ay baka sa second week ng August maisusumite na namin for his approval and then after that, isusumite na rin natin sa Kongreso. Matatandaan natin na last year ay isinumite po ng Executive Department ang 2020 National Budget sa Kongreso nang August 20 which was the deadline of the 30 days after the SONA of the President at iyon naman ay naipasa din ng Kongreso particularly ng House of the Representatives one month after or September 30 in-approved din nila.

So, iyon po iyong sa unang katanungan.

Dito po sa pangalawa, ay alam ninyo po ang ating national budget ay kinapapalooban hindi lamang iyan ng mga locally sourced revenues or new taxes subalit part po diyan ay borrowed funds.

So, iyon pong portion na kung saan ang tawag diyan ay programed funds to finance certain projects under the General Appropriations Act ay nakuha po natin iyon kaya po patuloy din ang mga projects natin kahit patuloy din iyong pagtugon natin sa pangangailangan patungkol dito sa COVID-19 at the same time, mayroon pong mga assistance, either grant or loan na ginagamit natin para sa COVID-19.

I would remember na nag-loan tayo sa ADB ng 6 billion; sa World Bank, 5 billion; tapos nag-global bond floating tayo or floatation na we were able to generate about – I cannot remember anymore the exact figure – between 2.5 to 3.5 billion, so, lahat po ito ginagamit natin to partly finance the requirements of COVID, the others to finance our 2020 national budget.

Kaya nga po sa kabuuan, as of today, ang nagagastos na po ng national government para sa COVID-19 response ay umabot na ng P355, 677, 151, 125 – iyon na po iyong kabuuan na nagagastos natin of which out of that amount, P247, 214, 000, 000 ay galing po sa pooled savings. Ito po iyong inipon natin na ni-realign base na rin sa kautusan ng Pangulo sa lahat ng mga kagawaran at departamento upang magamit sa COVID.

Ang P96, 717, 000, 000 naman, ay iyon iyong sa un-programmed appropriation, ito po iyong binigay o sinertify ng Department of Finance na ginamit natin, principally, doon sa P51 billion na subsidy para sa mga nawalan ng trabaho ng micro, small and medium enterprises at iyong 45.7 billion na ni-release natin sa Department of Health para matugunan lahat ang pangangailangan dito sa COVID-19.

So sa kabuuan po, from the pooled savings umabot ng P247, 527, 000, 000 at sa unprogrammed naman umabot ng 96.7 [billion] so all in all, tumotal na po iyan o umabot na iyan ng 255 billion—or rather, 355 billion as of now. At patuloy pa po ang nakikita natin na gastusin na ating kakaharapin dahil po patuloy pa rin po ang epekto sa atin ng COVID-19, hindi lamang dito sa Metro Manila ngunit sa buong kapuluan din po.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary pasensiya na ano, may mga pahabol lang pong tanong iyong ating media. Gusto lang po nilang ulitin, magkano daw po iyong ating proposed national budget for year 2021.

SEC. AVISADO: 2021 po, 4.3 trillion pesos po.

USEC. IGNACIO: Tapos ang tanong po ni Joseph Morong, pahabol lang daw po: Iyong mga projects daw po na affected sa mga departments na nagbigay na po ng fund, anu-ano daw po ito?

SEC. AVISADO: Depende po sa mga projects na sa nakikita namin ay pupuwede namang funding-an next year. So bale ang aming prinoteksiyunan talaga ay iyong mga infrastructure projects gawa ng labor intensive kasi sila, so iyon ang makapagbibigay ng hanapbuhay o trabaho. Although kalahati po niyan talagang nagamit na rin – DPWH, DOTr, DICT at iba pang mga departments po.

Subalit ang sentro po ng talagang tinutulungan natin na makatugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan ay iyong DSWD, talagang tuluy-tuloy po ang suporta diyan ng DOH, ng DOLE, ng DA at kahit na iyong mga local government units natin po ni-release-an po natin sila ng additional one-month IRA para sa mga municipalities and city and then one-half month IRA para sa mga provinces.

Tuluy-tuloy din po iyong ating suporta sa DILG, PNP at saka sa Armed Forces of the Philippines, Department of National Defense; ang UP-PGH po suportado rin po natin, ang Department of Science and Technology, DTI. So ito po iyong mga very active departments at mga kagawaran natin na tuluy-tuloy lang din po iyong operations nila at ‘di hamak na talagang sinusuportahan din natin sila sa pangangailangan nila pagdating sa pondo.

At ito nga, bilang pangunahing challenge natin lalo na sa larangan ng edukasyon ay magpupulong nga kami mamaya ni Secretary Liling Briones dahil nga dito sa proposed blended learning program na isasagawa ng Kagawaran ng Edukasyon at papaano naman iyong mga support kits na ibibigay natin lalo’t higit doon sa mga far-flung areas na hindi na inaabot ng IT or information technology or ng internet connection.

At si Pangulong Duterte na mismo nagsabi na kung kailangan nating bumili ng mga transistor radios at ipa-package natin ito in terms of the students and the pupils na maririnig kahit na sa transistor, marinig nila iyong mga pagtuturo na gagawin ng ating Kagawaran ng Edukasyon.

So ito po ay sigurado po ang tulong DBM dito dahil una, ito ang instruction ng ating Pangulo at makakaasa po ang ating mga kabataan, lalo na iyong mga nasa malalayong lugar na magsisikap po talaga ang pamahalaan na kahit sa ating sitwasyon ngayon ay makapag-aral kayo at the same time malayo naman kayo sa peligro dahil nga dito sa pandemyang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary may tanong po mula kay Sam Medenilla: May budget na po kaya na na-release ang DBM for DILG naman to hire 50,000 contact tracers?

SEC. AVISADO: Iyon pong contact tracing ay nasa ano po iyan, supposed to be is with the DOH at nag-release na rin po kami ng pondo sa kanila. Siguro po mag-uusap ang DOH at DILG kung papaano po ang istratehiya naman o sistema na magkatulungan sila pagdating sa contact tracing. At kung kailangan din naman ng dagdag na ayuda, ay malalaman ko rin po dahil sasabihan nila ako, kung may shortfall and then therefore we will come in and evaluate. At kung kinakailangan nga ay magri-release pa rin po kami dahil iyan naman ay talagang kailangan din bilang pagtugon natin sa COVID-19 po.

SEC. ANDANAR: Panghuli na lang po Secretary Avisado, sir. Batay po doon sa isinulat sa Bayanihan to Heal as One Act na iyong ibang budget po ng mga departamento ay isinurender po sa DBM iyong mga projects na hindi po nasimulan. Puwede pa ba ito next year dahil ito po iyong ipinangako ng batas at ng DBM din?

SEC. AVISADO: Ay opo, it’s in the Bayanihan to Heal as One Act na after the emergency at mayroon namang kaakibat na pondo na maiiwan at kung hindi naman ay ilalagay nga natin sa 2021, ay puwede po iyong ma-revive talaga iyong mga projects na iyan, mayroon pong enabling provision diyan – of revival of discontinued projects.

At makakaasa po ang ating mga kagawaran, at ito naman we have explained in our communications sa kanila na matigil man sila ngayon, hindi naman sila nakansela kung hindi ginamit na nga lang muna iyong pera para sa mga proyekto na iyan dahil nga dito sa pandemiya. At pagdating ng takdang panahon, at iyan naman ay isasali natin sa 2021 ay mai-implement pa rin in addition sa kung ano pa iyong maidadagdag natin base doon sa mga programang ilalahad nila dahil nga hindi lang naman ang pagtugon sa pandemya ang kailangan nating gawin kung hindi ang pag-revive ng ating ekonomiya. So kailangan din mag-implement tayo ng mga projects na makakatulong sa ating economic recovery.

SEC. ANDANAR: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, Secretary Wendel Avisado ng Department of Budget and Management.

SEC. AVISADO: Maraming, maraming salamat po, Secretary Mart at Usec. Rocky at sa lahat ng ating mga kaibigan sa media. Patuloy lang po ang inyong katanungan at kami naman po ay nakahandang sumagot dahil nga po iyan ang kautusan ng ating Pangulo na maging transparent ang pamahalaan sa ating mga kababayan.

Maraming, maraming salamat po and God bless us all.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayong muli, sir. Ngayon po naman ay dumako tayo sa Cordillera, kasama natin si Alah Sungduan ng PTV. Please go ahead.

[NEWS REPORTING BY ALAH SUNGDUAN]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Alah Sungduan ng PTV Cordillera.

USEC. IGNACIO: Mula naman po sa PTV Cebu, puntahan natin si John Aroa. John, kumusta na kayo diyan?

[NEWS REPORTING BY JOHN AROA]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, John Aroa ng PTV Cebu.

SEC. ANDANAR: Mula po naman sa Davao Region, kasama natin si Jay Lagang. Jay?

[NEWS REPORTING BY JAY LAGANG]

USEC. IGNACIO: Daghang salamat, Jay Lagang.

Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 para po sa inyong suporta sa ating programa. Mabuhay po kayo!

SEC. ANDANAR: At diyan po nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.

USEC. IGNACIO: At mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Hanggang bukas pong muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)