USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Muli, isa na naman pong oras na siksik sa mga impormasyon ang aming ihahatid sa inyo kasama pa rin ang iba’t ibang mga kawani ng pamahalaan ating bibigyan-linaw at kasagutan ang mga katanungan ng ating mga kababayan kaugnay pa rin sa COVID-19 pandemic.
ALJO BENDIJO: Bibigyan ng pansin ang mga mahahalagang usapin patungkol sa ating kinakaharap na pandemya kaya naman makiisa at makibahagi sa ating talakayan ngayong umaga. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Aljo Bendijo. Good morning, Usec.
USEC. IGNACIO: Good morning, Aljo. Mula naman sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
ALJO BENDIJO: At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang ay makakasama natin sa programa si DENR Undersecretary Benny Antiporda; Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
USEC. IGNACIO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang mga probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service.
Para naman po sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa livestreaming ng ating programa sa PTV Facebook page.
Para sa pinakaunang balita: Hinimok ni Senator Bong Go ang Department of Education na maghain ng action plan kaugnay sa concerns ng mga estudyante bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.
Aniya, marami pa ring mga estudyante ang walang access sa internet. Dagdag pa nito na dapat siguruhin na mabigyan pa rin sila ng oportunidad para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Nauna nang inirekumenda ng Senador sa education sector na i-maximize ang paggamit ng mga available media gaya ng telebisyon at radio para makatulong sa pag-aaral ng mga estudyante.
Bukod pa riyan, ayon pa rin kay Senator Go sa planong blended learning system dapat din aniyang siguruhin na hindi lamang online learning ang focus nito kung hindi pati na rin ang ibang modalities na hindi nangangailangan ng internet connection. Kaugnay diyan, dapat din magkaroon ng sapat na training ang mga guro sa iba’t ibang multi-media platforms for teaching.
Binigyan-diin naman ni Senator Go na dapat aniyang ikunsidera ang mga PWD students sa implementasyon ng naturang plano.
ALJO BENDIJO: At samantala, ikinatuwa naman ni Senator Bong Go ang pag-grant ng duty allowance para sa mga volunteers ng mega swabbing facilities. Aniya, sa tulong ng COVID-19 duty allowance, masisiguro nang maaalagaan ang mga volunteers.
Matatandaang kamakailan lang, umapela si Senator Go sa Executive department na i-recognize ang pagsasakripisyo ng mga volunteers na tumutulong sa paglaban kontra COVID-19. Kaugnay niyan, ang Office of the President ay nag-isyu ng Administrative Order # 31, granting duty allowance sa mga government personnel na nag-volunteer na magtrabaho sa MSF. Ang duty allowance ay retroactive – ibig sabihin niyan, ang matatanggap nitong mga allowance ay mula nang mag-umpisa ang operasyon ng MSF at iba pang designated facilities.
Ang allowance ay hindi lalagpas sa limandaang piso kada araw plus a maximum of 25% ng monthly basic salary ng bawat isang tao. Ang 25% MBS ay pro-rated sa bilang ng araw na nagtrabaho ang personnel sa mga itinalagang facilities during quarantine.
[VTR]
USEC IGNACIO: Senator Bong Go tinawag ang ng Department of Energy, Energy Regulatory Commission, Meralco at iba pang concerned government agencies na siguruhing patas at malinaw ang ipapataw na electricity charges sa mga consumers nito. Aniya dapat agad na matugunan ang dumaraming hinaing ng ating mga kababayan kaugnay sa hindi makatarungang pagtaas ng electric bill na natatanggap ng ilan mula sa power distribution utilities kaya naman hinimok ni Senator Go ang Energy Regulatory Commission na magkaroon ng imbestigasyon sa nasabing isyu. Dagdag pa ni Senator Go, dapat aniyang ipaliwanag ng Meralco at iba pang concerned agencies sa publiko ang mga dahilan sa likod ng mataas na bayarin ng ating mga kababayan sa kaniyang electric bills.
Kaugnay sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay DENR Secretary Roy Cimatu na pangunahan ang sitwasyon sa Cebu at alamin ang update kaugnay sa dalawang empleyado ng DENR na nagpositibo sa virus, makakausap natin si DENR Undersecretary Benny Antiporda. Magandang umaga po, Usec.
USEC. ANTIPORDA: Magandang umaga, Usec. Rocky and kapatid na Aljo.
USEC. IGNACIO: Kumusta na po kayo? Mukhang hindi ko kayo nakilala, Usec., ngayon ha.
USEC. ANTIPORDA: Medyo mahaba iyong buhok, hindi tayo nakakapagpagupit.
USEC. IGNACIO: Quarantine-look ba. Talagang hindi ko kayo nakilala, pasensiya na po.
Ngayong pansamantalang itinalaga nga ni Pangulong Duterte si DENR Secretary Roy Cimatu upang pangasiwaan po iyong kasalakuyang sitwasyon sa Cebu, paano po sinusuportahan ng DENR ang mga hakbangin ni Secretary Cimatu para po sa kaniyang special assignment na ibinigay ng Pangulo?
USEC. ANTIPORDA: Well, hindi na po bago sa ating pong… kami nga dito sa tanggapan ng DENR iyong special assignment. If you can still remember, iyong Boracay po, noong ginawa natin po iyan, although talagang connected din naman po sa DENR, mayroon pong mga aspects na political aspects, DILG aspect and of course, tourism, na pinag-isa po iyan, na nagtulung-tulong naman po lahat. Ganito rin po iyong sitwasyon ‘no dito naman sa Cebu kung saan naman po ay dito sa Visayas area ay mas ibinibigay pa rin naman po ng ating Kalihim iyong kaniyang damdamin dito sa mga local government officials ng Visayas area.
And at the same, kami naman po, bilang sumusunod sa amin pong Kalihim, ay nakaantabay kung ano pong tulong ang kakailanganin gaya po nitong mga… iyong secretariat works po ni Secretary Cimatu, nandiyan din naman po iyong mga regional offices namin para makaalalay.
But basically, lilinawin lang po natin ‘no, na lahat po ng ginagawa po ng ating butihing Kalihim Roy Cimatu ay ipinararating din po sa IATF at irirekumenda po for approval pa rin. Mayroon po kasing mga agam-agam na sinasabi na ang atin pong Kalihim ay magsusolo daw po sa gagawin – hindi po totoo iyon at wala pong ganiyan. And maipagmamalaki po natin na first time in the history po—ito po ay nanggaling sa bibig mismo ni Vice Mayor Rama na nagsasabi na first time doon po sa history nila, ito pong administrasyon na ito, na nagkaisa-isa ang lahat po ng lider politikal doon po sa Cebu City at nagsama sa isang lugar para po pag-usapan kung paano susolusyunan itong COVID-19 pandemic na ito.
Kung kaya’t… although masakit po sa atin na ika nga’y isang karamdaman ito ng mga biktima, masaya po tayo at nagkakaroon ng unity ang lahat para lang ho magawan ng solusyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Bigyan-daan ko lang, Usec., iyong tanong ni Pia Rañada ng Rappler. Ito po iyong—I’m sorry, galing kay Ryan Macasero ng Rappler Cebu reporter. Sabi po niya, ang tanong dito: Based daw po on Secretary Cimatu’s first week assessment, why hasn’t the local government been able to bring down the number of cases despite their best efforts over the past three months? What is the Task Force’s new strategy to halt the number of rising cases in Cebu City?
USEC. ANTIPORDA: Well, first of all, ang nasabi po kahapon ng ating butihing Kalihim ay very simple lang po muna, ang importante po talaga is iyong pagkakaisa po at iisa po iyong galaw ng bawat lider po diyan para ho hindi malito iyong taumbayan.
Gaya na rin po ng lumabas na mga datos medyo meron pong konting discrepancy yung numero ng local at noon pong national na health office ‘no, kung kaya’t ito ay sinasabi nga ho ni Secretary Cimatu na kailangan magtugma-tugma lahat ng numero para magkaroon ng karampatang aksyon ang bawat leader dito ‘no. And at the same time makikita din po natin na rumekta po sa barangay level ang ating Kalihim para ho alamin ano ba talaga ang nangyari bakit umangat ng ganiyan iyong numero ng bawat barangay. So sa nakikita po natin ngayon is iyong concerted effort ng lahat ang magbibigay solusyon po rito.
Alam naman po natin, marami pong political issues diyan kung kaya’t iyon po ang unang-unang ginagawan ng solusyon ng ating Kalihim, and along the way ay tuluy-tuloy na po iyang trabaho niya.
USEC. IGNACIO: Opo. Dahil diyan, may mga proyekto po ba o programang pansamantalang maaapektuhan at sino po ba iyong pansamantalang opisyal na humahalili para kay Secretary Cimatu diyan po sa DENR?
USEC. ANTIPORDA: Well personal po siya, hands on po siya rito, wala po siyang itinatalaga. Actually, noong pumunta nga po siya diyan sa Cebu eh mag-isa lang siya at kasama lang po iyong iisang aide ‘no na si General Heruta(?), dalawa lang po silang pumunta doon para ho tingnan itong sitwasyon at mapag-aralan nga kung ano iyong mga aksiyon na gagawin.
Now, we don’t want to preempt kung ano po iyong magiging decision ng IATF but he’ll make his recommendations to the IATF, I think it will be this Monday para ho once and for all mabigyan ng solusyon diyan. But basically, hindi po lalayo doon po sa mga naging desisyon din dito sa Maynila kung saan nako-control na po natin iyong numero dito.
BENDJIO: Usec. Benny, good morning. Napag-alaman natin na may dalawang empleyado ng DENR ang nag-positive sa COVID-19 kaya naman ay kasalukuyang naka-lockdown ang central office ng DENR dito po sa Visayas Avenue sa Lungsod Quezon. Kumusta po ang lagay nila; at so far, ano naman po iyong mga efforts na ginagawa natin para sa iba pang mga empleyado ng DENR?
USEC. ANTIPORDA: So far—though it’s not that good news ‘no but we consider it better news now dahil iyong isa po ay sa PCR test naman po ay nag-negative iyong isa ano po. Pero sa rapid test po noong unang dating nila ay talagang positive sila. Ngayon iyong isa naman pong hindi pa lumalabas ang PCR test ay nasa isang medical facility, iyong isa naman po ay naka-quarantine pa rin po kahit na ho nag-negative siya sa PCR.
Although naka-lockdown po tayo, ang sabi nga po ng ating Kalihim—personal po niyang pinangasiwaan ito kahapon na siya po mismo iyong nagpa-sanitize noong buong compound na ano po, hindi lang po iyong building ng Environment Management Bureau kundi iyong buong compound na ng DENR.
Sinasabi nga po niya na—nananalangin po ang DENR na maging negatibo po iyong dalawa. Eh napakaganda rin nito at na-sanitize na rin po iyong buong compound ano po. Pero ang masakit po rito is if in case naman po na mag-positive ito, aba’y napakarami pong magku-quarantine talaga. At as of now lahat po nasa self-quarantine po iyong mga nakasalamuha po nitong mga empleyadong ito pending the result of the PCR test.
BENDJIO: So, ano pong sistema ng pagpasok po ng mga empleyado diyan sa pagbibigay ng tuluy-tuloy na serbisyo ng DENR at kumusta po iyong ginagawang contact tracing ninyo ngayon diyan, Usec. Benny?
USEC. ANTIPORDA: Well, when it comes to our responsibilities, huwag ho kayong mag-alala. Dito po sa EMB, almost 95% of our operation eh online na po ‘no so wala pong dapat ipag-alala ang atin pong taumbayan, tuloy po ang operasyon kahit na po naka-lockdown ang ating mga opisina. Doon naman po sa kailangang makipag-ugnayan sa amin, makakatawag po kayo sa hotline or maaari din kayong makipag-ugnayan sa amin sa Facebook, doon din po sa Twitter puwede rin po at mayroon po tayong mga account diyan at sa atin pong website.
Lahat po kami ay—karamihan naman po naka-work-from-home ngayon and at the same time skeletal force po iyong nandoon po sa DENR ano po. So sakali man pong magkaroon ng self-quarantine o ano pa man pong sitwasyon, eh iyan po skeletal force ‘no. But sad to say, malaking dagok din po sa amin ‘to, but again we assure the people na tuloy po ang serbisyo ng DENR kahit na po mayroon tayong ganitong sitwasyon.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. kaugnay naman po sa pagbabalik operasyon ng mga suspended na mining companies, kumusta na po iyong ginagawang review ng DENR tungkol dito? Kailan po inaasahang makapagpapalabas ng listahan ng mga kumpanya na sumunod po doon sa guidelines na papayagan na muling mag-operate?
USEC. ANTIPORDA: Well malalim na pag-aaral po ang ginagawa dito ng DENR, alam naman po natin na una po sa aming layunin ay protektahan ang atin pong kalikasan kung kaya’t sinisiguro natin na compliant muna lahat ng kumpanyang ito bago po sila payagang magbukas uli. But sad to say with this kind of situation, isa rin pong malaking source of income natin ito pong mga mining companies na ito kung kaya’t minamadali din po namin ‘no. But rest assured that the first priority of our Secretary is the protection of our environment.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nakakalungkot ding isipin na sa kabila nga po ng pandemya na ating nararanasan ngayon, may ilan pa ring mga kababayan natin iyong sinasamantala iyong community quarantine. Kamakailan nga po ay tinatayang 20 kilograms o katumbas ng halagang 3.2 million of Agarwood na isang mamahaling raw material na ginagamit sa paggawa daw po ng perfume ang nasabat sa apat na indibidwal. Ano po iyong response natin dito at ano iyong mga posibleng charges na maipapataw ng pamahalaan sa apat na suspek?
SEC. ANTIPORDA: Well, una ho iyong tungkol po rito sa atin pong operasyon dito sa mga lumalabag sa ating environment and natural resources laws ‘no. Makikita ninyo naman po na lalo pong tumapang ang environmental enforcers natin kasama po natin ang National Bureau of Investigation na talaga po namang kahit na mayroong ganitong COVID-19 ay talagang hindi po kami nagpapahinga at tuloy po iyong laban namin diyan po sa mga illegal traders ng mga natural resources na iyan.
And of course iyong atin pong wildlife illegal trade na iyan, eh talaga hong nakatutok kami at nakabantay ano po. Hindi ho makakawala sa amin iyan, mas lalo po kaming nagiging vigilant kapag ganito po ang sitwasyon dahil alam po namin na mayroon pong magti-take chance dito sa ganitong sitwasyon.
At doon naman po sa mga parusa, mayroon pong mga karampatang kulong iyan at mga multa diyan po sa mga mahuhuling gagawa niyan at lalabag diyan ano po. Kaya’t huwag ho tayong magpakasiguro na gumawa ng iligal lalo na against the environmental laws dahil kami po’y laging nakabantay, hindi po nagpapahinga ang DENR kasama na rin po ang mga enforcement agencies na tumutulong po sa atin gaya ng NBI.
BENDJIO: Opo. May estimate ba tayo Usec. kung ilang kaparehong reports o mga violations ang naitala ng DENR sa loob ng tatlong buwang pagsasailalim ng bansa sa community quarantine?
USEC. ANTIPORDA: Well basically hindi naman po siya tumaas ‘no. Hindi ho tumaas iyong numero, hindi ho dumami pero lumaki ho iyong volume. Kasi ho mas naniwala sila na puwede silang mangapital at bumili ng mas malaking bulto noong iligal na mga bagay gaya nitong Agarwood at ang akala nila ay one-time mailulusot nila at kikita sila rito ‘no. Iyon ho iyong napansin natin na hindi nila alam na kahit na ganito ay mayroon po tayong mga impormante na nakakalat po diyan sa mga probinsya na pinanggagalingan niyang Agarwood na iyan at nakakarating po sa mga kinauukulan iyong ginagawa nila.
Dahil iyang Agarwood na ho iyan, kapag kinuha ho nila sa isang puno iyan, namamatay na ho iyong buong puno. Would you imagine napakatandang puno na, kukunin mo iyan tapos mamamatay lang nang ganun-ganun at wala siyang nagiging kapalit. Iyon po ang—ganoon ho nagsa-suffer ang ating forest tuwing kukunan ng Agarwood.
BENDJIO: Opo. Dahil po sa mga naitatalang mga paglabag o mga violations Usec., isinusulong ni Antique Representative Loren Legarda ito pong House Bill No. 6973 na layong magkaroon ng DENR ng enforcement unit na tutugon sa mga violations against environmental laws at ilan pang mga regulasyon. Ano ba ang update tungkol dito Usec. at sakaling maisabatas itong bill na ito, gaano po kalaki ang maitutulong nito sa pagbawas at pag-resolve ng mga environmental concerns?
USEC. ANTIPORDA: Well basically, it will serve as deterrent ‘no kung talagang mayroon na tayong enforcement bureau na talagang day-to-day, walang ginawa kundi manghuli nang manghuli ‘no at maipakita iyong kanilang presence ‘no. Kasi mere presence lang deterrent na po iyon at matatakot na pong gumalaw iyong mga illegal loggers na iyan, illegal wildlife traders at gaya niyan, iyang illegal trade po sa Agarwood and some other—iyong mga produkto na alam natin na pinalulusutan tayo.
Napakahirap po kasi talaga bantayan lalo na nasa probinsya po and iyong mga area na kabundukan tapos ang pupunta lang po eh iisang DENR personnel natin o forester natin na ang dala po ay isang maigsing pistol na personal niya pa at ang kalaban po naman ay puro naka-high powered firearms, iyon po ‘yung pinag-aalala namin dito kung kaya’t wala pong sapat na proteksyon. How can we protect the environment and the natural resources wherein we cannot ourselves ‘di ba po?
Iyon po ‘yung nakikita natin dito at napakalaking bagay na tinutulungan nga po tayo ni Congresswoman Loren Legarda dito sa enforcement bureau na ito. Ito po’y sinusulong nga po ni Secretary Roy Cimatu para ho matigil na rin po iyong sunud-sunod na pagpatay sa mga tauhan po natin ng DENR.
USEC. IGNACIO: Opo, Usec, bigyang-daan ko po iyong tanong ni Leila Salaverria ng Philippine Daily Inquirer. Kung puwede daw pong mabanggit ni Usec. Antiporda ano po iyong political issues na inaayos Secretary Roy Cimatu?
USEC ANTIPORDA: Well, actually wala hong definite na political issue. It’s just that you can see on the situation doon sa Cebu na walang coordination, iyong pagkilos mula sa barangay level to the local government units, to the provincial government hindi po buo ‘no. So ito po iyong binuo ng ating Kalihim na ngayon eh isasantabi muna iyong usaping politikal kung hindi magsama-sama para mailigtas iyong mga buhay ng ating mga kababayan diyan sa Cebu.
USEC. IGNACIO: Nitong Monday po mas nadagdagan iyong mga sasakyang maaring bumiyahe. Kumusta naman po iyong naging observation sa air quality index partikular na dito sa Metro Manila?
USEC ANTIPORDA: Well, ang air quality index po natin, dati po lumalaro lang po siya sa good and fair ‘no; majority noong ating monitoring areas ay good talaga. So, napakasarap lumabas at sumimoy man lang malinis na hangin.
Pero sad to say ngayon po ay medyo sumama ng kaunti, nasa fair po tayo ngayon. Karamihan nasa fair po tayo, pero may mga lugar na good pa rin. So what do we see here is iyong talaga pong culprit natin dito are the public utility vehicles, kung saan iyong gumagamit ng mga surplus na mga sasakyan iyong problema po natin sa air. Dahil noon pong wala pa po itong COVID ang atin pong air quality ay lumalaro sa fair to unhealthy ‘no, sometimes very unhealthy pa siya kapag iyong traffic iyong area talaga at naiipon iyong usok sa isang lugar.
Ngayon ang nakikita natin na ganiyan nga iyong sitwasyon kaya’t nananawagan po tayo sa ating mga kababayan na sa tuwing makikita po natin nang diperensiya iyong ating sasakyan ay huwag na po nating hintayin iyong emission testing para masabing kailangang magpagawa tayo. Baka po puwedeng ipagawa lang po natin ang ating mga sasakyan and at the same time malinis na po natin ang ating mga exhaust system para po hindi naman po masira pa ang ating air quality.
Always remember wala pa po tayong existing na filter na para sa air natin. Napakahirap po mayroon man tayo, hindi po ganoon kalakas na makina na kaya ng isang kuwarto na i-filter, pero iyon pong air natin sa labas, sa kalsada at sa mga open air areas, aba’y napakahirap po talaga dahil wala po tayong panlinis diyan po, kaya’t ang tinatamaan po niyan ay baga natin and always remember, sa COVID-19 po, baga rin po ang tinitira ng sakit na iyan kung kaya’t pangalagaan po natin ang ating baga by means of taking care of our air quality.
USEC. IGNACIO: Ano na lang po iyong mensahe ninyo, Usec. Antiporda sa ating mga kababayan?
USEC. ANTIPORDA: Well, ang mensahe lang po natin is very simple. Ang atin pong butihing Kalihim Roy Cimatu ay nabigyan na naman po ng bagong tungkulin para po tumulong sa Visayas, para po ma-solve itong mabilis na pag-angat ng numero ng COVID-19 patients ay huwag po nating pahinain ang loob namin dito sa DENR. Sa halip at tulungan ninyo kami at bigyan ninyo kami ninyo kami ng moral support dahil ang amin lang po naman ay gawin iyong nakabubuti sa ating mga kababayan.
Kamakailan ay may lumabas po, noong unang dating pa lang ni Secretary Cimatu na sinasabing noong dumating daw po sa Cebu ay tumira daw po sa Seda Hotel ng ating Kalihim at nagpa-reserve daw po ng 70 na kuwarto, 70 kuwarto at isang linggo daw pong titira doon sa Seda. Eh for the information of everybody, dalawang araw lang po doon si Secretary Cimatu at ang kasama lang po niya ay iyong kaniyang aide na si retired General Heruta na ito po ay malaking kalokohan po iyong sinasabing inabot ng 70 iyong kuwartong ginamit. Hindi po totoo iyan at hindi po marangyang tao si Secretary Cimatu, dati po itong sundalo at kung ano po iyong matitipid ng taumbayan ay ginagawa po niya para po magamit sa tama ang pondo po ng kaban ng bayan.
So, huwag po tayong maniniwala sa mga ganiyang mga tsismis, iyan po ay isang paninira para sirain po iyong kredibilidad ng ating Kalihim Roy Cimatu.
Isa lang po ang masasabi namin, ang Boracay po naging successful, hindi po naniniwala ang karamihan noong inumpisahan po iyan pero nagtagumpay po kami. Ngayon iyong Manila Bay po ay nagiging maganda na rin po ang sitwasyon at palapit na palapit po iyong inaasam natin na malinis iyan. Ang Visayas po ay gagawan po natin ng paraan sa ngalan po ng aming Kalihim Roy Cimatu na masolusyunan iyong problema sa COVID-19.
USEC. IGNACIO: Opo. Alam namin, Usec, na kayo ay abalang-abala sa mga paglilinis lalo na nitong Manila Bay at kasama na rin po iyong rehabilitasyon ng Boracay. Kami nga po ay umaasa na talagang darating din ang panahon mabibisita natin ulit ang kagandahan ng Boracay. Maraming salamat po sa inyong panahon Usec. Antiporda. Pasensiya na po kanina, my apologies.
USEC. ANTIPORDA: Okay lang po, salamat Usec. Rocky at kapatid na Aljo. Asahan po ninyo lagi, ikaw, ako, tayo ang kalikasan kung kaya’t pangalagaan po natin lagi. Maraming salamat po.
BENDIJO: Thank you, Usec. Benny. Samantala may report din si Clodet Loreto mula sa PTV-Davao. Clodet maayong buntag.
[NEWS REPORT BY CLODET LORETO]
[NEWS REPORT BY SHIRLY ESPINO]
[NEWS REPORT BY GEMMA NARIT]
[NEWS REPORT BY ELOIZA MOHAMMAD]
[AD]
[NEWS REPORT BYJOHN AROA]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa.
Samantala, sa kabila ng patuloy na tugon ng pamahalaan sa gitna ng pandemya, ang kooperasyon at pakikiisa ng lahat ay mahalaga upang malampasan natin nang sama-sama ang hamon ng COVID-19.
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman tayo sa COVID-19 cases sa bansa.
Sa huling tala ng Department of Health as of June 26, 4 P.M., umabot na po sa 34,073 ang dami ng mga nagpositibo sa COVID-19. Kahapon, nadagdagan ng 12 ang mga nasawi kaya umabot na ito sa 1,224.
Samantala, patuloy pa rin naman ang dami ng nadagdag na kaso ng mga nakaka-recover. Kahapon, naitala ang additional 274 recoveries kaya umabot na ito sa 9,182 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa.
Nitong nakalipas na tatlong araw napansin din ang sunod-sunod na pagtaas ng bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 kada araw na makikita sa inyong mga TV screens. Ngayong June 24, naitala ang 470 cases sa loob ng isang araw; noong June 25, tumaas naman ito sa 778; at kahapon nga June 26, naitala ang 1,006 cases sa loob lamang ng isang araw.
Kaya naman po hindi kami magsasawang ipaalala sa lahat ang physical distancing, tamang pagsusuot ng face mask, at palagiang paghuhugas ng kamay. Tandaan, sa pagsunod at pakikiisa sa ipinatutupad na guidelines ng pamahalaan makakatulong ka upang mapagtagumpayan natin ang laban sa COVID-19.
Bahay muna, buhay muna.
BENDIJO: All right! USec. Rocky, ang tinitingnan ko diyan iyong mga recoveries at iyong mortality. Mas hindi hamak mas mataas iyong recovery kasi nakaka-stress talaga kung titingnan mo araw-araw may mga ganoong kadami ang nahawaan ang COVID-19.
Kaya tama iyong sinabi mo, susundin talaga natin at disiplina, ang paghuhugas ng kamay, iyan po iyong pagsusuot ng face mask na tama at iyong physical distancing.
USEC. IGNACIO: Oo nga. Sa tingin ko naman, Aljo parang lahat ng ating kababayan nasasanay na rin naman na ito na iyong talagang palagian na dapat gawin kasi napakahalaga na sumunod ka sa mga paalala ng pamahalaan para maiwasan na nga iyong pagkalat pa ng COVID-19. Sa susunod na linggo nga magkakaroon ng magiging anunsiyo na naman ang Malacañang o si Pangulong Duterte kaugnay pa rin noong community quarantine na ating ipinatutupad sa bansa – kung tayo ba ay mananatili sa GCQ, mapupunta na sa MGCQ at kung ano pa ang mga dapat gawin ng pamahalaan para pa rin po sa kapakanan ng maraming mga Pilipino.
BENDIJO: Basta tandaan natin, USec., mga kababayan, iyong “CQ” sa huli, ibig sabihin noon naka-community quarantine pa rin ang buong Pilipinas. Habang wala pang bakuna talagang mag-iingat tayo dahil vulnerable tayo sa sakit na iyan.
USEC. IGNACIO: Okay. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHanda, diyan lamang po kayo.
[VTR]
BENDIJO: Nagbabalik po ang ating programa.
Samantala ay dumating na kamakailan sa bansa iyong nasa mahigit isang milyong test kits kaya naman para alamin ang mga magiging strategy ng Department of Health kaugnay sa COVID-19 testing sa bansa, makakausap natin si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Magandang araw po, USec.!
USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Secretary!
BENDIJO: This is Aljo Bendijo, USec. Vergeire.
USEC. VERGEIRE: Sorry, Aljo. I’m sorry… Good morning!
BENDIJO: Opo. Kasama natin si USec. Rocky Ignacio.
USEC. VERGEIRE: Yes, magandang umaga po, USec. Rocky!
BENDIJO: Last week po, USec. Vergeire dumating na nga sa bansa ito pong mga test kits natin. Anu-ano pong rehiyon iyong magiging priority natin para dito?
USEC. VERGEIRE: Ito pong mga test kits na ito, these would be based on the allocation list na ginawa natin. This will be based on the need, this will be based on the population na mayroon po ang bawat rehiyon natin. So, kapag ibinibigay po natin iyan sa mga bawat rehiyon natin specifically the number of laboratories that are present or existing in their area. Especially also we like to make mention na mayroong special focus tayo doon sa mga areas ngayon na medyo tumataas ang kaso para mas makapag-test sila ng mga community.
BENDIJO: Opo. At dahil sa mga dagdag na mga test kits inaasahan din na mas marami pa ang mate-test na ating mga kababayan diyan, USec. Vergeire kabilang na nga iyong mga media frontliners. Magsisimula na ba ito anytime at papaano po iyong sistema niyan? Saan ba sila dapat pumunta?
USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Katulad po noong sinabi natin noong isang beses, we have already expanded our protocols kung saan dinagdag na ho natin iyong mga other frontliners na are not indirect care or hindi po talaga directly caring for our COVID patients so kasama na po diyan ang ating mga barangay health emergency response team, nandiyan na rin po iyong mga media frontliners.
So, kung saka-sakali po maaari naman po silang pumunta kung saan malapit na laboratoryo, kung saan sila. Wala ho tayong dinesignate na specific na isang laboratoryo para po sa mga frontliners, kung ano pong locality silang nandoon maaari po silang magpunta para po makapagpa-test sila.
Pero ang sinasabi nga po natin, ang intension po nitong ating pag-e-expand ng protocol na ito ay kailangan iyong priorities po natin ay maumpisahan pa rin, iyong sub-groups A-D and then saka po natin mate-test ang sub-groups E and F. Ang sub-group E kasama po diyan iyong other frontliners natin na nakikita naman ho natin naisasagawa na po sa iba’t-ibang rehiyon natin.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., ayon kay Deputy Chief Implementer for COVID-19 Response Sec. Vince Dizon, target po na makapagsagawa ng one million na test by the end of July, puwede na po ba nating sabihin ito bilang isang mass testing?
USEC. VERGEIRE: Hindi pa rin ho, ma’am. USec., kapag tiningnan ho natin, ang isang milyon po is just 1% of our population, almost 1% of our population. So, hindi naman ho natin sinasabi na mass testing na iyong ginagawa natin, this is still expanded testing. Binabatay ho natin iyan doon sa mga sinasabi nating high risk groups na ating pina-prioritize for testing.
At katulad nga ng sinabi ko, na-expand na natin ang protocol so we are seeing na maa-attain natin itong one million na ito pagdating po ng end of July because as of now, we already have about 600,000 plus na nate-test na po sa buong Pilipinas mula noong mag-umpisa tayong mag-test.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., ito, marami kasing nagtatanong nito. Marami daw po kasing pamamaraan na ginagawa ng ating mga kababayan upang makaiwas sa COVID-19. Para po sa kalinawan ng ating mga manonood, gaano po ba ka-epektibo iyong paraan ng pag-tuob bilang preventive measure para sa COVID-19?
USEC. VERGEIRE: Yes, USec, maraming salamat at tinanong mo iyan para maklaruhan po ang ating mga kababayan ukol dito.
Unang-una po, gusto lang natin sabihin sa lahat, wala pa pong nadidiskubre na kahit na anong gamot na magiging epektibo para sa COVID-19, lahat po ay sinusubukan pa lang sa ngayon.
Pagdating naman ho dito sa mga traditional practices na mayroon tayo katulad ng tuob, kailangan pong mag-ingat maigi ang ating mga kababayan.
Nagpalabas po kami ng advisory regarding this matter dahil po ang tuob is really parang steam inhalation. So, ito hong steam inhalation dati pa hong sinasabi ng kagawaran at ng mga eksperto na it can aerosolize the virus at maaaring magkaroon pa ng mas mataas na risk for transmission of this COVID-19 virus kung saka-sakali pong ginagawa po ito sa mga pamamaraan na iyan dito po sa iba’t-ibang area natin.
So, we advise against it at kung saka-sakali po ay iyon na lang hong ibinibigay ng DOH na mga pamantayan para po maging malusog ang isang katawan, iyon na lang po ang gawin natin.
BENDIJO: Opo. USec., ano naman po iyong masasabi ninyo kaugnay sa paggamit ng emitting ultraviolet, itong UV light devices para sa pagdi-disinfect? Hinihikayat ba natin itong gamitin ng ating mga kababayan?
USEC. VERGEIRE: Yes sir. Alam ninyo po iyang UV light na iyan mayroon hong specific settings na nagiging effective iyan. Katulad na nga po ginagamit naman po iyan matagal na ng ating mga hospital care settings para makapag-disinfect ng mga kuwarto at mga lugar sa ating mga ospital or healthcare facilities.
Pero iyong nagiging para bang paggamit ng ating mga kababayan sa ngayon, iyong ginagamit parang mayroon pong mga wand na UV na ginagamit for mga papel daw para ma-disinfect and all, wala pa hong sapat na ebidensiya para masabi na it is really effective.
Pangalawa, mayroon din hong masamang dulot iyan sa ating kalusugan. Maaari pong makasira iyan sa mata ninyo, maaari pong maka-irritate ng skin ninyo. So kung saka-sakali po, sana po ay maghintay na lang po tayo ng sapat na ebidensiya para masabi kung talagang ito ay magiging effective or not.
Sa ngayon, it still causes other health adverse reactions so mas mabuti po na huwag munang gamitin kung wala naman po sa ating hospital care settings.
BENDIJO: Opo. Mataas po iyong bilang ng recoveries dito po sa COVID-19, USec., pero ano po iyong basehan natin tungkol po sa matapos iyong sampung araw hindi na nakakahawa ang isang COVID-19 patient? At kaugnay diyan, may posibilidad ba na babawasan na ng Health Department iyong bilang po ng quarantine days mula sa 14 days?
USEC. VERGEIRE: Yes, sir. So, klaruhin po natin ano. May lumabas po na ebidensiya galing sa mga eksperto for these past weeks na sinasabi po na ang isang tao na nagka-COVID-19 pagdating po ng tenth day of illness ay hindi na po siya nakapanghahawa kaya po tayo nag-shift sa ating protocol kung saan hindi na po natin nire-require na mag-test ang mga idi-discharge sa ospital at saka sa quarantine.
Atin pong pinag-aaralan ngayon kung saka-sakali ito pong additional na 14 days pagkatapos ninyong ma-discharge sa ospital o hindi kaya ay quarantine facility at kayo ay kailangang mag-quarantine pa sa inyong bahay or sa step down facilities kung mababawasan pa natin into just seven days.
But let me just clear this, iyon pong original na 14 days quarantine, it still remains lalung-lalo na po doon sa ating mga suspects, sa mga probable. Ito pong babawasan natin ang araw kung sakali na mairerekomenda ng eksperto, ito po iyong additional na 14 days pagkatapos po ninyong maospital o malagak sa quarantine facility.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., follow-up, ang ibig sabihin ba nito po ay mas magiging mabilis na iyong recovery span ng isang COVID patient?
USEC. VERGEIRE: Tama po iyan, ma’am, USec., kasi for these past months nakita po natin based on experience natin na because the hospitals or even the local government are waiting for patients to be tested na negative na sila pagkatapos nilang maging positive. They are COVID-19 positive patients, para ma-tag as recovered, kailangan pa ng basehan ng test eh minsan po matagal lumabas ang test, minsan naman po may ibang mga tao na hindi nagko-convert into negative kahit ilang linggo na which ang sinasabi nga ng eksperto, hindi ito ibig sabihin nakakapanghawa sila, ito lang talaga ay iyong sensitivity ng RT-PCR na kahit kakaunting virus na lang ang natitira ay nade-detect pa rin. So, kapag tinanggal na ho natin ang basehan na test sa atin pong pagta-tag ng recoveries, mas mapapabilis po, mas dadami po ang maitatala natin as recovered.
USEC. IGNACIO: Sa ngayon po, ano naman po iyong naging observation ninyo doon sa COVID-19 fatality?
USEC. VERGEIRE: Dito naman po sa mga deaths natin ngayon, USec. Rocky, mayroon na ho tayong total of 1,224 pero gusto nga ho nating ipaalam sa ating mga kababayan, base po sa ating mga datos at mga analysis ng ating eksperto, bumababa na ho talaga ang ating pagkakamatay dito sa ating bansa dahil sa COVID-19 and in fact, ang ating case fatality is just around 3.6 or 3.8% dito po sa ating bansa na kapag ikinumpara po natin worldwide, ang case fatality rate po is more than 5%.
So, makikita ho natin talaga even in our graphs na ipinapakita rin naman sa ating mga kababayan na pababa na ho nang pababa ang mga mortalities dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., may pahabol na tanong lang. Ano naman po iyong protocol natin para sa mga asymptomatic patients? Tuloy-tuloy pa rin po ba iyong kanilang pagsasailalim sa self-quarantine?
USEC. VERGEIRE: Definitely, ma’am! USec., kapag ho ang isang tao ay na-diagnose as COVID-19 positive patient at sila ay walang sintomas, sila pa rin po ay nire-require na mag-isolate sa kanilang bahay kung appropriate or sa temporary treatment monitoring facility katulad ho ng mga quarantine facilities natin. kailangan pa rin iyong 14 days quarantine para makasiguro po tayo na hindi po sila makapanghahawa sa komunidad.
USEC. IGNACIO: Opo. USec., ano na lang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan?
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Maraming salamat po! Gusto lang natin ipaalala sa ating mga kababayan na ngayon pong nandito na tayo sa stage na nag-e-ease out tayo ng mga restrictions sa community quarantine, atin pong tandaan na hindi po por que nagkaroon na tayo ng mababang level ng community quarantine ay nawala na po ang virus.
Nandito pa rin ho iyong virus at ito po ay hindi pa rin mawawala hanggang hindi pa tayo nakakadiskubre ng bakuna o gamot laban dito. So, ipinapaalala ho natin na nandiyan pa rin ho dapat iyong mga minimum health standards kapag tayo ay lumalabas sa bahay.
Marami ho tayong nakikita ngayon na nagbukas na ng mga businesses, sana po ipatupad ninyo pa rin ho iyong minimum health standards para po tuloy-tuloy po nating mapigilan ang pagtaas ng mga kaso dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, USec. Vergeire! Stay safe din po!
USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po, USec.!
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.
BENDIJO: Ang Public Briefing ay hatid po sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP).
USEC. IGNACIO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic.
Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Act Access Team for COVID-19. Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si USec. Rocky Ignacio.
BENDIJO: Thank you so much, USec. At sa ngalan po ni Sec. Martin Andanar, ko po si Aljo Bendijo.
USEC. IGNACIO: Magkita-kita po tayo muli sa Lunes, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)