Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #95
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Isang mapagpalang umaga sa lahat ng ating mga kababayan mula sa loob at labas ng bansa. Samahan ninyo po kami sa isa na namang linggo nang pagbabalita ng tamang impormasyon sa COVID-19 – ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary. Mula pa rin sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio kasama ninyong aalam sa pinakahuling hakbangin ng pamahalaan laban sa sakit na ito.

SEC. ANDANAR: Basta laging handa at sama-sama kaya natin ito, kaya naman samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Kahapon naitala ang all-time high record ng dagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa kabuuan ay nasa 44,254 na ang kumpirmadong kaso matapos itong madagdagan ng 2,434; 1,147 dito ang fresh cases habang 1,287 naman ang late cases o iyong mga resultang lumabas higit apat na araw na ang nakakalipas. Nadagdagan naman ng 489 cases ang mga gumaling mula sa sakit; sa kabuuan ito ay nasa 11,942 recoveries na. Habang pito ang nadagdag sa mga nasawi sa kabuuang bilang na 1,297 deaths.

Tuluy-tuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga nadagdag na kaso ng COVID-19 sa nakalipas na pitong araw bagama’t bumaba ito nang July 2 ay bigla rin ang naging pagtaas nito sa mga sumunod na araw at kahapon naitala ang pinakamataas na dagdag kaso na umabot sa mahigit dalawang libo. Forty-four percent (44%) sa mga kasong naitala kahapon ay nagmula sa NCR na umabot sa 1,069 cases; 25 case-percent naman o 602 cases ang naitala sa Central Visayas; habang 31% ang nagmula sa iba pang rehiyon. Pitong kaso ang nagmula sa hanay ng mga repatriate.

Sa kabuuan, nasa 29,087 na ang bilang ng active cases sa bansa, malaking parte dito ang may mild symptoms habang nasa 5.1% ang walang sintomas; 0.5% or 144 cases ang severe habang nasa dalawampu’t walong pasyente ang nasa kritikal na kondisyon.

USEC. IGNACIO: Nananatili man po ang bahagyang pagluwag ng restrictions sa maraming lugar sa bansa ay hindi ibig sabihin nito na ligtas na tayo mula sa posibleng pagkakaroon ng sakit. Patuloy pa rin po ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa kaya muli’t muli po ang aming paalala na manatili sa ating mga tahanan at huwag nang lumabas kung hindi naman kailangan. Panatilihin ang physical distancing sa lahat ng oras at palaging maghugas ng kamay.

Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay (02) 894-26843. Para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Maya-maya po ay kasama nating magbabalita sina John Mogol mula sa Philippine Broadcasting Service at si John Aroa ng PTV-Cebu.

SEC. ANDANAR: Ilang Locally Stranded Individuals nakauwi na sa kani-kanilang mga probinsiya. Noong Sabado at kahapon, Linggo, ay daan-daang mga LSI ang napauwi sa kani-kanilang mga bayan sa ilalim ng Hatid Tulong Program ng pamahalaan at sa pakikipagtulungan ng DILG, DSWD, PNP, Local Government Units ng bawat probinsiya at ng ilang pribadong sektor, kagaya ng Partas Bus Company.

Bago pa man nito ay nagtipon-tipon sa Rizal Park noong Sabado ang mga LSI na nagnanais makauwi sa kanilang probinsiya kung saan isinailalim ang mga ito sa rapid anti-body test sa pangunguna ng Department of Health at ng PNP Health Services. Agad namang binigyan ng PNP ng travel authority ang mga pumasa sa naturang rapid test. Siniguro rin ng bawat receiving LGU na maayos ding maipatupad ang health and safety protocol lalo na ang medical screening sa mga triage area na inilagay sa bawat drop off points. Namahagi rin ng food packs at pagkain ang ilang LGU para sa mga LSI.

USEC. IGNACIO: Muli rin naman pong nagpaalala si Senador Bong Go sa kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng health at safety protocols sa bawat programang ginagawa ng pamahalaan, kagaya nga nito pong Hatid Tulong initiative. Sa kabuuan ay nasa mahigit 60,000 OFWs at Locally Stranded Individuals na po ang nabigyan ng tulong ng pamahalaan. Malalaman natin ang iba pang detalye sa isinagawang Hatid Tulong nitong weekend, maya-maya po kasama natin si Assistant Secretary Joseph Encabo.

Samantala, Secretary, makakapanayam natin ngayong araw ang Lead Convenor ng Hatid Tulong Program ng pamahalaan, si Assistant Secretary Joseph Encabo, si Mayor Chavit Singson ng Narvacan, Ilocos Sur at UNESCO Artist for Peace and COVID-19 survivor Miss Cecile Guidote-Alvarez.

At kung may nais po kayong itanong sa ating mga resource persons, maaari po kayong mag-comment sa ating live stream at sisikapin naming ipaabot iyan sa ating mga panauhin.

SEC. ANDANAR: Una nating makakapanayam Rocky ang Lead Convenor ng Hatid Tulong Program ng pamahalaan. We have Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph ‘Joy’ Encabo. Magandang umaga sa iyo, Asec. Joy.

ASEC. ENCABO: Magandang umaga po Secretary Mart at Usec. Rocky, at lalung-lalo na po sa lahat ng nakikinig at nanonood sa programa ninyo ngayon.

SEC. ANDANAR: Asec. Joy, over the weekend ay nagkaroon po ng sendoff para sa mga LSI na uuwi sa Ilocos Region, Mindanao at iba pang mga lalawigan. Kumusta ang naging turn out nito?

ASEC. ENCABO: Well Sec. Mart, nais kong ipaabot sa lahat na sa pamamagitan po ng effort ng mga ahensiya ng gobyerno at ang pakikipag-partnership po sa Partas, sa liderato po ni Mayor Chavit Singson, masasabi ko po na we are very successful sa pag-sendoff ng ating mga LSIs. And based on the initial report, we’re still finalizing it, we were able to hit the 4,000 mark ‘no, of the LSIs who were sent off to Mindanao and Luzon and in Bohol and in Palawan.

So, masaya po kami dahil marami na pong natulungan ang ating pamahalaan, hindi lang po ito sa grand sendoff pati iyong mga previous ones. So indikasyon po ito na magpapatuloy po ang ating pagtulong sa mga LSIs papunta sa kanilang mga probinsiya.

SEC. ANDANAR: Can we explain again Asec., kung paano ang proseso ng pagpapauwi sa mga LSI? Of course, well, they have to go through medical assessments before boarding their transport service, at pagkauwi sa kanilang mga probinsiya, how do we make sure na minimized din ang contact nila with other people during the duration of their travel?

ASEC. ENCABO: Well nais ko lang ipaliwanag ‘no, kung nakita ninyo iyong proseso na ginawa namin sa Quirino Grandstand na kahit sa entrance pa lang po ay talagang inoobserbahan na po iyong social distancing. So upon registration, i-endorse po namin sila sa DOH para dumaan po sa rapid test as part of the medical protocol and a consultation with the practicing doctor or the attending physician from DOH. Then after that po, iyon na, ang travel authority.

So sinisigurado po namin na ang mga LSIs na ito ay safe na safe or negative bago sila makarating sa kanilang mga probinsiya. At nagpapasalamat din po kami sa tulong ng—unang-una, ang Lead Oversight ng Medical Team, ang DOH, ang BOQ, ang PNP at ang mga ibang ahensiya na nagbigay po ng suporta para mai-test natin po iyong apat na libong LSIs na nakauwi noong July 4 and July 5.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., ito mahalaga po ito ‘no, na malaman ng ating mga kababayan: kumusta po iyong arrangement ninyo sa LGUs; Paano po nila ina-assist ang mga LSI at nakahanda ba silang tanggapin ang mga ito?

ASEC. ENCABO: Parte po ng ating pakikipag-ugnayan at kasunduan – ang mga LGUs po ay magkakaroon ng sariling medical protocol at gagawin nila doon iyong swab test at compulsory po ang 14-day quarantine. So iyon iyong balanseng proseso na ginampanan po ng national government at ng local government units para ma-ensure na ang papasok na LSI sa isang lugar ay safe po at hindi po carrier ng isang virus.

At kung sa pag-uusapan natin ang initial na proseso bago sila maka-alis, kapag ang LSI po ay naging positibo sa test na ginawa ng DOH ay agad-agad ika-quarantine siya, ilalagay sa facility at doon ika-conduct ang confirmatory test na iyong swabbing. So, if found out na iyong test ay positive, the DOH and the attending physicians will take care of the subsequent medical protocols; at kung negative naman po ay papayagan na pong umuwi sa kanila.

USEC. IGNACIO:  Asec, bigyang-daan ko lang po iyong tanong ni Angel mula po ito ng RMN-DZXL. Ito po ang tanong sa inyo: kung nagkaroon daw po ba ng positive sa mga LSI noong nakaraang sent-off and mayroon pa rin bang LGU na nagkakaroon pa rin po ng reservation or pag-aalinlangan sa pagtanggap po ng returning LSI lalo at patuloy pa rin po ang pagtaas ng COVID-19 sa bansa; at paano po ninyo tinutugunan itong ganitong klaseng mga reservations ng ating local leaders?

ASEC. ENCABO:  Well, unang-una sa mga LSIs na nag-positive pagdating sa LGU ay nandoon na po iyong responsibilidad ng ating mga local chief executives o mga officials na kaagad sila ay i-quarantine. Aaminin po natin na kahit ano pong gawin natin ay hindi po maiiwasan ang mga cases na iyan, dahil nasa estado po tayo ng pandemic.

Sa parte naman po technical working group, talagang ginagawa namin ang lahat upang maiwasan at hindi maging contributory ang technical working group ng Hatid Tulong initiative na ma-increase iyong cases sa mga probinsya na kung saan uuwi ang mga LSIs.

Sa mga local government unit Chief Executives o mga lider natin, may iilan na po na medyo adamant, medyo may reservations na tanggapin, ngunit aaminin din po natin na dapat ito ay maging shared responsibility ng national government at ng local government units na pangalagaan at proteksyunan din ang mga taong posibleng may COVID. At ito ay sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa kanila at paglalagay sa isang quarantine facility.

Kaya malaking tulong po ang DILG dahil kapag mayroon po kaming nakukuhang report, na kapag ang isang mayor or governor na hindi tatanggap sa kanilang constituents ay agad tinatawagan at pinapakiusapan na maaring tanggpin at kung anumang tulong na puwedeng maibigay ng national government sa kanilang medical protocols ay agad-agad naming tinutupad at binibigyan ng suporta.

SEC. ANDANAR: Temporary suspended muna ang pagtanggap ng CARAGA Region, Cebu at ng Eastern at Western Visayas sa mga LSI under the Hatid Tulong Program sa utos natin ng IATF dahil sa matataas na COVID cases sa mga lugar na ito. Kumusta po ang mga LSI na sa mga nabanggit na probinsya sana uuwi?

ASEC. ENCABO:  Sa totoo ang, Sec. Mart, talagang awang-awa po kami sa kalagayan ng mga LSIs na nabibilang doon sa mga nabanggit na rehiyon. Kasi unang-una mayroon pong mga LSIs na naninirahan sa CARAGA, sa Samar, sa Leyte or as far as Iloilo or Aklan na pumunta po sa Quirino Grandstands at nagbabakasakaling makasakay at hoping na mayroong available bus o barko na puwedeng maghatid sa kanila.

Kinausap po namin sila kahapon, ako po mismo ang nanguna sa pakikipag-usap sa kanila, para mapaintindi at mabigyan ng sapat na eksplenasyon na hindi po allowed ang technical working group ng Hatid Tulong Initiative na gumawa ng hakbang na ihatid ang mga LSIs sa CARAGA, Samar, Leyte o sa Panay Island kasi po mate-technical po ang tanggapan na iyon sa IATF; at nirerespeto po namin ang desisyon ng IATF. At once ma-lift ang moratorium ay magpa-plano kaagad kami kung paano natin maihatid ang mga stranded na individual na nabibilang sa mga rehiyon na iyan.

SEC. ANDANAR:  Senator Bong Go frequently mentions the need to review Hatid Tulong Program lalo pa at sinasabi na may mga unauthorized travels umanong nagaganap under the name Hatid Tulong. May actions po ba tayong ginagawa regarding this?         

ASEC. ENCABO:  Ako po ay nakipag-usap na kay Secretary Ano at sa ilang official ng PNP at aking ipinahayag ang frustration ng Hatid Tulong technical working group. Kasi po mayroong mga colorum, mga unsupervised and unmonitored movement ng LSIs. Hindi kaagad natin maitukoy o maibanggit kong anong grupo iyan, pero kailangan po namin ng mahigpit na monitoring ng PNP lalung-lalo na kapag ang colorum na transportation activities ng mga LSIs ay hindi po nag-undergo ng rapid test or swab test at hindi po dumaan sa proseso, sa tamang proseso. Kaya doon po kami nanghihinayang, kasi po may mga ibang organisasyon o maaring ibang mga lokal na opisyal na hindi po nakikipag-ugnayan sa tamang ahensya upang mabigyan ng sapat na proteksyon o obserbasyon ang mga LSIs habang sila ay papauwi.

So dapat po matigil na po iyan kasi naniniwala po ako na ang mga colorum activities na iyan ang isa mga main or main na rason o dahilan kung bakit tumataas po ang COVID cases sa isang lugar.

USEC. IGNACIO:  Asec, bigyang-daan ko po iyong tanong ng ating kasamang si Jo Montemayor ng Malaya. Ito po ang kanyang tanong: paano po maiiwasan na iyong iba ay hindi tunay na LSI at nakikisabay lang sa Hatid Tulong. Bukod daw po sa Metro Manila, saan pang lugar ginagawa ang Hatid Tulong at gaano kadami ang LSI na galing sa ibang lugar?

ASEC. ENCABO:  Well, talagang nahihirapan kami diyan sa proseso na iyan, aaminin namin. Kasi unang-una, kapag naba-validate po namin ng maayos ang isang tao at nalaman po namin na wala silang permanenteng tirahan sa Kamaynilaan o sa karatig lalawigan sa pamamagitan po ng random questioning ng aming secretariat ay doon po namin naba-validate at na-assess na itong taong ito ay isang LSIs.

Ngunit may mga tao po talaga na hindi maiwasan na kusang loob na lang po pupunta sa venue o sa site kung saan po nagkaroon ng launching at pinipilit po nilang makauwi at paminsan po dahil na rin sa awa at pag-intindi, sa malasakit pinapayagan na rin natin ang mga illang tao na dapat po nabibilang sa Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program.

Pero kami po ay very confident na ang ginawa po ng Hatid Tulong secretariat at technical working group ay mataas po ang porsyento ng output ng aming ginawa na mga LSIs po talaga ang napauwi at naihatid sa mga iba’t-ibang probinsya.

So, ganoon po ang aming pamamaraan at talagang nakikipag-ugnayan din kami sa mga LGUs dahil sila rin po – ang mga mayor o governor – ay nagbibigay ng listahan sa amin para mai-proseso ang mga LSIs nila.

USEC. IGNACIO:  Opo. Asec., so, aside from Metro Manila, may ibang lugar pa po ba kung saan ginagawa itong Hatid Tulong? At ilan pa po iyong target natin na matulungan na maibalik sa kani-kanilang probinsiya?

ASEC. ENCABO:   Well, based po sa current list namin, mayroon pa tayong mga around 13,000 na naiwan kasi before nag-launch ang LSI noong July 4 and 5, nasa mga 15,000 – 16,000 at four thousand (4,000) lang po ang napauwi natin noong dalawang araw na iyon.

So, kaya nga po it’s a collective effort din po ito kasi may mga LSIs din tayo na tina-transport sa mga ibang rehiyon hindi lang sa Manila papuntang ibang probinsiya. So, mayroon din tayong tinatawag na inter-regional or inter-provincial movements, pero ito po ay monitored and under the Hatid Tulong supervision and oversight. Kaya po ingat na ingat po kami diyan.

Isa pa po is iyong mga movements natin, halimbawa, mayroong mga stranded sa Batanes na nag-aaral sa Tuguegarao o sa Cagayan o Isabela, kahit hindi po sila taga-Maynila ay puwede natin silang maihatid sa ibang probinsiya dahil nahihirapan po silang tumawid.

So, sa mga bagay na iyan at mga activities na iyan, sinisigurado po namin na kung ano ang protocol dito sa Kamaynilaan, iyon din ang ginagawa natin sa ibang probinsiya.

USEC. IGNACIO:  Opo. Pasensiya ka na, Asec. Joy, may tanong pa si Tuesdays Niu ng DZBB: Ano daw po ang ibig sabihin ng colorum activities ng LSI? Hindi ba dumadaan naman sa kanila lahat ng LSI, so papaano nakakalusot sa rapid test or PCR swab kung requirement ito bago maisakay ang isang LSI?

ASEC. ENCABO:   Well, may mga organisasyon o grupo o indibidwal na talagang kusang pumupuslit ng LSIs papasok. Halimbawa po, mayroon po kaming nakuhang report na may dalawang vans na papasok sa Samar ang mga LSIs at only to find out ay nagkaroon nga sila ng rapid test pero medyo matagal-tagal na at paso na rin iyong kanilang travel authority. Ngunit iyong sasakyan na ginamit ay hindi po nakipag-coordinate din sa national government or kahit sa Hatid Tulong Technical Working Group or sa ano mang ahensiya like DOTr, DOLE o DOT and OWWA, kung anong klaseng kategorya ng LSI ang kanilang sinasakay o hinahatid.

At doon na lang po nalalaman kapag sila ay nahuli ng PNP dahil upon checking the requirements eh nakikita po na expired na iyong iba, matagal na ang issuance at talagang hinahanapan ng paraan para makalusot at kung sa pagkakataon ay nahuhuli, doon po kaagad namin nakukuha iyong records. Kaya nga iyong mga LGUs ay nagkakaroon ng misconception na kapag may mga transport ng LSIs, iyong COVID cases kaagad ang nakikita nila na may posibilidad na mag-increase.

Kaya nga po sinisigurado namin sa Technical Working Group ng Hatid Tulong ay we really follow the IATF guidelines and we inform the LGUs na ganito karaming papasok; ito ang mga resulta; at lahat po may sapat na dokumento.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak, Asec. Joseph “Joy” Encabo, mabuhay ka, sir.

ASEC. ENCABO:   Maraming salamat po sa inyong suporta, maraming salamat po. Nagpapasalamat din po ako kay Mayor Chavit Singson. Sir, sa iyong tapat at malaking suporta sa ating mga kababayan, masayang-masaya po ang ating Pangulo sa inyong suporta, sir. Looking forward po sa mga darating na pakikipag-ugnayan at partnership sa iyo.

[AD]

SEC. ANDANAR:  Rocky, we also have on the line a prominent figure in politics and in the business world; Siya po ang national president ng League of Municipalities of the Philippines; at ang ama ng Narvacan, Ilocos Sur. We have Mayor Luis “Chavit” Singson. Magandang umaga po sa inyo, Mayor.

MAYOR SINGSON:  Magandang umaga, Sec. Martin at sa inyong lahat po. Magandang umaga po sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR:  Sir, kumustahin muna namin, Mayor, ang inyong bayan ng Narvacan sa Ilocos Sur. Kumusta po ang COVID-19 situation diyan?

MAYOR SINGSON:  Maganda po – buong probinsiya, zero ngayon. Last month, tinamaan kami ng isa sa Narvacan, agad-agad pinick-up ng provincial – gabi; dinala sa ospital, nagawan ng paraan ngayon negative na. Pero ang ginawa namin, sa barangay niya na pinuntahan na-trace namin lahat; na-lockdown iyong buong barangay; sinuportahan namin iyong barangay hanggang na-test lahat ng kausap noong tao na positive and then awa ng Diyos gumaling agad. So, ang ni-lockdown namin, iyon na lang barrio—iyong sitio niya. So, malinis po doon ang—nagagawan kaagad ng paraan. Basta maaga ma-detect, huwag lang magtago, magagamot naman po itong COVID.

SEC. ANDANAR:  Mayor, sa papalapit po na pagbubukas ng school year 2020-2021, next month na po iyan, nakahanda na ba ang mga paaralan diyan sa pag-administer ng blended learning sa mga estudyante?

MAYOR SINGSON:  As far as Ilocos Sur is concerned, na-testing na po namin. Mayroon kaming ka-partner, Gracia Telecoms na nagbibigay ng mga satellite. So, tinesting namin to the remotest barangay of Narvacan, umandar; the teachers are happy.

And tinesting namin sa provincial, to the farthest town – remote area, walang signal, walang WiFi – naglagay lang kami ng satellite, very successful; napakinggan lahat, iyong division superintendent at lahat iyong mga teachers, nagustuhan nila, so, gusto nilang gamitin regionwide pero ‘ika ko ipaalam ninyo muna kay Sec. Briones para alam niya itong programang ito.

And makatutulong po kami sa buong Pilipinas – iyong mga walang wifi, walang signal – makakapaglatag kami kaagad ng mga satellites to the remotest area. At kung mag-umpisa kami rito, halimbawa isang probinsiya, we can give three channels or more pero pagbukas nila, mapapanood ninyo rin sa Maynila at buong Pilipinas.

Ang technology, ang system, ako magpro-provide lahat; ang content, bahala na po ang mga teachers kung anong gustong ipalabas, iyon lang ang ipalalabas. At very successful ang ginawa sa Narvacan and the province of Ilocos Sur, so we are ready for that.

Hopefully—Instead of spending billions – nakita ko sa website ng Department of Educations – they will spend billions: Bibili ng tablet, nag-suggest sila at kung gusto ninyo ng WiFi, kumuha kayo sa Smart and Globe; magbabayad ang bawat estudyante ng 300 – bilyon-bilyon po ang gastos ng national government. Dito po sa Gracia Telecoms, iyong system po na ginagawa namin hindi po aabot ng ganoon.

So, I’d like to have a briefing with the Secretary of Education para masabi namin itong programang ito, magandang-maganda po para sa ating bansa. Tulong lang, hindi kami magnenegosyo. Ang gastos ko lang dito kapag sa satellite, iyon lang. at ‘ika ko nga, hindi kami magnenegosyo rito, tutulong lang sa ating bansa para sa ating mga kababayan lalung-lalo na itong pandemic na COVID.

USEC. IGNACIO:  Opo, Mayor, magandang araw po. Napakaganda po ng programa ninyo lalo na po sa ating mga kabataan. Ito po ba nga ay libre para sa lahat o may mga requirements din pong dapat silang maibigay para po sa paggamit ng internet service na iniaalok ninyo po sa mga nangangailangan?

MAYOR SINGSON:  Wala ng internet, maglalagay lang ako ng satellite; walang gastos ang mga estudyante. Ang nakita ko sa website ng Department of Education, magbabayad sila sa WiFi, bawat estudyante 300. Kung 300 bawat estudyante, ang public school students natin and teachers – mga estudyante lang, aabot ng bilyon-bilyon; kung ang estudyante magbabayad ng 300, bawat estudyante – ang estudyante natin 27 million – aabutin ng 8 billion sa 300 a month. Ganoon din sa teacher, gagastos din diyan bawat teacher – 500, aabot din ng 37 million – so malaking gastos po.

Dito sa sistema na sinasabi ko, walang gastos na ganoon. Minimal, kung ano ang gastos ko, iyong satellite doon ako maggastos, iyon lang po. At gusto kong makipag-meet kay Sec. Briones para maisulong natin ito para sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Mayor, sa pagtaas nga po ng demand ng mga internet service provider sa bansa dahil nga po sa implementasyon ng blended learning, para sa inyo po, gaano kaimportante na makapag-provide ang LGU sa tulong ng pribadong sektor ng ganito pong libreng internet para sa lahat?

MAYOR SINGSON: Maganda po. Itong system na sinasabi ko, hindi po kailangan ng internet. Iyong mga walang signal, maglalagay lang ho ng parang magic box sa TV nila, masasagap na nila. Iyong sa urban area, kausap ko na po, like for sa amin sa Ilocos Sur, iyong cable TV. Naglagay lang ako ng satellite doon, lahat ng may cable, nakukuha nila. Doon sa remotest area, ilalagay ko naman doon iyong satellite and iyong magic box, kuha nila, maliwanag na maliwanag po – hindi kailangan ng Wi-Fi. At iyon nga, kako, menos gastos sa lahat ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Napakagandang balita po talaga iyan, Mayor. Pero punta po tayo sa ibang balita, Mayor. Ano naman po iyong assistance na ibinibigay ninyo doon po sa mga displaced workers sa inyong bayan bilang epekto pa rin po ito ng COVID-19?

MAYOR SINGSON: Well, sa ngayon, magastos dahil sinusuportahan namin ang bawat barangay, bawat bahay … ay magastos na magastos. At kung tatagal ito, hindi na namin kaya dahil nga pati national, pati provincial, municipal ay mauubusan.

So, tinuturuan namin … kaya nagustuhan ko itong programa ng nasyonal na Hatid Probinsiya … Hatid Tulong, matuturuan silang magnegosyo ngayon dito sa mga probinsiya. Unlike in Metro Manila, gugutumin po iyong mga walang hanapbuhay diyan; sa probinsiya mabubuhay sila. Although, may risk – pagtanggap natin, may tinatamaan, may COVID. We don’t mind dahil talagang ganoon, we have to welcome especially our overseas workers which we consider our heroes. So tinatanggap namin lahat iyan at welcome sila. At maganda iyong Hatid Tulong, matuturuan silang magnegosyo.

Ganoon din sa mga private sector, kausap ko rin dito sa probinsiya, makakatulong din po sila makapagbigay ng … turuan sila, negosyo at lahat. So as far as Narvacan is concerned, ang ginagawa namin, dini-develop namin ang local tourism, local product para matutong magnegosyo lahat at kaniya-kaniyang magtanim. Like for example ako, nagtatanim na rin, natuto. Ngayon ko lang nalaman na ang mais, three to four days ay tutubo na. So ganoon ang tinuturo namin puro local.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, bigyan-daan ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan, si Celerina Monte ng Manila Shimbun. Ang tanong po niya sa inyo, Mayor Chavit, can you give daw po an estimate kung magkano iyong minimal expenses para sa proyekto?

MAYOR SINGSON: Proyekto saan?

USEC. IGNACIO: Iyon pong sinasabi ninyo kanina na magtatayo po kayo ng satellite na gagamitin para sa blended learning.

MAYOR SINGSON: As far as the students are concerned – and teachers – wala po silang gastos. Iyong minimal na sinasabi ko, nakita ko sa website ng Department of Education, they’ll spend billion. Hindi po kailangang gumastos nang ganoon. Kaya gusto kong makipag-meet. Minimal lang, iyon lang binabayaran ko doon, iyong satellite. Department of Education magtutulong magbayad so very minimal, that’s why I want to meet Secretary Briones para ma-avoid lahat nitong mga sobra-sobrang gastos na nasa web nila.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po, Mayor, sa inyong panahon at ganoon din po sa patuloy ninyong pagbibigay ng assistance sa ating national government. Baka mayroon po kayong mensahe sa ating mga kababayan, Mayor?

MAYOR SINGSON: Well, sana tulung-tulong tayong lahat para solve itong coronavirus na ito, lalo na ngayon. Forget politics, talagang pagtulong lang lahat para sa ating bansa. Iyon lang ang masasabi ko para sabay-sabay tayong gagawa ng mabuti para sa ating mga kababayan, palagay ko po ay maliligtasan natin itong problemang ito.

So magandang araw po sa inyong lahat. Anytime na kailangan ninyo ako, nandito lang po ako. You can contact me anytime, anywhere. Maraming salamat po—may suggestion pa ako.

USEC. IGNACIO: Opo. Go ahead, Mayor.

MAYOR SINGSON: Iyong programa na Hatid Tulong, naobserbahan ko noong nandoon kami, maraming nag-aantay na tao. Iyong mga buses na pinahiram ko na libre, tuluy-tuloy naman po iyan, pagbalik-balik kung gusto nila. But I would suggest na doon na sa Pasay terminal, dahil doon sa Pasay terminal natin, aircon lahat, may banyo, may toilet, kumpleto, very comfortable sa lahat ng mga kababayan natin. Unlike nakita ko sa Luneta, wala hong mapuntahan na kumpletong … may mga toilet at lahat. Sa Partas Pasay, sa may Tramo, kumpleto po roon, malaki iyong aircon ng waiting area, very comfortable for all passengers. Iyong lang suggestion ko, tulong din yan po, libre po rin lahat.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong tulong sa ating mga LSI. Muli, maraming salamat kay Mayor Chavit Singson ng Narvacan, Ilocos Sur. Stay safe po. Mabuhay po kayo, Mayor.

MAYOR SINGSON: Maraming salamat po.

[VTR]

SEC. ANDANAR: Sa puntong ito, makakapanayam po natin ang UNESCO Artist for Peace Awardee noong 2003, former Executive Director of NCCA, PETA Founder and a remarkable COVID-19 survivor, Ms. Cecile Guidote-Alvarez. Magandang umaga po sa inyo, ma’am.

MS. GUIDOTE-ALVAREZ: Magandang umaga rin po, Sec. Martin Andanar. And thank you para dito sa partisipasyon dito sa inyong programa – really effective communications to keep our people updated about the COVID-19 response.

SEC. ANDANAR: For the past few months, Ma’am Cecile, you have been through a lot. How are you feeling and how are you coping these days?

MS. GUIDOTE-ALVAREZ: Alam po ninyo, siguro hindi lang sa pamilya namin, ngunit lahat ng mga pamilyang apektado ng COVID, it’s indescribable grief kapag nawawala ang mahal mo sa bahay bigla. Pagkatapos hindi mo man lang nakausap, hindi mo man lang nahawakan ang kamay, nahalikan, talagang total isolation. So mahirap po talaga sa kaisipan, sa kamalayan. Pero ang talagang parang armas mo na lang ay ang dasal at saka siyempre iyong kagandahang loob ng frontliners, iyong nag-alaga sa ospital, at iyong mga kasamang nagdadasal, iyong mga nagbibigay ng mga encouraging notes, iyon po ang nagpapatibay ng loob.

Pero talaga pong mahirap at ang mahalaga siguro ay… to take stock. Hindi mo talaga maaalis iyong sakit ng loob, iyong pagkawala ng mahal mo sa buhay. Ngunit kailangan mo ring pasalamatan na buhay ka at maaari ka pa ring makatulong o ipagpatuloy kung anuman ang inyong mga shared dreams and programs, at saka para maitaguyod mo pa rin ang pamilya mo. Kasi napakasakit na totally orphaned ang mga bata, ang mga kabataan. Kaya iyon po ang masasabi ko, kung ang dasal at saka—arts also nakatulong dahil parang discombobulated ka talaga eh – hindi ka naman makapagsalita, walang communication. Kailangan iyong utak mo ay very busy so kailangan iyong mga dasal.

Ako gumagawa pa ng mga poetry, mga kanta sa isip at kung anu-anong ginagawa. At saka noong—the time for rehabilitation, ginamit ko talaga ang my knowledge in the arts ‘no pati sa mga kamay, paano ang mga exercises na mas mapapatibay pa iyong mga ibang binigay na exercises.

Iyon ang mahirap talaga. Ngayon pa nga, hanggang ngayon, nasa ashes pa lang na matatanggap mo, hindi mo na nakita, talagang masakit sa loob iyon. At ako kung minsan ang ginagawa ko na lang, nakikinig sa mga awit, mga “Smile Though Your Heart is Aching,” siyempre iyong mga “Amazing Grace,” iyong mga “You’ll Never Walk Alone,” mga talagang makakatulong sa pagpapatatag ng iyong kaisipan. And dasal talaga at pananalig na mayroon talagang resurrection after the Calvary, after the parang the agony na we are facing.

MS. GUIDOTE-ALVAREZ: [CONT] At nakapapataba rin po ng loob na nakikita naman natin, pinagmamasdan namin palagi ang synergy ng IATF at saka ang Pangulo palaging sinasabing, “Naku, we have to save lives,” I think iyon ang mahalaga eh. At saka iyong sinabi rin kanina ni Mayor Chavit Singson na talagang wala na ho sanang pulitika. Ang kailangan talaga, sama-sama nating itaguyod ang ating bayan; kalabanin itong napaka-evil ‘no. Kapag dinadasal mo iyong “Our Father,” deliver us from evil COVID na lang para bumuti naman ang katayuan ng ating mundo.

Napakasakit din na alamin na pati ang ating mga frontliners, marami na ring namamatay. So iyon po, talagang pasasalamat sa Diyos; pasasalamat sa mga kaibigan, kasamahan nagdadasal. Salamat talaga sa ating mga frontliners, kasi hindi ho siguro ako nabuhay; masakit nga po na pumanaw si Sonny. Ang mahalaga po sana siguro kung puwedeng masabi namin na, Secretary Martin, na maaari siguro ang United Nations, iyong public service day, ginawa nilang tribute to all frontliners – baka puwede rin tayong magkaroon ng a month or even a week to salute our frontliners and express our thanksgiving sa kanilang pagmamalasakit at Sakripisyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am Cecile, magandang araw po sa inyo. Kami po ay masaya ngayon na nakakasama po namin kayo dito sa public briefing sa Laging Handa. Ano na po iyong tumatakbo sa isipan ninyo ngayon na you were able to survive COVID pero patuloy pa rin po ang pagtaas ng bilang ng kaso sa bansa? At may reflection po ba kayo na nais ninyong i-share sa ating mga manunood?

MS. GUIDOTE-ALVAREZ: Alam po ninyo, napakahirap na tamaan ng COVID. Hindi talaga natin alam kung ano itong COVID noon. Pero sa naramdaman ko iyong nagkaroon ako ng … they don’t know kung I had a stroke, I had diabetic … kung anuman ang nangyari. Binigyan pa ako ng tinatawag na dialysis for two times; to be intubated is so hard. Dapat talagang ipabahagi na at tama po ang panawagan ng ating pamahalaan – please prevent yourself na hindi kayo masungkit ng COVID dahil napakasakit na katayuan ang COVID, kadalasan nga may mga namamatay. And iyong sa death, iyong total isolation, hindi mo  man lang nakita, nakausap, siguro iniisip ko  kahit na man lamang kung alam na ng mga doktor na papanaw na iyong ano, baka mayroong possible communications para kahit na sa tape recorder maparinig ang boses or something.

Kasi iyon talaga ang nagpapahulog ng luha ko tuwing naaalala ko na namatay kang mag-isa, naghirap kang mag-isa. Sanay tayo sa tradition natin na kapag mayroon kang sakit, mayroon kang kamag-anak, asawa, anak na katabi mo at nagbibigay talaga ng encouragement ano.

So I think dapat may … pag-iisipan na paano mayroon man lang last communication even through a sense of hearing na mayroong ganoon. Wala man lang extreme [unclear], ganoon. Ako nga, I’m just lucky na bago ako na-intubate napadala [garbled] sa nurse para basahin lang kasi isolated kami eh. Nasa basement ako tapos dinala pala siya sa ICU – wala talagang communication.

Amidst isolation, how can—katulad ngayon, ang galing na ginagamit ang technology kahit na hindi tayo magkakasama, nakakausap natin si Sec. Martin, kayo Usec at saka iyong mga ibang taong inyong kinakapanayam. Mayroon kayang magagawa na the last moments man lang or somewhere even before intubation, mayroon talagang way of talking to someone who is affected. Pero ang pinakamabuti, sundin na ho natin lahat ng araw-araw ay binibigyan-diin dito, diyan sa PTV 4 at sa lahat halos ng communication channels na mag-ingat, sundin talaga iyong health protocols.

Tama po at saka iyon ding panawagan ng Pangulo na huwag gamitin ng korapsyon iyong mga tulong na binibigay. Iyon talaga nakakasakit ng loob na alam natin ang daming naghihirap, kung maloloko pa rin iyon, hindi tama eh, hindi talaga tama.

Sa panahong ito, nakikita natin, unti-unti nakikita na natin ang community discipline doon sa mga lugar na  bawas na nga ang COVID. Disiplina lang naman iyon sa pagsusunod at saka iyong tulungan, iyong public-private partnership na nagagawa. Iyong bayanihan talaga na binigyan-diin ng ating gobyerno – executive at legislative. Napakahusay ho iyan kung ikukumpara ninyo sa nangyari sa Amerika, iyong naysaying ni Trump tungkol sa pandemic na basta biglang mawawala kahit na hindi magsuot ng mask, eh science is saying hindi naman po totoo iyon.

Mahalaga rin po na alam ang mga nangyayari. Alam ninyo, nakakalito kung minsan, ang daming mga news, iba-iba. Kung maaari, ang IATF siguro mag-gather lahat ng scientific data:

May balita na one million na raw ay ilalabas na bakuna ang Japan; na mayroon ding treatment na sa England; ang Italy sinasabing mali, na hindi virus – bacteria. So medyo nakakalito.

Kung talagang maibibigay ang scientific data and formulary of treatment kahit na wala ka sa ospital, nasa bahay ka, ano ang maaari mong gawin, ano ang susundin mo – iyong hot water with lemon ba at saka iyong mga iba pang herbals, iyong steam, ano talaga iyon na—

Katulad noong sinasabing wash your hand, cover your month when you sneeze. Ano talaga ang dapat gawin ng mga taong nasa bahay na nininerbiyos?

SEC. ANDANAR: Ma’am Cecile Alvarez? Ma’am, can you hear me?

MS. GUIDOTE-ALVAREZ: Yeah.

SEC. ANDANAR: Yes, ma’am, salamat po sa inyong panahon. Pasensiya na po kayo tayo po ay naubusan ng oras. Pero we’re hopeful that we can have another time for an interview na mas mahaba-haba po.

Maraming salamat po. Mabuhay po kayo.

MS. GUIDOTE-ALVAREZ: Sec. Martin, mayroon pala kayong ginagawang PTV anthology ng mga survivors and others, sa Miyerkules iyon, dahil din sa inyong liderato so maraming salamat.

SEC. ANDANAR: Yes, ma’am. Thank you po. Mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Yes, katulad po ng sinabi ng ating butihing si Ma’am Cecile, mapapanood po natin ang buong kuwento ng paglaban ni Ms. Cecile Guidote-Alvarez sa We Heal as One documentary na mapapanood ninyo po sa Miyerkules dito pa rin sa PTV.

Muli nating balikan ang naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagpapauwi sa ating mga kababayang locally stranded individuals sa pamamagitan ng Hatid Tulong Progam, panoorin po natin ito.

[VTR]

SEC. ANDANAR: Alamin po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa mga lalawigan kasama si John Mogol. Good morning, John.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita naman tayo mula sa Central Visayas kasama si John Aroa ng PTV Cebu. John?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, John Aroa.

SEC. ANDANAR: Pasalamatan din natin ang ating mga naging panauhin ngayong araw at ang ating partner agencies sa kanilang patuloy na pagsuporta at walang sawang paghahatid ng balita’t impormasyon. Salamat sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Maraming salamat po sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

At diyan po nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO.

USEC. IGNACIO: At mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Hanggang bukas muli dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)