Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #96
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR:  Magandang araw po sa ating lahat, mga kababayan na nakatutok ngayon sa ating programa. Mula sa Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Martin Andanar. Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Good morning, Secretary Martin. Mula pa rin po sa PCOO, ako si Usec. Rocky Ignacio kasama ninyong mag-uulat ng pinakasariwang impormasyon sa mga hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19.

SEC. ANDANAR:  Basta laging handa at sama-sama kaya natin ito, kaya naman samahan ninyo kami rito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO:  Secretary Martin, alamin muna natin ang pinakahuling bilang ng COVID-19 sa bansa. As of 4 P.M. kahapon, nakapagtala ang Department of Health ng 46,333 total number of COVID-19 cases sa bansa matapos itong madagdagan ng 2,099 reported cases na kung saan 1,258 sa dagdag na kasong ito ay fresh cases; 841 naman ang late cases. Nadagdagan ng 243 ang bilang ng mga gumaling na may kabuuang bilang na 12,185; habang anim ang naidagdag sa mga nasawi na may kabuuang bilang na 1,303.

Samantala, pumalo na sa 32,845 ang active cases as of yesterday – labas na po diyan iyong bilang ng mga naka-recover at pumanaw dahil sa COVID-19. Inyo pong mapapansin ay dalawang araw nang magkasunod na mahigit sa dalawang libo ang kasong naitatala kada araw. Noong July 5, naitala ang pinakamataas sa bilang na umabot sa 2,434. Sa mga kasong naitala kahapon, halos kalahati sa mga ito po ay mula sa National Capital Region; 22% ang mula sa Region VII; 26% naman sa ilang bahagi ng bansa; samantalang 4% or 94 cases mula sa hanay ng repatriate.

SEC. ANDANAR:  Dahil po sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, kaya’t pinapaabot po namin, pinapaalala po namin muli na manatili sa ating mga bahay at huwag lumabas kung hindi naman importante o kinakailangan. Panatilihin natin ang physical distancing at ang wastong paghuhugas ng kamay.

Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang (02) 894-26843. Para po sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers i-dial po ang 1555. Patuloy po kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO:  Secretary Martin, kasama po nating magbabalita mamaya sina Dennis Principe ng Philippine Broadcasting Service.

At una sa ating balita, pagdedeklara sa taong 2020 bilang Year of Filipino Healthworkers isinusulong ng Department of Health; naturang panukala suportado ni Senator Bong Go. Bilang pagkilala sa sipag at sakripisyo ng ating mga medical frontliner ay isinulong ng Department of Health na ideklara bilang Year of Filipino Healthworkers ang taong 2020 na sinang-ayunan naman ni Senate Committee Chair on Health and Demography Senator Bong Go.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Senador na mahalagang bigyang-diin palagi ang kahalagahan ng tungkuling ginagampanan ng mga healthcare workers nang sa ganoon po ay patuloy ding matugunan ng pamahalaan ang kanilang mga pangangailangan. Dagdag pa niya, ang pinakamabuting paraan ng pagpapakita ng suporta sa mga ito ay ang pakikiisa sa mga awtoridad at pagsunod sa guidelines na ipinatutupad ng pamahalaan.

SEC. ANDANAR:  Samantala sa ibang balita, Meralco pinapaliwanag ng Senate Committee on Energy sa mataas na singil ng kuryente. Sa public hearing na ginanap sa Senado kahapon ay nagbigay ng opening statement si Senador Bong Go kung saan matapang niyang sinabi na huwag palampasin kung may maling nangyari sa computation ng singil sa kuryente.

Aniya, hindi dapat inuuna ang kita sa kapakanan ng mga consumer lalo pa at patuloy na kumakaharap ang bansa sa banta ng COVID-19. Hinimok rin niya ang mga kapwa senador at government agencies na siguruhing nasusunod nang maayos ang mga batas ukol sa energy distribution, consumption at collection para hindi na maulit ang nasabing bill shock. Narito ang bahagi ng kaniyang naging pahayag: [VTR of Sen. Go] Bahagi ng naging pahayag ni Senador Bong Go.

Sinabi naman ni ERC Chairperson Agnes Devanadera na umabot na sa 47,000 complaints ang nakarating sa kanilang tanggapan laban sa iba’t ibang distribution utilities sa electric at electric cooperatives. Nagdagdag na rin umano sila ng mga personnel na tutugon sa mga reklamo ng mga kababayan natin. Humingi naman ng paumanhin si Meralco CEO Ray Espinosa sa naging kalituhan ng mga consumer ukol sa mataas na singil ng kuryente.

Usec. Rocky, simulan natin ang talakayan dito sa Public Briefing: Ngayong Martes ay makakasama po natin sina Energy Regulatory Commission Chairperson Agnes Devanadera; at si Usec Timothy John Batan ng Department of Transportation; Usec. Brigido Dulay ng Department of Foreign Affairs; at Dr. Flordeliza Bordey, ang Deputy Director ng Philippine Rice Research Institute; kasama rin po natin si Ambassador Hjayceelyn M. Quintana mula po sa Embassy of the Philippines in Abu Dhabi.

USEC. IGNACIO:  At para po sa ating mga viewers at subscribers, kung kayo po ay may katanungan sa ating mga panauhin, maaari po kayong magkomento sa aming live feed at sisikapin pong bigyang-kasagutan ito ng ating mga panauhin ngayong araw.

SEC. ANDANAR:  Una nating makakasama sa ating Public Briefing ang kauna-unahang babaeng Solicitor General, naging DOJ Secretary at ngayon ay Chairperson ng Energy Regulatory Commission, si Atty. Agnes Devanadera. Magandang umaga po sa inyo, ma’am. Welcome po.

CHAIRPERSON DEVANADERA:  Good morning, Secretary Andanar. Good morning, Usec Rocky at sa iba nating guests.

SEC. ANDANAR:  Chairperson, marami po ang mga kababayan natin na umaaray sa mataas na singil sa kuryente at hinikayat po ng mga senador ang Energy Regulatory Commission na imbestigahan at pag-aralang mabuti ang issue na ito. Ano po ang update dito, ma’am?

CHAIRPERSON DEVANADERA:  Well, kasama sa umaaray ay ang inyong lingkod at kasama rin sa umaray eh ang Chairman ng Committee on Energy, si Senator Win Gatchalian na kahapon nga ang ginawa niya, ipinakita niya iyong kaniyang bills at kami naman ay tuwang-tuwa dahil si Senator Bong Go eh nagbigay ng kaniyang statement na talagang sinasabi niyang bigyan ng pansin ito.

So katulad ng nabanggit ninyo kanina, ang naghain ng reklamo sa Energy Regulatory Commission ay 47,000 na. Itong mga reklamong ito eh lahat, iyong nag-text sa amin, iyong nag-email – marami ang emails, tapos iyong sa Facebook page ng ERC. So, in other words lahat man ng reklamo, hindi kinakailangang nakasulat o dinala sa amin o physically pumunta sa ERC, pero lahat ito na hinaing ng ating mga kababayan eh pinagtutuunan namin ng pansin.

Ngayon bago pa ito nangyari, nag-issue na ang Energy Regulatory Commission ng mga advisories na kung saan eh parang tinutulungan na nga natin ang Meralco at para sa proteksiyon at kapakanan ng ating mga consumers na ang bill nang—during the ECQ period, dapat ito ihiwalay sa regular bill. At totoo na may rules ang ERC na dapat ay estimate, pero sinabi rin ng ERC sa aming advisory na dapat nakasaad doon, alin doon ang estimate. At ang pinagbabatayan nga niyan ay iyong average ng past 3 months.

Pero alam din naman natin na nabago na iyong tinatawag na load profile. Lahat na ay nasa bahay, may mga lugar na walang pumapasok dahil ipinagbawal na nga ang lumabas ng bahay, so itong guidelines o advisory ay dapat tinalima nang hustung-husto ng mga distribution utilities, kasama ang Meralco.

At kapag sinabi nating distribution utilities, hindi naman Meralco lang iyon. Kasi iyong electric cooperatives, distribution utility na rin iyan. Iyong mga ibang distribution utilities sa ibang lugar ay kasama dito sa aming advisory.

Ngayon, nasasaad din naman na kailangan the moment magkaroon na ng meter reading, dapat ikorek. At saka sinabi rin naman ng ERC, huwag maniningil hanggang wala itong … hanggang hindi lifted. So doon sa mga series of advisories, sinabi at ipinag-utos ng ERC na June 15 ang kauna-unahang date/petsa na puwedeng pagbayarin ang mga tao ng installment doon sa mga bills covering the ECQ months. Alin-alin iyon? March, April and May.

So sinabi natin, kapag 200 kilowatt hour per month ang nakukonsumo, dapat ito ay babayaran in six equal monthly installments, at ang unang installment ay papatak ng June 15. Doon naman sa regular bill, ito ay dapat ang una ay June 30 – huwag aagahan pa kaysa doon.

So anong nangyari? Katulad nang nalahad sa committee hearing kahapon ng Senado, pati iyong—hindi nagkaintindihan na kung anong klaseng bill ng Meralco. Iyong estimated amount, napadagdag doon sa may meter reading. Iyong mga nagsipagbayad kahit naman hindi sila dapat magbayad ay hindi na nai-deduct doon sa latest bills nila. So lahat ay na-shock kaya ang tawag, “Shock Meralco Bill.”

Pero may maganda namang nangyari at may kinalabasan dahil mismong ang presidente ng Meralco, si Atty. Rey Espinosa, ang nagsabi kung ano ang kanilang mga gagawin, at ang isa diyan is sisiguraduhin niya na may mga corrective measures sila.

So ang sabi nga namin sa ERC, ipaliwanag ninyo, Meralco, bakit nagkaganito kasi hindi ito ang ating—ito na nga iyong mga gusto nating hindi mangyari kaya tayo, ang ERC, ay nag-isyu ng advisory. So, iyon ang kinalabasan kahapon at nagbitiw ng salita ang Meralco na gagawin talaga nila iyong corrective measures.

Of course, sabi nga eh, eh di tingnan natin nga kung gagawin. Pero sa ngayon, iyong mga hindi natin maintindihan ay puwede namang hindi iyan bayaran. At ang commitment ng Meralco, hindi naman sila magpuputol hanggang September 30. So by that time, corrected na iyan at iri-refund nila iyong sobrang nagbayad. Ngayon pa lang ay nagku-compute na sila, iyon ang maganda doon.

USEC. IGNACIO: Ma’am, magandang araw po. Chairman, sinabi ninyo nga po iyong iri-refund. Kasi sinabi rin po ng ERC na maglalabas po ng kautusan para po i-refund ng Meralco at ilan pang distribution facilities iyong sobra pong singil na talaga naman pong umaaray, ang sakit sa bulsa. Kailan po mangyayari ito at ano po iyong nakikita ninyong paraan na gagawin ito na hindi naman po talaga magpapahirap pa doon sa bulsa ng masang Pilipino na talaga naman pong hirap na hirap na dahil sa COVID19?

CHAIRMAN DEVANADERA: Well, una nga, hanggang bukas malalabas namin iyong order. Kahapon naman nag-commit na ang ating Meralco, no less than the president, sinasabi naman nilang iri-refund. Of course, ang sinabi ni Atty. Rey Espinosa ay magpunta lang sa Meralco at bibigyan naman ng refund. Pero ang sabi nga namin, baka puwedeng iyong iba ay bigyan ng option. Kunyari, [garbled] bills natin iyong iba, iyong ibang ayaw pumunta roon kasi kapag pumunta ka naman sa Meralco, mahaba ang pila ‘di ba.

So ang isa pang assurance nila, magdadagdag sila ng tao doon dahil habang pumipila ka, lalo kang kinakabahan, lalo kang nagagalit, lalo kang nagkakaroon ng mga agam-agam so hindi ito makakatulong sa ating mga kababayan. Kaya commitment nila, magdadagdag sila ng tao. At aayusin din nila ang online payments na walang bayad, kasi may mga online payment platforms ang Meralco pero may bayad. Iyon iyong pinag-uusapan na 47 pesos sa bawat pagbabayad, eh di dagdag na naman iyan. So ang sabi naman ng Meralco, kapag bank to bank, wala namang bayad.

So iyon iyong aayusin nila para hindi na tayo pumila doon para lang sa pagbabayad, at iri-refund nila at kailangan corrected na iyong bill. Kasi hanggang hindi dumarating iyong bills na corrected, hindi naman tatanggapin iyan ng bangko eh. Hindi naman puwedeng sabihin sa bangko na, “Oh, Mr. Bangko, ito lang ang tingin kong dapat bayaran namin pero ito ang bill namin,” eh hindi iyan tatanggapin. So iyang mga bagay na iyan, mga operational issues, iyan ang ginagawa at naghihintay kami sa Meralco ng mga pamamaraan na kanilang ilalagay para sa ganoon ay hindi na mahirapan pa ang ating mga consumers.

USEC. IGNACIO: Ma’am, may nagpapatanong lang po: So papaano po ang mangyayari, maibabalik sa kanila iyong mga nagbayad doon sa mga buwan na hindi naman sila dapat magbayad? Magiging malinaw po ba iyong sistema nito kung papaano iri-refund ng Meralco iyong mga sobrang naibayad; and then, kung Meralco lang daw po ba ang nagkaroon nang labis na singil ng kuryente nito pong ipinatupad itong  community quarantine maski po doon sa mga ibang lugar, Chairman?

CHAIRMAN DEVANADERA: Sa mga ibang lugar, mayroon ding—kasi ang ginawa ng ERC, may mga items doon sa ating bill, doon sa ating electric bill ‘no na hindi namin pinababayaran. Kunyari, iyong fit-all na tinatawag —  makikita naman ninyo iyan sa bill ninyo – iyan, sabi namin, sa dalawang buwan, huwag babayaran; tulong na ng pamahalaan iyan eh. Iyong ibang distribution utilities, naningil pa so siyempre pampahirap. Sinabi natin iyong universal charge, environmental charge ay huwag din sisingilin sa buwan ng May – naningil pa. So itong mga ito ay mga violations iyan ng mga ipinag-uutos ng ERC.

At ang sabi nga, ang sabi nga namin, iyan iyong mga sinulatan namin, pinagpapaliwanag dahil may karampatang administrative sanctions. Hindi puwedeng sa ganito ba namang panahon ay hindi ka pa tatalima sa ipinag-uutos na ito naman ay ipinag-uutos ng pamahalaan para sa kapakanan ng ating tao.

So, hindi ko sinasabing huwag kayong magreklamo, basta ipadala lang ninyo sa ERC at iyan naman ay inaaksiyunan. Pinipilit namin ang agarang aksyon pero sa 47,000 na ang tao doon sa serbisyo na iyon, sa department na iyon eh 48 lang, siyempre hindi natin …kahit na gusto nating agaran eh kulang kami sa manpower, pero magkakaigi tayo. At tumutulong naman iyong mga associations natin – iyong PHILRECA, PEPOA, iyang mga iyan, may usapan na kami paano  kami magkakatulungan. At ang matinding sagot dito, dahil sila ang magkukuwenta, siyempre iyong Meralco kami ang magre-review.

So sa tanong na makaka-refund ba sila? Eh kapag hindi nag-refund ang distribution utilities, ang sabi nga eh, “Lagot ka sa ERC.”

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Atty. Agnes Devanadera. Mabuhay po kayo, ma’am.

CHAIRMAN DEVANADERA: Maraming salamat.

SEC. ANDANAR: Sa punto pong ito ay makakapanayam po natin ang DOTr Undersecretary for Railways, Undersecretary Timothy John Batan. Magandang umaga po sa inyo, Usec.

USEC. BATAN: Magandang umaga po, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR:  Kahapon ay inanunsiyo natin na itigil muna ang operasyon ng MRT 3 dahil nagkaroon ng positive cases sa mga personnel MRT 3. Kumusta po ang kanilang kalagayan ngayon?

USEC. BATAN:  Sa kasalukuyan, Secretary Martin, iyong personnel natin na nag-positive ay naka-refer na, nandoon na sa ating mga quarantine facilities. Nakahati-hati sila, mayroong nasa Philippine Arena, mayroong nasa PhilSports Arena at mayroon ding nasa World Trade Center quarantine facility. So iyong latest number natin, Sec. Martin, is as of yesterday at 12:00 noon, mayroon na tayong 198 na positive cases, 177 diyan ay mga depot personnel natin at mayroong 16 na mga tauhan natin sa mga stations.

Iyang pag-akyat ng bilang na iyan at iyong pagkakaroon ng mga stations personnel na positive ang nag-udyok na iakyat natin sa IATF iyong issue ng continuing operations ng MRT 3 at iyan iyong dahilan kung bakit naresolba ng IATF kahapon na magkaroon ng temporary shutdown itong MRT 3.

USEC IGNACIO:  Usec, marami pong nagtatanong kung anong gagawing contact tracing pa ng DOTr dahil marami pong nag-aalalang pasahero  sa nag-positive po na ticket sellers at iba pong personnel? Papaano po iyong  gagawin natin dito?

USEC. BATAN:  Sa kasalukuyan, ginagawa natin ay nakikipag-ugnayan tayo doon sa DOH kung ano iyong pamamaraan upang mag-move forward sa contact tracing. Ito kasing data natin, mayroon tayong 15 na ticket sellers – walo from North Avenue station, tatlo from Cubao station, dalawa from GMA/Kamuning Station at isa  from Quezon Avenue station. So, ang advice  sa atin ng DOH is to announce. Kami ay naglalabas ng mga fresh statement at ng mga anunsiyo  upang iyong ating mga pasahero na gumamit ng ticket sellers natin dito sa mga istasyon na ito ay mag-obserba ng  kanilang sintomas, at kung magkaroon ng sintomas ay  pumunta sa kinauukulang health centers nila.

USEC. IGNACIO:  Opo, Usec, naging usap-usapan rin po iyong nangyari kahapon sa iba naman pong istasyon ng tren sa may EDSA dahil napakahaba daw po ng pila. Labis pong naging mahirap ito sa mga pag-uwi ng pasahero. Eh paano daw po iyong pagpasok nila sa trabaho, ang ating mga kababayan na sobra pong naapektuhan sa pangyayaring ito? Siyempre natatakot din naman po sila doon sa … ang haba ng pila, inaawasan po natin kasi talaga iyong pagkalat pa ng COVID-19. So, ano pong tulong na maibibigay ng DOTr dito sa mga pasahero na talaga naman pong gusto talagang magtrabaho pero gusto naman nilang makaiwas sa sakit?

USEC. BATAN:  Iyong pag-suspend natin ng operations ng MRT 3 mula ngayong araw na ito, Martes hanggang sa Sabado, isa iyan sa talagang measures na isinagawa natin para ma-address iyong risks na magkaroon ng hawaan doon sa ating mga pasahero.  Ngayon, anong ginawa natin? Karagdagan sa ginawa nating iyan, tayo ay nakipag-ugnayan sa road sector sa LTFRB at  pati sa MMDA upang magdagdag noong tinatawag natin na mga augmentation buses dito sa ating MRT 3.

So sa kasalukuyan, mayroon tayong 90 buses na with fix dispatching schedule na every three minutes. Ibig sabihin, bawat tatlong minute ay mayroong umaalis na bus. Maliban diyan, dagdag pa doon sa 90 ay iyong 190 na mga additional buses na itinalaga ng LTFRB para magserbisyo dito sa tinatawag nating EDSA bus lanes, iyong median lane, iyong dedicated nating median lane along EDSA.

So, alam natin na itong suspension of operations natin  ay kakailanganin ng augmentation, kakailanganin ng ating mga passengers na sasakyan at iyan iyong dahilan  kung bakit  nagtaas tayo nitong bilang ng mga bus na tumatahak ng EDSA upang mayroon  namang malipatan iyong ating mga maapektuhan na mga pasahero.

SEC. ANDANAR:  Usec, linawin po natin para sa marami nating kababayan na nagtatanong: Kailan po daw magri-resume itong operasyon ng MRT 3? At mas maghihigpit din po ba tayo ng safety protocols, pati na rin sa mga LRT?

USEC. BATAN:  Ang resumption of operations po natin sa MRT 3 ay itong darating na linggo. Limang araw po iyong hiningi natin na suspension of operations. Ngunit maaari po na umiksi iyan, maaari po na mag-resume tayo ng operations earlier, base po doon sa bilis at resulta po noong isinasagawa nating ngayon na RT-PCR swab testing sa lahat po ng empleyado ng MRT 3.

Ang ginagawa po kasi natin, as long as kapag mayroon na pong confirmed na RT-PCR or swab testing ng mga empleyado, ginu-grupo po natin iyan, nagbubuo po tayo ng isang pool ng mga confirmed negative na personnel. At kapag naabot po natin iyong minimum required na bilang ng mga personnel para po mag-resume ng operations sa MRT 3 ay tayo po ay magri-resume ng operations. So sa kasalukuyan po, limang araw, Martes po hanggang Sabado, ang suspension of operations ng MRT 3. Resumption po tayo sa linggo, ngunit pinipilit po namin na kayaning makapag-resume po nang mas maaga.

USEC. IGNACIO:  Opo, Usec. Usec., may tanong po iyong kasamahan natin sa RMN, si Angel: Bakit po hindi muna isinailalim sa testing ang mga tauhan nila? Kung nagkaroon daw po ng testing ay maiiwasan sana ang ganitong aberya. Ano po ang reaksiyon ninyo dito, Usec?

USEC. BATAN:  Isinailalim po natin ang ating mga tauhan sa testing at sumunod po tayo  doon sa mga DOH protocols para po mag-resume ng operations noong June 1, noong umpisa po ng ating GCQ. Ito po kasing nangyari sa atin sa MRT 3, nag-umpisa po ito with a report from our maintenance service provider, iyong Sumitomo po, ni-report po nila sa atin na  mayroon po silang na-identify na una po, nasa 15 lang po na mga affected po na COVID-19 positive cases.

So base po diyan, tayo po ay nagsagawa ng contact tracing. Umakyat po sa 25, at noong nasa 25 na po, two weeks ago ay inakyat po natin iyong situations sa MRT 3 sa IATF. Dahil po sa pag-akyat na iyan ay tayo po ay naabisuhan ng IATF na magsagawa po iyong tinatawag natin na mass RT-PCR or swab testing, kung kaya po pinadaan natin … lahat po ng empleyado natin ay dumadaan na po ngayon sa kasalukuyan sa RT-PCR swab testing.

So dati po, ang protocols lang po ng DOH kapag mayroon kang sintomas o kapag na-identify ka na primary contact ng isang positive case, saka ka lang po magsa-swab test. Ngayon po nag-step up po tayo, kaakibat nga po ng abiso ng IATF sa atin na lahat po: With or without primary contact, with or without symptoms, tayo po ay nag-RT-PCR swab test.

At siguro po mahalaga ding i-highlight na RT-PCR na po iyong ginagawa nating testing, hindi lang po rapid testing. So para po mas makasigurado na kapag nag-resume po tayo ng operations ay negative po talaga itong mga tauhan na babalik po sa MRT3 upang ipagpatuloy po iyong operasyon at serbisyo ng MRT.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po sa inyong oras at sa binigay po ninyo na panahon, Undersecretary.

USEC. BATAN:  Salamat po at good morning po sa inyong listeners.

SEC. ANDANAR:  Si Undersecretary Timothy John Batan. Ngayon naman ay makakapanayam natin si Usec. Brigido Dulay mula po sa Department of Foreign Affairs. Good morning po sa inyo, Usec.

USEC. DULAY:  Good morning, Sec. Martin. Good morning, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR:  It’s good to see you again, sir. Dalawang consular offices po ang itinigil ang operasyon kamakailan lamang, ano po ang ginawang tugon ng inyong kagawaran dito?

USEC. DULAY:   Tama po kayo, Sec. Martin, sapagkat nagkaroon po ng COIVD positive case doon po sa aming mga tao sa dalawang consular office lang naman po – iyong sa Aseana, ito  po iyong sa Macapagal; at doon po sa Alabang. At kami naman po we are happy to report, Sec. Martin, na iyon pong Alabang namin is already operational today. Dahil tinapos lang po namin iyong disinfection, nagkaroon po kami ng contact tracing. Pero alam naman po ninyo na kami po ay dapat laging open, 24/7 nga kung puwede dahil marami po tayong mga kababayan na humihingi po ng tulong sa atin.

So iyon pong Alabang ay bukas na po; iyon naman pong ASEANA ay magbubukas naman po bukas na.  So, hindi po kami tumigil, Sec. Martin. Iyong 14 days, wala na po iyan. We are open as soon as we disinfect and we have contact-traced iyong mga personnel, nag-quarantine na po iyong mga close contacts. So balik na po sa operasyon ang aming consular offices by tomorrow at the latest, iyong Aseana-Macapagal.

SEC. ANDANAR:  Ayon po sa inyong tanggapan, as of July 6, 2020, mayroong 2,901 undergoing treatment tayo ng COVID-19 cases among Filipinos abroad. Kumusta po sila USec. at anong assistance ang ibinibigay natin sa kanila?

USEC. DULAY:  Iyon naman pong mga COVID-affected na OFWs natin, iyon naman po ay sumusunod sa protocol ng bansa kung nasaan sila. So, lahat po sila ay inaalagaan naman po ng kaniya-kaniyang bansa po kung nasaan po sila. Sabi ko nga po at lagi ko pong inuulit, Sec. Martin na iyong ating mga Filipino, iyan naman po ay treated for free, libre po ang kanilang treatment sa abroad ng kanilang mga bansa.

At dahil po na rin sa kanilang protocol ay alam ninyo po, hindi po natin puwedeng puntahan ito sa mga ospital eh, sila po ay—kami po sa mga embassy at consulate ay nakikipag-ugnayan lamang po doon sa mga health authorities ng bawat bansa para po malaman ang kalagayan. Mino-monitor po namin iyan every day at sinisigurado po namin na dapat inaalagaan po iyong ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO:   USec. Dulay, napakalaki po talaga ng epekto ng COVID-19 sa ating mga OFWs. Kumusta na po iyong repatriation efforts na ginagawa ng inyong opisina? Nadadagdagan po ba iyong bilang ng mga OFWs na gusto na rung umuwi sa Pilipinas dahil iyong kanilang mga bansa na pinagtatrabahuan alam naman po natin na talagang malaki rin ang epekto?

USEC. DULAY:  USec. Rocky, salamat sa tanong mo na iyan. At inuulit ko lang sa mga kababayan natin na pangako po ni Presidente Duterte, pangako din po iyan Sec. Locsin na iuwi po kayong lahat. Lahat po ng gustong umuwi ay iuuwi po namin.

Kami lang po ay humihingi ng paumanhin sapagkat alam ninyo naman po, mayroon po tayong itinalaga na limitasyon ng mga dumarating po na pasahero sapagkat na rin po doon sa gusto nating siguraduhin na iyon pong ating mga COVID testing and quarantine facilities ay kaya pong tanggapin iyong lahat po na umuuwi.

Pero baka maganda rito, USec. Rocky, Sec. Martin, marami na tayong naiuuwi ngayon, siguro nasa 60,000 na ngayon ang naiuwi natin at iyon namang maiuuwi natin, dahil nagbukas na ang Terminal 3, bukas na ang Terminal 1 and 2 dati pa, naglagay na ng mga quarantine and testing facilities diyan ay mas mabilis na ngayon ang pagpapauwi natin sa mga kababayan natin.

Kami po sa DFA katatapos—itong buwan na po na ito ano lang eh… mayroon na po kami siguro mga walo na chartered flights na ginawa para iuwi po iyong ating mga kababayan at mayroon na pong mga nakalinya po na marami na pong mga flights sa iba’t-iba parte po ng mundo na kung saan po ito ay mga commercial flights naman po na puwede naman din po na pagsakyan ng ating mga kababayan at doon din po inilalagay ng ating mga embassy at consulate iyong kaya po nating iuwi na mga kababayan natin.

So, inaasahan po namin na sa mga susunod na linggo ay mas marami pa po tayong maiuuwi sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO:   USec., pagdating naman po doon sa programang pang-pinansyal, iyong tulong po ng DOLE– AKAP sa ating mga OFWs. Gaano na po iyong natulungan natin na ating mga OFWs at saka ano pa po iyong ibang tulong na ibinibigay ng ating pamahalaan dito po sa mga apektadong OFWs dahil pa rin sa COVID-19?

USEC. DULAY:  Alam mo, USec. Rocky, iyon naman ay hawak kasi ng DOLE iyan ano so, iyong mga figures niyan nasa DOLE pero ang sigurado diyan ay mayroon namang programang nakalatag ang ating pamahalaan para sa kanila. At sa totoo lang, humingi pa nga si Sec. Bello ng additional funding para diyan sa DOLE–AKAP Program na iyan.

So, mayroon pa tayong OWWA na tumutulong pagbalik nila dito, kasama po sila ng Department of Foreign Affairs para po tugunan iyong mga pangangailangan ng ating mga OFW. At diyan naman po OWWA ay mayroon din po silang tinatawag na National Reintegration Program. Ibig sabihin po, iyon pong mga kababayan natin na nawalan po ng trabaho ay ibabalik na po sa ating lipunan. Dito na po sila mananatili at tutulungan po sila na makabangon at makaangat po uli dito sa Pilipinas.

SEC. ANDANAR:  Panghuling mensahe po para sa mga manonood, USec.?

USEC. DULAY:  Sec. Martin, hindi ko nakuha iyong tanong mo.

SEC. ANDANAR:  Ano po ang inyong mensahe para sa ating mga manonood, USec.?

USEC. DULAY:  Gusto ko lang po sabihin na hindi po natin nakakalimutan ang ating mga overseas Filipino workers, iyan po ay ipinangako po iyan ng ating Pangulo at iyan po ay ginagawa ng Department of Foreign Affairs. 24/7 po kami operational, lahat po ng mga Pilipinong nasa abroad at kailangan po nating iuwi, iuuwi po namin kayo, pangako po namin iyan. Kaya lang po ay humihingi lang po kami ng kaunting pasensya at dispensa at sana po maiuwi namin kayo sa madaling panahon. Sinusubukan po namin lahat para maiuwi po kayong lahat.

So, ano lang po, relax lang po muna kayo at inaayos po namin at pangako po iyan, iuuwi namin kayo.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat sa inyong panahon, USec. Dulay ng DFA. Mabuhay po kayo, sir.

USEC. DULAY:  Thank you po, Sec. Martin. Thank you po, USec. Rocky.

[AD]

SEC. ANDANAR:  Ngayon ay makakapanayam natin si Dr. Flordeliza Bordey, ang Deputy Executive Director ng Special Concerns, PhilRice at head ng RCEF Program Management Office.

Magandang araw po sa inyo, ma’am.

DR. BORDEY: Magandang umaga po, Sec. Martin; at magandang umaga po, USec. Rocky.

SEC. ANDANAR:  Ano po ba ang maitutulong ng libreng certified seeds sa ating mga magsasaka? Kumusta po ang ating RCEF seed distribution ngayong panahon ng COVID-19?

DR. BORDEY: Ang atin pong RCEF Seed Program ay nagpapamahagi nga po nitong ating certified inbred seeds at batay po sa pag-aaral ay kaya po nitong itaas ang ani ng ating mga magsasaka nang 10% o higit pa.

Ito po kasing ating mga certified seeds na mataas ang kalidad ay maganda po ang pagtubo nito o germination. Siya po ay matibay din laban sa mga peste o sakit at mahusay po siyang ma-absorb ng mga pataba kaya mabilis po ang kaniyang paglago. At dahil ito po ay puro, ito po ay nakatutulong sa sabayang pag-ani.

At kami po sa PhilRice ay natutuwa po kami dahil sa kabila po ng ating COVID-19 pandemic ay nakapaghatid na po ang ating RCEF seed program nang mahigit 2.26 milyong bags ng ating certified seeds sa ating mga magsasaka at ito po ay kumakatawan nang halos na 90% ng ating 2.5 million na sako ng certified seeds na gusto nating maipamahagi ngayong tag-ulan.

At sa katapusan po ng Hunyo ay halos 968 munisipyo na po ang ating nahatiran ng binhi o about 97% na po ito ng isanlibong target natin na munisipyo sa loob ng 55 lalawigan na nais po nating maabot dito sa ating programa.

SEC. ANDANAR:  Lahat po ba ng mga magsasaka sa bawat target na munisipyo ay mabibigyan?

DR. BORDEY: Ito pong ating RCEF Seed Program ay una po, ang nais nating mabigyan ay iyong mga rehistrado sa ating tinatawag na registry system for basic sectors in agriculture. So, iyon pong mga farmers po na rehistrado dito iyon po ang dapat na ma-reach out dito sa ating programa.

Ngunit sa kabuuan po, iyong RCEF seed natin ay hindi pa sapat para doon sa lupang sakahan noong nasabing 55 lalawigan kaya po ang strategy po natin, iyong hindi po natin mabibigyan ngayon sa loob ng isang sakahan ay sila po ang magiging prayoridad naman natin sa mga susunod na taniman.

At sa kabutihang palad naman po ay maliban sa ating RCEF Seed Program ay may iba pa pong programa ang ating Department of Agriculture sa pagpapamigay ng mga binhi tulad po ng mga hybrid at certified seeds at ito naman po ay under doon sa tinatawag nating Rice Resiliency Program at inaasahan po natin na sa kombinasyon po ng iba’t-ibang programa ng ating pamahalaan ay maaabot din po natin iyong ating mga magsasaka, iyong kanilang mga pangangailangan sa binhi.

USEC. IGNACIO:   Ma’am, linawin lang po natin: Ilan po iyong matatanggap na binhi ng mga magsasaka kasi mayroon daw pong magsasaka na 20 kilograms kada kalahating ektarya po iyong matatanggap? Pero may report po … may iba naman daw po 40 kilograms kada kalahating ektarya? Pakilinaw po ito, ma’am.

DR.  FLORDELIZA BORDEY: Ito po kasing mga nabanggit ninyong seeding rate ay base po ito sa mga rekomendasyon nating teknolohiya para po sa mga lipat-tanim o sa mga sabog-tanim na pamamaraan po ng pagtanim.

So, doon po sa ating mga lalawigan na ang karaniwang pamamaraan po ng ating mga magsasaka, ng pagtatanim, ay iyong lipat-tanim o transplanted, sila po iyong maaaring makatanggap ng 20 kilogram kada kalahating ektarya o one bag kada kalahating ektarya.

At mayroon din po tayong tinitingnan na maximum. So ang pinakamalaki pong maaaring matanggap ng isang farmer ay six bags kung ang kaniya pong lupang sakahan ay 2.5 ektarya o higit pa.

Samantala, doon naman po sa mga lalawigan na karamihan ng magsasaka ay sabog-tanim ang kanila pong pamamaraan, sila naman po iyong eligible para doon sa ating 40 kilogram kada kalahating ektarya na seeding rate. At ito po ay applicable lamang doon po sa mga lalawigan natin na napag-alaman na natin base sa survey na mahigit 80 porsiyento po ng kanilang farmers, ang gamit po na pamamaraan ay iyong sabog-tanim.

SEC. ANDANAR: Ano pong papel o bahaging ginagampanan ng mga agriculture office ng pamahalaang lokal sa RCEF seed distribution na mapakinabangan nang husto ng ating mga magsasaka ang libreng certified seeds?

DR. FLORDELIZA BORDEY: Opo, kinikilala po natin na major partner po natin sa ground ang atin pong mga LGU, lalung-lalo na po ang kanilang mga agriculture offices, ano po. Unang-una po kasi, sila iyong namamahala sa pagpapatala ng ating mga magsasaka sa RSBSA po natin, sapagkat sila po ang nakakaalam or nakakapag-validate kung iyon pong ating mga magsasaka ay patuloy pa rin na nagsasaka.

Karagdagan po dito ay malaki po ang naitutulong nila sa distribution mismo ng binhi sa ating mga magsasaka. Kapag po kasi ang PhilRice ay nakapag-deliver na doon sa mga tinatawag nating drop-off points sa mga munisipyo ay sila na po ang namamahala sa pag-distribute nito sa ating mga magsasaka. At ang ginagawa po nila ay may mga schedule po ng distribution sa mga bawat barangay nang sa ganoon, sa ganitong panahon natin ng pandemya ay maipatupad pa rin po natin iyong tinatawag na physical distancing, iyong paggamit po ng ating facemasks at ng mga sanitizers nang sa ganoon ay maiwasan pa rin po natin iyong pagkalat po nitong ating COVID-19.

Kaya po lubus-lubos po kaming nagpapasalamat doon sa ating mga agricultural technicians and mga municipal agriculture officers po natin sa mga lokal na pamahalaan.

USEC. IGNACIO:  Mensahe na lang po sa ating mga magigiting na magsasaka.

DR. FLORDELIZA BORDEY: Sa atin pong mga magsasaka na hindi pa po nakakuha ng benepisyo mula po sa dito sa ating programa, mangyari lamang po na patuloy po kayong makipag-ugnayan sa ating mga municipal or city agricultural offices nang sa ganoon kayo po ay ma-ensure natin na kayo po ay nakatala sa RSBSA at nang malaman po ninyo ang schedule ng distribution ng seed natin sa inyong mga lugar.

At gagamitin ko na rin po ang pagkakataon na ito na magpasalamat sa ating Pangulo, Rodrigo Duterte, at sa ating mga lawmakers o mga legislators na sumuporta po para maisabatas po itong RTL or Rice Tariffication Law na lumikha po nitong ating RCEF-seed program.

At sa ating mga partners sa ground, sa mga LGU partners po natin at sa DA regional field office po ay nagpapasalamat po kaming muli at sana po ay magkita-kita tayong muli sa susunod na seed distribution na magaganap naman po simula ngayong Oktubre.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, Dr. Flordeliza Bordey, mabuhay po kayo. Stay safe, ma’am.

SEC. ANDANAR: Samantala, kumustahin naman natin ang kasalukuyang kalagayan ng Filipino community sa United Arab Emirates. Makakapanayam po natin si Hjayceelyn Quintana mula po sa Embassy of the Philippine diyan po sa Abu Dhabi, UAE. Magandang araw po sa inyo, ma’am.

Ambassador..?

AMBASSADOR QUINTANA: Magandang araw po, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Ambassador, anu-ano po ang mga health and safety protocols sa UAE, gaano kahigpit ang pagpapatupad dito? Please go ahead, Ambassador.

AMBASSADOR QUINTANA: Mayroon pong pinatutupad ang pamahalaan ng UAE para po mapigilan ang pag-spread talaga ng COVID-19 at ito po ay talagang pinapatupad nila nang mahusay at very strictly ho. At tayo namang mga kababayan natin dito sa UAE ay talagang handang sumunod at talagang nag-iingat at sinusunod ang lahat ng mga patakaran ng pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon po sa ilang report, may higit daw pong 40,000 na recoveries diyan sa UAE at noon pong linggo, nakapagtala nang mahigit 600 na new COVID-19 cases. Kumusta na po iyong sitwasyon ng ating mga kababayan diyan?

AMBASSADOR QUINTANA: Bumubuti na rin po at napapansin din po namin iyan. Itong mga national figures na ating nakikita ay hindi naman broken down into nationalities. Pero nakikita namin sa ating pakikipag-ugnayan, ang naitala natin na talagang marami talagang nakaka-recover sa ating mga kababayan. I would say 78% which is reflective also of the national figure. I think 40,000 ang kanilang recoveries against 51,000 na na-infect. Hindi po nagkakalayo iyong recoveries din po ng ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Ambassador, usap-usapan pa rin itong announced broad government restructuring. Paano po ito makakaapekto sa mga Pilipinong manggagawa at migrants diyan?

AMBASSADOR QUINTANA: Patuloy po ang pamahalaan ng UAE sa pagpapalakas ng kanilang response sa COVID-19 spread. At kahit doon sa pagri-restructure ay makikita po ninyo iyon dahil gusto nila very agile ang kanilang government, gusto nila there are fresh ideas that can mitigate the contagion. At very forward-looking po ang pamahalaang ito, at nakikita track doon sa mga ina-appoint nila sa pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ambassador, may tanong po iyong ating mga kasamahan sa media dito sa Pilipinas. Mula po kay Hannah Sancho ng SMNI: Nagsasagawa po ng house to house COVID testing ang pamahalaan ng Abu Dhabi. Ilang mga Pinoy po ang nagpositibo at ano daw po iyong ayuda na ibinigay ng Abu Dhabi government kung mayroon man po at siyempre po, ang ating embahada ng Pilipinas?k

AMBASSADOR QUINTANA: Very serious ho kasi sila na magkaroon ng …ang kanilang aim is about all residents will be tested. They have a population of 9.6 million, and right now ang kanilang na-test is about three million which is already about 31% of the entire population. So nakakasama po iyong mga expatriate doon sa tini-test nila. At tama ho iyon, nagbabahay-bahay po sila at lahat iyan ay nati-test nila at libre po iyong test na iyon ‘no. Lalo na ngayon na nagbabalik na sa trabaho ang mga tao, they want to make sure na na-test po itong mga bumabalik.

Ano po ang ayuda? Ang Embahada po ay lagi namang naka-monitor kung mayroong kailangan kaming itulong, ito po ay ipinapaalam din sa amin ng mga tao, ano ba ang kanilang gustong itulong ng ating pamahalaan. Pagdating po doon sa COVID testing, iyong pamahalaan ng UAE, talagang nagpapasalamat kami at ito ay inu-offer naman talaga sa lahat ng residente. We keep on saying, 200 nationalities are represented in the United Arab Emirates and talagang pantay-pantay po ang pagtingin ng pamahalaan ng UAE.

SEC. ANDANAR: Bilang panghuling mensahe ninyo po sa mga Pilipinong naninirahan sa UAE.

AMBASSADOR QUINTANA: Ang akin lang pong mensahe sa ating mga kababayan ay magpatuloy po ng pag-iingat, lalung-lalo na ngayon na nagbubukas na ulit ang ating mga negosyo at bumabalik na ang lahat sa trabaho ay huwag nating kakalimutan ang mga protocols, mga health protocols na itinalaga; patuloy na maging conscious sa pag-iingat.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, nawa po ay mas naliwanagan ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Samantala, pansamantala namang itinigil ang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program para bigyan-daan ang pagtulong sa mga Locally Stranded Individuals sa bansa sa ilalim ng Hatid Tulong Program. Iisa lamang po ang layunin ng parehong programang ito, ang matulungan ang ating mga kababayan na nais nang makapiling ang kani-kanilang pamilya. Panoorin po ninyo ito: [VTR]

Samantala, alamin natin ang mga balitang nakalap naman ng Philippine Broadcasting Service mula sa ating mga lalawigan, kasama si Ria Arevalo.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo.

[VTR]

SEC. ANDANAR: [OFF MIC] sa lahat ng mga naging panauhin natin ngayong araw at ang ating partner agencies sa kanilang patuloy na suporta at walang sawang paghahatid ng balita at impormasyon.

Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19 para sa inyong suporta sa ating programa. Mabuhay po kayong lahat.

Diyan po nagtatapos ang ating programa para sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa Presidential Communications Operations Office.

USEC. IGNACIO: At mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Hanggang bukas pong muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)