Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio


Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #98
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Nagpapatuloy pa rin ang banta ng COVID-19 sa ating bansa kaya naman napakahalagang patuloy tayong maging maalam ukol sa mga programa ng ating pamahalaan para labanan ang sakit na ito. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning [garbled] naman po samahan ninyo kaming muli na alamin at talakayin ang mahahalagang balita’t impormasyon mula sa iba’t ibang ahensiya ng ating pamahalaan. Mula pa rin po sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ako naman po si Secretary Martin Andanar at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang makakasama natin sa programa sina Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, Philippine Ambassador to Australia Ma. Helen De La Vega, MMDA Spokesperson Asec. Celine Pialago.

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary, makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula po sa iba’t ibang probinsiya at Philippine Broadcasting Service. Samantala, para naman po sa inyong mga katanungan, maari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

Samantala, una sa ating mga balita, sa patuloy po na pagtugon ni Senator Bong Go sa mga kababayan nating nawalan ng tirahan dahil sa sunog at iba pang kalamidad, isinusulong nito ang Senate Bill 203 at 1227 na naglalayong mabigyan ng mura at disenteng pabahay ang ating mga kababayang informal settlers.

Ang Senate Bill 203 o ang National Housing Development Production and Financing Act ay naglalayong pabilisin ang housing production at siguruhing may sapat na pondo ang pamahalaan para sa pabahay; habang ang Senate Bill 1227 o ang Rental Subsidy Program Act ay naglalayon namang bigyan ng pabahay ang mga informal settler families at tulungan silang magkaroon ng sapat na pagkakakitaan para i-sustain ang pagkakaroon ng pabahay.

Ang panukalang ito ay nakaayon din sa Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program ng pamahalaan na naglalayong bigyan ng bagong simula ang nagnanais makabalik sa kani-kanilang mga probinsiya.

Samantala, hinimok rin ni Senator Bong Go ang lokal na pamahalaan na siguruhin ang maayos na paggamit sa Special Education Fund. Ito po ay matapos na manawagan ang DILG sa LGUs na tulungan ang Department of Education bilang paghahanda sa pasukan. Ayon kay DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, dapat na makipag-ugnayan ang local chief executives sa kanilang local school boards upang pag-usapan kung anong bagong learning modalities ang maaaring gamitin sa kanilang lugar. Sa ngayon po ay patuloy na isinusulong ni Senator Bong Go ang Senate Bill 386 na naglalayong i-expand ang paggamit ng Special Education Fund.

Sa iba naman pong balita, ang ika-pitumpu’t apat na Malasakit Center inilunsad na po sa Sorsogon. Kahapon po inilunsad ang ika-pitumpu’t apat na Malasakit Center sa Dr. Fernando B. Duran Sr. Memorial Hospital na nandoon po sa Sorsogon City. Nangako po si Senator Bong Go sa patuloy na suporta sa mga Pilipinong lubusan po na nangangailangan ng serbisyong medikal lalo na po sa panahon na ngayon nahaharap ang bansa sa matinding krisis dulot ng COVID-19.

SEC. ANDANAR: Para alamin po ang mga kaganapan sa Australia at lagay ng ating mga kababayan doon, makakapanayam po natin si Philippine Ambassador to Australia Ma. Helen De La Vega. Magandang umaga po sa inyo, Ambassador.

AMB. DE LA VEGA: [Garbled] Sec. Martin at Undersecretary Rocky and also to your viewers and listeners. Marami pong salamat for this opportunity na for the second time na mabigyan ko po ng update [garbled]. And as of yesterday, July 8, 2020 there are about eight thousand, eight hundred [garbled] confirmed cases of COVID-19; 106 deaths, iyon hong mga namatay sa Australia. Pero ang good news po ay wala pong reported infected na Filipino. So iyan po ang magandang balita na maibibigay ko sa inyo dito sa Australia [garbled].

USEC. IGNACIO: Ambassador, ngayon pong ibinalik po ang Melbourne sa stage 3 lockdown, ano po ang restriction na ipinatutupad? Ilang mga Pinoy na nasa Melbourne na maaari pong maapektuhan nito at may iba po bang siyudad ang nasa ilalim pa rin ng lockdown?

AMB. DE LA VEGA: Tama iyon Usec. Rocky, there are about 70,000 Filipinos and katulad nga ng [garbled] na as of this time as I speak to you right now, wala pa hong report na mayroong Filipino infected doon ho sa mga towns na affected sa surrounding Melbourne areas at saka some border areas po ng [garbled]. So ang gusto ko lang masabi is that, the New South Wales is closing the border to Victoria, so ito pong New South Wales ay nagsara din ng borders sa Victoria at saka ang South Australia.

So mayroon hong parang restriction ng movement ang mga [garbled] based doon ho sa report ng ating Philippine Consulate [garbled] lang po iyong affected na mga communities doon. There are basically several towns in greater Melbourne ang affected po dito sa bagong lockdown [garbled] po effective 8 July. So in other words, ni-reinstate po ng Victoria ang home restrictions so ang—at the same time, mayroon din pong mga dineploy [garbled] of the Australian Defense Force to support the police authorities doon po sa pagmo-monitor nitong lockdown [garbled].

So ang [garbled] to be leaving home for 4 reasons, parang katulad din po ito ng situation na nangyayari sa Pilipinas and that means you will just be going out to shop for essential items such as food, to work or study, to exercise or to administer care. So kailangan po ng permission every time you have to do some other activities. Iyan po ang latest na update na puwede kong sabihin sa inyo.

Ngayon po if you will recall, may na-complete na po kaming mga around 7 sweeper flights. So ang maapektuhan po dito iyong mga ibang Pilipino na na-stranded pa rin na gustong umuwi sa Pilipinas pero hindi po sila makakauwi lalo na kung galing sila sa Victoria because—of course, because of this present lockdown. But my understanding is that there is one scheduled flight of Philippine Airlines that will be departing Sidney on July 25. So ini-expect po natin na mayroon pa rin namang mga Pilipinong—who are able to return to the Philippines coming from other parts of Australia.

USEC. IGNACIO: Opo, Ambassador. Magandang balita po, at least wala pong Pilipino na nagkaroon ng sakit na COVID-19 sa Australia. Pero kumusta po iyong magiging koordinasyon noong mga taga-Victoria na gusto pong umuwi ng Pilipinas, papaano ninyo po sila tutulungan kasi ang alam po nga natin na talagang hindi sila puwedeng lumampas or naka-lockdown sila? Ano po iyong timeline na puwedeng ibigay sa kanila ng pamahalaan ng Australia at paano ninyo po iko-coordinate sa kanila iyong tulong na ibibigay ng pamahalaan?

AMB. DE LA VEGA: Usec. Rocky, I think ang isang pinakamagandang blessing na nangyari dito, if you will recall noong December 15, dumating po ang ating landing team sapagkat binuksan po natin ang ating Philippine Consulate General sa Melbourne. Although I must clarify that it’s still a soft opening, hindi pa po iyon formal opening pero mayroon na po tayo doong 4-member team ng Philippine Consulate General sa Melbourne. At ito pong ating konsulado ay in close coordination with the state authorities and even with the Filipino community organizations.

In fact as I speak today, ito pong ating Acting Head of Post doon na si Mr. Anton Mandap ay nakikipag-ugnayan doon sa mga communities and they are ready to extend assistance. On our part naman ho dito po sa embassy, iyon pong makakakuha ng exemption o makaka-travel papunta sa Canberra ay sinusuportahan ho namin sila for their other consular needs for the moment.

Hindi ko po kayo mabigyan ng timeline kung hanggang kailan itong—ang nalalaman po namin for the moment is that the lockdown will be within the confines of six weeks. And we will see… depende po iyan sa magiging result ng… shall we say, lockdown na ito, kung bababa po iyong numbers ng infected or infections ng COVID.

USEC. IGNACIO: Ambassador, ano naman po ang lagay ng ekonomiya sa Australia? May mga OFWs po ba na naapektuhan at kumusta po iyong kanilang mga trabaho sa Australia? At kung naapektuhan, ano po iyong agarang tulong na ibinibigay ng ating embahada at siyempre ng ating pamahalaan sa kanila?

AMBASSADOR DELA VEGA: Unahin ko po muna iyong AKAP program ni Secretary Bello. As of today, about 700 beneficiaries po lamang dito sa [garbled] dito sa Australia. And then, iyon pong ating mga na-stranded na seafarers ay nakauwi na po itong mga ito at maaaring sa ngayon ay nakabalik na sila sa kanilang mga probinsiya diyan sa Pilipinas.

Ang maganda rin pong balita is—notwithstanding this COVID situation we are in, nakakatanggap na rin po ang ating Philippine Overseas Labor Office ng mga job orders. In other words, and ibig sabihin po ng job orders ay nagkakaroon na ulit ng interes para kumuha ng mga manggagawa galing sa Pilipinas, at ito po ay falling into four sectors. At ang mga sectors po na ito ay related to like iyong mga [garbled] mga welders, mga [garbled], at iyon din [garbled] sa agriculture like in cattle farming and in pig farming.

So, ini-expect po namin na sooner or later, hopefully before the year is over, na mari-resume po ulit itong mga workers na magtatrabaho dito sa Australia.

Doon po naman sa mga tanong na ano ho ang tulong na ginagawa ng embahada para sa ating mga Overseas Filipinos, number one, alam po ninyo, magmula noong nagkaroon ng COVID ay ginamit po namin dito iyong Optus way, iyong Team A, Team B. So ang embassy po sa Canberra ay hindi talaga nagsara at sinusuportahan po namin iyong mga consulates general natin na kailangan nilang mag-work from home because as you probably know, the New South Wales – where Sydney is located and we have the highest number of Filipinos, about 120,000 of them – at ito rin pong the State of Victoria – ang capital po ay Melbourne where we have 70,000 — ay kinakailangan po nilang mag-work from home sapagkat mas malaki po ang infections ng COVID doon compared po dito sa amin sa Canberra.

So iyon pong mga consular services na puwede naming gawin dito sa Canberra, kami po ang sumasalo doon sa mga hindi na po… pinupunan po namin iyong mga spill-over na nangyayari sa Sydney at sa Melbourne.

And then, of course, iyon hong information sa mga sweeper flights at saka iyon rin pong pagbibigay ng advice sa kanila sa mga available resources ng host country. If I would just like to also—kung puwede ko ring i-mention, alam ninyo po, noong January to June, natapat po na ang ating embahada dito sa Canberra ay ang country chair ng ASEAN-Canberra Committee. So, ni-request ko po iyong iba kong mga ASEAN ambassadors if we could make a joint representation to assist the international students because we have about 150,000 students coming from ASEAN. And so we wrote letters to about 40 universities here and even to the state ministers of education, at naging maganda po naman iyong outcome sapagka’t marami na po tayong natanggap na assurances from these institutions and from the state ministers about the relief packages and the support that they are giving to the students which include about 17,000 students coming from the Philippines.

USEC. IGNACIO: Kunin ko na lang po ang inyong mensahe sa ating Filipino community sa Australia siyempre partikular na po sa ating mga OFWs, Ambassador?

AMBASSADOR DELA VEGA: Alam ninyo po, I think ang importante lang nating ano is to continue to keep following the guidelines at importante talaga po itong social distancing measures, the need to wear facemasks. And of course, hindi ho tayo dapat mawalan ng pag-asa because this too will pass. Talaga hong it’s a crisis we’ve never had any experience before but if we all anchor our cooperation not just between and among us in societies but also between and among us countries, the bilateral and regional cooperation, I think we will be able to manage and overcome this crisis.

So we’d just want to say, maraming salamat din po sa inyo Secretary Martin at sa’yo, Usec. Rocky. Ito pong programa ninyo ay malaking tulong kasi nakikita ko po na marami rin pa lang talagang nagmo-monitor sa developments natin on this particular crisis. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador Maria Helen Dela Vega. Salamat po. Stay safe po.

SEC. ANDANAR: Para alamin naman ang mga updates ukol sa sistema ng ating mga lansangan, pampublikong transportasyon at iba pa, makakausap natin ang Spokesperson ng Metro Manila Development Authority, si Asec. Celine Pialago. Magandang umaga po sa inyo, Asec.

ASEC. PIALAGO: Magandang umaga, Secretary Andanar at kay Usec. Rocky. Magandang umaga po sa ating lahat.

SEC. ANDANAR: Kumustahin po muna natin ang lagay ng MMDA dahil sa naitala po ninyong apat sa mga personnel ang nagpositibo sa COVID-19 virus. Kumusta po ang ginagawa nating measures para ma-contain ang pagkalat ng COVID-19?

ASEC. PIALAGO: Secretary, simula po kahapon sa utos po ng aming Chairman Danny Lim and GM Jojo Garcia, 2 P.M. po ay pinauwi na iyong aming mga empleyado sa MMDA para po i-disinfect lahat po ng opisina ng aming ahensiya.

So iyong pinaka-latest na tally ho or bilang po ng mga natamaan po ng COVID sa aming agency, una po iyong apat, nasundan po ng dalawa kahapon. Then, kanina po tinawagan ko uli si Dra. Omina, may tatlo pong nadagdag doon sa bilang po ng mga nagpositibo sa COVID.

Ang disinfection, Secretary, ay tatagal po hanggang linggo. By then po, siguro puwede na hong mag-back to normal ang operations po, lalo na ho nung ilang mga opisina. Pero paglilinaw lang, Secretary, iyong traffic management, iyong mga enforcers po natin, tuluy-tuloy pa rin po sa trabaho since mayroon naman po tayong mga base at offices po sa iba’t ibang major thoroughfares.

SEC. ANDANAR: Suspended na rin po iyong operations ng MRT-3 until July 11 dahil sa rising COVID-19 infection among personnel, dahil dito ay siguradong mas marami pong gagamit ng ibang mode of public transportation. Ano po ang inyong plano dito, Asec?

ASEC. PIALAGO: Sa temporary na pagsara po ng operasyon ng MRT, nag-deploy po ang MRT-3 ng 90 po na buses for MRT-3 augmentation. Ito pong mga buses na ito, sir, noong unang araw, umalis po iyan ng 5:30; kahapon po, umalis ng 5. Pero sa natanggap po nating instruction, of course, sa pangunguna po ni Secretary Art Tugade ay ang una pong dispatch na po ay 4 in the morning so para ho alalayan iyong ating mga commuters.

Ngayon po, ang nagiging papel po ng MMDA, apat na bus stops po sa median lane ang nagagamit na sa ngayon – 4 out of 16. Ito po iyong Main Avenue, Santolan, Ortigas po at saka Guadalupe. Sa ngayon po, lahat po ng mga bus stops kinukumpleto pa po natin iyong mga concrete barriers, lalagyan din po iyan ng mga elevators for our senior citizens and PWD. Iyon po ang ginagawa paghahanda ng MMDA.

Mayroon din po kaming naka-deploy na nasa mahigit limang traffic constable kada bus stop at saka po isang motorcycle rider para po alalayan iyong ating mga commuters.

SEC. ANDANAR: Linawin lang po natin kung anu-anong klaseng mga vehicles or public transportation ang puwedeng bumiyahe dito sa Metro Manila dahil marami din po ang mga commuters na walang masakyan papunta at pauwi galing trabaho?

ASEC. PIALAGO: Well, sa ngayon po, Secretary, dahil pinapayagan naman ho iyong for example, iyong UV Express – sila po ay nakakabiyahe na, following lang po iyong direction ng LTFRB sa kanilang mga ruta – so maaari na po silang bumaybay sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila. Of course, hindi po mawawala ang mga city buses, P2P buses at saka po iyong mga buses for augmentation. Sila po ay makikita natin sa mga major thoroughfares.

Lahat po ng pribadong sasakyan hindi po sila pinagbabawalang bumiyahe, lifted pa rin po ang number coding scheme sa ngayon until further notice. Ang mga tricycle naman po Secretary, within local government lang naman po ito. Iyong mga modernized jeepneys po, sila rin po ay nabigyan na ng ruta, maging po ang mga traditional jeepneys po sila naman po ay nasa pangangalaga ng LTFRB. So, wala naman pong ipinagbabawal, sir. Siguro gusto lang po nating i-emphasize iyong mga hindi puwedeng dumaan sa EDSA bus way.

Hindi po maaaring dumaan sa EDSA bus way ang mga sasakyan, kahit na po ito ay red plate, kahit po taga-gobyerno ang sakay, pero nasa pribadong sasakyan po, hindi po maaaring dumaan sa EDSA bus way. Tanging government emergency vehicles lamang po, iyong mga patrol units, PNP, BJMP, MMDA, Bureau of Fire, ambulansiya at saka po mga city buses or buses for augmentation. Iyon lang po iyong mga sasakyan na makikita po natin sa EDSA bus way. But the rest naman po, Secretary, puwede naman pong dumaan dito sa ating five more lanes dedicated for them.

SEC. ANDANAR: Asec. Celine, pinapayagan na starting tomorrow ang back riding policy para sa mga mag-asawa o mag-partner ayon kay DILG Secretary Año, paano po ba iyong balak nating guidelines dito. May mga documents po ba na kailangang ipakita sa mga checkpoints na talagang mag-asawa o mag-partner ang dalawa?

ASEC. PIALAGO: Yes, Secretary. DILG p po ang nag-announce, so we are really assumed na national po ang magiging approach ng pagpayag sa angkas. Ngayon, sir kami po sa MMDA, kami po ay mananawagan at magbibigay ng advice sa ating mga kababayan na dalhin po natin iyong ating mga valid IDs, any document po na magpapatunay na kayo po ay magkasama sa iisang bahay, dalhin lang po natin iyan dahil matagal na pong hinihintay ng ating mga kababayan na payagan po iyong angkas.

So, kung ano po iyong maging guidelines ng DILG Secretary, susundin po natin ito, pero kami po sa MMDA ay maaga pong magbibigay ng advice sa kanila na magdala po tayo ng mga supporting documents, napakaimportante po niyan. Nakita po namin sa guidelines, sa unang anunsiyo po ni Secretary Año, papayagan ang mag-asawa, common-law husband/wife, girlfriend, boyfriend as long as nasa iisang tahanan po sila.

Nakatanggap po kami ng mga questions kung paano po kapag kapatid naman, kaanak na ia-angkas, so iyon lang po iyong bibigyan lang din ho namin ng linaw sa ngayon. Pero again, kung anuman po iyong ibabang guidelines ng DILG, please bring all of your supporting documents para wala po tayong problema sa ground.

SEC. ANDANAR: Panghuling tanong na lang po, Asec. Celine Pialago. Kapansin-pansin po, based on my observation mukhang successful naman itong bagong bus lanes sa EDSA, mas mabilis iyong biyahe. Pero batay po sa inyong pag-aaral, has this been successful?

ASEC. PIALAGO: Yes, Secretary. Noong panahon po na wala pang COVID sa bansa, 4,600 iyong mga buses all over Metro Manila, 2500 po diyan concentrated sa EDSA. Ngayon po with the EDSA bus way, ang authorized unit po ay 550, dine-dispatch po iyan every three minutes, iyong ating mga commuters po, hindi sila nakakalat sa mga bangketa, mayroon pong designated bus stops, mayroon pong tamang tawiran, kinukumpleto lang po lahat ng ating 16 bus stops. Sa ngayon, Secretary 80%, almost complete na po iyong mga naiwan na bus stop, elevators na lang po ang hinihintay at mga concrete barriers. Then magiging fully operational na po iyan by august to September, iyon po iyong inaasahan natin at iyan din po iyong nakikita natin.

Effectivity, Secretary, iyong biyahe po, nag-inspect po si Chairman Danny Lim, si GM Jojo Garcia, halos everyday po ine-inspect kung ilang oras po iyong tatahakin. Nakakatuwa, Secretary dahil iyong dating EDSA na 2 to 3 hours, bumaba po ng 45 minutes, kasama na po iyong paghinto sa ilang mga bus stops.

SEC. ANDANAR: Wow, congratulations to you, congratulations to Chairman Danny Lim at kay GM Jojo. Oo nga pala, minsan ay may nakita akong mangilan-ngilan lang na mga pasaway sa gilid, siguro naman hinuhuli iyong mga iyon ano, kahapon mga dalawang pasaway na bus na nasa kanan pa rin, hinuhuli naman siguro ng MMDA iyon?

ASEC. PIALAGO: Tama, Secretary. Lalo na po kapag galing po ng Quezon Avenue to Ayala. Ito po kasi iyong scheme, Secretary: Monument po hanggang Quezon Avenue, nasa kanan pa rin po sila, kasi hindi pa po tapos iyong bus stops doon. Paglagpas po ng Quezon Avenue, papasok po sa median lane, dire-diretso po iyan, pero apat na bus stop lang po iyong puwedeng babaan, main avenue, Santolan, Ortigas po at saka Guadalupe.

Pagdating po ng Guadalupe, Secretary lalabas ulit sa kanan, so from Ayala to PITX, nasa kanan na po sila. So, dapat wala po tayong makitang bus sa kanan from Quezon Avenue to Guadalupe. Kapag mayroon, Secretary, rest assured po nahuhuli po iyan dahil effective naman po ang ating no contact apprehension policy kahit po nasa gitna tayo ng pandemya.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong panahon, Asec. Celine Pialago, Spokesperson ng MMDA.

All right, diretso na po tayo sa iba pang mga panauhin natin, Rocky?

USEC. IGNACIO: Makakasama na po natin si DOLE Secretary Silvestre Bello III? Secretary Bello?

SEC. BELLO: Hello, Rocky, good morning.

USEC. IGNACIO: Secretary, unahin ko na lang po iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media, mula po kay Joseph Morong muna: Kailan daw po papayagan iyong mga nurses na makaalis ng Pilipinas?

SEC. BELLO: Pinag-aaralan pa namin iyan, rocky, kasi alam mo naman mayroong Inter-Agency Task Force resolution na ipinagbabawal muna ang deployment ng mga nurses and medical workers habang may pangangailangan tayo sa kanila. Pero may exception naman iyan eh. Iyong mga nakakuha ng OEC noong March 8 to 24 ay exempted naman sila doon sa extension ng deployment.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong po ni Tina Mendez ng Philippine Star: May mga kababayan po tayo na natalaga ng Branch of—Operations Manager for Niwi International Kenya since April 5, 2019. Hind po daw siya makabalik ng bansa maliban sa may lockdown, may ilang reklamo daw po na kinakaharap ng kumpanya at iniwan na siya ng mga boss niya na nandito na sa Pilipinas. Ano po bang tulong ang maaaring ipaabot sa kaniya ng ating gobyerno, ano po ang dapat gawin ng ating kababayan kaugnay nito? Iyon daw po, Secretary, Niwi International is a networking company na naka-base sa Pilipinas ang has been in operation since 2018 in Africa and in Asia.

SEC. BELLO: Ah, ganito iyan. Unang-una alamin mo kung ano ang problema niya, kung problema niya ang pag-uwi tutulungan natin siyang umuwi. Kung mayroon siyang claim against iyong employer, pagbalik niya dito sa Pilipinas, tutulungan natin siya sa kaniyang reklamo sa kaniyang employer.

USEC. IGNACIO: Opo, Secretary tanong naman po ni Sam Medenilla: Ilan na daw po ang COVID affected OFWs ang natulungan ng pamahalaan at kailan po magi-start ang reintegration program para po sa mga OFWs?

SEC. BELLO: Iyong reintegration program, Rocky, ongoing iyan. As soon as you are repatriated to the Philippines and you do not want anymore to be redeployed, you are entitled to the reintegration program of the OWWA, iyong Overseas Workers Welfare Administration, entitled po siya bilang OFW.

USEC. IGNACIO: Secretary tanong pa rin ni Sam Medenilla: Mayroon po ba kayong nabigyan ng assistance na pamilya; 274 OFW remains mula po sa Saudi Arabia? Kung may natulungan ilan po kaya ang nabigyan at magkano daw po ang assistance na naibigay sa mga pamilya?

SEC. ANDANAR: Mayroon. Lahat iyong 274 na inuwi natin na namatay na kababayan natin ay mayroon silang bereavement benefits. Ngayon karamihan diyan sigurado ako ay mayroong insurance coverage, kasi hindi ka naman puwedeng ma-deploy kung hindi ka covered ng insurance. So, lahat ng mga iyan will be entitled to the 10,000 death benefits from the insurance companies.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Sam pa rin: Mayroon na po bang action ang DBM sa request po ng DOLE para sa additional P2.5 billion funds for AKAP Program?

SEC. BELLO: Sa ngayon, Rocky, wala pang action on our request but we are confident that the President, knowing his bias for OFWs eh hindi matatanggihan ng ating Pangulong Duterte ang mga OFW natin.

USEC. IGNACIO: Secretary, last question po from Kris ng—last question po mula sa media, kay Kris Jose ng Remate: Iyon daw pong nanay ni Fabel Pineda, iyong kinse anyos na pinatay matapos pong ireklamo ng panghahalay ang dalawang pulis sa Cabugao, Ilocos Sur noong Huwebes, ay humihingi daw po ng tulong sa pamahalaan na tulungan daw siyang makauwi sa Pilipinas para naman daw po masilayan niya sa huling sandali ang anak niyang si Fabel.

Si Blessie Torres po ang ina ni Fabel ay isang overseas worker sa Kuwait, may posibilidad po ba na matugunan po ng pamahalaan ang kaniyang hinihinging tulong na makauwi ng Pilipinas?

SEC. BELLO: Hindi po, hindi po problema iyon. Ibigay lang sa amin ang pangalan ng nanay nung bata at ipa-prioritize namin siya sa pagre-repatriate ng mga OFWs na galing sa Kuwait.

SEC. ANDANAR: Alright…

SEC. BELLO: Okay? Sec. Mart?

SEC. ANDANAR: Ano po ang update sa pagpapauwi ng mga labi ng mga OFWs mula sa Saudi Arabia, Sec. Bebot?

SEC. BELLO: Kaya nandito ako ngayon sa Villamor Air Base, nagda-dry run kami sa pagdating ng 44 OFWs. Doon sa 44, 19 ang COVID, iyong 25 natural causes. They will be arriving tomorrow at 10:55 and they will be met (garbled) kasi ang magko-cover dito PTV 4 lang daw eh.

SEC. ANDANAR: Okay. Tayo po ba ay hihingi muli ng bagong extension sa Saudi government?

SEC. BELLO: Mayroon naman. In fact, iyong 44 will be followed by another 44 on Sunday. Darating na naman dito sa Monday and we will do that until we have repatriated all our dead OFWs.

SEC. ANDANAR: Ano po ulit ang protocols natin, Sec. Bebot, na ipatutupad para sa mga maiuuwi pong mga labi dito po sa ating bansa?

SEC. BELLO: Okay. Sec. Martin, pagdating na pagdating ng mga OFWs, iyong mga COVID deaths, iyong namatay dahil sa COVID ay agad-agad isasakay sa sasakyan ng crematorium at dadalhin sila sa crematorium at iki-cremate agad. Iyon namang namatay sa natural causes, may option iyong relatives nila – they either can get the remains of their relative or they can also agree to the cremation. By the way, of the 25 na namatay sa natural causes, already 80% of (garbled) cremated.

So, iyon ang protocol, pagdating na pagdating kapag COVID-related, cremation; kapag natural causes, bahala na iyong mga magulang at mga relatives pero they have to bury iyong kanilang kamag-anak within 24 hours. Iyan po ang protocol.

SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan lalong-lalo na sa pamilya ng mga nasawing i-uuwi na po dito sa ating bansa?

SEC. BELLO: Thank you so much, Sec. Martin, for this opportunity. I would like to inform the next of kin, the relatives of our dead OFWs, that at all cost we will repatriate all of them. Hindi man namin magawa paminsanan pero titiyakin namin na maiuuwi natin sila lahat. At pagdating nila dito po, mayroon silang bereavement benefits at mayroon din silang makukuha sa benefits under their insurance.

Kaya maghintay-hintay lang po kayo, gagawan natin lahat dahil ito ang utos ng ating Pangulo na kailangang maiuwi natin lahat ag ating mga kababayan dead or alive.

SEC. ANDANAR: Marami pong salamat, Sec. Bebot Bello ng Department of Labor and Employment

SEC. BELLO: Okay, Thank you! Thank you, Sec. Mart!

USEC. IGNACIO: Samantala, inilunsad ng pamahalaan noon lamang pong May 20, 2020 ang Balik Probinsiya Bagong Pag-asa Program upang matulungan ang ating mga kababayan na nais na makauwi sa kani-kanilang mga probinsiya.

Pansamantala muna itong ipinagpaliban upang bigyan-daan ang Hatid Tulong Program na layon din pong mapauwi ang mga kababayang stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine.

Para po sa iba pang detalye, panoorin po natin ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa punto pong ito, dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa, makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORT BY GOODY SARSAGAT]

[NEWS REPORT BY PAUL TARROSA]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.

[AD]

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin si Breves Bulsao mula sa PTV Cordillera.

[NEWS REPORT BY BREVES BULSAO]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Breves Bulsao

USEC. IGNACIO: Mula po sa PTV Davao, may ulat naman ang ating kasamang si Regine Lanuza.

Regine?

[NEWS REPORT BY REGINE LANUZA]

USEC. IGNACIO: […] ng PTV Davao.

SEC. ANDANAR: Mula naman sa PTV Cebu, may ulat si John Aroa.

[NEWS REPORT BY JOHN AROA]

SEC. ANDANAR: Daghang salamat, John Aroa.

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary, dumako naman po tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa.

Base po sa tala ng Department of Health as of July 8, 2020, umabot na po sa 50,359 ang total number of confirmed cases. Nadagdagan ng limang katao ang mga nasawi kaya po umabot na ito sa 1,314 ang total COVID-19 deaths.

Sa kabilang banda, ang bilang naman po ng mga nakaka-recover ay umakyat pa rin sa 12,588 with 202 new recoveries recorded as of yesterday.

Muli naman pong naitala ang pinakamataas na single day increase of new COVID-19 cases kahapon na umabot sa 2,539. Mula po sa NCR ang 1,066 COVID-19 positive cases; habang 443 cases naman mula sa Region VII at ang 1,030 cases naman ay mula sa iba pang rehiyon sa ating bansa. Ang kabuuang bilang ng ating mga active cases ay 36,457.

Kaya po hindi kami magsasawang ipaalala sa lahat ang physical distancing, tamang pagsusuot ng face mask at palagiang paghuhugas ng kamay. Tandaan, sa pagsunod po at pakikiisa sa ipinatutupad na guidelines ng ating pamahalaan, makakatulong po kayo upang tuluyan na nating mapagtagumpayan ang ating laban sa COVID-19.

Bahay muna, buhay muna.

SEC. ANDANAR: At iyan ang mga balitang nakalap natin ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang oras sa pagbibigay linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman po ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

SEC. ANDANAR: Asahan ninyo po ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga update sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

USEC. IGNACIO: Mula po ng Presidential Communications Operations Office, ako po si USec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: At mula rin po sa PCOO, ako si Sec. Martin Andanar. Magkita-kita po tayo muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)